By: Lord Iris Kagura POV Nang-gagalaiti na ako sa galit! Ginago nila ang kapatid ko! Mga walang hiya sila! Pagkatapos magpakita ...
By: Lord Iris
Kagura POV
Nang-gagalaiti na ako sa galit!
Ginago nila ang kapatid ko!
Mga walang hiya sila!
Pagkatapos magpakita ng kabutihan ni Kith gagaguhin lang siya ng mga taong yun!
Naglakad na ako papunta sa apartment ni Raypaul habang nakasara ang mga kamao ko dahil sa galit at iniwan ko silang lahat na nagtatalo sa kalsada...
Gusto kong maabutan ang babaeng dahilan ng pagkasira ni Kith ngayon!
Pumasok ako sa loob ng apartment ni Raypaul at nakita ko si Alexa na nagbibihis ng damit at mukhang paalis na siya.
"At saan ka pupunta?". Tanong ko sa kanya habang nanginginig sa galit.
Di siya sumagot at lalabas na siya ng pintuan kaya hinarangan ko siya...
"Umalis ka diyan sa dadaanan ko!". Sigaw niya kaya mas lalo akong nagalit dahil ayokong sinisigawan ako
"Alam mo ba kung ano ang ginawa mong hayop ka!". Sigaw ko sa kanya.
Tumawa lang siya kaya na-bwisit ako.
"Nasira ko silang dalawa". Naka-ngiti niyang sabi sa akin.
Hinablot ko ang kwelyo niya at kinaladkad ko siya papasok sa loob.
"Bitawan mo ako! Nasasaktan ako!". Sigaw niya sa akin at nanlalaban siya.
"Hindi ka kayang saktan ni Kith kaya ako ang gagawa nun para sa kanya!". Sigaw ko sa kanya at nanlaki ang mga mata niya sa takot...
Sinakal ko siya at nanlalaban siya pero masyado akong malakas kaya di siya makapalag sa akin.
"Wala kang kwentang tao!". Sabi ko sabay sampal sa pisngi niya.
Pinag-susuntok ko ang tiyan niya at pinag-sasapak ko ang mukha niya kaya nag-mamakaawa siya...
Sinabunutan ko ang buhok niya sa sobrang galit kaya natanggal ang mga hibla nito dahil sa lakas ko.
"Maawa ka! Tama na! Nasasaktan na ako!". Sigaw niya habang namimilipit sa sobrang sakit.
"Naawa ka ba kay Kith?". Tanong ko
Piniga ko ang dede niya sa sobrang galit at pinilipit ko ang mga utong niya kaya napasigaw siya sa sakit...
"Please... pakawalan mo ako". Nag-mamakaawa niyang sabi habang umiiyak
"BITCH!!! WORTHLESS!!! HIGAD!!! Wala kang karapatang mabuhay!!!". Sigaw ko sa kanya habang nginungud-ngud ang mukha niya sa pader.
"Sorry ngayon ko lang naintindihan... patawarin mo ako". Sabi ni Alexa habang umiiyak.
"Para mo na ding pinatay si Kith dahil sa kakatihan mo!". Sigaw ko habang tinatadyakan siya sa sahig.
"Patayin mo na ako! Totoo ang mga sinabi mo! Wala akong karapatang mabuhay!". Sigaw niya.
Hinablot ko ang kwelyo ng damit niya at hinarap ko ang duguan niyang mukha sa mga mata ko...
"Hindi ko dudungisan ang mga kamay ko para lang sa isang insekto na kagaya mo!". Sigaw ko sa mukha niya.
"Ayoko na! Sinira ko silang dalawa at napaka-sama kong tao kaya patayin mo na lang ako!". Nagma-makaawa niyang sabi habang umiiyak.
"Tandaan mo ito! Kapag lumapit ka pa uli sa kanilang dalawa, dadalhin ko ang kaluluwa mo sa impyerno!!!". Sigaw ko kaya nanginig siya sa takot.
Pagkatapos nun ay iniwanan ko siyang naka-handusay sa sahig habang punit-punit ang suot niya at puro pasa't sugat ang katawan niya.
Kailangan kong puntahan si Kith dahil alam kong sobrang sakit para sa kanya ng nangyari...
Kith POV
Nagising ako ngayon, nasa loob ako ng isang ospital at nakita kong nakatayo sa harapan ko ang mga kaibigan ko at hinahawakan ni Ray ang kamay ko habang hinahalikan ito at lumuluha siya...
"Sabi ng doctor sobra ka daw na-depress at di ka pa natutulog kaya nag-collapse ang katawan mo". Sabi sa akin ni Peter.
"Magpahinga ka muna please...". Sabi ni Ray habang patuloy ang pagtulo ng mga luha niya.
Tinanggal ko ang kamay ko sa kanya at di ko na siya tinitingnan dahil ayaw kong makita siya at naalala ko ang kababuyang ginawa niya.
"Lalabas muna kami... magpahinga ka lang diyan ah". Sabi sa akin ni Dennis
Tumango lang ako at lumabas na silang lahat pero naiwan lang si Ray.
"Babantayan kita... sabi ni Peter tinangka mo daw na magpakamatay". Narinig kong sabi ni Ray at basag na ang boses niya.
"Di ko na gagawin yun... I'm going to endure all this pain". Sagot ko kay Ray pero di pa rin ako tumitingin sa kanya
"Gagawin ko lahat ng gusto mo para lang mapatawad mo ako". Sabi sa akin ni Ray at nagmamaka-awa siya.
Tumitig ako sa kanya at nakita kong depress na siya at namamaga na ang mga mata niya kaka-iyak...
"Iwan mo muna ako... gusto kong mag-isip". Seryoso kong sabi sa kanya.
"Gagawin ko lahat ng gusto mo". Sabi ni Ray at tumayo na siya.
Umiyak siya ng malakas at humihikbi na siya habang umaalis at sinara na niya ang pintuan kaya naiwan na lang akong mag-isa ngayon dito...
Nakatulala lang ako sa hangin...
Ayokong nasasaktan si Ray...
Ayokong umiiyak siya...
Pero sobrang sakit ng puso ko...
Bakit niya ginawa sa akin toh?
Mahal na mahal ko si Raypaul... siya ang buhay ko at siya ang nagbigay sa akin ng panibagong pag-asa para mabuhay pero di ko inaasahang siya din ang magpaparamdam sa akin ng ganitong klaseng sakit...
Biglang may pumasok sa kwarto ko at nakita kong si Kagura pala yun...
"Kamusta ka na? Alam kong hindi ka Ok ngayon". Nag-aalalang sabi sa akin ni Kagura habang lumalapit.
"Masakit pero kakayanin ko... mas masakit ang naranasan ko sa pamilya ko kaya kakayanin ko toh". Sabi ko kay Kagura para di na siya mag-alala.
"Mabuti kung ganun pero... kung kailangan mo kami, tawagin mo lang kaming lahat at babantayan ka namin". Sabi ni Kagura
Tumango na lang ako bilang sagot...
"Pag tinangka mong magpakamatay ulit... humanda ka sa akin!!!". Sermon ni Kagura sa akin...
"Hindi ko na gagawin yun... Kaya ko lahat ng ito". Sabi ko sabay punas ng mga luha ko.
"Bwisit talaga yung boyfriend mo! Sinaktan ka lang niya". Sermon niya.
"Kailangan ko ng oras para mag-isip at please lang... wag mong sabihin kay Rogue lahat ng ito". Sabi ko kay Kagura.
"At bakit naman?". Tanong ni Kagura sabay taas ng isa niyang kilay.
"Alam kong masasaktan niya si Ray pag nalaman niya... at ayoko ding mag-alala si Rogue sa akin". Sabi ko naman kay Kagura.
"Kapakanan pa rin ni Gago yung iniisip mo! tsk tsk tsk". Sabi ni Kagura at umiiling-iling siya.
"Hayaan mo muna akong mag-isa... kailangan kong mag-isip". Malungkot kong sabi kay Kagura.
"Sige pero ayusin mo yung sarili mo! At sila ang dapat maging kaawa-awa hindi ikaw!". Sermon na naman ni Kagura sa akin.
Umalis na siya at alam kong nag-aalala din sa akin si Kagura dahil mag-kapatid ang turingan namin sa isa't-isa at handa siyang ipagtanggol ako sa kahit na kanino kaya ganun din ako sa kanila ni Rogue...
Unti-unti ng nadudurog ang puso ko at bigla na lang tumutulo ang mga luha ko kahit nakatulala lang ako sa kawalan at di ko maiwasang tanungin ang sarili ko...
Bakit nangyayari to sa akin?
Naging mabuti naman akong tao...
Mali ba ang pagmamahalan naming dalawa dahil pareho kaming lalake?
Kaya pinaparusahan ako ng Langit...
Paano ko malalampasan lahat ng ito?
Sobrang sakit! Kaya ko pa ba?
Raypaul POV
Mahal na mahal ko si Kith...
Di ko maisip kung bakit ko siya nagawang lokohin...
At ngayon tinangka niyang mag-pakamatay ng dahil sa akin.
Nakaupo lang ako sa labas ng room ni Kith at patuloy akong lumuluha dahil di ko alam na magiging ganito kasakit ang lahat ng bagay...
Para akong pinapatay ng bawat luhang umaagos sa mga mata ng taong mahal ko at ako ang dahilan ng kanyang mga luha...
"Bakit mo ginawa yun?". Tanong sa akin ni Dennis at kasama niya si Vincent pati si James.
"Hindi ko alam". Sagot ko sa kanya habang pinupunasan ko ang mga luha ko.
Umupo silang tatlo sa tabi ko at...
"Kilala kita insan... alam kong di mo kayang saktan si Kith pero anong nangyari sayo?". Nag-aalalang tanong sa akin ni James...
"Inakit ka ba ni Alexa?". Tanong naman sa akin ni Vincent.
Tumango na lang ako bilang sagot.
"Paano kung mabuntis yun?". Tanong naman ni Dennis.
"May contraceptive akong ginamit". Sagot ko habang humihikbi.
"Mabuti kung ganun pero... paano natin aayusin toh?". Tanong ulit ni Dennis sa akin.
Napatitig ako sa kanya dahil hindi ko alam ang dapat kong gawin ngayon...
"Tutulungan ka naming maayos ito basta ipangako mong hinding-hindi mo na ito uulitin". Seryosong sabi sa akin ni Dennis.
"Maraming salamat...". Yun na lang ang naisagot ko sa kanya.
"Galit sayo si Kagura at Peter". Sabi sa akin ni Vincent.
"Ang malas mo kapag nalaman ni Rogue ang nangyari". Seryosong sabi sa akin ni James.
"Nakahanda ako sa mga pwedeng mangyari... haharapin ko ang parusa sa kasalanan ko". Sagot ko sa kanila.
"Hoy Gago! Humarap ka sakin!". Sigaw ng isang babae kaya napatingin ako sa kaya. Si Kagura pala...
Lumapit siya sa akin at seryoso siya...
"Alam mo ba kung ano ang ginawa mo sa kapatid ko?". Tanong niya.
"Alam ko kung gaano yun kasakit sa kanya at pananagutan ko ang kasalanan na ginawa ko". Seryoso kong sagot sa kanya...
"Ayusin mo lang! Naki-usap si Kith na hindi ko sasabihin ang nangyari kay Rogue dahil masasaktan ka talaga!". Sabi sa akin ni Kagura.
"Hindi naman niya kailangang gawin yun eh... gusto kong masaktan para maibsan ang nararamdaman ko". Malungkot kong sabi kay Kagura.
"Kahit sinaktan mo si Kith, kapakanan mo pa din ang iniisip niya! Mahiya ka naman sa sarili mo!". Sermon sa akin ni Kagura kaya mas lalo akong nakokon-sensiya.
"Gagawin ko ang lahat para lang maayos ito". Sagot ko sa kanya habang patuloy na lumuluha.
Umalis na siya kasama nila Dennis kasi kailangan na din nilang matulog at magpalit ng damit pero dito lang ako dahil kahit ayaw akong makita ni Kith eh gusto ko siyang bantayan kaya nasa labas lang ako ng room niya...
Kapag sumisilip ako sa kanya, nakikita ko na naka-tulala lang siya at lumuluha ang mga mata niya kaya nadudurog ang puso ko...
Kith POV
Naka-labas na ako sa ospital at nandito ako ngayon sa condo, nagmumukmok at nag-iisip.
Dalawang linggo na akong ganito at dalawang linggo ko na ring hindi nakikita si Raypaul dahil sabi ko ayoko munang makipag-kita sa kanya pero lagi niya akong tini-text pero di siya tumatawag dahil ayoko pa rin siyang maka-usap.
Hindi ako lumalabas ng condo, hindi ako pumapasok sa Casino at minsan hindi na ako makakain dahil iniinda ko ang sakit na nararamdaman ko hanggang ngayon kaya ayoko ding makipag-usap sa kahit kanino.
Inaamin ko sa sarili ko na nami-miss ko na talaga ang taong mahal ko pero sa tuwing naiisip ko siya ay magkahalong awa at sakit sa puso ang nararamdaman ko. Awa sa kanya dahil alam kong masakit din yun para sa kanya at awa sa sarili ko dahil niloko niya ako at pinaramdam niya sa akin na may pagkukulang ako.
Paano ko magagawang ayusin ang problemang ito? mahal ko siya at alam kong mahal niya rin ako pero sino ba ang dapat kong sisihin?
Siya ba na niloko ako?
Si Alexa na trinaydor ako?
O ang sarili ko dahil pinabayaan ko siyang mag-isa at di ko binigay sa kanya ang bagay na pagkatapos lang ng plinano naming kasal gagawin?
Di ko maiwasan na matulala at biglaang lumuluha dahil sa sakit...
Biglang tumunog ang phone ko dahil meron akong natanggap na message kaya tiningnan ko ito...
From: Raypaul ko
Sorry sa ginawa kong kasalanan sayo, alam kong gago ako at alam kong ayaw mo akong makita pero mahal na mahal kita...
Lagi akong nakakatanggap ng text mula sa kanya at pang-128 na niyang message ito ngayong araw pero binabasa ko pa din palagi kasi nangungulila na ako sa kanya...
Kung talagang mahal niya ako bakit niya ako sinaktan ng ganito at kung hindi ko pa sila nakita ay malamang di ko malalaman ang kababuyang ginawa nilang dalawa...
Paano ko siya papatawarin kung nasasaktan ako ngayon at higit sa lahat pakiramdam ko ay hindi na mabubuo ang tiwala ko sa kanya kagaya ng dati...
Kailangang malinawan ng isip ko dahil pakiramdam ko ay kahit konting ihip na lang ng hangin ay mababaliw na ako sa sobrang bigat ng nararamdaman kong sakit ngayon...
Ano kayang iniisip ngayon ni Ray?
Anong nangyari sa kanila ni Alexa pagkatapos kong malaman ang lahat ng mga bagay na ito?
Paano kung ipagpalit niya ako sa babaeng yun?
Kapag nangyari yun ay hindi ko na alam ang magiging takbo ng buhay at pag-iisip ko...
Maraming gumugulo ngayon sa isipan ko, marami akong mga tanong pero paano ko mahahanap ang mga sagot kung nahihirapan akong makipag-laban sa nararamdaman ko...
Alam ko na! Kailangan kong pumunta sa simbahan at magdasal dahil baka sakaling maging malinaw ang lahat ng mga bagay sa akin. Kailangan kong humingi ng tulong sa Diyos, kailangan kong matutunang buuhin ang nabasag kong puso at kailangan kong matutunan kung paano magpatawad ng bukal sa kalooban ko...
Naligo muna ako at nag-suot ng itim na polo shirt at itim na pants. Hindi ko alam kung bakit ito ang gusto kong isuot ngayon...
Binuksan ko na ang pintuan ng condo at nakaka-panibago kasi ngayon na lang uli ako nakalabas...
Naglakad lang ako papuntang simbahan dahil malapit lang ito sa condo ko.
Pagpasok ko sa loob ay bumigat ang pakiramdam ko pero umupo na ako malapit sa may bandang unahan at medyo malapit sa altar at konti lang ang tao ngayon dahil lunes at wala namang misa...
Lumuhod na ako at nagsimulang manalangin sa isip ko...
"Lord... alam kong naging mabuti naman akong tao kahit ganito ako pero hindi ko po maintindihan kung bakit lagi na lang ako nakakaramdam ng ganito katinding sakit... Pero alam ko pong may dahilan kung bakit nangyayari lahat ng ito kaya maraming salamat po dahil binigyan nyo ako ng mga kaibigang mahal ako.Mali po ba na minahal ko ang kapwa kong lalake? Kaya nangyayari sa akin ito pero mahal na mahal ko po siya. Nakiki-usap po ako na tulungan nyo akong matutunang magpatawad. Marami pong salamat at AMEN".
Sabi ko sa isip ko at hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko habang nagdadasal ng mataimtim...
Mayroong babae sa unahan ko at humihikbi na siya sa kakaiyak pero nagulat ako ng bigla siyang magdasal ng malakas kaya narinig ko at tingin ko kilala ko siya...
"Lord! Alam ko pong malandi ako at nanira ako ng isang relasyon at hindi po ako karapat-dapat humingi ng kapatawaran dahil masama akong babae pero alam ko po ang ginawa kong pagkakamali kaya patawarin niyo na po ako! Minahal ko lang po ng sobra-sobra ang lalakeng yun pero nasaktan at sinira ko ang buhay niya sa pangalawang pagkakataon at dinamay ko pa ang taong mahal niya.
Nawa'y gabayan nyo po silang dalawa at sana po magka-ayos na sila dahil alam ko pong sila ang nababagay para sa isa't-isa". Sabi ng babae sa unahan ko at humahagulgol na siya sa iyak.
"Marunong ka palang magdasal". Sabi ko sa kanya at nakita kong nanginig siya sa pagkabigla ng marinig niya ang boses ko.
Lumingon siya sa akin kaya tama ang hinala ko siya nga si Alexa pero nagbigla ako sa nakita ko dahil puro pasa ang mukha niya...
"Pwede ba tayong mag-usap?". Tanong niya sa akin at nakita kong tumulo ang luha niya.
Huminga ako ng malalim at tumango na lang ako sa kanya kaya lumapit siya sa akin at tumabi sa upuan ko...
"Saan mo nakuha ang mga pasa mo?". Tanong ko kay Alexa..
"Yung kapatid mo... tinuruan niya ako ng leksyon at nakakatakot siya". Mangiyak-ngiyak niyang sabi..
Tumitig ako sa kanya at hindi na ako magtataka kung si Kagura nga ang bumugbog sa kanya...
"Pinamukha niya sa akin kung gano ako kasamang tao kaya natauhan na ako ngayon at salamat sa kanya". Sabi ulit ni Alexa
"Kung kaya mong sirain ang buhay ko, ay mas kaya kong sirain ang sayo at kaya naman kitang ipapatay. Kaya ko ring idamay ang pamilya mo at pabagsakin ang negosyo niyo pero alam mo ba kung bakit hindi ko iyon ginawa sayo?". Seryoso kong tanong sa kanya at parang nanginig siya sa sobrang takot.
"Ba..kit?". Nauutal niyang tanong.
"Dahil nawalan na ako ng pamilya at minsan ng nasira ang buhay ko... Kung gagawin ko yun sayo ay wala na rin akong pinagka-iba sa kasamaan mo at sa mga taong sumira sa akin". Seryoso kong sagot sa kanya habang naka-tingin sa altar.
"Mabuti ka talaga... sorry". Nakayuko niyang sabi sa akin.
"Ano ba ang gusto mong mangyari?". Tanong ko sa kanya
"Alam kong hindi mo ako kayang patawarin pero dapat mong malaman ang totoo...". Seryoso niyang sabi.
"Ano ba ang kailangan mong sabihin? Malinaw naman na traydor ka!". Sagot ko sa kanya.
"Walang kasalanan si Raypaul sa nangyari dahil ako ang dapat sisihin at managot". Naiiyak niyang sabi.
"Wag mo siyang pagtakpan! Alam kong niloko niya rin ako!". Sabi ko sa kanya dahil naiinis ako...
"Totoo ang sinasabi ko... at dapat mong malaman ang buong pangyayari". Sabi niya habang tumutulo ang mga luha niya..
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin ngayon at makikinig ako". Seryoso kong sagot sa kanya...
"Hinaluan ko ng drugs ang alak na iniinom niya sa bar". Sabi niya
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko kaya naman hindi ko maiwasan ang pagtataka kung totoo ba ang sinasabi ng babaeng ito...
"Anong ibig mong sabihin? Totoo ba yang sinasabi mo?". Nagtataka kong tanong sa kanya.
Tumango lang siya at nagpatuloy...
"Ang epekto ng drugs na yun ay pagkahilo at pag-iinit ng katawan kaya ginamit ko yun para akitin siya". Seryoso niyang sabi sa akin...
"Pero di niya pinigilan ang sarili niya"
Sabi ko ulit sa kanya...
"Maniwala ka! Pinigilan niya pero di ko siya hinayaang i-resist ako...". Sabi niya sa akin at nakikita ko sa mga mata niya na totoo yun...
Napayuko na lang ako at hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko....
"Kahit na may nangyayari sa amin nung gabing yun... Ikaw pa rin ang nasa isip niya". Malungkot niyang sabi sa akin kaya napatitig ako ulit sa mga mata niya...
"Masakit pa din... Masama pa din ang loob ko sa kanya kasi alam kong nagustuhan niya yung nangyari". Seryoso kong sabi kay Alexa...
"Sana patawarin mo na siya... at hinding-hindi na ako magpapakita sa inyong lahat". Sabi ni Alexa...
"Wala akong pakialam sayo! Pero maraming salamat sa sinabi mo dahil nabawasan ng konti ang bigat na nararamdaman ko". Sabi ko sa kanya.
"Sana maging masaya ulit kayo... alam kong mahirap ibalik ang tiwala pero sana mahalin mo ulit siya...". Sabi ni Alexa at umalis na siya...
Tumayo na ako para umuwi at kahit papaano nalinawan ang isipan ko...
Paglabas ko ng simbahan ay biglang may tumawag sa likuran ko...
"Iho! Mabigat ang dinadala mo". Sabi ng isang matanda kaya lumingon ako.
Nakita ko ang matandang naka-usap namin ni Ray nung first date namin...
"Opo lola... pwede po bang maka-hingi ng payo sa inyo?". Tanong ko sa kanya
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking palad...
"Nalampasan mo ang nakaraan mo kaya dapat kayanin mo rin ang ngayon... diba sabi ko sayo kailangan mong matutunan ang salitang pagpapatawad". Sabi niya sa akin...
"Pero mahirap po...". Nakayuko kong sagot sa kanya...
"Alam ko pero... kung talagang mahal mo siya ay bibigyan mo siya ng ikalawang pagkakataon bago pa mahuli ang lahat". Seryosong sabi sa akin ng matanda...
"Paano niyo po nalaman na...". Di pa ako tapos magsalita pero inunahan na niya ako...
"Alam ko ang mangyayari sa inyo at isa lang ang dapat mong tandaan...". Sabi niya sa akin...
"Huh? Ano po yun?". Nagtataka kong tanong sa kanya...
"Wag kang susuko sa kanya... ipaglaban mo siya dahil yun na lang ang tanging paraan upang sumaya ka ulit sa buhay mo...". Sabi ni Lola
"Kailangan ko lang po ng panahon para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko". Sabi ko
"Iho! Hindi lang yan ang mararanasan mo pero magtiwala ka lang at maging matatag". Sabi ulit ni Lola
"Mahal na mahal ko po siya". Naiiyak kong sagot sa kanya...
"Lagi mong tatandaan... ORAS ANG MATINDI NIYONG KALABAN!!! at kapag nagawa niyong lampasan lahat ay magiging masaya kayo habang buhay at mas lalong tatatag ang relasyon at tiwala niyo sa isa't-isa...". Sabi ni Lola habang naglalakad siya palayo...
"Maraming salamat po...". Naiiyak kong sabi sa kanya pero lumingon lang siya at ngumiti...
Nalinawan ang isip ko at kailangan ko lang ng konting panahon upang maibsan ang sakit na nararamdaman ko at pagkatapos nun ay haharapin ko na si Ray at sana maayos pa ang lahat...
COMMENTS