By: Lonely Bulakenyo Halos pumutok ang tiyan ko sa dami ng pagkain na pilit pinaubos sa akin nung dalawa. Kaya hindi kami naka-alis kaa...
By: Lonely Bulakenyo
Halos pumutok ang tiyan ko sa dami ng pagkain na pilit pinaubos sa akin nung dalawa. Kaya hindi kami naka-alis kaagad. Kami na nga lang ang natirang customer sa loob. Thirty minutes pa ang hinintay namin bago kami umalis ng restaurant dahil hindi ako halos makatayo sa sobrang kabusugan. Natatawa lang si Karlo samantalang nag-aalala naman si Tristan sa akin.
“Langya kayo. Parang pinagtripan niyo ako ah?” ang sabi ko habang naglalakad kami papunta sa kotse ni Tristan sa parking area.
“Hep! Hep!. Huwag ako ang pagalitan mo kundi si Tristan. It’s his fault. Siya ang lagay ng lagay ng kung anu ano sa plate mo.” ang natatawang pagtatanggol ni Karlo sa sarili niya.
“Hala. Nasisi pa ako e. Bakit naman kasi pinilit mong ubusin?” ang pagsita ni Tristan habang naka-akbay sa akin.
“Bawal kaya magtira ng pagkain. Unang una, baka pagtampuhan tayo ng grasya kung magtitira tayo ng pagkain. Pangalawa, ang dami kayang nagugutom na tao sa mundo. At pangatlo…”
“Sayang eh. Sarap pa naman. Hehehe.” ang napapangiting sabi ko.
“Langya ka. Umaarte ka pa e ginusto mo din naman pala.” Ang sabi ni Tristan sabay batok ng mahina sa akin.
Nang makarating kami sa kotse ni Tristan ay agad nya itong inunlock. Sasakay na sana si Karlo sa may back seat nang bigla kong naalala ang naging usapan namin sa may terrace ng beach house nina Tristan sa Batangas. Natatandaan ko pa kung paano inamin sa akin ni Karlo ang naramdaman niya nung hindi pumayag si Tristan na lumipat ako sa tabi ni Derek nung papunta kami ng Calatagan. At dahil nga paalis na si Karlo at ayaw ko namang umalis siyang masama ang loob nya kaya nagpasya akong sa likod na lang sumakay. Kaya nung buksan ni Karlo ang pinto ay pinilit kong mauna sa kanya.
“Oh. Ba’t dyan ka? Dun ka sa tabi ni Tristan.” ang pagtataka ni Karlo.
“Dito na lang ako at nang makahiga ako ng maayos. Sakit pa din e.” ang palusot ko habang hinihimas ang kunwari ay nananakit ko pa ding tiyan.
“Masakit pa din ba? Hanap kaya muna tayo ng drug store.” Ang nag-aalalang sabi ni Tristan na nakaupo na sa harap ng manubela.
“Hindi na Tan. Isang dighay lang katapat nito. Inum na lang ako ng softdrinks pagbaba natin.” Ang muli kong palusot.
“Sigurado ka?” ang nag-aalala pa ding tanong ni Tristan. Tumango na lang ako sa kanya.
“Ok. Karlo sakay ka na.” pag-aya ni Tristan sa pinsan niya. Nagsmile lang si Karlo sa akin. Pero hindi ko mabasa yung smile nay un. Hindi ko sure kung natutuwa ba siya o napangiti siya dahil obvious na obvious akong nagpapalusot lang. Bahala na. Itatanggi ko na lang kung sakaling kumprontahin niya ako.
“So, saan tayo Cuz?” ang agad na tanong ni Tristan pagkasakay na pagkasakay ni Karlo.
“Saan ba maganda? Yung malapit na lang siguro.” ang tanong din ni Karlo.
“Well, pwede tayo ng Greenhills. Pwede din sa Eastwood. Pero ang Metrowalk ang pinakamalapit dito. Dyan lang sa baranggay Ugong yun. Katabi ng Meralco Building.” Ang tugon ni Tristan.
“Ayun. Duon na lang tayo sa Metrowalk.” ang sabi ni Karlo.
“Okidoks!” ang tangi na lang sinabi ni Tristan bago pinaandar ang kanyang sasakyan.
Unang beses lang ako nakapunta sa Metrowalk. Isang complex siya ng iba’t ibang restobar. Pa-letter U ang pinaka main building. Dalawang palapag. Open space ang gitna na may nakaset na mga lamesa at mga upuan. May stage din kung saan may live band na nagpeperform. Kahit weekdays ay medyo madami pa ding tao. Karamihan ay mga call center agents at mga empleyado sa iba’t ibang company na nasa loob ng Ortigas District. Since hindi nagsisigarilyo ang dalawa ay naghanap kami ng Bar na bawal magsigarilyo sa loob. Kaya lang ang lahat ng bar na pinuntahan namin ay puno na kaya dun na lang kami sa may gitna pumwesto. Humanap na lang kami side na wala masyadong nagsisigarilyo. Nang makapwesto kami ay agad na nilapitan kami ng maraming waiter na may dalang menu mula sa iba’t ibang bar na nasa paligid. Sila na ang namili kung saan sila oorder. Hinayaan ko na lang din yung dalawa na umorder ng iinumin namin. Agad na umalis ang waiter nang makuha ang order namin. Hindi pa nakakalayo ang waiter nang biglang tumayo si Tristan at sumunod sa waiter.
“Saan pupunta yun?” ang tanong ko.
“Baka may idadagdag dun sa naunang order natin.” Ang tugon ni Karlo.
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na si Tristan na may tangang isang baso na may yelo at Sprite in can. Agad niyang inabot ito sa akin.
“O. Para saan ito?” ang pagtataka ko.
“Sabi mo kailangan mong uminom nito para makadighay ka?” ang tugon ni Tristan.
Muntik ko nang makalimutan na iyon nga pala ang palusot ko kanina nung nasa parking area pa kami. Kailangan kong panindigan ang sinabi ko para hindi ako mabuking na nagpapalusot lang. Kaya binuksan ko agad ang Sprite in can at isinalin sa baso. Nang masalin ito ay uminom ako ng madami para madighay agad. Pero para akong binibiro ng pagkakataon dahil nung sinubukan kong dumighay ay walang hangin na lumalabas. Kaya uminum ulit ako at muling sinubukan. Pero bigo pa din. Wala talaga. Kadalasan ay madali akong nadidighay kapag uminom ako ng soda kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko ito magawa ngayon. Nang makita ni Karlo na pinipilit ko ay agad niya akong biniro.
“Oh my god Nikko, don’t hurt yourself. Don’t push it.” Ang biro ni Karlo. Kinuha ang basong hawak ko at tsaka nya ito ininom.
“Don’t be a jerk Karlo. Hayaan mo siya para mawala ang sakit ng tiyan niya.” ang sabi ni Tristan sabay bawi sa basong may Sprite at ibinigay sa akin.
“Wow naman. Jerk agad?”
“Gusto ko lang naman sabihin na huwag pilitin kung ayaw at mas lalong huwag piliting gawin kung wala naman talagang dahilan. Di ba Nikko?” ang paliwanag ni Karlo kay Tristan na tila ba patama sa akin. Agad kong nakuha ang ibig niyang ipahatid sa akin. Ramdam ko na alam nga niyang nagpapalusot lang ako kanina. Magsosorry na sana ako nang ng walang anu ano ay…
“Buurrrrpppp!” ang malakas na dighay na lumabas sa bibig ko.
Sa lakas ng dighay ko ay napansin ito ng ibang taong nasa kabilang table kaya napatinging sila sa table namin. Bigla akong namula sa hiya kaya agad kong tinakpan ang bibig ko at tsaka yumuko. Hindi mapigil ng magpinsan ang matawa. Agad naman akong niloko ni Karlo.
“Whew! Amoy na amoy ko yung kinain mo kanina ah. Hahaha.” Ang natatawang sabi ni Karlo habang ipinapaypay sa mukha ang kanang kamay na tila ba hinahawi ang mabahong hanging tumama sa mukha niya.
“Hala. Sorry. Sobrang baho na ba?” ang tanong ko habang nakatakip pa din ang kamay ko sa bibig ko.
“Ano ka ba? I am just kidding. Mabango naman ang hininga mo Amoy chico. Hehehe.” Ang sabi ni Karlo sabay tapik sa braso ko.
Ilang saglit pa ay dumating na ang waiter na pinag-orderan namin na may bitbit na tray na may tatlong beer mug, tatlong shot ng tequila at platito na may lamang asin at lime wedge. Kasunod niya ang isa pang waiter na bitbit naman ang isang bucket ng San Mig Apple Flavored Beer at isang bucket ng yelo.
“Oh. Bakit may tequila? Cuz, di ka pwede malasing at magdadrive ka pa.” ang pag-aalala ni Karlo.
“Ano ka ba? Isang shot lang naman ito. Gusto ko lang magtoast tayo bago tayo magsimulang uminom.”
“At tsaka don’t worry hindi ako magpapakalasing. Kung malasing man, pwede naman tayong magcheck in sa hotel, di ba?” ang sabi ni Tristan habang inaabot sa amin ang tequila. Tumango na lang si Karlo sa kanya.
“Ok. Let’s make a toast!” ang pag-aya ni Tristan sabay taas ng tequila shot. Itinaas na din namin ni Karlo ang shot glass namin.
“Una muna ako. First, this for you my beloved cousin. Just want to thank you for everything. For always being there for me. And most especially for understanding me. Well, you know what I mean.” ang message ni Tristan habang nakatingin kay Karlo. Sinuklian n’ya lang ito ng isang matamis na ngiti.
“And for you Nikko. Congrats sa graduation mo. And thank you at tinanggap mo na yung offer ko. At gaya ng pinangako ko, tutulungan kita sa abot ng aking makakaya.” ang message ni Tristan habang nakatingin sa akin.
“Ok. It’s my turn. To you Cuz, Thank you for accepting me for who I am. I appreciate na despite of everything, you didn’t change a bit. You’re still the same loving, caring and generous Tristan that I know. I even appreciate you more after we… uhm… you know… last time… well, you also know what I mean. It ain’t gonna be easy for me… but you know me…” ang tila bitin na message ni Karlo kay Tristan na tila ba nageget naman niya base sa pagtango na ginagawa niya.
“And to you Nikko… My honey bunch! Hehehe.” ang bungad na message ni Karlo sa akin na nagpakunot sa noo ni Tristan.
“Stop seducing me with your cuteness coz until now I am turned on. Hehehe.” Ang natatawang biro ni Karlo sa akin.
“Hey! You son of a pig!” ang sita ni Tristan sa pinsan niya sabay tapik sa batok niya na sinagot naman ni Karlo ng peace sign.
“Okay! Okay! Kidding aside. Nikko I am really happy that I met you and Derek. Although, once lang tayo nakapag-usap ng tayong dalawa lang, I am still happy na nagkausap tayo. Thank you for listening to me. Thank you for tolerating my being a ‘Drama Princess’. That conversation gave me enough guts to do what I need to do. I really appreciate that.” Ang message ni Karlo sa akin. Na sinuklian ko naman ng tango at smile.
Matapos ng message ng dalawa ay nanatili kami sa aming posisyon. First time kong ginawa yun kaya hindi ko alam ang susunod na gagawin. Hinihintay ko na lang ang gagawin nung dalawa. Pero tulad ko ay wala ding ginagawa ang magpinsan. Nakataas pa din ang kamay nila at parehong nakatingin sa akin. Ilang saglit pa na nagpalipatlipat ang mga mata ko sa kanila bago ko narealize ang ekspresyon nila na naghihitay ng sasabihin ko. Kaya humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagsalita.
“Sorry. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. First time kasi.”
“Uhm. Okay!.. Tristan. Salamat sa mga ginagawa mo sa akin at kay Derek. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin para makabawi lang sa iyo.” Hindi ko agad nasundan ang sasabihin ko dahil nagsalita agad si Karlo.
“Well, simple lang yan. Ibigay mo sa kanya ang iyong pu…” hindi na natapos ni Karlo ang sasabihin dahil pinigilan siya ni Tristan.
“Karlo!?!” ang pagpigil ni Tristan kay Karlo kasunod ng masamang tingin.
“Ok… Sorry…” ang halos walang tunog na sabi ni Karlo.
“As you were saying?” ang sabi pa ni Karlo na nakangiting nakatingin sa akin.
“Uhm… Ehem… Salamat din kasi tinutulungan mo akong makaget over sa pag-alis ni Derek. Pasensya ka na kung pati ikaw ay nadadamay pa sa kadramahan ko. Huwag ka sanang magbabago.” Ang message ko kay Tristan na sinuklian naman niya ng matatamis na ngiti.
“Karlo… Uhm… Pasesnsya ka na sa… ano… uhm… alam mo na yun. Hehehe.”
“Sana hindi na katulad nung dati yung nakikita mo sa mga mata ko ngayon na tingin ko sa iyo.” ang nakangiting sabi ko na tinanguan ni Karlo na tila ba nagpapahiwatig na sumasang-ayon siya sa sinasabi ko.
“Salamat dun sa niregalo mo sa akin. Ang dami kong nalaman at natutunan.” ang sabi ko bago sumingit si Tristan.
“Regalo? Anong regalo?” ang nalilitong tanong ni Tristan.
“Shhhhh? Huwag ka ngang ano diyan…” ang pagsaway ni Karlo sa kanya.
“Continue..” dugtong pa ni Karlo.
“Ehem. Uhm… Salamat din sa mga inadvice mo sa akin.” Hindi ko na naman nasundan ang sinasabi ko dahil muling sumingit si Tristan.
“Wait a minute… Anong advice…?” ang nagtatakang tanong ni Tristan.
“Oh come on Cuz… It’s none of your business. It’s between Nikko and me, Okay? Stop dorking around.”
“Pft!...” ang tanging naireact ni Tristan.
“Basta… patuloy ko pa din naiisip yung mga sinabi mo.”
“Ayokong mag good bye sa iyo kahit aalis ka na in two days kasi alam kong magkikita pa tayo.”
“So, sa halip na good bye mas appropriate yung ‘see you later’… Friend?” ang message ko kay Karlo.
“Ahhhh. Oh Shit. I am swellin’.” Ang tugon ni Karlo.
“Thank you Nikko. That is really sweet!” dagdag pa niya.
“So… for a great night?” ang tanong ni Tristan.
“For a great night!” ang sabay na tugon namin ni Karlo.
After ng toast ay sabay sabay naming dinilaan ang asin na nasa kamay namin, nilagok ang tequila shot at tsaka kinagat at sinipsip ang lime wedge. Parang nilamukot ang mukha ko sa lakas ng tama ng ininum ko. Dati na akong nakainum ng tequila pero kahit kailan ay hindi ko nagustuhan ang lasa nito. Pang Empi o kaya San Mig Light lang ang taste ko. Hindi din maiwasan nung dalawa na matawa nung makita ang naging reaction ko matapos i-shot ang tequila.
Lumalalim na ang gabi. Mas dumami na ang tao sa paligid. Hindi na halos magkanda-ugaga ang mga waiter. Kung kanina ay maraming bakanteng table sa paligid, ngayon ay may mangilan ngilan nang tao na nakatayo at nag-aabang ng mababakanteng lamesa. Nagsimula na din ang performer sa stage. Stand up comedians ang unang nagset. Ngayon naman ay acoustic band. Enough lang ang lakas ng sound system kaya nakakarelax ang ambiance. Kakatapos lang ng ikatlong kanta nung singer. Nagpapalakpakan pa ang mga tao nang magtawag ito ng guest jammer.
“Thank you! Now may we call on our first jammer…”
“Sir Karlo Arroyo?” ang sabi ng singer.
Halos mabitawan ko ang hawak kong baso nang biglang sumigaw sa tuwa si Tristan.
“Woohoo!!!!” ang sigaw ni Tristan na pumapalakpak at nakatingin kay Karlo. Hindi ko maunawaan ang reaksyon ni Karlo. Halos bumagsak ang panga ni Karlo sa pagkabigla.
“Cuz!?!” ang hindi makapaniwalang sabi ni Karlo. Tumawa lang si Tristan at nagpatuloy sa pagpalakpak.
Wala nang nagawa si Karlo. Kaya pala sumunod siya sa waiter kanina. Maliban sa para umorder ng Sprite in can ay para din irequest na pakantahin ang pinsan niya. Nahihiya man ay pinagbigyan din nya ang kaibigan. Saglit na inayos ni Karlo ang sarili bago tumayo at lumapit sa stage. Tila ba artista na naglalakad si Karlo kung tingnan ng mga tao sa paligid. Kita ko ang halos sabay sabay na bulungan ng mga bakla at babaeng humahanga sa kanya. Hindi ko naman sila masisisi dahil gwapo naman talaga si Karlo.
Hindi pa din mawala ang ngiti ni Tristan sa mukha niya.
“Huy Tristan. Ang lakas ng din ng trip mo e. Gulat na gulat si Karlo oh.” Ang pagsita ko kay Tristan.
“Ok lang yan. Basta manood ka na lang. Hehehe.” ang natatawa pa ding sabi ni Tristan.
“Wow naman. Ang gwapo naman ni Sir Karlo.” Ang kinikilig na sabi ng singer nung tumuntong si Karlo sa stage.
“Hi Sir. Before anything else pakilala ka muna sa kanila. Name, age at kung taga saan.” ang sabi ng singer sabay abot ng isa pang mic kay Karlo.
“Hi… Hehehe… Medyo kinakabahan ako…”
“Uhm… I am Karlo… I am twenty… staying in QC pero originally from Australia.” Ang bungad ni Karlo na halatang kinakabahan. Lalong lumakas ang bulungan sa paligid.
“Oh! So you’re from the land down under?” ang tanong ng singer na pilit ginagaya ang Australian accent.
“Yes I am. Am just here for vacation.” Ang sagot ni Karlo.
“Okay. So how long have you been here?” ang muling tanong ng singer
“Couple of weeks. Actually, I’ll be leaving two days from now.” ang sabi pa ni Karlo.
“Aaaahhhh!” ang halos sabay sabay na reaction ng mga tao sa paligid na tila ba nanghihinayang.
“Oh. Ok! Ano pong pinagkaka-abalahan ni Sir Karlo sa buhay?” ang tanong ng singer.
“Actually, I am still studying. I am taking online course from Western Australia University…” ang sagot ni Karlo.
“ And, I am also a part time model in Australia.” Ang dagdag pa niya na lalong nagpakilig sa mga babae at mga bakla sa audience.
“Hala. Part time model?” ang hindi makapanwalang tanong ko kay Tristan. Ngumiti lang siya at sinagot ako ng tango.
“Sabi ko na nga ba eh. Iiiiiihhhhh!” ang malanding sabi ng singer.
“One last question Sir Karlo before you sing. I am sure maraming gusto itong malaman.”
“Are you single?” ang tanong ng singer. Kitang kita sa mga mukha ng mga babae at bakla sa audience na inaabangan nila ang isasagot ni Karlo.
“Well…” ang pagbitin ni Karlo.
“Yes! I am single!” ang tugon niya na nagpadagundong sa paligid.
Halos sabay sabay na nagtilian ang mga babae at bakla sa audience. May isang babae pa na halos nagwawala na sa tuwa sa may bandang harap. Pinagtatawanan na lang siya ng mga kasama niya sa table.
“Ayan! Ayan! Si Ate oh? Luh luh luh luh luh! Basang basa na naman ang panty.” Ang biro ng singer habang itinuturo ang babaeng nagwawala.
“But not yet ready to mingle.” ang pambasag trip ni Karlo.
“Aaaahhhh!” ang sabay sabay na tugon ng mga tao dahil sa panghihinayang.
Halos sumabog ang tawanan sa paligid nang makita ang reaksiyon ng babae nagwawala kanina. Hindi ito maipinta. Huminto kasi ito sa pagtalon at unti unting naupo sa upuan niya.
“Lintik na ito! Basag trip ka e. Okay na ih. Basang basa na ih. Pasok na pasok na ih. Lalabasan na nga ih, hinugot mo pa.” ang pilyang biro ng singer kay Karlo na muling nagpahalakhak sa mga tao. Sinagot na lang ito ni Karlo ng peace sign.
“Ate! Huwag kang mag-alala. Bababa ako diyan at sasamahan kita. Maglalasing tayo. Mga punyetang mga lalaki yan! Mga paasa! Ipagluluksa natin ang pagkacomatose ng mga pepe natin. Okay bay un ha? Okay?” ang biro ng singer sa babae. Muling tumayo ang babae at nagthumb up. Halata na medyo lasing na yung babae.
“Kumanta ka na nga. Pinag-iinit mo ulo namin. Anong kakantahin mo?” ang nagbibirong tanong ng singer. Hindi na binanggit ni Karlo ang song sa mic. Ibinulong na lang niya sa singer at sa musikero.
“Ladies and gentlemen! Ang ating first jammer for tonight. Ang lalaking paasa!” ang bungad na pakilala ng singer na nagpatawa sa audience.
“Ang single daw… but not ready to mingle!”
“Sir Karlo!” ang pakilala ng singer kay Karlo. Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Biglang lumakas ang palakpakan nang magsimulang tumugtog ang piano. Hindi ako mahilig makinig ng music pero alam ko na ang kakantahin ni Karlo.
Huminga ng malalim ang medyo kinakabahan na si Karlo. Saglit na instrumental muna bago nagsimula siyang kumanta.
“My shattered dreams and broken heart…
Are mending on the shelf…”
Biglang sumigaw si Tristan at pumalkpak ng malakas kasabay ng mga tao sa paligid. Napanganga na lang ako at napapalakpak ng mabagal dahil sa pagkabigla. Hindi lang gwapo si Karlo. Magaling ding kumanta. Agad na napansin ni Tristan ang pagkamangha ko. Kaya…
“Ano? Sabi ko sa iyo eh. Hehehe.” ang proud na proud na sabi niya. Napapailing na lang ako dahil hindi ako makapaniwala.
“I saw you holding hands, standing close to someone else…
Now I sit all alone wishing all my feeling was gone…
I gave my best to you, nothing for me to do…
But have one last cry…”
Damang dama ni Karlo ang kanta. Alam na alam ko kung bakit. Yun ang kantang nababagay sa sitwasyon niya ngayon. Alam na alam ko na para kay Tristan ang kantang iyon. May mga pagkakataon na nakikita kong tumitingin siya kay Tristan na tila ba ito’y kanyang pinapatamaan.
“One last cry, before I leave it all behind…
I've gotta put you outta my mind this time…
Stop living a lie…
I guess I'm down to my last cry…”
Tumingin ako kay Tristan. Ang kanina ay tuwang tuwa at proud na mukha niya ay napalitan na ng ekpresyong seryoso. Titig na titig si Tristan kay Karlo na tila ba inaabsorb niya ang lahat ng liriko na ibinabato ni Karlo sa kanya.
“I was here, you were there…
Guess we never could agree…
While the sun shines on you…
I need some love to bring on me….
Still I sit all alone, wishing all my feeling was gone…
Gotta get over you, nothing for me to do…
But have one last cry…”
Serysong nakikinig ang mga tao sa paligid. Paminsan minsan ay pumapalakpak sila tuwing itinataas ni Karlo ang nota ng kanta. Nasa kaligitnaan ng pagkanta si Karlo nang biglang tumunog ang cellphone ni Tristan. Agad akong napatingin sa kanya.
“Si Ate.” Ang sabi ni Tristan habang nakatingin sa hawak na phone.
“Oh. Bakit hindi mo sinasagot?” ang tanong ko.
“Paano ka? Mag-iisa ka dito.” ang sagot ni Tristan.
“Tristan naman, para kang baliw. Ginagawa mo akong alagaing bata.”
“Ok lang ako. Kaya ko ang sarili ko. Baka importante yang tawag. Sagutin mo na.” ang medyo inis na sabi ko.
“Sige. Excuse me lang ha?” ang paalam niya sa akin bago tumayo at lumayo papuntang parking area.
Ilang saglit pa ay natapos na ang kanta ni Karlo. Nagtayuan ang karamihan ng tao sa ganda ng performance niya. Nang makabalik ng table ay agad niyang napansin na wala si Tristan sa upuan niya. Kitang kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya.
“Asan si Tristan?” ang agad na tanong niya.
“Umalis saglit Tumawag yung kapatid niya from States. Maingay dito kaya pumunta siya sa parking area.” Ang sabi ko.
Hindi na siya nagsalita pa. Nagsmile na lang at uminom ng beer. Kita ko sa mukha niya ang pagkadismaya.
“Ang galing mo palang kumanta? Proud na proud nga si Tristan sa iyo. Halos hindi na nga kita marinig sa lakas ng palakpak at sigaw niya.” Ang magiliw na sabi ko.
“Salamat.” Matabang na sagot niya kasunod ng isang pilit na ngiti.
Ramdam ko na medyo nagtampo si Karlo dahil hindi man lang tinapos ni Tristan ang kanta niya. Hindi ko naman agad naisip yun. Kung alam ko lang na magdaramdam si Karlo ay hinayaan ko na lang sana muna si Tristan na magstay sa upuan niya. Kaya lang, Pamilya na kasi ang tumatawag kaya naisip kong mas importante yun. Kahit alam kong nagdadamdam siya ay sinubukan kong kamustahin siya.
“Okay ka lang ba?” ang medyo naiilang na tanong ko.
Hindi muna sumagot ang seryosong si Karlo. Kinuha muna niya ang mug niya at nilagok ang lahat ng laman nito. Huminga ng malalim bago tumingin sa akin at nagsalita.
“Ikaw ha? Nagpalusot ka pa kanina.”
“Nagpumilit ka pang pumwesto sa likod gayong alam mo naman kung saan ka dapat pumwesto.”
“Hindi mo na naman kailangang gawin yun eh.”
“Tanggap ko na kung saan ako dapat.” Ang medyo napapangiting sabi ni Karlo.
“Karlo…” ang medyo nahihiyang tugon ko. Umiling lang si Karlo sa akin.
“Nag-usap na kami. Alam na niya ang lahat.” ang seryosong sabi ni Karlo.
“Hala. Anong nangyari? Anong sinabi niya?” ang nagugulat na tanong ko.
“Hindi ko inaasahan yung naging reaction niya e.”
“Aaminin ko. Kahit imposible, I was still hoping na tatanggapin niya ang pagmamahal ko.”
“Pero at the same time ineexpect ko din na magagalit siya akin. Lalayo siya. Worst, sasaktan niya ako.”
“Pero hindi e.” ang hindi makapaniwalang sabi ni Karlo.
“Ano?” ang agad na tanong ko.
“Niyakap niya ako. Sobrang higpit.”
“Tsaka siya umiyak.”
“Umiyak na para bang may napakalaking kasalanan siyang nagawa sa akin.”
“Humihingi siya ng sorry.”
“Hindi ko maget nung una kung bakit ganun. Pero narealize ko din later on na isa lang ang ibig niyang sabihin.”
“Naguguilty siya. Kasi nasasaktan niya ako.”
“Hindi talaga pwedeng maging kami. Hindi nya kayang suklian ang nararadaman ko sa kanya.” ang malungkot at napapailing na sabi niya.
“Fuck!”
“Akala ko… Akala ko makakatulong sa akin yung pag-amin na ginawa ko.”
“Pero hindi din eh.”
“Mas lalo lang akong nahirapan.”
“Mas lalong lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. Mas lalo ko siyang minahal.”
“Sa dinami dami naman kasi ng tao sa mundo bakit siya pa? Bakit sa pinsan ko pa?”
“Iba talaga si Tristan.” Ang medyo naluluhang sabi ni Karlo sa akin.
“Honestly… nagpepretend lang ako na okay ako. Na maayos ako.”
“Pero deep inside me… umiiyak ako. Humahagulgol ako.” ang sabi ni Karlo sabay singhot at punas ng pabagsak na luha niya.
Hindi ko malaman ang sasabihin ko para mapagaan ang loob niya. Wala akong maisip na pwede kong magawa kundi ang makinig. Hindi ko pa man napagdadaanan, pero nararamdaman ko ang hirap ng kalooban niya.
“So anong balak mo?” ang tangi ko lang na naitanong.
“I have a confession to make Nikko. Pero promise me na hindi mo sasabihin kay Tristan.” Ang pakiusap ni Karlo.
Tumango lang ako.
“One month talaga ang bakasyon ko sana. Pero dahil nga sa nangyari, kailangan kong umalis na.”
“Pero hindi pa muna ako uuwi ng Australia.” ang revelation ni Karlo.
“Ha? E saan ka naman pupunta?” ang nagtataka kong tanong.
“Somewhere peaceful. Yung pwede akong makapagmeditate at makapag-isip.”
“Gusto ko sana sa Bhutan. Kasi balita ko sobrang ganda dun. Perfect place sa mga broken hearted na katulad ko. Hehehe.”
“Kaya lang hindi naman ganun kadali pumunta dun. Mahaba at matagal na proseso. Madaming kailangang gawin. Kaya sa Nepal na lang ako pupunta. Somehow, katulad din naman ng Bhutan yun. Mas madali nga lang ang proseso. Anytime pwede akong pumunta. Pagdating ko dun sila na ang magpoproseso ng Visa ko. Since Australian citizen din naman ako, mas madali para sa akin.” Ang paliwanag niya.
“Bhutan? Nepal? Saan yun?” ang napapakunot noong tanong ko.
Biglang napangiti si Karlo.
“Alam mo, basag trip ka. Moment ko ito e. Tapos bigla kang magjojoke.” Ang nangingiting sabi ni Karlo.
“Ha? Anong joke?” ang nagtatakang tanong ko.
“Seriously? Hindi mo alam?” ang medyo natatawang tanong ni Karlo. Sumagot lang ako ng nalilitong iling.
“Hahaha. Oh my God Nikko! Gustong gusto na talaga kitang halikan sa ka-cute-an mo.”
“Napaka-inosente mo talaga. I am not sure kung totoo ba yan o you’re just pretending.”
“If you’re just acting, I’m gonna give you an Academy Award for being such a great actor. Hahaha.”
“No wonder kung bakit ganun na lang ang tuwa ni Tristan sa iyo.”
“Sa totoo lang, gustong gusto na kita. Kasi, in your simple ways, nagagawa mo akong patawanin. Kahit sobrang bigat na ng loob ko. No effort at all. Grabe ka!”
“Ano bang ginagawa mo during Geography class ninyo? Natutulog? Nagskip ka ng subject? Cutting class? Hahaha.”
“Dapat pala Geography book ang binigay ko sa iyo at hindi yung book na yun e. Hahaha!” ang natatawang sabi ni Karlo.
“Grabe ka naman. Alam ko naman yun dati. Nakalimutan ko lang.” ang nahihiyang tugon ko.
“Hahaha. Palusot ka pa.” ang huling sinabi ni Karlo bago ito tumawag ng waiter para umorder ulit ng isa pang bucket ng beer.
“I’m back.” Ang nakangiting sabi ni Tristan sabay upo sa upuan niya.
“Anong nangyari?” ang agad na usisa ko.
“Wala naman. May inutos lang si Ate sa akin.” Ang sagot ni Tristan.
“Cuz? Okay ka lang? Bakit namumula yang mga mata mo? Umiyak ka ba?” ang nagtatakang tanong ni Tristan nang makita ang mga mata ni Karlo.
“Oo. Sira ulo kasi itong si Nikko e. Puro kalokohan. Napaiyak ako sa kakatawa.” ang palusot ni Karlo sabay tingin sa akin at sumenyas na suportahan ko ang pagpapalusot na ginagawa niya.
Napangiti na lang ako dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko.
“Ganun ba? Sabi sa iyo e. May kalokohan ding taglay yan e. Hehehe.” Ang sabi ni Tristan sabay gulo ng buhok ko.
“So, ano? Isang bucket pa.” ang tanong ni Tristan sabay taas ng kamay para tumawag ng waiter.
“Ok na Cuz. Nakaorder na ako.” Ang pagpigil ni Karlo sa kanya.
“Good.” Ang sabi ni Tristan bago nilagok ang laman ng mug niya.
It’s already past 2 in the morning. Tuloy pa din ang kasiyahan sa paligid. Kakatapos lang ng last set ng performer. Nakakatatlong bucket na kami. Inuubos na lang namin yung beer namin bago kami umalis. Nag-aya kasi si Tristan na kumain kami ng mami somewhere in Manila at tumambay sa may bay area para magpaumaga.
Ilang saglit pa ay may lumapit sa amin na waiter na may dalang isang cocktail drink.
“Hi Sir. This is for you.” ang sabi ng waiter sa akin sabay lapag ng cocktail drink sa harap ko.
“Sa akin?” ang pagtataka ko.
“Umorder ba kayo nito?” ang agad na tanong ko sa dalawa na sinagot ako ng iling.
“Kuya, wala kaming inorder na cocktail drink.” Ang sabi ng nagtatakang si Tristan sa waiter.
“Sir pinapabigay po yan nung isang customer namin na nasa kabilang table. Para daw po kay Sir.” Ang paliwanag ng waiter sabay turo sa akin.
“Sino?” ang agad na tanong ni Tristan.
“Ayun po. Yung naka-white na longsleeves.” Ang sabi ng waiter sabay turo sa kinaroroonan ng nagbigay ng drink.
“Ok. Salamat.” ang sinabi ni Karlo. Agad na umalis ang waiter.
Halos sabay sabay na sinipat namin ang itinuro ng waiter na nagbigay ng drink. Halos apat na lamesa ang pagitan namin mula sa kanila. Dalawa lang sila sa table. Medyo mature na yung lalaking nagbigay. Mukhang professional siya base sa looks nya. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay nagsmile siya sa akin kasabay ng pagtaas ng cocktail drink nya na tingin ko ay katulad ng cocktail drink na iniabot sa akin.
“Kilala mo ba yun?” ang nagtatakang tanong ni Tristan.
“Hindi!” ang tugon ko.
“Nice naman! Iba ka talaga friend. Ikaw na!... Ikaw na talaga!” ang nagbibirog sabi ni Karlo sa akin.
“Ano ba ito? My dahon dahon pa?” ang nagtatakang tanong ko.
“Mojito yan Nikko. Masarap yan.” Ang sabi ni Karlo. Agad kong kinuha ang cocktail drink at inosenteng inamoy.
“Bakit naman niya ako binigyan nito? Di ko naman siya kilala.” Ang nagtataka pa ding sabi ko.
“He was just being nice. He wants to meet you. Ganun kasimple.” ang sabi ni Karlo habang nakatingin kay Tristan na nag-iba ang ekspresyon ng mukha.
“Anong gagawin ko?” ang litong tanong ko.
“Show your appreciation. A simple “thank you’ will do.” Ang suggestion ni Karlo.
Kaya muli akong tumingin sa lalaking nagbigay ng Mojito. Itinaas ko ang baso at nagmouth ng “Thank you”. Agad na itinaas din nung lalaki yung baso niya at nagmouth ng “You’re welcome.” Nagsmile na lang ako. Walang anu ano ay bigla akong hinawakan ni Karlo sa balikat at tsaka bumulong mula sa likod ko.
“Nikko, don’t be rude. He bought you a drink. Have the decency naman na lumapit at magpasalamat ng personal.” Ang bulong ni Karlo sa akin.
Narealize ko na may point siya kaya agad akong tumayo para lumapit.
“Saan ka pupunta?” ang serysong tanong ni Tristan.
“Magpapasalamat lang ako dun sa nagbigay.” Ang paliwanag ko.
“No need. Nagpasalamat ka na ‘di ba?” ang medyo inis na sabi ni Tristan.
“Cuz. Ano ba? Let him…” ang sabi ni Karlo kay Tristan.
After that ay agad akong lumapit sa table nung lalaking nagbigay ng drink. Nang makalapit ay agad akong bumati.
“Hi po.” Ang magiliw na bati ko.
“Oh. Hello. Please take a seat” ang sabi niya sa akin. Agad akong naupo sa tabi niya.
“By the way, I’m Michael.” Ang pakilala niya sa akin sabay offer ng handshake. Magpapakilala na sana ako nang biglang nagsalita ang kasama niya.
“Dr. Michael Gonda!” ang sabi ng kasama niya. Agad na napatingin si Michael sa kanya at binigyan sya ng mga tingin na tila ba nagsasabi na ‘you don’t have to say that.’.
“And this is my assistant, Prince. Princess Prince. Hehehe.” ang pakilala ni Michael na alam ko ang pinupunto. Prince is gay. Hindi naman kailangan pang sabihin yun dahil base sa looks ni Prince ay hindi ito maikakaila.
“And you are?” ang tanong niya sa akin.
“Nikko po.” Ang sabi ko sabay abot ng kamay niya.
“Nice. And you are from?” ang dagdag na tanong niya.
“Bulacan po.” Ang mabilis na sagot ko.
“Oh, ok.”
“So… Ilang taon ka na, Nikko?” ang isa pang tanong niya na nagpakaba sa akin. Alam niyo naman na menor de edad pa ako at bawal pa ako sa mga ganung lugar. Maaaring ikapahamak ko at ng dalawang kasama ko kapag nalaman nila ang tunay kong edad. Kaya…
“Nineteen po…” ang pagsisinungaling ko.
“Really? You look younger.” Ang tila hindi naniniwala na sabi ni Michael sa akin.
“Nineteen po talaga ako.” Ang kinakabahang sabi ko.
“Ok. Kung nineteen ka talaga, anong year ka pinanganak?” ang tila nanunubok na tanong ulit ni Michael.
Mahina ako sa Math at alam na alam niyo yan. Hindi madali para sa akin na magsubtract ng ganung kabilis. Pero dahil sa alam ko na ang ganitong kalakaran ay handa ako. Ilan na sa mga parokyano ko ang minsang sumubok na alamin kung nagsisinungaling ako about sa age ko. Sasagutin ko na sana ang tanong niya nang…
“I’m just kidding. You don’t need to answer it. It doesn’t matter to me. Hehehe.” An natatawang sabi ni Michael.
“Bigatin po pala kayo Sir Michael.” ang nahihiyang sabi ko.
“Oh my God. Don’t call me Sir. Masyadong pormal. Michael will do, okay?”
“At bakit mo naman nasabi na bigatin ako?” ang nagtatakang tanong ni Michael.
“Doctor po kayo e.” ang tugon ko.
“Hahaha. It’s just my profession. It doesn’t mean na I’m above the rest. Huwag ganyan ang thinking mo. Parepareho lang naman tayo. I am nothing special. Kung ano ang kinakain mo ay kinakain ko din. Mabaho din ang utot at tae ko. At higit sa lahat, magkakaiba man tayo ng hitsura pero iisa lang ang hitsura ng mga kalansay natin. Ok?” ang sabi ni Michael sa akin.
Medyo napahiya ako sa sinabi ni Michael. Pero masasabi ko na masarap kausap ang katulad niya. Pranka. May sense.
“Sorry!” ang nahihiyang sabi ko.
“No! Don’t be. I am just stating facts.” ang sabi ni Michael sa akin.
Ilang tanong pa ang binitiwan ni Michael na sinagot ko naman agad bago ako ang nagtanong sa kanya.
“Tanong ko lang po sana… bakit niyo po ako binigyan ng cocktail drink?” ang awkward na tanong ko.
“What? Are you serious?” ang hindi makapaniwalang tanong ni Michael sa akin. Sinagot ko lang siya ng awkward na tango.
“Oh my god… Bago ka lang ba sa mga ganitong lugar?” ang interesdong tanong ni Michael.
“Oo eh.” Ang awkward pa din na sagot ko.
“Hahaha. Ok!... That’s why.” Ang natatawang sabi Michael sa akin.
Hindi na sinagot ni Michael ang tanong ko. Napansin ko na lang na nakatingin siya sa kinaroroonan ng table namin.
“Sino yung kasama mo? Is he your brother? Cousin?” ang tanong ni Michael.
“Sino?” ang tanong ko sabay lingon sa magpinsan. Eksaktong paglingon ko ay nakita kong nakatingin sa amin si Tristan na nakakunot ang noo. Marahil ay napahiya kaya inalis niya agad ang tingin sa amin. Habang si Karlo ay natatawa na lang sa inaasal ng pinsan.
“The guy wearing a man bun?” ang tanong ni Michael na nangingiting nakatingin kay Tristan.
“Ahhhh! Si Tristan yun. Tropa ko. At si Karlo naman yung isa. Pinsan niya. Yung kumanta kanina.” Ang tugon ko.
“Yeah. We heard him. And he’s good ha?” ang papuri ni Michael.
“Well, I am not going to keep you here any longer. Nakakahiya na sa mga kasama mo. Mukhang badtrip na yung Tristan sa akin kasi kanina pa niya ako tinitingnan ng masama. Hehehe.” Ang nangingiting sabi ni Michael sa akin.
“Hala. Pasensya ka na. Mabait naman yung si Tristan.” Ang nahihiyang paliwanag ko.
“No. It’s ok. I understand. He’s just being protective.”
“Sige na. Kung okay lang, kunin ko na lang number mo so I can call you?” ang sabi ni Michael.
“Okay lang naman.” ang tugon ko.
Agad na iniabot ni Michael ang cellphone niya sa akin. Agad ko din namang inilagay ang number ko sa cellphone niya. Nang maitype ang number ko ay ibinalik ko ito sa kanya at tsaka nagpaalam.
“Message mo na lang ako para makuha ko number mo. Balik na po ako. Salamat po ulit sa drinks.” ang paalam ko sabay hawak sa balikat niya at tapik dito.
“Ok. It was nice meeting you, Nikko.” Ang nakangiting sabi ni Michael.
Habang palakad ako pabalik ng table namin ay napansin ko ang seryosong mukha ni Tristan. May mga pagkakataong iniirapan niya ako. Medyo nakadama ako ng pagkainis sa inaasal niya. Nakakahiya kasi kay Michael. Wala namang ginagawang masama yung tao.
“You’re back!” ang pabirong bati ni Karlo sa akin nang maupo ako sa upuan ko.
“Sorry ha?” ang paghingi ko ng paumanhin. Hindi pa din maipinta ang mukha ni Tristan. Natatawa lang si Karlo na nakatingin sa kanya.
“So how was it? Anong sabi niya?” ang tila ba nang-aasar na tanong ni Karlo.
“Wala naman. Nagpakilala lang.” ang sabi ko.
“Anong sabi mo?” ang muling tanong niya.
“Wala. Tinanong ko lang siya kung bakit niya ako binigyan ng Mojito.” ang kwento ko.
“What? Bakit mo tinanong? Hindi pa ba obvious?” ang natatawang tanong ni Karlo.
“Obvious ang alin?” ang napapakunot noo kong tanong.
“Hahaha. You’re unbelievable Nikko. E anong sabi niya?” ang natatawang tanong muli ni Karlo.
“Wala. Tulad mo, tumawa lang siya.” Ang tugon ko.
“Hahaha. No wonder.” ang natatawa pa ding sabi ni Karlo.
Bigla akong napaisip.
“Ang tanga mo Nikko!” ang nasabi ko sa isip ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lang ang pagiging inosente ko ng mga oras na iyon. Kung umasta ako ay para bang ang linis ko at hindi ko talaga alam ang kalakaran. Kung hindi ko lang kasama yung dalawa ay siguradong tiba tiba na ako. Kung malalaman lang ni Derek, malamang ay hahagalpak sa tawa si mokong at sasabihing humihina na ako.
“So, ano pang sabi sa iyo.” ang usisa ni Karlo.
“Wala na. Kinuha lang ang number ko.” Ang dagdag ko.
“Binigay mo naman?” ang usisa pa ulit ni Karlo.
“Oo.” Ang awkward na sagot ko.
“Bakit?!?” ang malakas at nanlalaking mata na sabi ni Tristan. Nabigla ako sa taugon ni Tristan kaya hind ako nakasagot agad. Hindi ko kasi iyon inaasahan.
“Cuz, kalma ka lang. Kung magreact ka naman e parang puri na ang binigay ni Nikko.” Ang natatawang sabi ni Karlo.
“Bakit mo nga ibinigay?” ang pagdeadma ni Tristan sa pinsan.
“E hiningi niya eh.” Ang nagugulat na tugon ko.
“Unbelievable!” ang napapairap na sabi ni Tristan sa akin.
“Hala! Para itong tanga. Number lang naman yun, Cuz!” ang medyo naiinis na sabi ni Karlo.
Hindi na umimik si Tristan. Pero halata pa din sa kanya ang pagkainis. Nagkatinginan lang kami ni Karlo. Binigyan ko siya ng nalilitong ekspresyon. At sinagot lang ako ni Karlo ng mga tingin na nagsasabing hayaan ko na lang ang inaasal ng pinsan niya.
Biglang binalot kami ng katahimikan. Palinga linga lang si Tristan. Pero halata pa din ang inis sa mukha niya. Samantalang si Karlo naman ay pasimpleng tumitingin sa kanya. Pilit na pinipigil ang pagtawa. Halatang natutuwa siya sa nakikitang nagyayari sa pinsan niya. Tinitingnan ko lang si Tristan. Gusto ko mang magsalita pero hindi ko naman alam ang sasabihin sa kanya.
Ilang saglit pa ay lumapit sa amin ang isang waiter na may dalang tray at dalawang baso ng Mojito.
“Sinong umorder nito?” ang agad na tanong ko.
“Ako! Bakit?” ang masungit na tugon ni Tristan.
“Nagtatanong lang naman. Sungit neto ih.” ang sabi ko sa kanya.
Pagkalapag ng waiter ng dalawang inorder ay agad na kinuha ni Tristan ang Mojito na hawak ko.
“Akin na yan!” ang seryosong sabi ni Tristan sabay hablot ng basong nasa kamay ko.
“Eto ang inumin mo.” Ang sabi niya sabay abot ng bagong order na Mojito.
“Sa iyo na lang yan Cuz.” Ang sabi niya sabay abot ng Mojitong ibinigay sa akin ni Michael.
“Hala. Tristan. Nainuman ko na kaya yun. Akin na yan Kar…” hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil pasimple akong hinawakan sa hita ni Karlo.
“Okay lang Nikko. Di naman ako maselan. Hehehe.” Ang sabi ni Karlo sa akin.
Hindi na ako nagsalita pa. Tumingin na lang ako kay Tristan na hindi makatingin sa akin. Marahil ay narerealize niyang hindi na tama ang nagiging asal niya. Binigyan ko siya ng nagtataka at nalilitong mga tingin. Si Karlo naman ay nagpipigil pa din ng tawa. Tila ba binalak niyang asarin si Tristan at natutuwa siya dahil nagtatagumpay siya sa kanya mga balak.
“Excuse me lang. CR lang ako.” Ang awkward na paalam ni Tristan. Alam kong palusot lang niya yun dahil hindi niya makayanan ang awkwardness na nararamdan niya. Isa sa pinaka transparent na tao si Tristan na kilala ko kaya madali mong malalaman ang mood niya.
“Anong problema nun?” ang nagtatakang tanong ko.
“Hahaha. Hayaan mo lang. Nakakaenjoy nga e.” ang nangingiting sabi ni Karlo.
“Hindi ko talaga siya maintindihan. Kanina okay naman siya. Tapos ngayon biglang tinoyo na. Ipinaglihi ba sa mood swing yang pinsan mo?” ang naiiritang tanong ko.
“Hahaha. Hindi mood swing yun…” ang natatawang sabi ni Karlo.
“E ano?” ang nagtatakang tanong ko.
“Ganun talaga magselos yun?” ang natatawa pa ding sabi ni Karlo.
“Selos? Bakit naman siya magseselos?” ang nalilitong tanong ko.
“Hahaha. Josko! Halika nga dito!” ang sabi ni Karlo sabay yakap sa akin at halik sa leeg ko.
“Pasalamat ka at hindi kita pwedeng halikan sa lips. Ang cute mo talaga. Hahaha.” Ang natatawang sabi ni Karlo.
Magkayakap pa kami ni Karlo nung bumalik si Tristan. Hindi pa din maipinta ang mukha niya. At lalo itong nairita nang makitang magkayakap kami ni Karlo. Agad niyang dinampot ang Mojito niya ang inubos ito ng isang lagukan bago nag-ayang umalis.
“Tara na!” ang seryosong sabi ni Tristan.
“Teka lang Cuz. Bayad lang ako.” Ang pagpigil ni Karlo.
“Bayad na yan.” ang sabi ni Tristan sabay talikod at lakad papuntang parking area.
Napailing na lang si Karlo at napangiti.
“Okay ka lang?” ang pag-aalala ko.
“Oo naman. Don’t worry.” Ang pagsisiguro ni Karlo sabay akbay sa akin.
Nakasakay na si Tristan sa kotse nung abutan namin sa parking area. Hindi pa din maipinta ang mukha. Sasakay na sana ako sa backseat nang pigilan ako ni Karlo.
“Sa harap ka na sumakay.” Ang mahinang sabi ni Karlo.
“Dito na ako. Duon ka na sa harap.” Ang mahinang tugon ko sa kanya.
“Huwag nang makulit. Sige na.” ang pagpilit ni Karlo habang nginunguso si Tristan. Agad ko namang naget ang ibig sabihin ni Karlo. Huwag na kaming umarte pareho dahil may batang nag-aalboroto sa harap. Kaya hindi na ako nagpumilit pa.
Medyo kinakabahan ako nung sumakay sa tabi ni Tristan. Sa totoo lang, ngayon ko lang siya nakitang toyoin ng ganun. At dahil nga nakikiramdam ko ay hindi ko agad naisip na ikabit ang seatbelt ko. Nagulat na lang ako nung biglang humarap sa akin si Tristan at siya mismo ang nagkabit ng seatbelt ko. Nang maikabit ay siya naman ang nagkabit ng seat belt niya. Pasimple akong tumingin sa natatawang si Karlo. Nang maayos na ang lahat ay nagsimulang magdrive si mokong.
“Cuz, daan tayo ng convenient store ha?” Ang hiling ni Karlo.
“Ha? Bakit?” ang tanong ni Tristan.
“Bili lang ako ng Korean noodle. Namimiss ko na eh.” Ang sabi ni Karlo.
“Oh? Akala ko magmamami tayo?” ang nagtatakang tanong ni Tristan.
“Hindi na siguro. Mapapalayo pa tayo eh. Tsaka matagal na kasi akong hindi nakakakain ng Korean noodle.” Ang paliwanag ni Karlo.
“Hala ka. Ang dami kaya nun sa bahay. Sana sinabi mo agad para nakapagdala ako.” Ang sabi ni Tristan.
“Ano ba? Malay ko ba?” an tugon ni Karlo.
“Oh siya. Saan ba may pinakamalapit na 7 11 o Mini Stop dito?” ang agad na tanong ni Tristan.
“Duon na lang sa condo. May malapit na Mini Stop dun.” Ang sabi Karlo.
“Okay. Dun na lang,” ang sabi ni Tristan.
Nagpatuloy lang sa pagdadrive ang tinotoyong si Tristan. Habang nagkukwentuhan lang kami ni Karlo. May mga pagkakataon na pilit na isinasama ni Karlo sa Tristan sa kwentuhan. Pero tanging ngisi, tango at iling lang ang itinutugon nito. Medyo nahihiya na ako kay Karlo sa inaasal ng pinsan niya. Kung kelan paalis na ang pinsan niya ay tsaka pa siya nagkaganun. Gusto ko mang sitahin pero ayoko namang sabayan ang pag-aalboroto niya.
Ilang saglit pa ay nasa tapat na kami ng Mini Stop na sinasabi ni Karlo.
“Cuz, wait lang. Pasama lang ako kay Nikko ha?” Ang paalam ni Karlo.
“Okay.” Ang matabang na tugon ni Tristan.
Nang makapasok kami sa loob ay agad na kinuha ni Karlo ang mga gusto niyang bilhin. Dalawang Korean noodle. Tatlong beer in can. At isang M&M with peanuts. Matapos ay agad siyang nagpunta sa counter para bayaran ang pinamili. Nang makabayad ay kinuha niya ang paper bag at naglakad palabas. Pero bago pa man kami makalabas ay agad niya akong pinigilan.
“Bakit?” ang nagtatakang tanong ko.
“Oh. Ibigay mo kay Tristan.” Ang sabi ni Karlo sabay bigay sa akin ng M&M with peanuts.
“Ha? Bakit?” muli kong tanong.
“Para mawala na ang toyo niya. Favorite niya yan. Peanuts and chocolates.”
“Kapag nagtatampo yan o kaya tinotoyo…”
“May problema o stressed e yan ang kinakain niya.”
“Yan ang comfort food niya.” ang paliwanag ni Karlo sa akin bago siya naglakad palabas ng store.
Palabas na din sana ako ng store nang may bigla akong napaisip.
“Karlo. Wait lang.” ang sabi ko sabay balik sa loob.
Nang mabili ko na ang nais kong bilhin ay agad akong lumabas at lumapit sa magpinsan, na nag-uusap sa gilid ng sasakyan.
“Okay ka na?” ang tanong ni Karlo.
“Yup.” Ang tugon ko sa kanya.
“So paano? Hanggang dito lang. Dito na ako.” ang sabi ni Karlo sabay turo sa kondo building na tinutuluyan niya.
“Ingat ka sa pagdadrive Cuz. Usap tayo tomorrow.” Ang paalam ni Karl kay Tristan sabay yakap.
“Yup. Tawagan kita.” ang sabi ni Tristan habang hinahagod ang likod ni Karlo. Matapos nun ay kumalas si Karlo sa yakapan nila ni Tristan at humarap sa akin.
“Paano Nikko. Time to say goodbye.” ang medyo malungkot na sabi ni Karlo.
“Ano ka ba? Magkikita pa naman tayo.” ang sabi ko sabay yakap sa kanya.
“Oo naman. Pero matatagalan pa.” ang tugon niya sa akin.
“Huwag ganun.” Ang sabi ko.
“Hehehe.”
“Basta tandaan mo palagi yung mga sinabi ko sa iyo ha?” ang paalala niya sa akin sabay tapik sa likod ko.
“Oo. Don’t worry. Aalamin ko kung saan yung Nepal at Bhutan. Hehehe.” Ang pabirong sabi ko.
“Shhhhh!” ang gulat na tugon ni Karlo sabay silip kay Tristan. Napakagat na lang ako ng labi. Napakatabil talaga ng dila ko. Hindi ko naisip na nasa likod ko lang si Tristan.
Pero mukha namang hindi niya narinig dahil hindi naman siya nagreact.
“Ikaw na ang bahala sa kanya ha? Alagaan mong mabuti.” Ang mahinang sabi sa akin ni Karlo.
“Hala. Aalagaan? Malaki na siya. Kaya na niya ang sarili niya.” Ang biro ko.
“Baliw! Hehehe.”
“Pero seriously. Look after him for me. Ok?” ang seryosong sabi ni Karlo na sinagot ko na lang ng ngiti at isa pang mahigpit na yakap.
Matapos ang madramang tagpo ng pagpapaalam ay dumerecho na kami ni Tristan pauwi. Tulad kanina ay wala pa din siyang kibo. Pero nagbago na ang ekspresyon ng mukha niya. Wala na halos ang inis. Napalitan na ito ng lungkot. Marahil ay dahil ito sa napipintong pag-alis ni Karlo.
Eto na naman si Karlo sa isip ko. Muli na namang nanunumbalik sa isip ko ang mga naging confessions niya sa akin. Yung pag-amin niya sa nararamdaman niya sa pinsan nya. Yung sakit ng rejection. Yung pagpepretend niya na okay lang siya. Yung pag-alis niya papunta sa Nepal. Masaya ako na sa kabila ng lahat ay sa akin siya nagkaroon ng tiwala na ipaalam ang tunay na nararamdaman niya. Pero sa kabilang banda, malungkot din ako dahil halos wala naman akong nagawa para makatulong sa kanya. Although, sinasabi niyang napapatawa ko siya, hindi naman sapat yun para makabawas sa sakit na nararamdaman niya.
Napapaisip tuloy ako. Ganun ba talaga kahirap at kasakit ang pagiging broken hearted? Parang nakakatakot pala ang magmahal. Walang kasiguruhan. Hindi mo alam kung kelan, saan at kanino ka pwede ma-inlove. May kagaguhan ding taglay kasi ang pagkakataon e. Maaaring paibigin ka niya sa maling lugar, maling oras, at maling tao. Madami na akong masasakit na karanasang napagdaanan at napagtagumpayan. Baka ang karanasan pa sa pag-ibig ang magpadapa sa akin.
Naguiguilty din ako kasi sa pagtatago ko ng mga sinabi Karlo ay tila ba niloloko ko si Tristan. Gustuhin ko man na ikwento sa kanya pero wala naman akong karapatan. Isang bagay lang naman ang maipagmamalaki ko sa buhay ko. Marunong akong tumupad ng pangako.
Nasa kalagitnaan na kami ng NLEX. Tahimik pa din si Tristan. Hindi ako sanay na ganun siya. Gustuhin ko man na kausapin siya pero hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Pero nagwoworry na talaga ako. Baka tuluyan na siyang nagalit sa akin. Hindi ko naman malaman ang dahilan. Sabi ni Karlo nagseselos daw si Tristan. Pero bakit? Bakit siya magseselos? Wala naman akong ginawang masama. Hindi ko naman kasalanan na ibinili ako ni Michael ng cocktail drink. Lumapit lang naman ako sa kanya para magpasalamat. Kabastusan naman kung hindi ko ibibigay ang number ko. Pero bakit ganun pa din ang inasal niya?
Lagpas na kami ng Bocaue Exit. At dahil medyo mabilis ang takbo namin, ilang minuto na lang ay nasa bahay na kami. Ayoko naman na maghiwalay kami na masama ang loob ni Tristan sa akin. Kaya nagpasya na ako na ibigay sa kanya ang ipinabibigay ni Karlo. Medyo kinakabahan ako kasi hindi ko kasi alam ang magiging reaction niya. Baka deadmahin lang niya ako. Jusko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko kapag nagkataon. Bahala na. Kaya humugot ako ng malalim na hininga bago ko inabot ang maliit na paper bag na hawak ko sa kanya.
“Ano yan?” ang seryosong tanong ni Tristan. Medyo nawala ang kaba ko kasi matapos ang halos isang oras at kalahati ay muli kong narinig ang boses niya.
“Pinapabigay ni Karlo. Para daw hindi ka na magtampo.” Ang medyo awkward na sabi ko.
Gamit ang isang kamay ay kinuha niya ang laman ng bag.
“M&Ms? Nips?” ang nagtatakang tanong ni Tristan.
“Ang sabi kasi ni Karlo, favorite mo daw yan. Comfort food mo. Iyan daw ang kinakain mo kapag may iniinda ka. Iyan daw ang nagpapagaan ng loob mo.” ang awkward pa din na sabi ko.
“Si Cuz talaga.” Ang medyo nangingiti na at umiiling na sabi ni Tristan. Pero halatang pinipigilan niya ang mapangiti.
“E itong Nips?” ang seryosong tanong niya.
“Ano… Uhmmm…”
“Binili ko for you…
“Hindi ko kasi afford yung M&Ms e. Mahal!”
“At least yan mura lang. Hindi man katulad ng M&M’s pero masarap din naman.” Ang nahihiyang sabi ko.
Biglang napangiti si Tristan. At dahil sa gusto niyang itago sa akin ang mga ngiti nya ay pilit niyang kinakagat ang kanyang mga labi. Humaharap na lang siya sa kaliwa niya kapag hindi na niya kaya pigilan. Ilang segundo din niyang piniglan ang kanyang ngiti bago nya nakontrol ang sarili. Huminga siya ng malalim bago nagsalita ulit.
“Ang cheap mo talaga!” ang biglang pang-aasar ni Tristan sa akin.
“Aba! Ako? Cheap? Tarantadong ito ah! Sisingkwenta na nga lang ang pera ko tapos ipinambili ko pa ng Nips nya.” ang bigla kong nasabi sa isip ko.
“Kung ayaw mo e di huwag! Akin na yan!” ang inis na sabi ko sabay hablot sa Nips na hawak niya. Akma ko na itong bubuksan nang bigla nya akong batukan at hinablot ang Nips pabalik sa kanya.
“Akin yan!” ang malakas na sabi ni Tristan sa akin habang hinahablot ang Nips.
“Aray naman! Bakit ka nambabatok?” ang inis na sabi ko.
“E pasaway ka ih. Magbibigay ka ng pagkain tapos bigla mo namang babawiin.” ang inis na sabi ni Tristan.
“Pagkatapos mong sabihin na cheap ako, e anong ineexpect mo?” ang pambara ko sa kanya.
“Tingnan mo ‘to. Hindi na mabiro.” Ang tugon ni Tristan.
“O. Ayan. Yan ang sa iyo.” Ang sabi ni Tristan sabay hagis ng M&Ms sa akin.
“Tanga ka? Bigay ni Karlo kaya sa iyo ito.”
“Mas pipiliin mo pa ang Nips kesa dito?” ang tanong ko.
“Sawa na ako diyan. Ito na ang bago kong paborito. Hehehe.” Ang ngayon ay masaya nang sabi ni Tristan sa akin.
Hindi na ako nakaimik pa. Bukod sa nakita kong muli ang masayahing mukha na yun ay nakaramdam ako ng kilig. Ang sarap sa pakiramdam na naaappreciate niya kahit gaano kasimple at kamura ang ibibigay ko sa kanya.
“Hala. Baliw ka na.”
“Tapos ako ang sasabihan mong cheap? Iba ka din ano?” idinaan ko na lang sa biro ang kilig na nararamdaman ko.
“Akin na yan. Bubuksan ko.” Ang sabi ko sabay akmang kukunin ang Nips sa kanya.
“Subukan mo. Kukutusan ulit kita.” Ang banta ni Tristan sa akin.
“Sumosobra ka na Tristan Arroyo!” ang inis na sabi ko.
“Hindi mo pa isinama yung middle name ko para kumpleto.” Ang sagot niya sa akin.
Hindi na ako sumagot pa. Binuksan ko na lang ang M&Ms na hawak ko at nagsimulang kumain. Makailang beses kong inalok si Tristan pero ako ay kanyang tinatanggihan. Napanatag na din ako kasi mukhang umayos na ang mood ni gago. Kung kanina ay seryoso ang mukha nya habang nagmamaneho pero ngayon ay nakangiti na siya. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit nag-iba ang mood niya kanina kaya lang natatakot ako na baka magalit ulit siya. Pero hindi ko talaga mapigilan ang dila ko kaya….
“Ano bang nangyari sa iyo? Bakit bigla na lang nagbago ang mood mo kanina?” ang tanong ko.
“Hindi ah.” Ang agad na depensa ni Tristan.
“Anong hindi? Ni hindi namin maipinta ni Karlo ang mukha mo kanina.” Ang sabi ko.
“Kahit si Michael, sinasabi sa akin na tinitingnan mo daw siya ng masama. Bakit ba?” ang dagdag na tanong ko.
“Sinong Michael?” ang nakakunot noon a tanong ni Tristan sa akin.
“Yung nagbigay ng Mojito sa akin kanina na pinainom mo kay Karlo.” Ang tugon ko.
“Huwag mo ngang mabangit bangit sa akin yung pangalan nung gagong yun.” Ang muli na namang seryosong sabi ni Tristan.
“Hala. Ayan ka na naman. Nagagalit ka na naman ba?” ang medyo nag-aalala na tanong ko.
“Hindi ah. Bakit naman ako magagalit?” ang medyo uneasy na sagot ni Tristan.
“At tsaka pwede ba? Ayoko nang pag-usapan yun.” Dagdag pa niya.
“Ok. Fine. Nahihiya lang naman kasi ako kay Karlo. Kung kelan siya paalis tsaka ka naman nagkaganyan. Akala ko ba dapat mag-enjoy tayo. May ‘For a great night’ ka pang nalalaman. Totoyoin ka naman pala.” ang medyo napapangiti kong sabi kay Tristan.
“Sige lang. Mang-asar ka pa. Ibababa kita dito sa expressway!” ang birong banta ni Tristan sa akin.
“Sabi ko nga mananahimik na ako.” ang pagsuko ko sabay kain ng tsokolateng hawak.
“Huwag kang mag-alala. Naiintindihan na ni pinsan yun.”
“Ako naman ang maghahatid sa kanya sa airport kaya makakapag-usap pa kami. Magsosorry na lang ulit ako sa kanya.” ang paliwanag ni Tristan sa akin.
“Talaga? Pwede ba akong sumama?” ang tanong ko.
“Hindi na. Paano kami makakapag-usap kung may kasama kaming asungot?” ang biro ni Tristan.
“Hala siya. Grabe ka naman sa akin.” Ang nagmomotsong na sabi ko.
“Hehehe. Biro lang.”
“Sa halip na sumama ka sa amin e ayusin mo na lang yung mga requirement na hinihingi ni Papa sa iyo. Kailangan na niya para maayos na yung scholarship mo.” Ang sabi ni Tristan sa akin.
Hindi na ako nagpumilit pa. Kailangan ko na nga pala maayos yung mga requirements na hinihingi sa akin. Naisip ko din na baka maging emotional na naman ako. Kahit na saglit lang kami nagkasama ni Karlo ay tila ba malalim na ang pinagsamahan namin. Kung nagkataon, sa loob lang ng isang linggo ay dalawang malapit sa puso ko ang ihahatid ko sa airport at magpapaalam sa akin.
Baka hindi ko na kayanin.
COMMENTS