$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Aramco Camp (Part 5)

By: EyesCandy Clack, Clack... bumukas ang pinto. Alam kong si Dennis ang dumating kaya dali-dali akong nagtalukbong ng kumot. Sumasagi a...

Aramco Camp

By: EyesCandy

Clack, Clack... bumukas ang pinto. Alam kong si Dennis ang dumating kaya dali-dali akong nagtalukbong ng kumot. Sumasagi ang pinto sa paanan namin kasi nahaharangan ng kutson kaya ilang segundo pa bago ito nabuksan. Takang-taka si Dennis bakit ganito hitsura ng kwarto, nakalapag ang mga beddings.

Dennis: ‘tol bakit?... Anong nangyari? Sino yang nakahiga? Bakit may nagkalat na dugo sa bedsheets ko? (sunod-sunod na tanong niya).

Denver: Sorry ‘tol, lalabhan ko na lang mamaya para matuyo kaagad.

Dinig ko ang anas-anasan ng magkapatid, habang hindi naman ako gumagalaw sa pagkakahiga na nakatalukbong ng kumot. Nahihiya akong magpakita ng mukha kay Dennis, siguradong may hint na siya kung ano’ng nangyari.

Denver: ‘tol pasensiya na talaga, pinagamit ko kay Eyes itong beddings mo, dito ko siya pinatulog, at na-virgin ko kagabi.

Dennis: (gulat na gulat) Huh! Ang tulis mo talaga ‘tol, nadale mo yan? Eh sinubukan kong dalihin yan hindi ko lang nakuha eh kasi nga syota ni Gene yan, nakakahiya. Paano na yan ‘tol. ‘Tol baka naman pwede mong ipahiram minsan yan sa ‘kin.

Denver: (binatukan si Dennis) Lintek ka, iiskoran mo pa eh akin na nga yan ngayon, hamo na si Gene. Pag-usapan na lang namin pagdating niya.

Habang nakatalukbong pa rin ay nangingiti ako sa anasan ng magkapatid, isip-isip ko lang para akong nanood ng pelikulang may tunay na babaeng pinagtatalunan.

Denver: Love, bangon na, mag-brunch na tayo 10am na.

Ayaw ko pa sanang bumangon pero nilapitan na ako ni Denver at habang hinahagod ang katawan ko ay unti-unting binubuklat ang kumot na nakatalukbong sa akin sabay halik sa labi ko. Hindi kaagad ako nakatingin kay Dennis sa pagkapahiya na baka kung anong sabihin sa akin.

Dennis: Good morning, Eyes.

Eyes: (medyo nahihiyang tumugon) Hi !

Dennis: Kain na tayo (siguro ramdam niya pagkapahiya ko sa kanya kaya siya ang umiimik para maalis ang agam-agam ko).

Eyes: Ok. (pero pagtayo ko ay hinipo ko ang bandang puwitan ko, basa). Ah, kuya baka pwede akong makahiram ng shorts at brief mo, basa ang puwitan ko eh.

Nangingiti si Dennis, alam nya kung bakit ako basa.

Denver: Love hwag mo na nga ako tawaging kuya. Gusto ko Love na rin itawag mo sa akin mula ngayon. O heto ang shorts at brief, labhan ko na lang mamaya yang shorts at brief mo.

Dennis: (ngingisi-ngisi at pabirong nagsalita) May hipag na pala ako. Welcome to the family, Looooove !!!

Eyes: Che ! (inirapan ko si Dennis saka ako ngumiti, sinundan naman niya ng kindat sa akin sabay kagat-labi).

Denver: Sya, sya, tama na yan gutom na ako.

Agad na nga kaming tumungo sa Dining Hall. Sa loob ng Dining Hall, habang naglalakad kami papunta sa counter ay napuna ko sa ika-limang lamesa ang limang tropa ni Gene, nakatingin lahat sa akin. Sumenyas ang isang katropa na ibig sabihin dito ka umupo sa aming lamesa. Sumenyas naman ako ng Oo. Pagkakuha namin ng pagkain, naghanap ng bakanteng lamesa si Dennis habang diretso sana akong papunta sa lamesa ng tropa ni Gene. Agad ibinaba ni Demver ang tray niya ng pagkain at inagaw ang tray ko.

Denver: Love, saan ka pupunta? Dito lang tayo, ayaw kong makiupo sa kanila. Tayong tatlo ni utol ang magkakasama eh, patapos na rin naman ang mga ‘yon.

Sumenyas na lang ako sa tropa na dito na lang ako uupo kasama itong magkapatid. Sumenyas din naman sila ng ok lang.

Matapos kumain, nagyaya ang magkapati na mag-billiard daw kami pero umayaw ako at sinabing uuwi na muna ako sa dorm / room ko (nakakahiyang mapag-usapan ako ng tropa bakit itong magkapatid ang kasama ko habang wala si Gene na dapat eh dun sa mga katropa niya ako bumabarkada).

Eyes: Kuya, aaahh Love sige enjoy na lang kayo sa billiard.

Denver: (napangiti at natuwa sa pagtawag ko sa kanya ng Love) Kung wala lang tayo dito sa kalsada eh napupog na kita ng halik. Ang sarap palang matawag na Love.

Dennis: (natatawa sa usapan namin ni Denver na medyo sinusundot-sundot sa tagiliran si Denver). Kow napakatamis naman nyong dalawa, naiinggit tuloy ako ah.

Denver: Love, ihatid na kita sa room mo para alam ko na rin kung saan kita pupuntahan.

Dennis: Sasama na rin ako, para alam ko rin room mo.

Denver: Hwag ka nga dyan. Punta ka na sa Rec Hall ako na lang maghahatid sa kanya, malaman mo pa room ni Love ko eh masingitan mo pa. (pagseselos na sabi niya)

Dumiretso na si Dennis sa Rec Hall at inihatid na ako ni “Love” sa room ko.

Pagbukas ng pinto ay naroon si Mama.

Eyes: Good morning Mama. Hindi ka pa ba magba-brunch? Siyanga pala, may kasama ako (sumungaw sa pinto si Denver) Mama si Denver, doon ako nakitulog sa room nila kagabi.

Mama: Siguradong Batangueno ka rin ano? Tuloy ka Denver.

Denver: Magandang araw po, Mama. (tuloy ng pumasok at umupo sa kama ko).

Mama: Kumusta kabayan? Buti naman at dumarami na ang nakikilala ni Eyes dito sa kampo, hindi na maho-homesick yan.

Denver: Oo nga eh, palakaibigan kasi itong si Eyes at mahilig kasi maglaro ng billiard kaya hindi malayong marami siyang makilala dito. Ikaw Mama parang hindi kita nakikita sa Rec Hall.

Mama: Ah iba kasi pinagkakaabalahan ko eh. Nag-o-organize kasi ako ng choir at dance troupe. Baka mahilig kayong kumanta o sumaway, sali kayo. Ito naman eh puro Filipiniana ang features na kanta at sayaw para mai-promote natin ang ating kultura.

Medyo matagal-tagal ding usapan, maya-maya pa’y nagpaalam na si Denver.

Denver: Paano Mama, maglalaro ako ng billiard eh ayaw naman ni Eyes kaya inihatid ko na lang siya. Love, alis na ‘ko sabay halik sa lips ko.

Eyes: Sige Love, ingat.

Napanganga si Mama sa narinig nya at nakita. Nanlaki ang mga mata sa pagsulyap sa akin pero nagpigil magsalita at hinayaan na munang makalabas si Denver.

Mama: Looooove??? Ano daw yun?

Eyes: Mama, ganito yon. . . (blah blah blah ikinuwento ang nangyari kagabi, ok lang malaman niya kasi hindi naman ito chismosa na tulad ng iba dyannnn).

Mama: Eh paano na si Gene?

Eyes: Yun nga eh, nakakahiya pero andyan na eh ano pa magagawa ko.

Mama: In fairness anak, mukhang mas mahilab-hilab at delicious naman itong si Denver at mas bagay kayo sa totoo lang. Registered Nurse, matangkad, maputi, napakagwapo na kung matatalisod ko sa daan eh baka heklatin ko siya.

HA HA HA HA HA tawanan kami ni Mama.

Lumabas na si Mama para mag-lunch (hindi na brunch kasi 12noon na). Nakatulog naman ako. Medyo 4pm na ng magising ako dahil na rin sa puyat, pagod at sakit ng buong katawan ko. Nagising ako at nakitang nagbabasa si Mama ng pocket book.

Eyes: Mama, pakihipo mo nga ako. Mabigat ang pukiramdam ko.

Mama: (hinipo ang noo at leeg ko) Naku anak may lagnat ka ah. Alam mo ba kung saan ang Camp Clinic?

Eyes: Hindi nga eh, hindi pa ako napagawi doon.

Mama: Ay sya samahan na lang kita. Teka lang magdala ako ng towel para makapag-swimming na rin ako.

Pagtapat sa swimming pool, itinuro ni Mama ang Camp Clinic na ilang metro na lang ang layo. Iba itong clinic kesa sa Aramco Clinic na pinagtatrabahuhan ni Denver na nasa loob ng Industrial Area. Indian national ang naka-duty na Nurse at Doctor. Ginawa ang SOP: kuha ng temperature, tinimbang, tanong-tanong pero hindi ko sinabi syempre na naiyot ako kagabi kaya masama pukiramdam ko noh. Binigyan ako ng mga gamot, sandamakmak eh lagnat lang naman ito. Buti na lang Huwebes ngayon, bukas eh wala pa rin namang pasok, hopefully by Saturday ok na pukiramdam ko.

Dumaan muna ako sa swimming pool upang tingnan si mama, tumuloy na akong umuwi sa kwarto namin. Habang nakahiga ako, 6:30pm Knock Knock Knock Binuksan ko pinto, dumating si Denver.

Denver: Love dinner tayo.

Eyes: Love, masama pakiramdam ko nilalagnat ako. Kasalanan mo ito eh! (pero pabiro na may kasamang ngiti).

Denver: (agad hinipo ang noo at leeg ko at agad din akong niyakap sabay halik sa lips). Sorry Love, nabigla ka yata sa ginawa ko. Sorry, sorry, sorry pero hindi ko pinagsisisihan ang desisyon ko na angkinin ka. Mahal kita, sana maunawaan mo kung bakit ko nagawa ‘yon.

Iniupo nya ako sa kama at hinagod-hagod ang likod ko.

Denver: Gusto mo Love, ikuha na lang kita ng pagkain sa Diner?

Eyes: Hindi pwede yun, bawal maglabas ng pagkain sa Diner. Ok naman ako, kaya kong pumunta dun. Oh, 6:45pm na baka masarhan tayo, lika na.

Sa Dining Hall, buti na lang wala na tropa ni Gene at kakaunti na rin ang mga kumakain kasi ilang minuto ay sasara na ang Entrance Door. Pagkakain ay inihatid na ako ni Denver sa room ko.

Wala pa si Mama sa room nang dumating kami. Hinanap kaagad ni Denver ang mga gamot na dapat kong inumin, buti na lang pinaalala niya kasi nakalimutan ko na. Matapos yon ay humiga na kami pareho habang nag-uusap.

Denver:: Love, sasama ako sa Shoppers” Bus punta ko bukas sa Al-Khobar makapamasyal naman at may bibilhin pati ako. Hwag ka na lang sumama para makapagpahinga kang mabuti at para makapasok ka sa trabaho sa Saturday.

Eyes: Ok, ingat ka Love.

Denver: Ano nga pala gusto mong pasalubong?

Eyes: Hwag na kow, marami naman pagkain dito sa loob ng kampo.

9pm bumukas ang pinto, dumating na si Mama. Galing daw siya sa practice ng choir. Nakipagkwentuhan muna siya saglit sa amin.

Mama: Oh Denver, ayan nilagnat ang anak ko. Ano ba kasi ginawa mo sa kanya?

Denver: (napatingin bigla sa akin na parang nagtatanong ang mga mata, alam na ba ni Mama nangyari kagabi?, tumango lang ako. Seryosong sumagot) Mama, eh pasensiya na, mahal na mahal ko kasi si Eyes kaya di ko napigilan ang sarili ko eh. Wag kang mag-alala pananagutan ko naman ang anak mo.

Nagkatinginan kaming tatlo, na-realize na ano ba itong drama, at biglang hagalpakan ng tawa.

Mama: Masyado ka kasing seryoso eh, ok lang yun. Boto naman ako sa ‘yo eh, pero sana ingatan mo siya at sana hwag mo siyang sasaktan, ngayon pa lang umibig yan.

Tuloy ang kwentuhan hanggang 10pm. Nagpaalam na si Denver.

Denver: Love, alis na ako 7am ang alis ng bus bukas maaga pa akong gigising.

Hinalikan niya ako sa lips at saka nagpaalam na rin kay Mama. Natulog na rin kami ni Mama.

Friday. Nagdaan ang maghapon, naiinip ako na hindi ko nakikita si Denver, wala din si Mama na busy sa kanyang choir. Hindi rin ako makagala sa Rec Hall kahit medyo nawawala na ang lagnat ko, gusto ko lang mawala muna ako sa paningin ng mga tao lalo na sa tropa ni Gene. 3pm may kumakatok, si Denver dumiretso na dito pagkababa sa bus na galing Al-Khobar. Pinatuloy ko. Parang napakaraming pinamili nito na mga naka-plastic pa.

Denver: (hinalikan muna ako sa lips) Love, dinalhan kita ng mga prutas. (1 kilo green seedless grapes paborito ko ito, 1 kilo sunkist, 1 kilo yellow apples). Bumili na rin ako ng squeezer, ipagkakatas kita ng sunkist para gumaling ka kaagad.

Eyes: Maraming salamat Love. (niyakap ko siya at hinalikan sa lips, idinantay ko ang aking ulo sa kanyang balikat, naglalambing).

Maya-maya pa’y dumating na si Mama, pagod na pagod.

Denver: Gandang hapon Mama. Ay salamat at dumating ka na.

Mama: Bakit naman?

Denver: Kasi gusto kong maging witness ka sa mga susunod na ilang minuto.

Nakita kong may inilabas mula sa kanang bulsa niya, maliit na kahon, kulay maroon at may tatak na Eve’s Jewellery. Kinabahan ako, pero naalala ko yung mga pelikula na biglang luluhod ang lalaki, magpo-propose, etc. kaya medyo nangingiti ako at naluluka na ang utak ko. “Hindi ko na kaya ito”, sa isip ko lang.

Bigla ngang iniluhod ni Denver ang kaliwang paa habang nakatukod ang kanang paa sa sahig, binuksan ang kahon at iniharap sa akin ang dalawang engagement rings. Si Mama naman eh parang naluluka rin, gustong matawa ng malakas pero pinipigilan ng kanyang dalawang kamay ang bibig, nanlalaki ang mga mata.

Denver: (habang nakaluhod) Eyes, Love, gusto kong patunayan sa iyo na mahal na mahal kita, hindi lang sa salita, hindi lang sa kama,... dito sa puso ko. Sa sandaling nakilala kita kahit hindi pa kita ginalaw nung isang gabi, alam ko tumatak ka na kaagad dito sa puso ko. Matatanggap mo ba ako bilang boyfriend mo?

Natigilan kaming dalawa ni Mama, natahimik, hindi ko naramdaman pumatak na pala ang luha ko, sunod-sunod, umaagos. Para akong tuod na nakatulos sa lupa, hindi ako makagalaw, hindi makapagsalita, puro luha lang. Gusto kong himatayin (ang drama naman).

Biglang nagsalita si Mama, “Hoy, anak, ano na? Kumibo ka, tinatanong ka nya.

Bigla akong nagulat doon at hindi alam ang gagawin o isasagot.

Mama: Tinatanong ka ni Denver kung matatanggap mo ba raw siya bilang boyfriend mo. Umayos ka nga !

Saka pa lang ako natauhan, hinawakan ko siya sa mga kamay at itinayo ko siya. Tiim bagang ako na gusto pang lumuha pero pinigilan ko na lang.

Eyes: Oo, Denver, Love. Tinanggap na kita dito sa puso ko noon pa lang gabing inangkin mo ako. (nagyakapan kami ng mahigpit at naghalikan sa lips, napakaswabe ng labi niya, ramdam ang pagmamahal).

Isinuot niya sa palasingsingan ko ang isang singsing, iniabot naman ang isa pa sa palad ko upang ako naman ang magsuot sa kanya. Hinalikan niya ang kamay ko na may suot na singsing saka ako niyakap nang mahigpit at hinalikan sa lips mga 3 minutes.

Halos maghumiyaw si Mama sa tuwa na may kasama pang malalakas na palakpak.

Mama: Congratulations mga anak. (at nag-group hug kami). Masaya ako para sa inyong dalawa. Pero, oy hwag nyong kalimutan may commitment ka pa Eyes kay Gene na dapat ay tapusin mo na pagbalik niya galing bakasyon.

Denver: Mama, ganun na nga ang binalak namin gawin ni Love, kakausapin namin si Gene harapan para magkaroon sila ng closure.

Masayang-masaya kaming tatlo, punong-puno ng pagmamahal ang buong kwarto namin. Pinagsaluhan namin ang mga prutas na dala ni Denver, na manaka-naka’y sumisimple ng halik sa akin, na siya namang ikinagagalak ni Mama. Parang naglaho bigla lahat ng takot ko at agam-agam sa napipintong pagbabalik ni Gene. Kaya ko ng harapin ang minsay minahal ko kahit sa iilang araw lang. Magiging matatag ako at haharap kaming dalawa ni Denver sa kanya, once and for all, upang ipaalam ang nabuong pagmamahalan namin.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Aramco Camp (Part 5)
Aramco Camp (Part 5)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgKZK3k4M2VGukEsUlwddIHJJP8_9WxpMhZ-kKlKEPrqivxwb783dRsHO-LDL_su4oISDr2wh7Lxh_Iy8w3V_7FLEM6PH5bgeV7niVAza7KPYwzBL0dYC2Yt-8_GcM-z5ard0SspXFEILOr/s1600/Aramco+Camp.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgKZK3k4M2VGukEsUlwddIHJJP8_9WxpMhZ-kKlKEPrqivxwb783dRsHO-LDL_su4oISDr2wh7Lxh_Iy8w3V_7FLEM6PH5bgeV7niVAza7KPYwzBL0dYC2Yt-8_GcM-z5ard0SspXFEILOr/s72-c/Aramco+Camp.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/08/aramco-camp-part-5.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/08/aramco-camp-part-5.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content