$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Ang Lumang Shorts at T-shirt (Part 5) Finale

By: Romano Magno Ilang araw din ang nakalipas at hindi na kami nagkita muli ni Gil at tulad ng dati, binabaling ko ang aking atensyon sa...

Ang Lumang Shorts at T-shirt

By: Romano Magno

Ilang araw din ang nakalipas at hindi na kami nagkita muli ni Gil at tulad ng dati, binabaling ko ang aking atensyon sa shorts at tshirt na ginamit nya noon. Yakap ko ito sa pagtulog, hinahanap ang init ng kanyang katawan sa tabi ko, pero wala siya, hindi ko alam kung ano ang nangyari. Sinubukan kong tawagan si Gil pero palaging wala. Siguro tapos na kami at naisipan niya siguro na hindi tama ang aming ginagawa. Handa kong tanggapin ang lahat - maligaya lang si Gil. Masakit mang isipin na nagtapos na ang aming magandang samahan pero ganun lang talaga siguro ang buhay, minsan dumarating ang mga bagay-bagay na di mo inaasahan at kailangang tanggapin ang buong katototohanan.

Pinilit kong ibalik sa normal ang takbo ng buhay ko kahit mahirap, kumakanta parin ako sa mga kasalan, pumupunta sa mga parties kung saan ako imbetado, ginugol ko rin ang aking oras sa pag-aaral hanggang sa ako ay nagtapos ng kursong Business Management at naging isa sa mga top ten ng klase.

Ang muling pagkikita

Madali akong nakahanap ng trabaho sa isang bangko sa bayan namin. Bumukod na rin ako ng tirahan at umuupa ng isang apartment di kalayuan sa bangkong aking pinagtratrabahuan hanggang isang araw, kusang nagtagpo ang landas namin ni Gil.

Kalalabas ko lang sa opisina at pauwi na sa apartment ng magkasalubong kami ni Gil na nag-iisa. Nauna ko siyang napansin at sa pagkabigla ay umiwas ako pero huli na ang lahat dahil nakita nya na pala ako. Hinabol nya ako at hindi ko na makuhang iwasan pa siya kaya tumigil ako sa paglalakad at hinarap si Gil.

"O Gil, musta?"

"Ah mabuti naman ako Kaloy, ikaw kamusta na?"

"Eh okay lang din, may trabaho na, ikaw musta na, long time no see ah!"

"Oo nga eh, tagal din natin di nagkita, teka saan ka papunta Kaloy?"

"Pauwi na dyan sa apartment sa may kanto, bumukod na ako kina inay eh."

"Ah ganun ba, pwede ba tayong mag-usap sa apartment mo, kung okay lang?"

"Ha? ah, eh, ano naman pag-uusapan natin Gil?"

"Marami tayong dapat pag-uusapan Kaloy, please, mag-usap tayo."

Pagdating namin ni Gil sa apartment ko, bigla nya akong niyakap ng napakahigpit at umiyak. Nagulat man ako sa kanyang ginawa, kusang bumalik sa aking isipan ang maganda naming alaala noon at gumanti ako ng yakap at pinahiran ang kanyang mga luha sa pamamagitan ng aking mga palad.

"Ano ba problema Gil, ano bang nangyayari sa iyo ha?"

"Kaloy, kung alam mo lang ang nangyayari that night na huli tayong nagkita, kung alam mo lang."

Pareho kaming nakatayo sa may sala na magkayakap habang patuloy ang pag-agos ng kanyang luha. Hinawakan ko ang kanyang mukha at hinalikan ko ang kanyang mga labi. Mainit na tinanggap ni Gil ang aking halik at nadarang kami sa mga sandaling iyon. Umupo kaming magkatabi habang magkayakap parin.

"Kaloy, patawarin mo ako, hindi ko sinasadya ang mga pangyayari. Hindi na kita naabutan sa bahay namin noon at gusto kitang puntahan sa bahay nyo dahil... "

"Oo nga, ano ba nangyari sa iyo noon at ang tagal mo. Naiilang kasi akong maghantay ng matagal eh, kaya umuwi na lang ako."

"Kaloy, nabuntis ko si Cynthia at ng malaman ng parents nya ay galit na galit sila dahil sinira ko raw ang kinabukasan ng kanilang kaisa-isang anak. Pinatawag nila sina mommy at daddy at noon din napagkasunduan na pananagutan ko ito at kailangang magpakasal kami kaagad para hindi daw nakakahiya. Ayoko pa sanang mag-asawa Kaloy dahil bata pa ako at wala pa akong kaalam-alam sa buhay may pamilya."

"Kaya pala tila walang tao akong nadatnan at katulong na lang ang naiwan ng magpapaalam akong uuwi, at may nangyari na pala sa iyo noon."

"Noon ko pa gustong puntahan ka sa bahay mo para ipaalam sa iyo ang mga pangyayari pero lagi na lang nakabantay si Cynthia at pinilit nila na doon na ako sa kanila titira pagkatapos ng kasal. Simpleng kasal lang ang nangyari dahil madalian ang lahat."

"Ilang buwan na ba siyang buntis noon Gil?

"Dalawang buwan na kaya minamadali ng mga magulang nya ang kasal namin. Heto ang picture ng anak naming Kaloy, si Beatrice."

"Ang cute niya Gil at kamukha mo, kuha yong kilay at mata mo. Maligaya ako para sa iyo Gil."

"Paano ka Kaloy?"

"Okay lang ako Gil, wag mo akong alalahanin. Ang mahalaga sa ngayon ay ang iyong pamilya, asikasuhin mo sila, mahalin mo ang anak mo at si Cynthia."

"Mahal parin kita Kaloy, alam mo ba yon? Walang oras kung isipin kita, lagi parin kitang hinahanap. Naalala mo yong tshirt mo? Dinala ko yon at tagong-tago ko."

"Hehehe, alam mo Gil, yong short at tshirt? Hindi ko parin nalalabhan, nasa unan ko parin. Yon ang tangi kong katabi sa gabi. Actualy, gusto mong makita? Nasa kwarto ko sa taas?"

"Tara tingnan ko nga."

Magkahawak ang aming kamay habang paakyat ng hagdanan papunta sa kwarto ko at sinabi ko muli sa kanya na siya parin ang mahal ko. Hinalikan nya ako at narinig ko muli – I love you Kaloy.

"Hahaha! Andito pa nga ang mga ito, ang paborito kong shorts at tshirt."

Masaya ako ng makitang tumawa muli si Gil at para siyang batang inaamoy-amoy ang lumang shorts at tshirt.

"Kaloy, okay lang ba kung pupuntahan kita dito pag may free time ako?"

"Walang problema Gil, basta wag mong pabayaan ang pamilya mo ha?"

"Oo naman, mahal ko ang asawa't anak ko at mahal din kita. Di naman siguro masama kung mamahalin parin kita, di ba Kaloy?"

"Gil, alam mo naman siguro na hanggang ngayon eh ikaw parin ang pinakamamahal ko. Siyanga pala, wala na kami ng gf ko, after graduation eh lumuwas ng Maynila kaya minabuti na naming maghiwalay, kaya ikaw na lang mag-isa dito sa puso ko."

"Ang sweet mo talaga Kaloy, halika ka nga at ng mahalikan ko ang mahal ko."

Matamis ang mga halik ni Gil at nanumbalik ang sigla ng kanyang mga mata. Hindi siya nagtagal dahil naghihintay ang kanyang asawa't anak.

Nagpaalam na si Gil pero ibang klaseng pag-paalam sa ngayon dahil nakatakda kaming magkikita muli.

Pagtatapos

Masaya na si Gil sa buhay nya ngayon at nadagdagan pa ng dalawa ang kanilang anak ni Cynthia. Maligaya silang nagsasama sa bayan namin habang ako ay nagpalipat sa Head Office namin sa Maynila. May asawa't mga anak na rin ako.

Hindi ko maiwasan minsan gunitain ang mga magagandang pagsasama namin ni Gil at sa tuwing ako'y uuwi sa bayan namin, hindi ko nakakaligtaan na tawagan si Gil upang kumustahin at sa tuwing kami ay nagkaroon ng pagkakataon, ginugunita namin ang aming magagandang alaala.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Ang Lumang Shorts at T-shirt (Part 5) Finale
Ang Lumang Shorts at T-shirt (Part 5) Finale
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhihfoZmOKGhiOyagU8HRErRJy7mrKbKpqLyNY_PSR13YY8VcSrbbYwh_yJ42RbtvLyykWPXqqCf67fsEl1jPhQN7Hn9uPP-gEqPQ_vdbxWiqywmV0o3VyA9M4kWRX7jmlfi8NtLdZ00xsa/s1600/Ang+Lumang+Shorts+at+T-shirt.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhihfoZmOKGhiOyagU8HRErRJy7mrKbKpqLyNY_PSR13YY8VcSrbbYwh_yJ42RbtvLyykWPXqqCf67fsEl1jPhQN7Hn9uPP-gEqPQ_vdbxWiqywmV0o3VyA9M4kWRX7jmlfi8NtLdZ00xsa/s72-c/Ang+Lumang+Shorts+at+T-shirt.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/12/ang-lumang-shorts-at-t-shirt-part-5.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/12/ang-lumang-shorts-at-t-shirt-part-5.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content