$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

May The Best Man Win

By:Kenshin Ano nga ba ang gusto ng bakla sa lalaki? Ano nga ba ang gusto ng bisexual sa bakla? Ano nga ba ang gusto ng bisexual sa bisexual?...

By:Kenshin

Ano nga ba ang gusto ng bakla sa lalaki?
Ano nga ba ang gusto ng bisexual sa bakla?
Ano nga ba ang gusto ng bisexual sa bisexual?
Ano nga ba ang gusto ng transwomen sa bisexual?
Ano nga ba ang gusto ng mga LGBT?

Basta ako hindi ko alam, sa dami ng klase ng "TAYO" eh ang hirap i-clasify kung ano nga ba talaga ang gusto ng tao sa isa't isa? Ayan ang bagay na naiisip ko habang naliligo kami ni Jay Sean sa swimming pool, bakit kamo ayun ang nasa isip ko habang dapat ay enjoy lang ako?

Habang nagsa-shower kaming dalawa at busy ako magsabon ng katawan dahil kakatapos lang ng nangyari sa amin sa sinasabi niyang rehearsal venue na kinaroroonan namin ay nakatitig lang siya sa akin at nababasa lang siya ng shower.

Kenshin: oh bakit parang nakatulala ka diyan?
Jay Sean: wala naman may iniisip lang ako.
Kenshin: ano iniisip mo? ay ah, teka lang, for the record, ni-rape mo ako at hindi ako ang nag-rape sayo.
Jay Sean: oo alam ko iyun.
Kenshin: ayun good.
Jay Sean: pero hindi iyun iniisip ko, puwede ba magtanong?
Kenshin: bakit? ano ba iyun?
Jay Sean: may boyfriend ka na ba?
Kenshin: wala pa.
Jay Sean: so may balak ka?
Kenshin: oo naman, sinu ba ang hindi gusto magmahal at mahalin?
Jay Sean: may crush ka sa campus niyo?
Kenshin: oo, meron.
Jay Sean: sinu?
Kenshin: naku, hindi mo din naman kilala iyun eh.
Jay Sean: sige na, sabihin mo na.
Kenshin: si kuya Jason William
Jay Sean: may isa pa akong tanong.
Kenshin: oh hawakan mo itong sabon magkusot ka na ng dapat mong kusutin diyan at magbibihis na ako. (tila hindi ko narinig ang sinabi niya at dali dali na ako lumabas ng CR at nagbihis)

Bakit nagbingi-bingian ako? wala lang, medyo na awkward na ako sa eksena namin sa CR, sabay kaming naligo at nag-uusap pa kami tungkol sa ano ano kaya kung ano man yung sunod na tanong niya ay pinutol ka na, ang arte ko noh? hehehe. Habang naghihintay ako sa kanya sa labas ng CR ay may narinig na akong kalabog ng pinto sa may venue hall kaya kinatok ko na si Jay Sean sa loob ng CR.
Kenshin: (habang nakatok sa pinto) Jay Sean, may dumating na yatang tao?
Jay Sean: sinu? babae or lalaki?
Kenshin: abay malay ko, ayaw kong lumabas hanggat hindi ka pa nalabas kaso iniisip ko baka bigla siyang punta rito at makita ako, bakit ba kasi ang tagal mo diyan?
Jay Sean: ito na lalabas na ako. (lumabas na siya ng CR) pasensya na may iniisip kasi ako kaya nagbawas na din ako, tawag ng kalikasan.
Kenshin: kanina pa iyang iniisip na iyan, ano ba kasi yun? (biglang may pumasok sa coffee room kung san kami ng uusap)
Jay Sean: oh Rose, ikaw pala iyan?

si Rose ay magandang babae, maputi, maayos ang pustura (millenial talaga) may tangkad na 5'5".

Rose: akala ko nga wala pang tao eh andito na pala kayo, sinu siya?
Jay Sean: ah si Kenshin nga pala, ang balak ko maging ka alternate mo?
Rose: huh? akala ko babae ang balak mo?
Jay Sean: babae yan noh, sige nga Kenshin bigyan mo nga ng isa.
Kenshin: huh? ayaw ko nahihiya ako.
Rose: wag ka na mahiya, hindi naman ako si Lord para mahiya ka.
Kenshin: aaahhmm, kasi he just accidentally heard my voice sa cellgroup hall eh kaya baka nagkakamali lang itong si Jay Sean, hindi naman talaga maganda boses ko.
Jay Sean: hindi ah, i heard it load ang clear kaya alam kong maganda talaga boses mo.
Rose: sige na kanta ka na dont worry i wont tease you if ever hindi ko magustuhan ang boses mo.
Kenshin: aaahhmm, wait, isip lang ako ng kakantahin ko.
Rose: ok good, habang tayo palang ang andito, lipat nalang tayo sa labas kasi coffee room itong inalalagyan natin eh medyo weird magkantahan dito, ok lang ba? tiyaka para makapili ka talaga ng kanta eh merong mga clear book dun ng mga kanta at keys niya kaya mas makakaisip ka dun, tara.

Lumipat nga kami sa center stage kung san ang baba ng stage na iyun ay naganap ang makamundong bagay namin ni Jay Sean at habang namimili ako ng kanta ay sa clear books sa mismong stage ay naaalala ko ang nangyari sa amin ni Jay Sean, sa isip ko, ang swerte ko pala kasi may naganap sa amin ng gwapong matipuno at mabait na si Jay Sean na nakilala ko lang a few days ago, sounds wierd noh? wala naman akong magagawa kasi nangyari na at nadala na niya ako sa temptasyon na iyun.

Rose: (habang nakaupo sa harap ng stage) may napili ka na?
Kenshin: aaahhmm, opo meron na po. (habang nakatayo sa stage)
Rose: maganda yan kung may keyboards, marunong ka ba magplay ng keyboards? meron tayo diyan. (tinuro kung asan bang ang keyboard)
Kenshin: (nilingon ko ito) hindi po eh, gusto kong matutunan yan kaso wala pong magtuturo.
Rose: aaahh, ok sige kanta ka nalang (nagsmile siya) ay teka nga pala asan si Jay Sean? (lumingon sa kaliwa't kanan)
Kenshin: (lumingon paikot) oo nga, bakit nawala yata siya?
Rose: hayaan mo na siya baka nagCR lang ganyan talaga siya biglang nawawala at biglang susulpot, sige start ka na.
Kenshin: ok po

Biglang tumogtog ang keyboard kaya nilingon ko agad ito at nakita ko si Jay Sean na siya pala ang nagplay ng keyboard ngumiti lang siya sa akin at sumenyas na mag-umpisa na akong kumanta at ayun nga ang aking ginawa. Nakita kong tahimik lang nakikinig si Rose marahil dahil sa ganda ng nadidinig niya at unti unti na itong sumasabay sa pag-awit ko na mas kinakomportable ko sa stage na kinatatayuan ko at nung natapos na ang kanta lahat kami at natahimik hindi ko alam kung nagdadasal ba sila or inantok sila sa pagkanta ko feeling ko tuloy si ibong adarna ako na nanigas na sila dahil sa tinig ko nang biglang may pumalakpak mula sa pintuan. Ayun pala ayun na yung iba nilang mga kasama dahil siguro sa masyado naming dinamdam ang kanta kaya di namin sila napansin agad. "Welcome to the group" biglang bigkas ni Rose na kinagulat ko at kinatuwa ko hindi ko alam bakit ganon ang naramdaman ko dahil ayaw ko ito nung una pero parang tinanggap ko nalang agad ang nangyari na kasama na talaga akong kakanta sa kanila. Bigla kong naalala si Jay Sean habang napalakpak sila kaya nilingon ko siya keyboard pero pagtingin ko dun ay bigla siyang nawala sa keyboard at bigla akong may natanggap na text kaya tinignan ko agad ito. "congrats, you deserve everything, magmemeeting lang kayo diyan then after that uuwi na kayo may nilagay akong pera sa bag mo para may pamasahe ka pa uwi kailangan ko kasing mauna na dahil may emergency sa bahay, ingat ka pag uwi ah" ayun ang text ni Jay Sean sa akin at nangyari nga ang sinabi sa akin ni Jay Sean  kaya pag-uwi ko sa bahay nagmuni muni ako at iniisip ang nangyari sa amin ni Jay Sean pati ang pagkanta ko dahil iniisip ko bakit ginawa lahat ni Jay Sean ang mga bagay na iyun na aminin ko na gustuhan ko rin naman kaso hindi ko siya jowa eh parang ang wierd ng nangyari sa amin na nagconnect lang ang mga katawan namin at nangyari ang pang-asawang bagay sa pagitan naming dalawa. Kinaumagahan, habang naghahanda ako para pumasok sa school biglang tumunog ang phone ko at nang tinignan ko ito ay may nagtext na binasa ko din naman agad. "tara na male-late tayo labas ka na" text ni Jay Sean kaya sa pagtataka ko ay nagpunta ako agad ng teris para silipin kung nasa labas siya at pagtingin ko ay nandun nga siya at nag wave siya habang hawak niya ang cellphone niya at kinakulat ko iyun dali dali ako nag-ayos, kinuha ang bag ko at bumaba para puntahan siya.

Jay Sean: good morning, tara na baka ma-late tayo.
Kenshin: anong ginagawa mo dito?
Jay Sean: aaahhmm, medyo di ba obvious ang ginagawa ko?
Kenshin: oo hindi dahil hindi ko alam kung bakit ka andito?
Jay Sean: gusto ko kasing ihatid ka sa school mo.
Kenshin: ihahatid mo ako? bakit?
Jay Sean: dahil ayaw kitang ma-late dahil may strike ngayon, hindi mo ba nabalitaan?
Kenshin: aaaahh, pero bakit nga?
Jay Sean: kasi gusto kong bumawi sayo kahapon dahil iniwan kita kahapon.
Kenshin: kasi nga?
Jay Sean: ayun lang.
Kenshin: dahil nga? (tinignan ko na siya ng masama)
Jay Sean: aaaaahhmmmm...
Kenshin: bakit nga? kasi nga? dahil nga? (mas lalo ko pa siyang tinignan ng masama)
Jay Sean: aaaaahh.. holy shit, talaga bang pipilitin mo akong sagutin yan hindi ba puwedeng pass?
Kenshin: parehas tayong male-late kung hindi mo pa sasagutin dahil para sa akin wala ka na dapat sa akin pakielam kung ma-late ako or hindi, dahil simple lang naman ang gagawin ko sa grupo niyo kundi kumanta and the rest ay wierd na kaya aminin mo, bakit mo ginagawa ang lahat ng ito?
Jay Sean: dahil gusto kong mapalapit sayo at gusto kitang ligawan.
Kenshin: aaaaahhh, ok (kunwaring nagets ko na at biglang sigaw ng malakas na ANO?) sigurado ka ba sa sinasabi mo or ganyan lang talaga ang trip mo sa umaga?
Jay Sean: (seryoso ang mukha) oo seryoso ako, hindi na ba puwede?
Kenshin: (nagtataka) puwede naman kaso pano nangyaring naging gusto mo ang lahat ng nangyari eh parang napakaikli palang ng araw na nagkakilala tayo?
Jay Sean: malalaman mo din yan sa tamang panahon basta gusto ko ang mga pangyayaring ito at papatunayan ko ito.

Natahimik ako sa sinabi niya at natulala kaya hinawakan niya ang dalawang balikat ko at inikot niya ako at dahan dahan niya akong sinamahan maglakad papasok ng bahay namin at sinabi niya na "kunin mo na ang bag mo para makaalis na tayo" at paglingon ko sa kanya ay seryoso pa rin ang mukha niya at ngumiti nalang siya agad. Kinuha ko na nga ang bag ko at pinuntahan ako ni lola sa kwarto at binigyan ako ng baon at pinuntahan ko na si Jay Sean sa kotse niya dahil alam din ni lola na naghihintay si Jay Sean sa akin dahil nakita ni lola nung nag-uusap kami. Habang nasa kotse at nagdadrive si Jay Sean, ako naman ay tahimik lang sa kotse at nakatingin sa labas.

Jay Sean: bakit tahimik ka?
Kenshin: gusto mo ba ng maingay habang nagdadrive ka?
Jay Sean: hindi naman, nag-aalala lang ako sayo baka kasi iniisip mo pa ang nangyari kanina.
Kenshin: hindi ko na ba dapat isipin yun?
Jay Sean: eh ano ba kasi iniisip mo dun? kung papayagan mo ako manligaw sayo?
Kenshin: oo medyo nandiyan yung iniisip ko.
Jay Sean: bakit?
Kenshin: para kasing narinig ko na sa iba ang ganyang ligaw eksena na iyan pero bandang huli ay ako rin ang nasaktan syempre ayaw ko ng masaktan, sinu ba ang taong hindi mapapaisip sa bagay na iyan? sinu ba ang taong gustong masaktan?
Jay Sean: basta, hindi nalang ako mangangako, gagawin ko nalang, para sa akin babae ka na nakulong lang sa katawan ng lalaki kaya gusto ko gawin sayo ang pang prinsesang mundo na hindi mo mararanasan sa iba at bukod tanging ako lang ang makakagawa.
Kenshin: aaaahh.. hindi ba parang pangako iyung sinsabi mo? akala ko ba hindi ka mangangako?

Tumingin ako sa kanya ng seryoso ang mukha ko at tumingin din siya sa akin at ngumiti siya at bumalik ang tingin niya sa pagdadrive niya pero ako nakatingin pa rin sa kanya. Nananaginip ba ako? bakit may ganito kaming eksena? hindi ko tuloy alam kung pinagtitripan lang ako ng lalaking ito eh, nakadroga yata ito eh, (hindi pa uso nun ang tukhang kaya wala pa sa spils ko yun nung panahon na iyun) pero habang nakatingin ako sa kanya ay inaalala ko lahat ng nangyari, yung mga ngiti niya at kung gaano siya kabait pero misteryo at nasabi ko sa isip ko "hindi siya mahirap mahalin, sana hindi ako masaktan sa kanya". Mga ilang saglit pa biglang...

Jay Sean: Kenshin, Kenshin, Kenshin.
Kenshin: bakit?
Jay Sean: andito na tayo sa school baka ma-late ka na.
Kenshin: huh? (uminat ako at napatingin sa relo ko) hala siya, male-late na ako, bakit di mo ako ginising?
Jay Sean: medyo napasarap nga tulog mo kaya medyo ang hirap mong gisingin eh.
Kenshin: ganon ba? sige sige, salamat baba na ako ah. (bumaba na ako sa kotse at nagmamadali akong maglakad)
Jay Sean: (habang naglalakad ako palayo sa kotse at nakababa ang bintana ng kotse niya) ingat ka ah sunduin kita mamayang uwian mo.

Medyo di ko narinig yun kasi derederetso lang ako sa paglalakad dahil nagmamadali na akong umakyat ng building para makarating sa unang klase ko at nung nakarating na ako binaba ko agad ang bag ko at umupo.

Mia: oh bakit parang pawis na pawis ka?
Kenshin: hala siya, male-late na kaya ako kaya nilipad ko mula baba hanggang dito buset na elevator pa iyan eh ang haba ng pila.
Shella: huh? anong male-late eh may 30minutes pa tayo oh.
Kenshin: anong sinasabi mo?? eh 2minutes nalang start na tayo ng class, oh tingnan mo relo ko (pinakita ko ito sa kanila)
Mia: advance naman yan Kenshin tingnan mo ang oras sa phone namin eh 30 minutes pa bago magstart miski nga si sir wala pa sa table niya oh (pinakita nila ang mga phones nila at tinuro nila ang table ng proffesor namin)
Kenshin: (tinignan ko din tuloy ang oras sa phone ko at oras sa relo ko at magkaiba nga ito) holy cow,  ang galing talaga niya oh. (napakamot nalang ako ng ulo)
Mia: niya? sinu?
Kenshin: aaahh, wala, wag niyo na isipin.
Shella: kaya pala madaling madali ka kasi akala mo late ka na.
Kenshin: ang galing, nahalata mo iyun? infairness sayo ah.
Mia: oo nga noh? akalain mo iyun ako di ko napansin yun
Shella: grabe kayo sa akin parang sinabi niyo na boba ako.
Kenshin: ay infairness talaga nagana talaga ngayon, ang galing, nalangisan ka ngayon.
Mia: oo nga eh gumana nga bibili nga ako lagi ng langis
Shella: sobra kayo sa akin.

Nagtatawanan kami dahil nabaling ang pagtatanong nila sa akin papunta sa pag-uuratan namin. Nag-uwian na at paglabas namin ng hallway ay nakita namin agad ang kotse ni Jay Sean na siyang kinakilig ni Shella.

Shella: (patakbo papalapit sa kotse ni Jay Sean) si papa Jay Sean, andito ka ba para sunduin ako?
Jay Sean: actually si Kenshin ang sinusundo ko rito pero kung gusto niyong sumabay eh ok lang din naman hatid ko na din kayo siguro naman same route lang kayong tatlo.
Mia: dont worry ill be fine, ok na si Kenshin nalang.
Shella: huh? sure ka hindi tayo sasabay?
Mia: oo, kasi diba nga (kinurot niya si Shella ng pasimple)
Shella: ay oo nga pala (sabay ngiti siya kahit nasaktan siya sa ginawa ni Mia)
Kenshin: hindi girls, sige na sabay na kayo.
Mia: (naghihilahan ang dalawa) hindi Kenshin, ok na kami dito.
Kenshin: sure?
Mia: oo sure kami, ingat kayo ah.

Sumakay na nga ako sa kotse ni Jay Sean at umalis na kami.

Kenshin: (hinampas hampas ko si Jay Sean habang nagdadrive) bakit mo pinalitan yung oras sa relo ko?
Jay Sean: (natatawa habang hinahampas ko siya) oh bakit? diba effective, kung hindi ko ginawa yun baka nakampante ka sa elevator niyo na laging mahaba ang pila.
Kenshin: huh? bakit mo alam yun?
Jay Sean: aaahh, wala, (tumingin sa akin at ngumiti)
Kenshin: ay teka nga pala bakit sinundo mo na naman ako? hindi ka nagsabi ah kung maaga pala ako natapos sa class ko edi naghihitay ka pala sa wala nun.
Jay Sean: nagsabi ako habang nagmamadali ka kanina, tiyaka teka tama ba ako nangnaririnig ko? concern ka sa akin?
Kenshin: ay ewan ko sayo. (parang batang nagmamaktol)
Jay Sean: so senyales na ba iyan na pinapayagan mo na ako manligaw? (tumigil ang kotse dahil sa red light)
Kenshin: oo, ay este..(bigla niya tinakpan ang bibig ko)
Jay Sean: oh wala ng bawian yan ah, manliligaw na ako.. (ngumiti ulit siya ng mala anghel na ngiti na feeling ko eh isang anghel ang nagtatakip ng bibig ko at sinasabi na tama na yung sinabi mo)
Kenshin: (tinanggal na niya yung kamay niya sa bibig ko) may magagawa pa ba akong pangkontra eh feeling ko nag-uumpisa ka na nga.

Nakangiti lang siya buong pagdadrive niya papunta sa bahay namin para ihatid ako sobrang saya ng itsura niya kasi para siyang bata na inuugoy ugoy niya ang ulo niya habang nagdadrive kaya napangiti na pala ako ng hindi ko namamalayan dahil sa nakikita ko pero pumasok sa isip ko sa ikli ng panahon na nagkakilala kami nasa ligawan stage na pala kami agad, hindi ba masyadong mabilis? baka mabilis din ito maglaho? baka padalos dalos lang siya? ewan ko ba, bahala na. Pagdating ko sa bahay at paghiga ko sa bahay ay iniisip isip ko pa rin ang sinabing panliligaw ni Jay Sean sa akin, pano kaya niya gagawin yun? ano naman kaya ang gagawin ko sa ligaw na iyun? ano gagawin kong reaksyon sa mga gagawin niya? or kung may effort din ba akong gagawin? ewan ko di ko alam bahala na talaga. Kinaumagahan, naghanda na akong para sa pagpasok sa school paglabas ko ng kwarto ay nakakita ako ng isang lalaki na kausap ng Tito ko kaya hindi ko pinansin ito at nagderetso lang ako papunta sa CR at naligo mga ilang saglit pa ay kumatok si Tito "Kenshin, dalian mong maligo diyan may naghihintay sayo rito kanina pa" ika niya kaya habang naliligo ako ay nagtaka na ako kung sinu ang tinutukoy ni Tito nanaghihintay sa akin kanina pa. Dali dali ako nagligo at nagbihis at paglabas ko ng CR ay pinuntahan ko si Tito sa sala "Tito sinu naghihintay sa akin?" tanong ko sa kanya sabay tinuro niya sa akin yung kausap niya pagtingin ko ay si Jay Sean lang pala may hawak na kalapati na isa sa mga alaga ni Tito, "bakit may hawak ka na kalapati ni Tito?" tanong ko kay Jay Sean na hindi niya sinagot at ngumiti lang siya at sinabi ang "kunin mo na ang bag mo" kaya ganon na nga ang ginawa ko at dali dali akong pumunta sa nakaparadang kotse niya sa tapat ng bahay at ganon din siya. Tahimik lang siyang sumakay sa kotse at tahimik na nagdrive na aking kinatakhan.

Kenshin: bakit tahimik ka diyan?
Jay Sean: wala lang.
Kenshin: bakit ang aga mo ngayon?
Jay Sean: wala lang.
Kenshin: bakit ka nagkainterest sa kalapati ni Tito?
Jay Sean: wala lang.
Kenshin: (sa inis ko na panay "wala lang" ang sagot niya ay binanatan ko pa siya ng isang tanong na puwedeng "wala lang" ang sagot) bakit ka nanliligaw?
Jay Sean: kasi minahal na yata kita. (tumingin sa akin at ngumitu) hindi mo ako mahuhuli sa ganyan lahat naman kasi talaga ng tinanong mo ay wala lang talaga maliban sa isang yan.
Kenshin: aahh, ganon ba, ok sige, bakit mo ako minahal?
Jay Sean: alam mo ba yung kasabihan na action speaks louder than words?
Kenshin: wow ah, nagtanong ako tapos tinanong mo din ako. (nagcross hand ako at maktol na parang bata)
Jay Sean: konektado kasi iyun kaya sagutin mo nalang
Kenshin: oo nga sige na, action speaks louder than words ba kamo? ayun yung magmalakas ang gawa kaysa sa salita, ayun yun diba?
Jay Sean: tinagalog mo lang eh.
Kenshin: eh anong klaseng pagkakaintindi ba kasi ang ibig mong sabihin?
Jay Sean: basta malalaman mo din iyun sa tamang panahon.
Kenshin: hay naku ewan ko sayo.

Tumingin siya sa akin at ngumiti at napatitig na naman ako sa kanya ng hindi ko namamalayan, sa isip ko, nai-inlove na din kaya ako sa kanya or sadyang naga-gwapuhan lang ako sa kanya? Pagdating sa school, habang naglalakad ako sa hallway ay biglang humarang sa akin si Mia.

Mia: Kenshin, dalian mo sa room.
Kenshin: huh? bakit?
Mia: si Shella nakikipag-away.
Kenshin: ano? so mas inintindi mo pa ako kaysa sa umaway dun.
Mia: ikaw lang kasi ang may kaya dun eh, kung ako yun baka ako pa ang nadunggol.
Kenshin: ah ganon? so mas gusto mo pa ako madunggol kaysa ikaw ang madunggol?
Mia: oo
Kenshin: aahh, ganon ba eh kung ikaw kaya ang dunggulin ko?
Mia: ay wag naman teh, sige na tara na dali.

Nagmadali na kaming pumunta sa room namin pero habang papunta kami ng room namin nagtataka ako na wala akong naririnig na gulo or ayaw kaya tinanong ko si Mia, "may away ba talaga? bakit parang walang ingay or sigawan akong naririnig" ngumiti lang si Mia sa akin at pinauna akong pumasok ng room at pagpasok ko ng room ay may bumungad sa akin na lalaki na may hawak ng bouquet ng flowers na nakatakip sa mukha niya kaya nagtaka ako kung sinu iyun. May nilabas na illustration ang lalaking iyun galing sa likod niya at itinapat sa kinatatayuan ko kaya binasa ko ito "Kenshin, para sayo itong mga flowers na ito, kunin mo naman oh please" kaya lumapit ako at kinuha ang flowers at bumungad sa akin ang mukha ng lalaki at ang lalaking iyun pala ay si Ralph classmate ko siya sa isa kong unit pero 3rd year college na siya. Moreno, may tangkad na 5'7", meduim built ang katawan and a basketball player.

Kenshin: anong kalokohan ito kuya Ralph?
Ralph: huh? kalokohan? hindi ito kalokohan ah, totoo ito.
Kenshin: aahh, eh bakit may pa-bouquet of flowers?
Ralph: bakit? hindi mo ba nagustuhan?
Kenshin: iba din talaga kayong mga lalaki noh, nagtanong ka sasagutin ka din ng tanong.
Ralph: aaahh, basta sayo na iyan (inabot ang flowers) at ito ang V.I.P. ticket sa game ko gusto ko manuod ka and i already request to our dean na isama ka sa car niya para sure na makareting ka sa game ko. Tandaan mo favorite ako ni dean kaya hindi ako hihindian nun.
Kenshin: wow ah, inistorbo mo pa talaga si dean para lang makapunta talaga ako dun ah but dont worry ill be there to support the team kahit hindi na ako ihatid ni dean dun, nakakahiya kasi.
Ralph: sus, wala yun kay dean, ganon talaga ka supportive sa mga inspirasyon ng mga players niya.
Kenshin: huh? anong inspirasyon?

Biglang may sumigaw na studyante sa pinto at sinabing "hello to the great block one, i am here to inform you that your proffesor is still in the meeting with the dean so he request me to say to guys that your class today is dismiss but please assure that your textbook is already been answered because next week he will check that and he will give you a exam, that's all and have a great day" naghiyawan ang lahat at nagsilabasan na kasing lahat sa room habang naglalakad kami sa hallway ay tinanong ako ni kuya Ralph na kung gusto ko daw maglakad lakad sa park dahil malapit lang naman sa school namin ang isang sikat na park at pumayag naman ako dahil ayun din ang gusto nila Mia pag na dismiss ang class namin. Habang naglalakad kami ay ni kuya Ralph ay nagkekwento siya tungkol sa training nila sa basketball hindi ito naririnig nila Mia dahil nasa harap namin sila nakapwesto ng biglang may sinabi si kuya Ralph na kinagulat ko at nagpatigil sa paglalakad ko.

Ralph: manliligaw ako sayo Kenshin ah.
Kenshin: po? (napatigil ako sa paglalakad pero hindi ito napansin nila Mia) tama po ba yung pagkakarinig ko? manliligaw ka po sa akin?
Ralph: oo bakit? may masama ba sa sinabi ko? may mali ba akong sinabi.
Kenshin: wala naman po nagulat lang siguro ako.
Ralph: bakit? hindi ka na ba puwedeng ligawan?
Kenshin: hindi naman po kaso parang ang bilis at may nagsabi na din sa akin na gusto din ako ligawan.
Ralph: sus kaya nga ligaw eh hindi pa kita inangkin pero alam ko sa sarili ko na mapapasa akin ka din,
Kenshin: grabe ang confidence ah, sige po ikaw po ang bahala, lets see what youve got.
Ralph: para namang tinatakot mo ako niyan eh, pahihirapan mo pa ba ako?
Kenshin: di ko alam, malaan natin yan.

Nagdaan ang araw at natapos na ulit ang mga class namin sa maghapon at andito na ulit si Jay Sean para sunduin ako habit na niya iyun kaya sanay na ako ngunit parang masama ang timpla niya dahil hindi maipinta ang mukha niya.

Kenshin: (nakatingin sa kanya) bakit parang nakabusangos ka??
Jay Sean: (hindi lumingon sa akin at nakatingin lang sa daan) wala, wag mong akong isipin.
Kenshin: ok sabi mo eh baka sungitan mo lang ako kaya di ko na tatanungin pero ito lang ang masasabi ko sayo lahat ng problema ay may sulusyon dahil nga pagmay tiyaga may nilaga kasi nga paggusto may paraan at kapag ayaw ay maraming dahilan.
Jay Sean: (parang mas lalong sumama ang timpla) ah ganon ba? sige wag ka mag-alala tatandaan ko yang sinabi mo.
Kenshin: (nag-aalala) mukhang masama talaga ah, hindi mo ba talaga ikekwento?
Jay Sean: sabing wag mo nga akong intindihin diba!! (pasigaw niyang sinabi)
Kenshin: (natulala) ok sige.

Nagtuloy tuloy ang biyahe namin hanggang sa nakarating kami sa bahay nainis ako sa ginawa niya sa aking pagsigaw pero inaalala ko pa rin siya magdamag kung bakit siya nagkaganon. Kinaumagahan, nakita ko si lola na nag-aayos na ng lamesa at tatlong plato ang hinahanda niya.

Kenshin: bakit tatlong plato po iyang hinahanda niyo?
Lola: may sasabay kasi sa ating kumain.
Kenshin: huh? sinu?

Biglang pumasok si Jay Sean at nagwika ng "lola, ito na po yung milo na pinabibili niyo" kaya kinagulat ko ito na mukhang sobrang close na nila ni Lola at nakukuha na ni Lola na utusan si Jay Sean. Umupo na siya at kami ay sabay sabay na kumain wala kaming imik sa isa't isa ni Jay Sean at napansin ito ni Lola, "may problema ba? hindi ba masarap ang hinanda ko?" sabi ni lola, sabay kaming sumagot ni Jay Sean na parang sabayang pagbigkas na madalas sa filipino pag buwan ng wika at sabi namin ay "sobrang sarap nga po eh, thank you po lola, love you" tinignan ko masama si Jay Sean na kinayuko niya habang kumakain, "oh siya kain ng kain baka kayo'y mahuli sa mga klase ninyo" winika ni lola. Pagkatapos namin kumain at nag-ayos ay sabay na kami ni Jay Sean lumabas ng bahay.

Kenshin: hindi ako sasabay sayo, magko-commute nalang ako.
Jay Sean: huh? bakit? may dadaanan ko ba? ihahatid kita dun basta maihatid kita hanggang sa EAC.
Kenshin: hindi na Jay Sean dumeretso ka na sa DLSU ok lang ako i'ma grown woman.
Jay Sean: dahil ba ito kahapon? dahil ba sa nasigawan kita? sorry na, patawarin mo na ako.
Kenshin: hindi iyun, wag mo na akong isipin, ok lang ako.
Jay Sean: aaahh ganon ba? sige kung hindi iyun ang dahilan, sasakay ka sa kotse ko at ihahatid kita dahil kung hindi ibig sabihin ay sinasagot mo na ako at magiging kampante na ako dahil akin ka na?
Kenshin: ano ako stuff toy? angkinin ba daw ako na parang stuff toy, ayoko bahala ka sa buhay mo. (medyo pasigaw)
Jay Sean: ay sige, bahala ka, magiging akin ka na pagdi ka parin sumakay, pag once na umandar na ang kotse ko at di ka talaga sumakay it means sinagot mo na ako at tayo na.
Kenshin: ggggrrr.. ewan ko sayo bahala ka diyan (magmamaktol na parang bata habang naglalakad papalayo sa kotse)
Jay Sean: sasakay na ako, bahala ka diyan, ito na ako. (sumakay na siya ng kotse)
Kenshin: ggggrr.. nakakabwisit talaga itong lalaking ito, bahala na nga. (tumakbo at sumakay ng kotse)
Jay Sean: oh diba sumakay ka din, alam kong sasakay ka kasi ayaw mo pang mamili sa amin.
Kenshin: huh?? (nagtaka sa sinabi ni Jay Sean dahil medyo malabo ang pagkakadinig niya rito) nakasakay na nga ako may sinasabi ka pang hindi ko na intindihan, ano yun?
Jay Sean: aaahh.. wala..

Nag-umpisa na siyang magdrive at nung nakarating na kami sa school, nakita namin na nakatayo si kuya Ralph sa hallway at tila ay may inaabangan, bumaba ako ng kotse at sinundan ni Jay Sean. Lumapit sa amin si kuya Ralph at hinila ako papalapit sa kanya.

Ralph: bakit mo kasama ang nililigawan ko?
Jay Sean: hahaha, sigurado ka pre? hindi babae yan, bisexual yan.
Kenshin: hala siya, so issue kung babae ako or bakla or bisexual or kung ano man.
Ralph: wala akong pakialam kung ano man siya, ang mahalaga ay maligawan ko siya at mapasaakin siya.
Jay Sean: diyan naman ang di ako papayag, puwede din maging akin yan, mahal ko din yan kaya akin na iyan (hinila ang kamay ko) dahil hinding hindi siya magiging sayo.
Kenshin: tumigil nga kayong dalawa para kayong mga baliw. inaangkin niyo na ako eh wala pa naman sa inyong dalawa ang sinagot ko or sinasagot ko, parehas palang kayong nanliligaw, eh kung ganyan kayo ng ganyan eh tigilan niyo na at ayoko ng sakit sa ulong jowa at inaangkin ako na parang laruan.
Ralph: sorry Kenshin, ito kasi eh nagte-take advantage sayo eh kailangan maging patas siya.
Jay Sean: sorry Kenshin, pero ito ang tandaan mo ipaglalaban kita kahit ano mangyari.
Mia: (biglang singit) ganito nalang sabay kayong manligaw, kanya kanyang strategy at kung kanino ma fall si Kenshin ng malalim dun siya, oh deal?
Jay Sean: deal ako diyan, may the best man wins.
Ralph: hhhmm, sige deal ako diyan. may the best man wins talaga.

P.S.
Salamat po sa lahat ng patuloy na nagbabasa ng mga true to life stories ko dalawa na po iyun at pangatlo na po ito. Nakakaganado po talaga ang suporta niyo po sa akin. Paalala ko lang po na ang mga pangalan po sa mga story ko ay hindi po nila tunay na pangalan. Iniba ko po para sa privacy namin baka po kasi malay niyo kilala niyo po pala ako sa personal, hahaha. Susunod na kabanata? well malaan po natin yan sa mga susunod na araw. :)

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: May The Best Man Win
May The Best Man Win
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjoZSB76uR2nxxKKS3CvfZOhc2ZVwRA9CwYh9KNkKy6W3z4QhzvQhdLNwmKCOs0DfNbreNGWkCbasxf44BXJ43MfzvSKz6aX7IZOZf1tB7vnUmax8fNPyRGGnOk22IcJuMKq3tZxyQKJwXY/s400/20986724_1904178396500018_5643196635891630080_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjoZSB76uR2nxxKKS3CvfZOhc2ZVwRA9CwYh9KNkKy6W3z4QhzvQhdLNwmKCOs0DfNbreNGWkCbasxf44BXJ43MfzvSKz6aX7IZOZf1tB7vnUmax8fNPyRGGnOk22IcJuMKq3tZxyQKJwXY/s72-c/20986724_1904178396500018_5643196635891630080_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/08/may-best-man-win.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/08/may-best-man-win.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content