$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Because I Love You (Part 2)

By: Confused Teacher First of all, I wanna thank all of you especially the admin for allowing my stories to be posted/published here. I ...

Because I Love You

By: Confused Teacher

First of all, I wanna thank all of you especially the admin for allowing my stories to be posted/published here. I am really grateful for all your comments/feedbacks. They are my motivation to continue writing.

As promised, here’s the continuation of Darryl and Tyrone’s story. But my apologies hindi pala kayang 2 parts lang masyadong mahaba. Again thanks a lot and happy reading.

Isang umaga, naalimpungatan ako sa boses ni Papa. Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto,

“Darryl, Darryl anak…. Anak ng … anong ibig sabihin niyan?” galit niyang tanong, saka ko lamang napansin. Magkatabi kami ni Tyrone, parehong naka underwear lang. Nakaunan ako sa braso niya habang mahimbing siyang natutulog.

“Papa, kasi….

“Anong Papa kasi, ipaliwanag mo ang ibig sabihin niyan, bakit ganyan ang itsura ninyo? At bakit nariyan si Tyrone, at bakit ka nakaunan sa kanya….”

Ang dami pang tanong ni Papa, at sa lakas ng boses nakita kong napabalikwas si Tyrone, agad kinuha ang kanyang pantalon.

“Sir, pasensiya na po nalasing kami kagabi hindi na ako nakauwi,…” natatarantang paliwanag ni Tyrone habang nag susuuot ng damit, sinamantala ko naman na sa kanya nakatingin si Papa para mabilis ding makapagbihis.

“Tumigil ka, hindi kita tinatanong, ang aking anak ang kausap ko kaya kung pwede lamang ay lumabas ka na.” halos pasigaw na sagot ni Papa.

“Pero sir….” Magsasalita pa sana si Tyrone nang muling sumigaw si Papa.

“Hindi ba malinaw ang sinabi ko? Lumabas ka na!” halos mapatid ang mga ugat sa lalamunan niya sa lakas ng pagsigaw. Tumingin muna sa akin si Tyrone na parang nagtatanong kung lalabas ba siya o sasamahan akong harapin ang mala bulkang galit ni Papa.

Bahagya lamang akong tumango dahil alam kong nakatingin sa amin si Papa. Kaya dali-dali siyang lumabas na nakatungo. Ni hindi tumabi si Papa para makadaan si Tyrone kaya halos mabangga na siya sa pinto para lamang makaiwas sa masamang tingin ni Papa.

“Ngayon Darryl wala na si Tyrone, naghihintay ako ng paliwanag mo, sabihin mo kung ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito”

“’Pa kasi…” hindi ko alam kung papaano ko haharapin ang matalim tingin ni Papa kung makakapatay lamang ang tingin tiyak kanina pa ako patay. Tumungo ako, hindi ko kayang magsinungaling sa kanya pero hindi ko rin naman alam paano aaminin ang totoo baka mapatay nga niya ako ng tuluyan. Kitang kita sa mukha niya ang sobrang galit.

“Anong Papa kasi? Kasi bakla ka? Iyun ba? At dito pa sa kwarto mo ginagawa ang kababuyan ninyong dalawa? Nakakahiya kayo mas masahol pa kayo sa…” Hindi niya itinuloy ang sasabihin niya. Sinapo niya ang noo saka tumingala. Noon ko lamang narinig si Papa na nagsalita ng ganon, alam ko mula pagkabata maingat siya sa pagsasalita. Kung galit siya mas pinipili pa niya ang huwag manahimik.

“Pa, hindi mo naiintindihan…” iyon lamang ang nasabi ko kahit nasasaktan ako sa sinasabi niya, wala akong kakayahan na labanan o kontrahin ang kanyang sinasabi. Huminga muna siya ng malalim bago ako sinagot.

“Ayusin mo ang mga gamit mo uuwi tayo ngayon din, Sa bahay tayo mag-uusap.” Mariing utos niya.

“Pero ‘Pa….”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mapansin kong nasa harapan ng pinto ng ilan sa mga trabahador namin.

“Uuwi ka bang kasama ako o dito mo gustong mapahiya? O baka naman gusto mong kaladkarin pa kita….. Darryl punum-puno na ako sa iyo, mula pagkabata wala ka ng ibinigay sa akin kundi sakit ng ulo, ikaw talaga ang papatay sa aking bata ka, kaya utang na loob huwag mo akong sagarin.” Iyon lamang ang sinabi niya at tumalikod na palabas ng pinto, Nakita ko ang mga kasamahan naming umiwas sa kanya hindi malaman kung saan pupunta palayo sa kanya. Hindi naman sila pinansin ni Papa, tuluy-tuloy lamang siya palabas.

Hindi ko na napigil ang luha ko. Una sa katiyakang paglalayuin kami ni Papa, hindi ko matanggap kahit sa isip pa lamang na tapos na kung ano man ang namamagitan sa amin ni Tyrone. Inisip ko rin ang aming nakakahiyang sitwasyon sa harapan ng mga kasamahan namin. Lalo na si Tyrone, nahihiya ako dahil alam kong baka hindi siya maiintindihan ng mga tao sa probinsiya, masisira ang reputasyon niya. Pero paano na kami, paninindigan kaya niya ang tungkol sa amin. Aaminin kaya niya na pareho kami ng nararamdaman kung may magtatanong sa kanya. Tatanggapin kaya niyang may nangyari sa amin. Naramdaman ko na lamang ang mabilis na pag-agos ng mga luha mula sa aking mga mata. Hinayaan ko na lamang ang mga luhang iyon ang nasa isip ko ay mabilis na mai empake ang mga gamit ko, hindi lamang dahil alam kong naghihintay si Papa kundi makaiwas din sa mata ng mga kasamahan namin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nila. Kanina habang pinapagalitan ako ni Papa nakatingin sila sa akin, hindi ako sigurado kung naaawa o nangungutya ang mga tingin nila. Pero wala na akong panahon na magpaliwanag o alamin pa kung ano ang sinasabi nila noon. Ang kailangan kong gawin ay makaalis, makalayo sa lugar na iyon. Hindi ko pa alam kung ano ang susunod na mangyayari pero isa lamang ang tiyak. Napakasalimuot at napaka kumplikado ng kakaharapin ko.

Wala na ang sasakyan ni Tyrone paglabas ko, si Papa nakatayo sa tabi ng sasakyan niya. Lumapit ako sa kotse ko.

“Hindi ka riyan sasakay, ibigay mo sa driver ang susi at siya na ang bahala diyan. At ikaw dito ka sa sasakay. sasama ka sa akin.” Mahina pero madiin niyang bati pagkakita sa akin. Hindi na ako nagtangka pang kumontra. Inabot din ng driver ni Papa ang dala kong maleta pagka bigay ko ng susi. Muli kong naramdaman ang pagtulo ng mga luha ko una sa sitwasyon ko pangalawa ginagawang pagtrato ni Papa sa akin kahit sa harapan ng ibang tao. Noon ko lamang naranasan ang ipahiya niya ng ganon.

Natatandaan ko mula pagkabata hindi niya kami pinagalitan na may nakakarinig, kung may nagawa man kaming kasalanan papupuntahin niya kami sa kwarto saka doon kakausapin. Hindi rin siya mahilig mamalo, hahayaan lamang niya kaming mangako na hindi na mauulit. Sa pagkakatanda ko hindi kami napalo ni Papa kahit minsan, sapat na sa amin ang pagtaas ng boses niya para magtanda. Takot kaming lahat kay Papa, kahit si Mama hindi maka kontra kapag nagpasya na si Papa. Kapag kasi sinabi niya tiyak na ginagawa niya.

May isang pangyayari nga noong mga bata pa kami. Nag away kami ni Kuya, suntukan talaga. Magkasama pa kami noon sa isang kwarto, Pinagalitan kami ni Papa at pinilit na magbati kami pero parehas kaming ayaw sumuko ni Kuya. Sinabi ni Papa na kung hindi kami magbabati, hindi kami makakalabas sa kwartong iyon. Akala ko ay hindi niya gagawin pero tinutoo niya, isang lingo hindi kami nakalabas ng room. Mabuti na lamang at bakasyon noon, dinadalhan lamang kami ng pagkain ng aming kasambahay. Walang pwedeng kumausap sa amin. Pati si Mama hindi kami pwedeng kausapin o lapitan kahit madalas naming madinig na umiiyak si Mama para payagan na kaming makalabas pero matigas si Papa. Kaya nang minsang maramdaman namin na nasa may pintuan siya, tinawag namin siya at kami na ang nagkusa na magsabi sa kanya na bati na kami. Iyon naman ang totoo nang gabi ring iyon nagkabati na kami ni Kuya at nangakong hindi na mag-aaway. Naging malaking aral sa amin ni Kuya ang pangyayaring iyon. Mula noon hindi na nga kami nag-aaway o kung nag-aaway man kami, pinipilit naming huwag mahalata ni Papa sa harap niya ay nagbibiruan kami kahit sa ilalim ng mesa ay nagsisipaan kami o pag hindi kaharap si Papa ay pasimple kaming nagsusuntukan. Pero madali lamang naman lumipas ang away namin madalas sa gabi ay nagkakabati na rin kami dahil iisa ang aming kama kaya mapipilitan kaming mag-usap. Makulit kasi si Kuya kapag kiniliti na niya ako napapatawa na ako kahit naiinis pa rin. O kaya naman ay papapangitin lamang niya ang mukha niya o magboboses dwende ay nawawala na ang pagkainis ko sa kanya.

Sa loob ng sasakyan, hindi ako makatingin sa kanya, gusto kong mag sorry pero alam kong hindi naman niya maiintindihan ang sasabihin ko. Sa mahabang biyahe, hindi kami nag-usap. Napaka awkward ng pakiramdam, para akong bibitayin, hindi ko alam ano ba ang dapat kong iexpect. Gusto kong pagalitan niya ako para alam ko kung ano ang nasa isip niya pero nanatili siyang tahimik ni hindi tumitingin sa gawi ko. Gusto kong matulog para kahit sandali ay makalimot sa kinalalagyan kong sitwasyon pero kahit anong pilit ko ay hindi ako makatulog. Umaalingawngaw pa rin sa isip ko ang boses ni Papa at sa pagpikit ko alternate na bumabalik sa isipan ko ang matatalim na tingin ni Papa at ang nakakaawang itsura ni Tyrone habang papalabas ng room.

Binalikan ko sa isip ko kung ano ba ang nangyari nang nakaraang gabi. Ang naaalala ko lamang ay nagpunta kami ni Tyrone sa bayan. Nagkayayaan kaming mag-inom at nang umuwi kami ay napansin kong lasing siya kaya sinabihan ko siya na huwag ng umuwi. Hindi pa kasi tapos ang kwartong para sa kanya. Samantalang nakalipat na ako ng room at solo ko na yun.

Ang huli kong naalala ay nag “I Love You” ako sa kanya na sinuklian naman niya ng halik hanggang naging mainit ang aming halikan. Yung mga halik na iyon na unang beses kong naramdaman. Marami na akong naging girlfriends at madalas ay nauuwi sa sex ang aming halikan pero iba ang halik ni Tyrone para itong may dalang kakaibang kuryente na nagpapahina sa aking pakiramdam. Kahit lasing ako damang dama ko ang bawat dampi ng labi niya sa aking balat na parang lalong nagpapainit sa aking pakiramdam. Kasabay nito ang sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib. Iyon lamang ang natatandaan ko dahil ang huli kong naalala ay pumikit lamang ako para tuluyang damhin ang kakaibang ligayang noon ko lamang naranasan.

Parang sobrang haba ng biyahe namin, Pero nang lumiko na kami papasok sa subdivision lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hiniling ko na sana ay tumagal pa ang biyahe namin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong paghandaan. Aaminin ko sa edad kong iyon hindi ko pa rin kayang labanan si Papa. Wala akong kakayahan na mangatwiran. Sa school o kahit sa barkada ko, napaka strong ng tingin nila sa akin pero pag si Papa ang kaharap alam kong wala akong magagawa. Lalo na nong mga oras na iyon parang natataranta ako sa bawat pagsigaw niya pero mas lalo akong natatakot kasi hindi siya nagsasalita.

Pagdating sa bahay, sinalubong kami ni Mama. Nakita kong umiwas si Papa at tuluy-tuloy na pumasok.

“Anak anong nangyari, tumawag ang Papa mo galit na galit, ano bang ginawa mo?” naguguluhang salubong ni Mama sa akin.

“’Ma, hindi ko po alam ang gagawin ko, tulungan mo ako Ma, nakakatakot si Papa.” niyakap ako ni Mama kaya lalong lumakas ang pag-iyak ko.

“Pumasok ka na, tigilan mo iyang kaartehan mo at huwag mong babalaking umalis, hindi mo pa ako kilala Darryl. Huwag mo akong susubukan!” Sigaw ni Papa.

Nagulat ako akala ko ay nasa kwarto na siya. Bumitaw ako kay Mama at tumuloy sa aking kwarto, hindi ko alam ang gagawin ko sobrang gulo ng isip ko ang akala ko ay papagalitan niya ako pagdating ng bahay. Pero nagpasalamat na rin ako dahil hindi niya ako sinapak. Pero sa kabilang banda natakot din ako sa kung anuman ang binabalak ni Papa bakit hindi niya ako kinompronta. Ang sabi niya ay sa bahay kami mag-uusap. Sana lamang nakalimutan na niya iyong plano niya.

Pagpasok sa kwarto ay nahiga ako sa kama. Naalala ko si Tyrone, Ano na kaya ang nangyari sa kanya. Hindi ako sigurado kung nagkausap sila ni Papa habang nasa loob pa ako. Kung nag-usap naman sila ano kaya ang pinag-usapan nila. Pinagalitan kaya siya ni Papa, tinakot, sinigawan ulit, sana naman ay hindi siya sinaktan ng matandang halimaw na ito. Tatawagan ko na lamang siya para makibalita. Mababaliw na yata ako sa dami ng iniisip ko. Nang bigla akong may naalala, Natapik ko ang aking noo.

“Putek naman talaga, nasa bag ang phone ko, kukunin ko sa kotse ko tiyak naman nakabalik na rin yung driver ni Papa.” Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Papa sa salas.

“Saan ka pupunta, hindi ba sinabi ko sa iyong hindi ka pwedeng lumabas, sinusubukan mo ba talaga ako, ha?” malakas niyang sigaw

“May kukunin lang…..”hindi na niya ako pinatapos

“Ang sabi ko diyan ka lamang, ako ang magsasabi kung kailan ka pwedeng lumabas, kaya pasok!” Muli ay sigaw niya. Wala akong nagawa kaya napabuntunghininga na lamang ako dahil alam kong mas magagalit lamang siya kung susuway ako. Nakakapanibago na puro sigaw na lamang ang paraan ng pakikipag usap niya. Hindi kaya sumasakit ang kanyang lalamunan. Sana nga sumakit iyon para hindi na siya makasigaw. Pero saka ko na iisipin iyon kailangan ko talagang makausap si Tyrone pero anong gagawin ko. Mas mahigpit pa sa gwardiya sibil si Papa. Nasaan kaya si Mama bakit biglang nawala. Sabagay napaka nerbiyosa naman non, malamang nasa room iyon at nag-iiiyak.

Si Kuya naman, nako walang pag-asa don tiyak nasa opisina yun, don na yata nakatira ang taong iyon, Mas marami pang oras iyon sa opisina kesa sa bahay. Kahit nga weekend ay pumapasok iyon.

Si Vince! Haist ano bang aasahan ko malamang nasa basketball court yun saka kahit close kami, close din yun kay Daddy hindi ako tutulungan non, baka isumbong pa ako kapag sa kanya ako nagpatulong. Ma, please lumabas ka diyan ikaw lang talaga ang pag-asa ko. Muli nahiga ako sa kama at nag-isip ng pwede kong gawin. Naipatong ko sa noo ko ang aking dalawang kamay.

Sa ipinapakita ni Papa, sobra ang galit niya sa natuklasan niya. Sabagay sino ba naman ang matutuwa sa ganon, alam ko namang hindi iyon tanggap lalo pa sa tulad ni Papa na ang tingin ay napakataas niya sa kanyang mundo. Tinitingala, nirerespeto at kinatatakutan lalo na ng mga taong hindi siyang kayang kontrahin. Gusto kong kausapin na niya ako, pero anong sasabihin ko. Paano ko ipapaliwanag ang nakita niya. Hindi ko nga alam kung ano kami ni Tyrone. Oo alam ko parehas ang nararamdaman namin pero hindi namin napag-usapan yung yung tungkol sa amin. May relasyon ba kami, may kami ba o ano ba talaga yung sa amin? Kung tutuusin kailan lamang naman kami nag-aminan na mutual ang aming nararamdaman. Oo nga’t matagal na namin palang nararamdaman iyong parehas na pakiramdam na iyon pero magulo pa ren. Sakaling tanungin ako ni Papa bakit siya pa samantalang ang daming babae ang alam niyang nakarelasyon ko. Hindi ako bakla! Alam niya iyon pero bakit ako nagmahal sa isang lalake. Kaya lang ano bang isasagot ko? Hindi ko naman siya pinili ang totoo, abot hanggang langit ang galit ko sa kanya dati. Noon kung may tao na ayokong makita alam kong si Tyrone iyon. Kung may tao na gusto kong mawala sa landas ko si Tyrone iyon. Kung paano nangyari ang lahat, hindi ko rin kayang ipaliwanag. Pero iba na ngayon, parang ayokong isipin na hindi kami pwede, Kahit alam kong iyon ang dapat mangyare, ayokong maniwala na mali ang nararamdaman namin. Ang narealize ko ngayon sa pag-ibig, hindi pinag-uusapan kung lalake ka o babae, o kung ikaw ay lalake ang dapat mong mahalin ay babae lamang o kung babae ka ikaw ay para sa lalake.

Haist kung tatanungin ako ni Papa, kung bakit si Tyrone pa sa dami ng babae o kahit lalake na alam niyang nagkakagusto sa akin lalo na noong highschool pa kami. Hindi ko rin alam kung ano ang isasagot. Isa lamang ang tiyak ko. I love him because I love him. I love Tyrone! Yun lamang ang maliwanag sa akin.

Hindi ko alam nakatulog pala ako, Nagising ako sa katok ni Mama. Napabalikwas ako.

“Si Mama! Sabi na hindi ako matitiis ni Mama.” Dali-dali akong tumayo para buksan ang pinto.

“Ma, thank you pumunta ka dito.” Iyon agad ang bati ko sa kanya.

“Darryl, Anak maghanda ka, mamayang gabi ay aalis ka.” Malungkot na sagot ni Mama, Nakita kong namumula ang mga mata niya tanda ng pag-iyak

“Bakit ako aalis ‘Ma, saka saan ako pupunta?” nabigla ako sa sinabi niya, ang una kong naisip ay pinapalayas na ako ni Papa.

“Papupuntahin ka ng Papa mo sa America, don ka muna sa mga Tito mo, nagkausap na sila ng Papa mo at expected na nilang darating ka, kaya anak ihanda mo na ang mga dadalhin mo magtatagal ka don.” Nakita ko ang pagpatak ng mga luha niya kahit pilit niyang ikinukubli.

“Pero hindi pwede ‘Ma hindi ako pwedeng umalis na hindi kami nagkakausap ni Tyrone, kailangang magkausap muna kami” pakiusap ko kay Mama, kahit kita kong nahihirapan siya gusto ko pa ring makiusap na huwag niya akong hayaang umalis.

“Punyeta, at anong gagawin mo kung hindi ako pumayag ha?” nabigla ako nasa pintuan pala si Papa. Malakas niyang itinulak ang pinto kaya lumikha ito ng ingay

“Juancho!” sigaw ni Mama.

“Pa, hindi mo ako pwedeng pilitin na pumunta sa America, Malaki na ako at nasa hustong gulang na, pwede na akong magpasya sa aking sarili.” Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon.

“Talaga? Nasa hustong gulang ka na nga pala, tangina ka kaya mo na bang tumayo sa sarili mong mga paa?” sarkastikong tanong niya saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Bakit ang dali niyang matutong magmura. Talaga bang matalino si Papa, hanggang tanghali pa lamang, ang dami na niyang natutunan. Expert na siya sa pagsigaw at pagmumura. Pero hindi ako magpapatalo sa kanya. Dapat matapang din ako. Kahit natatakot ako sa tingin niya ay nilabanan ko siya ng tinginan, Bahala na!

“Papatunayan ko sa inyo na kaya kong mabuhay na hindi umaasa sa pera ninyo. Iyon lamang naman ang lagi mong ipinapanakot ang pera mo. Huwag kang mag-aalala mabubuhay kami kahit wala ang pera mo.” Ewan ko kung bakit pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay sobra ang tapang ko, Pero hindi ko napaghandaan ang isang suntok na pinakawalan niya.

“Huwag kang bastos! Baka nalilimutan mong narito ka pa rin sa pamamahay ko. Ang sama ng ugali mo. Palibhasa kung saan ka nanggaling na lahi kaya ganyan ka, walang utang na loob.” Sigaw niya. Masakit ang suntok niya siguro dahil yun ang first time na ginawa niya yun pero hindi ko maintindihan ang sinabi niya.

“Walang utang na loob? Bakit utang na loob ko ba iyong naging anak niya ako, ako ba ang pumili na siya ang maging tatay ko. Alam kong magulo ang utak ko pero mas magulo palang kausap itong si Papa.

Saka saan daw galing ang lahi ko, baliw na ba si Papa, e saan nga ba galing ang lahi niya, Baka sa mga unggoy na hindi kumakain ng saging? Bwisit naman bakit ba ang sakit na nga ng suntok niya, pinag-iisip pa ako ng matandang ito. Physical at emotional torture na nga dadagdagan pa ng mental. Sumosobra ka na talaga. “Konti na lamang papatulan na kita.” Sigaw ng utak habang pilit kong pinipigil ang pagpatak ng luha ko. Kaya lang ang hirap lalo pa at panay iyak ni Mama.

“Juancho, ano ba tumigil ka na nga…” umiiyak na pakiusap ni Mama.

“Claire I think its about time to tell him the truth” mahina pero madiin ang pagkakasabi ni Papa, bagamat si Mama ang kausap pero sa akin siya nakatingin.

“Ma, anong dapat kong malaman?” tuluyan na akong napaiyak, parang may dapat nga akong malaman, nakakatakot bakit bigla akong kinabahan. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Lumapit si mama at bigla akong niyakap.

“Wala anak, huwag mong pansinin ang Papa mo, galit lamang siya kaya kung anu-ano ang sinasabi, Juancho, please lumabas ka na iwan mo na kami dito ako na ang kakausap sa kanya.” Pagmamakaawa ni Mama.

“No, kailangang malaman na niya ang totoo.” Sagot niya kay Mama. Nakita kong nagtakip si Mama ng mukha at tuluyan ng humagulhol. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.

“Hindi ka namin anak!” Halos mabingi ako sa sinabi ni Papa kahit mahina ang pagkakabigkas niya kaya napatingin ako sa kanya. Wala akong masabi parang may bombang biglang sumabog sa tenga ko paulit-ulit kong nadidinig ang sinabi niya. Pero kailangan kong tiyaking kung tama ang nadinig ko.

“Anong sinabi nyo Pa, Hindi ninyo ako anak? naguguluhan kong tanong sa aking ama kahit maliwanag naman ang pagkakasabi niya. Hindi ko alam naging bingi na yata ako sa kakasigaw niya.

“Juancho please, nagmamakaawa ako, tama na pakiusap naman, tama na…” si Mama. Hindi siya pinansin ni Papa.

“Im sorry Darryl, yun ang totoo, hindi ka namin anak.” Natigilan ako sa ginawa niyang confirmation. Akala ko nong una ay mali ang pagkakarinig ko. Hindi ko alam ang isasagot. Nakanganga ako pero walang lumalabas na word sa bibig ko. Parang nawalan ako ng lakas magsalita. Bigla akong natulala. Tumingin muna siya kay Mama na patuloy ang pag-iyak. Saka humarap sakin at itinuloy ang sinasabi niya.

“Anak ka ng dati naming kusinera, pero natakot siyang malaman ng kanyang mga magulang ang pagbubuntis niya dahil iniwan na siya ng iyong ama nang malamang nagdadalantao ang iyong ina. Dahil naging mabait naman siya sa amin at maayos magtrabaho kinupkop namin siya at itinago hanggang makapanganak at pinalabas namin na kami ang iyong mga magulang at ang Mama mo ang nagsilang sa iyo dahil bago pa lumaki ang tiyan niya ay pinapunta ko muna sila ng Mama sa isang lugar na walang nakakakilala sa kanila at ipinaalam sa lahat na buntis ang Mama mo at nahihirapan sa kalagayan niya kaya kailangan ang sariwang hangin. Nang magpaalam ang iyong ina binigyan namin siya ng pera para makapagbagong buhay at nangakong walang makakaalam sa nangyari sa kanya.”

Hindi pa rin ako makapagsalita, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Bigla akong niyakap ni Mama.

“Pero anak, kahit kailan hindi ka namin itinuring na ibang tao, kahit sa mga kapatid mo hindi namin sinabi ang totoo dahil para sa amin ng Papa mo, hindi ka man sa amin nanggaling anak ka pa rin namin.” Umiiyak na pahayag ni Mama. Nang maramdaman ko ang pagpatak ng luha ko saka lang ako nagsalita.

“Ma, 22 years akong nabuhay sa kasinungalingan. Buong buhay ko akala ko kayo ang aking magulang, ito ang aking pamilya. Bakit ninyo inilihim?” umiiyak kong tanong sa aking ina.

“Dahil wala namang maidudulot na mabuti kung sasabihin namin. Matagal ng nangyari iyon kaya kalimutan na natin. Ang harapin mo ay ang kasalukuyan, Isa pa hindi iyon ang issue dito kundi iyang kabulastugang ginagawa mong tarantado ka.” si Papa ang sumagot kahit hindi tinatanong, siya ang nagpasok non tapos sasabihin hindi iyon ang issue, haist Papa mas slow ka pa pala sa akin.

Pilit pa ring inaabsorb ng utak ko ang lahat ng natuklasan ko, pilit kong inaalala ang lahat ng nangyari sa buhay ko. Tama naman si Mama kahit minsan hindi ko naramdaman na iba ako sa aking mga kapatid, Patas ang naging pagtrato nila sa amin. Lalo na kay Mama, mas naramdaman ko pa ngang spoiled ako sa kanya kesa sa dalawa kong kapatid, Anong gagawin ko ngayon. Dapat ba akong magalit sa kanila dahil sa ginawa nilang paglilihim?

“At Darryl ipinapaalala ko lamang sa iyo hindi ito telenobela ha, na pagkatapos mong marinig ang totoo, tatakbo ka at maglalayas at magagalit ka sa amin, uulitin ko sa iyo, kinupkop ka namin at itinuring na anak namin at miyembro ng pamilyang ito kung anuman ang karapatang ibinigay namin sa mga kapatid mo ay ibinigay din namin sa iyo kaya tigilan mo iyang pagda drama.” Bwisit naman, nabasa ba niya kung ano ang nasa utak ko. Napaka kontrabida niya, pinaplano ko pa lamang alam na niya. Bakit ba sobrang talino ng taong ito, kaya pala wala akong namana sa kanya totoo palang hindi kami magkadugo. Nasa ganon akong pag-iisip umiiwas ng tingin sa kaniya dahil nahihiya ako sa lahat ng ginawa ko.

“Hindi rin namin alam kung nasaan ang tunay mong ina, wala kaming naitabing picture niya o anumang identification niya basta ang alam namin taga Marinduque siya. Ngayon kung gusto mo siyang hanapin pumunta ka sa Marinduque. Karla dela Peña ang pangalan niya. Halughugin mo ang buong Marinduque isa-isahin mo ang mga tao tanungin mo kung kilala ang nanay mo.” Nakakainis pero alam kong kahit napaka sarcastic ng sinabi niya ay mahihirapan talaga ako. Sa dami ng tao mahihirapan akong hanapin siya kung gagawin ko iyon.

Haist, kahit gusto kong humagulhol, medyo natauhan ako. Plano ko pa naman tumakbo kaso etong tatay ko panira ng moment. Inunahan ako. Saka tama naman siya, paano ko hahanapin ang nanay ko, e siya nga alam niya kung nasaan ako hindi ako hinanap o binalikan. Tapos hahanapin ko e kung nagtatago nga iyon paano ko makikita, saka kung makita ko naman anong sasabihin ko. “Thank you! O kaya ay susumbatan ko, o yayakapin ko? Gasgas na ang ganong eksena. Pagtatawanan lamang ako ni Papa.

Hindi ko alam ang sasabihin ko, una nahiya akong bigla sa kanila, wala pala akong karapatang magmatapang napaka ungrateful ko naman kung magagalit ako sa kanila. Dapat nga magpasalamat ako at naranasan ko ang karangyaan na hindi ko mararanasan kung hindi sila ang kumupkop sa akin. Panandalian kong nalimutan ang problema ko, may mas mabigat pa pala akong dapat na harapin. Muling nagsalita ang kontrabidang monster.

“Kaya huwag ka ng kumontra, sundin mo na lamang ang gusto ko, pumunta ka sa mga Tito mo at doon ay ayusin mo ang sarili mo, magbagong buhay ka at kalimutan ang anumang katarantaduhang pinagagawa ninyo,” iyon lamang ang narinig ko sa kanya. Hindi ko na maramdaman sa kanya ang galit, muli kong narinig yung malambing niyang boses. Napagod na yata kakasigaw. Pero kahit na, ayoko pa rin sa gusto niya hindi ako pwedeng basta na lamang umalis, kailangan kong makausap si Tyrone at kailangan ko siya lalo na sa sitwasyon ko noon.

“Pero ‘Pa, hindi nga ako pwedeng umalis, kailangan ko pang makausap si Tyrone at kung aalis man ako dapat kaming dalawa, dapat kasama siya,” malakas kong sagot sa kanya, nabigla ako ng isa na namang suntok ang tumama sa mukha ko.

Napaupo ako sa sahig. Nakakadalawa na tong matandang ito, ano kaya kung patulan ko na, mas malaki ang katawan ko at sigurado mas malakas ako sa kanya. Tiyak hindi siya mananalo sa akin. Pero ang sakit ng suntok niya, Ganun paman hindi na ako umiyak, ipinakita ko sa kanya na hindi ako nasaktan, na malakas na ako hindi gaya ng madalas niyang sinasabi. Pero masakit talaga, basag na yata ang panga ko, gusto ko sanang magreklamo na sumosobra na siya ng kakasuntok pero nadinig ko ang malakas na sigaw ni Mama.

“Juancho, ano ba papatayin mo bang talaga ang anak mo ha? Wala ka na bang gagawin kundi ang manakit?” malakas na tanong ni Mama.

“E tarantado palang talaga iyang anak mo e. pilit kong inaayos ang buhay at inilalagay sa wasto, pero ipagpipilitan pa rin ang mali, at isisiksik ang baluktot niyang katwiran. Hindi makaintindi ng tama!” Punum-puno ng galit niyang sagot na sa akin nakatingin.

“Ikaw Pa ang hindi makaintindi ng tama! Akala ko matalino ka pero hindi pala” umiiyak kong sumbat sa kanya nakita kong itinaas niya ang kamay niya para suntukin ako ulit, hinanda ko na ang aking sarili pero naramdaman ko niyakap ako ni Mama.”

“Talaga nga palang sira na ang ulo ng taong iyan. Hindi ko alam kung bakit lumaki iyang ganyan, kunsabagay kasalanan mong lahat iyan, pinalaki mo iyang matigas ang ulo palagi mong ipinagtatanggol at kinakampihan kaya tingnan mo ang kinalabasan lumaking gago.” Idiniin pa niya ang salitang gago habang mariing nakatitig sa akin. Mukha na siyang halimaw sa itsura niya parang any moment ay lalamunin ako. Gusto kong sabihing ang pangit niya. Dahil iyon naman ang totoo, namumula ang mukha niya ang mga mata niya ay halos malaglag na dahill sa pandidilat niya at ang mga ugat sa leeg niya halos pumutok na. Kaya lamang mas pinili ko ang tumahimik.

“Lumabas ka na, ako na lamang ang kakausap sa kaniya, wala namang mangyayari kung init ng ulo ang paiiralin mo.” Mahinahong pakiusap ni Mama. Pero hindi natinag si Papa, hindi pinansin ang sinabi ni Mama.

“At ikaw naman” baling niya sa akin. “Hindi dahil nalaman mong hindi ka namin anak ay pwede mo na akong bastusin, ipinapaalala ko sa iyo, ako pa rin ang legal mong ama, at narito ka pa rin sa poder ko kaya itanim mo diyan sa mapurol mong kukote na ako pa rin ang masusunod at hindi ko hinihingi ang opinion mo, inuutusan kita kaya wala kang magagawa kundi ang sumunod.” Hindi ako makasagot kahit sobrang nakakainsulto ng mga sinabi niya.

Gusto kong magwala, pero ano bang magagawa ko. Tama naman siya, hindi ko pa kayang tumayo sa sarili kong mga paa. Sa mga pansarili ko ngang gastusin ay hindi pa sapat ang sinusweldo ko kaya madalas ay pinapadalhan pa ako ni Mama. Pero alangalang kay Tyrone kailangan kong patunayan na kaya ko na. Graduate naman ako, maghahanap ako ng maayos na trabaho. Magpupursige ako at magsisikap. May trabaho din naman si Tyrone kaya tiyak makakaraos din kami ang kailangan lamang ay magkita kami at pag-usapan ang mga dapat naming gawin. Basta hindi ako pupunta ng America, pag nakalingat ang kontrabidang ito tatakas ako at kakausapin si Tyrone lalayo kami, pupunta sa isang lugar na hindi kami masusundan ni matandang halimaw.

“Huwag mo na rin palang balakin na puntahan si Tyrone, nanggaling siya dito kanina at nag-usap na kami, pumayag siyang tapusin na ninyo ang lahat at para tuluyan mo na siyang makalimutan nagpasya siyang pakasalan ang girlfriend niya.”

Parang biglang gumuho ang lahat sa akin, akala ko pa naman ay paninindigan niya ako. Tumingin ako kay Mama, iyong malungkot niyang tingin sa akin ay sapat ng confirmation na totoo ang sinasabi ni Papa.

“Magpapakasal na si Tyrone sa girlfriend niya!” Hindi na ako nagsalita dahil sobrang sakit ng nadinig ko. Kung pwede lamang tumakbo palabas para huwag nang madinig pa ang kahit anong sasabihin ni Papa. Pero nakaharang siya sa pinto baka masapak lamang niya ulit ako. Kaya tumungo na lamang ako at hiniling na sana ay umalis na siya kung hindi man ay magunaw na ang mundo or at least mamatay na lamang ako nang mga oras na iyon. Gusto kong umiyak nang umiyak. Humagulhol hanggang kaya ko, pero ayokong madinig o makita ako ni Papa na ganon. Ayokong isipin niya na tama siya.

“Para sa iyo rin itong ginagawa ko, alam kong masasaktan ka lamang kung narito ka. Kahit hindi ako sang-ayon sa relasyon ninyo alam kong mahal mo si Tyrone pero ngayong magpapakasal na siya pahihirapan mo lamang ang sarili mo. Pero kung handa kang magpaka martir, sige dumito ka panoorin mo ang kasal nila at pagkatapos ay habambuhay kang magmukmok dito sa bahay dahil sa galit o kaya ay agawin mo siya sa asawa niya. Ano na lamang ang sasabihin ng mga tao sa iyo, bakla ka na nga mang-aagaw ka pa ng asawa ng may asawa.” Ang plastic niya, ang galing niyang magpanggap na concern siya sa akin.

Bagamat galit na galit ako kay Papa pero naisip ko tama naman siya ano pa ang magagawa ko ngayon. Totoo ang sinabi niya, kahit alam kong iniinsulto pa rin niya ang pagkatao ko, alam kong may punto siya. Sapat na nga siguro ang pagpapakasal niya para kalimutan ko siya. Wala na akong magagawa. Nagkamali ako ng akala na paninindigan niya ako. Kunsabagay noon pa naman ay inamin niya na mahal pa rin niya ang babaeng iyon ako lamang ang nagpakatanga na pumasok pa rin sa relasyong iyon na alam kong saang anggulo man tingnan ay talagang mali. Pero sabi niya mahal niya ako at sigurado siya mahal ko siya. Kaya lamang ay anong silbi ng pagmamahal kung hindi naman kayang ipaglaban. Anong saysay ng mga pangako kung hindi kayang panindigan?

“Bakit Tyrone, bakit ang dali mong sumuko, bakit ang dali mo akong binitawan, bakit hindi mo ako ipinaglaban, handa naman akong harapin kahit ang galit ni Papa basta kasama ka, pero bakit hindi mo ginawa, bakit iniwan mo ako?”

Hindi ako nagsalita, tumayo ako at kumuha ng maleta, Inilagay ko ang mga damit ko at ilang personal na gamit. Hinayaan ko lamang na nakatingin sila sa akin. Hindi rin sila nagtanong o nagsalita man lang. Nang makatapos ako ay lumapit ako kay Mama.

“Ma. Anong oras po ang flight ko?” iyon lamang ang sinabi ko dahil punum-puno ng luha ang mga mata ko.

“7:30 anak, sigurado ka ba sa pasya mo?” umiiyak ding tanong ni Mama.

“Ano ba namang klaseng tanong iyan Claire, Nakita mo ngang inempake na niya ang mga gamit niya tatanungin mo pa?” mataray na tanong ni Papa. Nakakabwisit na talaga siya. Bakit ba sobrang kontrabida niya?

“Pwede bang umalis ka na, nasunod na ang gusto mo di ba, ano pa ba?” noon ko lamang nakita si Mama na sumagot ng ganon kay Papa. Wala ng nagawa si Papa, tumalikod na lamang sa amin.

Hindi na ako nagpahatid kay Mama. Alam kong mas masasaktan lamang ako kapag nakita ko siya sa airport. Tinanong ako ni Vince kung anong nangyari at saan ako pupunta pero wala akong sapat na tapang para magkwento. At nang mapansin niyang umiiyak ako ay tumahimik na din. Si Papa naman ay hindi pumayag na driver ang maghatid sa akin. Baka raw kung saan ako pumunta, At sinigurong naka board na ako bago umalis. Sobrang sama ng loob ko nang mga oras na iyon. Galit na galit ako kay Papa, pero mas matindi ang galit ko kay Tyrone. Hindi ko makakalimutan ang sakit ng ginawa niya. Wala akong plano, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko basta ang mahalaga sa akin ay makaalis, makalayo at tuluyan ng iwan ang masakit na alaala ng buhay ko.

Sa America, hindi ko alam kung ano gagawin. Ilang araw akong nagkulong sa kwarto ko. Ayokong kausapin ang mga kamag-anak namin. Hindi ko nga pala sila totoong kamag-anak. Kamag-anak sila ng matandang halimaw na kumupkop sa akin. Gusto ko ring magalit sa kanila kasi bakit pumayag silang tumira ako sa kanila dahil kung hindi sila pumayag walang magagawa si Papa.

Pero nakakasawa din pala ang umiyak, nakakapagod ang mag-isip kaya pagkalipas ng ilang araw mas pinili kong ayusin ang buhay ko. Ginamit kong inspirasyon ang galit ko una kay Papa at pangalawa kay Tyrone. Kailangan kong patunayan sa kanila na mali sila. Kailangan kong ipamukha kay Papa na hindi ako bobo gaya ng inaakala niya. Ipinangako kong babalik lamang ako kapag may pera na ako at hindi na aasa sa kanya para hindi na siya ang magdidikta kung ano gagawin ko.

Kay Tyrone naman kailangan kong ipamukha sa kanya na nagkamali siya nang saktan niya ako. Naghanap ako ng trabaho. Hindi rin pala ganon kadali ang buhay doon. Oo nga at maraming opportunities pero ang hirap ding mag survive pero wala na sigurong mas hihirap o sasakit sa pinagdaanan ko kaya pilit kong kinaya ang lahat. Kailangan kong magtagumpay at kailangan kong magkapera.

Nakapasok ako sa isang real estate, Noong una ay napakahirap, wala akong alam sa trabaho ko, pero kailangan kong magsikap, wala naman akong choice, ayokong magtagal sa poder ng mga kamag-anak ni Papa, Kahit wala silang alam sa nangyari o sa pagkatao ko, naiinis pa rin ako sa kanila dahil kamag-anak sila ni Papa. Kaya kailangan kong magsikap at nang magkapera para makaalis sa kanila.

Dahil wala naman akong ibang iniisip kundi ang kumita, naging maayos ako sa aking trabaho at unti-unti ay nakaipon na rin. Napatunayan kong may kaya naman pala akong gawin at madalas ay nakakatanggap ako ng recognition at appreciation mula sa aming boss.

Hindi na ako nag aksaya ng panahon na alamin kung ano ang nangyayari sa amin. Paminsan-minsan ay tumatawag si Mama para mangumusta pero hindi naman ganun kadalas hanggang dumalang na rin ng dumalang. Hanggang tuluyan na akong umalis sa poder ng mga kamag-anak ni Papa. Nawalan na rin ako ng ganang kausapin si Mama dahil madalas kong nadidinig ang boses ni Papa na nagsasabing hayaan akong ayusin ang buhay ko. Kaya isinumpa ko sa aking sarili na hindi ako babalik hanggang wala pa akong maipagmamalaki sa kanya. Desidido na ako tutal iyon din naman ang gusto niya iyon na rin ang gagawin ko. Tinanggap ko ang hamon niya kaya talagang nagsikap akong mabuti.

Mag-aapat na taon na ako noon nang mag launch ang kumpanya namin ng branch sa Pilipinas at kahit hindi ako nagrequest ay nagdecide ang management na ako ang mag handle. Hindi ko agad tinanggap ang alok nila dahil hindi pa ako ready na umuwi at makipagkita sa aking pamilya at lalong hindi pa ako handa na harapin si Tyrone. Maaring sa paglipas ng maraming taon ay lumipas na ang galit pero ang sakit na dala ng pangungulila ko sa kanya ay sariwa pa rin at hindi pa naglalaho. May mga gabi pa ring iniiyakan ko ang nangyari kaya lang ay alam ko namang imposible ng maging kami ulit. Pero mapilit ang boss ko kaya binigyan ako ng isang lingo para magdecide.

Dahil malaki na rin ang ipon ko at malaking opportunity yung inio offer kaya after one week ay pumayag na rin ako at pagkatapos ng ilang meetings, orientation, at turn over ay lumipad ako pabalik ng Manila.

Iba ang sitwasyon sa Pilipinas kesa sa America, kasi dito mas malaki ang market pero maliit ang budget di gaya sa America maliit nga ang market mas malaki naman ang budget kaya ilang deal lamang ay limpak-limpak na ang commission. Kaya mas madalas ay nasa field ko para makipag negotiate sa mga kliyente o mas madaling sabihin para makipagtawaran. Kung sa America ay mas marami ang online transactions, pati payment, dito ay bihira ang ganoon. Madalas ay post dated checque.

Minsan ay napagawi ako sa Laguna at nakita ko si Gerald. Hindi ko siya gustong kausapin dahil sa mga nangyari. Nahihiya pa rin ako sa kanya. Iiwas sana ako pero huli na nakita na niya ako at agad binati. Humantong ang usapan namin sa isang fast food. Kinumusta ko siya pati ang palaisdaan.

“Matagal na akong wala don. Pagkatapos na umalis si Sir Tyrone kung sinu-sino na ang nag manage kaso wala ring tumagal hanggang unti-unti ng nalugi ang palaisdaan at isang araw sinabi ng Papa mo na wala na siyang ibang option kundi ang ihinto na ang operation dahil napakalaki na ng deficit.”

Nabigla ako sa sinabi niya, wala akong idea na wala na pala ang palaisdaan. Pero mas nabigla ako sa sinabi niyang “pagkatapos umalis ni Sir Tyrone” gusto ko sanang magtanong pero naunahan ako ng hiya. Kaya iniba ko ang tanong.

“Anong nangyari sa iyo, sa ibang trabahador?”

“Nakahanap naman kami ng ibang trabaho, nang mabalitaan ni Sir John Mark na wala na akong trabaho ay tinawagan niya at inalok na magsosyo kami sa isang palaisdaan din dito sa Laguna. Maliit lamang pero kumikita naman ng sapat sa mga pangangailangan namin.” Kwento niya

“Ahh mabuti naman,” sagot ko, sabagay masipag at responsible naman siya, medyo mahina lamang ang loob pero maasahan talaga sa trabaho.

“Dito na rin ako nakapag-asawa at may isa ng anak.” Dagdag pa niya habang nakangiti.

Sa sinabi niyang nakapag-asawa na siya ay may kung anong parang kurot akong naramdaman sa dibdib ko. Hindi ko napigilan ang bibig kong kusang magtanong.

“Kumusta na si Boss, saan siya inilipat ni Papa?” nakasanayan ko pa rin ang tawag na Boss kay Tyrone kahit matagal na panahon na iyon.

“Ha? Hindi mo ba alam ang nangyari kay Sir Tyrone?” parang siya ang nabigla sa tanong ko, kita ko ang pagtataka sa mukha niya.

“Bakit anong nangyari?” bigla akong kinabahan sa sinabi niyang iyon. Patay na ba si Tyrone?

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Because I Love You (Part 2)
Because I Love You (Part 2)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEghMOLX0aRTB3mOAGWfTXXKI9CuKdNOAx7Z2nUb6PnhYccPp-ehfmN5wSq0kyXTkRDV2jWltN9qGgyh6yMk5iqs5FvPhdqm2BjMl0WUAJ1CSKspHtfyf8s93QEims0CuNIJnMe28PNVBti6/s1600/21688825_1400515413377194_5751875689485697024_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEghMOLX0aRTB3mOAGWfTXXKI9CuKdNOAx7Z2nUb6PnhYccPp-ehfmN5wSq0kyXTkRDV2jWltN9qGgyh6yMk5iqs5FvPhdqm2BjMl0WUAJ1CSKspHtfyf8s93QEims0CuNIJnMe28PNVBti6/s72-c/21688825_1400515413377194_5751875689485697024_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/02/because-i-love-you-part-2.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/02/because-i-love-you-part-2.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content