$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

At Your Service Nikko (Part 15)

By: Lonely Bulakenyo Isang linggo na ang lumipas mula nang mangyari ang alitan ni Tito Jaime at ni Tristan. Mukha namang nakapag-usap n...

By: Lonely Bulakenyo

Isang linggo na ang lumipas mula nang mangyari ang alitan ni Tito Jaime at ni Tristan. Mukha namang nakapag-usap na ng mabuti ang mag-ama dahil hindi na umalis si Tristan sa kanila mula nang sunduin siya ni Tito Jaime sa amin. Mula noon ay hindi pa kami nakakapag-usap ng personal ni Tristan. Tanging sa text lang. At base sa mga text niya sa akin ay mukha namang maayos na siya. Isang beses ay sinubukan ko na tingnan kung magkukuwento siya sa akin tungkol sa nangyari pero magaling umiwas si mokong. Halatang hindi siya komportableng magkwento. Marahil nga ay malalim at masyadong personal ang dahilan kaya hindi niya magawang maikwento sa akin. Kinukulit man ako ng curiosity ko pero naiintindihan ko siya. Hindi ko naman siguro ikamamatay kung hindi ko malalaman.

“Lola?!” ang tawag ko pagkalabas ko ng kuwarto.

Tahimik ang paligid. Madilim at medyo maalinsangan dahil sarado ang mga bintana at pinto. Alas otso na ng umaga nung sinipat ko ang orasan. Kadalasan ay inaabutan ko si Lolang gising na ng mga oras na ito at abalang nakaupo sa harap ng makina para manahi. Kahit pagkain sa lamesa ay wala. Sumilip ako sa labas para tingnan kung nasa tindahan siya pero kahit dun ay wala siya.

Nakakatatlong hakbang pa lang ako sa hagdan nang tawagin ko ulit si Lola.

“Lola?!” ang medyo malakas na tawag ko. Ngunit wala pa din akong narinig na sagot. Kaya dumeretso na ako sa taas at sinilip siya sa kuwarto. Wala siya. Malinis na malinis ang pinaghigaan ni Lola.

Nang hindi ko siya makita sa itaas ay dali dali akong bumaba at pumunta sa kwarto ko para kuhanin ang cellphone ko. SInubukan kong tawagan si Lola. Pero hindi siya sumasagot. Makailang beses kong sinubukan pero wala pa din. Nagsisimula na akong kabahan nang mapansin ko na wala ang payong at paborito niyang bandana na nakasabit sa may likod ng pintuan namin. Malamang ay lumabas si Lola. Ang nakapagtataka lang ay umalis siya ng hindi nagluluto ng agahan. Hindi ko maialis sa sarili ko ang magtaka at mangamba. Ilang araw ko na din kasing napapansin na balisa si Lola at tila ba may malalim na iniisip. Itinatanggi naman niya na may iniinda siya tuwing nagtatanong ako. Nakakapanibago talaga. Ramdam kong may kinalaman kina Tristan at Tito Jaime ang iniisip ni Lola. Hindi naman ako makapagtanong dahil natatakot ako na baka makadagdag pa ako sa dinaramdam niya.

Akma na akong magtetext kay Lola nang biglang tumawag si Tristan.

“Baket?” ang bungad ko.

“Good morning. Hehehe.” ang magiliw na sagot ni Tristan mula sa kabilang linya.

“Baket nga?” ang pabirong nagsusungit na tugon ko.

“Hala! Ang aga namang pagsusungit niyan?” sagot niya.

“Hay naku! Sige na. Bye.” ang pagpapaalam ko.

“Huy! Teka lang. Eto naman.” ang pagpigil ni Tristan sa akin.

“Hehehe. Joke lang. Ano pong kailangan?” ang natatawang sabi ko.

“Punta ka dito sa bahay. May pag-uusapan tayo.” ang sabi niya. Dinig ko sa linya na tila ba may inaayos siya.

“Saglit lang. Magluto lang ako. Hindi pa kasi ako kumakain ng agahan.” ang sabi ko.

“Ha? Bakit? Asan si Lola?” ang pagtataka ni Tristan.

“Wala eh. Mukhang may nilakad.” ang sabi ko sabay silip sa loob ng refrigerator.

“O siya. Dito ka na magbreakfast. Madaming niluto sina manang. Mag-isa lang naman akong kakain. Akala kasi nila nandito si Erpat.” ang sabi ni Tristan na tila may inaayos na mga gamit.

“Ha? Bakit? Asan si Tito?” ang nagtatakang tanong ko.

“Ewan ko. Baka ginagamit na yung bayag niya. Hehehe.” ang pabirong tugon ni Tristan.

“Huy. Sira ulo ka. Sumbong kita kay Lola.” ang banta ko.

“Gago. Huwag. Biro lang naman yun.” ang pagpigil ni Tristan sa akin.

“Umayos ka kasi.” ang sabi ko.

“Hay nako. Ang dami mong satsat. Kumilos ka na at pumunta ka na dito. Ipapahanda ko na ang lamesa.” ang paghahadali ni Tristan sa akin.

“Aba. Teka lang naman. Maliligo pa ako.” ang sabi ko.

“Putcha naman ih. Puro ka arte eh. Dito ka lang naman pupunta e maliligo ka pa? Tama na ang inarte mo. Dumerecho ka na dito.” inis na sabi ni Tristan sabay baba ng telepono.

“Hala. Kabastos na bata ih.” ang napapailing na sabi ko sa sarili ko.

Hindi ko pa naibababa ang cellphone ko nang makatanggap naman ako ng message kay Tristan.

Tristan (8:16 am):

“Dalian mo. Ang bagal ih.”

Agad ko siyang nireplyan.

Nikko (8:17 am):

“Madaliin mo pa ako at lalo kong babagalan. Adik ka.”

Tristan (8:19 am):

“Subukan mo. Huwag mong hintayin na sunduin pa kita diyan at kaladkarin ka papunta dito. “

Magrereply na sana ako pero mabilis na nasundan ang message niya.

Tristan (8:20 am):

“Huwag ka nang magreply. Kumilos ka na!!!”

Pero hindi ko siya sinunod. Bagkus ay nagreply pa din ako para mambwisit.

Nikko (8:21 am):

“Saglit lang. Tatae lang ako. Hehehe.”

Tristan (8:22 am):

“Putcha naman ih.”

Nikko (8:24 am):

“Hahaha. Joke lang. Ang agang mapikon nito ih.”

Marahil ay pikon na pikon na kaya hindi na natiis ni Tristan ang sarili kaya ako ay kanya muling tinawagan.

“O? Bakit?” ang bungad ko nung sagutin ko ang tawag.

“Talaga naman! Juskopo rude! Ang tagal!” ang pagsusungit niya.

“Ayan na nga. Papunta na. Aba!” tugon ko.

“Bibingo ka na. Bilisan mo. Bye.” ang huling sinabi ni Tristan bago walang pakundangan na naang binaba ang linya.

Sa halip mainis ay napatahimik ako. Nakaramdam ako ng konting lungkot at saya. Lungkot dahil naalala ko si Derek. Siya kasi ang kabarubalan ko palagi sa telepono. Ganyan kami mag-usap. Bastusan na akala mo ay nag-aaway. Saya naman dahil kahit papaano ay lumabas nang lubusan ang kulit at tunay na personalidad ni Tristan. Kahit paano ay siya ang pumalit kay Derek. Masyado na ngang kampante si mokong sa akin na nagagawa na din akong balahurain minsan.

“Kamusta na kaya si Derek?” ang tanong ko sa isip ko.

Ang tagal na kasi nung huling beses na naka-usap ko siya. Yun ay nung dumating siya sa Surigao. Matapos nun ay hindi na dahil nakiusap siyang hayaan ko muna siyang makapag-adjust. Mas lalo daw siyang nahihirapan kung maya’t maya ko siyang kakausapin. Mukhang pinalitan na din niya yung number niya kasi nung minsan na hindi ako makatiis ay sinubukan ko siyang tawagan. Pero cannot be reached na. Miss ko na talaga si gago. At the same time, nag-aalala din dahil alam kong nahihirapan siya sa kalagayan niya lalo’t hindi maganda ang pakikitungo ng tatay niya sa kanya.

“Ang tagal na Derek. Magparamdam ka naman sana. Miss na kita.” ang malungkot na sabi ko sa isip ko.

Matapos ng mabilisang pagpupunas ng katawan at makapagpalit ng medyo maayos na damit ay lumabas na ako ng bahay. Nang ma-i-lock ang pintuan ay agad kong tinext si Lola habang palabas ako ng gate.

Nikko (8:31 am):

“Lola saan ka po? Alis po ako. Papunta po ako kina Tristan.”

Hindi ko na inantay na magreply pa si Lola. Sa halip ay sinimulan ko na ang paglalakad. Halos patapos na ang paglalagay ng gayak sa daan para sa parating na kapistahan. Base sa nakikita ko ay magiging malaki ang kapistahan ngayong taon. Nagsisimula na ding magtayo ng perya sa may bakateng lote na malapit sa amin. Nakapaskil na din ang tarpaulin ng mga listahan ng mga aktibidad sa darating na kapistahan.

“Mukhang magiging masaya ah?” ang nasabi ko sa isip ko.

Saglit na lakad pa ay napansin ko ang tumpok ng mga kabataan na nasa harap ng kapilya. Hinahanda na ang mga gamit para sa pagpapatuloy ng pagsasaayos ng gayak. Maya maya pa ay lumabas mula sa loob ng kapilya ang lalaking tambay sa parlor ni Tanya. May tangan itong mga gamit sa magkabilang kamay. Pagkalapit sa mga kasamahan ay napansin ko na tila nagbibigay siya ng instruction sa kanila. Mukhang siya ang inatasan na mamuno. Napangiti lang ako at napa-iling.

"Mautak talaga ang bulaang propeta." ang nasabi ko sa isip ko.

Maya maya pa ay tumingin sa akin ang lalaki. Tumango at ngumiti sa akin. Tumango at naghalfsmile lang ako.

“Apo!” ang biglang tawag sa akin ni Lola na nakatayo sa may pintuan ng kapilya. Agad akong lumapit at nagmano.

“Apo? Ano’ng ginagawa mo dito?” ang tanong ni Lola.

“Napadaan lang po La. Papunta po ako kina Tristan. Nagtext po ako sa iyo.” ang tugon ko.

“Ganun ba? Nasa loob yung phone ko. Hindi ko pa nabasa.”

“Kumain ka na ba? Pasensya ka na kung hindi na ako nakapagluto. Maaga kasi kaming pinatawag dito sa kapilya.” paliwanag ni Lola.

“Okay lang po Lola. Sabi naman po ni Tristan na sa kanila na lang po ako kumain.” ang sabi ko.

“Mabuti naman. O siya. Papasok na ako sa loob. May pag-uusapan pa kami ng mga kasama ko. mag-ingat ka.” ang sabi ni Lola bago ito tumalikod at maglakad papasok ng kapilya.

Palakad na sana ako nang makatanggap ako ng text mula kay Tristan. Magrereply na sana ako nang biglang may nagsalita mula sa likuran ko.

“Kamusta ka na?” ang tila maamo na tanong ni Father Roy sa akin.

Bigla akong napalingon at napatanga nang makita ko siya. Medyo matagal na ang huling beses na nagkaharap kami. Tulad ng dati ay mukhang maayos at kagalanggalang ang asta niya pero basa ko sa mga mata niya ang pagnanasa. Sa kabila ng maamong mukha ay lumalabas ang maldemonyo niyang mga ngiti. Agad kong ibinulsa ang cellphone ko. Huminga ng malalim at tsaka sumagot.

“Okay lang.” ang matabang na sagot ko.

“Bakit hindi ka tumutulong sa pag-aayos ng gayak. Taon taon naman ay sumasama ka?” ang tanong ni Father sa akin.

“Hindi po ako sinabihan ni Lola.” ang matabang pa din na sabi ko.

“Ganun ba? Baka nakalimutan lang niya.” ang sabi niya sa akin.

Hindi na ako sumagot pa. Umiwas na lang ako ng tingin dahil naasiwa ako sa pagtitig ni Father sa akin. Kahit hindi man derechong nakatingin sa kanya ay napansin ko na luminga sya sa paligid na tila ba naniniguradong walang nakakakita at nakakarinig sa kanya.

“Parang gumanda ang katawan mo ngayon ah? Naggygym ka ba?” ang nakakalokong tanong ni Father sabay hawak sa braso ko. Agad kong inalis ang braso ko mula sa pagkakahawak niya at tsaka sya muling hinarap.

“Anong ba’ng kailangan mo?” ang pasungit na tanong ko.

“Hehehe. Alam mo na.” ang nakakalokong tugon niya sabay haplos ng baba ko na agad ko ding iniwas.

“Matagal na akong tapos sa ganyan.” ang napapangsing sabi ko.

“Talaga? Kahit doblehin ko ang bayad?” ang paunukso ni Father sa akin.

“Talaga lang ha?” ang tila nagmamalaking tugon ko.

“Oo naman. Miss na talaga kita e. Tagal na akong uhaw sa iyo. Hehehe.” ang napapangiting sabi ni Father.

“Ikaw? Mauuhaw? Imposible.” ang napapailing na sabi ko.

"Kilala kita. Alam kong may iba nang kumakamot sa kati mo.” ang sabi ko.

“Ha? Anong ibig mong sabihin?” ang pagmamaang maangan ni Father.

“Huwag ka nang magmaang maangan pa." ang sabi ko sabay tingin sa lalaking tambay sa parlor ni Tanya na namumuno sa paggagayak.

Agad na tiningnan ni Father ang tinatanaw ko. Agad itong napangiti at napailing.

“Well, mas bata siya sa iyo.”

“Sariwa din. Mabango.”

“Malaki din pero mas malaki yung sa iyo.”

“Marunong din naman.”

“Higit sa lahat madaling kausap. Mukhang pera e.”

“Tingin ko nga kahit bigyan ko ng sikwenta yan ay papatol pa din. Hehehe.” ang natatawag sabi ni Father.

“O. Masaya ka naman pala e. Kaya lubayan mo na ako. Kung pwede lang” ang pasungit na tugon ko.

“Ayoko nga." ang pagmamatigas ng kausap ko.

“Ikaw pa din ang gusto ko.”

“Mas gwapo...” sabay hawak sa baba ko.

“Mas magaling...” sabay hawak sa dibdib ko.

Lumingon ulit siya sa paligid para siguraduhing walang nakakakita sa amin bago niya inilapit ang bibig sa tenga ko para bumulong.

“At mas masarap...” ang bulong ni Father ng may pagnanasa sabay hawak sa balikat ko.

Tila ba nakulam ako ng mga hawak na iyon dahil hindi ako nakakilos agad. Biglang namanhid ang katawan ko. Eto ako at nakatitig sa mga malademonyong mata ng bulaang propeta. Tila ba ako’y nahipnotismo na anumang oras ay susunod sa mga sasabihin niya.

Hanggang...

“Nikko?!” ang malakas na tawag sa akin mula sa aking likuran. Agad akong nakawala sa tila pagkakakulam ko. Nilingon ko ang tumatawag sa akin, at...

“Tristan?” ang mahina pero gulat na sambit ko.

Seryoso ang ekspreyong ng mukha ni Tristan. Nakatingin ito sa akin. Dahan dahan na lumapit sa akin na tila ba mananapak anumang oras. At sa bawat paghakbang ay dahan dahan na tumuon ang tila galit na mga mata niya kay Father Roy. Marahil ay nakita ito ni Father kaya agad niyang inalis ang kamay niya sa balikat ko at umatras ng isang hakbang palayo sa akin.

“Anong ginagawa mo dito Nikko?” ang seryosong tanong ni Tristan sa akin habang masamang nakatingin kay Father Roy.

“Napadaan lang Tristan. Kinausap ko lang si Lola para magpa-alam.” ang medyo kabadong paliwanag ko.

“Tristan... Ikaw na ba yan? Nakabalik ka na pala.” ang tila na-excite na sabi ni Father.

Hindi sumagot si Tristan. Mas lalong bumigat ang ekspresyon ng mukha niya. Hinawakan ako sa braso at pilit na hinatak papunta sa likod niya. Lumapit siya kay Father. Tinitigan saglit ang kaharap bago luminga sa paligid. Nang makitang walang sinoman ang nakakakita sa kanila ay...

“Layuan mo ang kaibigan ko.” ang galit na sabi ni Tristan kay Father Roy.

“Tristan. Relax ka lang. Wala naman akong ginagawang masama.” ang pag-awat pero nagmamalaking sabi ni Father Roy kay Tristan.

“Siguraduhin mo lang. Kung ayaw mo ng iskandalo dito.” ang banta ni Tristan sa kausap.

Hindi na kumibo si Father Roy. Tumango na lang ito at ngumiti na para bang nakakaloko. Tumitig lang si Tristan saglit sa kaharap bago lumapit sa akin at hatakin ako palabas sa kalsada. Napatingin na lng ako kay Father Roy. Nakatitig ito sa akin. Titig na titig at tila ba nadidiismaya ng dahil sa pagkabitin. Akala siguro niya ay makakaisa na siya sa akin ngayon.

Ilang hakbang pa mula nang makalampas kami sa bakuran ng simbahan nang pigilan ko na si Tristan sa paghatak sa akin. Bukod sa masakit na ang braso ko ay halos madapa na ako sa bilis ng lakad ni Tristan.

“Sandali lang naman Tristan. Madadapa na ako eh.” ang sabi ko sabay hatak ng braso ko.

Nang mabitawan ako ay bigla itong namewang at humarap sa akin sabay pagsusungit sa akin.

“Di ba sabi ko sa iyo na huwag mong kakausapin yung gagong iyon?” ang masungit na sabi ni Tristan.

“Unang una, hindi ko alam na nandun siya.”

“Pangalawa, hindi ba ang sabi ko sa iyo na pumunta lang ako duon para magpaalam kay Lola. Malay ko bang lalapitan niya ako.” ang paliwanag ko.

“O e bakit nakahawak siya sa balikat mo?” ang pag-uusisa niya sa akin.

Hindi ako nakasagot agad. Nag-iisip ng ipapalusot ko sa kanya.

“Ano?” ang tila walang pasensya na pangungulit nya.

“Wala nga! Nangangamusta lang. Nagtatanong lang kung bakit hindi ako sumama sa pag-aayos ng mga gayak para sa pista.” ang paliwanag ko.

Luminga sa paligid si Tristan para tingnan ang gayak. Base sa reaksyon nya ay mukha namang tinanggap niya ang paliwanag ko.

"Ah basta! Huwag ka nang lang lumapit dun ha? Alam mo naman ang nangyari sa akin, ‘di ba?” ang paalala niya sa akin.

Hindi ako nakakibo agad. Biglang pumasok sa isip ang mga nangyari sa akin dati sa piling ng bulaang propeta.

“Kung alam mo lang...” ang tangi kong nasabi sa isip ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang bigla akong batukan ni Tristan.

“Aray naman! Bakit umiiral na naman yang pagiging sanggano mo?" ang gulat na reksiyon ko habang hinihimas ang parte ng ulo kong tinamaan ng kutos niya.

“Para yan sa pagpapahintay mo sa akin. Ang tagal mo. Kanina pa ako nagugutom.” ang sabi niya sa akin.

Agad ko siyang sinuntok sa braso, at...

“E kung hindi ka ba naman kasi gunggong, e di sana kumain ka na kesa pumunta ka pa dito." inis na tugon ko.

“O. E binantaan na kita di ba? Na kapag nagtagal ka pa, e susunduin na kita at kakaladkarin papunta ng bahay?” ang sabi niya.

“Anak naman ng... Nagmamadali na nga ako. Napakamainipin mo din naman ano?” ang napapakamot ulo na sabi ko.

“Hay naku. Tara na nga at naaalibadbaran ako kapag nakikta ko ng kapilyang yan.” ang sabi ni Tristan sabay talikod at lakad patungo sa kanila.

Agad naman akong sumunod sa kanya.

“Kapag nagkaroon talaga ako ng pagkakataon ay ipapabomba ko ang lugar na yan at sisiguraduhin kong nandun siya sa loob para magkagutay gutay ang katawan pati na ang kaluluwa ng baklang pari-parian na yan.” ang tila naiinis pa din na sabi ni Tristan.

“Hoy Tristan, bunganga mo. Baka may makarinig sa iyo.” ang nag-aalalang pagpigil ko kay Tristan sabay linga sa paligid.

“Bakit? Totoo naman ah?” ang nagmamalaki pang sabi niya.

“Sige subukan mo at tingnan ko lang kung hindi dumeretso yang kaluluwa mo sa impyerno.” ang tugon ko habang palapit sa gate ng bahay nila.

“Okay lang. Masiguro ko lang na matatapos na ang kalokohan nung ugok na yun.” ang sabi pa niya habang nagbubukas ng gate ng bakuran.

“At tsaka sisiguraduhin ko din na kasama kita dun.” ang sabi pa niya sa akin.

“Hala. Bakit naman pati ako?” ang tanong ko.

Agad na huminto at tumingin si Tristan sa akin at...

“Di bale nang masunog ako basta katabi at kasama lang kita.” ang nakangiting sinabi niya bago siya tuluyang pumasok sa loob.

“Dug dug! Dug dug! Dug dug!”

Ang biglang pagtambol ng puso ko. Gusto kong mainis pero hindi ko maiwasan ang mapangiti sa kilig. Pero hindi ko naman pwedeng ipakita kay Tristan yun kaya...

“Tarantado ka. Idadamay mo pa ako sa kalokohan mo.” ang sinabi ko na lang bago ako sumunod sa loob.

Nakakapanibago ang ang loob ng bahay nina Tristan ngayon. Bawas na ang mga muwebles. Iilan na lang ang mga figurine na nakapatong sa tukador sa sala. May nakapatong na kumot sa mamahalin nilang sofa. Mukhang pati iyon ay nadamay sa pagwawala ni Tristan nung nakaraan. Yung malaking portrait ni Tito Jaime ay nakababa na sa sahig. Wala na din itong salamin. Mukhang nabasag na din.

Matapos sipatin ang sala ay dumeretso na ako sa may kusina. Namilog ang mga mata ko nang makita ko ang laman ng lamesa. Hotdog. Itlog. Bacon. Tapa. Fried rice. French toast. Pitsel ng orange juice. Sliced mango at papaya. At isang piling na saging.

“Walanghiya. Araw na ba ng Pista?” ang namamanghang tanong ko.

“Pang-isang linggong pagkain na namin ni Lola ito ah?” ang dagdag ko pa.

“Eksaherado!” ang tugon ni Tristan sa akin.

“Ang dami naman nito. Sesentensyahan na ba ako bukas kaya pinapakain mo na ako ng madami?” ang tanong ko kay Tristan.

“Sira! Sinabi ko naman sa iyo kanina na napadami ang luto ng kasambahay namin. Akala kasi nila nandito si Erpat.” paliwanag ni Tristan.

“Saan ba kasi nagpunta si Tito?” ang tanong ko.

“Ewan ko dun. Baka ginagamit na ang bayag niya. Hehehe.” ang natatawang biro ni Tristan.

“Huy. Ayan ka na naman."

"Sira ulo ka talaga. Subong kita kay Lola.” ang banta ko.

“Joke lang naman.” ang natatawang tugon niya sa akin.

“Grabe! Halimaw pala kayo kumain ni Tito e!”

“Kaya pala nananaba ka. Hehehe. ang pambubwisit ko.

“Fuck! Seryoso? Tumataba ako?” ang gulat na sabi ni Tristan sabay hawak sa pisngi at salat sa tiyan.

“Tanga! Maniwala ba?”

“Kung mataba ka sa lagay na yan e parang hindi ko na ma-imagine ang hitsura mo kung payat ka. Jusko!” ang tugon ko.

‘Kumain ka na nga. Dami mong satsat.” ang inis pero tila napanatag na sabi ni Tristan.

Agad naman akong naglagay ng pagkain sa plato ko. Saglit na pinagmasdan ko si Tristan na abalang kumakain. Mukha namang okay na talaga siya. Medyo malabo na ang pasa sa kaliwang labi niya. Hindi na nga siya mukhang pasa. Mukhang dumi na nga lang. Sa pag-aakalang magaling na ay sinubukan kong dampiin ang pasa niya.

“Aray naman.” ang gulat na sabi ni Tristan.

“Masakit pa din ba?” ang gulat na tanong ko.

“Obvious ba?” ang inis na sabi niya habang nakahawak sa labing may pasa.

“Sorry naman. Akala ko kasi magaling ka na.” ang pagpapaumanhin ko.

“Tsk! Kamain ka na nga lang kasi diyan. Likot mo e.” ang inis na utos nya sa akin.

“Okay. Sabi ko nga. Kakain na ako.” ang tugon ko sabay kain.

Nakakailang subo na ako nang maalala ko na may pag-uusapan kami. Bigla akong kinabahan nang maisip ko na posibleng magkwento na si Tristan tungkol sa nangyari nung nakaraan. Sana nga dahil ilang araw na akong di pinapatahimik ng curiosty ko. Kaya humugot ako ng malalim na hininga bago siya tanungin tungkol sa dahilan ng pagpapapunta niya sa akin.

“So... anong pag-uusapan ba natin?” ang usisa ko.

“Langya. Hindi ka talaga makapaghintay ano?” ang napapairap na tanong ni Tristan.

“Sundutin ko kaya yang mga mata mo. Kung maka-irap ka.” inis na tugon ko.

“Hay nako. Wait lang.” ang sabi niya bago tumayo at pumunta sa sala. Nung bumalik siya ay may tangan na siyang blue plastic folder na may nakaprint na M.U.S.T – C.A.T. at may makapal na laman sa loob. Inabot niya ito sa akin bago muling umupo sa pwesto niya.

“Ano ito?” ang nagtatakang tanong ko.

“Tingnan mo.” utos niya sabay subo ng pagkain.

Agad kong binuksan ang folder at bumungad sa akin ang unang pahina.

Malolos University of Science and Technology

MUST College Admission Test

[Author’s note: Imbento ko lang po yung name ng school.]

“College Admission Test?” ang mahinang basa ko sa nakasulat.

“Teka? Nasagutan ko na ito dati ah? Magkasabay pa nga tayo di ba?.” ang pagtataka ko.

“Oo nga.” ang sagot ni Tristan habang kumakain.

“O. E para saan ito?” ang nagtataka pa ding tanong ko.

“Hindi mo naman kailangang sagutan yan. Kailangan mo lang i-fill-out yung personal info page.”

“Page 6 or seven yata yun.” ang sabi ni Tristan.

“Bakit?” ang nagtatakang tanong ko ulit.

“Lumabas na kasi yung result nung exam. Pumasa ako. Pero, unfortunately, ikaw ay hindi.” ang unang paliwanag niya.

“Shit! Bumagsak ako?” ang kabadong tanong ko.

“Actually, pumasa ka din naman, kaya lang hindi umabot yung general average mo sa requirement for the Engineering course e.” ang sumunod na paliwanag niya.

“O. E anong problema dun? Makakapasok pa din naman pala ako. Pwede naman pala ako magtake ng ibang course.” ang sabi ko.

“Ayoko nga. Gusto ko same tayo ng course. Nangako ako kay erpat na Computer Engineering ang kukunin ko kaya dapat yun din ang kunin mo.” ang tugon niya.

“E sa hindi nga umabot yung score ko di ba?”

“Obviously, hindi kakayanin ng utak ko ang Engineering.”

“Entrance exam pa nga lang e lagapak na ako. What more yung buong curriculum?” ang sabi ko

“Kaya nga gagawan natin ng paraan, di ba?” ang tugon ni Tristan.

“Anong paraan?” ang pag-usisa ko

“Magic! Hehehe.” ang natatawang sabi ni Tristan.

“Magic?” ang nakakunot noong tanong ko.

“Like I said, kailangan mo lang i-fill-out yung personal info page niyan. Tapos kami na ang bahala.”

“Kami na ang magsasagot ng mga questionaires. We will make sure na aabot sa required general average ang magiging score mo.” paliwanag ni Tristan.

“Hala. E di madodoble yan. Paano na yung nasagutan ko na nung una?” ang tanong ko.

“Na-pull out na. Hehehe.” ang naatawang sabi ni Tristan.

“What? Paano?” ang nagtatakang tanong ko.

“Magic! Hehehe.” ang natatawang sabi ni Tristan. Hindi ako nakapagsalita agad. Kita ni Tristan ang pagkalito sa mukha ko.

“Okay. Okay. Ganito yan.”

“May connection kami ni Erpat sa loob. Sa laki ba naman ng pera na ipinapasok ni Erpat sa school.”

“So, when I ask for a favor like this, hindi nila ako mahindian. Hehehe.”

"Tsaka ngayon lang naman namin ginawa ito." ang sabi ni Tristan.

“Alam ba ni Tito yang ginawa mo?” ang pag-aalala ko.

“Yup! I got his full approval. He also made the call kaya mas naging mabilis yung process.”

“Kailangan lang maayos natin ito today. Tapos, okay na ang lahat.” ang sabi ni Tristan.

Bigla akong napaisip. May halo ding kaba. Although, nadala din naman sa pandaraya ang pagpasa ko sa Math para makagraduate ng highschool pero iba na ito. Kapag nagkabukingan ay madadamay si Tristan at Tito Jaime dito. Kaya...

“Tristan, huwag na lang kaya. Nakakatakot eh.” ang kinakabahang sabi ko.

“Nikko... Just trust me on this. Hindi naman kita ipapahamak. I promise.” ang paninigurado ni Tristan sa akin.

Ang mga sinabi ni Tristan at mga tingin niya sa akin ang naging dahilan para makumbinsi ako na gawin ang nais niya. Matapos masagutan at mapirmahan ang personal info page ay inabot ko na ito kay Tristan.

“Nice!”

“O siya. Tapusin mo na ang pagkain mo tapos sumunod ka sa room ko. Okay?” ang sabi ni Tristan bago siya tumayo at umakyat sa kwarto niya.

Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko. Nung matapos ay sinubukan kong ayusin ang pinagkainan namin pero pinigilan ako ng mga kasambahay. Kahit anong pamimilit ko ay hindi talaga sila pumayag kaya hinayaan ko na lang sila at sumunod na ako sa itaas.

Pagpasok ko sa kwarto ni Tristan ay naabutan ko siyang may kausap sa cellphone. Nagkalat sa kama niya at sa sahig ang tila mga bagay na gagamitin namin sa schools. Naupo lang ako sa kama at tiningnan ang mga gamit.

“Okay ka na? Nabusog ka ba?” ang tanong ni Tristan matapos tapusin ang tawag at ibaba ang cellphone niya. Tumango lang ako.

“Ano ang mga ito?” ang tanong ko sa kanya.

“Yan ang mga gagamitin natin sa school.” ang unang sagot niya.

“Nung kinausap namin ni erpat yung connection namin ay tinanong na din namin yung mga kailangang bilhin na gamit."

“Malapit na din naman magpasukan kaya namili na kami.”

“Pasensiya ka na kung hindi ka na namin naisama.”

“Naisip kasi ni erpat na gawin na lang naming bonding moment yung pamimili nito para mawala na yung ilangan namin after nung nangyari last time.” paliwanag ni Tristan.

“Ano ka ba? Okay lang yun. Buti nga at nagkaayos na kayo.” ang sagot ko habang sinusuri ang mga pinamili nila. Pumwesto si Tristan sa kabilang bahagi ng kama.

May 24 inches Fiber glass na T-square, compass, protractor at french curve. May drawing pencil din, eraser at box ng mga technical pen.

“Teka. Bakit parang pang-Architecture ang lahat ng ito?” ang nagtatakang tanong ko.

“Kakailanganin natin yan. Nakita ko na kasi yung Curriculum natin. May Engineering Drawing subject kasi tayo ng 1st at 2nd year.”

“Nagtalo pa nga kami ni erpat kung anong brand ang bibilin.”

“Gusto niya ng Staedler sana, kaya lang nagresearch ako. Madami akong nabasa na comment sa internet na nagsasabing mas maganda daw ang Rotring kaya eto yung ipinilit kong bilin niya” ang paliwanag niya sabay dampot ng box ng mga technical pen.

“Eto yung mahal e. Kailangan daw nating ingatan ito lalo na yung 0.1 na technical pen.”

“Yun daw ang pinakamahal at pinaka mabilis masira. Isang bagsak lang daw ay kailangan na nating palitan.” ang sabi niya habang tinitingnan ang hawak.

Ilang saglit pa...

“Pili ka ng color. Blue or red?” tanong niya sa akin.

“Red?” ang tugon ko.

“Good. I was hoping talaga na pula ang pipiliin mo. Blue ang gusto ko.” ang sabi ni Tristan

Nang makapili ay agad niyang dinampot ang dalawang Jansport na bag na nakalapag sa sahig na nasa tabi niya. Inabot niya sa akin ang pulang bag. Agad kong tiningnan ang laman ng loob ng bag. May limang Sterling na notebook. Tatlong pad ng yellow paper. Scientific calculator. Pouch na lalagyan ng mga ballper. May tig-dalawang black at red pilot pen sa loob ng pouch at Stabilo Boss.

“Hindi ko na dinamihan yung notebook kasi hindi naman daw masyadong gagamitin. More on handout naman daw sa college.”

“Hindi na din ako bumili ng intemediate paper, kasi yellow paper na daw ang kadalasang ginagamit sa college.”

“Stricly black ballpen daw sa school. Mas formal daw kasi kapag black. Yung pula naman, ay gagamitin lang kapag may i-checheck na quiz or exam. Alam mo na din naman siguro kung para saan yung highlighter?”

Tumango na lang ako.

“And... eto yung isa sa pinaka-importanteng bagay na kakailanganin natin...”

“Scientific calculator...” ang sabi niya sabay dampot ng calculator.

“Ngayon pa lang daw ay pangalanan na natin ito. Kasi ito daw ang makakatuwang natin mula freshman year hanggang bago tayo magtapos. Hehehe.” ang natatawang sabi ni Tristan.

“Oh, shit!” ang halos nanlumo kong sabi kay Tristan.

“Ano ka ba? Don’t worry! Ako ang bahala sa iyo.”

“Yakang yaka natin yan! Hehehe.” ang pagkumbinsi ni Tristan sa akin.

“As for the book, some will be provided by the school daw. Lalo na yung mga Major subjects.”

“Inform naman daw tayo ng professor natin kung may kailangan tayong bilhin. Don’t worry, ako na din bahala duon.” ang huli niyang sinabi bago niya ibalik ang mga gamit sa loob ng bag. Nang maisara ang zipper nito ay agad niyang isinandal ang bag sa headboard ng kama niya. At tsaka dinampot ang isang malaking paper bag na nasa gilid niya.

“And this is for you.” ang sabi niya sabay abot ng paper bag sa akin. May kabigatan ito kaya dalawang kamay ang ginamit ko sa pag-abot nito.

Halos bumagsak ang panga ko nang makita ko ang laman ng paper bag. Isang bagong laptop.

“Hala. Tristan? Mahal ito ah?” ang gulat na sabi ko.

“Okay lang yan. Kailangan natin yan. Computer Engineering course natin kaya marapat lang na pareho tayong meron niyan. Di ba?”

“Diyan kami nagkasundo ni erpat. Pareho kaming Sony VAIO din ang ginagamit. Although, hindi yan yung latest model pero pareho tayo ng gagamitin.”

“Nung chineck ko ay comparable naman yung specs niyan dun sa latest model. May mga added features lang naman dun sa bago na sa tingin ko naman ay hindi naman natin gagamitin.”

“Pero may laptop ka na di ba? Sana nagshare na lang tayo.” ang nahihiyang sabi ko.

“No! Mas maganda na tig-isa tayo. Mas magiging convinient sa ating dalawa lalo na kapag may programming subjects na tayo.” ang paliwanag niya.

“Pero Tristan brand new ito. Sa iyo na lang kaya ito tapos akin na yung luma mo.” ang sabi ko.

“Nope! Binili talaga ni erpat yan para sa iyo. Tsaka okay pa naman yung laptop ko. Kakabili ko lang sa kanya 6 months ago. Marami akong importanteng file na nakasave dun. Kaya hindi tayo pwedeng magpalit.” ang sabi ni Tristan.

“Grabe Tristan. Sobra sobra na ito.” ang nahihiyang sabi ko.

“Ano ka ba? Don’t be. Tsaka nandiyan na yan oh. Ngayon ka pa ba mahihiya?”

“Hay naku good decision talaga na hindi ka na namin pinasama nung binibili namin yan. Baka maging cause of delay pa yung kaartehan mong yan. Hehehe.” ang biro ni Tristan sa akin.

“Ulul!” ang banat ko.

“Now! As for the uniform... one thing na gusto ko sa University is uniform free sila. Meaning, we can wear anything we want. So, tommorow, punta tayo sa mall para maibili kita ng mga bagong pants, jeans, polo and shirts.” ang excited na sabi ni Tristan sa akin.

“Wait! Wait!... Wait lang Tristan. Hinay hinay lang. Kalma! Kalma ka lang.”

“Hindi ko na alam kung saan ako huhugot ng kapal ng apog at mukha para tanggapin ko ang lahat ng ito.”

“Ni hindi na nga ako makatingin sa iyo nang dahil sa sobrang hiya.” ang nahihiyang sabi ko sa kanya.

“Nikko, nangako ako sa iyo na tutulungan kita di ba? Kaya lulubusin ko na ang pagtulong ko. Okay?’ ang sabi ni Tristan.

“Hindi na. These are enough. Actually, it’s more than enough. May damit ako. Okay na yun.” ang tugon ko.

“Nikko, I saw your dresser last time. Remember? Nung natulog ako sa inyo.”

“And no offense, aside sa mga binili ko sa iyo nung dumating ako dito, ay wala akong nakitang bago at matino kang damit.”

“Nasa college na tayo. Dapat presentable tayo.” ang pagpranka ni Tristan sa akin.

Actually, may point naman talaga siya. Kung hindi pa niya ako pinamili ng mga damit sa mall nung dumating siya dito ay wala akong magiging bagong damit. Hindi naman kasi ako malimit bumili. Kadalasan ay si Lola pa ang bumubili para sa akin. Problema lang ay kung hindi masyado malaki ay masyado namang maliit ang binibili niya sa akin. At dalawang kulay lang. Either puti o itim. Maliban sa bigay ni Tristan, may tatlo akong pantalon. Kaya lang kupas na ang isa, may butas naman yung dalawa. Kaya lang mali na kasi yung pati damit na isusuot ko ay iaasa ko pa din sa kanila.

“Tristan, huwag mo nang intindihin yun. Ako na ang bahalang gumawa ng paraan.” ang pakiusap ko kay Tristan.

“May budget naman tayo, Nikko. Kaya wala kang dapat ipag-alala.” ang pangungulit ni Tristan.

“Alam ko naman. Kaya lang Tan, hindi na kasi tama. Sobra sobra na kasi itong ibinigay ninyo. Tama na.” ang paliwanag ko.

“Hay naku, Nikko. Ang Pride ay pinanglalaba at hindi inuugali.” ang pangungulit pa din ni Tristan sa akin.

“Pwes, Pride na lang ang meron ako. Huwag mo nang kuhanin pa.”

“Lubayan na ang pangungulit at hindi talaga uubra. Ok?” ang tugon ko sa kanya.

Halata mang disappointed pero tinanggap na din niya ang sinabi ko. Pero hindi pa din siya sumuko sa pagtulong sa akin sa aspetong iyon.

“Ok fine! Hindi na tayo bibili.”

“Ganito na lang. May mga damit ako dito at karamihan ay hindi ko na ginagamit. Lumaki at lumapad kasi ako kaya hindi na nagkakasya sa akin. Pumili ka na lang ng kasya pa sa iyo. Tutal may balak naman na akong ipamigay yung mga yun. Unahin na kitang bigyan. Okay na ba yun?” ang pangungubinsi ni Tristan sa akin.

Bigla akong napaisip. Pwede na siguro yun. Tutal hindi na siya gagastos pa. At sa pagkakakilala ko sa mokong na ito ay hindi talaga siya papayag na hindi ako ibili. Kunwari lang siya na pumapayag pero siguradong gagawa at gagawa pa din siya ng paraan. Kaya...

“Okay, fine! Mas okay na yun sa akin.” ang napipilitang tugon ko.

“Good!” ang magiliw na sabi niya.

“Wala ka naman sigurong putok? Hehehe.” ang pang-aasar ko sa kanya.

“Ah ganun? Pwes, tara dito!” ang tugon niya sabay hatak sa braso ko.

Hindi ko inaasahan ang ginawa niya kaya bigla akong napahiga sa kama. Pagkahigang pagkahiga ay idinuldol niya sa mukha ko ang kilikili niya.

“O ano? May putok ba? Ha? May putok ba? Hehehe.” ang malokong sabi ni Tristan.

Sa sobrang lakas at bigat ni Tristan ay hindi ko magawang makawala agad. Sa tuwing pinipilit kong makawala ay mas lalo pa niya akong dinadaganan at idinidiin ang kili kili niya sa mukha ko.

“Ano? Mabantot ba? Ha? Hahaha!” ang tawang tawa na sabi niya.

Mukha talagang hindi ako makakawala sa kanya. At dahil medyo nauubusan na din ako ng hininga kaya inilabas ko ang dila ko ay dinilaan ang kilikili niya. Nagbabaka sakaling magulat siya at tumayo mula sa pagkakadagan sa akin. Hind nga ako nagkamali dahil...

“Huy! Huy! Ano yun?” ang napaiktad at gulat na sabi ni Tristan sabay punas sa basang kilikili niya.

“Pwe! Pwe! Pwe. Ang pakla. Kadiri!” ang kinikilabutang sabi ko.

“Dinilaan mo ba ang kili kili ko?” ang kinikilabutan ding tanong ni Tristan.

“Oo. E gago ka ih. Hindi na kaya ako makahinga.” ang sabi ko.

“Yuck. Kadiri ka. Ang baboy mo!” ang nandidiring sabi ni Tristan sabay kiskis ng kilikili niya.

“Ulul! Iba din ang trip mo e. Pamatay!” ang tugon ko sabay hatak ng laylayan ng damit ko at punas ng labi at dila ko.

“Hahaha. Buti nga!”

“O siya. Diyan ka muna. Kunin ko muna yung mga damit. Nandun sa kabilang kwarto e.” ang sabi ni Tristan bago siya lumabas ng kwarto.

Bigla akong napangiti. Halos manginig ang buong katawan ko sa kilig. Nanunuot sa ilong ang amoy ng kilikili niya. Kahit wala na ay amoy na amoy ko pa din ang amoy nito.

“Tangina! Ang bango!” ang kinikilig na sabi ko sa isip ko.

Nasa gitna ako ng pagnamnam at pagpapantasya nang biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi nakastore sa sim ko yung number. Hindi ko kilala.

“Sino kaya ito?” ang taong ko sa isip ko.

Akma ko nang sasagutin ng biglang maputol ang pagtunog ng phone ko. Sinubukan kong tawagan pero bigla naman akong nagcheck operator services. Wala na akong load. Naisip ko na makigamit ng phone ni Tristan. Pero bigla ulit tumunog ang phone ko. Agad ko na itong sinagot.

“Hello? Sino ito?” ang bungad na sabi ko.

“Musta ka na?” ang tugon ng kausap ko.

Biglang gumapang ang kilabot sa batok ko. Hindi man niya sabihin pero kilalang kilala ko ang tao sa kabilang linya. Alam na alam ko kung sino siya. Biglang nangilid ang mga luha ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Biglang bumilis ang paghinga ko.

“Tanginamo! Tanginamo! Tanginamo!” ang sabi ko sa kausap ko.

“Hala! Tanginamo din!” ang tugon ng kausap ko.

“Hayop ka! Bakit ngayon ka lang tumawag? Sabi mo mag-aadjust ka lang. At kapag nakapag-adjust ka ay tatawagan mo na ako.” ang maluhaluha pero masayang sabi ko.

“O eto na. tumawag na ako. Ano pang inaarte mo diyan? Inaka!” ang sagot ng kausap ko sa akin.

“Tangina Best! Miss na miss na kitang hayop ka.” ang naluluha pa ding sabi ko.

Tama kayo. Siya na nga. After ng ilang buwan ng paghihintay ay kausap ko na din sa wakas ang bestfriend ko. Si Derek.

“Nabakla ka na naman sa akin. Gago ka. Hahaha.” ang pagbiro ni Derek sa akin.

“Tangina mo. Ulol ka.” ang naluluha pero natatawang sabi ko.

“If I know namimiss mo na akong tsupain. Hahaha.” ang dagdag na pambubwisit ko pa.

“Hindi din! Madami din namang matsutsupa dito. Hahaha.” ang nagbibirong tugon niya.

“Mas malaki. Mas makatas. At mas mataba. Hihihi.” ang malanding biro pa din niya.

“Amputa! Natuluyan ka na P’re. Baklang bakla ka na. Hahaha.” ang pang-aasar ko.

“Ulul. Hindi ah. Loyal ako sa iyo. Nangako akong sa iyo lang ang bibig na ito di ba? Hahaha.” biro ulit niya.

“Ayan! Ayan! Ayan! Nababakla ka na naman sa akin.” ang pang-iinis ko pa.

“Namo! Gustong gusto mo naman! Nyahahaha.” ang natatawang ganti niya.

“Gago. Ayoko na niyang bunganga mo. Pwet mo na ang gusto ko. Hahaha.” sabi ko.

“Pwet mo your face. Asa ka!” ang pambabara niya sa akin.

“Tangnamis ka! Hindi ka pa din nagbabago. Baboy pa din yang bunganga mo. Hahaha.” ang puna ko.

“Ugok! Sino ba ang nagturo sa akin? Ha?... Master?”

“I learned from the best kaya! Nyahaha.” pang-aasar pa din niya.

“Ulol. Ipinanganak ka nang ganyan. Normal na sa iyo ang pagiging madumi.” ang pambabara ko.

“Wow! As in... Wow! Linis mo e. Labang Tide ka e. Purong puro ang pagkaputi. Walang bahid ng dungis e noh?” ang sagot naman niya sa akin.

“Naman! Hahaha.” ang pagsang-ayon.

“Hanggang ngayon ba? Ginagawa mo pa?” ang tanong ko.

“Oo P’re. Wala na e. Buhay ko na talaga ito.”

“Pilit ko naman iniiwasan e pero sila na mismo ang lumalapit e.” ang medyo seryosong sabi ng kausap ko.

“Namputcha! Pati ba naman ang Surigao e tinantusan mo?” ang tugon ko.

“Wala e. Gwapo na. Daks at yummy pa. Masisisi mo ba ako?” pagmamayabang niya.

“Best. Signal number 5. Abot dito ang hangin e.” ang pambabara ko.

“Ulul. Di mo lang matanggap na nadaig na kita. Kasi lumawak na ang market ko. Bulacan to Surigao baby! Aw! Hahaha.” pagmamayabang pa niya.

“Kaw ba?” ang tanong niya.

Hindi ako nakakibo agad. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari sa amin ni Tanya last time. Pero counted ba yun? Hindi naman ako nilabasan. Ni hindi nga ako masyadong tinigasan.

“Hello? Andiyan ka pa ba?” ang tanong ni Derek sa skin.

“Hello. Oo nandito pa.”

“Matagal nang hindi Pre. Nandito ka pa nung huling beses na ginawa ko. Kay Mr. Robles pa yata.” pagsisinungaling ko.

“Hala! Tagal na nun ah?” ang gulat na sabi ni Derek.

“Bakit? Kailangan bang araw araw kong gawin?” ang pabiro kong tanong.

“Hindi naman. Nakakapagtaka lang kasi.” ang sabi ni Derek.

“Ano naman ang nakakapagtaka dun?” ang tanong ko.

“Mukhang bumababa na ang market value mo P’re. Hahaha.” ang pang-aasar ni Derek.

“Gago. Ako pa ba? Alamat kaya ito. Nyahahaha.” pagbibiro ko.

“Maiba ako. Kamusta na si Lola?” ang tanong ni Derek.

“Okay naman. Ayun, abala sa nalalapit na pista. Mukhang malaki ang selebrasyon ngayon P’re.” ang sagot ko.

“Talaga? Sayang! Siguradong dadagsain na naman ang mga bakla diyan. Sayang ang kita. Tiba tiba sana tayo.” ang panghihinayang ni Derek.

“Paano yan? Dating gawi. Kaya lang wala ako. Laspag sigurado ang titi mo niyan. Hahaha.” ang pang-aasar ulit ni Derek.

“Tanga! Wala na akong balak noh. Iwas na ako.” ang sabi ko.

“P’re, kung kelan magpapasukan tsaka ka naman mag-iinarte ng ganyan. Magkokolehiyo ka pa naman. paano yung mga kailangan mo?” ang tanong ni Derek.

“Sinagot naman lahat ni Tristan at ni Tito Jaime lahat ng gamit na kailangan ko.”

“Bag. School supplies. Drawing materials.”

“Pati nga bagong laptop P’re. Hindi ko na nga alam kung saan ako dadampot ng kapal ng mukha para magawa kong tanggapin ang mga ito.”

“Nandito nga ako sa kanila ngayon.” ang sabi ko.

“Talaga? Kamusta naman si Tristan P’re?” ang medyo seryosong tanong ni Derek.

Bigla akong napaisip. Naalala ko yung nangyari nung nakaraan Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Derek kasi nangako ako na kukwentuhan ko siya ng tungkol sa mga nangyayari dito sa amin. Kaya lang wala naman akong karapatan. Hindi ko din naman alam ang tunay na dahilan ng away nila ni Tito. Kaya mas maganda na din siguro na manahimik ako at hayaan na lang si Tristan ang magkwento kung gugutuhin man niya.

“Ayos lang naman. Excited na excited sa nalalapit na pasukan.”

“Gusto mo bang kausapin? Kaya lang nasa kabilang kwarto. May hinahanap.” ang palusot ko na lang.

Biglang hindi na nagsalita si Derek.

“Hello, P’re?” ang sabi ko. Hindi pa din siya kumibo. Bagkus ay narinig na lang na sumisinghot ang kaibigan ko.

“Okay ka lang ba, Pre?” ang pag-aalala ko.

“Okay lang, P’re. Pasensiya ka na. Hindi ko kasi maiwasan na malungkot at mainggit sa inyo.”

“Gustong gusto ko talagang sumama sa inyo.”

“Kaya lang wala talaga akong magawa ih.” ang maluha luhang sabi ni Derek. Biglang dinaklot ang puso ko. Nasasaktan ako dahil alam kong nahihirapan ang kaibigan ko. Ang masama, wala akong magawa.

“Kung may choice lang talaga ako, sisiguraduhin kong i-aalis ko ang sarili ko sa kinasasadlakan ko.” ang malungkot na sabi pa din ni Derek.

“Derek, hindi na ba natin talaga pwedeng paki-usapan ang tatay mo?” ang malungkot na tanong ko.

“Hindi P’re. Lalo na ngayon. Mas mahirap siyang kausap.”

“Walang araw na hindi niya ako pinapagalitan. Konting kibot ko e gigil na agad siya sa akin.”

“Mas humirap ang buhay namin dito.”

“Dose oras na kami kung magtrabaho sa niyugan. Minsan nga lumalagpas pa. Pero minsan nagugutom pa din kami.”

“Kaya di ko din masisi ang sarili ko kung bakit patuloy pa din ako sa pagpapahada.”

“Minsan nga Pre, kahit singkwenta lang e pinapatos ko na, magkapera lang.” ang kwento ni Derek.

“Tangina. Pumapayag ka na sa singkwenta?” ang gulat na tanong ko.

“Oo P’re. Wala akong magagawa e.”

“Mamatay ako ng dilat ang mga mata sa gutom dito kung hindi ako kikilos.” ang paliwanag niya.

“Akala ko ba nagtatrabaho kayo diyan?” ang pagtataka ko.

“Oo nga. Nagtatrabaho kami para magbayad ng utang.”

“Halos kalahati ang ibinabawas ng Tita ko sa sweldo namin. Tapos derecho kay Papa ang matitira.”

“Wala naman siyang ginawa kundi ang uminom araw araw.”

“Mas importanteng masayaran ng alak ang lalamunan niya kesa sa pagkalam ng sikmura ko.” ang dagdag pa niya.

“P’re kung nahihirapan ka, bakit di ka pa umalis diyan?” ang nag-aalalang tanong ko.

“Mahirap P’re. Mahirap gumalaw ng walang wala ka.”

“Sinubukan kong mag-ipon ng pera para makabili ako ng pamasahe pabalik diyan.”

“Halos araw araw akong nagpapahada dito.”

“Kung kanikanino na nga lang. Kahit magkano pinapatos ko na.”

“Tinitiis ko talaga ang hindi kumain maghapon huwag lang mabawasan ang kinikita ko sa pagpapatsupa.”

“Umaasa na lang akong papakainin ako ng parokyano ko bago nila ako lapastanganin.”

Biglang huminto sa pagsasalita si Derek. Ramdam ko ang sama ng loob niya at pinipigilan niya ang maiyak.

“Pero minalas ako, P’re. Nakita ni Papa yung pinagtataguan ko ng ipon ko.”

“Nagalit siya. Pinagbintangan niya ako na nangungupit sa kanya.”

“Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko naman masabi ang ginagawa ko para lang kitain ang mga perang iyon.”

“Galit na galit si Papa. Halos baliin nga niya ang mga buto ko sa bugbog.”

“Hanggang ngayon nga ay iniinda ko pa din yung sakit.”

“Pero pinagkikibit balikat ko na lang. Kailangang magtrabho. Bawal magdahilan.. Bawal magkasakit.” ang sabi ni Derek kasunod ng pagsinghot.

“Alam mo, P’re, minsan talaga naiisip ko na tapusin na lang buhay ko. Para makasama ko na si Mama at matapos na ang impyernong buhay na ito.”

“Ang dami kayang pesticide dito.”

“Kaya lang, hindi ko magawa. Kahit naman ganito ako ay may takot pa din naman ako sa Diyos.” ang naiiyak na kwento niya.

“Tangina naman P’re, yan naman ang huwag na huwag mong gagawin.” ang pag-aalala ko.

“Umalis ka na diyan kasi. Sa amin ka tumira. Kami ni Lola ang bahala sa iyo.”

“Kung kailangan mo ng perang pamasahe, kaya kong gawan ng paraan. Kahit magkandasugat na ang burat ko, magpapahada ako ng magpapahada, makaipon lang.”

“Pwede ko din namang pakiusapan si Trisan P’re. Para matulungan ka.” ang sabi ko.

“Salamat P’re pero ayoko na kayong idamay sa problema ko.”

“Siguradong guguluhin kayo ni Papa kapag nalaman niyang tinulungan niyo akong makatakas dito.”

“Iba na si Papa. Mas malala na siya ngayon. Baka gawan pa niya kayo ng masama.”

“Worst, baka makapatay pa siya. Yung ang iniiwasan ko, Pre.” ang tila walang pag-asa na sabi ni Derek.

Magsasalita na sana ko nang...

“Putanginang bata ka...” ang sigaw ni Tito Manuel na nadinig ko mula sa kabilang linya. Kasunod nito ang pagbasag ng mga gamit sa kinaroroonan nila.

“Aray ko. Pa...” ang reaksiyon sa tila ba nasaktan na si Derek.

“Pare?... Derek?” ang pag-aalala ko.

“Hindi ba’t sinabi ko sa iyo na pumunta ka na sa niyugan?!? Ano pa ang tinatanga tanga mo dito?!! Ha!?!” ang galit na tanong tatay niya.

“Pa, pasesenya ka na. Hindi po kasi ako makalakad ng maayos. Namamaga pa din po itong binti ko.” ang narinig kong pagmamakaawa ni Derek.

“Namamaga? Gusto mong putulin ko na yan para hindi mo na problemahin?! Ha?!?” ang sigaw ni Tito Manuel.

“Pa, huwag po. Pa...” ang pagmamakaawa ng kaibigan ko.

“Derek?” ang walang magawang tawag ko sa kaibigan ko.

“Huwag mo akong daanin sa katamaran mo. Lumabas ka dito at magtrabaho ka dun. Tanginamo ka?” ang sigaw ulit ni Tito Manuel.

“Opo Pa. Tama na po.” ang takot na takot na sabi ni Derek.

Ilang saglit pa ay nadinig ko ang pagsarado ng pinto. Dinig ko ang mahinang iyak ni Derek. Saglit itong suminghot at huminga bago nagsalita ulit.

“Pre...” ang humihikbing sabi ni Derek.

“Hanggang dito na lang muna. Kailangan kong puunta sa niyugan.” ang naiiyak na sabi ng kausap ko.

“Derek...” ang sobrang nag-aalalang sabi ko.

"Sorry Nikko. Kailangan ko nang ibaba ito. Ingat ka palagi.” ang halos napapahagulgol na sabi ni Derek bago tuluyang naputol ang linya.

Biglang tumulo ang luha ko. Kasunod nito ang mahinang paghagulgol. Nasa panganib si Derek at kailangan niya ng tulong ko. Pero hindi ko alam kung paano ko siya matutulungan. Gulong gulo ang isip ko. Halos pabagsak akong napaupo sa kama ni Tristan.

Ilang saglit pa ay pumasok si Tristan.

“Nikko, nakuha ko na yung mga damit na sinasabi ko.”

“Whew! Ang init!”

“Mamili ka na para mapalabhan ko na sa mga kasambahay namin yung mapipili mo.”

“Naalikabukan na kasi sa tagal ng pagkakatambak.” ang sabi ni Tristan.

“Size 32 yung mga pantalon dito. Yung isa hindi ko pa nagamit. Masikip na kasi sa akin. So bago pa ito.”

“May mga polo shirt din pala si Papa na bago. Mukhang wala naman siyang balak gamitin kaya sa iyo na din ito.”

“Sa States pa namin binili. Sayang naman.” ang patuloy na pagsasalita ni Tristan sabay lapag ng mga dala. Muli siyang lumabas ng kwarto para may kunin pa ulit.

Nang makabalik...

“Magkapaa naman yata tayo. Sa iyo na din itong mga sapatos na ito. Hindi ko na din gagami...” hindi na natapos ni Tristan ang sasabihin dahil nabigla ito nang makita niyang umiiyak ako habang hawak ang cellphone ko.

“Ano’ng nangyari?”

“Bakit ka umiiyak?” ang gulat na gulat na tanong ni Tristan.

“Tristan. Tulungan mo ako.”

“Tulungan natin si Derek. Please.” ang umiiyak na sabi ko.

“Bakit? Anong nangyari sa kanya?” ang nag-aalalang tanong ni Tristan.

“Kakatapos ko lang kausapin siya. Narinig ko na pinapagalitan siya ni Tito Manuel.”

“Parang sinasaktan niya si Derek.”

“Hindi ko alam ang gagawin ko.”

“Parang mapapahamak si Derek eh.” ang tulirong kwento ko.

“Juskopo ang kapatid ko!" ang gulat at kinakabahang tugon ni Tristan.

Biglang nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko sigurado kung tama ba ang narinig ko o nabingi lang ako. Klaro naman ang pagkakasabi ni Tristan pero nahihirapan itong iproseso ng utak ko. Bigla ding nanlaki ang mga mata ni Tristan. Halos bumagsak ang panga niya sa pagkabigla. Tila ba nadulas siya sa kanyang sinabi.

Biglang kumabog ang dibdib ko. Biglang nag-init ang mukha ko. Titig na titig ako sa kanya. Litong lito. Umaalingawngaw sa isip ko ng mga huling salita na sinabi ni Tristan. Walang lumabas na salita sa labi ko kundi...

“... kapatid?”

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: At Your Service Nikko (Part 15)
At Your Service Nikko (Part 15)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh8FdDaXyoWFfjpHD8FwQ5uou3d3U0hkzurtGPZDjgV7yWRYcRwFuBSw8g0-yCaQRWmGJ-rvydkgR4d74TCAya8Pf7UZ-IgeLC2X7x1TlzUzIAGC3PddTMfNx5nTVSgfoTH0OAv55lAExNb/s320/At+Your+Service+Nikko.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh8FdDaXyoWFfjpHD8FwQ5uou3d3U0hkzurtGPZDjgV7yWRYcRwFuBSw8g0-yCaQRWmGJ-rvydkgR4d74TCAya8Pf7UZ-IgeLC2X7x1TlzUzIAGC3PddTMfNx5nTVSgfoTH0OAv55lAExNb/s72-c/At+Your+Service+Nikko.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/05/at-your-service-nikko-part-15.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/05/at-your-service-nikko-part-15.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content