By: Confused Teacher “I love you, not only for what you are, but for what I am when I am with you. I love you, not only for what you hav...
By: Confused Teacher
“I love you, not only for what you are, but for what I am when I am with you. I love you, not only for what you have made of yourself, but for what you are making of me.”
Josh
Nakakapagod, ang hirap pala ng preparation sa pagpapakasal. Kahit may wedding planner kami, lagi pa rin kaming kailangang naroon. Ang daming dapat kausapin, dapat i check.
“May lakad ba tayo bukas? Tanong ko kay Angel nang minsang kumakain kami pagkatapos makipag usap sa aming coordinator,
“Ako meron, magfi fit kami ng gown, kung busy ka pede naman akong magpasama kay Gian.” Kilala ko si Gian yung gay na friend niya.
“Okay lang ba? Kasi tambak na trabaho ko sa opisina, gusto ko sanang mabawasan dahil matatambak yun lalo, ayoko namang mag iwan ng trabaho pag nag leave ako after ng wedding”
“Sure, buti ako madami kami sa hospital, nagkakasaluhan ng trabaho, alam ko naman sa office ninyo ikaw lang gagawa non pag naiwan mo.” Nakangiti niyang sagot.
Eto talaga ang sobrang nagpa inlove sa akin yung sobrang haba ng pang unawa niya.
“Thanks ako na lamang ang tatawag sa kanya para sabihan siya.”
“Okay lang naman kahit huwag na, madali namang kausap iyon saka marami yung free time.”
“Basta kakausapin ko ipagbibilin kita,”
“Thanks Josh, I love You?’
“I love you too Angel”
“Thank you Josh for loving me.” Napangiti naman ako ng pisilin niya ang ilong ko.
“Why do you love me?” tanong ko sa kanya habang hindi inaalis ang pagtitig. Saglit siyag nag-isip saka nakangiting sumagot.
“I don’t know, all I know is I love you not just because I want you to love me too, but because I want to love you and be with you forever.” Kinilig naman ako at alam kong ramdam niya ang pag ngiti ko.
“Ikaw Josh, why do you love me?” balik naman niyang tanong sa akin. Saglit din akong nag-isip hindi ko napaghandaan na pwede niyang ibalik sa akin ang tanong ko.
“I love you, not only for what you are, but for what I am when I am with you. I love you, not only for what you have made of yourself, but for what you are making of me every time I am with you.” Kita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya.
“Sorry Angel did I make you cry?” nag alalang tanong ko sa kanya lumapit ako sa kanya saka kinuha ang aking panyo para punasan ang mga luha niya.
“No, masaya lamang ako, hindi ko kasi inakala na mararamdaman ko ang ganito. Thank you Josh for coming into my life, dumating ka sa panahong kailangang-kailangan kita. Hindi man kita ipinag pray pero you are more than my prayers, you are a blessing, sobra-sobra kang blessing para sa akin.”
“Thank you din kasi binago mo ang paniniwala ko about love, akala ko hindi na ako sasaya, akala ko hindi totoo ang ganito. Thank you and I will always love you.” Aktong i kikiss ko siya nang..
“Gosh! Ikakasal na lamang kayo nagbobolahan pa kayong dalawa ano ba iyan, diba sabi ko sa inyo huwag kayong maglalandian sa harap ko.”
Shocks! Ang babaeng amasona!
“Putek naman! Ano ba Shayne napaka wrong timing mo talaga. Special moment namin to sinira mo na naman?” Naiinis kong buska sa kanya.
“Shut up Josh Patrick baka masapak kita kahit kaharap ang girlfriend mo, nagtext ka na puntahan ko kayo dito baka nalimutan mo. Bakit ba?” naiinis niyang tanong, pero nang mapansin ang pagkain sa table namin, ”Teka pakain gutom na ako,” saka naupo at nagsimulang kumain nang biglang may naalala. Kinuha ang phone niya at nag dial.
“Kenzo, pasok ka dito kumain muna tayo magtatagal pa ako magugutom ka halika na. Wala tayong pagkain sa bahay.” pagkababa ng phone ay itinuloy ang pagkain na parang walang pakialam sa amin.
“Patay gutom!” Mahina kong sabi saka inayos ulit yung upuan ko.
“Wapakaels!” sagot niya sa akin. Tawa naman nang tawa si Angel.
“Nawawala talaga poise mo kapag may kaharap kang pagkain, sayang maganda ka sana kaso matakaw ka” nakita ko naman padating si Kenzo.
“Hoy Kenzo, anong ginawa mo sa babaeng ito, nagpakasal lamang sa iyo naging patay gutom na pinapakain mo ba iyan sa bahay ninyo?” Naka kunot naman ang noo ni Kenzo.
“Kenzo, maupo ka na kumain na tayo, huwag mo silang pansinin , excited lamang ang mga iyan sa kasal nila.”
Naupo naman si Kenzo at kumain na rin pagkatapos kaming ngitian, para ko na rin talagang kapatid ang dalawang ito, sila ang mga taong hindi ako iniwan sa panahong kailangan ko sila. Tinawag ko ang waiter at nag order na lamang ulit dahil alam kong hindi kami titirhan ng dalawang matakaw naming bisita.
Pagkatapos kumain ibinigay ko lamang sa kanila ang mga invitations para sa mga ka opisina namin.
“So ito lamang pala ang reason kaya mo ako pinapunta, pwede mo namang ibigay bukas diba, may pasok naman bukas?” reklamo ni Shayne.
“Huwag ka ng magreklamo diyan, nilibre ko kayo ng dinner baka nalimutan mo,”
Napatawa naman si Kenzo sa sinabi ko at sabay-sabay na kaming lumabas. Hinatid ko muna si Angel sa condo niya bago ako umuwi sa amin.
Araw ng kasal.
“Josh ano ba, hindi ka mapakali kanina ka pa ikut nang ikot” reklamo ni Mommy.
“Ma, kinakabahan po ako, ganito ba talaga ang pakiramdam ng ikakasal, ang lakas ng kabog ng dibdib ko oh,” inilagay ko ang kamay ko sa aking dibdib, napangiti lang si Mama.
“Normal iyan Josh, ganyan talaga ang pakiramdam, sobrang excited.” Sagot ni Daddy na nakangiti.
“Huwag ka ngang kabahan Josh, ang gwapu-gwapo mo ikaw ang pinaka gwapong groom na nakita ko, Congrats Josh!” si Ate Hazel saka ako kiniss sa pisnge.
“Ate naman, nanghahalik pa kasi!” reklamo ko.
“Sus! Ang arte, last time ko nang magagawa iyan, after ng kasal mo hindi ko na pwedeng i kiss ang Baby Josh namin, teka ayusin natin itong collar ng long sleeves mo.” Nakangiti niyang sagot sa akin.
“Ate salamat sa lahat ha,” at yumakap ako sa kanya,
“Teka, teka malulukot ang damit ko bigla-bigla ka naman e.” sabay tulak sa akin.
“Ate naman ikaw diyan ang maarte,” reklamo ko naman sa kanya.
“Kasi dapat walang iyakan Josh, this is your big day! Dapat masaya ka!”
Nang mapalingon ako kina Mommy at Daddy parehas silang palihim na nagpupunas ng mga luha.
“Bakit sila oh.” Inginuso ko ang dalawa na halatang parehas gustong itago ang pagpatak ng mga luha nila.
“Haist! Pasaway ka ‘Ma, magagalit yung nag make up sa iyo, ayan o ang pangit mo na” reklamo ni Ate, habang marahang pinupunasan ng daliri niya ang ilalim ng mata ni Mommy.
Nakita ko naman na kinurot siya ni Mommy. Pero tuloy pa rin si Ate sa pag-aayos ng make up ni Mommy.
“Hey anong kaguluhan iyan ha, bakit hindi ninyo ako isinasali?” pagtingin ko sa pinto si Kuya.
“Bunso Congratulations, finally mag aasawa na rin ang bunso namin. Payakap nga. Hmm, ang gwapo ni Baby Josh at ang bango pa, talagang mag-aasawa ka na nga.” saka niya mahigpit akong niyakap. Napangiti na lamang ako sa mga sinabi niya. Nang maghiwalay kami nakita ko ang katabi niya.
“Best wishes Tito, mano po” bati ng anak ni Kuya abay din kasi siya.
“Wow, ang laki mo na Rashid, mas matangkad ka pa sa akin. Thank you.” Nakita ko ang dalawa pa nilang anak pati si Ate Claire nakangiti sa akin. Lumapit yung dalawa at nagmano rin sa akin.
Wala na yata akong mahihiling pa sa mga oras na iyon, Kumpleto kami at masaya. Lahat ay nakangiti. Lahat ay masaya dahil masaya ako. Sobrang thankful ako sa Diyos dahil naranasan ko ang ganito.
Pagdating sa simbahan. Una akong nilapitan nina Jairus at Glen abay kasi sila parehas nakita ko rin ang iba pa naming barkada noong highschool. Naroon din ang ilan naming mga ka opisina. Naroon din sina Lola at Lolo at ang mga pinsan ko from Davao. Nilapitan ko sila at sandali kaming nagkumustahan. Pero may hinahanap ang mga mata ko. Palinga-linga ako.
Paglingon ko sa tagiliran, nakita ko sina Tito at Tita mga magulang ni Kuya Paul nakatingin lamang sila parehas sa akin.
Lumapit ako sa kanila.
Una kong niyakap si Tita,
“Congratulations Josh! Ang gwapu-gwapo mo talaga.”
“Salamat po Tita.”
Sunod ko namang niyakap si Tito.
“Congrats Josh.”, maikli niyang bati sa akin saka niya ako bahagyang tinapik sa likod ko.
Napansin kong parehas silang palihim na nagpunas ng luha. Kaya nagpaalam agad ako idinahilan ko na lamang na may sasabihin ako kay Mommy. Alam ko naman ang dahilan nila, naalala nila ang nakaraan namin ni Kuya Paul. Kahit ako naman naalala ko iyon at gusto ko ring umiyak pero ayokong masira ang araw na iyon. Matagal ko iyong hinintay at alam kong iyon ang dapat kong gawin. Tuluyan ko na silang iniwan kahit ang totoo gusto ko pa silang kausapin.
Totoong nami-miss ko si Kuya Paul at isang bahagi ng puso ko ay nagluluksa sa mga oras na iyon. Kahit pa alam kong mahal ko si Angel, may parte pa rin ng puso ko ang nasasaktan sa twing maalala ko siya. Isang bahagi na may naiwang sugat na hindi ko alam kung hanggang kailan maghihilom. Sa kabila ng lahat ng mga ngiti ko mayroon pa ring sakit. Naroon pa rin ang alaala ng nakaraan na ewan ko ba kung bakit ayaw mabura. Pinilit kong alisin lahat ang masasakit naming pinagdaanan at itinira na lamang ang magaganda pero ewan ko may dala pa rin sakit ang alaala niya. Nararamdaman ko pa rin ang kirot at may mga gabing hindi pa rin ako makatulog kapag naiisip ko siya. Pero alam kong ang lahat ay magbabago pagkatapos ng araw ng kasal. Dahil simula bukas ay magsisimula na ang bagong yugto ng buhay ko. Ako at si Angel. At bubuo kami ng magagandang memories, iyong kami lamang dalawa, sa amin lamang iikot ang isang bagong kwento. Isang kwento na puno ng pagmamahal sa isat-isa. Kailangang iyon ang paghandaan ko at handa kong gawin ang lahat para magawa kong mahalin ng buung-buo si Angel. Tinanggap niya ako sa kabila ng alam niya ang aking nakaraan kaya ipinangako ko sa aking sarili na ibibigay ko sa kanya ang buo kong pagkatao. Hindi naman mahirap mahalin ang gaya niya. Kaya handa akong gawin iyon. Alam kong mahal niya ako at masaya ako kaya dapat ding maramdaman niya ang sayang iyon. Sa araw na ito mangangako ako hindi lamang para sa kanya kundi para sa sarili ko na rin na siya lamang ang mamahalin ko. Mamahalin ko si Angel dahil she deserves to be loved and I know I deserve to be happy.
Paul
Maghahatinggabi na hindi pa rin ako dalawin ng antok. Paikut-ikot ako sa higaan pero walang nagyayari. Nakipagtitigan ako sa kisame pero hindi pa rin ako makatulog. Kasal bukas ni Patrick diba dapat masaya ako dahil finally magiging masaya na siya. At last nakatagpo na rin siya ng taong magmamahal sa kanya ng totoo. Isang taong makakagawa ng hindi ko nagawa. Isang taong magbubura ng lahat ng masasakit na alaala iniwan ko sa isip niya at magpapahilom sa kanyang sugat. Pero bakit ni konting saya wala akong maramdaman, bakit hindi ako makangiti pag naiisip ko na magiging pag-aari na siya ng iba. Bakit hindi ko matanggap na hindi na siya sa akin samantalang nang iwan ko siya sinabi kong kalimutan na niya ako? Bakit ang sakit isipin na ang Baby Pat ko ay mag-aasawa na?
Muling sumagi sa alaala ko nang unang beses ko siyang makita. Pagkapanganak ni Ninang sa kanya bumisita sina Mama at Papa at sumama ako sa hospital. Hindi ko malimutan ang saya nang makita ko ang napaka cute na bata habang natutulog hinawakan ko ang maliit na kamay niya at napangiti ako nang hawakan niya ang daliri ko. Ipinagmalaki ko pa kay Papa na hinawakan niya ang daliri ko. Ang saya ng pakiramdam, kaya pagkalabas nila Ninang sa hospital doon lagi ako sa kwarto niya. Bakasyon noon kaya hindi ako binabawalan ni Mama kahit maghapon ako sa kanila.
Habang lumalaki siya Baby Pat ang tawag ko sa kaniya, kahit lahat sila Josh ang tawag. Gusto ko iba yung tawag ko at alam ko natutuwa naman siya kapag tinatawag ko sa ganong pangalan kasi ngumingiti siya, Lagi akong nakabantay sa kaniya, hindi ko siya hinihiwalayan, lagi ko siyang sinasamahan. Gusto kong lagi ko siyang nakikita, sinasamahan ko siya, sa pagkain, paglalaro kahit pag natutulog siya binabantayan ko parin. Masayang-masaya ako kapag sinasabi niyang love niya ako
“Kuya love mo po ba ako?” sabay tanong niya pagkatapos ng pagpapacute.
“Oo naman, love na love ka ni Kuya.” Nakangiti ko namang sagot.
“Pat si Kuya ba love mo?” balik ko naman sa kanya.
“Love na love na love,” at muli ay yumakap siya sa akin.
“Gaano mo ako ka love, sige nga?”
“Hanggang langit, saka sa malayung-malayo hanggang dagat,” saka ibinukas ang mga kamay na nakatingala.”
Kakaiba ang pakiramdam ko sa twing maririnig kong love niya ako. Ewan ko ba, kahit makulit ang batang iyon, bakit sobrang mahal na mahal ko. Bakit kapag nakangiti na siya parang pati ako nadadala.
Hanggang lumalim ang nararamdaman ko sa kanya at tuluyan ng nahulog. Hindi ko makakalimutan nang una ko siyang halikan. Iyong kakaibang pakiramdam na sa kanya ko lamang naramdaman. Iyong parang tumigil ang lahat pati ang pag-ikot ng mundo. Para nang mga oras na iyon kami lamang dalawa ang tao at wala akong pakialam kung ano pa ang nasa paligid.
At ang unang sakit ng aming paghihiwalay, isang taon na akala ko ay hindi na matatapos, bawat araw ay binabawas ko sa 365 days dahil naniniwala akong lahat ng hirap ko ay mawawala sa oras na makita ko ang kanyang mga ngiti. Ang inosente niyang mga mata na parang laging nagtatanong at handang maniwala, Pero mapaglaro ang tadhana pagdating ko may girlfriend na siya at hindi na ako ang mahal niya. Parang gumuho ang mundo para sa akin Ang sakit dahil umasa akong naghihintay siya sa pagbabalik ko. Nagkalayo kami ng 5 taon at pagbalik niya akala ko ay may mahal na uli siyang iba. Nasayang ang mahigit isang taon para sa amin dahil lamang sa maling akala namin parehas.
Akala ko mabait na sa amin ang pagkakataon kaya gumawa siya ng paraan upang magkaunawaan kami at ibalik kung anuman ang naputol sa amin. Hindi ko na inisip kung anuman ang pinagdaanan namin. Wala nang sasarap pa sa pakiramdam ko noong nang sabihin niyang hindi pa rin nagbabago ang nararamdamn niya sa kabila ng lahat ng nangyari mahal pa rin niya ako. Parang naging kulay pink ang paligid ang tingin ko sa lahat ng bagay ay nagkabuhay at masayang nakatingin sa min. Iyon na yata ang pinakamasayang sandali sa buhay ko. Wala na akong mahihiling pa dahil si Patrick lamang ang sagot sa lahat ng mga wishes ko.
Subalit sinira ng isang katangahan ang lahat ng iyon. Dahil sa isang pagkakamali ang lahat ay nauwi sa wala. Nagsisi naman ako at talagang hindi na naulit ang minsang pagkakamali na iyon pero huli na ang lahat. Hindi na naibalik ang nawala na at hindi na nabuo ang nasira. Mag-isa kong dinala ang lahat ng sakit, kinaya ang lahat ng hirap akala ko iyon na ang pinaka masakit ang iwan siyang lumuluha dahil sa kagaguhan ko. Pero may mas masakit pa pala, Mas masakit pala kapag nalamang mong ang mahal mo ay nagmamahal na ng iba at hindi na ikaw ang nasa puso niya. Hindi ko alam paano ko tatanggapin ang pangyayaring ito dahil isipin pa lamang na magpapakasal siya parang nagsisikip na ang dibdib ko parang mamatay na ako.
Napansin ko na basang-basa na ng luha ang aking unan. Naupo lamang ako at muli ay napahawak sa ulo ko saka umiyak nang umiyak. Wala na akong magagawa, Ito lamang ang kaya kong gawin ang umiyak, Pero kahit bumaha pa ng luha sa buong bahay na ito, wala pa ring magbabago hindi pa rin magiging akin ang Baby Patrick ko.
Umaga, alam kong paalis sina Mama at Papa, marahil ay aattend sila sa kasal nina Patrick. Malalim na ang pinagsamahan nila nina Ninong at Ninang kaya alam kong hindi nila pahihindian ang kanilang imbitasyon. Isa pa ay naging malapit din sa kanila si Pat at alam ko minahal din nila ang batang iyon na parang tunay na anak. Bukod pa sa katotohanang alam nila ang pagmamahalan namin at naging relasyon. Alam kong hindi nila ako niyaya dahil masasaktan lamang ako. Hindi naman lingid sa kanila na hanggang sa mga oras na iyon mahal ko pa rin si Patrick.
Pagkaalis nila, naligo agad ako tapos ay tinawag ko si Yaya.
“Yaya, ipaghanda mo si Baby ha, magdala kayo ng damit niya at gatas, may pupuntahan tayo, ihahanda ko lamang ang sasakyan.”
“Opo, Kuya!”
Malayo na rin ang nalalakbay namin nag magtanong si Yaya.
“Kuya, saan po tayo pupunta?”
“Basta sumama lamang kayo, hindi ko naman kayo pwedeng iwan sa bahay dahil magagalit si Mama pag nalaman niyang umalis ako. Ang alam kasi niya dahil walang pasok hindi ako aalis.” Pagdadahilan ko
“Ah hindi po ba sila nagpaalam sa inyo?”
“Hindi nga, nakaalis na sila nang magising ako.” Pagsisinungaling ko dahil ayokong ipaliwanag sa kanya ang tungkol sa amin ni Patrick baka hindi niya maintindihan.
“Sabi po ni Sir, pupunta sa kasal ng anak ng kumpare niya.” Hindi ako kumibo
Pagdating namin sa may plaza, huminto lamang ako.
“Yaya, maiwan ko muna kayo dito ha, alagaan mong mabuti si baby, huwag kayong lalayo sa sasakyan kasi babalik din ako agad, basta tatawagan kita ingatan mo si baby ha.
“Opo Kuya, pero saan ba kayo pupunta?”
“Basta may titingnan lamang ako, dito lamang kayo bantayan mo din ang sasakyan natin.” Tumango naman siya kaya lumakad na ako.
Nagkubli lamang ako pagdating sa harap ng simbahan. Madalang pa ang mga tao. Una kong nakita sina Jairus at Glen, halatang mga abay sila. Napansin ko rin sa kabilang side sina Mama at Papa. Naroon din ang ilan naming ka opisina. Maya-maya ay bumaba sa sasakyan si Patrick. Siya pa rin ang gwapong Baby Pat ko. Ang saya-saya ng mukha niya. Napaka aliwalas niyang tingnan. Bakas sa kanyang mga ngiti ang totoong saya, hindi kagaya nong kasal ko na pakiramdam ko ay libing ang pinuntahan ko, Ang gwapo nga talaga ni Patrick. Gusto ko sana siyang lapitan at yakapin pero alam kong hindi pwede.
Napatingala ako para pigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Naalala ko noong unang JS niya.
“Hoy Kuya Paul muka ka pong tanga, bakit ka nakanganga?” tanong niya nang madatnan akong nakatingin sa kanya habang pababa siya ng hagdan.
“Ah kasi sobrang gwapo mo Pat, bagay na bagay sa iyo ang suot mo?”
Pagdating naman namin sa kotse.
“Kuya Paul, ayus ka lang po ba?” nagtataka niyang tanong.
“Yeah, Im good… bakit may problema ba…? ano palang tinatanong mo?” ang tila wala sa sarili na tanong ko sa kanya.
“Haay, adik! Sabi ko akala ko kailangan po nating magmadali e bakit hindi mo inistart itong kotse paano tayo makakarating sa venue, huwag mong sabihin dito tayong dalawa magdamag at tayo ang mag JS dito?” ang naiinis niyang sagot.
“Ayy oo nga pala. Sorry, napakamot ako sa ulo, eto na start ko na, mag seat belt ka na Pat,” ang natataranta kong sabi.
“Nakaseatbelt ako kanina pa, ikaw po ang hindi.” Napakamot lang ako ng ulo saka nag seabelt at ngumiti sa kanya.
“Ano ba itong si Kuya Paul, bakit parang ewan ngayon.” Iyon ang narinig kong bulong niya.
Pagkatapos noon ding gabing iyon sinagot niya ako pagkatapos ng napakahaba naming kulitan. Binigyan ko siya ng kwintas na simbolo sana ng pagmamahal ko sa kanya.
Naputol ang pagbabalik tanaw ko nang makita kong nilapitan niya sina Mama at Papa. Niyakap niya si Mama alam ko may sinasabi si Mama sa kanya pagkatapos nakita kong nagpunas ng mata si Mama, kita kong umiiyak siya. Sunod na niyakap ni Pat si Papa, Tumungo si Papa, kita ko sinapo ni Papa ang mukha niya alam ko umiiyak din siya. Tumalikod si Patrick parang ayaw niyang makita sina Papa at Mama na umiiyak. Isa sa mga weaknesses ni Pat yung mga parents na umiiyak, ayaw na ayaw niya na nakakakita ng ganon.
Maya-maya ay nakita ko siyang tumingala parang pinagmamasdan niya ang malaking krus sa itaas, hindi ko alam kung nagdadasal siya. Tapos ay humarap sa pader ng simbahan parang matagal siyang nag-isip nang humarap ulit siya diretso siya kina Ninong at Ninang.
Lumayo muna ako ng konti dahil sobrang sakit ng nararamdamn ko, Basang-basa na rin ng luha ang aking mukha ayokong may makakita sa akin. Nakakita ako ng isang restaurant sa kabila ng kalsada. Pumasok ako doon at nagtuloy sa washroom saka naghilamos. Tinuyo ko lamang ang aking mukha sa pamamagitan ng tissue saka lumabas. Naalala ko si Baby Nathan. Kaya binalikan ko sila. Naroon pa rin sila masayang nakatingin si Baby sa mga batang naglalaro. Bagamat nakakatayo na siya hindi pa siya nakakalakad ng matagal. Madalas ay nadadapa kaya laging nakaalalay si Yaya.
“Kuya, uuwi na tayo?” tanong agad ni Yaya nang makita ako.
Gusto ko na sana pero tinatalo ako ng aking puso. Gusto ko pang makita si Pat hanggang sa huling sandali na hindi pa siya pag-aari ng iba.
“Okay lang ba kayo dito?” tanong ko sa kanya.
“Okay lamang kami Kuya, nag eenjoy si Baby sa panonood sa kanilang paglalaro.” Sagot naman ni Yaya.
“Sige, sandali na lamang, pagbalik ko uuwi na rin tayo.”
“Okay Kuya dito lamang kami.”
Josh
Nang magsimula na ang wedding ceremony, hindi ko alam kung anung mararamdaman ng oras na iyon. Saya, excitement, kaba, bakit ba ako kinakabahan. Hindi ko alam kaya ko ba talaga ang buhay na ito. Kaya ko bang maging mabuting Padre de Familia. Kaya ko kayang tapatan ang pagiging tatay ni Daddy. Habang naglalakad kami nina Mommy at Daddy, kita ko lamang ang ngiti nilang lahat sa amin, lalo na siguro sa akin. Para akong lumulutang. Nakita ko sina Ate at si Kuya. Masayang-masaya sila.
Nasa unahan na si Jairus ang aking best man. Nakangiti siyang nakatingin sa amin.
Pumwesto kami malapit sa kanya. Tinapik naman niya ako sa balikat. Pumasok ang mga abay, dahil sa request ni Angel lahat ng abay na babae ay naka white. Gusto kasi sana niya ay Angelic o heavenly ang theme ng kasal namin kaya lamang ay kulang na sa preparasyon kaya nagrequest na lamang siya na nakaputi ang lahat. Ang gaganda nila, Isa rin sa mga abay si Shayne na litaw na litaw ang ganda.
Maya-maya ay nakarinig ako ng napakagandang boses. Pamilyar ang boses kaya napalingon ako. At tama nga ako si Chris. Alam ko yung kanta na iyon dahil paborito yun ni Angel. Madalas niyang nirerequest na kantahin ko iyon kapag magkasama kami. Kinindatan pa ako ni Chris habang kumakanta. Napangiti naman ako ang ganda talaga ng boses ng makulit na bata.
I'm only one call away
I'll be there to save the day
Superman got nothing on me
I'm only one call away
Pagharap ko nakita ko si Angel kasama ang Mommy at Daddy niya, napa-wow na lang ako kahit mahina, sobrang ganda nga niya. Yung ayos niya para talaga siya angel. May maliliit na flowers sa ulo niya na nagmukhang halo. Lahat ay napatingin sa kanya habang naglalakad. Paglapit sa amin, bahagya siyang ngumiti, nagmano ako sa Mommy at Daddy niya, tinapik ako sa balikat ng Dad niya, second time ko pa lang siya nakita pero madalas naman kaming nagkakausap sa phone. Si Angel naman yumakap kay Mommy at Daddy, Niyakap din ako ng Mommy niya. Kita ko lamang ang saya nilang lahat sa nangyayari pati yung mga tao sa upuan kita ko ang saya. Tumuloy kami sa harap ng pari habang tuloy naman si Chris sa napakaganda niyang version ng One Call Away.
Call me, baby, if you need a friend
I just wanna give you love
C'mon, c'mon, c'mon
Reaching out to you, so take a chance
No matter where you go
You know you're not alone
I'm only one call away
I'll be there to save the day
Superman got nothing on me
I'm only one call away
Come along with me and don't be scared
I just wanna set you free
C'mon, c'mon, c'mon
You and me can make it anywhere
For now, we can stay here for a while
Cause you know, I just wanna see you smile
No matter where you go
You know you're not alone
I'm only one call away
I'll be there to save the day
Superman got nothing on me
I'm only one call away
And when you're weak I'll be strong
I'm gonna keep holding on
Now don't you worry, it won't be long
Darling, and when you feel like hope is gone
Just run into my arms
I'm only one call away
I'll be there to save the day
Superman got nothing on me
I'm only one, I'm only one call away
I'm only one call away
I'll be there to save the day
Superman got nothing on me
I'm only one call away
I'm only one call away
Pagkatapos ng kanta, humarap sa amin ang pari saka nagsalita.
“Friends and Family of Angel and Josh, welcome and thank you for being here on this important day.
We are gathered together to celebrate the very special love between Angel and Josh, by joining them in marriage.
All of us need and desire to love and to be loved.
And the highest form of love between two people is within a monogamous, committed relationship.
Angel and Josh, your marriage today is the public and legal joining of your souls that have already been united as one in your hearts.”
Nagtanong ang pari kung may tumututol, medyo kinabahan ako, paano kung biglang sumulpot si Kuya Paul. Pero imposible hindi non gagawin iyon. Eh kung dumating kaya siya at yayain ako. Napangiti ako sa kalokohang naiisip ko. Sinulyapan naman ako ni Angel na parang nagtataka kaya nginitian ko siya.
“I love you” bulong ko.
“I love you too” sagot niya.
Alam kong nadistract ang pari sa bulungan namin kaya saglit na tumigil sa pagsasalita saka tumingin sa amin. Para naman akong napahiya pero nang ngumiti lamang siya at nagpatuloy medyo nakahinga ako ng maluwag.
Ninamnam kong mabuti ang bawat sinasabi niyang advise dahil alam ko malaki ang maitutulong non para maging matagumpay ang pagsasama namin. Wala akong alam sa pag hahandle ng relationship dahil naging maikli lamang ang relasyon namin nang magpasya akong magpakasal sa kanya at alam ko hindi sapat ang love lamang para maka survive kami. Pero handa akong magtake ng risk para dito.
Nang sabihin ng pari na magpalitan kami ng vows hindi ko maiwasan ang kabahan, humarap ako sa kanya, marami akong minemorya pero nang mga sandaling iyon parang ang hawak kong singsing lamang at ang mukha ni Angel ang nakikita ko. Ganunpaman kailangan kong ayusin ang sarili ko ang daming tao ayokong gumawa ng eksena na nakakatawa kayat pinilit ko hagilapin sa isip ko ang mga salitang gusto ko talagang sabihin sa kanya. Kahit ramdam ko ang kaba ay nagsalita ako habang nakatingin sa napakaganda niyang mukha.
"Angel, I choose you to be my wife, my partner in life.
I promise you my unconditional love, my fullest devotion, my most tender care.
Through the pressures of the present and the uncertainties of the future, I promise to love you, honor, respect and cherish you all the days of our lives.
You are everything I need
And at this moment I feel that all of my prayers have been answered.
I know that our love is heaven sent and I promise to be here forever and always.
I pledge to respect your unique talents and abilities, to lend you strength to reach your dreams
I, Josh Patrick promise to take care of you, to encourage and inspire you, asking that you be no other than yourself
From this day forward you shall not walk alone.
My heart will be your shelter and my arms will be your home."
Nakita ko ang pagpatak ng mga luha niya pero agad niya iyong pinunasan ng hawak niyang puting panyo. Tumingin muna siya sa akin na nakangiti saka huminga ng malalim bago nagsalita.
Josh, I knew that you were the kind of man that I would want as my life partner on our first meeting.
If I had written a list of all the qualities that I wanted and needed in a man, they would have described you perfectly but not done you justice.
You are the most kind, patient, and loving person that I have ever met.
I realize exactly how fortunate I am to have found you, my perfect match, in this crazy, overpopulated world.
I will always cherish you and what we have and will continue to build our lives together.
I will not take you for granted.
I will not allow myself to become lazy or complacent.
I will continue to work hard to be the wife that you deserve in this life.
I will love you for all that you are with all that I am.
I. Angelika choose you, Josh , to be my husband.
I will respect you, care for you, and grow with you through good times and hard times, as your friend, companion, and partner, giving all that I can to fulfill our lives together.
Pagkatapos namin ay nagpalakpakan ang lahat. Nakita ko si Mommy na nagpupunas ng luha pati na rin ang Mommy ni Angel. Sa lugar ng mga abay nakita ko rin si Shayne na bagamat may luha ay ngiting-ngiti sa amin. Nginitian ko rin siya saka ibinalik ang tingin sa pari na parang naghihintay lamang talaga na humarap kami sa kanya.
And now I pronounce you man and wife, Josh you may now kiss Angel.
Humarap akong muli sa kanya at nginitian siya, ngumiti naman siya saka bahagya tumungo na parang nahihiya, inangat ko ang manipis na tela sa mukha niya. Pero napatingin ako sa may bintana. Isang pamilyar na mukha ang aking napagmasdan. Kitang-kita ko ang pagpatak ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Nakatitig lamang siya sa akin pero bakas ang lungkot sa kanyang mukha. Si Kuya Paul sigaw ng utak ko. Tumungo lamang ako ramdam ko ang namumuong luha sa mga mata ko pero ayokong mapansin nila iyon at ayokong may makapansin kung saan ako nakatingin. Kaya huminga ako ng malalim saka nginitian ulit si Angel. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi saka masuyong inilapit ang labi ko sa kanya.
Dinig ko ang malakas na palakpakan ng mga tao sa loob ng simbahan. Paglingon ko wala na roon si Kuya Paul pero nakatatak pa rin sa isip ko ang nakakaawang itsura niya. Hanggang sa picture taking ay parang nakikita ko pa rin ang pag-iyak niya pero pinilit kong alisin sa isip ko ang tanawing iyon. Hindi nga ako sigurado kung siya nga iyon o guni-guni ko lamang dahil hindi siya mawala sa isip ko nang mga oras na iyon. Ngumiti ako at tinugon ang bawat ngiti ng lahat ng bumabati sa amin.
Hanggang reception ay marami pa rin ang bumabati sa amin. Naisip ko nakakapagod din pala ang ngumiti, Kanina pa ako ngiti nang ngiti, Marami ang lumalapit yung iba hindi ko naman kilala basta nginingitian ko na lamang, noong kakaunti na ang tao, Kinausap ako ni Daddy.
“Kumusta Josh?”
“Nakakapagod Dad, pero masaya ako kasi masaya kayung lahat sa amin.”
“Siyempre naman, paano tayo na, gagabihin tayo sa daan.”
“Sige po Dad, convoy na lamang tayo.”
Maya-maya pa nga ay bumiyahe na kami paakyat ng Baguio, Kasama sina Mommy at Daddy at dalawa kong kapatid pati mga bata. Kasama rin ang Mommy at Daddy ni Angel at siyempre ang makulit na si Chris na laging kasama sa picture namin pati sa sasakyan sa amin sumama. Natutuwa rin naman ako sa kanya. Naramdaman ko sa kanya ang pagiging kuya ko at alam kong nakita niya iyon sa akin. Pinag-usapan na namin yun na instead of honeymoon ay magbabasyon na lamang kami. Sulitin ang pagkakataon na magkakasama at magka bonding. Masaya akong magkasundo ang mga pamilya namin.
Walang katapusang pasyal, kain, picture-picture pero kinabukasan ng hapon ay umuwi rin sina Kuya. Sumunod na rin ang mga parents ni Angel, gusto sana ni Chris magpaiwan pero hindi siya pinayagan ng Dad niya dahil mangungulit lamang daw kahit nga sinabi ko na ako na ang bahala, nag aalala pa rin dahil nga alam nila ang kakulitan ng bunso nila. Sinabihan ko na lamang na pagbalik namin ng Manila ay pupuntahan ko naman siya at kami naman ang magba bonding.
“Promise Kuya Josh ha…”
“Oo promise pupuntahan kita agad pag uwi namin”
Tumagal pa kami ng 2 araw at talagang nilubos ang pagbabakasyon.
COMMENTS