Ikinatuwa ng kababayang pinoy ang pagkatalo ni Mariel de Leon sa kakatapos lang na Miss International 2017. Dinagsa ng mga negatibong comme...
Ikinatuwa ng kababayang pinoy ang pagkatalo ni Mariel de Leon sa kakatapos lang na Miss International 2017. Dinagsa ng mga negatibong comments ang post ng Facebook page ng GMA News na may caption "We're still proud of you, Mariel".
Ayun kay Chris Mayo na nag-top sa comment section na may lagpas isan-libong likes, wake up call umano sa kanya. At sa reply section naman nito ay madami ang nag-agree.
"Ooops. Next time kasi ang ganda inuugali, hindi lang panlabas na anyo. Wake up call yan sayo. Have a safe trip nalang pabalik ng Pinas." - Chris Mayo
Ayun naman kay Rye Villaruz Valdes na nag-top 2, na-set umano nya ang record na sya lang ang di nakapasok sa finals in the last five years sa lahat ng pageants.
"In fairnes, she just set a record. Sya lang ang kandidata ng Pilipias sa lahat ng pageants in the last 5 years na hindi nasali sa finals. Lol. That says a lot." - Rye Villaruz Valdes
Naitanong naman ni Kalvin Wong sa GMA News kung sino ang proud kay Mariel de Leon gayong halos 90% umano ng mga nasa comment ay ayaw sa kanya.
"Pakilinaw naman GMA kung sino ang proud sa kanya? Halos nababasa ko puro negative eh. Halos 90% ayaw sa kanya." - Kalvin Wong
Matatandaang nabash si Mariel de Leon matapos nitong magbitiw ng kumento tungkol sa EJK na hindi ikinatuwa ng maraming Pilipino.
May iilan namang ipinagtanggol ang kandidata at proud pa rin umano sila kahit ito ay di nakapasok sa top 15.
Binisita din namin ang post ng ABS-CBN News sa kanilang Facebook page tungkol sa pagkatalo ni Mariel de Leon ngunit halos mga negatibo din ang mga comments. Iilan lang din ang sumuporta sa kandidata.
COMMENTS