By: Fhrellcee Paano kung sa pagkikita nyo ng dati’y mong kaibigan eh nagbago na sya. Napakagwapo na nya, at sikat pa syang modelo at art...
By: Fhrellcee
Paano kung sa pagkikita nyo ng dati’y mong kaibigan eh nagbago na sya. Napakagwapo na nya, at sikat pa syang modelo at artista. At paano kung hindi lang pala coincidence ang inyong pagtatagpo dahil may iba pala syang balak?Hindi talaga inaasahan ni Mikhael na magtatagpo muli ang landas nila ni Christian, pero ang mas hindi nya inaasahan ang pagiba ng paguugali nito towards him. Hindi nya din naman ito masisisi, dahil nasaktan ito sa ginawa niya dito. May karapatan nga naman itong magalit sa kanya.
-Mihakel-
“What do you think you’re doing Christian?” Sigaw ko sa kanya habang patuloy sya sa paghuhubad. Nakita ko ang makisig nyang katawan. Maganda ang hubog ng katawan ni Christian, kailangan naman talaga ito sa pagmomodelo. Makisig ang dibdib nito at kitang kita din ang v-line.
“What do you think?” Tanong naman nya sa akin with that matching nakakalokong ngiti.
“Are you trying to seduce me?” Tanong ko sa kanya sabay tinaasan ko sya ng kilay. “Akala mo ba dahil gumanda lang ang katawan mo, tumaas ka ng kaunti at nagkaroon ng v-line eh makukuha mo na ang gusto mo sa akin?” He looked at me in the eyes, hindi ko din sya inurongan. Nakipagtitigan ako sa kanya. Akala ba nya ay uurong ako. Hindi.
Mas lalo lang akong nainis dahil tumawa lang sya sa sinabi ko. “So you admit na affected ka sa paghuhubad ko sa harap mo, na feeling mo siniseduce kita?” Inirapan ko nalang din sya pagkatapos nyang sabihin iyon.
Patuloy naman sya sa paghuhubad ng damit hangang sa boxers nalang nya ang matira. “Umaamin ka na nagagandahan ka sa katawan ko,” dagdag pa ni Christian na naglalakad patungo sa kinaroroonan ko.
Napaatras naman ako habang naglalakad papalapit sa akin si Christian.
“Huwag kang lalapit!” Sigaw ko sa kanya pero parang wala syang narinig. “Don’t you dare…”
“What?” Tanong naman niya na nakatayo ilang hakbang mula sa akin. “Just so you know Mikmik, I wasn’t trying to seduce you. I’m only trying to take a shower.” Sabi niya saka nilampasan ako. Oo nga naman, nasa likod ko nga naman ang shower ng kwarto namin.
“Huwag ka ngang malikot, Mikmik,” kanina pa bilin sa akin ni Yanyan. Paano bang hindi ako magiging malilikot eh gusto lang naman niyang butasan ang tenga ko.
“Hael,” pagtama ko kay Yanyan. Kanina pa kasi sya kaka-Mikmik ng Mikmik sa akin. Pangbabae naman kasing palayaw iyang Mikmik, tunog babae din. Parang pang-Michaela. “Ha-el,” pag-ulit ko making sure na maemphasize iyon sa kanya.
“Mikmik,” sabi naman ulit ni Yanyan na nakangiti sabay pisil sa tenga kong kanina pa niya hawak.
Nasalikod kami ng gym ng High School namin kung saan maraming punong manga. Pinilit kasi akong mag-cutclass ni Yanyan para magpalagay ng hikaw. Huli na ng malaman kong plano pala akong idamay ni Yanyan sa tripping niya.
“Masakit ba iyan,” tanong ko uli na hindi mapakali. Pinikit ko nalang ang mga mata ko habang hinihimas himas ni Yanyan ang kanan kong tenga. Nagbaon pa talaga sya ng alcohol para lang sa gagawin nya.
“Hindi nga sabi masakit eh,” sagot naman ni Yanyan habang hinawakan nya ang ulo ni ko para hindi gumalaw. “Parang kagat lang talaga ng langgam.”
“Sus, pag sabi sa injection parang kagat lang ng langgam pero… masakit din kaya ang kagat ng langgam,” reklamo ko naman sa kanya. Takot din kasi ako sa injection at wala namang pinagkaiba sa injection ang hawak nitong karayom.
“Okay, erase…erase.” Pagbawi naman niya habang patuloy ang pagcircle-circle ng daliri niya sa tenga ko. “Hindi pala parang kagat ng langgam, parang kagat ko lang.”
“HA?” Sabi ko naman agad. “Mas masakit ata…” minsan kasi noong bata pa kami eh mahilig nang mangkagagat na parang aso si Yanyan at lagi nyang napagtritripan ang braso ko.
“Ay naku Mikmik ang dami mong reklamo.”
“Ha-eeeeel nga sabi,” ikokorek ko pa sana sya uli ng makaramdam ako ng pag-init sa tenga nya.
“Ayan tapus na,” dinig ko naman na sabi naman ni Yanyan at binitiwan na ang tainga ko habang tinitingan ito na parang ito ang pinkamahalagang bagay sa mundo.
“Totoo?” Tapus na ba talaga?” Parang hindi ako makapaniwala. Wala man lang kasi akong naramdaman kundi iyong medyo pag-init lang ng tainga ko.
“Ayaw pang maniwala,” nakangisi sabi ni Yanyan. Kumuha ito ng salamin tsaka iniharap sa akin.
“O, ayan,” sabi niya at nakita ko ang isang maliit na karayom na nakatusok sa aking tenga. “
“O, gawin mo din sa akin…” sabi naman ni Yanyan sabay iniabot sa akin ang isa pang karayom na hawak nya at ang cottons pati na din ang alcohol.
“Ha, ah… anong… naman,” natakot naman ako. Never pa kasi akong nakagawa nang ganoon sa tanang buhay ko. Ibinalik ko sa kanya iyon.
“Sige na mikmik,” sabi nya na bigay sa akin ang alcohol.
“Paano?”
“Lagyan mo ng alcohol saka himasin mo kung saan mo iyan itutusok, tapus pag medyo okay na itusok mo iyan. Madali lang naman.” Pag-explain nya na parang ang simple simple lang ng lahat, pero as in hindi ko naintindihan.
“Baka masaktan ka,” naagdadalawang isip kong sabi.
“Promise, basta ikaw ang gumawa hindi ako masasaktan,” hindi ko din alam kong saan nya kinokuha ang confidence nya para sa akin.
“Baki kasi kailangan ako pa?” Tanong ko uli. Pwede naman iyong iba naming kaklase na mas may alam sa tungkol dito.
“Eh sa gusto kung ikaw eh,” pagmamaktol nya.
“Sige na nga ikaw ang bahala,” at ginawa ko ang bilin nya. Pagkatapus noon ay itinusok ko na ang karayom sa tenga nya. Napapikit sya kaya kinabahan ako baka may nagawa akong mali at nasaktan ko sya.
“Tapus na?” Tanong nya noong idilat nya ang mga mata nya.
“Opo,” sabi ko na worried pero nakangiti. “Akala ko ba matapang ka, eh pumikit ka din eh.”
“Ang tagal mo kasing ginawa eh, nakatulog tuloy ako,” palusot naman niya. Natawa lang ako sa palusot nya ng bigla nya akong akbayan. Salamat Mikmik saka nabigla ako sa ginawa nya.
Inilapat nya ang kanyang labi sa pisngi ko.
“O para san iyon?”
“Wala lang trip ko lang ikiss ang bestfriend ko,” sagot naman ni Yanyan.
“Kadiri ka,” tumayo na ako.
“Nababakla ka na ata, siguro dahil sa ang gwapo ko.” Natawa lang si Yanyan. Tara balik na tayo sa klase.
“Pero baka pagalitan tayo nito? Para kasi saan to ha?” Sabi ko sabay hawak sa karayom na nakatusok sa tainga ko.
“Wala remembrance lang,” sabi nya tsaka bumalik na kami sa klase.
COMMENTS