By: Ryan Bago christmas break nun ay nagkaroon ng fare lahat yung department of Fine Arts. May mga exhibit sa lobby at dun naman sa liko...
By: Ryan
Bago christmas break nun ay nagkaroon ng fare lahat yung department of Fine Arts. May mga exhibit sa lobby at dun naman sa likod ng school nagkaroon ng mural. Madaming tao kung saan yung mural painting. Niyaya ako ng girlfriend ko, at siyempre tumanggi muna ako dahil alam kong nandun si Caloy. Napapayag din ako pero sabi ko sandali lang. At nakita ko nga siyang nagpapainting dun sa isang pader mag-isa. Malaman yung painting niya, na naging paborito din ng mga taong nanunuod. Patapos na siyang magpaint nun. Bigla akong nanginig at pinagpawisan habang tinitingnan yung nakapaint sa pader. Napansin kong may dalawang imahe ng tao, yung isa hawak yung puso na parang dinukot mula sa dun sa isang tao na nakabitin sa bangin, na tanging nagdudugtong lang ay yung manipis na ugat mula sa katawan niya konektado sa pusong dinukot. Pansin mong sobrang nipis na ng ugat, na siguro mapuputol nadin, at nahuhukog na yung taong nakabitin.
Agad din kaming umalis at lumabas ng school, hinatid ko girlfiend ko sa dorm nila at ako naman dumiretso ng National Bookstore. Di ko inaasahang makita si Isabel at may nakaakbay sa kanyang lalaki. Kung ganun ay hiwalay na sila ni Caloy, at naintindihan ko yung ibig sabihin ng painting niya. Naawa ako kay Caloy. Hindi ako nagdalawang isip na lumapit at kausapin si Isabel. Alam ko wala akonsa lugar pero ginawa ko parin yun. Nagulat siya sa sa ginawa ko at pansin ko ang kaba sa mga mata niya. Napansin kong nagtitingan sila ng kasama niya sa mata na parang di alam ang gagawin. Naisip kpng baka niloko niya si Caloy na siya namang nagpaini+ ng dugo ko. Ngunit agad na umalis silang dalawa at may sinabi lang sa akin si Isabel. "Wag na wag ka nang lalapit kay Carl please", tapos umalis na sila. Naguluhan ako at di ko naintindihan yung ibig niyang sabihin.
***
Nakatanggap ako ng text habang naglalaro ng DOTA sa kwarto ko. Nagyaya na naman si Alexa para sa isang reunion, sa bahay ulit nila. Nagpaalam na din siya na swimming daw kami sa pool nila. Tinanong ko siya kung madami ba kami. Sabi niya konti lang nagconfirm.
Ako: cno2 ba kasama
Alexa: Ikaw, roger, kevin, yung kambal....etc. (8 kami)
Ako: ah ok
Alexa: Si Carl din pala sasama
Di ako nakareply sa kanya nun at biglang kinabahan sa nabasa ko. Pupunta si Carl. Pupunta ba ako? Pano kami mag uusap. Sigurado akong ako lang mahihirapan mamaya. Pero nagreply ako at sinabing pupunta.
Ako: kelan
Alexa: Wed. 8pm. Walang time limit. Ako na bahala sa drinks.
Ako: ok
***
Late akong nakarating at nadatnan ko lahat nasa pool na naglalaro at nagswimming. Hinanap ko si Caloy pero di ko naman pinahalata. Nakita ko siyang nakikipagkwentuhan kina Kevin. Naka shorts at tshirt lang si Caloy habang lahat kami naka swimming attire. Mga babae naka swimsuit siyempre. Di sanay si Caloy sa mga ganto kaya naman nagets ko kung bakut yun sinuot niya. Nakaupo siya sa gilid ng pool habang nakababad mga paa niya sa tubig.
Wala kaming imikan at di naman nahalata ng mga kasama namin na may iba. May taman nadin kasi kasaman namin sa alak. Talon daw kami sabay2, at si caloy ang tanging tumanggi. Di pala siya marunong lumangoy. 6 feet kasi lalim ng pool nila Alexa. Kaya di siya nagswimming at nakapupo lang dun sa gilid. Kami naman lahat ay pinilit siyang sumali ngunit ayaw.
Alexa: Cmon Carl. Talon na tayo. Sabay2 tau lahat
Carl: Ah di ako marunong lumangoy e
Kevin: Naman oh tara na.
Tumalon kami, nagpavideo sa ginawa namin kay Caloy. Nilagay ni Caloy yung camera sa mesa ay bumalim sa pwestong kinaupuan niya. Pumunta sila sa veranda para kumain at mag inuman, habang apat lang kami naiwan sa may pool area. Biglang may narinig akong bagsak sa pool at talsik ng tubig, na parang may nahulog mula sa taas. Nakita kong tumawa yung kamabal mula sa gilid ng pool. Habang yung nasa pool, yung bumagsak ay nahihirapan umagpas. "tulong!", yun lang narinig ko. Parang namanhid ako nang makita kong si Caloy oala yung nalulunod. Yung kambal naman ay nagulat din sa nakita nilang di pala talaga marunong lumangoy si Caloy. Dali dali ko siyang pinuntahan at tinulungan. Hinatak ko siya papunta ng hagdanan, ubo ng ubo, hingal na hingal, at pinupunasan mukha niya. Yun yung estado niya. Nag sorry naman yung kambal, at yung nasa veranda ay pumunta din sa amin. Nauwi naman sa tawanan lahat.
Ako: Pano mo ba nagawang tumawa e halos mamatay kana!
C: Ayos lang yun ano ka ba (sumagot siya pero di tumingin sa akin)
Ako: Tangina baliw ka na ata
Bigla akong tumayo, kinuha tuwalya ko at pumasok ng bahay. Dumiretso ako ng kusina para kumuha ng beer. Naubos na kasi nila yung nasa veranda. Sila naman ay nabigla sa ginawa ko ngunit nagtawanan ulit maya maya. Hindi ko na maintindihan sarili ko. Labis na kaba ang naramdaman ko nung makita ko siyang nalulunod, ngunit labis na galit din ang naramdaman ko nang sagutin niya ako ng ganun. Bakit di pa niyang amining naasar siya sa pagtulak sa kanya. Bakit di pa niyang aminin na nahihirapan na siya kanina. Kung wala ako baka nalunod na siya... Sabi ko sa sarili ko habang iniinom ko yung isang bote ng sanmig. Nanatili ako sa kusina nang halos isang oras. Naririnig ko silang lahat na nagkakasiyahan na. Halatang mga may tama na sa alak. Lumabas ako at nabigla nang makita ko naghahalikan si Caloy at si Alexa dun sa may gilid ng pool. Hindi ako nakapagsalita. Nasemento ako sa kinatatayuan ko. Walang pake ang mga tao sa labas, tanging ako lang ata ang nakapansin at naapektuhan sa nakita ko. Bumalik ako sa loob at pumunta sa CR. napasandal ako sa pader at napaupo sa sahig. Tae ano ba yun. Tae din dahil nasaktan ako sa nakita ko. Taena. Pinikit ko mga mata ko at himinga ng malalim para nadin matanggal hilo at kaba ko. Dala siguro to ng sobrang alak na nainom ko.
Nakatulog ako sa loob, ngunit nagising nalang ako dahil sa isang malakas na katok mula sa labas. Binuksan ko yun at sinalubong ni Caloy. Dumiretso siya sa toilet bowl at nagsuka. Sumilip ako sa labas at tahimik na. Nakita konsa may bibtana na bagsak na kahat. Nasa sahig natutulog. Yung iba nasa sofa. Bumalik ako sa loob ng CR ngunit naisip kong maghibtay nalang sa labas. Narinig kong nagflush siya at lumabas na siya. Di niya ata ako napansin, sumunod ako. Umupo soya sa sulok ng hallway at tumawag.
"Papa--pwed--pwede ba sun--duin nyo ko", pautal niyang sabi. At apnsin ko din na sobrang hilo na siya. Lunaoit ako at inagaw phone niya. Sabi ko kay Tito na ako nalang maghahatid kay Caloy tutal pauwi na din ako. Nagpasalamat si Tito at binaba ko na.
Ako: tayo na uwi na tayo
C: ayaw
A: sige na. (hinila ko siya)
C: ayoko nga
A: tara na (tumakbo ako sa veranda, kinuha gamit namin at nagsuot ng tshirt. Natuyo nadin shorts ko). Lumuhod ako patalikod at pinaangkas ko siya sa likod ko. Dun ko na sinabi kay alexa na mauuna na kami. Tumango lang siya habang nakahiga sa sofa nila. Lasing na lasing na eh.
Habang nasa sasakyan, tukog si Caloy. Ako naman ay pilit na kinukombinse sarili ko na yung halikan nila eh dala lang ng kalasingan. Somehow masaya ako. Nakangiti ako habang nagmamaneho dahil kasama ko siya. Namiss ko siya sa tutuo lang. Nang sobra sobra. Hinayaan ko lang siyang tulog. Nang makarating kami ng bahay nila, binuksan ni Tito yung gate at nagvolunteer na akong kargahin si Cakoy papasok ng kwarto niya. Nagpasalamat si Tito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Nakakailang ulit nadaw si Caloy umuuwi ng lasing. Dun ko nalaman na problemado pala siya. Di ko alam ang dahilan. Naawa ako sa kanya. Sa nalaman kong wala siyang ibang kausap at kasama para damayan siya. Kung ano man dinadala niyang mabigat, gusto kong tulungan siyang pasanin iyon. Ngunit naalala ko yung sinabi sa akin ni Isabel. Wag daw akong lumapit kay Caloy...
Umuwi na ako at natulog. Dahil nadin sa pagod kaya bumagsak ako diretso sa kama.
***
January at back to school na. Di kami nahtagal ng gilrfriend ko. 7 months lang din yun. Naging busy ako sa plates ko at maging siya din. Nakita ko sa canteen si Isabel ngunit di ko inaasahang magkasama sila ni Caloy. Akala ko ba hiawalay na sila. Napansin ako ni Isabel at biglang bunulong kay Caloy. Tunayo na sila at dali daling umalis. Ako naman ay sinundan sila. Pumunta sila sa school grounds, hinabol ko ngunit di ko naabutan.
***
Days later, nakasalubong ko si Isabel mag-isa. Dineretso ko na siya. Nung una ay ayaw talaga niya ngunit nag makaawa na ako. Ayoko na nang ganto. Sainagot niya ako at di ako nakapagsalita.
Isabel: Hindi naging kami ni Carl. Kaibigan ko siya at mahal ko siya na parang kapatid na. We tried to act like a couple dahil gusto niyang makalimutan yung mahal niya mula pa noon. Gusto ko siyang tulungan. At nung bumalik yung taong yun sa buhay niya, akala niya tapos na. Pero si niya kayang pigilan eh. Kilala mo naman yung taon yun diba. Pakisabe nalang na wag na niyang pahirapan kaibigan ko...
Natameme ako ng ilang minuto, nasemento sa aking pagkakatayo. Di ako nakapagisip na maayos at naguluhan laman sa sinabi ni Isabel. Pano ko nga ba iisipin ang isang bagay na kahit sino ay di maiintindihan kung bakit. Caloy. Baki+ mo nagawa yun. "Fuck", sabi ko sa sarili ko habang naglalakad ng mabilis palabas ng school. Unang naisip kong gawin ay hanapin si Caloy. Banadang alas 5 na nun, pumunta ako sa building nila, sa gallery, cafeteria. Wala siya. Di ko macontact naman dahil blocked na ako. Kaya dumiretso ako sa labas at sumakay ng bus. Naisip ko baka nasa bahay na siya. Tama, puntahan ko siya. Habang nakatingin ako sa bintana sa ginta ng traffic, wala akong ibang inisip kondi si Caloy. Si caloy lang. Taena. Iba na talaga naramdaman ko. Di ko inaasahang sasabihin ko to sa sarili ko. Inlove na ata ako sa kanya...
Dahil sa traffic, mag aalasiete na ako nang dumating. Wala pa siya sa bahay nila. Baka daw gabihin pa si Caloy sabi ng papa niya. Naghintay ako. Dun ako sa roofdeck namin, nagaabang mula itaas at naghihintay, nakatingin sa baba at baka sakaling maabutan ko siya. Ilangvoras ang lumipas at di parin ako umalis. Kailangan kong hintayin si Caloy.
11pm, nakita ko siya. Agad akong tumakbo papalabas pero siyempre nag ingat parin ako para di magising sila mama. "Caloy", excited akong tinawag siya habang binubuksan gate. Napahinto naman siya at akmang bubuksan na gate nila.
"Uh. Ryan?"
Ako: Caloy. A e. Usap tau please.
C: a e tungkol san?
Ako: basta. Please.
C: ah madami kasi akong gagawin e pwede next time na
Ako: please---
C: cge tungkol san ba
Ako: halika
C: teka pasok ko muna bag ko
Hindi ko siya pinasagot. Kinuha ko bag niya at binitbig ko. Hinila ko siya at dun kami sa plaground ng village namin, dun sa may slide, sa ilalim ng malaking puno ng Acacia kung san sira yung ilaw, dun kami. Walang tao na din.
C: tungkol san ba to Ryan
A: sorry talaga Caloy
C: ha?
A: sorry. Ang sama kong tao. Matagal kanang nahihirapan dahil sa akin. Caloy kung alam mo lang--kung alam mo lang miss na miss na kita---alam mo bang minahal na kita matagal na---( hindi ko na mapigilan at niyakap ko na siya). Caloy mahal kita. Wag kanang mawawala ulit please lang di ko kaya.
C: Yan--- prank ba to? (nauutal na siya)
A: Prank mo mukha mo. Sa tingin mo lolokohin pa kita. Matapos mo akong iwan sa ere ng ilang taon? Caloy mahal kita at di ako mapapagod sabihin na mahal kita.
Naramdaman kong yumakap nadin si Caloy. Narinig kong sinabi niyang... SANA DI TO PANAGINIP DAHIL MAHAL NA MAHAL DIN KITA NOON PA.
hinigpitan ko yakap sa kanya. Sabi ko naman na hindi yun panaginip, ngunit katutuhanan na mahal ko siya. Masaya ako sa ginawa ko. Natakot ako nung una. Di ko alam kung anong mararandaman kong umamin na inlove ako sa isang lalaki. At sa kaibigan ko pa. Pero mahal ko siya. Pasensya na at paulit ulit ko yun sinasabi. Mahal ko lang siya.
Fast forward. Naging kami ni Caloy in secret nga lang. Pero masaya na kami sa ganun. We also discovered how to kiss. Medyo matagal tagal din ang hinintay namin para din magawa yung lovemaking. Wala kasi kaming experience sa same sex, ngunit si caloy sabi naman niyang natry na niyang manuod nun sa porn. Hehe. At first weird, pero mahal ko siya kaya na aplreciate ko yun ng sobra.
Malapit na kaming grumaduate. Ako in my 5th year, siya naman ay 4th year na. Kahit irregular siya, kinakaya niya sched niya. Siya pa, eh soya pinakamagaling na taong na kilala ko.
Sana po nasiyahan kayo sa kwento namin ni Caloy. Alam kong medyo OA kwento namin ngunit masaya ako dahil naranasan kong magmahal, kahit sa isang di typical na paraan. Salamat!
COMMENTS