$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Love It Is (Part 2)

By: Kevan Wednesday. Ginising ako ng alarm ko. Pagmulat ko ng mata ay agad ko ring pinatay ang alarm at nakita ko na 6:30 in the morning ...

Love It Is

By: Kevan

Wednesday. Ginising ako ng alarm ko. Pagmulat ko ng mata ay agad ko ring pinatay ang alarm at nakita ko na 6:30 in the morning palang at saka ako bumangon.

Nang makabangon na ako ay agad kong tiniklop ang kumot at inayos ang aking higaan. Psychology says na kapag sinimulan mo na organized ang kama mo or nilinis mo muna bago ka gumawa ng ibang bagay most likely ay hindi ka tatamarin sa mga susunod mong gagawin just because you start your day right and also dapat may prayer time din kahit simpleng pasasalamat lang. So ayun nag explain ako.

Nang matapos ko na ang paglinis ay saka na ako bumaba at nakita ko rin si mommy na naghahanda ng breakfast at si daddy naman ay nakaupo habang nagkakape at nagbabasa ng dyaryo. Agad ko naman silang binati.

"Good morning dy, Good morning my"

Banggit ko sa kanila ng nakangiti.

"Good morning anak, Oh halika at kumain ka na saluhan mo kami rito ng mommy mo" Tugon sakin ni Daddy.

"Oh eto pinaghain na kita upo ka na" Pag aalok sakin ni mommy. Pagkaupo ko ay agad na rin naman akong kumain. Kinamusta rin ako ni daddy sa studies ko and I said I’m doing well naman.

“Actually Dad may quiz kami tomorrow, baka gabihin ako ng uwi nagpapaturo si James " Sabi ko kay daddy pagtapos ko lunukin ang kinakain ko.

"Wait, Who's James ? Hindi mo pa nababanggit samin yan ng mommy mo?" Sabi nya ng may curiosity.

"Dad James is my new classmate nagpapaturo sya sakin because hindi nya masyado gets yung lesson namin"

"Oh Sino naman kasama niyo?" Sabat naman ni mommy.

"Kami lang my" Sabay titig sa kanya.

"Hmmm Parang may something ha!” Sabat naman ni Daddy.

“Daddy naman, Wala yun. Di nya pa alam Who I really am and besides wala lang yun. We're friends" Tugon ko kay daddy

Maya maya pa ay nagpaalam na rin si daddy upang pumasok sa trabaho. humalik sya kay mommy at nag wave naman sa akin , sign ng kanyang pag alis Habang nasa lamesa ako ay nagliligpit si mommy ng kinainan at ako naman ay nakatulala iniisip kung itutuloy ko ba ang pagpunta sa dorm nila James . Jusko masyadong mapusok naman ang move nayun. Pag nalaman laman lang to ng tropa ay tiyak pagtatawanan ako ng mga yun, kukutyain,tutuksuhin jusko andami daming pumapasok sa isip ko. What if sabihin ko kay James na masakit ulo ko baka hindi rin ako makapag review? Tama tama yun na lang din sasabihin ko.

So kinuha ko yung cellphone ko para ichat si James . kumonnect ako sa wifi and suddenly may nag pop up na message isa sa gc at isa galing kay James . So dali dali kong binuksan yung message ni James .

James: Good morning kent. tuloy mamaya ha. Sige see you in class

"Sure, Sige ba" mga kataga na tinype ko.

JUSKO akala ko ba aatras ka? Huhuhuhu send me help. Bakit hindi ako nakatanggi jusko naman oo.

Habang inaalala ang naitype ko sa convo namin ni James ay binuksan ko rin ang message sa gc, pagbukas ko ay paalaala lang ni Aina na may ipapasang assignment ngayon. nagawa ko na naman yung assignment na yun kaya wala na akong iintindihin.

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school, wait let me describe kung anong itsura ng school. So pagpasok mo sa entrance may lalakarin kang hallway then sa kaliwa non nandun ang computer section, dito kami nag se search and kapag enrollment dito nag pupuntahan ang mga estudyante, dirediretsuhin mo pa ay may mga classroom dito na vintage ang look. So dito kami nag ka classroom. Nung una nga akala ko mga apartment sa paris itong school namin dahil sa architure ng paaralan. Ang center ng paaralan ay castle type so pag dumaan ka dun sa castle type architecture ng school ay saka mo pa lang mararating ang canteen, malayo sya sa mga classroom ng college pero malapit sya sa room ng elementary at highschool.

So back to reality, Habang naglalakad ako sa hallway ay may sumisitsit sa akin, hindi ako tumingin sa likod bagkus inaaninag ko lang ng aking mga mata patagilid kasi baka nanti trip lang. Maya maya pa ay sumitsit ulit sya, hindi ulit ako lumingon bagkus ay binilisan ko ang aking paglalakad ng biglang umakbay sya sa akin at nagsalita.

"Ang suplado mo naman" Paglingon ko ay nakita ko si James . Halos magkalapit na yung mukha namin dahil sa pagakbay niya. Nung una ay nagulat ako pero bigla naman akong napangiti.

"Oyy ikaw pala yan." Sabi ko sa kanya sabay lingon padiretso sa dinadaanan namin.

"Tara sabay na tayo."Sabi naman sa akin ni James na alam kong nakaharap sa akin. nadama ko ang init ng kanyang hininga sa aking malamig na tenga. Bigla akong kinilabutan. Tumingin ako sa kanya habang sya ay nakatingin pa rin sa akin. Kita ko ng mas malapitan yung mukha nya ngayon kumpara nung nasa canteen kami. Grabe yung tingin nyang nakakatunaw, yung mata nyang napaka expressive huhuhu, Naalala ko tuloy yung sinabi nya sa akin kagabi. Jusko lord how I wish. Huhuhu

"Aah pupunta pa akong canteen eh may bibilhin lang ako" Sabi ko naman sa kanya.

"Ahh Ganun ba sige samahan na kita medyo maaga pa naman eh."Tugon naman nya sa akin. Habang naglalakad kami papuntang canteen ay sinabi ko na rin kay James na sa dorm na lang niya kami mag aral, tuwang tuwa naman sya na parang bata dahil pumayag na daw ako na turuan sya. Malapit lang naman ang dorm nya sa school kaya okay lang din naman sa akin.

Nang makarating na kami sa canteen ay bumili ako ng wintermelon milk tea, paborito ko ito at isa ito sa mga bonding namin ng barkada ang mag milk tea, minsan nga ay nag mi milk tea hopping pa kami at kung saan saan kami nakakarating. Dumukot ako ng pera sa wallet ko at ng akmang iaabot ko na ay naunahan ako ni James na mag abot ng bayad at sinabi nya na sya na ang magbabayad. Sinabi ko naman dun sa tindero na wag niya kuhain kahit nasa kamay na nung tindero yung pera na iniabot ni James .

"Manong eto na wag niyo kuhain yan"

Sabi ko kay manong ng may buong determinasyon habang nakaabot yung pera kong hawak. Muka namang nalilito yung tindero kung sino ang susundin nya. Tumingin ako kay James ng masama at bigla syang nagsalita.

"Ako na lang magbabayad basta tuloy tayo mamaya ha" Sabay kindat habang nakangiti at tumalikod sa akin at nagsimulang maglakad. Hindi ko na napigilan sarili ko at naglakad na lamang ako. Nakita ko sya na nakaabang sa malaking pinto ng canteen at hinihintay na magkasabay kami.

"Salamat" Mahina kong sabi sa kanya habang naglalakad. Mayamaya pa ay nagsalita ulit ako.

"Gusto mo?" pag aalok sakanya na may kaunting gana.

"Sige nga patikim nga" Sabi naman nya sa akin. iniabot ko naman ang hawak ko at kinuha naman nya ito.

"Paborito ko kasi ito, Ang sarap no?" Pagkukuwento ko sa kanya. Sabay humigop sya ng milk tea.

"Ayoko ng lasa" Sabi nya na parang natatamisan na napapaklahan ang mukha. Ang cute nya tignan.

"Hala bakit? Bakit ayaw mo ng lasa ? Hindi ka pa ba nakaktikim neto?" Sabi ko sa kanya na nakangiti na nagtataka.

"Hindi naman ako mahilig dyan. heheh" Tugon niya sa akin.

“Pero para sayo hihiligin ko" Pahabol pa nya.

Sabay naman ang pagtawa ko at hindi ko alam na nasa harapan na kami ng classroom at paglingon ko dun sa upuan namin ay nakatingin sa akin sila Aina waring nakita ang pagtawa ko. Sabay naman ang baling ko ng pagtingin kay James at nagsalita.

"Hahaha loko ka talaga" Nakatawang sabi ko kay James . Nang makarating na kami sa upuan ay kami na ang magkatabi ngayon ni James . Si James sa isle ako ang sumunod tapos si Aina si Liezel at si Joseph. Hindi ko alam sa mga tukmol na to at parang pinagplanuhan ang sitting arrangement dahil bago kami makarating sa upuan ay dali dali silang naglipatan hanggang sa matira ang dalawang magkatabing upuan.

Pinakikiramdaman ko ngayon ang pagtingin sa amin ng tatlo. Paglingon ko sa left side ko ay nakatingin nga sila akin.

"What?" Sabi ko na walang reaksyon.

Hindi ko pa rin nga pala nasasabi sa mga 'to na pupunta akong dorm ni James para turuan ito at ayoko naman ilihim sakanila kaso baka tuksuhin lang ako ng mga to huhuhu helpp. So ang naging desisyon ko ay hindi na lang ito sabihin.

Natapos ang araw ng may panibagong gawain na nagpadagdag lamang sa stress ng bawat estudyante. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon ng mga kaibigan ko sa hallway papuntang canteen. Mabuti na lamang at bukas pa ang canteen kahit 8:30 na ng gabi. Hindi namin kasama ngayon si James dahil sya ay dumiretso na pauwi.

“Parang nagkakamabutihan kayo ni James ahh." Mahina at walang reaksyon na banggit ni Joseph sa akin habang nakaakbay.

"Ha? Anong nagkakamabutihan? Siguro nabreak na lang talaga yung wall" Sabi ko naman sa kanya. Nauna maglakad si Aina at Liezel habang kami ay nasa likod kaya nakakapag kwentuhan kami ni Joseph ng sa amin.

"Pero gusto mo sya?” Walang reaksyon na naman nyang banggit. Hindi ko naman alam kung anong isasagot ko sa kanya. Siguro sabihin ko na lang ang totoo dahil si Joseph yan, Hindi sya iba sa akin.

"Hindi naman sa gusto, siguro may namumuong paghanga"

"Good for you" tugon naman ni Joseph.

"Suporta ka namin dyan." Pahabol pa nya.

"Salamat” Yan na lang ang nasabi ko. Nang makarating kami ng canteen ay bumili lang kami ng milktea at dumiretso na rin kami pauwi upang maghanda para sa quiz tomorrow. Kakatapos lang ng short quiz namin kanina at tomorrow na yung long quiz sa Circuits. Nagpaalam na rin naman ako sa mga kaibigan ko at ganun din naman sila sa akin. Nagyakapan kami ni Aina at Liezel at nakipag appear naman si Joseph sa akin na tila ba nag iba ang awra ng mukha simula kanina. Pagka sakay nila ng jeep, dahil malapit lang din naman ang bahay nila Liezel at si Joseph lang naman ang nag ba bus samin dahil medyo may kalayuan ang kanilang bahay, ay agad na akong bumalik sa school upang doon hintayin si James at ng makapunta na rin kami sa kanilang dorm.

Sinundo ako ni James ng nakapambahay na sya. Nakasuot sya ng sando na nagpalabas ng hubog ng kanyang katawan. Hindi sya yung tipikal na malaki ang katawan dahil nag gy gym. Ang kanyang katawan ay natural na malaki, mas malaki sya saakin na tipong ang aking ulo ay nasa kanyang ilong lamang at di hamak na mas malaki ang katawan nya sa akin. May maipagmamalaki rin naman ako subalit mas malaki lang talaga ang kanya. basketball shorts naman ang kanyang pang ibaba.

"Ano tara na"Banggit ni James sa aking ng nakangiti. Nang makarating kami sa kaniyang dorm ay pinaupo nya ako sa kniyang sala.

"Dorm ba to?"Tanong ko sa kanya dahil ang ayos nito ay para naring bahay. Pag pasok mo ng pinto ay may sala ito kung saan ako nakaupo ngayon. Matatanaw mo rin naman agad amg kusina sa may bandang kanan nito at ang kwarto ay diretso lamang ng aking kinauupuan. Malaki sya kung tutuusin lalo na kung mag isa ka lang.

"Nope it's more like an apartment" Sabi nya habang naghahanda ng mga plato sa mesa upang kumain na kami.

"Tara na kain na tayo bago tayo magsimula"Magiliw na pag aalok sa akin ni James . Hindi naman ako tumanggi at dumiretso na rin ako sa hapag kainan. Sobrang saya ng pakiramdam ko ngayon, hindi ko alam kung bakit. Yung tibok ng puso ko ay bumibilis, bumibilis ng bumibilis tinamaan na nga yata ako ni kupido. Nang makaupo na ako ay agad akong inasikaso ni James na parang babae. Binigyan ng platong kakainan at pinagsandok nya ako ng kanin at ulam.

"Pasensya na bumili na lang ako ng lutong ulam hindi ako maalam magluto eh hehhee" Sabi nya sakin sabay kamot sa ulo.

"Okay lang wala namang problema sakin yun" Sabi ko naman sa kanya.

"Sabi ko naman sayo ako na lang kainin mo" Seryoso nyang sabi sabay subo ng pagkain. Napairap na lang tuloy ako sa kanya sabay kain.Nang matapos ang pagkain namin ay ako na ang naghugas ng pinggan pinag ready ko na lang sya at ipinalabas lahat ng mga gagamitin namin sa pag rereview. Agad rin naman akong natapos sa paghuhugas at dumiretso na rin ako sa salas upang makapag review na rin. Halos dalawang oras rin ang pagtututro ko sa kanya kasama na rin ang pag aaral ko. Eto lang ang panahon ko na sumilay sa kanyang maamong muka,Pagkatapos na pagkatapos namin mag aral ni James ay tinanong ko sya kung meron na ba syang naintindihan sa mga itinuro ko.

"Oo naman, I've learned a lot, Thank you." Nakangiti nyang sabi sakin.

"Dito ka na matulog It's 11 na rin"

Sabi nya sakin habang nagliligpit ng mga gamit nya.

"Hala hindi pwede. Hindi ako nakapag paalam sa magulang ko. Ang sabi ko lang gagabihin ako hindi mag oovernight." Paliwanag ko sa kanya.

"Gabing gabi na, Kent." Gusto mo ihahatid kita.” sabi nya na may halong pag aalala.

"Eh paano ka pag uwi? Wait, tawagan ko si mommy" Pahayag ko habang kinuha ko yung cellphone.

HABANG TINATAWAGAN KO SI MOMMY.

"Mommy, Hello my"

"0h Anak asan ka na, pauwi ka na ba? bilisan mo"

"my, nandito pa ako sa dorm ni James and he said na dito na lang daw ako matulog kasi masyado ng gabi." Sabi ko kay mommy ng may mahinahon na boses.

"Mabuti pa nga anak at masyado ng gabi. Pano damit mo, uniform mo anak?" at dahil naka loudspeaker ang pakikipagusap ko kay mommy dahil gusto daw marinig ni James , Hinalbot nya ito at sya ang nakipag usap.

"Jaaaameess" Napasigaw ako.

"Hello po mommy" pakikipag usap ni James kay mommy, aba at mommy na rin ang tawag ha.

"Oh anak, si kent pa ba ito?" Banggit naman ni mommy.

Mommy si James po ito, classmate po ni kent. Ako na po bahala sa kanya. Dont worry na po."

"Okay sige ijo, ikaw na ang bahala dyan take care of him ha” Ani pa ni mama. Ibinaba ni James ang telepono at saka humarap sakin ng todo ang ngiti. Nakahinga na rin naman ako ng maluwag dahil nakapagpaalam na kay mama though hindi na naman bagi sa akin ang mag overnight but still gusto ko pa rin magpaalam sa parents ko sign of respecting them.

"Kent nasa kwarto mga damit ko magpalit ka na ng pantulog" sabi nya sa kin pagkatayo niya at dumiretso rin sya sa kwarto upang sumunod ako. Tumayo na rin naman ako at sumunod sa kanya. Pagpasok ko sa kwarto ay bumungad sa akin ang malaking kama, queen sized bed ata yun, if I’m not mistaken and yung aparador nya is nasa right side ng room may aircon din yung kwarto niya at parang sobrang napaka komportable matulog dun. Sabi ni James ay ako na raw ang bahala na pumili kung anong damit ang gusto ko. Dahil malamig sa kwarto niya ay pinili ko ang sweater niya na gray na medyo malaki sa kin at lagpas sa mga kamay ko tutal malamig naman tapos ang pambaba ay yung boxer na nakita ko sa pinakaibabaw na nakatiklop. Pagkasuot ko ng mga ito ay hiningi ni James ang akung uniform at sya na daw ang mag lalaba nito.

"James wag na nakakahiya ako na lang"

"Sige na machine naman eh theres nothing to worry about basta dapat pagbalik ko nakahiga ka na" Banggit nya ng may nakakademonyong tingin. Inirapan ko na lamang sya.

Hala Jusko lord nakakaulol.

Nang pagsarado nya ng pinto ay agad akong nagtatalon at parang tumitili ng walang sound na bahala na kayo mag imagine.Hahaha Lakad lakad sa loob ng kwarto habang inaamoy ang damit na suot ko. Jusqqqq Huhuhuhu. maya maya rin ay nahiga na rin ako sa kama. Ilang saglit pa ay pumasok na rin si James sa kwarto, binuksan ang aparador at saka kumuha ng damit. Hinubad niya ang kanyang suot na damit hudyat ng kanyang pagpapalit, Lumingon sya sakin at biglang akong napapikit. Hindi ko alam kung nahuli nya akong nakatingin sa kanya or what. Habang nakahubad sya ng pangitaas ay kitang kita ko ang tikas ng kanyang katawan. Sinuot nya ang kanyang kinuhang damit na tshirt at tinanggal na rin nya ang kanyang suot na shorts nang biglang pumunta na sya sa kama at nahiga. Guyssss wala syang suot na short pero may brief naman. Hahhaa ano na?

So ngayon nakahiga pa rin ako dito sa kama at humiga na rin si James dito. Pabigla ang kanyang pagkakahiga dahilan upang mayanig ang pagkatao ko. OA ako sa part nayun. Hahhaa. So yun na nga. Pagkahiga nya sa kama ay bigla nya akong niyakap ng mahigpit ang posisyon namin ngayon ay nakadagan sya aking harapan at yakap yakap nya ako at ang kanyang ulo ay nakasiksik sa aking mga leeg. Hindi ako makahinga. HAH.

"Aray ko naman James " Ani ko sa kanya habang pinipilit ko sya paalisin sa taas ko. "Ang bigat mo James SS" pahabol ko pa.

"Dito lang ako" parang pagod nyang pagkakasabi.

"James, Hindi talaga ako makahinga" Nahihirapan kong sabi sa kanya. Agad naman syang bumangon at umalis sa pagkakadagan sa akin sabay sabing.

"Kailangan mo na ng CPR” Seryoso nyang sabi sabay binomba ng binomba ang aking dibdib at akmang hahalikan ako gaya ng ginagawa sa CPR.

Nang malapit na ang kanyang mukha sa aking mukha ay agad ko itong sinangga ng buong puso at kaluluwa.

"Kala mo ha mabilis reflexes ko" Sabi ko sa kanya ng todo ng ngiti.

"To naman, isa lang" Sabay nguso papalapit sakin.

"Heh tigilan moko matulog na tayo, may quiz pa bukas" Sabi ko sa kanya habang nagkukumot. Pinatay na rin naman nya ang ilaw at bumalik sa higaan upang matulog. Ilang oras pa ang lumipas ay bigla syang nagsalita.

"Kent" Pabulong nyang sabi. Gising pa talaga ako, hindi ako makatulog kasi ako yung tipong namamahay, yung tipong hinahanap ko yung kama ko yung unan ko namimiss ko.

"Bakit gising ka pa?" mahina ko namang tugon sa kanya.

"Hindi ka rin makatulog?"Pabalik n tanong nya sakin.

"Hindi eh” Sagot ko naman sa kanya.

Maya maya pa ay nararamdaman ko ang paglapit nya sa akin. ilang saglit pa ay naramdaman ko ang pagyakap niya sakin at hindi na ako nakalaban. Nakatalikod ako sa kanya habang sya ay yakap yakap ang buong katawan ko, ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang pagyakap, hindi ko rin maitatago na sa buong buhay ko ay ito ang isa sa pinakamasayang pangyayari sa buhay ko, hindi ko man inaasahan pero susulitin ko na lang.

"Kent, Gusto pa kita lalo makilala" Banggit nya na may malalim na boses habang ang kanyang hininga ay dumadampi sa aking batok na lalong nagpatindig ng aking balahibo.

"Bakit ? Anong gusto mong malaman? eh lahat ng nakikita mo sakin, yun na yun." Lahad ko naman.

"May dalawa akong kapatid and ako na lang nakatira sa house ng parents ko. Very supportive naman sila sakin and binubigay lahat nila mga gusto ko and yun na yun. Thats my story. Nothing more to say." Ani ko pa.

"Ang bait naman pala nila mommy no? Gusto ko sila ma meet! Kailan ko sila pwede bisitahin?" Sabi nya sakin habang idinadantay niya ang kanyang paa at ang buong katawan ko ay kanyang ininvade na. Wala naman akong naging reklamo dahil sobrang lamig din naman at ginusto ko na rin ang mga nangyayari.

"Ikaw anytime you want. Ikaw James , Kamusta ka sa inyo?" Sabi ko naman sa kanya. Eto na rin yung pagkakataon ko para makipag usap sa kanya ng mas seryoso.

Mahaba haba rin ang pag uusap ko sa kanya at nalaman ko na taga pagsanjan laguna pala talaga sya, yung daddy and mommy nya ay nasa ibang bansa which means lola nya ang nagbabantay ng bahay nila dun. Sabi pa nga nya ay pumunta daw kami minsan dun nila Aina pag bakasyon, welcome naman daw kami dun. Magisa lang din sya at walang kapatid tanging lola lang nya ang kasama niya. Dun daw sa pagsanjan may naging kaibigan din daw sya dun bestfriend ang turingan nila, marami din daw talaga ang memories na pinagsamahan nilang dalawa. Hanggang sa inopen up ko ang love life nya.

"Eh kamusta love life mo"

"Wag na nating pagusapan yun kasi wala naman"

"Panong Wala?"

"Nawala sya parang bula,Hindi nagpaalam kung bakit umalis!" Wika nya na naging seryoso bigla. Mas lalo akong naging interesado kaya humarap ako sa kanya.

"Tatlong taon kami no'n, ang saya saya naman namin. Siya lang yung tao na naging sobrang saya at sobrang seryoso ko. Lahat naman ginawa ko para sa relasyon namin, I tried everything to make it work but still, she left me. Iniwan nya ako ng hindi ko alam. Sabi nya nakakasakal na daw, sabi nya ayaw na nya kasi nagsasawa na sya. Pero I tried to understand her reason kaya sabi ko okay lang kung mag cool off muna, bibigyan ko muna sya ng space. Nangyari to bago ako mag transfer here kaya hanggang ngayon medyo napapaisip pa rin ako kasi malayo ako sa kanya. Hindi ko magawang makapag isip ng kung ano ano" Litanya nya ng pagkahaba haba at walang reaksyon. Nakinig lang ako sa kanyang pag kukwento at eto ang unang beses na makita ko sya na ganito ka seryoso.

Wag na nga natin yan pag usapan baka maiyak pa ako." banggit pa nya. Mahaba haba pa ang aming naging kwentuhan, halos 3 am na rin ng kami ay tuluyan ng nakatulog.

Kinabukasan ay nakita ko ang sarili ko na nakahiga sa dibdib ni James na tila ba inuunan ko ito at ang kanyang baba ay nakapatong sa aking ulo. Yakap yakap nya ako. May kaunti at mahinang hilik akong naririnig sa kanya at sapat na iyon upang pakinggan ko sya. Ako rin naman ay nakayakap sa kanya gustong gusto ko ang nararamdaman ko ngayon, para bang prinoprotektahan niya ako. Maya maya pa ay tumayo na rin ako upang magluto ng aming makakain. Pagdating ko sa kusina ay wala itong gaanong laman, siguroy hindi na sya masyadong nag aabala dahil sya lamang naman mag isa dito.

Lumabas ako upang bumili ng aking mga iluluto. Easy lang naman lahat ng access dito sa location ni James , malapit sa school at sa palengke. Alas sais ng akoy magsimulang maglakad at nakabalik ako ng mga 6:30 sa bahay. Nagluto ako at nagsaing. Nagluto ako ng omelette at bacon at sinangang ko naman ang kanin na katatapos ko lamang lutuin. Hindi ako ganoon kagaling magluto, nakikita ko si mama kung paano nya ginagawa ang mga ito. Inoobserbahan ko ang kanyang pagluluto kaya naman alam ko na kung paano ang mga gagawin sa mga ito.

Maya maya pa ay pumunta na ako sa kwarto para gisingin ko si James .

"James tara na kain na tayo" Kasabay ang pagyugyog sa kanya.

"James ano, tara na"

"Ma-ma-ya na, Dito ka muna" Sabi naman nya habang inuunat ang kanyang mga paa.

"Aba, sya bahala ka dyan, nakahain na yung pagkain kasi." Sabi ko habang akmang aalis na ngunit hinablot nya ang aking braso at hinila papuntang kama kaya naman napahiga ako. Agad nya akong niyakap ng mahigpit dahilan upang hindi ako makagalaw.

"JAMESSSS" full force kong sigaw sa kanya.

"Bakit, amoy ulam ka ang sarap mo tuloy kagatin" Sabi nya sabay kagat sa aking braso.

"ARAY KO JAMES TARA NA KASI NAKAHAIN NA YUNG PAGKAIN" Sabi ko sa kanya ng pasigaw dahil hindi pa rin talaga ako tinatantanan ng mokong.

"Talaga? pinaghain moko?"

"Hindi lang pinaghain, pinagluto pa kita"

Nakita ko naman ang ningning sa mga mata ni James at unti unti nag loosen up ang pagkakayakap nya sakin.

"Tara na kain na tayo, Luto mo pala yun eh." Sabi nya habang hawak hawak ang braso ko tanda ng pag aaya.

Itutuloy...

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Love It Is (Part 2)
Love It Is (Part 2)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgQffjTzpnKh0oFm7A0AWkRPq4y_lS-9La5jbVea2PodWClQ_otyO2C43j9HhO8FrS6p9yLjLDcsckgsTlqoFNrmcimTPQ6-X__SSTdh77jqz5ELPoRTjlFv9RJcV91RS64z9Rp8-OveFMe/s1600/Love+It+Is.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgQffjTzpnKh0oFm7A0AWkRPq4y_lS-9La5jbVea2PodWClQ_otyO2C43j9HhO8FrS6p9yLjLDcsckgsTlqoFNrmcimTPQ6-X__SSTdh77jqz5ELPoRTjlFv9RJcV91RS64z9Rp8-OveFMe/s72-c/Love+It+Is.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2017/12/love-it-is-part-2.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2017/12/love-it-is-part-2.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content