$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

The Guy From PR (Part 30) Finale

By: JB Naghihintay kami ng taxi sa gilid ng kalsada, si Michaela ay kating-kati nang malaman mula sa akin ang lahat ng pinag-usapan namin...

The Guy From PR

By: JB

Naghihintay kami ng taxi sa gilid ng kalsada, si Michaela ay kating-kati nang malaman mula sa akin ang lahat ng pinag-usapan namin ni Rex sa loob ng bar.

Michaela: Huy Gab! ano na?

Nagpanggap ako na normal lang ang nararamdaman at hindi naiintindihan ang excitement ni Michaela at maging ang laman ng katanungan niya.

Ako: huh?

Michaela: ano na? anong napag-usapan niyo ni Rex? nangangamoy second chance ba? haha

Hindi ko na mapigilan ang hindi mapangiti sa harap ni Michaela, kahit nagpakita ng ngiti ay ipinagsalubong ko pa rin ang mga kilay ko at itinago pa rin ang labis na kasiyahan. Kasama rin kasi namin si Matteo at sigurado akong hindi siya sanay sa ganoong klaseng usapan kasama ako, baka makaramdam siya ng pagkailang.

Ako: Nagkamustahan lang kami, nagkwentuhan. Yun lang.

Michaela: Weh? yun lang? eh ano yung pakandong-kandong?

Ako: hahaa oo nga yun lang!

Ako: tsaka hindi ako kumandong sa kanya, hinila niya ako papunta sa kanya.

Michaela: gustong-gusto mo naman.

Ako: Ewan ko sa'yo!

Mahirap paniwalaan para sa akin ang mga huling naganap ng gabing iyon, parang isa iyong panaginip. Hindi ko na inakala na magkukrus pa ang landas namin Rex, at lalong hindi ko naisip na sinadya pa iyon ni Rex para lang magkita kami ulit. Habang nasa loob ng taxi ay nag-usap pa kami ni Michaela, nasa tabi ng driver nakaupo si Matteo kaya't mahina lang akong nagsalita at binato ko si Michaela ng kung ano-anong katanungan tungkol sa mga napag-usapan din nila ni Rex sa chat, gusto ko nang ibigay niya sa akin ang phone niya at halungkatin lahat ng usapan nila ni Rex.

Michaela: Basta Gab! yun na yun! di ba nag-usap na kayo..

Ako: anong yun na yun?

Michaela: Yun nga, ilang beses kami nagkachat ni Rex, gusto niya ng maraming update tungkol sa'yo pero tipid lang ako magchat sa kanya.

Ako: paanong tipid?

Michaela: yung tipong.....sasabihin ko...na ok lang si Gab, buhay pa naman siya, na single pa siya, tapos nagkabf, tapos single ulit.

Ako: hahahaa ganun lang?

Michaela: uhh oo, tinanong ko din siya kung bakit.. gusto pa niyang malaman ang mga nangyayari sa'yo at kung bakit gusto niyang makipagkita....

Michaela: eh hindi naman niya ako sinasagot, ang sinasabi niya lang...gusto ka lang niya makausap. Kaya yun nga, tinulungan ko siyang magkatagpo kayo.

Ako: Bakit di mo na lang sinabi sa'kin?

Michaela: Well, gusto ka niya raw isurprise.

Ako: ang galing niyo ah!

Michaela: Hahaa I'm having a good feeling sa mangyayari sa inyo ni Rex.

Michaela: I'm happy for you bes!

Kita ko naman na masayang-masaya ang bestfriend ko para sa akin, nakakatuwang isipin na siya pa ang naging tulay sa pagkikita namin ni Rex at naging susi para mabuhay ang pag-asa sa akin, malaki ang pasasalamat ko sa bestfriend ko.

Tuwa at saya lang talaga ang nananaig sa pakiramdam ko, gusto ko lang itong itago kay Michaela pero parang kusa na lang ang pagngiti ko dahil sa napakagandang gabing iyon. Kapag nasisilayan ni Michaela ang ngiti sa mukha ko ay kiliti at pang-aasar ang inaabot ko sa kanya.

Wala akong ibang inisip hanggang sa pag-uwi ko kundi si Rex lamang, mas nananalo ang sinasabi ng puso ko sa pinipilit kong isiksik sa utak ko, na huwag na sanang mabaliw pa kay Rex. Totoong hindi nawala sa puso ko at sa isipan ko si Rex. Matagal ko lang na itinatanggi iyon sa sarili ko. Pagkapasok ko sa bahay ay tahimik na sa loob at tulog na ang mga tao. Diretso ako sa aparador ko at nilabas lahat ng materyal na bagay na galing kay Rex noon. Ang relo, kwintas, t-shirt, long sleeves, at ang boxer shorts niya. Habang iniisip ang appearance ni Rex at ang oras na nag-uusap pa kami sa loob ng bar, ay napayakap ako sa mga gamit na iyon na pinagsama-sama ko. Bumalik na ang lahat ng alaala na naiwan sa akin ni Rex, pinagdarasal ko na sa pagkikita naming iyon ay bumalik na rin ang nawalang samahan at relasyon namin noon.

Kinabukasan at ilang oras na lang ang nalalabi ay papasok na ulit ako sa trabaho, ngunit hindi ako makatulog ng gabing iyon, tila ginagambala ako ni Rex, parang ikot lang siya ng ikot sa utak ko. Nararamdaman ko na naman ang naramdaman ko pagkatapos ng una naming pagkikita ni Rex at pagkatapos ng gabi na naging official na kaming magbf noon. Nag-uumpisa na akong mabaliw sa kakaisip sa ex ko, hindi ko na makontrol ang sarili. Madaling araw na ng maisip ko na magbukas ng aking facebook account, pumunta ako sa profile ni Rex at inaccept ang friend request niya, gusto ko siyang imessage noon pero nadapuan ako ng hiya, ayokong ako ang unang magchat sa kanya, gusto kong malaman kung talagang may gusto at may importanteng sasabihin sa akin si Rex na hindi ako nagtatanong o gumagawa ng first move.

Alas tres ng makatulog ako, kinabukasan ng umaga, nang madilat ko na ang mga mata ko ay agad ang pagbangon ko, kahit labis pa rin ang kaantukan ay dinampot ko ang phone ko at tiningnan kung nagchat si Rex. Walang chat si Rex, hindi ko naman inasahan na magtetext siya dahil hindi naman kami nagbigayan ng mga bago naming number, nabanggit din ni Michaela na hindi naman daw nito binigay kay Rex ang number ko dahil baka raw magalit ako. Nang umagang iyon ay tanging chat lang mula kay Rex ang hinihintay ko, mula sa biyahe hanggang sa marating ko ang office ay wala nang ibang laman ang utak ko kundi si Rex at ang mga huling sinabi niya kagabi. Habang nasa work ay hindi ako makapagconcentrate, pansin iyon ng halos lahat ng kaoffice mate ko, si Matteo, kapag napapatingin sa akin ay lamalaki ang ngiti at umiiling-iling. Ginawa ko ang makakaya ko para matapos ko lahat ng task ko sa office. Nang mag-alas otso na ay nag-out na ako, si Matteo ay pinauna na ako at hindi na sumabay sa akin, ika niya ay hanggang 10pm pa siya sa office. Nakaramdam na ako ng sakit ng ulo ng gabing iyon habang nasa loob ng elevator. Ang sakit na iyon ay magkahalong hangover, labis na pagkatutok ko sa computer at syempre, labis ring pag-iisip tungkol kay Rex at sa lahat ng naganap ng huling gabi.

Nakalabas na ako sa building kung nasaan ang office na pinagtatrabahuan ko, nakailang hakbang na ako papalayo sa building nang marinig ko ang pangalan ko mula sa isang lalaki na sumisigaw. Ang boses na iyon ay parang narinig ko lang nung huling gabi sa paggimik ko. Napatigil ako sa paglalakad, hindi ako lumingon agad, hindi na lang ang boses ng lalaki ang naririnig ko, pati ang hakbang nito ay naririnig ko na rin, nang maramdamang nasa likod ko na ang tumatawag sa akin ay humarap na ako. Tama ulit ang inasahan ko, si Rex nga ang tumatawag sa akin. Hindi na siya nakasuot ng eyeglasses, bumungad sa akin ang nakakatunaw niyang tingin, nakalong sleeves pa siya na light green, nakaslacks at black shoes kaya gayon na lamang ang ingay ng hakbang niya.

Ako: Ahh...Rex, bakit ka nandito?

Rex: pinuntahan ka.

Ako: Ah eh....bakit?

Nakatitig lang ako kay Rex, malilikot ang mga mata niya, hindi na nanatili ang mga tingin niya sa akin at pansin ko na medyo nahihiya siya habang nagsasalita.

Rex: Kasi....di tayo...nakapag-usap ng maayos kagabi, may sasabihin pa dapat ako.

Ako: Ahhmm...ano ba yon?

Rex: Ah Gab...pwede bang...kumain muna tayo tapos....tsaka ko na....sasabihin sa'yo.

Rex: Ok lang ba?

Hindi naman ako nagdesisyon pa ng matagal, kahit pagod ay nanaisin ko pa rin naman talaga siyang makasama. Sa loob ng matagal-tagal na panahon ay nakaupo ako muli sa loob ng sasakyan ni Rex at napagmamasdan ko na naman siya sa tabi ko na hawak-hawak ang manubela. Ang bilis ng pangyayari ng gabing iyon, galing lang ako sa trabaho at pagkatapos ng trabaho ay kasama ko na si Rex sa hindi ko pa inaasahang pagkakataon.

Rex: kamusta ka naman Gab? hindi ba sumama ang pakiramdam mo?

Ako: medyo sumakit yung ulo ko.

Ako: ako ba dapat ang nagtatanong niyan?

Rex: hmmm..bakit?

Ako: ikaw yung lasing na lasing kagabi. hahaa

Agad na napahalakhak si Rex sa mga sinabi ko. Nakakatuwa siyang pagmasdan habang tumatawa ng malakas, isa din yon sa mga namiss ko sa kanya.

Ako: so...ikaw kamusta ka?

Rex: sumama talaga pakiramdam ko, pero kailangan ko kasi talaga pumasok.

Ako: ahhh...ininuman mo na ba ng gamot yan?

Rex: oo mahal...

Parang tumaas ang mga balahibo ko at napatigil ako sa paghinga nang tinawag ako ni Rex na "mahal". Sa pagkabigla ay napatingin ako sa bintana ng sasakyan sa gilid ko at napakagat sa aking labi.

Rex: Gab pala.. sorry. hahaa

Nang maibalik ang tingin sa kanya ay nakita ko siyang napatakip sa kanyang bibig, tinatakpan ang kanyang pagtawa. Pinanatili ko ang pananahimik at pagpigil sa aking reaksiyon. Para mawala ang pagkailang ay nagbukas na lang ako ng ibang usapan.

Ako: Paano mo nga pala nalaman kung saan ako nagtatrabaho?

Rex: Alam mo naman siguro kung sinong nag-inform?

Ako: Si Michaela?

Rex: Nope.

Ako: Haa?

Rex: si Matteo.

Nabigla ako sa nalaman, kaya pala panay din ang ngiti sa akin ni Matteo nung nasa office pa ako at minamadali rin ako pababain at paalisin sa office.

Ako: Paano naman?

Rex: Nagkachat lang kami kanina.

Rex: Actually nabanggit mo na sakin kagabi, pero sinigurado ko lang kay Matteo.

Ako: Bakit hindi na lang ako yung tanungin mo? friends na naman tayo ulit sa fb e.

Rex: Alam ko....friends ulit! tayo...at inaccept mo na yung matagal ko nang friend request sa iyo

Ako: hahahaa.....eh bakit nga hindi na lang ako yung chinat mo?

Rex: Ahh....surprise ulit. hahaa

Nagngitian lang kami ni Rex sa oras na iyon, napahawak ako sa dibdib ko, ang puso ko ay parang kumakatok sa bilis ng tibok.

Ilang minuto lang ay nabatid ko na agad ang destinasyon namin. Binabaybay na namin ang Roxas Boulevard, nakatatak ang lugar na iyon sa akin at sigurado akong kay Rex din. Ilang sandali lang ay nagpark na si Rex sa isang parking area na hindi na rin bago sa paningin ko. Naalala ko pa ang lugar na iyon, sa lugar at hilera na iyon nagpark si Rex noong unang pagkikita namin. Dahil sa mga naalala ay inasahan kong kakain din kami sa restaurant na unang pinagkainan namin ni Rex noon. Hindi ako nagkamali dahil doon nga ako dinala ni Rex. Paputol-putol ang pag-uusap namin ni Rex habang kumakain, hindi kasi ako gaanong umiimik, nagsasalita lang ako kapag kinakausap ako ni Rex. Napapaisip pa kasi ako sa mga sandaling iyon tungkol sa ginagawa ni Rex, para bang pinapaalala ni Rex sa akin ang mga pinakaunang alaala namin na magkasama. Excitement at kaba na ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon, pumasok na sa isip ko na maaaring magtapat na si Rex sa akin tungkol sa totoong sadya niya.

Paglabas sa restaurant ay naglakad na kami papunta sa parking area, hindi ko na napansin na mabilis na ang lakad ko at nauuna na ako kay Rex. Habang patuloy ang pag-usad ko sa paglalakad ay tinawag ni Rex ang aking pansin mula sa likuran ko at pinahinto. Nagkatinginan kami ng diretso, hindi na alam ni Rex ang sasabihin niya dahil sa titig na titig kami sa isa't-isa, napakamot siya sa ulo bago magsalita.

Rex: nakalimutan ko yung sasabihin ko..sige na nga, tara na..

Pinagpatuloy ni Rex ang paglalakad niya, umasa ako na hahawakan ni Rex ang kamay ko sa lugar na iyon dahil doon mismo sa daanang iyon una kaming nagholding hands. Nakakailang hakbang pa lang si Rex nang tawagin ko siya sa malakas kong boses. Agad siyang huminto, lumapit ako sa kanya, dinikit ko ang palad ko sa palad niya, at sa puntong iyon ay sabay na nagtiklop ang mga daliri namin. Nanlagkit ang mga tingin namin sa isa't-isa, tinungo namin ang parking area ng magkaholding hands. Hindi pa namin nalalapitan ang kotse ni Rex nang tumigil kami sa tabi ng isang malaking puno na naiilawan ng poste. Gumagalaw ang kamay ni Rex na nakahawak pa sa kamay ko. Alam kong magsasalita si Rex sa sandaling iyon, hindi niya ito natuloy dahil naunahan ko na siya.

Ako: uhmm....so...pupunta na tayo sa seaside?

Rex: uh hahaa...sana.

Rex: pero...sa tingin ko hindi na kailangan.

Inikot ni Rex ang paningin niya sa paligid, inalam kung may mga tao malapit sa kinatatayuan namin.

Rex: mukhang tahimik dito, walang katao-tao...

Humigpit ang hawak ni Rex sa kamay ko, umatras kami ng kaunti papalapit sa puno.

Rex: Sasabihin ko na sa iyo lahat ng.....gusto kong sabihin.

Rex: Uhh...paano ko ba sisimulan..

Napahinga ng malalim si Rex at napalunok, inihanda niya ang kanyang sarili. Animo'y isa siyang estudyante na magsasagawa ng isang presentation sa harap ng isang professor.

Ako: sige na Rex, sabihin mo na.

Rex: Gab...talagang...pinagsisihan ko na...hiniwalayan kita....yun ang inisip kong paraan para mabawasan yung mga problema mo....hindi ko alam na....bumigat pa pala yung dinala mo, sorry....sorry sa ginawa kong yon..

Rex: Kung alam mo lang din Gab...nagdusa din ako, hindi rin naging madali sa akin.. umiyak ako, kinakausap ko ang sarili ko, sinasabihan ko ng tanga ang sarili ko, gusto ko nang saktan yung sarili ko noon Gab...

Napayuko ako habang seryoso sa pagsasalita si Rex, sa puntong iyon ay pinipigilan ko pa ang maiyak. Lumabas sa imahinasyon ko ang naging sitwasyon ni Rex noon nung kakahiwalay lang namin. Hindi ko pa naisipang magsalita at hinayaan pang magsalita si Rex.

Rex: Gusto kong magmove-on, pero..pero.. nahirapan akong gawin yun, naging matamlay ako sa trabaho, iniisip ka. Ichachat pa sana kita noon pero nangingibabaw ang pride ko, buo na ang desisyon ko noon na hindi ka na gambalain at panindigan ko na ang ginawa ko....sinubukan kitang kalimutan, pinilit ko na alisin ka na sa isip ko....lahat ginawa ko...nagkagf pa ako pero nagbreak din kami agad kasi....hindi ko mahanap sa kanya yung gusto ko, hindi ko mahanap sa kanya yung mga traits na meron ka....gusto ko....na katulad mo rin ang maging jowa ko...pero wala e! mahirap na pala makahanap ng katulad mo Gab...at the end of the day, ikaw at ikaw rin pala ang hahanapin ko.

Sobra nang tumatagos sa puso ko ang madamdaming pahayag ni Rex, unti-unti nang may namumuong luha sa mga mata ko. Tuloy-tuloy pa rin si Rex noon na ipahayag ang damdamin niya at sabihin lahat ng nais niyang sabihin sa akin.

Rex: Naisip ko noon...baka sa paghaba pa ng araw, habang tumatagal, makalimutan rin kita...pero.. bakit ganun...hindi ka mawala sa isip ko. Ilang buwan na ang nagdaan non pagkatapos nating maghiwalay, humupa yung sobrang...pag-iisip ko tungkol sa'yo pero...bumabalik-balik ka pa rin sa isip ko.

Rex: Ilang beses kong naisipan na....magparamdam sa'yo kaso nakikita ko naman kasi noon na...masaya ka na. Nalaman ko rin...na unfriended mo na ako sa facebook, doon ko na napag-isip isip na...gusto mo na talagang mawala ang lahat sa atin, tatanggapin ko na yon pero Gab....nagkakaroon pa rin ng dahilan para....para maaalala kita.

Ang lamig na ng boses ni Rex, tila paiyak na siya habang nagkekwento sa akin, ang alam ko noon ay mas madali para kay Rex na makalimot pero pareho lang pala kaming nahirapan na magmove-on noon, nakakatuwa at nakakatunaw ng puso na malaman ang lahat ng iyon. Hindi ko na napigilan at tumulo na ang luha ko habang nakayuko at nakikinig kay Rex.

Rex: Natuwa ako para sa'yo nang makagraduate ka, yun yung gusto ko para sa'yo nung tayo pa.. dumating yung time na gusto na kitang makita ulit, nung nalaman ko na...may trabaho ka na, binalak ko nang kitain ka. Kinausap ko na yung bestfriend mo para humingi ng tulong pero sa kasamaang palad, may bago ka na palang bf. Gab....kung alam mo lang, sobra pa rin akong naapektuhan. Dapat susuko na ako pero bakit parang may pag-asa pa din akong nararamdaman, hindi ko iyon maintindihan hanggang sa malaman ko kay Michaela na wala na kayo ng bf mo. Kinulit ko na si..Michaela, pinilit namin na magtagpo na tayo, gusto kong makita ka ulit...

Sa pagkakataong iyon ay kinuha na ni Rex ang isa ko pang kamay, inilapit pa niya ako sa kanya at mas mahinang nagsalita.

Rex: Gab.....hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya nang makita kita ulit at makausap. Pagkatapos ng gabi na nagkita ulit tayo.....hindi na mapakali ang utak ko, sabik ako agad na makita ka ulit kaya pinuntahan na kita sa trabaho mo.

Iniangat ni Rex ang pagkakababa ng ulo, napatingin ako sa kanya, lumuluha pa rin ako dahil sa hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari at lalong-lalo na sa mga narinig ko mula kay Rex, basa na ang mga mata ni Rex at lumuluha na rin pala siya ng mga oras na iyon. Pagkasalubong ng mga mata namin ay napapikit ako at narinig na mula kay Rex ang tunay niyang sadya sa pakikipagkita sa akin.

Rex: Gab...ginagawa ko ito....dahil gusto kong maibalik lahat ng nawala sa atin, gusto kong ibalik ang....kung anong meron tayo dati. Gusto ko na..magbalikan tayo..

Hindi ako makapagsalita, sumusunod ang mga tingin ni Rex sa mga mata ko, ilang segundo lang ay binitawan ni Rex ang mga kamay ko, isa-isa niyang tinanggal ang pagkakakabit ng mga butones sa polo niya, sa pagbukas ng itaas na bahagi ng polo niya ay tumambad ang isang kwintas na suot-suot niya at nakatago pala sa loob ng long sleeves na polo niya, ang kwintas na iyon ay ang couple necklace pala namin, nang mahubad na niya ang polo ay nalaman ko na ang suot niyang panloob ay ang couple shirt namin. Magkahalong pagkamangha at pagkagulat ang naramdaman ko, lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Nang maipakita na ni Rex iyon sa akin ay ipinatong niya ang isang kamay ko sa dibdib niya, napakapa ako sa pendant ng kwintas.

Rex: Pinahalagahan ko pa rin ang mga bagay na ito, hindi ka nawala sa alaala ko Gab.

Rex: At sa lahat ng sinabi ko....isa lang ang ibig sabihin non...

Rex: Mahal pa rin kita...mahal pa rin kita Gab..

Iginalaw ni Rex ang kamay ko sa kanyang dibdib at ipinaramdam sa akin ang kabog ng puso niya.

Rex: Ito! itong puso ko? ikaw pa rin ang tinitibok niyan, ikaw pa rin ang sinisigaw ng puso ko.

Mahina na akong napahagulgol sa iyak nang malaman at makumpirma lahat ng iyon mula kay Rex. Si Rex ay naririnig ko na rin ang pag-iyak, ang mga luha niya ay pumatak sa kamay ko na nakalapat pa rin sa dibdib niya

Rex: Gusto kong....gusto...kong malaman sa'yo Gab...kung mahal mo pa ako...o kung may....may natitira ka pang pagmamahal para sa akin.

Pinahupa ko muna ang sarili ko sa pag-iyak. Magkahawak pa rin ang dalawang kamay namin ni Rex, gustong-gusto ko na rin magtapat kay Rex at gamitin na ang pagkakataon na iyon para aminin ang pagmamahal ko sa kanya na hindi kailanman nawala.

Ako: Totoo na.....nasaktan ako, naaapektuhan ako....nang sobraaa sa paghihiwalay natin. Di ko mapaniwalaan to.....

Ako: Akala ko.....ma..saya ka na sa iba..mali pala ako

Ako: Binigyan ko pa rin ng halaga lahat ng mga materyal na bagay na nanggaling sa'yo kahit ang alam ko...ay wala ng pag-asa sa ating dalawa.

Ako: Hindi ko alam...parehas pala tayo ng.....sitwasyon at pinag..dadaanan....hanggang ngayon....Rex! nasa puso't isip pa rin kita....kahit anong nangyari, kahit kailan....hindi ka nawala sa puso at sa isip ko..

Ako: Rex....

Ako: mahal din kita! mahal.....pa rin kita.

Lalong napaiyak si Rex sa narinig niya, titig na titig ako sa kanya, ang mga mata niya ay tila nagsasalita rin sa matinding emosyon na nararamdaman. Lalo pa kaming naglapit ni Rex, napakapit ako sa balikat niya sa paglapat niya ng mga kamay niya sa pisngi ko, pinunasan niya ng mga daliri niya ang luha ko, kasunod non ay inilapat niya ang noo niya sa aking noo, sa pagkakadikit ng mga noo namin ay nagdikit din ang mga ilong namin, rinig na rinig ko ang kakaibang paghinga ni Rex dahil sa pag-iyak.

Ako: Mahal kita Rex! walang nagbago don.

Rex: Yan ang gusto kong marinig mula sa'yo....mahal.

Mula sa pagkakadikit ng aming mga noo at ilong ay unti-unti na ring lumapat ang labi ni Rex sa labi ko. Habang may mga luha pa rin sa mga pisngi ay nagbigayan kami ng matamis na halik sa isa't-isa. Mabagal at dahan-dahan ang halikan namin ni Rex, dinama ko ang napakaromantic at emotional na halikan na iyon, hindi na namin iyon tinagalan pa at pumasok na rin sa kotse. Tuluyan kaming nagkabalikan ni Rex, at nangyari iyon sa isang memorable place, kung saan una rin noong nabuo ang maganda naming samahan at relasyon.

Bakas ang kasiyahan sa aming dalawa, habang nagpapalitan kami ng matatalas na tingin at matatamis na ngiti ay tumunog ang phone ko. Akala ko ay si mama o si ate ang nagtext, tiningnan ko pa ng maiigi kung sino ang nagtext, winalang bahala ko na lang nang makita kong number lang iyon, at isang stranger iyon, na nagtext sa akin noon at gustong makipagmeet sa akin.

Rex: ahhh..sino yang nagtext?

Ako: wala, yung mga nangungulit lang sa akin.

Nakahinto pa ang sasakyan namin sa gitna ng kalsada nang biglang hinablot ni Rex ang phone ko at binasa ang text messages sa akin ng stranger na iyon.

Rex: Hmmm..gusto niyang makipagmeet sa iyo.

Rex: Nagpi-PR ka pa pala...mahal?

Rex: sabi niya kasi...."I'm the guy from PR" hahaa

Ako: inaamin ko naman...mahal?...na nagPR ako ulit, kaya nga nagkabf pa ako diba?

Ako: pero ngayon hindi na...at hindi na ulit!

Ako: huwag mo nang intindihin yan.

Hindi ibinalik sa akin ni Rex ang phone ko, nagtaka ako nang ihinto niya ang kotse sa isang gilid, sa isang maliit na parking slot. Hindi pa rin niya tinigilan ang pagkalikot sa laman ng phone ko.

Ako: Rex...mahal? bakit ka huminto?

Halos pabulong na tumugon si Rex.

Rex: Ahh...may load ka ba mahal ko?

Ako: Meron...mahal....mahal ko.

Rex: Tawagan natin tong makulit na to! sasabihin ko lang na wag ka nang kulitin!

Ako: kailangan mo pa bang gawin yan?

Nagpumilit pa si Rex at talagang tinawagan pa ang estranghero na iyon. Eksaktong pagtawag niya ay may nagring ng malakas sa loob ng kotse, ang nagriring na phone ay nasa tabi lang ni Rex, phone iyon ni Rex na nakalapag sa isang lalagyan malapit sa driver's seat. Tumingin ako sa umiilaw na phone at laking gulat ko nang makita ko ang pangalan ko at ang mga numero ko. Napanganga ako at tiningnan si Rex na nakaharap sa akin at nakangiti.

Ako: Rex!! ikaw itong...nagtetext sa akin...si...."MagicalSurprise".

Binaba ni Rex ang phone ko at tumabi sa akin.

Rex: Oo Gab! diba? nasurprise ka ulit. hahaa

Ako: Totoo ba to?

Sa pagkakadikit namin ay nakanakaw ng halik si Rex sa akin, kasunod non ay ang pagbulong niya sa akin, parang may dumaloy na namang kuryente sa buong katawan ko sa nakakahalinang boses ni Rex.

Rex: Oo mahal, I'm....

Rex: ...the guy from PR! hahaa

Ako: totoo nga naman na sa PR ka galing

Ako: Andami mong surprise sa akin, binabawian mo ako ngayon ha!

Nagkayakap kami ni Rex, nabigla man ay hindi nagbago ang labis na kasiyahan sa puso ko, hinigpitan ko ang yakap ko kay Rex at dinama ang presensya niya. Sa pagbitaw namin ay hindi na namin maiwasan ang magtikiman ng mga labi.

Rex: Mahal....hindi na kita papakawalan, hindi natin sasayangin to!!

Rex: At kahit gaano pa ako katagal maghintay na mapakilala mo ako sa pamilya mo..ok lang..ang mahalaga, mahal kita at mahal mo ako...

Napabangon ako sa aking pagkakasandal, tiningnan ko diretso sa mata si Rex, mas lalo akong nasiyahan, bigla kong naisip ang pagiging out ko, halata ko sa hitsura ni Rex na lingid pa sa kaalaman niya ang pagiging out ko sa aking pamilya. Napatanong pa rin ako sa kanya at inalam kung talagang wala pa sa kaalaman niya ang pagiging malaya ko bilang isang gay.

Ako: Hindi pa ba nasasabi ni Michaela sa'yo?

Nagkasalubong ang mga kilay ni Rex at bahagyang napabangon din sa pagkakasandal.

Rex: haaa? anong hindi pa nasasabi?

Ako: wala bang nasabi sa'yo si Michaela tungkol sa..

Rex: saan?

Ako: sa status ng pagiging gay ko.

Rex: hindi ko maintindihan mahal..

Inilapat ko ang mga kamay ko sa mukha ni Rex, at ipinaalam na sa kanya ang katotohanang hindi niya pa alam.

Ako: Rex...alam na ng pamilya ko ang tungkol sa...pagiging gay ko. Out na ako mahal!

Nakita ko ang sobrang kasiyahan at pagkasurpresa ni Rex. Niyakap ako ni Rex at hinalikan niya ako sa kung saan-saang parte ng mukha ko pababa sa aking leeg.

Rex: So.....mapapakilala mo na ako sa kanila?

Ako: Oo mahal..

Umapaw ang kasiyahan namin ni Rex ng gabing iyon, parang naging buo na ulit ako sa pagkakabalikan namin ng ex ko na si Rex, parang ako na ang pinakamasayang tao at gay sa buong mundo.

Bumalik na ulit kami ni Rex sa dati, sa mga sumunod pang araw ay magugulat na lang ako na hinihintay na pala ako ni Rex sa harapan ng building ng office na pinapasukan ko, tuloy-tuloy at sunod-sunod ang araw na sinusundo na ako ni Rex sa trabaho at ihahatid malapit sa lugar namin. At syempre, suot-suot na rin lagi namin ni Rex ang couple necklaces namin na kapag nagkikita kami ay pinagdidikit namin ang pendant ng mga ito, lagi naming ginagawa iyon dati at talagang is rin iyon sa namiss naming gawin. Pati ang relo na regalo noon ni Rex ay suot ko na lagi sa pag-alis.

Nang magweekend na at walang pasok ay dumalaw na ako sa mama ni Rex, kay Tita Ellen, maraming nagbago sa loob ng bahay nila Rex na hindi ko na nasaksihan, sa muling pagkikita namin ni Tita Ellen ay malaking ngiti at yakap ang natanggap ko. Sobra siyang natutuwa sa pagkakabalikan namin ng anak niya, nang malaman daw kasi niya na naghiwalay kami ni Rex ay sobra rin siyang nalungkot, gustong-gusto raw kasi ni Tita Ellen ang ugali ko at gusto-gusto niya ako para kay Rex.

Pagdaan pa ng isang linggo ay hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, hindi ko na pinahintay pa si Rex. Buong tapang at walang pag-aalinlangan akong humarap sa pamilya ko kasama si Rex. Kinuha ko ang chance na lahat ng miyembro ng pamilya ko ay nasa bahay.

Pinagtinginan kami ng mga kapitbahay namin sa paglabas namin ni Rex sa kotse niya, halos lahat ng atensyon nila ay na kay Rex, parang artista raw ang datingan ni Rex ayon sa karamihan sa kapitbahay namin. Hindi iyon gaanong napansin ni Rex, magkahawak kamay kaming pumasok sa bahay. Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ni Rex, hindi man niya pinapahalata pero alam na alam kong kabado siya, ako rin naman ay nakakaramdam din ng kaba, pilit ko lang nilalakasan ang loob ko. Nang makita nila na magkahawak ang kamay namin ay tila nagkaroon na sila ng ideya sa kung sino ang kasama ko. Pinagmasdan ko ang bawat isa sa kanila, si Ate Gwen at ang bunso kong kapatid ay nakangiti lang sa amin ni Rex, si Ate Giselle ay tinatago ang malaking ngiti sa mukha niya, pinipilit kasi niya sa akin noon na dalhin ko si Rex sa bahay, gusto niyang makita ito sa personal, at ang alam pa lang niya noon ay kaibigan ko lang si Rex. Si mama ay hindi ko nakikitaan ng reaksiyon pero hinihintay niya ang pagsasalita ko at pagpapakilala ko kay Rex, si Papa ay sandali lang na napatingin sa amin ni Rex at tinalikuran na kami. Kahit hindi nakaharap si papa ay pinakilala ko na si Rex sa kanila.

Ako: Ahh...Ma...siya si Rex.

Nginitian ni Rex si mama at ang mga kapatid ko. Mahinang bumati si Rex sa kanila, sa pagbati niya ay humigpit ang hawak niya sa aking kamay.

Rex: Ahmm...good afternoon po.....good afternoon sa inyo.

Rex: I'm... Rex po....boyfriend ni Gab...

Sa puntong iyon ay nagtinginan ang mga kapatid ko at napangiti sila sa narinig mula kay Rex, napaangat ang ulo ni mama at tiningnan ng matagal si Rex. Napayuko si Rex dahil nararamdamang hiya. Hindi agad nagsalita si mama, lumingon siya kay papa at tinawag ito, hindi pa rin humarap si papa bagkus ay naglakad ito at nilisan ang sala namin.

Mama: Siya na pala si Rex..

Mama: at nagkabalikan na pala kayo.

Bigla kaming nagkatinginan at nagngitian ni Rex.

Rex: uhh...oo nga po.

Tumungo-tungo si mama at mahina kaming kinausap.

Mama: Kung ganon....edi....mabuti! hindi na ako kokontra, alam mo naman Gab na mahal na mahal kita.

Mama: Masaya ako para sa'yo, tingnan mo ang mga ate mo, kitang-kita...na masaya rin para sa'yo, para sa inyo.

Marami pang sinabi si mama sa amin ni Rex na kumurot sa puso ko at nagpagaan sa loob ni Rex, ipinakita sa akin ni mama at ng mga kapatid ko ang pagtanggap nila sa amin ng buong-buo.

Ako: Salamat ma...

Rex: Salamat po...tita.

Ate Giselle: Oy!! tita na agad ang tawag oh! hahahaa

Nag-umpisa na kaming magtawanan at magbiruan, si mama at ang mga kapatid ko ay panay ang tanong kay Rex, para siyang iniinterview sa isang talk show. Sa gitna ng kwentuhan at usapan ay dumaan si papa sa harapan namin, dire-diretso pa sana siya sa paglalakad nang batiin siya ni Rex.

Rex: Hello po....good afternoon.

Mahinang sumagot si papa kay Rex, iba ang paraan ng pagsagot ni papa, malinaw na hindi naging bukal sa loob ni papa ang pagbati niya kay Rex. Mabilis ang paglabas ni papa at hindi na niya kami pinansin.

Mama: ahh...Rex, may problema lang yon...wag mo nang alalahanin masyado.

Mama: punta ka lang dito lagi, masasanay rin yon....at matatanggap ka rin...

Mama: ahh maiba na tayo, nagtanghalian na ba kayo? tara kain na. Gab, Rex kain na tayo..

Sa araw na iyon ay kinilala ni mama at ng mga ate ko si Rex, habang kumakain ay tinatadtad pa rin nila si Rex ng mga katanungan, mabilis naman si Rex sa pagsagot sa lahat. Si mama ay nagkaroon na agad ng magandang impresyon kay Rex.

Nakilala rin ni Rex ang pamilya ko, hindi man niya nakausap at nakilala ng maayos si papa ay nananaig pa rin sa amin ang labis na kasiyahan. Napakasaya namin ni Rex, nagkabalikan kami at pareho na kaming legal sa kanya-kanya naming pamilya. Sa paglipas pa ng ilang araw at buwan ay mas naging malapit si Rex sa pamilya ko, nakakatuwa dahil kahit papaano ay nagkakausap na rin si papa at si Rex, may mga bagay kasi na napagkakasunduan si papa at si Rex, isa na doon ang pagiging driver. Kapag may oras ay naihahatid din ako ni Rex sa trabaho ko, minsan ay sasabay din ang mga kapatid ko at magpapahatid kay Rex. Unti-unti ring naramdaman ni Rex na parte na siya ng pamilya ko.

Nakakamangha at nakakatuwang isipin na nagsimula lang kami ni Rex sa isang chat at sa isang gay dating site. Naghiwalay man ay nagkaroon pa rin ng paraan para kami ay magbalikan at ituloy ang naudlot naming pagmamahalan.

Ngayon ay nagtatrabaho pa rin ako sa isang insurance company sa Makati, si Rex ay nagresign sa una niyang trabaho at sa bagong kompanya na namamasukan bilang isang accountant. Naging matibay ang relasyon namin ni Rex, mas nagagamit namin ng maayos ang oras namin sa isa't-isa, nagkakatampuhan man ay hindi namin hinahayaang umabot ito sa matinding away. Iniingatan na namin na hindi masaktan ang sinuman sa amin, pareho kaming nagpapakumbaba sa isa't-isa at binawasan na namin ang pagpapairal ng pride. Binigyan ko na ng halaga ang relationship namin ni Rex, normal na nagkakaroon ng pagsubok at problema pero hindi na iyon naging hadlang pa sa aming relasyon, kumapit lang kami sa isa't-isa, ayoko nang mawala si Rex sa akin, at ganun din si Rex, nakikita ko sa kanya na takot siyang mawala ako sa kanya, kahit nagiging busy kami masyado ni Rex sa trabaho ay iniintindi pa rin namin ang isa't-isa, nakakabawi kami at nagkakaroon din ng oras na kami lang ang magkasama.

2 years and counting na ang tagal ng relasyon namin ni Rex, patuloy lang kaming gumagawa ng love story namin at naniniwala ako na hindi na namin pakakawalan pa ang isa't-isa. At naniniwala rin naman ako na kami na talaga ni Rex ang nakatadhana sa isa't-isa. Si Rex ang pinangarap ko noon na maging boyfriend at siya na talaga ang right guy for me na nagpapaligaya sa akin ngayon. Rex was my first boyfriend and he is also the last. He started as just the guy from PR. Now, he's the love of my life.

THE END

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: The Guy From PR (Part 30) Finale
The Guy From PR (Part 30) Finale
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s1600/The+Guy+From+PR.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjL4rUBoJ8UpgxMJfu2tA9AZvYMkFVQplIuYbZQ7VKVRXuVkRG7cUNSVqkAnuX5bhr0_sLI8ODdMy0MWARtW7K9Pym0entavrX7dR2EqoS4GKyrkPciQvHGdtjvtEJSLWzl207dFpZ13Mli/s72-c/The+Guy+From+PR.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/07/the-guy-from-pr-part-30-finale.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/07/the-guy-from-pr-part-30-finale.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content