$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Meet My Middle Finger (Part 3)

6:15 am pa lamang pero ang gwapo kong mukha — hinahabol ng mga babae at kinaiinggitan ng mga lalaki — ay nakabusangot na. Sad but true.

By: Raleigh

Hunter

6:15 am pa lamang pero ang gwapo kong mukha — hinahabol ng mga babae at kinaiinggitan ng mga lalaki — ay nakabusangot na. Sad but true.

Hindi pa kasi sumisikat ang araw ay tumawag na si mommy. Ewan ko ba kung nagtatrabaho nga sya doon. Maya’t maya na lamang kasi kung tumawag sya.

Wala rin syang oras na pinipili kapag nagsa-Skype. Minsan nagpupuyat ako para hintayin ang tawag nya na nauuwi lamang sa “bukas na lang”.

Magtake ka ng NCLEX at IELTS after graduation, blah blah blah… hindi pa nga ako nakakasurvive ng 1st year ay post-graduation plans na agad ang pinag-uusapan namin.

Para kasi kay mommy, the earlier you plan, the better. Kasi kung nag set ka daw ng goals mo eh you’ll take the right steps towards attaining that goal.

For me naman, “what makes you thinks you can do it tomorrow if you cannot do it today” ang prinsipyo ko. Kung ano man ang ginagawa ko ngayon ay tiyak na makakaapekto sa future ko.

Isa pa, paano ako matututong magdesisyon kung hindi nya ako hinahayaang magkamali? Alam naman nating walang perpekto sa mundo, pero ang mommy ko still strives towards that perfection.

Dahil matagal-tagal pa naman ang first period (7:30 am) ay nagpasya kong maglibot-libot muna sa campus. Tumambay ako sa may main courtyard.

Namamasa pa ang mga damo with the morning dew. They looked like diamonds glittering under the rays of the rising run.

Malamig din ang panahon; umulan kasi kagabi. Siguro ay umpisa na ng rainy season. Which means, simula na naman ng pagbaha.

For sure ay marami pang natutulog nang ganitong oras. Kung ako man din ay mas pipiliin kong matulog nang sa gayon ay mahaba-haba ang beauty rest ko.

Malamang ay nakausli pa ang pwet ko sa kama at naghihilik — not that I snore, puh-lease, but you know what I mean. Padapa kasi ako matulog.

Pero nang dahil nga sa early morning call ni mommy… hay naku! Wag na nating pag-usapan. Umiinit lalo ang ulo ko.

Nang malapit nang mag quarter to 7 ay nagpunta na ako sa main building. Marami ang nakapila sa elevators, at dahil sa takot na pagkaguluhan ako ng mga fans ko, pinili ko na lamang na mag stairs.

Pagkarating sa 4th floor kung nasaan ang room namin ay agad akong sumalampak ng upo sa seat ko at chineck ang cellphone. 0 messages.

Fuck! Kelan ba ako iko-contact ni Charm? Gusto ko ang ugali nyang palaban pero parang nasobrahan din ang pride nya. Di marunong umamin ng mali.

Pinili ko na lamang na maidlip dahil kokonti pa lamang ang mga tao. Konting push na lang sana ay nasa dreamland na ako nang bigla kong maramdaman ang pagtapik sa balikat ko.

Inis kong iniangat ang ulo. Tumambad sa harapan ko ang pinakapangit na mukha sa balat ng lupa. Si Jalandoni.

Bakit? Bakit ang isang gwapong kagaya ko ay napunta sa mundong puno ng kapangitan? Why was I destined to be surrounded with filth?

“Ah, boss. Eto na pala yung pinagawa nyo.”

Inilapag nya ang clear folder na may lamang assignments: essay sa Philosophy, assignment sa Fundamentals of Nsg, at guide questions sa Gen. Chem.

“Baka naman bobo ang content nito? Naku malilintikan ka talaga sakin.”

“H-hindi b-boss ah. Pinagpuyatan ko po ‘yan saka iniba ko ang content para hindi katulad ng akin.” pagtanggi nya.

Umangat ang kaliwang kilay ko. Jusko, sa grammar nya palang na mali-mali tuwing nagsasalita ay isang karumal-dumal na krimen na ang pagkatiwalaan sya.

Pero dahil sa hindi ako gumawa ng assignments ay no choice ako kundi tanggapin iyon. Since matataas naman ang scores nya, I’ll give him the benefit of the doubt.

Hmmm, in fairness maganda ang handwriting nya. Pero aanhin ang magandang handwriting kung wala namang substance? Just like girls; aanhin ang magandang mukha kung patapon naman ang utak.

Ramdam ko ang unti-unting pagtaas ng blood pressure ko. Sa loob ng labing-pitong taon ay ngayon lang ako nakakita at nakabasa ng ganoong sulat.

Masyadong eloquent ang pagkakasulat nya ng essay sa Philo, complex din ang English, yung tipo na madadala ka sa argument at points nya.

Nakuha nya rin lahat ng sagot sa Funda at Gen. Chem., wala na akong maiko-correct. Wala akong nakitang mali at iyon ang ipinang-iinit ng ulo ko.

“Umm, boss? May mali po ba?” ninenerbyos nyang tanong.

“Hoy, magsabi ka ng totoo at wag mo ‘kong nililinlang coz I fucking hate liars. Kinopya mo ba ito sa internet?” inis kong sabi.

“H-ha?! Nagpuyat ako para gawin lahat ng yan tapos yan ang sasabihin mo?” galit nyang tanong.

Pinagmasdan ko si Jalandoni. Lalong dumarami ang mga tigyawat nya, idagdag mo pa ang nangingitim na mga mata at ang ga-maletang mga eyebags.

Parang may mapait akong nalalasahan sa dila ko, yung parang nasusuka with chills running down my spine. Hindi ko sinasadyang tanungin sya sa ganoong paraan.

Gusto ko lang namang malaman ang totoo, and I didn’t mean it to sound like I was accusing him. Nakakahiya ang inasal ko.

“Tsk! Alis ka na nga, sinisira mo umaga ko eh.” sabi ko sa kanya sa attempt na itago na lamang ang pagkapahiya ko.

“Ah, s-sige po boss. S-sorry…” sabi nya sabay alis.

Mas lalong lumakas ang pakiramdam na iyon nang makita kong bagsak ang mga balikat nya habang naglalakad sya pabalik sa upuan nya.

Is this guilt? Do I need to apologize?

“Jalandoni!” bigla ko na lamang naisigaw.

Lumingon sya, tila nagulat. I just can’t get this awful feeling in my stomach since last week. Marunong din naman akong mag sorry kapag may mali ako eh.

“Boss?”

“Ah, ano kasi—“ at bigla na lamang tumunog ang tyan ko.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. Hindi nga pala ako nakapag breakfast kaninang umaga. As a result, ginutom ako.

“Nagugutom po ba kayo, boss?” tanong nya.

“No, it’s just I wanted to say—“ magdedeny pa sana ako nang tumunog ulit ang tyan ko.

Umalis sya at naglakad patungong upuan nya saka may kinuha sa bag. Pagbalik nya ay iniabot nya sa akin ang lunchbox nya.

Ew, siguradong low quality ang pagkakaluto nito. Saka baka marumi ang ingredients. Balak ba nya akong aswangin? Baka nilawayan nya ito at mausog ako.

“Boss, kainin nyo na. Hindi yan restaurant quality pero masarap magluto si mama. Saka fresh ingredients ginamit nya, wala ring lason yan.” Sabi nya sabay alis.

Ayaw ko mang kainin pero nagrereklamo na ang alaga ko sa tyan. Saka may part din sakin na nae-excite kumain ng luto ng isang nanay. Matagal-tagal na rin kasi…

Binuksan ko ang Tupperware at utensil na kasama nito. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman nang makita ko ang simpleng umuusok na kanin at mainit na ulam.

Adobong manok — my favourite. Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling kumain ng ganun. Kumuha ako ng kapiraso, hanggang hindi ko namalayang pati kanin ay naubos ko na.

“Thank you…” naibulong ko na lang.

Gus

Katatapos lamang ng first period nang biglang bumuhos ang ulan. Lagot na, nakuha kaya ni mama ang mga isinampay kong damit kanina?

Sana hindi nabasa yung mga underwear ko. Tyak na wala akong susuotin bukas kapag nabasa ang mga iyon. Alangan namang gawin kong side A – side B ang suot ko ngayon?

Nagtuloy-tuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan hanggang hapon. Buti na lang at tumila ito bandang alas tres y media, naiwan ko kasi ang payong ko.

Napaka-hassle ng walang cellphone. Gusto ko sanang magpabili kay mama kaya lang nakakahiya, gagastos na naman kasi.

Pero kailangan ko rin kasi mas mabuti nang malaman nila Ate Tess kung anong oras ako makakabalik galing school. Saka para hindi mag-alala si mama kung gabihin man ako.

Tumawid ako ng pedestrian lane para pumunta sa sakayan ng jeep na nasa kabilang kalsada. Ang hirap ng walang stoplight, tila nakikipagpatintero kami sa mga sasakyan.

BEEEEEPP!!!!

Sa sobrang gulat ay napatakbo ako at nadulas sa basang kalsada. Muntik pang tumama ang kanang parte ng mukha ko sa poste ng sidewalk nang madapa ako.

Malakas at mabilis ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa takot kundi dahil sa sobrang inis sa kapal mukhang driver na pinaharurot lamang ang sasakyan nya.

Nakita na ngang pedestrian lane yun hindi pa nag slow down! Mapagpasensyang tao naman ako pero hindi ko talaga matiis ang mga drayber na hindi sumusunod sa batas trapiko.

Papano kung nasagasaan ako? Sorry na lang?

Porket mayaman at magara ang sasakyan, akala mo kung sinong hari ng kalsada. Kaya dumarami ang bilang ng disgrasya dahil sa mga drayber na katulad nya.

Matitikman mo rin ang karma mo balang araw!

Nang makarating ako sa shop ay tinulungan ko na lamang si Ate Jera at Ate Tess na magligpit dahil nag-umpisa na naman ang malakas na ulan.

Wala na rin namang costumers kaya minabuti na lamang naming magsara ng maaga. Kinuha ko na lamang ang listahan ng mga orders para maaga ko pang magawa bukas.

“Gus, may payong ka ba?”

“Ah, wala Ate Tess eh. Mauna na kayo, hihintayin ko na lang humina yung ulan.”

“Tess, bigay mo na yung payong mo sa batang yan. Tutal madadaanan naman natin yung bahay mo. Sabay na lang tayo.” Sabi ni Ate Jera.

“Wag na po Ate Jera. Sa tab aba naman nyang si Ate Tess eh suguradong hindi kayo magkakasya sa payong mo.” Panunukso ko.

“Aba’t natututo ka nang lumaban Gustavo ha! Bahala ka, uuwi na ko. Languyin mo na lang yung baha mamaya!” inis na ganti ni Ate Tess.

“Hoy Teresa, magtigil ka. Saka totoo naman ang sinasabi ni Gus. Ibigay mo na yang payong mo at nang makauwi na tayong lahat.” Saway ni Ate Jera.

Pinalo-palo pa ako ni Ate Tess ng payong nya pero pinagtawanan ko na lamang sya. Paglabas ng shop ay yayamot-yamot pa sya, ngunit pinaalalahanan nya akong maligo pagdating ng bahay kaya naman alam kong hindi sya galit.

“Ma! Andito na ako…” sigaw ko nang makarating sa bahay.

Wala akong narinig na sagot. Pagpasok ko ng bahay ay tiningnan ko kung naroon sya sa sala. At doon ay nadatnan ko na lamang syang nagko-computer.

Kaya pala hindi nya ako narinig ay dahil naka headset itong nanay ko, tila may pinakikinggan. Hindi ko na lamang inistorbo, malamang ay nanonood ng movie o YouTube.

Napansin ko na palaging may pinagkakaabalahan si mama sa laptop. Wala rin akong ideya kung ano at hindi o rin naman naitatanong.

Ok lang naman, as long as hindi sya sangkot sa sindikato. Nakakatuwa rin kasing pagmasdan na sa edad nya ay gusto nyang matutong mag computer.

Wala pa namang alas singko kaya naligo na muna ako gamit ang maligamgam na tubig para iwas sipon na rin. Nabasa kasi ako ng ulan kanina pagkababa ko ng jeep.

Pagkatapos maligo at makapagbihis ay nagsaing na ako. Habang nakasalang na ang rice cooker ay sinilip ko ang sampayan kung nakuha nga ba ni mama ang mga sinampay ko kanina.

“Maaaa!!!” inis kong sigaw.

Sa edad kong dise-syete anyos ay nagsisimula na akong magka high blood. Papano ba naman kasi, lahat ng sinampay ko ay basang-basa na animo’y bagong laba.

Hinintay ko syang pumunta sa kusina pero halos tatlong minuto na ang nakalilipas ay wala ni anino nya. Mas lalong tumaas ang BP ko.

Minabuti ko na lamang na puntahan sya sa sala kung saan ay nakangiti pa sya habang nakikinig sa kung anuman ang nakatugtog sa headset.

“Mama, ano ba? Bakit di nyo kinuha ang mga sinampay?” kunot-noo kong tanong.

“G-Gus, anak! Kanina ka pa ba nakauwi?”

Gulat na gulat si mama at nagkakarandapang tinanggal ang headset saka sinara ang laptop. Animo’y nakakita sya ng multo.

Well, di ko naman maitatanggi na sa mukha kong ito ay hindi malabong pati sya ay mapagkamalan akong engkanto pero… hindi man lang ba nya napansin na kanina pa ako nakauwi?

“Kanina pa ma, nakapagsaing na nga ako eh.”

“Eh ba’t parang ang init ng ulo mo?” takang-taka ang mukha nya na syang ipinang-init ng ulo ko.

“Ma, ang lakas-lakas ng ulan. Bakit mo hinayaang mabasa ang mga sinampay ko?”

“Mabasa? Kinuha ko naman lahat yun ah!” depensa nya.

“Kinuha nyo nga, dun nyo naman nilagay sa likod-bahay. Diba sabi ko may agas ang bubong doon? Ma naman ehhh…”

“Ganoon ba? Nakalimutan ko anak eh.”

“Ma naman, sana kasi pinasok nyo nalang dito. Ayan tuloy, pipigaan ko na naman. Mangangamoy ang mga yun.” Gusto ko nang maiyak sa sobrang inis.

“Hayaan mo, ako na ang gagawa bukas.” Pang-aalo nya.

“Ma kahit isampay nyo pa yan bukas, wala ring kwenta!” sigaw ko.

“Bakit ba parang galit na galit ka? Matutuyo yan bukas, ano ka ba.”

Sa tanangbuhay ko ay doon ko lang naramdaman ang labis na pagkainis kay mama. Kung bakit pa kasi inuuna ang pagko-computer, alam na ngang umuulan.

“Eh anong susuotin ko bukas kung lahat ng brief ko eh basa na? Alangan naman hindi ako magbrief bukas!”

“Anak, pasensya na. Hindi alam ni mama eh. P-pwede namang baligtarin mo na lang yung suot mo ngayon?” suhestyon nya na lalong nagpakulo sa dugo ko.

“Ma! Marumi na nga mukha ko tas pasusuotin mo pa ako ng maruming salawal!”

“S-sorry na anak… di naman sinasadya ni mama eh.” Lumapit sya saka niyakap ako. “Ganun din ginagawa ni papa mo dati nung buhay pa sya.”

“Ewan ko sa’yo mama!” pinikit ko na lamang ang mga mata ko upang kalmahin ang sarili.

“Pasensya na ha…” sabi nya sabay haplos sa likod ko.

“Eh bakit ba kasi kayo masyadong busy jan sa laptop?” kumalas ako sa pagkakayakap saka sya tiningnan.

“Ah, w-wala naman. May n-nakita lang akong magagandang bag nak eh.”

Parang piniga ang puso ko. Naguilty ako dahil pinagtaasan ko ng boses si mama. Alam kong hilig talaga ni mama ang mangolekta ng mga bag.

Simula ng mamatay si papa, dalawang beses pa lamang syang nakakabili ng bag. Malimit nyang gamitin ang mga iyon at maingat na itinatago sa aparador.

Dahil iniisip nya ang kapakanan ko, sa pag-aaral ko na lamang nya ginagasta ang pera. At ngayon, eto ako… naiinis sa kanya dahil nabasa ang salawal ko.

Ni hindi ko lang naman inisip na pinagkakasya na lang ni mama ang sarili nya sa pagtingin-tingin ng bag sa internet. Nagalit ako sa aking sarili.

Niyakap ko sya ng mahigpit saka nagsorry. Isasampay ko na lamang sa likd ng ref ang salawal ko tapos paplantsahin mamaya, baka naman matuyo pa.

“Gus, ako na ang magluluto ng ulam natin. Ano’ng gusto mong ulam?” tanong nya at alam kong pampalubag-loob nya iyon.

“Pinakbet ang gusto ko ma. Pero tulungan na kita ha? Hindi mo kayang hiwain ang kalabasa eh.” Pagbibiro ko.

Ngumiti na lamang si mama. Bonding kasi naming dalawa ang magluto, lalo na kung merong okasyon o kaarawan.

Masaya kaming nagsalo matapos maluto ang ulam. Nagkwento ako tungkol sa mga napag-aralan ko kanina sa anatomy. Tuwang-tuwa naman si mama.

Saktong katatapos ko lang maghugas ng mga pinagkainan nang mag brownout. Hindi ko pa nasasampay sa likod ng ref ang briefs ko, papano na ‘yan?

Buong magdamag akong naghintay na sana ay bumalik ang kuryente, kaso mag aala-una na ng madaling araw pero wala parin.

Hindi ko alam kung ano ang uunahin: ang mag hyperventilate o ang umiyak.

Hindi rin ako nakatulog ng mahimbing. Nagising ako bandang 4:30am para trabahuin ang mga bouquet arrangements na inorder ng mga kostumer.

Kandila lamang ang gamit ko dahil hanggang ngayon ay hindi parin bumabalik ang kuryente. Wala rin kaming de-uling na plantsa.

Bumalik ang kuryente bandang alas sais na ng umaga. Wala na ring pag-asa kung paplantsahin ko ang briefs ko kasi hindi rin matutuyo.

Ibinilin ko kay mama ang mga orders at umalis na ako para mag-abang ng jeep. Kakaiba ang pakiramdam ng walang briefs, malamig at mahangin.

Napa-paranoid din ako. Palinga-linga ako sa paligid, pakiramdam ko kasi’y parang see-through ang itim na slacks na syang uniform namin.

Nag-aalala ako, baka may makahalatang wala akong suot na briefs. Hindi ako mapakali. Pinagtitinginan rin ako ng masama ng mga kasakay ko sa jeep.

Nanalangin na lamang ako na sana ay marating na namin agad ang crossing patungong eskwelahan. Ngunit sadyang bumabagal ang oras kapag nagmamadali ka.

Naisip kong mag absent na lamang datapwat hindi maaari dahil may pagsusulit kami mamaya sa Fundamentals at sa Chem. Minamalas talaga ako…

Halos tumalon ako pababa ng jeep. Parang sinisilihan ang pwet ko nang tahakin ko ang daan papuntang convenience store.

Naalala kong sa tabi niyon ay isang branded clothing store na 7am bumubukas. Namumutla ang mga palad ko dahil sa sobrang higpit ng panalangin na sana ay mayroon silang binibentang briefs.

6:53 am. Para akong natatae sa sobrang kaba. Hindi ako mapakali dahil talagang pangit ang pakiramdam ng walang suporta ang aking “family jewels”.

Nagulat pa ang clerk na nagbukas ng shop nang makita akong nakatunganga sa labas ng store nila. Pagkabukas ay kaagad kong nilibot ang shop para hanapin ang target ko.

Gusto kong maluha sa galak nang makitang mayroon nga silang briefs doon. Hindi ko alintana ang nanghihinalang tingin ng cashier nang magbayad ako.

Kalahati agad ng allowance ko ang nawala. Para akong lalagnatin dahil sa ginastos pero di bale na, at least may maisusuot na ako!

Doon na sana ako magbibihis pero nang makita kong 7:15am na ay kumaripas na ako ng takbo. Sinasara kasi ng CI namin ang pintuan kapag nalate ka sa 7:30am na Fundamentals.

Fundamentals… takte! First period na nga, may quiz pa!

Ang malala kasi sa Funda, hindi namin alam kung kailan ibibigay ng CI ang quiz; maaaring bago mag start ang klase, sa gitna, o pwedeng bago magtapos ang klase.

Which means, hindi ako makakalabas kapag hindi pa naconduct ang quiz… which means hindi ko masusuot ang briefs hangga’t di natatapos ang subject!

Mahabanging Santa Barbara… tulungan nyo po ako!

Hunter

Pinagpawisan ako ng malapot sa quiz ni Sir Valentin. Kahit alam kong quiz lang yun pero pakiramdam ko ay major exam ang kinuha ko.

Slideshow pa talaga ang style nya, yung may timer na thirty seconds per slide. Hindi mo pa natatapos basahin ang situation eh next slide kaagad.

Nagsitayuan kaming lahat pagkatapos, nagmamadali kasi Anatomy lab ang next subject. May kaliitan kasi ang room dahil sa mga display cases ng specimen kaya paunahan para makakuha ng magandang pwesto.

Agaw pansin ang isang lalaki na parang hinahabol ng pitong demonyo sa sobrang pagmamadali. Ironically, mas nakakatakot pa sa demonyo ang mukha nya.

Aba’t san ba ang lakad nitong si Jalandoni? May subpoena ba sya galing sa Supreme Court kaya ganun na lang ang pagkaripas nya?

Sinundan ko sya ng tingin. Wala ring silbi ang pagmamadali nya dahil maraming tao sa hagdan. Siguradong mabubugbog sya kapag may nabangga sya.

Pagkapasok sa laboratory ay naisipan kong lagyan ng libro ang katabing upuan ko, baka sakaling walang maupuan si Jalandoni.

Pakyu kayo! Di ako concerned sa kanya. Sabihin na lang natin na kabayaran ito para sa baon na ibinigay nya sa akin kahap—

Shit, nakalimutan kong isauli ang baunan nya. It’s not like nag-aalala ako kung may baon ba sya ngayon, not at all. Ayoko lang manatili sa bag ko ang mumurahing baunan nya, wag kayong ano.

Nagmamadali akong lumabas ng room dahil kanina pa ako ihing-ihi, halos sumabog na ang pantog ko. Buti na lamang at walang tao doon sa CR.

Actually para sa faculty yung CR na yon pero sinadya kong pasukin. Alam ko kasing marami ang gumagamit ng CR na for students. Ayoko ng mapanghing CR.

Pasimple akong pumasok sa CR, swerte at walang tao. Dali-dali akong nagpunta sa hilera ng mga urinal saka pinakawalan ang kanina pa gustong lumabas na ihi.

Pagkatapos ay naghugas ako ng kamay at pinagmasdan ang gwapo kong mukha sasalamin. Nangingitim ang paligid ng mata ko dahil nagpuyat ako kagabi.

Bigla na lamang may kumaluskos sa nakasarang pinto ng cubicle na nasa likuran ko. Kinabahan ako bigla. May teacher ba sa loob?

Pinakiramdaman ko ang paligid. Malamang ay guni-guni ko lang iyon. Makakahinga na sana ako ng maluwag pero may tumunog — parang nagtatanggal ng sinturon.

Dahan-dahan akong lumapit sa cubicle. Walang anu-ano’y may nahulog na maliit na kahon na nakabalot sa plastic bag. Pinulot ko iyon.

“Bench., size S” ang nakasulat.

Sino kaya ang may-ari nito? Imposibleng faculty, eh small ang size. Puro malalapad ang katawan ng mga teacher dito.

“Patay, nasaan na yun?!” bulalas ng boses na kilalang-kilala ko.

Bigla na lamang sumibol ang makapunit-bibig na ngiti sa labi ko. Natae ba sya kaya kailangan nyang magpalit ng briefs?

Bumukas ang pintuan ng cubicle at tumambad ang gulat na gulat na mukha ni Jalandoni. Nanlaki ang mga mata nya nang makita ang hawak ko.

“U-uhmm, b-boss…” nauutal nyang sabi. “Bakit k-ka nandito? Eh sa f-faculty ito…”

“Hmm, bakit ka rin nandito? Faculty ka ba?” nakangisi kong tanong.

Namutla si Jalandoni. Akala nya siguro ay isusumbong ko sya. By now alam ko na ang kahinaan nya, at iyon ay ang mareport sa guidance office.

Napag-alaman kong bawal magkarecord ang isang scholar dahil isa iyon sa mga requirement — maliban sa no grade below 85, GWP of 90 — para ma maintain ang ang scholarship nila.

“Anyway, that’s beside the point. Sa’yo ba ‘to?” iwinagayway ko sa harap nya ang kahon ng briefs.

“P-pwede b-bang wag m-mo na lang itanong?” mas lalo syang namutla.

“Natae ka ba?” sa totoo lang ay nandiri ako. Ano sya, grade school?

“H-huh?! H-hindi ah!” mariin nyang pagtanggi.

“Eh para saan ‘to?”

“W-wala b-boss. Susubukan ko l-lang sana k-kung kasya eh.” Pagmamaang-maangan nya.

“Ah, wala naman pala. Sige dalhin ko na ‘to sa room at nang hindi ka mahirapan. Ang bigat pa naman ng bag mo.”

Akma akong lalabas sa pintuan nang bigla na lamang akong hablutin ni Jalandoni sa braso.

“B-boss, baka pwedeng a-ako na lang ang m-magdala nyan?” halatang kinakabahan sya. “S-saka, ‘di ba nakakahiya k-kung lalabas kang may hawak na b-b-briefs?”

“Bakit naman ako mahihiya?” taas-kilay kong tanong.

“Ehh, a-ano.. basta boss, akin na yan.”

Sinubukan nyang agawin sakin ang briefs pero dahil mas matangkad ako, hindi nya maabot iyon. Gusto kong matawa dahil unti-unting nalulukot ang mukha nya.

Bigla na lamang nalaglag ang pantalon ni Jalandoni at tumambad sa akin ang makinis nyang hita… at ang walang saplot na lower half.

“Aay!!” napasigaw sya sa gulat.

Hindi sya magkamayaw habang itinataas ang pantalon. Kinuha ko naman ang cellphone ko at agad nag snap ng picture.

“B-boss!” sigaw nya nang marinig ang tunog ng camera.

“Hmm, ganyan ka na ba talaga ka manyak? Nagpupunta ka sa school na walang suot na underwear?” pang-aasar ko.

“H-hindi naman s-sa ganun eh! May dahilan naman ako…”

“Wala akong pakialam sa dahilan mo.”

“B-boss, ibigay nyo na l-lang yan sakin, pakiusap naman oh.” Naiiyak nyang sabi.

“Sige, sa isang kondisyon.” Nakangisi kong sabi.

Ramdam ko ang pagkabalisa ni Jalandoni habang lumilipas ang oras. Akala nya siguro ay pagjajakulin ko na naman sya habang nanonood ako.

Timang, hindi ko na gagawin yun ulit. God knows kung ano ang magagawa ko kapag nakita ko na naman ang makinis nyang singit.

Anyways… nag-umpisa na namang umulan-ulan bandang tanghali. Pupunta pa sana ako ng canteen para mag lunch nang makita kong may dala syang lunchbox.

“Ano’ng ulam?” hindi ko mapigilang magtanong.

“Uhm, afritada boss.” Nagtataka nyang sagot.

“Binili mo?”

“H-hindi po, si mama ko ang nagluto.”

“Penge.” Bigla ko na lang nasabi.

“H-huh?”

“Sabi ko pahingi. Nakakatamad pumunta sa canteen.” Palusot ko dahil hindi ko na pwedeng bawiin ang sinabi ko.

Mukhang reluctant si Jalandoni, sa tingin nya siguro ay lalaitin ko ang luto ng nanay nya. In all honesty, masarap yung kinain ko kahapon. Kaya baka masarap din yung ngayon.

“Mamimigay ka ba o hindi?” tanong ko.

“Nakakahiya kasi boss… konti lang yung baon ko eh.” Nahihiya nyang sagot.

“Ganun ba? Edi bukas na lang. Damihan mo ha.”

Gus

Nagtataka ako sa inaasal ni Hunter. Bakit sya nagkakaganun? Una eh nagreserve sya ng mauupuan ko sa lab, tapos ngayon nanghihingi na ng baon.

Diba ganun ang ginagawa ng magkaibigan? Eh di naman kami ganun ah. Di ko sya maintindihan.

Nang magtapos ang klase namin buong araw ay sumunod ako kay Hunter. Iyon kasi ang napag-usapan namin kanina pero wala akong ideya kung saan kami pupunta.

Sumakay kami sa kotse nya at agad nya itong pinaharurot. Natatakot ako, baka dalhin ako ng demonyong ito sa impyerno.

Dahil hindi ako sanay sa de-aircon ay nakaramdam ako bigla ng pagkahilo. Mabuti na lamang at ilang sandali ay nagpark sya sa harap ng isang building.

“Iwan mo na yang bag mo dito saka dalhin mo ‘to.” Iniabot nya sa akin ang isang stopwatch, pito, at maliit na clipboard.

“Sandali Hun— boss Hunter. Para saan ito?” tanong ko habang naglalakad kami papasok.

May dalang mesh bag si Hunter at isang water bottle. Gym ba ito? Kailangan ban yang mag workout? Pero para saan ang stopwatch at pito?

“Antayin mo ako dun, I’ll just change.” Utos nya habang itinuturo ang isang double doors.

Pumasok ako doon habang nagpunta sya sa locker room. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nasa indoor pool facility kami.

Konkonti lang ang tao doon ngunit nakakaaliw pagmasdan ang mga lumalangoy. Ang bibilis nila at naiinggit ako dahil di ako marunong lumangoy.

Minsan lang kasi kami nagpupunta sa pool. At kapag nagpunta man kami ay hindi ako naliligo. Mahirap nang mapagkamalan akong shokoy.

“Hey, do you know how to use that?” sabi ng malalim na boses sa likod ko.

Nagulat ako nang dumampis sa balikat ko ang malamig na kamay. Nilingon ko kung sino man iyon… nagtama ang paningin ko at dibdib nya.

Matangkad sya, ngunit mas matangkad si Hunter. Sa kulay ng mga mata at balat nya ay masasabi kong may dugong banyaga ang lalaking ito.

Naka swimming cap sya, nakasabit ang goggles sa leeg na parang kwintas. Matipuno rin ang pangangatawan nito at—

Bakit sya naka briefs lang?! Hindi ba sya naiilang na halos makita na ang pagkalalaki nya na natatabunan ng kakarampot na tela?

“So, can you do it?”

“H-huh? Do what?” naku, magdudugo na naman ang ilong ko nito sa kaka-Ingles.

“Time for me.” Nakakasilaw ang pantay-pantay na ngipin nitong si half-breed.

“Ah, sorry. I’m with someone kasi.”

“Please? Just for a moment lang naman. Kanina pa kasi ako nagpa-practice and I don’t know how fast or slow I am. Please?” pagsusumamo nito.

Dahil naawa ako eh pumayag na lang ako. Tutal wala pa naman si Hunter. Saka sumang-ayon naman si half-breed na one round lang.

Pinagmasdan ko ng maige ang postura nya. Mejo akward lang nang konti ang pagdive pero mabilis ang paggalaw nya sa tubig.

“35.26s.” anunsyo ko nang makaahon si half-breed.

“Damn, I have to improve.” Bulalas nya habang inis na tinatanggal ang goggles at swim cap nya.

Bumagay sa mukha ni half-breed ang wavy, light brown hair nito na hanggang leeg ang haba. Para syang si Tommy Esguerra, maputi nga lang sya.

“Hey, salamat for timing me ha? You’re a big help. The name’s Brix by the way.” Pagpapakilala nya habang inooffer ang kaliwang kamay.

“Gustavo… at walang anuman. Mabuti at nakatulong ako.” Nakipag handshake ako sa kanya.

“You’re so mabait — can I call you Gus? Gustavo is mahaba kasi.” Napansin kong palangiti ang lalaking ito.

“Ah, no problem.”

“Salamat ulit Gus ha? You’re the first person to help me out here. Kasi lumalayo yung mga nilalapitan ko eh.” Napakamot sya ng ulo.

Nakakatuwang pakinggan si half-breed. Hindi na gaanong baluktot ang dila nito, patunay na matagal-tagal na syang nakakapag-salita ng lenggwahe.

“Naku, bini-big deal mo naman. Wala yun.”

“So, I’ll see you around? I have to go na kasi.” Salamat sa Diyos at nakuha nyang magtapis ng tuwalya.

“Hindi ko alam eh, sinama lang ako ng classmate ko dito.” Pagpapaumanhin ko.

“I guess I have to talk to that classmate of yours na dalhin ka ulit dito, but alas! Kailangan ko nang umalis talaga. Paano, til next time na lang…”

Kumakaway-kaway pa si half-breed habang naglalakad palayo. Hindi ko maipaliwanag ang tuwang nararamdaman ko.

For the first time! May kusang lumapit sa akin. Madalas kasi ay mabilis pa sa alas kuwatro kung layuan ako ng mga taong nakakakita sa mukha ko.

Kung pupwede sana ay gusto ko ring makabalik sa lugar na ito, palagay ko kasi ay maghihintay si Brix na tulungan ko ulit sya.

“Sa uulitin.” Mahina kong sagot.

“Sa uulitin ano?”

Nagulat pa ako ng makitang naroon si Hunter. Naka swimming trunks sya, salamat sa Diyos. Hindi ko ata kakayanin na makakita pa ng lalaking naka briefs lang habang lumalangoy.

“Ay, w-wala b-boss.”

“Fuck, stop being so tense around me, will you? Di kita ihuhulog jan sa pool.” Inis nyang sabi.

“S-sorry…”

“Whatever. Hawakan mo ‘to.” Inabot nya sa akin ang tuwalya saka ang water bottle nya.

Nagstretching muna si Hunter. Parang na-hypnotize ako sa muscles nya habang pinapanood ang pag-unat ng katawan nya.

Malalaki iyon at defined, parang may sariling buhay. Magkakaroon din kaya ako ng ganun kapag nagwork-out ako? Nakakainggit naman…

Nang matapos ay pumwesto na sya sa starting platform saka yumuko. Iniusli nya ang pwet saka hinintay ang pagpito ko.

Nakakahanga ang pag dive ni Hunter, ibang-iba sa pagdive ni Brix kanina. Para syang dolphin, nakapa-graceful ng paglipad nya sa hangin bago sya nilamon ng tubig.

Bumilis ang tibok ng puso ko, waring nag-aalala na baka hindi na umahon pa si Hunter. Nakahinga lang ako nang maluwag nang magsimula syang lumangoy.

Parang hinahati nya ang tubig. Hindi ko maipaliwanag pero parang nakikipagsawayan sya sa tubig; ibang klase ang ritmo nya.

Mabilis nyang naabot ang kabilang dulo saka naglaho muli sa ilalim ng tubig bago lumangoy pabalik kung saan sya nagmula.

Muntik pa akong mahuli sa pagpindot ng stop button dahil sa labis na pagkamangha sa performance nya.

“U-uhmm.. 33.56s boss.”

“Shit… bumagal ako ah.” Sabi nya na hindi lang naman humihingal.

“B-bumagal? Ilan ba ang record mo?” mabagal pa ba ‘yon? Eh mas mabilis pa nga sya kaysa kay Brix!

“Nasa 24-26s dati… tagal ko nang hindi nakalangoy eh.” Nagkibit-balikat lang sya.

“Twenty-four?! Ang b-bilis naman…” hindi ko mapigilang mamangha sa kanya.

Ilang beses pang paulit-ulit na lumangoy si Hunter hanggang umabot nang below 30s ang time nya. Bawat paglangoy nya ay mas nakakabilib.

Hindi ko inaasahan na mag-eenjoy ako sa aking nakita. Akala ko sa impyerno ako dadalhin ni Hunter, pero kabaligtaran pala.

“San ang inyo?” tanong nya habang nagda-drive pauwi.

“Ahh, dun na lang ako bababa sa may kanto… yung may flowershop.”

“Hatid na kita, malakas yung ulan eh.”

“Wag na boss. Ayokong makaabala.” Pagtanggi ko.

“C’mon, isa pa I need to apologize to your mom. Ginabi ka ng uwi eh.”

Nagulat ako. Aba, marunong pa pala syang humingi ng paumanhin? Hindi ko inaasahan yun ah. Gusto kong matawa.

“O anong nginingiti mo jan? Akala mo di ako marunong mag-sorry? Sipain kita palabas ng kotse eh.” Inis nyang sabi.

“W-wala akong sinabi boss ah.” Pero sa totoo ang ay gusto ko na talagang matawa.

Pagdating sa tapat ng gate namin ay bumusina sya. Lumabas naman kaagad si mama na may dalang payong. Nagpasalamat ako sa kanya bago lumabas ng kotse.

“Wag ka nang humingi ng tawad kay mama, ok lang naman sa kanya eh.” Sabi ko bago lumabas ng kotse.

“Nak, sino yun?” tanong ni mama nang makalabas na ako.

“Kaklase ko ma. Pasok na tayo, lakas ng ulan eh.”

“Ipakilala mo sa’kin.”

Hunter

Hinintay ko munang makapasok ng bahay nila ang mag-ina. Ngunit halos limang minuto na akong naghihintay pero di parin sila umaalis sa kinatatayuan.

Mukha yatang nagtatalo sila. Naaninag ko na lamang si Jalandoni na naglalakad pabalik ng sasakyan ko. Ibinaba ko ng bahagya ang bintana.

“B-boss, pasok ka daw muna sabi ni mama.” nayayamot nyang pahayag.

“Bakit?”

“Basta, pumasok ka na lang kasi.” Kunot-noo nyang sabi.

“Di bale, uwi na lang ako. Sabihin mo kay mama mo na paumanhin na lang, parang ayaw yata ng anak nyang pumasok ako sa bahay nila eh.” Pang-aasar ko.

“B-boss! Pasensya na.. p-pasok na kayo, please? Gusto kang makilala ni mama eh.” Mukhang nagpanic si Jalandoni kaya gusto kong matawa.

“Wag na, napipilitan ka lang eh. Sige, uwi na ako. Bye!”

“Boss naman eh! Pasok na kasi…” nagmamakaawa nyang pahayag.

Ilang minuto pang tumakbo ng ganito ang usapan namin. Halos maiyak na si Jalandoni. Napagtanto kong papagalitan sya ng mama nya kapag di ako napapasok sa bahay nila.

Binuksan nya ang gate saka nagparking ako doon sa may garahe nila. Dahil malakas ang ulan, hindi ko maaninag ng mabuti ang bahay nila pero alam kong may 2nd floor iyon.

Pagkapasok ko ay sinalubong ako ng mama nya na nakangiti. Mukhang nasa 40’s na sya pero masasabi kong maaaninag parin ang ganda nya noong kabaataan.

“Ma, si Hunter po. Hunter, si mama Herminia ko.” Pagpapakilala ni Jalandoni sa amin.

“Good evening po, auntie.” Bati ko.

“Naku, magandang gabi rin sa’yo. Salamat sa paghatid sa anak ko ha. Pasensya na sa abala.” Nakangiti nyang tugon.

“Walang anuman po, isa pa ako rin naman ang may kasalanan kasi nagpasama ako kay Gus sa practice ko kanina.”

“Ayos lang yon, hijo. Dito ka na maghapunan sa amin.” Pang-iimbita nya.

“Ma!” angal ni Jalandoni.

“O bakit?” pagtataka naman ng nanay nya.

“Eh, di pwede. Baka maipit sa traffic si Hunter.”

“Alam mong maiipit sya sa traffic tapos paaalisin mo nang hindi nakakain? Magtigil ka nga Gustavo. Halika anak, kumain ka muna dito.” Yaya ulit ng nanay nya habang nakahawak sa kamay ko.

Halos lumuwa ang mata ni Jalandoni nang tawagin akong “anak” ng sarili nyang ina. Gusto kong matawa, pero na touch ako sa pagiging malambing ng nanay nya.

“Naku auntie, wag na po. Nakakahiya naman sa inyo. Saka tama si Gus, baka gabihin ako sa traffic.” Pagpapabebe ko naman.

“Ayos lang sa akin, anak. Hindi ka pwedeng magbyahe ng gutom, baka mamaya eh mapaano ka sa daan.” Nag-aalala nyang tugon.

“Eh ayos lang ba talaga auntie? Para kasing ayaw ni Gus eh.” Umarte akong nag-aalinlangan.

“Wag kang makinig jan kay Gustavo. Halika na at lumalamig na ang hinanda kong hapunan.”

“Ma!” angal ulit nitong lalaki sa likod ko.

Halatang balisa si Jalandoni, ewan kung bakit ayaw nya akong magdinner sa kanila. Pero wala syang magawa dahil tiningnan sya ng masama ng nanay nya.

Pagkaupo sa hapag ay pinagsilbihan agad ko ng nanay nya. Sinigang na hipon ang ulam nila. Humigop muna ako ng mainit na sabaw.

Ilang sandali pa ang nakalilipas ay todo habhab na ako. Saktong-sakto ang asim ng sinigang. Mukhang natutuwa rin ang nanay ni Jalandoni habang pinagmamasdan ako.

“Auntie Hermie, ang sarap naman ng luto ninyo!” naibulalas ko.

“Ganoon ba anak? Mabuti at nagustuhan mo. Sige, kain ka pa.” pang-uudyok nya.

“Nakakahiya naman auntie, eh para lang sa inyo ni Gus itong niluto mo. Naabala ko pa tuloy kayo.”

“Wag kang mag-alala. Masaya nga ako at may kasama kami ni Gus na kumain.”

“So nabuburyo ka kapag ako ang kasama mo? Ganun ba yun ma?” tanong nitong pangit na nasa tabi ko.

“Wala akong sinasabing ganun.” Sagot lang nang nanay nya. “Damihan ninyo ang kain. Kailangan yan ng lumalaki ninyong katawan.”

“Alam mo auntie Hermie, buti na lang at pinatikim sa akin ni Gus yung baon nya kahapon. Ang sarap din nung adobo nyo, mas masarap pa sa restaurant.” Pagpuri ko.

“Pinatikim? Eh inubos mo yun.” Pabulong na sabi ni Gus.

“Ay nakuuu, nahihiya naman ako. Salamat Hunter, anak. Baka naman magselos ang nanay mo kapag nalaman nyang pinupuri mo ang luto ko.” Tuwang-tuwang pahayag ng nanay nya.

“Hindi naman, mag-isa lag po ako sa bahay eh. Nasa States kasi si mommy, tapos naghiwalay rin sila ni daddy kaya di kami magkasama.”

“Ganoon din si Gus, hijo. Matagal na kasing patay ang uncle Diosdado mo. Kaya nga pinili ng batang ito na mag nurse dahil gusto nyang mag-alaga ng tao.” Kwento ng nanay nya.

“Ma!” saway ni Jalandoni.

“O bakit? Totoo naman anak ah.”

“Di naman kailangang sabihin yun eh.” Maktol ng katabi ko.

“Pasensya ka na Hunter kung marami akong naikukwento ha? Ngayon lang kasi nag uwi ng kaibigan itong anak ko. Tapos gwapo at magalang pa.” papuri naman ng nanay nya.

“Walang anuman, auntie. Ang saya nyo nga kasi magkasama kayong naghahapunan. Swerte nga ako at nakakain ako ng luto ninyo. Kung pwede lang araw-arawin ito eh.” Sagot ko naman.

“Aba’y kung gusto mo eh dito ka na maghapunan araw-araw?” biglang alok ng nanay ni Jalandoni.

“Mama!” Saway ulit ni Jalandoni.

“Wag na auntie, nakakahiya naman. Magiging palamunin pa ako.” Nahihiya kong sabi.

“Wag kang mahiya, ayos lang naman sa amin ni Gus eh.”

“Anong ayos?” pagtanggi kaagad ng katabi ko na hindi naman pinakinggan ng nanay nya.

“Auntie Hermie, wag na lang ho. Bukod sa abala eh kailangan ko ring umuwi sa bahay saka di ako pwedeng gabihin.” Pagpapalusot ko na lang.

“Ganoon ba? Eh, kung gusto mo ay pagbabaunin ko na lang si Gus ng marami. Pagsaluhan nyo na lang.”

“Ma, wag kang mapilit.” Inis na sabi ni pangit.

“Wag ka nang mag-abala auntie.” Sabi ko.

“Di ba masarap ang luto ko? Napipilitan ka lang sigurong purihin ang hinain ko?” malungkot na tanong nito.

Nagkatinginan kami ni Jalandoni. Mukhang nagtampo ang nanay nya.

“Mama naman, walang sinabi si Hunter na ganun.” Pang-aamo nya sa nanay nya.

“Hindi auntie ah, masarap talaga ang luto mo, pero kasi—” rason ko naman.

“Kung ganun eh hayaan mo akong paghandaan kayo ng makakain. Isa pa, magkaibigan naman kayo ni Gus kaya walang masama kung pagsasaluhan ninyo ang ipapabaon ko.”

In the end ay pumayag na lamang kami ni Jalandoni sa kagustuhan ng nanay nya. Mamaya eh magtampo pa yun at madepress.

Sa sobrang tuwa ay nagtanong kaagad sya kung ano ang gusto naming kainin bukas. Mukhang naistress si Jalandoni sa inaasal ng nanay nya.

Bago umuwi ay inabot ko sa kanya ang baunan na pinagkainan ko kahapon. Pinabaunan nya rin ako ng sinigang para initin bukas ng umagahan.

Nagpumilit din ang nanay nya na isama ko si Gustavo — fuck, that was his name? — sa tuwing nagpa-practice ako. Mukhang tuwang-tuwa pa ito na ginabi ang anak nya.

“Di kasi lumalabas ang batang ‘yan. Mabuti nga at nakaexperience na gabihin.” Masayang balita nya.

Nagpaalam ako sa kanila at malapit nang 9pm nang makauwi ako. Hindi ko na pinansin ang missed calls sa phone ko.

Simula bukas, pulos masasarap na putahe na ang makakain ko. Hehehe.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Meet My Middle Finger (Part 3)
Meet My Middle Finger (Part 3)
6:15 am pa lamang pero ang gwapo kong mukha — hinahabol ng mga babae at kinaiinggitan ng mga lalaki — ay nakabusangot na. Sad but true.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjCbt29jhTOtCVwVehyphenhyphen3I3OD4QHZ6e7NH6_IYsoEtVeuSPRrO46DBGAvSCBjBuEKeKz5guuj3x8G5I-WAyHgzcqocKhPCxqzpK1l3ejL4ib7yUEP65Niu2T-bjYmfxyFv3sY1K65-3enzC2/s1600/Meet+My+Middle+Finger.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjCbt29jhTOtCVwVehyphenhyphen3I3OD4QHZ6e7NH6_IYsoEtVeuSPRrO46DBGAvSCBjBuEKeKz5guuj3x8G5I-WAyHgzcqocKhPCxqzpK1l3ejL4ib7yUEP65Niu2T-bjYmfxyFv3sY1K65-3enzC2/s72-c/Meet+My+Middle+Finger.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/08/meet-my-middle-finger-part-3.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/08/meet-my-middle-finger-part-3.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content