By: Raleigh Hunter Matapos ang mahigit isang oras na pagtambay sa cafeteria ay hindi parin lumalamig ang ulo ko. Hindi ako makatiis; l...
By: Raleigh
Hunter
Matapos ang mahigit isang oras na pagtambay sa cafeteria ay hindi parin lumalamig ang ulo ko. Hindi ako makatiis; lumabas ako at nag-abang malapit sa guardhouse. Gusto ko syang salubungin, at gusto kong masagot nya ang mga tanong ko.
Saktong pagdating ko doon ay pababa na sya sa pulang kotse — malamang kay kuya. Parang wala sya sa sariling pinagmamasdan ang papalayong sasakyan. Napatiim-bagang na lang ako habang tinutupok ako ng selos.
“B-boss, anong ginagawa mo dito?” hindi ko namalayang nakalapit na sya sakin.
“Ikaw, anong ginagawa mo? Diba sinabihan kitang matulog dahil inaantok ka?”
“A-ah, eh nakatanggap ako ng text galing kay Brix eh. Ayu—“
“Tapos ano? Nagtatakbo ka kaagad palabas kahit mukhang hihimatayin ka na? Kahit alam mong malakas ang buhos ng ulan?” hindi ko mapigilang pag-akusa.
“H-ha? Ano bang pinagsasabi mo, eh kaninang umaga pa sya nagtext. Saka ang OA naman, di ako makakatakbo sa ganito kalakas na ulan.” depensa nya.
“Hah! Nagdeny ka pa, eh mas inuna mo pa ya—“
“Ano’ng nagyayari dito? Nag-aaway ba kayong dalawa?” sita ng guard.
Doon ko lang napagtanto ang sitwasyon namin. Nasa labas pala kami ng guardhouse, bumubuhos ang malakas na ulan sa paligid namin at pareho na kaming nababasa.
Ibinaling ko ang tingin sa guard — masama ang tinging ipinupukol nya kay Gus. Akala siguro nya ay may masamang balak si Gus sa akin dahl defensive din masyado ang expression nitong kasama ko.
Natauhan ako at nanaig ang instinct kong protektahan ang kaibigan ko. Kaibigan, o ka-ibigan? Ah, leche! Bahala na…
“Wala sir, may pagtatalo lang kami sa report namin. Tara Gus, pumasok na tayo at nang MAPAG-USAPAN na natin ang REPORT natin.”
Ayaw pa sanang umalis ni Gus, marahil gusto pa nyang sagutin ang mga paratang ko, pero hinawakan ko sya sa braso saka hinila palayo. Ngunit nagsimulang magpumiglas ang maligno.
“Kung ayaw mong isumbong tayo ng pakialamerong guard na yan at mapadpad sa guidance office ay sumunod ka na sa akin.” bulong ko sa kanya.
Bigla na lamang syang lumayo na parang nagulat at saka sinapo ang tenga nya. Unti-unting namula ang mga pisngi nya. Naapektuhan ba sya sa ginawa ko para magblush sya ng ganun?
Pansamantalang naglaho ang galit, selos, at pangamba sa aking puso. Napalitan iyon ng hindi maipaliwanag na saya, lalo pa’t hindi makatingin ng direcho si Gus sa akin. Ang cute ng reaction nya!
Sabay kaming nagtungo sa AVR4 dahil RLE ang subject namin, at lahat ng 5 sections ng BSN1 ay pinagkasya. Natural, hindi ako makapapayag na hindi kami magkatabi. Sa third row kami nakaupo, hindi masyadong malayo at hindi masyadong malapit sa lecturer.
“Pst, kanina ka pa nakatingin sa sapatos mo ah?” puna ko habang iniaabot sa kanya ang baunan na ginamit ko kahapon.
“Eh, nabasa kasi yung medyas ko dahil sa lakas ng ulan. Malamig sa paa.” nag-aalala nyang tugon.
“Yan kasi, kung saan-saan nagpupunta, eh alam nang umuulan.” parinig ko.
Sinadya kong idikit ang braso ko sa braso nyang nakadantay sa armchair ko. Malamig ang kanyang balat, at kahit papano ay gusto kong ibigay sa kanya ang kahit konting init na galing sa katawan ko.
Kung pwede lang sanang yakapin ko sya eh…
Napakagat ako ng labi para mapigilan ang pag-usbong ng ngiti sa aking labi nang maramdaman kong inilapit nya ang sarili sa akin. Payat kasi ang malignong ‘to, walang fat stores na panangga sa lamig.
“Huy, may bulate ka ba sa pwet?” sita ko nang mapansing galaw sya ng galaw.
“Wala no! Malamig lang talaga yung paa ko boss eh…” mahina nyang bulong.
Parang kinurot ang puso ko sa sinabi nya. Sino nga ba ang hindi mababasa sa ganoon kalakas na ulan? Malamang pati loob ng sapatos nya ay basa rin.
“Hubarin mo’ng sapatos mo pati medyas.” utos ko habang tinatanggal din ang sapatos ko.
“Yoko nga! Malamig yung tiles eh…”
“Wag ka ngang matigas! Sumunod ka na lang sakin. Hubad!” pinisil ko ang braso nya.
Nang matanggal na ang sapatos nya ay maingat ko ng ikinawit ang paa ko at dahan-dahang ikiniskis iyon sa malamig nyang paa. Wala namang nakahalata sa mga pinanggagawa namin.
“B-boss!” inilayo nya ang mga paa nya ngunit kinurot ko sya.
“Wag ka ngang magalaw, baka may makakita satin.” saway ko.
“P-pero—“
“Walang pero-pero, iniinit ko lang yung paa mo. Timang!”
“Boss naman…”
“Imbes na magreklamo, pasalamatan mo na lang ako.” hinaluan ko ng konting lambing ang boses ko.
Pero dahil clueless ang malignong ito — isa sa mga kinaiinisan, at the same time pinaka-gusto kong trait nya — ay ni hindi man lang nya nahalata ang paglalambing ko. Could this guy be amore dense?
“S-salamat boss.” tugon nya.
“Uh-huh, mainit na ba?” tanong ko.
Ginantihan na lamang nya ito ng matamis na ngiti at tango. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko. Naalala ko, ganito palagi ang ginagawa ng puso ko kapag nakikita ko syang ngumiti.
“B-basta! Mag take notes ka bilang kapalit.” nauutal kong balik.
“Hmph, pwede bang utang? Tinatamad ako eh.” reklamo nya.
“What? Bakit palagi kang tinatamad? Kain-tulog lang naman ginagawa mo.” panunukso ko.
“The two of you! Kanina pa kayo nag-uusap ah. Do you have something you could share sa buong klase?” nang-gagalaiting tanong ng CI namin.
Nagkatinginan kami ni Gus, parehong nanlalaki ang mata at nagpipigil matawa. Saglit na nag-usap ang mga mata namin at nagkasundo. Ako ang tumayo; this time, I will be the one to save us from this predicament.
“Ahh, sir we were just wondering. What if may emergency and there’s a patient with massive blood loss, but we have no equipment with us. How can we determine his blood pressure?”
Sandaling katahimikan. Pagkatapos ay biglang nag-usap ang mga kaklase ko pati na rin ang ibang mga CI. Shit, buti na lang at nanonood ako ng mga documentaries, kung hindi ay hindi kami makakalusot.
Pagkaupo ko ay pinisil kaagad ni Gus ang bisig ko, at ginantihan ko rin ng pisil ang hita nya. Siguro dahil napabilib sya sa akin, o dahil nagpipigil na syang matawa. Either way, namulaklak ang saya sa puso ko.
Hell yeah, pogi points plus 1!
Gus
Pagkalabas ng AVR4 ay halos magtatakbo kami ni Hunter sa sobrang pagmamadali. Parehong namumula ang mga mukha namin at nagsisilabasan na ang mga ugat sa aming leeg.
Ngunit pagliko namin sa isang building ay umalingawngaw na ang malakas na tawang kanina pa namin pinipigilan. Napaupo ako at sapu-sapo ang tyan ko, habang si Hunter naman ay nakatingala at malayang humahalakhak
“M-muntik na…” hindi ko matapos ang sentence ko dahil sa katatawa.
“D-did you s-see…?” nagkautal-utal nyang tanong.
Sinagot ko na lang sya ng halakhak at saka tumango-tango. Sa sobrang tawa ay napaiyak na lamang ako.
“Mygawd! Minsan pati ako ay nagugulat sa taglay kong katalinuhan!” kapal-mukha nyang anunsyo.
Hindi kami tumigil sa katatawa hanggang maabot namin ang parking lot. Lahat ng nakakasalubong namin ay napapatingin sa aming dalawa; akala siguro nila ay mga baliw kami.
Well, matagal na akong nawalan ng pakialam sa kung anuman ang iniisip ng iba. Ang mahalaga ay wala akong inaapakang tao. At isa pa, mukhang hindi na naiinis sa akin si Hunter.
“Um, boss? Gusto mo bang mag-dinner sa bahay? N-namimiss ka na daw ni mama eh.” tanong ko nang humupa ang tawanan namin.
“Hmmm, eh ikaw?”
Pababa na kami sa hagdan patungong open space parking lot. Nasa unahan ko sya at malapit na sya sa pinaka-ibabang baitang, kung kaya’t nang tignan nya ako ay parang nakatingala sya.
“Ansabi mo?”
“Ikaw, namimiss mo rin ba ako?”
Nangingislap ang mga mata nya, waring nangungusap. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko, ngunit bakit hindi ko maalis ang tingin sa kanya?
“D-di noh! Sino namang makaka-miss sa ulol na gaya mo. Saka, o-ok lang naman kung ayaw mo eh. Sabihan ko na lang si mama.” palusot ko upang maitago ang pagka-ilang ko.
Pero sa totoo ang ay nananalangin akong sana pumayag sya. Namimiss ko na rin kasi ang bangayan namin kapag kumakain, pero hinding-hindi ko sasabihin sa kanya yun! Baka isipin nyang creep ako.
“Tseh! Parang binibiro lang eh. Tawagan mo si auntie, sabihin mo baka gabihin tayo.”
“Huh, bakit gagabihin? Saka wala akong pantawag.” mejo nalungkot ako nang sabihin nyang nagbibiro lang sya.
Bigla nyang inakyat ang hagdan patungo sa kinaroroonan ko. Inilabas nya ang kanyang cellphone at saka may pinindot, bago ibinigay iyon sa akin.
“Sabihin mo dadaan tayo ng condo ko, kukuha lang ako ng ilang damit. I’ll be spending the night in your house.” sagot nya bago bumaba.
“Hello? Hellooo? Hunter, anak?” dinial pala nya ang bumber ni mama.
“Ma, si Gus ‘to.” napangiti ako sa tawag ni mama kay Hunter.
“O anak, napatawag ka? May nangyari ba? Number ni Hunter ‘to ah?”
“Kumalma ka nga ma, magkasama po kami ngayon. Inimbitahan ko syang maghapunan sa atin eh.”
“Ay ganun ba? Aba sige, at maghahanda ako ng marami!” tuwang-tuwa ang boses ni mama.
“Sya nga pala ma, baka gabihin kami. Dadaan pa kami ng condo ni Hunter eh, kukuha daw po sya ng damit.” pagpapaalam ko.
“Dito ba sya matutulog? Papano yan, eh umulan kanina kaya hindi natuyo ang mga nilabhan kong kumot.” nag-aalala nyang tugon.
“Naku ma, kah—“ hindi ko na itinuloy ang sasabihin.
Sasabihin ko sana na kahit ilang extra kumot at comforter pa ang itambak nya sa kwarto ay mag-iinsist parin si Hunter na iisang kumot lang ang gamitin namin.
“O-ok lang yan ma, hayaan mo na lang syang manigas sa lamig.” pagbibiro ko.
“Hayh, ikaw talaga Gustavo! Palagi mo na lang inaaway yang kaibigan mo. Pag ikaw iniwanan nyan, naku—tiyak ikaw ang maghahanap dyan.”
“Si mama naman, sobrang affected. Basta ma, damihan mo po yung luto ah? Palagay ko’y namimiss na rin ni Hunter ang luto mo, at tyak mapaparami yun ng kain.”
“O sya, sige at mamamalengke na muna ako. Mag-iingat kayo.”
“Sige ma, ingat ka rin po. Bye-bye.” paalam ko at pinatay na ang tawag.
Aksidente kong napindot ang home screen at nagulat ako sa aking nakita. Picture naming dalawa noong birthday namin ang kanyang wallpaper. Kung naalala ko, iyon ang kinuha nyang selfie gamit ang phone ko.
Mejo naguluhan ako. Pwede naman kasing picture nya, o picture ng sasakyan or games, o di kaya ng magandang model. Bakit iyon pa ang pinili nyang wallpaper?
Pero… siguro hindi naman weird yung ganun. I mean, yung iba nga ay nakikita kong picture ng close friends nila ang ginagawang profile picture sa Facebook (kahit wala naman akong ganun). Ganoon lang siguro yun at walang malalim na kahulugan.
Datapwat, ano itong kakaibang kasiyahan na namumulaklak sa dibdib ko?
“Hoy, matagal ka pa ba jan? anong nginingiti mo? May nakikita ka na namang hindi ko nakikita noh?” panunukso ni Hunter habang nakatayo sa tabi ng bukas nyang kotse.
“Wala ah! Bakit, bawal bang ngumi—“
Sa pagkabigla ay napatigil ako sa paglalakad. Naramdaman ko na lang na gumaan ang paa ko, at may naapakan akong malamig at basa. Nangyari na ba ang kinatatakutan ko?
“Bilisan mo na nga jan para makauwi tayo ng maaga.” inip nyang sigaw.
Ngunit gustuhin ko man, hindi ko maigalaw ang sarili ko. Muntik na akong mahulog kaya napasandal na lamang ako sa railing.
“Gus, ayos ka lang? May problema ba?” nag-umpisa syang maglakad sa kinaroroonan ko.
Nataranta ako bigla. Hindi sya dapat makalapit sa akin, anu man ang mangyari!
“Boss, catch!” sigaw ko para makuha ang atensyon ni Hunter.
“Huh?” nanlaki ang mga mata ni Hunter nang makita nyang lumilipad sa ere ang kanyang cellphone. Matagumpay
Habang nagkakandarapa syang saluhin ang cellphone nya ay nagmadali akong bumaba ng hagdan — sobrang hirap pala kung isang paa lang ang gamit mo — at inapakan ang tumilapon na suwelas ng aking sapatos.
“Gus!” galit na galit ang boses ni Hunter.
Lahat ng taong nasa matinong pag-iisip ay tatakbo kapag nakita nila ang galit na mukha ng demonyo. Pero ako, papano ako makakatakbo?
“Y-yes?” pinilit kong kalmahin ang sarili.
“Give me one reason kung bakit mo itinapon ang cellphone ko, you little shit. And better make it good, kung hindi ay makakatikim ka sakin!” gigil nyang tanong nang magharap kami.
“H-ha? Eh matagal na nga kitang natikman eh…” kinapalan ko na ang mukha ko.
“Y-you…you…you—“ utal-utal na tugon ni Hunter.
Namumula ang mukha nya at mukhang sasabog na sya sa sobrang inis. At kung hindi lang dahil sa sitwasyon ko, malamang kanina pa ako tumawa.
“Ah, nga pala boss. Mauna ka nalang kaya? Dun na lang tayo magkita sa bahay.”
“Anong pinagsasabi mo? Sabay na tayo.” tugon nya nang makabawi sa shock.
“Eh, hindi ako sanay sumakay sa kotse eh. Madali akong mahilo, kaya mabuti pang mag-jeep na lang ako.” palusot ko.
“Ah, kaya pala sumakay ka sa kotse ni kuya Brix kanina.” taas-kilay nyang tugon.
As I suspected, talagang may kinikimkim syang sama ng loob dahil hindi ko nasabi sa kanya na magkasama kaming naglunch ng kapatid nya. Baka mamayang gabi ay gisahin nya ako ng mga tanong. Kinilabutan ako bigla. Think of another lie!
“Ah, naalala ko boss. M-may hihiramin pa pala a-akong libro sa library. Para s-sa, sa… sa assignment bukas!”
“Naalog ba yang utak mo? NSTP lang tayo bukas, papano magkakaroon ng assignment?” humakbang sya palapit sakin.
“E-eh, ibig kong sabihin, yung assignment sa monday!” Diyos ko, umalis ka na lang!
“Kung hindi ka ba naman timang, eh general meeting ng faculty sa lunes. Magmi-meeting din ang batch natin para sa up-coming school festival.”
“A-ah basta, may hihiramin akong libro!” pagmamatigas ko at dahi wala na akong maisip na palusot.
“Alam mo ikaw, ang hilig mong mag-aksaya ng oras eh. Halika nga dito!”
“B-boss, wag!”
Hinawakan nya ng mahigpit ang braso ko at hinila nya ako. Dahil sa lakas ng pagkakahila nya ay na outbalance ako. Sa kasamaang palad, naihakbang ko rin ang kaliwa kong paa at nadapa ako.
“Aah!” hindi ko mapigilang sumigaw ng bumaon ang maliliit na bato sa tuhod ko.
“Wh-what the…?”
Hindi nagtagal ay umalingawngaw ulit sa buong parking lot ang isang malakas na tawa. Nag-apoy ang mga pisngi ko nang sundan ng tingin ni Hunter ang pinagmulan ko.
Doon nakahimlay sa parking lot ang labi ng aking suwelas.
Hunter
“Alright, alright… I’m sorry.”
Nakatiim-bagang lang ang lalaki sa tabi ko. Ibinaling nya ang mukha sa passenger’s side window at hindi ako pinansin. Ngunit kitang-kita ko parin ang pamumula ng kanyang leeg at tenga.
Gumaan ang loob ko. Akala ko ay hindi sya makatingin sa akin dahil nagalit sya nung pinagtawanan ko sya kanina. It turned out, di pala sya makatingin sa akin dahil sa sobrang hiya.
“Gussie, I’m sorry… ok? Kausapin mo naman ako oh. Look, I didn’t mean to laugh at you. It’s just that…” pang-aalo ko sa kanya.
Hindi maalis sa isipan ko ang nangangamatis nyang mukha habang nakaluhod sa parking lot. Nang hilahin ko sya ay natisod sya at naiwan ang suwelas nya sa mabatong parking lot.
“Pfft!” pinigil ko ang matawa.
Napalingon sa akin si Gus, mapulang-mapula mula ulo hanggang leeg. Napansin kong nangingilid ang luha sa mga mata nya, and it was enough to make me sober. Napaubo na lamang ako.
“Hello, auntie? Mukhang gagabihin nga kami ni Gus. Yeah… opo, tapos daan po kaming mall.” sabi ko habang nagmamaneho.
“H-Hunter!” nabigla naman si Gus.
“Opo auntie, ingat din po.” at pinatay ko ang tawag.
“Boss, anong sinabi mo kay mama?”
“Well, pinaalam kong dadaan tayo ng mall pagkatapos nating pumunta ng condo ko.”
“Anong g-gagawin natin dun?” pang-uusisa nya.
“Ano pa ba? Edi bibili ng sapatos mo.”
“B-boss, huwag na!” kaagad nyang protesta.
“What? Sapatos lang naman yun.”
“K-kahit na… e-eh—“
“Ano, wala kang dalang pera? Wag kang mag-alala, ako ang magbabayad.” iniliko ko ang sasakyan papasok sa isang kanto.
“Hunter, w-wag naman ganun. Andami mo nang nagawa para sa akin, tapos ngayon eto pa…”
What? Is it a crime to buy things for the one you love? Napaikot na lamang ang mata ko.
“S-saka, pareho tayong estudyante. H-hindi ako kasama sa allowance na ibinibigay ng mama mo.” mahina nyang dagdag.
“C’mon Gus, you’re my bestfriend at gusto kitang tulungan. May masama ba dun?”
“P-pero—“
“Look, kung hindi ka makatulog dahil akala mo ay ginagastusan kita, just think of it as regalo ko sa’yo.” pangungumbinsi ko.
“Eh, binigyan mo na ako ng cellphone eh… Hunter, wag na lang.”
“Gus, I insist.” kelan ba matatapos ang pagtatalong ito?
“P-pwede bang utang na lang…?” pagsusumamo nya.
Para matapos ang usapan namin (at dahil napapagod na ako sa kaka-kumbinsi) ay pumayag naman ako. Bagama’t awkward, mukhang napanatag na itong si Gus. Kelan ba sya masasanay na sa mga binibigay ko sa kanya?
Sa labas ng condo ako nagparking, tutal aalis naman kami kaagad. Maliban sa nagtatakang tingin ng guard, wala kaming ibang nakasalubong o nakasabay sa elevator kaya mukhang kumalma na itong si Gus.
Taliwas sa kalmado nyang mukha, simbilis naman ng pag-akyat ng elevator ang pagbilis ng pulso ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako, eh si Gus lang naman ang papasok sa bahay ko.
O dahil si Gus ang papasok sa bahay ko?
“Oops, we’re here.” sabi ko nang bumukas ang elevator.
Pinilit kong mag poker face para maitago ang panginginig ng kamay ko habang binubuksan ang pinto. Mabuti na lang at naglinis ako nung isang araw, kaya hindi naman siguro kahiya-hiya ang itsura ng bahay ko.
Naibsan ng konti ang aking panginginig nang makitang walang nakakalat na porn magazine sa living room. Wala rin akong naiwan na maruruming hugasin, at wala ring mabahong amoy na nanggagaling sa CR.
“Gus, sit here. I’ll just prepare my clothes.” pinagpag ko ang sofa.
“Ay, tulungan na kita boss.” sumunod sya sa likuran ko.
“What? No. Umupo ka na lang jan, kaya ko na ‘to.” pinilit ko syang paupuin sa sofa.
“Boss, sige na po. Saka mejo nahilo ako sa byahe kanina eh, pampawala lang po ‘to ng hilo.” pagmamatigas nya.
“S-sure ka?” tumango naman sya.
Lalong bumilis ang pintig ng puso ko at may malakas na tunog sa aking tenga. Kung pagpasok palang ni Gus sa sala ay kinabahan na ako, ano pa kaya kung pumasok na sya ng kwarto ko?
Sana naman walang nakakalat na maruming medyas or briefs OR, God forbid, maruming tisyu. Sa tagal naming hindi nagtabi ni Gus, masisisi nyo ba ako kung nagsarili ako kagabi? Tiis-tiis na nga lang ako eh…
“Hunter…”
“H-huh?” napalingon ako dahil baka may nakita syang gamit na tisyu.
“A-ah, wala boss! Uhm, y-yung kwarto mo kasi…”
“Ano?” kinakabahan kong tanong.
“Y-yung amoy kasi ng kwarto mo boss…” namumula nyang tugon.
Ha?! Ano’ng amoy?
Ano bang pinagsasabi nya? Pasimple akong suminghot-singot, pero wala akong naaamoy na kakaiba. Binuksan ko ang vent kagabi, kaya imposibleng may bakas pa ng pagpapakasaya ko. Don’t tell me naamoy parin nya yun?
“Y-yung amoy kasi ng kwarto mo boss… parang ikaw. Hehehe…” pagpapatuloy nya.
Para akong tinamaan ng lintik na kidlat. Mabibilis ang hakbang ko papuntang cabinet saka parang baliw na hinalungkat ang mga drawer ko. Sabay kong kinuha ang isang maliit na duffel bag at iilang piraso ng damit.
Wala akong mukhang maihaharap kay Gus — literally. Nagliliyab ang mga pisngi ko at alam kong namumula rin pati tenga ko. Why did he have to say such a cute thing?
Ibig sabihin ba noon, alam nya kung ano ang amoy ko? At iyon kaagad ang napuna nya nang makapasok sya sa kwarto ko? Mabango ba ako? Kahali-halina ba ang amoy ko?
Ano?!
“Boss, tupiin muna natin para hindi masyadong gusot.” tawag ni Gus.
Napaka-inosente ng remark nya tungkol sa amoy ng kwarto ko, pero sapat na iyon para masubukan ang katatagan ng aking self-control. Iniwas ko ang tingin sa aking kama.
“A-ah, hayaan mo na. Sa loob lang naman tayo ng bahay nyo eh, at kayo lang naman ni auntie ang makakakita sa akin.” palusot ko.
“Eh, sige. Ikaw ang bahala.” pagkibit-balikat nya.
Bigla na lamang lumapit si Gus sa akin at inabot ang NSTP uniform ko. Maingat ang pagkakatupi kaya alam kong sya ang may gawa nun. Di ko kayang magtupi ng damit ng ganoon kalinis at kaingat.
“Isama mo na rin ‘to boss para di ka na bumalik dito bukas. Baka antukin ka po sa byahe at kung ano pa ang mangyari sa’yo.” nag-aalala nyang sambit.
“S-salamat…”
Leche, wag mo nga akong iniistorbo! Hindi mo ba napapansin? Nagmamadali akong lumabas ng kwarto dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at magalaw kita ng wala sa oras!
Salamat sa kung anong pwersa at nakaalis rin kami sa apat na sulok ng kwartong iyon. Nakahinga ako ng maluwag; konti na lang sana at itutulak ko na si Gus sa kama.
Pinili ko ang isa sa mga paborito kong sapatos at iyon ang ipinasuot ko kay Gus. Ilang beses ko lang nagamit iyon, thanks to my growth spurt. At hindi ko na ipapaalam sa engkantong ito na ibibigay ko sa kanya yun, baka kasi umangal na naman eh.
“B-boss, wala bang mas luma dito? M-mukhang bago pa kasi eh…” panimula nya.
“Actally pinakaluma ko na ‘yan eh. Dinodonate ko kasi ang mga pinaglumaan ko na, saka maalaga lang ako sa sapatos kaya mukhang bago yan.” half-lie, half truth.
Buti na lang at hindi pa nang-usisa si Gus. Napangiti na lang ako nang makitang suot na nya ang sapatos ko. Hindi kagaya noong una, tumataba na ngayon ang puso ko kapag nakikita ko syang hawak ang mga gamit ko.
Sa sobrang galak ay hindi ko mapigilang sabayan ang tumutugtog na kanta habang nagmamaneho ako papuntang mall. Ilang beses napahalakhak si Gus nang marinig nya ang sintunado kong boses.
Seems like he’s over with what happened kanina sa parking lot. O ginagantihan nya rin ba ako ng tawa? Ugh, whatever! Ang importante eh masaya sya. Lulunukin ko na lang ang nadurog kong pride.
Pagdating sa mall ay dumirecho na kami sa men’s shoes. Hindi ko sya hinayaang pumili ng mumurahing sapatos. Halos kaladkarin ko sya papuntang mga leather shoes. Ako na rin ang pumili ng brand at design saka pinakunan sya ng size.
“Hunter! Sobra naman yata ang 3,000 para sa school shoes!” mahina nyang sigaw nang makaalis ang attendant.
“Kesa naman bumili ka ng mumurahin, edi sira yan agad. Much better na bumili ka ng mahal, pero pangmatagalan.”
“Isipin mo naman, 3,000! Merong 700 dun oh.” itinuro nya ang isang sapatos.
“I don’t like that brand. Masakit sa paa at madaling masira.”
“Eh bahala na, pagtitiisan ko na lang—“
“Sir, here’s your order. Size 10 po.” iniabot ng lalaki ang box.
“O, ano na Gus? Umupo ka na at nang masukat mo na ‘to.” utos ko habang binubuksan ang kahon.
Kahit payat sya, maganda naman ang hubog ng binti at paa nya dahil palagi syang naglalakad. Alam kong babagay sa kanya ang ganitong klaseng disenyo. Kahit sabihin nyang unreasonable ang presyo, hindi ko hahayaang magsuot sya ng iba pa bukod sa pinili ko.
“Boss, kaya ko namang magsuot ng sapatos eh. Hindi na ako bata.” reklamo nya.
“Tch! Shatap ka na lang kasi at nang mabilis tayong makaalis.” saway ko naman.
Lumuhod ako at isinuot sa paa nya ang sapatos. Palihim akong napangiti nang masulyapan ko syang namumula. As I expected, perfect fit ang sapatos; parang ginawa iyon para sa kanya.
“Try mong maglakad.”
Tumayo sya at nagakad-lakad. Tulad ko, hindi nya rin maalis ang tingin sa salamin. Palagay ko’y nahipnotismo din sya dahil sa ganda ng sapatos na iyon; simple lang ang design pero kumportable sa paa.
“How’s it?” tanong ko nang makalapit sya sakin.
“Ok lang, pero mejo uncomfortable eh…”
“Ganyan talaga sa umpisa sir, pero lalambot din yan kapag palagi mong sinusuot.” singit ni salesman.
“See? Sige, direcho na ba sa counter ‘to?” tanong ko sa salesman matapos hubarin ni Gus ang sapatos.
“H-hunter, sandali. Pwede try ko muna yung tig 700?” napakapit sya sa kamay ko.
“Ah, basta. Ayoko nga ng brand na yun, madaling masira.” yamot kong tugon.
Wala nang nagawa si Gus at nagmukhang tuta na sinipa habang tinitignan nya akong magbayad sa counter. Pagkatapos ay dumaan ulit kami sa Krispy Kreme at nag take-out ng donuts bago umuwi sa bahay nila.
Pagdating sa bahay nila ay niyakap ako ng mahigpit ni Auntie Hermie. Miss na miss na nya daw ako at niluto nya ang mga paborito kong ulam. Maging ako ay nasiyahan din nang makita ang pamilyar nilang bahay.
“Hay, bakit ba habang tumatagal eh lalo kang gumugwapo?” pinisil ni auntie Hermie ang pisngi ko.
“Ikaw rin auntie, lalo kang gumaganda.”
“Hala sige, maglokohan kayong dalawa!” parinig ni Gus.
Tulad ng dati, maingay ang naging hapunan namin. Maraming ikinwento sa akin si auntie, hanggang napadpad kami sa topic ng hindi nya pagpayag na maghire ng tauhan sa flower shop nila.
Nagtanong din sya tungkol sa dala-dalang sapatos ni Gus, kaya sumagi na naman sa isipan ko ang nangyari sa parking lot kanina. Napaubo ako ng wala sa oras dahil pumasok ang pagkain sa maling tubo.
Pagkatapos noon ay tinulungan ko si auntie na maghugas ng pinagkainan namin, habang si Gus naman ay nagrereview. Pagpasok ko ng kwarto nya ay nakahiga na ang pangit sa kama nya.
“Tsk, boss wag kang masyadong dikit sakin.” saway nya nang mahiga ako sa tabi nya matapos maglinis ng katawan.
“Hmm, ang lamig eh. Hahayaan mo ba akong manigas sa sobrang lamig?” iniunat ko ang kamay at sinadyang tamaan sya sa mukha.
“Dun ka nga sa tabi, laki ng kama eh… ang init tuloy.” reklamo nya.
“Tch, dami mong reklamo.” pinalo ko ang pwet nya.
“Aray naman boss eh, wag kang namamalo. Saka matulog na nga tayo, maaga pa akong gigising bukas.”
Umarte akong nagdadabog habang naglalakad para patayin ang ilaw. Binuksan nya ang lava lamp sa may tukador at iyon ang nagsilbing liwanag namin.
“Oh, may gagawin ka bang flower arrangements? Pwede ba ako manoon?”
Kamakailan lang nang madiskubre kong si Gus pala ang may-ari nung flower shop na pinag-orderan ko ng bouquet. At sya rin ang gumawa ng bouquet na ibinigay ko sa kanya.
Sobra akong na-curious kung papano nya nagagawa ang ganun kagandang mga flower arrangements. Nakita ko na rin ang likod-bahay nila at ang gaganda at malalago ang mga bulaklak na makikita doon.
“Kaya mo bang magising ng 3am?” tanong nya.
“What? 3am? Now I know kung bakit kulang ka sa tulog. Ang aga-aga mo pa palang nagigising.” niyakap ko ang likod nya.
“Kailangang kumayod para sa kinabukasan boss eh…” inaantok nyang sagot.
“Hmm, sige iseset ko ang alarm to 3am. Basta let me watch you ha?”
“Ok boss, goodnight na…” napahikab na sya.
“Goodnight Gus.”
Hinigpitan ko na lang ang yakap ko kay Gus at damang-dama ko ang init ng katawan nya. Too bad, hindi kami ‘nakapaglaro’. Ah, pero naiintindihan ko naman, marahil ay pagod lang talaga sya dahil marami ang nangyari ngayong araw.
Gusto ko pa sanang siyasatin kung anong ginawa nila ni kuya kanina, kung saan sila kumain, at kung mas nag-enjoy ba syang kasama si kuya kesa sakin. At kung bakit hindi ako nainform na magkasama sila.
Pero nawala lahat ng iyon nang masamyo ko na ang mabangong batok ni Gus. His scent is like a balm to my wounded soul. Dinampian ko ng halik ang batok nya at sinamyo ulit ang nakaliliyong amoy, bago ako nilamon ng kadiliman.
Beeep! Beep! Beep!
Naalimpungatan ako sa malakas na ingay ng alarm clock. Dagli kong pinatay ang bagay na iyon at napakusot sa aking mata. Madilim pa sa labas at kahit malamig ang panahon, pinagpapawisan parin ako.
Napangiti ako nang makita ang mabigat na bagay na nakaunan sa akin dibdib. Mahigpit rin ang pagkakayakap nya sa akin. Ninamnam ko muna ang ilang sandaling pagtingin sa natutulog nyang mukha, bago pinasyang gisingin sya.
“Gus, gising na. It’s 3am…” maingat kong hinaplos ang buhok nya.
“Ungghhh…”
“C’mon babe, marami ka pang gagawin diba? Wake up…” bulong ko.
Ngunit hinigpitan lamang nya ang yakap sa akin at napaungol ng mahina. Natawa ako sa reaksyon nya at hindi ko mapigilan ang sariling dampian ng halik ang noo nya. Doon ko na napansin na may kakaiba.
“H-hey, Gus? Babe, wake up…” inalog ko ang balikat nya pero ayaw nyang magising.
Tinanggal ko ang kumot at saka kinapa-kapa ang buo nyang katawan. Kaya pala pinagpapawisan ako, kakaiba ang init na ibinubuga ng katawan nya! Kinumutan ko muna si Gus saka napabalikwas ng bangon. Tinungo ko ang kwarto ni Auntie Hermie.
“Auntie, auntie… gising po!” sunod-sunod ang malalakas na katok ko.
“Oh, nak. Sasama ka ba kay Gus sa shop? Heto ang—“
“Auntie, si Gus po. Inaapoy ng lagnat!”
COMMENTS