$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Manhid (Part 1)

By: John 2013. 2 weeks na since classes started. Still a regular student (regular nadin eyebags and pimples ko. My roommate since first ...

Manhid

By: John

2013. 2 weeks na since classes started. Still a regular student (regular nadin eyebags and pimples ko. My roommate since first year kasi ay lilipat na ng school, so bale I asked our landlady if I could ask for an extension looking for a new roommate. Masyado kasing mahal ang rent if ako lang mag-isa. Good timing, a tenant sa fourth floor is looking a for a new roommate na din dahil naggraduate na roommate niya. The landlady gave me a duplicate key at lumipat na ako sa taas. Hassle lang kasi nasa 2nd floor dati kong kwarto. So ayun paunti-unti paghahakot ko ng gamit. Tagaktak ang pawis ko dahil mag isa lang ako. Inabot ako ng halos dalawang oras para ilipat lahat ng gamit. Books, clothes, boxes of files, foam, bags, drawing table and drawing equipment ko. The room was pleasant, mas malawak ngunit same lang price. May mini balcony din kaya naman solve na ako. I fixed everything, showered and left for dinner. Double deck bed kasi, kaya automatic na ako yung nasa taas since ako yung bagong lipat which is ayoko at first. Pero ok na rin.

Sa malapit na jollibee lang ako kumain at bumalik na din. I walked in the room kaso bukas na. Andito na pala roommate ko. Nakauniform pa siya.

"uy, kaw ba bagong kasama ko?", tanong niya while unbuttoning his polo.

"yup. John (not my real name)",

Sabay abot ng kamay ko for a handshake.

"Daniel pala pre"

We shook hands

"arki? What year?" tanong nya

"uh. Oo. 3rd year na. Kaw?", napansin siguro niya sa ga gamit ko.

"CE. 4rth yr. Hehe. Kalaban pala kita" pabiro niyang sagot

"haha". Sagot ko.

Hindi niya tunay na pangalan. Syempre. It started fine. We turned out as friends, but not automatically close. Yung simpleng bati lang pag nagkikita sa school. Singpleng "Uy!", or "May kalse pa?", ganun lang. He also told me not to call him kuya. Ganun kasi ako e. Ma-ate, ma-kuya. Mabait naman siya. Minsan nagpapatulong ako sa Math. Madami kasi kaming minor math subjects na walang kwenta. Siya naman game kung tumulong.

Ganun di naman ako sa kanya pag mekailangan. Tunong tulong. Minsan bonding. Sabay kumain lalo na kung weekdays. Pero bihira lang kami magkasama ng matagalan, bihira lang yung gala pangmagdamagan. Siguro na din magkaiba ng course, sched, friends and hobbies. He's the type na palakaibigan. Malakwatsa minsan. Matalino pero minsan talaga may topak. Your typical college-lodi-petmalu. Matangkad. Medyo maputi. Makinis din. Tangos ilong. Tisoy. Ayokong idescribe lahat sa kanya. Sa pagkaintrovert ko baka idescribe ko pa measurements niya, philosophies, genetics, family history... Haha. Baka mamaya siguro. Balik tayo. Mahilig siya sa outdoor activities at sports. Minsan napagkwentuhan namin ang hilig niyang umakyat ng bundok at maligo sa dagat. Kaya napansin ko yung mga peklat niya binti o sa braso. Kakaakyat daw niya yun ng bundok. Ako naman walang mashare na may sense. Ano nga ba ako? I'm your typical loner. Eyeglasses, walang suklay ang buhok, walang toothbrush (haha joke). Last sem, half day sched ko every friday. I'm your usual next-time-na kapag may yayaan gumala, nightout or malling. May mga kaibigan naman ako. Konti lang. Minsan tambay ako sa dorm ng kaklase ko, lalo na kapag group study. Most of the time I spend my time reading or watching movies. May malapit na coffeehouse sa apartment namin kaya dun ako nakatambay kapag free ako. Dala ko laptop ko. Wifi, movies... Hilig ko pa naman mga black and white films. Haha. LOLO nga kung tawagin. Yun buhay ko nung college. Medyo iba siya nung highschool ako. Ganito na ako pero mas naging introvert ako starting college. Ganun talaga siguro kapag probinsyano. Probinsyanong from far far away. Haha. People judge me as maarte dahil english ako ng english minsan. Di talaga ako fluent sa tagalog. Alangan namang mag bisaya ako. Sa phone kausap ko pamilya ko in bisaya. Minsan yung mga batchmates ko sa highschool nagkikita kami dito sa Manila. We speak bisaya-english. So ayun, di na nasanay kahit 3 years na sa Manila. Pero ngayon, I can say sisiw na ang tagalog. In writing Tagalog, medyo nahasa nadin ako ng konti. Tsaka nagtatagalog din naman kami sa DVO, conyo nga lang.

Mid-sem, medyo naging busy na ang lahat. Pagkauwi ko ng apartment, usually tulog na siya. Ganun din siya. Minsan nadadatnan niyang tulog. One time, maaga klase ko. Bitbit ko lahat ng files at plates ko sa school nang napansin kong may text si Daniel mga 30 minutes na nakalipas.

"Naiwan mo scale" sabi niya

"Patay. Haha. Balikan ko nalang."

"Wag na. Hatid ko nalang. Saan ba room nyo"...

Hinatid nga niya. Kinatuwa ko naman kaso medyo nahiya ako. Di pa naman kami masyadong close e. Pero oks na din kasi di na ako mapapagod bumalik. Walking distance lang naman school at apartment kaso hirap din tumawid.

sumilip sya sa bintana sabay sitsit.

"Uy. Salamat bro. Haha. Na hassle kapa"

"haha may bayad yan."

"haha how much ba"

"di joke lang. sige ah."

Umalis na siya para pumunta sa klase niya. Hassle talaga kasi medyo malayo builing nila e. So ayun kinalabit ako ni Ericka.

"Uy sino yun kapatid mo?"

" Ah just a friend. Bago kong roommate"

"Gwapo ah. Wait. I think sila yung nakikita ko palagi sa DKSI. (teahouse)"

"Uh eh... Ewan. We're not yet that close. Haha. Type mo?"

"Haha. Baliw! Medyo."

Si Ericka ay isa sa mga ka close ko. Bale apat kami niyang nagkakaintindihan sa block namin. Si Ericka yung maganda na medyo... Medyo lang naman eh maharot din. Madaming ka fling. Ganun. Yung dalawang guy naman eh kakosa ko sa Design Subjects.

Umuwi na ako ng apartment. I decided to read my newly borrowed book from my friend. To Kill A Mocking Bird. Luma na siya pero di ko pa nababasa. So ayun. Inabot ako ng 9pm at narealize na di pa pala ako kumakain. Biglang bumukas ang pintuan.

"ambait ng bata ah", si Daniel sabay lagay ng sapatos niya sa shoe rack.

" Ah di naman masyado", napakamot ako sa ulo.

" Classmate mo nga pala. Erick ba yun. Ang weird e lumapit bigla sa kin dun sa DKSI. Haha. Classmate mo daw sabi nya."

" Haha. Iba talaga siya. Kanina kasi sabi niya type ka nun."

" maganda naman sya. Ayus na yun", sabay tawa nya.

" hahaha. Sige kaw na bahala dun", sagot ko.

"Nagdinner ka na?", tanong nya.

"nope."

"Sabay na tayo", yaya nya.

We went ouside. Jollibee or 7/11? Di kami makapagdecide. Haha. Sawa na ako kasi sa karenderia. Araw2 nalang. Sabi niya pizza nalang daw kami. Pumasok kami sa malapit na Domino's kaso walang bakante table. Himala nga eh usually naman walang tao. We decided to walk along espanya. Basta may madaanan lang na trip naming kainan ok na. Ayun kwentuhan. Natawa sya sakin dahil first time ko daw maging sobrang daldal. Nakilala din niya ako. Madaldal ako kapag comportable ako sa tao. Im very opinionated and rational sa mga bagay bagay. Sabi niya ang weird ko daw pero magandang bagay daw yun. Sabi nga nila, para akong isang barya. May opossite sides. Matured and Childish. Depende kung anong side yung nakaface sa yo. Ahaha. Nalaman ko din sa mga kwento nya yung ibang personal details sa buhay nya. Varsity siya nung highschool. Naka apat na gf.( edi sya na). Doctor mama nya, engineer dad nya pero hiwalay. Only child din. Kaya naman pala spoiled eh. Sa kwarto branded mga gamit eh. From sapatos to clothes. Gadgets. Ganun. Nanlumo nga bag kong Jansports na kupas na sa Herschel nya. Eh ganun talaga. Na kwento din niya na kinuha nya number ni ericka habang nag aktang nag cr. Si erica naman game din. Alam na this.

Nakwento ko din sa kanya na isa akong malaking weirdo (sabi ng mga kaklase ko). Isang alien sa pamilya at sa klase. Pero cose din naman kami ng pamilya ko. Maykaya naman pamilya ko. I gained a scholarship kaya naman tipid kami sa tuition. Monthly housing and allowance nalang gastos ko.

"NGSB ka no", bigla nyang tanong.

"six gf ko"

"Gago ka sinungaling", patawa niyang sagot

2 seconds tumingin lang ako sa kanya. Nabigla ako nang magmura siya. Hahaha. Nagmunura ako kaso sa isip ko lang. Di ako masyadong nagmumura talaga... Pero ngayon iba na... Hahaha.

"ah. Joke. I got 1 ex gf in Highschool.", bigla akong naging awkward. Ex naman talaga e. Diba ex nadin yun kahit kaMU lang. Well I assumed. Tsaka I consider it as my first heartbreak. Wala nga lang iyakan. Di ako palaiyak e.

"Ah ok kalang?", tanong niya

" Ahaha ok lang. Nagulat lang ako nung sinabi mong gago..."

"Luh. Sorry. Di ko naman--"

"Ahaha ok lang. Nabigla lang. My classmates are even worse. Oks na yun", sabi ko.

Natanong din niya kung bakit daw ako conyo. Explain ko naman yung reason. Ang cute daw sabi niya. Cute? Kaka-asiwa nga eh. Inabot kami ng 10.30pm at tanging jollibee lang ang nadatnan nami. So okay na yun. Walang choice. Walang bakanteng table. Take out nalang. Picture this, habang naglalakad kami sa kahabaan ng espanya, kinakain na namin pagkain namin. Siya yung burger nya. Ako naman mas hirap dahil spaghetti. Haha. Napatakbo nga kami bigla dahil yung mga batang gala e biglang nagsuntukan. Dalidaling takbo habang bitbit ko spaghetti ko. Sya naman coke nalang bitbit dahil naubos na nya burger nya. Tawanan lang yung nangyari.

"bakit kasi spaghetti pa binili mo pre hirap ka tuloy"

"haha gusto ko lang.", sabay pahid sa mukha ko. Ang dungis ko na.

"ahaha cute mo para kang bata. Teka 17 kapa diba. Accelerated?"

Di ko alam pero natuwa ako. Dahil sa pagtawag niyang cute? Or sa bata ako? Ewan.

"Di. Maaga lang nag kindergarten. Haha. Tara na nga." sabi ko.

Dun nag umpisa yung pagiging close namin ni Daniel. Usually sabay na kaming nagdidinner. Every weekend, gumagala kami o di kaya naman sinasama niya ako sa weekly run niya. Tumatakbo kasi yun. Ako naman eh sige sama lang. One time nanuod kami ng basketball sa MOA Arena. Hiyawan at sigawan. Ako naman, inaanalyze ko paligid ko. Yung structure. Yung seating capacity. Yun yung nangyari. Di ako masports na tao eh kaya di ako masyadong nagenjoy. Since libre naman niya.

"Galing nung game kanina."

"uh yeah. Oo.", pautal kong sagot

"Minsan sama kadin sa barkada ko"

"Uh. Depende.", sagot ko.

Nakilala ko din barkada niya. 7 sila magbarkada. Maingay sila. Asaran at kulitan. Mga yamanin din eh. Nakatambay sila palagi dun sa milktea house. Minsan sinasama niya ako sa mga gala niya. Nightout minsan pero tumatanggi ako. Di naman ako mahilig dun. Naging kaibigan ko din ilan sa mga kaibigan niya. Sa school kami nagbabatian at nauusap paminsanminsan kapag nagkikita. Makulit talaga si Daniel lalo na pag kasama niya mga kaibigan niya. Sobrang kulit. One time, sabi ni Ed (friend niya), naglasing daw si daniel at nagsuka sa kalsada, umiiyak dahil iniwan ng gf. Medyo natawa naman ako dun. Nagulat lang ako nung sinabi niyang yung sugat ni Daniel sa kamay eh di daw yung sa kakaakyat niya ng bundok. Sinutok daw niya yung pader sa sobrang kalasingan at galit. Ako naman e walang masabe. Anong sasabihin ko? Di ko naman siya majudge as immature. Ang sakit kayang suntukin yung pader. Kaya i didnt say anything. I just nodded.

Aside from crazy unplanned adventures, niyaya din niya ako sa mga akyat bundok niya. First experience ko yung sa Rizal na talaga namang isinumpa ko. I cursed that mountain with all of my soul. Haha. Halfway pababa, bigla akong nadulas at napahiga. Buti nalang di na mabato. Just to let you know, that mountain is hell. Lahat andun na. Bato, putik, tinik, lamok...etc... Maganda view kaso andaming tao.

"Pre ok ka lang", hinabol niya ako. Medyo malayo kasi yung distansya mula sa kanya at sa current position ko. Gulat mukha nya.

"Actually not. I think my ankle is broken." sagot ko. Sira mukha ko nun. Putik plus pawis plus sakit plus inis sa kanya. Magmumura ako. Sshheeet.

Worst thing happened to me. Di ako makalakad ng maayos. Left ankle ko na sprain. He offered me na umakbay nalang sa kanya but I insisted na kaya ko. Kakahiya kasi. Ano ako, pabigat? Mga ilang minuto pa eh di ko na kinya.

"Wag na kasi matigas ulo. Halika akbay na", bigla niyang kinuha braso ko at inakbay sa balikat niya. Ako naman e walang nagawa. Medyo akward lang kasi first time na may umakay sa akin. Oks na yun kasi di ko na kayang bumaba. Dahil may kalakihang tao si Daniel, di siya masyadong nahirapan sa pag-akay sa akin. Hanggang sa nakaraying na kami. Nag linis at nag snacks. Delayed kami ng two hours dahil sa akin. Asar lang. Tulog ako buong byahe. Alas 9 na nang makarating kami ng Greenfield sa Mandaluyong. Dun kasi drop-off naming lahat. We took a taxi and then we went in. Di naman traffic masyado kasi sunday.

"Musta na injury mo?", tanong nya.

"Uh. Ewan. Mamamatay na yata ako bukas. Pakilibing nalang.", pabiro kong sagot

"Balot kita sa karton? Haha"

"lagay mo lang sa Drum tapos LBC mo pa-Davao."

"Sira ka talaga. Patingin nga", hinimas nya ankle ko. Ako naman e medyo nasasaktan sa ginawa nya. Pero ganun talaga kapag may sprain. Pagkarating ng apartment, nauna na akong maligo habang siya naman ay nag aayos ng mga gamit. Naligo na din siya pagkatapos ko. He offered me his bed, kasi nga diba nasa taas ako ng double deck eh may bali ako. Ok naman ako. Sa sahig siya natulog. Kinuha niya foam niya at nilatag sa sahig. Bumili din siya ng ice at nilagayan yung bali ko. Nagpasalamat ako. Bihira ko lang maexperience yung may nag aalaga sa akin. Since I started college, I'm used to being a loner. I got sick and took care of myself. Kapag maysakit ako, ayokong maabala roommate ko noon.

"thanks bro"

"sorry john ah", sabi niya habang inaayos yung ice bag sa paa ko.

"uh for what?"

"For what ka dyan. For this. Nainjure ka tuloy. Kasi ang kulit ko din"

Nahulog nga pala ako dahil sa kakulitan niya. Lam mo yung mga mga dahon na binubulaga niya skin. Nauna kasi ako sa kanya sa trail tapos bigla bigla nalang niya akong ginugulat sabay tapon nung dahon. Di ako takot sa insekto o ahas bastat may distansya lang. Eh kung tumalon naman sayo di kaba magugulat. Eh ako naman kasi first time mamundok kala ko ano na. Relate ba nga first timers?

"Burn in hell dude", patawa kong sagot.

"Haha langya."

"Ok na yun. Forgiven"

"Di nga. Guilty ko sobra. Pano kung mas masama pa nangyari sayo. Patay ako sa nanay mo... Bawi ako next time"

Tapos natulog na kami. What I dont understand is di ko magawang magalit. Maybe i enjoyed the climb kahit sinabi kong sinumpa ko yun. Maybe I found a brother. I brother I never had. Dalawa lang kasi kami magkapatid. Ate ko then nasa abroad siya. So since Highschool wala na siya sa bahay. Ang saya lang ng may kapatid na kaasaran mo. Kakuwentuhan. Minsan inaalagaan ka. Kaya siguro maagan loob ko. Di ko lang siya kaibigan, parang kapatid ko na siya. Umabot na kami sa stage na naghihiraman ng gamit. Medyas, pantalon, polo. Minsan nga underwear... Pero joke lang. Mahirap nga lang pag damit. Malaking tao siya eh tapos matangkad. 5'10. Ako nasa 5'7 lang. Medyo payat din. Yung tipong katawan ng isang taong tamad. Yun... Minsan nahihiya akong magbihis sa kwarto pag andyan sya. Ang sagwa ko tingnan e. Buti siya eh hulmado yung katawan. Halatang sporty. Eh ako, halatang zombie. Siguro nag iisa kong advantage eh maputi ako. Yun lang din.

Payaka yaka din lakad ko. Sakit sa paa eh. Binilhan niya ako ng gamot pero lunes kasi may pasok ako siya naman eh morning lang klase niya. So ayun, hapon na ng makauwi ako bandang 4pm na. Dahan dahan akong umakyat papuntang 4th floor. It was torture to tell you. What made everything weird eh nasalubong ko si Ericka pababa.

"Uy ericka. Bat ka andito." bigla akong napatanong.

"Uh..eh. may binista lang. Sige bye Johnny", nagmamadali sabay ayos ng buhok niyang medyo magulo. Nagtaka ako. Kasi ito na yung pangatlong beses na nasalubong ko siya dito sa area namin. Last time, din sa labas habang pauwi ako eh nasa kabila pa dorm nila. This time, dito na mismo sa loob ng apartment. So I just ignored that thought. Baka may kaibigan siya dito. So ayun, i went upstairs. Catching my breath and feeling the pain in my ankle. I opened the door and saw Daniel in his boxers. Uh, what's weird is that the room smelled like strawberry (candy?airfreshener?). Amoy na amoy ko kasi nakabukas aircon. Di naman ako nagulat na nakahubad siya. Ganun kasi siya sa room. Siya nagulat nung dumating ako. May hawak siyang libro at dalidaling nagsuot ng tshirt.

"U-uy. Andito kana pre. Wait lang ha may bibilhin lang ako..." dalidali siyang lumabas.

Ako naman e nagisip. Yung librong yun eh architecture book. Hindi naman yun akin. Sumilip ako ng bintana at dun ko nakita si Daniel na kausap ni Ericka, sabay abot yung libro. Alam na this. Magulo buhok. Amoy strawberry. Magulo yung bedsheet. Ok.

So ako naman, nagbihis pero dahan dahan dahil nadin sa paa ko. Bumalik si Daniel na parang di mapakali.

"It's okay pre. I won't judge you", patawa kong sabi. At nagtawanan kami. Huli sa akto eh. Hindi ko na tinanong kung matagal na ba nilang ginagawa yun. Simula din nun eh si ericka medyo elusive na. Di na kami ganun ka close. Nahiya siguro. Pero sa akin, ok lang naman. Buhay nila yun. Kaso nung una aaminin ko, parang na upset ako nang konti. Konti lang naman. Ewan ko bakit. Siguro dahil yung kinakapatid ko eh may ganun palang ginagawa. ( at nagsalita naman ako...) o baka gulat lang ako. Ewan. Pero nawala din sa isipan ko yun. After nun, mas naging open na si Daniel sa akin. Minsan nagtetext siya. "Pauwi kana? Andito pa ericka eh". Or di kaya naman "Dito ako dorm nila. Maya pa uwi ko."... First e ang weird lang. Pero nakaadjust nadin ako.

Inabot din ng 3 weeks na ganun akong maglakad. Nakarecover na din sa wakas. Habang busy ang lahat sa papalapit na finals. Ako puspusan ang pag aaral. Grabe nadin eyebags ko kakagawa ng plates. Deadline dito. Deadline doon. Bihira nalang kaming magkasama ni Daniel. Busy din siya eh. Nagfocus ako sa studies ko at ganun din naman siya. Minsan di yun umuuwi gawa ng kakagroup study nila. Nahinto nadin yung sessions nila ni Ericka. Ewan. Sabi ni ericka break nadaw sila. Sabi naman ni Daniel di naman naging sila. Ako naman eh, naawa dun sa classmate ko. Asang asa eh. Medyo nainis di ako kay Daniel. Ginagamit lang niya si Ericka dahil libog siya. Pero still, I cannot judge him. (ayokong magjudge eh baka bumalik saken)

4pm nang matapos last exam ko for that sem. I went to starbucks, ordered a capuccino and watched a movie on my laptop. Maya maya eh may umupo.

"Johnny boy. Andito ka na naman", tinanggal ko headset ko.

" Uh, oo. How's your exam?", tanong ko kay Daniel.

"Ah eh. Ok lang. Parang pasado naman. Kaw?"

"Hehe ok lang din"

"Sus. Kaw pa. Baka perfect mo na lahat eh. Nerd ka talaga."

"Nerd ka jan. Gusto mo kape?"

"Libre mo?"

"I mean buhos ko sayo. Haha."

"Sezz", sabi niya at pumunta na siya ng counter at umorder.

Kwento siya na kwento. Ako naman e tango ng tango. Sagot dyan sagot dito sa mga tanong niya. Eh di ako makafocus sa kanya dahil nanunuod ako. Nasabi ko din na umasa sa kanya si ericka. Sabi ko din na masakit yung ginawa niya. Pabiro kong sabi lang para chill. Siya naman eh tawa lang din ng tawa.

"Alam mo pre tama ka... Uy", sabi niya at hinila niya laptop ko

"Haha sorry. Ano nga yun?", tanong ko

"Bat black and white?", nabigla siya dahil nanunuod ako ng lumang movie.

"Uh. My type of movie. Hehe"

"Weird mo talaga. Haha. Pero lam mo ang unique mo. Kung kaugali mo si ericka siguro magugustuhan ko din yun. Maganda naman siya. Kaso eh. Lam mo na..."

"Ah. Huh?", natanga ako sa sinabe niya. Eh kung ako ba ericka magugustuhan niya ako? Haha. Ang gago ko (mura), bakit ko ba natanong sa sarili ko yun. Pero ano bang meron sa akin na nasabi niyang unique. Im an alien. A weirdo. A conyo weirdo to be exact.

"Basta. Di mo yan gets. Palibhasa e nakidit na yang mukha mo sa libro mo. Sometimes pre, learn see the world not in a tunnel vision. Haha english yun. Nahawa ako sayo eh.", sabi niya habang umiinom ng kape.

"Lam ko yun. Remember, Im more matured than you are. Matured ako. Matured ako. Matured ako. Matured ako...", sabi ko.

"Ay ayan naman naman sya. Corny mo talaga."

Tawanan kami nun. Hahaha. Namiss ko yung ganun. Buti nalang e natapos na yung first sem at nagkaroon ulit kami ng chance makapagbonding.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Manhid (Part 1)
Manhid (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjTyRuF9fmEi5Yjlmd6grcq3MipkqIGKgD1OqN3tZOwEobg27rVaUseMr3BOkloi0Nc6UlRUxXh2Of50qyS8-z2yyqpKXhAzilWrfTGLbalYK4__0KCJoB8S_3wt52aNGxIX0Zh5PSZl3wm/s1600/26870709_381954895565427_8678121025184989184_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjTyRuF9fmEi5Yjlmd6grcq3MipkqIGKgD1OqN3tZOwEobg27rVaUseMr3BOkloi0Nc6UlRUxXh2Of50qyS8-z2yyqpKXhAzilWrfTGLbalYK4__0KCJoB8S_3wt52aNGxIX0Zh5PSZl3wm/s72-c/26870709_381954895565427_8678121025184989184_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/03/manhid-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/03/manhid-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content