$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Welcome To Your Tape

By:Chris If I could, would I? Hi. I’m newbie here. Tawagin niyo nalang po akong Chris. 21. Payat, gwapo? I’m still working on it. H...

By:Chris

If I could, would I?

Hi. I’m newbie here. Tawagin niyo nalang po akong Chris. 21. Payat, gwapo? I’m still working on it. Hahaha. By the way this is a product of my what ifs and what really happened.

Here’s what…

Welcome to my tape.

“NAG-I-SCROLL LANG AKO SA NEWS FEED KO THAT TIME, WHEN I SAW THAT POST…”

It leads me to remember, yung mga unang beses. Yung mga first times na sobrang naging espesyal para sakin. Sobrang saya ko noon, ibang iba sa kung paano ko pinipilit maging masaya ngayon. Magulo ba? Alam mo ba yung saya sa gitna ng iba’t ibang damdamin na ating nararamdaman nang sabay sabay? Hahah. Sa kabila nang hirap, nang lungkot, nang pagod, nang takot ay nangibabaw yung saya.

Naalala ko yung unang beses ko siyang makita, noon palang bumubulong na yung isipan ko na gusto ko siya. Gusto ko siya pero wala akong ibang alam na gawin kung hindi ang titigan lang siya.

It was a post-event after nung school party. Inuman sa labas. Literally, sa labas, open ground. Grupo grupo kami. Kasama ko yung mga kaibigan ko noon. Lahat sila straight and they have no idea that I’m not. At sa kabila namin nandoon yung grupo ng mga openly gay na mayayaman sa school. Unfortunately, nandoon siya.

Sayang. Kase nasa isip ko nun, call boy ba siya? Sorry for the term. Kase hindi siya from school pero nandon siya and sa group pa na yun. Pero mas iniisip ko na hindi siya ganon. Hindi ko inisip kung ano pa ang mangyayare sa kanila after the party. Naiinis lang ako, kase kahit gustuhin ko mang hilahin siya papunta sa amin, wala. Ano bang panama ko sa mga kasama niya?

Kaya nagfocus na lang ako sa basong hawak ko. Kaso hindi ko talaga gusto ang alak. Kaya kahit anong distraction ang gawin ko. I always ended up looking at him. Hanggang sa parang nagkakatitigan na kami. Nagbibitaw kami pareho ng ngiti ngunit pilit naming ibinabaling sa iba.

Hanggang sa umalis sila sakay ang isang magarang sasakyan.

Nung mga sandali na yon, sana siya na. Sana sa kanya ako ihatid ng tadhana. Iaasa ko na naman sa tadhana.

Naalala ko rin yung unang beses na maging stalker niya.

Facebook.

Mutual friend.

Nakita ko yung isang account na may cute DP. Hindi ko pa naiisip na siya yun. I stalked him for a while, nakaprivate kase account niya so selected post lang ang nakikita ko. Then I realized that was him. Siya yung cute guy na nasa party. Thanks sa social media.

Sinundan ng friend request. Good thing is, he accepted it.

Then nakita ko yung isang post niya. Since interesado talaga ko sa kanya, binasa ko pati mga comments. Which led me to read his mobile number.

Sinave ko yun, for one reason. Gusto ko siyang makausap. Gusto kong magbuild ng connection between the two of us. Nag aalangan kase akong mag reach out sa messenger or anything in public. At least sa text hindi niya ako makikilala.

Until yung unang beses na nagkatext kami.

It’s started with a blank message…

“Cno to?” reply niya. Medyo jejemon pa siya.

“Kailangan bang magpakilala? Ikaw nga hindi ko pa kilala.” Sagot ko sa tanong niya. Ayoko talagang magpakilala. That’s the point.

Nagulat naman ako kase after that nagpakilala siya. His name is “Peter”. (Altered)

Sa kabila noon nanatili pa rin akong unknown sa kanya. Akala ko nainis na siya o whatever but sige pa rin siya sa pakikipag usap sa akin.

“HINDI TALAGA AKO MAKAPANIWALA…”

Past 12 na yata yon nang gabi. Gumagawa ako ng school requirements nang ayain niya kong mag inuman.

“Inom tayo?” text niya.

Ano ba sa tingin niyo yung dapat kong gawin? Dapat bang paunlakan ko siya? Hay! Kung dapat, sige. Pupuntahan ko siya sa lugar kung saan kami unang nagkita. Nakita ko siyang naka upo sa damo, may hawak na bote ng alak. Nag alalangan pa akong umupo sa tabi niya.

Hinayaan ko lang siyang uminom habang pinapakinggan ang bawat paglagok niya. Hinayaan ko lang siyang magsalita habang naghihintay ng kanyang paghinga. Tiningnan ko lang ang maamo niyang mukha na may bahid na nang spirito ng alak. Lalong lalo na ang mga ngiti niya na tuluyang nagpasaya sa akin nang mga oras na yon. Hinayaan ko lang siya, habang ako namumulutan lang.

Pero hanggang saan ba aabot ang unang pagkikita?

Habang kinakabisado ko ang kagwapuhan niya. Iniisip ko pa rin kung paanong ang mga bisig niya ay yumakap sa aking katawan. Kasabay nito ay patuloy kong dinadama ang init na namamagitan sa aming dalawa, sa gitna nang malamig na gabi. At kung paanong ang maninipis niyang labi ay lumapat rin sa akin. Habang nilalasap ang sarap ng sandali, humihiling na sana ay hindi na magwakas.

Akala ko after that time, tapos na. Wala na.

“NANLAMIG YUNG BUO KONG KATAWAN, NANG MAKITA KO SIYA ULIT…”

We bumped into each other. Palabas siya ng mall habang ako ay papasok palang. He looks better than the last time. He wears blue polo shirt. At yung eyeglass niya lalong nagpa-porma sa kanya. Tumingin kami sa isa’t isa, pareho naming pinipigilan ang pagsilay ng mga ngiti sa aming mga labi. Habang ang mga paa namin ay lumalakad nang palayo.

Heto na naman tayo. Dapat bang habulin ko siya?

Sige babalik ako nang hakbang patungo sa kanya. Mabilis, nagbabaka sakaling maabutan pa siya. Hanggang sa lumapat ang mga kamay ko sa balikat niya. Dahan dahan pa siyang lumingon sa akin na may bungad na matamis na ngiti. Hindi ko na inaalis ang kanang kamay ko sa balikat niya.

Naglakad kami nang wala akong alam kung saan kami pupunta. Basta ang alam ko lang ay masaya akong makitang sabay na humahakbang ang aming mga paa, patungo sa iisang lugar. Pareho ng pupuntahan. Kami lang dalawa.

Akala ko tapos na. Tapos na nga yata talaga.

“ANG HIRAP LANG TANGGAPIN. HINDI PA RIN MAG SINK-IN SA AKIN…”

I saw his post with this girl. Masaya silang dalawa. Too close and intimate. Sila na ba? Syempre sila na.

So, ano ba ang dapat kong gawin? Dapat bang mag stay ako as friend?

Kung oo, sige. Handa akong maging kaibigan para sa kanya. Makikinig ako sa mga problema nila, sa mga hindi nila pagkakaintindihan. Yung bawat luha na aagos sa mukha niya nang dahil sa iba, pupunasan ko. Yung bigat na nararamdaman niya nang dahil sa iba, sasaluhin ng balikat ko.

“AND HERE’S NOW. TINITINGNAN KO PA RIN ANG CELLPHONE KO…”

Pilit ko namang inaalala ngayon kung saan ba natapos ang lahat? Kung paanong ang saya ay napalitan nalang bigla ng lungkot at pagtangis. Wala.

Sayang e. Sayang.

Heto na naman ulit ako sa mga sana.

Sana hindi ako natakot nung inaya niya akong uminom nang gabi na yon. Bakit pa ba kasi ako nag alangan? Sana sinamahan ko man lang siya at pinakinggan.

Sana hindi ako tumakbo palayo sa kanya nung nagkasalubong tayo. Bakit ba kase hindi ko maalis ang takot sa akin? Sana sinabayan ko man lang siya at dinamayan.

At sana naging magkaibigan man lang kami. Bakit ba kasi hindi ako gumawa ng paraan kung paano sisimulan? Ede sana nung mga panahong pakiramdam niya nag iisa siya, nandoon man lang sana ako para ipadama sa kanyang may nag aalala at nag mamahal sa kanya.

“If fate could only offer me the same chances I had, I would do it the way different as before.”

Kung pwede lang na pagkatapos ng mga "dapat ba" ay "sige nalang" talaga ang ginawa ko, siguro baka sakali pa.

Kaso huli na.

“I STILL SAW HIM. I STILL SAW HIM WITH THAT WHITE SUIT…”

Nakapikit.

Wala na ang bakas nang kahit anong saya o lungkot. Ibang iba sa unang beses na nasilayan ko siya. Kung naging matapang ba ako, mayron ba sana akong nagawa? Sorry.

Anong nangyare?

Bakit?

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Welcome To Your Tape
Welcome To Your Tape
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhODwtAZWWkGfsOz7RuzfkPZvL282N_486OqCk2g7TV4k6hfy-ClrdUVeXm3d5oAiGHQoXKHnMKLP4Vp6-IKwbv6PzofAluPmZpNUwgy1qJrA9vhjZUwMaBGQaeQd0MJhy2zS7Nu2i6ZuYM/s400/Yul2-copy.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhODwtAZWWkGfsOz7RuzfkPZvL282N_486OqCk2g7TV4k6hfy-ClrdUVeXm3d5oAiGHQoXKHnMKLP4Vp6-IKwbv6PzofAluPmZpNUwgy1qJrA9vhjZUwMaBGQaeQd0MJhy2zS7Nu2i6ZuYM/s72-c/Yul2-copy.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/08/welcome-to-your-tape.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/08/welcome-to-your-tape.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content