By: Lonely Bulakenyo Ilang linggo na din ang lumipas nung umalis si Karlo. Mula nuon ay hindi ko na din siya nakausap pa. Gustuhin ko ...
By: Lonely Bulakenyo
Ilang linggo na din ang lumipas nung umalis si Karlo. Mula nuon ay hindi ko na din siya nakausap pa. Gustuhin ko mang kamustahin siya pero hindi ko naman alam kung paano. Hindi ko naman alam ang Skype account niya. Hindi ko din naman maintindihan kay Tristan kung bakit ayaw niyang ibigay sa akin ang contact ng pinsan niya. Huwag ko na daw sayangin ang oras ko at hindi ko din naman daw makokontak si Karlo. Ilang beses na daw niyang sinubukan na kontakin ang pinsan pero hindi daw siya sinasagot. Alam na din ni Tristan na hindi pa umuuwi si Karlo sa Australia. Kahit hindi niya alam kung nasaan ang pinsan ay pilit na lang niyang inaalis sa isipan niya ang mag-alala dahil kaya naman daw ni Karlo ang sarili niya. Medyo naguiguilty din naman ako kasi alam ko kung nasaan ang pinsan niya. Pero nangako ako na hindi ko ito ipapaalam kay Tristan kaya nanatili na lang akong tahimik. Sa halip ay inasikaso ko na lang ang mga dapat kong ayusin para sa scholarship ko na popondohan ni Tito Jaime. Ilang linggo na lang din kasi at magsisimula na ang pasukan.
Late na akong nakapananghalian dahil pasado alas dose na ako nagising. Madaling araw na din kasi ako nakatulog dahil magdamag kaming magkausap ni Tristan sa telepono. Nawi-wierdohan ako sa kanya nung kausap ko siya. Ramdam ko na may gusto siyag sabihin sa akin pero hindi niya masabi. Pilit akong pinagkukuwento ng tungkol sa kung anu ano. Halos maubusan na nga ako ng ikukuwento sa kanya. Kapag naman magpapaalam na ako para magpahinga na e ayaw naman niya. Hindi pa daw siya inaantok. Usap pa daw kami. Ako naman si tanga, nagkuwento ng nagkuwento. Salita ako ng salita hanggang nabosesan ko na lang na naghihilik na si mokong.
“Adik ang puta! Sira ulo di ba? Kainis!”
Mag-aalas sais na ng gabi. Habang naglalakad ako papunta ng bahay nina Tristan ay napansin ko ang mga banderitas na nakasabit sa paligid. Hindi sa masyadong kalayuan ay ang mga kabataang abala sa pagsasaayos ng mga dekorasyon. Malapit na nga pala ang kapistahan. Bigla akong napaisip. Bakit hindi man lang ako sinabihan ni Lola na nagsimula na pala ang pagkakabit ng mga dekorasyon. Mula Grade 5 ako ay lagi na niya akong pinapasama sa mga nag-aayos. Sa akin nga niya ipinagkakatiwala ang budget pati ang mga materyales na ginagamit sa pag-aayos. Nakapagtataka talaga.
Naisip ko na lang na marahil ay alam niyang abala ako sa pag-aayos ng mga requirements ko para sa nalalapit na pasukan. At tsaka mabuti na din yun. Para hindi na ako maobligang makipag-usap kay Father Roy. Tuwing pupuntahan ko kasi siya sa opisina niya ay nagkakaroon siya ng pagkakataon na lapastanganin ang katawan ko. Mula kasi nung unang beses na tumulong ako sa pag-aayos ay lagi nang may nangyayari sa amin. Kung araw araw na may gawa ay araw araw na tumitiba ang bulaang propeta na iyon sa akin. Ako kasi ang inaatasan niyang magligpit ng mga pinaggamitan namin tuwing matatapos kaming mag-ayos. Sinadya niyang sa opisina niya ang tambakan ng mga gamit para wala akong kawala.
Mautak ‘di ba?
Kaya sigurado akong madidismaya siya kapag nalaman niyang hindi ako kasama sa mga mag-aayos ngayong taon. Kaya lang naisip ko din na posibleng may iba siyang mabibiktima ngayon. Lalo’t isa sa mga tumutulong ay yung batang lalaki na madalas kong nakikita na tumatambay sa partor ni Tanya. Mukhang pahada naman si mokong kaya pasalamat na din akong may sumalo sa akin.
Ilang saglit pa ay nasa tapat na ako ng gate ng bakuran nina Tristan. Nasa labas ng bahay ang kotse ni Tristan. Halatang bagong linis dahil mamasa masa pa ito. Tiningnan ko muna ang mga dokumentong hawak ko. Nang masiguradong kumpleto at maayos ang lahat ay tsaka ako sumilip sa loob ng bakuran. Nasa labas ang isa sa mga kasambahay nila at nagdidilig ng mga halaman. Agad ko siyang tinawag.
“Ate!” ang bungad ko. Pero parang hindi ako narinig ni ate kaya inulit ko ang pagtawag.
“Huy! Ate!” ang medyo malakas na pagtawag ko. Hindi pa din niya ako narinig. Sa pagkakataong iyon ay nakatitig na siya sa may pintuan ng bahay na tila ba may minamatsagan.
“Ate!” ang halos pasigaw na tawag ko. Sa lakas ng pagkakatawag ko ay kita ang pagkagulat sa mukha ng kasambahay. Agad nitong ibinaba ang hawak na hose at nagmamadaling lumapit sa akin. Binuksan niya ang gate.
“Ate, may parada ng mga bingi sa pista. Sumama ka kaya.” Ang bungad na biro ko.
“Tatlong beses akong tumatawag ah?” ang pagsita ko.
Sa halip na matawa sa biro ko ay tila ba napatanga lang si ate sa akin. Halata din sa mukha niya ang pagkabalisa dahil palingon lingon siya sa likod niya habang kaharap ako.
“Huy! Ok ka lang ba? Bakit parang namumutla ka?” ang nagtatakang tanong ko.
“Uhm. Okay lang naman ako Nikko.” Ang tila ninenerbiyos na sagot ng kausap ko.
“Sigurado ka ba? Maputla ka eh.” ang sabi ko sabay salat sa noo niya.
“Okay lang talaga ako. Wala akong sakit.” Ang paniniguro ng kinakabahang kasambahay.
“Okay. Andiyan ba si Tristan? May ibibigay lang sana ako.” Ang sabi ko.
Hindi na naman nakapagsalita ang kausap ko. Muli na naman itong lumingon sa pintuan ng bahay. Biglang nagbago ang pakiramdam ko. Base sa inaasal ng kausap ko ay tila ba may nagyayaring hindi maganda sa loob ng bahay.
“Neng! Ano bang nangyayari at nagkakaganyan ka?” ang pagtataka ko.
“Nikko… hindi yata ngayon yung tamang oras na pumunta dito.” Ang medyo nanginginig na sabi ng kasambahay.
”Ha? Bakit?” ang mas lalong nagtatakang tanong ko.
“Kasi…” ang putol na tugon ng kausap ko.
“Kasi?” ang pag-usisa ko.
“Kasi ano…” ang kabadong sagot niya.
“Ano nga?” medyo inis na tanong ko.
Hindi na nakapagsalita ang kasambahay dahil tuluyan na itong napatanga sa akin. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya at nag-aabang ng susunod niyang sasabihin ng biglang makarinig ako ng ingay na nagmumula sa loob ng bahay.
“Jusko po!” ang medyo mangiyak ngiyak na nasabi ng kausap ko.
Dahil sa gulat ay dali dali akong pumasok sa bakuran. Ang kausap ko naman ay dali daling sinarado ang gate at nagmamadaling pumunta sa likod bahay ng dahil sa takot na nararamdaman. Dahan dahan akong lumapit sa may pintuan ng bahay. Nung nasa harap na ako ng pinto ay sinubukan ko itong buksan pero ito ay nakalock. Kakatok na sana ako nang biglang marinig ko ang pagbagsak ng mga muwebles at mga babasaging gamit sa loob. Sa sobrang pagkabigla ay tinawag ko ang aking kaibigan.
“Tristan!” ang kinakabahang tawag ko sabay katok ng malakas. Tila hindi ako narinig ng kaibigan ko dahil narinig ko ang boses niya at ni Tito Jaime na tila ba nagtatalo.
“Kung iyan ang ikakapanatag mo! Sige! Sirain mong lahat! Sige!” ang galit na sabi ni Tito Jaime.
“Ahhhhhhhh!” ang sigaw ni Tristan kasunod ang pagbagsak ng babasaging gamit na mukhang ibinato niya.
“Buong buhay ko… Wala akong ginawa kundi ang intindihan ka…”
“Lahat ng sinabi mo pinaniwalaan ko… Lahat lahat tinanggap ko…Nagtiwala ako sa iyo…”
“Pero hanggang kailan Dad?” ang nangingiyak na sabi ni Tristan.
“Tristan… huwag kang magsalita na para bang wala akong ginagawa.” Ang sagot ni Tito Jaime.
“Ginagawa?! Ano?!? Anong ginagawa mo?!” Ang malakas na tanong ni Tristan sa ama. Hindi agad nakakibo si Tito Jaime.
“Ano?!?”
“Wala kang masabi?!? Kasi wala ka naman talagang ginagawa. Diyan ka magaling!” ang galit na sabi ni Tristan.
“Tristan. Anak… Magtiwala ka lang sana akin. Ginagawan ko naman ng paraan.” Ang medyo mahinahon pero nagpupumilit na sabi ni Tito Jaime sa anak.
“Tiwala? Hahaha!”
“Magtiwala ako sa iyo?!? Nagpapatawa ka ba, Dad?” ang natatawa pero naiiyak na tanong Tristan.
“Hindi ba’t and dahilan kung bakit nagkandalokoloko ang buhay natin dahil nagtiwala kami sa iyo? Ha?!”
“Nasira ang pamilya natin dahil nagtiwala kami sa iyo!”
“Iniwanan ka ni Mommy dahil sa kagagawan mo!”
“Ni ayaw ka ngang makita ng mga kapatid ko!”
“Pero ako… Dad… kahit galit na galit ako sa iyo… pilit kitang inuunawa!”
“Binibigyan kita ng pagkakataon… dahil tatay kita… at mahal kita…”
“Pero hanggang kailan Dad?”
“Hanggang kailan?!?” ang pahagulgol na tanong Tristan sa ama.
“Ano bang gusto mong gawin ko? Ha?!?” ang tila napipikon na tanong ni Tito Jaime sa anak.
“Simple lang! Magpakalalaki ka!”
“Gawin mo ang dapat mong gawin.”
“Gamitin mo yang bayag mo!” ang galit na sagot ni Tristan sa ama.
“Putangina ka! Bastos kang bata ka!”
“Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang bastusin ako? Ha?!”
“Baka nakakalimutan mong tatay mo ako at anak lang kita?” ang galit na ding sabi ni Tito Jaime sa anak.
“Sige! Ano? Sasapakin mo ako? Ha?!”
“Sasaktan mo na naman ako?!”
“Ano? Akala mo natatakot ako sa iyo? Ha?!”
“Sige! Saktan mo ako!”
“Tutal diyan ka naman magaling. Sa pananakit!”
“Pero ang totoo… wala ka naman talagang silbi!” ang sigaw ni Tristan sa ama. Kasunod nito ay ang isang malakas na tunog na tila ba isang sapak. Dinig ko din ang pagbagsak ng mga gamit sa loob.
“Tristan…” ang tila ba nag-aalalang sabi ni Tito Jaime.
“Huwag mo akong hahawakan!” ang gigil na sagot ni Tristan sa ama.
“Anak…”
“Sorry...”
“Nabigla lang ako!” ang pagmamakaawa ng ama.
“Huwag mo akong matawag tawag na anak! Dahil kailan man ay hindi ka naging mabuting ama sa amin!” ang huling sinabi ni Tristan.
Laking gulat ko na lang nang biglang bumukas ang pintuan ng bahay. Bakas din sa mukha ni Tristan ang pagkagulat nang makita niya ako. Hindi ako halos nakapagsalita nang makita ko ang nangingitim na pasa sa mukha ng kaibigan ko. Kumabog ang dibdib ko nang makita ko ang unti unting paggapang ng dugo mula sa kaliwang labi niya. Agad na pinahid ito ni Tristan dahilan para kumalat ang dugo sa kanyang kaliwang pisngi. Nagsimula na namang mangilid ang kanyang mga luha habang nakatitig lang sa akin.
“Tristan… Anak.” ang pagtawag ni Tito Jaime sa kaharap ko.
Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Tristan. Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Bumigat na din ang kanyang paghinga. Nakakuyum na ang kayang mga kamay na tila ba mananapak anumang sandali. Bahagya itong lumingon sa ama. At huminga ng malalim. Nang umakmang lalapit si Tito Jaime sa kanya ay agad itong lumakad paalis. Sinubukan ko siyang pigilan.
“Tristan…” ang pagpigil ko sabay hawak sa braso niya.
“Bitawan mo ako Nikko…” ang tila nagbabantang sabi niya sa akin.
Pero umiral ang katigasan ng ulo ko. Hindi ko sinunod ang nais niyang mangyari. Kaya naitulak niya ako ng malakas dahilan para mawala ako sa balanse at tuluyang mapaupo sa sahig. Samantalang si Tristan ay nagmamadaling lumabas ng gate. Sumakay ng kotse niya at paharurot na pinaandar ang kanyang sasakyan.
“Tristan!” ang malakas na tawag ko sa kanya.
Agad na lumapit si Tito Jaime sa akin at tinulungan akong makatayo.
“Okay ka lang ba Hijo?” ang pag-aalala ni Tito Jaime sa akin habang inaalalayan ako sa pagtayo. Nang makatayo ay agad ko ding dinampot ang dala kong manila envelope.
“Okay lang po ako Tito. Kayo po ba?” ang nag-aalalang tanong ko.
“Okay lang ako.” Ang tugon ni Tito Jaime sa akin.
“Ano po ba’ng nangyari? Bakit nag-aaway po kayo ni Tristan?” ang tanong ko.
Hindi na sinagot ni Tito Jaime ang tanong ko. Sa halip…
“Nikko… maaari ba akong humingi ng pabor sa iyo?” ang nag-aalala pa ding tanong ni Tito Jaime.
“Oo naman po. Ano po yun?” ang tugon ko.
“Pwede mo bang sundan si Tristan?”
“Galit na galit ang anak ko. Baka kung ano pa ang magawa nun.”
“Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.” Ang pakiusap ni Tito Jaime sa akin.
“Sige po Tito. Wala pong problema” ang tugon ko sabay talikod at lakad palabas ng gate.
“Sandali lang.” ang pagpigil ni Tito Jaime sa akin.
“Yan na ba yung mga requirements na hinihingi ko para sa scholarship mo?” ang agad na tanong ni Tito Jaime nang mapansin ang tangan ko.
“Opo. Ibibigay ko na po sana sa inyo. Kaya lang, wrong timing po yata ako.” Ang medyo nahihiyang sabi ko.
“Ganun ba? Akin na yan. Iwanan mo na dito at baka mawala pa.” ang sabi ni Tito Jaime.
“Sige po.” ang huli kong nasabi sabay abot sa hawak at labas ng gate.
Eksaktong may padaan na tricycle nung lumabas ako mula sa bahay nila Tristan. Agad ko itong pinara at tsaka sumakay. Papuntang plaza ang direksyon ni Tristan kaya dun ako nagpahatid sa driver. Habang nasa tricycle ay makailang beses kong tinawagan ang cellphone niya. Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.
Pagdating sa plaza ay agad akong nagbayad. Bumaba ng tricycle at luminga linga sa paligid. Nagbabaka sakali na mahagip ng mga mata ko ang sasakyan ni Tristan. Pero sa kasamaang palad ay wala. Pilit kong inisip ang mga posibleng lugar na puntahan niya. Ngunit sa sobrang pag-aalala ko ay wala ni halos pumasok sa utak ko. Para akong tuod na nakapako ang mga paa sa lupa. Hindi malaman kung saan ako unang maghahanap.
Sinubukan ko na tawagan ulit siya. Pero ring lang ng ring ang phone niya. Hindi ko talaga maisip kung saan siya posibleng magpunta. Kaya naisip ko na magpaikot ikot sa kalsada at baka sakaling makita ko ang sasakyan niya. Ang problema, hindi ako makakaarkila ng trike dahil singkwenta na lang ang pera ko sa bulsa. Kung nandito lang sana si Derek ay makakatulong siya sana sa akin.
Muli akong luminga sa paligid. Hanggang sa dumako ang mga mata ko sa parlor ni Tanya. Eksaktong nakaparada ang motor niya sa tapat. Agad kong pinuntahan ang parlor. Nasa loob si Tanya at inaasikaso ang ilan sa mga customer niya. Agad siyang tumigil sa ginagawa nang makita niya akong nakatayo sa may pintuan.
“O Baby! Long time no see? Papagupit ka?” ang bungad ni Tanya sa akin.
“Hindi. May papakiusap sana ako sa iyo Tanya.” Ang humahangos na sabi ko.
“Okay ka lang ba? Bakit humahangos ka?” ang nagtatakang tanong ni Tanya.
“Hinahanap ko kasi si Tristan. Nagkaroon kasi ng konting problema e.” ang paliwanag ko.
“Tristan? Yung anak ni Konsehal Jaime?” ang tanong ni Tanya.
“Oo. Siya nga.” Ang tugon ko.
“Talaga?”
“So, anong maitutulong ko?” ang tanong pa ulit niya.
“Hihiramin ko sana ang motor mo. Mag-iikot ikot lang sana ako at baka sakaling makita ko siya.” Ang paki-usap ko.
“Hala. E sanay ka bang magdrive? Ang alam ko nga may phobia ka sa motor.” ang pag-aalinlangan ni Tanya.
“Sanay naman ako, Tanya. Huwag kang mag-alala. Magdadahan dahan naman ako.” Ang muli kong paki-usap.
“Nikko… bago itong motor ko. Iilang buwan ko pa lang nahuhulugan ito.” ang nag-aalinlangan pa din na sabi ni Tanya.
Medyo napufrustrate na ako sa totoo lang pero nauunawan ko din naman si Tanya. Alam ko naman na dugo at pawis ang pinuhunan niya para sa motor na iyon. Pero wala na akong maisip na paraan. Sobra na talaga akong nag-aalala sa kaibigan ko. Kaya ginawa ko na lang ang tanging alam ko na makapagpapapayag kay Tanya para pahiramin ako ng motor niya.
Lumapit ako sa kanya. Hinatak ko siya sa may labas ng parlor niya. Umakbay sa balikat at tsaka bumulong.
“Sige na Tanya. Pahiramin mo na ako. Ako nang bahala sa iyo mamaya pagbalik ko.” ang medyo malambing na sabi ko.
Biglang napaisip si Tanya. Halata sa mukha niya na nagtatalo ang isip niya. Iniisip nya ang kapakanan ng motor niya pero hindi din niya mahindian ang inooffer ko.
“Ano? Sige na….”
“Please?” ang malambing na sabi ko sabay hilig ng ulo sa balikat niya.
Alam kong nakuha ko ang kiliti niya, kaya…
“Tangina naman Nikko eh. Alam mong yan ang kahinaan ko sa iyo e.” ang napapairap pero napapangiting sabi ni Tanya.
“So, ano? Ipapahiram mo na?” ang malambing na tanong ko.
“May magagawa pa ba ako? Nahuli mo na ang kiliti ko.” Ang napapairap niya sabay dukot ng susi ng motor mula sa bulsa niya at tsaka ito iniabot sa akin.
“Yey! Salamat ha? Hulog ka ng langit!” ang magiliw na sabi ko. Akma ko nang kukunin ang susi nang bigla itong iniwas ni Tanya.
“Siguraduhin mo lang na iingatan mo yang motor ko… at saka…”
“Tutuparin mo yung sinabi mo…” ang pataray na sabi ni Tanya sa akin.
Agad kong kinuha ang susi at ang kamay niya sabay dahan dahan itong inilapit sa mukha ko.
“Oo naman.” Ang huling sinabi ko sabay halik sa kamay niya.
“Ayan! Diyan ka magaling! Sa pambobola!”
“Ayan na yung susi.” Ang sinabi niya sabay bitaw ng susi.
“Salamat.” ang huli kong nasabi bago ko pinaandar ang motor.
Sinimulan ko ang paghahanap kay Tristan sa paligid ng Plaza. Pagkatapos ay dumerecho ako sa may highway para duon maghanap. Sinubukan ko din ang hanapin siya sa bahay ng mga kakilala kong kaibigan niya. Pero hindi ko pa din sya makita. Makailang beses kong tinawagan si Tristan pero hindi siya sumasagot. May pagkakataong kinacancel nya ang tawag ko. Sobra akong naiinis kapag kapag kinacancel nya ang tawag ko pero kahit papaano ay napapanatag ako kasi alam ko na nasa mabuti siyang kalagayan. Gusto lang talaga niyang mapag-isa.
Halos mag-lilimang oras na akong nagpapaikot ikot nang tuluyan nang naubos ang gasolina ng motor ni Tanya. Mabuti na lang at malapit na ako sa parlor niya nung tuluyang mamatay ang motor niya. Kaya itinulak ko na lang ito patungo sa kanila.
Lagpas alas onse na. Nakaupo sa harap ng parlor si Tanya nang abutan ko siya. Nakayuko sa cellphone na tila ba may kachat. Ilang saglit pa ay napalingon siya sa akin at nagsimulang mamilog ang mga mata nung makita niyang tulak tulak ko ang motor niya.
“Hala! Anong nangyare?” ang nag-aalalang tanong ni Tanya sabay tayo at lapit sa akin.
“Sorry Tanya. Naubusan na ng gasolina e. Buti na lang at malapit na ako dito nung mamatay.” ang paliwanag ko.
“Hay dyusmiyo. Akala ko naman ay kung napaano na. Tinakot mo ako ih.” ang medyo napanatag na tugon ni Tanya.
“Sorry ha?” ang paghingi ko ng paumanhin.
“Okay lang.” ang sagot niya.
“Gusto mo dalhin ko muna sa gasolinahan para mapakargahan?” ang sabi ko.
“Hindi na. Ako na bahala. Bukas na lang. Ipasok mo na lang sa loob yan” ang sabi ni Tanya.
Agad kong ipinasok ang motor sa loob ng parlor. Nang maiayos ko ito ay agad akong umupo sa tapat ng bentilador para magpalamig. Ilang sandali pa ay pumasok na din si Tanya at may bitbit na dalawang bote ng softdrinks. Iniabot niya ang isa sa akin na dali dali ko namang ininum ng dahil sa uhaw.
“O ano? Nakita mo ba ang hinahanap mo?” ang tanong ni Tanya sa akin.
“Hindi e.” ang medyo naiinis na sabi ko.
“Hala! Naubos mo ang gasolina ko tapos wala ka pa ding napala?” ang tugon ni Tanya.
“Anong magagawa ko? Ang lawak ng pinaghahanapan ko.”
“Para akong naghahanap ng karayom sa damuhan.” ang sabi ko sabay inum ulit ng softdrink.
“Well, kung ayaw naman talaga magpakita e huwag mo nang hanapin.” sabi niya sa akin.
“Ano ka ba? Kaibigan ko yun. Hindi naman pwedeng pabayaan ko na lang yun.” ang tugon ko.
“Ano ba kasi ang nangyari?” ang tanong niya.
“Hay naku. Hayaan mo na lang. Huwag mo nang alamin.” ang sagot ko.
“O siya. Uuwi na ako. Salamat sa motor at sa softdrink.” ang paalam ko sabay tayo.
“Ops! Ops! Ops! “
“Teka lang. May usapan tayo ah?” ang pagpigil ni Tanya sa akin sabay sarado at lock ng pinto.
“Langya! Hindi ka talaga maiisahan e noh?” ang napapailing na sabi ko.
“Ako pa ba?” ang napapangiting sabi ni Tanya sabay lapit sa akin. Agad niya akong hinalikan sa leeg at sabay dakma sa alaga ko.
“Teka lang. Maghugas lang muna ako.” ang pagpigil ko kay Tanya.
“Huwag na. Alam ko namang hindi mo na kailangan.” ang tugon ni Tanya sa akin sabay halik ulit sa leeg ko.
“Teka. Teka. Teka lang.”
“Basta ang usapan, tsupa lang ha? Wala ako sa mood ngayon.” ang sabi ko sa kanya.
Agad akong naupo sa sofa. Kinuha ko muna ang cellphone sa bulsa ko at inilapag ito sa lamesang nasa gilid ng upuan. Ibinaba ko ang shorts at brief ko sabay sandal. Lumuhod sa harap ko si Tanya. Dinakma ang malambot ko pang alaga at sinimulan itong salsalin. Inililis ang suot kong damit at sinimulang dilaan ang utong ko.
“O. Ano ba? Wala nang che che bureche. Dumeretso ka na sa burat ko.” ang inis na sabi ko.
“Hala!.... Nagmamadali?” ang inis na tugon ni Tanya.
“Dami pang sinasabi e.” ang sabi ko sabay hawak sa ulo ni Tanya na agad kong isinubsob sa harapan ko.
Hindi muna isinubo ni Tanya ang alaga ko. Bagkus ay inamoy amoy muna nya ito. Hinalikan at dinilaan ang aking singit bago ito ulit humarap sa akin.
“Tang-ina Nikko iba ka talaga e. Ang bango pa din kahit ilang oras kang nagmotor. Sarap e.” ang nakangiti at libog na libog na sabi ni Tanya sa akin.
“ Ang dami mong sinasabi e. Tsupain mo na lang ako at nang matapos na.” ang pasupladong sabi ko sabay subsob ulit sa ulo ng Tanya sa harap ko.
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko nung maramdaman ko ang pagpasok ng alaga ko sa bibig ni Tanya. Ramdam ko ang paglilikot ng dila nya habang nagtataas baba ang ulo niya sa harap ko. Kasabay nito ang paghimas niya sa hita ko. May pagkakataon pa na hinihimas din niya ang dalawag itlog ko. Pinipilit kong magconcentrate para mabilis akong labasan. Pero nahihirapan akong gawin dahil pumapasok sa isip ko si Tristan. Hindi ko talaga maialis sa sarili ko ng mag-alala.
Ilang saglit pa ay...
“Ano ba yan Nikko? Bakit hindi ka tinitigasan?” ang nagtatakang tanong Tanya.
“Dati naman hindi ka ganyan ah? Saglit na himas lang e halos gabakal na ito ah?”
“Bakit ngayon e malambot pa sa marshmallow? Ano bang nangyayari sa iyo?” ang dagdag pa ni Tanya.
“Pagbutihan mo kasi para tigasan ako.” ang tugon ko.
“Jusko. Nakakangawit kaya.” inis na sagot niya.
“Tsk! Daming satsat e.” ang sagot ko sabay subsob ulit sa ulo ni Tanya sa harap ko.
Pinilit kong magconcentrate habang naglalabas masok sa bibig ni Tanya ang alaga ko. Hindi ko alam kung anong magic ang ginawa ng dila ni Tanya dahil nakaradam ako ng sensasyon na naging dahilan para magsimulang tumigas ang alaga ko. Nakita ko sa mga mata ni Tanya ang tuwa nung maramdaman ang pagkabuhay ng alaga ko kay mas lalo pa siyang ginanahan sa pagtsupa sa akin. Muli kong ipinikit ang mga mata ko at pilit na ninamnam ang sarap ng ginagawa ni Tanya. Nagsisimula nang maipon ang sensasyon sa puson ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong tumatawag si Tristan. Agad ko itong sinagot.
“Hello! Tristan?...” ang bungad na sabi ko.
Hindi sumagot si Tristan. Bagkus ay tunog ng mga nag-uusap na mga tao lang at mga mga dumadaan na sasakyan ang naririnig ko. Dumadagdag pa ang tunog na lumalabas sa bibig ni Tanya sa ginagawang pagsuso sa akin. Kaya muli akong nagsalita.
“Hello! Tristan... Naririnig mo ba ako?” ang muli kong tanong. Subalit wala pa ding sagot. Bagkus ay malalim na paghinga lang ang nadinig ko.
“Hello! Tan... Sumagot ka naman. Hello?” ang muli kong sabi.
Marahil ay napansin ang unti unting paglambot ng alaga ko, kaya agad itong iniluwa ni Tanya at humarap sa akin.
“Si Tristan na ba yan?” ang tanong ni Tanya.
“Shhhhhh....” ang pagpapatahimik ko kay Tanya sabay hawak sa ulo niya at subsob ulit nito sa harap ko.
Magsasalita na sana ako nang biglang...
“Sino yun?” ang seryosong tanong ni Tristan mula sa kabilang linya.
“Sa wakas! Nagsalita ka din. Nasaan ka ba?” ang agad na tanong ko.
“Hindi mo naman sinagot ang tanong ko e. Sino yung nagsalita?” ang pag-uurirat ni Tristan sa akin.
Bigla akong kinabahan. Hindi ko din naman maintindihan sa sarili ko kung bakit hinahayaan kong ipagpatuloy ni Tanya ang pagtsupa sa akin habang kausap ko si Tristan sa telepono. Kaya agad kong tinapik si Tanya sa balikat para patigilin siya sa ginagawa niya sa akin. Agad naman nya itong ginawa.
“Hello... andyan ka pa ba?” ang muling tanong ni Tristan.
“Oo. Tan.” ang kinakabahang tugon ko.
“So sino nga yun?” ang tanong niya.
“Si Tanya. Nandito ako sa parlor niya.” ang sagot ko.
“O e anong ginagawa mo diyan?” ang urirat ni Tristan sa akin.
“Hiniram ko kasi ang motor niya kanina. Nag-ikot ikot ako para hanapin ka.” ang sagot ko.
“Hinahanap mo ako? So... nakita mo ba ako? Hehehe.” ang natatawang tanong ng halatang lasing na si Tristan.
“Obvious bang hindi? Nasaan ka ba kasi?” ang nag-aalalang tanong ko.
“Nasaan ako?....”
“Ano...”
“Somewhere... Out there... beneath the pale moon light... hehehe.” ang pakantang sabi ni Tristan.
“Tristan, obviously lasing ka na. Sabihin mo na lang sa akin kung nasaan ka.”
“Pupuntahan kita ngayon.” ang nag-aalalang sabi ko.
“Don’t worry. Okay lang ako.”
“Kahit tarantado yung tatay ko... okay lang ako. Promise! Hehehe.” ang lasing na tugon ni Tristan.
“Tristan... Please... Sabihin mo na sa akin kung nasaan ka.” ang pakiusap ko.
“Bakit ba kasi?” ang medyo inis na tanong ni Tristan.
“Nag-aalala lang kasi ako sa iyo. Baka kung mapaano ka.” ang sabi ko.
“Nag-aalala ka sa akin? Bakit?” ang sarkastikong tanong ng lasing na si Tristan.
“Ano ba naman klaseng tanong yan? Sabihin mo na lang kasi kung nasaan ka.” ang inis na sabi ko.
Hindi ako sinagot si Tristan. Bagkus ay narinig ko na lang na tumawag siya ng waiter at umorder ng dalawang bucket ng beer. Nang maka-order ay muli niya ako kinausap.
“Hello... andyan ka pa?’ ang tanong ni Tristan.
“Umorder ka pa?” ang tanong ko.
“Oo! Hehehe.” ang natatawang sabi ni Tristan.
“Bakit pa?” ang tanong ko.
“Sabi mo pupuntahan mo ako di ba? Kaya umorder pa ako.” ang sabi niya.
“Oo nga. Pero pupuntahan kita diyan para sunduin ka. Hindi para uminom. Ano ka ba?” inis na sabi ko.
“Ganun? Pwes kung hindi ka iinum, huwag ka nang mag-abala pa. Ako na lang ang uubos ng inorder ko.” ang tugon ni Tristan sa akin.
“Hala. Nagpapakamatay ka ba?” ang inis na tanong ko.
“Tanga. Bakit naman ako magpapakamatay?”
“Tsaka kung magpapakamatay ako, e di sana ibinangga ko na lang yung sasakyan ko sa nakakasalubong kong truck o kaya bus di ba?” ang sabi niya sa akin.
“Okay. Okay. Nasaan ka ba? Pupuntahan kita.” ang sabi ko.
“Dito ako sa...” hindi na natapos ni Tristan ang sasabihin dahil biglang naputol ang linya.
“Fuck!” ang tangi kong nasabi.
Muli ko siyang tinawagan. Pero hindi ko na sya makontak. Marahil ay nalowbat na si gago. Ilang beses kong sinubukan na tawagan siya pero out of coverage area na. Dali dali kong itinaas ang pambaba ko at inayos ang sarili. Kumuha ng alcohol at ipinahid ito sa leeg at katawan ko habang pinapanood ako ni Tanya.
“O. Saan ka pupunta? Di pa tayo tapos ah.” ang pagtataka ni Tanya.
“Tanya kailangan ko nang umalis. Kailangan kong puntahan si Tristan e.” ang sagot ko.
“Anak naman ng pating. Ano ba naman yan?” ang inis na sabi ni Tanya.
“Pasensya ka na. Babawi na lang ako sa susunod, ha?” ang sabi ko habang nag-aayos ng sarili.
“Hay naku, ewan ko sa iyo.” ang inis na sabi niya sabay irap sa akin.
“Sorry talaga ha?”
“Tsaka lulubusin ko na. Hiramin ko ulit motor mo.” ang nahihiyang sabi ko.
“Good luck! Paano mong mapapaandar yan e sinaid mo nga ang gasolina di ba?” ang medyo mataray na sabi ni Tanya sa akin.
“Tsk! Tsk! Tsk! Oo nga pala.”
“Pahiramin mo na lang ako ng perang pamasahe. Ibabalik ko na lang sa iyo.” ang pakiusap ko.
“Hala. Okay ka din naman e noh?”
“Pagkatapos mo akong bitinin e hihingi ka ng pera? Ayos ah?” Inis na sabi ni Tanya.
“Hindi ko naman hinihingi yun e. Utang nga e. Babayaran ko naman.” Sabi ko.
Hindi ako sinagot ni Tanya. Bagkus ay tumalikod lang ito sa akin na tila ba nagtatampong bata. Bigla akong napangiti at napailing dahil alam na alam ko ang dapat gawin para mawala ang tampo ni bakla. Isang matinding lambing. Kaya agad kong lumapit kay Tanya. Niyakap siya mula sa likod. Idiniin ang alaga ko sa biyak ng puwit niya ay marahang humalik sa leeg.
“Sige na Tanya. Pagbigyan mo na ako.”
“Please...” ang malambing na pakiusap ko.
Huling huli ko ang kiliti ni bakla dahil...
“Tang-ina naman ih. Wala namang ganyanan. Alam mong yan ang kahinaan ko e.” ang inis pero nakangiting sabi ni Tanya.
“So... papahiramin mo na ako?” ang tanong ko.
“Magkano ba kasi?” ang inis pero halatang kinikilig na tanong ni Tanya.
“Kahit P500 lang.” ang sabi ko.
“Anong P500? Sinuswerte ka? P200 lang.” ang pataray na sabi sa akin ni Tanya.
“Bakit naman P200 lang?” ang tanong ko.
“Inubos mo kaya yung gas ko kaya kailangan ko pakargahan yung motor ko bukas noh.” ang pataray pa din na sabi ni Tanya sa akin.
Wala na akong nagawa kundi tanggapin ang P200 na ibibigay sa akin ni Tanya. Okay na yun kesa wala. Makikiusap na lang ako sa Tricycle driver. May P50 pa naman ako na pwede kong idagdag.
“O. Ayan.” ang sabi ni Tanya sabay abot ng P200 sa akin.
“Salamat. Bayaran ko na lang kapag nagkapera ako.” ang sabi ko sabay kuha sa perang inaabot niya.
“Kahit hindi na. Basta next time hindi lang tsupa ha? All the way tayo.” ang sabi ni Tanya.
“All the way? Tapos P200 lang?” ang inis na sabi ko.
“Bakit? P200! Plus yung gasolina ko. Tapos yung pambibitin mo sa akin ngayon. Aber?” ang pagtataray ni Tanya.
“Hay naku. Madupang ka talaga.” inis na tugon ko.
“Pwes kung ayaw mo e akin na yang P200 ko.” ang sabi ni Tanya sabay akmang kukunin ang P200 na nasa kamay ko.
“Oo na. All the way na kung all the way.”
“Sige na! Alis na ako. Bye.” ang huling sinabi ko sabay labas ng parlor.
Eksaktong paglabas ko ng parlor ay may nakita akong tricycle na nakaparada sa may harap ng simbahan. Nagkataong taga sa amin at kakilala ko pa ang driver kaya agad ko siyang nilapitan para pakiusapan.
“Kuya. Pwede ko bang arkilahin ang tricycle mo?” ang agad na tanong ko.
“Pwede naman. Saan ba tayo?” ang tanong ng driver sa akin.
“Ikot sana tayo dito sa mga bar dito sa bayan at sa highway. Hinahanap ko kasi si Tristan.” ang sagot ko.
“Yung anak ni Konsehal Jaime?” ang muling tanong ng driver sa akin.
“Oo. Siya nga.” ang tugon ko.
“Sige. Sakay ka na.” ang sabi ng driver sabay sakay sa tricycle niya.
“Kaya lang Kuya, P250 lang ang pera ko dito. Pwede na ba?” ang nahihiyang tanong ko.
“Pwede na yan. Pauwi na din naman ako maya maya. Matumal na din kasi ang pasahero.” ang sagot ng driver sa akin.
“Hulog ka ng langit Kuya. Salamat.” ang sabi ko habang sumasakay ng tricycle.
“Saan tayo unang pupunta?” ang agad na tanong niya habang pinapaandar ang sasakyan.
“Magsimula tayo dun sa may malapit sa Iglesia ni Cristo.” ang sabi ko.
Hindi na sumagot ang driver. Bagkus ay pinaandar na lang ang sasakyan patungo sa sinabi kong lugar. Sinuyod namin ang lahat ng bar sa may poblacion bago namin pinuntahan ang mga bar na nasa kahabaan ng highway. Halos isang oras na kaming umiikot at hindi ko na din mabilang ang mga bar na napuntahan namin pero bigo pa din kaming mahanap si Tristan. Matapos naming mapagtanungan ang huling bar na nasa highway na napuntahan namin ay nagpasya na kaming bumalik sa plaza. Pabalik na kami nang biglang may naalala ang driver ng trike.
“Nikko... may isa pa pala tayong hindi napupuntahan. Maalala ko may bago nga palang food park na kakabukas pa lang duon sa may diversion. Baka nandun siya.” ang sabi ng driver.
“Talaga? Sige kuya. Duon tayo.”
“Sana nga nandun siya.” ang umaasang tugon ko.
Sampung minuto pa ang nakalipas bago namin narating ang Food Park na sinasabi ng Driver. Nagsimulang mapanatag ang loob ko nang matanaw ko ang nag-iisang sasakyan na nakaparada sa harap. Sasakyan ito ni Tristan. Pagkahinto ng tricycle na sinasakyan ko ay agad akong bumaba at lumapit sa kotse ng aking kaibigan. Sumilip ako sa loob ng sasakyan. Nagbabakasakali na nanduon siya. Nang masigurong wala ay lumakad na ako papunta sa loob ng Food Park. Nasa entrance pa lang ay ako ay sinalubong na ako ng isang kabaranggay namin na nagtatrabaho duon.
“Nikko. Ilan kayo?” ang bungad na tanong niya sa akin.
“P’re, si Tristan?” ang tanong ko.
“Naku P’re umuwi na. Kani kanina lang. Lasing na lasing nga e. Umorder pa sa akin ng dalawang bucket tapos pilit nga na inubos.”
“Langya P’re ganun pala kalakas uminum yun.” ang sabi ng kausap ko.
“Ha? E nandito pa yung sasakyan niya e.” ang pagtataka ko.
“Tumawag kami ng tricycle para ihatid siya sa kanila. Nagpupumilit nga na madadrive daw siya pauwi pero hindi kami pumayag. Sa kalagayan niya e baka maaksidente pa siya.”
“Buti nga at nakumbinsi namin.” paliwanag ng kausap ko.
“Buti naman kung ganun. Pero sigurado ba kayo na ok yung nasakyan niya na tricycle?” ang pag-aalala ko.
“Oo P’re. Tropa ko yun. Taga sa atin din kaya wala kang dapat ipag-alala.” ang paniniguro ng kausap ko.
“Salamat naman kung ganun.” ang napapanatag na sabi ko.
“P’re, ano bang nangyari dun? Napansin ko kasing may mga pasa sa mukha si Tristan. Napaaway ba yun?” ang nagtatakang tanong ng kausap ko.
Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Hindi ko naman masabi na nag-away sila ni Tito Jaime dahil siguradong kakalat sa baranggay namin yun. Sa dami ba naman ng mga tsismosa sa amin. Isa pa, iginagalang si Tito Jaime sa amin dahil sa posisyon niya sa munisipyo. Baka maging dahilan pa ito ng pagkasira niya kaya pilit na iniwas ko na lang ang usapan.
“Wag mo nang intindihin yun, P’re.” sabi ko sabay ngiti at tapik sa braso ng kausap ko.
“Paano? Mauna na kami. Puntahan ko muna siya sa kanila para masigurado kong nakauwi siya ng maayos. Salamat ha?” ang pagpapaalam ko.
“Sige, P’re. Ingat. Punta ulit kayo dito ha?” ang sabi ng kausap ko.
“Sure.” ang huli kong sinabi bago ako sumakay ng tricycle.
“Kuya. Hatid mo na lang ako kina Tristan. Nakauwi na daw e.” ang sabi ko sa driver.
“Ganun ba? Sige.” ang tanging tugon niya.
Ilang minuto pa ay nasa harap na kami ng bahay nina Tristan. Matapos kong bayaran ang driver ay agad din siyang umalis. Sumilip ako mula sa bakuran. Patay na ang mga ilaw sa loob. Gustuhin ko mang tumawag pero naisip ko na dis-oras na ng gabi. Gusto ko sanang makasigurado na nasa loob na si Tristan pero ayoko namang maka-abala. Naisip ko din naman na kinumpirma naman ng kausap ko sa Food Park na inihatid ng kakilala niyang driver si Tristan kaya wala akong dapat ipag-alala. Kaya nagsimula na akong maglakad pauwi sa amin. Bukas ko na lang babalikan si Tristan para tingnan ang kalagayan niya.
Habang naglalakad ako ay naiisip ko ang nangyaring pagtatalo ni Tristan at ni Tito Jaime. Buong buhay ko ay ngayon ko lang nakitang ganun kagalit si Tristan to the point na bastusin at murahin niya ang tatay niya. Hindi pa din ako makapaniwala kung bakit nagawa ni Tristan ang magpakalasing ng ganun at hindi iniisip ang pwedeng mangyari sa kanya. Alam kong may problema na sila at base sa mga nangyari mukhang malala ang pinagdadaanan nila. Gustuhin ko mang alamin ang puno’t dulo ng problema nila pero sino naman ako para makialam.
Ilang saglit pa ay nasa tapat na ako ng gate namin. Bigla akong nagtaka nang makita kong bahagyang nakabukas ang gate. Dahan dahan ko itong binuksan. Laking gulat ko na lang nang makita ko ang isang lalaking nakasalampak sa harap ng pinto namin. Nakayuko ang ulo at nakatukod ito sa nakataas niyang tuhod. Hindi ako magkakamali. Kilala ko ang taong ito.
Si Tristan.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Masakit sa dibdib na makita siya na ganun. Hindi ako sanay. Hindi ito ang Tristan na kakilala ko. Lumapit ako sa kanya. Tinawag ang pangalan niya.
“Tristan...”
Pero hindi siya sumagot. Hinawakan ko siya sa balikat. Pero hindi siya kumilos. Marahan kong niyugyog ng balikat niya. Pero wala siyang naging reaksyon. Muli ko siyang tinawag kasabay ng medyo malakas na pagyugyug. Bigla siyang umungol at pilit na tinabig ang kamay ko. Muli ko siyang hinawakan sa balikat at...
“Tristan... si Nikko ‘to.” ang marahang sabi ko.
“Nikko?” ang tanong niya.
“Oo.” ang tugon ko.
Dahan dahan niyang inangat ang kanyang ulo. Pilit na ngumiti nang magtama ang aming mga mata. Sa kabila ng pilit na ngiti ay bakas sa kanyang mukha ang halo halong emosyon. Isinandal niya ang kanyang ulo sa may pintuan. Tumingala at kinagat ang kanyang labi. Ramdam ko na babagsak ang kanyang mga luha pero pilit niya itong pinipigilan.
“Okay lang yan. Huwag kang mahiya. Ilabas mo lang.” ang sabi ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita. Bagkus ay umiling lang siya habang nakatingala. Kagat pa din ang kanyang labi. Nang masigurong hindi na babagsak ang kanyang mga luha ay tsaka siya nagsalita...
“Sorry Nikko...”
“Hindi ko sinasadya na maitulak at masaktan kita.”
“Nilamon kasi ako ng emosyon ko kanina.” ang paliwanag ni Tristan.
“Hindi mo kailangang magsorry. Naiintindihan kita.” ang tugon ko.
Humugot ng malalim na hininga si Tristan.
“Salamat. Pangako ko, hindi na mauulit.” ang sabi niya.
Naghalf smile at tumango na lang ako. Ngumiti din si Tristan sabay hawak sa balikat ko.
“Pwede bang dito muna ako? Ayoko pa kasing umuwi.” ang pakiusap ni Tristan.
“Oo naman.” ang tugon ko.
“Salamat.” ang sabi niya sabay pilit na tumayo.
Agad ko siyang inalalayan. Alam kong babagsak siya kapag hinayaan ko lang siya. Isinakbit ko ang kanyang kanang kamay sa aking balikat at hinawakan ko siya sa kanyang balakang para alalayan. Mas matangkad at mas mabigat si Tristan sa akin kaya medyo nahirapan akong alalayan siya patungo sa kwarto ko.
Halos pabagsak na humiga si Tristan sa kama ko. Talagang hindi na niya kaya ang sarili sa sobrang kalasingan. Ilang saglit ng pag-ungol at pagbaling baling sa kama pa ay narinig ko na ang kanyang mahinang hilik. Tulog na si mokong. Puno ng dumi sa katawan si Tristan. May bahid pa ng patak ng dugo ang suot niyang damit. Bakas din ang pamamaga ng nangingitim na kaliwang bahagi ng kanyang labi. Naisip ko na linisin muna siya bago ako magpahinga.
Kinuha ko muna ang lahat ng gamit niyang nakapaloob sa bulsa ng shorts niya. Wallet, ilang perang papel at barya,susi ng sasakyan at cellphone. Binuklat ko ang wallet niya para tingnan kung may laman ito. Picture ng Mama at mga kapatid nya, credit card, ATM, Driver’s License, ilang papel, resibo at P6,500.
“Langya! and dami nito ah?”
“Sira ulo talaga ito. Magpapakalasing ng hindi man lang inaalala na baka kung mapaano siya.”
“Buti na lang at may mga kakilala kaming tumulong sa kanya. Tsk!” ang napapailing na sabi ko sa isip ko.
Matapos na masipat ang wallet at tiningnan ko naman ang cellphone niya. Sinubukan kong i-on para macheck kung lowbat nga siya. Low battery nga. Lalabas lang yung logo ng phone tapos mamamatay ulit. Kaya agad ko itong isinaksak sa charger. Naghintay ng ilang minuto bago ko ulit ito buhayin. Nang mabuhay ay inilapag ko ito sa tukador at umakmang lalabas para kumuha ng palanggana ng tubig at bimpo. Halos nasa labas na ako ng maulinigan ko ang pagtunog ng phone ni Tristan.
Tumatawag si Tito Jaime.
“Hello... Tristan...Anak!” ang bungad ni Tito Jaime ng sagutin ko ang tawag.
“Hello, Tito Jaime. Si Nikko po ito.” ang sagot ko.
“Nikko? Magkasama na ba kayo?” ang nag-aalalang tanong ni Tito Jaime.
“Opo, Tito.” ang sagot ko.
‘Thank God kung ganun. Nasaan ba kayo?” ang muling tanong ni Tito Jaime.
“Nandito po kami sa bahay. Natutulog na po si Tristan.”
“Lasing na lasing po e.”
“Pasensya na po Tito pero hindi ko po mapilit na umuwi e. Nakiusap po sa akin na dito muna siya.” ang paliwanag ko.
“Ganun ba? Masama pa din ang loob niyan sa akin.” ang medyo malungkot na sabi ni Tito Jaime.
“Baka po dala lang ng kalasingan. Hayaan ninyo po, kakausapin ko kapag nahimasmasan na.” ang sabi ko.
“Pasensya ka na talaga Nikko at nadadamay ka pa sa kalokohan naming mag-ama.” ang nahihiyang sabi ng kausap ko.
“Naku, Tito, huwag ninyo pong alalahanin yun. Hindi naman po ibang tao si Tristan sa akin.” ang tugon ko.
“Salamat ha? Siya, ikaw na muna ang bahala sa anak ko. Subukan ko na lang kausapin siya kapag maayos na siya. Sabihan mo na lang ako kapag may kailangan ka. Okay?” ang habilin ni Tito Jaime.
“Sige po Tito.” ang tangi ko ng lang isinagot bago tuluyang maputol ang linya namin.
Napatingin na lang ako kay Tristan matapos kong ibaba ang cellphone sa tukador. Nakakunot ang noo nito habang natutulog na tila ba nananaginip ng masama. Saglit itong umungol at bumanggit ng hindi ko maintindihang mga salita bago bumaling sa kaliwa. Agad akong lumabas ng kuwarto para kumuha ng tubig at bimpo. Nang makabalik sa kuwarto ay inilapag ko ang bitbit sa tukador. Naupo ako sa gilid ng kama at sinubukang gisingin si Tristan.
“Tristan...” ang mahinang sabi ko kasabay ng pagyugyog sa katawan niya. Subalit hindi siya gumalaw. Sinubukan kong muli pero wala akong nakuhang reaksiyon kaya pilit ko na lang siyang itinihaya. Hindi pa din siya nagmulat ng mata. Bagkus ay ungol lang ang iginanti niya sa akin.
Hinubad ko ang madumi niyang t-shirt. Tumambad sa akin ang maganda niyang katawan. Lalong namintog ang kanyang mga muscles sa katawan mula nang huli ko itong makita. Mas defined ang abs nito ngayon kaya hindi ko maiwasa ang mapatanga at mapahanga. Ilang saglit pa na nakatitig ako sa katawan niya nang makaramdam ako ng pagkahiya sa sarili.
“Ano ba itong ginagawa ko?” ang sabi ko sa isip ko sabay tuktok sa ulo ko.
Kaya dinampot ko ang bimpo mula sa palanggana. Saglit na kinusot ito, pagkatapos ay piniga. Bigla na lang ako napailing at napatawa habang ginagawa ko ito. Naisip ko kasi na sa pelikula ko lang napapanuod yung ganitong eksena e. Yung tipong walang malay si lalaki, tapos puno ng pasa sa katawan. Tapos si babae ay alalang ala at halos mangiyak ngiyak sa takot at kaba na baka may mangyaring masama sa minamahal niya. Bigla akong kinilabutan sa iniisip ko kaya pilit kong iwinaksi sa ulo ko ang aking iniisip.
Sinimulan kong punasan ang dumi sa noo ni Tristan. Nang mawala na ang dumi ay sinubukan kong linisin ang dumi niya sa pisngi. Halos mamula ang bimpong gamit ko dahil sa natuyong dugo sa mukha ng nililinisan ko. Matapos kong basain at pigain ang bimpo ay sinimulan kong linisin ang pasa sa kaliwang labi ni Tristan. Marahil ay nasaktan siya dahil napansin ko ang paglukot ng mukha at pag-ungol ng nililinisan ko. Kaya ginawa kong marahan lang paglinis nito. Abala ako sa paglilinis nang di ko sinasadyang madampi ko ang malambot na labi ni Tristan. Bigla akong namula. Biglang may kung anong kuryente na gumapang sa aking katawan.
Biglang dumilat ang mga mata ni Tristan. Tumingin ito sa akin. Ngumiti. Hindi ko maunawaan ang nararamdaman ko. Samu’t sari. Tuwa, galak, pagkamangha, takot, kaba, at kung anu ano pa. Dahil dun ay hindi ako nakakilos. Bigla akong nangilabot nang hawakan ni Tristan ang kamay ko at inilagay ito sa dibdib niya. Damang dama ko ang pagkabog ng dibdib niya na tila ba kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. Dahan dahang bumangon mula sa pagkakahiga si Tristan. Hindi pa din ako makakilos. Hindi ko na halos alam ang gagawin ko lalo ngayon na halos magkadikit na ang mukha naming dalawa. Binigyan niya ako ng mga tingin na hindi ko maintindihan. Pinipilit ko itong basahin pero hindi ko ito maunawaan. Biglang nag-init ang mukha ko nang maramdaman ko ang dalawang kamay ni Tristan sa magkabilang pisngi ko. Hinihimas nya ito gamit ang mga hinlalaki niya. Ilang saglit pa ay dahan dahang lumapit ang mukha ni Tristan. Ipinikit nya ang kanyang mga mata. Ipinikit ko din ang aking mga mata kasabay ang paghihintay ng susunod na mangyayari. Gustong umiwas ng isip ko pero pinipigilan ako ng damdamin ko. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagdidikit ng aming mga labi. Para bang bigla akong nagkapakpak at nagsimulang lumipad sa malamig na alapaap. Ang sarap. Ang saya.
Biglang nagmulat ang aking mga mata. Nabigla na lang ako ng marealize ko na nakahiga ako sa dibdib ni Tristan habang nakapatong sa likod ko ang kanang kamay niya. Napatingin ako sa kanya at kita ko ang mukha niya na tila ba panatag na panatag at himbing na himbing sa pagtulog. Bigla akong napabalikwas. Kinabahan din ako na baka nagising si Tristan sa ginawa ko . Kaya agad ko siyang pinagmasdan. Buti na lang at malalim na tulog niya.
“Anong nangyari?” ang bigla kong tanong sa isip ko.
Marahil siguro sa sobra kong pagod ay di ko na namalayang nakatulog ako sa dibdib ni Tristan. Narealize ko na panaginip lang ang paghalik ni Tristan sa akin. Pero ang hirap paniwalaan kasi ramdam na ramdam ko ang pagdidikit ng aming mga labi. Damang dama ko ang sarap nito sa pakiramdam.
“Hay!” ang napapabuntong hininga at napapailing na nasabi ko na lang sa sarili ko.
Ipinagpatuloy ko na lang paglilinis ko sa maduming katawan ni Tristan. Madali lang ang hubaran siya pero nahirapan akong damitan siya dahil sa bigat niya kaya hinayaan ko na lang na naka-underwear siya. Nilagyan ko na lang siya ng kumot para hindi siya lamigin.
Matapos ko siyang malinisan ay lumabas ako ng kwarto. Mag-aalas-dos na ng umaga. Nuon ko lang naramdaman na gutom na ako. Hindi pa kasi ako nakakapaghapunan. Agad kong ininit ang nilagang baboy na ulam namin. Nang mainit na ay nagsandok na ako ng kanin at naglagay ng ulam sa mangkok. Nagpiga ng kalamansi sa platito ng toyo at tsaka naggayat ng siling labuyo. Nang maayos ang lahat ay nagsimula akong kumain.
Sa bawat pagsubo ko ay pumapasok sa isip ko ang nangyari kanina. Hindi ko pa din maintindihan kung bakit kailangang umabot sa murahan at suntukan ang away ng mag-ama. Ganun ba talaga katindi ang dahilan? Hindi tipo ni Tristan ang magpatalo sa problema. Kung tutuusin hindi mo iisipin na nagkakaproblema siya dahil masayahing tao siya. Napakapositibo niyang tao at isa iyon sa mga hinahangaan ko sa kanya. Gusto ko sanang tanungin ang kaibigan ko pero alam kong wala akong karapatan. Kung nanaisin naman niya ay hihintayin ko na lang na magkusa siyang magkwento sa akin.
Matapos kumain ay naghugas na ako ng pinagkainan. Dumerecho na din ako sa banyo para makapaglinis ng katawan. Nagsipilyo ng ngipin. Uminum ng tubig. Nang masigurong nakalock na ang pinto ng bahay ay dumerecho na ako sa kwarto. Mahimbing pa din ang tulog ni Tristan. Marahan na naghihilik. Tumabi na ako sa kanya. Saglit ko siyang pinagmasdan bago ako tuluyang nilamon ng aking pagod at antok.
Nasa gitna ako ng daan. Tanging ilaw lang sa poste ang nagpapaliwanag sa paligid. Masukal at madamo ang magkabilang bahagi ng daan. Tanging tunog lang ng kuliglig ang aking naririnig. Malamig ang simoy ng hanging umiihip pakanluran. Sumasabay dito ang pagsayaw ng matatas na talahib. Biglang umandap ang liwanag ng ilaw. Agad akong napatingala para ito ay tingnan. Maliban sa mga gamu gamo ay may tatlong mariposa na malikot na naglalaro sa liwanag. Ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng ganun kalalaking mariposa. Ang lalaki! At ang gaganda. Nasa gitna ako ng pamamangha nang biglang may narinig akong malakas na sigaw.
“Takbooooooo!!!!!!”
Ang sabi ng lalaking tila ba humahangos. Agad kong sinipat ang pinagmumulan ng sigaw. Wala akong makita. Madilim ang paligid. Pero dinig ko ang pagyabag ng tila palapit sa akin ng taong sumisigaw. Hanggang may naaninag akong hugis katawan ng tao na dahandahang lumalapit sa akin. Lumilingon sa likod na tila ba may humahabol na kung ano sa kanya. Ilang saglit pa ay lumabas sa liwanang ang katauhan ng taong pinagmumulan ng sigaw. Bigla akong kinilabutan sa akin nakita.
“Derek?” ang mahinang lumabas sa aking bibig.
Lumapit siya sa akin at humawak sa magkabila kong balikat. Naghahabol siya ng hininga at tila mangiyak ngiyak.
“Nikko... umalis na tayo dito.” ang hinihingal at halatang takot na sabi ni Derek sa akin.
“Ano bang nangyayari sa iyo?” ang nagtataka kong tanong sa kanya.
“Tumakbo ka na Nikko. Mamamatay tayo dito. Tara na!” ang pagpipilit sa akin ni Derek.
“Huminahon ka nga! Ano bang nangyayari sa iyo?” ang medyo natatakot nang sabi ko.
“Huwag ka nang magtanong pa... tara na. Umalis....” hindi na natapos ni Derek ang sasabihin dahil...
“BANG!!!!!!”
Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid. Agad na nanlaki ang mga mata ni Derek habang nakatingin sa dereksiyon na pinanggalingan niya kung saan nanggaling din ang putok ng baril.
“Aaaaaaahhhhhhhh!!!!” ang takot na takot na sigaw ni Derek. Nagsimula itong tumakbo palayo hanggang muli siyang lamunin ng dilim. Susunod na sa sana ako sa kanya nang...
“Nikko!...” ang tawag ng pamilyar na boses na nagpatigil sa akin.
“Tristan?...” ang tanging lumabas sa bibig ko.
Paglingon ko ay nakita ko na paika ikang lumalakad palapit si Tristan sa akin. Hawak ang duguang braso na tila ba nadaplisan ng bala.
“Tristan... Ano’ng nangyari sa iyo?” ang gulat na tanong ko sa kanya.
“Umalis na tayo dito Nikko. Mamamatay tayo kapag nanatili pa tayo dito.” ang tila mangiyak ngiyak na sabi ni Tristan sa akin.
“Teka nga. Ano bang nangyayari? Ano bang pinagsasasabi ninyo ni Derek? Hindi ko maintindihan.” ang litong tanong ko.
“Huwag ka nang magtanong. Sumama ka na sa amin! Tara na!” ang sabi ni Tristan sabay hatak sa akin.
Pero parang nakapako ang mga paa ko sa lupa dahil hindi ko ito magawang ihakbang. Tuluyang dumulas ang kamay ni Tristan at ako ay kanyang nabitawan. Lumingon si Tristan sa akin at tsaka sumigaw...
“Tumakbo ka na!!!!” ang utos ni Tristan sa akin.
Hindi ko na ito nagawa dahil...
“BANG!!!!!!”
Muli na namang umalingawngaw ang malakas na putok ng baril. At sa pagkakataong ito ay naramdaman ko ang pagtama ng isang matigas at mainit na bagay sa likod ko at tumagos ito sa kanang dibdib ko. Naramdaman ko ang unti unting pagtulo ng dugo sa bibig ko. Yumuko ako para tingnan ang aking kamay. Duguan ito at hawak hawak ko ang puso kong tumitibok ng marahan. Tumingin ako kay Tristan. Kita ko ang pamimilog ng kanyang mga mata. Kita ko ang takot at pagkabigla sa kanyang mukha. Hanggang sa dahan dahan akong bumagsak sa lupa. Nagsimulang lumabo ang ang paningin ko. Biglang nagslow motion ang lahat.
“Nikkooooooooo!!!!” ang umaalingawngaw na sigaw ni Tristan. Yun ang huli kong narinig bago tuluyang pumikit ang aking mga mata.
Biglang napabalikwas ako sa aking kinahihigaan. Kahit nakatutok sa akin ang bentilador ay basang basa ako sa pawis. Putok na ang liwanag sa labas. Dinig ko na ang ingay ng mga naglalarong bata sa labas. Ang pagdaan ng mga sasakyan sa kalsada. Ang pagputak ng mga manok at pag-irit ng mga biik sa babuyan.
Isa na namang masamang panaginip. Late na akong nakatulog at maaga na naman akong nagising. Wala na akong katabi. Nakasabit pa din sa bangkuan ang maduming pinaghubaran ni Tristan. Nasa tukador pa din ang kanyang cellphone pero wala na siya sa tabi ko. Tumayo ako at naghubad ng pantaas na damit. Kinuha ang tuwalya at pinunasan ang pawisan kong katawan. Nang matuyo ay agad akong nagsuot ng sando kong pang-araw-araw. Akma na akong lalabas ng kwarto ng maulinigan ko ang pag-uusap ng dalawang tao sa labas. Si Lola at si Tristan.
Hindi muna ako lumabas. Bagkus ay pinakinggan ko muna ang usapan nila.
“Kahit sino pa man ang may kasalanan, alam mong mali pa din ang ginawa mo.” ang una kong narinig na sinabi ni Lola.
“Hindi perpektong tao si Jaime. Madami siyang pagkakamali sa buhay. Pero ama mo pa din siya.”
“Hindi tama na mawala ang paggalang ninyo sa kanya.”
“Wala kayo sa mundong ito kung wala ang ama ninyo.” ang patuloy na pangangaral ni Lola.
“E ano pong gagawin ko?” ang mahinahon na tanong ni Tristan.
“Humingi ka ng tawad. Sabihin mong nagkamali ka.” ang sabi ni Lola.
“Kahit ganun si Jaime ay mahal na mahal niya kayo.”
“Kaya masakit sa kanya ang nangyayari sa inyo.” ang dagdag pa ni Lola.
“Nasasaktan din naman po kami. Lalo na po ako.” ang tugon ni Tristan.
“Alam ko. At hindi ko inaalis sa iyo yan Hijo.”
“Pero hindi mareresolba ang problema kung mag-aaway kayo. Lalo lang gugulo.’
“Lalo lang lalaki ang gawak.”
“Buksan niyong pareho ang mga isip ninyo.”
“Subukan ninyong alisin ang galit sa mga puso ninyo.”
“Magsalubong kayo sa gitna.”
“Sa halip na mag-away ay hanapan ninyo ng solusyon ang problema. Magtulungan kayo. Huwag kayong magbangayan.”
“Alam kong galit ang mga kapatid mo at ayaw na nilang magkaroon ng koneksiyon sa ama mo. Pero nandito ka. At alam kong ikaw ang higit na mas nakakaunawa kesa sa kanila. Huwag mong hayaan na lamunin ka ng galit mo sa kanya.” ang pakiusap ni Lola.
“Hindi po siguro sa ngayon. Mabigat pa po ang sitwasyon.” ang paliwanag ni Tristan.
“Magpalamig ka muna. Kung gusto mong manatili dito, walang problema sa akin. Apo na din ang turing ko sa iyo. Mas mapapanatag kami kung nandito ka kesa kung saan saan ka pa pupunta. Baka ikapahamak mo pa yun. Pero ang sa akin lang hindi mo dapat patagalin ito. Walang mangyayari kung hindi kayo kikilos mag-ama.” ang sabi ni Lola.
“Salamat po Lola.” ang tugon ni Tristan.
“At isa pa. Huwag na huwag mo nang uulitin ang ginawa mo kagabi.” ang sabi ni Lola.
“Kagabi po?” ang tila pagmamaang maangan ni Tristan.
“Huwag ka nang magmaang maangan pa. Alam ko ang ginawa mo kagabi.”
“May tenga ang lupa at may pakpak ang balita.” ang sabi ni Lola.
“In short, nagkalat po talaga ang mga tsismosa dito. Hehehe.” ang natatawang sabi ni Tristan.
“Natatawa ka pa? Tatampalin kita dyan e.” ang banta ni Lola.
“Lola naman.” ang lambing ni Tristan.
“Magpapakalasing ka nang hindi mo iniintindi ang pwedeng mangyari sa iyo?”
“Nasaan yung wallet mo?” tanong ni Lola.
“Nasa kwarto po.” sagot ni Tristan.
“Yung telepono mo?” muling tanong ni Lola.
“Nandun din po.” tugon ni Tristan.
“Yung kotse mo?” tanong ulit ni Lola. Hindi agad nakasagot si Tristan.
“Tingnan mo na? Hindi mo alam.” ang tila inis na sabi ni Lola.
“La, alam ko po. Iniwanan ko po sa Food Park kagabi.” ang paliwanag ni Tristan.
“Pinilit ko naman pong iuwi yun pero ayaw po nung mga tao sa Food Park.” dagdag pa niya.
“Aba e dapat lang. E paano kung maaksidente ka? O kaya makasagasa ka?” muling tanong ni Lola.
“Kaya ko naman po.” palusot ni Tristan.
“Anong kaya mo? E halos gumapang ka nga daw nung umuwi ka.” ang tila naiinis na sabi ni Lola.
“Hala. Ang eksaherada naman po nun.” pangangatwiran ni Tristan.
“Ayan. Sige! Ipagtanggol mo pa yang kabugokan mo. Tatapalin talaga kita e.” ang banta ulit ni Lola.
“Lola naman.” lambing ulit ni Tristan.
“Hay naku. Ayan kumain ka na nga. Inumin mon di yang buko nang bumaba ang tama mo.” ang sabi ni Lola.
“Alam mo Lola para kang si Mama. Hehehe.” ang natatawang sabi ni Tristan.
“Bakit?” nagtatakang tanong ni Lola.
“Kasi sasabunin muna kami sa sermon bago kami banlawan ng pagkain. Hehehe.” ang natatawang sabi ni Tristan.
“Ayan! Ayan! Diyan kayo magaling! Dindaan niyo lahat sa biro. Hindi ninyo sineseryoso ang mga pangaral namin sa inyo.”
“Kayo talagang mga kabataan ngayon. Kung anu ano na ang mga natututunan ninyo. Kaya lumalaki kayo ng palihis e.” ang panenermon ni Lola.
“Sabi ko nga po, kakain na ako.” ang tanging sinabi ni Tristan para makaiwas na sa mga salita ni Lola.
Napangiti na lang ako at napailing. Dahil natikman ni Tristan ang pait at asim ng sermon ni Lola.
“Buti nga!” ang tangi kong nasabi sa isip ko.
Huminga muna ako ng malalim bago ako lumabas ng pinto.
“Good morning!” ang bungad na bati ni Tristan sa akin na tila ba walang nangyari kagabi.
“Sexy ah? Hehehe.” ang puna niya sa suot kong sando na malalim ang butas sa magkabilang gilid.
“Sexy ka diyan.” ang pasupladong sabi ko.
“Sungit! Hehehe.” ang pang-iinis pa niya sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin. Bagkus ay dumeretso ako sa banyo para umihi at magsipilyo.
Agad naman akong napansin ni Lola pagkalabas ko ng banyo.
“Gising ka na pala Apo. Kumain ka na diyan. Sabayan mo na si Tristan.” utos niya sa akin.
“Sige po.” ang tugon ko habang kumukuha ng pinggan at mga kubyertos.
Nang makakuha ay agad akong pumwesto sa harap ni Tristan. Tila ba nang-iinis si Tristan na nakatitig sa akin habang kumukuha ako ng pagkain. Binibigyan niya ako ng nakakalokong ngiti tuwing tinitingnan ko siya. Nuong una ay magkahalong inis at kilig ang nararamdaman ko. Pero habang tumatagal ay nagsisimula na akong maasiwa kaya sinipa ko siya sa binti at pinandilatan.
“Aray! Bakit ka naninipa?” ang tanong ni Tristan habang hinihimas ang tinamaang binti.
“Ang aga aga kase e nambubwisit ka.” inis na sabi ko.
“Eto naman. Naglalambing lang ih. Hindi talaga uso sa iyo yung salitang yun noh?” tugon niya.
“Ewan ko sa iyo. Kumain ka na nga.” inis na sabi ko.
“Hoy! Tigilan niyo nga ang pagsusunggilan. Nasa harap kayo ng hapag kainan. Para kayong mga batang paslit.” ang puna sa amin ni Lola.
“E Lola, si Tristan po kasi.” sumbong ko.
“Hala. Bakit ako? Anong ginawa ko?” pagtatanggol ni Tristan sa sarili.
“Tama na yan. Nikko, pagkatapos mo diyan pumanik ka sa itaas. Kunin mo yung alcohol at agua oxinada dun. Pati yung bulak at band aid na din. Tapos linisin mo yung sugat ni Tristan.” sabi ni Lola.
“Hala. Bakit ako? Malaki na po siya. Kaya na niya yun.” ang pagmomotsong ko.
“Hindi na po Lola. Oka lang po ko.” ang sabi ni Tristan.
“Ano bang sinasabi mo. Tingnan mo nga yang hitsura mo . Para kang namamagang kamatis.”
“Makinig at sumunod na lang kayong pareho bago ko pa kayo pag-untugin dalawa.” ang huling sabi ni Lola bago lumabas ng bahay at pumunta sa may tindahan para magbukas.
Halos sabay kaming napailing at napatawa ni Tristan. Para kaming mga batang paslit. Nawala lang ang ngiti ko nang makita kong nakatitig na naman sa akin si mokong na tila ba nagsisimula na namang mambwisit. Ilang minuto din siyang nakatingin sa akin bago siya nagsalita.
“Huy Nikko.” ang tila pabulong na tawag niya sa akin.
“Ano?” ang pasupladong tanong ko.
“Anong nangyari kagabi?” ang tanong niya.
“Ano pa nga ba? E di nalasing ka. Uminom kang mag-isa. Hinanap kaya kita. Nagpaikot ikot ako sa bayan at sa highway pero hindi kita nakita. Buti na lang at alam nung driver ng tricycle na sinakyan ko na may bagong bukas na Food Park sa Diversion kaya pinuntahan ka namin dun. Dun na namin nalaman na nakauwi ka na.” tugon ko.
“Hinde... Alam ko yun. Tanda ko yun noh. Sinabi mo sa akin nung tinawagan kita bago ako malowbat.”
“Ang gusto malaman ay yung nangyari nung ipinasok mo ako sa kwarto?” ang interesado at nang-iinis na tanong ni Tristan. Hindi ako nakasagot agad. Bigla kasing naalala ko yung tila totoong panaginip ko kanina.
“Huy! Ano? Natanga ka na diyan?” ang puna ni Tristan sa akin.
“Wala! Ano naman ang mangyayari?” ang medyo hindi mapakali na sabi ko.
“Kung wala e bakit naka brief lang ako nung magising ako kanina?” ang pagtataka ni Tristan.
“Hay naku. Nakita mo ba yung damit mo sa may bangkuan?”
“Nuknukan ng dumi. Puro lupa at patse ng dugo. Kaya hinubaran kita.”
“Tsaka ko pinunasan ang katawan mo.” paliwanag ko.
“Alam sweet mo na sana e. Kaya lang hindi mo pa nilubos. Sana naman e dinamitan mo na din ako para hindi ako nilamig.” pang-iinis niya.
“Aba. Akala mo e magaan ka? Ang bigat mo kaya. Hindi kita mabuhat.”
“Tsaka paano kang lalamigin? E, kinumutan naman kita.” sabi ko.
“Hehehe. Joke lang. Ang pikon neto.”
“Pero kidding aside, salamat ha? Mahimbing ang tulog ko ng dahil sa iyo.”
“Tsaka pasensya ka na kung sinuot ko yung short at sando mo. Sabi kasi ni Lola kumuha na lang daw ako sa cabinet mo e.” ang pagpapaumanhin ni Tristan.
“Drama mo. Nakasuot na sa iyo e. May magagawa pa ba ako?” ang kunwaring pagsusuplado ko.
“Well... wala! Sungit! Hehehe.” ang tugon niya.
Saglit na katahimikan ang bumalot sa amin bago ko tinanong ng seryoso si Tristan.
“Okay ka na ba?” seryosong tanong ko. Naghalf smile si Tristan at tumingin sa akin. Pinakiramdaman ang sarili.
“Honestly... hindi ko alam. My mind want to say yes but my heart is shaking side ways.” seryosong sabi ni Tristan.
“Okay lang yan. Magiging okay din yan.” ang tangi ko na lang sinabi.
“Sana nga.” ang pilit na pagkukumbinsi ni Tristan sa sarili.
Hindi na ako kumibo. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Ilang minuto ding nagpabalik balik ang anghel bago ito basagin ni Tristan para mangulit.
“Sigurado ka ba na walang nangyari kanina?” pangungulit ni Tristan.
“Wala nga. Kulit mo!” inis na tugon ko.
“So hindi kita hinalikan?” ang tanong ulit ni Tristan na nagpasamhid sa akin. Halos maibuga ko ang laman ng bibig ko ng dahil sa pagkabigla.
“Huy! Okay ka lang? Eto oh. Uminum ka muna.” ang pag-aalala ni Tristan sabay abot ng baso ng tubig sa akin.
Agad ko itong ininum tapos hinimas ang didbdib ko para medyo maginhawahan.
“Badtrip ka naman ih. Tigilan mo nga ang pambubwisit sa akin.” ang inis na tugon ko na halos maubo ubo.
“Eto naman. Tinatanong ko lang naman. Sakit ko na kasi yun kapag nalalasing ng sobra. Bigla akong nawawala sa sarili ko.”
“Kaya nga iwas sa akin yung mga tropa ko sa US e kapag lasing na ako. Wala daw kasi akong pinipili. Kung sino daw ang trip ko e hinahalikan ko. Mapa-babae o lalaki.” kwento ni Tristan sa akin.
“Wala nga.” ang inis pero kinakabahang sabi ko.
“Buti naman kung ganun. Hehehe.” ang tila napanatag na sabi ni Tristan.
Bigla akong nagka-idea. Pinahirapan ako ng mokong na ito kagabi. Tapos kanina pa niya ako binubwisit. Kaya it’s payback time. Ako naman ang mang-aasar.
“Hindi ko lang alam dun sa Food Park. Hehehe.” ang pang-iinis ko.
“Ha? May hinalikan ba ako dun?” ang gulat na tanong ni Tristan.
“Ewan ko. Malay mo. Baka kaya ka nila pinauwi kaagad. Hehehe.” sabi ko sabay mostra na tila may alam kong ginawa siya.
“Fuck!” ang sinabi ni Tristan habang inaalala ang nangyari kagabi. Ngumiti na lang ako at umiling.
“You’re bluffing! Gumaganti ka. Hehehe.” ang natatawang sabi ni Tristan.
“Okay.” ang sabi ko habang umaaktong may alam akong nangyari kagabi.
“Tang in a glass. Ano ba yun Nikko? Sabihin na kasi.” pangungulit ni Tristan sa akin.
“Ayan. Madala ka na. Huwag mo nang uulitin yung ginawa mo.” ang sabi ko.
“Bad trip ka naman ih. Ano pang mukha yung ihaharap ko dun kapag kinuha ko yung kotse ko?” inis na sabi ni Tristan.
“O e di yang mukhang yan. Kahit may pasa e pogi ka pa naman. Hehehe.” pang-iinis ko pang lalo.
“Ulul!”
“Ikaw kaya kumuha ng kotse ko?” ang utos niya.
“Tanga ka ba? Gusto mong mabangga ko yung kotse mo? Anong malay ko sa pagdadrive?” ang tugon ko.
“E paanong gagawin ko. Hindi na ako makakabalik dun.” ang pag-aalala ni Tristan.
“Hahaha. Joke lang. Niloloko lang kita.” ang natatawang sabi ko.
“Parang tanga ito ih.” ang inis pero halatang napanatag na sabi ni Tristan sa akin.
“Akala mo ikaw lang ang may karapatang mambwisit? Hehehe.” ang pang-iinis ko.
“Ewan ko sa iyo.” ang sabi niya sabay irap. Saglit kaming tumahimik. Nakatingin lang ako sa kanya. Hanggang sa sabay na lang kaming sumabog sa katatawa dahil sa kalokohan namin.
Unting unting lang nawala ang tawa namin nung pumasok si Lola.
“Tristan...” ang tawag ni Lola.
“Bakit po Lola?” ang tanong ni Tristan.
Hindi na sumagot si Lola. Bagkus ay tumingin lang siya sa may labas ng pinto. Kasunod nito ang pagpasok ni Tito Jaime. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Tristan. Napalitan ang mga ngiti ng seryosong ekspresyon. Tumingin siya sa akin. Binigyan niya ako ng seryosong tingin. Gumanti ako ng mga tingin na nagtatanong kung ayos lang ba siya. Tumango lang siya at pilit na ngumiti.
“Anak. Pwede ba tayong mag-usap?” ang tanong ni Tito Jaime.
Huminga ng malalim si Tristan bago sumagot.
“Sige Pa. Dun tayo sa bahay. Huwag dito.” ang sabi ni Tristan bago siya tumayo at pumasok sa kwarto para kunin ang kanyang mga gamit. Nang makuha niya ito ay lumapit siya sa akin at humawak sa aking balikat.
“Nikko, ibabalik ko na lang sa iyo itong damit mo ha?” ang sabi niya na tinanguan ko lang.
Agad siyang lumabas ng bahay. Tumingin si Tito Jaime sa akin at tumango na tila ba nagpapasalamat. Pagkatapos nuon ay bumaling siya kay Lola. Tumango at ngumiti lang si Lola sa kanya. Base sa tinginan nila ni Lola ay tila ba alam ni Lola ang nangyayari. Nang umalis si Tito Jaime at ginusto kong tanungin si Lola. Kaya lang binigyan lang niya ako ng tingin ng pag-aalala.
COMMENTS