$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Aramco Camp (Part 6)

By: EyesCandy Ang Pagbabalik Ni Gene Kinakabahan ako sa maaaring mangyari sa pagbalik ni Gene, matapos ang isang buwan na bakasyon, ng...

Aramco Camp

By: EyesCandy

Ang Pagbabalik Ni Gene

Kinakabahan ako sa maaaring mangyari sa pagbalik ni Gene, matapos ang isang buwan na bakasyon, ngayon ay tatlong araw na lang narito na siya. Pinag-aaralan kong mabuti kung ano ang sasabihin ko at kung paano ito sasabihin. Hindi na ako mapagkakatulog sa pag-aalala. Napupuna na rin ni Mama ang pagkabalisa ko sa araw-araw. Hindi ko lang pinahahalata kay Denver ang aking nararamdaman.

Lumipas pa ang tatlong araw, gusto ko ng matunaw para hindi na ako makita ni Gene.

Miyerkoles ng gabi: Ngayong gabi na ang dating niya, para akong maiihi na matatae. 7pm ang lapag ng eroplano niya, 30 minutes bago siya makalabas sa airport, 1hr ang biyahe para makarating dito; talagang binibilang ko ang bawat minuto bago kami magkitang muli. Sana ma-delay ang flight nya, sana matagalan siya paglabas sa airport, sana masiraan ang kotse ng susundo sa kanya; panay ang masasamang iniisip ko para ma-delay lang siya. Kung bakit naman ngayon pa wala si Denver sa tabi ko na araw-araw eh kasabay ko sa dinner at inihahatid pa ako dito sa kwarto.

8:30pm naghihintay ako ng may kakatok sa pinto, nahahalata ni Mama na hindi ako makatulog.

Mama: Eyes, may problema ka ba?

Eyes: Mama, ano ba ito hindi ako mapakali, parating na si Gene any moment. Suportahan mo naman ako pag andyan na siya.

Mama: Sige anak ako bahala sa ‘yo, oombagin ko siya kapag mali ang magiging pakikiharap niya sa ‘yo.

11pm Wala pa rin kumakatok. Maluluka na ako sa kakaisip.

2am. Wow, antok na antok na ako habang si Mama ay kanina pa nakatulog. Teka baka nagkatutoo lahat ng hiniling ko na ma-delay siya at masiraan ang kotse. Kaba, kaba, kaba, nakakabaliw.

4am. Hindi ko na kaya ito, makatulog na lang. Nakatulog nga ako.

Thursday, 6:30am Knock, Knock, Knock. . . Juicekoday eto na. Sinilip ko muna sa door viewer kung sino kumakatok. Huh! si Gene at si Denver magkasama? Bakeeet?!

Dahan-dahan kong ibinukas ang pinto at pinatuloy sila.

Eyes: (patay malisya) O Gene, kumusta bakasyon?

Gene: Ayos naman, nakakapagod gawa ng mga bata makukulit.

Habang si Denver ay tahimik lang, wala munang kiss hehehe.

Eyes: Teka lang, bakit kayo magkasamang pumunta dito?

Denver: Eh kasi . . . (bumulog sa akin) Love, naikwento ko na sa kanya tungkol sa atin at Ok na, wala na tayong problema.

Eyes: Ay Gene, Denver, upo nga pala kayo. (nagising na si Mama). Mama, andito na si Gene, kasama si Denver.

Takang-taka si Mama sa namulatan niya, nagtatanong siguro sa isip nya bakit magkasama ang dalawang ito.

Gene: Alam mo Eyes, buti na lang pala sinundo ako nitong si Denver. Eh hindi dumating yung Foreman ko na dapat susundo sa akin.

Denver: (ngingisi-ngisi) Pardz talagang hindi darating ang Foreman mo kasi sadyang ako nagprisinta para sumundo sa ‘yo, alam mo na malaki kasi atraso ko sa ‘yo kaya medyo bumabawi lang.

Nakatulala lang kaming dalawa ni Mama sa kanilang usapan, hindi pa namin mahagip kung bakit nga nagkaganoon.

Mama: Teka lang, linawin nyo nga mga sinasabi nyo, naguguluhan ako eh.

Gene: Mama, kasi habang nagda-drive itong si Denver eh nagkwento sa akin kung ano’ng nangyari dito habang wala ako. Eh maganda naman ang paliwanag niya at naunawaan ko naman, ok na sa akin ‘yon. Eyes, Congrats nga pala at hwag kang mag-alala ok lang yun sa akin. Mabait naman itong si Denver eh, hindi ka pababayaan nyan. (sabay kindat sa akin)

Parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig, nahulasan at nawala lahat ang kaba at takot, pero hindi ko napansin ang pagpatak ng mga luha ko. Wala akong maiimik, nakayuko lang ako. Agad naman akong nilapitan ni Denver at hinagod ang aking likod.

Eyes: Gene, labis akong nahihiya sa ‘yo. Patawarin mo ako sa kasalanan ko, hindi ko iningatan ang pagmamahal na inialok mo sa akin, pasensya na. I’m so sorry (habang tuloy pa rin ang aking pagluha).

Gene: Usap na lang tayo mamaya, kung pwede sana kay Denver? (sabay tingin kay Denver).

Denver: Ok lang pardz, para na rin magkaroon kayo ng closure dalawa.

Mama: O Zsa Zsa Royal celebration na kaagad para masaya. Tuwang tuwa naman ako sa inyong dalawa Gene at Denver, pareho kayong gentleman. Salamat sa inyong dalawa, para kay Eyes.

Gene: Ay syanga pala may mga dala akong pasalubong sa inyo. Eyes, eto yung paborito mong suman magkayakap. Mama, miss mo na siguro itong Collete’s Buko Pie. Pardz, eto mga minatamis na sari-sari kuha ka na dyan ng gusto mo.

Denver: Pardz maraming salamat sa pang-unawa mo at sa mga pasalubong na rin. Yaman din lang na ok na tayong lahat, gusto ko sana mag-celebrate, kain tayo sa labas mamayang lunch sa Gulf Royale sa Rahima.

Napakasaya ng aming harapan, agang-aga eh talagang bumuhos lahat ang biyaya. Biyaya ng pagpapatawad, biyaya ng pang-unawa, biyaya ng pagmamahal, biyaya ng mga biyaya . . . ang saya-saya.

Papunta na kami sa Diner, dinaanan muna namin si Dennis sa kanilang kwarto upang sumabay na sa amin mag-breakfast. As usual, yung tropa ni Gene dun sa table No.5 mga nakaupo tamang kararating din lang nila. Pagkakuha namin ng pagkain, doon na rin kami nakiumpok sa tropa kasi nga kasama namin si Gene. Sa kanan ko umupo si Denver, sa kaliwa naman si Gene. Nagtitinginan ang mga tropa sa amin at nakikiramdam. Agad binasag ni Gene ang mga malisyosong pag-iisip kaya siya na mismo nagsalita at sinabi sa tropa na kaming dalawa na ni Denver at mamaya na lang daw nya ito ipapaliwanag pagkatapos kumain. Automatic, nagtaasan bigla ang mga baso na puro tubig at juice ang laman.“Let’s drink to that!” sabay-sabay na nagsalita, napatingin tuloy ang mga iba pang kumakain sa ibang lamesa.

Natapos ang masayang umagahan, si Mama ay tumuloy na sa room namin at kami naman ng buong tropa ay nagpunta sa Rec Hall. Napakasaya, lumaki bigla ang tropa ni Gene at mula noon ay kami na ang naging magbabarkada.

Habang naglalaro ang ibang katropa ay nakita kong nag-uusap si Gene at Denver sa isang sulok, ako naman ay nanood lang at taga-palakpak sa makaka-shoot. Maluwag na maluwag na ang aking kalooban, payapa at masaya na ako sa mga biglaang developments na ito.

Nung mag-ayawan na ang tropa sa pagbibilyar ay agad kaming nag-uwian sa aming mga dorm. Inihatid ako ni Denver sa room ko at sinabi sa akin ang plano mamayang lunch na gaganapin sa Gulf Royale Chinese Restaurant, kasama ang buong tropa. Bale ito ay blow-out ni Denver. Umuwi na rin kaagad siya sa room nila upang makapaligo. Agad naman akong binalikan sa room ko nung malapit na kaming umalis. Sa kotseng dala ni Denver ay kasama namin si Mama at Dennis. Kay Gene na kotse naman sumakay ang tropa niya.

Pagdating sa Gulf Royal ay agad kaming sinalubong ng dalawang Pilipino crew at inihatid kami sa VIP Room, wow naman. Ito pala ay agad naipa-book ni Denver kaninang umaga, napaka-resourceful talaga niya at galante. Closed door kami kaya kahit medyo mag-ingay kami ay ok lang.

Isang malaking round table ang nakapuwesto sa VIP room. Si Mama, si Gene at Dennis ay magkakatabi sa upuan across sa inuupuan namin ni Denver. Inakbayan ako ni Denver habang nakatingin sa Menu Book upang maka-order kami ng gusto namin. Napakarami namin in-order pero pinakapaborito ko yung lobster. Nagpagawa din ako ng Saudi champagne, ito ay pinaghalong sparkling clear grape juice at perrier na nilagyan ng sliced oranges, sliced apples at fresh mint leaves, una ko itong pina-serve. Tatlong Pilipino crew ang naka-post sa amin upang kunin ang orders at mag-serve. Napansin ko na parating nakatingin si Gene sa amin ni Denver, yun pala ay napansin na nya ang aming engagement rings. Nang malagyan na ng Saudi champagne lahat ng wine ay biglang tumayo si Gene,

Gene: Nais kong mag-propose ng toast para sa bagong magkasintahan. (itinaas niya ang kanyang wine glass at sumunod ang lahat upang uminom. Palakpakan ang lahat).

Sunod naman tumayo si Denver.

Denver: Nais kong mag-propose ng toast para sa isang gentleman na mapang-unawa at mapagpaubaya. (tumingin kay Gene sabay taas ng wine glass) Pardz, you are a gentleman and a scholar, maraming salamat. (lahat ay nagtaas din ng glass at uminom).

Hindi na ako magkamayaw sa kasiyahang nararanasan ko sa pagpapahalaga ng bawat isa, sa pagiging sport ng dalawang lalaking ito kaya hindi ako nakatiis, tumayo na rin ako.

Eyes: Nais kong mag-propose ng toast, una para kay Gene na naging mahinahon at maunawain. Pardz, I love you and thank you very much. (itinaas ang glass, sumunod ang lahat at uminom). Isa pa, nais ko rin ialay ang toast na ito para sa lalaking nang-rape sa akin (naghagalpakan ng tawa lahat, kagulo naman eh) Denver, Love, salamat (itinaas ang glass, sumunod lahat at uminom).

Nang makaupo na ako ay agad akong hinalikan ni Denver sa lips, ipinasok pa ang dila sa bibig ko. Tinapik ko ng konti at bumulong sa tenga niya na nakakahiya sa tropa. Napatingin silang lahat at nagpalakpakan pa, kaloka talaga.

Maya-maya pa’y nag-umpisa ng mag-serve, nauna ang pancit kaya naglabasan na ang mga chopsticks.

Habang kumakain ay bigla kong naisip ang singsing, itinago ko sa ilalim ng lamesa ang mga kamay ko, hinugot ko ang singsing, wow ngayon ko lang nakita ito, naka-engrave talaga ang mga pangalan naming dalawa ni Denver. Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko nang mahigpit si Denver na nagulat, kahit may pancit pa ang bibig ay hinalikan ko siya sa lips at nagwikang, “Love, I love you very much.” Napatingin ang lahat, si Dennis na tuso naman ay kinalembang ng chopstick ang wine glass, tulad sa mga kasalan na humihiling na maghalikan ang mga ikinasal. Agad naman nakuha ni Denver ang ibig sabihin kaya hinawakan niya ako sa batok at siniil ng halik. Palakpakan at tawanan silang lahat. Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Mama ng “Hep-hep!” “Hooray” naman ang isinagot ng lahat. Ay talagang napakasaya ng moment na yon, hinding-hindi ko malilimutan.

Maya-maya pa ay sunod-sunod na ang dating ng mga pagkain na in-order at isa-isang iniayos sa Lazy Susan, naglabasan naman ang mga kubyertos. Medyo naging tahimik na at busy na mga bunganga sa pagkain.

Nagsalita si Gene na nakatingin sa amin ni Denver.

Gene: Pardz, gagawin ko kayong mga ninong sa pangatlo naming magiging anak ha. Sana sabay-sabay tayo magbakasyon para masaya.

Denver: Sige pardz payag kami ni Love maging mga ninong. (sabay kiss sa cheek ko). Pagplanuhan natin ang bakasyon natin para sabay-sabay kasi iimbitahin ko rin kayo sa aming kasal ni Love.

Eyes: Huh! (namula ako sa sinabi nya at kinurot ko sa tagiliran) Nukaba, pinagsasabi mo dyan? (nadinig ng lahat).

Katropa No.1: Pumayag ka na Eyes para makahigop naman kami ng mainit na sabaw (kasabihan sa Batangas kapag may ikakasal). Lahat kami sasabay sa inyong bakasyon, sabay-sabay tayo di ba mga katropa.

Katropa No.2: Oo nga naman, kow sarap ng lechon dun kina Denver ah, native pa.

Mama: Hoy, paano ako. Hmmm hwag kalilimutan ang Mama, ombagin ko kayo lahat.

Hagalpakan na naman ng tawa.

Biglang tahimik nung sumenyas si Denver kay Gene na parang ipinahihiwatig kung gusto namin magkaroon ng private moment para nga naman magkaroon na kami ng formal closure. Sumenyas si Gene na OK na, hindi na kailangan. Tapos nag-thumbs-up at kumindat sa akin. Sumagot naman ako ng pabulong na thank you.

Natapos ang masaganang tanghalian, tutal Huwebes naman kaya namasyal, naglakad-lakad muna kami sa kahabaan ng Rahima at medyo bumili na rin ng mga kailangan.

Nung makauwi na kami sa kampo ay tumuloy muna kami sa aming kwarto at nagkwentuhan pa muna. This time nalaman na rin ni Dennis kung saan ako nakatira.

Hinila ko palabas si Denver at naiwan si Mama at Dennis sa loob. Sa hallway lang kami malapit sa kwarto ko nag-usap.

Eyes: Love, lika sandali usap tayo.

Denver: Love, ano yon?

Eyes: Ano yung sinasabi mong kasalan? Napapraning ka na ba? Alam mong hindi pwedeng mangyari yon, di ba?

Denver: (hinawakan ako sa dalawang kamay) Love, patutunayan ko sa ‘yo na hindi lang dito sa Saudi itong relasyon natin tulad ng paniniwala mo. Patutunayan ko na kaya kong pangatawanan na makasama ka habang buhay. Sa bakasyon natin, iuuwi kita sa lugar namin, ipapakilala kay Inay at Itay at sa buong pamilya ko.

Nanliliit ako sa mga sinasabi niya at ngayon pa lang ay natatakot na, iniisip ko pa lang kung paanong pagharap sa mga magulang niya kung totoo nga ang sinasabi niya, pero dahil seryoso nga ang taong ito kaya maaaring gawin nga niya ito.

Eyes: Love, hwag mong sayangin ang buhay mo sa isang katulad ko. Dapat mag-asawa ka ng tunay na babae, magkaanak, bumuo ng pamilya. Sa pelikula lang ang mga ganitong kwento.

Denver: Ginusto kitang angkiniin dahil kaya kong panagutan ang ginawa ko sa ‘yo at hindi para paglaruan ka lang tulad ng ginagawa ng karamihan sa kampo, kaya tingnan mo yung ibang bading doon parang mga pagerper.

Pumapatak na naman ang mga luha ko, damang-dama ko ang pagiging tapat niya sa lahat ng salitang binibitawan niya. Hindi na ako nakasagot, tagos na sa puso ko ang gusto niyang iparating. Sino ba ako at ano ba ako para pagtuunan niya ng ganitong pagmamahal? Niyakap niya ako, hinalikan sa noo, sa lips, mahinahon at dama ang pagmamahal na iginagawad ng banayad na paghalik niya (laglag na panty ko ‘day). Matagal din kaming magkayakap hanggang biglang bumukas ang pintuan namin. Ooops biglang bitaw kami sa isa’t-isa. Si Dennis pala, iihi daw, hehehe killjoy. Sumunod si Mama iihi din daw. Weh, iihi lang kaya? Ano kaya ang mangyayari sa C.R.?

Pumasok na kami ni Denver sa kwarto, nagTITItigan, naghahagilap ng sasabihin, niyakap na lang niya ako to kill the moment. Pahalik-halik siya sa akin habang matagal kaming magkayakap, hinahagod ang aking likuran. Teka, parang 30 minutes ng nawawala si Mama at Dennis. Maya-maya pa’y dumating na ang dalawa, magkasabay.

Eyes: (nagbiro ako) O, ano Dennis, masarap ba?

Dennis: Ha? Ano yun? (patay-malisya)

Mama: (sumabat bigla) Anak, hwag kang ganyan, hmmm. Igalang mo ang iyong Mama. (kumindat, parang ibig sabihin eh mamaya ko ikwento sa ‘yo).

Napatingin si Denver sa wall clock . . .

Denver: Aba naku, 6:40pm na baka masarhan tayo ng Diner.

Mama: Zsa Zsa tayo na.

Sakay kami sa kotse ni Denver, pagdating sa Diner, as usual kakaunti na ang mga kumakain. Matapos namin kumain ay inihatid na namin si Mama sa kanyang choir practice Kami naman tatlo ay tumuloy muna sa Rec Hall para magbilyar. Hindi na ako mahihiya ngayon na palaging makasama ang magkapatid, kahit makita ako ng tropa ni Gene. Inabutan namin ang tropa, as usual masaya na naman silang naglalaro ng billiard. Inaya ko si Denver at Dennis na turuan naman ako mag-ping-pong tutal bakante naman yung isang table. Panay ang tawa ng magkapatid sa akin kasi puro dead ball ako. 9pm na nung inihatid ako ng magkapatid sa dorm ko, naiwan muna si Dennis sa kotse at inihatid ako ni Denver sa kwarto ko.

Pagpasok sa kwarto ay agad ini-lock ni Denver ang pinto.

Denver: Love wala pa si Mama.

Eyes: So, ano ibig mong sabihin ngayon?

Denver: Eh, alam mo na (sabay tampal sa pwet ko).

Eh alam na nga kaya wala ng quieme. Alam na ha, hindi ko na ikukwento. Umiskor na naman si Love ko.

10pm dumating na si Mama, saglit lang ay nagpaalam na si Denver pauwi sa dorm nya. Agad kong kinulit si Mama kung ano’ng nangyari kanina sa C.R.

Eyes: Mama, ano na? Yung kanina sa C.R.?

Mama: (nangingiti at medyo tumataas ang kilay) Ikaw bakit hindi mo sinabi agad sa akin na delicious pala si Dennis, at daks pa ha.

Eyes: Malay ko naman na mata-type-an mo siya. At akala ko kasi virgin ka pa rin.

HAHAHAHAHAH hagalpakan kaming dalawa.

Mama: Zsa Zsa matulog na tayo, balak kong pumunta bukas sa Dammam kasi imi-meet ko yung kabayan kong taga-Naga na dumating kagabi at may padala daw kasi sa akin ang sister ko. Sama ka?

Eyes: Naku, hindi ako nakapagpaalam kay Denver baka magalit yon alam mo na ‘yon bantay sarado na ako ngayon.

Mama: Ayan, kasi pag boyfriend mo na eh talagang babakuran ka na baka maagaw ka pa ng iba. Imagine 5,000 ang Pilipino dito sa kampo, napakadali kang maheklat ng mga majijibog dyan. Anyway, tulog na tayo maaga pa ako bukas. Goodnight anak.

Eyes: Goodnight Mama.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Aramco Camp (Part 6)
Aramco Camp (Part 6)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgKZK3k4M2VGukEsUlwddIHJJP8_9WxpMhZ-kKlKEPrqivxwb783dRsHO-LDL_su4oISDr2wh7Lxh_Iy8w3V_7FLEM6PH5bgeV7niVAza7KPYwzBL0dYC2Yt-8_GcM-z5ard0SspXFEILOr/s1600/Aramco+Camp.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgKZK3k4M2VGukEsUlwddIHJJP8_9WxpMhZ-kKlKEPrqivxwb783dRsHO-LDL_su4oISDr2wh7Lxh_Iy8w3V_7FLEM6PH5bgeV7niVAza7KPYwzBL0dYC2Yt-8_GcM-z5ard0SspXFEILOr/s72-c/Aramco+Camp.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/08/aramco-camp-part-6.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/08/aramco-camp-part-6.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content