By Raleigh Naalimpungatan ako dahil sa malakas na tunog telepono na nasa nightstand. Dumako ang tingin ko sa digital clock na katabi nit...
By Raleigh
Naalimpungatan ako dahil sa malakas na tunog telepono na nasa nightstand. Dumako ang tingin ko sa digital clock na katabi nito.3:12 a.m.
Who the fuck dared to call me in the wee hours of the morning?! Hindi ba nila alam na tao lang din akong nangangailangan ng pahinga?
Nagsimula lang naman ang pagiging busy ko nang sunod-sunod naming maibenta ang mga renovated run-down houses sa iba’t-ibang areas ng Carmel, Monterey, at Salinas.
Mabilis na kumalat ang reputasyon ng aming kumpanya, ang Connor Industries. Dagsa agad ang mga investments, partnerships, at kliyente dahil nagustuhan nila ang renovations na ginagawa ng kumpanya namin.
At ngayon nga ay may malaking housing development project ako na pinagkakaabalahan sa Carmel Highlands. Affordable ang mga bahay, catering the needs of low to middle income families.
Bilang isang tao na minsan na ring nakaranas matulog sa kalsada, goal kong mabigyan ng pagkakataon ang mga nasa low income families na tumira sa maayos at kumportableng bahay.
Kaya between buying houses and planning renovations, to meeting clients, to actual site visits and meetings with engineers and architects, kinain na nito pati ang oras ng pahinga ko.
I’ve been working my ass off nitong nakaraang mga buwan. Kinailangan ko pang igive-up ang surgery dahil hindi ko na kaya pang pagsabayin ang business at hospital work.
Napaka-unreasonable naman na tawagan ako at 3 a.m. para lang mag consult kung may problema. I only get a measly 4 hours of sleep a day tapos…
Pero dahil isa akong dedicated advocate ng fair business deals and costumer reliability, pinilit kong bumangon at sinagot ang telepono sa ikalawang ring nito.
“This is Sean Connor.”
Kahit sinong nilalang — bata, matanda, babae o lalake, lesbian and gays — ay mapapaluhod sa karismatiko kong boses. Makapunit-salawal daw ang boses ko.
Yes bitch, that’s how sexy I am. Boses ko palang, lalabasan ka na.
“What the hell is your problem?!”
Kung kanina ay mejo antok pa ako, ngayon ay gising na gising ang diwa ko. Mas matapang pa sa kape at mas malakas pa sa sipa ng kabayo ang tama sa akin ng boses na iyon.
Boses na akala ko’y hindi ko na kailanman maririnig pa.
Pinaglalaruan lang ba ako ng pagod kong isipan? Isa na naman ba ito sa mga panaginip ko? Pinilipit ko ang balat sa aking singit… at muntik nang mapahiyaw sa sakit.
Dreams do come true. I should know; I’m living every minute of it!
“Why Aiden, hello. Hindi ka parin nagbabago, so gentlemanly and so refined.”
Okay, I’m not gonna lie — I’m ecstatic. Hindi ko maitago ang saya sa boses ko nang matanggap ko ang tawag mula kay Aiden.
Isang trap ang email na sinend ko sa kanya, saying na binili ko ang ancestral house nila, but never in my wildest dreams did I imagine na si Aiden ang unang magrereach-out sakin.
“Kung gawin ko kayang refined sugar ang pagmumukha mo? Shut the fuck up.”
Ganyan sya kadaling i-rile up. Nakakaaliw syang kausap kapag mainit ang ulo nya. Which meant he’s all fine and dandy.
“So much hostility. Have the people in there never met the real you?” pang-iinis ko sa kanya.
“Kung ikaw ang nakilala nila, siguradong magtataka sila kung bakit ang isang manipulative freak na kagaya mo ay hindi nakakulong sa isang maximum security penitentiary!”
“Alam mo Sean, buti at hindi alam ni Argyll ang ginawa mo sa akin. Kung hindi ay—“
“Yeah, he gave me a thorough description ng pambubugbog na gagawin nya. Alam ko na iyon, bago pa man tayo kinasal.” pagputol ko sa litanya ni Aiden.
“Pwede ba, ceasefire na muna tayo. I enjoy this banter, pero mas gusto kong pag-usapan ang mga importanteng bagay. Narinig mo na diba? Na namatay si lolo?”
“Oh no, Sean. I’m…” sagot nya mula sa kabilang linya.
Ayokong ipahalata na masyado akong apektado sa pagkawala ng dalawang taong nagmamahal sa akin — sya at si lolo — kaya minabuti kong magpatuloy na lamang sa pagsasalita.
“Yeah, yeah.. You are talking to the most eligible bachelor of the year according to Forbes magazine.” pagyayabang ko.
“Alam mo, kinontest ng mga uncles and aunties, even my parents, ang nakalagay sa will ni lolo but, alas! Justice prevailed. Ako na ngayon ang may-ari at CEO ng Connor Industries.”
Hindi ko mapigilang ibalita kay Aiden ang nangyari. Sharing with him the most important events in my life is my favourite thing to do, kahit pa mainterpret nya ito bilang pagmamayabang ko.
Alam ni Aiden ang nakaraan ko, ang mga pinagdaanan ko para patunayan sa pamilyang kinabibilangan ko na may silbi ako.
At higit sa lahat, alam nya kung papaano ako nagsumikap para masuklian ang pagmamahal at pagpapalaking ginawa ni lolo.
“Naghahanap ako ng pwede kong maisama sa private jet kapag nagtatravel ako… so—“
“Thanks, but no thanks.” mabilis nyang sagot.
Gusto ko lamang syang biruin, pero jokes are half-meant truth. Gusto ko ulit na magtravel kasama sya. Siguro hindi na mauulit iyon. I should have went with him in that cruise…
“Well Sean, I need to hang-up now. Mahal ang international calls. It wasn’t a pleasure talking to you. Please go die slowly and painfully. Bye.”
“Wait Aiden! Please, just wait. Yung tungkol sa bahay ninyo, business lang ‘yon, ok? I just wanna say I’m sorry.” nagpanic ako at alam kong nahalata nya iyon.
“For what?”
Gusto kong sabihin sa kanya lahat na kasinungalingan lang ang lahat ng mga masasakit na bagay na sinabi ko sa kanya noon…
Na lahat ng mga ginawa ko bago kami tuluyang nag divorce ay pilit lamang. Pero nawalan ako ng lakas ng loob. Alam ko, hindi maitatama ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali.
“For everything I did… and said. I just want to be friends again. Can’t we be friends again?” desperado kong sabi.
“Your ass must get jealous of all the shit that comes out of your mouth.” inis nyang sagot.
“Please, Aiden. Ikaw, si lolo, at si Astryd lamang ang nagmamahal sa akin. At ngayong wala na si lolo, it’s just too lonely.” mahina kong sabi.
“Sean, you ended it. Pinaniwala mo ako sa lahat ng mga pangako mo. Goddamit Sean, you left me shattered!” mahina ang boses nya pero ramdam ko ang galit sa bawat kataga.
Ilang beses ko nang naimagine at napanaginipan na magiging ganito ang pakikitungo sa akin ni Aiden, na susumbatan nya ako. Still, reality hurts.
“I was wrong with everything, okay? Please, alam kong wala nang pag-asa pang mahalin mo ako ulit, pero umaasa ako na kahit papaano ay may natitirang puwang sa puso mo para sa akin… kahit friends lang! Titiisin ko lahat, manatili lang sa tabi mo. Please!” pagmamakaawa ko.
“Sorry Sean. I’m done; we’re done. Bye.” malamig nyang sabi bago ibinagsak ang receiver.
Maka-sabog eardrums ang lakas ng pagkakabagsak ng receiver mula sa kabilang linya, pero wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ko.
Ano nga yung sabi nila, dreams do come true? Pero nakalimutan yata nilang sabihin na nightmares are dreams too.
I was stupid, I was an asshole, I fucked it up. Pero ginawa ko lang iyon para sa kapakanan ni Aiden. I was willing to lose everything, mailigtas lang ang taong mahal ko.
Unti-unti kong ibinaba ang telepono. Nahiga ako habang kinakapa ang kwintas na nakasabit sa aking leeg. Nakasabit doon ang dalawang promise rings — regalo sa akin noon ni Aiden nang 7th anniversary namin. Simple platinum ring lang iyon.
Nakay Aiden ang wedding ring namin pero importante din ang singsing na ito. May nakaukit sa loob na ~you and me, AlwayS~. Capital A and S for Aiden and Sean.
Natawa ako ng mahina, puno ng pait. Iniwan kong wasak ang mundong binuo namin. Yung dating masaya, ngayon magkagalit na.
Marami akong pinanghihinayangan, pero hindi ko pinagsisisihan ang mga ginawa ko. Kaya kong isakripisyo ang kaligayahan ko kung kapalit naman nito ay ang kaligtasan ng mahal ko.
Two Years Ago
“OOOHHH SEAANN! Where for art thou!”Sunod-sunod ang malalakas na sigaw ng lalaki sa labas ng bahay namin, dahilan upang mapabalikwas ako sa kama at matigil ang panonood ko ng porn.
Hep! Mali kayo ng inaakala. Hindi ako nagpapalibog (although inaamin ko na nalibugan ako) habang nanonood ng male x male sex. Nagreresearch lang ako.
Ikakasal na kami ni Aiden bukas-makalawa at sa gabing iyon ang magiging first time namin. Sabi nila, masakit ang first time at ayaw kong masaktan si Aiden kaya nag-aaral ako ng proper techniques.
Sa halos sampung taon ng pagiging magboyfriend namin, hanggang deep kiss at light petting lang kami. Kaya naman hindi ko rin mapigilan na mag anticipate para sa gabi ng aming pagniniig.
Maya-maya pa ay narinig ko na ang pakikipagtalo ng asawa ng tatay ko sa kung sino man ang nasa labas.
Napatakbo ako pababa sa hagdan habang sinusuot ang t-shirt at pantalon ko. Baka kung ano ang mangyari doon. Hindi pa naman sya ang tipong umuurong sa labanan.
“Seaaann!! Lumabas ka dyan!” mukhang lasing ang nagsisigaw sa labas.
“Lumayas ka kung ayaw mong tumawag ako ng pulis para kaladkarin ka palayo ng bakuran ko!! This is trespassing!” sagot ni Kasandra, ang ina ni Argyll at asawa ni papa.
“Ma'am, ano po ang nangyayari dito?” lumapit ako sa kanya.
“Tumawag ka ng 911. There is filth invading my yard!” naghihisteryang utos nya.
“Kumalma po muna kayo. Pumasok na kayo sa loob. Ako na ang bahala dito.” pakiusap ko.
“Anong gagawin mo?” demanda nya.
“Lalabas ako at kakausapin kung sino man sya.” sagot ko naman.
“Tsk, if I know makikipagbasag-ulo ka na naman. Kung likas sa inyong mga Braziliano ang makipag-away, pwes hindi ako sang-ayon dito!" pasaring nya.
“Ma'am, huminahon po kayo. Kaya ko nga kakausapin para matapos na ito. Baka mas lumala pa ang sitwasyon kapag hindi ako lumabas.” Kinalma ko ang sarili. Baka masuntok ko kasi ang bunganga nya.
“Naku! Ang sabihin mo, aayain mo ang lasenggo na yan na gumamit ng drugs!” sigaw nya.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Ilang taon man ang lumipas, hindi na magbabago pa ang pakikitungo at impression nya sakin.
“Isara nyo po ng mabuti ang pinto.”
Hindi ko na hinintay na sumagot ang nanay ng kapatid ko. Binuksan ko ang pinto at hinarap ang lalaking kanina pa nagsisigaw sa bakuran namin.
Nagulat ako dahil ang lalaking iyon ay si Argyll, ang second cousin ni Aiden na kung ituring nya ay parang nakatatandang kapatid. Also, my ex-bestfriend. He was piss drunk.
“Argyll? Anong ginagawa mo dito?” tanong ko habang naglalakad palapit sa kanya.
“Mmmhh! Kanina pa ako shumishigaaaw dito ahh. Ang taghal lumabash ng shoon to bee groom hmm..” mukha syang adik.
Nalanghap ko ang malakas na amoy ng alak mula sa kanyang hininga. Masyado ring maingay si Argyll, masakit sa tenga ang boses.
“Lower your voice, man! Nang-iistorbo ka sa mga kapit-bahay eh.” saway ko bago sya inakay paupo sa bench sa harap ng porch.
“Kaphit-buhay? Shino? Nashaan? Ishang kilomeetro ang dishtansha nila mla dito, diba?”
“500 metres.” koreksyon ko. “Dito ka lang. Ikukuha kita ng tubig o kaya kape.”
“Nope! No, no, no.. Mn, nooo.. wag kang umlish dahel mayyy pag-uushapan pa tayo.. hmm.” pailing-iling sya ng ulo at hinawakan ang pantalon ko.
“We will talk once you’re sober. Kaya stay put at kukuha ako ng maiinom mo.” mariin kong sabi bago sya iniwanan.
“Tumawag na ako ng pulis. Anumang minuto ay darating na sila dito. Ipapaaresto ko ang tarantadong iyon!” galit na sabi ni ma’am.
“Di na po kelangan ma'am. Si Argyll lang yon, yung pumupunta dito nung high school? Nalasing lang nang konti.” sagot ko habang nagtitimpla ng kape at nilagay yun sa tumbler.
“Sinasabi ko na nga ba. Good-for-nothings always flock together! Ang dapat sa kanya ay mabulok sa bilangguan!" labas-litid na sigaw nya.
Really? For crying out loud, hindi nga maipakulong ang ibang mga serial killer jan eh. Palibhasa maayos ang moralidad mo.
Sobrang taas ng standard mo para tawaging marangal ang isang tao. At kapag nakita mong hindi sila katulad sa’yo, patapon na kaagad sila. Mga salot sa lipunan.
Pero syempre hindi ako naglakas-loob na sabihin iyon ng harap-harapan. Gusto ko rin naman na magkaayos kaming dalawa, kahit wala naman akong kasalanan.
Oh wait... being born out of wedlock and from an ex-lover is a deadly sin already — for her.
At dahil resulta ako ng one-night stand ni papa sa ex nya, ako ang papasan ng kasalanan na ito hanggang sa libingan.
“Ma'am, kumalma lang po kayo. May pag-uusapan lang kaming importante.” naglakad ako papuntang pinto.
“O ano? Illegal business na ba yang pag-uusapan ninyo? Maghintay ka lang at maghahanap ako ng matibay na ebidensya para pati ikaw ay mahuli na rin ng mga pulis!”
“Ma’am, pwede bang tigilan nyo ang pag-iisip ng masama sa isang tao dahil lang sa hindi sya nagsisimba?” inis kong sabi.
“And he’s Aiden’s cousin. Kung ayaw nyong maging masama ang pakikitungo ng mga Summers sa inyo, you better call that police service off.”
Lumabas ako ng bahay at iniwang nakanganga ang babaeng malalim ang galit sa akin. Nadatnan ko si Argyll na tahimik na nakatingin sa sapatos nya.
Hindi ko alam kung nabawasan na ng konti ang kalasingan nya. Nilapitan ko sya at binigay ang tumbler na may kape.
“Drink this.” tumango lang sya.
Ilang sandali kaming natahimik, nakikinig sa huni ng mga crickets at alon. Nasa likod-bahay lang namin ang dagat, katapat ng garden namin sa likod. May naisip akong lugar kung saan kami pwedeng mag-usap.
“Come with me.” sabi ko nang maubos nya ang kape.
“Where to?” tinanggap nya ang bottle ng mineral water na inalok ko.
“Sa cove.”
Inalalayan ko si Argyll papunta sa garden. May naka-setup na doon na stage. Nagpasya kami ni Aiden na doon idaos ang reception pagkatapos ng kasal sa Pebble Beach Resort.
Ininform na rin ako na bukas ay darating ang mga tables at chairs para ma setup na lahat lahat. Ang kulang na lamang ay overall decoration ng lugar.
Isa ang garden na ito sa pinakamaganda sa Carmel. Maraming bulaklak sa paligid, naka-trim ang mga conifer hedges na hanggang baywang ang taas, at well-maintained ang damuhan.
Sa umaga ay makikita ang carpet ng mesembryanthemum flowers at ang nagtataasang madeira pati na mga hibiscus. Marami ring flowering plants na hindi ko matandaan ang pangalan.
Picturesque ang garden sa umaga dahil parang pang golf course ang napaka-green na damo at mga puno, tapos napapalamutian ito ng iba’t-ibang kulay ng mga bulaklak sa gilid-gilid.
Nagsilbi ring backdrop ang aquamarine Pacific Ocean. Sa sobrang lawak nito, tila hindi mo madi-differentiate kung saan nagtatapos ang dagat at kung saan nagsisimula ang kalangitan.
Ang mga naglalakihang mga alon ay tila nang-aakit —especially na sa mga surfing aficionados — sa mga tao na magsurf buong araw sa dagat.
Sa edge ng garden ay mga cypress trees. Balak kong palagyan iyon ng mga mumunting ilaw para mas lalong maging romantic ang atmosphere sa gabi.
At syempre pa, hindi mawawala ang pyrotechnics na pina-book ko especially para kay Aiden. Oh, how he loved fireworks! Para syang bata na todo tawa at ngiti kapag nakakakita ng fireworks.
I want him stay that way. Sisiguraduhin kong masisilayan nya ang pinakamagandang fireworks display sa tanang-buhay nya.
May malaking pool din doon — well-maintained pero minsan lang gamitin. Sino ba naman ang maliligo sa pool kung mayroong dagat na isang dura lang ang distansya sa’yo?
Sa kabilang banda ay naroon ang isang napakalaking cypress tree. Sa ilalim ng kahoy na ito ay makikita ang stone steps pababa sa private beach. Napakaputi din ng buhangin sa dalampasigan.
Doon ko balak dalhin si Argyll. I knew the guy loved the ocean. Surfing buddies kami noong highschool at kami ang tinaguriang Invincible Duo ng RLS High football team.
Ang liwanag na nagmumula sa halos bilog nang buwan ang nagsilbing gabay namin para hindi matumba habang inaalalayan ko sya pababa ng stone steps na iyon.
Banayad ang hangin na nagmumula sa Dagat Pasipiko at dala nito ang refreshing na amoy ng dagat. Naglakad-lakad kami sa buhangin.
Bigla na lamang akong inaya ni Argyll na tanggalin ang mga sapatos namin at magtampisaw sa shallow part ng dagat. As expected, it was freezing cold.
Ilang sandal pa ng paglalakad at narrating namin ang bahagi ng dalampasigan na napapaligiran ng naglalakihang mga bato.
Ito ang paborito naming tambayan ni Argyll noon. Ang mga batong iyon ay nagsisilbing cover mula sa ma mapagmatyag na mga mata.
“Man, you remember how we used to sneak out a bottle or two of your dad’s liquor?” bigla nyang tanong.
“Oo naman. Tapos parang uhaw na baka tayong mag-iinuman hanggang maubos natin ang mga ‘yon at malasing. And then we’d skinny dip in the freezing ocean.” natatawa kong sagot.
“My balls would freeze like popsicles. I miss those days we acted like idiots and lunatics.” Nakangisi nyang sambit.
“Those days? Please. Hanggang ngayon you still act like an idiot Argyll. And a first class lunatic for that matter.” pang-aasar ko.
Pinagsusuntok ni Argyl ang braso ko pero hindi naman iyon masakit. Ilang sandal pa kaming nag-asaran at nagrecall ng mga kabulastugan naming ginawa noong nasa high school pa kaming dalawa.
Nakaupo kami sa buhanginan at pinagmamasdan ang banayad na paghampas ng alon sa dalampasigan. Tila nakikiayon ang mga alon sa mood naming dalawa ni Argyll.
“This is just like Scenic Drive.” bigla nyang sabi.
“Yeah? Naalala mo pa pala yun?”
Naka-park kami sa public parking area sa Scenic Drive noon. Katatapos lamang ng championship game namin ( which we won, btw ) at dun kami tumambay habang nakaupo sa hood ng sasakyan ko.
Naka-jersey pa kami pareho na puno ng damo at lupa. Amoy-pawis pa dahil hindi na kami nakapagshower bago umalis. Pero wala kaming pakialam.
Nag-iinuman kami at nagkakantahan habang nakatingin sa nangangalit na mga alon na humahampas sa naglalakihang mga bato.
To fall in there meant instant death.
“Pano ko makakalimutan? Man, you were bitching about this stupid fifth grade puppy love.” pang-aasar nya.
“Gago, eh ikaw rin naman ah. Sino ba itong unang nagconfess na may unrequited love sya? Haha!” pangungutya ko.
“Fuck off, Connor.”
Gwapo si Argyll. Matangkad sya kaysa sa akin, mas tanned ang balat dahil sa Spanish-Native American blood nya, ngunit mas maganda ang built ko kesa sa kanya.
Isa syang quantum physicist at ilang beses na syang nabigyan ng offer ng CERN pero mas pinili nyang sa NASA magtrabaho.
Marami ang nagkakandarapa sa kanya pero hanggang ngayon ay wala parin syang ipinapakilala sa mga magulang nya.
Single at fully committed daw sya sa trabaho nya. Which was fucking unbelievable.
Noong highschool kasi ay sobrang playboy nitong si Argyll at naging sikat dahil sa preference nya towards chinita o di kaya ay mga black-haired.
It happened na ang current “gf” nya noong final days namin sa high school ay nakikipagclose sakin. Ok lang naman sana, kaso may gusto pala sakin.
Nagconfess sya sakin at pinipilit nya akong makipag-“hangout” sa kanya kahit hindi kasama si Argyll. Umabot sa puntong sini-seduce nya na rin ako kahit pa halos katabi ko lang ang nobyo nya.
Sa sobrang inis ko ay iniwasan ko sya, hindi nirereplyan ang mga texts, at rejected ang mga tawag. Siguro dahil na hurt ang ego, gumawa sya ng kwento na nililigawan ko daw sya at sinumbong ito kaya nagkagalit kami ni Argyll.
Ni hindi ako nabigyan ng pagkakataon na mag-explain. What ever happened to bros before hoes?
“But man, hindi ko iniexpect na aabot ako sa ganito ngayon. Parang kahapon lang nang fifth grader pa ako, pero bukas-makalawa ay ikakasal na ako.” nakangiti kong sabi.
“And who would have thought na yung taong puppy love ko noon ay ang magiging true love ko?”
“Ambilis dumaan ng panahon ano?” komento nya.
“Yeah… alam mo ba, kung hindi dahil kay Odette, hindi sana kami nagkakilala ni Aiden?” tanong ko.
“Oh?” nakataas ang isang kilay nya.
“Ganito kasi yun. Fifth grade nang magtransfer si Aiden sa class namin. He was nine then, pero dahil matalino sya, he was moved up a grade. Do you remember Jeff Day?”
“Yung parang bulldozer na tackle ng Carmel High? Pano ko makakalimutan eh muntik na akong madurog ng halimaw na yun.” inis na sagot ni Argyll.
“Sa maniwala ka o hindi, kinalaban sya ni Aiden nung grade five. I mean, halos mag short circuit ang utak ni Jeff nang tanungin sya ni Aiden kung may Tourette’s Syndrome sya!” natatawa kong sabi.
“Kahit sinong elementary student naman siguro mawiwindang kapag tinanong ng ganun.” nakangising sabi ni Argyll.
“Point taken. Anyways, he was so cute back then. Maliit, patpatin, mala-bampira sa puti ang balat, at super cute ng namumulang pisngi at slightly singkit na mata. Pero grade six na kami nagkausap.
“Pinagtanggol nya si Odette laban kay Jeff noon. Mataba masyado si Odette eh, kaya tampulan ng tukso.
"Hindi ko na matandaan ang mga naganap kung papano humantong sa ganun, pero naalala ko na sinuntok ni Aiden sa leeg si Jeff.
“Ayun! Detention ang inabot niya. Gusto kong magpasalamat noon sa ginawa nya para kay Odette kaya naman naghintay akong matapos ang detention.
“Halos lahat na yata ng estudyante nakalabas na pero walang Summers na lumabas. Akala ko ay nagkasalisi lang kami. Nagtaka ako kaya chineck ko ang room.
"Ayun, nagbabasa ang loko, ni hindi namalayan na nakauwi na lahat maliban sa kanya. Kung hindi pa siguro ako nadapa at nabangga sa pinto ay hindi sya gagalaw sa kinauupuan.
“Nilapitan ko sya tapos ewan kung bakit nag blush sya. Ang cute nyang tingnan. Tas ayun sinamahan ko sya sa café kung san sila magkikita ni Tito Shun. Nag-usap kami ng matagal.
“Marami kaming pinag-usapan pero ang pinakatumatak sa isipan ko ay ang pagmention nya ng Harry Potter.” masaya kong sabi.
“Now I know kung bakit ka naging Potterhead…” sabi nya habang may tinitrace sa buhangin.
“Well, akala ko nga ay magiging besties kami pagdating ng middle school but I was wrong. Parang patikim lang lahat ng iyon. It was short-lived.
“Umalis sya papuntang Japan nang wala man lang pasabi o paalam. Para akong baliw na pabalik-balik sa office, nagtatanong kung saan si Summers.
“Alam mo yung moments na hinahanap-hanap mo sya kasi gusto mong makipag-usap sa kanya? Naalala ko pa noon na nagbalak akong languyin ang Pacific Ocean para makita ko sya ulit.”
“Man, you must be on crack. And not the good kind.” panglalait ni Argyll.
“I can’t even deny. Yan din ang dahilan kung bakit ko pinursue ang Stanford. Sabi ko sa’yo diba naniniwala ako sa magic? Naghanap ako ng university na may hawig sa Hogwarts."
"Excuse me, sang banda nagmukhang Hogwarts ang Stanford?" interrupt nya.
"Yung corridors."
"What the...? Ang weird mo!" nalukot ang gwapong mukha ni Argyll.
“Pakialam mo ba? Para sakin may resemblance eh.”
“Once a weirdo, always a weirdo…” komento nya.
“Che! But who would have thought na doon kami ulit magkikita ni Aiden? Kala ko wala na akong nararamdaman noon para sa kanya eh.
"Pero nang makita ko sya ulit, it hit me full force. Na I’m still yearning for him kahit maraming taon na ang nakalipas.”
“Tapos? Anong ginawa mo?” pang-uusisa nya.
“Ayun, kapal mukha akong nakipagclose ulit sa kanya. Binakuran ko mula sa mga haliparot na babae. Pinangako ko sa sarili ko na hindi ko sya pakakawalan.
“Syempre alam mo na kung ano ang mga pinagdaanan namin ni Aiden pagkatapos niyon. At maraming salamat para sa ginawa mo para sa kanya noo.”
“Of course, hindi ko maaaring pabayaan ang nakababata kong kapatid.” Proud na sagot ni Argyll.
“And look where it got me? Finally, after 22years of waiting, ikakasal na kami ng mahal ko. 22 years! Ganun ko sya katagal minahal…”
“You’re so lucky. At maswerte din si Aiden sa’yo.” nakangiting sabi ni Argyll.
“Some love stories have happy endings.” Masaya kong sabi.
“Buti ka pa, may happy ending na. Eh ako hanggang ngayon di pa napagtatapat ang unrequited love ko.” bitter masyado?
“Bakit? Gwapo ka naman, matalino pa. Ano bang kinatatakutan mo?”
“Ganito kasi ‘tol. Matagal na akong may gusto sa taong ito, bata pa lang kami. Matalino din sya, matalas ang isip at mas matalas ang dila.
“Napakasuplado at unsociable nya pero kapag nakilala mo sya ng masinsinan, makikita mong maalaga at maalalahanin sya. Sobrang bait nya sa mga taong gusto nya.
“Masama rin syang maging kalaban. Kapag nagtampo sya, naku! Minsan inaabot ako ng isang linggo para lang mapansin nya ako ulit.
“Syempre malaking honor sa akin na maging ka-close nya. Na kumportable nyang naipapakita ang tunay nyang pagkatao, napagsasabihan ng mga sikreto at mga pangarap nya…
"But nangibang-bansa ang pamilya nila, I think because of business matters. Ayun, naghiwalay ang landas naming dalawa.
“Na-maintain pa rin naman ang communication namin, pero yung longing na makita sya, mahawakan, marinig ang malalakas nyang tawa... alam mo yun?
"Namiss ko yung times na nagsi-sleepover kami tapos magkukwentuhan magdamag tungkol sa mga pangarap namin. Feels like we are planning for our future.
"Yan din ang reason kung bakit pinursue ko ang quantum physics kasi somehow may relation to astronomy.
"Grabe ang obsession nya sa outer space. Sa katunayan ay nagmakaawa kami sa mga parents namin na bilhan kami ng telescope para mas makita namin ang mga stars.
“May mga gabing hindi kami matutulog just to do stargazing. Tapos parang mga timang na mag aabang ng daraan na shooting star at magwi-wish.
"I just feel I want to cherish and protect him for the rest of my life.” malungkot na sabi nya.
“Him? Lalaki rin ang mahal mo?” Hindi ko alam na Argyll batted on this team too.
"Surprised?" nakangiti nyang tanong.
"Fuck yeah! Ilang babae ang pinagsasabay mo noon eh.”
“Me too.” Sagot nya.
“Then it turned out na lalaki pala talaga ang laman ng puso mo.” Komento ko.
“Hindi lang yun, pinsan ko rin sya. Kaya naman wala kaming future kahit na magtapat pa ako. At alam kong hindi nya rin ako matatanggap.” malungkot nyang sabi.
“Man, that’s tough.” nasabi ko na lamang. “Wait, kilala rin ba ni Aiden? Alam ba nyang inlove ka sa pinsan ninyo?”
“Yeah, kilalang-kilala sya ni Aiden. Pero di alam ni Aiden yung about sa love.” mukhang maiiyak si Argyll na ewan. Naintriga ako.
“Bakit? Hindi ka naman ija-judge ni Aiden, alam mo yan. Parang magkapatid na rin kayo. Just tell him para at least mapanatag ang loob mo.” pang-uudyok ko.
Ang hirap ng sitwasyon ni Argyll. Siguro kung ako sa sitwasyon nya, hindi rin ako magtatapat kasi baka magkagulo ang buong angkan. Lalo pa't anak ako sa labas.
Pero napailing si Argyll. Halos malaglag ang panga ko nang makita kong tumulo ang mga luha nya. Argyll didn’t cry!
“Sandali… o-okay ka lang?” Women crying are one thing; men are another.
“H-hindi naman sa hindi ko maipagtapat eh. Kaso, huling-huli na talaga ako. Masyado akong naduwag na magtapat sa kanya. Ayun, nabingwit ng iba. Ikakasal na sila.” naiiyak nyang sabi.
Ang sarap isumpa ng taong nakabingwit sa mahal ni Argyll. Destiny is really cruel. Pagtatagpuin kayo ng taong mamahalin mo, only to turn out na hindi kayo pwedeng magkatuluyan.
“Tsk, ni wala akong clue na ganyan ang pinagdadaanan mo. Wala akong masabi... ang swerte ng babaeng pakakasalan nya.” nasabi ko.
“Lalaki. Lalaki ang pakakasalan nya.” malungkot na tugon ni Argyll.
“What!?” I was dumbfounded. "Man, tara resbakan natin yung ulol na nang-agaw sa kanya!"
“Di pwede, kasi kamumuhian nya ako kapag ginawa ko yun sa taong mahal nya. At ayokong mangyari yun, man. Di ko kakayanin kapag nagalit sya sakin.
“Kaya eto, ok nang ganito. At least I can stay by his side. Susuportahan ko sya kung san sya masaya, even if I have to give up my happiness.”
Sumikip ang dibdib ko para kay Argyll. Patuloy ang pagdaloy ng luha nya. Hindi ko man na meet ang pinsan nya, alam kong kahanga-hanga ito. Just like my Aiden.
“You're cousin's so lucky dahil ang isang tulad mo ang nagmamahal sa kanya.” sabi ko.
"Yeah?" gusto kong matawa dahil pumiyok si Argyll.
"Yeah... at maswerte ang lalaking nakabingwit sa puso ng pinsan mo." dagdag ko.
"You are..." bulong nya.
"Hmmmm?"
"Sabi ko, you're so lucky kasi ikaw ang minahal ng taong mahal ko." nilakasan nya ang boses.
Nanlaki ang mga mata ko. Parang batingaw ang bawat katagang binitiwan nya. Sa isang iglap ay napagtagpi ko lahat ng mga clue.
Like the obsession with Harry Potter and astronomy, kung gaano ka cold ang exterior, kung gaano ka poker face, at kung gaano ka busilak ang puso… they all define Aiden.
Ibig sabihin ba nito, matagal na syang inlove kay Aiden? At ako ang umagaw sa taong mahal nya? Na pareho kaming nagmamahal sa iisang tao…?
"Hindi mo ba nahalata? Kung bakit ganun na lang ang galit ko nang malaman na mahal ka na ni Aiden?
"Kung bakit lahat ng exes at flings ko ay raven-haired at singkit? Kung bakit wala akong sineryoso ni isa sa kanila...
“Yep, Sean. Mahal ko si Aiden, matagal na. And sorry kasi naging hostile ako. Hindi ko lang matanggap na nawalan ako ng puwang sa puso ni Aiden.”
Parang bata si Argyll na malayang umiiyak. Ramdam ko ang sakit sa bawat luhang kumakawala sa mga mata nya.
“A-argyll, man… Oh, God I’m so sorry.” pati ako ay naiiyak na rin.
“Kung ganun, mangako ka. Promise me na hindi mo sasaktan si Aiden. Na sya lang ang mamahalin mo. Promise me, Sean..” napakapit sya ng mahigpit sa braso ko.
“Tanggap ko na naman Sean na wala akong pag-asa noon pa. Masaya na akong makita na masaya sya. Kaya promise me, wag na wag mo syang sasaktan…” malaya paring umaagos ang mga luha ni Argyll.
“I… I promise.” Ilang beses akong napalunok para mapigilan ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko.
“That’s good enough for me. And I give you my blessings. You can marry my cousin.” nakangiti nyang sabi.
Doon na bumagsak ang mga luha ko. Niyakap ko na lamang si Argyll. Hindi mapagsidlan ang saya ko. Sa wakas ay tinanggap nya na ako para sa pinsan nya.
“Sya nga pala, tinaggap ko ang offer ng CERN kaya pupunta akong Switzerland next week. Babalik pa rin naman ako sa NASA pero may importanteng project akong gagawin sa CERN.
“At dahil matagal-tagal akong mawawala, can you make sure na palaging magiging masaya si Aiden? Na palagi syang nakangiti. For the rest of your life, kung maaari.” habilin ni Argyll nang kumalas kami sa pagkakayakap.
“And what will you do if he cries?” tanong ko.
Alam kong may propensity for violence itong si Argyll kaya gusto kong linawin ang gagawin nya sakin kapag sinaktan ko si Aiden.
“Nakikita mo ba ang kamaong ito?” inangat nya ang kaliwang kamao nya.
“Ipapasok ko to sa bunganga mo. Tapos ang isang kamao ko naman ay ipapasok ko sa asshole mo tapos pagtatagpuin ko sa gitna saka ko bubugbugin ang internal organs mo.” seryoso nyang sabi.
“Yikes…” napalunok ako ng laway.
“This is the first and last time I’m asking you a favour, Sean. So please don’t break your promise.” seryoso nyang sabi.
“I won’t.”
“Tara, balik na tayo sa bahay nyo. Magso-sorry pa ako kay tita eh. Nakakahiya ang inasal ko kanina.”
“Actually, huwag na. Pinaghihinalaan tayong may kinalaman sa black market eh. Baka nga ipaaresto tayo dahil nagda-drugs ‘daw’ tayo dito.” Napaismid ako.
“When will she ever change? Hanggang ngayon ba’y ganyan parin ang pakikitungo nya sa’yo? Isa ka nang pediatric neurosurgeon, the best in Cali.”
“Some people never change at isa na sya doon. Hindi na rin ako umaasa pa na magbabago pa ito.” sagot ko naman.
“Sean, alam ng lahat na hindi mo kasalanan ang maging anak sa labas. And it happened before pa makasal ang papa mo.” Giit niya.
“Well, anong magagawa ko? I’m just a bastard; salot sa mundo sa paningin nya.”
Hindi na sumagot pa si Argyll. Alam naman nya ang circumstances ko. Naupo kami in comfortable silence hanggang dumating ang unang liwanag ng sumisikat na araw.
“Avô?”
“Ah, Ruperto.” masayang bati ni lolo pagpasok ko sa room nya.
“Rupert po…” correction ko.
Mag-isang nakaupo si lolo sa kanyang hospital room at naglalaro ng solo chess. Kakaalis lamang ni Astryd — nakababata kong kapatid — dahil may meetings pa sya.
Masyado namang busy ang mga relatives ko kaya walang nagbabantay kay avô. Maganda at malawak nga ang kwarto pero wala naman syang kasama.
Pumasok ako saka inilagay ang dala kong bouquet ng sunflowers sa may vase sa tabi ng bintana. Paboritong bulaklak iyon ng yumao kong lola na hindi ko na nakilala pa.
“Nasaan si Aiden, hmm?” tanong ni lolo.
Napangiti ako habang inaayos ang bulaklak. To think na hinahanap ni lolo ang asawa ko at kung ituring nya ito na parang sarili nyang apo; nakakataba ng puso.
“May operasyon po sya, avô, kaya ako po muna ang kasama ninyo.” sagot ko bago naupo sa tabi nya.
“Ayoko sa’yo.”
Biglang nanlaki ang mga mata ko. Naapektuhan na ba ang utak nya kaya nagiging hostile na sya sa akin?
A month ago, isinugod ni Aiden si lolo sa ospital habang nag-uusap silang dalawa. Bigla na lamang daw itong nagreklamo na masyadong masakit ang tyan nya.
After a series of diagnostic procedures and serum marker detection, na diagnose si lolo ng infiltrating ductal adenocarcinoma of the pancreas. Para akong binagsakan ng langit.
Napansin ko na noon pa na mejo nangangayayat si lolo pero binalewala ko lang ang instinct na iyon sa kadahilanang masyado syang busy at stressed sa trabaho.
Nasa body of the pancreas ang tumor kaya huli na nang madiskubre na may cancer sya. Kung hindi pa sya nagka abdominal pain, hindi namin malalaman na may iniinda pala sya.
Alam kong advanced stages na usually nadidiskubre ang cancer sa pancreas, pero hindi ko parin maiwasang umasa na magkaroon ng medical miracle at malunasan ang kanyang karamdaman.
Para akong nauupos na kandila nang makita ang resulta ng PET Scan. Parang bumbilya na nag-ilaw ang mga parte ng katawan ni lolo kung saan nag metastasize ang cancer. Lungs, liver, colon…
“Avô? Ayos lang po ba kayo?” nag-aalala kong tanong.
“Hindi. Kasi hindi ako makapaglaro ng chess kapag ikaw ang kalaban ko. Too weak.” pagtatampo ni lolo.
Natawa ako ng mahina. Nabunutan ako ng tinik. At least hindi pa umabot sa puntong pati ang utak nya ay naapektuhan na.
Naninilaw si lolo, tila nakikipag kumpitensya sa kadilawan ng sunflowers. Panaka-naka rin syang nagkakamot sanhi ng bilirubin deposits sa balat nya.
Lamang, hindi pumayag si lolo na magpa chemo para mabawasan ang tumor burden. Masakit man para sa akin, mukhang tinanggap na ni lolo ang kahihinatnan nya.
“Let me have a good look at you, meu amorzinho…”
Napangiti ako. Meu amorzinho — “my little love” in Portuguese — ang palayaw ni lolo sa akin simula pagkabata. Kahit 33 na ako at 78 na si lolo, hindi ko parin maiwasan na umastang spoiled sa harap nya.
Kay lolo ko lamang naranasan ang pagmamahal ng isang magulang. Pagmamahal na ipinagkait sa akin ng sarili kong ama.
Nagbabakasyon lamang daw si papa sa Brazil noon nang makilala nya ang aking ina. Sa isang festival daw sila nagkakilala at nahumaling sila sa isa’t-isa.
At sa ilang linggo nilang pagsasama ay nagbunga ang relasyon nila. Nang malaman nyang nabuntis nya si mama ay dali-dali syang umuwi ng US.
Nanganak si mama ng wala ang tatay ko. Mahirap ang kanyang pinagdaanan at maging ang mga lolo at lola ko ay wala ring sapat na pera para suportahan kami.
Ngunit para sa kapakanan ng anak ng taong minahal nya, katulad ng isang normal na tao, pinag-igihan nya ang pagtatrabaho.
Mag-isa nyang itinaguyod ang kanyang anak katulad ng iba… at katulad ng normal na tao, bumigay ang katawan nya.
Katulad ng normal na tao, nagkasakit sya. At katulad ng normal na tao, namatay sya. Naiwan akong mag-isa, malayo sa mga kamag-anak at mga kakilala.
Nagpalaboy-laboy ako sa kalye, nanglilimos at kung wala nang makain ay nanghahalungkat sa basurahan. Hanggang sa kunin ako ng mga volunteers sa isang orphanage.
Doon ako natutong magsulat, magbasa, at magsalita ng maayos. Bata pa lamang ay matalas na ang memorya ko kaya naalala ko lahat ng mga nangyari sa akin. Halos dalawang taon din ang nailagi ko sa bahay-ampunan na iyon.
Anim na taong gulang ako nang nagpunta si lolo sa Brazil para personal akong hanapin. Nakipag-ugnayan sya sa mga otoridad at nakita nya ako sa ampunan. Dinala nya ako sa US, at doon nga ay nakilala ko ang tatay ko.
Ikinasal na sya sa isang napakagandang babae at magkakaroon na ng panganay na anak. Nang malaman ng babae ang tungkol sa akin ay halos ipagtabuyan nya ako palabas.
Mas mabuti pa raw sana kung hinayaan na lang akong mamatay mag-isa sa Brazil. Malamig rin ang trato ng tatay ko sa akin. Ni hindi nya ako matingnan ng direcho.
Nang ipinanganak si Astryd ay masaya ako kahit pa nga hindi ako hinahayaang makalapit sa kanya. Baka raw kasi patayin ko ang kapatid ko sa sobrang inggit.
Isa pa, hindi pa ako marunong mag-Ingles noon kaya hindi nila alam kung ano ang sinasabi ko. Nagpapasalamat na lamang ako na hindi nila ako sinasaktan.
Nang lumaki si Astryd ay pinili nyang sumama sa akin dahil kuya daw nya ako. Iyon na ata ang isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko — ang kilalanin ng sarili kong kapatid.
Hindi rin ako galit kay papa. Gusto ko lang na magkausap kami, pero ni minsan ay hindi nya rin ako binigyan ng pagkakataon na iyon.
“Kailan mo ako bibigyan ng apo, hmm? Alam mo namang bilang na ang mga oras ko sa mundong ito.” saad ni lolo.
Actually, nagpaplano na akong makipag-usap kay Tita Agnes para sa surrogacy matters. Balak kong sorpresahin si Aiden sa darating na anniversary namin.
“Avô, wag mo pong sabihin iyan. Nalulungkot ako.”
“Wag kang malungkot, Ruperto. Hiram lang ang buhay natin. Tanggap ko na ang nakalaang plano ng Diyos para sa akin. Sana maintindihan mo rin ito.” pahayag ni lolo.
“Mmmh, nagbabalak na po akong magkaanak. Wag po ninyong sabihin muna kay Aiden. Sorpresa ito para sa kanya.” dahil masyadong malungkot ang atmosphere, sinubukan kong pasayahin si lolo.
“Aba’y mabuti iyan! Gusto ko sanang makita ang maliliit na Aiden at Sean na naglalaro at naghahabulan.” masayang turan ni lolo.
“Pwede naman avô, basta’t lumaban ka lang.”
“Hmmm, alam nating imposible iyon Sean. Pero bago ko lisanin ang mundo, may isang bagay akong kailangang gawin at hihilingin sa’yo.” seryoso nyang sabi.
“Ano po ‘yon?” mejo kinakabahan kong sagot.
“Magdivorce kayo ni Aiden.”
---
“Earth to Sean.. hellooo?!”
“Huh?” ang nag-aalalang mukha ni Aiden ang tumambad sa harap ko. “W-what?”
“Kanina pa kita kinakausap pero parang di mo ako naririnig.” Kunot-noo nyang tanong.
“Ah, s-sorry.” pinisil ko ang kamay nyang nakapatong sa hita ko.
Pauwi na kami ng bahay galing sa ospital. Palagay ko ay unti-unting humihiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa nito. At nahalata agad yun ni Aiden.
Ilang linggo na ang nakararaan simula nang gumawa kami ni lolo ng plano, kasama ng personal secretary/assistant nyang si Walter. Oras na para isagawa ang mga iyon.
“Ang lalim ng iniisip mo… ano’ng problema?”
Pinagpawisan ako sa titig ni Aiden. Kilalang-kilala nya ako. Alam nya ang mood ko at laman ng isipan ko. Kung ayaw kong mabulilyaso ang plano namin, kailangan kong pag-igihan ang acting.
“I’m worried for lolo. It’s good na tanggap nya na ang lahat, pero ayoko syang mawala, hon. He’s been there for me eversince.”
Palala ng palala na rin ang kundisyon ni lolo. Pilit nyang pinapakita na ayos lang sya pero alam naming lahat na bilang na ang mga oras nya sa mundo.
“Alam kong mahal mo si lolo at ayaw mong mawala sya. Hindi ko alam ang sakit na pinagdadaanan mo ngayon, pero just know na nandito ako para sa’yo.”
Palagay ko ay makakayanan ko ang mawala si lolo. At least na acknowledge nya na hanggang doon lang ang buhay nya.
Pero hindi ako sigurado kung malalagpasan ko ang mangyayari sa amin ni Aiden. At hindi ko rin alam kung makakaya nya ito.
“Heeey, you have me, ok?” pag-aasure nya nang hindi kaagad ako sumagot.
Buti na lamang at may convenient excuse ako (sorry avô), kung hindi ay madidiskubre kaagad ni Aiden ang tunay na rason ng pagkabalisa ko.
“Thank you, hon. I love you…” hinalikan ko ang kamay nya.
“Yeah, me too.”
Inihilig ni Aiden ang balikat nya sa akin habang nagmamaneho ako. No words are needed kapag kasama mo ang mahal mo.
Pag-uwi sa bahay ay naligo ako habang nagluluto si Aiden. Pagkatapos magdinner ay natulog kaming magkayakap. Pero hindi ako dalawin ng antok.
Baka nagkamali lang ng dinig si Walter? Parang imposible kasi ang lahat. Pero papaano kung totoo nga at malagay sa alanganin ang buhay ni Aiden?
“Kung ang Carmel Realtors na mahigit 70yrs nang nag-eexist ay napatumba ng mga gahaman mong tiyuhin, ang Summers Corp pa kaya na around 33 yrs pa lamang?” paulit-ulit kong naririnig ang mga sinabi ni lolo.
“But avô, Summers Corp is a well-established company. Marami silang connections. Imposibleng mapatumba sila agad-adad!” bulalas ko.
“Yan din ang inisip ko noon. But do not underestimate people with evil hearts. Gagawa at gagawa sila ng paraan para mapasakamay ang gusto nila.”
“But how does Aiden fit into all these? Wala syang kinalaman sa business ng pamilya nila. Bakit kailangan pa naming mag divorce?” sunod-sunod kong tanong.
“Katulad natin, pamilya ang nagpapatakbo ng Summers Corp. At katulad din ng kumpanya natin, ang anak o ang apo ang nakatakdang maging tagapagmana.
“It is well-known in the business world na nagbabalak si Reuben Summers nag awing tagapagmana ang apo nyang si Aiden. Sooner or later, mag-aanunsyo na sila.
“I wonder. A few years from now, kung si Aiden na ang magiging may-ari ng Summers Corp, may magtataka ba kung mamamatay sya mula sa isang ‘unfortunate accident’?” tanong ni lolo.
“H-ha?” hindi ko maunawaan kung ano ang ipinapahiwatig nya.
“Here’s the catch. If I recall correctly, joint tenancy with rights to survivorship ang pinirmahan nyong kontrata ni Aiden nang ikasal kayo, hindi ba?”
“Y-yes.. kasi mas gusto nyang dalawa kami ang nagmamay-ari ng mga properties na bibilhin namin.” sagot ko.
“Meaning, kung mamamatay ang isa sa inyo, mapupunta lahat ng ownership rights sa asawa, disregarding kung anuman ang nakasulat sa will?”
“Opo…” mukhang nasusundan ko na ang gustong ipahiwatig ni lolo. Kinikilabutan ako.
“And then there’s you — the legal heir to Aiden’s properties kapag namatay sya. Napaka-convenient di’ba? Ikaw kaagad ang magmamay-ari ng lahat ng maiiwan nya.” kumpirma ni lolo sa mga hinala ko.
“Meaning… pwede nila akong gamitin para unti-unting makuha ang shares ng Summers Corp. At kapag nagkataon, maglalaho ng parang bula ang kumpanyang pinaghirapang itayo ng mga Summers.” Konklusyon ko.
“Precisely.”
Paroo’t parito ako sa kwarto ni lolo. Hindi ako makapaniwala. Hollywood films lang ang may ganitong plot!
“Avô, kelangan nating dalhin sa FBI ito!” galit kong sabi.
“Maghunos-dili ka, Ruperto. We don’t have concrete evidence at ang lahat ng ito ay narinig lamang ni Walter. Hindi tayo dapat magpa dalus-dalos.”
“Pero kailangan nating pigilin ang binabalak nila sa lalong madaling panahon!”
“Amorzinho, hindi problema para sa kanila ang maghintay ng ilang taon. Magiging masaya nga kayo ngayon, pero pagdating ba ng araw ay maaatim mong mawala si Aiden sa mundong ito dahil lang sa nais mong makasama sya ngayon?
“Are you willing to sacrifice your future just for today? Think about it…”
“Pero lolo, I can’t. I can’t divorce Aiden…” pagsusumamo ko.
“Meu amorzinho, you being around him brings danger. Matitiis mo bang may mangyaring masama kay Aiden at mapahamak ang buhay nya?”
May point si lolo, pero hindi kaya ng puso ko.
“Maging ako ay nalulungkot sa inaasal ng mga anak ko. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali sa pagpapalaki sa kanila.” malungkot na pahayag ni lolo.
“Avô, no… pinalaki mo kami ni Astryd, ibig sabihin ba failure din ako? Hindi avô, mabuti kang tao. Nilamon na ng pera ang utak ng mga tiyuhin at tiyahin ko…
“Pero baka ho mali lamang ang impormasyong nasagap ni Walter. Baka nagsisinung—“
“I trust Walter with my life.” mabilis na sagot ni lolo. “Hindi nya magagawa yan. Kaya pakiusap, Ruperto… pagkatiwalaan mo sana ako.”
“Rupert po. I trust you, pero hindi ko kayang iwan si Aiden. Sya ang mundo ko, avô..”
“This is the only plan I can think of. Sana pag-isipan mo ng mabuti ito, hijo.”
Ilang araw din akong nag-isip ng mabuti at sa huli ay nagpasya akong gawin ang nararapat. Nakipag-usap ako ng masinsinan kay lolo; sinimulan naming buuin ang aming plano.
Isa sa mga paghahanda ay ang magpanggap akong may ibang mahal. Naalala ko si Alayne, and babaeng pinagselosan ni Aiden noong college. Masyado syang clingy at feeling close kaya lumalayo ako sa kanya.
Na sense ko na noon pa na type ako ni Alayne, kaya kahit ayaw ko sa kanya, alam kong madali ko syang maaakit para maging kabit ko. Patago kamng nagkikita.
And true to my assumptions, nagconfess si Alayne na matagal na syang mag gusto sa akin at labis syang nasaktan nang malaman nyang nagpakasal kami ni Aiden.
Parang fountain na namutawi mula sa labi ko ang mga pagsisinungaling. Kahit sukang-suka ako sa mga pasweet na ginagawa ko sa kanya, ginampanan ko ng maayos ang papel ko.
The day before anniversary namin ay sinadya kong magpaschedule ng surgeries. Nagtaka pati ang department head dahil approved na ang off ko pero pinili kong magtrabaho.
As expected, nagtampo si Aiden. Libu-libong calories ang sinayang ko para pigilin ang sarili na yakapin sya ng mahigpit at sumama sa cruise.
Lunurin ko man ang sarili sa trabaho, hindi mai-aalis sa aking isipan ang nagtatampo at nasasaktang mukha ni Aiden. I just knew I had to go home and apologize.
Hindi ako nakatiis at dali-daling umuwi. Nadatnan ko syang naghihintay with a romantic dinner na sya mismo ang naghanda para sa aming dalawa.
It’s just too much. Niyakap ko sya nang mahigpit kasabay ang paulit-ulit na paghingi ng tawad, hindi lang para sa nagawa ko, kundi para na rin sa mga gagawin ko pa.
Nakangiti lang sya, sinasabi na ok lang ang lahat. Ni wala syang kamalay-malay na bukas ay magtatapos na ang lahat sa amin.
Hinalikan ko sya ng banayad, made love to him tenderly. Para kaming bagong kasal. And he was looking at me with eyes full of love.
For (possibly) the last time, gusto kong iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko sya. Ito na siguro ang huling beses na makakapiling ko sya.
Hindi ako natulog buong magdamag para pagmasdan ang mukha nya — nais kong maukit sa alaala ang maamo, masaya, at mala-anghel nyang mukha.
Hiniling ko na sana ay tumigil na lamang ang oras; na sana ay hindi na dumating ang umaga; na sana ay tumigil sa pag-ikot ang mundo nang sa gayon ay manatili kaming ganito sa pang-habambuhay.
But sadly, not all wishes come true. Hindi natin mapipigilan ang pag-ikot ng mundo; hindi natin mapipigilan ang paghangin at pagdating ng bagyo. And when it rains, it pours.
Naramdaman ko na lang na tumulo ang mga luha ko habang paulit-ulit kong binubulong sa kanya kung gaano ko sya kamahal.
I’m sorry Argyll, I can’t keep my promise. I’m sorry Aiden, kailangan mong dumaan sa ganito. I’m sorry, I love you…
Daybreak came. Tumama sa mukha nya ang unang liwanag ng sumisikat na araw. Hinalikan ko sya sa huling pagkakataon saka tumalikod at nagpanggap na tulog.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang banayad na pagdampi ng mga halik nya sa likuran ko. Nagkunwari akong bagong gising at humarap sa kanya.
IT’S SHOWTIME.
---
Dalawang buwan ang lumipas. Hindi na ulit tumawag pa si Aiden at bagamat busy ako sa office, hindi ko maiwasang hindi ma-miss ang boses nya.
Sa dalawang buwan na iyon, hindi rin tumigil si Alayne sa kakapunta ng unit ko para maghabol sa akin. Akala siguro nya ay makikipagbalikan pa ako sa kanya.
Alam kong mali ang gamitin ko siya bilang panakip-butas para mas maging kapani-paniwala ang pagpapanggap ko, pero hindi rin tama na makipagkita parin sya sa ex nya habang “kami” pa.
Dahil hindi nya ako tinatantanan, nagpasya akong doon na umuwi sa villa namin ni Aiden. I gained ownership sa bahay dahil iyon ang napagkasunduan namin sa divorce settlement.
Naroon pa ang mga alaala namin sa bahay. Ang naka-hang na picture namin noong kinasal kami, ang mga tablewares na magkasama naming binili, ang mga furnitures na kami mismo ang pumili…
Lahat ng iyon ay nanatili sa kanilang kinalalagyan simula nang umalis kaming dalawa sa bahay. Di lang miminsan kong nirereplay sa utak ko ang mga usual naming ginagawa sa bahay.
Like me washing dishes while he cleaned the table, o yung nagsisik-sikan sa sofa while reading books, at yung nagkukulitan kami sa kusina while cooking.
I even sleep on his side of the bed sa gabi, isinusubsob ang mukha sa unan nya, nagbabaka-sakali na naroon parin ang bakas kanyang amoy.
Ang front yard namin na noon ay puno ng iba’t-ibang bulaklak, ngayon ay magulo at marumi na. Nagkalat ang mga patay na damo at tuyot na dahon.
I don’t believe in signs, pero hindi ko maiwasan na magkaroon ng pag-asa ng makita ang puting gardenia na itinanim naming dalawa.
Aiden believed too much in that gardenia… maybe I should too.
Mag aalas-sais pa lamang ng umaga nang may mag doorbell. Kasalukuyan akong nagluluto ng almusal noon kaya laking pagtataka ko kung sino man ang bisita.
Si Walter? I don’t think so. Masyadong busy si Walter ngayon at hindi sya nagpupunta sa bahay nang walang paunang tawag.
Si Astryd? Nawp. Nasa Antigua sya, nagbabakasyon at literal na nagpapakalunod sa pagsu-surf. Laking Cali nga sya pero hindi sya gaanong magaling sa surfing.
Si papa at ang asawa niya? Mas lalong imposible. Tinanggap man nila si Aiden bilang parte ng pamilya, hindi parin nagbabago ang turing nila sa akin.
Kunot-noo akong nagtungo sa frontdoor para silipin kung sino man iyon.
Mabibilang sa aking mga daliri ang mga pagkakataon na nagkamali ako ng desisyon, at ang ngayon ay isa sa mga sandaling iyon.
Hindi ko mapigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa galit. Nag alta-presyon rin ako. Ilang sandal pa at puputok na ang ugat ko sa ulo.
“Sean!”
Akmang hahalik sya sa akin pero umilag ako at hinawakan sya sa magkabilang balikat.
“What are you doing here, Alayne?” inis kong sabi.
“Sean, alam kong nagtatampo ka parin sa akin hanggang ngayon. I’m here to apologize. Isang malaking hindi pagkakaunawaan lamang ang nangyari.”
Excuse me? Ano’ng palagay mo sa akin, bobita?
“Kung mayroon mang namagitan sa atin, tapos na lahat yon. Wag ka nang umasang babalikan pa kita.”
“No, I know you still love me. Kaya eto ako, willing na ibaba ang pride ko para sa’yo. I am sorry, Sean.” Ani Alayne na ikina-boiling point ng dugo ko.
“Alayne, sad to say this but I don’t want to see your face, much less love you. Kaya pwede ba tantanan mo na ako? Pwede ka nang makipag-unli sex sa ex mo.”
“Sean! Hindi totoo yan! Ginagamit ko lang si Tristan para pagselosin ka…” pagmamakaawa nya.
“Ah, so that’s why every other day kayong nagse-sex? Alayne, I’m not stupid. Umalis ka na bago pa kita kaladkarin palabas.” Sagot ko bago sya pinagbagsakan ng pinto sa mukha.
Kaagad akong tumawag sa security para mapaalis sya at mailagay sa blacklisted individuals na hindi pwedeng pumasok sa compound.
Nawalan na ako ng gana kaya nagbihis na lamang ako at pinakaripas ang sasakyan patungo sa kumpanya. As a result, 6:15a.m. ay naroon na ako.
Pagkapasok pa lamang ng malawak na lobby ay nag ‘good morning’ na ang iilang trabahante na naroon pero wala ako sa mood para batiin sila.
I’m 98% sure na isa sa mga empleyado ang nagbigay ng address ko kay Alayne, especially if they happened to be of the male population. Konting cleavage at legs lang ay siguradong bibigay ang mga iyon.
Hindi ko rin pinalagpas ang button sa elevator. Gigil na gigil kong pinindot numero ng topmost floor, as if may ibibilis ang pag-akyat nito.
Pagkabukas ng elevator sa pinakamataas na palapag ay dire-direcho ako sa malalaking twin oak doors kung saan makikita ang opisina ko.
May pagka-intimidating ang lobby ng topmost floor. Kamukha ito ng reception area ng office ni Christian Grey, but instead of cold, gray walls, pristine white walls ang naroon.
Dark cherry wood laminated flooring at imposing dark cherry wood wall sa likod ng reception desk ang makikita kasama ang logo ng kumpanya.
Sa left side ay waiting area kung saan may leather seats and sofa, naglalakihang bookshelves, at floor-to-ceiling windows.
May view ng busy streets sa ibaba, rolling green hills sa gawing kanan, at parking lot sa gawing kaliwa. Ok, not so inspiring, but beyond the parking lot is the sparkling azure Pacific Ocean.
Syempre, pleasing to the eye rin ang aking mga secretary. Ngunit dahil early ako masyado, wala pang tao roon sa cubicle kaya direcho ako sa office.
Simple lamang ang office ko. Dark cherry rin ang flooring, pero with beige carpet dahil nakahiligan ko ang magtanggal ng sapatos kapag busy sa paperworks.
May malaking mahogany desk sa gitna at simple office swivel chair. Naroon ang aking laptop at mga folders ng nakabinbin na documents for approval.
Two sides ng office ko ay floor-to-ceiling windows na nagbibigay ng much needed light for economical purposes. Sa right ay sliding door na direcho sa conference room.
May mini reading area din at mga bookshelves na naglalaman ng sari-saring libro on real estate, business, engineering, at medical books.
Bukod sa nag-iisang cactus na nasa desk, ang tanging palamuti lamang na makikita roon ay dalawang framed picture: isa sa kasal namin ni Aiden, at isang pic nya.
Naupo ako sa swivel chair at pinasadahan ng tingin ang mga dokumento sa mesa hanggang sa dumako ang tingin ko sa picture na iyon.
He was sitting by the window, the rays of the dying sun glinting off his raven hair, forming a halo;
His smooth, fair skin glowing; his plump red lips like heroin.
He’s the most beautiful person I have ever seen.
Sumikip ang dibdib ko kaya ibinaba ko na lamang ang picture. Inumpisahan ko ang documents, pinirmahan ang mga dapat pirmahan, rejected ang mga dapat ireject.
KNOCK KNOCK KNOCK!
Muntik na akong napalundag nang marinig ang malakas na katok mula sa pinto. Sinabihan kong pumasok kung sino man yun.
Pumasok si Jane, isa sa mga receptionist/secretary. Pinasadahan ko ng tingin ang damit nya ngayong araw.
As I suspected, mas bumaba ng 1cm ang neckline nya kaysa kahapon, at mas umikli ng 1cm ang hapit na pencil skirt nya.
“Jane, pakitimpla naman ako ng kape. And my schedule for today, please.” Sabi ko.
Makaraan ang ilang minuto ay dumating si Jane dala-dala ang tumbler na may kape. May small notebook rin sya kung saan nakasulat ang sched ko.
“Today from 7:30am, mayroon kang interview for applicants. Ang mga profiles nila ay nasa bottom drawer to your right. After that ay mag-iinspect ka sa ongoing construction in the Highlands…”
Habang nagbabasa sya ay nagbrowse ako sa mga email, hoping na nagpadala ng email si Aiden. Kahit puro mura ang matanggap ko, at least it would make me happy knowing na pinaghirapan nyang itype ang mga murang iyon.
“After lunch at 2pm, magkakaroon kayo ng meeting with xxxxxx Supplies, manufacturer sila ng solar panels na gusto mong ilagay sa housing project mo and…”
Napako ang mata ko sa isang partikular na email — galing sa department head ng ospital na pinagtrabahuhan ko dati. Binuksan ko iyon. Nanlaki nang nanlaki ang mga mata ko.
“Cancel all my meetings today.” Utos ko sabay biglang tayo at kinuha ang jacket.
“B-but sir!”
“Reschedule them tomorrow, whatsoever.” Naglakad ako papuntang pintuan.
“Sir, hindi yan maaari. Mayroon kayong dapat interviewhin at ang meetings ninyo for today is also very important!” halos madapa si Jane nang sundan nya ako palabas.
“Walang mamamatay pag di ako nag-interview diba? Kung interesado sila sa kumpanya ko, babalik sila kapag sinabing may resched. Cancel my meetings. This opportunity might never come knocking on my door again.” Sabi ko sabay sakay sa elevator.
Nagmaneho ako papuntang ospital dala-dala ang kumakabog kong dibdib. Mas malala pa ito kaysa sa job interview ko noon.
This is the opportunity of a lifetime that I can’t let slip away. Ito na rin ang huling pagkakataon na maaari kong makita ang lalaking palaging nasa panaginip ko.
“Good morning Dr. Houston.” Bati ko sa department head nang marating ko ang ospital.
“Ah, Sean. Come on in and sit down. Ang tagal nating hindi nagkita ah. How’s the business going?”
“Very well, Doc. May mga difficulties parin but I have a very capable secretary naman. I’ve gotta admit, I missed the hospital so.” Nakangiti kong sabi.
Ang nilalaman lang naman ng email na iyon ay ang opportunity na mag-opera sa Japan. Case iyon ng craniopagus twins. Since rare ang ganitong case, hindi lahat ng neurosurgeons sa Japan ay nakagawa ng case na ito.
Or for the most neurosurgeons in the world. Napakahirap rin ng case na ito dahil there are times na pati nerves and blood vessels ng twins ay magkarugtong.
Careful planning ang kailangang gawin, series of tests have to be done, at kung may mga preoperative problems ang mga bata ay kailangang tugunan muna ito.
Since pediatric neurosurgeon ako, I had the opportunity to work with craniopagus and Siamese twins for a few times. Hindi basta basta ang separation procedure para sa mga twins na iyon.
“What do we have today, Doc?” tanong ko.
“Ah, as I have said in my email, isa sa malalaking ospital sa Tokyo ang nagrequest ng tulong natin para operahan ang craniopagus twins na admitted sa kanilang facility.
“I know na ikaw ang pinakamagaling na pediatric neurosurgeon kaya kahit alam kong retired ka na ay hindi ako nagdalawang isip na humingi ng tulong sa iyo.” Masiglang sabi nya.
“Thank you, Doc. Isang malaking honor para sa akin na pagkatiwalaan nyo ako ng ganitong case. Pero maraming magagaling na neurosurgeon sa Japan diba? Bakit kailangan pa nilang humingi ng tulong dito?” pagtataka ko.
“Sean, you know that craniopagus is rare. Kung kokonti lang sa atin dito ang nakaobserve ng ganitong case, how much more sa kanila na very rare ang occurrence?
“Japan is among the top countries na magaganda ang facilities, pero aanhin naman ang facilities kung kulang sa experience ang mga doctors?
“That’s why we have to step in and help them. At tiwala ako sa’yo dahil nakapaglead ka na ng team noon to work on this. So please, can you somehow end your retirement and put on you gloves again?” seryosong sabi ni Dr. Houston.
Dalawa ang rason kung bakit hindi ako makatanggi sa offer na ito kahit sobrang busy ko sa office. One, dahil si Dr. Houston na mentor at senior ko ang mismong nagreach-out sa akin. Bilang kilalang neurosurgeon, napakalaking karangalan na i-acknowledge nya ang isang tulad ko.
Pangalawa, dahil alam kong nasa Tokyo si Aiden. Even though Tokyo is the largest city in the world at hindi ko alam kung saan ang exact address ni Aiden, I still believe na magkikita kami. Just like we did back then in Stanford.
Hinintay namin ang video call mula sa ospital na iyon sa Tokyo at nakipag-usap ng masinsinan sa director nila. Mejo mahirap nga lang dahil hindi sya fluent sa English at kinailangan pa namin ng interpreter.
Sa huli ay napagdesisyunan na aalis ako next week. Inassure rin ako ng director na nakabuo na sila ng team para dito at secondary survey is being done nang sa gayon ay additional workups na lang ang gagawin ko pagdating doon.
Mejo kinakabahan din ako dahil baka magka language barrier kami. O baka ma offend ko sila dahil iba ang etiquette nila compared dito sa America.
Pero dahil buong-buo na ang desisyon kong gawin ang trabahong iyon, tinapos ko lahat ng dapat tapusin sa office at ipinaubaya kay Walter ang mga legal at important matters.
Although nasa kumpanya parin naman sila tito at papa, hindi ako maaaring maging kumpyansa at baka mamaya ay may kababalaghan na namang mangyari nang hindi ko alam.
The night before my flight, napag-isipan kong mag meditate to relax and clarify the doubts in my mind. Kailangan ko rin kasing maging mentally prepared hindi lang para sa case kundi para na rin sa pakikipaghalu-bilo sa mga Hapon.
Nag review din ako about fetal development, pediatric anatomy, at management ng craniopagus as well as mga associated conditions, expected complications, at undesired adverse effects.
Maaaring mag stay rin daw ako sa Japan for several months, depende sa complexity ng case. Depende rin ito sa kung gaano ka efficient ang primary surgeon sa pag carry out ng mga needed tests.
Kinakabahan rin ako ng konti dahil hindi ko pa nakikilala ang mga ka-team ko pero inassure naman ako ng hospital director nila na may dalawang doctor sa team na English-speaking.
Sa US daw kasi silang dalawa nag-aral at nagtrain, kaya ang dalawang iyon daw ang main communication ko with the rest of the team.
Pagdating ng Narita Airport ay nagulat ako dahil may malaking banner para sa akin na hawak ng dalawang may edad na nakasuot pa ng white coat.
Mainit ang pagtanggap nila sa akin kaya na at ease din naman ako, although nag-aalala parin sa sasapitin ng mga instrument ko na nasa luggage.
“Ohayo, Connor-sensei. Wercome to Nihon!” bati ng isa na nagbow pa sa akin. “I am Kaneda, naisu to meetu you.”
“I am Sean Connor. Nice to meet you as well, Director Kaneda. And thank you for your warm welcome.”
“Ah, dis isu Ojima-sensei. Headu ova Neuro Dephatmentu.” Pakilala nya sa isa pang doctor.
Paulit-ulit kaming tatlo sa pagba-bow hanggang sa mangawit na ang balakang ko.
Sa biyahe papuntang ospital ay nagkukwento si Director Kaneda at kahit na hindi klaro ang pronounciation nya ay naiintindihan ko parin naman ang mga sinasabi nya.
Mainit sa Japan ngayon, mas mainit pa sa California pag-alis ko. Mag-aalas kuwatro na rin ng hapon. Pero maganda ang view dahil napakaraming puno sa gilid ng highway.
“That isu de Tokyo Towa.” Turo ni Director Kaneda sa isang mataas na building.
Sabi pa nya, isa daw ang Tokyo Tower sa mga tourist attractions and destinations dito sa Tokyo. Nagsabi rin sya na pwede nya akong pasamahan sa isa sa mga doctors nila kung hindi raw masyadong busy sa trabaho.
Tinanggap ko naman ang offer dahil gusto ko ring malaman kung anong klaseng syudad ang tinitirahan ni Aiden ngayon, at masubukan ang mga pagkain dito.
Ang isa pang misteryo ay kung bakit kokonti lang ang mga Hapon na matataba when in fact, halos kada kanto ay may mga convenience stores at hile-hilerang vending machines.
Marami ring mga restaurants na nakakalat sa paligid. Pero one thing that irked me ay ang traffic. I always hated traffic and the one in Tokyo is the worst.
Almost four p.m. na nang makarating kami sa ospital. Gusto pa sana nila akong pagpahingahin at bukas na magmeeting pero nag insist ako na the earlier we start, the better.
Nakakatakot rin ang mga Hapon. Hindi ako sanay sa ganito dahil puro poker face ang mga doctor sa US. Kuntodo ngiti at bow din sila, kaya nangangalay na ang likod ko at sumasakit ang panga.
More than ok ang facilities nila dahil puro high tech ang mga gamit. Organized din ang kanilang areas from E.R. to diagnostic rooms.
Lamang, hindi ako mapalagay dahil ang setting ng ospital ay parang yung sa mga nakikita kong horror movies noong magkasama pa kami ni Aiden.
Nasa ika-apat na palapag pa ang conference room nila at napag-alaman kong doon naghihintay ang naassemble nilang team na puro head doctors.
Pagkabukas ng pinto ay parang mga bubuyog na nagbulungan ang mga doctos. Hindi ko man maintindihan, na gets ko agad na nagwapuhan sila sa akin.
May nagsabi kasi ng “kawaii”, and I still remember ang sabi ni Aiden na “cute” daw ang meaning noon. Marami ang bumati sa akin.
Walang katapusang pagbow at pagngiti na naman ang ginawa ko; halos maputol na ang baywang ko. Ngunit nahagip ng aking peripheral vision ang isang lalaki.
He was sitting by the window, the rays of the dying sun glinting off his raven hair, forming a halo;
His smooth, fair skin glowing; his plump red lips like heroin.
Time may pass but one thing remains certain:
He’s the most beautiful person I have ever seen.
Hawak-hawak nya ang isang mug na may lamang kape habang ang isang kamay ay hinahalo iyon. Nang marinig nyang binanggit ang pangalan ko ay parang slow motion na lumingon sya.
Biglang nagtama ang aming mga mata. Tumigil ang oras, ang pag-ikot ng mundo. Nawala ang mga ingay. Siya lang at ako ang at ang aming mga mata ang nangungusap.
Nanlalaki ang singkit nyang mga mata, nakaawang ang mga labi. Katulad ko, tila hindi rin nya aakalain na magkakatrabaho ulit kaming dalawa sa case na ito.
“Ah! You meetu owa team readu! Aiden Summeros-sensei.” Ang boses na iyon ni Doctor Ojima ang nagbalik sa akin sa kasalukuyan.
Parang bumalik sa akin ang alaala ng lahat ng itinuro nya sa akin noon. Dahil nagplano rin kaming pumunt ng Japan para ma meet ang lolo at lola nya roon.
“Hajimemashite.” Bigla kong nasabi sabay bow.
Hindi parin nakasagot si Aiden. Kung wala lang sanang tao sa paligid namin ay tinikman ko na ang mapupula nyang labi na nakaawang pa rin.
“Ahohoho! You-ah supeak good Nihonggo!” tuwang-tuwa si Doctor Ojima na tinapik tapik pa ang balikat ko.
Syempre, magaling ang nagturo sa akin. May sinabi si Doctor Ojima kay Aiden, palagay ko ay inuudyok nya itong magpakilala, ngunit nanatiling estatwa ang dati kong asawa.
“Ah, sensei is shy?” naisip kong asarin na naman si Aiden. “Then I will introduce myself first. I am Sean Rupert Connor. Dozou yoroshiku onegaishimasu.”
Nagbow ako sa harapan nya, hindi dahil sa greeting, kung hindi dahil gusto kong malaman nya na this time, iaalay ko ang sarili ko sa kanya ng buong-buo.
Dalawang beses tayong pinaglayo due to certain circumstances, each related to our family’s business. Pero tatlong beses tayong pinagtagpo due to pursuit of learning.
This time, I’ll never let you go.
---
Ano kaya ang mangyayari sa muling pagtatagpo ng dating mag-asawa? May pag-asa pa bang maibalik ang kanilang pagtitinginan? Nasaan na ba si Ryou-bocchan?
COMMENTS