Di na mapigilan ng UP Diliman student na si Benedict Bernabe ang kanyang galit sa mga kapwa LGBT member na nanghusga at nagpapahiya sa mga ...
Di na mapigilan ng UP Diliman student na si Benedict Bernabe ang kanyang galit sa mga kapwa LGBT member na nanghusga at nagpapahiya sa mga nahuli sa isinagawang raid ng PDEA sa isang hotel sa BGC.
Sa post noong November 28, 2017 ng umaga, inihayag ni Bernabe ang kanyang saloobin.
Narito ang kanyang buong pahayag:
You know what’s funny?
Kahapon ng umaga.
Pinagpipiyestahan ang mga bakla dahil sa nakakatuwa nilang pagfollow sa Miss Universe pageant. May mga baklang gumising ng maaga para mag-draga dahil may media sa pa-live show ni mayor. Ang saya saya ng mga tao!
"Nakakatuwa sila!" sabi ng media at ng madla.
Kinagabihan.
Pinagpiyestahan na naman ang mga bakla dahil sa isang raid ng PDEA sa isang hotel sa BGC.
Okay sige, trabaho ng PDEA yan. Pero di kasali sa trabaho ng PDEA na ipahiya at iparada sa media yung mga akusado.
- Binasahan ba sila ng mga karapatan nila?
- Nakakuha ba sila ng abugado?
- Alam ba nila na itetest sila for HIV?
- May consent ba?
Obviously wala nang confidentiality dahil pinangalandakan nyo na yung resulta nung isa.
Ang mga tao, kung makapanghusga!
"Nakakadiri sila!"Sa isang araw, nagbago ang ihip ng media at madla.
Sabi ng iba gay-friendly daw ang Pilipinas.
Actually, user-friendly lang.
- Friendly lang sila kapag kailangan ka nila.
- Yung matatawa sila sayo.
- Yung kailangan nila ng creative input.
Pero sa issue ng diskriminasyon, tahimik yung mga straight friends natin. Meron naman tayong straight allies, salamat.
Pero utang na loob. Yung tayu-tayo na nga lang ang maaasahan ng isa’t isa, tayo pa yung unang manghuhusga sa kapwa natin.
Sana naman bago ka pumutak, alamin mo muna yung mga isyu ng kominudad na ginagalawan mo dahil lumalaban sila para sa karapatan mo. Hindi yung sariling ikakaganda at social media mileage lang iniisip mo.
Nakita mong gwapo yung mga nahuli, shinare mo at pinagtawanan na para bang ikinadagdag sa ganda mo yung kahihiyan nila. Tuwang tuwa ka pa.
Let’s not allow these events to ruin our community na pinaghirapan natin i-build. Not just us, pero yung sandamakmak na mga aktibistang nauna sa atin sa pakikibaka para maenjoy natin yung mga freedom and rights natin ngayon.
Stop this culture of shaming na. Tayo tayo lang din ang nasisira.
Umani naman ng papuri sa comment section ang post ni Bernabe. Marami ang sumang-ayon sa pahayag niya at gustong i-share ang post sa iba.
Benedict Bernabe: "We are an HIV advocacy group working on reducing the stigma against people living with HIV and key affected populations, including men who have sex with men. We uphold our core values of respect for human rights and the rule of law."
COMMENTS