$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Michigan (Part 2)

By: CPN Dinatnan namin ni Sebastian na marami nang mga panauhin na nakatayo at sabik na naka-abang sa labas ng Rackham Building kung saa...

By: CPN

Dinatnan namin ni Sebastian na marami nang mga panauhin na nakatayo at sabik na naka-abang sa labas ng Rackham Building kung saan gaganapin ang aming college graduation. Mahaba na rin ang pila ng mga naka-togang graduates na handa nang magmartsa papasok ng auditorium. Masigla at masaya ang mga usapan at mga tanawin.

Nakita ni Sebas sa di kalayuan ang mga kumakaway nitong kamag-anak. Kumaway din siya at nagsimula nang maglakad patungo sa kapamilya. Pero mga ilang hakbang pa lamang, bigla itong bumalik, lumapit sa akin, at niyakap ako ng mahigpit. Ginantihan ko din ito ng mahigpit na yakap.

"Haha, aw, dude! Can't get emotional now. The thing hasn't even started yet!" Pabiro kong sabi.

"Just in case I don't see you later. It's been a true pleasure being your roommate all these years, Nick. I hate to admit it but I'm truly going to miss you bro. Don't you forget about me when you go back to the Philippines!" Paliwanag ni Sebas habang mahigpit pa ring nakayakap.

"Rooming with you has been one of the best things about my Michigan experience, Sebas. I'm going to really miss you, bro. And you better come visit me in the Philippines!" Taimtim kong sagot nung mapagtanto kong seryoso ang mokong sa kanyang pag-e-emote.

Tuluyan na itong lumakad palayo. Ako naman, naiwang nakatayo sa tabi ng fountain at bell tower. Bigla akong nakaramdam ng pangungulila. Gusto kong maiyak pero nilabanan ko ng malalim na buntong hininga.

"Not right now, Nick. Not yet, at least."

"There you are!" Sabi ng isang pamilyar na boses mula sa aking likuran na nagpabuhay na muli sa aking kalooban.

"Prof. Dynarski. I'm glad you could make it to our graduation." Nakangiti kong sabi, sabay harap at abot ng kamay sa isa sa mga pinakamalapit kong professors.

"I wouldn't miss this for the world. I'd like to see my best student go up that stage today." Sabi niya sa akin na may halong pagmamalaki sa kanyang boses.

"Thank you, professor. I wouldn't be here today if not for you and all the other amazing professors who taught me."

"Nonsense. You did it all by yourself. We were all happy spectators of your brilliance. Now, I hope you didn't forget your cords?"

"I have them here."

"Well don't just keep them in your pockets! Put them on and go in front of the line. The march is about to begin!"

Matapos ang mahigpit at mabilis na yakap, dali-dali nang tumungo sa entrance ng auditorium si Prof. Dynarski.

Isa-isa ko nang sinabit sa aking leeg ang apat na honor cords na may iba't ibang kulay: dilaw para sa highest honors, bughaw para sa leadership award, pula sa best honors thesis, at puti para sa student with most outstanding academic record and greatest social awareness. Isang buntong hininga pa, lumakad na ako patungo sa harap ng linya nga mga graduates. Ako lang, mag-isa.

Ilang sandali pa, nagsimula nang tumugtog ang string quartet ng graduation march hymn. Pumasok ang flag bearers. Sumunod naman ang College Dean at ang mga naka-togang professors. Sumunod kaming mga graduates na pinangungunahan ko.

"And now, ladies and gentlemen, let us all welcome with a big round of applause, the Graduates of Batch 2003!"

Nangingilid ang luha ko pero taas-noo at lubos ang aking ngiti habang naglalakad patungo sa harap at papaakyat sa stage. Hindi lingid sa akin ang masigabong palakpakan sa paligid. Tumayo ako kasama sa hanay ng mga panauhing pandangal sa entablado at pinagmasdan ang mga batchmates ko habang sila naman ay tumuloy sa kanilang mga upuan sa baba.

Nagsimula na ang commencement exercise. Nagbigay ng talumpati ang College Dean. Sumunod naman ang talumpati ng panauhing pandangal - isang alumnus ng kolehiyo na matagumpay na napalago ang kanyang startup business sa Silicon Valley. Matapos ito, nagbigay ng intermission number ang ilang miyembro ng UM Chorale.

"Thank you for that lively performance! This time, it's my pleasure to introduce to you this year's student commencement speaker, to give his remarks on behalf of the graduating class."

Palakpakan. Tumayo ako para ihandog ang isang maikling mensahe.

"What a glorious day to be with family and friends. I see some of my soccer teammates over there. And Coach Tim! - I see he's also in the crowd." Hiyawan ang mga teammates ko.

"The admin staff are all here. Hello Ms. Mim! Hello everyone!" Palakpakan ang mga staff ng college.

"My roommate - Sebastian - he' over there at the back - dozing off as usual." Tawanan ang audience. Sumipol si Sebas at kumaway.

“Of course, Dean Shapiro, and our favorite professors are all in attendance.” Baling ko sa mag nakaupo sa stage. Palakpakan ang mga graduates at ang faculty.

"And my org-mates." Kalahati ng mga graduates ang naghiyawan at palakpakan, at may kasama pang mga padyak.

“All of you — you are all my family. My heart swells with pride and joy that I get to celebrate this day with you. And looking around, I am just as thrilled to see that my fellow graduates all have their family and friends to celebrate this day with them.”

“I wish my parents were here, too.” Nangilid ang aking luha nung narinig ko ang aking sarili. Hindi ko maiwasang makaramdam ng matinding lungkot. Alam kong hahagulhol ako kapag tinuloy ko pa ang pagsasalita kaya humakbang muna ako palayo sa mikropono. Namayani ang katahimikan sa auditorium. Pinalipas ko ang ilang segundo at huminga ako ng malalim. Lumuwag ang aking kalooban at humakbang na muli ako pabalik sa podium.

“But no matter.” Ngumiti ako at tumingala sa langit. “I’m sure wherever there may be, they’re very proud of, and happy for me. Mom, dad, these honors are for you!” Baling ko sa kalangitan. Palakpakan ang audience.

“I lost both my parents to cancer four years ago. Before he died, the last advice my dad gave me was something that helped me through the hardest days of college, and it’s the advice that I’d like to leave as a message to all my fellow graduates, and to everyone, today: Choose to suffer.”

“Choose to suffer.” Pag-uulit ko. “That’s what my dad said, and to be honest, I didn’t quite understand it then.”

“But I think I understand it now. Our instinct as humans is to preserve our lives, and so we naturally run away from suffering. But we don’t need to look far beyond our college experience to see that the many seemingly inconsequential moments when we chose to suffer in the last four years — those were the moments that brought us all here today.”

“We chose to suffer when we spent all those hours at the gym lifting weights to build our bodies, and outside, playing sports, to become nimble and fit.”

“We chose to suffer when we spent many sleepless nights to prepare for our ridiculously difficult exams.” Tawanan at hiyawan ang mga graduates na naka-relate.

“We chose to suffer during the seemingly endless Winter quarters, when it was negative 20 degrees outside and the snow was waist-deep, and we put on our warmest NorthFace gears, and decided to show up to school anyway.” Tawanan ang buong auditorium dahil lahat naka-relate.

“We chose to suffer when we competed against our rival schools, played our hearts out, and still lost.” Hiyawan ang mga soccer team-mates ko na nasa audience.

“We chose to suffer when we walked up to that one girl or one guy we had a big crush on, and asked them out, knowing that they were in all likelihood going to reject us.”

“We chose to suffer for our friends, when they got piss drunk during a tailgate party, and we cleaned the vomit off their chest and dragged them back to their apartment instead of leaving them wasted on the lawn.” Kinindatan ko ang aking roommate na si Sebastian. Tawanan ang lahat.

“We chose to suffer when we all showed up to the Diag on September 11th, 2001, unnerved and heartbroken, but united against cowardly attacks against liberty and democracy.”

“My dear fellow graduates, we chose to suffer. And it made all the difference.”

“Our bodies are stronger and healthier for it. Our minds are sharper and our thoughts deeper for it. Our spirits are soaring high and alive for it. We love and are loved for it.”

“So, as we go on with the next chapter of our lives, let us all choose to suffer. Suffer — not for the sake of suffering — but that we may discipline our mind, body, and spirit, to achieve the good, and then, the excellent.”

“Congratulations to all of us, and Go Blue!”

“GO BLUE!” Malakas na sagot ng buong auditorium. Tumugtog na ang “Hail to the Victors!” at nag-tayuan na lahat ng graduates. Matapos ang huling linya ng kanta na, “Hail! Hail! To Michigan, the leaders and the best, Go Blue!” sabay sabay na pinag-i-itsa ng graduates ang kanilang mga cap sa ere. Hiyawan ang lahat. May malakas na putok at humulog ang mga confetti mula sa kung saan. Pansamantalang bumagal ang ikot ng mundo, at mula sa aking kinatatayuan, tumatak sa aking isipan ang masayang pangitain na nagbigay buod sa apat na taong inilagi ko sa University of Michigan.

**********

Sa dami ng mga pagbati at yakap na sumalubong sa akin palabas ng auditorium, tuluyan nang naibsan ang anumang natitira pang pangungulila sa aking dibdib. Laking sorpresa ko pa, nung biglang ikot ko mula sa pagkakayakap sa isang kaklase, nakita ko ang isang papalapit na taong di ko inaasahang makikita ko sa araw na ‘yon.

“Emil!” Puma-ibabaw ang sigaw ko sa dati nang maingay na lobby. Halos lumundag ako sa tuwa para yakapin ang aking best friend na akala ko ay nasa PIlipinas. Tuluyan na akong nagpadala sa aking emosyon at humagulhol habang nakayakap sa humahalakhak na si Emil. Ang sarap pala ng pakiramdam na meron naman pala akong mahal sa buhay na nakasaksi sa aking pagtatapos.

“Walangya ka! You know that I freaking hate surprises!” Wika ko sa gitna ng hagulhol at tawa.

“When did you get here?! Why didn’t I see you in the crowd? And what the heck are you doing here?!” Tinadtad ko ng tanong ang aking ‘bespren doon’.

“Surprise! Haha. I know you hate surprises. But did you really think I’m going to miss the graduation of my best friend in the world?” Sagot ni Emil habang hindi pa rin makapiglas sa aking pagkakayakap.

“And are you never going to let me go?” Dagdag pa nito, dahil di ko talaga nilulubayan ang aking mahigpit na yakap. Ang tindi ng nararanasang kong tuwa.

“C’mon. Let’s get outta here before we miss our table at Sava’s.” Naisip nitong sabihin para makawala na sa pagkakayakap ko.

“Wait, you made reservations at Sava’s? How?! When?!” Laking gulat ko, dahil ang Sava’s ang paborito kong fine dining sa Ann Arbor. Ito ang unang restaurant na na-fu-fully-booked tuwing may graduation, at kalimitan ay one year ang waiting list dito.

“Let’s just say I’ve done my reasearch.” Pagmamalaki ni Emil. Di pa rin ako makapaniwala.

“Done your research… or hired an accomplice?” Sabat ng isang boses mula sa likod ko. Si Sebas pala.

“Haha. Cat’s out of the bag, I guess.” Sagot na lang ni Emil.

Ang mga walang hiya, matagal na palang nag-uusap sa Facebook para i-coordinate nga ang sorpresang ito para sa akin. Nalaman ko na lang nung gabing ring iyon na dalawang araw na palang nasa Ann Arbor si Emil. Sinundo siya sa airport ni Sebastian (kaya pala ang aga nito umalis ng apartment nung isang araw), at i-chi-neck-in sa The Inn sa Michigan League.

“So, are we going to eat or not?” Tanong ni Sebas.

“Wait, are you joining us, too?” Excited kong tanong.

“Between Sava’s and dinner with my extended family? Like, duh!” Pang-uuyam na sagot nito.

“And the reservation is for three.” Dagdag ni Emil.

“Aw, you guys. Come here!” Sabay hila ko sa dalawa para i-group-hug sila.

“Haha. All right, enough with the drama!” Pabirong sabi ni Sebas.

“Let’s have a picture of us three taken, and get out of here.” Dagdag nito.

Masaya kaming naglakad papalabas ng Rackham Auditorium papunta sa South State at diretso sa Sava’s. Ako, kasama ng best friends ko.

Hindi naman pala ako mag-isa, sabi ko sa aking sarili. Meron nga pala akong pamilya.

[info title="Author's Note" icon="info-circle"] Mula kay Nick: Maraming salamat sa lahat ng nagsimulang sumubaybay at nagbabasa sa kwentong ito. Hindi lahat ng mga kabanata ay may halong sekswal na eksena (tulad nitong Part 2). Bagamat hango sa mga totoong karakter at mga pangyayaring naganap sa tunay na buhay, maraming aspeto ng kwento ang dinagdag, binago, binawasan, at iniba para mapangalagaan ang pagkakakilanlan ng mga karakter, kasama na ang pagkatao ng inyong lingkod.

Layunin ko ang maibahagi, hindi lamang ang mapupusok na kwento ko, kundi pati na rin ang mga kaisipan, pagninilay-nilay, kamalayan, at prinsipyo ko sa buhay, para na rin magabayan ang mga kabataang lalake sa ngayon, na tulad ko nung aking kabataan, ay hinahanap ang kanilang sarili at nagwawaring sila ay nag-iisa. Hindi ko maipapangakong masagot ang lahat ng mga liham, pero sisikapin kong gawin nga ito. Salamat, at hanggang sa Part 3. [/info]

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Michigan (Part 2)
Michigan (Part 2)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjb1NShmoVj30TyvP51vuZfWb3_3DBZJ6GPVcFjW6G_6mtzYa5zzTY9bwxdtAfzS5qiLiJXHuty4E0EF2g_u3F4H0XoNJi4yRR-uEjunCpgs8HrlKTNxKcK9CuKMKBXHe1u7hBgLLleNc4J/s400/20759620_109886516356778_4929295203539353600_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjb1NShmoVj30TyvP51vuZfWb3_3DBZJ6GPVcFjW6G_6mtzYa5zzTY9bwxdtAfzS5qiLiJXHuty4E0EF2g_u3F4H0XoNJi4yRR-uEjunCpgs8HrlKTNxKcK9CuKMKBXHe1u7hBgLLleNc4J/s72-c/20759620_109886516356778_4929295203539353600_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/08/michigan-part-2.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/08/michigan-part-2.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content