$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Meet My Middle Finger (Part 10A)

By: Raleigh If you leave someone, at least tell them why. Because what’s more painful than being abandoned is knowing you’re not even wo...

By: Raleigh

If you leave someone, at least tell them why. Because what’s more painful than being abandoned is knowing you’re not even worth an explanation.

---

Sa ikaapat na palapag ng health sciences building ng isang tanyag na unibersidad ay masasaksihan ang isang kakatwang pangyayari.

Nahawi ang karagatan ng mga tao nang dumaan ang isang lalaking animo’y modelo sa sobrang gwapo. Maririnig ang panaka-nakang pagsinghap ng mga kababaihan.

Ngunit tila hindi nya alintana ang titig ng kanyang mga tagahanga. Mabilis syang naglalakad na para bagang hinahabol ng multo.

Sampung dipa mula sa kanya ay mababanaag ang lalaking mabibilis din ang hakbang, nakabusangot at tila pasan ang problema ng sanlibutan.

Katulad ng nauna, nahawi ang karagatan ng mga tao nang siya’y dumaan; hindi dahil sa gwapo sya, kundi dahil sa ubod sya ng pangit.

Lahat ng kanyang makasalubong ay nagsisitakbuhan sa ibang direksyon; pulos sigaw ng pagkasindak ang maririnig.

Lingid sa kaalaman ng lahat, ang gwapong lalaki ay hindi hinahabol ng multo. Bagkus, sya pa mismo ang naghahabol sa multo.

Gus

“Gus...”

Dire-direcho parin ang lakad ko na parang walang narinig, ni hindi ko sinulyapan ang lalaking naglalakad sa aking likuran.

“Gus naman oh.”

Napaikot ang mata ko. Bakit ba parang ang layo ng library? Minabuti kong bilisan ang mga hakbang para marating ang lugar kung saan hindi sya makakapag-ingay.

“Gus pakinggan mo naman ako, please?”

Eh sa ayaw ko ngang makinig ng palusot mo! ang gusto kong sabihin, pero ayoko parin syang kausapin.

Walang anu-ano’y bigla na lamang hinatak ni Hunter ang braso ko at isinandal ako sa dingding. Hawak nya ako sa magkabilang balikat kaya’t di ko magawang makatakas.

“Gus, listen to me. I swear, wala rin akong alam! Wag ka namang magalit sa akin oh?” giit nya sabay ng konting pagyugyog sa balikat ko.

“Papanong walang alam, eh ikaw ang nandun sa klase?” bwelta ko.

“Look at me, please?”

Sandaling nagtagpo ang aming mata bago ako umiwas ng tingin. Alam ko na ang magiging kahihinatnan ng tagpong ito kung magkakatitigan kami.

Lagi na lang…lagi na lang syang mabilis na napapawalang-sala kapag nagka-eye contact kami. Namimihasa sya kasi alam nyang mahina ako sa titig nya.

Lalo na ngayon at kagagaling lang nya sa photo shoot para sa upcoming pageant.

Naka red blazer lang si Hunter, walang anumang suot na inner shirt, kung kaya litaw ang matipuno nyang dibdib. Masisilip din ang malabato nyang abs.

Pinarisan nya ito ng tight-fitting black wash jeans kaya defined ang leg muscles nya. At talaga namang mababaliw ang mga kababaihan sa kakaimagine ng malaking umbok sa harapan nya.

Hindi maipagkakailang nag-uumapaw ang kagwapuhan ni Hunter ngayon — more than the usual. Kaya kung gusto nyang mapakinggan ko ang side nya, gagawin ko iyon ng patalikod!

“Hunter busy ako kaya pwede ba, wag mo akong istorbohin ngayon?” pag-iiba ko ng usapan.

“No! Hindi ako titigil hangga’t di tayo nagkakaayos sa lalong madaling panahon!”

“Aba’t—pagkatapos mong gawin sakin yun, ang lakas pa ng loob mong magdemanda ng ganyan!”

“Hindi ko nga kasi alam na di kasali sa retdem ang rectal exam. That aside, di ko naman basta lang pinasok yung daliri ko sa—mmffhh!”

Dagli kong tinakpan ang bibig ni Hunter at luminga-linga sa paligid. Nasa hallway pa naman kami. Papano kung may nakarinig? Edi sira ang image nya?

Pinandilatan ko ang demonyo sa harapan ko. Wala na bang hangganan ang kawalanghiya nya? Kahit ba naman sa pampublikong lugar ay babanggitin nya iyon?

“Mmffhhh, nggh!” gumalaw ang bibig nya sa ilalim ng kamay ko.

“Ano?” kunot-noo kong tanong.

Nakaramdam ako ng mainit na malambot na namamasang bagay sa aking palad. Namula ako nang mapagtanto na dila iyon ni Hunter kaya agad kong binawi ang kamay ko.

Humalakhak lamang ang demonyong aking kaharap habang abala ako sa pagpahid ng kamay sa kanyang blazer.

Sa sobrang inis ay itinaas ko ang kamay na nilawayan nya at akmang ihahampas iyon sa kanya, pero napigil nya ako.

“Hunter! Napaka-walanghi—“

“Sabi ko, you finally looked at me.” nakangiti nyang tugon.

Sinubukan kong ibaling ulit ang paningin sa kabila, pero nahulog na ako sa bitag ni Hunter. Humakbang sya papalapit sa akin, hindi pinuputol ang aming tinginan.

“Gus, look...I’m really sorry, ok? Please, forgive me.” sinsero nyang sambit.

Naramdaman kong unti-unting tinutunaw ng titig ni Hunter ang rehas na bakal na aking itinayo bilang depensa. Pinigilan ko ang ngiting gustong sumibol.

“Uyy, ngingiti na yan. C’mon, ngiti ka na.” panunukso nya sabay sundot sa tagiliran ko.

“Ayh! A-ano ba? Ewan ko sa’yo!”

This time, naging matagumpay na ako sa paghampas ng kamay nya pero para syang walang naramdaman.

“Yiee, sige na. Ngiti ka na ha? Bati na tayo?”

Paulit-ulit na sinundot ni Hunter ang tagiliran ko. Ayaw ko man, ako’y isang tao lamang na mahina sa kiliti, kaya hindi ko napigilang matawa.

“Ahahaha! H-hoy, ano ba!” natutop ko ang aking bibig saka tinampal ang kamay nya.

“Sus, pipigilan pa. Tumawa ka na kasi ng malakas!” ani Hunter.

Ilang sandali pa ay umalingawngaw na sa hallway ang tawanan. Hindi paawat ang mga daliri ni Hunter. Naisin ko mang makatakas, pader na ang nasa likuran ko.

“Ahahaha, t-tama na—hahaha!” pilit kong tinataboy ang mga kamay nya.

“Titigil lang ako kung sasabihin mong bati na tayo. Forgive me?” tanong nya.

“No way!” mariin kong sagot.

Ipinagpatuloy ni Hunter ang pagsundot sa tagiliran ko kaya napahalakhak na naman ako ng malakas. Hingal na hingal na ako sa kakatawa pero di parin sya tumigil.

“Ano? Papatawarin mo na ba ako?” hingal nya ring tanong.

Sa wakas ay itinigil na ni Hunter ang pag-atake sa tagiliran ko. May aftershocks parin ang tawa ko at naluluha na ako habang nakatingin sa kanya.

Nakahiga ako sa sahig at gusot-gusot na ang uniform ko habang sya naman ay halos nakapatong na sa akin. Doon ko lang napagtanto ang posisyon namin.

Maya-maya pa ay narinig ko na ang ugong ng bulong-bulungan ng mga estudyante sa paligid namin. Natauhan ako at agad napabangon para maitulak palayo si Hunter.

“B-boss, alis na…pinagtitinginan na tayo.” bulong ko.

“So? Pakialam ko naman sa kanila?” taas-kilay nyang tanong.

“Boss naman…”

“No Gus, mas importante sakin ngayon na makuha yung kapatawaran mo. Everyone else can just go fuck themselves off.” seryoso nyang tugon.

“Eh, boss kasi—“

Sino ba naman ang magsasaya kapag nung nakaraang gabi ay sinundot ang pwet nila tapos kinabukasan ay malalaman na hindi pala kasali yun sa retdem?

Saka, si Hunter ang pinag-uusapan natin. Syempre may halong kademonyohan ang ginawa nya. Erm, well… n-nag-enjoy naman ako kahit papano, pero—

“Ano? Ayaw mo padin?”

Ginalaw-galaw nya ang mga daliri nya habang nakatingin sa akin na parang demonyo. Ayoko nang maparusahan ng mga daliri na iyon, kung kaya—

“Oo na, oo na! Pinapatawad na kita!” mabilis kong sagot.

“Yeeey! Thank you, thank you, thank you! Narinig nyo yon? Bati na kami!”

Parang bata si Hunter na tumayo at tumalon-talon habang nakataas ang kamay. Mas masaya pa sya ngayon kesa nung nanalo sya sa intrams. Pati ako ay natawa na rin.

“Boss! Magtigil ka nga jan. Para kang timang…” panunukso ko.

“Eh, happy ako eh! Pakialam ba nila?” tanong nya sabay alok ng kamay sa akin.

Muntik na akong matumba nang hilain ni Hunter ang kamay ko bilang tulong para makatayo. Hinampas ko ulit ang braso nya, pero halakhak lang ang kanyang isinukli.

“Tch, para kang bata...” pinulot ko ang bag ko saka nagpatuloy sa paglalakad.

“Thank you, Gus. Iyon ang pinakamatamis na oo na narinig ko...” inakbayan nya ako.

“Huh? Anong hangin na naman ba ang pumasok sa kokote mo?” inalis ko ang kamay nya.

“Ah, basta! Yun na yun..” inakbayan nya ulit ako.

“Boss, magpalit ka nga muna ng damit dun. Kita na yang bituka mo eh.” nguso ko sa damit nya.

“Bakit? Ayaw mo bang makita ng iba yung hot body ko? Nagseselos ka ba?” nag wiggle sya ng kilay.

“Sino nagseselos? Para ano na magseselos ako?” inalis ko ulit ang kamay nya.

“Sus, sabihin mo lang kasi Gus kung nagseselos ka.” panunukso nya.

“Go to hell!”

Nagtagpo ang siko ko at ang matigas na pandesal ni Hunter. Bago ako pumasok ng library ay narinig ko pa ang malakas nyang halakhak.

Haist, Narcisso talaga!

Hunter

Yes! Jävla hattebra! Bati na kami ni Gus!

Finally, pinatawad na nya ako! Akala ko mararanasan ko na naman yung feeling noong una kaming nagkatampuhan eh.

Ganito kasi ang nangyari...

Feeling gwapo akong naglalakad pabalik ng classroom para kunin ang gamit ko after the shoot, only to be gulantangized ng balitang alam na ni Gus na walang retdem sa rectal exam.

Nag panic attack ako bigla nang makita ang mukha nyang pinagsukluban ng langit at lupa. Dagdag pa na hindi nya ako pinapansin.

“Gus, may problema ba?” alpha-kapal-mukhz kong tanong.

“Don’t you dare talk to me again, you lying dog!” babala nya bago nag walk-out.

Na taken aback ako, partly dahil sa galit nya, but mostly dahil napa-English sya. Now I know kung kelan sya nagiging Inglesero: kapag galit na galit at kapag nalasing.

And speaking of nalasing, naalala ko na naman ang daring nyang alter-ego… ang mga gapang, dirty talk, submissive gestures, and—

Whoa! Whoa! Easy there cowboy. Hirap pa namang pakalmahin kapag nagalit na si manoy.

Saka galit din sakin yung nagpapakalma kay manoy eh.

Ayun, agad akong napakaripas ng habol sa kanya kahit pa nahahanginan ang tyan ko dahil wala akong inner shirt.

Back to the issue at hand...

Syempre, aware talaga akong walang retdem, pero mali ba na gustuhin kong makabawi sa kanya for the job well done noong nalasing sya?

Err, aaminin ko…sa maling paraan ko ginawa ang pagbawi — kinailangan ko pa syang utuin — but nonetheless, it’s the thought that counts diba?

Anyway, wag na nating pag-usapan yan. Ang mahalaga eh nagkabati na kami ng bebe ko, kahit pa nga sinikmuraan nya ako bago naglaho sa kung saang sulok ng library.

Dahil good mood, pakanta-kanta pa ako pabalik sa classroom. Binilisan ko ang pagbihis at agad na pinuntahan si Gus sa library.

Alam kong busy sya ngayon (scholar duties) dahil nalalapit na ang foundation anniversary ng school, pero gusto ko paring magpaalam sa kanya bago umuwi.

Nadatnan ko sya sa isang corner na nagbubuklat ng isang makapal na libro. Gusto ko pa sana syang gulatin, pero naunahan ako ng matalim nyang mata.

“O, kala ko ba uuwi ka na?” mejo masungit nyang tanong.

“Err, gusto ko lang magpaalam sa’yo. Baka kasi mamaya hahanap-hanapin mo na naman pag umalis nako.”

“Excuse me?” mabalasik nyang tanong.

“Sabi ko nga eh, joke lang...” napakamot ako sa batok.

“Alis na, shoo, shoo!” pagtataboy nya sakin.

“Wala bang kiss jan?” pagbibiro ko saka nag pucker ng lips.

“Mn, eto!”

Naramdaman ko ang marahas na pagtama ng matigas na bagay sa aking labi. Napangiwi ako nang malasahan ang kakaibang lasang iyon.

What the eff? It was a moldy and dusty book! Bakit ba hindi nila malinisan ng maayos ang mga libro dito?!

“Pwe, pwee! What the he—pwee! Gus!”

Sinubukan ko syang hablutin habang pinupunasan ko ng panyo ang labi ko, pero nakailag sya. Tinapunan ko sya ng matalim na titig.

“Sarap ba, boss?” bungisngis nya.

“Why don’t you try eating one page of it para malaman mo kung masarap?” sarkastiko kong tugon.

“Tsk, tsk.. di dapat ganyan ang sagot boss.”

Nag lean forward sya sa table para bumulong sa akin.

“Dapat ang sagot mo, ‘rapbeh’…” bulong nya sabay ng mahinang halakhak.

Naestatwa ako sa aking kinaroroonan. Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi. Nampucha, saan ba natututo ang batang ito ng ganyang vocabulary?

Hahablutin ko sana sya ulit nang makaramdam ako ng hindi kanais-nais. Parang pinilipit ang bituka ko, kung kaya’t nag-stagger ako.

“A-arayyy…”

“B-boss? Ok ka lang?” pag-aalala ni Gus.

Lumangitngit ang silya nang biglang tumayo si Gus para pumunta sa tabi ko. Nasapo ko nalang ang aking tyan at nagkanda-ngiwi na ako.

“Kayong dalawa na naman? Bakit ba ang hilig nyong mag-ingay?” biglang sita ng librarian.

“S-sorry po mam, pero mukhang masama pakiramdam ng kasama ko eh.” sagot ni Gus.

“Napano ka, hijo?” maamong tanong ng librarian nang makita ang gwapo kong mukha.

“M-masakit…t-tyan.”

Ginalingan ko ang pag-acting at kuntodo ngiwi ako para maniwala ang librarian at hindi pagalitan si Gus.

Hindi naman masyadong masakit, talagang uncomfortable lang. Napasukan ata ng hangin kasi matagal akong half-naked sa attire ko kanina.

Dagdag pa ang pagtakbo-takbo ko para mapaamo itong engkanto sa tabi ko.

“Eh, ermm, sige. Dalhin mo na lang sya sa infirmary.” utos ng librarian.

“Thank you po ma’am, and sorry talaga…” kinuha ni Gus ang bag nya.

“O sya, sya.” pagtaboy ng librarian.

At dahil sobrang bait, napaniwala ko na naman si Gus sa acting skills ko. Inalalayan nya ako so syempre, take the opportunity naman ako para malaya syang akbayan.

Dahan-dahan kaming lumabas ng library saka sumakay ng elevator pababang ground floor. Akay padin nya ako hanggang sa makarating kami sa school clinic.

“Good afternoon po, Doc.” bati nya sa lalaking naka glasses.

Mejo nagulat pa ang duktor ng pagbuksan nya kami ng pinto. Malaki ang ngiting ibinigay nito kay Gus, parang overly friendly din.

May gusto din ba sya kay Gus?

“Oh, Mr. Jalandoni. Who is that? What happened to him?” tumango sya sa direksyon ko.

Kinilatis ko ang duktor habang nakayuko ako. May hitsura din naman at mukhang bata pa. Ito ba ang baliw na ipinapasa lahat ng paperworks kay Gus?

Humph! If I know, ginagawa mo lang yun para mapalapit sa bebe ko when in all honesty, nakaupo ka lang at nakatunganga!

Fuck off, old geezer. Gus is mine!

“Ah, kaibigan ko Doc. Biglang sumakit yung tyan nya eh.”

Parang nasa heaven ako nang marinig ang concerned na boses ng bebe ko. Panira nga lang ang duktor na ‘to, umeeksena sa aming dalawa!

“Paki-alalay na lang pahigain sa kama, please. I’m going to examine him.”

Mejo nainis ako nang maputol ang pag-akbay ko kay Gus, pero sya na mismo ang nagtanggal ng sapatos ko at umalalay sakin pahiga sa kama.

“Kelan nagsimula? Can you tell me what kind of pain it is? Can you point out the area for me? Blah..blah..blah…” sunod-sunod na tanong ng duktor.

Nairita ako sa duktor na ito, andaming tanong! Buti na lang at naroon si Gus, looking like a concerned husband kaya naman kumalma ako konti.

“Uh, sudden onset doc. All over my tummy yung sakit tas parang pinipilipit yung insides ko.” mahinahon kong sagot.

“Oh, can you bend your knees a little and raise your shirt? Ie-examine ko lang ang tyan mo to make sure na hindi malala ito.”

Who the fuck is examining who?!

Bigla akong napaupo at sinabi sa duktor na hindi naman masyadong masakit. Who knows? Baka usugin pa ako ng quack-doctor na ‘to!

“Hunter, sige na. Baka mamaya appendicitis yan eh.” concerned na sabi ni Gus.

Wala akong nagawa kundi mahiga para di na magalit sa akin si Gus. Hinayaan ko ang duktor na i-“examine” ako.

Any funny business now, any at all...sisikmuraan talaga kita.

“What was it you’re doing just before sumakit ang tyan mo?” tanong nya habang nakapatong ang stethoscope sa tyan ko.

“Nakipagta—err… we did a shoot para sa pageant. And I was walking around almost half-naked for like, 5 hours…? Ayun lang naman.”

“Aside from that?”

“Wala na, doc. Yun lang.”

May ginawa ang duktor na para bang pinatunog ang tyan ko. Percussion, kung sa physical examination pa. Nangiti ang duktor.

“Well, I think this is all air. Wala namang abnormalities, except dito.” sambit ni doc.

“Sino kasi nagsabi sa’yo na magkalat sa university na ganun lang suot mo?” yamot na tanong ni bebe.

“Eh sino kasi itong nag walk-out at di ako pinapansin?”

“Sino kasi tong sinungaling na magaling mag-imbento ng istorya?”

“Sino din kasi tong ayaw makinig sa reason ko?”

“Sino din kasi tong—“

“Hep, hep…magkaibigan ba talaga kayong dalwa?” singit ng duktor.

“Tumahim—“

“Opo, Doc.” putol ni Gus sa sagot ko.

“Oh, okay...kala ko kasi… Well, nevermind that. Oh Gus, wala namang problema sa kanya. Alam mo na gagawin jan ha?”

Gusto kong magwala nang i-tap ng duktor ang balikat ni Gus. No one touches my possession but me!

“Thank you po, Doc. Pasensya sa abala.” paumanhin ni Gus.

Aba, bakit nagiging chummy silang dalawa in front of me? Mukhang may death wish ata ang duktor na ito eh!

Putulin ko na lang kaya kamay nya, para kung makulong ako eh for a few years lang?

“O sya, tuwad!” utos ni Gus nang umalis ang duktor.

“W-what?”

“Bingi ka ba? Sabi ko, tuwad.” mariin nyang utos.

Biglang nawala ang murderous intent ko at napalitan iyon ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Pinagpawisan ako ng malamig.

“Wait lang Gus, a-are you planning to do w-what I did to you last Sunday night?” kinakabahan kong tanong.

Pucha bakit kelangan akong patuwarin?????

“Hmmm…” cryptic nyang tugon.

“T-teka, teka lang! Wala namang ganyanan oh! Wag dito Gus, please?”

“Tsk, tuwad na kasi at nang matapos na.”

“Gus naman eh. P-pwede sa private place na lang? Wag naman dito. Baka may pumasok at makakita eh.” halos magmakaawa ako.

“Boss, wala namang pinagkaiba kahit sa private o sa public place mo gagawin eh.” napaikot ang mata nya.

Tangina, ako yung gustong mapaikot ang mata!

“Gus, walang ganyanan oh. Papayag naman ako, basta wag mo lang ako i-rectal exam dito…” bargain ko.

“Ano bang pinagsasabi mo? Tumuwad ka na kasi at nang mai-utot mo yang hangin sa tyan mo!” yamot nyang tugon.

“Wait…w-what?”

“Hay, malala na yang kabingihan mo boss ah? Pa check-up ka na bukas. For now, tuwad na!” piningot nya ako.

Brix

“Great job, team! Another contract signed and secured!”

Umalingawngaw ang ‘pop!’ sound sa office kasabay ng pagbulwak ng bula mula sa bote ng champagne.

Napuno ng hiyawan at palakpakan ang buong office. Lahat kami ay tuwang-tuwa sa achievement ng team namin. Nagbunga ang ilang araw na overtime.

Even I can’t hide my huge smile. Everyone worked their asses off to secure that contract kaya naman early Christmas present kung maituturing ang sign na iyon.

“At dahil dito, magpapakain si boss!”

Muntik ko nang mabitiwan ang champagne glass na hawak ko when Migs suddenly hooked his arm around my shoulder.

“Naku, you and your big appetite! Saka ano na naman itong ‘boss’ thing, huh?”

“Pakain na kasi boss. Everyone knows nasecure natin ang contract dahil jan sa charming personality mo.” dagdag ni Daryl.

“What the heck with the charming personality?” natatawa kong tanong.

“Ay, di pala charming personality kundi charming smile.” emphasis nya.

“Huy, magpapalibre lang andami nang sinabi?” napakamot ako ng ulo.

“Aseeees! Eto na naman tayo sa denial stage eh. Kala yata neto di namin napansin na ngingiti-ngiti sya nung Friday.” parinig ni Vicky.

“Sino kaya naka-lunch nya nun?” dagdag ni Chiqui.

“Teka, what smile?” tanong ko.

Bzzz…bzzz…

Nagvibrate ang phone ko mula sa bulsa kaya dali-dali ko itong kinuha. Napakunot pa ang noo ko because I thougt it was from dad.

Pero nang mabasa ko ang text message na iyon ay para akong uod na hindi mapakali kung paano magrereply.

“Sir, that smile ho...” at biglang nagkantyawan ang mga kasamahan ko.

I rolled my eyes. Gayunpaman, hindi ko maitago ang ngiti ko kaya nagpatuloy lang sila sa panunukso. In-usher ko na lang ang team ko papuntang conference room.

Nagpahanda ako ng buffet for our lunch kaya naman naging abala ang lahat sa paglamon. Kwentuhan dito, kwentuhan doon...

“Uy, ser… girlfriend mo yan ano?” usisa ni Vicky.

I thought makakalimutan na nila ang issue when they get some food up their system, pero nagkamali ako.

If anything, mas lalo pa silang naging persistent sa pangungusisa about my non-existent lovelife.

“Everytime kasi nag-oopen ka ng text eh ang laki ng smile mo.” dagdag ni Miguel.

“What? No… magkaibigan lang kami nito.” deny ko agad.

“Defensive! Wala naman kaming sinasabi kung sino eh. Sabi lang namin, everytime mag-oopen ng text.” humalakhak si Daryl.

“Eh, alams na kung sino nagtetext sa kanya. Uyyyy!” gatong ni Vicky.

“Huy, grabe kayo sa akin ha! And I smile like this all the time, diba Pao?” tanong ko sa lalaking nilalantakan ang chocolate fountain.

“H-huh?! Eh, nooo! Special smile mo yan since Friday. Hahahaha!” sagot ni Paolo.

“Hala sya, there’s nothing special about my smile!” deny ko ulit.

“Sus, kami kaya nakaka-observe. Bakit, nung nagtext ang catering service di naman ganyan smile mo ah?” rason ni Migs.

“Saka nung nagrespond ang isang client natin to go with the deal, hindi rin ganyan!” dagdag ni Chiqui.

“Saka nung—“

“Teka, teka…bakit alam ninyo ang laman ng messages ko?” naguguluhan kong tanong.

“Boss, you let us respond to texts from your phone pag busy ka. Pero pag may certain text na darating eh ngingiti ka at patagong magrereply.”

Nanlaki ang mata ko dahil sa tinuran ni Daryl. Eh?! Ginagawa ko pala yun? Napakamot na lang ako sa ulo.

More importantly, do I really smile like this only when he is involved?

“Ngayon lang ata narealize eh…” puna ni Migs.

“Hay naku, andami nyong alam! Sige na, finish eating and get to work!” nahihiya kong utos.

Buong maghapon akong tinukso ng mga kasamahan ko and my ears legit nearly fell off dahil dun. Pero imbes na mainis, parang nasisiyahan pa ako.

I feel like a teenager na niyayang makipagdate, a bit awkward pero kinikilig. Alam nyo ba kung ano ang tinext nya?

[Hi Brix! Kamusta na? Si Gus pala ito. Gusto mo bang pumunta sa foundation anniv ng school namin this Friday? It’s gonna be fun, promise! ;) ]

Ok fine, it’s not an invitation for a date. But nonetheless, message yun galing kay Gus. And take note, sya ang nauna nagtext, not me.

Of course, pupunta ako! Kahit pa ayain nya akong mag joyride sa Balete drive eh di ko sya matatanggihan. And I’m totally free this Friday, so why not?

But I had to finish my work before magreply sa kanya. Baka sabihin pa ni Gus na sobra akong atat magreply sa invitation nya.

Nadatnan kong tahimik ang bahay; maybe dad is with his business associates again, having dinner and more business talks.

Tama pala ang desisyon ko na magdinner kasama ang team ko, kung hindi ay mag-isa na naman akong kakain.

I played a bit of piano bago naligo and got ready for bed. Nang buksan ko ang phone ko ay doon ko lang naalala that I haven’t replied to Gus yet.

Nagdecide na lang akong tawagan sya. While waiting for him to pick-up, nahiga na lang ako sa kama.

“H-hello? Brix? Hello?” oh God...I missed his voice.

“Hey, Gus! How are you?” masigla kong bati.

“Ah! Ok naman ako. Pasensya kung matagala kong sumagot ha? Kakalabas ko lang kasi ng banyo.”

Nakarinig ako ng kaluskos and my mind suddenly conjured an image of Gus na naka bathrobe lang, exposing bits of still-wet flesh.

Nag-init ang pisngi ko at pakiramdam ko’y may kung anong nasilaban sa aking pagkatao. What is Gus doing to me…?

“O-oh, u-umm.. no, it’s quite fine!” gusto kong mapa-facepalm dahil nagkabuhol-buhol ang dila ko.

“Ayos ka lang ba, Brix?” nag-aalala nyang tanong.

“Y-yeah, I’m great. Mejo napagod lang kanina. Um, listen, about the foundatio—“

“A-ay, s-sorry pala Brix…nakalimutan ko, sobrang busy mo nga pala. I w-was just thinking na s-siguro you want to take a break from work...saka mag enjoy once in a while.”

“Yes, I was going to talk about it—“

“Um, s-sorry talaga ha? Bigla na lang kitang inimbita. Ok lang naman k-kung di ka makakapunta...”

“Gus! Calm down, will you? And for the love of God, stop saying sorry ok?”

“Err, s-sorr—oops! Uhmmm…” awkward nyang tugon.

Natawa na lamang ako at sinabing hindi talaga sya nagbabago. Mejo napahiya si Gus kaya iniba ko na lamang ang usapan.”

“T-talaga? S-so, makakapunta ka?” nag-iba bigla ang tono ni Gus.

“Mn, sure I can. Pero baka malate ako ng konti, I have a meeting to attend to in the afternoon eh.” niyakap ko ang unan ko.

“Talaga?! Naku salamat naman! Ehehehe…” masaya nyang tugon.

“Yeah, and thanks for the invitation.” napangiti na naman ako.

“Ah, sakto pala, sasali si Hunter sa Mr. & Ms. University. Sabay tayong manood ha? Don’t worry, lilibre kitang ice cream!” masigla nyang sambit.

“Oh yeah?” Mav again? “Sige, aasahan ko yang libre mo ha.”

“Hehe, oo naman! O papano, magpahinga ka na. Salamat nga pala sa pagtawag. See you on Friday!”

Wait, magpapaalam na ba sya?

“S-sige, Gus. Goodnig—“

“Ah!” bigla nyang bulalas na ikinagulat ko naman.

“Oh, ano yun? May problema ba?”

“Err, may naalala lang ako—di bale na lang! Sige na Brix, goodnight!”

“Wait, Gus. Teka lang! Are you hiding something from me?” I’m kinda amused.

“N-nakakahiya eh…” halos pabulong nyang tugon.

“C’mon, we’re friends diba? Won’t you let me help you kung may problema ka?” I’d do anything within my power for you...

“Umm, wag na lang kaya Brix?”

Napabalikwas ako ng bangon sa sobrang pagkabigla. Minsan nga ako nakakapag take-advantage—este, tulong— sa kanya tas babawiin pa nya?

I won’t let you.

“What?! C’mon, there’s no need to be shy. We’re friends diba?” kalmado kong pahayag.

“Eehhhh…”

“Gus, c’mon. Magtatampo ako if you do that. Please? Let me help you for once…” hinaluan ko ng pagkadismaya ang boses ko.

Mejo matagal ang katahimikang naghari sa pagitan namin bago ko narinig ang malalim na buntong-hininga ni Gus.

Nagka-goosebumps ako sa mga sumunod na sinabi ni Gus. Kung alam ko lang na ganun ang favour na hihingin nya, di ko na sana sya pinilit na sabihin pa.

“B-Brix, pasensya na sa abala ha? Er, kasi, ano *whispers ‘papano ba ‘to?’* p-pwede ka bang kumanta sa gabi ng pageant…?

Where in the fucking hell did he heard that I can sing?!

Gus

Ugh, grabeng sakit ng ulo talaga ang dala nitong Bagyong Hunter!

Biruin mo, ako pa ang gumawa ng paraan at kinapalan ang mukha para lang hindi sya mapahiya sa buong campus?

Dagdag pa ha, na literal nang makapal ang mukha ko dahil sa tigyawat ko, pero bakit ngayon pa nya kinailangang itapon ang pagka-walanghiya nya?

Nakuuu talaga! Kung di ko lang sya bestfriend eh...

Miyerkules ng umaga ang huling araw ng classes dahil maglalaan ng time para sa prep dahil ngayong Friday na ang foundation anniversary.

Swerte at ngayong araw din ay may RLE kami, kung kaya’t nagkita kaming muli ni Hunter. Kuntodo ngiti ang demonyo at proud sa outcome ng kanyang photo shoot.

At talaga nga namang nakaka-proud. Kung ang iba ay nagmukhang katawa-tawa at parang ipis na pinintahan ng icing sa pictures, ibahin mo si Hunter.

Karton ang mata ng taong hindi makaka-appreciate ng pictures nya. Mahihiya si Pia Wurtzbach sa confidence without a heart ni Hunter.

Hindi pa man pageant night pero ramdam na ng department namin na makakapasok kami sa top 3, if not the winner.

Hay, sarap talaga nyang itumba…sa kama — de, joke lang! Hahaha…

Abala na ang lahat sa paghahanda. Kaninang umaga lang ay dumating ang unang batch ng giant tents na isesetup mamaya sa grounds.

Later on ay darating na rin ang iba pang mga kagamitan, katulad ng lights, para naman matest na kung gumagana ba. At syempre kung magandang tingnan sa gabi.

May iilan na ring food stalls, like McDo at Dunkin Doughnuts, na nagsetup na ng booths nila sa assigned areas. Halatang excited ang lahat.

All but one.

Lunch time na at magkasama kami ni Hunter sa paborito naming stone bench. Putlang-putla sya, animo’y nakakita ng maligno.

Err...di ko naman sya masisisi dahil mukha talaga akong maligno. Di naman din ako naoffend kasi ganun palagi ang tawag nya sa akin.

Nakakapanglubag-loob lang na hindi mukha ko ang dahilan ng kanyang pagkabalisa. Pero hindi ko inasahan na idadamay nya ako sa gulong pinasok nya.

“Gus, Gussie… I’m so fucking screwed.” bigla nyang sambit sabay lamon.

“H-huh? Boss, huminahon ka nga.” nag-aalala akong tumingin sa kanya.

Ngunit sige parin ang lamon ni Hunter ng pagkain at iisa lang ang ibig sabihin nun — sobrang stressed sya. Inihanda ko ang tubig, baka-sakaling...

“Urk!” nabilaukan nga sya!

Bumulto ang mata ni Hunter at ilang segundo lang ay nangitim ang mukha nya. Taranta kong pinaghahampas ang kanyang likod.

Bahala nang pati lungs nya ay mataktak!

Nang mahimasmasan ay inalok ko sya ng tubig. Parang isda si Hunter na uhaw na uhaw habang tinutungga ang jug.

Ilang sandali pa ay nanumbalik na ang pinkish tint ng pisngi ni Hunter at maayos na ang kanyang pahinga. Pati ako ay pinagpawisan ng malapot.

Akala ko matutuluyan na sya eh!

“Err, H-Hunter...ano ba kasing nangyari?” usisa ko.

“I am so fucking screwed.” tulala nyang sambit. Eh diba redundant na yun?

“Kanina mo pa sinasabi yan eh. Bakit nga? Paki-explain naman ng maayos oh?”

“They want me to sing.” namumutla nyang bulong.

“Sino?”

“The whole effing university wants ME. TO. SING.”

Maging ako ay nasindak sa rebelasyon ni Hunter. Hindi ako nag-aalala para sa kanya kundi para sa kapakanan ng mga makakarinig sa kanya.

“E-erm, papano mo nalaman?” mahina kong tanong.

“Have you not seen FB and Twitter lately?”

“Boss naman, alam mong wala ako ng ganyan diba? Sandali…umm, san ka nila narinig kumanta?” napakamot ako sa batok.

“Look at this!” halos isubsob nya sa mukha ko ang phone nya.

May article doon na sinulat ng isang estudyante. Sabi doon, lunes ng hapon daw nang mapadaan sya sa men’s restroom sa 4th floor HS Bldg.

Nakarinig daw sya ng kanta mula doon at makalipas ang ilang sandali, namataan nya ang paglabas ni Hunter. Hindi daw sya maaaring magkamali dahil iisa lang ang mukhang iyon sa buong uni.

Nung una, hindi daw sya makapaniwala na si Hunter ang kumakanta kaya nag-antay pa sya ng ilang minuto. Wala nang lumabas, kaya na conclude nyang si Hunter ang nagmamay-ari ng…

Heaven-sent voice?!

At sa huling parte ay nakasulat ang “bahala kayo kung maniniwala kayo o hindi, basta ako, I’ve heard it all. Siguro nga, to hear is to believe.”

Napakaraming shares at likes ang post na iyon. Matagal din magload ang comments section, pero may idea ako sa mga nakasulat doon.

We want to hear the Prince Charming sing!

“Wag kang matawa!” babala nya nang makita ang expression ko.

“M-mmhh...MWAHAHAHAHA!!!!” hindi ko napigilang sumabog.

Namula si Hunter at sa palagay ko’y gusto nyang magtago sa sobrang kahihiyan. Pilit ko mang pigilin, hindi ko magawa.

Sinong timang ang gustong marinig ang boses ni Hunter?! Balak ba nilang gumuho ang buildings dito sa campus?

“Gus…” nanginginig ang boses ni Hunter kaya naman naguilty ako.

“What will I do?”

“E-err, do your best…?” nagkibit-balikat ako.

“Gus naman eh, alam mo naman kung hanggang saan yung best ko diba?” sinapo ni Hunter ang ulo nya.

“Um, boss...sabi ko naman sa’yo noon pa diba? Di ikaw yung tipong hindi nagpapatalo at nagsa-strive ka—“

“Gus, kahit naman sampung taon ako mag voice lesson, di na mag-iimprove ang boses ko. I’m not Kuya Brix, ok? Hanggang gitara lang—“

“Teka, teka...magaling kumanta si Brix?” nanlaki ang mata ko.

“Hmph, magaling sa swimming, kanta, piano, gitara—you name it and he’s got it.” ibinaling ni Hunter ang tingin sa gilid.

“So inggit ka?”

“Ano? Di ah!” pero di sya makatingin sakin.

“Uyy, inggit ka ano? Huh? Noh? Noh? Noh?” sinundot-sundot ko ang tagiliran nya.

“Eh ano ngayon?!” inihagis nya sakin ang maruming tisyu.

“Hahaha, ‘to naman eh. Chill lang kasi…” pinaikot ni Hunter ang mata nya.

“First time kitang nakitang naiinggit sa iba boss ah? Hehe, at sa kuya mo pa!”

“Ewan ko sa’yo.”

“Uy hala, nagtampo? Ito naman oh! Smile na kasi jan.”

Hindi parin ako pinansin ni Hunter. Who knew? Na ang lalaking nasa kanya na ang lahat ay mayroon din palang insecurities at marunong mainggit?

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Meet My Middle Finger (Part 10A)
Meet My Middle Finger (Part 10A)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjCbt29jhTOtCVwVehyphenhyphen3I3OD4QHZ6e7NH6_IYsoEtVeuSPRrO46DBGAvSCBjBuEKeKz5guuj3x8G5I-WAyHgzcqocKhPCxqzpK1l3ejL4ib7yUEP65Niu2T-bjYmfxyFv3sY1K65-3enzC2/s1600/Meet+My+Middle+Finger.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjCbt29jhTOtCVwVehyphenhyphen3I3OD4QHZ6e7NH6_IYsoEtVeuSPRrO46DBGAvSCBjBuEKeKz5guuj3x8G5I-WAyHgzcqocKhPCxqzpK1l3ejL4ib7yUEP65Niu2T-bjYmfxyFv3sY1K65-3enzC2/s72-c/Meet+My+Middle+Finger.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/01/meet-my-middle-finger-part-10a.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/01/meet-my-middle-finger-part-10a.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content