$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Loving in Silence

This story is based from a dear friend’s experience who gave me the go signal to write and share their story.

By: Lonely Bulakenyo

This story is based from a dear friend’s experience who gave me the go signal to write and share their story. For those who are looking for an erotic story, this one is not for you. But for those hopeless romantics na good adviser din at the same time, I hope you find this story worth your time. And for the avid readers of my other story, At Your Service Nikko, I just want to assure you that I am working on the succeeding chapters. Konting pasensya na lang po. Again, thanks for the undying support at patuloy akong na-iinspire sa mga comments nyo sa akin. Keep it up.

Moving on to the story…

It's March 1. Exactly one year ago nang iniwan ako ni Alex. Almost 3 years din kaming lumaban. Sa kabila ng napakaraming paghihirap, nakaka-ubos lakas na pagod, pagtagaktak ng balde baldeng mga sikretong pagluha at napakahirap tiisin na mga sakit ay nanatili kaming matatag. Patuloy kaming kumapit. Ipinangako namin sa isa't isa na sabay naming haharapin at lalabanan ang pagsubok na ibinigay sa amin. Kaya lang malakas talaga ang kalaban. Unti unti nyang pinahina ang katawan ni Alex. Hindi lang pambubugbog na pisikal ang nagawa nya sa amin. Pati pambubugbog na emosyonal, sikolohikal at pinansyal. Ganyan kasama ang kalaban namin. Ganyan kasama si CANCER.

I am Roi. I was 18 nung makilala ko si Alex. He was 28. Galing sya sa isang mayamang pamilya. Kakapasa pa lang nya sa medical board exam nuon at may naghihintay nang trabaho sa kanya sa isa sa pinakamalaki at kilalang ospital sa Pilipinas. Sophomore college student naman ako. Wala pang napapatunayan sa buhay. Full of insecurities. Kaya nung time na umamin sa akin si Alex ng nararamdaman nya ay agad ko syang hinindian. What can I do? He's too damn good looking. He's effin' well off. He’s way smarter. He's a doctor. And I am just a plain, aloof, and introvert probinsyano. He's just to good to be true for me.

But that doesn't stop him from pursuing me. Sobrang persistent. To the point na sobra na nyang kulet. I am sure na tataasan nyo ako ng kilay when I say na 2 years nya akong niligawan bago ako bumigay. Langit at lupa ang agwat namin pero pinaramdam nya sa akin na kaya nyang bumaba sa antas na kung hanggang saan ang kaya ko lang akyatin. Dahil duon ay unti unting umusbong ang pagmamahal ko sa kanya.

Eto ako at nakahiga sa kama. It’s almost 10 am. Hindi pa din ako nag-aalmusal. Kung buhay si Alex ay malamang na nag-away na naman kami at maghapon na naman nya akong dededmahin dahil sa pagpapalipas ko ng gutom. Ano ang magagawa ko? Wala akong gana e. Sabi nila dapat na gunitain ang araw na iyon dahil magbababang luksa na ako. Sa totoo lang hindi ko alam ang seremonyas. Kung meron man. Hindi ko din maintindihan kung bakit kailangan pang gunitain. Pareho lang naman. Wala na sya. Nadagdagan lang naman ang mga araw na hindi ko na sya kasama.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni nang tumunog ang cellphone ko.

Tumatawag si Tita Alice. Ang mama ni Alex.

“Good morning po Tita.” ang pambungad ko na bati.

“Good morning, Iho. Kamusta ka na?” ang magiliw na bati ni Tita sa akin na nasa kabilang linya.

“Ayos naman po. Kayo po?” ang tugon ko.

“Hay.” ang malalim na buntong hininga ni Tita Alice.

“Tita. Ang lalim naman po nun? Hehehe.” ang pabirong pagpuna ko.

“Naku. Pasensya ka na Iho. Di ko maiwasan e. Alam mo naman. Isang taon na.” ang medyo malungkot na sagot ni Tita.

“Oo nga po e. Ang bilis. Parang kelan lang.” ang medyo malungkot na sabi ko kay Tita.

Saglit na namagitan ang katahimikan sa aming dalawa. Hanggang sa marinig ko ang pagsinghot mula sa kabilang linya. Parang kinurot ang puso ko dahil nadadama ko ang pagdadalamhati ng isang inang nawalan ng bunsong anak. Gustuhin ko man syan aluin pero hindi ko din naman alam ang sasabihin. Dahil tulad nya ay nagdadalamhati pa din ako sa pagkawala ng kalahati ng buhay ko.

Pero bago pa man tuluyang bumagsak ang mga luha ko ay binasag na ni Tita ang katahimikan sa pagitan namin.

“Ano ba yan? Tama na nga ang drama. Sayang ang make-up ko. Masisira ang mascara ko. Hehehe.” ang pilit na natatawang sabi ni Tita.

“Hahaha. Ikaw talaga Tita.” ang tugon ko.

“Anyways, Iho, Mamayang hapon pupunta kami sa sementeryo. After that, dito naman sa bahay. Get together. Invited ang lahat ng kamag-anak namin at mga closest friends ni Alex. Ikaw ang pinaka-importanteng tao sa buhay ng anak ko, kaya dapat nandito ka. Ok?” ang pag-aya ni Tita Alice sa akin.

“Syempre naman po Tita. Darating po ako.” ang pagsisigurado ko.

“Good. Sige na at marami pa akong dapat gawin. See you later.” Ang pagpapaalam ni Tita Alice sa akin.

“Sige po Tita. Bye.” Ang huli kong sinabi bago ko tuluyang ibinaba ang cellphone ko.

Hindi ko inakalang magkakasundo kami ni Tita Alice. Ang malungkot, kung hindi pa nagkasakit si Alex ay hindi mangyayari ang imposible. Hindi ko lubos na mawari ang naging reaksyon ng mga magulang Alex nung umamin sya tungkol sa kasarian nya. Hindi ko din makalimutan ang reaksyon ng Mama nya nung ipakilala nya ako sa kanila. Ramdam ko ang pagkamuhi at galit nila sa akin. Ang mga tingin at pakikitungo nila sa akin ay sapat na para paminsan minsan ay akoy mapaisip.

Pero sa kabila ng lahat ay pilit ko silang inunawa. Inisip ko na lang na iba ang inaasahan nilang landas na tatahakin ni Alex. Sobra nilang mahal ang nag-iisang lalaki at bunso ng pamilya kaya ganun na lang nila protektahan. Isinaksak ko na lang sa isip ko na balang araw ay mamumulat ang mga mata at isip nila at matatanggap nila ako.

Ilang saglit pa ay may kumatok sa pinto ng kwarto.

“Roi!” ang pagtawag sa akin ng kumakatok sa pinto.

Nang hindi ako sumagot ay muli itong kumatok ng may kalakasan.

“Roi! Andyan ka ba?” ang muli niyang pagtawag sa akin.

Siya si Aaron. Kababata at bestfriend ni Alex. Si Aaron ang naging daan para makilala ko si Alex.

“Oo. Bukas yan.” ang sagot ko habang nakahilata sa kama.

Agad na bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang isang mala-anghel, subalit ay nakasimangot na mukha ni Aaron sa akin.

“Kailangan ba talaga na makadalawang tawag pa ako bago mo ako sagutin?” inis na pagsita ni Aaron sa akin?

“Good morning din Aaron.” ang tangi ko na lang sinabi.

“Good morning ka dyan. Anong petsa na? Hindi ka pa din bumabangon?” ang sabi sa akin ni Aaron sabay upo sa gilid ng kama ko.

“Wala naman akong pasok ngayon kaya ayos lang na magpatanghali ako ng gising.” ang tugon ko.

“Hindi mo naman siguro nakakalimutan ang petsa ngayon?” ang medyo seryosong sabi nya.

“Oo naman. Sino ba naman ang makakalimot?” ang medyo seryosong tugon ko.

“Kaya nga! Bumangon ka dyan at simulan mo na ang araw mo.” Ang sabi ni Aaron sabay hatak sa akin patayo.

Biglang pumasok sa isip ko si Alex. Dahilan para ako ay mapabuntong hininga.

“Paano ko ba sisimula ang araw na ito?” ang seryosong tanong ko.

Hindi agad nakaimik si Aaron. Alam nyang mababaw lang ang tanong ko subalit naghahangad ito ng malalim na sagot.

Ibinaluktot ko ang mga binti ko at saka ko ito niyakap. Agad ko naman itinukod ang baba ko sa pagitan ng magkadikit na tuhod ko. Para bang wala akong lakas. Wala akong gana. Gusto kong nang matapos ang araw na ito. Baka sakaling bukas ay maging ok na ako.

Walang anu ano ay naramdaman ko ang pagbalot ng mga bisig ni Aaron sa akin. Ramdam ko din ang paghilig ng kanyang ulo sa aking likuran.

“Ito ang kailangan ko. Ito ang kailangan ko.” Ang tangi kong nasabi sa isip ko.

Ilang minuto din kaming nasa ganung posisyon. Marahil ay nakaramdam na sya ng pagka-asiwa kaya sya na mismo ang kumalas.

“Ang drama mo!” ang pabirong sabi nya sabay batok sa akin. Gumati na lang ako ng ngiti.

“Paano mo sisimulan ang araw mo?”

“Breakfast! Alam kong di ka pa kumakain.”

“Kilalang kilala kita.”

“Kung narito pa si Alex, siguradong mag-aaway na naman kayo dahil sa katigasan ng ulo mo.” ang sabi nya sa akin.

“Tumayo ka na dyan. Bababa ako at magtetake-out ng pagkain mo.” ang dagdag nya sabay hatak sa akin patayo. Pagkatayo ko ay hindi na nya ako binitawan pa. Bagkus ay hinatak nya ako palabas ng kwarto. Sa labas ng kwarto ay tumambad sa akin ang isang box.

“Gaya ng usapan natin. Ibinabalik ko na sa iyo ito.”

“Alam kong matagal mo nang hinihintay na makuha ang mga yan.” Ang sabi ni Aaron sabay abot ng box.

“So paano? Ikaw na bahala dyan. Bibili muna ako ng pagkain mo. Ok?” ang huling sinabi ni Aaron bago ito tuluyang lumabas ng unit ko.

Agad kong ibinaba ang kahon sa center table. Pagkaupo ko sa sofa ay agad ko din itong binuksan. Unang tumambad sa akin ang larawan ng nakangiting si Alex. Ang sarap sa pakiramdam na makitang muli ang larawang iyon. Tila ba nakita kong muli ang taong mahal ko mula sa isang taong na paghihiwalay. Laman ng kahon ang ilan pang mga larawan namin ni Alex na magkasama. Kwintas. Singsing. Mini stuffed toys. Pati mga bagay na kinukuha ko tuwing may first time na nangyayari sa amin mula nung naging kami. Movie ticket nung unang beses na nanood kami ng sine. Resibo ng restaurant. Bato mula sa beach nung unang out of town namin. Resibo sa Bus nung unang beses na sumama sya sa akin pauwi ng probinsya. Ultimo balat ng kendi at tuyong dahon ay itinabi ko. Lahat ng laman ng kahon ay nagpapaalala sa aking ng mga masasayang sandali na kasama ko pa si Alex maliban sa isa. Isang hindi pamilyar na bagay. Isang CD. At sa ibabaw ng CD ay may nakasulat na…

“Para sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko… Roi.”

Bigla akong kinabahan. Somehow may idea na ako kung para saan ang CD na iyon. Hindi ko matantya sa sarili ko kung kaya ko na bang panuorin ang laman ng CD. Pero sa kabila ng pag-aalinlangan ko ay naisip ko din…

“Kung hindi ngayon ay kailan pa?”

Agad kong kinuha ang laptop ko. Nang mabuhay ito ay agad kong isinalpak ang CD sa CD reader. Huminga muna ako ng malalim bago ko tuluyang itinulak pasara ang CD reader. Saglit lang na binasa ng laptop ang CD bago automatikong nagbukas ang video player.

Nakafocus ang camera sa may kisame ang panimula ng video. Dinig ko ang usapan ng tatlong tao na tila ba abala. Pero nangingibabaw ang boses ni Alex.

"Pre, ano? Ok na ba?" ang tanong ni Alex. Halata sa boses nya ang pagod at paghahabol ng hininga.

"Ma? Maayos na ba ang hitsura ko?" muli nyang tanong.

"Oo anak. Gwapong gwapo ka as always." ang malambing na sabi ng Mama ni Alex.

"Salamat Ma..." ang sabi ni Alex na biglang naghabol ng hininga at umubo.

"Ok lang ako..." ang muling sabi ni Alex para pakalmahin ang nag-alalang ina.

Saglit na tumahimik. Tanging tunog lang ng tila ba inaayos ang video ang aking narinig. May mga pagkakataon na umuuga ang pinapanood ko.

"Handa ka na ba?" ang tanong ni Aaron.

Dinig ko ang ang paghugot ng malalim na hininga ni Alex bago sya muling nagsalita.

"Oo Pre. Handa na ako." ang tugon ni Alex.

Ilang saglit pa ay gumalaw ang video at unti unti itong tumutok kay Alex. Naka cream na bonnet sya para takpan ang nakalbong ulo nya ng dahil sa Chemotherapy na pinagdaanan. Naka johnny gown sya na naging outfit na nya mula nang ipasok namin sya sa ospital. Printed ito ng logo ng hospital kung saan sya nakaconfine. Halata sa mukha nya ang pagod at hirap pero nagagawa pa din nya ang ngumiti. Iyon na ang pinakamaayos na natatandaan kong hitsura nya mula nang dumating sya sa hospital.

Biglang kinurot ang puso ko. Ito ang unang pagkakataon na muli kong nakita ang mukha ni Alex mula nang ilibing sya. Kinuha kasi ni Aaron ang lahat ng gamit niya sa condo namin. Pati ang social media accounts namin ay deactivated. Lahat ng pictures, videos at traces ni Alex ay itinago sa akin. Yun kasi ang request ni Alex para maging madali sa akin ang tanggapin na wala na sya. Sobrang torture sa akin yun pero alam kong makakatulong.

Saglit na inayos ni Alex ang bonnet nya. Humugot ng malalim na hininga. Muling ngumiti at saka nagsimulang magsalita.

"Heyow pfow!" ang bungad ni Alex sabay kaway. Kasabay nito ay hindi nya maiwasan ang mapahagikgik.

"I can imagine your reaction habang pinapanuod mo ito."

"Nakakunot ang noo."

"Nakasimangot."

"Napapailing sa pandidiri."

"I know how much you hate jejemon words. Hehehehe." nangingiting sabi ni Alex. Muli syang tumigil at humawak sa kanyang dibdib. Kita sa mukha nya na medyo hirap sya sa paghinga. Saglit na hinimas nya ang kanyang dibdib bago nagsalitang muli.

"I am sure na more than a year na akong wala habang pinapanuod mo ito."

"Pasensya ka na at kailangan mo pang pagdaanan ang hirap. Ito lang kasi ang paraan na alam ko para makatulong sa iyo na makarecover."

Muli syang napatigil. Napabuntong hininga. Napaisip.

"Ang dami kong gusto na sabihin sa iyo. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Kaya hindi ko alam kung paano ako magsisimula."

Muli syang napaisip.

"Wala naman sana akong plano na pumunta sa birthday party ni Aaron noon."

"Alam naman nyang hindi talaga ako mahilig sa mga social gatherings at party. Ayoko kasi sa madaming tao."

"But for some reason... may kung anong pwersa na pilit akong pinapapunta."

"Kaya... pumunta pa din ako."

Muling humugot ng malalim na hininga si Alex.

"Kahit kilala ko ang mga bisita ni Aaron ay hindi ako masyadong nakimingle. I just stayed in one corner. Pinagmamasdan ko lang ang mga tao sa paligid while they’re all enjoying the party."

"Bored na ako that moment. Kaya nagdecide na akong umuwi. Uubusin ko lang ang iniinum ko."

Muling tumahimik si Alex. Pumikit. Kita sa mukha nya na inaalala nya ang pangyayaring iyon.

"And then suddenly..."

"You entered the room." sabi nya kasabay ng isang matamis na ngiti.

"Nakita kita agad."

"Everything goes into slow motion.”

“Unti unting humina ang music."

"Lahat ng bagay ay naging blurred sa paningin ko."

"Maliban sa iyo."

"Sobrang linaw mo sa paningin ko."

"I can still remember yung awkwardness sa mukha mo. Obvious na wala kang kilala. Obvious na mahiyain ka."

Huminto ulit si Alex. Pumikit saglit. Nagsmile. Muling minulat ang mga mata at tumingin sa camera.

"Tapos tumingin ka sa akin."

"Hindi ko makalimutan yung moment na nagtama ang mga mata natin. May kung anong kuryente na gumapang sa katawan ko."

"Then you smiled."

"Fuck!" ang sabi ni Alex sabay pikit at tingala.

"Yun ang nasabi ko sa sarili ko. Yun na yata ang pinakasweet na mga ngiti na nakita ko sa buong buhay ko."

"Wala na akong naririnig na music. Tanging tibok ng puso ko na lang."

"Dug dug! Dug dug! Dug dug!" ang nakangiting sabi ni Alex habang nakahawak sa dibdib.

"Tapos... bigla kang kumaway.”

“Hindi ako sure kung ako yung kinakawayan mo pero kumaway din naman ako."

"Unti unti kang lumapit."

"Sa bawat paghakbang mo... lalong lumalakas ang pagkabog ng dibdib ko."

“Hindi ako makakilos.”

"Nasa harap na kita nang marealize ko na katabi ko pala si Aaron at sya yung kinakawayan mo."

“Shit! Sobrang nakakahiya talaga.” Ang nakangiti pero napapailing na sabi ni Alex.

"Medyo napahiya ako kaya hindi agad ako nakapagsalita. Buti na nga lang at ipinakilala ako ni Aaron sa iyo.”

"Tumingin ka ulit sa akin. Nagsmile. Tapos nagoffer ng handshake."

"Nang mahawakan ko ang kamay mo nuon ko nasabi sa sarili ko na..."

Hindi agad nasabi ni Alex ang kasunod na sasabihin dahil muli itong humugot ng malalim na hininga. Ngumiti ulit ito at nagsalita.

"It was love at first sight."

"Sa isang katulad ko na maraming hindi pinaniniwalaan..."

"Kailanman ay hindi ko naisip na posible palang mangyari sa akin yun."

"From that moment and on, sinabi ko sa sarili ko that I am gonna pursue you."

"I will do everything para mapasaakin ka."

"Although, hindi ako sigurado that time kung gay ka. Dahil walang trace e. The way you talk. Yung mga gestures mo. Wala talaga."

"Kaya sobra akong natuwa nung sinabi sa akin ni Aaron na you are one of us."

Saglit na tumingin si Alex sa kinaroroonan ni Aaron. Nagsmile. Kumindat. At muling tumingin sa camera.

"Halos awayin ko na nga si Aaron para lang makuha ang number mo."

"Lahat na kaya ng klase pang-uuto na pwede nyang gawin sa akin ay nagawa na nya para lang makapiga ako ng impormasyon about sa iyo."

"Grabe ka naman!" ang sabi ni Aaron.

Agad na napatingin si Alex sa kinaroroonan ni Aaron. Nagsmile at nagpeace sign bago muling tumingin sa camera.

"Lahat ng mga gusto mo inalam ko. Pati na din ang mga ayaw mo. Yung mga kinakatakutan at pinandidirian mo."

"Lahat!..."

"Lahat... lahat."

"Ginawa ko ang lahat basta malaman ko lang ang mga bagay na yun."

"Gusto kong handa ako bago kita ayain magdate."

Muling tumahimik si Alex. Napahawak sya sa kanyang dibdib. Medyo nakalamukot ang kanyang mukha. Halatang nahihirapan. Pero halata din namang pinipilit nyang kayanin. Saglit nyang hinimas ang kanyang dibdib bago sya muling nagsalita.

"Then I ask you out..."

"Akala ko nung una kaya ka hindi nagreply ay dahil sa text lang kita inaya."

"Narealize ko din naman na napaka-informal ng ginawa ko."

"I was so worried na baka nagalit ka. Kaya agad akong kumunsulta kay Aaron."

"Aaron told me na kaya ka daw hindi nagreply dahil naiintimidate ka sa akin."

Muling napangiti si Alex. Napa-iling.

“Hahaha…”

"You had the worst self-esteem problem at that time."

"Kung tutuusin... isang malaking turn off yun for me."

"But for some reason... I find it cute. Hehehe."

Isang matamis na mga ngiti ang muling lumabas sa bibig ni Alex na may halong kilig.

"Eventually, pumayag ka din naman."

"Ilang beses pa tayong lumabas bago ako nagtapat ng feelings ko para sa iyo."

"Kaya lang walang kagatol gatol e binasted mo agad ako."

"Iniwan mo pa nga ako nun."

"Akala ko kasi tama na ang timing."

"Sobrang perfect na kasi ng moment..."

"But I was wrong."

"I was so devastated."

"Ang sakit kaya."

"Magdamag din kitang iniyakan nun. At alam ni Aaron yan. Dahil pinuntahan ko sya."

Muli syang tumingin sa kinaroroonan ni Aaron.

"Pero after kong umiyak, i promised to myself na hindi ako susuko."

"Sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para makuha ang tiwala mo."

"Gagawin ko ang lahat para mahalin mo din ako."

"Two years kaya kitang niligawan."

"Ang tiyaga ko di ba?"

"Di mo kinaya ang kakulitan ko noh?"

"Hehehe."

Bigla akong napangiti sa sinabi ni Alex.

"Ang gwapo mo e noh? Walang tatalo sa kagwapuhan mo e noh?" ang nanlolokong sabi nya.

"Hehehe. Biro lang."

"Gwapo ka naman talaga..."

"Kahit di mo nakikita sa sarili mo yun..."

"Ako... kitang kita ko."

"Ikaw ang pinakagwapo sa mga mata ko."

"Wala e."

"Tinamaan talaga ako sa iyo eh."

"Kaya naman sobrang saya ko when you finally said yes."

"I can still remember yung reaction mo nung nagsisigaw at nagtatalon ako sa may Starbucks sa Tagaytay."

"Hiyang hiya ka nun. Para ngang makopa ang mukha mo dahil sa pamumula."

"Ang cute talaga... hehehe." ang nanggigigil na sabi nya bago sya tumahimik muli para maghabol ng hininga.

"Ang dami kong nalaman sa iyo mula nung magsama tayo."

Muling tumahimik si Alex. Napangiti at napailing.

"We're totally opposite."

"May pagkaburara ako sa mga gamit ko. Gusto mo maayos ang lahat."

"Spontaneous akong tao. Pero gusto mong pinaplano ng maayos ang lahat."

"Mahilig akong gumala. Homebody ka naman."

"Seloso ako. Ikaw naman ay hindi."

"I love meat. You prefer fruits and veggies."

"Gastador ako. Kuripot ka. Hehehehe."

"Biro lang." ang sabi nya sabay bigay ng peace sign.

"Ang dami pa. At aabutin tayo ng siyam siyam kung iisa isahin ko ang lahat ng pagkakaiba natin."

"Kung malalaman nga ng ibang tao ang pagkakaiba natin..."

"Iisipin nila na hindi tayo compatible sa isa't isa."

"Pero hindi iyon ang iniisip ko."

"Hindi man tayo magkasundo sa maraming bagay. Hindi man pareho ang mga gusto natin. Pero masaya ako."

"Dahil ang pagkakaiba natin ang nagpapabalanse sa relasyon natin."

"Ikaw ang nagpapabalanse sa buhay ko."

"Babangon ako na magulo ang pinaghigaan natin."

"Pero nakakatulog ako ng mahimbing dahil maayos ang hinihigaan ko."

"Matutulog ako na nagkalat ang pinaghubaran ko kung saan saan."

"Pero gigising ako na maayos ang lahat."

"Aalis ako ng condo natin na para bang dinaanan ito ng bagyo."

"Pero dadatnan ko ito na maayos at malinis."

"Kahit na minsan ay hindi ako nakarinig ng reklamo sa iyo."

"Dahil sabi mo nga... gustong gusto mong pinagsisilbihan ako."

Tumahimik muli si Alex. Muling humawak sa dibdib at humugot ng hininga. Kita pa din sa mukha nya ang sakit at hirap na nararamdaman. Pero hindi naging dahilan yun para tumigil sya.

"Sa mga pagkakataon na arya lang ako ng arya."

"Ikaw ang nagpapaalala sa akin na dapat matuto din akong maghinay hinay."

"Na mas makakabuti sa akin ang pinag-iisipan ang mga bagay na gagawin ko."

"Adventurous ka din naman na tao tulad ko."

"Pero minsan... alam ko na mas gusto mo na nasa bahay lang tayo."

"Tayong dalawa lang."

"Sapat na sa iyo yung nakahiga lang tayo sa kama."

"Magkayakap."

"Naglalambingan."

"Ang mahalaga ay nasa iyo lang ang atensyon ko."

"Alam na alam mo rin kapag nagseselos ako."

"Pinagtatawanan mo nga lang ako kasi halatang halata sa akin."

"Kapag alam mong nabubuwisit na ako mas lalo mo pa akong inaasar kasi mas lalo kang kinikilig kapag nagseselos ako."

“Pero ikaw. Ni minsan ay hindi ko kinakitaan ng pagseselos.”

"Gusto ko sanang gumanti. Kaya lang lagi akong palpak."

"Ilang beses akong nagtry na pagselosin ka pero kahit na minsan hindi ka kumagat."

"Confident ka kasi. Dahil alam mong hindi ko magagawang lokohin ka."

“Binalaan nga nila ako. Overconfident ka daw.

"Ok lang. Kasi ang totoo natutuwa ako."

"Dahil may tiwala ka sa akin. At mataas ang tingin mo sa pagmamahal ko sa iyo."

Muling napaisip si Alex. Bahagyang naging seryoso ang mukha nya.

"Ang dami kong mamimiss."

"Yung pagsigaw mo kapag nanunuod tayo ng mga horror movies."

"Yung tawa mo kapag kinikiliti kita."

"Yung reaksyon ng mukha mo kapag nasa matataas na lugar tayo."

"Yung pag-aalala mo na baka hindi ko magustuhan ang iniluto mo para sa akin."

"Yung pagkamangha mo sa mga maliliit at simpleng bagay."

"Yung saya mo kapag sinusurpresa kita."

"Lahat!"

"Lahat. Lahat."

Napayuko si Alex. Pilit na iniiwas ang mukha nya sa akin dahil nagsisimula nang mangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Maraming pagkakataon na sinabi mong naging dependent ka sa akin."

"Dahil ako ang bumili ng condo natin."

"Dahil ako ang madalas na bumibili ng groceries natin."

"Dahil ako ang laging nagbabayad ng mga bills natin."

"Kapag may sirang gamit... ako ang gumagawa."

“Ako ang laging nagpapalit ng bumbilya kapag napupundi ang ilaw natin. Takot ka kasing makuryente."

"Kapag manunuod tayo ng sine... ako ang magpapasya kung ano ang panunuurin natin."

"Kapag lalabas tayo... ako ang magpapasya kung saan tayo pupunta."

"Sabi mo nga... kaladkarin kang tao."

"At ok lang sa iyo na kaladkarin ka kung kasing gwapo ko naman ang kakaladkad sa iyo."

"Kahit saan magpapakaladkad ka sa akin." ang natatawang sabi ni Alex.

Pero kahit anong tawa ang gawin ni Alex ay hindi na nya magawang maikubli ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Pero alam mo... mali ka."

"Ang totoo... ako ang naging dependent sa iyo."

"Dahil nakadepende ang kaligayahan at buhay ko sa iyo."

"Walang anumang bagay akong ginawa ng hindi ko inisip ang kapakanan mo."

"Kaligayahan ko kung anuman ang kaligayahan mo."

"Sampung taon..."

"Samp..."

Hindi naipagpatuloy ni Alex ang sasabihin dahil bigla itong umubo. Kita sa video na dakot dakot nya ang kayang dibdib dahil nahihirapan syang huminga. Agad na lumapit ang Mama nya sa kanya at hinagod ang kanyang likod. Bakas sa mukha nito ang sobrang pag-aalala.

"Pre. Tama na kaya."

"Nahihirapan ka na. Baka kung mapaano ka pa." ang pag-aalala ni Aaron.

Agad na gumalaw ang camera at tumutok ulit sa may kisame. Patuloy pa din sa pag-ubo si Alex.

Ilang saglit pa at muling nagsalita si Alex.

"Kaya ko..."

"Ma... Pare... kaya ko ito."

"Huwag kayong mag-alala." ang sabi ni Alex.

"Pero, pre..." hindi na natapos ni Aaron ang sasabihin dahil agad na kinontra sya ni Alex.

"Please..." ang tanging sinabi ni Alex.

Saglit na katahimikan ang namagitan sa tatlo bago unti unting gumalaw ang focus ng kamera at tumutok muli kay Alex. Sa pagkakataong ito ay may nakakabit na oxygen sa ilong nya. Parang may kamay na dumaklot sa puso ko. Nagsimulang mangilid ang luha sa mga mata ko dahil kita ko ang paghihirap ni Alex. Pero pilit ko itong pinipigilan dahil alam kong lumalaban sya kahit sobrang hirap at sakit na ng nararamdaman nya.

"Sampung taon."

"Sampung taon ng pinakamaliligayang araw ng buhay ko."

"It was a magical ride with you..."

"And I can't wait for more adventures to come."

"Kaya lang..." hindi agad matapos ni Alex ang sasabihin dahil nagsimula itong mautal. Tanda na anumang oras ay sasabog ang kanyang damdamin at babagsak ang kanyang mga luha.

"Kaya lang..." utal na sabi ni Alex. Agad itong yumuko. Ilang saglit lang ay nagsimula syang humikbi. Dahan dahang umangat ang kanyang mukha.

Hindi ko na magawang pigilan ang paggulong ng mga luha mula sa mga mata ko ng makita ko ang pag-agos ng mga luha sa mata ni Alex. Alam kong gusto nyang magsalita pero hindi nya magawa dahil sa bigat ng kanyang nararamdaman. Ilang saglit pa ang lumipas bago sya nakapagsalitang muli.

"Sorry Babe kung umiiyak ako."

"Ipinangako ko sa iyo na hindi ako iiyak. Kaya lang..." ang humihikbing sabi ni Alex.

"Kaya lang hindi ko mapigilan e."

"Hindi ko mapigilan yung malungkot at matakot kasi..."

"Kasi..."

"Hindi na kita masasamahan."

"Wala na e..."

"Talo na ako..."

"Tinalo na ako nito..." ang sabi ni Alex sabay turo sa tiyan nya.

"Tinalo na ako ni Colon Cancer."

Patuloy pa din sa pag-iyak ni Alex. Dinig ko din ang pagsinghot ni Aaron at ang mahinang paghagulgol ng Mama ni Alex.

"Ma..." ang sabi ni Alex habang nag-aalala itong nakatingin sa kinaroroonan ng ina.

"Pasensya ka na anak pero 'di ko ito kaya." ang sabi ng ina ni Alex bago ko marining ang paghakbang ng mga paa nito at pagsarado ng pinto ng kwarto.

Agad na lumapit si Aaron at niyakap si Alex. Hindi na rin nito napigilan ang mapaluha. Ilang segudo din itong nakayakap bago kumalas at nagsalita.

"Sige pre. Ituloy mo lang."

"Dito lang ako."

"Hindi kita iiwan." ang sabi ni Aaron.

Hindi na nagsalita si Alex. Tumango na lang ito at nagpahid ng mga luha. Suminghot at tsaka humugot ng malalim na hininga bago muling nagsalita.

"Wala na akong mahihiling pa sa buhay ko."

"Maayos ang pamilya ko."

"Nandyan ang mga kaibigan ko."

"May bestfriend ako na never akong pinabayaan at iniwan. At minahal ako ng higit pa sa buhay n’ya." ang sabi ni Alex sabay tingin at ngiti kay Aaron.

"Lahat ng ginusto ko ay nakuha ko."

"Lahat ng pinangarap ko ay nakamit ko."

"At ang pinakamahalaga..."

"Ay yung nakilala kita."

"Minahal kita."

"At minahal mo din ako hanggang sa huli." dagdag nya sabay ngiti ng matamis

Muling tumahimik si Alex. Nagsimula na namang lumungkot ang kanyang mukha.

"Hindi ako takot mamatay Babe."

"Alam ko naman na iyun ang kakahantungan nating lahat."

“Nagkataon lang na mauuna ako.”

"At tanggap ko na ang lahat."

"Kaya lang..."

Halos mautal si Alex. Muling umagas ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Paano ka na?"

“Sino na ang sasama sa iyong manuod ng mga horror movies?

"Sino na ang magpapalit ng napunding bumbilya?"

“Sino na ang mag-ayos kapag may nasira?”

"Sino na ang tutulong sa iyo kapag may gagamba sa banyo?"

“Sino na ang mang-aaway sa iyo kapag nagpapalipas ka ng gutom?”

“Sino na ang magbubuhat para sa iyo kapag nabibigatan ka na?”

“Sino na ang iintindi sa mga tantrums mo?”

“Sino na ang mag-aalaga sa iyo?”

Muling yumuko si Alex. Humawak sa dibdib nya at napailing. Sa pagkakataong iyon ay ramdam ko na hindi na sakit ng dulot ng Cancer ang nararamdaman nya kundi sakit sa dibdib.

“Hindi ako takot mamatay Babe.”

“Natatakot akong maiiwan kitang mag-isa.”

“Isipin ko pa lang… nasasaktan na ako.”

“Ang sakit…”

“Sobra…” ang huling sinabi ni Alex bago sya muling yumuko at naghimas ng dibdib.

Nagtuloy tuloy lang ang pagbagsak ng luha ko. Wala akong ibang gustong gawin kundi ang yakapin si Alex.

“Pero Paano?”

“Wala na sya..”

Gusto na ng isip ko na ihinto na ang video pero kumokontra ang puso ko.

“Kaya ko ‘to. Kaya ko.” Ang pagkumbinsi ko sa utak ko.

Sumandal si Alex sa unan na nasa likod nya. Tumingala. Pumikit at tila ba umuusal ng dasal. Humawak muli sa dibdib at marahan itong hinimas. Mabigat pa din ang kanyang paghinga. Kita pa din ang pagtulo ng mga luha mula sa gilid ng kanyang mga mata. Isang malaking torture para sa akin ang pinapanuod ko. Parang ginagarote ang dibdib ko sa nakikita kong paghihirap ni Alex. Pero alam kong lumalaban sya. Kaya dapat ko ding paglabanan ang sakit na nadadama ko.

Ilang minuto din na hindi nagsalita si Alex. Hindi ko na din sigurado kung dahil sa nag-iisip pa sya ng sasabihin o dahil nahihirapan na talaga sya. Ilang saglit lang ay muling gumalaw ang screen at tumutok sa kisame. Inakala kong tapos na ang video kaya nagpasya na akong ito ay ihinto. Subalit biglang nagsalita si Alex.

“Pare, hindi pa ako tapos. Ibalik mo.” Ang medyo mahina at halatang pagod na sabi ni Alex.

Agad na gumalaw ulit ang screen at tumutok kay Alex. Nakatingin na ulit sa camera si Alex nung ito ay tumutok sa kanya. Ramdam ko na may nais syang sabihin pero halata sa mukha nya ang pagkukuli. Makailang beses na tumingin sya sa kinaroroonan ni Aaron bago sya tuluyang nagsalita.

“Three days ago…”

“Nagkaroon kami ng heart to heart talk ni Aaron.” ang bungad ni Alex.

“Marami akong nala…” hindi natapos ni Alex ang sasabihin dahil biglang nagsalita si Aaron.

“Pre…” ang salita ni Aaron. Agad na napatingin si Alex sa kanya. Saglit na tumitig at tsaka umiling. Kasunod nito ang isang matamis na ngiti bago ito muling tumingin sa camera at nagsalita.

“Halos buong buhay ko ay kasama ko si Aaron.”

“Hindi lang bestfriend ang turing ko sa kanya.”

“Kundi kapatid.”

“Hindi ko na mabilang sa daliri ko ang dami ng beses na pinatunayan nya sa akin na isa syang tunay na kapatid.” ang mga sinabi ni Alex bago sya muling umubo. Muli nyang hinabol ang hininga nya. Sa pagkakataong ito ay nakahawak na sya sa tiyan nya. Kitang may iniindang sakit dahil sa reaksyon ng mukha nya. Muli itong humugot ng malalim na hininga bago muling nagsalita.

“Sasalo sya ng bala mailigtas lang ako.”

“Kaya sobrang mahal na mahal ko ang gagong ito e.” ang sabi ni Alex habang nakangiti at napapailing. Dinig ko na may sinasabi si Aaron pero hindi ko na masyadong naintindihan dahil sa sobrang hina nito.

Ilang saglit lang ay nagsimulang maging seryoso ang mukha ni Alex. Saglit na tumingin ito kay Aaron bago ito muling nagsalita.

“Sa kabila ng lahat ng kabutihan nya ay naging masama ako sa kanya.” Ang seryosong sabi ni Alex na agad na sinagot ni Aaron.

“Pre. Alam mo nam…” hindi na natapos ni Aaron ang sasabihin dahil agad syang pinigilan ni Alex.

Kahit hapong hapo na ay pinagpatuloy pa din nya ang sinasabi.

“Wala akong kamalay malay na sa loob ng sampung taon ay araw araw ko syang sinasaktan.”

“Wala akong kwentang kaibigan, pre.” ang halos nauutal na sabi ni Alex. Kita ko na naman ang pagngingilid ng mga luha sa kanyang mga mata.

“Hanggang kamatayan ay ihihingi ko ng tawad sa iyo ang nagawa ko.” Ang lumuluhang sambit ni Alex.

Mula sa gilid ng screen ay lumabas ang kamay ni Aaron at humawak ito sa bisig ni Alex.

“Pre, wala kang kasalanan. Ok? Tandaan mo yan.” Ang sabi ni Aaron bago ito tuluyang yumakap kay Alex.

“Salamat, Pre.” Ang sagot ni Alex habang nakayakap kay Aaron. Ilang segundo din sila sa ganung posisyon bago sila kumalas sa isa’t isa.

Pinahid ni Alex ang kanyang mga luha bago ito muling nagsalita. Muling humugot ng malalim na hininga bago bitawan ang mga salitang magpapagulat sa akin.

“Mahal ka ni Aaron.” ang serysong sabi ni Alex na nagpanganga sa akin at nagpabilog sa mga mata ko.

“Alex!” ang halatang gulat na sabi ni Aaron. Muling tumingin si Alex sa kanya.

“Hayaan mo ako Pare. Importanteng malaman nya ito. Gusto kong malaman nya ang totoo.” Ang pakiusap ni Alex. Hindi na nakapagsalita pa si Aaron. Tila ba isang death wish ang mga binitawang salita ni Alex at hindi nya yun pwedeng kontrahin at tanggihan.

Naghalf-smile si Alex. Muling huminga ng malalim. Hinimas ang nananakit na tiyan bago muling humarap sa camera at nasalita.

“Una ka nyang nakilala at sya ang unang nainlove sa iyo.”

“Hindi ko alam kung anong gayuma ang meron ka kaya ang dali mong mahalin sa unang tingin pa lang.”

“Iba ka talaga. Hehehe.” Ang napapangiting sabi ni Alex.

“Mahina lang talaga itong si Aaron kaya naunahan ko sya. Hehehe.” Ang pangloloko ni Alex kay Aaron.

“Ulul.” ang naiiyak na tugon ni Aaron. Agad naman na nagpeace sign at ngumiti si Alex sa kanya.

“Pero sa totoo lang. Hindi ko din naman alam kung magagawa kong magpaubaya kung nalaman ko agad na gusto ka nya.” Ang muling pagseseryoso ni Alex.

“Baka ikaw pa nga ang maging mitsa ng pag-aaway namin.” Ang muling sabi ni Alex.

“Nung inamin sa akin ni Aaron ang nararamdaman nya…” hindi maipagpatuloy ang kanyang sinasabi dahil muli syang naghabol ng hininga.

“Pre…” ang pag-aalala ni Aaron. Umiling lang at ngumiti si Alex para iparating kay Aaron na ayos lang sya.

“Nagalit ako…”

“Hindi sa kanya…”

“Kundi sa sarili ko…”

“Kasi… nun ko napatunayan na napakaselfish ko.”

“Nuon ko mas lalong napatunayan kung gaano kaimportante kay Aaron ang pagkakaibigan namin.” at nagsimula na naman ang pag-uutal ni Alex at gumulong ang mga luha sa mga mata nya.

“Na kailanman ay hindi nya uunahin ang sarili nya para sa kaligayahan ko.” Ang sabi ni Alex kasabay ng paghikbi. Madidinig mo din ang pagsinghot at paghikbi ni Aaron.

“Isinakripisyo ni Aaron ang nararamdaman nya sa iyo dahil nakikita nyang masaya tayo sa isa’t isa.”

Muling napatigil si Alex.

“Ang sama ko ‘no?!”

“Hindi ko naisip na sa tuwing nakikita nyang masaya tayo ay lumuluha sya.”

“Ang sama ko…!

“Dahil sa kabila ng kabutihan at concern nya sa atin ay nagawa kong syang pagselosan.”

“Ang sama ko…!”

“Dahil ang damot ko. Napakaselfish ko.” Ang sinabi ni Alex bago sya muling tumahimik. Patuloy pa din ang pagbagsak ng mga luha. Patuloy din ang paghimas ng dibdib ng dahil sa sakit na nararamdaman.

“Ngayon ko lang napagtanto ang dahilan kung bakit sa tagal ng panahon ay hindi sya pumapasok sa isang relasyon.”

“Hindi dahil sa naghihintay sya ng pagkakataon para maagaw ka nya sa akin.”

“Dahil sobra ka nyang mahal at sapat na sa kanya ang makita kang masaya sa piling ko.”

“He chose to love you in silence.” Ang sinabi ni Alex kasunod ng mga kuntentong ngiti.

Muli syang tumingin kay Aaron. Hindi nagsalita. Tila ba nag-uusap lang sila ng isip sa isip. Ganun kalalim ang pagkakaibigan nila na sa mga tingin pa lang ay nagkakaintindihan na sila. Muling tumingin si Alex sa camera.

“Kung nuong una ay natatakot akong iwanan ka…”

“Panatag na ako ngayon.”

“Kasi… alam kong nandyan si Aaron.”

“Alam kong minahal ka nya katulad ng pagmamahal ko sa iyo.”

“At alam kong patuloy ka nyang mamahalin ng higit pa sa pagmamahal na ibinigay ko sa iyo.” ang sabi ni Alex bago sya saglit na tumahimik.

“Hindi ko ipipilit sa iyo na mahalin mo sya.”

“Gusto ko na kusa mo itong maramdaman.”

“At kung magiging kayo…”

“Ako na ang magiging pinakamasayang tao.”

“At huwag na huwag mong iisipin na pinagtataksilan mo ako.”

“Dahil kailanman ay hindi ako nagduda sa pagmamahal mo sa akin, Babe.” Ang sabi ni Alex.

“At kailanman… hanggang kamatayan… ay hinding hindi ko pagdududahan ang pagmamahal mo sa akin.” Dagdag pa nya.

“Ipapaubaya na kita sa kanya.”

Muling humugot ng malalim na hininga si Alex bago nagsalita.

“It’s my turn to continue loving you…”

“In silence…”

Ang huling sinabi ni Alex bago tuluyang nagpause ang video. Eto sya… nakatitig sa akin at nakangiti. Lumuluha man pero ramdam ko na masaya at kuntento s’ya. Handa nang lisanin ang mundong ito.

“Alex…!” ang tangi kong nasabi kasunod ng malakas na paghagulgol.

Wala akong ibang gustong gawin kundi ang yakapin at halikan si Alex sa mga oras na iyon. Pero paano? Wala na sya. Wala na akong nagawa kundi ang halikan ang monitor at yakapin ang laptop.

Matindi pa din ang sakit. Pero unti unting gumagaan ang loob ko tuwing naiisip ko na masaya si Alex na lumisan at nasa mabuting lugar na siya. Na hanggang sa huli ay ipinaramdam nya ang wagas na pagmamahal nya sa akin. Magiging madali na para sa akin ang tanggapin na wala na sya.

Masakit man sa dibdib pero unti unti ko itong napaglalabanan lalo na nang maramdaman ko ang mga bisig na bumalot sa akin mula sa aking likuran.

“Ito ang kailangan ko. Ito ang kailangan ko ngayon.” Ang tangi kong nasabi sa isip ko.

“Wala man si Alex dito pero mananatili sya sa mga puso natin. Tandaan mo yan.” ang mga huling kataga ni Aaron sa akin bago ko maramdaman ang pagpatak ng kanyang mga luha sa batok ko.

“Tama ka, Aaron. Tama ka.” Ang huli kong sinabi bago ko ibaba ang laptop, humarap kay Aaron at balutin sya sa mga mahihigpit kong yakap.

Hindi mahirap mahalin si Aaron. Pero hindi din naman madaling kalimutan si Alex.

Ano ba ang dapat kong gawin?

The End

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Loving in Silence
Loving in Silence
This story is based from a dear friend’s experience who gave me the go signal to write and share their story.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-00JCD52QoPBE5AJqczZuEh84pu1rMg4_D6YBVNKLPAre27NQZ2O0E7R2PlWZYorcHW5h6KmFQ1bnBlHii-9H0sgYbHC1yC72LT958jdX5hyn6rw96KMyR7I_HbqnrqnD3kTWPtxv8Hv4/s1600/Loving+in+Silence.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-00JCD52QoPBE5AJqczZuEh84pu1rMg4_D6YBVNKLPAre27NQZ2O0E7R2PlWZYorcHW5h6KmFQ1bnBlHii-9H0sgYbHC1yC72LT958jdX5hyn6rw96KMyR7I_HbqnrqnD3kTWPtxv8Hv4/s72-c/Loving+in+Silence.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/08/loving-in-silence.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/08/loving-in-silence.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content