$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Meet My Middle Finger (Part 11B)

By: Raleigh Hunter It was a cold Saturday morning but I woke up at 2:45am para samahan si Gus sa simbang-gabi. Di ko sya nasamahan kah...

By: Raleigh

Hunter

It was a cold Saturday morning but I woke up at 2:45am para samahan si Gus sa simbang-gabi. Di ko sya nasamahan kahapon kasi pagod ako sa paglilinis.

Well, not that it would make any difference. I already missed 3 days at 3 days na lang din ang natitira before Christmas.

Kahit sobrang lamig ay pinilit kong maligo para mabango ako. Nagsipilyo din ako ng ilang minuto para fresh breath.

Nagtext ako kay Gus na papunta na ako at nang makarating nga sa bahay nila ay nasa tapat na sya ng gate, may dalang bungkos ng bulaklak

“What’s that for?” tanong ko.

“Ah, ito? Palaging ako nag-ooffer ng bulaklak eh.”

“Oh, ok.” sabi ko bago nagmaneho.

Marami-rami na ang tao nang makarating kami sa simbahan. Mabuti na nga lang at nakahanap pa kami ng mauupuan sa bandang unahan.

Jampacked at sobrang init sa loob nang mag-umpisa na. Di ko aakalaing ganito karami ang dadalo sa 3:30am mass.

Pero mas mabuti nang ganito dahil mas marami daw ang tao kapag 4:30am mass ang aming dadaluhan.

Maganda ang mensahe ng pari — about togetherness ng family. Wala naman akong care noon, pero nung naglagi ako kina Gus, bigla ko na lang na miss si mommy.

She may be strict, but she’s still my mom. At isa pa, matagal-tagal na rin since last akong nakakain ng luto nya.

Nung Ama Namin na ay ako na mismo ang kumuha sa kamay ni Gus. I bet it always happens, pero napansin kong hindi hinawakan ng katabi nya ang kabilang kamay ni Gus.

Well, who cares! Hindi ko rin hinawakan ang kamay ng katabi ko. That way, kaming dalawa lang ni Gus ang magka-holding hands.

Ang sarap sa feeling dahil maaga pa lang ay magkahawak na kami ng kamay, although sa misa nga lang.

Amidst the sea of people, we’re holding onto each other.

Nang matapos ang misa ay pahirapan talaga sa paglabas ng simbahan. Ang dami naming nakakasalubong!

Wala akong choice kundi hawakan ulit ang kamay ni Gus para hindi kami maghiwalay. Sa sobrang galang ba naman nya, baka maiwan sya sa loob kung papaunahin nya lahat ng daraan.

“Ah, sandali lang boss! Halika dito dali...” excited na hinila ni Gus ang sleeve ng polo ko.

Iginiya nya ako sa hilera ng mga nagtitinda. Nahinto sya sa tapat ng isang matandang nagbebenta ng—

“Huh? What is that?” tanong ko.

“Salabat!” masaya nyang tugon.

“Hijo, ilan bibilhin mo?” tanong ng tindera.

“Ah, dalawa po manang. Eto bayad.” inabot ni Gus ang dalawang bente.

“Mn, boss. Masarap inumin to sa malamig na panahon. Saka authentic, di gaya nung mga binibenta sa department store.”

May pag-aalinlangan ko nang tanggapin ko ang umuusok na baso mula kay Gus. It’s brown and what is salabat even?

Mn, but it does smell good.

“Nilagang luya lang yan boss. Try mo na, dali!” udyok ni Gus.

Isasaboy ko sana iyon sa tindera for making a mysterious decoction but...but if Gus insists...

Alam mo namang sunod-sunuran lang ako sa anumang gustuhin mo, diba?

Napakibit-balikat na lamang ako at saka humigop. Parang may kumalat na kakaibang init sa aking katawan kasabay ng paghagod nito sa lalamunan.

“O ano? Masarap noh?” excited na tanong ni Gus.

“Tastes fucking disgusting, but whoa...”

“Boss naman, mahiya ka naman ng konti kay manang.” siniko nya ako sa tagiliran.

Nasa harap parin kasi kami ng stall na iyon at mejo malakas yung pagkakasabi ko kaya nagsitinginan ang ibang mamimili sa akin.

“Err—good! It’s tastes really good! So goodah!” nilakasan ko ang boses ko at tumalikod.

“P-pasensya na po.” paumanhin ni Gus.

“Tsk, ang gwapo pa naman pero matalim yung dila. Sayang!” dinig kong sabi ng isa doon.

“Gus, let’s go. Baka may mamura pa ako dito.” inis kong bulong.

Habang umiinom ng disgusting decotion ay naglibot muna kami sa ibang stalls. Madaming binibentang mga kakanin doon.

“Boss, alam mo ba, pampaganda din ng boses ‘to.” sabi nya habang naglilibot kami.

“Ows?” gulat kong tanong.

“Mn! Madami nga nagsasabi na ito daw yung iniinom ng mga sikat na singer kasi hinahagod ng tsaa yung lalamunan.” tatango-tango nyang tugon.

“So, I just have to drink this para gumanda yung boses ko?” nabuhayan ako ng pag-asa!

Napatingin sa akin si Gus, yung nagsasabi na ‘seryoso ka?’

“Boss, sumuko ka nalang.” napailing-iling sya.

“Aba’y puta, paasa ka naman eh!” kinurot ko sya sa tagiliran.

“Aray! Boss naman eh, muntik nang masaboy sakin yung tsaa. Saka, kakasimba mo lang kaya bawal bad words!” saway nya.

Inirapan ko lang sya ngunit may nakita akong kakaiba kaya this time, sya naman ang hinila ko sa isang sulok.

Nagluluto ang isang mama ng parang thick cream at pinapasok iyon sa isang improvised oven. May nagliliyab na apoy sa ilalim niyon.

“Magandang umaga ho! Manong, ano yan?” tanong ko sa mama.

“Ay magandang umaga ser. Bili na po kayong bibingka ser. May tig lima, may tig sampu.” offer ni manong.

“Bibingka? Yun ba yung parang cream kanina? Saka ano ho yan, improvised oven?” usisa ko.

“Ah, gata ng niyog yun ser. Dito ko po niluluto.” sagot ni manong.

“Masarap ba yan manong? Sandali, Gus...wanna eat?” excited kong tanong.

“Kahit naman humindi ako eh bibili ka parin. Manong, yung tig sampu po. Yung bagong luto po ah?” ani Gus.

“Ay sakto, luto na itong isa. Teka, ilalabas ko lang.”

Tumalikod si manong bago hinarap ang kanyang oven at inilabas ang maitim na tray ng bagong lutong bibingka.

Mabilis nyang inalis lahat ng luto sa maiitim na parang metal ramekins saka inalis ang mga sunog na...dahon ng saging?

Pumili si Gus ng mapula-pula/slightly browned na bibingka mula doon sa malalaking bibingka na tinuro ni kuya.

Binigyan nya ako ng isa at pinag-aralan ko muna iyon ng saglit bago kinain. Nasarapan kaagad ako.

“Oh my—Gus, ang sarap nga! Saka may niyog pa oh!” sabi ko bago kumagat ulit.

Natatawa lang si Gus sa inasal ko. Para daw akong bata. Well, I don’t care. Masarap naman kasi talaga eh.

How is it na ngayon lang ako nakatikim ng ganito ka sarap sa tanang-buhay ko?!

Habag kumakain ay tumambay kami sa stall ni manong. Sya lamang mag-isa ang namamahala doon.

Sya ang nagtitimpla, nagpeprepare, naglalagay ng kahoy sa apoy, saka sya rin ang nagbebenta ng mga bibingka.

Amazed na amazed ako habang pinapanood ang process ng paggawa ng bibingka. Una, naggugunting sya ng dahon ng saging.

Tapos, ilalagay nya iyon in layers sa loob nung metal ramekins. And then ia-add na nya ang bibingka mix doon at finally ay ipapasok sa oven.

“May sakit kasi yung asawa ko ser, tapos yung anak naman namin naglayas. Kaya ako na lang mag-isa nagbebenta dito.” paliwanag ni manong.

“Di ka ba nahihirapan manong?”

“Mahirap ser, pero kakayanin. Pambili ng gamot ni misis eh. Saka sanay na din naman ako kasi matagal na akong gumagawa nito.”

“Magpapart-time ka ba?” tanong ni Gus.

“Gago, syempre na-curious lang!”

“Hala, yung bunganga nito! Nasa tapat pamandin ng simbahan.” saway ni Gus.

“Kasi ikaw!” kinurot ko ulit ang tagiliran nya.

“Tch, di pala talaga kayang putulin ng simbahan yung sungay mo kasi demonyo ka! Buti di ka nasunog?” panunukso ni Gus.

“Magkaibigan ba kayo?” tanong ni manong.

“Ah, hindi kuya ah!” deny kaagad ni Gus kaya napaikot ako ng mata.

“Hindi kuya, kasi mag-asawa kami.” inakbayan ko si Gus.

“Asawahin mong mukha mo!” inis nyang inalis ang kamay ko.

“Haha, nakakatuwa naman at matalik kayong magkaibigan.” puna ni manong.

Sa loob-loob ko, nagtatalik na magkaibigan. But oh well, wala pa namang nangyayari talaga sa amin ni Gus eh.

“Ay, papano ba yan manong? Alis na po kami. Pasensya na po sa abala. God bless you po! Merry Christmas!” paalam ko.

“Ey walang anuman ser, nakakatuwa nga kayong kausap. Sige po, ingat kayo sa daan! Merry Christmas ho.”

Aside sa limang bibingka na takeout ay nagbigay din ako ng malaking tip kay manong. Bilib ako sa tyaga nya.

Habang nasa sasakyan kami ay sinubukan ko kung may epekto nga ang salabat sa aking boses kaya napakanta ako.

Pero it seems na wala, kasi panay lang ang tawa ni Gus sa akin. Minabuti ko na lamang na lantakan ang bibingka.

Bago kami umuwi sa bahay nina Gus ay nagpasya kaming dumaan sa lomihan at doon na lang mag-almusal.

Habang kumakain kami ay napapansin kong panay ang sulyap sa akin si Gus kaya sinita ko sya.

“May sasabihin sana ako sa’yo boss. Kaso baka magalit ka.”

“Mas lalo akong magagalit pag di mo sinabi. C’mon, spill!”

“Eh, promise muna wag moko pagagalitan?”

“Ay puta, maglolokohan ba tayo dito? Ano na kasi?” nayayamot kong tugon.

“Boss! Kaharap mo yung pagkain!” saway nya.

“Gus...” warning ko.

“Err, sabi ko ng, eto na. Basta ha? Wag magagalit ha?” ulit pa nya.

Matalim na titig ang isinukli ko kay Gus. Nagets naman nya kung ano ang ibig kong sabihin kaya nagsimula na syang magsalita.

“Kwan kasi, h’nire ako ng kuya mo bilang florist sa Christmas party nila. Nagustuhan kasi yung mga gawa ko.”

“Oh? Ain’t that good? Ano naman ang problema dun?”

Poker face lang ako pero ang totoo ay dumadagundong na ang dibdib ko. Puta, nagconfess na ba si kuya sa kanya?!

“Sandali lang kasi, eto na. Mmn, so yun! Nag-usap kami and then niyaya nya akong magdinner—“

“What?!” tumaas ang boses ko.

Napatingin sa amin ang mga patron na katabing mesa kaya nagsorry ako at pilit na kinalma ang sarili ko.

“Ayun nga, natuloy yung dinner namin nung Friday night—“

“DAFUQ??” malakas kong tugon.

Napatingin na pati yung ibang patron sa amin kaya humingi ulit ako ng paumanhin. What the fuck is with him?

He meets with Gus behind me and goes to dinner without me knowing? Seriously? Kuya? What the fuck...

“Shhh! Ingay mo naman boss. Makareact ‘to oh.” napakamot si Gus sa pimple nya.

“Why haven’t I heard about this...this...this dinner?!” yamot kong tanong.

“Eh kasi nga kasama namin yung daddy mo.”

Sa sobrang gulat ay napatayo ako at nasagi ang table namin. Natumba ang condiments at natapon pa ang suka at toyo.

What the fuck? What the fuck? What in the actual fuck?!

Who gave him the right na ipakilala si Gus kay dad? And wait, nandito si dad sa bansa?

What if magtagpo sila ni mommy accidentally?

“Boss, umupo ka! Pinagtitinginan ka na...” bulong ni Gus.

Pabagsak akong naupo. Does kuya know kung gaano ka strikto si dad? Napahilamos na lamang ako ng mukha.

Strict si mom, pero ga-bakal ang kamay ni dad. But well, he loves kuya. Kaya nga si kuya ang napunta sa custody nya at hindi ako eh.

“S-sorry boss ha? Nalaman kasi ng daddy mo na naimbita ko si Brix dun sa foundation kaya ayun, nag-insist sya na i-meet ako.” pagpapaliwanag ni Gus.

“T-tapos nung nagdinner na, nakainom ako ng wine—“

“They let you drink?!” nagimbal ako.

Gus becomes daring kapag nalalasing. May balak bang masama si Kuya Brix kay Gus? At anong ginagawa ni dad?

“E-err, parang di ko kasi matanggihan yung daddy mo boss eh. Nakakatakot...kaya ayun, napainom ako.

“T-tapos ayun...di ko sinasadyang sabihin na magkaibigan tayo. Sorry talaga!”

“And then? Anong sinabi ni dad? May ginawa ba syang masama sa’yo?” nag-aalala kong tanong.

“W-wala naman. Pero nagalit ata kasi di pinaalam ni Brix na matagal na kayong may communication.”

“Anong nangyari kay kuya? Sinaktan ba nya si kuya?”

Fuck...pag may nangyaring masama sa kapatid ko, di ko talaga uurungan si dad!

“Hindi boss! Umalis na yung daddy mo pagkatapos eh tapos hinatid na rin ako ni Brix pauwi.”

“It’s ok, kuya’s gonna be fine. Mabuti na lang din at walang nangyari sa’yo.” lumuwag ang paghinga ko.

“P-pero kasi boss...um, teka—“

May hinalungkat si Gus sa kanyang bag. Iniabot nya sa akin ang isang magarang envelope.

Binuksan ko iyon at binasa. Isang invitation para sa staff party with the theme of masquerade.

“Teka, how did you get this?” demanda ko.

“Binigay ni Brix sa akin kahapon. Sumama kasi ako dun sa outdoor na venue para matignan ko na at pumunta din kami sa supplier ng bulaklak.”

“Outdoors? Muntanga organizer neto. Papano pag umulan? Tsk...”

“So boss, pupunta ka ba?” may pag-aalinlangan sa boses ni Gus.

“Nope. Ikaw?” ipingpatuloy ko ang pagkain ng lomi.

“Kailangan ako dun boss eh, kasi ako yung incharge sa bulaklak.”

Dun na ako nagdalawang-isip. I don’t want to see my dad, puro pintas lang maririnig ko sa kanya.

On the other hand, ayoko ring mag-isang pumunta si Gus doon. Baka lapain sya ni kuya, wala syang kalaban-laban.

But then again, my dad would not allow lowly peasants na makihalubilo kay kuya so magiging safe si Gus.

But! For sure may business partners ang dad ko at puro elitist ang pupunta. They’re going to criticize my Gus!

At kapag nangyari iyon, sino ang magtatanggol kay Gus?

“Tch, fine! I’ll just go with you!” inis kong sambit.

“Ha? Kala ko ba di ka pupunta? Bakit nagbago isip mo?” tanong ni Gus.

“Gus, alam kong ayaw mo sa matataong lugar. At alam kong ayaw mong makihalu-bilo sa mga stuck-up, rich people.

“Isa pa, I know you’ll feel lonely there kasi walang makikipag-usap sa’yo. So dahil mabait ako, sasamahan na lang kita para di ka malumbay.” pagkikibit-balikat ko.

Hindi ko alam kung dahil sa mainit na lomi, o epekto ng salabat kanina, o sa tigyawat nya, pero namumula ang mukha ni Gus.

“H-hoy, feelingero nito!” mabalasik nyang sigaw.

Er, sa tigyawat nga ata.

“Whatever. I understand your envy and jealousy having to bear witness to the beauty that is me.”

“Huy, magtigil ka! Kinikilabutan ako sa pananalita mo eh!”

Humalakhak ako nang makita ang goosebumps sa mga bisig ni Gus.

“Do not lament, oh unsightly ugly one!” dagdag ko.

“Boss, tama na please?” hinimas ni Gus ang mga braso nya.

“Tsk, what will you do without me, you little shit?”

“Ewan ko sa’yo!” tumayo sya at isinauli ang mangkok sa counter.

Tawa parin ako ng tawa hanggang makabalik na kami ng sasakyan. Mataas na ang araw pero malamig parin ang simoy ng hangin.

Ang sarap talagang tuksuin ni Gus, ang bilis nyang maasar!

“May suit ka na ba? What if pumunta na lang tayo sa mall and then buy—“

Naglilitanya pa ako nang bigla na lamang magring ang cellphone ko. Since nagdadrive ako, pina-speaker mode ko na lang.

“Hello, mom.” bungad ko.

“That’s rare for you to sound so chirpy. Nasaan ka ngayon?” tanong nya.

“Katatapos lang magsimbang-gabi. Why? Diba sa 24th pa naman yung flight mo?”

Napatingin ako kay Gus na sya namang nagkibit-balikat lang. Napa-early ba yung flight ni mommy?

“No, that’s not it. On the contrary, I won’t be able to come home.”

Gus

Nagpagpag ako ng tuhod at pinagmasdan ang arrangement na inayos ko. Doon mismo iyon sa entrance ng party.

Ilang beses akong nagpabalik-balik doon, baka kasi hindi magustuhan ni Mr. Pineda at hindi nila ako bayaran. Lagot na.

Sa isang malawak na garden ng sikat na hotel idadaos ang party at solong-solo ng kumpanya ang areang iyon ngayong gabi.

Maaga pa lamang ay nagpunta na ako dito at sinimulan ang pag-aayos sa paligid. Isa-isa kong ginawa ang mga centrepiece per table na sinet-up ng décor team.

Masakit na nga ang balakang at likod ko, pero ininda ko iyon. Tinutulungan naman ako ng hired decorators at hotel staff eh.

“Gus!” napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses.

Malaki ang ngiti ni Brix habang naglalakad palapit sa akin. Gwapong-gwapo sya sa suot na tuxedo.

“Brix, halika dali. Ayos na ba ito? Baka may gusto kang ipabago? Sabihin mo lang, aayusin ko kaagad.” kinakabahan kong tanong.

“No, no! This is beyond my expectation. This is amazing; you are amazing!” nakangiti nyang tugon.

“E-ehh, nakakahiya naman. Salamat Brix.” nakayuko kong tugon.

“No, thank you, Gus. Everyone’s gonna love it, I’m sure. Hindi ako nagsisising ikaw yung pinagkatiwalaan ko.”

Napangiti ako. Kahit gaano man kadami ang mandiri sa akin, mayroon parin talagang nakaka-appreciate ng talent ko.

“Go ahead and get freshened up! Magsisidatingan na ang mga staff any minute from now. I’ll introduce you kapag nagtanong sila about the flowers.”

“Ah, tama nga pala. Kailangan ko ding magmukhang presentable.”

“But before you go, how do I look?” tanong nya at nagpose ng kaunti.

“Tinatanong pa ba yan? Syempre naman gwapo ka. Mauna na muna ako Brix! See you later.” paalam ko bago umalis.

Kaninang lunch time nga ay tinawagan ako ni Hunter para ipaalam na nasa kanya ang susuotin ko at may kinuha syang room sa hotel.

Dali-dali kong tinahak ang direksyon papuntang hotel, ngunit pagdating sa pinto ay ayaw akong papasukin ng gwardya.

Gusto pa sana nyang isagawa ang full-body check para masigurong hindi ako magnanakaw o terosista.

Mabuti na lamang at napadaan ang isang hotel staff na nag-assist sa akin kanina sa pag setup ng mga bulaklak kaya napapasok ako.

Kaagad ko namang tinahak ang elevator at mabilis na hinanap ang room number na sinabi ni Hunter.

“O bakit ngayon ka lang? Uugod-ugod ‘to...” bungad ni Hunter.

Tinapos nya ang pagtatali ng necktie at saka lumapit sa akin.

“E-eh, inaayos ko pa—“

“Blah blah blah, puro ka chit-chat. Maligo ka na dun! Ang asim mo na.” sita ni Hunter.

Nagulat ako sa tinuran nya. Akala ko kasi ay nagmumukmok sya sapagkat di makakauwi ang mommy nya.

Pero heto, may gana pang mang-asar sa akin. Mn, mas mabuti na ngang ganito kesa naman malungkot sya.

“A-ah, sige.”

Dali-dali akong nagshower. Muntik pa akong mapasigaw sa gulat dahil napakainit ng lumabas na tubig kanina.

Gusto ko pa sanang matry yung bathtub ng hotel kasi minsan lang mangyari ito, pero pinigil ko ang sarili at tinapos ang pagliligo.

Nagpunas ako ng katawan saka nagtapisng tuwalya at nagsuot nung bathrobe bago lumabas upang magbihis.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakatunganga sa labas si Hunter; tila nag-aabang talaga sa aking paglabas.

“Anong petsa na Gus. Magbihis ka na, bilis!” yamot nyang utos.

“T-teka, bakit nandito ka pa?”

“Para tulungan kang mag-ayos. May iba pa bang dahilan?” taas-kilay nyang tanong.

“Ha? Marunong akong magbihis no! Dun ka sa sala maghintay!” saway ko.

“Oh really? Do you know how to tie a tie?”

Natahimik ako at napatitig sa sahig. May point nga naman si Hunter, di ako marunong magtali ng necktie.

Teka, kelangan ba talagang nandito sya habang nagbibihis ako?

“Yeah, right. You don’t. Kaya gumalaw ka na, dali!” sita nya nang di ako umimik.

Pareho naman kaming lalaki, walang malisya kung sa harap nya ako magbibihis diba?

“My God, how slow can you be?” irita nyang pahayag.

Nagulat na lamang ako nang bigla nyang baklasin ang pagkakatali ng robe ko ay hinablot ang tuwalyang nakatapis sa balakang ko.

Hindi ako magkamayaw sa pagpulot ng tuwalya upang matakpan ang aking kahubdan.

“Hunter!” nag-aapoy pisngi kong bulyaw.

“What? It’s not like I haven’t seen it all. Bakit ka pa mahihiya, eh natikman ko na lahat yan?” nakangisi nyang tanong.

Mas lalong nagliyab ang pisngi ko nang mapagtanto na may point sya. Nakakahiya!

“Alam mo napakawalanghiya mo talagang demonyo ka!”

“Just move your ass, damn it!” at pinalo pa nya ang pwet ko.

Mangiyak-iyak ako sa sobrang inis habang nagbibihis. Hindi naman nya kelangan pang sabihin yun eh.

At lalong di nya ako kelangan panoorin habang nagbibihis!

“You done yet?”

“Opo, tapos na po.” inis kong sagot.

Hinarap ko si Hunter. Nakahalukipkip sya habang ang isang paa ay nagta-tap sa sahig. Para syang lalaking naghihintay na matapos mag-ayos ang asawa.

Teka, ako ba yung asawa?

Haaa???!! Ano itong pumapasok sa kokote ko?!

“God, finally! Come over here.” inilahad ni Hunter ang pulang tie.

Lumapit ako sa kanya at sinimulan nyang magkabit ng tie sa akin. Sa sobrang lapit namin ay nasamyo ko ang kanyang amoy.

Napakabango ni Hunter at pareho sila ng level ng kagwapuhan ng kuya nya. Nakakainggit talaga itong magkapatid.

“There, done! Next stop, this.”

May inilabas syang bilog na container. Iginiya nya ako papunta sa banyo at pinaharap sa may salamin.

“Boss, ano yan?” nguso ko sa container.

Baka kasi pagtripan na naman nya ako at maglagay ng kung ano sa buhok ko. Lalong magsisitakbuhan ang makakasalubong ko.

“Hair wax. Let’s tousle up your hair a bit.”

Kumuha sya ng cream saka ikinalat muna gamit ang kanyang palad bago nya idinampi sa aking buhok.

Napapikit ako dahil parang minamasahe ang ulo ko. Para akong aantukin sa sobrang swabe ng pags’style ni Hunter sa buhok ko.

“There, done!” sabi nya matapos.

Iminulat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang aking repleksyon. Somehow, parang nag-iba ang aking anyo.

“Like it?” tanong nya nang magtapat ang tingin namin sa salamin.

Napatango na lang ako at hindi ko maitago ang sumibol na ngiti sa aking labi. Mas naging kaaya-aya kasi ang itsura ko.

“Eto yung mask mong susuotin mamaya. Stick by me para di ka mawala.”

Tumango ako at sinundan sya palabas ng hotel room. Dumating kami sa garden at doon nga ay napakaraming tao na.

Isa sa mga hindi ko inaasahang pangyayari ay nang magkagulo ang mga tao doon para makapagpa-picture sa arrangements ko.

Napakapit ako sa sleeve ng tuxedo ni Hunter. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita.

Nagustuhan nila ang gawa ko?

“Gus, they loved it. Lahat ng ginawa mo, nagustuhan nila.” bulong ni Hunter.

“T-talaga? H-hindi ka nagsisinungaling?”

“See for yourself...” nakangiti nyang tugon.

“Ah, there he is! The florist who did this amazing arrangements!” biglang tawag ni Brix.

Naglakad si Brix palapit sa amin at kasunod nya ang iilang mga ginang. Mukha silang mayayaman lahat.

Bakas ang pagkagimbal sa mukha nila nang makita ako, pero nang lumaon ay napalitan ito ng paghanga.

“Hijo, ikaw pala ang gumawa noon?”

“Truly amazing!”

“Give me your business card, I’ll visit your shop later...”

“Pwede ba kitang irecommend para sa wedding ng inaanak ko?”

Hindi ko mapigilan ang paghigpit ng kapit ko kay Hunter. Sa tanang buhay ko, ngayon lamang ako pinaulanan ng papuri.

Punong-puno ang puso ko ng hindi maipaliwanag na kaligayahan. Napakagat-labi ako para pigilin ang pag-agos ng luha.

Hinimas ni Hunter ang likod ko habang si Brix naman ay nakaakbay sa akin. Ang swerte ko at nakilala ko silang dalawa.

Ilang sandali kong pinaunlakan lahat ng mga katanungan ng mga ginang bago kami niyaya ni Brix na pumasok na.

Katulad noong nasa The Gardens kami, lahat ng atensyon ay natuon sa magkapatid habang kami ay naglalakad.

Ngunit hindi katulad noon, hindi na ako nahihiyang maglakad katabi nila. Hindi na ako naiintimidate sa mga tingin ng pandidiri.

Isang malaking boost sa confidence ko yung mayroong naka-appreciate ng aking talent.

“Hey, ayos ka lang? Naiilang ka ba?” nag-aalala ang tono ni Hunter.

Nasa kaliwa ko sya habang si Brix naman ay nasa kanan ko. Nasa likod ko parin ang kamay ni Hunter pero di na nakaakbay si Brix sakin.

“Mn, ayos lang ako Hunter. Ayos.” nakangiti kong tugon.

Nag-umpisa na ang party. Naiwan kami ni Hunter sa aming table dahil nag-entertain pa ng staff at bisita si Brix.

Isa sa part ng program ang pagpapakilala at pagbigay puri sa mga bigwigs ng kumpanya, at nangunguna nga doon ang daddy nila.

Napansin ko ang pagtiim-bagang ni Hunter nang makita nya ang daddy nya. Ano kaya ang nararamdaman nya ngayon?

“Boss, andito lang ako.” bulong ko sa kanya at pinisil ang braso nya.

Nagpasalamat si Hunter sa akin at binigyan nya ako ng ngiti.

Hindi ko man masuklian lahat ng nagawa nya para sa akin, sisiguraduhin ko naman na magiging sandalan nya ako kapag kinakailangan.

Dumating ang oras ng kain at dahil buffet style ay pumila kami. Marami ang napatingin sa akin pero wala na akong pakialam.

All throughout the party, nakikita ko si Brix na naglilibot-libot at sinisiguradong maayos ang lahat.

“Look who we have here. What was your name again?” nabigla ako sa boses na iyon.

“A-ah, good evening po sir. U-um, G-Gustavo po.” bigla akong napatayo.

“Ahh...yes, yes, Gus. Who is this stunning young man with you? It seems nag-invite ka ng ibang tao of your own accord…?” sinulyapan nya si Hunter.

“Dad, just shut up.” inis na tugon ni Hunter.

“Wha—dad? Hunter...?” nanlaki ang mata ni Mr. Pineda.

“Yeah, guess what? Your shitty son is here.”

“That potty mou—can you please give us some privacy?” binaling sa akin ni Mr. Pineda ang kanyang tingin.

“No, wherever I go, Gus goes. And I say he stays.” pagmamatigas ni Hunter.

“E-errmm, Hunter. Kailangan nyong mag-usap muna ng daddy mo, please? Sana maayos kung ano ang meron kayo.”

“What the fuck are you saying? Hindi Gus, dito ka lang sa ta—“

“Please? Maswerte ka kasi may daddy ka, nabigyan ka ng tsansang makausap ulit sya. Samantalang ako wala na si papa...”

Ayoko mang daanin sa pangongonsensya pero gusto kong magkaayos si Hunter at ang daddy nya. Kahit pa nga wala akong alam...

“Ok, sabi mo eh...*sigh*” sabi ni Hunter matapos ang mahabang pananahimik.

Nagbow ako kay Mr. Pineda at hindi ko inaasahang tatanguan nya din ako. Naglibot-libot na lang muna ako sa paligid.

Dahil nga ayaw ko sa matataong lugar, nagpasya na lamang akong pumunta sa isang sulok ng garden.

Naupo ako sa isang bench at ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin. Masarap pagmasdan ang mga taong nagsasayawan.

“Hey, dito lang pala kita makikita.”

Napatalon ako sa gulat nang may magsalita.

“Ah Brix! Ikaw pala, ginulat mo naman ako...” natatawa kong tugon.

“Are you enjoying the party? Nabusog ka ba?” umupo si Brix katabi ko.

“Mn, oo naman! Busog na busog nga ako eh, parang sasabog na yung tyan ko.”

“That’s good to hear! Teka, nasaan nga pala si Mav?” usisa nya.

“Ahh, about that...nagkita na sila ng daddy mo. Iniwan ko nga si Hunter dun kasi gusto kong mag-usap sila. Alam mo ba, ang swerte ninyo kasi may daddy pa kayo.

“Yung papa ko kasi, namatay na. Kaya sana kung may pagtatalo man kayo or may differences, ayusin ninyo. Kasi iisa lang yung tatay natin eh.” payo ko naman.

“Err, well...thanks for the advice, but—“

“Ah! Sorry, sorry! Nagvoice out na naman ako ng opinyon ko at hindi man lang inalam yung sitwasyon ninyo...”

“It’s ok, Gus. You’re such a good guy, and you’re a very positive person.” ngumiti si Brix sa akin.

“Maraming salamat, Brix.”

“Ah, I was actually looking for you para mapasalamatan ka. You did wonders to the place. Masaya lahat ng nakakita sa mga gawa mo.

“And also, thanks for being a great friend. You are one of a kind, Gus. Thank you...”

Walang anu-ano’y lumapit si Brix sa akin at hinalikan ang pisngi ko.

“Sir Brix! Siiirrrr! Nasaan kaaa??” sigaw ng isang boses sa malayo.

“Oops, that’s my cue to go.”

Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Brix. Kahit anong gawin ko, di ko maitago ang pagliyab ng aking pisngi.

“One more thing...please don’t tell Mav about this kiss. Sekreto nating dalawa ito. Have a great time.” bulong nya bago umalis.

Matagal akong nanatili sa lugar na iyon. Pakiramdam ko’y aatakihin ako sa puso sa sobrang bilis ng tibok nito.

Si Brix yun, kaibigan ko yun…pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Hindi ko na alam pa kung papano ako nakabalik sa venue. Pumipintig-pintig ang kaliwang pisngi ko na hinalikan ni Brix.

Bakit nya gagawin yun? Normal lang ba sa mga foreigner ang humalik sa pisngi?

“Oy, ikaw! Tulungan mo nga kaming maglinis dito!” sita ng isang lalaki sa akin.

“A-ah, kuya. Di po ak—“

“Bilisan mo na jan at maraming kalat!”

Wala na rin akong nagawa kundi tumulong sa pagpupulot ng mga basura. Mabuti na rin ito para madivert ang atensyon ko.

Kung hindi kasi ay siguradong maaalala ko na naman ang nangyari sa amin ni Brix kanina at baka himatayin ako sa kaka-isip.

Maraming kalat doon malapit sa may nagsasayaw kaya ipinasya kong linisin ang mga iyon, baka kasi may madulas.

“Hoy, bakit ka naglilinis jan?” sita ni Hunter.

“Ah, ehh...boss, tumutulong lang. Ang kalat naman kasi.” rason ko na lamang.

“Don’t tell me, napagkamalan ka na naman? Fuck, sino ba manager ng hotel at kakausapin ko para maparusahan!”

“B-boss, ok lang naman ako eh. Wag mo na—“

“Aaahhh!” sigaw ng isang babae.

Nagulat na lang ako nang may malakas na bagay na tumama sa aking likuran. Na out-balance ako at natumba.

May lasing palang nagsasayawan. Natisod sila at nahagip nila ako habang naglilinis ako. Natigil ang musika at natuon sa amin ang atensyon ng lahat.

“A-ay, s-sorry!” paumanhin ng nakabangga sa akin.

“O-ow...” dahan-dahan akong bumangon.

Nasindak ako nang mapagtanto ang isang bagay: pati si Hunter ay nahagip kaya nakapatong ako sa kanya.

Nagkabanggaan kami ng ulo. Ngunit higit pa doon ang aking ipinangamba.

“Ay, anong nangyari?”

“May nagkabanggaan ata...”

“May lasing siguro...”

Lumakas ng lumakas ang ugong ng mga nakiki-usyoso. Napako naman ang mata ko sa dumudugong labi ni Hunter.

Hindi kaya...?

“Fuck, manghahalik ka lang, ngipin pa ginamit mo?” pagmumura ni Hunter.

Natahimik ang buong paligid; dinig na dinig ng lahat ang tinuran ni Hunter. Halos pumutok ang butsi ko sa sobrang inis.

Porke ba natumba sya sa harap ng maraming tao eh magmumura na lang sya?!

“H-Hindi kita hinalikan!” inis kong bulyaw.

“Halik?”

“Naghalikan daw? Eww!”

“Lalaki sa lalaki?”

“Tch, whatever. San ba yung medic dito? Puta ang sakit.” at umalis na lamang si Hunter.

Nang makaalis na si Hunter ay doon ko lang napagtanto na napapalibutan na pala ako ng mga tao.

Sa sobrang hiya ay umalis na lamang ako at naghanap ng sulok kung saan ako magtatago. Wala na yata akong mukhang ihaharap sa mga tao.

Well, not that I have one to begin with.

Napansin ko ang isang malaking puno na nakatapat sa seaside. Sinara na ang bay walk entrance kaya wala nang tao dun.

Ngunit laking gulat ko nang makitang nakaupo pala doon si Hunter. Akala ko ba naghanap ng medic ‘to?

Aalis na sana ako ngunit napansin nya ang presensya ko.

“San ka pupunta? Baliw...”

“Ikaw talaga, ang bastos talaga nyang bunganga mo!” inis kong tugon.

“Kung gusto mong umupo, umupo ka.” sita nya.

“Hmph, aawayin mo na naman ako eh.”

“Gus, please? Just want someone to talk to...” malungkot ang boses ni Hunter.

May kinalaman ba sa napag-usapan nila ng daddy nya ang pagka-iritable kanina ni Hunter? Dali-dali akong naupo katabi nya.

Nagkwento si Hunter. Hindi nya daw inaasahan na yayakapin sya ng daddy nya, kahit pa nga sa gitna ng maraming tao.

Hindi daw nya alam kung pakitang-tao lang ng daddy nya yun, pero ang init at ang sarap daw pala ng yakap ng isang ama.

Nag-offer ang daddy nya na lumipat sya dun sa bahay nila, pero nagdalawang-isip si Hunter. Siguro dahil na rin sa mommy nya.

“Teka nga, bakit parang nababagabag ka kanina nung naglilinis ka ha?” usisa nya bigla.

“Huh? W-wala ah!”

“Aha! You’re hiding something. Ang bilis mong magdeny eh.” pinisil ni Hunter ang ilong ko.

“May nangyari ba sa inyo ni kuya?”

Natigilan ako. Papano nalaman ni Hunter?

“You came in from the same direction pero ikaw ang sinundan ko. Tapos naabutan kitang naglilinis. So c’mon, anyare?”

“W-wala nga sabi eh. S-saka kung meron man, sa amin na yun!” depensa ko kaagad.

“Bakit parang ang defensive mo? So may nangyari nga talaga?”

“Wala nga sabi, ang kulit!”

“Heh? Maiba ako, iba din pala trip mo ano? Nanghahalik in public?” sabay halakhak.

“Hoy excuse me! Hindi ko yun sinadya at hindi kita hinalikan!”

“Oh really?” taas-kilay nyang tanong.

Nagkaroon na naman kami ni Hunter ng battle of the stares. Syempre, hindi ako magpapatalo!

Ngunit walang anu-ano’y bigla nya akong kinwelyuhan at saka hinila. Naglapat ang aming mga labi.

Sa sobrang gulat ay naitulak ko sya palayo. Isa na naman ba ‘to sa mga prank nya?

“Hunter, ano ba?! Nagbi—mmffhh!”

Hinila nya ako ulit at nagdikit na naman ang aming mga labi. Nagpumiglas ako, pero mas malakas si Hunter.

Badump...badump...badump!

Nasamyo ko ang amoy ni Hunter at nanghina ako. Ayun na naman ang mabagal ngunit malakas na pagtibok ng aking puso.

Nag-umpisang gumalaw ang labi ni Hunter at talaga namang nanghinga ako. Napakapit ako sa braso nya.

Ang lambot ng labi ni Hunter...ang bango ng hininga nya.

Napapikit ako ng mariin. Banayad ang kanyang paghalik ngunit paminsan-minsan ay kinakagat nya ang lower lip ko.

“Ngghhh...”

Hindi ko alam kung kanino nagmula ang mahinang ungol na iyon.

Wala akong marinig, wala akong makita...tanging si Hunter lang at ang kakaibang sensasyon na ito ang naiisip ko.

Hindi ko maintindihan an aking sarili. Unang beses kong mahalikan, ngunit bakit hindi ko sya maitulak?

Umakyat ang kamay ni Hunter at hinawakan nya ako sa batok. Iginiya nya ako palapit at mas nilaliman pa nya ang halik.

Nabigla ako nang ipasok ni Hunter ang kanyang dila sa aking bibig. Tinipon ko ang aking lakas at itinulak sya palayo.

“Haa!” hingal na hingal ako at malakas ang kabog ng aking puso.

“Sabi mo hindi kiss, o ayan...kiss na ba yan?”

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Hunter. Palagay ko’y nakalutang pa ang kaluluwa ko.

“B-bakit mo ginawa yun?”

“Parang kiss lang eh. Hay, bini-bigdeal naman agad. Pasok na ako ng kwarto, inaantok na ako eh. G’night...” at agad tumalikod si Hunter.

Napahawak ako sa aking labi, pakiramdam ko’y namamaga iyon. Sige parin ang malakas na kabog ng aking puso.

Ano itong nangyayari sa akin? Bakit pumayag akong halikan ni Hunter?

First kiss ko yun!

Ngunit bakit hindi ako nagagalit? Bakit parang nag-aapoy ang labi kong hinalikan nya? Bakit...?

Hunter

Naglakad ako papasok sa hotel, all the while nakayuko.

Shit, I kissed him. I kissed him!

Wala akong ibang maisip kundi ang malambot nyang labi, kung papano nya ipinaubaya ang sarili sa akin.

And the coward that I am, bigla na lang akong umalis na parang walang nangyari.

Ano itong kirot na naramdaman ko nang itinulak nya ako palayo?

Bakit? Bakit di pa ako naglakas-loob na magtapat sa kanya? I’m mixing the order here.

Ipinangako ko sa sarili ko na magtatapat muna ako bago sya halikan, pero ano ang ginawa ko?

Ano kaya ang iniisip ni Gus? Baka kinamuhian na nya ako...?

Wag naman sana...

But dang, those lips!

Ang tamis ng labi ni Gus, I want more. Mabuti at napigilan ko ang sarili ko bago ko pa nalapa ang labi nya.

I want more...I need more...

Ang gulo-gulo na ng isipan ko, pero iisa lang ang sinasabi ng puso ko.

God, I love him… so fucking much that it hurts.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Meet My Middle Finger (Part 11B)
Meet My Middle Finger (Part 11B)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjCbt29jhTOtCVwVehyphenhyphen3I3OD4QHZ6e7NH6_IYsoEtVeuSPRrO46DBGAvSCBjBuEKeKz5guuj3x8G5I-WAyHgzcqocKhPCxqzpK1l3ejL4ib7yUEP65Niu2T-bjYmfxyFv3sY1K65-3enzC2/s1600/Meet+My+Middle+Finger.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjCbt29jhTOtCVwVehyphenhyphen3I3OD4QHZ6e7NH6_IYsoEtVeuSPRrO46DBGAvSCBjBuEKeKz5guuj3x8G5I-WAyHgzcqocKhPCxqzpK1l3ejL4ib7yUEP65Niu2T-bjYmfxyFv3sY1K65-3enzC2/s72-c/Meet+My+Middle+Finger.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/02/meet-my-middle-finger-part-11b.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/02/meet-my-middle-finger-part-11b.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content