$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Sa Akin Kailan Man (Part 2)

By: Raffy Grey Mga ilang segundo, nakasimangot na siya. "Ano ba naman 'yan, walang tao sa bahay," sabi niya at tumingin sa...

By: Raffy Grey

Mga ilang segundo, nakasimangot na siya. "Ano ba naman 'yan, walang tao sa bahay," sabi niya at tumingin sa akin.

"Oh, ano ngayon?"

"E 'di wala akong pagpapahingahan."

Mga ilang minuto ang lumipas nagsalita na ako. "Sa amin ka na lang muna."

"Okay lang?"

"Oo naman."

Mukhang nauutal siya, "Hindi ka na galit sa akin?"

"Bakit naman ako magagalit sa'yo?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko at umayos na lang siya nang upo. "Sige, doon na muna ako sa inyo." Hiniga niyang muli 'yong ulo niya sa balikat ko.

Malapit-lapit na rin kami nang biglang bumagal 'yong pagmamaneho sa bus. Rinig ko ang mga bulungan, pagtataka, at mga reklamo ng ibang mga pasahero. Napatanaw ako sa bintana, may mga traffic enforcer, pulis, at mga ambulansiya na nakakalat sa daanan na nagdadahilan sa pagbagal nang takbo ng bus.

"May banggaan," rinig kong sabi ng kundoktor.

Napabuntong-hininga na lang ako, matagal-tagal pa ang biyahe namin kahit na malapit na kami. Naramdaman ko namang gumalaw si Jeremy sa tabi ko. "Ano'ng mayro'n?"

"May aksidente sa daan," sagot ko sa kaniya.

"Tsk. Ano ba 'yan," mukhang naalimpungatan siya at inayos niya na ang sarili niya. Lumingon siya sa bintana, medyo nagkalapit ang mga mukha namin na ikina-ilang ko. "Malapit naman na pala tayo, baka pwede na nating lakarin?" Habang itinatanong niya sa akin 'yan ay sobrang lapit na ng bibig niya sa akin, mabuti na lang at mabango hininga niya, kung hindi, masasampal ko 'to.

Tumango ako sa kaniya. "Bahala ka."

Sumandal siya sa upuan at para bang nag-iisip kung tutuloy kami. Mga ilang minuto rin ang nakalipas kakahintay ko sa kaniya para magsalita. "Alam mo, ngayon ko lang naalala na okay lang pala kung hindi ako um-attend ng susunod nating klase."

Tumaas ang dalawa kong kilay sa kaniya. "At bakit naman?"

"Excused ako. Bleh!" Nilabas niya 'yong dila niya na pang-asar sa akin. Pinitik ko ang ulo niya.

"Wala akong pakialam," sambit ko na lang.

"E 'di ba GC ka?" Inasar niya pa ang mga katagang sinabi ko kanina: "'...baka may quiz tayo...'" at tumawa nang malakas.

Inikot ko na lang ang mga mata ko. "Ano ba, maglalakad na lang ba tayo?"

"Tara na," alok niya at tumayo na siya. Tumayo na rin ako. "Daan muna tayo sa tindahan, bibili akong pagkain," sabi niya. "O kung may pagkain ka sa inyo, okay lang."

"Hindi. Bumili ka ng sarili mong pagkain."

Bumaba na kami ng bus, kahit na walang banggaan sa daan e mabagal pa rin ang daloy ng trapiko. "Tang inang traffic 'yan," inis na sabi ni Jeremy. "Buti na lang, hindi mainit."

Nagsimula na kaming maglakad.

...

"Sure ka nang hindi ka galit sa akin?"

Tiningnan ko siya nang nagtataka, pinaalala niya na naman ang hindi ko makalimutang pangyayari sa buhay ko. "Hindi ako galit sa'yo. Naiinis lang," sinabi ko rin sa kaniya.

Nanahimik siya habang naglalakad. Ano kayang pumasok sa isipan niya at nagawa niya akong akitin nang gano'n?

Nakarating na kami sa pinakamalapit na sari-sari store para bumili ng pagkain. Kung ano ang binili niya, ayon din ang binili ko, kahit na alam kong may pagkain kami sa bahay. Isang lata ng corned beef tapos itlog, malay ko kung ano'ng gagawin niya roon. "Mag-e-eksperimento ka ba?"

"Huh? Lagi kong ginagawa 'to," sabi niya.

Nagkibit-balikat na lang ako at naglakad na. Tahimik lang dito sa kalye namin, walang masyadong tao, na para bang isang villa kung titingnan. Una namin laging nadaraanan ang bahay ni Jeremy kaya siniyasat niya muna kung iniwan bang bukas 'yong bahay para sa kaniya o kung may tao pa ba o wala.

"Wala talaga. Naka-lock lahat ng mga pinto," sabi niya nang naiinis. "Saan kaya nagpunta 'yong sila Mama."

"Tara na?" Inosente kong tanong sa kaniya.

Tumango siya at nagsimula na muling maglakad, nakarating na rin siya dati sa bahay namin, naging magkaibigan kasi ang mga nanay namin simula no'ng maging magkaklase kami. Mga ilang bahay lang ang lapit ng mga bahay namin.

Dumating na kami sa bahay ko. Kumatok ako. "Pa?" Katok ulit, pero walang sumasagot. Ginamit ko na lang ang susi ko na nasa ID ko para buksan 'yong pinto. "Bakit nga pala wala kang sariling susi, Je?"

"Lagi ko kasing nawawala, pinapagalitan lang ako nila Mama."

Pagkabukas ko ng pinto namin ay nakapatay lahat ng ilaw, wala ring tao. Sobrang aga ba naming umuwi, at hindi pa nakakauwi ang mga kapatid ko pati si Papa at Mama? "Ano'ng oras na?"

"Alas tres na," sagot niya sa akin.

Oo nga, ang aga namin, baka pagalitan ako ni Mama kapag malaman niya na hindi ako pumasok sa huli kong klase.

"Ako'ng bahala sa Mama mo kapag hindi naniwala kung bakit hindi ka naka-attend sa klase natin," sambit niya na para bang binasa niya 'yong isipan ko. Binaba niya 'yong bag niya sa supa.

Nagulat ako nang hubarin niya 'yong T-shirt niya. Nakita ko na naman ang kaniyang katawan, na pinagpyestahan ko kanina sa school.

"Pabukas naman no'ng bentilador, ang init," pakiusap niya habang pinupunasan niya ang katawan niya gamit 'yong hinubad niyang kamiseta.

Binuksan ko 'yong electric fan. "Kakain na ba tayo?"

"Mamaya na, tulog muna 'ko," hikab niya.

"Magbibihis lang muna ako," paalam ko sa kaniya at dumiretso na sa kwarto ko.

Hinubad ko na agad 'yong pantaas ko pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto, sinara ko ang pinto at ni-lock.

Bigla namang may kumatok.

Binuksan ko 'yong pinto nang maliit lang. Sa kasalukuyan kasi, naka-boxer shorts na lang ako. Si Jeremy 'yong nasa kabila ng pintuan. "Levs, d'yan na lang ako sa kwarto mo matulog," sabi niya.

Isa lang ang nasa isip ko: "'Yong pinto ng bahay iniwan mong bukas?!"

"Hindi-hindi, ni-lock ko," paliwanag niya.

Nagising naman ako sa katotohanan na nakahubad pa pala ako. "Mamaya na, nagbibihis pa ako."

"Bakit? Ayaw mong makita kita'ng nakahubad?" sabay tawa.

Ayaw talaga niyang umalis at nagpumilit na pumasok sa loob. Pilit ko rin namang pinigilan siya'ng makapasok pero mas malakas siya sa akin. Bumagsak ako sa kama ko no'ng natulak niya 'yong pinto sa akin. "Puta ka."

"Wow, sexy," pang-aasar niya. "Alam mo, ngayon ko lang ulit nakita kwarto mo," naupo siya sa kama ko habang ako, nakahiga pa rin at nakatago ang mukha gamit ang dalawa kong kamay.

"Alam mo wala akong pake," sabi ko nang naiinis. "Umalis ka na muna!"

Naramdaman ko ring humiga siya sa kama ko. Sa pahalang kami ng kama nakahiga kaya nagkasya kami. Tinanggal ko ang mga kamay ko sa mukha ko. "Aray!"

Namali ako nang pagbaba ng kaliwa kong kamay dahil natamaan ko ang pundya niya na ikina-aray niya.

Sinigaw niya sa akin: "Ang sakit, gago ka!"

"Sorry," natatawa kong sabi sabay peace sign.

"Kung manananching ka, idahan-dahan mo lang," asar niya nang mahimasmasan na siya sa sakit. Hinihimas ng kamay niya 'yong bandang singit niya na tinamaan ng kamay ko.

"Kapal mo," pagsusungit ko sa kaniya.

"Idahan-dahan mo lang, katulad no'ng ginawa mo sa akin kanina," sabi pa niya na ikina-ilang ko na naman.

Napansin niya agad na nanahimik ako pagkatapos no'ng binanggit niya.

"Joke lang," paglalambing niya, sabay yakap sa akin. "Tingnan mo, galit ka pa rin sa akin tungkol doon"

"Akala mo kasi biro lang 'yong nararamdaman ko e," sabi ko sabay tayo at tinuloy 'yong pagbibihis.

Nagsuot na ako ng bagong T-shirt at naghanap sa mga drawer ko ng shorts. Nagulat ako nang biglang yumakap siya sa akin sa likod. "Sorry, Levs. Tinotopak lang ako kanina, 'wag ka nang magalit sa akin."

Hindi ko siya inimikan, nanatili lang siyang nakayakap sa akin. Ito naman si ako na ninanamnam ang bawat sandali. Gusto kong magsalita, pero para bang may humihila sa dila ko na ayaw akong pagsalitain.

"Bakit mo ba ako ginano'n kanina?" Isang nauutal ko na tanong.

"Biro lang talaga 'yong ginawa ko kanina, hindi ko alam na kakagat ka, nagpaubaya ako sandali pero hindi ko kinaya," mahina niyang sabi. "Sana mapatawad mo ako."

Tumatango ako nang mahina habang sinasabi niya ang mga sinabi niya. Nangingibabaw ang kirot sa akin, para ba akong sinasampal at binabatukan nang sabay at sinisigawan ng 'wala kang pag-asa sa kaniya' nang paulit-ulit.

Heto siya, nakayakap pa rin sa akin. Mukhang wala siyang balak humiwalay. At dahil mas matangkad siya sa akin, 'yong mukha niya nakapatong sa batok ko, tumataas ang balahibo ko nang maramdaman kong dumadampi sa balat ko ang labi niya. May sinabi siyang hindi ko naintindihan.

Dahilan para magsalita na akong muli. "Ano?"

Tinanggal niya ang pagkakayakap sa akin at iniharap niya ako sa kaniya. "Sabi ko, na-enjoy ko 'yon."

Nagkasalubong ang mga mata namin. Ramdam ko na ngayon na hindi na talaga siya nagbibiro o nanggagago.

Hinalikan niya ako. Mga ilang segundo rin 'yon, at pagkaputol niya sa paghalik sa akin, ramdam na ramdam ko pa rin 'yong mga labi niya sa labi ko.

Natulala ako sa ginawa niya. Hindi ko alam ang gagawin ko, parang gusto ko na lang mahimatay sa kilig. Nakita ko siyang parang natatawa, pero iba ang tawa niya, nahihiya na ewan; ganiyan siguro siya kiligin. Nakakatuwa siyang tingnan.

Nahiga siya ulit sa kama ko at nagtakip ng unan. Ako, 'di ko pa rin alam ang gagawin ko.

"Levy!"

Narinig kong may pumasok sa bahay, boses ni Ate 'yong tumatawag sa pangalan ko. Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko, may sinabi sa akin si Jeremy pero hindi ko narinig.

"Ate, nakauwi ka na," sabi ko sa kaniya.

Nakakapagtaka naman 'yong hitsurang binibigay ni Ate sa akin. Saka ko lang naalala na naka-boxer shorts lang pala ako. Nag-akma akong babalik sana ng kwarto nang bumangga ako sa isang pader, na si Jeremy pala.

"Tumabi ka nga," sigaw ko sa kaniya.

"Pasensiya na po, Ate, magandang hapon po," rinig kong sabi ni Jeremy kay Ate.

Nagmadali akong nagsuot ng shorts at lumabas na agad. Takang-taka at mukhang gulat na gulat ang hitsura ni Ate. Hindi na lang sa akin, kun'di pati na rin kay Je. "Ano'ng pinaggagawa niyo rito sa bahay?"

Mukhang iba ang pagkakaintindi ni Ate sa mga hitsura namin. "Wala kaming ginawa rito, Ate, kakarating lang din namin," sabi ko na medyo nauutal.

Tumatango lang si Jeremy. Halata mong nahihiya siya dahil sa mukha niyang namumula.

"Sige sige, uhm, kumain na ba 'yang kaibigan mo?" Tanong sa akin ni Ate. Napansin niya sigurong ang awkward na ng pag-uusap namin.

"Hindi pa. Magpapahinga lang daw siya saglit dito sa bahay, hindi kasi siya makapasok sa bahay nila," sagot ko kay Ate.

Sinuot na muli ni Jeremy 'yong T-shirt niya at naupo ulit sa supa. Si Ate dumiretso sa kusina, hinila niya 'yong braso ko na utos para sumunod sa kaniya.

"Ikaw, bading ka, ano'ng ginagawa niyo rito," mahinang tanong ni Ate, pero pabiro.

"Wala, gaga," sagot ko naman sa kaniya. "Kararating lang din namin dito sa bahay."

"Ikaw ha, sige, patulugin mo na 'yang si Jeremy."

Iniwan ko siya sa kusina. Pagkarating ko ng sala ay wala na si Jeremy roon. Naisip kong nasa kwarto ko na siya.

At nandoon nga, at feel at home na feel at home si gago.

Wala na siyang pantaas ulit at para bang pagud na pagod (totoo nga naman). Ang sarap niyang tabihan.

Naupo ako sa tabi niya at nag-cellphone. Kahit gustung-gusto ko siyang kuhanan ng litrato, ay ayaw ko, para ko nang inabuso ang pagkatao niya.

Habang nagkakalikot ako ng telepono ko, naramdaman ko siyang gumalaw sa pagkakahiga niya. 'Yong kamay niya gumapang sa tiyan ko at para niya ba akong hinihila papunta sa kaniya.

"Payakap, Levs," sabi niya. "Tabi ka sa akin, dali." Nanlalambing ang boses niya na ikinangiti ko naman. Naalala ko na naman 'yong paghalik niya sa akin kanina.

Ang lambot ng bibig niya, parang marshmallow, ang sarap ulit-ulitin sa isip ko 'yong mga pangyayaring 'yon.

Nahila niya nga ako pahiga sa kama, at tuluyan niya na nga akong niyakap nang buo at mahigpit. Hindi ako humarap sa kaniya kasi nahihiya ako. Makita niya pang namumula ako.

"Namumula tainga mo oh," sabi niya sabay tawa at kinurot nang mahina 'yong tainga ko. "Kinikilig ka, 'no?"

Nanahimik lang ako. Traydor na tainga.

"Harap ka naman sa akin. Kiss mo ako ulit."

"Ayaw ko."

Lumayo siya sa akin nang padabog. "Hmp! Damot."

Humiga ako nang maayos. Ano kayang nangyayari sa lalaking 'to? Tuluyan na atang na-bading sa akin. Humarap ako sa kaniya, siya naman ang nakatalikod. Mahina ko siyang tinanong: "Bading ka na, Je?"

Hindi niya ako inimikan. Hindi ko alam kung bakit pero lumapit 'yong kamay ko sa kaniya para hawakan 'yong braso niya para kalabitin siya, dahil gusto kong malaman 'yong sagot niya. Para hindi na ako umasa.

Bigla naman siyang humarap sa akin. "Oo...

Parang nabibingi ako sa tambol ng dibdib ko.

"...sa'yo."

Hinahabol ko ang hininga ko. 'Di ako makahinga.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Sa Akin Kailan Man (Part 2)
Sa Akin Kailan Man (Part 2)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg9zQelSPy9l9lyrLLovrMnMPrM2XaIxQkP_cNvBin6JklY8yax70oVCY0OGAMOEZ07ae86CwQQ0b9-sf7n0cJr5Zpw49RfOjSOEsEMGoMbTaZcRWHXTVEQfC0mqYpQPn2usNOmWkE7jHdC/s400/20766165_951959721619699_5260227999973769216_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg9zQelSPy9l9lyrLLovrMnMPrM2XaIxQkP_cNvBin6JklY8yax70oVCY0OGAMOEZ07ae86CwQQ0b9-sf7n0cJr5Zpw49RfOjSOEsEMGoMbTaZcRWHXTVEQfC0mqYpQPn2usNOmWkE7jHdC/s72-c/20766165_951959721619699_5260227999973769216_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/08/sa-akin-kailan-man-part-2.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/08/sa-akin-kailan-man-part-2.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content