By: Raleigh Hunter Pupungas-pungas pa ako nang masulyapan ang silahis ng araw na sumisilip mula sa puwang sa pagitan ng mga kurtina. D...
By: Raleigh
Hunter
Pupungas-pungas pa ako nang masulyapan ang silahis ng araw na sumisilip mula sa puwang sa pagitan ng mga kurtina. Dala ng malamig na hangin ang halimuyak ng bukang liwayway.
Sa hindi kalayuan ay maririnig ang pagtilaok ng manok. Hindi nagtagal, napuno ng tilaok ang paligid, waring nagsisi-awitan upang gisingin ang sanlibutan.
Nakaramdam ako ng pamamanhid sa aking bisig at kirot sa leeg; nakatulog pala ako ng nakaupo habang ang ulo at kamay ko ay nakahilig sa gilid ng kama.
Datapwat ng maalala ko ang pangyayari kaninang madaling araw, hindi ko na lang inalintana ang posisyon ko. Mas importante ang kalagayan ng lalaki sa kama.
Mahimbing ang tulog nya. Namumutla parin pero mas maayos na ang paghinga nya kumpara kanina. Kung hindi lang nagtataas-baba ang kanyang dibdib, mapagkakamalan mong sumakabilang-buhay na ang batang ito.
Litaw na litaw ang naglalakihang mga eyebags at nangingitim na mata. Talagang kinareer nga nya ang pagkayod para sa ekonomiya. Napabuntong-hininga na lang ako.
Natuon ang pansin ko sa kamay naming magkahawak. Hinaplos ko iyon gamit ng aking hintuturo bago pinisil ng marahan.
Makalipas ang ilang sandali, kinuha ko ang bimpo sa kanyang noo. Papalitan ko na sana iyon, pero lumamig na pala ang tubig sa planggana. Magpapakulo na lamang ako ng tubig maya-maya.
Chineck ko ang temperature nya, 38.5°C — mas mababa kaysa sa naunang 39.8°C kanina, pero mataas parin. Buti naman at umpeketo ang ginawa kong pag TSB.
Napabulong ako ng pasasalamat sa CI namin na naglecture kung papano gawin ang proper TSB. Hindi ko alam na magagamit ko ang natutunan ko ng ganito kaaga.
“Fuhhh, what will you do without me, little shit?” bulong ko sa kanya.
“Ngh..” bahagya syang gumalaw at napakunot ang noo.
Napangiti na lamang ako at binigyan ng konting pisil ang oily nyang ilong. Tumayo ako para itapon sa banyo ang malamig na tubig. Sya namang pagpasok ni auntie sa kwarto.
“Magandang umaga, nak… heto, dahan-dahan at bagong kulo yan.” inabot nya sakin ang isang thermos.
“Good morning din auntie. Tamang-tama, bababa sana ako para magpakulo eh.”
Inilapag ko ang thermos sa bedside table saka kumuha ng isang tabo ng tubig sa banyo. Napaupo naman si auntie sa kama ni Gus at kinapa ang kanyang leeg.
“Kamusta na sya?”
“Mataas parin yung po yung temp nya pero mas mababa na kumpara kaninang madaling-araw.” tugon ko naman.
“Salamat nak ha, magdamag mong binantayan si Gus.”
“Walang anuman auntie…”
Naglagay ako ng umuusok na tubig sa planggana at binuhusan iyon ng tubig para maging maligamgam. Nagbabad ako ng bimpo pero nang pipigain ko na ay pinigilan ako ni auntie.
“Ako na’ng magpupunas sa kanya nak, mag-almusal ka na muna.”
“Ho? Eh, kaya ko na ‘to auntie.” tanggi ko bigla.
“Ako na, alam kong hindi ka pa nakakatulog simula nang magising ka. Ako na muna dito.” inagaw nya ang bimpo na nasa planggana.
“Actually kagigising ko lang auntie.”
“Ganun ba? Edi mag-ayos ka na lang at baka ma-late ka sa klase. Mahal ang tuition nyo kaya dapat mag-aral ka ng mabuti.” pangaral nya.
“E-eh, sige po. Pero hihintayin ko na lang syang magising para naman may kasabay si Gus mag-almusal. Maliligo muna ako.” paalam ko.
Napasandal ako sa pintuan ng banyo. Nagbalak pa naman akong umabsent para maalagaan si Gus, tutal pagwawalisin lang naman kami ng sidewalk mamaya.
Pero naisip ko rin na tama si auntie, tyak magagalit si mommy kapag nalaman nyang nagskip ako ng klase. Dali-dali akong naligo at nagbihis.
“Um, auntie… san nga pala ang pinakamalapit na botika dito?” tanong ko habang nag-aayos ng buhok.
“Pagkakatanda ko eh may bagong bukas dun sa tapat ng flower shop namin, pero kelangan pang tumawid. Bakit nak?” tanong nya habang pinupunasan ang mga hita ni Gus.
Saglit akong natigilan habang pinagmamasdan ang mapuputing hita ni Gus. Wala sa sariling napalunok ako, para bang ang dami ko yatang laway ngayon?
“Nak?” tawag ni auntie.
“A-ah, ano po?” lito kong tanong.
“Sabi ko bakit nagtatanong ka kung saan ang botika?”
Muntik na akong mapa face-palm. Bakit ba hindi ko mapigilan na matakam sa mapuputing hita na yun? Lintik naman oh, alam na ngang may sakit yung tao tapos pinagnanasaan pa?
Calm down, fucking hormones!
Kunwari akong napatingin sa aking relo para maitago ang sandaling pagkalibog, pero sa totoo lang ay nananalangin akong hindi nahalata ni auntie ang malaswa kong sulyap sa hita ni Gus.
“Um, auntie bibilhan ko po muna ng gamot si Gus ah? Tutal maaga pa naman.” nagpasalamat ako’t hindi ako nautal habang nagpapalusot.
“Ha? Eh ako na lang ang bibili mamaya, pupunta naman ako ng palengke eh.”
“Mamaya pa naman yun auntie, saka baka magising na si Gus. The earlier sya makainom ng gamot, the better. Baka tumaas ulit yung lagnat nya eh.” I mentally patted myself para sa magaling na pagrarason.
At isa pa, nagmamadali rin akong makalayo dahil baka kung ano pang kabulastugan ang maisip ko kapag nakita ko ulit ang katawan ni Gus.
Worse comes to worst, baka malapastangan ko sya ng wala sa oras!
Wala nang nagawa si auntie kundi sumang-ayon sa logic ko. Nagjog ako palabas ng kanto, and in no time narating ko na ang sinasabi nyang bagong bukas na botika.
Buti na lang at 6am ay bukas na sila, kung kaya’t nakabili agad ako ng ilang pirasong paracetamol at Strepsils. Sapantaha ko, masakit ang lalamunan ni Gus.
Pumasok rin ako ng katabing convenience store at bumili ng sports drink, tea bags, Vicks, at KoolFever para hindi maabala si Gus ng bimpo mamaya kapag gusto nyang magpunta ng CR.
Bumili rin ako ng mainit na pandesal sa bakery na katabi ng flower shop nila bago tumakbo pabalik sa palasyo ng mahal na prinsesa. Pagdating ko doon ay palabas naman si auntie, may hawak na… bayong?
“Nak, maiwan ko na muna kayo. Pupunta akong palengke habang maaga pa para kokonti lang ang tao.” lumapit sya sakin.
“Ah, sige po auntie. No problem.”
“Paki-lock na lamang ng pinto mamaya pag-alis mo. Sya sige na, mauna na ako.”
“Ok auntie, ingat po!”
Inilapag ko muna sa kusina ang mga dala ko saka sinilip si Sleeping Beast. Mahimbing parin ang tulog nya kaya pinalitan ko na lang ng KoolFever ang bimpong nasa noo nya.
Bumaba ako sa kusina at nag-isip ng pwedeng kainin ni Gus. Nakalimutan ko kasing bumili ng oatmeal. Hmmm, lugaw? Yun diba ang kinakain ng mga may sakit?
Naghanap ako ng recipe online. Madali lang naman palang lutuin, and I’ve done a pretty good job if I do say so myself.
Pagkatapos nun ay inarrange ko sa tray ang lugaw kasama na rin ng almusal ko at saka maingat na inakyat ang hagdan. Pagbukas ko ng pinto ay sya namang pag gising nya.
“Hey, good morning…” nakangiti kong bati nang makitang naghihikab sya.
“Boss, good morning.” namamaos nyang tugon.
Inilapag ko muna sa mesa ang mga dala ko pagkatapos ay kinapa ang leeg nya. Hindi nakaalpas sa pansin ko ang pagsandal nya sa kamay ko.
“Masarap sa pakiramdam ang kamay mo boss, malamig.” wala sa sarili nyang sambit.
Kaagad kong binawi ang kamay ko, para bagang napaso ako ng nagliliyab na balat ni Gus. Napatalikod na lamang ako para hindi nya makita ang namumula kong pisngi.
“N-nagugutom ka na ba? I made breakfast.” pag-iiba ko ng usapan.
Tumango sya kaya inalayayan ko syang umupo. Kumukunot ang noo nya, kaya doon ko napagtanto na may iniinda sya. Pero ang hayop, ni hindi man lang umimik.
“Bukod sa lalamunan mo, ano pa’ng masakit sa’yo?” panimula kong pagsisiyasat.
Nanlaki ang mga mata ni Gus at nakasulat sa mukha nya ang ekspresyon na ‘pano nya nalamang sumasakit ang lalamunan ko?’. Napaikot na lang ang mata ko.
“Puh-lease, Gustavo. Now tell me, saan pa ang masakit?” gusto kong sya mismo ang umamin ng dinaramdam nya.
“U-uh, w-wala na boss. Halika, kain na tayo.” biglang sumigla ang boses nya.
“Gus…” warning ko.
“B-boss, kain na lang po tayo. Baka ma-late ka sa klase eh.” pagmamatigas nya.
Aba ang walanghiya, pilit pang ibinabalik sa akin ang usapan! Dahil sa pagkairita at sa kagustuhang turuan sya ng leksyon, hinablot ko ang buhok sa batok nya at hinila iyon.
Gumuhit sa mukha nya ang matinding sakit at naawa ako. Pero alam kong hindi sya aamin kung hindi sya pipilitin, kaya kahit nagi-guilty, tinibayan ko na lang ang loob ko.
“Ano ka ba? Why are you hiding everything kahit nasasaktan ka na?”
“H-Hunter, alam mo namang hindi ko ugali ang magreklamo eh.” depensa nya.
“Stubborn brat! Tingnan mo nga ang sarili mo. Kaya ka nagkaganyan kasi iniinda mo lahat ng nararamdaman mo.” di ko mapigilang bulyawan sya.
“Hunter, ayoko—”
“Ano? Ayaw mong maging pabigat sa mama mo? Edi sa akin mo sabihin! When you’re hurt, or sad, or troubled, or angry… lahat yun sabihin mo sakin. O baka hinahamak mo ang pagkakaibigan natin?”
“D-di naman sa ganun eh…” mahina nyang tugon.
“Ganun naman pala eh! I’m your best friend, so rely on me a little, would you?”
Matagal na katahimikan ang namagitan sa amin. This guy’s stubbornness is really something. Alam kong nature na nyang kimkimin lahat ng saloobin nya para hindi mag-alala ang pamilya nya.
I know hindi madaling ang umasa sa ibang tao, pero oras na para ma-realize nya na maaasahan ako, na hindi sya nag-iisa, na nandito ako para sa kanya…
“Y-yung ulo ko, at yung lalamunan ko…” nahihiya nyang tugon matapos ang matagal na pananahimik.
“Okay, and where else? C’mon, spill…” umupo ako sa kama kaya nagkatapat kami.
“U-um, yung buo kong katawan… mejo nangangalay.”
Binigyan ko sya ng magiliw na ngiti saka banayad na hinilot ang magkabilang sentido. Namumula ang mga pisngi nya, hindi ko alam kung dahil sa hiya o epekto ng lagnat nya.
Napapikit si Gus at nadapo ang tingin ko sa mapupula at bahagyang nakaawang na mga labi. Ano kaya ang lasa noon? May karanasan na kaya sya paghalik? Ano kaya ang gagawin nya kung hahalikan ko sya?
“Boss?” pukaw nya.
Para akong nakuryente. Isang maling galaw na lang, tyak na mabubulilyaso ang pagkakaibigan namin. Kaagad akong nag-isip ng pwedeng panakip-butas.
“Mm, may bagong tubong pimple sa gilid ng ilong mo.” bulong ko.
“Grabe sya! Pasalamat ka’t makinis yung mukha mo.” itinulak nya ako, waring nagtatampo.
“C’mon, let’s eat para makainom ka ng gamot.” pinisil ko ang ilong nya.
Gus
Maliwanag na ng maimulat ko ang aking mata. Napakainit ng pakiramdam ko pero nilalamig ako. Masakit ang ulo at lalamunan ko at parang nangangalay ang buo kong katawan.
Nagbalik-tanaw ako sa mga nangyari noong bata pa ako. Katulad ngayon, nakaratay din ako dahil nakatulog ako noon sa bubong habang nagsa-stargazing.
Nasa tabi ko si papa, pinupunasan ang nag-aapoy kong katawan. Bagamat nakatiim-bagang, bakas parin sa mukha nya ang labis na pag-aalala.
“Pa, isugod na kaya natin sya sa ospital?” nag-aalalang sambit ni mama.
“Pang-ilang beses na ba ‘to ngayong buwan? Malaki na ang nagastos natin sa ospital pero sabi ng doktor simpleng lagnat lang. Eh bakit pabalik-balik?”
“Pa… hindi kaya may namamahay dun sa akasya sa likod-bahay at napagdiskitahan si Gus?” bulong ni mama.
Galing si papa sa isang probinsya na malakas ang paniniwala sa mga aswang kaya konting push lang ay naniwala kaagad syang naengkanto ako.
“S-siguro nga! Diba palaging naglalaro si Gustavo doon? Ma, madali ka, tumawag ka ng pari bukas at papa-bendisyunan natin ang bahay. Maghahanap ako ng magaling na albularyo!” mariing tugon ni papa.
Kinabukasan din ay nagpa-bendisyon nga sila ng bahay at bakuran. Pagkatapos noon ay parang misteryo na naglaho ang palagiang pagkakasakit ko.
Sa katunayan, nagsawa na ako sa pagkakaroon ng lagnat kaya tumigil na ako sa kaka-akyat ng bubong. Hanggang ngayon ay ako lang ang nakakaalam ng lihim ko.
Napangiti ako sa alaalang iyon. Ilang taon na rin ang nakalipas, miss ko na si papa at napaluha ako ng konti. Kahit sa panaginip man lang sana ay magpakita sya sakin.
Nagpahid ako ng luha pagkabukas ng pinto. Pumasok si Hunter dala-dala ang isang tray, mistulang modelo kahit na NSTP uniform ang suot.
Bagamat malaki ang kaibahan, parehong-pareho parin sila ni Brix. Nung magsabog yata ng kagwapuhan ang Diyos, sinalo nila lahat kaya walang natira sakin.
Pagkatapos mailapag sa mesa ang tray ay kinapa ni Hunter ang leeg ko. Hindi ko mapigilang ang pagbuntong-hininga at inilapit ko ang sarili ko sa malamig na palad ni Hunter.
“N-nagugutom ka na ba? I made breakfast.” tanong nya.
Nanghinayang ako nang alisin nya bigla ang kamay nya na para bang napaso. Pero dahil gutom na ako, hindi na ako nagreklamo. Inalalayan nya akong umupo.
Walang anu-ano’y may parang kuryenteng dumaloy sa aking ulo na nagdulot ng matinding sakit. Napakunot-noo ako habang iniinda ang pumipintig kong ulo.
“Bukod sa lalamunan mo, ano pa’ng masakit sa’yo?”
Nagulat ako, papano nya nalamang masakit ang lalamunan ko?
“Puh-lease, Gustavo. Now tell me, saan pa ang masakit?” pagisiyasat ng demonyo.
Nagdalawang-isip ako kung sasabihin ko kay Hunter na lahat ng parte ng katawan ko ay masakit. Papano kung maging pabigat ako at mairita sya?
“U-uh, w-wala na boss. Halika, kain na tayo.” pilit kong pinasigla ang boses ko.
“Gus…”
“B-boss, kain na lang po tayo. Baka ma-late ka sa klase eh.”
Gumalaw si Hunter at inatake na naman ako ng makabasag-bungo na sakit ng ulo. Doon ko lang napagtanto na hinablot pala nya ang buhok ko.
“Stubborn brat! Tingnan mo nga ang sarili mo. Kaya ka nagkaganyan kasi iniinda mo lahat ng nararamdaman mo.” pangaral nya.
“Hunter, ayoko—“
“Ano? Ayaw mong maging pabigat sa mama mo? Edi sa akin mo sabihin! When you’re hurt, or sad, or troubled, or angry… lahat yun sabihin mo sakin. O baka hinahamak mo ang pagkakaibigan natin?” may pagtatampo ang boses nya.
“D-di naman sa ganun eh…” mahina kong tugon.
“Ganun naman pala eh! I’m your best friend so rely on me a little, would you?”
Hindi ako makaimik nang bulyawan ako ni Hunter. May bahid ng katotohanan ang sinabi nya kaya hindi rin ako makapagdeny.
Gayunpaman, mas nakakapagpapabagabag sa akin ang tinuran nya tungkol sa aming pagkakaibigan. Hindi ko sinasadyang ma offend sya.
Hindi ko alam kung kailan nag-umpisa, pero importante ang naging papel ni Hunter. Natatakot lang ako baka itaboy nya ako oras na magsimula akong mag-open up ng mga hinaing ko.
Simula kasi ng mamatay si papa, naging matamlay na si mama kaya ipinangako ko sa sarili ko na kailangan kong maging matatag para sa aming dalawa.
Sanay na akong itago lahat ng hinaing ko. Ayokong mawala ang kaibigan ko kapag nalaman nyang mabigat ang dinadala ko.
Tiningnan ko si Hunter… maikling panahon pa lang kaming nagakilala pero handa syang maging karamay ko. Nag-aalok ng balikat na masasandalan…
Hindi ko masasabi ang mangyayari sa hinaharap, maaring magsawa sya o mananatili, pero sa ‘ngayon’…kahit papano, unti-unti… buo na ang pasya ko.
“Y-yung ulo ko, at yung lalamunan ko…” mahina kong tugon.
“Okay, and where else? C’mon, spill…” umupo sya sa tapat ko.
“U-um, yung buo kong katawan… mejo nangangalay.” dagdag ko.
Nawala ang galit at pagtatampo sa mukha ni Hunter, napalitan ito ng ngiti na sing-liwanag ng araw. Gusto kong magtiwala sa kanya…
Oo, may pagka-bipolar sya dahil sa bilis ng pagbabago ng mood nya, subalit isa iyon sa mga bagay na nakakapagpamangha sa kanya.
Lalaitin at aawayin nya ako tapos magbabait-batian sya. Hindi ko alam kung may iba pang nakakaalam ng ganitong side nya, pero masaya ako dahil ipinapakita nya sa akin ang pagkatao nya.
Napapikit ako ng maramdaman ang banayad na paghilot sa aking sentido. Naibsan ang sakit na nadarama ko. Magpapasalamat na sana ako nang mahuli ko syang nakatingin sakin.
“Boss?”
“Mm, may bagong tubong pimple sa gilid ng ilong mo.” bulong nya.
Itinulak ko sya palayo. Sinasabi ko na nga ba, bipolar talaga! Wala pang isang kurap nilait na kaagad ako. Akala ko pa naman mabait sya ngayon.
“Grabe sya! Pasalamat ka’t makinis yung mukha mo.”
“C’mon, let’s eat para makainom ka ng gamot.”
Tinampal ko ang kamay nyang pumisil sa ilong ko. May pimple pala eh bakit mo hinawakan. Ni hindi man lang sya nakonsensya, sa halip ay humalakhak pa!
Inabot nya sa akin ang mangkok na aking ikina-dismaya. Alam ni mama na natrauma ako sa lugaw noon ni papa, bakit ito ang niluto nya?
“Umm, Hunter…”
Napalingon sya sakin habang ngumunguya. Mukhang sarap na sarap sya habang kinakain ang tortang talong ni mama. Napalunok ako.
“Ehh, eto lang ba…?” napasulyap ako sa lugaw.
“Ah, wait may binili akong pandesal. Heto, kainin mo habang mainit pa.”
Hindi ako makapaniwala sa aking kapalaran. May sakit na nga ako tapos tinapay at sinabawang kanin lang ang ipapakain sa akin?
Nang makitang hindi ko ginagalaw ang pagkain ko, tumigil din sa kakakain si Hunter. Nabuhayan ako ng loob ng sumenyas sya na ibigay sa kanya ang mangkok.
Akala ko ay bibigyan nya rin ako ng kapirasong tortang talong. Akala ko lang pala.
“Don’t worry, it’s not that hot anymore.” sabi nya matapos hipan ang lugaw.
Sa pagkadismaya ay hindi ako makapagsalita, nakatingin lang ako sa kanya.
“Nanghihina ka ba? Ok, susubuan na lang kita. Here, say ‘aaahn’.”
Inilapit nya ang kutsara sa bibig ko. Nadurog ang puso ko at nangilid ang luha ko sa sobrang inis. Bakit papakinin ako ni mama ng walang lasa samantalang si Hunter nagpapakasarap sa luto nya?
“Gus, masakit na naman ba ang ulo mo? C’mon, eat up kahit konti para makainom ka ng gamot.” nag-aalala nyang sambit.
“B-bakit yan? Huhu, ayoko nyan eh!” hagulgol ko.
“What…?” napamaang sya.
“Gutom na gutom ako tapos nilagang kanin na may konting asin lang ipapakain sa akin. Wuuhuhu… mama naman eh…”
“G-Gus, s-sorry! Hindi ko alam eh, akala ko—sorry talaga Gus. Hayaan mo, I’ll never cook anything like this again… I’m sorry.”
Natigil ang pag-iyak ko at napatingin ako kay Hunter; para syang tuta na sinipa. Sya ang nagluto para sa akin, hindi si mama?
“I-ikaw ang nagluto nito?” sisinghot-singhot kong tanong.
“Well, y-yeah… umalis si auntie para bilhan ka ng kalamansi eh. And I thought… well, it’s my first time na mag-alaga ng may sakit, and— uhm, I mean… nakita ko sa movies na lugaw ang pinapakain…but I didn’t— I’m sorry Gus…”
Mabilis ang pagsasalita ni Hunter at hindi sya makatingin sa akin. Sya na nga ang nag-effort, sya pa ang nagsorry. Naguilty ako at nahiya sa inasal ko.
Unang beses nyang mag-alaga ng may sakit. Teka, ibig sabihin ba…
Akala ko panaginip lang na merong nagpupunas ng katawan ko. Sya ba ang gumawa nun? Magdamag ba nya akong binantayan? At nagluto pa sya ng almusal ko?
Alam kong hindi dapat, pero ano itong saya na nararamdaman ko…?
“Ganito na lang, ako na lang ang kakain ng lugaw.” alok nya.
“E-eh, boss wag na. Akin na lang yan…” sinunggaban ko ang mangkok.
“What? Ano ka ba, ok lang. Ako na ang kakain nito, mamaya mawala pa yung appetite mo eh.” inagaw nya ang mangkok.
“Di boss, ako na ang kakain nyan.” inagaw ko ulit ang mangkok sa kanya.
Hindi rin paawat si Hunter, inagaw nya ulit ang mangkok sa akin hanggang sa nagka-hilahan kami. Hingi ko sya tinantanan hangga’t hindi nya binabalik ang lugaw sa akin.
“A-are you sure?” pagsuko nya.
“Opo, sure ako.” saka sayang din yung effort mo kapag di ko kinain ‘to.
“U-um, well… sorry ulit, I won’t make this again. Bilhan na lang kita ng oatmeal mamaya after class.”
“Um, sorry din boss. Tungkol sa inasal ko kanina…”
Naupo sya ulit sa tabi ko at doon kami kumain sa kama. Pinagsilbihan nya rin ako ng tsaa habang kape naman ang ininom nya. Naalala ko tuloy si Brix, pareho silang maasikaso.
Ano kaya ang pakiramdam na maging spoiled? Subukan ko kaya kay Hunter.
“Itlog…” sambit ko.
“Sorry, what?” tanong ni Hunter habang nililigpit ang pinagkainan namin.
“Um, yung lugaw boss. Gusto ko may kasamang nilagang itlog.”
“Huh, I thought you hated it?” nakangisi nyang tanong.
“Erm, p-pasado naman sa panlasa. Basta, much better kung may nilagang itlog. Saka manok. Saka sibuyas-dahon…” binaling ko ang tingin sa bintana.
“Are you requesting a fucking arrozcaldo?” binigay nya sakin ang gamot ko.
Nagkibit-balikat lang ako. Parang ang hirap yata magpaka-spoiled ah? Pero matagal na akong di nakakakain nun eh, so…
“Ugh, fine maghahanap ako ng recipe. But don’t expect na perfect ha? Saka… what will I get as reward kapag naipagluto kita?”
Magbubunyi na sana ako dahil pinagbigyan ang hiling ko, pero natigilan ako.
“E-eh? Maniningil bigla? Hmm, magdecide na lang tayo pag nailuto mo ng maayos.”
“Fine, whatever. I have to go now. May arinola dito sa ilalim ng kama mo, just in case. Magpahinga ka na ulit at wag kang mag-aaral.” bilin nya.
“Ha? Kaya ko namang maglakad papuntang banyo boss eh, di na kailangan yan.” di ako imbalido noh.
“Alam mo ikaw na ‘tong inaalagaan, ikaw pa ang nagrereklamo. What if mahilo ka at matumba sa banyo? De basag ang bungo mo?”
“OA naman neto…”
“Prevention is better than cure.”
“Pero—“ pinitik nya ang tenga ko.
“Walang pero-pero. Matulog ka na!” natameme na lang ako.
Hunter
Bago ako umalis sinigurado ko munang lahat ng kakailanganin ni Gus ay within reach. Nagbilin akong magcheck sya ng temp every 4 hours at saka uminom ng gamot.
Nag-iwan ako ng sandamakmak na sports drink at tubig sa lamesa para laklakin nya. Saka lang ako umalis nang mapasuot ko na sya ng medyas at jacket.
Pinayuhan naman ako ng NSTP instructor namin na mag-obtain na lamang ng medical certificate ni Gus para ma-excuse ang absence nya.
Gaya ng hinala ko, pinagwalis kami ng sidewalk. Panaka-naka akong sumisilip sa phone ko para sa update ni auntie tungkol kay Gus.
“Ah!”
Out of nowhere ay bigla na lamang may nabangga sa likod ko. Bago pa man mag faceplant ang babae sa kalsada ay hinawakan ko ang braso nya. Maya-maya pa ay may narinig akong hagikhikan.
“Oh, I’-I’m sorr—bae?” bulalas ng tinig na kilalang-kilala ko.
“The name’s Hunter, not bae.” inalis ko kaagad ang pagkakahawak ko sa kanya.
“I was looking the other way pero bigla na lang ako tinulak ng mga girls. Sana hindi kita naabala bae.”
Base sa tono nya, halatang sinadya ang mga pangyayari. Buti na lang at napigilan ko ang sariling magpa-ikot ng mata.
Tumango lang ako at nagkunwaring busy sa pagwawalis. Panay lang ang titig nya sa akin, di yata na gets na ayaw ko syang makausap.
“Bae—“
“Hunter.” malamig kong tugon.
“Hunter, h-how have you been?” pagbabait-baitan nya.
“Great, better than ever!” pinili kong maging civil towards her.
“Can you stop being rude? Sinabi ko na sa’yo, I don’t wanna talk kapag hindi ko kaharap ang tao. Face me!” mapang-utos nyang sambit.
“Miss, busy ako sa task ko. Kung ayaw nyong magwalis ng area nyo, wag nyo namang istorbohin ang ibang estudyante dito.” mahinahon kong tugon.
“Damn it Hunter! May pinagsamahan naman tayong dalawa kaya pwede ba humarap ka sakin? For old time’s sake!” pamimilit nya.
Napatingin ang ibang student sa gawi namin dahil sa pagtaas ng boses nya. Wala akong choice kundi kaladkarin sya sa isang sulok bago paman sya mag-eskandalo.
“What do you want?” deretsahan kong tanong.
“How long are you gonna keep this act? Come back to me.” maangas nyang tugon.
“I’m sorry…what? Hindi ka pa ba kuntento sa mga lalaking nagkakandarapa sa’yo?” gusto kong matawa.
“Hunter, you don’t have to be jealous of them. Ikaw parin ang gusto ko, at alam kong ako parin ang gusto mo.” lakas-loob nyang turan.
Teka, nakalanghap ba sya ng expired na Baygon katol? Who’s jealous of whom? And who wants who? Di ko alam kung nag-uumapaw lang confidence nya, borderline alpha-kapal-muks ang datingan eh.
Inaamin ko, maganda sya at palaban ang ugali kaya naattract ako sa kanya noon. Pero may isang tao na nagprove na hindi batayan ang mukha para maattract ka.
“Miss, tigilan mo na ang pagpapantasya. Hindi na ako babalik pa sa’yo.”
“Call me by my name! I missed you so much bae, and I know you missed me too. Pati na ang mga adventures natin sa kama.” malandi nyang tugon.
Tirik na tirik ang araw pero nagsitayuan ang mga balahibo ko sa kahindik-hindik na mga kataga nya. Gusto kong masuka ng dugo ngayon mismo!
Sa isang banda, iisang tao lang ang tangi kong naiisip kapag binabanggit ang salitang ‘kama’. Nai-imagine ko ang mga mata nyang sumasalamin ng kanyang pagkalibog.
Ang kahali-halinang mga ungol, ang matatamis na mga utong, ang maputing singit, at higit sa lahat… ang mapupula nyang mga labi habang nakaluhod at sinusubo ang—
Wait, what the fuck…! Buti na lang at hindi nagreact si junjun, kundi tyak na malaking problema ang haharapin ko.
“Sorry miss, pero wala na akong balak ibalik kung anuman ang meron tayo noon. It’s time to move on.” napailing ako.
“I know this is just a test of our devotion. Alam kong babalik ka pa rin sa akin, just like how it was before. You always come back to me.”
“Um, no thanks. Not this time. Goodbye.” aalis na sana ako nang bigla nyang hawakan ang braso ko.
“No, hindi ako susuko! Handa akong gawin ang lahat, kahit ang pakisamahan yung basurang umaaligid sa’yo, bumalik ka lang sa piling ko.” pagdadabog nya.
Basura…si Gus ba ang tinutukoy nya? Marahas kong tinanggal ang kamay nyang nakapulupot sa braso ko. Wala akong pakialam kahit masaktan sya.
“He’s ugly but his heart is golden. Ikaw, maganda ka nga pero masahol pa sa basura ang ugali mo. Obviously, I’d choose gold over trash. This is my last warning, stay away from me!” pinanlisikan ko sya ng mata bago tumalikod.
“Watch me, I won’t give up until I take back what’s mine!” sigaw nya.
Napailing ako. Sa hinaba-haba ng panahon na hindi kami nagkita at nagkausap, bigla na lang sya susulpot at uutusan akong makipagbalikan sa kanya? What a retard.
Lumipat na lang ako ng ibang area at doon nagwalis. Kung hindi lang sya babae, kanina ko pa sya nasapak. But my mom told me na ang lalaking nananakit ng babae ay hindi tunay na lalaki.
Nagmadali akong umuwi kina Gus matapos mag grocery. Pinayagan naman ako ni auntie na doon na magstay this weekend para na rin daw may tigabantay kay Gus.
Buong maghapon natulog si kamahalan kaya tinulungan ko na lang si auntie na mag gardening. Masarap pala sa pakiramdam yung malamig na lupang binubungkal mo habang nagbubunot ng damo.
Never kasi ako nakaranas ng ganun since may janitor naman kami nung high school. Dito lang din ako natuto kung papano magtanim ng mga gulay at halaman.
“Nak, salamat sa tulong mo ah. Di ko alam kung kakayanin ng likod ko magbuhat ng malalaking paso eh.”
“No probs auntie. Para saan pa ba ‘tong muscles ko kung di ko naman gagamitin.”
Kinagabihan ay nagbonding kami ni auntie habang nagluluto. Gising na ang mahal na prinsesa pero dahil nanghihina pa ay hindi na namin sya pinayagang bumaba sa kusina.
Sa halip, doon ako kumain sa kwarto ni Gus para may kasalo sya. Arroz caldo at calamansi juice ang sa kanya, fried chicken naman yung sakin. Ilang kilo rin kasi ng manok ang nabili ko kanina.
“Boss, may problema ka ba?” bigla nyang tanong habang kumakain kami.
“Huh? Wala ah.”
“Wala daw? Eh ano ‘to?”
Inilapag nya ang mangkok saka sinimulang hagurin ang area sa pagitan ng kilay ko. Kung di pa nya ginawa yun, di ko pa mapapansin na kanina pa pala magkasalubong ang kilay ko.
“Hmm, feels good.” unti-unting nawala ang tensyon sa noo ko.
“Boss, kung gusto mo eh handa akong makinig sa problema mo. Baka sakaling may maitulong ako kahit konti…”
“It’s not a problem per se, pero sumama lang ang mood ko. Y’know my ex? Nilapitan kasi nya ako while doing community work.”
“Si Charmaine? Oo naman, sikat po kaya kayong dalawa. Nakikipagbalikan ba?” tuloy parin ang masahe nya.
“How did you know?” sarap talaga nyang magmasahe.
“May iba pa po ba syang habol sa’yo maliban sa magpagamit sa kama?”
Natawa ako sa tinuran ni Gus kaya pinisil ko ang magkabilang pisngi nya gamit ang isang kamay. Nagkasalubong ang kilay nya at nagmukha syang bibe na lalo kong ikinatawa.
“You and your smart mouth.”
“Boss naman eh, wag mo hawakan mukha ko. Ang oily na nga eh… so ano, gusto mo bang makipagbalikan sa kanya?”
“Gusto mo ba?” pinisil ko ilong nya.
“Hala, bakit ako tinatanong mo? Eh sa’yo nakikipagbalikan?” nagsimula ulit syang kumain.
“Diba may gusto ka dun?”
“Uy gawa-gawa ng storya! Wala boss ah…”
“Weeeh? So ok lang sa’yo kung magbabalikan kami? Di ka masasaktan?” pagbibiro ko.
“Bakit naman ako masasaktan? Di ko naman sya gusto.”
“Hmm, what if palagi kami magkasama? Di ka mahu-hurt kung maglalambingan kami sa harap mo? Saka baka di na ako magkaroon ng time para sa’yo.”
“Boss naman, syempre gf mo yun so maiintindihan ko kung gusto mong magspend ng time with her. Di naman kita pipigilan eh, pero andito lang ako para suportahan ka kung san ka masaya…”
Gusto kong mainis dahil hindi nya magets ang punto ko. Di ba sya magseselos kung maglalambing ako sa ibang tao? Kasi ayoko ng may naglalambing na iba sa kanya.
“Weeh, di nga? Baka magtampo ka?”
“Maiintindihan ko naman boss eh. Pero sana… wag na lang.”
Kakaibang init ang dumaloy sa kalamnan ko. Natuwa ako sa narinig kaya itinabi ko ang mga pinggan namin at saka nahiga ako sa kama habang ang ulo ko ay nakaunan sa hita nya.
“Bakit naman?” tinago ko ang excitement ko.
“Erm… kasi boss, ano… uhm, may narinig lang po ako…” namumula ang mukha nya.
“Sabihin mo, dali. Di naman ako magagalit. I want to hear what my bestfriend wants to say.”
“Ermm, di naman sa nakiki-tsismis ako. Aksidente ko lang narinig eh so di ko alam kung may basis. Pero...kasi diba marami yung may gusto kay Charm dun sa klase namin?” he was twiddling his thumbs.
“O tapos?”
“Umm, sabi kasi nila katuwaan lang daw yung kay Charm. Parang naghahabol ng may pera pero papaasahin din. Pero kasi alam mo naman yung mga manyak dun, bahala na daw paiyakin sila basta matikman lang daw nila… eh ewan…”
“Tapos? Anu naman kinalaman ko dun?” pagmamaang-maangan ko.
“E-eh, d-di naman sa nagmamagaling ho ako. Pero boss eh, baka ganun din gawin nya sa’yo. Baka maulit naman yung nangyari noon tas maglalasing ka…”
“In short… concerned ka sakin?”
“M-mukamo! D-di noh, s-saka nakakahiya sa kapitbahay. Mambubulahaw ka na naman dito ng hatinggabi. Saka a-ano…delikado yung drunk driving diba? Baka kung m-mapano ka…” namumula ulit ang mukha nya.
“So in short, concerned ka nga sakin?” panunukso ko.
“Di nga ako concerned! Kulit mo naman boss eh…”
“What if madisgrasya ako kasi lasing? Di moko aalagaan sa ospital?”
“Boss, wag naman po ganyan. Kaya nga wag ka na lang makipagbalikan sa kanya, baka kung mapano ka pa… s-saka, mag-aalala si mama!” palusot pa nya.
Dun na ako napatawa ng malakas. Andami pang satsat, ayaw naman pala nya!
“Ayun! Bottomline, ayaw mo lang akong makipagbalikan kay Charm. Bakit ba kasi ayaw mo pa akong deretsahin, ha?” panunukso ko kaya mas namula sya.
“Ey bahala ka nga sa buhay mo! Walang pumipigil sa’yo kahit ilang babae pa yung pagsabayin mo. Alis ka nga jan, kakain ako. Shoo! Shoo!” ipinagtulakan nya ang ulo ko.
“Asus, seloso! Sana sinabi mo na lang kasi na ayaw mong may kahati ng atensyon ko, mas sasaya pa ako.” pagmamaktol ko.
“Ansabe?”
“Wala, sabi ko mag-enjoy ka sa kaka-kain ng masarap kong arroz caldo! Pinaghirapan kong lutuin yan para sa’yo, kamahalan.”
“Kaya pala ang pangit ng lasa kasi ikaw ang nagluto.”
“Ay wow, hiyang-hiya naman ako sa’yo. Kulang na nga lang dilaan mo yang bowl para malinis eh.” ngumisi ako.
“Tsk, ingay mo boss! Akin na nga yang manok mo. Gutom pa ako eh.” reklamo nya.
“No way, sakin ‘to noh. Yang caldo lang ang para sa’yo kaya makuntento ka.”
“Eeeh? Boss naman, gutom pa po ako. Gusto ko kainin yang manok mo.”
Napangiti ako sa ka-kyutan ni Gus, natututo na syang magpa-spoil. Bigla-bigla ay may naisip akong kapilyuhan dahil sa sinabi nya.
“K, bibigay ko sa’yo ‘to in one condition. Gusto ko hingin mo ‘to in English.” nakangisi kong panghahamon.
“Sus kala naman nito ambobo ko. O sya, I want that chicken!” nakangisi nya ring tugon.
“Nooo… di ganyan. Another term for chicken. Yung male chicken ha.”
“Huh? Eh di naman lalaki yan ano!”
“Pano mo malalaman, aber? Butchered na ‘to pagdating sa grocery so di tayo sure if it’s a he or a she. Pero gusto ko he, so dali naaa…” palusot ko.
“Ano ba yan boss.. Err, I want that broiler…? Rooster…? Gallus gallus…?”
Pero sa bawat pagsagot nya ay napapailing ako. Mas gusto ko kasi yung isang term na hindi nya nababanggit.
“Boss! Niloloko mo naman ako eh. Nasabi ko na lahat pero mali parin.” maktol nya.
“Hirit na? Sus, kala ko pa naman matalino ka. Tsk, tsk, tsk… another term for male chicken is cockerel.” kibit-balikat kong tugon.
“Ay! Oo nga pala, nakalimutan ko…”
“Duh? Sige na, say it again para mabigay ko na ‘to sa’yo. English parin ha?” iwinagayway ko ang malaking piraso ng manok.
“Shado ka namang demanding boss ehh.. ok, eto na. I want that cock—“
Nang sabihin ni Gus yun ay hindi na ako nakapagtimpi at humagalpak na ng tawa. Naluha na ako sa katatawa bago pa man nya maintindihan na may meaning yung sinabi nya.
“Hunteeeer!”
Gus
Hindi ko talaga malaman kung hanggang saan ang abot ng kawalanghiya ni Hunter. Pati ba naman sa oras ng pagkain, kamanyakan parin ang naiisip nya? Haist!
Gayunpaman, hindi ako nagreklamo. Marami na syang nagawa para sakin at ngayon nga ay inaalagaan pa nya ako. Saka sa huli natatawa na lang din ako.
Matapos magligpit ng pinagkainan ay bumaba sya saglit para maghugas. Bagamat ok na ang pakiramdam ko, hindi nya ako hinayaang tumulong.
Dahil walang magawa ay nakinig na lang ako ng music sa phone ni Hunter. Nang makabalik sya ay may dala-dala syang tatlong can ng beer.
“Uy boss, ano yan? Maglalasing ka?” nguso ko sa dala nyang beer.
“Iinom lang, di magpapakalasing. Tagal ko na ring di nakainom eh, uhaw lang.”
“Sure ka? O baka pinoproblema mo yung sinabi ng ex mo?” pagbibiro ko.
“Shut up, wala nga akong problema. Usog kang konti, nood tayo ng movie.”
Umupo sya sa tabi ko saka binuksan ang laptop nya. Marami syang movies doon pero ako ang pinapili nya. Pinili ko yung How To Train Your Dragon, para kasing exciting.
“Pambata naman ‘to, pili ka nga ulit.”
“Eto na lang boss, di ko pa napapanood ‘to eh.” pamimilit ko.
Binuksan ni Hunter ang isang can at tuloy-tuloy na lumagok. Napa-‘aah!’ sya na para bang nag-aadvertise ng Coca-Cola kaya na-curious ako kung masarap ba yun.
“Boss, pwede pa-try nyan?”
“You crazy? Di pwede, pagalitan ako ni auntie. Isa pa, your taking meds kaya wag kang ano. Basag yung atay mop ag nagkataon.”
“Wala naman akong ininom boss maliban nung nag breakfast tayo kanina. Saka di naman magagalit si mama, umiinom din nga yun eh.”
“What? Diba nagbilin ako na uminom ka ng gamot? Alam mo ikaw, ang kulit mo!”
“Eh… andyan ka naman para alagaan ako eh.” hagikhik ko.
“Hoy, wag mo akong inuuto.” kinurot nya ang tagiliran ko.
“Aray boss! Ehh, seryoso naman po ako eh.”
“Wag kang namimihasa, baliw! Manood ka na nga lang.” ibinaling nya ang ulo ko sa naka-play na movie.
“Ge na boss, tikim lang naman eh. As in konting-konting-konti lang talaga.”
“Magtigil ka Gustavo. Pag sinabi kong bawal, bawal!” kinurot nya ang singit ko.
“Damot naman neto…” napahimas ako sa singit ko.
Inakbayan ako ni Hunter kaya napasandal ako sa dibdib nya. Panaka-naka syang natatawa, parang ako daw kasi yung bidang si Hiccup — matalino pero pasaway.
Kalagitnaan na ng movie at ikalawang beer na ni Hunter ng biglang magring ang phone nya. Dali-dali syang tumayo at nagpunta sa balkonahe para sagutin iyon.
Alam kong si mommy nya ang tumawag kaya nagfocus na lang ako sa movie. Andun na kasi sa part na napa-amo na ni Hiccup si Toothless. Ako naman ngayon ang natawa.
Parang si Hunter din si Toothless; sa una ay suplado’t pala-away, pero nang natikman na ang luto ni mama ay biglang bumait. Saka pinoprotektahan nya rin ang bestfriend nyang si Hiccup.
Tulad sa aming dalawa, pinoprotektahan ako ni Hunter. Saka gaya ni Hiccup, gusto ko ring gawin ang makakaya ko para masuportahan si Hunter.
Nabaling ang tingin ko sa beer ni Hunter. Di naman nya siguro malalaman kung iinom ako dun, diba? Konti lang naman eh, tikim lang. OA lang masyado ang reaction nya.
Sumulyap ako sa pinto ng balkonahe, busy pa rin si Hunter at hindi nagagawi ang tingin nya sa direksyon ko. Kinuha ko ang lata saka mabilis na lumagok.
UGH! Parang sinilaban ang lalamunan ko! Ambaho pa, parang ihi na mapanghi at mapait at mapakla na hindi ko maintindihan.
Bakit ba andaming lasenggo sa mundo, eh ang pangit ng lasa nito? Saka bakit sarap na sarap si Hunter kanina? Pasanayan lang ba ‘to?
Aba’y kung ganun, di ako magpapatalo. Lumagok ako ng isa pa, at isa pa, at isa pa, hanggang sa hindi ko namalayang naubos ko na pala ang laman nung lata.
“Yep mom, I know… I will. Ok, you take care too. See you the soonest. Bye.”
Binalik ko ang lata sa mesa at nagkunwaring focused sa movie. Nag-aapoy parin ang lalamunan ko at may kakaibang init na dumadaloy sa aking sistema.
“Which part are we?” tanong nya bago naupo sa tabi ko at inakbayan ulit ako.
“Susugurin na nila yung dragon island.” sumandal ako sa dibdib nya.
“Oh, this part is good—huh?”
Nakita kong inangat ni Hunter ang can at nagtaka dahil wala nang laman. Akala ko’y mahahalata nya pero napakamot lang sya ng ulo at nagbukas ng panibagong lata.
Hindi ko na matandaan ang mga sumunod na nangyari. Maraming hiyawan, liparan, at apoy, hanggang sa mag roll na ang credits.
COMMENTS