$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Way Out Of My League (Part 1)

By Nocturnalguy99 Ako si Pierre, pinanganak sa visayas lumaki sa manila. 25 years old at ngayon nagtatrabaho dito sa dubai bilang isang ...

Way Out Of My League

By Nocturnalguy99

Ako si Pierre, pinanganak sa visayas lumaki sa manila. 25 years old at ngayon nagtatrabaho dito sa dubai bilang isang salescrew. 1 year na ako dito sa duba. I could say na nasa adjusting phase parin ako dahil this is the first time I left the country and actually lived on my own. I am an introvert person but I dont fancy being alone naman. I'd prefer to do and run things on my own lang talaga. Kaya I took this step of going abroad and living on my own to see if kaya ko ba talaga.

Sa one year ko rito sa dubai, I didnt expect na maeejoy ko siya. Well bukod sa may tatlo akong roommate and tanging kurtina lang ang divider namin which I damn hated until now. Okay naman ako sa work ko. Madali lang and masaya. May mga naging friends din ako which I maintained na konti lang. And this country maganda kahit saan ka tumingin progress ang makikita mo. Parang walang mahirap dito. Sa katrabaho naman ibat-ibang lahi kaya may araw na okay may araw na ewan.

I always go to this convenience store malapit sa villa na tinitirahan ko halos dito ko binibili mga kailangan ko. Dito narin ako kumakain minsan which I never did back in manila. One night after ko mag jogging I went to the convenience store para bumili nang tubig. When I approached the beverage area I noticed this guy standing sa may bottled drinks rin may dalang basket of supplies. He's tall as me, maputi, maayos ang tindig, naka eye glasses siya at may pagkabrown eyes ang mata and the lips pink and very kissable. Kung ikukumpara sa artista para siyang si Atom Araullo. I looked at him for 2 seconds then I get a bottled of water and headed straight to the counter para magbayad at umalis rin agad. I tried looking at him again from my perephiral vision but he was gone. Sabi ko nalang sa isip ko "he's cute. The nerdy type na cute whatever..." Then I went back to the villa.

Ako si Owen, pinanganak at lumaki sa manila. 28 years old at ngayon ay nagtatrabaho dito sa dubai bilang isang account manager sa isang business firm.  Mag 6 years na ako dito sa dubai at masasabi kong maayos naman kalagayan ko dito. Disente naman trabaho ko sa manila noon pero hindi sapat ang kita kaya nagpasya ako mangibang bansa para makatulong sa tyahin at dalawang kong kapatid na nag-aaral pa.

Sa awa naman nang diyos nakapag tapos na yung isa kong kapatid (kuya ko) at tumutulong rin sa akin sa pagtataguyod sa bunso naming kapatid at tyahin naming nagpalaki samin. Ngayon, nagtatrabaho nalang ako dito para makaipon nang sarili kong pera pangpundar nang sarili kong negosyo pag-uwi ko sa manila.

Maganda dito sa dubai, mabilis ang asenso lalo na kapag masipag ka sa trabaho at masinop sa pera. Marami na akong kakilalang kababayan dito kaya hindi nakakahomesick. Sa trabaho naman, challenging kasi ibat-ibang lahi hawak ko. At bilang isang manager kailangan nalelead mo sila despite of the differences lalo na sa kultura. So far nasanay narin naman ako at sila sakin yung ibang naging kaibigan narin. Pero mga kapwa pilipino ang barkada ko rito. Kahit saan magkakasama kami (roommates din kami) . Kami kami rin magkakasangga dito.

Isang gabi, late na akong nakauwi mula sa firm dahil monthly report namin at finurnished ko maigi yung report na ginawa nang team ko for tomorrow's presentation. Habang nasa bus pauwi, nabasa ko text nang isa sa mga roommates ko si lito "Ows! Wlang pagkain. kaw nktoka ngaun sa grocery. Wg kng uuwi na wlang dala ttpon namin gamit mo sa labas. Jowk lang ows! Pero seryoso! Food before friendship ows! Hahaha", shit! Ako nga pala nakatoka ngayon sa grocery. Nawala sa utak ko mamili para sa mga mokong. Kaya nagdecide ako na dumaan muna sa convenience store malapit sa amin para mamili nang supplies para may makain kami bukas nang umaga at bukas nalang ako maggogrocery.

Habang namimili ako nang mga energy drink sa beverages area may isang lalakeng biglang dumating halatang kagagaling lang niya sa pag jajogging dahil sa itsura niyang pawisan. Tumingin siya sakin. Pero umalis rin kaagad. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, tumatak sa isipan ko ang mukha niya. Kasing tangkad ko siya. 5'8", fair skinned, mejo chubby, may baby fats ang tipo. Yung mga mata niya itim na itim pero may kislap. At yung labi niya mapula. Hindi siya gwapo pero malinis at disente siya tignan. Bata pa. Umalis kaagad ako sa kinatatayuan ko para kunin ang mga kailangan ko at nagbayad narin kaagad. Habang pauwi. Naiisip ko siya at natatawa ako. Dahil hindi naman siya ang tipo ko. Siguro mataas lang libido ko ngayon kaya ganito ako mag-isip. At tumuloy na ako sa villa.

Pierre - I was at the convenience store having a piece of sandwhich and juice as my dinner. Nakaupo ako doon sa isang table na nakakabit sa isang window wall facing the streets. I was just enjoying the view outside cars, houses, and few people passing by. Then, I saw him across the street. That face, how could I forget the guy I saw 3 days ago. May kasama siyang dalawang lalake at nagtatawanan sila habang naglalakad. Ang ganda nang ngiti niya. Ang cute niya lalo. Noong halos nasa tapat ko na sila I turned my head in other direction im too exposed na nakatingin sa kaniya. Nakakahiya. When I looked back they're already gone. And I sighed, and said ang cute niya. And it suddenly strucked me "Pinoy siya!" and then natawa nalang ako. Im so stupid.

Owen - it was friday that time, nagdinner kami sa labas nang mga barkada ko. It was a nice night kahit kulang kami umuwi kasi nang pinas yung isa naming barkada. Medyo naparami ang kain kaya minabuti naming maglakad-lakad pampabawas nang kinain nagkwekwe tuhan at nagkakantyawan kami. Nang mapatingin ako sa convenience store na pinamilhan ko 3 days ago. To my surprise nakita ko siya yung lalake noong nakaraan, nakatingin sa malayo. I wondered bat siya nandoon nang ganung oras at bat doon siya kumakain. I also noticed na mas maayos siya ngayon compare the last time. Maayos ang buhok and naka poloshirt. Ang linis at disente niyang tignan. Parang formal na nga.

Pagdating namin nang villa. Hindi siya mawala sa isip ko. Ang weird talaga he is not my type kasi. But I cant ignored what I am feeling. So I decided na bumalik doon sa convenience store para tignan siya. Bakit? Hindi ko alam. Basta! Pagdating ko sa convenience store wala na siya... sabi ko sa sarili ko, tanga mo. Nababaliw ka na ata.

Pierre - It was monday morning nagmamadali akong pumasok. I was texted by my workmate na magreport sa shift nang isa naming kaworkmate na hindi makakapasok. Paglabas ko nang villa namin I was walking fast when I saw him walking rin. I was like, uy si cutie nerdy. Nakapang corparate attire siya with matching satchel bag and a cup of coffee. Bigtime ang dating. Kaso mabagal siya maglakad. Hindi siya nagmamadali and I have to walk faster so nagtake over ako sa kaniya. Saktong sakto may bus so I immediately board on it. Then it drove off. I saw him walking approaching the bus waiting shed palang he was looking at the bus. Pero I felt like he was looking at me rin. Or it's just my imagination. Kilig! Whatever. I gotta get to work.

Owen - maaga akong gumigising every monday kasi ayokong nalalate kapag monday. Habang ang mga roommate ko naghihilik pa ako naman paalis na. Dumaan ako sa convenience store para bumili nang coffee. Tinignan ko yung paligid wala siya. Kahapon wala rin siya. Tuwing gabi lang kaya yun andito? Natawa nalang ako sa sarili ko at umalis. Enienjoy ko ang umaga habang naglalakad nang biglang may nagtake over sakin. Ang bilis niya maglakad. Sabi ko nalang late na siguro yun. Monday na monday late agad. Nung papalapit na ako sa bus stop yung bus paalis na and to my surprise nakita ko siya. Nasa bus nakatayo. Siya, siya yung nag overtake sakin. Nakatingin siya sakin. Strangely nacutan ako sa kaniya.

Pierre - every tuesday ang day off ko this month. So every tuesday rin ako nagjajog sa park. I was with my housemate loisa nang magjog kami. Mga 8pm na yun. Dumaan kami sa may convenience store kasi si loisa namili narin nang toiletries niya habang ako naman bumili lang ako ng tubig and sandwhich. Nagkwekwentuhan kami habang nagiikot. Nakita ko nanaman si mr. Cutie nerdy. Namimili rin. Nakawhite t-shirt siya and jeans. Napatingin siya sa kinatatayuan ko kaya umiwas agad ako nang tingin. Right timing loisa talked to me so I pretended I was listening to her. Hindi na ako tumingin pa ulit kasi akward na. Baka nakakahalata na siya. Nakakahiya.

Noong nasa counter na kami andoon narin siya. Nauna siya magbayad. Pagharap niya napatingin siya samin ni loisa dahil nagtatagalog si loisa english ako sumasagot napatingin ako sa kaniya and he looked at me while he was walking. I pretended I was looking some stuff behind him. Para di niya isipin nakipagtitigan ako sa kaniya. But damn. Ang gwapo niya ang bagal lang maglakad. Napasmile nalang ako. Paglabas niya

Owen - nagcrave ako sa tsitsirya kaya bumili ako sa convenience store. Bigla ko siyang nakita. Nakapang jogging outfit siya. Pero this time may kasama siyang babae. Nag-uusap sila. Naisip ko GF niya siguro. Sabi ko na nga ba guni-guni ko lang yung mga nakaraan. Dumiretso ako sa counter para magbayad nang dumating rin sila sa counter para magbayad. Hindi ko maiwasan marinig usapan nila.

"Pe! San tayo sa leave natin. One month rin yun. Ayoko umuwi nang pinas. Puntahan ko kaya kapatid ko sa qatar" sabi ng babae

"It's up to you. I might not use mine this time im planning something else." sagot nya.
Habang nagbabayad napaisip ako. Englishero? Bigtime siguro to. Pagharap ko tinignan ko sila magkahiwalay sila magbayad so meaning hindi sila. Nakatingin siya sakin. Alam kong nakatingin siya sakin. Kunwari pa siyang nakatingin sa iba.  Natawa nalang ako paglabas ng tindahan. Cute nga siya..

Pierre - I observed that for almost 2 weeks I often have encounters with this guy. He's becoming familiar and I wonder ano kaya nasa utak niya everytime na nagkakasalubong kami.

Owen - 2 weeks na pumupunta ako sa convenience store na yun hoping makita ko siya saglit. Hindi namin kami lagi nagkakasalubong doon. Minsan kapag napapadaan ako doon wala naman siya. One time pumunta ako doon para bumili ng noodles nang makita ko siya sa labas naglalakad. Halatang galing siya sa trabaho. Sinundan ko siya habang naglalakad. Sa isip ko pareho kami nang daan. Malapit lang siguro tinutuluyan nito sa amin. Bigla siyang tumigil sa isang gate at pumasok. Doon ko nakita na sa isang villa rin siya nakatira. Sa isang villa rin kasi ako nakatira pero lagpas pa ako sa tinuluyan niya. Isang liko at mga 5 villa at appartment pa ang dadaanan bago samin. Tapos nun feeling ko para akong stalker.

Hanggang isang umaga. Monday yun. Magkasabay kami ni lito naglalakad papunta sa sakayan ng bus nang may narinig kaming babaeng nagsasalita nang tagalog mula sa likuran namin. Ugali na ni Lito na kapag may nakikitang kapwa pilipino binabati niya kahit di niya kilala. Binati ito ni Lito at ang kasama niya nang nilagpasan nila kami.

"Good morning kabayan!"

Tumingin sila samin at nagulat ako. Si cute ang kasama niya. Bumati samin pabalik ang babae samantalang siya ngumiti lang samin at tumingin sakin. Di ako nakareact agad nun. Pero natuwa ako. Hindi ko alam bakit. Pero ang saya ko. First time na may ibang nangyari sa tuwing nagkakatapo kami maliban sa mabilis na tinginan. Natuwa ako.

Pierre - it was monday morning nang sinabayan ko si loisa pumasok. Nagpatulong kasi siya sakin the night before sa visual nang store niya so I promised to help her. Maaga kami umalis para matapos agad ang visual before mag open ang store. We were walking to the bus stoo when suddenly may bumati samin, Sa isip ko "oh there it is again loisa with her loud voice kapag nagtatagalog nakakaattract talaga ng attention nang iba".

Loisa turned around and greeted back.

"Ay goodmorning mga kuya!"

When I turned around nagulat ako si cutie nerdy andoon. Im not a morning person and sa pagkakakita ko kay cutie nerdy mas lalo akong nawalan nang function kaya ang nagawa ko lang magsmile and magnod sa kanila. But my eyes were locked at him. Ang gwapo niya. Nakapangcorpo attire siya. Di ko namalayan nasa bus na kami ni loisa  and sila hindi sumakay. His face was blank. Walang reaction. I worried kasi feeling ko nacreep out na talaga siya. 2 weeks ba naman kami nagkakasalubong at nagkaka eye-to-eye contact tapos biglang ngayon ngingitian ko. Damn it!

The next day, my day off. I went out for a jogging that night. I hate jogging but this is the least I could do for myself. Im not that fit na nga hahayaan ko pa tumaba sarili ko ng sobra. As usual I went to the convenience store again to buy supplies narin this time. First thing I noticed wala siya. Naalala ko ulit yung kahapon. Siguro nacreepout nga talaga siya. When suddenly bigla siyang sumulpot sa harapan ko. Nagulat ako sa kaniya. At mas nagulat ako nang bigla niya akong binati "hello". Damn! That voice! Lalakeng-lalake. I greeted him with "hi" and tried a deep voice but I know I sounded awkward. He walked towards me but he passed through me. Panicking I walked straight to the counter to pay. Nang bigla siyang tumabi sakin nagbayad siya sa kabilang counter kaya halos sabay lang din kami natapos. He smiled at me. Shit! Ang ganda nang smile niya pwede na maging toothpaste endorser. I wasnt aware anymore ano reaction nang mukha ko that moment. We're already outside the convenience store when he asked me...

"San ka najajogging banda, lagi kasi kitang nakikitang nakapang jogging".

I was shocked a bit, I thought he would asked for my name and number or he'll tell me to back off cause im creeping him out. Was a bit disapppointed and relieved at the sametime. I stuttered when I first tried to answer him. Then i composed myself. Sabi ko jan sa may park. He then said

"Matao doon diba?" he said.

"Yes. Pero may part doon na hindi matao. Madalas doon nadaan yung mga runners talaga kasi may space. I just discovered that place kaya doon na ako nagjajog".

Mejo malapit na ako sa villa namin. To be honest I wanted to end our convo na kasi i dont feel good. I feel so awkward nagkikick in ang pagiging anti-social ko that time. Kahit mga ilang steps pa before my villa I already said goodbye to him. When he suddenly stopped me.

"Wait! Mejo interested ako doon sa place na sinasabi mong tinatakbuhan mo. Pwede ko ba makuha number mo? Para minsan may kasabay naman ako magjogging doon. Pati yung mga karoomate ko. Hilig din kasi nila magjogging".

I was stunned! HE ASKED MY F*CKING NUMBER!!! shit! I said ah okay. He hand me his phone and I keyed in my number. I saved it under my other nickname "Pete".

Pagkaclose ko nang contacts niya nashocked ako sa wallpaper niya. Selfie niya na nakatopless. Ang sexy! May abs and chest si cutie nerdy!. Nabigla ako kaya napasorry ako sabay abot nang phone niya. Tumawa siya awkwardly sabay sabi sige see you. And umalis na. I rushed to my villa. Wala pa mga karoomate ko. Para akong worm na sumampa sa kama ko. Kilig na kilig ako on what just happened. And at the same time I feel awkward. I checked my phone if nagtext na siya pero wala pa. Mas kinilig pa ako sa wallpaper ng phone niya. Im starting to imagine naked things with him nang dumating mga karoomates ko. Which is a good thing at least nadivert ang thoughts ko. Though they said I looked stupidly happy the whole night.

Owen - I was walking home nang makita ko si cute sa convenience store. Naalala ko yung smile niya sakin kahapon. Di ko namalayan naglalakad na ako papunta sa tindahan and noong nasa harap na niya ako nagulat ako nang bigla siyang tumingin sakin bigla ko nalang sinabi "hello". Halatang nagulat ko siya pero matipid siyang sumagot nang "Hi" sakin. Wala na akong maisip na sasabihin sa kaniya at feeling ko naweirduhan siya sakin kaya bigla akong naglakad at kumuha nang tubig sa may likuran niya. Pagharap ko wala na siya sa kinatatayuan niya at nasa counter na nagbabayad. Medyo nagdalawang isip ako kung susunod ba ako feeling ko natakot ko siya pero heto ako di ko namamalayan papunta na sa katabing counter para magbayad. Napatingin siya sakin nginitian ko nalang siya. Sabay kaming lumabas nang tindahan. Walang nagsasalita. Since ako naman ang sumulpot bigla at bumati pinilit ko mag -isip nang itatanong sa kaniya. Kailangan kong bilisan kasi alam kong mas malapit ang villa niya sa villa ko. Napapaisip ako hingin ko kaya number niya? - kaso bakit? Tanungin ko kaya pangalan niya? - bakit? Or matagal ka na dito? - bakit ulit? Parang stalker yung tanong ko.

Kailangan may rason para di siya mawkward at napansin ko nakapang jogging siya. Naisip ko magandang rason yun kaya tinanong ko siya saan siya nagjajogging although alam ko sa park malapit sa place namin. Sumagot naman siya. Which is sabi ko okay! Nag-isip pa ulit ako nang matatanong at sumagot naman siya. Kaso kulang na ako sa oras malapit na siya sa kanila at nagpaalam na siya. Bigla ko natanong number niya. At nakita kong nagulat siya or nagtaka siya. Nataranta na ako. Kaya nagsinungaling na ako. Sabi ko interesado akong magjogging sa lugar na yun at dinamay ko pa mga kabarkada ko. Alam ko yung tinutukoy niyang lugar kung saan siya tumatakbo at sa totoo lang mahilig ako magworkout lalo na noong di pa ako busy sa trabaho masyado. Pero nagsinungaling ako para lang majustify ko yung tanong ko sa kaniya. Pumayag naman siya. Natuwa ako, inabot ko phone ko sa kaniya kasi ayoko ipahalata na nanginginig ako sa kaba habang tinatype number niya.

Nagulat ako nang bigla niyang inabot yung phone ko at nagsorry siya. Ayun pala nakita niya wallpaper ko. Nahiya ako noong una kasi di expected. Pero kalaunan naisip ko okay narin na nakita niya. Para matakam siya sakin. Natatawa ako habang iniisip yun habang naglalakad. Pagkadating ko sa villa namin andun si anthony busy sa laptop kachat ang pamilya. Umupo ako at agad kinuha ang phone ko para icheck yung number na binigay niya. Pete... Pete ang pangalan niya. Napabulong nalang ako sa hangin nang "Pete, gusto kita makilala"

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Way Out Of My League (Part 1)
Way Out Of My League (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiBloklpKwTvBV0n1KSDJChzElEL_1nPt1lP-RTwJm29Uxj4VTloImASW4B7aBQR6oTNzDuWvUxiXtGBEliotPlDeqs2pB_tTKF6FGuxHNxHvXfDQTBSlqju43rcybtl9UIhCrvbFydI20M/s400/20837179_1286765438115866_1466118804823080960_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiBloklpKwTvBV0n1KSDJChzElEL_1nPt1lP-RTwJm29Uxj4VTloImASW4B7aBQR6oTNzDuWvUxiXtGBEliotPlDeqs2pB_tTKF6FGuxHNxHvXfDQTBSlqju43rcybtl9UIhCrvbFydI20M/s72-c/20837179_1286765438115866_1466118804823080960_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/08/way-out-of-my-league-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/08/way-out-of-my-league-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content