$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Second Time Around (Part 2)

By: Confused Teacher Hindi ko alam paano sasagot sa kanya, dahil ramdam ko na ang pagpatak ng mga luha ko. For the second time nagmahal ...

By: Confused Teacher

Hindi ko alam paano sasagot sa kanya, dahil ramdam ko na ang pagpatak ng mga luha ko. For the second time nagmahal ako and for the second time muli na naman akong nasaktan.

“Pambihira, Xander, ano ba bakit ayaw mong umimik diyan…?”

“Ahm, yes… oo dito pa ako, pasensiya na biglang sumama ang pakiramdam ko.” Pagdadahilan ko.

“Sus! Ang duga mo talaga, guilty ka lamang sa pagtatago mo.”

“Oo na nga. Kulit naman!” wala talaga akong masabi, kasi pinipigil kong maramdaman niya ang pag crack ng boses ko, pero tuloy pa din ang patak ng mga luha ko. Gusto ko ng magpaalam pero si Karl ito. Buong buhay ko kapag masama ang loob ko sa kanya ko lamang nasasabi. Lahat ng problema ko naisi- share ko sa kanya. Gusto ko siyang kausapin, gusto kong umiyak sa kanya. Gusto kong sabihin na ang sakit nang nalaman ko. Pero paano ko gagawin iyon?

“Karl, let’s go…” dinig kong boses sa kabilang linya. Boses ng lalaki baka si Russel iyon. Lumakas ang kabog ng dibdib ko kasabay ng muling pagpatak ng mga luha ko.

“Boi, I have to go, mag-si zipline kasi kami ni Russel. Uwi ka na ha, kita na lang tayu sa bahay. At humanda kang gago ka may sapak ka sa akin bago mo makuha ang pasalubong ko sa iyo.”

Hindi na ako nakasagot, hinayaan ko lamang na mag end yung call at pabagsak akong napaupo sa kama ko.

“Sana nga sapakin mo na lang ako, sana basagin mo na mukha ko. Mas gusto ko pa ang sakit na iyon kesa sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Bakit sobrang tanga ko, bakit nag expect pa ako na ang lahat ay gaya ng dati at wala pa ring nagbago sa min. Bakit inisip kong hihintayin niya ako samantalang hindi naman niya alam kung may hinihintay pa siya. Kasalanan ko talaga ang lahat ito. Naging maarte kasi ako, mas inisip ko pa ang sasabihin ng iba kesa sa nararamdaman ko. Mas inuna ko ang hindi pa nangyayari kesa sa sakit na ginawa ko sa taong alam kong nagmamahal sa akin. Tama lamang siguro itong nangyayari deserve ko ang masaktan ngayon kasi kasalanan ko naman.”

Wala sa loob nahiga ako sa kama at muli ay nakipagtitigan sa kisame, hindi ko naiwasang bumalik sa akin ang lahat ng nangyari. Mula sa pagsuntok ko kay Russel, yung unti-unti kong pagkahulog sa kanya, yung huling pagkikita namin sa terminal. Yung mahigpit niyang pagyakap sa akin, ang namumugto niyang mga mata dahil sa luha, at yung mga huling salita niya bago kami naghiwalay.

“Bro, mag-iingat ka ha, basta lagi mong tatandaan mahal na mahal kita.”

“Mahal na mahal din kita Russel, at sorry naging makasarili ako, hindi ko sinadya na masaktan kita, pero doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil hindi kita ipinaglaban. Naghihinayang ako na hindi ko sinuklian ng pagmamahal ang pagmamahal na ipinaramdam mo para sa akin.” At muli dumaloy ang mga luha sa magkabila kong pisngi. Hinayaan ko na lamang iyon lamang naman ang pwede kong gawin --- ang umiyak, iyakan ang pagkakamali ko.

“Tama na wala na rin naman akong magagawa, wala na ring mangyayari, masaya naman sila, dapat maging masaya na lamang ako sa kanila.” Iyon ang naibulong ko sa aking sarili, pero hindi ko alam kung magiging masaya nga ba ako kapag nakita ko sila. Kaya ko bang ngumiti kapag nakita ko silang magkasama, dapat oo kasi si Karl iyon, pero paano ko gagawin kong ngayon pa lang iniisip ko palang parang nagsisikip na ang dibdib ko paano pa kung kaharap ko na sila.

Siguro gaya ng dati, magmamahal na lamang ulit ako sa malayo. Sasarilinin ko na lamang kung anuman ang nararamdaman ko. Sanay na rin naman ako sa ganon. Isa pa hindi ko rin naman pinangarap na maging kontrabida. Dapat bida ako siyempre kwento ko to, Saka kung eeksena ako sa kanila hindi ko naman alam kung may nararamdaman pa para sa akin si Russel. Walang hiyang Russel iyan akala ko pa naman hihintayin ako yun pala 3 buwang ng may iba. Ilang buwan pa lamang na wala kaming communication kinalimutan na ako at ipinagpalit agad sa iba. Bahala nga siya sa buhay niya! Pinahid ko sa pamamagitan ng mga kamay ko ang luha sa aking pisngi. Hindi naman ako dapat umiyak diba?

Walang gana, bumangon ako sa aking kama at tinawagan si Lola. Sinigurado ko munang ayos ang boses ko ilang beses akong umubo para masigurong hindi niya mararamdaman na galing ako sa pag-iyak. Ayokong mag-alala pa siya sa akin.

“Nay, pauwi na po ako ngayon sa bukid po ako tutuloy. ”bati ko sa kanya pagkahello niya,

“Ayy bakit doon, narito ako sa bayan, sabi mo noong isang araw ay dito ka maglalagi?” nagtatakang tanong ng Lola ko.

“Ayoko po diyan, don na lamang ako, don’t worry, kung hindi po kayo pwede ako na lamang doon, basta hindi po ako uuwi diyan sa atin.” Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kaniya na ayoko don kasi tiyak naron si Russel at hindi ko sila kayang makita na magkasama.

“Nako Xander, akoy talagang naguguluhan na sa iyo, paano ka titigil doong mag-isa, sinong mag-aasikaso sa iyo don kung hindi mo ako kasama ha.” Kahit hindi ko nakikita ay ramdam kong naiinis ang Inay. Iyon ang Inay, hanggang sa panahong iyon na nagta trabaho na ako ay hindi siya papayag na hindi niya aasikasuhin ang paghahanda ng pagkain ko. Alam niyang mahilig akong kumain kaya sinisiguro niyang laging maayos ang pagkain ko.

“Ako na nga po ang bahala, okay lamang po sa akin na mag-isa. Saka “Nay, baka nalilimutan ninyong wala din naman akong kasama dito sa apartment at nakakaya ko namang mabuhay diba?” Pagyayabang ko.

“Ewan ko sa iyong bata ka, nitong mga nakaraang araw talaga ay hindi ko na naiintindihan ang mga ginagawa mo, napakagulo mo, pabagu-bago ka ng isip. Akala ko ay tapos na iyang pagtatago mo ngayon eto ka naman ayaw mong umuwi dito sa atin. May pinagtataguan ka na naman ba Xander, ikaw nga’y magsabi ng totoo.” Naiiinis niyang tanong.

“Wala!” maikli kong sagot.

“Anong wala, ay bakit ka ganyan?”

“Wala akong sasabihin sa inyo, ano ba “Nay, ang kulit naman, ilang beses na nating pinag-usapan iyan.”

“Ako pa talaga ang makulit, hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa iyong bata ka.” Alam kong naiinis na talaga siya kaya kailangang patawanin ko siya.

“Mabuti na lamang narito ako at hindi ninyo katabi kung nariyan ako malamang nakurot na ninyo ako.” Pagpapatawa ko.

“Oo, kaya ayusin mo iyang sarili mo at makukurot na talaga kita.” Napangiti na lamang ako.

“O sige na kumain ka muna bago ka umalis diyan ha, at isara mong maige iyang mga pintuan mo pati mga bintana, ang sabi mo’y dalawang linggo kang mawawala diyan. Narinig mo ba ako?”

“Paulit-ulit naman ang Inay, iyan din ang sinabi ninyo nong isang araw.” Reklamo ko sa kanya

“Hayy, ikaw talagang bata ka, mag-iingat ka sa biyahe ha,” pahabol pa niya.

Nag-inat-inat lamang ako bago dumiretso sa CR para maligo. Pagkapaligo ay humarap ako sa salamin. Tinanggal ko ang twalya na nakabalot sa katawan ko. Pinagmasdan ko sarili kong reflection sa salamin. Naka puting brief lamang ako.

“Pogi naman ako ah, maganda rin ang katawan ko,” pagkausap ko sa sarili ko sa salamin

Gwapo ako hindi lamang sabi ng Mommy ko, sabi din ng Inay saka ng mga teachers ko nong elementary. Dalawang contests ng pagwapuhan na rin ang napanalunan ko sa school bukod pa sa Mr. JS award. Favorite din akong escort lalo na sa Santacrusan. Napatingin ako sa baba. Maipagmamalaki ko naman ito ah, malaki naman. Pero bakit wala akong Lovelife. Ang daming tao sa labas, tiyak mas gwapo ako sa kanila pero bakit sila may lovelife, ang saya pa nila. tas ako wala. That’s so unfair! Wala namang rule na pag Gwapo dapat Loveless diba? Pero bakit ba lagi na lamang akong nganga sa pag-ibig. Ang daya ng Kupido na yan. Nakakabwiset!

“Tanga ka kasi!” Parang may biglang bumulong sa akin.

Nagpalinga-linga ako, alam ko namang mag-isa lamang ako. Kinabahan ako kaya lang naisip ko sabagay tanga naman talaga ako. Putek pati kunsensiya ko sinisisi ako sa ginawa ko. Hindi ko na lamang inentertain yon. Wala na rin naman akong magagawa. Kaya hayaan na lamang siya. O baka naman opinion lamang yun ng kung sino mang epal na kasama ko sa room.

Dinampot ko lang ang aking bag, at pagkatapos ma siguradong nakasara ng mabuti ang lahat ng pintuan at bintana gaya ng kabilin-bilinan ng Lola, lumabas na rin ako ng bahay. Hindi na ako kumain, wala naman kasi akong naka ready na kakainin gustuhin ko man, sa terminal na lamang ako kakain.

Instead na Batangas City ang signboard, hinanap ko ay ang biyaheng pa Nasugbu, dadaan din yun sa Tagaytay. Gaya ng sinabi ko kay Lola sa bukid ako uuwi at sa Tagaytay ang malapit na daan papunta doon kapag galing Manila. Iikot pa kasi kung sa Batangas City ako dadaan.

Dahil bakasyon, ang daming pasahero ang pa Tagaytay. Mga barkadahan, magsyota na hindi na nahiyang maglampungan kahit sa harap ng maraming tao. “Magbi break din kayo! Tandaan ninyo walang Forever! Huwag kayong mga feeling.” Bulong ko sa isip ko sa lahat ng nakakasalubong ko na ang su sweet. Sumimangot lang ako nang may tumingin sa akin. “Hindi ka maganda ui!” bulong ko sa aking sarili. Ang bitter! Haha.

Hmp, nakakainis pero ano bang magagawa ko choice nila yun at buhay nila yun. Wapakels!.

Pag-akyat ko ng bus, pinili ko ang dulong upuan para makatulog. Pumwesto ako sa tabi ng bintana. Dahil bayad na naman ang ticket ko nagpasya nalang akong matulog wala namang iistorbo sa aking kunduktor. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatulog nang maalimpungatan ako. Inayos ko muna ang earphone ko nang mapansin ko ang aking katabi. Isang lalake, hmm, sige gwapo siya parang ako, nakahilig siya sa balikat ng isa pang lalake na oo na gwapo din parang ako ulit!. (Wag ka ng kumontra mainit ang ulo ko remember?) Nakayakap naman siya sa tiyan nung isa parehas silang natutulog. Mukhang mga estudiyante lamang mga bata pa kasi ang itsura, pero halatang may relasyon sila. May kung anong kirot akong naramdaman, bakit sila kayang panindigan ang nararamdaman nila. Biglang nagmulat nang mata yung lalaking nakahilig at tumingala. Nanatlii akong nakatingin sa kanila hindi naman nila pansin dahil naka shades ako. Nagising din iyong isa.

“Neil, sige na matulog ka muna.” Mahina niyang sabi?

“Malayo pa ba tayo Arjay?” sagot naman nong isa habang nakatingin sa kausap, ang lamig ng boses niya. Giniginaw ako.

“Nasa Cavite na tayo, gigisingin na lamang kita pag nasa Tagaytay na tayo, nahihilo ka pa ba?” malambing niyang tanong saka niya hinaplos ang buhok nong isa.

“Hindi na, tumalab na siguro yung binigay mong bonamine, ok na ako ang galing kasi ng aking nurse” nakangiti naman niyang sagot.

“Sige na matulog ka na lamang muna. Pagdating natin doon tiyak mag eenjoy naman tayo.” Tumango lamang iyong isa at saka ngumiti. Tapos ay inihilig ang ulo sa dibdib nong kausap niya at pumikit. Nakakakilig ang ka sweetan nila. Shet! Nakakainggit.

Muli kong naalala si Russel, bakit hindi ko nagawang iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko? Bakit hinayaan kong mawala muna siya saka ako nagpasyang mahalin siya. Kung kailan hindi na pwede. Sayang bakit kung kailan handa na ulit akong magmahal, muli na naman pala akong masasaktan. Pumikit na lamang ako, naririnig ko pa rin ang mahihinang usapan ng katabi ko. Pero ayoko na silang tingnan nasasaktan lamang ako. Bakit kasi hindi ko naisip na possible ngang magmahalan ang dalawang tao na hindi pinuprublema ang sasabihin ng iba. Palihim kong tiningnan yung dalawa. Wala naman akong makitang masama sa gingawa nila. Hindi naman sila malaswang tingnan. Ang totoo nakakainggit pa nga sila dahil ang cute nilang tingnan. Ramdam ko ang pagmamahal nila sa isat-isa, Siguro nga naiintindihan ko lamang sila dahil gaya nila nagmahal din ako sa kapwa ko lalake. Mas maswerte nga lamang sila dahil mas matapang sila.

Hindi ko na nagawang makatulog nawala ang antok ko. Pinagsawa ko na lamang ang aking mata sa mga nadaaanan namin. Ang laki na rin ng ipinagbago ng Cavite dati maliliit lamang ang bahay at bibihira pa ang commercial establishments sa lugar na iyon pero ibang-iba na ngayon. Naalala ko si Karl pag ganitong bumibiyahe, May laro kasi kaming dalawa noon, na paunahan kaming makapagsabi kung anong puno iyong nadadaaan namin o kaya anong name ng building o pangalan ng tindahan. Ang makahulang una may chance na pumitik sa anumang parte ng katawan na gusto niyang pitikin sa matatalo. Napangiti na lamang ako habang iniisip kung gaano kami kasaya at kaingay ni Karl noon kapag nasa biyahe. Kahit napapagalitan na kami ni Daddy o nina Tito dahil gusto nilang matulog sa biyahe o may pinagku kwentuhan sila. Hindi kami napipigil sa pag-uunahang pagsigaw para sa pagkakataong makapitik.

Si Karl hindi ko lamang pinsan at bestfriend siya rin ang aking kakampi sa anumang pinagdaanan ko sa buhay lagi siyang nasa tabi ko bukod kay Hans. Hindi ko kayang magalit sa kanya. At kahit na nangyari iyon alam ko hindi niya yun gagawin kung alam niyang mahal ko si Russel. Kilala ko si Karl, madalas siyang magparaya sa akin, kaya alam kong masasaktaan din siya kapag nalaman niyang mahal ko si Russel. Mas mabuti pang hindi na lamang niya malaman.

Hanggang naramdaman ko ang paglamig sa loob ng bus, saka lamang ako nahimasmasan sa malalim kong pag-iisap. “Nasa Tagaytay na kami,” Iyon bulong ko sa isip ko. Lumiko na nga ang sinasakyan namin, papuntang terminal, nakita ko marami na ang nag-inat ng mga kanilang kamay. Mayroon na ring tumayo para abutin ang gamit nila sa itaas. Umayos ako ng upo at napatingin sa katabi ko.

“Neil, gising ka na baby, narito na tayo.” Mahina niyang yugyog don sa kasama niyang nakahilig sa dibdib niya. Nagmulat ng mata yung Neil saka ito kinusot. Ngumiti siya bago nagsalita.

“Nasa Tagaytay na ba tayo baby?” Tumango lamang yung Arjay. Napabuntunghininga lamang ako. Kung bibigyan lamang ako ng 2nd chance kay Russel ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Kung paano ako magmahal. Higit pa ang gagawin ko sa ginagawa ng dalawang ito. Lihim akong napasimangot. “Iyon ay kung may 2nd chance pa!”

“Haist ano ba tong naiisp ko, diba nangako na ako sa sarili kong hindi ako eeksena sa kanila, hindi ko papayagang maging kontrabida ako. Ang sagwa naman loveless na nga tapos kontrabida pa. Saka Hey! Xander, si Karl iyon, hindi mo magagawang saktan ang bestfriend mo.

Nang makababa ang mga pasahero sa Tagaytay ay iilan na lamang kaming natira. Saglit pa kaming nagpahinga habang nagsisigaw ang kunduktor para magtawag ng pasahero. Diretso pa kasi sa Nasugbu ang bus, and from there saka naman ako sasakay ng biyaheng dadaan ng Lian. Usually biyaheng Calatagan ang pinipili ko para hindi na ako maglalakad ng malayo. Madali naman akong nakasakay at dahil hindi pa uso ang traffic sa lugar na iyon ay ilang minuto lamang at nakababa na rin ako.

Malungkot kong inakyat ang daan pa “Y” kung saan iyon ang papunta sa bahay nina Lola. Bago ako lumiko pakaliwa ay nakita ko ang putol na puno ng manga. Wala sa sarili napaupo ako doon at muling sumagi sa akin ang pangyayari sa amin ni Russel. Doon ako palihim na kinunan ni Russel ng pictures na siyang naging dahilan para masuntok ko siya. Pero sabi niya noon pa lamang ay minahal na niya ako. Napangiti ako nang maalala kong mukha daw akong modern version ng “The Thinker”

“Putek naman kaya nga ako dito tumuloy para hindi masaktan, para hindi na siya maalala, para kalimutan ang tungkol sa kanya.” Nawala sa isip kong dito nga pala sa lugar na ito nag-umpisa ang lahat. Paano ko ba siya makakalimutan e nararamdaman kong mahal ko siya. Niloko ko lamang naman ang sarili ko nang pilitin kong kalimutan siya, ang totoo kahit isang araw hindi naman siya nawala sa isip ko. Lagi ko pa ring pinagmamasdan ang mga pictures niya sa cellphone ko at paulit-ulit na binabasa ang mga lumang text messages niya. Kinikilig pa nga ako kapag nababasa ko yung mga sweet messages niya at twing sasabihan niya ako ng “I Love You.”

Dali-dali akong tumayo at tinumbok ang daan papunta sa bahay. Nabigla ako nang makita kong bukas ang pinto kaya hindi agad ako pumasok. Sumilip muna ako at nakita ko si Lola sa kusina abala sa kung anong hinahalo sa kaldero na nakasalang sa kalan. Mabilis akong lumapit sa kanya.

“Nay, tinakot nyo ako, bakit kayu narito, anong ginagawa nyo dito?” bati ko sabay yakap sa kanya mula sa likuran.

“Dyaske kang bata ka, ay bakit ka ba nanggugulat?” sigaw niya saka niya ako kinurot sa tagiliran.

“Aray! Kayo kaya ang nanggugulat, sabi nyo kanina diba nasa bayan kayo, akala ko napasok na tayo ng magnanakaw, buti hindi ko kayo nabaril” pagbibiro ko habang nakayakap pa din sa kanya. Miss na miss ko na talaga siya. Si Lola lamang ang totoong nagmamahal sa akin, kahit kailan hindi niya ako iniwan. Mahigit limang buwan din kaming hindi nagkita. Ang last ay noong lumuwas pa siya para dalawin ako.

“Wala ka namang baril kung makapagsalita ka parang kaya mong mamaril.” Pang iinis niya sa akin.

“Bibili ako problema ba yun?” nakangiti ko namang sagot saka bumitiw sa kanya. Tiningnan ko ang niluluto niya.

“Wow! Sagobe!” napatawa ako. Alam na alam ni Lola ang paborito ko. Ginataan iyong giniling na malagkit na bigas, na may sago, gabe, langka, kamote, saging at iba pa, Inamuy-amy ko pa ang usok na nanggagaling sa nilututo niya.

“Iyan na nga ang dahilan kaya napilitan akong pumunta dito, sinong maghahanda ng pagkain mo. Magpapakamatay ka ba sa gutom dito?” mataray niyang pahayag nang makaupo ako. Pambihira, ni hindi pumasok sa isip ko ang magpakamatay dahil kay Russel kahit mahal ko siya sa gutom pa.

“Ang Inay talaga, OA, ilang taon na ako sa Manila, buhay pa naman ako diba? Ang laki ko na, kaya ko ng asikasuhin ang sarili ko. Paghahanda lamang ng pagkain, small thing, ‘Nay.” Proud kong sagot sa kanya.

“Mayabang! Hmp. Sa Maynila, maraming mabibilhan ng gusto mong pagkain. E dito san ka bibili ng gusto mo pag nagutom ka. Pupunta ka ba sa bayan? Ikaw pa naman napaka arte mo sa pagkain. Hindi ka naman marunong magluto.” Inirapan pa ako.

“Hindi mo kasi ako tinuruang magluto kaya wala akong alam.” Sagot ko sa kanya saka lumipat sa isang bangko malapit sa niluluto.

“Paano kita tuturuan, ang dami mong reklamo pag sinasabi ko ang gagawin mo.” Nakairap niya uling sagot. Ang cute ng Inay pag naka ganon. Napangiti ako kaya lalo ko siyang kinulit.

“Naman, ayaw nyo lang kasi ayaw ninyo akong matuto baka iwan ko kayo. Aba sa gwapo kong ito san ka pa ‘Nay?” Muli pagbibiro ko sa kanya, gustung-gusto ko talagang kinukulit ang Lola ko dahil nakakatuwa siya lumalaban ng asaran.

“Hoy Xander, tigilan mo nga ako sa kalokohan mo.” Tiningnan niya ako na parang may ibang iniisip. “ Bakit kasi hindi ka pa mag-asawa ng may naghahanda ng pagkain mo. Paano pag namatay ako?” Biglang pagseseryoso niya,

Muli kong naramdaman yung kirot sa puso ko sa pagkakabanggit niya ng pag-aasawa. Pero kailangang huwag akong magpahalata.

“Hindi pa kayu mamamatay, mas malakas pa kayu sa kalabaw ni Lolo.” Lumapit naman siya at kinurot ako.

“Kalabaw pala ha.”

“Nay nakakadalawa ka na ha!” pero nakita ko ang muka niyang nagseryoso.

“Dapat pala Chef ang mapapangasawa ko, para magaling magluto, payag ka ba don ‘Nay! Kahit panget basta masarap magluto?” gusto ko talagang kulitin siya para kahit paano ay malimutan ko ang problema ko.

“Kahit sino pa iyan, basta mamahalin at aalagaan ka, akoy walang reklamo. Matanda na ako Xander. Ilang panahon na lamang at susundan ko na ang lolo mo pero ikaw pa rin ang inaalala ko. Paano ka kapag wala na ako?” malungkot ang boses niya at talagang seryoso, na touch naman talaga ako sa kabaitan ng Lola ko. Tama naman siya hindi ko pa rin kayang mawala siya. Sa edad kong iyon dependent pa talaga ako sa kanila ni Lolo, pero nang mawala si Lolo pinilit kinaya ni Lola ang pag-aasikaso sa akin, sinikap niyang punan ang pagkawala ni Lolo sa buhay ko. O diba Daig Kayo ng Lola ko?

“’Nay, kahit mag-asawa na ako, kahit magkaanak pa, gusto ko kasama pa rin kita. Hindi ko kayang wala ka alam mo naman yun diba? Kaya huwag mo na ulit sasabihin yan ha.” Ipinakita ko sa kanya na seryoso din ako.

“Pero Xander….” Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.

“’Sige po pag hindi ka tumigil, aalis na ako babalik na ako sa Manila.” Bigla naman siyang tumahimik saka ako inirapan ulit.” Nakita kong kumuha siya ng mangkok at nagsandok

“Hindi ka pa rin nagbabago ng kakulitan mo. O siya, kumain ka na tiyak nagutom ka sa haba ng biyahe. May binili rin akong Ice Cream nasa freezer na at yung paborito mong donut. Mamaya mo na kainin o bukas na lang kaya.”

“The best ka talaga ‘Nay!” yun lamang ang nasabi ko pagkatapos siyang halikan sa noo.

“Ewan ko ba sayong bata ka, napakahilig mo sa matatamis. Pero apo hinay-hinay ha, lahat ng sobra masama.”

“Kumain na lamang kayo Nay, ang ingay nyo kumakain ako.” Napatawa naman siya sa sinabi ko.

“Mamaya na, sabay na kami ni Dolores, nililinis lamang niya ang kwarto mo. Pinapalitan yung punda ng unan pati kurtina. Hindi mo naman sinabi noon na dito ka tutuloy.”

Pagkatapos kong kumain ay pumasok na ako sa kwarto para maiayos ang mga dala kong damit at siyempre kinuha ko sa ref ang masarap na donuts. Nang mailabas ko ang laman ng bag ko, nakita ko yung pasalubong ko kay Lola. Hikaw yun na katerno nong kwintas na binigay ko sa kanya nong Christmas. Pero tinamad akong lumabas kaya nilagay ko na muna sa may table sa hapon ko na ibibigay.

Muling sumagi sa isip ko si Russel. Yung awkward moment namin noong una kaming magkausap sa kwartong ito. Iyong kwentuhan namin bago matulog. Haist Russel, sana’y mawala ka na sa isipan ko. Gusto ko na ring mag move on. Tantanan mo na ako please. Pero kahit naiinis ako sa yo, napapangiti pa rin ako kapag naalala ko yung mga pinagsamahan natin. Isa kang napagandang memory.

Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako. Nagising ako sa tawag ng Inay.

“Xander, Xander apo, lumabas ka na at lalamig pa ang sabaw. Kumain muna tayo.”

“Sige po Nay, susunod na ako….” Iyon lamang ang naisagot ko. Bumangon agad ako dahil ayaw ng Inay na pinaghihintay amg pagkain kaya mabilis akong pumunta sa kusina.

Kasama namin sa table si Ate Dolores, ganon kasi ang Inay, ayaw niyang ituring na ibang tao ang kasambahay namin. Dapat ay kasabay namin siya sa pagkain. Nang makatapos kami ay nagkukulitan pa kaming dalawa kasi ibinigay ko ang pasalubong ko sa kanya. Nang mapansin kong inaayos na ni Ate Dolores ang mga hugasin.

“Ate, uwi ka na, ako na ang bahala dito.”

“Nako Xander, huwag na hindi mo naman trabaho to. Hayaan mo na ako.” Pagtanggi naman niya. Ayoko pa kasing pumasok sa kwarto ko. Gusto kong kausap pa sana ang Inay kaya lamang baka kung ano pa itanong niya bakit ayaw ko sa bahay namin.

“Nay, si Ate Dolores o, ayaw pang umuwi, madilim na naghihintay na ang anak niya. ”Tumingin ako kay Lola

“E kasi naman po, ..” pagpapaliwanag sana niya sa Inay..

“Sige na Dolores, pagbigyan mo na, hayaan mo na ang pasaway na iyan ang maghugas diyan, baka may hihingin iyan kaya nagbabait-baitan.” Panunukso naman ni Lola.

“Inay ha, mas makulit ka pa ngayon kesa dati,” napatawa naman ako ng pandilatan niya ako. Pero hindi ko siya pinansin. Nang umalis si Ate Dolores ay sinimulan ko na ang paghuhugas ng pinggan. Ang Inay naman ay pumunta na sa salas. Alam ko manunuod na naman ng mga paborito niyang teleserye. Tapos maya-maya naman ay tulog na.

Pagkatapos ko ay pumasok na rin ako sa kwarto ko at nagpahinga. Hinayaan ko na lamang ang Inay sa sopa, magagalit kasi iyon kapag pinilit kong pumasok na sa kwarto niya. Sasabihin niya hindi naman siya makatulog kapag nasa kwarto na. Pero natutulog lamang naman sa harapan ng TV.

Ano ba ang plano ko sa dalawang lingo? Wala! Wala akong alam na gagawin. Nasira ang lahat ng balak ko. Kung pwede nga lamang bawiin ang leave ko kaso baka naman magalit sa akin ang HR namin pero hindi ko talaga alam paano ko gugulin ang 2 weeks kong bakasyon.

Naligo lamang ako at nahiga na hawak ang cellphone ko. Surf-surf, youtube… nang maisipan kong mag open ng FB. Daming notifications, pero tinatamad akong magbasa Wala rin kasi akong plano na sagutin yung mga nagtatanong kung kumusta na ako, ewan ko wala naman silang maitutulong. Hanggang sa nakaramdam ako ng antok.

Kinabukasan, wala talaga akong alam na gagawin. Gising na ako pero tinatamad akong bumangon. Wala pang isang araw ay naiinip na ako. Ayoko namang yayain si Lola na pumunta sa bayan baka naroon sina Karl at Russel. Hindi ko alam kung kaya kong harapin sila na hindi ako masasaktan. Bigla akong may naisip. Naligo agad ako bago lumabas ng kwarto. Nadatnan ko sina Lola naghahanda ng umagahan. Nilapitan ko agad siya at hinalikan sa noo.

“Good morning ‘Nay!”

“O buti at gising ka na, kumain na tayo kanina pa nakahanda ang mesa.” Iyon agad ang bati niya. Ang taray talaga ng Inay, umagang-umaga. Buti na lamang hindi ako sa kanya nagmana. Ang sungit! Haha…

Hindi na ako sumagot, naupo na ako at nagsimulang sumandok. Wala kaming imikan habang kumakain. Naubusan yata ng pag-uusapan.

Pagkakain ay lumabas ako ng bahay para maglakad-lakad. Nakarating ako sa may likod namin. Nakita ko ang mga manok na alaga ni Lolo. Noong bata pa ako, trabaho kong pakainin sila sa umaga tapos yung mga bibe at gansa ay papupuntahin ko sa ilog para don sila maligo at kumain sandali. After nang mga isang oras papabalikin ko na sila sa kulungan nila. Pero bago yun ay bubuksan ko muna ang kulungan ng mga kambing para makalabas sila. Sa hapon naman ay kailangan ko ulit sila pabalikin sa kukungan nila bago dumilim. Pag madilim na kasi ang hirap na nilang papasukin.

Napangiti ako habang iniimagine ko ang aking kabataan. Noon ang simple ng buhay. Parang ang dali lamang maging masaya. Sa mga simpleng bagay lamang napapangiti na ako. Di gaya ngayon parang ang hirap maging masaya. Minsan kahit nakangiti ako sa loob ko naman sobrang lungkot.

Naupo ako sa isang nakabuwal na puno habang pinagmamasdan ko ang pag-agos ng tubig sa ilog. Naalala ko ilang beses na akong naligo sa ilog na ito kasama ang kalabaw ni Lolo. Habang pinapaliguan ni Lolo ang kalabaw ay sinasabayan namin ni Karl ng paliligo at basaan. Titigil lamang kami kapag sinigawan na kami ni Lolo dahil pati siya ay basang-basa na rin dahil sa pagsasabuyan namin ng tubig. Sa ilog na ito rin kami naghahanap ng mga susong pilipit. Padamihan pa kami ng makukuha saka namin ipapaluto kay Lola kasama ang talbos ng pako at gata. Ang sarap talaga ng buhay sa bukid. Kahit gaano kaganda at ka asenso ang Manila, hindi ko pa rin ipagpapalit ang buhay sa bukid kung saan mararanasan mo ang kakaibang kasiyahan sa mga simpleng bagay. Nasa ganon akong pag-iisip nang biglang may bumatok sa akin.

“Hoy Emoterong Kupal, anong drama naman iyan ha, music video ba iyang ginagawa mo dyan?”sabay batok sa akin, kilala ko ang boses na iyon at bago pa ako makalingon ay isang batok ulit ang ginawa niya.

“Nakakadami ka na ah,” pagtayo ko binatukan ko rin siya. Gaganti sana siya kaya lang ay alanganin ang pwesto niya nahawakan ko siya sa balikat.

“Ako lang ang pwedeng mambatok, ikaw ang may atraso baka nalilimutan mo Saka dadalawa pa hindi pa ako nakakadami.” At muli ay pinilit maabot ang ulo ko.

“Subukan mo itutulak kita…” pagbabanta ko. Pero hindi siya pumayag at nagpilit na mabatukan ako. Sa kakaiwas ko ay napatulak siya at na out of balance pero bago siya nabuwal ay nahawakan ko ang kamay niya kaya halos sabay kaming nahulog sa tubig.

“Putsa, Xander, ang sapatos ko.” Sigaw niya habang nagpipilit alisin ang tubig sa mukha niya. Baliw talaga inalala pa ang kanyang sapatos kesa sa aming dalawa na nahulog sa ilog.

“Gago ka kasi ang kulit mo pa rin sabing tama na.”sigaw ko sabay saboy ng tubig sa mukha niya

“Ikaw ang makulit ayaw mo akong bitawan.” Sigaw din niya sinabuyan din niya ako ng tubig. Hanggang nagbabasaan na kami habang nagtatawanan. Hinabol niya ako hanggang sa malalim na part nang tumigil ako tumigil din siya.

“Saglit, maghuhubad ako ng sapatos, sira ulo ka talaga, bago pa naman to tingnan mo puro putik.”

“Kasalanan ko ba na tanga ka?” lumayo ako ng kaunti pero tawa pa rin ako ng tawa.

“Humanda ka sa akin, makikita mo kung sino ang tanga… saka baka nalilimutan mo may kasalanan ka sa akin.”

At pagkahagis nga niya ng sapatos niya ay binalikan ako at hinabol. Naglaro lamang kami, habulan, tulakan basaan batuhan ng putik, hanggang nakaramdam kami ng pagod. Umahon kami na tawa pa rin ng tawa. Kulitan pa rin kami hanggang makarating sa bahay. Nakita namin si Lola sa labas.

“Diyos ko, ano bang nangyari sa inyong dalawa bakit ganyan ang itsura ninyo?” nagkatinginan kami saka sabay na napatawa. Bigla naming hinawakan si Lola sa magkabilang kamay.

“Isama si Lola sa ilog!” sabay naming sigaw.

“Hoy walang hiya talaga kayong dalawa, bitawan ninyo nga ako.” Tawa naman kami ng tawa habang pinagpapalo ni Lola ang mga braso namin.

Nang magsawa kami sa kakulitan ay naupo kami. Hindi pa rin maka move on si Lola. Iiling-iling habang nakatingin sa aming dalawa

“Kayung dalawa akala ko pag naka graduate na kayo ng college magma mature na kayo. Pero hindi pa rin pala. Mga isip bata pa rin kayo.” Nakasimangot niyang komento habang pinapalis sa tubig sa braso niya.

“Mas lalo ba kaming pumogi ‘La? Iyon ba ibig ninyong sabihin?”pangungulit ni Karl.

“Asa ka naman na pumogi ka ako lamang ang mas pumogi di ba ‘Nay? Sagot ko kay Karl

“La hindi ba ako pumogi?” pagsusumbong ni Karl

“Hinde, pareho kayong hindi pumogi pero may nagbago sa inyo?” pambibitin niya,

“Ano po yun?” sabay naming tanong

“Mas lalo kayong naging baliw! Hala sige na maligo na nga kayo at nang makapagpalit na kayo ng damit. Talo pa ninyo ang mga bata.” Hinila niya kami sa kamay at pinilit na maligo. Naghiwalay kami parehas namang may CR ang kwarto namin. Nang lumabas ako ng kwarto ay nakita kong magkausap si Karl at si Lola.

“Boi, pagkakain uuwi na tayo, pumayag na si Lola, don na tayo sa bayan para maaga tayong makaalis bukas?” nakita kong nakangiti ang Inay. Ako naman ay napanganga.

“Hoy anong kaartehan iyan bakit ka nakanganga?” tanong ni Karl.

“Sa bayan?” naguguluhan kong tanong

“Malamang sa bayan san mo ba gustong umuwi sa ilog?” sarkastikong sagot ni Karl.

“I mean, bakit doon, saka saan tayo pupunta?”

“Pinanindigan mo na bang baliw ka talaga?” nagtatakang tanong ni Karl.

“Kasi…” hindi ko alam paano itutuloy ang sasabihin ko.

“Kasi ano, kasi hindi mo alam na sa bayan ang bahay ninyo, o kasi nga baliw ka na talaga…” Putek bakit bang daldal ng unggoy na ito, hindi ako makasingit. Pero paano ko nga ba sasabihin na hindi ko nga gustong pumunta don. Napailing na lamang ako.

Nang hindi ako sumagot ay nagpatuloy siya.

“Diba ikaw ang may sabi na pupunta tayo ng Isla Verde sa Sunday. Saturday ngayon in case nalimutan mo at ang Sunday ay bukas na iyon. Kung dito tayo manggagaling baka hindi tayu umabot sa bangka.” Mahaba niyang paliwanag. Isla Verde! Bulong ko sa utak ko. Huminga lamang ako ng malalim, paano ko ba ipapaalam sa mokong na ito na ayoko ng pumunta don. Paano ko sasabihin na ayokong makita sila ni Russel na magkasama. Ang tanga ko talaga, bakit ba hindi ko siya nasabihan na hindi na kami tutuloy. Hindi talaga ako makapagsalita. Napailing na lamang ulit ako.

“O siya, kumain na muna tayo at nang maaga tayung makaalis” singit ng Inay. “Dolores tawagin mo na rin si Caloy at nang sabay-sabay na tayong makakain. Sabihin mo na rin na babalik na kami sa bayan” Nakita kong lumabas na si Ate Dolores. Parang wala pa rin ako sa sarili na basta na lamang sumunod sa kanila. Naka upo na kami nang magka lakas ng loob akong magtanong.

“Diba sabi mo kahapon, wala don si Russel kasi magkasama kayu?” mahina kong tanong kay Karl.

“Oo nga kahapon magkasama kami, pero nang malaman niyang gusto mong pumunta doon ay umuwi rin siya kaninang umaga para makapaghanda, Gusto naman niyang maayos ang dadatnan mo don.” Parang walang emosyong sagot ni Karl.

“Xander, bumili ka ng kahit anong maipapasalubong sa Lola Ana mo ha.” Tinanguan ko lamang si Lola pero mabagal pa ring pina process ng utak ko ang pinag-uusapan namin. Kaming tatlo magkakasama, ang saklap naman yata non. May alam kaya tong mokong na ito sa past namin ni Russel. Ano bang gagawin ko para hindi matuloy. Sana lagnatin ako, pero joke lamang iyon ayoko ng may lagnat, matataranta na naman ang Inay. Saka ang hirap ng pakiramdam pag may lagnat, Ang sakit ng katawan tapos wala pang ganang kumain.

Wala namang choice kaya go with the flow. Bahala na si Batman, si Superman, si Iron man, kahit na si alyas Robinhood tutal miiss ko na rin naman si Russel. Sige na kahit masakit, makita ko lamang siya okay na rin siguro. Pero anong gagawin ko pag nagkita kami, magso sorry ba ako, parang mali lalong mahahalata ni Karl na may something sa amin. Baka mas mabuti tumahimik na lamang ako. Hindi na muna ako nag-isip ng kung anu-ano pagdating sa bayan dumiretso lamang ako sa bilihan ng mga pasalubong, at kinabukasan tahimik akong sumama kay Karl hanggang makarating kami sa pier.

Hinayaan ko siya ang magbayad sa pamasahe namin bahala siya. For sure siya o sila lamang naman ang mag eenjoy don. Naupo na lamang ako pagkasakay sa bangka at tumanaw sa malawak na dagat.

“Hoy, kanina ka pa tahimik, huwag mong sabihing kinakabahan ka?” tanong ni Karl habang nakasakay kami sa bangka papuntang Isla Verde. Hindi ako umimik.

“Sabagay, hindi ka nga pala magaling lumangoy.” hindi pa rin ako kumibo. Tiningnan ko lamang siya at bahagyang ngumiti.

“Ayun o may mga life vest, gusto mong magsuot?” dagdag pa niyang pang-aasar

“Gago, may iniisip lamang ako huwag kang magulo diyan.” Ganti ko naman sa kanya.

“Babae ba?” muling pangungulit niya. Sinimangutan ko lamang siya kaya tumigil siya. Pero maya-maya ay muling bumulong.

“Akala ko ba marami kang sasabihin, umpisahan mo na, para makabawi ka.” Napatingin ako, naloko na kailangan kong makagawa ng paraan na hindi niya ako kulitin, Tumingin kunwari ako sa tubig.

“Ano na?” pagbasag niya sa pananahimik ko.

“Wala ako sa mood magkwento, masakit ang ulo ko.” Walang gana kong sagot sa kanya na hindi siya tinitingnan.

“Ang labo mo boi!” iyon lamang ang sinabi niya at lumipat ng upuan, malayo sa akin. Alam kong naiinis siya dahil sa ginawa ko. Pero hayaan na muna, mamaya naman ayus na ulit iyon, kilala ko yun hindi non ako matitiis.

Hanggang naka rating kami sa Isla Verde hindi kami masyadong nag-usap. Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Tense na tense ako at the same time excited one year na since last na nakita ko siya. Ang ganda ng lugar. Bata pa ako nang last akong makapunta sa lugar na iyon. Iyong puting buhangin na hinahagkan ng malinaw at kulay blue na tubig na biglang magiging white na bubbles pag tumama sa batuhan, habang ang backdrop ay matataas na puno na nasa malalaking bato. Napaka romantic ng lugar. Sana kami na lamang ni Russel ang narito napakasarap siguro non. Wala sana ang asungot kong pinsan na napaka kulit.

“Welcome to Isla Verde. The hidden paradise of Batangas!” narinig kong sigaw ng isang lalake habang tumutulay kami sa isang malapad na kahoy na nagdudugtong sa bangka at sa malaking bato papunta sa pampang. Pamilyar ang boses at pagtingin ko nakita ko si Russel, nakangiti habang inaabot ang kamay ni Karl. Ang gwapo niya. Simpleng shorts at muscle shirt lang ang suot niya saka puting rubber shoes pero sobrang lakas ng dating niya. Para siyang artista. Nagtinginan sila ni Karl tas nakita kong ngumiti siya. Alam kong may sinasabi si Karl dahil tumango siya. Sa kakatingin ko sa kanila hindi ko napansin na inaabot na pala ng isang lalake ang kamay ko para alalayan ako sa pagtawid. Inabot ko lamang iyon at nagpasalamat sa kanya pagtapak ko sa batuhan.

“Kuya Xander, ako po si JD isa sa mga tauhan ni Nanay Ana, sinabihan niya akong salubungin kayo, ako na ang magdadala ng bag ninyo.” Tiningnan ko siya. Hindi naman kami nagkakalayo ng edad. Nginitian ko siya.

“Thanks JD, huwag mo na akong kuyahin, for sure di naman nagkakalayo age natin o baka nga mas bata pa ako sa yo.” Pagpapatawa ko. Napatawa na rin siya at inabot yung back pack ko. Nang tingnan ko sina Karl nakita kong nakangti lang sila sa amin. Pero malayu na sila.

Hindi ko alam kung anong naghihintay sa amin sa lugar na iyon, pero isa lamang ang sigurado sobrang awkward ng ganoong pakiramdam. Muli kong tiningnan yung dalawa parang wala lang naman sa kanila. Naglalakad na sila palayo sa pampang na may pinag-uusapan kaya sumunod na kami. Bwisit na si Russel hindi man lamang ako pinansin.

Pagdating sa bahay nila agad kaming sinalubong ni Lola Ana. Hindi ko alam kung nasaan yung dalawa hindi namin kasamang pumasok sa bahay.

“Xander, kumusta, kumusta ang biyahe nyo. Parang mas gumuwapo ka pa ngayon kesa noong isang taon.” Bati ni Lola Ana sa akin.

“Mano po, mabuti naman po, hindi nyo lamang po ako masyadong napansin noong death anniversary ni Lolo. Ang dami po kasing bisita.” Pagpapatawa ko.

“Oo nga isa pa ay panay ang gala ninyo ni Russel, lagi kayong nawawala.” Hmp. Sana nga nawala na lamang kami noon at hindi na nagpakita,” iyon ang naisip kong isagot kaso hindi pwede.

“Siyanga pala nasaan ba ang batang iyon, hindi ka man lamang ba sinalubong. JD nasan ba ang Kuya Russel mo?” tanong niya kay JD.

“Nako Lola, sinalubong po kami, nagkita na po kami kanina.” Agad ko namang sagot. Pero nasaan kaya sila. Pambihira kahapon lamang magkasama akala mo naman miss agad ang isat-isa.

“Nanay, pupunta raw po sila sa kabila at titingnan nila kung may mabibiling isda, Gusto raw po yata ni Kuya Karl ng inihaw.” Masakit pa rin sa pakiramdam pero kailangan kong ngumiti, kailangan kong magpanggap na hindi ako apektado pero parang sasabog ang dibdib ko. Bakit ba kasi sumama pa ako dito, At ngayong nandito na dapat ihanda ko na ang sarili sa lahat ng sakit na pwede kong maranasan.

Nang dumating nga sila ay masayang nagbibiruan dahil sa dala nilang buhay na mga isda. May dala rin si Karl na manggang hilaw na gagawin daw sawsawan. Panay pa ang tawanan dahil muntik na raw mahulog si Karl sa pagkuha ng mangga e meron naman palang pitas na sa baba. Pinilit kong maging abala ang aking sarili sa pakikipag-usap kay Lola Ana. Hindi ako tumitigin sa kanila kahit panay ang tawanan nila.

“Lola, siyanga pala, padala po ng Inay. “ ibinigay ko sa kanya ang dala ko, buko pie, espasol at panutsa dahil sabi ng Inay ay paborito raw yun ng bunso nila.

“Salamat Utoy, ang dami nito ah, si Ate talaga pinahirapan ka pa sa pagdadala.” Nakangiti naman niyang sabi pagkatapos kunin ang mga dala ko.

“Wala pong anuman Lola, minsan lamang naman na may pumunta dito kaya sinamantala na niya. Saka ipinapakumusta rin niya kayo.” Ngiti lamang ang isinagot niya sa sinabi ko.

Maya-maya ay natanaw ko si JD na nag-iihaw na, dahil wala naman akong gagawin kasi si Lola Ana ay pumasok na sa kusina, nilapitan ko siya para tulungan. Masaya naman siyang kausap kaso maya-maya lamang ay nakita ko iyong dalawa palapit sa amin na nagbibiruan. Mahina ang usapan nila pero mababakas mo sa kanila ang tuwa. Nakakainis lamang halos laging pabulong ang usapan nila. Hindi ko alam bakit hindi sila nahihiya kahit kaharap kami ni JD panay ang harutan nila. Kung pwede lamang ay lagyan ng baga ang mga labi nila para matigil sa kakangiti.

Hanggang sa nang kumain kami ay naghaharutan pa din sila. Kulang na lamang ay magsubuan sila ng pagkain. Parang balewala naman kay Lola Ana hindi sila pinapansin. Pero bang lalandi nila, ang sakit sa mata. How I wish narito si JD para naman may kausap ako. Parang gusto ko na talagang mag walk out pero wala namang biyahe ng bangka pabalik ng Batangas ng ganoong oras. Ang alam ko sa hapon pa.

Pagkatapos kumain ay nagyaya si Karl na gumala pero nagdahilan ako na gusto kong magpahinga.

“Bro don ka na lamang magpahinga sa room ko. Diretso ka lang tas yung second door sa left.” Si Russel sa wakas kinausap din niya ako.

Mula nang dumating kami yun lamang ang first time na kinausap niya ako. Hindi ko naman nararamdamang galit siya sa akin pero parang wala lang. Unlike me ramdam ko ang pagkailang sa kaniya kahit yung pagtingin sa kaniya hindi ko magawa pero siya, ramdam ko madalas siyang nakatingin sa akin pero parang blangko naman. Parang wala kaming pinagsamahan. Siguro nga gaya ng sinabi ko noon sa kaniya, kalimutan na namin kung anuman yung namamagitan sa amin. Siguro nga ginawa niya. Ako yung nagsabi pero bakit hindi ko magawa.

Tumango lamang ako sa kaniya at hindi na nagsalita. Hindi na rin ako nagpaalam kay Karl. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Naiinis ako sa kaniya, pero wala naman siyang kasalanan. Mukang wala naman siyang alam sa nangyari sa amin. Nakakainis lamang na wala akong magawa sa sitwasyon na kinalalagyan ko. Kaya nakasimangot akong tumalikod sa kanilang dalawa.

Pagpasok sa room ay nilibot ko lamang ang aking paningin. Hmm, maganda ang room niya napaka organize ng lahat ng bagay parang hindi ginagamit. Kulay white at gray ang pinta, tapos ay dark blue na cover ng kama at kumot at unan na magkapareho ang design at kulay. Napaka cool pagmasdan. Ang bango rin ng buong kwarto. Sa isang table sa corner meron siyang naka frame na picture na nakahubad. Lumapit ako at hinawakan ko ang picture frame. Naupo ako sa bangko at itinapat sa mukha ko ang picture frame.

“Mahal naman kita, pero bakit hindi mo ako hinintay, nasaktan din naman ako sa ginawa ko, pero handa naman akong punan anuman yung magagawa kong pagkukulang. Sana binigyan mo ako ng pagkakataong makabawi. Sana hinintay mo ako….” Nang biglang gumalaw ang pinto.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Second Time Around (Part 2)
Second Time Around (Part 2)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEigk8H6juJdj8YvFNYT8pkjKZjhUThIo7o4Gqg_PFNPM6qIhWGgy1QzbBeafbNTeS_FE9JTX8Kf6nnDI-cikfBOJaex3bda3uzYbF7CJZHR-1BZlPAswkIn5AbwoMGHrrCA7_x9wPF44AZ5/s400/12446190_802354853208658_902745443_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEigk8H6juJdj8YvFNYT8pkjKZjhUThIo7o4Gqg_PFNPM6qIhWGgy1QzbBeafbNTeS_FE9JTX8Kf6nnDI-cikfBOJaex3bda3uzYbF7CJZHR-1BZlPAswkIn5AbwoMGHrrCA7_x9wPF44AZ5/s72-c/12446190_802354853208658_902745443_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/03/second-time-around-part-2.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/03/second-time-around-part-2.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content