$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Ang Tangi Kong Inaasam (Part 30) Finale

By: Confused Teacher “What is love? What makes it so incredibly beautiful, yet so devastatingly painful? Is love a mysterious, unquant...

Ang Tangi Kong Inaasam

By: Confused Teacher

“What is love? What makes it so incredibly beautiful, yet so devastatingly painful?

Is love a mysterious, unquantifiable force, or the predictable, measurable effects of complex chemical interactions in our brain? Is there a "formula" for capturing love, or is it merely a role of the dice? Do we each have one true soulmate, or are we drawn to those we love through circumstance and chance?

Perhaps the most well-regarded definition of love is that true love as we know involves three major elements - intimacy, passion, and commitment. Is this true? That's ultimately up to you to decide.”

Paul

Wala na naman akong nagawa, nagyaya si Nathan sa mall. Napakahilig talaga ng batang ito sa kakagala, Basta rin lamang at may pagkakataon magyaya talagang lumabas. Iyon pa yata ang namana sa kanyang Mommy. Haist naalala ko si Mitch, kumusta na kaya siya. Hindi kaya niya namimiss ang anak niya. Samantalang ako isang gabi ko lamang hindi makita si Nathan parang mababaliw na ako. Noong minsang magkatrangkaso siya hindi talaga ako pumayag na hindi ako kasamang mag babantay sa hospital kahit sinabi ng duktor na wala namang problema sinamahan ko pa rin at literal na magdamag akong gising at mayat-maya ay hinihipo ko ang noo kung nilalagnat. Tinitingnan ko baka basa ng pawis ang likod niya. Maarte na kung maarte sa hindi ako mapakali, anong magagawa ko. Kahit na nga hindi ako nakapasok kinabukasan. Basta kailangan kong masiguro na maayos ang kalagayan niya dahil alam kong hindi rin naman ako mapapakali kung aalis ako.

Habang si Mitch ayun madalas out of town daw, Hindi ko alam kung nag asawa na. Noong nakakausap ko pa ang Mama niya ang sabi mayroon daw boyfriend pero kilala ko naman ang Mama niya, pipiliting pagtakpan ang mga ginagawa ng anak niya. Kaya lumaking matigas ang ulo ang walang direksyon ang buhay dahil din sa maling pagpapalaki ng magulang.

After more than 4 years lumabas na rin ang decision sa Anullment Case namin at napawalang bisa na nga ang aming kasal. Natuwa na rin ako at least anuman ang gawin niya sa buhay niya wala na sa akin. Hindi na ako naapektuhan. At gaya ng pinag usapan namin hindi niya pinakialaman ang bata. Kahit ang mga magulang niya hindi naging intresado sa kanya. Noong 7th birthday ni Nathan personal kong pinuntahan sila isinama ko pa si Nathan para imbitahan ang lolo at lola niya. Pero nagpadala lamang ng regalo at idinahilan na maraming inaasikaso. Si Mitch naman ay huling nagkita pa kami noong bumaba ang hatol ng korte sa aming kaso.

Ibinuhos ko ang lahat ng oras at attention ko kay Nathan, sa kanya na umiikot ang buhay ko. Masaya na akong nakikita siya at buo na ang araw kapag masaya siya.

“Anak hinay-hinay sa pagpapalayaw sa bata ha, baka lumaki iyang spoiled mahirapan kang disiplinahin pag huli na.” Madalas paalala ni Papa sa akin.

Minsan kinakabahan din ako, gusto kong ibigay ang lahat ng pwede sa kanya, lahat ng makapagpapasaya sa kanya, pero pag naalala ko ang Mommy niya natatakot ako. Kaya madalas hinahayaan ko sina Mama at Papa na disiplinahin siya. Kasi kapag ako parang hindi ko kaya. Kapag umiiyak na siya naawa na ako iyong papaluin ko pa hindi ko yata magagawa.

“Daddy, pinagalitan po ako ni Lola.” Umiiyak na salubong sa akin ni Nathan isang hapon.

“O bakit napagalitan ang baby ko, anong ginawa mo inaway mo ba si Lola?” kinarga ko siya kahit napakabigat na. Yumakap siya sa akin habang umiiyak. Nakita ko naman na palapit si Mama.

“Paanong hindi ko papagalitan, hindi mapigil sa pagbabasa, ayaw pakinggan ang yaya niya siya pa ang nagagalit, sa susunod hindi lang kita papagalitan papaluin na talaga kita.” Kunwari ay nagagalit naman sumbong ni Mama.

“Waaaahhh, Daddy si Lola, papaluin daw ako, Daddy huwag mo ng bati si Lola,”

“Hindi pwede iyon anak, dapat bati natin si Lola, para hindi ka paluin huwag ka ng magbabasa kasi bad iyon, baka magkasakit ka pa. Kawawa naman si daddy kapag nagkasakit ka.” sabay halik ko naman sa kanya.

“Pag hindi na po ako nagbasa hindi na ako papaluin ni Lola?”

“Oo siyempre, apo, love ka naman ni Lola,” si Mama na ang sumagot.

Nakita ko napangiti siya kahit may luha. Pinunasan ko lamang ang mga luha niya saka kiniss sa noo. Nginitian ko rin si Mama.

“O halika na at magpapalit pa ng damit si Daddy. Don ulit tayo sa garden sasamahan natin si Lolo. Madali namang bumaba si Nathan at hinawakan ang kamay ng Lola niya.

Isang araw naman ng Sunday natutulog ako sa sofa nang magising ako sa malakas niyang pag-iiyak.

“O Nathan, anong nangyari bakit ka umiiyak kawawa naman ang baby ko. May masakit ba sa yu?” At inuupo ko siya sa tabi ko pagkatapos kong bumangon.

“Galit po si Lolo sa akin Daddy, hindi niya ako kinakausap, hindi na po ako love ni Lolo.” Sumbong niya

“Bakit anong ginawa mo?” nagtataka ko namang tanong alam kong mahal na mahal ni Papa ang batang ito at madalas naroon sila sa likod kung hindi naglalaro ay nagkukulitan sa kanyang duyan. Sabi ni Papa yun ang mga namiss niya noong bata pa ako. Mga hindi niya nagawa sa akin akin kaya kay Nathan na lamang siya bumabawi.

“Binunot ko po ang mga tanim niya,” nahihiya niyang sagot.

“Hala ka , bakit mo ginawa iyon, magagalit talaga ang Lolo mo” nabigla ako sa inabi niya.

“Kasi Daddy ayaw niya akong payagang maglaro sa labas”

“Nako anak, hindi tama iyon, hindi mo dapat ginagantihan si Lolo. Masama iyon, Saka hindi ka dapat nagagalit kay Lolo, mahal ka ni Lolo kaya ka niya binabawalan kasi baka masaktan ka sa labas may mga bubog don saka baka may ahas makagat ka pa” Saglit naman siyang natigilan.

“Halika mag sorry ka kay Lolo para hindi na siya galit sa iyo.”

Sumama naman siya at nakita ko malayo pa ay sorry na nang sorry sa Lolo niya. At paglapit ay hinalikan lamang si Papa sa magkabilang pisnge. Kinarga siya ni Papa at kinausap. Iniwanan ko na sila, Maya-maya pa ay narinig ko na ulit ang tawa niya malamang ay nagkukulitan na naman ang mag lolo.

Naisip ko napakahirap pala talagang magpalaki ng anak. Mabuti na lamang at narito sina Mama at Papa.

Tinitingnan ko siya habang kumakain ng ice cream. Paborito talaga niya ang ice cream kahit malamig sa Tagaytay hindi siya nagsasawa sa ice cream. Minsan ay nagagalit na si Mama sa akin dahil lagi kong dinadalhan ng Ice cream. Paano ko ba naman tatanggihan ang batang ito kapag nag request na. Kapag nakiusap na sa akin kahit minsan patago ay pinagbibigyan ko. Iniisip ko kasi wala siyang kinalakihang mommy ayokong isipin niya na kulang siya sa pagmamahal. Gusto kong maramdaman niya na walang kulang sa kanya. Kaya kahit sa anong paraang alam ko gusto kong ibigay sa kanya ang lahat ng kaya ko. Ang lahat ng magpapasaya sa kanya. Hindi niya kasalanan ang anumang pinagdaanan namin ng Mommy niya kaya hindi siya dapat madamay.

“Daddy, hindi na ba babalik si Mommy?”

Madalas na tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin. Nalulungkot ako dahil iyon ang isang bagay na alam kong kahit kailan ay hindi ko maibibigay sa kanya. Ang isang buo at masayang pamilya. Yayakapin ko na lamang siya dahil hindi naman ako pwedeng magsinungaling. Ayokong paasahin siya at maghintay dahil alam kong lalo lamang siyang masasaktan.

Ayoko ring siraan sa kanya ang Mommy niya, ayokong magkaroon siya ng galit sa puso niya kasi mahihirapan din siya. Baka kalakihan niya ang ganon. Kinukwentuhan ko siya ng magagandang katangian ng Mommy niya, hanggang may maisip ako ng pwedeng sabihin. Gusto ko pa ring lumaki siya na may pagmamahal at huwag magtanim ng galit. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko pero iyon ang alam kong makakabuti sa kaniya. Mahal na mahal ko ang aking anak at gusto ko siyang lumaki ng maayos.

Pero hindi ko maiwasang malungkot kapag nakakakita ako ng mga batang buo ang pamilya. Naglalakad sa park na magkakasama. O kaya ay masayang kumakain. Nakikita ko siya nakatingin lamang sa kanila, Alam ko naiinggit siya at nagangarap din na sana ay may ganoon din siya.

Kaya ipinangako ko sa aking sarili na mamahalin ko ang batang ito. Kahit nag-iisa lamang ako. Ipaparamdam ko sa kaniya ang buong pagmamahal kahit pa hindi niya iyon naranasan sa kanyang sariling ina. Narito naman ang kanyang mga lolo at lola na alam kong magpupuno kung anuman ang kakulangan sa kanya.

“Ikaw lamang ang magandang kapalit ng aking pagkakamali kaya mamahalin kita ng buong puso ko.. Ikaw ang naging kabayaran sa pag-iwan ko sa taong magpapaligaya sa akin.”

“Daddy, punta muna tayo sa washroom ha,” putol niya sa pag-iisip ko,

Nagulat ako nang magsalita siya, parang kailan lamang, ang aking baby ngayon malaki na. 8 years old na siya at sabi ni Mama, parang ako rin noong bata pa. Marami raw sa mga kilos at gawi ko ang namana ni Nathan, Hindi lamang iyon malaki rin ang pagkakahawig namin kaya kapag magkasama kami hindi maitatangging mag-ama kaming talaga.

“Oo nga ang dumi-dumi mo na, magpalit ka rin muna ng shirt mo”

Hinawakan ko siya sa kamay saka kami naglakad.

“Mapapagalitan tayo ng Lola mo kapag nakitang ganyan ang itsura mo”

“Daddy uuwi na po ba tayo?

“Oo, maya-maya anak uuwi na tayo, mahirap magbiyahe kapag madilim na.”

Nilinisan ko lamang siya, nilagyan ng baby powder sa likod saka sinuutan ng puting shirt at sabay na kaming naglakad palabas.

Pagkalabas ng pinto ay tumawag si Mama. Pero si Nathan bumitiw sa pagkakahawak sa akin at nakita kong may nilapitan na bata. Siguro mga 6 or 7 years old, Hinayaan ko lamang alam ko namang sabik siya sa kalaro dahil kapag nasa bahay tatlong matanda ang kasama niya mabuti kapag nasa school may nakakalaro. Pero hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya habang kausap si Mama. Nakita kong magkausap sila.

“Anak huwag mong kakalimutan iyong ipinapabili ko ha” paalala ni Mama.

“Yes Ma, nabili ko na nasa sasakyan na, pinakain ko lamang si Nathan.”

“Malamang ice cream na naman, Paul sabi ko na sa iyo, hindi pwedeng lahat ng gusto niyan ibibigay mo?”

“E Ma, alam mo naman hindi ko matanggihan pag nilambing na ako nito, naaawa lang naman ako wala na ngang Mommy baka naman isipin na pati Daddy parang wala na rin siya. Saka Ma, bata pa naman si Nathan, hayaan muna natin pag nagsawa siya, siya na siguro ng kusang aayaw.”

“Bahala ka na nga, anak mo naman iyan, Toothbrushan mo muna pagkatapos kumain baka sumakit ang ngipin niyan. Saka palitan mo ng damit baka basa na ng pawis.”

“O sige na Ma, mag-iikot lamang kami sandali, ibibili ko na rin ng toothbrush at toothpaste hindi naman nilagyan ni yaya ang gamit niya, tapos uuwi na rin kami. Mahirap gabihin sa biyahe,”

”Magiingat kayo anak.”

Pagkababa ko ng phone nakita kong magkahawak na sila ng kamay ng batang nakita niya. Palundag-lundag sila parehas. Parehong tuwang-tuwa.

“Hey Nathan, saan kayo pupunta. Bakit mo isinasama iyan. Saka sino ba iyan?” nagtataka kong tanong dahil parang hindi ako pinapansin kahit nakalapit na ako sa kanila.

“Dad, his name is Gelo, iniwan daw po siya ng mga kuya niya pero naroon lamang daw po sa Jollibee ang Mama niya.”

Pinagmasdan ko naman ang bata. Parang may kahawig siya. Ang ganda ng mga mata niya. Ang amo ng mukha at ang dimples nakakatuwa, Naalala ko tuloy si Patrick noong kasing laki niya. Masakit mang isipin pero tinanggap ko na ang katotohanan na hindi nga kami para sa isat-isa. Pero kahit tinanggap ko na hindi na pwedeng maging kami kahit kailan hindi ko kayang tanggapin na hindi ko na siya mahal. Nginitian ko ang bata saka bahagyang tumungo para siya kausapin.

“Baby, what is your name?”

“I am Gelo po” sagot niya na nakangiti, napakagalang at napaka cute. Pinisil ko ang ilong niya.

“Sinong kasama mo rito?”

“Si Mama po naron sila sa Jollibee?’ nakangiti niyang sagot.

“Nathan, halika na ihahatid na natin siya tiyak hinahanap na iyan ng parents niya.”

Pumunta kami sa Jolibee, pagdating doon Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya.

Mommy Sandra

Nasa Mall kami nina Hazel, kasama niya ang dalawang anak niya kasama ko naman si Gelo. Nakagawian na namin yun na every other weekend magkakasama kami.

“Mommy, may titingnan lang kami ni Hans don ha, saglit lang po.” si Harold panganay na anak nina Hazel.

“Pero huwag kayong masyadong lalayo ha, Hans huwag kang pasaway ha, Ikaw naman huwag mong awayin iyang kapatid mo.” Paalala ni Hazel.

“Mama, can I join them.” biglang singit ni Gelo.

“Dito ka na lang apo, mapapagod ka, pag big boy ka na isasama ka nila.

“Please Mama, I want to go with them, please…” nakita ko na naman ang kanyang mga mata, bakit ba kapag nakiusap na ang batang ito at ginamit na ang charm ng mga mata niya hindi ko matanggihan.

“But promise me you’ll be a good boy ha!”

“Yes Mama promise!” sabay humalik sa pisngi ko.

“Harold, Hans, ingatan ninyo si Gelo ha, huwag ninyong bibitawan.”

“Promise Lola, kami ang bahaha dito sa cute na batang ito.” Sabay halos sagot ng dalawa. Pinisil pa ni Hans ang pisngi ni Gelo na tuwang-tuwa naman.

Pinanood lamang namin silang tatlo habang nakahawak ang magkapatid sa magkabilang kamay ni Gelo habang paglalakad.

“Ma, kamukhang-kamukha talaga ni Josh si Gelo noong baby ano?” biglang putol ni Hazel.

“Oo nga anak, sayang hindi na siya nakita ng Mommy niya, ang bait pa naman ni Angelika.”

“Oh tama na Ma, magda drama ka na naman, kahit ako naman nalungkot sa nangyari alam ko naman mahal na mahal nila ang isat-isa.”

“Hindi ko lamang maiwasan ang malungkot, akala ko forever na sasaya ang kapatid mo nawala din naman.”

“Parang kalian lang pero anim na taon pala. Mabuti na lang may naiwang alaala sa kanya si Angelika, napaka bibong bata ni Gelo.”

“Akala ko nga hindi ko na makikita ang magiging apo ko sa kaniya. Kahit paano masaya na rin akong nakikita ang mga ngiti niya, mawala man ako alam kong may mag-aalaga sa kapatid mo.”

“Ma naman, ano ka ba, are you sick? Kailangan ka pa namin, lalung lalo na ang mag-ama huwag ka ngang magsalita ng ganyan.” Naiinis na sagot sa akin ni Hazel.

“Anak, hindi naman sa ganon, Naiisip ko lamang ang lahat ng pinagdaanan ng kapatid mo. Lahat ng hirap na nalampasan niya. Nalulungkot pa rin ako kapag naaalala ang mga nangyari. Salamat na lamang at matatag siya. Masayang-masaya pa rin ako at maayos na kayong tatlo. Kung pwede nga lamang araw-araw ko kayong nakikita pati ang pamilya ng Kuya mo kaya lang ang layo nila kaya sapat na rin sa akin yung minsang pagbisita nila.

“Sabi ni Kuya malapit ka na raw magka apo sa tuhod, napaka babaero raw ni Rashid.”

“Mana sa kanya ganon din naman siya noong College diba?” at nagkatawanan kami.

“Naalala ko nga iyong babae na tumawag sa akin at nagsusumbong kasi pagkatapos daw ng nangyari sa kanila ay iniwasan na siya ni Kuya.”

“At iyong pumunta sa bahay na itinanggi naman ng Kuya mo na girlfriend niya akala ko nga ay hindi makakatapos ng College mo Kuya mo at magkakaasawa.”

“Mabuti na lamang at nagtino siya nang makilala si Ate.”

“Kay Josh wala akong ganoong problema una malayo siya sa atin noong college siya pangalawa ay sobrang faithful sa Kuya Paul niya.”

“Pero, naisip mo ba Ma ano kaya kung sila nga ni Paul ang nagkatuluyan?”

“Nanghinayang ako sa kanila, pero naisip ko rin baka nga hindi talaga sila ang para sa isat-isa.”

“Akala ko talaga sila ang magkakatuluyan, kahit naman hindi ako sang ayon sa ganoong relasyon, parang pag silang dalawa, wala akong makitang mali. Ewan ko ba baka nga dahil mahal natin si Josh kaya nauunawaan natin sila, pati kami ni Kuya nanghinayang na hindi naging sila.”

“Ako man, noong una hindi ko pa rin mapaniwalaan na tanggap ko sila, pero kapag nakikita ko naman sila, hindi naman sila malaswang tingnan, wala rin akong masabing mali kapag pinapanood ko silang magkasama.”

“Kaya lang may sariling plano ang kapalaran.”

“At iyon ang mahirap hadlangan.”

Madami pa kaming pinagkwentuhan ni Hazel nang umiiyak na bumalik sina Harold at Hans.

“Mommy, Lola, hindi po namin makita si Gelo, nawawala po siya.” Agad na sabi ni Hans.

Paul

Nagpalinga-linga ang bata pero wala ang sinasabi niyang Mama niya. Tumingin siya sa akin kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

“Gelo, nasaan ang Mama mo?” nagtataka kong tanong sa kanya

“Wala po sila dito, baka umuwi na, hatid mo po ako sa amin, please,” Hinawakan niya sa kamay si Nathan,

“Nathan gusto ko ng makita si Mama.” Pansin ko parang maiiyak na siya. Naawa talaga ako sa itsura niya.

“Saan mo ba siya iniwan?” muling tanong ko sa kanya.

“Sa Jollibee po” napaka inosente niyang sagot.

Nakakadala talaga ang mga mata niya, napaka amo lalo pa ngayon na parang maiiyak siya.

“Tito, gusto ko na po kay Mama, dalhin mo po ako kay Mama please.” Kita ko talaga ang lungkot sa mga mata niya. Kahit parang maiiyak na ang cute pa rin niya. Hindi ko na alam kung ano ang isasagot sa kaniya.

“Oo Gelo sige hahanapin natin ang Mama mo.”

Naisip ko paano ba ito. Baka mabuting ipaalam ko na ito sa management ng mall. Tiyak hinahanap na siya ng mga magulang niya. Sa itsura ng batang ito halatang maayos ang pag-aasikaso sa kanya. Nakakapagtaka lamang na bakit nila pinabayaan ang batang ito na mapalayo. Nasaan na kaya ang mga kuya na sinasabi niya. Hindi ko alam kung babalikan ba namin ang washroom baka doon siya hinahanap. Pero malayo na kami don. Kaya lang hindi pwede kailangang makita namin ang magulang ng batang ito.

Naglakad-lakad pa rin kami habang nagpapalinga-linga. Tumitingin ako baka may naghahanap sa kanya. Sa kakalakad namin ay nalibang ulit si Gelo sa paglalaro nila ni Nathan. Naghahabulan sila tapos ay sabay na sisigaw. Nakakatuwa talaga silang panoorin para silang magkapatid. Kung hindi man ay dati nang magkakilala. Hindi mo aakalain na noon lamang sila nagka kilala parang close agad sila. Hanggang maalala ko na may isa pa nga palang Jolibee sa kabilang wing.

“Hoy kayong dalawa, tayo na pupuntahan natin ang Mama mo Gelo.” Unang lumapit sa akin si Gelo.

“Tito alam mo na po kung saan ang bahay namin?” Inosenteng tanong niya na nakangiti, napagmasdan ko ang kanyang mga mata.

Muli kong naalala si Patrick sa kanya. Kapag may tinatanong siya at naghihintay ng sagot mula sa akin. Iyong mga tingin na ang hirap tanggihan. Iyong mga ngiti na parang punum-puno ng buhay, mga ngiting naghihintay ng sagot, Iyong maamo niyang mga mata pero punum-puno ng pag-asa, mga matang handang maniwala sa kung ano man ang sasabihin ko. Bakit ganoon ang pakiramdam ko sa batang ito. Muli ay naramdaman ko yung pamilyar na sakit na hindi ko maipaliwanag, Parang gusto kong maluha. Lumuhod ako at hinalikan ko siya sa noo. Hindi ko alam bakit parang gusto ko siyang yakapin parang maiiyak ako kapag tinitingnan ko siya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko hindi naman ako sabik sa bata dahil araw-araw namang kasama ko si Nathan. Pero iba ang pakiramdam ko sa batang ito parang ang gaan agad ng loob ko sa kanya. Naisip kong muli si Patrick, pero imposible 7 years pa lamang silang kasal at kahit buntis na yung Angel nang ikasal sila hindi maaring may mga kuya pa ang batang ito dahil tantiya ko nasa 6-7 years old na siya. Naguguluhan talaga ako.

Ang huli kong natatandaan ay noong libing ni Angel. Nakita ko kung gaano kahirap ang pinagdaraan ni Patrick. Gusto ko siyang lapitan, pero ayokong gumawa ng eksena, Alam kong may ilan na nakakaalam ng tungkol sa amin. Lalo na ang pamilya ni Angel, Ayokong isipin nila na masaya ako sa nangyari. Ayokong masira ang tingin nila kay Patrick.

Pero gustung-gusto ko siyang yakapin, punasan ang mga luhang parang wala ng katapusan ang pagpatak. Wala akong magawa, minabuti kong pagmasdan na lamang siya sa malayo. Ayokong sirain ang huling respetong gusto niyang ibigay sa asawa niya. Karapatan niya iyon. Alam kong mahal niya si Angel at kahit sa huling pagkakataon ayokong guluhin siya. Gaya noong ikasal sila, sinarili ko na lamang ang lahat ng sakit. Pinagmasdan ko na lamang siya mula sa malayo at hiniling sa Diyos na sana ay kayanin niya ang hirap na pinagdaraanan niya, Iyon lamang ang pwede kong gawin ang ipakiusap sa Diyos na bigyan siya ng lakas na malampasan ang lahat.

“Pat, hindi ko alam kung mahal mo pa ako pagtapaos ng lahat, kung dumating ang pagkakataon at bibigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon. Ipinapangako ko, gagawin ko ang lahat ng makakapagpaligaya sa iyo. Hinding-hindi na kita sasaktan. Hindi ko ipinapagpapasalamat ang nangyari sa asawa mo pero kung ito ang paraan ng tadhana upang maging tayo ulit. Hinding-hindi na kita hahayaang mawala pa.”

“Pero kung hindi talaga ito ang kapalaran natin, sa kabilang buhay Pat, hahanapin kita, ipapakiusap ko sa Diyos na sana doon bigyan niya ng pagkakataon na ituloy natin ang ating pagmamahalan. Mahal na mahal pa rin kita Patrick, hindi lamang sa buhay na ito, dahil ang pagmamahal ko sa iyo ay mas mahaba pa sa buhay ko.”

Nakita ko nang niyakap siya ni Shayne, hindi ko na mapigilan ang luha ko. Naisip ko kung ako kaya ang nakahiga sa kabaong na iyon, ganon din kaya ang mararamdaman niya. Hindi ko na kaya, tumalikod na lamang ako at bumalik sa aking sasakyan.

Pagkalipas ng isang buwan binalikan ko siya upang kumustahin siya pero sabi ni Ate Hazel, pinakiusapan nila na magbakasyon muna siya, kasama sina Ninong at Ninang at ang kanyang anak. Naroon sila sa Davao. Kay Kenzo ko nalaman na nag file pala ng indefinite leave si Pat. At dahil nauunawaan naman ng management ang sitwasyon niya ay hindi na nagdalawang isip na payagan siya. Ang tagal na rin non, Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa kaniya. Anim na taon na ang mabilis na nagdaan, sa bahay hindi na namin pinag usapan ang tungkol doon. Gaya ng sinabi ni Papa mas mabilis kong matatanggap ang lahat kung iiwasan ko ang anumang magpapaalala sa kanya, Si Kenzo naman ay madalang ko ng makita mula ng maging Head ng Accounting Department, at kung makita ko man kasama si Shayne at ang kanilang kambal kaya wala na ring pagkakataon para pag-usapan ang nakaraan. Itinuon ko ang aking oras sa pagpapalaki sa aking anak. Siya na lamang ang dahilan bakit gusto ko pang mabuhay at siyempre kasama ang aking mga magulang.

Nakatulong nga iyon para matanggap ko ang totoo.

Pero alam ko at nararamdaman ko hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. Hindi nagbago o nabawasan ang nararamdaman dahil ko gaya ng pangako ko sa kanya, hanggang sa huling tibok ng puso ko siya lamang ang mamahalin ko. At maging sa kabilang buhay o kung may susunod pa ngang buhay ang tao siya pa rin ang mamahalin ko. Hindi ako martir pero kahit anong gawin ko si Patrick lamang talaga ang kaya kong mahalin ng ganon.

Muli kong pinagmasdan si Gelo. Anumang gawin ko si Pat ang nakikita ko sa batang ito. Pero imposible talaga.

Saka ang sabi niya kasama niya ang Mama niya, so hindi maaaring anak siya ni Pat dahil nakita ko nang ilibing si Angel. Hindi ko naman nabalitaang nag-asawa siyang muli.

“Tito, alam mo na po ba kung saan ang bahay namin? please Tito, ihatid mo po ako sa amin. Gusto ko na pong makita si Mama.” Ang malungkot na boses na iyon ang nagpatigil sa aking pag-iisip sa mga nangyari. Hinawakan ko ang kamay niya.

“Hindi pa Baby pero hahanapin natin huwag ka ng malungkot please. Promise hindi tayo titigil hanggang hindi natin nakikita ang Mama mo.” Tumango naman siya saka ngumiti. Tumayo ako at nagsimula muling maglakad.

Humawak silang dalawa sa magkabila kong kamay habang palundag-lundag. Minsan ay nagpapalitan pa lilipat si Nathan sa kabila sa kabila naman tatakbo si Gelo.

Magkasundung-magkasundo sila kahit noon lamang nagkita. Nakakatuwa silang tingnan. Nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad pero ako ay palinga-linga pa rin. Nang biglang sumigaw si Gelo.

“Ayun si Mama, si Mama ko na yun o yung nakaupo na may kausap.”

Tiningnan ko kung sino ang itinuturo niya. Kilalang-kilala ko siya. “Si Ninang!” sigaw ng utak ko. Naroon din si Ate Hazel katabi ang dalawa niyang anak na malalaki na rin. May isang lalakeng nakatalikod, sigurado ako sa pormang iyon. Kahit pa nakatalikod siya hindi ako maaring magkamali. Bumagal ang paglalalakad ko at hinayaan ang dalawang bata na makabitiw sa akin. Naunang tumakbo si Gelo, sumunod naman si Nathan, Hindi ko alam ang gagawin ko gusto kong tumakbo palayo sa kanila. Hindi ko alam paano haharap sa kanila. Parang naging slow motion ang lahat. Nakikita ko ang pagtakbo ng dalawang bata, gusto kong kuhanin si Nathan ay umalis na kami para hindi nila makita. Tutal safe na si Gelo. Pero hindi ko magawa, parang nawalan ako ng lakas, hindi ko magawang tumalikod. Hanggang naramdaman ko na lamang ang mga paa ko na kusang humakbang papalapit sa kanila kahit mabagal.

Kita ko nang kargahin nong lalake si Gelo.

Mommy Sandra

Natakot ako nang makita kong bumalik ang mga anak ni Hazel na parehong umiiyak at sinabing nawawala raw si Gelo.

“Diyos ko, ano pong gagawin ko? Hindi maari ito.”

“Ha, paano nangyari, halika hanapin natin.” Si Hazel, sabay-sabay naman kaming tumayo. Pero tinawagan ko agad si Josh. Nagpaiwan kasi siya sa bahay dahil tinatamad daw lumabas.

Nagpaikut-ikot na kami wala pa rin ang bata, Abut-abot na ang kaba ko, natataranta na ako, hindi naman namin makausap ng maayos ang dalawa dahil iyak nang iyak.”

“Ma, what happened, bakit nawala si Gelo?” nag-aalalang tanong ni Josh, pagkakita sa amin.

“Sumama kasi dito sa dalawa, kaso hindi ko na alam, ewan ko hindi ko rin alam kung ano bang nangyari hindi ko alam paano napahiwalay sa kanila” natataranta kong sagot. “Anak hanapin mo si Gelo please, hanapin mo siya Josh” umiiyak kong pakiusap kay Josh wala na akong pakialam kung nagtitinginan ang mga nakakakita sa amin. Nakahawak ako sa kamay niya at parang bata na nakikiusap. Takut na takot ako nang mga oras na iyon.

“Oo Ma, huwag kang mag-alala, hahanapin natin. Huwag ka ng umiyak baka kung mapaano ka pa. Harold, paano nangyari, saan ba kayo pumunta, bakit nawala?”

“Tito, kasama namin, hindi ko po alam, basta nawala po siya hindi namin alam kung saan siya pumunta. Sorry po Tito hindi ko sinasadya” Umiiyak na sagot ni Harold.

“Anak paano ngang nawala, anong ginagawa ninyo noon, saan kayo nagpunta, sabihin mo ang totoo, Hans, ano ba talaga ang nangyari?” naiinis na tanong ni Hazel sa umiiyak na si Hans.

“Mommy, kasi po… kuya kasi sabihin mo na ang totoo.” Baling ni Hans sa Kuya niya.

“Harold, anong totoo, naiinis na ako.” Alam kong nagpipigil lamang siyang magalit dahil maraming tao

“Mommy, mommy kasi ano, e…” umiiyak na yumakap sa ina kaya hindi na naituloy ang sasabihin..

Tiningnan ni Hazel si Hans. Alam niya na mas matapang si Hanz kahit bunso. Mas iyakin talaga ang panganay niya.

“Hans! Sabihin mo ang totoo. Isa…” Nakita kong tumingin muna sa amin si Hans bago nakatunghong nagsalita. Halata ang takot sa boses niya.

“Mommy, nag CR kasi kami ni Kuya, ayaw sumama ni Gelo kasi hindi raw siya magsi CR doon lamang daw siya sa labas, binilinan naman siya ni Kuya na huwag aalis, natagalan po kami sa loob kasi ang daming tao, kaso lang Mommy pagbalik namin wala na siya doon.” Umiiyak na paliwanang ni Hans saka yumakap din sa ina.

“Tito sorry po talaga, akala ko kasi hindi siya aalis.” Baling ni Harold kay Josh na patuloy pa rin sa pag-iyak.

“Wala na, nariyan na iyan, hanapin na lamang natin siya. Pupunta ako sa mga guards para mabantayan ang gate hindi naman siguro iyon lalabas na mag-isa. Ate punta ka sa customer service ipa page mo na kung kailangan para mapabilis ang paghahanap natin.

“Sige Josh, kayong dalawa, huwag kayong hihiwalay sa Lola ninyo ha. Ma doon muna kayo sa kinainan natin samahan muna ninyo itong dalawa, huwag kayong mag-alala makikita rin natin ang bata.”

Tumango lamang ako kahit naiiyak na ako. Kasalanan ko bakit pinayagan kong umalis si Gelo na dalawang bata lamang ang kasama. Wala na akong nagawa kundi ang magdasal na lamang.

“Diyos ko pag may nangyaring masama sa apo ko hindi ko mapapatawad ang aking sarili”.

Hindi ko alam ang gagawin ko, gusto kong tawagan ang Daddy nila pero ayoko namang mag-alala pa iyon. Si Raymond kaya, pero ano bang magagawa non napakalayo niya sa amin. Diyos ko tulungan mo po kami.

Maya-maya ay nakita kong bumalik si Hazel pero wala pa rin ang bata. Panay naman ang sorry ng dalawa sa kaniya. Natanaw ko rin si Josh na papalapit sa amin.

“Harold, sa may men’s room ba ninyo iniwan si Gelo, mahinang tanong nito kay Harold.

Tumango lamang si Harold hindi siya makapagsalita dahil iyak nang iyak. Napabuntung hininga lamang si Josh pero kita ko sa mukha niya ang matinding pag-aalala.

“Ilang beses na kasi akong bumalik doon, wala naman siya. Saan kaya nagpunta ang batang iyon?”

“Josh, pumunta ako sa opisina ng manager, ayaw nilang ipa-page kasi baka raw samantalahin ng masasamang loob. Lalo lamang lalaki ang problema. Hiningian na lamang ako ng copy ng picture niya. Mabuti naman at nakuhanan ko siya ng picture kanina habang naglalaro itong tatlo kaya naitawag na nila sa mga guards ng lahat ng gates at nabigyan ng copy ng picture mababantayan nila ang lahat ng lalabas. Madali naman siyang makikilala dahil iyon din ang suot niyang damit.” Paliwanag ni Hazel.

“Salamat, Ate” maikling sagot ni Josh.

“Mama, Look may bago na po akong friend. Mabait siya, Daddy, why you are here, akala ko hindi ka po sasama.” boses ni Gelo ang nagpalingon sa aming lahat.

“Daddy are you crying?”

Bigla naman siyang kinarga ni Josh at saka pinupog ng halik. May kasama siyang isang bata na sa tantiya ko matanda lamang ng mga dalawang taon sa kanya.

“Pambihira kang bata ka, papatayin mo kaming lahat sa takot, saan ka ba nanggaling bakit iniwan mo ang mga Kuya mo ha, hindi mo ba alam kanina ka pa namin hinahanap?” Naiinis na tanong ni Josh sa anak saka ibinaba dahil nagpipilit ng bumaba si Gelo.

“Wait Daddy meet my new friend Nathan. Nathan this is my Daddy, then my Mama, pero Lola ko talaga siya, she is my Tita Hazel and my 2 kuyas, Kuya Harold, magaling siya sa basketball at si Kuya Hans idol ko sa computer.”

Pag iisa-isa niyang pagpapakilala sa amin, na parang walang pakialam sa mukha ng naiinis niyang ama. Napaka bibo talaga nitong si Gelo. Iiling-iling lamang si Josh, kahit alam kong naiinis ay napapangiti sa ginagawa ng anak.

Nagkatinginan kami ni Hazel at napangiti na lamang din, pero maya-maya napako ang tingin ko kung saan nakatingin si Josh. Halos manlaki ang mata ko sa aking nakita.

“Kuya Paul!” bulong ni Josh pero sapat na para marinig naming lahat.

“Patrick!” Iyon lamang ang narinig kong lumabas sa bibig ni Paul, dahil nakita ko ang pagpatak ng mga luha niya.”

Matagal silang nakatayo na parang parehong hindi alam ang gagawin. Nagpapakiramdaman

“Harold, Hans, I think we have to go, mag-uusap pa tayo” si Hazel

Hinawakan niya sa kamay ang dalawang anak. Tumingin siya sa akin at naintindihan ko ang ibig niyang sabihin.

“So you are Tito Patrick the hero in my Daddy’s story?”

Nakangiting tanong ni Nathan kay Josh. Sigurado akong siya ang anak ni Paul dahil magkamukha sila. Nakita ko ang ngiti niya halatang masaya siyang makita si Josh. Hindi na nakasagot si Josh dahil biglang nagsalita si Gelo.

“Mama, don’t tell me he is the Kuya Paul na laging nagpapaiyak kay Daddy. Mama, siya ba ang Kuya Paul sa story mo?” medyo napahiya naman ako sa sinabi ni Gelo. Nakita ko rin napakamot ng ulo si Josh dahil sa sinabi ng anak niya.

“Palagay ko kayong dalawa dapat sumama muna sa akin, may pupuntahan tayo.”

Hinawakan ko sila sa magkabilang kamay ko at aktong maglalakad. Tumingin ang dalawa sa akin pero nginitian ko lamang sila. Naglakad kami akay ko ang dalawang makulit na bata na patuloy pa rin sa pagtatanong.

“Mama, please tell me is he the Kuya Paul in your story ?” pangungulit ni Gelo.

“Oo apo, siya nga ang Kuya Paul ng Daddy mo.” Sagot ko sa kanya.

Nakita ko ang biglang paglungkot ng mukha ni Nathan.

“No! My Daddy is not bad, mabait ang Daddy ko, mahal na mahal niya si Tito Pat, bidang-bida siya sa kwento ni Daddy.” Malungkot niyang sabi saka tumungo.

“But My Dad’s Kuya Paul made him cried kahit love siya ni Daddy diba Mama, diba lagi niyang pinapaiyak si Daddy?” Singit ni Gelo.

“Hindi gagawin iyon ni Daddy, love na love niya si Tito Pat, Lola tell him love ni Daddy si Tito Pat, Please tell him Lola, hindi siya pinaiyak ni Daddy?”

Hinihila niya ako sa kamay para lamang kumbinsihin na iyon ang sabihin ko.

Napapangiti ako sa dalawang napaka kulit na bata. Kaya nag-isip ako kung paano ko ipapaliwanag sa kanila ang lahat.

“Okay, okay makinig kayong dalawa ha, I think Gelo kailangan kong itama ang pagkaintindi mo sa story ko. Diba sabi ko sa iyo umiyak ang Daddy mo dahil kay Tito Paul, pero it doesn’t mean bad siya, umiyak ang Daddy mo diba kasi mahal niya si Tito Paul.” Paliwanag ko sa kanya kita ko naman na ngumiti si Nathan. Hindi ko alam kung naiintindihan nila ang paliwanag ko pero alam kong hindi pa abot ng isip nila kung idedetalye ko sa kanila ang lahat.

“See, I told you mabait si Daddy.”

Saglit na nag isip si Gelo saka hinawakan sa magkabilang kamay si Nathan.

“Parang ikaw, mabait ka rin,” nakangiti niyang sagot.

“Siyempre naman friends tayo diba?” Kita ko ang tuwa sa kanila parehas.

Tumingin si Nathan sa akin

“Lola what’s the title of your story?”

“Ang Tangi Kong Inaasam!” si Gelo ang biglang sumagot.

“Ayy! parang story din ni Daddy. Ikaw Lamang Ang Tangi Kong Inaasam!"

“Alam ninyo gusto ko ng tapusin ang story nila, dapat meron na itong ending. Gusto ko ng magkaroon sila ng and they live happily ever after.”

Tuwang-tuwa naman ang dalawa at inakay pa ako, parehong excited sa magiging ending ng paborito nilang kwento.

“Tara po doon tayo sa bangko, ituloy mo na ang Love Story nila” Sabay na request ng dalawa habang hila ako pabalik sa upuan.

Pagtingin ko napansin ko naman sina Josh at Paul, parehong nakangiti kahit kita ko ang mga luha sa magkabila nilang pisngi. Hindi rin nila naitago sa akin ang mga kamay nilang mahigpit na magkahawak. Bahagya kong ginulo ang buhok ng dalawang bata dahil alam ko simula sa araw na iyon ay magiging magkapatid sila.

WAKAS

Author's Note:

Thank you very much sa inyong lahat sa pagsama nyo sa akin sa story na ito. Sobrang na appreciate ko ang lahat ng comments nyo both positive and negative. Sinadya ko talaga ang ending na ito to give way sa plan kong book 2. Gusto ko kasi sina Nathan at Gelo ang magbubukas ng bagong yugto sa buhay nina Pat at Kuya Paul. Pero plan pa lamang iyon. Thank you very much as well as sa Admin ng site na 'to. More Power! To all of us. Godspeed!

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Ang Tangi Kong Inaasam (Part 30) Finale
Ang Tangi Kong Inaasam (Part 30) Finale
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-u2EVaLIVru8ZEE1jN0oqXL9VvXhbSTrR24vngE4vUPNFkYWgo5Dsl2vF5Epot_8mfEB19GC7ndgu6vJKOT5lLnYH3WtFbO8jA-d_MfxtFbFreiY-C8c4481UmM8Js_sH9X0kNQC68mbs/s1600/Ang+Tangi+Kong+Inaasam.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-u2EVaLIVru8ZEE1jN0oqXL9VvXhbSTrR24vngE4vUPNFkYWgo5Dsl2vF5Epot_8mfEB19GC7ndgu6vJKOT5lLnYH3WtFbO8jA-d_MfxtFbFreiY-C8c4481UmM8Js_sH9X0kNQC68mbs/s72-c/Ang+Tangi+Kong+Inaasam.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/09/ang-tangi-kong-inaasam-part-30-finale.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/09/ang-tangi-kong-inaasam-part-30-finale.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content