By: Bendo Kalahating taon din ang nakalipas mula nung mga kaganapan. Nagcelebrate ako ng birthday kasama ng aking pamilya. Hindi na ako ...
By: Bendo
Kalahating taon din ang nakalipas mula nung mga kaganapan. Nagcelebrate ako ng birthday kasama ng aking pamilya. Hindi na ako nakapagbar muna.
Kinabukasan balik na agad ako sa bahay para makapaghanda sa trabaho. Siguro namiss ko din ang uminom sa M25 Bar.
"Bes, long time no see" sabi nung bartender sa akin. "Haha, busy lang bes" tawa ko sa kanya
"Nakita ko iyong boyfriend mong si Edward siguro last month, may kasama siyang bagong lalaki. Pagkakarinig ko Mark daw ang name" sabi niya.
Medyo ngumiti ako kasi parang maligaya na ulit si Edward. "Matagal na kaming wala ni Edward, 6 months narin siguro. Masaya kung ganung nakahanap na siya nang taong makakapagpaligaya sa kanya" ngiti ko.
"At huwag ka mabigla bes, alam mo si Jam iyong crush mo" sabi niya pero pinutol ko.
"Tama na, wala na iyon." sabi ko.
"Hindi bes, nung birthday mo, gusto ka niyang isurprise kasi may birthday cake siyang dala. Pinakain niya lang sa akin. Hindi ko type iyong flavor parang kape kasi. Di pa naman ako mahilig sa kape" excited ata iyong pagkakasabi niya.
Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Bat naman gagawin ni Jam iyon. Siguro dahil kaibigan parin turing niya sa akin kaya ganun nalang.
Tipsy narin yata ako, hindi na ako makakita ng maayos. Hilo na yata ako. May lumalapit saking matangkad na lalaki. Bond daw ang pangalan niya. Hindi ko maintindihan. Sabog na ata ako.
Dinala niya ako sa kotse niya. Hinalikan niya ako. Ang sarap niyang kalaplapan. Nakarating yata kami sa bahay niya. May inumin din siya. Uminom din siya ng todo. Pareho kaming tumatawa. Wala na akong may naiintindihan sa mga pangyayari.
Pagkagising ko, hinanap ko glasses ko. Medyo masakit ulo ko at hindi ko mahanap glasses ko. Mukhang hindi ko naman dala. Ang sakit ng buo kong katawan. Pinakasakit iyong likod ko, iyong kaloob looban ng pwet ko. Shet nadevirginize yata ako. Ang lagkit ng ari ko at sa loob ng pwet ko parang may tumigas.
Bat ako nakahubad. Asan ako? Sino itong katabi kong macho? Fuck may trabaho pa ako pero ang sakit sakit nang ulo ko.
Naalala ko Bond pala pangalan nung lalaki.
"Bond? Bond" Mukhang tulog pa siya. Hinanap ko nalang damit ko. Sinuot ko na at hindi na ako nagpaalam sa kanya. Parang one night stand ang mga nangyari. Humarap siya, mukhang ang gwapo nga niya. Ang gwapo nang nakaone night stand ko ang swerte ko yata.
"Kell?" Hindi ko klarong marinig boses niya bingi rin yata ako. Lasing rin yata siya kaya bulol bulol rin siya magsalita. Nagmadali na akong umalis.
Naghanap nalang ako ng taxi pauwi para makapag ayos at derecho na sa trabaho kasi sobrang late na talaga ako.
Napagalitan pa ako ng boss ko kasi maraming aasikasuhin. Buti nalang natapos ko lahat. Pagod narin ako kaya umuwi na ako.
Nakita ko si Jam sa building namin. Tinawag niya ako. Nagmadali akong umiwas sa kaniya. "Sandali lang! " sigaw niya. Buti nalang agad agad akong nakahanap ng taxi pauwi sa bahay.
Simula nun mag sisix months din ulit hindi kami nagkita ni Jam kahit sa M25 Bar. Ilang ulit din ako bumalik sa bar baka mahanap ko iyong ka one night stand ko pero parang wala na talaga siya, one night stand nga diba bat pa ako aasa.
"Bes, may kilala ka bang Bond dito na umiinom sa bar?" tanong ko sa bartender.
"Wala naman ata" sagot niya
"Baka di mo naalala mga 6 months ago na ata" nagdagdag ako ng detalye.
Hindi siya umimik wala talaga siya sigurong ideya.
"Kell, andito ka pala, namiss kita" kilala ko kung sino ito.
Shit ano gagawin ko ayaw ko talaga siya makita. Ayaw kong humarap sa kanya.
"Hinanap ko iyong nakasex ko" tawa ko sa kanya.
"Grabe ka ha, kailan naman iyon" tawa niya pabalik.
"6 months ago? Bond daw name nya" sagot ko.
"6 months ago? Haha ang tagal tagal na nun bat mo pa hinahanap? Sino kaya iyong Bond na iyan, gusto ko siyang makita" sabi niya.
"Out kana dun." sabi ko.
"Hala selfish. By the way Kell, may nakalimutan ka ata ngayon" tawa niya ulit.
Napaisip ako kung ano. Birthday nga pala ni Jam ngayon.
"Magcecelebrate tayo ngayon. Uminom ka lang libre ko. Magmamaneho pa ako kaya ikaw na tumulong sa akin uminom" anyaya niya.
"Sige ba" hamon ko pabalik.
Pagkatapos naming uminom, hahatid niya daw ako pauwi kaya umoo na ako. Sumakay na ako sa sasakyan ni Jam, nakaidilip yata ako. Hilong hilo na ako pero alam kong hindi bahay ko ang napuntahan namin. Mukhang kay Jam ito.
Nagising nalang ako nakayakap kay Jam. Wala siyang damit Nagulat ako dun pero buti nalang may damit pa ako. Wala naman palang nangyari sa amin.
"Gising kana din pala Kell" sabi niya. Mukhang nagising ko siya.
"Bat hindi mo ko nahatid kagabi?" tanong ko.
"Nakalimutan ko kasi, naalala ko lang nang nakarating na ako sa bahay ko" sagot niya.
"Sige na aalis na ako. May pasok pa ako" sabi ko sa kanya.
"Sandali lang" at niyakap niya ako. "Namiss kita sobra" dugtong niya. Hinagod hagod ko lang buhok niya.
Nang nakaapak ako sa sahig bigla akong may naalala hindi ko lang matukoy. Sumasakit pa ulo ko. Parang may pamilyar sa paligid ko pero parang hindi pa ako nakakapunta sa bahay ni Jam bat naman magiging pamilyar.
Tumingin ako kay Jam, shirtless pa siya.
Shit! Bond iyong narinig kong pangalan. Shit! ang bingi ko.
"Bakit?" tanong ni Jam. "Halika nga rito" at hinila niya ako papalapit sa kanya. Hinalikan niya noo ko. Nananaginip ba ako?
"Sa totoo lang wala din akong matandaan nang nangyari sa atin 6 months ago, Kell. Nang naalimputangan kasi ako nun, wala ka na sa tabi ko. Wala talaga akong maalala nun pero alam ko nagkausap tayo nung gabi na lasing ka, tinawag mo pa nga akong Bond at kung paano ka magaling humalik sa akin sa sasakyan ko nang hindi pa ako lasing" tawa niya.
Parang bumalik sa akin iyong mga alaala. Parang nalinawan ako. Totoo ba itong lahat lahat?
"Jam?" at sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit.
At nagsimula siya ng magkwento sakin at nakinig naman ako.
"Alam mo Kell, simula nung umamin ka sa akin na gusto mo ako, hindi ka na mawala sa isip ko. Sabi ko sa sarili ko mali iyong pakiramdam ko sa iyo, na walang patutunguhan kung papatulan kita. Palagi kitang pinagmamasdan kung hindi ka nakatingin sa akin pero minsan lang iyon kasi palagi ka kasing nakatingin sa akin. Sinisigurado ko lang na wala talaga akong feelings sa iyo" sabi niya.
Nalungkot ako kaya bumitaw ako sa yakap niya. "Bat ka bumitaw, halika ulit dito di pa ako tapos" hinila niya ako at siya naman yumakap.
"Iyon na nga grumaduate lang tayo at akala ko matatapos na lahat nang katanungan ko sa iyo. Pero nung nakita kita ulit sa M25 Bar, naalala kita, ang taong naglakas loob umamin sa akin na gusto niya ako. Na kahit masasaktan siya eh tinuloy niya parin." sabi niya.
"May girlfriend kana nun diba tsaka 3 years pa kayo" sabi ko.
"Oo, niligawan ko siya kasi parang nagustuhan ko kasi siya. Pero nung nalaman kong may nanliligaw sa iyo, nagselos ako" mukhang nahihiya si Jam.
"Siguro nagselos ka lang kasi hindi na ikaw iyong taong gusto ko nun kaya ganun lang siguro. Baka hindi mo lang naintindihan sarili mo. Baka nahalo mo lang" sagot ko.
"Medyo masaya ako nung umamin ka ulit na gusto mo parin ako kahit na may boyfriend ka. Pero hindi ko kinaya ang tanong mo kung may gusto ako sa iyo. Di ko masagot kasi natatakot ako kahit na sabihin ko kung Oo eh si Edward parin pipiliin mo. Kasi sabi mo wala ka nang pakialam kahit gusto mo ako"
Indi pa ata ako nakuntento kaya hinila ko muna sarili ko papalayo sa kanya.
"Masaya ako nung napasaya kita
sa birthday mo pero mukhang nasira ko iyong araw na iyon. Alam mo ano ang pinagsisisihan ko sa lahat? Iyon iyong hindi ko tinigil ang sasakyan palayo sa iyo para icomfort ka nung umiiyak ka nang birthday mo. Tinatagan ko talaga sarili ko para hindi ka umasa sa akin. Akala ko matatapos na ang lahat sa atin pero hindi pala"
"Iyon lang ba lahat?" tanong ko.
"Nung hindi pa ako lasing at ikaw naman ay lasing na lasing sa araw na muli tayo nagkita 6 months ago. Naamin ko na sa iyo na gusto kita at mahal na mahal kita Kell. Hindi mo lang siguro natatandaan."
Shit bat hindi ko iyon maalala.
"Aaminin ko ulit sa iyo. Anuman maging desisyon mo ngayon, gusto ko lang malaman mo Kell, buo na ang isip at puso ko, gusto ko ako iyong taong karapat dapat sa iyo gaya ng sabi ko sa iyo 10 years ago" ngiti niya.
Hinalikan niya ako kaya gumanti naman ako ng halik sa kanya. Ganito pala ang feeling. Ang gaan gaan sa pakiramdam.
"Gawin natin ulit?" Tanong niya
"Alin?" tanong ko naman
"Ito. Ang saya ko nung nalaman kong ako iyong unang nakatira sa iyo. Buti nalang talaga nahanap kita ulit baka sa iba kapa napunta. Salamat sa paghihintay sa akin" halakhak niya.
Oo nga pala si Jam nga unang nakatira sa akin. Mga dalawang araw din bago nawala iyong sakit sa pwet ko nun.
"Sandali lang" sabi ko.
"Bakit?" tanong niya.
"Ang sakit sakit nun eh" sagot ko.
"Ako bahala hinandaan ko talaga ito" sabi niya.
"Huwag muna ngayon" sabi ko.
"Kell, mahal kita" sabi niya.
"Mahal din kita Ja" naantala ako sa alarm clock.
COMMENTS