$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Wakey Beki (Part 1)

Ang kwentong inyong matutunghayan ay kathang isip lamang. Anumang insidente na nailahad dito na may pagkakahawig sa mga tunay na pangyayari ay nagkataon lamang.

By: Rhetoric Vanity

Ang kwentong inyong matutunghayan ay kathang isip lamang. Anumang insidente na nailahad dito na may pagkakahawig sa mga tunay na pangyayari ay nagkataon lamang. Batid ng manunulat ang lahat ng detalye na hinango niya sa mga blog ng mga PLHIV (people living with HIV). Nais ng may-akda na mamulat ang mga mambabasa sa risks na naidudulot nito.

"Wakey wakey!" ang excited na pagbati ni Gabby sa kanyang partner na si Raffy.

"Raffy, bumangon ka na, 5 a.m. na at iinom ka pa ng mga gamot mo."

"Morning!" malambing na pagsagot ni Raffy kay Gabby, sabay banayad na nagdampi ang kanilang mga labi. "Gab, pacheck naman oh kung ilan na lang ang mga capsules diyan sa medicine dispenser ko. Parang malapit na yatang maubos sina ten-ten at din-din (tenofovir, lamivudine). Di pa ko nakakapagfile ng VL para makabalik sa Makati Med."

"Huwag kang mag-alala kahit di ma-approve ang VL mo. Ako na ang kukuha ng gamot mo dun. Pero, tawagan ko muna si Nurce Nancy para siguradong may stock na sila. Mahirap na, nung nakaraang buwan naubusan na pala sila ng gamot. Buti nakakuha tayo sa ibang treatment hub," paniguradong sagot ni Gabby.

Ang PLHIV ay may iniinom na gamot na kung tawagin ay ARV (antiretroviral drugs). Bagamat wala pang lunas ang HIV infection (Human Immunodeficiency Virus) na maaaring matuloy sa AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome), malaki pa rin ang naitutulong ng mga ARV na gamot sapagkat pinipigilan nito ang pagdami ng virus sa katawan. Nagbibigay ito ng pag-asa sa mga may ganitong kondisyon na mamuhay pa nang mas matagal hanggang patuloy ang pag-inom nila nito araw-araw, sa itinakdang oras ng kanilang routine.

"Raf, matulog ka na lang ulit kung sakaling mahilo ka pagkainom mo ng gamot. Tama ba, EMEA ang pasok mo (Europe Middle East Africa na shift, pang-tanghali o pang-hapon karaniwan)?"

"Gabby, panggabi pa naman ako. Kaya okay lang naman. Kung di ako magising ng hapon sa alarm ng phone ko, pagising na lang ako. Marami pa kaming gagawing tasks sa opisina," paalala ni Raffy kay Gab.

---

27 years old na si Gabby at 28 years old naman si Raffy. Nagtatrabaho bilang software support analyst si Gabby samantalang senior software developer na si Raffy. Magkaiba sila ng pinapasukang kumpanya pero parehas na nasa Ayala, Makati lang ang mga opisina nila. Kapag wala silang gaanong ginagawa, palagi silang nagkikita sa Ayala triangle para sabay maglunch at magkumustahan.

Tatlong buwan na ang nakararaan nang malaman ni Raffy ang kanyang kondisyon.

---

"Wakey wakey!" at niyuyugyog ni Gabby ang tulog mantikang si Raffy.

"Gab, gusto kong mag-SL. Nanghihina ang buong katawan ko."

Galing lang ng Obar kinagabihan ang magkasintahan. Nagtataka bigla si Gabby nang bigla na lang nanghina itong si Raffy.

"Sige, pero sasamahan na kitang magpa-check-up."

"Gab, di ko talaga kaya, di ako makatayo. Parang tinatrangkaso ako"

"Raf, relax ka lang. Ganito, kukuha lang ako ng basang bimpo para mapunasan man lang kita. Ikukuha na rin kita ng masusuot. Yung light purple mong long sleeve, okay na ba yun sayo?"

"Ayokong mag-longsleeve. Ang init ng pakiramdam ko. Pahanap na lang nung sky blue na poloshirt."

"Okay lang kahit ano isuot mo. Maputi ka naman lahat ng kulay bagay sayo. Saglit lang, kunin ko lang yung poloshirt. Di ba yun ang pinick-up natin sa laundry nung isang araw?"

Dali-daling naghalungkat sa aparador si Gabby. Nang makita niya ang La Coste na light blue, inamoy niya muna yun para makasigurong malinis. Amoy bagong laba nga - amoy Downy. Kinuha na rin ni Gabby ang Cool Water na paboritong pabango ni Raffy. One bedroom unit ang condo na nakuha nila sa Megaworld kaya madali lang kumilos dahil di naman kalakihan. Ilang hakbang pa'y nagtungo na siya sa banyo para kumuha ng bimpo, at ng tabong nilagyan pa niya ng maligamgam na tubig galing sa gripong may heater.

Pumunta si Gabby sa ulunan ni Raffy. Hinawakan niya ang magkabilang kili-kili nito para iangat. Naupo siya sa likuran ni Raffy at sinandal niya ang ulo ni Raffy sa kanyang dibdib upang alalayan. Hinubad niya ang pajama ni Raffy at napabalikwas siya dahil tadtad ng rashes ang likod ni Raffy.

"Raf, nagka-chicken-pox o measles ka na ba dati? Dami mong rashes. Buti ako nagkaroon na ko nung bata pa ako. Dalian na natin para makapagpatingin ka na sa duktor."

"Di ko na matandaan, basta tang ina nakakapanghina na 'to. May nakain ba tayong panis kagabi?"

"Matagal na nga tayong di nagkakainan kaya baka mapanis na yung akin," malisyosong sagot ni Gabby, "Pero wala eh, kung ikaw nagkaganyan, bakit ako wala naman akong nararamdaman?" dugtong pa niya.

Pinunasan na ng bimpo ni Gabby si Raffy at sinuot ang blue na poloshirt. Kumuha na rin siya ng bagong brief, maong, at medyas para mai-match sa porma ni Raffy. Oo, gusto ni Gabby na kahit may sakit si Raffy na guwapo pa rin siya, mabango, at yummy.

"Ikaw talaga, ang libog mo!" bulalas ni Gabby matapos hilahin ang boxer short ni Raffy. Akmang kahit may sakit, may morning wood pa rin ang mokong. Mahinang napahalakhak na lang si Raffy habang sinusuot na ni Gabby ang brief, sumunod ang medyas, at ang maong.

Di na naubos nila Gabby at Raffy ang oatmeal kaya't nagkape na lang sila at nagtungo sa elevator. Nang nasa parking na sila, sinabihan ni Gabby na mag-antay lang si Raffy dahil siya na ang pupunta sa kotse nila (pareho nilang pagmamay-ari pero nakapangalan kay Raffy). Mabilis namang binalikan ni Gabby si Raffy dala ang sasakyan.

Mabuti 30 minutes lang nakarating na sila sa Makati Med. Maganda ang coverage ng healthcard ni Raffy. Swerte kaunti lang ang tao kaya nakapasok na agad sila sa cubicle ni Dra. Dytangco. Ipinakita ni Gabby kay duktora ang rashes ni Raffy. Agad-agad na pina-CBC (complete blood count) ni duktora si Raffy.

Habang nag-iintay sa resulta, nag-alok si Gabby na ibili ng pananghalian si Raffy.

"May nadaanan tayong Burger King kanina, napansin mo? O gusto mo ibili na lang kita ng pastry saka kape sa Seattle's?" magiliw na pag-aalok ni Gabby.

"Yung pastry na lang sa Seattle's, yung di sobrang bigat sa tiyan, saka Americano?"

"Aba! Kala ko mas trip mo mga Asian?"

"Tigok! Americano na kape, di lalaki. Pangontra-antok. Please na gutom na rin ako. Kaya ibili mo na ako ng pagkain. Eto credit card ko oh..."

"Sagot ko na 'to, Raffy. Hintayin mo lang ako diyan. Mabuti mag-email ka na sa BlackBerry mo na di ka makakapasok mamaya sa shift mo. Hihintayin pa kamo yung medical certificate na i-i-issue ni duktora kung ilang araw kang di makakapasok."

Kinahapunan, lumabas na ang resulta ng CBC. Normal naman lahat: Hemoglobin. RBC, WBC, pati platelet count. Gawa nga ng taga Infectious Diseases si Dra. Dytangco, naguluhan siya dahil alam niyang di measles o chicken pox ang sakit ni Raffy, nang bigla niyang maalala...

"Nasubukan mo bang mag-undergo ng HIV testing?" mahinahong tanong ni duktora.

"Dok, nagpatest po kaming dalawa three months ago, at non-reactive naman yung resulta," sagot ni Gabby. Hinang-hina pa rin si Raffy.

"Magpatest kayo ulit, lalo ka na Raffy. Libre yun. Baba lang kayo sa first floor, sa CTTM."

CTTM - Center for Tropical and Travel Medicine.

At dun na nagsimula ang pagbabago sa buhay nila Gabby at Raffy. Sa araw ring yun, lumabas na 'reactive' si Raffy sa mga HIV antibodies. Di na sinama pa ni duktora ang naging findings at in-issue na lang niya sa med cert na limang araw na di makakapag-report si Raffy sa trabaho gawa ng trangkaso.

Punung-puno ng pangamba si Gabby bago makuha ang sarili niyang resulta. Non-reactive. Isinantabi na lang muna niya ang mga tanong niya kay Raffy kung paano niya nakuha yun. Nilakasan niya ang loob niya at humingi ng payo kay duktora kung ano ang susunod nilang gagawin.

Lumipas ang mga araw at naging busy ang dalawa. Di na gaanong nanghihina si Raffy at kaya niyang kumilos. Nakatulong rin ang mga gamot na nireseta ni duktora. Bumalik sila sa CTTM sa Makati Med para sa resulta ng confirmatory testing. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Gabby nang malaman nila na HIV positive nga si Raffy. Di napigilan ni Gabby na pumatak ang luha niya at niyakap niya nang mahigpit si Raffy habang nakasandal ang ulo niya sa balikat nito.

Pumikit at napaluha na lang rin si Raffy habang dahan-dahang hinimas ang likod ni Gabby, na para bang nagsasabing "maging matatag tayo, malalampasan natin 'to." Di na nila pinatagal at inasikaso na rin nila ang mga lab test results na kailangan nila. Napagtanto ni Raffy na below 300 ang CD4 count niya. 290. Sa ganitong lagay, iminungkahi ng duktora na kailangan na ni Raffy ng ARV therapy. Kadalasan triplet ang kombinasyon ng mga gamot na ibinibigay. Swerte lang ni Raffy dahil nung mga panahong iyon, may dalawang gamot na pinagsama na sa isang capsule : tenofovir at lamivudine. Hiwalay na capsule ang efavirenz. Mabuting 290 ang CD4 niya dahil kapag bumaba pa ito sa 200, indikasyon na ito ng AIDS.

---

"Gabby? Gabby? HOY!" sabay tampal nang mahina sa pisngi ni Gabby.

"Aray! Baket?"

"Ang layo ng tingin mo, ano iniisip mo?"

Inaalala lang ni Gabby na tatlong buwan na pala mula nang malaman nila na HIV positive si Raffy. Pero di pa rin siya makapaniwalang may ganitong kondisyon ang pinakamamahal niya. Tulad ng nakagawian, nagpasya silang sabay na mananghalian sa Ayala Triangle. Dun sila tumambay sa Coffee Bean and Tea Leaf. Ala-una na rin nung nagtagpo sila dun at di na matao.

"Wala. Natutulala lang ako sayo kasi parang lalo kang gumwapo. Nakatulong din yung pag-gi-gym mo sa Anytime Fitness. Mas nakaka-in-love ka na ngayon," pabirong sagot ni Gabby.

Di naging hadlang ang kondisyon ni Raffy para mamuhay siya ng normal. Kaagapay niya si Gabby sa mga unang masalimuot na buwan ng mga check up, lab test, pag-asikaso ng papeles, Phil Health, kasabay pa ng kanilang nakaka-stress na trabaho.

Dahil nagkaroon ng allergic reaction si Raffy sa naunang niresetang ARV (lamivudine), nagpasya ang duktora nila na palitan ito ng zidovudine matapos ang isang buwan na obserbasyon. Naging tatlo na tuloy yung capsules na iniinom niya kada alas-singko ng umaga. Dahil nasanay na sila, 'din-din' pa rin ang palayaw nila kay zidovudine (na dating lamivudine). Yun nga lang, split na sila 'din-din' at 'ten-ten' (tenofovir) na dating nasa iisang capsule lang.

Sa awa ng Diyos, naging hiyang naman siya sa bagong gamot. Bumuti ang kalusugan niya at nung nanumbalik ang lakas niya, nagpasya siyang magpa-member sa bagong bukas lang na Anytime Fitness na gym na limang minuto lang ang layo sa opisina nila.

Ganun na lang din ang panghihinayang ni Gabby. Sobrang daming nabago sa pagsasama nilang dalawa ni Raffy dahil marami nang mga bagay ang di nila basta-basta magagawa. Kaya't nung mga oras na yun, muling binalikan ni Gabby ang matatamis nilang ala-ala, ang una nilang pagtatagpo...

---

5'9" si Raffy. Tisoy (Spanish blood). Mapungay ang deep-set na mga mata. Matangos ang ilong. Mapula ang mga labi. Walang ka-pimple-pimple ang pisngi. Balingkinitan pero malaman. Broad ang shoulders. Model built. Lalaking-lalaki pero walang kayabangan o machismo sa katawan. Sobrang tahimik kaya binansagan siyang 'Mr. Mysterious.' Nakakailang pa dahil third year college student ng Management Information Systems sa "Arrheneo" (Ateneo) sa may Katipunan. Di lang panty ang malalaglag kapag nakita mo itong artistahing geek na ito. Kahit na sobra niyang aloof at may sariling mundo, marami pa rin ang nagkakagusto.

5'7" si Gabby. Tsinito pero moreno. Tama lang ang tangos ng ilong. Mapula rin ang labi. Di siya sing-kinis ni Raffy pero mukhang malinis pa rin naman at saka ma-appeal. Cute, ika nga. Di man sobrang tangkad, pero mas malaki ang kaha ni Gabby. Malapad ang dibdib / pecs. Malaki ang braso. Matambok ang puwet. Walang abs pero di naman malaki ang tyan. Third year college student din siya sa kapitbahay na university, sa UP Diliman. Computer Science ang course niya at college scholar pa. Sa mga babae at beki na di trip ang mga Caucasian looking na tisoy, kay Gabby naman sila nagkakagusto.

Nagkakilala sina Raffy at Gabby nung internship nila sa isang Filipino-owned mobile software development company sa Ortigas, sa may Tektite ('tek-tayt' mga ungas! di 'tek-ti-te').

Don't stray

Don't ever go away

I should be much too smart for this

You know it gets the better of me

Sometimes

When you and I collide

I fall into an ocean of you

Pull me out in time

Don't let me drown

Let me down

I say its all because of you

And here I go

Losing my control

I'm practising your name

So I can say it to your face

It doesn't seem right

To look you in the eye

And let all the things you mean to me

Come tumbling out my mouth indeed its time

Tell you why

I say its infinitely true

Excerpt of the lyrics from Bic Runga's 'Sway'

Kuntento na si Gabby sa mga kasama niyang kaibigang kapwa niya Isko at Iska. Di sila nag-iiwanan. Lagi silang sabay pumasok sa opisina sa OJT, sabay mag-lunch, sabay ring umuwi. Pero wala namang masamang makihalubilo sa mga grupo ng ibang school, di ba? Di naman ganun kalaki ang kumpanya kung saan intern sila, kaya anu ba naman ang mawawala kung maki-mingle sila sa iba?

Si Gabby, Eunice, at Jenica ang mga taga-UP Diliman. Puro Com Sci.

Si Raffy, Greg, Paulo, Rachel, at May ang mga Atenista. Com Sci si Greg. MIS si Raffy. MEco (Management Economics) sina Paulo, Rachel, at May.

At yung mga Lasalista? Sina Ryan, Kim, Denise, at si Patrick. Lahat Com Sci maliban kay Patrick na Computer Engineering naman.

Si Paulo ang unang nagbuklod sa tatlong magkaka-ibang grupo na galing sa iba't ibang unibersidad. Nagsend siya ng invite para gumawa ng Yahoo Group para sa lahat ng interns.

Mula noon, nagkapalagayan na ng loob ang mga interns at sabay-sabay na silang nagla-lunch. Inadd pa nga nila sa Facebook ang isa't isa.

"Gabby, Eunice, Jenica, lunch daw sa fourth floor mamaya. Nagyayaya sina Pau saka si Raych," paalala ni Greg.

"Saan ba daw kakain? Ilan tayong lahat?" tanong ni Eunice.

Nag-aalala si Gabby kasi di pa nila nakukuha ang allowance nila sa internship at di naman malaki yung baon niyang pera. 100 lang para sa pagkain tapos yung iba pamasahe niya. Sabihin nating may 20% na student discount, pero kakarampot lang talaga ang pera niya. Ganun din ang sitwasyon nila Eunice at Jenica.

"Libre na daw ni Sir Carlo, para mag-lunch-out naman tayong lahat na intern kasama ng mga bisor natin, hehehe," sabi ni Paulo, kakarating lang sa opisina.

Kaya nung tanghalian na, nagtipun-tipon sa elevator ang intern-mates. Kaunting kwento ng kung anong task na yung sisimulan sa mga mini-project na pinapagawa sa kanila. Nung nasa floor na nila ang elevator, nauna nang pumasok ang grupo nila Ryan, sumunod ang mga supervisor nila, tapos yung grupo naman nila Paulo.

"Teka, may nakalimutan ako, balik lang ako sa desk ko," sabi ni Paulo. Kaya nagkaroon na ng space para sa grupo nila Gabby. Nagsiksikan na sila sa elevator para sabay-sabay na silang makababa sa fourth floor, sa kung saan man sila magla-lunch.

Ito na yata ang pinaka-awkward na moment para kay Gabby. Sa puntong yun kasi, lahat na ng nasa grupo nila nakausap na niya maliban kay Mr. Mysterious. Akalain ba naman niyang masisiksik pa siya kay Raffy? Nahihirapan siyang huminga. Kinakabahan. Alam naman niya na may hitsura talaga itong si Raffy, artistahin nga eh, kaso di lang sumagi sa isip niya na maging interesado siya sa tao gawa ng mas focus siya sa OJT at pre-occupied din sa budget niya.

Tahimik lang si Raffy. Magkatabi sila, dahil siksikan, nagkadikit na mga braso nila. Dahil mas matangkad nang kaunti si Raffy, yung kanang balikat ni Gabby dumidiin na sa kaliwang braso ni Raffy. Mahaba ang braso ni Raffy. Iyun na yata ang pinakamatagal na nag-stay sila sa elevator. Biglang namalayan ni Gabby na humahaplos na nang magkatalikod ang mga kamay nila ni Raffy. Ilang beses naulit ito. Pati likod ng mga daliri ni Raffy, dumidikit na sa likod ng mga daliri ni Gabby. Di lang ito pinansin ni Gabby dahil claustrophobic siya at gusto na niyang makaalis sa elevator. Laking relief niya nang nagbukas na ang elevator at isa-isa silang lumabas.

"Ito na yun?" habang nakangiwi si Gabby sa in-order nilang pork barbecue with peanut sauce. "Lang ya ang sosyal kuno ng pangalan, sana bumili na lang ako ng barbecue sa kanto saka nilagyan ko ng peanut butter. Buti na lang libre ito." Inisip ni Gabby sa sarili habang inihahain na rin ang pagkaing inorder ng iba niyang kasama.

Magka-table sina Gabby at Raffy. Magkatapat sila. Di pa rin nag-uusap ang dalawa. Naramdaman na rin ng mga kasama nila ang pagka-awkward, kaya nanghimasok na si Paulo para magkakilala ang dalawa.

"Ah, Gabby, kilala mo na, si Raffy? Raffy, si Gabby."

Parehong matipid na "hi" lang ang nasabi ng dalawa.

Maya-maya pa'y nagsikain na rin ang lahat dahil nagutom na sa tagal ng pag-aantay sa mga inorder.

Dahil nga disappointed sa naorder na barbecue, tumingin si Gabby sa inorder ng iba. Hanggang nagawi siya sa plato ni Raffy. Steak ang inorder niya na may corn and carrots. Nainggit si Gabby sa pagkain ni Raffy. Napalulon na lang siya habang sarap na sarap sa pagkain si Raffy.

Doon na napansin ni Gabby na artistahin ang tisoy na katapat niya kumain.

"Gusto mo?" alok ni Raffy.

"Ha? Hindi, salamat. Okay na ko dito," pagsisinungaling ni Gabby.

Nang mga sandaling yun, nagkatinginan sila sa mata at pareho nilang naramdaman na di naman pala ganun kasuplado ang isa't isa.

Patuloy silang kumain at kinailangan nilang magmadali dahil patapos na ang lunch break.

Kinabukasan.

"Jenica, wala pa si Eunice?"

"Gabby, natraffic yata sa Ortigas, eh sa Rosario pa galing yun eh."

"Gabby, hi!"

Nagulat si Gabby.

Tumambad sa paningin niya si Mr. Mysterious, na di na ganun ka-mysterious buhat nang magkausap sila nung huling lunch.

Lalong nangibabaw ang pagkamaputi ni Raffy sa suot niyang dark blue na poloshirt.

Nahiya nang bahagya si Gabby sa lumang pula niyang t-shirt. "Raffy, bakit, ano yun?"

"May module kasing ipinapagawa si Sir Carlo, sabi niya, related daw sa task na pinapagawa ni Sir Jun sa project niyo."

May dila naman pala 'tong supladong 'to eh - isip-isip ni Gabby.

"Ah, oo, XML integration lang para ma-configure. Gusto mo i-email ko na lang sayo?"

"Okay. Thanks!" at naglakad na pabalik sa desk niya si Raffy...

Sinundan siya ng tingin ni Gabby. Unti-unti na siyang naintriga sa gwapong kasamahan. Di pa naupo si Raffy sa desk niya. Nagstretch. Itinaas ang dalawang kamay sa ulo. Tumaas ng kaunti ang poloshirt ni Raffy at napansin ni Gabby ang gumuhit na edges ng brief niya sa likod ng mga maong ni Raffy, sa bandang puwet.

"So, di pala siya ma-boxers, brief-person rin pala siya" - tahimik na pagmamasid ni Gabby.

Mula noon, di na nailang sa isa't isa sina Raffy at Gabby. Nung may libreng pakain sa loob ng opisina, sabay pa silang kumuha sa catering ng pasta. Nagkakangitian na rin ang dalawa. Di pa rin sila gaanong nag-uusap pero kapag nagkakasalubong, ina-acknowledge nila ang isa't isa. Angat ng dalawang kilay pagkatingin saglit saka alis. Mabilis rin ang OJT. Patapos na ang summer. Pero umuusbong pa lang ang pagkakaibigan nilang dalawa.

---

"Wakey wakey!" 5 a.m. na ulit pero nauna pa ring gumising si Gabby sa alarm ng phone ni Raffy.

Nakahanda na ang oatmeal nilang almusal, ang kape, at ang iinuming mga gamot ni Raffy.

"Nakuha mo ba sina ten-ten, din-din, at si renz kahapon sa Makati Med?" tanong ni Raffy.

"Oo naman, buti may bago silang supply. Siya nga pala, nagtext si duktora na kailangan nating bumalik sa Makati Med para makuha ang result ng viral load mo."

Mula sa CD4 count na 290, naging 350 na ito nang regular nang umiinom si Raffy ng ARV niya. Kailangan din matrack kung gaano na karami yung HIV strain sa katawan niya para indikasyon na rin na tumatalab ang gamot. Yun ang viral load na lab test na babalikan nila sa Makati Med nang araw na yun.

Umaasa at matyagang naghihintay si Gabby na maging 'undetectable' na ang viral load. Ibig sabihin, kumunti na talaga ang virus sa blood stream pero di nangangahulugang tuluyan na itong nawala dahil pwede pa rin itong manatili sa ibang bahagi ng katawan at maghintay lamang ng tamang pagkakataon para magparami ulit. Ganun ka-bantay-salakay ang HIV.

"Gabby, pogi mo ah. Bagay sayo yung gupit mo, nagpakulay ka rin ba?"

"Nambola pa 'to! Pero thank you, ayieee," kiss sabay hug kay Raffy ni Gabby.

"Saan mo gusto pumunta ngayong anniversary naten?" tanong ni Raffy.

"Gusto ko, manood sana tayo ng Les Miserables," tugon ni Gabby.

"Sa Solaire? Akala ko hanggang last month na lang 'yun? Cats na yata ang next feature presentation nila. Joke! Syempre nagbook na ako sa TicketWorld. Kaya, labs, gusto ko porma tayo mamaya ah. Gusto ko, tayo ang pinakagwapong guy couple sa Solaire para nganga sila," biro ni Raffy.

"Dinamay mo pa ako sa pagiging conceited mo!" halakhak ni Gabby.

"Tara, sabay na tayong maligo," yaya ni Raffy.

Naglakbay-diwa na naman si Gabby. Marami nang nabago sa sex life nilang mag-partner mula nang malaman nilang HIV positive si Raffy. Masakit kaso kailangan niya talagang tiisin. Masakit na makita ang napaka-gwapo mong boyfriend na di mo na basta-basta matitikman. Parang ipinagbabawal na mansanas sa gitna ng hardin ng Eden.

Nasa kanila na lahat. Condo? Kotse? Trabahong mataas ang sweldo? Kagwapuhan? Maganda at toned na pangangatawan? Travel experience sa iba't ibang bansa? At nakaplano na rin sana silang magpa-kasal o mag-undergo ng civil union sa ibang bansa kung saan legal ang gay marriage. Naudlot yun dahil priority ang treatment ni Raffy. Marami ring bansa ang di tumatanggap sa mga HIV positive individuals, pati na rin sa mga job opportunities. Mandatory ang HIV testing bago ibigay ang job offer.

Hinawakan ni Raffy ang kamay ni Gabby at tumingin ng matagal, mata sa mata.

"I love you, Gabby," sabay halik sa labi, sa likod ng tenga, mabagal na necking.

Putang-ina! Nang-gi-gigil na naisip ni Gabby. Libog na libog na siya. Walang kupas ang haplos ni Raffy. Kahit ganun pa lang ang ginagawa nito sa kanya, tinatablan na siya. Dahil, ilang buwan na rin na di sila nagtatalik, medyo dumami ang precum niya habang naninikip na sa brief niya ang kanyang naghuhumindig na pagkalalaki. Sabay tulo ng luha. Paano ba gagawin ko dito, Raffy? Define 'safe sex.'

Nag-research silang dalawa. Alam nila na kissing cannot transmit the virus. Sa dugo nananahan ang HIV. Pwede rin silang malipat sa semilya. Pero di sila nakukuha sa saliva. Kaya sa halos pitong taon na nagsasama sina Raffy at Gabby, wala pa ring nagbago. Kaya pa rin nila ang torrid kissing.

Akala nila, since nasa late twenties na sila, mababawasan na rin ang mga sexual urges nila. Nagkamali sila. Kaya hirap na hirap silang mag-abstain. Ultimo hand job di nila magawa. Kaya mas madalas nilang panoorin ang bawat isang magsariling sikap. Saka sila magyayakapan kapag nakaraos na pareho.

Napansin ni Raffy na tumulo ang luha ni Gabby.

"Hon, is there a problem? Di ba dapat happy ka kasi seventh anniversary na natin ngayon?" tanong ni Raffy.

Di maikubli ni Gabby ang nararamdaman kaya nagtapat na rin ito kay Raffy.

"Sorry, Raffy. I just wanted you so bad at this time but we both know, we can't..." malungkot na nasabi ni Gabby.

Niyakap na lang nang mahigpit ni Raffy si Gabby at nauna na lang siyang maligo.

"Basta gusto ko pagkabihis mo, poging-pogi ka. Tuloy ang plano mamaya pagkatapos nating makuha yung viral count ko. Una na akong maligo." sambit ni Raffy, na walang suot na saplot maliban sa bathing robe niya.

Napaupo na lang si Gabby sa kama nila ni Raffy. Hinimas ang naninigas niyang ari, habang dinig ang shower ni Raffy sa banyo. Humiga na siya. Hinahaplos pa rin niya ang sarili. Doon niya pinantasya ang una nilang tagpo - ang araw nang malaman nila ang tunay nilang nararamdaman sa isa't isa...

---

Fourth year na, yes, graduating na rin. Matapos ng internship, naging busy na ang lahat. Pero, paminsan-minsan nagmemessage pa rin si ganito at si ganyan sa Yahoo group. Naging Facebook group na nga eh dahil olats na si Yahoo. Hehehe.

Nagkahingian ng mga contact numbers. Tapos, halata namang di lahat ay close sa isa't isa pero may mangilan-ngilang naging magkaibigan.

For example, si Rachel, sumasama kina Eunice at Jenica kapag UP Fair na. Tapos, yung mga taga-La-Salle naman, kinokontak ang mga Atenista kapag gustong tumambay sa Katips. Wala lang. Kape lang. Kumustahan.

Ang pogi kasi ni Raffy eh. Di na nakatiis si Gabby. Nung nagpalit ba naman ng profile pic sa FB at close up picture pa niya na naka-sideview at naka-shades, ni-like ng nagmamalakas-loob na si Gabby! Mula noon, naka-watch na si Gabby kay Raffy. Si Raffy naman, gawa nga ng iilan lang nagla-like (mga impokrita kasi sa FB eh, kapag gwapo, ayaw isipin ng mga 'likers' na ganun nga kagwapo, kaya di laging maraming likes), nagsubscribe na rin sa status ni Gabby.

Kahit busy na pareho, nakamasid sila sa mga FB accounts nila. Nadiskubre nila na marami silang something in common. Mga favorite books. Subjects. Pananaw at opinyon. Music. Movies! Di sila makapaniwala.

Una, puro like lang sa FB. Hanggang makakita si Raffy ng isang post ni Gabby tungkol sa issue na magmamahal na raw ang tuition sa UP. Nag-react si Raffy at nagcomment. Sumagot naman si Gabby.

Nagchachat na rin sila kapag natsetsempuhang online ang isa't isa. Nasabi pala ni Raffy na nakapasa rin siya sa UP Diliman, pero pinili niyang mag-Ateneo dahil may scholarship naman daw sa DOST, kaya subsidized. Sabi naman ni Gabby, nakapasa rin siya sa Ateneo kaso lang di kayang ishoulder ng scholarship sa munisipyo nila sa probinsya ang tuition fee ng Ateneo.

Naging kumportable na sa isa't isa sina Raffy at Gabby. Si Gabby na rin ang nanghingi ng number ni Raffy. Pareho silang 'Smart.'

Isang beses, nagtanong si Gabby kay Raffy kasi may isang subject siya na kailangan niya ng tulong. Sa CS 130 yun, mathematical methods in computer science. Gawa nga ng taga-Manila Science High School si Raffy, alam niya yung tungkol sa mga matrices at mga linear transformations.

"Salamat talaga, Raffy, ngayon ko lang talaga na-encounter ito. Di naman kasi tinuro sa amin nung fourth year high school. Hanggang Calculus lang ako, hehehe," banggit ni Gabby.

"Ah, sige, what time ba? Gusto mo mag-jeep ka na lang dito papuntang Katips, sa may McDo," suggestion ni Raffy.

"GAME!" biglang sagot ni Gabby...

Naunang dumating si Gabby. Alam naman niya na 6 p.m. pa matatapos huling major subject nitong si Raffy. Nag-save na siya ng upuan para sa kanilang dalawa. Nilagay niya sa mesa ang id at id lace niya para palatandaan. Di pa siya umorder. Nilabas niya ang notes niya dun sa subject na magpapaturo siya. May dala rin siyang dalawang libro galing ng Engineering library. Nirereview niya yun nang biglang...

"Hey!" bati ni Raffy.

Nagliwanag ang mukha ni Gabby at napangiti. Tinapik ni Gabby sa balikat si Raffy. Napansin din ni Gabby na may suot na salamin si Raffy na itim ang frame pero di naman makapal ang lens ng salamin. Lalong nagpa-pogi ito kay Raffy. Shet... Guwapo na, mukhang matalino pa. San ka pa?

"Bro, musta? Akala ko 6 p.m. pa matatapos last class mo?" tanong ni Gabby.

"Dinismiss kami agad ng prof namin, ewan, ko, nagmamadali, siguro may date," nakangiting palusot ni Raffy.

Walang idea si Raffy na tumalon ang puso ni Gabby nang marinig niya ang salitang 'date.' Pero inisip ni Gabby, mamaya na ang kalandian, mamaya na ang kilig, kailangan tulungan niya akong masagutan ang problem set na deadline na bukas.

"Umorder ka na?" tanong ni Raffy.

"Ah hindi pa, tara?" nagmamadaling sagot ni Gabby.

"My treat :)" mabait na paanyaya ni Raffy.

"Uy, ano ka ba, ako na nga ang magpapaturo, tapos ikaw pa ang manlilibre?" nahihiyang tugon ni Gabby.

"Saka mo na ako ilibre kapag natulungan na kita sa subject mo. Balitaan mo ako kung tama yung mga sagot natin," magiliw na sagot ni Raffy (wala ring idea si Raffy na sa pangiti-ngiti niyang 'yun, unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Gabby sa kanya).

OMG! Raffy... bakit ambait mo?

"Uy, Earth to Gabby, pre, ano oorderin mo? Mahaba pila sa likod natin," paalala ni Raffy.

"Yung kape nila, para di tayo antukin, saka kahit cheese burger na lang at fries. Thanks talaga, Raffy." sagot naman ni Gabby.

"Uhm, miss, dalawang cheese burger na meal, regular fries lang, pero instead of softdrinks, yung hot coffee na lang. Thanks!"

At nagconcentrate sila sa problem set ni Gabby habang kumakain ng cheese burger at fries, at umiinom ng kape ganap alas-siyete nang gabi. Isang gabi na panghabam-buhay na tatatak sa kanilang dalawa.

"Pre, pasensya na sa abala, deadline na kasi nito bukas, nakakabwisit lang talaga ang prof namin at ang sipag mag-assign ng problem set," pag-aalala ni Gabby. 9 p.m. na ng mga oras na yun.

"Ilan pa ba ang sasagutan natin?" tanong ni Raffy.

"Naku, wala pa tayo sa kalahati, nasa first part pa lang tayo ng Jacobian transformation, tapos marami pang mga matrix determinants. Hassle :(" tugon ni Gabby.

"It's getting late na rin kasi. Tutal, wala naman akong pasok bukas, at kailangan mo na ring matapos yan ngayon. Okay lang ba sayo na sa apartment na lang namin natin yan ituloy para masagutan natin lahat?" paanyaya ni Raffy. Walking distance lang ang apartment nila galing McDo sa Katipunan. 15 minutes lang.

Di makapaniwala si Gabby. Di niya naman talaga akalaing hahantong sa ganito. Magkahalong kaba at tuwa ang naramdaman niya. Tuwa, dahil, baka ito na nga ang pinakahihintay niya. Kaba, dahil, baka ito na rin ang katapusan ng mga pantasya niya, sa long time crush niya. Buong pag-aakala ni Gabby na siya lang ang nagkakagusto sa guwapo, matalino, at mabait na si Raffy. Sobrang baba ng self-esteem ng late bloomer na si Gabby na bulag sa mga taong may gusto sa kanya sa department at college nila. Inisip niya na walang magkakagusto o papatol sa kanya.

Sakto wala yung mga roomies ni Raffy. Solo nila ang kwarto.

Binuksan ni Raffy ang study lamp sa may study table nila.

"Ilagay mo na lang backpack mo diyan sa tabi ng bed," bilin ni Raffy. Tatlong single bed ang nasa kwarto.

Dali-daling nagtanggal ng sneakers si Gabby at nilagay ang bag sa tabi ng kama, sa gawing kaliwa, yung kay Raffy. Kinuha niya muna ang sinasagutan nilang papel, mga scratch, at yung cheat sheet ng mga formula para sa problem set. Naupo siya sa isang monoblock na kinuha ni Raffy. Tabi na sila. Parehas may hawak na ballpen. Parehas nakatutok.

10:30 p.m. na at medyo inaantok na sila pero dahil kapwa masipag, patuloy nilang sinagutan ang mga madadaling items sa problem set. Kailangan makarami sila. Saka sila magcoconcentrate sa mga mahihirap na problem. Save the best for last, ika nga.

"Nakakagutom! Shit" bulalas ni Raffy. "Kuha lang ako ng pagkain. Wait ka lang diyan"

"Raffy, pakuha na rin ng kape kung meron, salamat!" hiling ni Gabby.

Mas matindi na ang kaba ni Gabby. Di na rin niya namalayan na malakas na pala ang ulan sa labas ng apartment ni Raffy.

"Natapos din ang determinants. Eto na ang mahirap. Yung mga linear transformations, yung Jacobi-ek-ek. Kung di lang talaga required ang subject na 'to..." mahinang salita ni Gabby.

Pagod na rin ang utak ni Gabby. Inalis na muna niya ang paningin sa mga formula at iginala ang mata sa buong silid ni Raffy. Mahilig rin pala sa anime si Raffy. Nakita niya yung poster ng Weiss Kreus saka ng Fushigi Yuugi. Pareho niyang gusto ang mga anime na yun.

May mga poster din ng NBA. Dedma lang. Kahit kailan di nakahiligan ni Gabby magbasketball.

Nakita niya rin ang mga posters ni Raffy sa academic org nila sa Ateneo. Nakita niya dun si Raffy na suot na ang salamin sa mata. Ang ganda ng ngiti. Sobrang amo ng mukha. Masisi mo ba ako kung magkagusto sa isang tulad niya? Mahilig sa Harry Potter si Gabby kaya siguro mas nagustuhan niya si Raffy.

Pagbaling ng mata niya sa pinto, nagbalik na pala si Raffy. Napanganga si Gabby. Walang t-shirt na suot si Raffy. Kung ano ang antok niya habang nagsasagot ng madugong math, biglang gising ng ulirat niya. Ngayon lang siya nakakita ng 'abs'. Ganon pala hitsura nun. Di pala sobrang ukit ang anim na pandesal. Pero may makikita kang ripples sa tiyan niya.

"Gabby, kumain ka na, may dala akong food, meron ding kape..."

Kainin na kita? Biglang naisip ni Gabby.

"Gabby?" biglang ulit ni Raffy.

Di magkandaugaga si Gabby. "Salamat, Raffy. Sige magkakape muna ako. Shet, lakas na pala ng ulan," tugon ni Gabby.

"Gusto mo, dito ka na magpalipas ng gabi. Jeep ka na lang pabalik ng UP kinabukasan. What time mo ba isasubmit problem set mo?" tanong ni Raffy.

"8:30 am yung GE subject ko bukas pero 1 p.m. ko pa naman ipapass itong problem set sa math subject na yun," sagot naman ni Gabby.

Tumabi si Raffy kay Gabby. Sobrang focus sa mga mahihirap na problem na nasagutan naman niya eventually. Si Raffy na talaga ang tumapos sa problem set. Paano ba naman, di makapagfocus si Gabby. Mistulang nagsusulat ng mga equations, eh nagfoformulate na ng kung anu-ano sa isip niya habang pinagmamasdan ang 'abs' ni Raffy. Kung saan-saan na rin niya tinitingnan si Raffy, natatakot magpahalata hanggang sa...

"Hay sa wakas!" laking saya ni Raffy. "Review mo na lang mga sagot ko bukas ah, para sigurado mong tama."

Napailing si Gabby at agad iniba ng direksyon ang tingin. 60 degrees mula sa pusod (at puson) ni Raffy pabalik sa mukha ni Raffy. "Sana di niya nahalatang kanina ko pa siya tiniTITIgan, ano ba 'to.." naisip niya.

"Salamat talaga, Raffy. Sigurado ka bang okay lang makitulog rito sa inyo? Inaantok na rin kasi ako saka 1:00 am na ren. Not sure kung may masasakyan pa ako pabalik ng Peyups nito..." pag-aalala ni Gabby.

"Okay lang nga, ako lang naman mag-isa dito. Wala yung mga yun. Ikuha lang kita ng spare na t-shirt saka short para makapagshower ka na. May ipapahiram din akong damit pamalit mo bago ka pumasok bukas. Kahit wag ka nang magpalit ng maong pagpasok mo bukas. Okay lang yun."

"Saan CR niyo?" tanong ni Gabby.

"Paglabas mo dito, may pinto sa may kaliwa. O, heto tuwalya. Ayusin ko lang ang tutulugan mo."

Sa isip-isip lang ni Gabby: This is it! Tang ina... Ano ba gagawin ko? Baka init lang talaga ng katawan 'to. Iligo ko na lang muna.

Di muna nagsuot ng t-shirt si Gabby paglabas ng banyo. Nakashort lang siya at nasa balikat niya ang tuwalyang pinahiram sa kanya ni Raffy. Napansin niyang malagkit ang tingin sa kanya ni Raffy. Gusto niyang isipin ang posibilidad na pinagnanasaan siya ni Raffy.

"Salamat, Raf," sabay hagis ng tuwalya kay Raffy na nakatingin pa rin sa kanya.

"Ah, no prob! Ano 'yang nasa kaliwang balikat mo?" at biglang nilapitan ni 'shirtless' Raffy si Gabby at hinawakan ang birthmark ni Gabby.

"Balat lang yan. Buti nga diyan napunta at di sa mukha." sagot ni Gabby.

Sa una, magkahiwalay ang tulugan nila. Pero naging magical ang gabi. Doon ramdam nila pareho na sobra silang magkasundo. Nawala ang antok nila. Spontaneous lahat. Di sila maubusan ng pagkukuwentuhan. Malakas din tawanan nila. Walang kapaguran hanggang naramdaman na rin nilang alas-tres na pala nang madaling araw. Sa huli, pinagtabi na rin nila ang kama nila para di sila mahirapang mag-usap habang nakahiga.

"Di ko na nga lang papasukan ang isa kong subject bukas. Mahalaga mapasa ko yung sagot sa problem set nang ala-una." sambit ni Gabby.

Nakatingin lang si Gabby sa kisame habang daldal nang daldal at pagtingin niya sa katabi, nagulat siya dahil nakatagilid pala si Raffy, nakaharap sa kanya, at kanina pa siya pinagmamasdan. Namula siya bigla. Natahimik. Nakapagtataka nito, napatagilid na rin siya, nakatingin sa mapungay na mga mata ni Raffy.

Puyat? Pagod? Ulan? Libido? Emosyon? Kung samu't sari di na niya maalala. Hinaplos ni Raffy ang pisngi niya. Di niya tinanggal ang kamay niya sa mukha ni Gabby at dahan-dahan siyang lumapit. Alam na ni Gabby ang mangyayari. Kaya di na rin niya pinahirapan si Raffy at lumapit na rin.

Kumakabog ang dibdib nila. Ganito ba ang unang halik? Kailangan, slow mo?

Pero nagtagpo na rin ang kanilang mga labi. Dinadama nila nang dahan-dahan habang nakapikit. Hinawakan na rin ni Gabby ang leeg ni Raffy. Parang nakuryente siya kahit napakadulas at napakalambot ng maputing balat ni Raffy. Di na nila wari kung ilang minuto na nilang hinahagkan ang isa't isa. Langit na ito at ayaw na nilang bumaba. Pero, gustung lampasan ni Gabby ang langit. Pumatong siya kay Raffy. Napahiga lang si Raffy at patuloy pa rin ang paghahalikan nila.

At doon na nila naramdaman na kapwa sila matigas. Kahit nakashort pa, karugtong ng tibok ng puso nila, dibdib sa dibdib, ang pulso ng pagkalalaki nila. Tama nga ang sabi. In love, height does not matter. Kasi pantay na sila sa kama. Ni-rub ni Gabby ang 'gabby' niya sa 'raffy' ni Raffy. Sobrang sarap! Ang kabog ng kaba sa dibdib nila ay napalitan ng mabilis na udyok ng pagnanasa. Wala nang urungan ito.

Umungol si Raffy. Bumaba ang halik ni Gabby sa nipples ni Raffy. Senyas na ayos lang sa kanya ito, hinimas-himas ni Raffy ang buhok sa ulo ni Gabby para ituloy lang ang kanyang ginagawa. Kagat ng kaunti, dila nang kaunti, hanggang hinigop niya ang dalawang tirik na utong ni Raffy.

"Ohh, Gabby, aahhh" ungol ni Raffy.

Bumalik si Gabby upang muling halikan si Raffy. Dito'y nagpasyang maghubad nang tuluyan at ganun na rin ang ginawa ni Raffy, habang nakahiga.

"Raffy, ngayon ko lang gagawin 'to." paalala ni Gabby.

Nagulat na lamang si Gabby nang nag-roll sa ibabaw niya si Raffy. Siya naman ngayon ang pumatong. Nagtama ang titi nilang kapwa matigas. Bumulong si Raffy, "Gabby, ngayon lang natin gagawin 'to."

Ginantihan ng pagsuso sa utong ni Raffy si Gabby. Pero siya na ang naunang bumaba para sumuso sa pagkalalaki ni Gabby. Napapikit, napabuntung-hininga, at napakapit si Gabby sa balikat ni Raffy nang dumampi ang dulo ng dila ni Raffy sa maliit na butas ng kanyang ari. At dahan-dahang isinubo ni Raffy ang ulo ng titi ni Gabby. Napanganga na lang si Gabby. Ganito pala, ganito pala kasarap kapag binalot na ng mamasa-masa, malambot, at mainit-init na labi ang pagkalalaki mo. Bakit masarap ang kasalanan?

Di na pumiglas pa si Raffy. Di na siya inosente sa mga ganitong bagay at pinagsamantalahan na niya ang pagkakataon. Nagrotate siya at itinagilid niya si Raffy para mag-69 silang dalawa. Kung sa una, ang dami pa nilang alinlangan. Nitong sandaling ito, naging wild na si Gabby. Wala nang keme-keme. Nung nasa posisyon na, gutum na gutom niyang sinuso si Raffy. Siya na ang tumulak sa puwit ni Raffy para ma-deep-throat niya ang ari nito. Kahit subu-subo pa rin ni Raffy ang kay Gabby, narinig ni Gabby na napaungol siya. Siguro nabigla sa sarap.

Sinabayan na rin ni Raffy ang rhythm ng pagsuso ni Gabby. Ngayon pa lang kasi sila nakakain. Pinaglaruan rin nila ang ulo ng mga kargada nila - dinila-dilaan, sinilindro ang katawan, nagga-gayahan ng mga galawang sa porno lang nila napapanood. Iba pala ang sarap kapag kayo na ang nagawa. Ibang lebel ang saya kapag pareho niyong gusto at sa taong gusto niyo ginagawa.

Habang binibilug-bilog ni Gabby ang bayag ni Raffy, naramdaman niya sa bibig niya na lumaki ang ulo ng titi ni Raffy. Sinundot ni Gabby ang puwit ni Raffy at alam niya na lalalabasan na si Raffy dahil nagma-muscle control na ang puwit niya, ready na pumutok. Di rin siya magkandaugaga dahil sobrang sarap ng pagchupa sa kanya ni Raffy. Kahit first time lang, nasalat ni Raffy na nasasarapan si Gabby kapag ang balat sa ilalim ng ulo ng titi niya ang pinuntirya. Alulong na alulong sila sa sarap at hingal na hingal. Di na namalayan kung sino ang nauna at kapwa sila nagpaputok sa loob ng mga bibig nila. First time rin makatikim ng tamod ng iba. Ganun pala ang lasa. Nido soup sa lapot, may kaunting alat, pero di ito matamis na gatas, may kaunting pait din. Naibsan ang uhaw nila ng mga nahigop nila.

Pagod na pagod. Nagtabi ulit sila. Nagkatitigan. Di na nila kailangang magsalita dahil pareho nilang alam. Pareho silang nasarapan. Parehong nasabik. At muli, nagdikit ang mga labi hanggang sa makatulog ang dalawa, magkayakap sa maulan na gabi...

---

Nagulat si Gabby nang maramdaman niyang jinajakol na pala siya ni Raffy.

"Wakey wakey," sabi ni Raffy, sabay nagkagat-labi ang loko.

Mabilis lang pala naligo si Raffy. Paglabas niya ng shower, napansin niyang hinihimas-himas ni Gabby ang ibabaw ng short niya habang nakahiga. Nakaisip siya ng kalokohan. Since anniversary naman nila, ano ba naman ang maliit na regalo para sa pinakamamahal mo?

Nasasaktan at nahihirapan rin si Raffy sa ilang buwan ng abstinence nila. Di sila sanay nang ganito. Kahit ilang taon na silang magkasama sa iisang bubong, hayok sa sex ang dalawa. Kahit ilang taon na kasi ang lumipas, tila ba huminto ang panahon at di sila tumanda. Ganon pa rin kalibog. Ganon pa rin kapogi. At mas naging maganda pa nga ang pangangatawan. Hairline lang ang medyo nagrecede pero ang iba laging nagfoforward, katulad na lang ng matigas na hawak niya...

"Tang ina naman, Raffy, ginulat mo ko ak..."

Tinakpan ni Raffy ang bibig nitong si Gabby para matigil ang kakatalak. Sinuot ni Raffy ang condom sa burat ni Gabby at sinumulan siyang chupain.

"Hon, don't worry, safe sex 'to. At pasensya na rin kasi ito pa lang naiisip kong paraan para paligayahin kita matapos kong malaman ang kondisyon ko. Siguro, habang nakahiga ka kanina, naalala mo yung first time naten."

Tinanggal ni Gabby ang kamay ni Raffy sa bibig niya, "Raffy, di mo kailangang gawin ito. Alam nam..."

Tinakpan ulit ni Raffy ang bibig nitong si Gabby. "Gusto kitang paligayahin. Bilib ako sayo dahil magtatatlong buwan nang di tayo nagsesex. Alam kong pagod na rin ang kamay mo kakabate. Nakakasawa na."

Hinayaan na lang ni Gabby si Raffy. Di na siya muling nagsalita at pilit na lang ninamnam ang ginagawa sa kanya ni Raffy. Kahit di sing sarap kumpara sa walang condom, ang tagal na rin ng tiniis niya, kaya nung nagpaputok na siya, inalok naman niya si Raffy.

"Gabby, baka mabutas ang condom, di mo ako pwedeng i-blow-job gaya ng ginawa ko sayo. Kasi yung tamod mo HIV negative. Walang magagawa yan kahit magleak sa condom. Yung laway ko? Theoretically safe at alam kong wala akong open wounds sa oral cavity ko para magcontract sayo ng virus"

"Pero kapag chinupa mo ko nang may condom, pumutok yun, at may nalulon kang kaunting tamod ko na may HIV, baka ikap..." si Gabby naman ang tumakip sa bibig ni Raffy.

Sa kabila ng babala, sinuot niya ang condom sa matigas na ring ari ni Raffy. He returned the favor.

"Sa sobrang galing mong mag-analyze, Raf, gawa ka na ng libro: Safe Sex for PLHIV for Dummies" biro ni Gabby.

Hinampas na lang ni Raffy si Gabby ng unan. Dinaganan, pinatungan pagkatapos, hinagkan, bumulong "Kaya kita mahal, Gab. Happy anniversary." Tinulak na lang siya ni Gabby.

"Ang senti mo, di ka naman dating ganyan, ha. Oy, tara na, baka abutin pa tayo ng trapik sa Ayala, mahirap na."

Nakahanda na ang bagong bili nilang mga long sleeve at blazer. Pati sapatos. Ganito sila ka-galante kapag anniversary nila. Di nga kataka-taka dahil pagdating nila sa Makati Med, para silang mga artistang pinagtitinginan.

"Si Coco Martin ba 'yun?"

"Kasama niya si John Spainhour?"

Yun mga naririnig nila. Ngumiti na lang sila habang naglalakad direcho sa lab para kunin ang resulta ng viral load ni Raffy.

Di makapaniwala si Raffy na 9.5K lang ang viral load niya. Marahil, naagapan ng early HIV detection at ng ARV kaya di nagkalat ang virus sa katawan niya. Sa isip ni Raffy, kailangan pa rin ni Gabby mag-HIV test at least every three months dahil di nila alam kung hanggang kailan nila matitiis na di magsex. Magkatabi na sila habang hinihintay maghati ang kurtina sa The Theatre at Solaire. Ang laki ng teatro. First time nilang magpunta dito. Dun sila sa pinakamahal na section sa ibaba. Masaya na sila kahit di sa mga unang row ng upuan sila na-assign. Na-enjoy nila nang husto ang Les Miserables kahit di nila gaanong kilala ang mga nagsiganap.

Kinagabihan, pag-uwi, nagpalitan sila ng regalo.

Pasensya na binitin ko kayo. Ayokong isagad lahat ng mga pangyayari dahil marami pang pagdaraanan ang kwento nila Gabby at Raffy. Kaunting feedback naman diyan, hehehehe. Sana, na-enjoy niyo. First time kong magsulat nito dahil sobra akong na-inspire sa mga blog ng PLHIV. Sana'y magsilbing pangmulat ng mata ang mga piraso ng katotohanan tungkol sa HIV na inilahad ko dito.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Wakey Beki (Part 1)
Wakey Beki (Part 1)
Ang kwentong inyong matutunghayan ay kathang isip lamang. Anumang insidente na nailahad dito na may pagkakahawig sa mga tunay na pangyayari ay nagkataon lamang.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgraJSMtOh7iXRwFZPwzQj2W4o2vsIuulY-c4-udLO13UpKd3K-VVUhSfzQA4VCSQw_NsfxJCsQWS5JRnijpUPLkIEQNWJsot8UKTCDROGn4rw_Ad9OR22la7u2Z_Q4tju_pbzqmY_SU-Lw/s1600/Coco+Martin+-+Wakey+Beki.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgraJSMtOh7iXRwFZPwzQj2W4o2vsIuulY-c4-udLO13UpKd3K-VVUhSfzQA4VCSQw_NsfxJCsQWS5JRnijpUPLkIEQNWJsot8UKTCDROGn4rw_Ad9OR22la7u2Z_Q4tju_pbzqmY_SU-Lw/s72-c/Coco+Martin+-+Wakey+Beki.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/10/wakey-beki-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/10/wakey-beki-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content