$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Meet My Middle Finger (Part 10B)

By: Raleigh Gus Alam kong mali at masama, pero natuwa ako slight. Akala ko ang mga pangit lang na gaya ko ang nagkakaproblema, sya din...

By: Raleigh

Gus

Alam kong mali at masama, pero natuwa ako slight. Akala ko ang mga pangit lang na gaya ko ang nagkakaproblema, sya din pala.

Mas napalapit ngayon ang kalooban ko kay Hunter. Sa dami ba naman ng insecurities at pagkukulang ko, ano ang karapatan nyang magreklamo?

Pero napagtanto ko, na kahit gaano ka gwapo at ganda ang isang tao, hindi parin sila ginawang perpekto. At iyon ang ipinagpapasalamat ko.

At least meron na kaming common ground ni Hunter kahit nega pa yun.

Natuwa ako sa aking naisip, kaya naisipan kong kulitin ulit si Hunter. Ginawa ko sa kanya ang palagi nyang ginagawa sakin...

Ang laruin ang buhok sa batok nya.

“Ay putangina, ano yun?” bigla syang napasapo sa batok nya.

Kinuha ko ang kamay nya at saka nilaro ulit ang buhok doon. This time, tuluyan na syang napatayo at parang armalite ang bunganga na nagmura.

“Gus, isa pa! Babaliin ko yang kamay mo!” mabalasik nyang babala.

“Eh bakit ba? Di naman ako nagrereklamo pag ginagawa mo yun sakin ah.”

“Di naman ganun yung ginagawa ko eh! Bakit moko kiniliti?” demanda nya.

“Nakiliti ka ba?” pagtataka ko.

“Magrereact bako ng ganun kung hindi?” umupo sya ulit sa tabi ko.

Lihim akong nagbunyi. Sa wakas! Nadiskubre ko na ang kahinaan nya. Humanda ka sa akin! MUHAHAHAHA!!!

“Ah, nga pala boss. Ininvite ko pala ang kuya mo para pumunta dito sa Friday. Kaya lang hindi pa sya nagrereply eh. Sana hindi ko sya naistorbo, nakakahiya naman.”

Ilang sandali natigilan si Hunter. Maya-maya pa ay may ibinulong-bulong sya at kinakausap ang sarili. Ilang saglit ay nag-umpisa na syang humalakhak.

“Gus, makinig kang mabuti sa sasabihin ko.” pinagkiskis nya ang palad.

“E-err, b-boss? May binabalak p-po ba kayo?” kinakabahan ako sa mukha nya.

“Ikaw lang ang inaasahan kong makakagawa nito.” seryoso nyang sambit.

“N-naku boss, kung anumang masamang binabalak mo, h-hindi ko yan magagawa. May pangarap pa po akong gustong tuparin.”

“Ah, don’t mind, don’t mind! Di makakasira sa dangal mo ‘to.” ngumisi sya.

“B-boss?”

“Hmm, saka hindi ka naman mahihirapan. Malakas ka kay kuya eh. Huehuehue.” napapalaki na ang bungisngis nya.

“H-huh? Sino’ng malakas? Saka ano ba pinagsasabi mo?”

“Gus, I need you to ask kuya kung pwede ba syang kumanta sa pageant night!”

Hunter

Biyernes.

Maaga pa akong nagising at nagpunta ng school para makapag-ayos para sa parade. After that, final rehearsals naman ang gagawin.

Hindi mawala-wala ang malaking ngiti sa aking labi, lalu pa’t maaga palang ay napatawag na sya para ibahagi ang magandang balita.

Heck, kahit masamang balita pa ang dala nya o murahin nya ako, tumawag lang sya at boses nya ang una kong marinig sa umaga ay sapat na.

I mean, this is Gus we are talking about; nii magreply nga sa text ko ay rarely nya ginagawa, ang tumawag pa kaya?

Of course, I am overjoyed!

“Ikaw talaga, ikaw talaga, ikaaaawwww!” gigil nyang pambungad.

“Mn, Gus? Morning…o, ano na naman bang ginawa ko?” garagal pa ang boses ko dahil bagong gising.

“Basta, nakakainis ka!”

“Hey, huminahon ka nga. Ano na naman bang kasalanan ko?” napakusot ako ng mata at nahikab.

“Alam na ngang literal na makapal ang mukha ko, pinilit mo pang pakapalin!” mangiyak-ngiyak sa inis nyang boses.

“What? I don’t understand what you’re talking about. Musta tulog?”

“Ayun na, pumayag na ang kuya mo!” huli nyang tugon bago ibinaba ang telepono.

Mga 10 seconds pa akong nagloading bago ko napagtanto ang sinabi nya. What the heck, kuya really did?!

Napasuntok ako sa hangin sa sobrang saya. Saved by the bell na naman ako! At hindi masisira ang imahe ko sa university. Hahahaha!

On the more important note, tama nga ang hinala ko: hindi makakatanggi si kuya kung si Gus ang manghihingi ng pabor.

Which means, I’m getting closer to the conclusion of my hypothesis — maaari ngang may gusto si Kuya Brix kay Gus.

Ayoko mang i-entertain, naglalaro sa isipan ko kung magiging love rival ko sya para sa pag-ibig ni Gus. Sobrang ironic lang kasi ng sitwasyon.

I mean, c’mon! Gandang-lalaki na magkapatid, maiinlove sa isang lalaking ubod ng pangit?

And take note: lalaki. Buti sana kung babae ang pinag-aagawan eh. Ang masaklap, magkapatid pa kami. What fucking chick flick is this?

“But then again, I don’t care about the gender, as long as it’s Gus...” napabuntong-hininga na lamang ako.

Pagkarating ng university ay agad akong inassist ng mga kaklase ko sa pag-aayos. Hindi ko hinayaan ang mga baklang makeup artist na ayusan ako.

Baka mamaya magmukha rin akong kabayo gaya nila.

Simpleng darkwash tight-fitting jeans at yung aming team t-shirt ang sinuot ko, and after that we’re good for the parade.

Pero habang tumatagal ay lalong umiinit ang ulo ko. And no, it has nothing to do with the heat of the sun. For fuck’s sake, mejo makulimlim pa nga eh.

I just don’t like this bitch latching on my arm like a fucking leech, kahit pa nga partner kami at representative ng nursing department.

The only person allowed to latch on my arm is Gus! nagpupuyos kong sigaw sa aking isipan.

Kakalasin ko na sana ang kamay ng partner ko nang mahagip ng tingin ko si Gus, ilang metro ang layo mula sa akin, nakasuot ng blue shirt na may “medic” sa likod.

Walang 3 seconds na nagtama ang mata namin, pero palagay ko’y tumigil ang pag-ikot ng mundo. That was the longest 3 seconds of my life...

Nagbigay sya ng munting ngiti at pagkatapos ay nagthumbs-up. Nahuli ko na lang ang sarili kong nakangiti, as if ang simpleng gesture na yon ay sapat na para mawala ang aking pagka-irita.

Gus was doing his best as team leader, kaya naisip kong kailangan ko ring tumbasan ang efforts nya. Nilakihan ko ang ngiti at saka pinalabas ang makamandag na sex appeal.

Bibisitahin ko sana si Gus sa medics tent after the parade, pero 10mins lang ang ibinigay sa amin para magmerienda. Saka alam kong busy na din si Gus.

Pinagkasya ko na lamang ang sarili ko sa pagtingin ng mga silly pictures naming dalawa, at kahit papano ay naibsan ang pangungulila ko.

Wait…what?!

Napailing na lang ako sa aking mga naiisip. Maybe namimiss ko lang amuyin ang batok nya kaya nagiging restless ako, I don’t know.

“Um, Hunter? We’ll start the practice na daw.” tawag nung partner ko.

“Yeah, yeah.” sagot ko without looking at her.

Sa school field gaganapin ang pageant dahil mas malaki ang space doon kumpara sa auditorium; expected na kasing marami ang manonood kaya we need bigger space.

Sa auditorium kami nagrehearse since may final checks pa na ginagawa doon sa field. Pero natigilan ako nang makita ko ang pamilyar na mukha sa backstage.

Of course, bakit nga naman hindi ko naisip na possible iyon? She’s one of the prettiest girls in the campus.

Since magkaiba ang location ng pictorials for girls and boys, at hindi rin ako nag-abalang tumingin sa pics ng ibang kandidato, ikinagulat ko na sumali pala sya.

Muntik pa akong mapatalon ng batiin nya ako sa backstage. Mabuti na lang at hindi ko sya naitulak palayo. Nandun pa naman kaming lahat na contestants.

“Oh, hi Hunter. I saw your pics and I must admit na ikaw ang pinakagwapo dun.” malagkit ang tono nya.

“Gwapo naman talaga si Hunter; swerte ko nga at sya ang partner ko. For sure kami na ang mananalo.” confident na sagot ng partner ko.

Pinasadahan ng tingin ni Ms. HTM ang partner ko; taas-baba na para bang insektong sinisiyasat kung ano ang species.

“D-do you have a problem with me?” tanong nni Ms. Nursing.

“Tch, not even worthy to stand by his side.” remark ni Ms. HTM.

“Excuse me? At bakit, sino ka ba para sabihin yan? Who are you to judge me?!”

“Girl, I have every rights to judge you. But irereserve ko na lang ang criticism ko until maipatong na sa ulo ko ang korona.”

“Huh? Nagpapatawa ka ata eh? Dream on! Ako ang magiging Ms. University at si Hunter ang magiging Mr. Universty!”

“Pare naman, awatin mo na yan.” biglang singit nung isang contestant, si Mr. RadTech.

“Gulo nila yan, I have nothing to do with it.” sagot ko.

“Eh pare ikaw ang pinag-aawayan eh. Gumagawa ka ng conflict sa pagitan ng mga colleges.” singit pa ni Mr. Engineering.

“It’s my principle na huwag makisawsaw sa away ng ibang tao. Saka away babae yan; feel free to join them if you want.” kibit-balikat ko.

“Aba, masyado yatang mahangin ‘to eh.” napailing si Mr. Engineering.

“That’s enough. Who told you na makipag-usap kay Hunter?” pasaring ni Ms. HTM.

“Ikaw nga nakikipag-usap kahit di ka naman pinapansin eh.” sabat ni Ms. Nsg.

“I’m not talking to you, bitch.” marahas na sagot nya.

“Sino’ng tinatawag mong bitch? Porket maputi ka lang ng konti saki—“

“Ok, settle down, settle down. Let’s start the final rehearsal para maaga pa kayong makapag-pahinga.” tawag ng baklang coordinator.

Mabuti na lamang at hindi nya napansin na may konting pagtatalo, or else, lahat ng sangkot sa gulo ay madidisqualified.

Tch, mahirap ang maging gwapo. Pati gulo naa-attract ko.

Nahinto lang ang rehearsal just before lunchtime. Since may oras pa, uuwi na lang ako ng condo para kunin ang iba ko pang gagamitin mamaya.

Mabibilis ang hakbang ko habang tinatahak ang parking lot. Gutom na ako at nagmamadali akong umuwi para naman makabalik ako by 2pm para mag-ayos.

“Pssst, boss!”

Bubuksan ko na sana ang kotse nang marinig ang boses na yon. Napalingon ako in time to see na tumatakbo papalapit sa akin si Gus.

“Gus? Why are you here?” buti napigilan ko ang sariling ngumiti at yakapin sya.

Itinaas ni Gus ang hintuturo nya, hudyat na bigyan ko sya ng ilang sandali para habulin ang hininga. Sa isang kamay ay may hawak syang supot.

Nakapatong ang kanyang mga kamay sa tuhod nya at para syang aso na hingal na hingal. Pawisan din sya at nangingintab pa ang buong mukha sa sobrang oily.

Wait, bakit ba nya ako hinahabol?

“B-boss, naglunch ka na ba?” unang tanong nya ng makabawi.

“Nope, katatapos lang ng rehearsal. I have to go home pa para kunin yung mga susuotin ko mamaya. You? Kala ko busy ka?” isinuksok ko ang kamay sa bulsa ko.

“Lunch break, boss. Hmm, sabi ko na nga ba di ka pa nakakain eh. Eto, para sa’yo.”

“Ano ‘to?” pagtataka ko.

Itinulak nya sa dibdib ko ang supot na dala-dala nya, may laman itong baunan.

“Lunch po. Grabe kasi yung concentration mo kanina habang nag-eensayo, so naisip ko baka gutumin ka pagkatapos.” rason nya.

“Huh? Papano mo— wait, nagpunta ka bang auditorium kanina?”

“Napadaan lang boss; may isinakay kasi kami sa ambulansya kasi nahimatay nung nag Larong Pinoy eh. Sumilip lang naman ako. Galing mo rin palang sumayaw boss noh? Hehe, nakakainggit naman...”

“But of course! Hunter Pineda ang pinag-uusapan natin dito. Sandali, nakakain ka na ba? Or baka ito yung lunch mo?” napa chest-out ako dahil sa papuri ni Gus.

“Opo boss, pero bibigay ko na lang sa’yo. Everytime pa naman na ginagamit mo yang utak mo eh nagugutom ka.” pang-aasar nya.

“Aba’y nang-iinsulto ka pa ha.” kinaltukan ko si Gus.

“Aray naman boss, parang di ka mabiro eh.” napakamot si Gus sa ulo nya pero natatawa parin sya.

Nilapitan ko si Gus at inabot ulit ang batok nya para mapaglaruan ang buhok doon. Nasamyo ko ang kanyang amoy at kumalma ako.

Mejo maasim-asim, pero amoy Gus parin...

“Eh papano naman yung lunch mo? You’re job’s tiring, diba? Baka magutom ka.” pilit kong ibinabalik sa kanya ang baunan, pero di nya tinatanggap.

“May free lunch po kami boss kaya yun na lang kakainin ko. Sige na, uwi ka na. Balik na din po ako sa tent. Goodluck mamaya ha?” paalam nya.

Natouch ako sa gesture ni Gus. Biruin nyo, i-aalay nya ang baon nya para lang hindi ako magutom? Ang sweet...

“Hey, use this to wipe your face.” binigay ko sa kanya ang panyo ko.

“Eh? Di na kailangan boss. Konting pawis lang naman ‘to eh.” tanggi nya.

“Baliw, punasan mo na mukha mo. It’s so oily you can fry up an egg.” this time, ako naman ang natawa.

“Bully neto...pero boss, pano magpiprito kung walang init?” ngumuso sya sa makulimlim na kalangitan.

Nagkatinginan kaming dalawa bago napahalakhak. Ang gaan sa pakiramdam na sobra kaming comfortable sa isa’t-isa.

Pagkatapos ng tawanan ay nagpaalam na si Gus para bumalik sa medics tent dala-dala ang panyo ko. Pumasok na ako ng sasakyan at nagdrive pabalik ng condo.

Pagdating doon ay kaagad kong nilantakan ang ibinigay na baon ni Gus. Piniga ang puso ko nang makita ang baunan na iyon.

Yun ang baunan kung saan una kong natikman ang luto ni Auntie Hermie. Kumbaga, yun ang starting point ng pagkakaibigan namin ni Gus.

Napangiti ako. I feel really good...para bang may magandang mangyayari mamayang gabi.

Gus

“Hello Gus? Um, are you free right now? Nasa main gate kasi ako ang I don’t know where to go.”

“H-ha? Ah, eh...sandali lang ha? Tapusin ko lang ginagawa ko, saglit lang talaga ‘to. Antayin mo lang ako, susunduin kita jan.”

“You will? Oh, thanks then. Sige, I’ll wait. Asikasuhin mo muna yung ginagawa mo. I’ll wait for you.”

“Sige, sige…saglit lang.”

Pinatay ko ang cellphone na nakaipit sa aking tenga. Kasalukuyan kasi akong nagliligpit ng mga ginamit namin kanina.

6pm na at finally, tapos na rin ang tungkulin namin bilang medics. Malaya na kaming gawin anuman ang aming naisin.

Nagpasalamat ako sa Red Cross personnel na tumulong sa amin, napakalaking bagay noon lalo pa’t inexperienced kami sa ganitong mga bagay.

Ang swerte ko din dahil marami akong natutunan mula sa kanila. Mababait din sila; di nila ako jina-judge based sa itsura ko.

“Ingat po kayo sa daan Ma’am Lynne, at maraming salamat po talaga. Napakalaking tulong po ninyo.” paalam ko.

“Walang anuman. Saka tandaan mo Gus, if ever grumadweyt ka, open ang Red Cross para sa’yo.” offer ni Sir Dante.

“Aba makapagsalita ‘to, parang may-ari ng Red Cross.” natatawang tukso ni Sir Ron.

“Basta, ilalakad ko yan pag nag-apply sa office. Lakas kaya nyang si Gus saken.” kinindatan ako ni Sir Dante.

“Naku, maraming salamat po Sir Dante. Sa awa ng Diyos, sana nga po makapagtapos ako.” tugon ko naman.

“Basta Gus, tandaan mo yung sinabi ni Dante. Welcome ka sa Red Cross pag nag-apply ka.” sabi ni Ma’am Lynne na sinang-ayunan na rin ni Sir Ron.

Matapos ang lahat ay dali-dali akong naglakad patungong main gate at doon nga ay nadatnan ko ang isang gwapong lalaki na naghihintay.

Mistula syang CEO/celebrity dahil sa suot nyang light grey shirt na walang necktie at pinarisan nya ito ng black pants. Fresh from the office yung vibe nya.

Nagsuot din sya ng itim na gladiator shades — akala nya siguro ay maitatago ang kagwapuhan nya. Nagkakamali sya dahil mas nag standout pa sya.

Titig na titig lahat ng babae sa kanya pero hindi nya alintana ang mga iyon. Cool na cool ang postura nya at para syang may-ari ng eskwelahan.

Pamilyar ang ganitong tagpo, palagi ko ba namang nasasaksihan na nangyayari ito kay Hunter (refer to chapter 7). Napangiti na lamang ako.

“Brix!” tawag ko.

Tinanggal ni Brix ang shades nya nang makita ako. Sumibol ang malaking ngiti sa labi nya ng makalapit na ako sa kanya.

“Hey Gus! Hi...Gus, hey...hi. Oh, hi...”

“Hello, Brix! Grabe namang bati yan, andaming ‘hi’ eh.” natatawa ako sa bati nya.

“Namiss kita eh. Di mo ba ako namiss?” palangiti talaga ang taong ito...

“Syempre naman, ang saya mo kaya kausap. Saka sorry pala, ang busy mo tapos nagpunta ka pa dito...”

“It’s fine. Happy nga ako kasi ininvite mo ako eh. Saka boring naman pag palaging werk werk werk lang.” tugon nya.

“Ganun ba? Hehe, edi tama pala desisyon kong imbitahin ka.”

“So, punta na tayo sa venue? Baka wala na tayong maupuan eh.” yaya nya.

“Ah, sige. Aayain sana kita bumili ng pagkain kasi baka nagugutom ka, pero tama ka. Baka wala na tayong maupuan.” nag-umpisa kaming maglakad.

“It’s ok, di naman ako gutom. At isa pa, those stares made me uncomfortable.” niyakap nya ang sarili na para bang kinikilabutan.

Natawa na lamang ako sa inasal ni Brix. Nabobother pala sya kapag tinititigan sya? Akala ko pareho sila ni Hunter na walang pakialam eh.

Naglakad kami papuntang area kung saan gaganapin ang pageant. Marami nang tao doon at muntik na kaming di makahanap ng upuan.

Mabuti na lamang at pinakilala ko si Brix sa event coordinator bilang papalit kay Hunter na magi-intermission mamaya, kaya nabigyan kami ng seat.

Sayang-saya ko lang nang mapagtanto na doon kami mismo sa likuran ng panel of judges uupo. Ramdam ko ang naiinggit na tingin ng mga tao sa paligid namin.

Well, sino ba naman ang di maiinggit? Kumbaga sa concert sa Araneta, kami yung nasa VVIP seat.

“Gus—“

Biglang tumunog ang malakas na music kaya hindi kami magkarinigan. Lumapit si Brix sa akin at muling ibinulong sa tenga ko ang sinabi nya.

Bumalik lahat ng alaalang kinalimutan ko noong nasa sasakyan kami ni Brix dahil sa bulong na iyon. Nasapo ko ang tenga ko sabay tayo.

Mabuti na lamang at may iba’t-ibang kulay ng ilaw na gumagalaw-galaw, kaya hindi halatang namumula ang mukha ko. Nailang ako kay Brix.

“B-bibili lang ako ng makakain ha!” paalam ko sabay alis kahit alam kong di nya ako narinig.

Kita ko ang pagtataka sa mukha ni Brix pero hindi ko na inalintana iyon. Umalis akong dumadagundong ang dibdib, at alam kong hindi iyon dahil sa lakas ng sound system.

Pilit kong kinalma ang sarili pati na ang mabilis na tibok ng puso ko. Bakit ba ako nagkakaganito kapag kasama ko si Brix?

Pareho kaming lalaki kaya hindi katanggap-tanggap itong nangyayari sakin kapag magkasama kami.

Pero diba lalaki din kami ni Hunter? Eh bakit namin yun ginagawa sa isa’t-isa?

AAARGGHH!!

Imbes na malinawan ay mas lalo pa akong naguluhan. Sumasakit ang ulo ko sa kaka-analyze ng mga nangyayari sa buhay ko.

Isa pa, hindi ito ang tamang lugar para siyasatin kung anuman ang reaksyon ko kay Brix. At lalong hindi ito ang lugar para isipin kung ano yung ginagawa namin ni Hunter.

Baka may tumayo, lagot na...

Nakipagsapalaran ako sa pagbili ng pagkain and by the time na nakabalik ako sa seat namin ni Brix ay kumalma na ang puso at utak ko.

“Pasensya na, andaming bumibili eh. Eto, para sa’yo...”

Nagpasalamat si Brix nang iniabot ko sa kanya ang burger at bottled water. Kaagad ko namang nilantakan ang binili kong takoyaki at avocado shake.

“Masarap ba yan?” tanong ng lalaki sa tabi ko.

Paglingon ko sa kanya ay naglaho na parang bula ang burger. Gusto kong matawa; magkapatid nga sila ni Hunter. Ambilis nilang kumain.

“Mn, oo naman. Gusto mo ba?”

Mabuti na lamang at 12pcs takoyaki ang nabili ko kaya marami-rami pa ang natira. Inalok ko si Brix, pero nakatingin lang sya sakin.

“O-oh? Ayaw mo ba neto? U-um, sandali lang. Bilhan na lang kita dun. Ilan gus—“

“I want yours. Subuan moko...” ngumuso sya sa hawak ko.

“Eh?! Brix naman, andaming tao dito. Ang weird naman kung susubuan kita. Baka ano pa ang sabihin nila.” nag-init ang pisngi ko.

“Hmph, sige na nga lang.”

Kinuha ni Brix ang plastic fork saka kumuha at sinubo ng buo ang isang piraso. Ilang pagnguya lang at nilunok nya ito.

Walang anu-ano’y kinuha nya rin ang avocado shake ko at walang kiyeme na uminom doon gamit ang straw ko. Napadila sya sa labi nya.

“Mn, sarap nga...” nakangisi nyang tugon.

Napanganga na lamang ako at walang masabi. May laway lahat yun ah! Isa pa, nagmukha syang si Hunter nung ngumisi sya.

Bago pa man ako maka-recover ay tumugtog ang malakas na musika at lumabas na ang host, hudyat na magsisimula na ang paligsahan.

Inubos ko na lamang ang takoyaki at ang avocado shake habang nakikinig sa host. Mas lalo atang sumarap yung takoyaki at avocado shake.

Dahil ba sa laway ni Brix?

Gusto kong sampalin ang aking sarili dahil sa naisip ko. Nahawa na yata ako sa kawalanghiyaan ni Hunter ah?

“And now ladies and gentlemen, let us all welcome, the eighteen candidates for the search for Mr. and Ms. University!” hiyaw ng host.

Buti na lamang at nasa field kami, kung hindi ay masisira ang bubong ng auditorium dahil sa lakas ng cheers. Buong university plus outsiders ba naman ang nanood dito.

Natutok ang spotlight sa gilid. Nahawi ang audience at doon ay lumabas ang mga contestants suot ang kani-kanilang cosplay attire.

Nagpasalamat ako dun sa coordinator dahil sa likod kami ng judges nakaupo, eh dumaan ba naman lahat ng contestants sa harapan ng judges so kitang-kita namin ng malapitan ang contestants.

Seryosong-seryoso ang mukha ni Hunter kaya nakadagdag ito sa appeal ng kanyang character. Masasabi mong “cold but beautiful” ang kanyang aura.

Sa dinami-dami ba naman ng pwedeng i-cosplay, bakit demonyo pa ang napiling character ni Hunter?

“Go Hunteeeer!” cheer namin ni Brix nang turn na nya.

Sandaling naglikot ang mata ni Hunter, nilagpasan ako, bago nagtama ang paningin namin. Nag thumbs-up ako sa kanya at saka pumalakpak.

Walang anu-ano’y ngumiti ng malaki si Hunter. Mas lalong lumakas ang hiyawan ng audience dahil sa ngiting iyon; maging ako ay na starstruck.

Pero in fairness, bumagay nga kay Hunter ang costume nya. Biruin mo, kahit may itim na pakpak, pulang mata, at sungay eh ang gwapo padin nyang tignan.

Sa bagay, ito talaga ang totoo nyang anyo. Kaya nga naging El Diablo Guapo diba?

Naputol ang cheer ko nang makita si candidate #18 ng department of HTM. Binalot ng kaba ang puso ko at nanlamig ang buong katawan ko.

Bakit, bakit sya sumali sa contest?!

“My name is Charmaine Denosta, 18, and I’m proud to represent the Department of Hospitality and Turism Management!”

Hunter

Nangangalay na ang panga ko sa kakangiti pero hindi ko inalintana iyon, lalo pa’t everytime na turn ko na eh malakas na cheer ni Gus ang naririnig ko.

Kabadong-kabado pa ako nung production, pero nawala lahat dahil sa thumbs up at ngiti ni Gus. Ang nakakainis lang eh katabi nya si kuya.

At ang mas nakakainis pa, imbes na ako yung panoorin nya, doon si kuya nakatitig kay Gus everytime na papalakpak at ngingiti yung bebe ko.

May gusto na nga talaga si kuya kay Gus... naisip ko.

Kakatapos lamang ng sports attire at syempre pa, swim trunks ang isinuot ko. Babaguhin ko pa sana ang sports attire ko, pero huli na at wala na akong mahanap.

I mean, si Gus lang ang gusto kong makakita ng katawan ko.

Alam kong hindi rin maaari ang ganun kasi swimmer ako; alangan naman lumangoy ako na naka wetsuit? Pwede rin naman, pero mukha akong mags-scuva diving.

Basta...di ko man maiwasan maghubad dahil swimmer ako, pinapangako ko na si Gus lang ang makakakita ng kahubdan ko...

“Nice sports attire, Hunter.”

Napaikot na lamang ang mata ko. Men’s section ang dressing area na ito, pero bakit nila pinahihintulutan si Charm na pumasok dito?

Naka short skirt with matching tube top at lawn tennis racket si Charm kaya litaw ang makikinis na hita, flat tummy, at malulusog na dibdib nya.

Eh kahit ba naman pang pornstar ang sports attire nitong gaga, dapat di parin sya pinapasok dito. Inis kong bulong sa sarili.

“What are you doing here?” sita ko.

“Charmaine, let’s go?” tawag ng isang lalaki sa di kalayuan.

“Sinusundo si Albert. Y’know, my partner. Bakit? Kala mo ba I was here for you?” napasulyap sya sa swim trunks ko.

Any idiot can see that you’re here for me.

“Whatever, just go.” tumalikod ako para pumasok sa dressing room ko.

“You’re still as yummy as the day I met you...” bulong nya sa likod ko.

“And you’re still as thick-skinned as the day I met you.” inis kong sagot bago ko sya pinagsarhan ng pinto.

Nagfocus ako sa competition at everytime na nasasalang ako sa stage, hinahanap ko lang si Gus sa audience at napapanatag na ako.

Sa wakas, dumating na ang time para tawagin ang minor awards at ang top 5. I think I did well, pero kinakabahan parin ako.

What if di ako nakapasok sa top 5? Madidisappoint ba si Gus?

Laking gulat ko nang makakuha ako ng 5 minor awards: best in production attire, best in sports attire, best in casual attire, most photogenic, and darling of the crowd.

“And still in the running towards becoming the next Mr. University is...”

Dalawang spot na lamang ang natitira kaya sobrang kinakabahan ako. Mejo nanginginig na yung baba ko dahil sa kaba.

“...is number 5! Department of Nursing and Allied Health!”

Nagulat pa ako dahil natawag ang number ko. Hindi ko mapigilang tumingin sa direksyon ni Gus. Doon na tuluyang naglaho ang pangamba ko.

Sapo-sapo nya ang bibig nya habang napapatalon sa sobrang sya. Hindi ko akalaing magiging ganun ang reaksyon nya, kaya napangiti na rin ako ng malaki.

Pinabalik muna kami sa dressing room para magpahinga saglit habang may intermission number. Tinanggal nila lahat ng sash ko at niretouch ako.

Dali-dali kong kinuha ang maliit na notebook at saka nirehearse ang mga lines na itinuro sa akin ni Gus, as preparation if ever makapasok ako sa top 5.

“Baka kasi boss yung final question ay kunin nila sa bio na ipinasa mo sa kanila eh. Kaya ayun, just prepare na lang!” naalala kong sabi nya.

Sa wakas ay natapos na ang intermission at tinawag na kami pabalik sa stage. Pang apat ako sa Q&A, at sobrang random nga ng mga itinatanong ng judges.

“I see the whole stadium is here for candidate #5. How are you feeling?” natatawang tanong ng judge matapos maghiyawan ang audience.

“I’m great, better than yesterday.” confident kong sagot.

“Ok, this is something that the audience is dying to know. Are you in a relationship right now?” naiintrigang tanong ng judge.

Kung hindi lang nakatutok sa akin ang spotlight ay talagang mapapaikot ang mata ko. Halata sa tanong nya na hindi lang audience ang gustong malaman ang status ko.

Hello? Masama ba pakiramdam nya? Did she think na papatol ako sa mga gurang?

“I invoke my right to self-incrimination.” sagot ko na ikinatawa ng audience.

“Very secretive naman ni candidate #5. Very well, ganito na lang. Do you have someone you like right now?”

Saktong doon mismo nakaupo sina Gus sa likod ng judge na nagtatanong sa akin kaya pinatatamaan ko na lang din sya ng sagot ko.

“I do, although this person has no idea that I like them.”

“Well, whoever it is that you like must be a very lucky girl. Don’t you guys agree?”

Naghiyawan ulit ang audience. Pinipigilan ko nalang ang sarili kong matawa. Hindi ko naman sinabi na babae yung gusto ko eh. Nag-assume lang kayo.

“Good luck candidate #5. Here is your final question. What is more attractive: beauty or character?”

Sa dinami-dami ng tanong, ito ang hindi namin naisip ni Gus na maaring tanungin. Nanlamig ang kamay ko at kinabahan na naman ako.

Hinagilap ko ang mukha ni Gus sa likod ng judges at nang makita ko sya ay naliwanagan ako sa isasagot ko.

This question is the definition of Gus...

“I’ve always felt disgusted seeing someone so ugly...criticising them, hurting their feelings, judging them based on how they look, never caring what they felt because of my mean words...

“It was just recently that my view on this matter was changed, all because of one person. Spending time with them made me feel that not everything in this world is about beauty.

“He taught me that the real beauty lies in the heart. He taught me that every person in this world has his/her own talent and specialty. And that no matter how beautiful one can be, he/she still has a flaw.

“He reminded me that it doesn’t matter if you don’t look good; all that matters is if your heart beats for the sake of others.

“After all, beauty can be defined by many things. But it is one’s character that can define him instantly and completely.

“So I leave these parting words to you: when there is beauty in the character, there is harmony in home. When there is harmony in home, there is order in the nation. And that is what the world needs right now.”

Masigabong na palakpakan at hiyawan ang namayani matapos kong sumagot, ngunit hindi ko iyon pinansin. Iisang tao lamang ang nakikita ko.

Matipid ang ngiti sa labi ni Gus, pero nasasalamin sa mata nya ang labis na kasiyahan. Alam kong masaya sya, dahil habang sumasagot ako, magka eye-to-eye kami.

As of this moment, wala na akong pakialam kung manalo man ako o matalo. Ang mahalaga, nasabi ko kay Gus (in a roundabout way) na sya ang dahilan ng pagbabago ko.

Gus

“Congratulations, Mav! I never knew na kasali ka pala dito.”

“Thank you, kuya. And thanks for coming, this really means a lot.”

Nagyakapan ang magkapatid sa harapan ko. Ayokong masira ang ganitong moment nila kaya tahimik ko nalang silang pinanood.

“Saka ang ganda rin nung nanalo ng Ms. University ah. Do you know her?” tanong ni Brix matapos kumalas sa pagkakayakap.

Dahil hindi ako makatiis na hindi tuksuhin si Hunter, inunahan ko na sya ng sagot.

“Ex nya yun!” pang-aasar ko.

O ako ang naaasar? Ewan!

Bakit pa kasi si Charm yung nanalong Ms. University, eh hindi naman maganda yung sagot nya ah. Maganda lang sya saka maputi...

“Gus!” pinandilatan ako ni Hunter.

“Oh? Eh bakit nagbreak kayo?” pang-uusisa ni Brix.

“Kasi di daw maganda ugali eh.” kibit-balikat ko.

“Naku, ikaw!” biglang tinakpan ni Hunter ang bibig ko.

“Mav, stop. You’re like a kid na inagawan ng candy. C’mon, spill. Bakit kayo nag break nung si Ms. University?”

“Eh kasi nga kuya, I don’t like her attitude.” napakamot ulo si Hunter.

“Bakit? Anong mero—“

“Brixter Pineda? You’re up next. Follow me.” tawag ng isang coordinator.

“Bye kuya!” excited na paalam ni Hunter.

“Goodluck Brix!” nakangiti kong paalam.

“Ugh, we’ll save this talk later. And you both owe me one.” paalala nya bago naglakad kasunod nung coordinator.

Katatapos lamang ng coronation pero mayroong inihanda na disco/ball/after party ang university. Open for students and faculty lamang iyon.

Napakaganda rin ng aura ng paligid kasi nasa open field kami at may sinetup na mga Christmas lights and bulbs sa paligid. Malamig din ang simoy ng hangin.

“Yan, ikaw kasi eh. Edi may utang na ako ngayon sa kuya mo. Hmph...” pagmamaktol ko.

“Sus, parang yun lang eh. Maglalaba ka lang naman ng mga brief nya.”

“Tseh! Pero boss, congratulations ha? Hehe, muntik na mag shortcircuit utak mo dun sa Q&A noh?” natatawa kong tanong.

“Ikaw magko-congrats ka lang, andami mo pang panlalait.” pinitik nya ang noo ko.

Pakiramdam ko’y nahulugan ng hollow block ang noo ko dahil sa sobrang sakit nang matamaan ni Hunter ang malaking pimple doon.

“Aray boss! Alam namang may pimple dun eh!” hinampas ko sya.

“Patingin nga?”

“Wag na! Baka pitikin mo lahat ng tigyawat ko. Ansakit kaya ha...” inis kong tugon.

“Asus! Hehe, pero tuwang-tuwa ka nung nanalo ako noh?” pang-aasar pa nya.

“Sino natutuwa? Di ako natutuwa noh.” tanggi ko.

“Di daw? Eh talon ka nga ng talon eh.”

Hindi ko sinagot ang tanong ni Hunter. Alam naman pala nya, eh bakit pa nya ako tatanungin?

“Noh? Noh? Sus, tuwang-tuwa yan. Wag na kasi ideny. Noh? Gus noh?”

“Kulit moooo!!” tinakpan ko ang tenga ko sa sobrang inis.

Humalakhak si Hunter habang sinusundot ang tagiliran ko. Naku kung hindi lang maraming tao dito, kanina ko pa sya binayagan.

Walang anu-ano’y bigla syang pumwesto sa harapan ko saka sapilitang tinatanggal ang mga kamay na nakatakip sa tenga ko.

“Ayoko nga!” inis ko syang inilagan.

Napaikot lang ng mata si Hunter saka itinuro ang stage. Nakita kong nakatayo doon sa gitna si Brix at may hawak na gitara.

May sinasabi sya sa microphone pero di ko mariig ng maayos. Baka yun ang ibig sabihin ni Hunter?

“I hope you’d enjoy it.” narinig ko nalang na sabi ni Brix.

Natutok ang tingin ko kay Brix nang magsimula syang magstrum ng gitara. Hindi ako pamilyar sa kanta, pero napakaganda ng boses ni Brix.

(ctto, the lyrics aren’t mine. Song: Like Only a Woman Can by Brian McFadden)

I was’t perfect, I done a lot of stupid things

Still no angel

I wasn’t looking for forgiveness

I wasn’t laid up by my pride

Just shocked by her attention

Habang kumakanta si Brix ay hindi ko namalayan na napunta na pala si Hunter sa likod ko. Nabigla na lang ako nang maramdaman ko ang bigat ng braso nya sa balikat ko.

Did someone sign me up for love?

I didn’t want it

But now I can’t live without it

Sa puntong ito ay may iilan nang sumabay sa pagkanta ni Brix. Maging si Hunter ay nakapatong ang baba sa ulo ko at binubulong ang lyrics.

She changed my life, she cleaned me up

She found my heart, like only a woman can

She pulls me up when she knows I’m sad

She knows her man

Like only a woman can

“Tara, sayaw tayo...” bulong ni Hunter.

“Baliw, di naman sinasayawan ‘to eh. Makinig ka na lang.” sagot ko pero di parin inaalis ang tingin kay Brix.

Saktong napatingin sya sa gawi namin ni Hunter at nagtama ang aming paningin. Hindi ko maintindihan ang aking sarili, napangiti na lamang ako.

She’s kinda perfect, she’s kinda everything I’m not

She’s an angel

And it’s amazing how she’s patient

Even more at times I’m not

She’s my conscience

Nag-umpisang umindayog ang katawan ni Hunter, at dahil nga nakayapos ang braso nya sa balikat ko, pati ako ay nasabay na rin sa pag-sway nya.

Ang resulta, parang sumasayaw ang upper body naming dalawa kahit steady lang ang mga paa namin.

But who decided I’d be hers?

I wanna hate them

Coz now I can’t live without her

She changed my life, she cleaned me up

She found my heart, like only a woman can

She pulls me up when she knows I’m sad

She knows her man

Like only a woman can

Bukod sa galing ng pagkanta ay ipinamalas din ni Brix ang galing nya sa pag gitara. Hangang-hanga na ako sa magkapatid na ito.

Ang swerte ko dahil naging kaibigan ko silang dalawa. Kahit na minsan sinusungitan ako ng demonyo dito sa likod ko, kaibigan parin ang turing nila sa akin.

Nang matapos kumanta ni Brix ay bumalik sya doon sa lugar kung nasaan kami ni Hunter. Ngingiti-ngiti lang ako nang nagkwentuhan na kami.

“May we call on the newly crowned Mr. & Ms. University to please come up on stage and dance for us.” biglang anunsyo.

Biglang kumunot ang mukha ko. Tapos naman na ang coronation, bakit kailangan pang pagsawayin si Hunter at ang babaeng yun?

Hindi naman sa naiinggit ako kay Charm o kung ano paman, naiinis lang ako sa kanya kasi sinaktan nya si Hunter noon.

Ayaw ko namang magsuffer ang bestfriend ko nang dahil ulit sa kanya, diba? Sino bang may gusto na mangyari yun sa betfriend nila?

Nakakainis din tong faculty at ibang estudyante, kilig na kilig sa tandem ni Hunter at Charm. Tili ng tili na parang kinakatay na baboy.

Aba’y mawalan sana kayo ng boses!

“—Gus?”

“H-ha? Eerrm, sorry. Ano yun?” nahiya ako sa inaasal ko.

Kanina pa ba may tinatanong si Brix?

“Hehe, ok lang. Mukhang pagod ka na eh. Sa susunod mo na lang sagutin.”

“Err, sorry Brix. Um, ano pala tanong mo?” nag-init ang pisngi ko.

“W-wag na, it’s embarrassing eh.” pag-aalinlangan nya.

“Eh? Bakit naman mahihiya ka sakin? Sige na, ano na yun?” pangungulit ko.

Ayaw pa sanang magsabi ni Brix, pero dahil kinukulit ko sya, napabuntonghininga na lamang sya at humarap sa akin — seryoso ang mukha nya.

“Gus, do you wanna go out with me?”

Author's Note

Ano ang ibig sabihin ng “do you wanna go out with me?” ni Brix? At ano ang magiging sagot ni Gus?

May conflict kaya na mangyayari ngayong Mr. & Ms. University na sina Hunter at Charm? At bakit mukhang inis na inis si Gus kay Charm?

Hmmm… malalaman ang kasagutan sa susunod na kabanata!

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Meet My Middle Finger (Part 10B)
Meet My Middle Finger (Part 10B)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjCbt29jhTOtCVwVehyphenhyphen3I3OD4QHZ6e7NH6_IYsoEtVeuSPRrO46DBGAvSCBjBuEKeKz5guuj3x8G5I-WAyHgzcqocKhPCxqzpK1l3ejL4ib7yUEP65Niu2T-bjYmfxyFv3sY1K65-3enzC2/s1600/Meet+My+Middle+Finger.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjCbt29jhTOtCVwVehyphenhyphen3I3OD4QHZ6e7NH6_IYsoEtVeuSPRrO46DBGAvSCBjBuEKeKz5guuj3x8G5I-WAyHgzcqocKhPCxqzpK1l3ejL4ib7yUEP65Niu2T-bjYmfxyFv3sY1K65-3enzC2/s72-c/Meet+My+Middle+Finger.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/01/meet-my-middle-finger-part-10b.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/01/meet-my-middle-finger-part-10b.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content