By: Raleigh Hunter Matagal akong nanatili sa lugar kung saan naibabalik ang balanse ng magulo kong emosyon. Sa loob ng apat na sulok n...
By: Raleigh
Hunter
Matagal akong nanatili sa lugar kung saan naibabalik ang balanse ng magulo kong emosyon. Sa loob ng apat na sulok na iyon ay malaya akong nakakapag-isip.
All my senses are heightened, my concentration absolute — this is the most powerful version of myself.
Ang sensasyon ng rumaragasang tubig sa aking katawan ang nakakapagpakalma sa akon; tanging sa tubig ko lang makakamit ang kalayaan.
Kapag nasa tubig ako, pakiramdam ko’y kaya kong harapin lahat ng pagsubok and conquer them without a doubt.
Kapag nasa tubig ako—
“Wow, 26.33s. Ang galing mo talaga boss! Habang tumatagal, mas bumibilis ka!” sambit nya nang tanggalin ko ang goggles ko.
Sa isang iglap ay biglang gumuho ang aking concentration. Sa isang iglap, ang kalmado kong emosyon ay naging magulo.
The world is so unfair. Bakit ba may mga taong kayang guluhin ang puso’t isipan natin just by uttering a few words?
Nakalahad ang palad ni Gus, tila naghihintay na abutin ko iyon upang matulungan nya akong umahon mula sa pool.
Pinagmasdan ko ang mukha nyang natatamaan ng ilaw na nirereflect ng gumagalaw na pool water, highlighting all of his impurities.
Marami na namang namumulang bagong tubo na pimples, while others ay may nana pa at nagbabadyang pumutok.
Yung iba naman, nangingitim na. I’m pretty sure mag-iiwan na naman iyon ng panibagong marka sa mukha nya.
Ang nakaka-amaze pa, sobrang oily din ng mukha nya. Yung tipong nirereflect din nito ang lights na nirereflect ng pool sa mukha nya?
Yup, ganun ka-oily.
“Boss, di ka pa ba aahon jan?” tanong nya, jolting me out of my observation mode.
Walang anu-ano’y biglang kumunot ang noo ni Gus. Patay, nahalata atang nag-aaral na naman ako ng geography.
At mukha nya ang ginawa kong mapa!
Papano ba naman, may burol, bulubundukin, bundok, at bulkan pa. Malamang pati PHIVOLCS ay magkakainteres sa mukha nya eh.
“Kung gusto mong magpakasirena, bahala ka. Basta ako, uuwi na’t gutom na ako!” aniya sabay talikod.
“Hey, hey! Eto na, aahon na!” ngunit nagwalk-out lang sya.
“Ahem! Nasaan nga ba yung wallet at gamit mo? That’s right, nasa kotse ko. Don’t tell me maglalakad ka pauwi...?” nakangising tawag ko.
Nahinto sa paghakbang si Gus, napagtanto siguro na naiwan lahat ng gamit nya sa kotse ko kaya imposibleng makauwi sya.
Ngingisi-ngisi lang ako nang nagmartsa sya pabalik sa kinaroroonan ko at walang imik na inalok ulit ang kamay nya.
Kunwari lang na hinila ko iyon para naman sabihing naappreciate ko effort nya. Sa gaan ba naman nya, mamaya bumulusok kami pabalik sa tubig eh.
Pagkaahon ko ay inihampas — este, inabot — nya sa dibdib ko ang towel na sya namang ipinampunas ko.
“Maraming salamat po!” halakhak ko.
Bigla na lamang nyang inabot ang abs ko at walang pakundangang hinaplos. Sa gulat ay muntik na akong mapatalon pabalik sa pool.
Ang init ng palad nya, like flames licking my cold skin.
“Kakainggit naman. Kelan pa kaya ako magkaka-abs?” wala sa sarili nyang tanong.
“Timang, di ka magkaka-abs kung uupo ka lang at mag-aaral buong maghapon.” tinampal ko ang kamay nya.
Sino’ng nagsabi sa’yo na pwede mo akong hipuan ng harap-harapan?!
Ilang araw na rin kasi since last momol namin. Di naman din ako nagsasarili dahil mas gusto kong sya ang humahawak sa kwan ko.
Kung di lang tayo nasa pampublikong lugar, makakatikim ka talaga sakin!
“Ang tigas pala ng abs mo boss...”
Hindi lang yan ang matigas sa katawan ko! sagot ng nadedemonyo kong utak.
“Gago, may abs bang malambot? Tara na nga, gutom na ako eh.”
Inakbayan ko sya at giniya papuntang locker. As usual, inalis na naman nya ang kamay ko sa balikat nya.
Ilang araw na lamang ay Christmas break na at syempre, sinusulit ko na ang mga nalalabing araw naming magkasama.
Uuwi kasi si mommy at siguradong isasama ako nun kung saaan-saan. Sana lang ay hindi sila magkita ni Kuya Brix.
Hmmm, magugustuhan kaya ni mommy si Gus if I introduced them?
Nah, scratch that. Sa sobrang judgmental ng nanay ko, baka ipagtabuyan nya palayo si Gus at magpagawa ng temporary restraining order.
Di ko yata kakayanin kapag pinaglayo kami. Puta, ang korni.
Pagkatapos kong maligo ay lumabas na kami ni Gus ng facility. Habang naglalakad pabalik ng kotse ay bigla na lang syang tumigil.
“Ay hala! Wala pala si mama ngayon, boss. San mo gusto kumain? Tara, libre kita. Ah! P-pero yung sa afford ko lang ha? Baka sa fine-dining tayo pumunta eh.”
“Saan daw pupunta si auntie?” usisa ko.
“Err, di ko alam boss eh. Tinawagan nya lang ako kanina nung nasa mall pa tayo.”
“Oh, okay. Eh bakit ka manlilibre? I can pay for myself. I-alkansya mo na lang yang pera mo.”
“Ikaw kasi lagi yung nanlilibre boss eh, nahihiya na ako.” napakamot sya sa tenga.
Napaikot lang ako ng mata at muli syang inakbayan. Hindi ako pumayag na alisin nya ang kamay ko.
Bagkus, hinila ko sya palapit at mas hinigpitan pa ang pagkaka-akbay ko sa kanya.
“How many times do I have to tell you? Ang bahay mo, bahay ko na rin kaya ang wallet ko, wallet mo na rin.”
“Hunter naman, pinaghirapan ng mommy mo ang perang ipinapadala sa’yo. Di ako kasama sa budget na yan.” kinaltukan ko sya.
“Timang, edi magtatrabaho ako! That way, I could spend my money the way I want at hindi ka na mangongonsensya.”
“Sino namang magha-hire sa walang experience na kagaya mo?” siniko nya ako.
“Unlike you, maraming naghahabol sa akin para magmodel noh.” pinisil ko ang ilong nya.
“Araykup—! Hunter! Alam nang may pimple ako jan eh!” hinampas nya ako sa braso.
“Pimples with the ‘s’. Dami kayang tigyawat sa ilong mo. Saka, yuck! Ang oily ng face!” pagbibiro ko.
“Grabe makapanlait ah?” taas-kilay nyang sita.
Natatawa kong pinisil ulit ang ilong nya bago inilagay ang mga gamit ko sa backseat kasama ng mga pinamili namin kanina.
Pinagbuksan ko si Gus ng pinto at piangmasdan sya habang nagsa-struggle na maikabit ang seatbelt.
“Amin na nga! Tagal mo nang sumasakay dito, di ka parin marunong magkabit ng seatbelt. Tsk.”
Yumuko ako sa bintana para abutin ang seatbelt mula sa kamay ni Gus. Halata ang paninigas at pagpigil nya ng hininga.
“Oh, baka himatayin ka jan ha. Huminga ka naman.” panunukso ko.
Sinadya kong dahan-dahanin ang pagkabit ng seatbelt while slightly touching his body. Napasinghap si Gus sa ginawa ko.
Hehe, sakto wala si auntie Hermie. Makakapagmilagro na naman kami ng bebe ko mamaya!
“E-ehh kasi...”
“Kasi ano?” nilingon ko sya.
“Eh kasi ang baho mo. Saka ang baho ng hininga mo!”
“Excuse me? Lagi kaya akong fresh breath!”
Pagkasabi ay napanganga ako at binugahan si Gus ng mahalimuyak kong hininga. Nagtakip sya ng ilong kaya’t lalo akong nanggigil.
Hinawakan ko ang kamay nya at iginapos iyon sa headrest. Walang-sawa kong binugahan ng binugahan ang mukha nya.
“Tuloooong!” natatawa nyang sigaw.
Swerte lang at walang nakakita sa amin. Madali lang kasing ma misinterpret ang posisyon naming dalwa.
Halos nakatuwad na ako sa passenger’s-side window at ginagamitan ng pwersa si Gus. anyone in their right mind would call a police,
Holdap ‘to! Nanakawin ko ang puso mo!
Malakas ang halakhak ni Gus habang nagpupumiglas kung kaya’t nagkabanggaan ang noo namin. Doon na natigil ang aming paglalandian.
Sobrang lapit ng mukha namin kaya halos magdikit na ang aming ilong. Di sinasadyang napatitig ako sa labi nya.
Damn, I really wanna taste those lips.
It took all of my willpower to resist temptation. I want our first kiss to be romantic, yung kiss na pareho naming ginusto.
Yung kiss na pareho na kaming may nararamdaman para sa isa’t-isa.
Bahala na kahit ilang beses akong demonyohin; di ko sya hahalikan hangga’t di ko naipagtatapat ang nararamdaman ko sa kanya.
“Aray ko naman...” reklamo nya.
“Pucha, ang tigas talaga ng ulo mo. Basag ata bungo ko.” napalayo ako at binitiwan ang kamay nya.
“Ang kulit mo kasi boss eh! Mag drive ka na nga at nang makakain na tayo.” sabi nya nang makaupo na ako sa driver’s seat.
“Eto na po kamahalan!”
Gus
“Gus, give it a rest. Kain muna tayo.”
“Give it a rest, give it a rest...eh kung tinulungan mo’ko, kanina pa sana natapos ‘to.”
“If I helped you, palagay mo may kakainin tayo?”
“Ang dali lang namang magluto eh. Di ka naman aabutin ng 15mins nyan.”
“Excuse me? Hard-boiled eggs lang ang maluluto mo within 15mins. Anong ang dali? I can’t remember you cooking anything kaya tumahimik ka.”
“Excuse me? Masarap kaya akong gumawa ng sabaw!” depensa ko kaagad.
“Gus, pinakuluang tubig na binudburan ng Sinigang Mix is not a fucking broth. Excuse you!” mabalasik nyang tugon.
Tinapunan ko ng matalim na tingin ang lalaking nakatayo sa harapan ko, taas-kilay at blangko ang expresyon.
Aba! Porket marunong syang magprito ng itlog at magsaing eh may karapatan na syang pintasan ang sabaw ko?
Each to their own! Saka masarap naman yung ginawa ko ah.
Inilapag ni Hunter ang tray ng pagkain sa lamesita saka sumalampak ng upo sa sahig katabi ko.
Sniff…sniff…
Teka, ano ito? Maliban kay Hunter, may iba pa akong naaamoy na mabango! Napako ang mata ko sa tray ng pagkain.
Aba!
Legit na may perfectly cooked rice, mangkok ng umuusok na kung anong ulam, ensaladang guso, at pitsel ng calamansi juice.
Si Hunter ba talaga ang nagluto nito? O baka nalingat lang ako at di napansin na kumaripas sya ng takbo papuntang karinderya?
Payuko ko ko syang pinag-aralan. Ano kayang droga ang nasinghot nya para maging ganun agad kagaling?
Expired Baygon katol? Moth balls? O baka sa kamay nya napunta ang nawawala naming rugby????
“E kung nagagawa nga yun ng Mang Inasal, ako pa kaya? Take note, isang malaking food chain yun ha.” kunwari di ko pinansin ang luto nya.
“Fucking A, Gus. Ang laki ng diperensya between home-made meals at fastfood.” napahilamos sya ng mukha.
“Bakit ba ang init ng ulo mo? Eh pareho lang namang pagkain yun.”
“Gus, ang sabaw ay hindi pagkain — isa itong inumin. Why, can you chew off broth?”
“......”
“O ano? Natameme ka? Kain na kasi tayo at baka lumamig itong niluto ko.”
“Makapamilit ‘to kala mo naman masarap yung niluto.” pagdadabog ko.
Napagpasyahan namin na sa bahay na lang maghapunan dahil gusto raw i-‘polish’ nitong katabi ko ang cooking ‘skills’ nya.
And what a perfect opportunity kuno dahil wala si mama kaya solong-solo nya ang kusina at malaya nyang magagawa ang gusto nya.
Halos kaladkarin nya rin ako para mamili doon sa wet market malapit sa amin. Unang beses kong pumunta doon at sinusumpa kong hindi na ako babalik.
Ayaw na ayaw ko pa naman sa malalansang lugar kaya di ako sumamasama kay mama kapag namamalengke sya.
Alam ko ang nasa isip nyo: ano’ng karapatan ng pangit na ‘to na mandiri sa malalansang lugar?
Each to their own nga diba! Ang judgemental nyo naman eh...
Kaya hayun, pagkarating ng bahay ay dumirecho sya ng kusina at iniwan ako sa sala para asikasuhin ang pinamili naming regalo.
Last week na kasi ng classes at sa Thursday nga ay may Christmas party kami kaya naman kailangan kong i-giftwrap lahat ng iyon.
“I heard that, you little shit. Why don’t you try and taste for yourself?”
“Tsk, mamaya na kasi boss. Busy pa ako kakagift-wrap nitong ireregalo mo.”
“Ayan ka na naman sa ugali mong hindi matahimik ang kaluluwa hangga’t di natatapos ang ginagawa eh.” reklamo nya.
“Mauna ka na lang kung gutom ka na...” sabi ko at ipinagpatuloy ang paggunting ng wrapper.
Ilang sandali pang nagdabog si Hunter pero maya-maya ay maririnig na ang tunog ng pinggan at kutsara.
Sa totoo lang ay gutom na rin talaga ako pero nakokonsensya akong hindi tapusin ang aking sinimulan. Tiis-tiis lang muna ng konti.
“Hey, usog ka dito. And open your mouth.” utos nya makaraan ang ilang sandali.
Nagtaka ako sa sinabi ni Hunter ngunit nang nilingon ko sya ay nag-aantay sa kamay nya ang kutsarang may pagkain.
“Boss! Di na ako bata para subuan pa.” tanggi ko.
“I know you’re hungry kaya susubuan na lang kita. C’mon, open up.” pang-uudyok nya at inilapit ang kutsara sa akin.
“Hunter naman eh...” inakbayan nya ako para di ako makawala.
“At saka di ko matiis na mag-isa kang kakain mamaya. It’s lonely eating alone kaya dali na, open your mouth.”
Eh?!
Naalala ko tuloy nung unang beses nyang kumain dito (chapter 3). Sinabi nyang ang saya daw namin ni mama dahil magkasama kaming kumakain.
Totoo, unang beses ko itong maghapunan ng wala si mama. Siguro naka-relate sya kasi on a daily basis syang walang kasabay?
Malamang na-consider yun ni Hunter kaya nagvolunteer syang magfill-in sa role ni mama? Ganun ba yun?
Teka, teka… ang labo naman atang maging ganito ka-considerate ang demonyong ‘to? Nakasinghot talaga ata ng rugby eh.
Pero gayunpaman, hindi ko maikukubli na natouch ako! Hehehe...
“Tsk, sige na nga kakain na ako. Wag mo na akong subuan!” inalis ko ang pagkakaakbay nya.
“No, no, no, I insist! You finish that, susubuan na lang kita. Mukha kang kokombulsyunin kung di mo matatapos yang ginagawa mo eh.”
Urk! Tinamaan ako ng invisible arrow dun ah?
“Eh boss—“
“Gus, utang na loob, stop being so hard-headed? Sabi ko sa’yo diba, rely on me a little. Isa pa regalo ko yang binabalot mo. Let me do this.” pag-iinsist nya.
Muli nya akong inakbayan at idinikit ang kutsara sa bibig ko kaya wala akong magawa kundi isubo iyon para hindi matapon.
Ano ito?!
“Heh, masarap noh?” ngisi nya nang makita ang reaksyon ko.
Natutop ko ang bibig sabay ang mabilis na pagtango. Kuhang-kuha ni Hunter ang timpla ni mama sa paksiw!
“Sige pa, kain ka pa. Ito pa oh.” sinubuan nya ako ng guso.
At iyon ang kwento kung papano ako pinakain ni Hunter habang naggigift-wrap ako. Ang nakapagtataka lang, iisang kutsara lang ang ginagamit namin.
Mukhang hindi rin naman nya alintana iyon kaya hindi ko na lang din pinansin. Ang importante mabusog ako!
“Mn, boss? Bakit pala ang bait mo sakin ngayon? Kasi diba lagi mo naman akong inaaway? Napasukan ba ng masamang hangin ang utak mo?”
Nasa lababo na kami at nagtutulungan maghugas ng pinagkainan at pinaglutuan. Na-curious lang kasi ako sa inaasal nya ngayon.
Wala sa anu-ano’y may tumamang basa sa pisngi ko. Nilingon ko si Hunter at binati kaagad ako ng nanlilisik nyang mata.
Nanindig ang balahibo ko. Bakit? Nagtatanong lang naman ako ah!
“Boss naman, alam na sensitive yung mukha ko tas wiwisikan mo lang ng sabon? Grabe ka...” inis kong sambit.
“I’ll do whatever I want just coz I’m inlababo.” kapalmukha nyang tugon.
“Haaa? Sinong nagbigay ng karapatan sa’yong mangwisik dahil lang nasa lababo ka?” pinunasan ko ang pisngi ko.
“God, you’re so slow.” napailing sya.
“Ano’ng slow? Ikaw itong walang logic kapag nagsasalita!” inis kong sagot.
“Ay pota. Simple English, cannot understand? Sabi ko mabagal ka!” winisikan nya ulit ako ng bula.
This time sa ilong at kanang bahagi na ng mukha ko tumama ang bula kaya’t nainis na ako at tumigil sa kakabanlaw ng pinaghugasan namin.
“Iba rin talaga kapag demonyo. Sa una magbabait-baitan, tapos sa huli ilalabas na ang sungay at buntot!” pasaring ko.
“At least gwapo.” tanging sagot nya.
Sa sobrang inis ay itinapon ko sa kanya ang maruming basahan at saka tumakbo papasok ng kwarto ko.
Pagkahiga sa kama ay narealize kong pagaasal-kalye ko. Sa tanang-buhay ko, nagyon palang ako nagtapon ng gamit dahil sa inis.
Err, di naman sya masasaktan sa basahan? Pero kahit na!
Humilata muna ako sa kama para magpalamig ng ulo. Kapag umakyat na si Hunter, kakausapin ko sya ulit.
Wala sya sa rason para magalit kasi wala naman akong ginawa sa kanya. Sya pa nga nauna, gumanti lang ako.
Pero matagal na sandali ang nakalipas ay wala pa si Hunter. Nagalit ba sya? Ay bahala sya, basta ako maghihilamos at magtotoothbrush na lang.
Sakto namang nagsisipilyo ako sa banyo nang pumasok si Hunter ng kwarto. Sinulyapan nya lang ako at naglaho agad sa aking paningin.
Nahinto ako sa aking ginagawa. Takte, nagalit nga talaga!
Unti-unti akong nanlumo. Mag-aaway na naman ba kami? Oo, sya ang nauna pero parang nasobrahan yata yung ganti ko?
“You done washing your face?” nagulat ako nang sumilip sya sa banyo.
“H-ha?”
“Kakauwi lang ni Auntie Hermie kaya pinagsilbihan ko muna, and I had to clean up after. Mukha syang pagod pero masaya. I told her you’re asleep para di ka nya hanapin.”
Pumasok na ng tuluyan si Hunter sa banyo at saka nagkwento habang umiihi sa inodorong katabi ko. Napamaang na ako.
Wala na bang natitirang hibla ng kahihiyan sa katawan nya? Tumalikod na lang ako at ipinagpatuloy ang pagsisipilyo.
“You didn’t answer me. Tapos ka na bang maghilamos?” tanong nya habang nagmumumog ako.
“B-boss? Err, maghihilamos palang.” tumabi ako para makapaghugas sya ng kamay.
“Oh, good. C’mere.”
Napapikit ako ng mariin. Willing naman akong tanggapin yung parusa nya dahil sa ginawa ko eh. Basta wag lang kaming mag-away.
Napasinghap ako sa gulat ng maramdaman ang pagdampi ng mainit-init na bagay sa aking mukha.
Sandali, anong ginagawa nya?!
“This is to open up your pores.” napadilat ako.
“H-ha?!” tinanggal nya ang bimpo sa mukha ko.
May binuksan syang container at naglagay ng kaunti sa palad saka pinabula bago inilapat iyon sa buong mukha ko.
“This is a good facial wash for you. Apply mo lang in a circular motion, just like what I’m doing.”
Patuloy sa ginagawa si Hunter habang ako naman ay litong-lito na sa inaasal nya. Nakalimutan na ba nya ang alitan namin?
“Boss?!”
“Diba sabi mo sensitive ang balat mo? This one is gentle on the skin. Kelangan mong matuto ng proper skin care para maibsan yung breakouts mo.”
“Boss, sandali lang! Hindi ka galit sakin?” hinawakan ko ang kamay nya.
“Why would I be angry?” nagtataka nyang tanong.
“Eh kasi tinapunan kita ng basahan...?” nag-aalinlangan kong sagot.
“Timang. Do you think that’s enough para magalit ako? Wag ka ngang malikot, baka masabon ko pati mata mo.”
“S-sure ka? Di ka galit? B-baka naman galit ka talaga, tinatago mo lang?”
“Gago, di nga ako galit. Stop moving, dammit!”
“Galit ka eh, nagmumura ka eh.”
“Eh kasi ang tigas ng ulo mo! Tumigil ka sa kakagalaw at nang matapos na tayo dito.” saway nya sa akin.
“Err, s-sorry. Sorry kasi ginawa ko yun sa’yo.” hingi ko ng tawad.
“Stop apologizing for such menial things.”
“Mn, kahit na boss. Para akong kanto-boy sa inasal ko.”
“Ok na yun, just forget about it. Isa pa, mabuti rin yung paminsan-minsan na away para may spark tayo.” natatawa nyang tugon.
Napangiti na lang din ako habang nagbabanlaw ng mukha.
Brix
~Hi Gus, how are you?
~Pwede ba kitang tanungin?
~About your answer to my question...
~Or maybe you have forgotten?
~So I’ll just ask you again...
~Do you wanna go out with me?
6 messages. 6 effin messages sitting in my drafts section. And I’m so reluctant to send even the first one.
It’s been 10 days since we last talked — or texted — dahil masyado akong na-busy sa promotional event namin.
Besides, parang gusto kong kainin ng kumunoy dahil sa sobrang kahihiyan. Why did I have to ask him that?
“Gus, do you wanna go out with me?” seryoso kong tanong while looking at him in the eye.
“Mn, saan mo gustong pumunta? Sasamahan kita...” was what he answered.
“H-ha? Err…—“
“Matagal-tagal pa naman yang waltz nina Hunter eh, samahan na lang kita. Inaantok na ako eh.”
“U-um, err...”
Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko: ang mag face-palm o ang lumuhod at humagulgol. He took it literally.
Mabuti na lang at pinatay na ang hanging lights at iilang poste lang ang may ilaw, kaya naman naitago ng dilim ang nagliliyab kong mukha.
Pasmile-smile lang ako sa mga tanong ni Gus kaya di halata na naawkward ako sa kanya. Or so I hope.
Why is he able to ruffle my feathers this much? How does he make my heart race just from one look?
Could it be from the lighting? Could it be an effect of full moon? Or simply because he is Gus?
I want to know Gus better, pero di ko alam kung papano sya lalapitan without looking and acting like a creep.
I closed my phone, tutal di ko naman din masesend ang messages na iyon. Wala sa sariling tinapik-tapik ko iyon sa aking panga.
Napasandal na lang ako sa headrest ng aking office chair at napabuntong-hininga.
“Boss, may problema ba?” puna ni Daryl.
“H-huh? No, why?”
“Kanina ka pa kasi napapabuntong-hininga.” tugon nya.
“Grabe ka Daryl, kahit sino naman mase-stress pag sila ang pina-organize ng staff Christmas Party sa 23 eh.” depensa ni Migs.
“Halata naman sa’yo, kanina ka pa lamon ng lamon eh. Baka naubos na laman ng pantry natin?”
“Pakialam mo, eh gutom yung tao.” ani Migs.
“Teka guys, bakit kayo nagta—“
“Excuse me, is Mr. Pineda here?” biglang may sumilip na intern sa department namin.
“Bakit sana?” tanong ni Migs.
“Ah sir, pakisabi po pinapatawag sya ni President Pineda sa office ASAP.” sabi ng intern.
Nagulat ako sa sinabi ng intern. Dad’s never called me before, at di rin nya ako pinapapunta sa office nya unless necessary.
“Guys, I’ll leave the planning to you. Migs, yung catering; Daryl, yung reservation ng venue; Vicks please contact the flowershop; Pao, yun—“
“Yes, yes Sir. Go na at inaantay ka na ni Big Boss.” singit ni Vicky.
Makailang-beses pa akong napabuntong-hininga habang umaakyat ang elevator sa top floor kung nasaan ang office of the president.
Dad has this intense aura that will make you submit to him sa ayaw at sa gusto mo, that’s why lahat ng empleyado ay takot sa kanya.
“Come in.” tawag nya mula sa office nang kumatok ako.
“G-good morning, sir.” bati ko.
“Why are you late? I told you to come within 5 minutes after I call you. Next time this happens, you’ll find yourself jobless and out in the gutter. Take a seat.”
Napakurap ako ng ilang beses sa tinuran ng aking ama. Bakit ang init ng ulo nya? Sinong tampalasan ang nagdare na salungatin sya?
“I-I apologize, Sir. I had to leave instructions to my team for organizing the party. It won’t happen again.” paumanhin ko bago umupo sa harapan nya.
“Someone told me you went somewhere almost 2 weeks ago. Care to tell me?” tanong nya hindi paman tumatama ang pwet ko sa upuan.
Maverick Pineda has this smile that is not quite a smile. It’s like a smile of doom kaya hindi ko mapigilang kabahan.
Sya ang taong kapag nagtanong, kailangang maisagot. At dapat tugma ang sagot mo sa imbestigasyon nya.
No more, no less. He can read you and he can see through your lies. And I bet you can kiss your job goodbye if you even attempt to lie.
Ganito sya sa lahat ng tao, even with his colleagues and business partners. Nagtataka nga ako kung bakit nakakahakot ng business deals ang kumpanya namin eh.
I mean, who wants to deal with a man like that?
“I was invited to a friend’s university event.” deretsahan kong sagot.
“A friend...hmm, he must be somebody of high caliber para iwanan mo ang trabaho mo at pumunta doon?” may pagka-sarkastiko nyang sabi.
“Da—Sir, with all due respect, I’ve finished my job for the day and even secured two contracts before heading off to the event.” depensa ko.
Matagal kaming nagkatinginan ng tatay ko. Yun lang, ipapatawag kaagad nya ako kahit sobrang busy ng team namin?
“Ok, I will meet this friend of yours. Invite him for a dinner this Friday.”
“Wh-what?! Dad, he’s a student and a busy one at that! He can’t come just because you want him to!” napatayo ako.
“I said I’ll meet him on Friday. You may take your leave.”
“D-dad, no. He won’t be ab—“
“Silence!” dumagundong ang boses nya sa tahimik na opisina.
“I will meet him on Friday. Clear?” ulit ng tatay ko, leaving no room for argument.
“Y-yes sir, loud and clear.” tanging naisagot ko.
Paglabas sa lobby ay nasipa ko ang trash bin sa sobrang inis. I’m doing my job seriously yet ang strikto nya sakin!
He doesn’t even care spending one meal with me tapos gagawin nyang issue ang pagpunta ko sa university event?
Shitty old man! Pero bakit kay M—
No, no. I can’t let them see each other kaya hindi ko sasabihin kay dad that I’ve been meeting with my brother.
At lalong di nya pwedeng malaman na may kaugnayan si Gus at si Mav. Who knows what the cray shit will do?
During lunch break ay tumawag ako kay Gus para malaman kung may free time ba sya. Free time naman nila, and he’s not with Mav.
“Hello, Gus? Yeah, it’s me. Are you free—oh, they did? Yeah...great! So, I’ll see you later? Cool. Bye.”
Luckily, mabilis gumalaw itong si Vicky at nacontact na nya ang flowershop nina Gus kaya di ko na kelangan magpalusot just to see and talk to him.
Napagkasunduan naming magkita sa isang café near their university. Dumating ako pasado alas singko ng hapon at nadatnan kong naghihintay sya doon.
I felt my tiredness being washed away nang makita ko ang ngiti nya, kahit pa nga mas haggard ang mukha nya kesa sakin.
“Brix, kamusta na? Ay teka, nagugutom ka ba? Ano’ng gusto mong kainin? I-oorder kita.” sunod-sunod nyang tanong.
“Hey, slow down. And that’s a no, I’ll be ordering for us kaya stay put.” natatawa kong pigil sa kanya.
Wala na syang nagawa nang dumirecho ako sa counter para umorder ng pasta para sa aming dalawa, juice for him, and iced coffee for me.
While waiting for the food to come, we got down to business. Ibinigay ko sa kanya ang plans ng team ko for the venue.
Ipinakita sa akin ni Gus ang collections nya form the portfolio, at kung hindi nga lang needed ang specific arrangements for the party ay oorderin ko lahat ng nandoon.
Jinet-down ni Gus ang arrangements na napili ko. Since limited ang supply nya, we decided na tutulong para sa procurement ng flowers from bigger suppliers.
Sakto namang pagdating ng pagkain ay nakapag-agree na kami sa lahat-lahat kaya niligpit namin ang gamit nya and then ate.
“So, how have you been?” tanong ko habang kumakain.
“Mn, ok naman ako. May Christmas party kami sa Thursday tapos bakasyon na!” masaya nyang balita.
Heck, there’s really no way out for the dinner huh? Tch, bahala na!
“Um, Gus. If it’s ok with you, can I ask you for a favor?” reluctant kong tanong.
“Sa dami ba naman ng naitulong mo sa akin eh? Syempre naman!” payag nya kaagad.
“Oh...? Uhm, ano kasi. Will you accompany me to dinner on Friday night?”
“Kain na naman? Er, ok lang naman sakin. Yun lang naman pala eh. Ah! Oo nga pala, may alam akong masarap na lomihan. Mura na, nakakabusog pa!” uminom sya ng juice.
“Err, about that...kasama kasi natin si dad, so mala—“
Bigla na lamang may malamig na nagspray sa mukha ko kasabay ang sunod-sunod na pag-ubo ni Gus.
What the heck?
“G-Gus? Are you alright?”
Pumunta ako sa tabi nya at hinimas-himas ang kanyang likod kahit pa nga tumutulo ang juice na naibuga nya sa mukha ko.
“S-sorr—*cough, cough, cough*! Sorry B-*cough*-Brix...”
Dumukot sya ng panyo sa kanyang bulsa at saka ipinampunas iyon sa mukha kong pinaliguan nya ng juice.
“No, I’m ok. Here, have some water.” inalok ko sya ng isang basong tubig.
“Sorr*cough*-y ulit, Brix. Di ko sinasadya.” namumula ang mukha nya pababasa kanyang leeg.
“Weel, it’s kinda my fault. Sorry ha? Dad found out about the event and so he told me he wanted to meet you. Sorry talaga...” paumanhin ko.
Bumalik ako sa upuan ko nang makitang huminahon na sa kakaubo si Brix. Maging ako siguro ay magugulat kapag sinabi iyon.
I mean, out of the blue ka iimbitahan para sa dinner ng tatay ng kaibigan mo? Tapos fine dining pa ang—ah!
“E-eh, kwan kasi B-Brix, daddy mo yun. Nakakahiya naman kung dadalhin ko sya sa lomihan.” napainom ulit sya ng tubig.
“Err, about that—actually dad reserved seats sa isang 3-star fine-dining restaurant, so—“
“Bleergh!”
Sa ikalawang pagkakataon ay nanghilamos ako ng tubig na ibinuga ni Gus sa mukha ko. Pati dibdib ko ay basang-basa na.
Hindi magkamayaw si Gus sa pag-ubo; lumabas na rin sa butas ng ilong nya ang tubig. Di ko alam kung kanino ako maaawa: myself or him.
“Err...” ipinampunas ko ulit ang panyo nya.
“3-star resto? Fine-dining? Jusko, anong gagawin ko eh di ako marunong gumamit ng kutsilyo! Ano’ng isusuot ko? Wala naman akong Amerikano, baka mapagkamalan akong multo kung susuot ako ng barong!” natataranta nyang tugon after recovering from his coughing fit.
“Gus, hey...calm down!”
“Baka di ako papasukin? Sasabihin mukha akong janitor, o di kaya mapagkamalan akong basahan!” pagpapatuloy nya.
“Dude, calm down!”
“B-Brix, ipapahiya ko lang sarili ko eh...isama na lang kaya natin si Hunter? Mas marunong sya sa ganun. Mas magiging kumportable ako.”
I don’t know why, pero nagpanting ang tenga ko when I heard Mav’s name. Why do they think so highly of him?
That good-for-nothing—
“Mav absolutely mustn’t know about this!” may kalakasan kong tugon.
Natigil ang paghihisterya ni Gus and he looked at me with wide eyes.
“Bakit naman Brix? Eh pareho nyong daddy yun diba? Saka di pa sila nagki—“
“Dad and Mav aren’t in good terms...” palusot ko.
“Uhm...s-sorry, Brix. Di ko alam.” sagot nya matapos ang matagal na pananahimik.
“It’s ok, you don’t have to apologize.”
“P-pero, family matter kasi yun tapos inungkat ko pa. Pasensya na talaga.”
“Yeah, it’s ok. So, what will your answer be?” pagbabalik ko sa topic.
“Err, nahihiya kasi talaga ko Brix. Di ko alam kung papano haharapin ang daddy mo.” nakayuko nyang sagot.
Hinawakan ko ang panga ni Gus at inangat iyon para magtama ang aming mata. I smiled at him gently.
“Just be yourself, ok? I’m beside you all the way, we’ll get through it no matter what.”
Matagal-tagal pang nag-isip si Gus bago marahang tumango.
[aloo! Thank you po sa nagbabasa :) I just want to let you know na nasa wattpad na po ang MMMF! You can add me @RaleighD or pwede nyo rin pong i-add sa library or reading list nyo ang MMMF. Ehehe, yun lang po :) thank you!]
Gus
“Yo! So, what did you get?”
Nagulat ako nang dumantay ang mabigat na bagay sa aking balikat. Dali-dali kong itinago ang regalong aking natanggap.
“Wha—hoy! Di ko aagawin yan no!” puna agad ni Hunter.
“U-umm, wala! Highlighter saka bondpaper lang ‘to.” palusot ko sabay tanggal ng nakaabay nyang braso.
“Yun lang naman pala eh, so bakit mo itatago?”
“E-er, baka kasi agawin mo. Teka, ano nga pala nakuha mo?” pag-iiba ko ng usapan.
Dahan-dahan kong hinigpitan ang hawak ko sa regalong natanggap ko at saka isiniksik pa sa likuran ko.
“Oh, just some perfume and a baseball cap. Do you want the perfume?” sabi nya.
“Ha? Wag na, saka regalo mo yan eh.” tanggi ko naman.
“Andami ko na nito sa baha—teka nga kasi, bakit mo ba nilalayo sakin yang regalo mo, ha?” inis nyang puna.
“Hindi ah, ikaw lang nag-iisip nyan.” depensa ko agad.
“Tch, may something peculiar ka bang natanggap? Condom?” usisa nya.
“Ha? Boss, sino sa tamang pag-iisip ang magreregalo ng condom? Saka babae yung kringle ko!”
Nababaliw na ba sya? Nasobrahan ba sa moth balls yung damit nya?
“Exactly why!”
“Anong pinagsasabi mo?”
“Your kringle is a she, posibleng may gusto yun sa’yo at kaya magreregalo ng condom kasi may balak magpascore!” hinablot nya ang bag ng regalo ko.
“Boss?! Anong logic meron ka? Di ko alam kung insult or compliment yan eh!” hinila ko pabalik ang bag.
“Anong logic? Walang lalaking ligtas sa babaeng manlalapa!” hinila ulit nya ang bag.
“Boss, ni makipag-usap nga di nila magawa, ang magpahawak pa kaya sa akin?!” hinila ko ulit ang bag.
“Akala mo lang yan. It all boils down to performance and endurance!”
Isang malakas na hila ang ginawa ni Hunter kaya napunit ang bag at nahulog ang laman nito. Naramdaman ko ang pag-aalta presyon ko.
“Hunteeerrr!” sigaw ko.
“Fuck, Gus!” kasabay nya ring sigaw.
Nagtinginan lahat ng kaklase namin sa aming dalawa. Nag-umpisa ang ugong-ugong ng mga tsismosa. May away daw bang nagaganap?
“Tingnan mong ginawa mo!” inis kong bulyaw.
“I see, that’s why you’re hiding it. Tell me, who gave you this?” itinaas nya ang itim na piraso ng papel.
“Bakit ikaw pa ang galit, ha?”
“This is no fucking bondpaper, Gus. This is a goddamned sand-fucking-paper. Now, tell me. Who. Gave. You. This?”
Tila nagyelo ang buong paligid dahil sa lamig ng boses ni Hunter. Maging ang apoy ng pagkainis ko ay namatay at napalitan ito ng matinding takot.
Ngayon ko lang ulit nakita si Hunter na ganito: nanlilisik ang mata at nababalot ng itim na aura.
“Hunter, tama na. Ililigpit ko na lang yan.” lumapit ko sa kanya at saka bumulong ng wag kang gumawa ng gulo.
Pero si Hunter ay hindi magiging si Hunter kung tatahimik lang sya at susunod sa mga sinasabi sa kanya.
Tumayo si Hunter saka itinaas ang papel de liha. Walang ekspresyon ang mukha nya pero parang nag-aapoy ang mata nya.
“Who the fuck gave this to Gus?” sigaw nya sa classroom.
Mas mabilis pa sa alas kwatro na lumapit yung kringle ko, yung maniniwala ka na lang na “some people really answers to the devil”. Ganun.
“Explain.” malamig na utos nya.
“Yan? Pang kuskos sa mukha nya para kuminis, diba ang thoughtful ko?”
Natawa ang buong klase sa tinuran nya. Ramdam ko ang lahat ng mata sa akin at hiniling kong lamunin na lang ako ng lupa.
Ang sarcastic bigla ng dating ni Hunter ng akusahan nya akong may manlalapa sa akin.
“You think this is a good joke, huh?” biglang hinawakan ni Hunter sa braso ang babae.
“O-ow! Ano ba? Stop it!” reklamo ng babae.
Dali-dali kong hinawakan si Hunter sa braso para patigilin sya. Naninigas ang muscles nya kaya alam kong mahigpit ang pagkakahawak nya sa babae.
“Hunter...tama na! Babae sya!” mahina kong saway.
“Aray, nasasaktan ako. Ano ba?” nagpumiglas sya.
“Hunter...” pakiusap ko.
Pinabaunan ni Hunter ng matalim na tingin ang babae bago nya ito marahas na binitiwan. Hinarap nya ang klase.
“GUS IS MINE! He is mine to play with, he is mine to treat as I deem fit, he is mine to bully! Anyone who dared oppose this declaration, come out and face me!”
Pumunta ako sa likod ni Hunter at sunod-sunod na kinurot ang likod nya. Sobrang init ng mukha ko dahil sa ginawa nya.
“Huy, Hunter! Ano ka ba? Wala ka talagang kahihiyan!” yamot kong bulong.
“What? It’s true though!” ni hindi man lang bumulong ang gago.
Badump...badump...BADUMP!
Ayun na naman ang mabagal, pero malakas na kabog ng dibdib ko.
Yung pakiramdam na para kang kinakabahan, na parang hindi mo na alam kung saan ang taas at baba? Na parang nababaligtad ang mundo mo?
Ganun ang ginagawa ni Hunter sa akin.
“Tara, let’s leave this shitty place. Naiirita lang ako sa mga shit-for-brains na tao dito!” pasaring nya bago nya ako kinaladkad palabas ng room.
Pagkatapos noon ay hinatid na ako ni Hunter sa bahay pero di na sya nagtagal dahil uuwi daw sya ng condo nya at magpapaserbisyo.
Naikwento nya kasi na uuwi daw ang mommy nya kaya kailangang malinis ng maigi ang bawat sulok ng bahay nila.
Nakahiga na ako sa kama pero nandoon parin ang mabagal ngunit malakas na pagkabog ng dibdib ko.
Para bagang nag-iipon muna ng lakas ang puso ko bago nito ipalabas lahat ng naipong dugo.
Baka aatakihin ako sa puso sa lagay na ito? Diosmio! Wag naman sana, maiiwang mag-isa si mama!
Kung ikukumpara, ibang-iba iyon sa mabilis na karera ng puso ko kapag si Brix naman ang kasa—
Shit, si Brix! Yung dinner bukas!
Napabalikwas ako ng bangon at nagtungo sa cabinet. Kinuha ko ang binili naming long sleeves at saka pinlantsa iyon.
Kinakabahan ako. Anong klaseng tao kaya ang ama nina Brix at Hunter? Mabait din kaya sya tulad ni Brix? O nakakasindak katulad ni Hunter?
Sino kaya sa kanila ang kamukha nya? Palangiti din kaya sya gaya ni Brix o palaging nakakunot ang noo gaya ni Hunter?
Ito ang mga katanungang paulit-ulit kong naiisip kaya naman hindi ako napakali. Imbes na matulog ay bumangon ako at pinlantsa ulit ang susuotin ko.
Kinabukasan nga ay doon ako nag-abang sa tapat ng shop namin. Maaga akong nagsara para makapag-ayos naman ako.
Dumating si Brix sakay ng magara nyang kotse. Naka-Amerikano sya at talaga namang napakakisig ng dating nya.
Sigurado, mapagkakamalan syang foreign actor!
“Hey, you ready?” bati nya ng sumakay ako sa kotse nya.
“Y-yeah...”
“Wag kang kabahan, I’ll be right beside you all the time.” ngumiti sya.
Sinuklian ko rin sya ng ngiti. Hindi ko man kasama ngayon si Hunter, at least may kasama naman akong kaibigan ko.
Mabuti na lamang at hindi gaanong matraffic kaya nakarating agad kami sa aming destinasyon.
Nasa loob ng isang sikat na hotel ang sinasabing restaurant na iyon at talaga namang mahirap pumasok doon ng walang reservation.
Nasa gate pa lamang kami ng hotel pero sobrang kabado na ako. Ganito ba talaga ang lifestyle ng mga Pineda?
Pagkababa namin ng kotse ay ibinigay ni Brix ang susi nya sa isang lalaking naka-uniporme. Napag-alaman kong valet pala iyon.
Taas-baba at paulit-ulit akong tiningnan ng gwardya sa hotel. Gusto pa sanang mag full body check pero sinabihan ni Brix na nagmamadali kami.
Ayaw na ayaw pa naman ng daddy nya ng late.
“Hey, are you sure you’re ok?” tanong nya nang makapasok na kami.
Pasulyap-sulyap lang ako pero alam kong nakay Brix lahat ng atensyon ng mga tao dito. At syempre pa, sa engkanto nyang kasama.
“B-Brix, w-w-wag na lang kaya tayo tumuloy?” kinakabahan kong tanong.
“Why?”
“K-kasi, out of place ako d-dito eh. S-saka pakiramdam ko bibigay na yung tuhod ko sa sobrang kaba.” mahina kong tugon.
Sa tapat kami ng elevator at naghihintay para bumukas iyon. Nang makapasok kami ay nakita kong pulos salamin sa loob.
“Hold my hand.” sambit nya.
“H-ha?”
“C’mon, just hold my hand. Wala namang ibang makakakita eh.” udyok nya.
Nag-alinlangan ako sandali pero malaki parin ang ngiting nasa mukha ni Brix kung kaya hinawakan ko na rin ang kamay nya.
Napakalamig niyon, nagpapawis, at nanginginig ng konti.
“See? You’re not the only one. We’ll get through this together, ok?” sabi nya.
“O-ok...”
Saktong nag ping yung elevator at bumukas ang pinto kaya lumabas na kami. Lumapit kami sa isang staff doon sa lobby.
“We have a reservation at 7pm with Mr. Maverick Pineda.” pambungad ni Brix.
“Names please?” malagkit ang tingin na ibinigay ng babae kay Brix.
“Uh, Brix Pineda and Gus Jalandoni.”
“This way, sir.”
Sinamahan kami ng isang staff papasok sa restaurant. Ang gara ng kasuotan ng mga kumakain doon; nagmukha tuloy akong basahan.
Sinubukan kong paliitin ang presensya ko na para bang pagong na nagtatago sa kanyang bahay.
Agaw-pansin talaga si Brix kahit saan sya magpunta, katulad din ni Hunter. Malayo pa ba ang table namin?
Gusto ko nang umuwi...
“B-Brix—“
“Shh, don’t bother with them. Hold your head up.” hinawakan ako ni Brix sa likod.
Nang marating namin ang aming reserved table ay kaagad akong kinausap ni Brix ng kung anu-ano para malingat ang atensyon ko.
Sige rin ang pagpapatawa nya, marahil paraan nya iyon para mawala ang kaba ko. Di ko tuloy mapigilan na ikumpara sya kay Hunter.
Si Hunter kasi, kapag alam nyang kinakabahan ako, eh tutuksuhin at iinisin nya ako. At kapag nainis na ako, magkakasagutan na kami.
Kapag nagkasagutan na kami, tatawagin nya akong pikon at gagawing katatawanan. Negative ba? Pero sobrang effective.
Nalilingat kasi ang atensyon ko at mas napapagtuunan ko ng pansin lahat ng pang-iinis nya sa akin.
Naipapalabas ko kay Hunter lahat ng stress ko kahit pa nga ibang stress ang naidudulot ng pang-iinis nya.
Contradictory no? Pero ganun nga siguro ang mga bagay-bagay. Mas maiintindihan mo ang sarili mo kung may kasama kang iba ang trip kaysa sa’yo.
Siguro iyon ang totoong kahulugan ng ‘opposites attract’?
Siguro di natin kailangang maghanap ng taong kapareha natin in every way. Siguro kung sino pa yung kasalungat natin, dun pa tayo nagiging kumportable.
“Sorry for interrupting your conversation.” sabi ng boses sa aking likuran.
Full-force na bumalik ang kaba ko nang marinig ang malamig na boses; sing lamig ng boses ni Hunter kapag galit.
“D-dad, good evening.” napatayo si Brix.
Hindi ako magkanda-ugaga sa pagtayo upang harapin ang lalaki sa aking likuran.
“Um, g-good evening po, s-sir.” kanda utal-utal ko.
May kakaibang aura na nanggagaling sa lalaking ito, para bang pinagsukluban ako ng langit at lupa.
“Sit, sit.” utos nya.
Halos pabagsak akong naupo sa silya. Nangangatog ang tuhod ko at pinagpawisan ako ng malamig.
Ganitong-ganito rin ang naramdaman ko nung una kaming magharap ni Hunter. Kung di ba kami naging magkaibigan, ganito parin ba ang mararamdaman ko?
Isang sulyap lamang ang binigay sa akin ng daddy nila, pero halos mangisay ako sa sobrang kaba.
Para akong insektong sinisiyasat sa ilalim ng microscope.
“So, you are the friend this son of mine is talking about? I did not expect you to look like this.” tepok! Ingles pa talaga.
“Ahm, y-yess po, si—ah!” nakagat ko ang dila ko sa sobrang kaba.
“Don’t worry, nakakaintindi naman ako ng Tagalog.” sabi ng tatay nila.
“Tch, dad...”
“Brixter, signal them to serve the food. You know what? You look better kapag nakatalikod ka. You should do that.” sabi nya bigla.
“Y-yes, sir.” awtomatiko kong sagot.
“Dad!” saway ulit ni Brix.
“At least you are early. And I quite like you — you called me sir. C’mon, let’s eat at baka lumamig ang pagkain.”
Napatango na lamang ako. Maraming paghihirap na ang napagdaanan ko pero ngayon lang ako naka-ingkwentro ng ganito katinding kaba.
“So, is this your first time on a fine-dining restaurant?” usisa ni Mr. Pineda.
“Y-yes po, sir. First time ko po.”
“Oh, how honest. Halata namang first time mo eh. Do you even know kung papano gumamit ng cutlery?”
“S-sorry po, sir. To be honest, h-hindi po eh.” sagot ko naman.
“Dad, stop it please? Let’s enjoy the food.”
“Start from outside going inside. Sundin mo lang ginagawa ni Brix.”
Napatango na lamang ako. Napaka-unexpected na magbibigay sya ng payo about fine-dining.
Tahimik naming ipinagpatuloy ang pagkain at panay ang sulyap sa akin ni Brix, nagtatanong yata kung ok lang ako.
Sa totoo lang, gusto ko nang kumaripas pauwi. Masarap ang pagkain, pero para sa akin mas masarap padin ang luto ni mama.
Natapos lahat ng course at inilabas nila ang wine na inorder ng daddy ni Brix. May pakiramdam akong di ko sya maaaring tanggihan.
“Dad, Gus isn’t legal yet so he can’t drink.” singit ni Brix.
“He’s 18, am I right? Legal na sya dito sa Pilipinas and besides, he’s with a responsible adult so it’s fine.”
Mas matapang at kakaiba ang lasa ng wine kumpara noong sinubukan ko ang beer na iniinom ni Hunter. Mas nakakasunog ng lalamunan.
Kwentuhan parin kami, pero habang tumatagal ay bumibigat ang pakiramdam ko.
“How do you find the foof here? Masarap ba?” usisa ni Mr. Pineda.
“Mn, lavish as it is, I can’t find myself to enjoy the food as my tongue isn’t suited to the likes of it. To be honest, I would very much prefer the food my mother cooks!” natatawa kong sagot.
Teka, parang may kasunduan kami ni Brix? Di ko lang maalala kung ano...
“Oh? So you aren’t satisfied?” naiintrigang tanong ni Mr. Pineda.
“Dad, please.” may warning sa tono ni Brix.
“I’m more than satisfied, but the food lacks the warmth and love prepared by a mother. In a sense, even the food Hunter cooks is better than this!”
“Hunter? Who do you mean?” may pagtataka sa kanyang mata.
“Dad, I think Gus is drunk.” nagmamadaling singit ni Brix.
“Hunter Mav Pineda, my bestfriend! Your sons, sir, are quite lookers. Everyone has their attention on them whenever we hangout.” masaya kong balita.
“You have been meeting with Hunter? Since when?” binaling nya ang tanong kay Brix.
“D-dad, I can explain...please, not here.” mukhang natataranta si Brix.
Shit...! Oo nga pala, di pwedeng malaman ng daddy nila na nagkikita si Hunter at Brix! Jusko, ano itong nagawa ko.
“Sir, I thin—“
“Silence filth! Do not speak to me so casually!” mariing bulyaw ni Mr. Pineda sa akin.
“And you...better make your explanation good! Bring Hunter on the 23rd. You may take your leave.” nagpupuyos nyang utos.
COMMENTS