By: Gabriel Mga ilang taon nadin akong nagtutwitter. Perfect medium to vent out my frustrations. Kaibahan kasi nun sa FB, walang pake mg...
By: Gabriel
Mga ilang taon nadin akong nagtutwitter. Perfect medium to vent out my frustrations. Kaibahan kasi nun sa FB, walang pake mga tao, walang mga judgemental masyado sa mga drama mo sa buhay. After passing the board exam, I posted a picture of me with a very long caption. Masaya naman ako dahil madami naglike at nagretweet. Di naman umabot sa point na viral. Bale yung post ay tungkol sa achievement na nagawa ko sa pagpasa ng boards. Anyway, some random guy sent me a direct message. (Hindi ko na sasabihin yung profession ko hehe)
"Congrats Sir!"
Sino naman kaya to. I opened his profile. Student pa pala. Let's call him Bradley.
Me: Thank You!
Nagpakilala naman siya. I learned na on-going na pala siya sa thesis year niya, same course kami, tapos shiftee din kaya 6 years nang nasa college, 21 years old, madami followers (900 that time tapos konti lang following). Judging by his photos sa twitter, matangkad siya, may kamukha siyang korean na artista pero di naman siya korean looking or chinito. Parang nasa Penshoppe ata na poster? Di ako sure. Di kalakihan ang katawan pero sporty/buff type kasi may pics siyang nasa beach/pool. Siya yung type na parang famous sa department nila.
Brad: Currently in my thesis year. Pa advice naman po. Hehe
Me: Sure! Give me your email. Send ko din sayo dun mga references ko.
Brad: Salamat :)
Madami dami din kaming mga napaguusapan through dm's. Mostly kada weekend. Medyo nakakailang lang nung una tapos ang hirap lang mag explain kasi though chat. From CdO kasi ako, siya naman Cebu. It went on for months. Naging tweetmate kami kumbaga, na kahit naman labas sa academics yung tweets niya at akin, we still reply and like each other's quotes. Mostly mga hugot/rants/jokes tweets. Kahit naman di ko pa siya lubusan nakikilala in person, I can say he is fun to be with.
I also stalked him. Madami siyang pics na parang nakaphotoshoot talaga. Very good looking, model type of guy, instagrammable kumbaga, pero si ko alam kung may insta siya dahil wala naman akong insta. No wonder why andaming followers. Andami kong nalaman (stalker talaga), tatlo sila magkakapatid, pangalawa siya. Maykaya din pamilya niya, judging by the pictures of him in his house. Tapos siya yung type na mahilig sa adventures. May Girlfriend pala siya (ex?), lumang post na kasi, 7 months ago na, tapos "happy 2nd anniv Babe" yung caption. After nun wala na silang pic. Di ko rin malocate yung account ng girl.
November that year, I had a two day visit in Cebu (business pursposes lang), so i tweeted it. Di nadin ako active nun sa FB.
Brad: Welcome to Cebu Sir!
Me: Thanks Brad!
B: Gano po katagal ang stay?
M: pinapaalis mo na ako?
B: di naman sir. Hoping to see you in person.
Somehow, natuwa ako sa huling reply niya. Napangiti nga ako mag-isa. Di ko naman idedeny na he's an attractive guy, pero unang una, he is more than two years younger, second, straight naman siya, third, wala siyang idea who I really am. Sabihin nalang natin I'm a closet/very very discrete bi. I had two ex-girlfriends nung college, pero di ko pa naexperience relationship with a guy. Secret flings, maybe meron.
Me: Haha. See you when I see you
Before my flight, gabi kasi flight ko, stambay muna ako sa Ayala, sa may fully booked to be exact. Nagbasa muna ako ng libro at nalimutan kong icheck phone ko. After nun, nagbook na ako ng uber papuntang airport. I tweeted "Bye bye Cebu!", with a picture of Ayala Cebu's garden.
Hours later, while nasa departure lounge na ako, Brad tweeted me.
B: Sir nasa Ayala ka kanina?
M: Yes. Why?
B: Andun ako kanina. Hindi mo man lang sinabi sa akin.
M: Sorry Ah. I forgot to check my phone eh. Hehe.
I felt really weird that time. Somehow, slightly lang naman, i felt regret. Bakit nga ba di ko naisip na i-pm man lang siya? Pero bakit ko nga ba siya sasabihan? Ano yun, eyeball?
B: magkikita na sana tayo
M: Um. Why do you want to see me?
Walang response. Mga ilang minuto pa nang magreply siya.
B: Haha paconsult lang ako sa thesis ko.
Ah. Ganun naman pala. Masyado lang ako madaming inisip, at mali pa ang naisip ko sa kanya. Haha.
M: pm at email nalang. Hehe. Balik naman ako soon.
B: Thanks Sir. Ingat sa byahe! Next time dala ka ng pastel. Hehe joke lang.
M: hehe sure!
---
One time nagpost ako ng pic ko kasama pinsan kong babae bago kami sumabak ng river rafting. Madami naman kami nun, nagkataon lang na yun yung una kong napost. Yung kaming dalawa lang. Pagkauwi namin, may mga naglike at nagcomment nadin. One comment shocked me.
B: Gf?
M: Haha secret
B: Deny pa.
M: No comment
B: Sus
M: Don't be jealous
Naging makulit na ang replayan namin.
B: Kaso ang ganda nya para sayo. Pakiregardz naman ako hehe
M: Wow ikaw na ang pogi
B: Salamat haha
M: Ganda din ng Gf mo
B: Wala ako gf no
M: Eh sino pala si Babe? haha
B: Stalker!
M: Hahaha sorry
Sabi niya di daw niya yun nadelete. Matagal na pala silang hiwalay, 3 months after that picture was upload, nag break sila. Di ko lang alam ah, pero nagtweet ako sa kanya.
Me: Pinsan ko siya. Haha.
Hindi ko naman kailangan mag explain kung sino yung babaeng kasama ko sa pic, pero di ko alam kung bakit. He replied naman with a smiling emoji.
---
Pagsapit ng Noche Buena, siyempre nagtweet ako. MERRY CHRISTMAS!
Brad: Merry Christmas Sir. Nacheck nyo email ko?
Me: Yes Brad. Email ko sayo soon ang corrections ko. Konti lang naman. Tsaka maganda na structure ng methods mo.
B: Kala ko kasi di mo nacheck. Di kana active ah.
Naging Busy kasi ako sa current project ko. May time pa ba ako sa social media? Wala na nga akong time matulog. Lero I assured him naman na nachecheck ko emails niya (kahit minsan delayed ako ng checking haha).
B: Di ka na din nagrereply sa mga tweets ko haha.
M: Miss mo na agad ako? Ganun? Haha
B: Haha ew
M: Ew ka jan. Sorry busy lang. Hehe
B: Sorry sir. Nakakastorbo na ba ako?
M: Di naman. Bat mo naman natanong?
B: Ah wala. Sige merry christmas ulit sir.
M: Same goes to you.
B: :)
---
Bago mag new year, bumalik ako ng Cebu to visit a project. 2 days lang dapat pero I decided na gawing 3 days. Bale 1 day allowance. I was thinking na baka magkita kami. Alam kong parang ansagwa kung iisipin mo, pero di ko maitago na nagbabakasakali akong makita siya in person. Lagot na.
Last Day in Cebu, Sunday. Monday morning pa flight ko. I tweeted, LAST DAY IN CEBU. WHAT TO DO? Actually wala kong balak gumala, pagod ako, pero I was hoping na mabasa niya at magreply. Ayoko namang sabihin direkta sa kanya diba?
B: Sir. Andito kayo? Di nyo naman sinabe
M: Sorry nakalimutan lang hehe
B: Palagi nalang akong nakakalimutan
M: Hugot
B: :(
M: Uy Sorry na.
B: :( :(
Alam ko namang nang-aasar lang siya pero tangina pinapakilig ako e.
B: Saan ka ba?
M: Hotel. Maya punta ako Ayala for lunch.
B: Kaw lang mag-isa?
M: Kasama ko asawa ko
B: May asawa kana!?
M: Haha joke wala. Ako lang.
B: Haha pota kala ko meron... Sorry. Haha. Pwede ako punta sayo jan mamaya? Dalhin mo thesis ko.
M: Sure check ko mamaya. Buti pa samahan mo nalang ako maglunch.
B: Sure. My treat!
M: Buang! My treat!
B: I insist sir. Tsaka pasalamat ko nalang for your help.
M: No. My treat ok? See you.
Di na siya umangal. Pasikat pa, oo alam kong mayaman siya. Pero kakahiya naman diba? Ako na nga tong professional na tapos studyante pa pagbabayarin ko sa pagkain. Bago ako umalis ng hotel, naligo ako ng sobrang tagal. Ewan ko ba pero talagang naghanda ako. Dalawang beses ako nag shampoo at nagsabon ng katawan. Samahan mo pa ng shower gel. Toothbrush ng napakatagal na halos masugatan na gums ko. Pabango, wax sa buhok, deodorant, pabango ulit. Nakakagago lang.
Nagtext siya. Nasa *** restaurant nadaw siya. Shit. Kinabahan ako. Naglakad na ako papuntang Ayala, malapit lang naman hotel ko. Habang naglalakad, sobrang kaba na ang naramdaman ko. Alam kong for Academic pursposes lang ang meeting namin pero di ko naiwasang isipin na pano kung madismaya siya sa hitsura ko? Ewan ko ba. Wala naman dapat kasing ganun.
I saw him. Lakas na ng kabog ng dibdib ko pero I maintained my calm posture. First time kaming magkikita. I waved my hand sa di kalayuan, nagsmile siya. Pota.
He was wearing a black t-shirt, di naman ganun ka fit pero dahil matangkad talaga siya, kita mo arms niyang mahulma. Fades jeans suot niya at rubber shoes. Naka bag, tapos may relo. Yun lang. As expected, very attractive. Di naman yung tipong mala Piolo Pascual or Enrique Gil na sobrang mestiso o kung ano man, pero yung tipong alam mo na. Kamukha nga niya yung k-star na nasa penshoppe pero di siya chinito.
Brad: ... Sir Gabriel?
Nagtanong siya nung magkasama na kami, nakatayo sa labas ng resto. Medyo nahirapan siyang i-identify ako dahil nakasalamin ako, sa profile pic ko kasi wala akong salamin.
Me: Yes Bradley, not what you were expecting? Hahaha.
B: No. I mean, nakaglasses ka kasi.
M: Haha oo matanda na kasi.
B: Sus 23 daw siya, you look 16. Haha
M: Ay ikaw sipsip ka sa teachers mo no
B: No seriously sir. You look really younger than your age.
Salamat. Kinilig naman ako. Actually compared to him, i look younger talaga. Mas maliit kasi ako (5'6), may lahing chinese kaya maliit mga mata. Tapos sabi nila naman daw medyo baby face parin daw ako kahit stressed (pwera nalang sa eyebags). Naks.
M: San na ba papers mo. Check ko nga.
B: ah. Eh. Mamaya na sir kain nalang muna tayo. Hehe.
Kumain kami. We changed our minds at nagpizza nalang. Masaya siya kasama, madaldal, konyo din paminsan minsan. Kaso at first talaga, it was really awkward.
M: San na papers mo? Check ko na nga.
B: Ah--sir.
M: Yes?
B: Nakalimutan ko kasi. Hehe.
M: Ano?
B: mmm...
Natahimik ako ng ilang segundo. Di ako galit dahil di niya dinala papers niya. Natameme lang ako dahil ano pa bang dahilan para magsama kami nung araw na yon? Wala.
B: Buti pa sir, treat ko nalang kayo ng coffee. Hehe.
M: Ummm. Why?
I crossed my arms.
B: Hehe peace offering sa abala ko sayo.
M: Ok sige sige mapilit e. Haha. San ba.
Kinagabihan, I decided na umuwi na kasi maaga pa flight ko. Sabi ko email nalang niya sakin para macheck ko pagkabalik ko ng CdO. Sabi niya hatid daw niya ako sa Hotel, pumayag naman ako. Nailang na naman ako. Trip ba ako neto? Alam ba niyang trip ko din siya? Ano bang balak niya o baka madumi lang isip ko. Mali kasi yung ginagawa namin eh.
Binasag niya katahimikan.
B: Sir. Gusto mong samahan kita tonight?
M: e..a... Bak...bakit?
B: You know...
Umakbay siya sa akin habang ako naginginig na. Bumulong siya.
B: I want to fuck you...
Di ko alam kung ano ang sasabihin. Sa labis na kaba at takot na naramdaman ko (Takot kasi mali yung magkasama kami ng ganun. Very unethical of me. Takot akong masuspend, mapahiya o kung ano man dahil dun. Worst case scenario lang naman). Inalis ko pagkakaakbay sa kanya.
M: linawin ko lang ah. Bakla ka ba?
B: Hindi. Kailangan ko bang maging bakla para kantutin ka?
M: Uy ikaw ha. Prank to?
B: No.
M: Paalala ko lang sayo Bradley, I'm your adviser, higit sa lahat, I'm your senior!
Natahimik siya sa ginawa ko. Nakita niya siguro na di ako nagbibiro, at nagalit ako.
M: O..ok... Let's just forget this night. I have to rest, maaga flight ko, check ko thesis mo once nasa CdO na ako. Good night.
Nagmadali akong naglakad papuntang hotel. Tangina, Bradley ano yun? Hindi ako pakipot, oo siguro attracted ako sa kanya pero mali talaga at takot ako sa mga consequences sa lisensya ko at sa kanya na din.
Hindi ako nagtweet o nagtext man lang sa kanya. Basta nakauwi na ako ng CdO. Nag logout ako ng twitter, that time, zero social media na ako. 2 weeks din yun. I did not forget na icheck parin emails niya. Nagrereply naman siya, THANK YOU SIR. Ganun lang. Ang awkward nadin kasi. Kasalanan niya dahil pilyo siyang bata.
February. Isang event for the construction industry ang ginaganap every year. Three days yun pero usually on the second or last day na ako bumibisita. Tingin tingin lang sa mga bagong products. Dahil gabi na, nagdinner ako sa isang resto dun sa third floor. Sa di inaasahan, may biglang umupo sa harapan ko, sa table kung saan ako kumakain.
Me: BRADLEY?
Teka. I shook my head to make sure na kaharap ko talaga siya. Siya nga!
Me: What are you doing here?
B: Um... Research sir. For my thesis. Hehe.
M: Ako pa binola mo. Bakit ka ba andito? Tsaka pano...
B: Nabasa ko tweet mo kanina. Nakalimutan mo na Sir?
M: A..ah. ok.. Dinner?
Inalok ko siya pero tapos na daw siya. Awkward kasi pinapanuod niya akong kumain. Napansin kong may dala siyang bag. Pagkatapos kong kumain, pumunta kami ng Starbucks dahil that time, dala na niya talaga yung papers niya. So i checked it. At habang ginagawa ko yun, tahimik lang siya at pinapanuod ako.
M: okay na. Yan revise mo yung may mga red lines.
B: Salamat po.
Natahimik kami. Sobrang nakakailang putangina.
B: Sir sorry nga pala. Yung ginawa ko sayo sa Cebu...
M: Uh... Ok na yun. Forget it.
I smiled. Tsaka ok na naman talaga yun, ayoko lang pag-usapan kasi ang awkward. Nagsmile din siya. Ganun lang. Sobrang nakakagago yung moment na yun. Nag-umpisa na kaming maglakad palabas, ako kasi nasa basement nakapark kotse ko tapos siya naman medyo nasa may di kalayuan hotel niya.
M: san ka ba nakastay at ihahatid kita.
B: Naku wag na sir tsaka abala lang. Kaya ko nang magtaxi.
M: San nga?
B: Sa Pearlmont.
M: Ah ok malapit lang. Tara hatid na kita.
Di siya nagsalita. Nahiya parin siguro. Nagkabaliktad ata kami, kanina kasi ako yung tahimik pero this time ako na yung matanong. Habang nasa loob ng kotse, at traffic din papuntang Pearlmont, natanong ko siya kung bakit ba talaga siya napadpad ng CdO.
B: Research nga...
M: Bradley. Nagthesis nadin ako. Tsaka anong connection ng thesis mo sa Cagayan de Oro. Ano bang meron dito ha?
B: Ikaw.
Pota. Ano!? Napalingon ako sa kanya.
B: Ik..Ikaw adviser ko kasi Sir diba. Ang hirap naman kasi kung puro chat at email lang...
M: Ok.
Di na ako nagsalita. Ako na naman yung natahimik at natameme. Tangina Bradley wag mo akong paglaruan ng ganto kasi ang hirap pigilan ang sarili ko. Tama na please.
Nagpark ako sa may gilid, drop ko lang siya. Pero di siya agad agad bumaba. Tinggal niya seatbelt niya pero naupo muna siya. Ilang segundo ay wala kaming imikin, di ko nga siyang magawang tingnan eh. Naghihintay lang ako na magpaalam siya at bumaba.
B: ... So... Sir... I think I have to go now.
M: Ah.. O...ok.
B: Sige good night.
M: Good Night din
Binuksan niya pintuan ng kotse ng bahagya, yung lalabas na sana siya pero sa isang kisapmata, hinalikan niya ako sa pisngi ko sabay sabing "Good Night", tapos nagmadaling bumaba at pumasok ng hotel. Yung utak ko, parang dinaig pa traffic sa Edsa. Nahinto ata sa pagproseso. Fuck. Buti nalang tinted yung glass ng kontse. Buti nalang gabi na at di matao. Buti nalang walang nakakita! Andami kong concerns sa buhay.
Late na, pero naisip ko magkape muna sa malapit na 7/11. Monday pa naman bukas. Nalimutan kong tanungin si Bradley kung kelan balik niya ng Cebu. Pero bago paman ako makapagtype ng message, nagtext na siya.
B: Good Night Babe :)
Nag-iisip ako ng reply. Kinakabahan pero at the same time, natatawa na napapangiti na nanginginig. In short, kinikilig.
M: Stop this please.
B: I wont. I cant.
M: Why are you doing this Brad?
B: Sabi ko diba, I want you.
M: This is wrong.
B: Why
M: You're a student
B: Im graduating in two months
M: You're a minor
B: I'm 21 already.
M: I'm 23. Turning 24 in July
B: The fuck with 3 years?
M: You don't understand Brad.
B: I don't understand you. But I know how I feel for you.
M: You'll understand soon after you get your license.
B: This is not forbidden. Gabriel, I know how you feel for me, too. Please give US a chance.
For the first time, tinawag niya ako sa Name ko. Kahit text lang yun, ramdam ko. Noot sa buto.
B: Babe?
M: Yes?
Shit. Nareplayan ko talaga ng YES.
M: I'm sorry. It was not meant that way. Please don't call me that.
B: But you answered me already when I called you Babe. :)
M: Bradley!!!
B: Yes Babe?
M: Ah ewan ko sayo. Tulog na ako. Night.
B: Night din, Babe. Can I hug you right now?
M: Bleh
Ang kuleeeet. Sa halip na mainis ako, oo naman aminado akong takot ako pero habang katext ko siya, tawang tawa ako at tuwang tuwa ako sa mga kakornihan namin.
M: ahem... Kelan ba kasi balik mo.
B: Tomorrow. 6pm flight ko.
M: Ah ganun.
B: You're gonna miss me Babe. I know it.
M: Haha feeling ka Babe.
B: Im so happy!!! You called me Babe.
M: Haha joke lang Babe.
B: Babe I want to see you. Where do you live?
M: Gago tulog ka na.
B: Babe please...
M: ******. Di mo din alam yun kaya kalimutan mo na.
B: See you soon Babe.
M: Ok whatever babe.
Natamaan na ako. Umuwi ako, nakangiti habang nagdadrive, hanggang sa pagtulog ko, grabe yung ngiti ko.
Kinabukasan, nagising ako bandang 6:30 AM. Paalis na din nanay ko nun kaya ako nalang kinalaunan. Magbebreakfast na sana ako nanh tumawag si Bradley.
B: Good Morning Babe.
M: Ahem. Morning.
B: Sabay tayo breakfast?
M: Eh wag na. Kain ka na dyan.
B: On my way na ako dyan. Sunduin mo ko sa gate ng Subdivision nyo.
M: ANO!?
Naputol na ang linya. Wala pang 30 minutes, nagtext na siya. Andun nadaw siya sa jollibee katabi ng Chevrolet, malapit lang sa gate ng subdv namin. Shet. Nataranta ako, di ko alam ang gagawin, naghilamos ako bago ako lumabas. Ok, Gab, relax lang. Medyo natagalan ako dahil naglakad lang ako.
Nakita ko siya sa loob ng Jollibee, nakaupo, naghihintay, as soon as he saw me, he smiled and waved at me na parang inalok umupo. Hindi muna ako pumasok pero tumayo siya at sinalubong ako. Hinila niya kamay ko papasok ng Jollibee. Pinaupo at tinabihan, pero yung parang casual lang naman na gesture, di yung malandi.
B: Anong sayo?
M: Anong akin?
B: Sige na gutom na ko Babe.
M: HOY TUMIGIL KA BAKA MAY MAKARINIG
B: Sorry babe (pabulong)
M: Eh sayang may niluto nanay ko sa bahay.
B: mmm. Dun nalang tayo?
M: Ayoko nga. (kinabahan na ako. Mukhang bahay ata ang ending namin)
B: Sige ka sisigaw ako na boyfriend mo ako kapag di ka pumayag sige ka.
Ayun na nga. Sa bahay kami kumain. Madaldal siya, pasalamat siya wala nanay ko... Or pasalamat ako dahil wala ang nanay ko? Haha.
Habang naghuhglugas ako ng pinagkainan, nag inist siyang tulungan niya ako pero sabi ko NO. Tumigil naman ngunit sa di ko inaasahan, niyakap niya ako mula sa likod, sinandal yung baba niya sa balikat ko, bale rinig ko na paghinga niya. Amoy na amoy ko. Hindi ako nakareact, nagpatuloy sa paghuhugas, pero nakangiti na ako. Pinipigil ko nga pero di ko na kaya.
B: Babe?
M: mmm?
B: Uy. So tayo na talaga?
M: Haha ewan ko sayo Bradley. Di ako makahinga.
B: Sorry. Sarap mo kasing yakapin.
Pinisil niya yung konting bilbil ko. Nakiliti naman ako.
M: Hoy tigil nga! (muntik kong mabitawan yung baso)
B: Babe.
M: Ano nga?
B: babe...
M: Ano nga eh!
Hi alikan niya leeg ko, tenga, cheek ko. Hanggang sa pinaharap na niya ako at tuluyan nang hinalikan sa labi. Slow mo nga, sabi nila. First time kong magka slow mo moment. Ugh!
M: Teka hmmff.. Bradl.. Fmm...
Matapang na siya sa paghalik, bahagya ko siyang tinulak.
B: Ayaw mo ba Babe?
M: Haha kailangan kong mag mouthwash!
B: I don't care.
Hibalikan na naman niya ako. That time, naghalikan lang kami hanggang umabot kami ng kwarto. It happened. Just like that. I wish I could share pero ayoko. Hahaha.
Nakahiga siya, nakapatogn ako sa kanya, my head on his chest. Rinig ko heartbeat niya.
B: Balik na ako mamaya Babe. Hintayin mo ako ah, lapit na graduation ko.
M: hmm...
B: Anong hmm?
M: Oo sabi ko Oo. Kaw naman.
B: I lo--basta wait for me.
Di ko alam pero parang di niya sinabi ang dapat niyang sasabihin. Gusto ko sanang marinig pero lutang nadin ako, nakatulog at nagising nadin bandang 11am. Naglunch na kami, at namasyal ng konti. Malling lang naman. Hanggang sa sunakay na siya ng shuttle papuntang airport bandang 3pm. Casual goodbye lang ginawa namin, pero nagtext siya sa akin. SEE YOU SOON BABE. I replied, I Love You, Babe. Nag reply siya ng Smiling emoji.
Naging busy ako, ganun din siya. Malapit na kasi thesis defense. Kahit ganun, we maintained our communication. I asked him kung kelan Graduation nila. I secretly bought a ticket and a hotel, plano kung isurprise siya.
Minsan nakikita ko mga posts niyang pics. Nainis lang ako kasi di niya sinabing may partner pala siya sa thesis! Babae pa!
M: Akala ko ba maghihintay ka
B: Oo naman babe.
M: sino yung nasa pic?
B: Si Tricia yun thesis partner ko
M: Di mo sinabe
B: Uy nagseselos ang Babe ko
M: Buang haha hindi ah
B: Ikaw lang pramis
2 months later. Naging mailap communication namin pero ok lang naman din. Busy talaga siguro yun. Hanggang dumating na akong APRIL ***, nasa Cebu na ako. I tweeted him. Di siya nagreply. Sabe ko sa sarili ko, baka tulog pa. Puyat ata. So naghintay ako. Offline siya, kasi inactive siya simula pa last week. Anyare? Naghintay ako. 4pm, nagtext siya bigla.
B: Sorry ah kakagising lang.
M: Ok lang babe. Dito ako cebu. Sa *** Hotel.
B: Ha!? Di mo sinabe?
M: Surprise!
B: salamat :(
M: Sad?
B: ...
M: Hoy ano?
B: Kita tayo maya. Puntahan kita.
Parang tumalon puso ko nun. Nahhanda ako, everything hinanda ko sa pagdating niya. Napraning ako kakahintay hanggang sa marinig ko yung phone kong nag ring. Nasa baba na siya. Sinundo ko siya. I smiled, he looked stressed. Binalewala ko yun so pumunta na kami ng room. I congratulated him and gave him my gift.
M: Congratulations Babe. Ehto gift ko.
B: Uh sa..salamat...
M: Upset?
B: ...Gab.
Natigilan ako dahil may naramdaman akong mali. Mali. Mali.
M: something wrong.
I saw him, lumuhod, yumuko sa harapan ko. Umupo ako, pilit siuang pinatayo pero napaupo na din ako.
B: I'm sorry. This has to end.
Natameme ako. Tumigil lahat.
B: Kami na ni Tricia.
Talagang di agad nagregister lahat sa utak ko. Tumayo ako, umupo sa kama, tumayo at pumunta sa may bintana. Nakatanga sa city view at namanhid. I heard him apologized pero di talaga ako nagsalita. Di ko namalayan na umiiyak na pala ako ng tahimik. Tangina ano yun!?
Narinig kong nag BANG yung pintuan. Umalis na siya. Habang ako, sumandal lang sa pader, naupo sa sahig, nakatanga, nakatingala, lumuluha, hinimas ko dibdib ko, minasahe kasi ang sakit eh. Sobrang sakit.
---
Months later, Naka move on na ako. Biro lang. Actually ang hirap. Four months nadin nakakaraan. Log out na ako sa twitter. Walang social media. Pilit kong kinalimutan lahat pero andun parin yung sakit.
Buti nalang may support system ako, yung pinsan kong nagiisang nakakaalam ng lahat. Siya kadamay ko. One time nag dinner kami sa bahay niya, dun ako sumabog talaga. Sana makalimutan ko na siya.
Kahit hirap, pilit akong bumabangon. Para kanino pa, edi para sa akin diba?
July. Birthday ko. Naging masaya naman lahat. The day after ng celebration was Sabado. Nagkataon na wala nanay ko for the whole week, nasa Manila. I invited my friends outside for some little celebration. So ayun, kinabukasan, nagising ako sa nakakaraming doorbell rings. Sino naman kaya yun. I opened the door, The gate, at parang nanaginip lang, pagbukas ko, it was Bradley, with a teddy bear.
Naging hospitable naman ako. Kahit lutang ako nun. Pero di ako ngumiti, di ako nagpasalamat. Ano bang pinunta niya dito? Magsosorry? Ngayon? Kung kelan July na. Tangina.
Sa Sala, naupo siya. Nakatayo lang ako sa tabi ng sofa na kaharap ng sofa kung saan siya nakaupo. Walang imikan. Ewan ko ba, pinapasok ko pa talaga siya sa bahay?
B: Happy Birthday
M: Mmm. Napadalaw ka.
B: Gusto kita makausap. Di na kita ma contact e.
M: Blocked ka na kasi.
B: I'm Sorry.
M: Okay.
B: I'm really Sorry Babe...
Haaay naku.
M: stop this Bradley. Di na yan tatalab. Matapos mo akong gamitin? Hahaha bang klase.
Nasa may dining table na ako, nakasandal sa mesa.
B: How can I earned your forgiveness Babe?
M: Haay stop please. Babe ka nang babe di ako baboy.
B: No Im serious. Can I explain?
M: Go ahead. Kung dyan ka sasaya.
B: Nalaman kasi ng parents ko. Nabasa ng Kapatid ko yung dms natin. I was grounded. Halos mapalayas na ako nun. Babe sorry. It was the only reason I know para sana tapusin ang lahat... I love you Babe.
Hindi ako nagsalita.
B: I made up an excuse sa family ko makapunta lang dito. Sinaktan kita kaya Im really sorry. Give me a chance please.
I walked out. I went inside the toilet. I cried silently. Mga ilang minuto din yun, nagiisip. Naghilamos. I composed myself para naman di halata na nasaktan ako sa mga sinabi niya, pero halata naman talaga. Paglabas ko, tumayo siya sa pagkakaupo, I walked towards him, walang experssion ang mukha, pero aminin ko nang nanlambot ako kaagad kay Bradley. I hugged him. Niyakap din niya ako. Sabi ko, IM SORRY BABE. I STILL LOVE YOU. Naiyak ulit ako, nakabaon mukha ko sa dibdib niya. Siya naman, na feel kong napatawa ng mahina, yung masayng tawa. Sabi niya, I LOVE YOU. SANA NOON KO PA ITO SINABI SAYO.
B: what do you want to do? Birthday mo eh.
M: I don't know. I'm just happy you are here
B: Me too. Buti pa, pasyal mo nalang ako.
M: Haha san ba?
B: Kahit saan. Mamayang gabi na balik ko ng Cebu. Kaya let's go.
Magkahawak kamay namin habang nahdadrive ako, nahirapan ako ng bahagya ah, pero buti nalang wala masyadong traffic nun. Pumunta kami ng Highridge. Maganda sana kung gabi kami nagpunta dun, kaso flight na pala niya. So bale yung High Ridge kasi ay isang resto na nasa ibabaw ng bundok, overlooking the city of Cagayan de Oro. Dun kami kumain, nagkwentuhan, timing kasi wala masyadong tao, gabi lang kasi matao dun.
He seemed so happy. Bakas sa mukha niya ang saya at relief dahil napatawad ko siyam dahil mahal ko parin siya. I was smiling the whole time, pero I was thinking of him. His parents, his family, his future. We can't stay like this forever. That time, I made a very big decision. How I wish I could freeze that moment, him looking at me, me looking at him. That very handsome face, deep but sweet voice, his sleepy eyes, his cute pointed nose. Tangina, parang langit... Langit na kailangan kong pakawalan.
Papunta na kami ng Shuttle Station na sasakyan niya papuntang airport. Maaga kami kaya naisip muna namin magstambay sa loob ng kotse sa parking lot. There, sinabi ko lahat. Pansin niya kasi matamlay ako the whole time, nagtanong siya, sinagot ko.
M: Babe...
B: Yes?
M: This has to end.
B: teka... Gumaganti ka no? Haha
Hinawakan ko kamay niya.
M: Im serious. Mahal mo ko. Mahal kita. Pero isipin mo ang pamilya mo, ang future mo. That's what I realized this whole time...
B: Fuck dont kid me. Ano ba!?
Naiiyak na ako.
M: we have to end this. What will happen to us, to you!? Imagine your future with me. Ano yun, wala kanang pamilya? Wag. Babe... Please.
B: Wag mo naman akong gantihan oh. Babe naman. Please.
Hinawakan niya yung dalawnag kamay ko, partially magkaharap na kami habang magkatabi.
B: I cant lose you again. Fuck dont do this.
I saw his eyes, watery, truning reddish. Nasaktan ako sa nakita ko pero inisip ko lang kung ano ang tamang gawin. Ang tama, yung tama para sa kanya.
M: Remember this. Mahala kita. Kaya kita pinapalaya. Mahala kita. Masyadong mahal kita para pahirapan ka. Please Bab...
B: Stop. Stop!!!
Binitawan niya ako, kinuha bag niya mula sa likod, kinuha yung shades niya at sinuot para matago ang lumuluhang mga mata.
B: Galit ka lang. Pagbalik ko ng Cebu, chat tayo. I will call you. I cant lose you. Fuck my family. Who cares!?
Lumabas siya, naglakad papasok ng waiting lounge. Ako naman, naiyak nalang sa loob ng kotse. Kinagabihan, wala akong natanggap na text at call. Blocked parin number niya. Kinabukasan, may random number na nagtext. BABE? Sabi ng text. Di ako nagreply. Alam kong siya yun. Ang kulit niya, pero naawa talaga ako. Ang sakit pala, lalo na kapag ikaw yung nakasakit. Yun lang tamang naisip kong gawin. Mahal ko siya Oo. Hindi ako gumaganti. Ayoko lang mawalan siya ng pamilya. Mahirap mabuhay sa mundo ng walang lovelife, pero mas mahirap mawalan ng pamilya. Ayokong maging rason sa pagkasira ng pamilya. Ayoko.
Mga ilang linggo narin, natigil na ang mga calls at texts mula sa random numbers. It's better off this way. Nagfocus ako sa career ko. Dun, perfect escape. Pero aaminin kong naaalala ko parin siya. Yung sakit andun parin. Yung pagkamiss ko sa kanya, di nawawala. Pero kailangan kong magpatuloy sa buhay ko. Alangan naman nastuck ako sa situation na yun. MOVE ON.
Five months later, I went to Cebu to visit a project. I did not tweet. Business purpose lang talaga. 2 days sa Cebu. Trabaho. Trabaho. Trabaho. I met with the Contractor sa site mismo ng isang mall. Malapit na final touching sa project, together with the client. Siguro second to the last visit ko na yun. Pinakilala sa akin ng contractor yung bagong Project Supervisor niya. I got shocked. Natameme ako ng ilang segundo pero buti nalang, I recovered quickly.
Constractor: This is Brad, siya yung Supervisor na pumalit kay Jason.
Brad: Hello Sir. Nice to meet you.
We shook hands. It was a very casual meeting. It ended by 7pm, kaya nagpadinner si client sa amin. Puta, nakakailang. Siyempre, panggap panggap lang na parang wala. Tahimik din si Brad. Pansin kong okay na siya. Natuwa naman akong makita na maayos na siya. Sana maayos na talaga siya.
Nagpaalam na kami sa isa't isa. Si client umuwi, si contractor umuwi, si engineer umuwi, si Bradley... Hindi. Naiwan kaming dalawa.
Nagmadali akong naglakad palabas ng restaurant, malapit lang hotel ko, same hotel parin. Pero nahabol niya ako.
B: Sir!
M: yes?
Huminto ako, lumingon. Bigla niyang hinawakan kamay ko, sa walang pagdadalawang isip, ginawa niya yun. Di niya ininda mga tao sa paligid, buti nalang walang pake mga tao sa Cebu sa mga ganung eksena. Di ako nakapagsalita. Naglakad kami papuntang hotel ko, di ako umangal, basta, pumasok kami ng kwarto. Sinara niya yung pintuan, bigla akong niyakap. Naiyak ako, di ko napigilan.
B: sshhh... Don't cry. Wag mo nang isipin pamilya ko ok?
Di ako nagsalita, sa halip, niyakap ko din siya ng mahigpit. Sobrang higpit na narinig ko siyang napabuntong hininga.
Hinalikan niya ako sa noo, sa mata, sa cheeks, sa lips. That time, we just kissed, kiss na parang wala nang bukas.
Me: Di ka na galit?
Brad: Hindi. Mahal lang kita.
END
Maraming Salamat sa Pagbabasa. This was a fairytale na di ko maimagine na mangyayari sa totoong buhay. I'm not sure kung ano magiging future namin ni Bradley pero di ko na iniisip yun. Magiging matapang ako sa kung ano man ang mangyari.
Please sa mga may idea kung sino ako or kung sino si Bradley, let's make it a secret. Hehe. Salamat.
COMMENTS