$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Meet My Middle Finger (Part 6)

By: Raleigh Gus “Wow, may balak ka pa palang umuwi?” Hindi pa man ako nakakaapak ng bahay ay sinita na kaagad ako ng malaking aso na...

By: Raleigh

Gus

“Wow, may balak ka pa palang umuwi?”

Hindi pa man ako nakakaapak ng bahay ay sinita na kaagad ako ng malaking aso na nakabantay sa pintuan namin. Hindi ako makasagot; ni ang tumingin sa mata nya ay hindi ko magawa.

“Saan ka galing?” hinarangan nya ang pagpasok ko.

“Boss, pwede po papasukin nyo muna ako? Malamig dito eh, saka pagod ako.”

“Sagutin mo’ng tanong ko.”

“Jan lang sa tabi-tabi.” umikot ang mata ko.

Matalim na tingin ang iginanti ni Hunter. Nakaramdam ako ng inis. Bakit ba parang galit sya? Hindi ako nainform na may bago akong tatay.

Payapa ang gabi. Tanging ang pagaspas ng dahon, huni ng kuliglig, at kahol ng aso ang maririnig. Ilang oras na ang nakararaan nang tumila ang ulan.

Kagagaling ko lamang sa shop dahil inarrange ko pa ang mga halaman. Ako na rin ang nagsara noon matapos kong pauwiin na si Ate Tess.

Ang totoo nyan ay sa ospital ko iginugol ang oras. Sinamahan ko lang naman si Brix na magpacheck-up dahil malakas ang pagkakatama ng ulo nya sa simyento.

“Well, wala akong nakitang damage sa CT Scan result mo. Pero you have to come back kung magsuka ka o lumala ang sakit ng ulo mo. Understood?” payo ng duktor.

Sa byahe pauwi ay tahimik lang kami. Nahihiya akong makipag-usap kay Brix dahil ako ang may kasalanan kung bakit sya nasaktan.

“Hey, bakit parang nasa lamay ka? Buhay pa naman ako ah.” pagbasag nya sa katahimikan.

Tinatahak namin ang daan pabalik sa shop. Kahit na pagbawalan syang magdrive ng duktor, hindi nakinig itong si Brix.

“Brix, sorry talaga. I’m sorry…”

“Gus, konting hilo at maliit na bukol lang ito. Di ‘to makakamatay, malayo sa bituka.” pagbibiro pa nya.

“Ulo yang nadamage sa’yo, kaya sana wag mong tratuhin na parang gasgas sa kamay lang.” pag-aalala ko.

“M’sareh...please wag ka nang ma upset? Ok lang naman ako eh. Don’t be too hard on yourself.” pagsasawalang-bahala nya.

“Pero Brix, kasalanan ko eh. Dahil sa katangahan ko, ikaw yung napahamak.”

“Aksidente lang ang nangyari, ok? Wala namang may gustong mangyari yun. Besides, I’m glad na hindi ka napaano. So cheer up.” nakangiti nyang pahayag.

Hindi ako makaimik. Hanggang ngayon ay nginangat-ngat ako ng konsensya ko. Bakit ba kasi ‘di maalis yung takot ko sa kidlat? Pati inosente nadamay tuloy...

“Um, Brix...”

“Yeah? Nagugutom ka ba? We can go eat somewhere before going home kung gusto mo?” alok nya na agad ko namang tinanggihan.

“Eh, k-kung meron man akong pwedeng gawin para masuklian ang kabutihan mo, sabihin mo lang. Gagawin ko ang lahat sa abot ng aking makakaya.”

“Gus, no, hindi naman ako nanghihingi ng kapalit eh. Hmm, but if you insist, may hihilingin sana akong pabor.” tugon nya matapos ang ilang sandali.

Lumiko sya sa madilim na kanto at saka dahan-dahang ipinark ang kotse sa harap ng shop. Bukas pa ang ilaw sa loob, malamang hinintay ako ni Ate Tess na makabalik.

“Ano yun? Paglalaba? Pamamalantsa? Paglinis ng bahay? Kayang-kaya kong gawin yan. Ah! Pero h-hindi ako marunong m-magluto...” dugtong ko kaagad.

“That’s an awesome offer, pero mawawalan ng trabaho yung katulong namin kapagka ganoon, so I have to politely decline.” natatawa nyang tugon.

“S-sorry...” nakakahiya ang inasal ko.

“That again, ilang beses ka na bang nag-sorry? Sumasakit na ang tenga ko.” reklamo nya.

“Ah…s-sorry Brix. Pasensya na talaga, hindi ko mapigilan eh.” gusto kong batukan ang sarili ko.

“Ugh, you said it twice. Just...forget it.” — napabuntong-hininga sya — “Masyado kang honest, Gus. And you’re so mabait talaga. That’s my first impression of you kahit noong sa pool pa.”

“Ha? Ikaw kaya itong mabait! Ni hindi ka man lang nagalit sa akin.” kunot-noo akong tumingin sa kanya.

“Finally, tiningnan mo rin ako sa mata. Kanina ka pa nakayuko eh.” puna nya.

“Ehh, sorr—oops! Umm…”

“So, saan na my ‘thanks’?” taas-kilay nyang tanong.

“Thank you…” bulong ko.

“Huh, yun lang? Ano ba yan! Gusto ko with feelings…”

“Ha? Papano yun? Di ako marunong nun eh…” nalilito ako sa inaasal nya. Para syang bata.

“Yung may pa beautiful eyes and then you say thanks with a big smile. Yung ganun!”

Yun ba yung may pa kurap-kurap ng mata? Magmumukha akong tanga neto… eh, bahala na nga! At ginawa ko ang pinagagawa nya.

“Right, that’s it!” malakas nyang tawa.

“Brix naman, pinaglalaruan mo yata ako eh.”

“I’m not playing with you! ‘Di mo ba nakikita, I’m happy!” masaya nyang bulalas.

“Happy kasi nagmukha akong timang?”

“Hindi ah! You looked so cute nga eh. Wag ka nang sumimangot, I really like your smile. Promise!”

Ipinatong nya ang kanang kamay sa dibdib saka inangat ito na parang nanunumpa sa watawat. Tatangu-tango pa sya na parang aso. Hindi ko napigilang matawa.

“See? You need to ngiti more often. Napakaganda ng ngiti mo eh, parang I can see flowers blooming around you.”

“Naku, palabiro ka talaga. Sige na, baba na ako at nang makauwi ka na. Salamat pala sa paghatid, at sa lahat na...”

Ang swerte ko ngayong araw. Dalawang beses ako muntik mahulog sa hagdan, dalawang beses rin na may sumagip sa akin. Yung naunang sumagip eh galit, etong ikalawa naman eh sobrang bait.

Siguro nga hindi talaga ako pinapabayaan ni papa. Palagi syang nakamasid sa akin...

“Teka!” palabas na ako ng sasakyan ng hawakan ako ni Brix sa braso.

“Bakit?”

Hindi ako pinansin ni Brix, may hinahanap sya. Nang makakita ng tisyu ay agad nyang pinunit iyon, may isinulat, at ibinigay sa akin.

“Brix, ano ‘to? Ito ba yung number ng hospital? Eh diba mas mabuti kung sa kasama mo sa baha—“

“Uhm, no Gus, nagkakamali ka. That’s mine. My contact number.” napatingin ako sa kanya, wala akong masabi.

“Kasi…ugh, um. If you want, gusto kitang makausap ulit. But I can’t go palagi sa shop mo, so...maybe you can, y’know? Text me or something...?” napakamot sya sa ulo.

“Ay, hala! Wala akong cellphone eh.”

“G-ganun ba? Oh...sayang naman.” parang nagdilim ang mukha nya. O dahil madilim lang sa kanto?

“Ah! Pero kung di mo mamasamain, itatago ko na lang ‘to. Baka sakaling makabili ako ng cellphone, itetext kita agad.”

“Really?” biglang nagliwanag ang mukha nya. O dahil binuksan lang ni Ate Tess ang ilaw sa poste?

“Opo. Saka libre na yung oorderin mong bouquet dito. Y-yun eh kung ayos lang sa’yo ang mga flower arrangements ko.” kinapalan ko na ang mukha ko.

“Cool! I’d love that! Wag kang mag-alala, I’ll order as often as I can. Saka I’ll recommend it sa iba kong kakilala.”

“Ay, nakakahiya naman sa’yo. Kahit wag na...” please, please, please, pa recommend naman! Pang allowance ko lang.

“No, ok lang. I’ll do it for you. And, uhhm..” may pag-aalinlangan sa mukha nya.

“Po? May sinabi ka?”

“Can we—uhm, ok lang ba k-kung..”—tumikhim sya—“can we be friends?”

“Ako?” nanlaki ang mga mata ko.

“I quite like you, Gus. No, not in that sense…pero mabait ka sa akin. Saka gusto kitang kausap, I enjoy it. Ok lang kung ayaw mo, ‘di kita pipilitin. But I really—“

Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni Brix, napakabilis nyang magsalita. Ang naintindihan ko lang ay gusto nyang makipag-kaibigan sakin.

Ako, Gustavo Jalandoni, na iniiwasan ng madla dahil sa pangit kong mukha, gustong maging kaibigan ng makisig, mabait, maharlika, at matulunging si Brix!

“Oo naman! Gusto rin kitang maging kaibigan!” tuwang-tuwa kong sagot.

Naputol ang litanya ni Brix at sumibol ang malaking ngiti sa mukha nya. Kung alam nya lang kung gaano rin ako kasaya ngayon!

“Hey Gus, yung request ko sa susunod ko na lang gagawin ha? You owe me one! Haha, bye!”

Pagkatapos nun ay umuwi na si Brix habang ako naman ay pasipol-sipol na nag-ayos ng mga halaman. Tawagin na akong assumero at kapal-mukha, pero mukhang masaya sya.

Hindi katulad ng lalaking nasa harapan ko ngayon.

Hunter

What. The. Fuck.

Mag-aalas syete na pero ni anino ni Gustavo ay wala pa sa pamamahay nila. Naabutan ko na lamang si auntie na nininerbyos, walang ideya kung nasaan ang anak nya.

Alas tres kami huling nagkita. Imposible namang sa apat na oras eh di parin nakaalis sa trapik ang jeep? Baka naman karosa ng patay ang sinakyan nya?

“Wala pa namang cellphone ang batang iyon.” nag-aalalang pahayag ni auntie.

“Auntie, doon ka na po sa loob. Tawagin na lang kita kung nandito na si Gus.” pilit ko syang pinakalma.

Pero sa totoo lang, ako itong hindi mapakali. Parang may bulateng humahalukay sa sikmura ko; pati pwet ko ay nangangati rin. Kung saan-saan na naman nagmulto ang impaktong yon ng walang paalam!

Lumangitngit ang gate nila tanda na may pumasok. Aga akong napasilip sa bintana, hinihiling na sana hindi pulis iyon na may dalang masamang balita.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita si Gus. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa kanya. Bagamat masaya, gusto ko syang yugyugin at hingan ng paliwanag.

“Wow, may balak ka pa palang umuwi?” sita ko kaagad sa kanya.

Dire-direcho lang sya sa paglalakad, animo’y hangin ang kaharap, at hindi man lang ako pinansin. Nagtaka ako sa inasal nya.

“Saan ka galing?” hinarangan ko sya bago pa man makapasok.

“Boss, pwede po papasukin nyo muna ako? Malamig dito eh, saka pagod ako.”

“Sagutin mo’ng tanong ko.” I want answers, right here, right now!

“Jan lang sa tabi-tabi.” pabalang nyang sagot at pinaikot pa ang mata.

Uminit bigla ang ulo ko. Kanina pa ako alalang-alala dahil akala ko’y napahamak sya, tapos ganito pa sya umasta sa harap ko? Expelliarmus!

“Gus, may ideya ka ba kung anong oras na?” pagtitimpi ko.

“Boss, padaan po.”

“Alam mo ba kung gaano mo kami pinag-alala ni auntie?”

“Boss, padaan sabi eh.”

“Sagutin mo ako Gus!” hinawakan ko sya ng mahigpit sa braso.

“Gus, anak, bakit ka ginabi? Nag-aaway ba kayong dalawa?” lumabas pala si auntie sa kwarto nya.

“Ma, pakisabi po sa alaga nyong aso na wag harangan ang daanan. Di ako makapasok sa bahay ko eh.” nakuha pa nyang magbiro kaya lalo akong nanggalaiti.

Natiim-bagang na lang ako at pumasok, baka may mabitiwan pa akong masakit na salita. Masama ang loob ko; ni hindi man lang nya inisip na may taong nag-aalala sa kanya!

Akala ba nya biro lang ang mahintay sa taong baka hindi na dumating? Hah!

Nauna na akong umupo sa hapag habang hinihintay sila. Kalmado na si auntie, pero ang ulo ko eh mas mainit pa sa bagong kulong sabaw.

“Nak, saan ka ba galing? Kanina pa kami alalang-alala sa’yo...” usisa ni auntie

“May sinamahan lang po akong kaibigan sa ospital, ma.” magaling nyang pagrarason.

“Kaibigan? Kelan ka pa nagkaroon ng kaibigan?” di ko mapigilang sumingit sa usapan.

“Ngayon lang.”

“Ngayon? Hah! Sino bang niloloko mo Gus? If I know, pinagtitripan ka lang nun. O baka nag-assume ka na magkaibigan kayo?”

“Totoo naman ah, bakit? Di ba ako pwedeng magkaroon ng kaibigan maliban sa’yo?”

“O sya, sya, lumalamig na ang pagkain. Kumain na muna tayo tapos mag-aral na kayo para sa exam nyo.” pagputol ni auntie sa usapan.

“Wag kang nagpapaniwala ng basta-basta sa mga taong ngayon mo lang nakilala. Baka sa huli magsisi ka.” paalala ko.

“Ang hirap kasi sa’yo, mataas ang tingin mo sa sarili. Marunong naman akong pumili ng kaibigan.” sabat nya.

“Shh, tigil na. Nasa harap nyo ang pagkain.” saway ni auntie.

“Yung iba jan kasi ma, nagagalit ng walang dahilan.” pasaring nya.

Ang paksiw ni auntie na dati’y sarap na sarap ako, ngayon parang naging mapakla na. Hindi ko maiwasang hindi patulan si Gus.

“Magpasabi ka kasi kung kelan ka uuwi, hindi yung papatayin mo sa pag-aalala ang mga tao sa paligid mo.” bahagyang tumataas ang boses ko.

“Aba! Hindi naman po kita inatasang mag-alala sakin ah. Matanda na ako, marunong akong umuwi. Bakit ba galit na galit ka? Wala naman akong ginagawang masama ah!” pagtataas rin ng boses ni Gus.

“Kaibigan kita at importante ka, kaya sa ayaw at sa gusto mo, mag-aalala ako! Hindi ko sinabing may ginagawa kang masama, ang sinasabi ko lang, magpasabi ka kung kela—“

“Hindi ko kailangang magpaalam sa’yo kung san ako pupunta kasi hindi kita tatay!” sigaw nya sabay tayo.

“Gus, tama na!” saway ni auntie.

Natameme ako; hindi ako makatingin sa kanya ng direcho. Tama, kaibigan lang ako. Wala akong karapatan magalit kasi di ako pamilya o importanteng tao sa buhay nya.

Ah...sa simula’t-sapul ba, ako lang yung nag-assume na magkaibigan kami? Nagulat sya nung sabihin kong sya ang best friend ko, di’ba?

Ako lang itong nagpumilit na makapasok sa buhay nya...nila. Mabait sya, busilak ang puso, kaya akala ko matatanggap nya rin yung pagka barumbado ko.

“Mauuna na ak—“

“Umupo ka Gus.”

“Ma, mauuna na po ako. Busog na ako.” pagpapatuloy nya.

“Umupo ka.” mariing utos ni auntie.

Tahimik naming pinagsaluhan ang pagkain. Ang dati’y masaya at puno ng kulitan, ngayon nagkalamat na. Sino ba ang may kasalanan, ako o sya?

“Kung may problema man kayo, pag-usapan nyo mamaya. Kumain na kayo.” utos ni auntie.

Pagkatapos kumain ay tinulungan ko si auntie sa paghuhugas habang si Gus naman ay umakyat na sa kwarto nya. Sa sala nila ako nagreview ng notes — notes na sana ay sabay naming inaaral ni Gus.

“Hunter, anak…pagpasensyahan mo na si Gustavo. Pagod lang siguro kaya napagtaasan ka ng boses.” tumabi sa akin si auntie.

“Ok lang auntie, ako naman ang may kasalanan eh. Wala akong karapatan na magalit, marunong na syang magdesisyon para sa sarili.”

“Nak, wag mong sabihin yan. Natural lang na magtampo ka, ramdam kong importante sa’yo ang anak ko.”

Hindi ko masagot si auntie. Nakatitig lang ako sa notes ko, pero hindi ko maintindihan ang nakasulat doon. Bakit ba ganito sila kabait sa akin?

“Alam mo, natutuwa ako dahil maliban sa akin, may ibang tao pang nag-aalala para kay Gus.” hinaplos nya ang ulo ko na nagpagaan ng pakiramdam ko.

Matagal ko ring hindi naramdaman ang haplos ng isang ina. Kamusta na kaya si mommy? Namimiss nya rin kaya ako…?

“Pero auntie, hindi ko dapat—“

“Sshh, wala kang mali. Simula nang dumating ka eh malaki ang ipinagbago ni Gus. Simula nang mawala ang Uncle Dado mo, malimit ko nang makita na nagagalit o malungkot yan.

“Iyakin sya, pero kahit nung ilibing ang tatay nya, kahit isang patak wala syang nailuha. Akala nya hindi ko pansin, pero pinipilit nyang magpakabait para hindi ako mag-alala.

“Hindi sya nagagalit, nagtatampo, o nagbibitiw ng masamang salita. Unang beses nyang magtaas ng boses kanina. At natutuwa ako.” paliwanag ni auntie.

“Auntie naman, para tuloy akong bad influence kung ganyang pagbabago ang ginawa ko sa anak mo.” natawa si auntie at pinalo-palo ang likod ko.

“Hindi ganun ang ibig kong sabihin, nak. Kasi nung nakilala ka nya, natuto na ulit syang mainis, magalit, maging makulit. Kaya salamat sa’yo. Sana’y ituring mo parin syang kaibigan kahit napagsalitaan ka nya ng masakit.”

“Auntie, wag po kayong mag-alala. Promise po, di ko sya iiwan. Kaya wag na kayong maluha dyan, baka pumangit kayo.” pagbibiro ko.

Niyakap ako ng mahigpit ni auntie habang paulit-ulit na nagpapasalamat. Masarap sa pakiramdam ang yakap ng isang ina. Muli akong nainggit kay Gus...

Pinili kong sa sala na lamang magpalipas ng gabi. Alam kong mainit pa ang ulo ni Gus kaya bibigyan ko sya ng space. Sana nga ay magkaayos pa kami.

Ngunit pagpatak ng alas dose...

Gus

“Nak, wala ka bang balak kausapin si Hunter?” pangatlong beses na tinanong ako ni mama.

“Ma, nag-aaral po ako.”

“Alam mo ba, hindi sya mapakali kanina. Parang sya pa yung nanay kesa sakin.” pagpapatuloy ni mama na parang hindi ako narinig.

Nasa sahig ako at nag-aaral habang nakasalampak naman si mama sa kama ko habang tinutupi ang mga damit na bagong laba.

“Di pa po ba umuwi yun?” nayayamot kong tanong.

“Halos magka-ulcer yung kaibigan mo sa sobrang pag-aalala.”

“Di ko kaibigan yun ma. Ikaw ang kaibigan nun.”

“Asus, nagseselos ba? Nakikita kong mahalaga ka kay Hunter, anak. Hindi mag-aalala yun ng sobra kung hindi ka importante.” patuloy na chika ng nanay ko.

“Binibilog ka lang nun mama, nagpapadala ka naman.”

“Anak, kahit ba kelan di mo tinuring na kaibigan yung poging mama sa ibaba?” usisa nya.

“Hindi ko nga kaibigan yun ma.” giit ko.

“Totoo ba? Masama bang isipin nya ang kapakanan mo? Naku, kung alam mo lang talaga, muntik nang tumawag yun sa pulis.”

“Ma...” ayoko nang marinig ang papuri nya kay Hunter.

“Gus, pagkatiwalaan mo sana si Hunter. Napakabuting bata nun, di nga lang halata. Pasalamat ka at mayroong mag-aalala sa’yo kahit mawala ako.”

“Ma, ano ka ba? Ikaw lang po ang kailangan ko. Wag ka ngang magsalita ng ganyan ma, parang iiwan mo’ko eh.”

“Gusto kong sumaya ka rin, kaya sana wag mong sayangin yung pagkakaibigan ninyo ni Hunter dahil sa konting hindi pagkakaunawaan.”

Hindi na ako sumagot dahil wala rin akong maisagot. Sa totoo lang ay nagi-guilty ako sa mga sinabi ko. Nasaktan ko sya, lalo na nang sabihin kong hindi ko sya tatay.

Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad, o kung may mukha pa ba akong ihaharap. Well, given na rin yun kasi ampangit ko. But still...

Masaya ako sa pagkakaibigan namin, pero hindi ko na rin mababawi yung mga salitang binitiwan ko. Sana lang ay maayos pa namin ito.

“Nak, matutulog na si mama. Sana ay magkaayos na kayo ni Hunter. Goodnight.”

niyakap ako at hinalikan ni mama sa ulo bago lumabas ng kwarto.

“Nak...di ka ba nakokonsensya na doon matutulog si Hunter sa sala?” pahabol nya.

“Ma, matulog ka na. Goodnight na po.” pag-iwas ko sa tanong nya.

Ngunit nang makalabas si mama ay hindi ako makapag-concentrate sa pag-aaral. Blurred ang mga letra at hindi ko maintindihan. Iisang mukha ang sumagi sa isip ko.

Umuwi ba sya? Galit pa ba sya sakin? Iniisip nya bang nakikipag-plastikan lang ako sa kanya? Malamang ganun nga.

Anumang uri ng pagconentrate ang gawin ko, bumabalik parin kay Hunter ang isip ko. Itiniklop ko na lamang ang notes at saka nahiga.

Subalit alas dose na ay hindi pari ako dalawin ng antok. Ang nakatiim-bagang na mukha ni Hunter ang gumugulo sa isipan ko.

“Argh! Makapagtimpla nga ng mainit na gatas!” inis kong bulong at bumaba na.

Madilim sa sala, pero nabanaag ko ang nakahigang katawan sa sofa. Hindi sya umuwi. Malamang ay pareho lang kami, naghihintay ng tyempo na magkausap. Lumapit ako at lumuhod.

“Boss...” mahina kong bulong.

“Gus?” naalimpungatan sya.

“W-wala, matulog ka na ulit.”

Bago pa man ako makaalis ay hinila nya ako sa mga bisig nya. Naramdaman ko na naman ang pamilyar na init ng katawan nya.

“Gus, I’m so sorry.” bulong nya.

“Hunter…”

“Sorry kasi nagpadala ako sa init ng ulo ko. Sorry kasi marami akong nasabing hindi tama. Sorry kasi nasaktan ko ang damdamin mo. I’m so sorry… forgive me?”

Mahigpit ang pagkakayakap sa akin ni Hunter. Ramdam ko ang pagtibok ng puso nya, mabilis. Tulad ko rin ba sya, kinakabahan sa sasabihin ng isa?

“Hunter…gusto ko ring humingi ng patawad. Pasensya kasi binalewala ko yung pag-aalala mo. Ni hindi ko man lang naisip kung ano ang pakiramdam mo… patawad.”

“Hindi Gus, ako yung may mali. Umasta akong parang gwardya — tatay — mo at dahil dun, naoffend kita. Ayoko lang kasi na...may iba kang kaibigan na hindi ko kilala.”

“Ayos lang… sorry din.”

“Gus…pwede bang friends parin tayo? Pwede bang best friend parin kita? Please?” nanginginig ba sya?

“Oo naman, kung ok lang sa’yo na ako yung best friend mo.”

“Ano ka ba? Syempre ok na ok… best friends tayo eh.” natawa sya ng mahina.

“Peace?” sinamahan ko pa ng peace sign.

“Peace be with you.” nakangiti na sya.

Bigla akong may naisip. Katatapos lang ng ulan pero maaaring lumabas sila, at gusto kong ipakita kay Hunter iyon. Hinila ko sya patayo at dali-dali kaming umakyat sa kwarto.

“Teka sandali, san ba tayo?” tanong nya habang buhat-buhat ang comforter.

“Basta, dalhin mo lang yan.”

Hinila ko sya palabas sa balkonahe ng kwarto ko. Sa pader ay may hagdan na nagsisilbing gapangan ng morning glory.

Maingat kong hinawi ang ilang baging at inakyat iyon. Pagkarating sa taas ay inabot ko ang comforter at binalaan si Hunter na mag-ingat sa pag-akyat dahil madulas.

Nang makaakyat si Hunter ay nakahiga na ako sa comforter na inilatag ko sa bubong. Tumabi sya sa akin at sabay kaming tumingala.

Nakasabog ang libo-libong bituin sa kalawakan. Kung hindi lang dahil sa liwanag ng ilaw mula sa mga bahay, mas marami pa kaming makikitang bituin.

“Nagustuhan mo po ba boss?”

“Gus, ang ganda dito…” namamangha nyang pahayag.

“Salamat naman.” nagalak ako.

Kinwento ko sa kanya kung papano ako gabi-gabing umakyat dito noong bata pa ako. Minsan hindi ko namamalayang nahimbing na ako, kaya paggising ko ay umaga na at sinisipon na ako.

“Hindi man lang nalaman nila auntie?” natatawang tanong ni Hunter.

“Hindi, kaya naging palaisipan para sa kanila kung bakit ako nagkakasakit. Napa albularyo nga nila ako noon, baka daw naengkanto ako.” natatawa kong tugon.

“Naengkanto? Eh ikaw nga yung engkanto eh— aray! Joke lang ano ba… chill!” kinurot ko kasi sya sa tagiliran.

“Namimikon ka na naman eh.”

“Haha, sarap mo pikunin eh. But y’know what? Ang hilig ko ring mag stargazing nung bata pa ako.”

At isinalaysay nya kung bakit natigil ang hobby na iyon. Noon daw, sa probinsya pa sila nakatira dahil doon daw ang trabaho ng parents nya.

Pero simula nang maghiwalay ang landas ng mommy at daddy nya, lumipat sila sa city at doon nga nanirahan sa condo.

“It’s hard to see the stars kapag puro high-rise buildings ang nasa paligid mo. That’s why I’m glad kasi nakakita ako ulit ng mga bituin ngayon.”

“Kokonti pa nga lang ‘to boss. Pero kung gusto mo eh umakyat tayo dito kapag di umuulan. Mag stargazing tayo.” nanlaki ang mata nya sa alok ko.

“Til dawn?”

“Umm, pupwede basta walang pasok kinaumagahan.” sang-ayon ko.

“That’s a promise ha! Bawal ang bawian.” at pinag pinky swear nya kami na parang mga kindergarten.

“Matanong ko lang...kelan ba birthday mo boss?” pag-iiba ko ng usapan.

“Next week.”

“Ha? Sa susunod na linggo din yung sakin eh! Kelan yung sa’yo boss? Dali, baka ako ang kuya satin!” kung ako ang mas matanda, edi mas superior ako!

“You first.”

“Andaya mo naman boss. Ako unang nagtanong eh.”

“Edi bahala ka.”

“Andaya mo talaga! Hmph, November 2 sa akin.” pagyayabang ko.

“Are you shitting me? All Souls Day? Seriously?!” bigla syang humalakhak.

“Grabe ka Hunter ah. Proud ako sa araw ng kapanganakan ko.”

“Hahaha! Now I know, maysa lahi ka ngang maligno!” at humagalpak na naman sya.

“Shhh! Makakaistorbo ka ng kapitbahay nyan eh. O ano, kelan na birthday mo?” sita ko sa kanya.

“November 1, All Saints Day…” at ako naman ang humagalpak ng tawa.

“Mas malala pala yang sa’yo! Araw nga ng mga santo yung kaarawan mo, pero bakit ikaw ugaling demonyo?”

“What the—? Hoy wag ka, mabait ako sabi ng mama mo!” depensa nya.

“Asus, binobola ka lang ng matanda, lumapad naman kaagad yang atay mo.”

“Ah basta! Yun sabi nya eh, kaya sa kanya ako maniniwala.” at nagsungit sya na para ngang kinder.

“Nagsama yung mga uto-uto.”

Bigla na lang akong kiniliti ni Hunter na parang gigil na gigil sya. Hindi ako makailag; hagikhik lang ako ng hagikhik. Kung hindi pa kami sinita ng kapitbahay, siguradong hindi titigil si Hunter.

“A-araaay boss, tama na. Masakit na tagiliran ko, di na ako makahinga.” natatawa ako at hingal na hingal.

“You should laugh more. Ang gandang pakinggan ng tawa mo eh.” bulong nya habang nakayakap na naman sakin.

“Maganda? Ordinaryong tawa lang to ah.”

“Hindi ah, yung tawa mo kasi parang tawa ng sigbin.” hinampas ko sya sa likod.

Hinigpitan nya ang pagkakayapos. Malamig ang simoy ng hangin, basa rin ang bubong, pero bakit ang init na nagmumula sa kanya ang nagpapanginig sa katawan ko?

“Boss, ambigat mo naman po. Alis na.” pagkukunwari ko. Ayaw kong maramdaman nya ang bilis ng puso ko.

“Ayaw…”

“Hunter maawa ka naman. Baka mapitpit ako.” sinubukan ko syang itulak.

“Sshhh, inaantok na ako.”

“Wag kang matulog dito! Ano ka ba, bumaba na nga tayo. May exam tayo, bawal magkasakit!” kinurot ko sya paulit-ulit hanggang bumangon sya.

“Panira ka. Tsk, tara na nga.”

Hunter

Ang lupit ng tadhana! Akalain mo, magkasunod lang kami ng birthday ng impaktong ‘to? At anong sinasabi nya na ugaling demonyo ako?

Nakakagigil! Ah, pero salamat naman at bati na kami. Akala ko aabutin ng ilang araw na hindi kami magkakausap eh. Mabuti na lang at mabait talaga sya.

Teka, ano kayang magandang iregalo para sa kanya? Hindi ako pwedeng magtanong, alam ko kasing tatanggi sya kapag binilhan ko sya ng mamahalin.

Sa ilang buwan na magkasama kami, nalaman kong hindi materialistic si Gus. He’s contented sa kung ano ang meron sya, hindi lumulustay, at gagastos lang kung talagang kailangan nya.

What if magplan kami ni auntie ng surprise party para sa kanya? Yung simple lang, invited ang pamilya nya at pati yung bago nyang friend (kikilatisin ko ang lintik!).

Is it weird kung magbibigay ako ng bouquet para sa kanya? Parang awkward eh, pero sabi nga nila, kahit sinong makakatanggap ng magandang bulaklak, lalaki man o babae, ay matutuwa.

“Boss, alarm ako 3am ha. Di ko nareview ng maayos notes ko eh.” paalam nya bago pinatay ang ilaw.

“Ikaw rin?”

“Po?”

“Nah, nothing.. matulog na tayo. Goodnight.”

Kinabukasan ay mejo mugto ang mata namin. Nagcram kami ni Gus, pero mabilis ang pasok ng data sa utak namin. Ganun ba talaga kapag early morning mag-aral?

Mag-aalas tres na nang magtapos ang huling exam namin. Tutal byernes naman, niyaya ko si Gus na magmiryenda kami sa labas.

“Baka kasi dun mo ako dalhin sa ‘di ko afford. Wag na lang boss.”

“Libre kita, ano ka ba?” pang-uudyok ko.

“Magpaluto na lang kaya tayo ng pansit kay mama? Sayang yung pera eh.”

“As much as I love auntie’s cooking, ayokong pagurin sya. Saka treating yourself once in a while isn’t bad. C’mon, job well done tayo kasi nag-aral tayo ng mabuti.”

Marami pa syang idinahilan pero wala rin syang nagawa nang kaladkarin ko sya papuntang sasakyan. Tinawagan ko si auntie habang nagda-drive ako.

Habang nag-uusap kami ni auntie ay nakabusangot lang sya. Ngunit nang makarating kami sa aming destinasyon ay para syang bata na first time pumasok sa candy store.

“Ang ganda naman dito!”

“Well, duh. This is The Gardens. Ito yung lugar kung saan ako madalas mag hangout noon kasama ang mga kaibigan ko.”

Napadaan kami sa isang courtyard na puno ng magagandang bulaklak at halaman. All the while, nanlalaki ang mga mata ni Gus.

Doon na kami sa Krispy Kreme nagmiryenda. Namutla si Gus at parang hihimatayin nang makita ang presyo ng chillers na inorder namin.

“B-boss, ang mahal p-po. Tubig na lang ako…” bulong nya habang nagbabayad ako sa cashier.

“Miss, I’d like a takeout of mixed double dozen please. Gus, pili ka na dun kung anong gusto mong doughnuts.”

“B-boss!”

Nagbingi-bingihan lang ako sa mga hinaing ni Gus. Unang beses ko syang lilibrehin tapos tubig lang ipapainom ko sa kanya? Isa akong Hunter Pineda, please lang!

“Andami mo namang tinakeout boss. May party ba sa inyo?” usisa pa nya nang makaupo na kami.

“Timang, para dessert natin mamaya ‘to. Dun ulit ako kakain sa inyo, wag ka nang umangal. Saka boring mag-isa sa condo eh.”

Pagkatapos nun ay naglibot-libot kami ni Gus. Sumubok din syang maglaro sa arcades (magaling ang loko sa basketball). Napalinga-linga naman ako hanggang sa may makita akong store.

Tama! Yun ang ireregalo ko sa kanya!

Ngingisi-ngisi pa ako nang may mamataan akong pamilyar na babae. Lima silang babae na magkakasama, pero obvious na sya naman ang hinahabol ng mga lalaki doon.

“Uy boss, si Charm po yun diba. Yung ex mo?” siniko ako ni Gus.

“Yeah, so?”

“So? Nagseselos ka boss noh, kasi maraming umaaligid sa kanya?” pang-uusisa nya.

“Are you kidding? Hindi ah, sanay na ako jan. Pero makikita mo, magsisisi lang yang mga nakasunod sa kanya. Wala silang pag-asa kay Charm.” gusto kong matawa.

“Uy, siguradong-sigurado ah. Pero boss, wag kang magtataka kung makikita mo yung ex mo na maraming manliligaw.”

“Timang! Di ako nagtataka ano. Bakit ba?”

“Ganyan talaga boss basta basura — nilalangaw.”

Nasamid ako sa sarili kong laway. Hindi ko mapigilan ang humagalpak sa tawa. Masakit na masakit ang tyan ko. Kelan pa natuto si Gus ng ganyan?

“Hahaha! Ahh, shit, you made my day!” tawa parin ako ng tawa.

“Ok ba boss?”

“Ok na ok.” inakbayan ko sya saka niyayang umuwi na.

Nang gabing iyon, hinintay ko munang makatulog si Gus saka pumunta sa kwarto ni auntie. Pinagplanuhan namin ang gagawing birthday party para kay Gus.

Kinaumagahan ay binili ko agad ang ireregalo ko. Nagplace na rin ako ng order para sa bouquet doon sa flowershop sa kanto malapit kina Gus. Ngunit nakatanggap ako ng masamang balita.

“Nak, pwede bang November 1 na lang tayo magcelebrate? Kasi uuwi kami ni Gus sa probinsa sa 2 eh, kaya kung ok lang sa’yo eh sa 1 ng gabi na lang.” pabulong ang pagtawag ni auntie sakin.

“Ganun ba auntie? E-eh, s-sige po. Basta po wag nyong sabihin kay Gus yung plano ha? Saka auntie, sabihan mong imbitahin yung bago nyang friend para makilala mo.”

“Ha?”

“Sige na auntie para makilatis natin. Baka mamaya eh masamang tao yun.” pang-uudyok ko sa kanya.

Truth be told, ako talaga itong gustong makilala ang hinayupak na iyon. Hindi ako mapalagay dahil nasi-sense kong may masama syang balak kay Gus.

Dumating ang November 1. Matapos mag-Skype with mom ay nag-ayos na ako. Nag-ahit, nagpabango, nagpa-pogi. I will crush that little friend of his in all aspect.

Ipapakita ko sa kanya na hindi nya kayang pantayan ang isang Hunter Pineda. Hindi ko ugaling magpatalo, lalo na at si Gus ang pinag-uusapan dito — este, friendship with Gus pala.

“Ay ser, ang laki naman ng bayad nyo!” bulalas ng tindera.

“Tip yan miss, sobrang ganda nitong bouquet eh.”

“Para po ba sa girlfriend nyo ser?” usisa nya.

“Parang ganun na nga, birthday nya eh.”

Nakangisi pa ako palabas ng flower shop na iyon. Magaling talaga ang kamay at sense of beauty ng flower arranger nila. Tinahak ko ang daan patungo sa kanila.

Nang bumukas ang pintuan ay hindi ko aakalaing ako ang masosorpresa. Nasa kamay ni Gus ang cake na may nakasinding kandila at todo-ngiti sila ni auntie.

“Happy birthday to you… happy birthday to you… happy birthday, happy birthday… happy birthday Hunter! Make a wish!” udyok nilang dalawa.

Napapikit ako ng mariin at hindi ko mapigilan ang pagsibol ng ngiti habang nagwiwish. Hinipan ko ang kandila.

Dati rati, puro ng inumin at pagpa-party ang ginagawa ko just to fool myself na may makakasama ako kapag birthday ko. At hindi ako masaya.

Iba ang impact impact nitong iilan lang kayo pero may birthday song, simpleng cake, at blowing the candle. Naisip ko kung gaano ako kaswerte dahil nakilala ko si Gus.

Pinasalamatan ko si auntie. Nauna na si Gus sa kusina para mailapag ang cake. Siniko naman ako ni auntie dahil oras na para maisagawa ang plano.

Dali-dali akong nagpunta sa likod ni Gus at tinakpan ang mga mata nya. Inalis ko lamang iyon nang makapasok na ang mga bisita nila.

“Happy birthday to you… happy birthday to you… happy birthday, happy birthday… happy birthday to you!” sabay-sabay naming kanta.

“Ma?” nagtataka nyang tanong.

“Happy birthday anak! Double celebration tayo sa birthday nyo ni Hunter.”

“Gus, happy birthday...” nilapitan ko sya at iniabot ang regalo at bouquet.

“Hunter, d-di ko matatanggap ito. Ang mahal nito ah!” cellphone ang binigay ko sa kanya.

“Gus, keep it. Magagalit ako kapag ‘di mo tinanggap yan. Besides, may magagamit ka nang pantext kay auntie at sakin.”

“P-pero...uhm, salamat nang marami. Teka, san mo nabili ang bouquet na ‘to?”

“Nagustuhan mo ba? Ang ganda no? Dun ko pinagawa sa shop dun sa may kanto.” pagmamalaki ko.

Nagkatinginan ang mag-ina saka sabay na nagtawanan.

“Hunter, anak…si Gus ang may gawa ng bouquet na yan!”

Ipinaliwanag nila sakin na pag-aari nila ang flower shop na iyon. Nang hindi ako maniwala, dinala ako ni Gus sa likod-bahay nila.

Doon ko lang nakita ang garden na pinagkukunan nila ng bulaklak, at bagamat madilim, alam kong magaganda at malalago lahat ng halaman doon.

“All this time, I never knew!”

“Akalain mo, gagawan ko pala ng bouquet ang sarili ko. Pero salamat boss…” malaki ang ngiti sa mukha ni Gus.

“Aba’y tara na at kumain. Nagustuhan nyo ba ang sorpresa ko sa inyo?” si auntie naman ang malaki ang ngisi.

“Opo!” sabay naming tugon ni Gus.

Habang kumakain ay nakipagkwentuhan ako sa kamag-anak ni Gus. Tiyahin pala nya yung tindera sa shop na nakausap ko kanina. Ang cool nya, kwela at palakwento kaya hindi ako nao-OP.

“Ay ma, dumating na pala yung kaibigan ko. Sandali, papapasukin ko lang dito.” paalam ni Gus.

Pero dahil hindi ako makatiis, sinundan ko sya. Pinagbuksan nya ng pinto ang isang lalaki. Matangkad sya, pero mas matangkad ako. Wavy ang buhok, maputi, may kamukhang artista.

Aaminin ko, nabagabag ako. May hitsura ang lalaking iyon, may dugong banyaga. Saka mukhang may kaya rin sa buhay. Pero mas lamang ako ng limang paligo!

And...is he gay? Iba ang tingin nya kay Gus. Parang…parang interesado?

“Ah! Eto nga pala yung sinasabi kong sinamahan ko sa ospital nung isang araw.” nakangiti pa si Gus.

Parang pinipilipit ang sikmura ko. Hindi ko gusto yung porma nya, hindi ko gusto yung tindig nya, at lalong hindi ko gusto yung masyado syang dikit kay Gus!

“Oh, hello. Kamusta ka?” nakipag-handshake sa akin si kuya guy.

Gusto kong durugin ang kamay ng lalaking iyon. Tangina, wag ka ngang nagdidikit sa bestfriend ko!

“I’m good. Kelan mo pa nakilala si Gus? I’m Hunter, by the way…” pang-uusisa ko kaagad.

Tinitigan nya ako ng mariin. Hindi lang iilang beses nya akong sinuri mula ulo hanggang paa. Nakaramdam ako ng kaba.

“Mav?” manghang tanong ng lalaki.

Parang may pumitik sa kaloob-looban ko. Not even my mom calls me that — it’s from dad’s nickname kasi. Iisang tao lang ang kilala kong tumatawag sa akin ng ‘Mav’.

Ang taong kailanman ay inakala kong hindi ko na makikita pa ulit simula nang maghiwalay ang pamilya namin...

“O, alam mo pala ang pangalan ni Hunter? Magkaibigan ba kayo?” inosenteng tanong ni Gus.

“Hindi lang kilala — kilalang-kilala.” sagot ng foreigner na yun.

“Gus, his name is Brixter Mac Pineda. He’s my kuya...”

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Meet My Middle Finger (Part 6)
Meet My Middle Finger (Part 6)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjCbt29jhTOtCVwVehyphenhyphen3I3OD4QHZ6e7NH6_IYsoEtVeuSPRrO46DBGAvSCBjBuEKeKz5guuj3x8G5I-WAyHgzcqocKhPCxqzpK1l3ejL4ib7yUEP65Niu2T-bjYmfxyFv3sY1K65-3enzC2/s1600/Meet+My+Middle+Finger.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjCbt29jhTOtCVwVehyphenhyphen3I3OD4QHZ6e7NH6_IYsoEtVeuSPRrO46DBGAvSCBjBuEKeKz5guuj3x8G5I-WAyHgzcqocKhPCxqzpK1l3ejL4ib7yUEP65Niu2T-bjYmfxyFv3sY1K65-3enzC2/s72-c/Meet+My+Middle+Finger.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/10/meet-my-middle-finger-part-6.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/10/meet-my-middle-finger-part-6.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content