$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Ang Tangi Kong Inaasam (Part 29)

By: Confused Teacher “It takes a minute to find a special person, an hour to appreciate them, and a day to love them, but it takes an en...

Ang Tangi Kong Inaasam

By: Confused Teacher

“It takes a minute to find a special person, an hour to appreciate them, and a day to love them, but it takes an entire lifetime to forget them.”

Paul

Parang sasabog ang dibdib ko, hindi ako makagalaw. Gusto ko na sanang tumakbo pero nanatili akong nakatitig sa kanya. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagpatak, wala na akong pakialam kung may makakita man sa akin. Gusto ko nang mamatay ng mga oras na iyon. Hirap na hirap na ang aking pakiramdam. Nagsisi ako bakit bumalik pa ako, mas mabuti na nga sigurong hindi ko nakita hindi ako masasaktan ng ganito.

Nakita ko nang iangat niya ang belo habang nakangiti, iyong kislap ng mga mata niya habang nakatitig sa kanya. Ramdam na ramdam na mahal niya si Angel. Kitang-kita ko lang ang saya sa mukha niya. Nakalimutan na nga ako ni Patrick, tuluyan na ngang naglaho ang nararamdaman niya sa akin.

“Pat, narito ako, narito si Kuya Paul” bulong ko habang ang mga luha ko ay umaagos at nararamdaman ko hanggang sa aking mga labi. Nakagat ko ang aking mga labi para pigilin ang pag-iyak pero hindi kaya.

“Patrick mahal na mahal ka ni Kuya Paul, mahal mo pa ba siya?”

“Patrick!”

Para akong baliw na iniimagine ang lahat ng kulitan namin noong mga bata pa kami. Ang lahat ng paglalambing niya sa akin habang nakayakap o kaya naman ay magkatabi kami sa pagtulog.

“Dapat para sa akin ang kiss na iyan Patrick, dapat ako ang hinahalikan mo ngayon”

Napansin kong tumingin siya sa akin, Kita ko naman na natigilan siya at parang nag-isip, maya-maya ay tumungo at muling ngumiti pagkatapos ay hinawakan niya si Angel sa magkabilang pisngi. Napaupo na lamang ako hindi ko kayang makita ang tagpong iyon na parang pinapatay ko ang aking sarili. Sobrang sakit. Muli akong umiyak, iyon lamang ang kaya kong gawin, ang umiyak, daig ko pa ang namatayan.

Gusto kong humagulhol lalo na ng marinig ko ang malakas na palakpakan ng mga tao. Ramdam ko ang magkahalong luha at sipon sa aking bibig. Awang-awa ako sa kalagayan ko, Siguro kung may makakakita lamang sa akin isisipin nila na nababaliw na ako. Nakaupo ako pasandal sa dinding ng simbahan habang nakasapo sa noo ang magkabilang kong kamay. Masakit na talaga ang ulo ko pero mas masakit ang puso ko. Parang saasabog ang pakiramdam ko, Hindi ko na talaga kaya. Tumayo ako saka patakbong bumalik sa sasakyan

“Kuya ano pong nangyari, bakit umiiyak kayo?”

“Tayo na Yaya, uuwi na tayo” mahina kong sabi sa kanya pero hindi ko siya tinitingnan.

Sumakay naman sila kahit kita ko ang pagkataranta sa mukha ni Yaya. Sumubsob lamang ako sa manibela. Hindi ko pa rin mapigil ang mga luha ko. Pero pinilit kong makaalis sa lugar na iyon. Hindi ko sila kayang tingnan, hindi ko na kayang tagalan pang marinig ang kanilang pagsasaya. Ayoko ng marinig ang malakas nilang palakpakan dahil lalo itong nagpapalala sa nararamdaman kong hirap. Ayokong marinig na nagsasaya silang lahat dahil parang dahan-dahan naman nila akong pinapatay.

“Lord, gusto ko na pong mamatay. Please patayin mo na po ako. Huwag mo na akong pahirapan ng ganito. Hindi ko na kaya!”

Buong biyahe namin, hindi ako nagsasalita, itinuon ko lamang ang aking atensyon sa pagmamaneho. Pagdating sa bahay. Dumiretso ako sa kama at pasubsob sa aking unan.

“Please tama na, pagud na pagod na po ako. Tama na po Diyos ko, nakikiusap ako. Hirap na hirap na po ako.” Nakaramdam ako ng gutom pero hindi na ako lumabas ng kwarto kahit nang maghapunan.

Pinipilit kong burahin sa isip ko ang lahat ng nakita ko, pero parang may malaking screen sa aking harapan nakamulat man ako o nakapikit iyon pa rin ang aking nakikita.

Mula sa pag pasok niya kasama sina Ninong at Ninang, ang mga mata niya, ang ilong, ang dimples, ang pagngiti niya habang pumapasok si Angel. Ang bulungan nila habang nagsasalita si Father.

Ang titigan nila habang nagpapalitan ng vows, Ang bawat salita nila ay parang mga sibat na nag-uunahan sa pag puntirya sa aking puso. Parang hindi lang nila ako pinatay, siniguro nilang durug na durog ako.

Pero sa kabila ng lahat, bakit hindi ko magawang magalit sa iyo Pat, sa kabila na lahat ng sakit na ito, bakit nararamdaman ko pa rin ang pagmamahal, bakit kahit alam kong hindi pwede, mahal na mahal pa rin kita. Bakit mahal pa rin kita kahit pinahihirapan ko lamang ang sarili ko, bakit ayaw ka pa ring mawala dito? Bakit hanggang ngayon ikaw pa rin ang iniisip ko, Bakit ikaw pa rin ang gusto ko. Hanggang kailan ba ako pahihirapan ng pagmamahal na ito. Ayoko na rin naman talaga sumuko na naman ako. Iniwan na kita diba, nagpaaalam na ako pero bakit narito ka pa rin. Bakit hindi ka pa rin mawala sa puso at isip ko.

Shit! Habang buhay ba akong ganito, Habang buhay bang magiging miserable ang buhay ko dahil lamang nagmahal ako. Pero anong magagawa ko, mahal kita Patrick, mahal na mahal kita mula noon, mahal kita, minahal kita at mamahalin kita. Hanggang sa aking huling hininga ikaw pa rin ang mamahalin ko.

Katangahan na nga, pero ano bang gagawin ko, hindi ko naman ito gusto, Hindi ko gustong saktan ang sarili ko, hindi ko gustong maghirap ng ganito. Tinanggap ko ng nagkamali ako at ito ang kabayaran ng ginawa ko, tanggap ko naman na wala ka na at may nagmamay-ari na sa iyo, Pero bakit nasasaktan pa rin ako. Akala ko ba pag tinanggap ko na ang lahat magiging okay na. Sabi nila kailangan lamang ang accepatance. Na- accept ko na naman na wala na tayo diba, tinanggap ko na kahit kailan hindi na pwedeng maging tayo, pero ganon pa rin ang sakit, hirap na hirap pa din ako. Ano ba ang pwede ko pang gawin. Ano pa bang parusa ang kailangan ko pang maranasan at pagdaanan para lamang matapos na ang putang inang paghihirap na ito?

Muli ay nakatulugan ko na ang ganong ayos.

Umaga nang lumabas ako una kong nakita si Mama sa kusina. Lumapit siya sa akin pero hindi nagsalita. Nabigla ako nang bigla niya akong niyakap naramdaman ko lamang ang paghikbi niya pero hindi pa rin nagsasalita. Naisip ko sinabi siguro ni Yaya ang pag-alis namin kahapon.

“Ma, bakit ang sakit pa rin, samantalang iyon naman talaga ang gusto ko para sa kanya, gusto kong lumigaya siya, gusto kong magmahal siya at tuluyan na akong kalimutan, pero Ma, bakit ang kapalit noon sobrang sakit sa akin.”

“Kasi mahal mo siya, pero wala na tayong magagawa anak kundi ang tanggapin ang katotohan, iyan na talaga.”

“Ma tinanggap ko naman po, hindi naman ako naghahangad na bumalik pa siya.”

“Bakit kasi pumunta ka pa ‘don, alam mo namang masasaktan ka lamang sa makikita mo.”

“Hindi ko po alam Ma, gusto ko lamang siyang makita kahit mula sa malayo.”

“Anak, may kaniya-kaniya na kayong buhay at hindi na natin iyon mababago. Kahit masakit anak iyon ang totoo.”

“Ang hirap ‘Ma kahit gusto kong gawin ang hirap pa din, parang mababaliw ako, sobrang sakit ‘Ma,”

“ Ayusin mo ang sarili mo Paul, may anak ka na nangangailangan ng atensyon mo. Kailangan ka ng anak mo, kaya dapat magpakatatag ka.”

Muli ay yumakap ako sa kaniya,

“Ma huwag mo akong iiwan ha, hindi ko pa kayang mag-isa , kailangan ko pa po kayo ni Papa.” Umiiyak na sagot ko sa kanya.

“Oo anak, narito lamang kami ng Papa mo, para sa iyo at sa anak mo.”

Hinawakan niya ako sa kamay nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin.

“Salamat ‘Ma, kayo na lamang ng anak ko ang meron ako, sa inyo na lamang ako kumukuha ng lakas para ipagpatuloy pa ang buhay.” Iyon lamang ang naibulong ko.

Josh

Pagkagaling sa Baguio tumuloy kami sa aming bahay. Unang gabi naming matutulog sa aking kwarto. Nakiusap ako kay Angel na sa amin na kami tumira, Noong una hindi ko alam kung paano sasabihin. Pero nabigla ako sa sagot niya.

“Oo naman Josh, kahit hindi mo hilingin iyan, alam kong iyon ang dapat.”

“Talaga? Ibig mong sabihin payag ka?”

“Ano ka ba siyempre, hindi naman natin pwedeng pabayaan yung dalawa, at ngayong mag-asawa na tayo, may responsibilidad na rin ako sa kanila at tandaan mo nang mahalin kita minahal ko rin ang lahat ng taong mahal mo.”

“Salamat, hindi talaga ako nagkamali na pinakasalan ka you’re one of a kind.”

“Sus bolero , mag-asawa na tayo kaya dapat wala na tayong lihiman, remember bago naging tayo, naging magkaibigan muna tayo kaya hindi sana magbago iyon?”

“Pangako, Angel, hinding-hindi ako magbabago na mahalin ka” Tinitigan naman niya ako.

“Josh, may nakapagsabi na ba sa iyo na sobrang gwapo mo, nakaka adik iyang mga mata mo kahit sa pagtulog napapanaginipan kita?”

“Hmmm, wala pa ikaw pa lamang.” Nakangii kong sagot. Napatawa naman siya.

“Sa iyo may nakapagsabi na ba na para kang anghel hindi lamang dahil maganda ka kundi pati iyang puso mo?”

“Oo meron na?”

“Sino?”

“Ikaw, lagi mo na iyang sinasabi sa akin. Konti na lang maniniwala na ako” saka siya tumawa.

“Ganon ha, konti pala,” Kiniliti ko siya at nagsisigaw naman siya saka ako tinutulak palayo sa kanya.

Nang mapagod kami nahiga ulit kami na magkatabi.

“Angel, anong pangalan ng ex mo?”

“Huh! Bakit mo naitanong?”

“Basta, ano nga?”

“Jayvee,”

“Tara puntahan natin si Jayvee”

“Sira, ano naman iyang naisip mo.”

“Wala lang gusto ko lamang magpasalamat sa kanya, kasi kung hindi ka niya iniwan, hindi kita makikilala, o kung hindi ka niya sinaktan hindi ka pupunta don sa lugar na iyon at hindi mo ako makikita.”

“Wow, sweet ka naman pala, sabi ni Shayne wala ka raw ka sweetan sa katawan.”

“Luka-luka kasi iyong babaeng iyon.”

“Best friend mo yun diba?”

“Oo”

“Minahal mo ba siya?”

“Oo kasi nga bestfriend ko siya.”

“Pero minahal ka niya at mahal ka pa rin niya.”

“Hindi na siguro iyon magbabago kasi ang haba na ng panahon ng pinagsamahan namin saka minahal ko rin siya hindi nga lamang gaya ng pagmamahal ko sa iyo.”

“Iyan din ang sinabi niya, pero maiba ako dapat pala puntahan ko rin si Kuya Paul”

Hindi naman ako nakasagot. Kuya Paul na rin ang tawag niya gaya ng madalas niyang madinig sa amin ni Shayne.

“Bakit?”

“Kasi gaya ng sinabi mo kung hindi siya nagpakasal sa iba, hindi ka masasaktan, at kung hindi ka nasaktan, hindi ka mag eemote sa lugar na iyon at hindi tayo magkikita”

“Mag emote talaga?”

“Oo naman, pinapanood kaya kita sa malayo muka kang ewan, haha…”

“Mukang ewan pala ha, samantalang dito sa mukang ewan ka na inlove ng todo-todo.” Sabay dagan sa kanya habang nagkikilitian kami.

“Josh, wait, teka, teka muna”

Pero nanatili akong nakakatitig sa kanyang napaka among mukha. Dahan-dahan inilapit ko ang aking mga labi sa kanya nakita ko naman ang pagpikit ng kanyang mga mata. Hanggang tuluyang naglapat ang mga labi namin at kusang gumalaw na parang may sariling isip. Naging automatic na rin ang paghaplos sa aming mga katawan at sa unang pagkakataon ay naramdaman namin ang ligayang dala ng pag-iisa ng aming katawan.

Ang sarap pala ng buhay may-asawa, may nag-aasikaso ng mga gamit ko, mag nag-reremind ng dapat kong gawin, yung pag aasikaso na hindi gaya kay Mommy, Pag si Mommy nag aasikaso sa akin feeling ko baby pa ako, pero pag si Angel feeling ko mama na talaga ako at ang sarap ng pakiramdam. Perfect yatang asawa si Angel hindi siya demanding alam niya yung mga bagay na dapat niyang tinatanong at yung mga bagay na dapat sinasabi lamang sa kanya,

Madalas sa hapon nauuna siyang umuwi dahil straight 8-5 lamang ang pasok niya samantalang ako madalas flexible ang time especially pag may client na kailangang kausapin.

Madalas ko siyang madatnan sa kusina kasama ni Mommy.

“Nako Anak, hindi yata talaga para sa iyo ang kusina, tingnan mo almost 2 months na kitang tinuturuan dito pero yung output mo hindi pa rin talaga pwede,” malungkot na sabi ni Mommy nang minsang abutan ko silang nagluluto.

“Masarap naman itong kare-kare ah”

Sinabi ko pagkatapos tikman ang nasa mesa. Pero hindi talaga okay, hindi siya lasang kare-kare at ang gulay halos nadurog na lahat at nakahalo sa parang paste na sauce.

“Huwag mo na akong bolahin, alam kong pinapalakas mo lamang ang loob ko, pero naniniwala ako kay Mommy. Akala ko dati hindi lamang po linya ng Mommy ko ang pagtuturo kasi madalas naiinis siya pag tinuturuan ako pero I realized na matiyaga ka naman sa pagtuturo pero hindi pa rin ako natuto.” Malungkot niyang sagot.

“Hindi mo lamang linya anak, pero marami ka namang kayang gawin bukod sa pagluluto,” sagot naman ni Mommy.

“Saka huwag kang mag-alala, kahit papaano ay natuto rin ako kay Mommy nang pagluluto, madalas kaming nagluluto ni Kuya Paul dati pag busy si Mommy sa tindahan niya.” Ngiti ko sa kanya, saka siya inakbayan,

Hindi na rin naman siya nagtataka kung madalas kong mabanggit si Kuya Paul. Kahit anong gawin ko bahagi na yata ng aking sistema si Kuya Paul kaya madalas iyun unconsciously nababanggit ko iyon. Noong una sinasaway ako ni Mommy pero sabi ni Angel hindi naman maiiwasan iyon dahil nga nakagisnan ko na siya mula pa sa pagkabata ko hanggang sa aking paglaki. Kaya nakasanayan na naming pagkwentuhan si Kuya Paul.

“Josh si Kuya Paul ba mahilig sa movie?” minsang tanong niya habang nanonood kami ng sine.

“Well, hinde, mas mahilig siyang magbasa at magbasketball. Pero minsan nanonood din siya”

“Nanood na rin ba kayo dati ng sine?”

“Never pa, pero nag mo movie marathon kami sa kwarto ko, kaya napipilitan siyang manood dati kahit ayaw niya, kasi pag hindi siya nanood lalabas ako at iiwan ko siya. Pupunta ako sa mga barkada ko, ayaw pa naman niya ng ganon kaya para hindi ako umalis ay sasamahan na lamang niya ako.” Napangiti naman siya sa sagot ko.

“Bakit mo naitanong?’

“Wala, naisip ko lamang, napaka buting tao rin ni Kuya Paul, base sa kwento mo, ni Mommy at ni Shayne, mabait si Kuya Paul. Hanggang ngayon hanga pa rin sila sa kabaitan niya lalo na sa iyo.”

“Oo naman, sana nga okay na siya, sana happy na siya.”

“Gusto mo puntahan natin siya minsan, gusto ko siyang makilala saka gusto kong magpasalamat sa kanya kasi minahal ka niya bilang baby brother niya at bilang ikaw.”

“Saka na, huwag muna ngayon.” Maikli kong sagot.

“Galit ka pa ba sa kanya?”

“Hindi na, basta hindi pa ako ready makaharap siya”

Tumango naman siya, Paano ko ba sasabihin na huwag muna kasi natatakot ako. Hindi naman talaga ako galit kay Kuya Paul. Nalimutan ko na ang lahat ng sakit pero natatakot akong baka biglang magbalik yung dati kong nararamdaman. Alam kong mahal ko si Angel pero alam ko rin na sa ilalim ng lahat ng saya namin naroon pa rin at nagkukubli ang dati kong damdamin kay Kuya Paul. Mahal ko si Angel at gagawin ko ang lahat para huwag masira ang aming pagsasama. Ayoko siyang masaktan dahil hindi siya deserving kaya ako na ang gagawa ng paraan para huwag mangyari iyon. Isa pang dahilan ko ay ayoko na ring guluhin ang buhay ni Kuya Paul. May kaniya-kaniya na kaming buhay at siguro naman sapat ng dahilan iyon para tuluyan na naming tapusin kung anuman ang namagitan sa amin dati.

Isang hapon nakatanggap ako ng text galing kay Angel

“Hi Josh, see you sa restaurant na madalas nating puntahan. Love you,”

Napaisip ako hindi naman namin monthsary ano kayang okasyon. Basta nagreply na lamang ako ng “See you”. Hindi ako nag overtime. Dumaan lamang ako sa flower shop at bumili ng flower saka tumuloy sa meeting place namin.

Wala pa siya pagdating ko kaya naupo lamang ako. Maya-maya ay natanaw ko na siyang padating naka uniform pa, Ang ganda talaga niyang tingnan kapag nakaputi,

“Hi Josh,” sabay kiss niya sa akin bago naupo. Nang mapansin naman niya ang mga white roses. Napangiti siya.

“Alam na alam mo ang favorite ko ha, Thanks” Ngumiti lamang ako sa kanya saka iniabot ang mga bulaklak.

“So anong reason bakit tayo narito” nakangiti kong sagot, “aside from inlove ka sa akin kaya gusto mong makipag date?”

“Hmm, yabang, in love ka rin naman sa akin kaya quits lang.” napatawa naman ako sa sagot niya.

“Ano nga kasi, ayaw mo na ba sa luto ni Mommy, sawa ka na ba sa Tinola at Pininyahang Manok” pagpapatawa ko

“Ikaw ha, isusumbong kita kay Mommy tinatawanan mo ang favorite niya.”

“Hindi ah favorite ko rin kaya yun kahit nong bata pa ako, o mali naging favorite ko na iyon kasi lagi ko iyong natitikman mula bata pa ako.” Pero nakatingin lamang siya sa akin at nakangiti.

“Angel, huwag mo akong tingnan ng ganyan, promise mahahalikan kita” Napatawa naman siya ng malakas pero nagtakip ng bibig niya.

“Josh you are now a certified Daddy!” mahina niyang sabi pero malinaw kong nadinig.

“Ha! Paulit nga anong sinabi mo?”

“Josh naman e, nadinig mo diba, uulitin ko pa ba?” Napangiti naman ako naalala ko si Shayne kapag mga ganitong eksena.

“Hindi ako sure e, kung tama ang nadinig ko. Ano yung sinabi mo?”

“Ah wala na. sabi ko walang ulitan sa taong binge, saka siya mahinang tumawa.”

Pero tumayo ako at bigla siyang niyakap kahit nakaupo siya. Parang gusto kong maiyak. Tumayo rin siya. Mabilis ko siyang hainalikan sa labi.

“Thank you Angel. This is a wonderful news. This is a blessing!” at muli ko siyang hinalikan. Unexplainable ang saya ko ng mga oras na iyon.

Tulog na sina Mommy at Daddy nang dumating kami pero hindi ako pumayag na hindi sila gisingin. Ayaw sana ni Angel na gisingin pa sila pero kinatok ko sila nang kinatok.

“Talaga anak? Congratulations!” nakangiting sagot ni Mommy saka ako niyakap. Tuwang-tuwa din si Daddy at proud na proud.

Matagal pa kaming nagkwentuhan habang nanonood ng TV. Nawala na rin daw ang antok nila. Si Mommy ang daming paalala kay Angel mga do’s and don’t’s sa pagbubuntis. Kami naman ni Daddy ay nagkwentuhan sa terrace habang nagkakape.

Bago kami natulog ay nakapagtext ako kay Shayne para ibalita ang pagiging tatay ko. Tulog na malamang kaya hindi sumagot. Pero kinabukasan pag pasok ko pa lamang ng building ng opisins ay nagulat ang mga tao nang biglang magsisigaw. Napaka eskandalosang babae pa rin, iyon na lamang ang naisip ko. Napatingin tuloy ang mga tao sa lobby.

Nong weekend dumating sina Ate at ang family niya, dumating ang Mommy ni Angel at si Chris na sobrang tuwang-tuwa dahil magiging Tito Chris na siya. Hindi rin naman mawawala ang mag-asawang Martinez, na mula pa raw sa bahay ay sinisisi na ni Shayne si Kenzo kasi nauna pa silang kinasal pero nauna kaming magkakababy.

“Kasalanan ko ba talaga yun?” natatawang tanong ni Kenzo.

“Malamang, alangan namang ako” irap niya at tinaasan na naman siya ng kilay.

“Halika uwi na tayo at gagawa tayo ng marami, gusto mo kambal pa.“ Lambing niya kay Shayne habang inaakbayan, pinilit namang ilayo ni Shayne ang katawan kay Kenzo.

“Ewan ko sa iyo, lasenggo ka kasi kaya di tayo magkaanak”

“O sige, promise hindi na ako mag-iinom, tara uwi na tayo gagawa na tayo ng baby natin para hindi ka na mainggit sa kanila.”

Tawanan lamang kami sanay na kaming lahat sa kanila at bahagi na rin sila ng family namin.

Mabilis na lumipas ang 8 months

Tense na tense akong nagpapabalik-balik sa harapan ng delivery room. Sina Mommy at Daddy naman ay nakaupo lamang sa bench at nakatingin sa akin. Ang Mommy ni Angel ay nasa kabilang bench.

Ilang oras na bakit ang tagal, wala pang lumalabas. Pinuntahan ko si Mommy

“Ma, ganon ba talaga iyon, bakit ang tagal, more than 6 hours na siya sa loob hindi pa ba sila tapos?

“Hayaan mo sila anak, alam ng mga duktor ang gagawin, Huminahon ka, maupo ka muna at nang hindi ka nagkakaganyan.”

“Pero Ma..”

“Anak, kulang pa sa araw ang baby mo, diba hindi pa niya due date ngayon, magdasal tayong sanay maging successful ang operasyon na gagawin nila.” Si Daddy.

Matagal pa bago may lumabas na dalawang duktor. Hindi malinaw sa akin kung ano ang sinabi nila. Wala akong naintindihan sa paliwanag nila o mas madaling sabihin ayokong makinig at ayokong paniwalaan ang mga sinasabi nila. Parang natauhan lamang ako nang makita kong nawalan ng malay ang Mommy ni Angel. Agad ko siyang sinalo, maya-maya ay may inilapit na stretcher at inihiga siya doon, Napakapit naman ako sa braso ni Daddy at inalalayan niya ako papunta sa bangko.

Pero saglit lamang tumayo ako at sumilip sa pinto kahit binabawalan ako, kitang-kita ko ang maamo niyang mukha habang tinatakpan ng puting kumot. Huminga lamang ako ng malalim at naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko. Kumapit na rin ako sa door frame dahil pakiramdam ko ay mahinang mahina ako parang ano mang oras ay pwede akong mag collapse.

Wala na akong matandaan sa lahat ng nangyari. Ang sumunod kong naalala ay umiiyak ako sa harap ng kabaong, Nakatingin ako sa napakagandang mukha ng aking asawa. Hindi pa rin nauubos ang luha ko. Kahit anong sabihin nilang lahat hindi iyon nakakabawas kahit kaunti sa nararamdaman kong hirap. Nanatili lamang akong nakabantay sa tabi niya. Hindi ko na napapansin kung sinu-sino ang lumalapit at kumakamay sa akin. Blangko ang tingin ko sa kanilang lahat.

Hanggang naihatid namin siya sa huling hantungan, nanatili lamang akong nakatingin sa ginagawa nila. Nakita kong muli iyong mga taong kasama namin sa simbahan halos wala pang isang taon, iyong mga ngiting nakita ko sa kanila noon, wala na, wala na ang malalakas na tawanan, wala na ang biruan, malulungkot na mukha na lamang at mapupulang mga mata. Lumapit sila sa akin at kinamayan ako kahit hindi nagsasalita di gaya ng dati ang dami nilang sinasabi ngayon kakamayan lamang ako at tatalikod na. Kahit sina Jairus at Glen, nakatayo lamang malapit sa akin pero walang sinasabi.

Nakita ko mula sa tabi ko si Shayne, niyakap niya ako saka umiyak. Umiyak ako sa balikat niya pero wala akong masabi. Basta umiyak lamang ako nang umiyak. Maya-maya ay inakbayan ako ni Daddy at niyaya na sa sasakyan.

Pagdating sa bahay, nagpahinga lamang ako sandali, Ramdam ko pa ang pagod, dahil sa ilang gabing puyat at araw at gabing pag-iiyak pero may kailangan pa akong gawin.

“Dad, pupunta po ako ng ospital.” Mahina kong sabi kay Daddy.

“Ihahatid kita, ako na muna ang magda drive bunso, baka hindi mo pa kaya.”

Si kuya tumayo at umuna sa akin. Hindi na ako kumontra ramdam ko nga hindi ko kayang mag drive.

“Sasama ako anak” habol ni Mommy. Nakita kong tumayo rin si Ate at kahit hindi nagsasalita ay nakita ko si Daddy kasunod namin na nakatungo.

Nakatingin lamang ako sa salamin ng nursery room. Kita ko ang isang cute na cute na baby na nasa parang isang maliit na crib na may kung anu-anong nakakabit sa katawan. Nakita ko ang maliit na papel na nakasabit “Baby Villanueva”. Muling tumulo ang mga luha ko.

Mga isang lingo rin akong nagbantay sa ospital hanggang tuluyan ng nakalabas ng ospital ang baby ko. Hindi ko makakalimutan nang una ko siyang hagkan kusang tumulo ang aking mga luha at napatingala ako.

“Lord, kahit siya na lamang po. Huwag mo na po sana siyang kunin sa akin, please Lord. Ibigay mo na po siya sa akin. Huwag mo na po siyang bawiin. Nakikiusap po ako. kahit siya na lamang po please!”

Pinangalanan ko siyang Kyle Angelo. Dahil ayokong mawala sa amin ang alaala ng Momny niya isa pa gusto kong ituring siyang bagong anghel ng buhay ko, Kaya lamang habang lumalaki ay naging Gelo ang tawag sa kanya ng kanyang mga pinsan na sobrang natutuwa sa kanya at sa kalaunan nakasanayan na rin naming lahat na tawagin siyang Gelo.

Naputol ang malalim kong pag-iisip dahil may humawak sa aking kamay.

“Daddy, tell me more about Mommy, tell me more please…”

Pinagmasdan kong mabuti ang napaka cute na bata sa aking tabi.

“Isa kang napakagandang alaala na iniwan sa akin ng isang napakabuting tao.”

Muli ay humarap ako sa lapidang may isang basket ng white roses at dalawang kandila.

“Salamat sa pagdaan mo sa aking buhay aking anghel, salamat din dahil hindi ka lamang dumaan, sa pag-alis mo nag-iwan ka pa ng isang regalo, isang napakagandang alaala na habang buhay kong ipagpapasalamat sa iyo at sa ating Diyos. Sana manatili kang anghel sa buhay naming dalawa. Huwag kang mag-alala hindi ka mawawa sa aming puso hindi ka man niya nakita pero sa kanyang paglaki titiyakin kong mamahalin ka niya. Pangako iyan Angel.”

“Daddy naman kasi, hindi mo ako pinapansin, why are you crying? Basta pumunta tayo dito umiiyak ka.”

“Wala anak, wala ito.” Sabay punas sa aking mga luha. Humarap ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

“Ano pa ba ang gusto mong malaman tungkol sa kanya, gusto mo ba simulan ko ulit noong una ko siyang makilala?”

Ngumiti siya, pero parang biglang may naalala.

“Wait Daddy, sabi nga pala ni Tito Chris pumunta tayo sa kanila.” Biglang nagliwanang ang mukha niya.

“Bakit daw?”

“Tuturuan niya akong mag gitara, saka sabi niya paglaki ko raw isasali niya ako sa banda.”

Napangiti naman ako talagang ang aking brother-in-law, sobrang hilig sa music at gusto laging pakantahin si Gelo. Well maganda naman ang boses niya kahit bata, naalala ko ang sarili ko noong tinuturuan ako ni Kuya Paul na mag-aral kumanta. Spoiled si Gelo sa Tito niya kaya natatakot akong mahawa siya ng kakulitan ni Chris dahil kahit graduating na siya ng College sobrang makulit pa rin. Madalas din siya sa bahay namin kapag walang pasok para makipaglaro kay Gelo o kaya ay magkasamang manood ng anime. Parang bahagi na rin siya ng aming pamilya kahit wala na ang ate niya, natutuwa si Mommy dahil nagkaroon siya ng pang apat na anak.

“Ngayon ba?” Tumango lamang siya.

“Hindi pwede anak, ‘Di ba pupunta tayo sa Enchanted Kingdom kasama ang kambal. Ikaw ang nagrequest non, nalimutan mo na ba?”

“Pero Daddy, ayoko naman pong kasama ang kambal” nakasimangot niyang sagot, saka tumayo sa tabi ko habang ikinikiskis ang mga kamay sa tagiliran niya. Iyon ang paraan nya para ipakita na talagang naiinis siya.

“Bakit, hindi ba kayo friends?”

“Daddy lagi naman po akong inaaway ng dalawang iyon, tapos ang hilig pang manghampas sa braso, ang sakit kaya non, akala nila hindi.”

Nakita ko sa mukha niya ang totoong pagka inis. Naisip ko anak nga sila ni Shayne. Tumayo ako, pero paglingon ko nakita ko sina Shayne at Kenzo padating kasama ang kambal.

“Gusto mo ba ipakulong natin ang Mommy at Daddy nila, kasi sinasaktan ng anak nila ang baby ko?’ biglang nagliwanag ang mukha niya.

“Sige Daddy, ipakulong mo nga po sila….” Pero hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang lumapit si Shayne mula sa likuran niya at kiniss siya.

“Happy 6th Birthday Cute na Gelo!” may iniabot siyang gift dito.

“Huwag mo namang ipakulong ang Ninang at Ninong, kawawa naman sina Gem at Gen, wala ng mag-alalaga sa kanila,” inabot ni Gelo ang gift pagkatapos bahagyang lumuhod si Shayne para pisilin ang ilong ni Gelo. Napangiti naman ang bata.

Nakita ko ring ibinaba ni Kenzo ang dala niyang bulaklak sa tabi ng white roses saka lumapit kay Gelo at bahagyang ginulo ang buhok nito.

“Happy Birthday baby boy! mainit yata ang ulo” lingon niya sa akin. Inginuso ko naman sa kanya ang kambal. Malapit si Kenzo kay Gelo, dahil sabik din siguro sa anak na lalake. Madalas kapag magkakasama kami ay si Gelo ang kalaro niya.

“Bakit ninyo naman kasi inaaway itong cute na baby na ito? Tanong naman niya sa kambal. Hinawakan niya si Gelo at bahagyang iniupo sa hita niya.

“E kasi Daddy, ang suplado naman niyan ang sungit pa,” sagot nong isa, napaubo naman si Shayne kaya napatingin kami sa kanya.

“Saka Mommy, ang arte din ayaw kaming isinasama lagi kaming pinapaalis kapag nilalapitan namin.” Dagdag pa nong isa.,

Hindi na naghintay na tanungin siya, tumayo at bumitaw kay Kenzo, sumagot siya at hinarap ang dalawa.

“Pano naman, ang ingay-ingay ninyong dalawa saka lagi kayong nangsisigaw, tapos kahit nagsasalita si teacher, nagkukuwento kayo,” nakasimangot niyang reklamo sa dalawa. Nagkatinginan kaming tatlo.

“History repeats itself,” komento ni Kenzo. Tinaasan naman siya ng kilay ni Shayne.

“Pero kawawa naman ang baby ko, nag-iisa siya,”

“I guess I know the solution” saka nagbigay ng makahulugang ngiti. Tiningnan ko naman si Shayne pero nagkibit balikat lamang ito.

“O sige, Gen, Gem say sorry na to Gelo, Birthday niya today remember?, dapat masaya tayo saka huwag na kayong mag-aaway, friends kayo masama ang may kaaway, say Happy Birthday na rin to him” nakangiting sabi naman ni Shayne sa kambal.

At sabay ngang nag greet ang dalawa. Maya-maya ay nagtatawanan na sila at magkakahawak kamay na habang nagtatakbuhan sa loob ng memorial park.

“Parang kailan lang ano? 6 years na pala” biglang basag ni Shayne pagkatapos naming maupo paharap sa lapida ni Angel.

“Six years na pero hindi ko pa rin siya malimutan, dahil sabay ang pag-alis niya sa birthday ni Gelo.”

Nagsasalita ako pero sa lapida nakatutok ang aking mga mata.

Ganito kami twing birthday ni Gelo, uunahin muna talaga namin ang sementeryo bago magcelebrate, Noon ngang 2nd birthday niya ay literal na sa sementeryo kami naghanda at doon pinapunta ang aming mga bisita.

“Nakakapanghinayang lamang pero there is a reason for everything.” biglang sagot ni Kenzo.

“Naniniwala naman ako doon at masaya na ako sa buhay naming mag-ama, wala na akong ibang wish kundi mapalaki ko siya ng maayos sa tulong ng mga Lolo at Lola niya kasama siyempre ang mga tito at tita niya. Kuntento na ako sa ibinigay ng Diyos sa akin because Gelo is more than enough to make me happy.” Matagal-tagal pa kaming nagkwentuhan nang magyaya si Shayne.

“Paano, shall we?” tanong ni Shayne.

“Sige, kain muna tayo at tiyak gutom na iyang mga chikiting na iyan.” Sagot ko.

Sabay-sabay kaming tatlo na naglakad palabas ng memorial park habang ang tatlo naman ay magkakahawak ang kamay na nauuna sa amin.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Ang Tangi Kong Inaasam (Part 29)
Ang Tangi Kong Inaasam (Part 29)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-u2EVaLIVru8ZEE1jN0oqXL9VvXhbSTrR24vngE4vUPNFkYWgo5Dsl2vF5Epot_8mfEB19GC7ndgu6vJKOT5lLnYH3WtFbO8jA-d_MfxtFbFreiY-C8c4481UmM8Js_sH9X0kNQC68mbs/s1600/Ang+Tangi+Kong+Inaasam.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-u2EVaLIVru8ZEE1jN0oqXL9VvXhbSTrR24vngE4vUPNFkYWgo5Dsl2vF5Epot_8mfEB19GC7ndgu6vJKOT5lLnYH3WtFbO8jA-d_MfxtFbFreiY-C8c4481UmM8Js_sH9X0kNQC68mbs/s72-c/Ang+Tangi+Kong+Inaasam.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/08/ang-tangi-kong-inaasam-part-29.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/08/ang-tangi-kong-inaasam-part-29.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content