$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Meet My Middle Finger (Part 12A)

By: Raleigh Hunter Payapa ang gabi. Bukod sa yabag ng aking mga hakbang, tanging ang huni ng kuliglig at lagaslas ng mga dahon ang m...

Meet My Middle Finger

By: Raleigh

Hunter

Payapa ang gabi.

Bukod sa yabag ng aking mga hakbang, tanging ang huni ng kuliglig at lagaslas ng mga dahon ang maririnig.

Minsan ay nababasag ang katahimikan sanhi ng panaka-nakang pagkahol ng mga aso mula sa di kalayuan.

Umihip ang malamig na hangin at nanindig ang aking balahibo nang dumampi ito sa aking mukha. Mabuti na lamang at makapal itong aking suot, kung hindi’y pati tuhod ko ay kanina pa nangatog.

Hinawakan ko ang strap ng aking bag na nakasukbit sa aking balikat at binilisan ang paglalakad pauwi ng bahay.

Mag-aalas dos na ng madaling araw ngunit ngayon pa lamang ako nakauwi. Ang hirap palang maghanap ng taxi na masasakyan.

Wala rin namang jeep na nagagawi papuntang hotel na iyon kaya wala akong choice kundi maglakad doon sa labasan at mag-abang ng taxi.

O dahil baka natatakot ang mga driver sa mukha ko kaya di nila ako pinasakay kahit ganitong nakagayak na ako?

Hay, bakit kasi ganito ako kapangit?

Hindi ko naman sinisisi ang mama at papa, pero nakakapagod na rin na pulos kamalasan ang aking inaabot dahil sa mukha ko.

Katulad na lamang nang nangyari kanina sa party bago ako makauwi...

“Watch out!”

Muntik na akong matumba nang may humila sa aking inaapakan. Paglingon ko ay sinalubong kaagad ako ng nanlilisik na mata ng isang ginang.

Hinihila nya ang laylayan ng kanyang gown na hindi ko sinasadyang maapakan.

“Look at what you’ve done! Ingat na ingat ako tapos aapakan mo lang ang gown ko?”

“Sorry p—“

“Sorry? SORRY? Hindi mababayaran ng sorry mo ang nasira kong gown!” sigaw nya sa matinis na boses.

“Mam, d-di ko naman po sinasadya. I-iniwasan ko lang po yung staff na may dalang tray ng maruruming plato—“

“I don’t care kung nag banggaan kayo at nabasag lahat ng mga pinggan! Tingnan mong ginawa mo? Pay for it!” putol nya sa paliwanag ko.

“L-lilinisin ko na lang p-po yung gown mo mam. S-sorry po talaga...”

Lumuhod ako para pagpagan ang bahagi ng gown na aking nadumihan, pero bigla na lamang nyang inapakan ang kamay ko gamit ang matulis nyang heels.

“A-aray!” di ko mapigilang sambit.

“Sorry? Anong sorry? Walang sorry-sorry dito! I demand you pay Php 10,000 right here, right now!” demanda nya.

Pinagpawisan ako ng malamig. Teka, wala namang damage ang gown nya ah. Bakit ako pagbabayarin?

“P-po? E-eh, w-wala naman pong sira yung—“

“Are your eyes made of cardboard at di mo nakikita ang sira sa gown ko? Gusto mong idutdut ko yang kadiri mong mukha sa sahig, ha?!” pagbabanta nya.

Gigil na gigil nyang diniinan ang pagkakaapak at pakiramdam ko’y mabubutas ng takong nya ang kamay ko.

Nakarinig ako ng bulong-bulungan at ako’y nasindak nang makitang pinalilibutan na kami ng iba pang mga panauhin.

Hawak-hawak nila sa isang kamay ang baso ng red wine habang nakatakip ang isa pang kamay sa kanilang mga labi habang nag-uusap.

Gayunpaman, bakas sa kanilang mga mata ang pandidiri nang makita ako.

“Nagbibingi-bingihan ka pa? I said pay me 10,000Php for my gown. Kung hindi ay ipakukulong kita! Guards!”

“Mam, t-teka lang naman po. S-student p-palang po ak—“

“This is an exclusive event! Papano ka nakapasok dito? You dirty little slum rat! Siguro mangunguha ka ng leftovers para ipakain sa mga kasamahan mong ipis ano?”

“H-hindi p-po! I-inimbitahan po ako ni B-Brix dito!” paliwanag ko.

“Aba’t hindi ka lang hampas-lupa, sinungaling ka pa. GUARDS!” paghihisterya ng ginang.

Tangkain ko mang magpaliwanag pero nagbingi-bingihan lamang sya. Ilang sandali pa ay nangyari na ang aking kinatatakutan.

Singlakas ng kulog ang tunog ng yabag ng mga paparating na gwardya patungo sa aming kinaroroonan.

Bakit kasi tatanga-tanga ako? Ma, Pa, patawad po...bibigyan ko na naman kayo ng kahihiyan.

“Mam, ano pong problema dito?” tanong ng isang guard.

“Akala ko ba exclusively booked ang event namin dito sa hotel nyo? Bakit may nakalusot na ipis dito, eh hindi invited yan.” turo nya sa akin.

“Mam, mahigpit po ang seguridad sa facility namin. Naicheck po namin lahat ng bisita—“

“Eh bakit nakapasok nga yang ipis na yan?!” putol nya sa paliwanag ni manong guard.

“Mam, huminahon po tayo. Lahat po ng nakapasok dito ay may dalang pass. Or maybe, may kasama syang VIP kaya sya nakapasok.” rason ng manager na dumating na rin.

“Yang mukhang yan may kasamang VIP? Nagjojoke ka ba sa akin?” halos duruin nya ang hotel manager.

“Mam, calm down po. Siguro may kasama kayo sa party na nagpapasok sa kanya. Our security is excellent. Imposibleng may makapasok na walang pass.” giit ng manager.

Halos maaninag ko ang usok na lumalabas sa tenga ng ginang habang tinitingnan nya isa-isa ang mga empleyado sa paligid namin.

Mataas siguro ang posisyon nya sa kumpanya kaya ganun na lamang sya makaasta.

“Sino’ng walang kwenta na nagpuslit sa ipis na ito dito? SAGOT!” sigaw nya.

Nagkatinginan ang mga tao sa paligid at umiling-iling. Hinarap ako ng ginang at akmang sisigaw ulit nang may marinig kaming tinig.

“What’s this unsightly commotion?” sabi ng maatworidad na boses.

Animo’y umihip ang malamig na hangin dahil sa boses na iyon. Biglang natahimik ang venue, wala ni isa ang nagtangkang gumawa ng ingay.

Nahawi ang karagatan ng mga tao at mula roon ay lumabas ang isang matangkad na lalaki.

Mas mabilis pa sa alas kwatrong kinuha ng ginang ang paa mula sa pagkakaapak sa akin at dumirecho sa tabi ni Mr. Pineda.

“Mr. President, look at this! May walang kwentang employee tayo na nagpuslit ng hampas-lupang taga kuha ng tira-tirang pagkain dito!”

Parang award-winning author ng sikat na nobela ang ginang nang ilahad nya ang nangyari, when in fact, 98% ay gawa-gawa lang.

Dahan-dahan akong tumayo at hinagod ang kamay kong naapakan. May bakas pa ng heels nya doon sa aking kamay.

Napasulyap ako sa kanilang gawi. Sa pagkakadikit nya kay Mr. Pineda, tantya kong may gusto sya rito. Pero gaya ni Hunter, dedma lang ang presidente.

Bagkus, nakatingin si Mr. Pineda sa akin na para ba akong insektong sinusuri. Mag-ama nga sila ni Hunter, ganito rin sya makatingin sa akin noong una kaming nagkakilala.

Nailang ako — more like, natakot — kaya umiwas ako ng tingin at napayuko na lamang.

Naiimagine ko na ang pag-irap nya sa akin. Marahil sa isip nya, nagkamali ang kanyang mga anak na kaibiganin ang tulad ko.

“—at napakasinungaling! Ang dapat sa mga ipis, ini-exterminate!” reklamo ng ginang.

“Agnes, can you please shut up for one second? Mr. Manager, sorry for the inconvenience and thanks for coming. Ako na ang bahala dito.” nakangiting tugon ni Mr. Pineda.

Ngiting walang bahid ng anumang init. Natigil sa pagsasalita ang ginang at umalis na ang manager kasama ng mga guards.

“Oh, by the way, I am that ‘walang kwentang employee’ na nagpapasok sa kanya dito. Though you stand corrected, because I’m your employer.”

Hindi lang ako ang nagulat sa sagot ni Mr. Pineda, maging si Agnes ay napasinghap.

Pero teka, ipinagtatanggol ba ako ni Mr. Pineda?

“Besides, magpasalamat ka sa bata for ruining your gown. Hindi bagay sa edad mo, mukha kang kaladkarin.”

Nakangiti parin sya habang sinasabi ang malalamig na salitang iyon, kaya mas naging katakot-takot sya.

“S-si…ah, u-umm.. n-no s-sir... I-I d-didn’t mean t-to...” kanda utal na sagot ni Agnes.

Bigla nyang ibinaling ang mala-agilang mata sa akin.

“Ah, you’re a student aren’t you? Let me fix a ride for you. Students should focus their time on studying and not on partying, no?” at dinagdagan nya ito ng tawa.

Tumango-tango naman ang mga nasa paligid.

“C’mon, let me escort you back to the hotel. You guys should enjoy the party more.” sabi nya sa mga employee.

You’ve overstayed your welcome, ang lihim na mensahe nya sa mababait na salitang iyon.

Nag-umpisang maglakad si Mr. Pineda pabalik sa hotel kaya’t sumunod na lamang ako sa kanya.

Ilang dipa rin ang layo ko mula sa kanya. Wala kaming imik habang naglalakad. Pagdating sa hotel lobby ay may inutos sya sa isang staff at naghintay sa isang sulok.

Teka, ihahatid ba nya ako?

Gusto ko sanang magpasalamat sa kanya, pero hindi ko man lamang maibuka ang bibig ko.

Para akong nasu-suffocate sa aura nya. Kapag sya naman ay nagsalita, wala kang choice kundi sundin sya.

Makalipas ang ilang sandali ay dumating na ang staff at iniabot sa akin ang isang bag — ang aking bag.

“I’m returning a favor dahil dinala mo si Hunter dito, wala nang iba pang dahilan. You may go.”

“P-pero—“

“You don’t have to bid goodbye to my sons. I’ll let them know na umuwi ka na dahil naimpatso sa kakakain.” at bigla syang tumalikod.

Tinawag ba nya akong patay-gutom, indirectly?

Magsasalita pa sana ako ngunit nilunok ko na lamang ang aking sasabihin at saka naglakad palabas ng hotel.

At doon nga’y nakipag patintero ako sa mga sasakyan para makatawid dahil ayaw nilang magslow down kahit nas pedestrian lane na ako.

Ganito nga siguro sa Pilipinas, ang red light ay “go” parin para sa mga drayber.

At heto nga, mag-isa akong naglalakad patungong bahay namin.

Napabuntong-hininga ako at hindi mapigilang tumingala sa kalangitan. Sa ganitong pagkakataon kasi ay hinahanap ko ang “star ni papa”.

Kapag nakikita ko ang star nya, gumagaan ang pakiramdam ko na tila ba binibigyan nya ako ng lakas para harapin ang mga hamon sa buhay.

Ngunit sa kasamaang palad, hindi ko maaninag ang mga bituin.

Mas maliwanag kasi ang mga ilaw na nanggagaling sa Christmas lights na nakasabit sa mga kabahayan.

Doon ko lang naalala na bisperas na pala ng Pasko bukas, este, mamayang gabi pala.

Excited na akong balutin ang regalo ko para kay mama. Matagal na kasi simula nang makapagbigay ako ng regalo sa kanya.

Mamaya ay susubukan kong ayain sya para magsimba at magpasalamat sa mga biyayang natanggap namin ngayong taon.

Kung di dahil sa pagdagsa ng costumers ng shop, hindi kami makakaluwag-luwag nitong nakaraang mga buwan.

Sana ganito rin sa susunod na taon para naman makapag-ipon ako ng ipantutustos sa pag-aaral ko at ng pang maintain ng garden.

Pagdating ng bahay, dumirecho kaagad ako sa kwarto upang maghilamos at mahiga. Maiidlip muna ako dahil bubuksan ko ang shop mamayang 3am.

Tantya ko ay marami ang last-minute costumers na magpapagawa ng bouquet para ialay sa misa mamaya.

Apat na orders pa ang kailangan kong gawin mamaya. Huling araw na ng simbang gabi kaya sisikapin kong makadalo ng misa.

Ngunit kinse minutos na akong nakapikit ay di parin ako dalawin ng antok. Gising na gising ang diwa ko, at alam ng Diyos kung sino ang may kasalanan.

Kahit siguro snowstorm hindi kayang pawiin ang init ng pisngi kong nahalikan ni Brix. Ayoko namang bigyan ng kahulugan iyon.

Natural, galing sya sa labas kaya normal na sigurong humalik sa pisngi bilang pasasalamat. Pero kasi...

Saka bakit sabi nya sekreto lang namin yun? Hmm, sabagay. Maging ako di ko rin kayang sabihin na nahalikan ako sa pisngi kahit sobrang gwapo nya.

Lalo na’t sobrang gwapo nya! At mabait pa! Hehe, teka... ambilis ng tibok ng puso ko...

“Heeeh, kiss lang. Big deal?” biglang sumagi sa aking utak ang imahe ng demonyong nakangiti.

Aarrrghhh!! Bakit ka nagpapakita kahit hindi ikaw ang iniisip ko?!

Nawawalan na ako ng pag-asa na may hangganan pa nga ang kawalang-hiyaan ni Hunter. Isa na naman bang ideya ‘yon ng joke nya?

Nakuha ba namang h-ha-h-halikan ang kapwa nya lalaki! Hindi na nakakatuwa!

Dahil ba alam nyang wala akong karanasan sa paghalik kaya nakuha nyang pagkatuwaan ako?

”Sus, kiss lang yan. Inaantok nako, g’night...” at umalis syang nakangisi.

Pilit ko mang huwag isipin, paulit-ulit paring umalingawngaw ang mga katagang iyon sa aking utak.

Samahan pa ng nakakaloko nyang ngiti na parang bang nang-aasar.

Big deal?! Syempre, lahat tayong lalaki ay nangarap na ang mahal nating babae ang una nating mahalikan.

Pero sya? Nagawa nyang kunin ang first kiss ko bilang biro at umasta na para bagang walang nangyari?!

“Arrgghh!!”

Hindi ko na kinaya. Napabalikwas na ako ng bangon at paulit-ulit na pinaghahampas ng unan ko ang unan na palagi nyang ginagamit kapag natutulog dito.

Naalala ko noong unang beses nyang matulog dito, nagpamasahe sya at gumawa ng kalokohan kaya’t pinaghahampas ko rin sya ng unan noon.

“Nakakainis ka Hunter!” paulit-ulit kong bigkas habang sige parin ang paghampas ko ng unan.

“Wahahaha!!” at sumagi na naman sa isip ko ang natatawa nyang mukha.

Idiniin ko ang unan ko sa unan nya, iniimagine na mukha nya ang tinatakpan ko ng unan. Pero noon, naabutan kami ni mama at ako ang napagalitan.

Nang mapagod ako ay nahiga na lamang ako ulit at niyakap ng mahigpit ang unan ko.

Hindi ko na maintindihan ang inaasta ni Hunter. Puro sya kalokohan, pero oftentimes napaka seryoso rin.

Alina ng tunay nyang pagkatao...?

Huminga ako ng malalim...at naamoy ang kanyang pabango. Sa tinagal-tagal na natutulog sya dito, nadikit na ang amoy nya sa unan.

Parang dam na bumuhos ang alaala ng malambot nyang labi na umangkin sa akin, maging ang pagpasok ng kanyang dila sa—

“HAY EWAN!” inis kong sambit.

Ang kanina’y mabilis na tibok ng puso ko, ngayon ay bumagal at lumakas ang kabog, tila nais nitong wasakin ang ribcage ko.

Parang tumatalon-talon din ang labi ko...parang hinahanap ang labi n—

Teka, ano ba itong iniisip ko?! Makatulog na nga!

Dagli kong itinapon ang alaala ni Hunter sa pinakasulok ng aking utak saka ipinikit ang aking mata. Makakatulog na sana ako nang...

Beep!! Beep!! Beep!! Pag ngawa ng aking alarm clock.

Ugh… wala pa nga akong tulog tapos 3am na?

Napilitan na lamang akong bumangon kahit nahihilo at saka kinuha ang susi ng shop at pumunta na doon.

Kasalanan mo ito, Hunter!

Hunter

There we were, sitting under a tree, moonlight casting its glow upon us.

May kasiyahan sa hindi kalayuan ngunit hindi namin dinig ang ingay sapagkat may sarili kaming mundo.

Itinaas ko ang aking kamay at banayad na hinaplos ang kanyang pisngi.

“Bakit?” mahina nyang bulong.

Taliwas sa aking paniniwala, hindi sya galit o dismayado. Tanging kyuryosidad lamang ang naroon sa kanyang mga mata.

It felt like my heart was gonna burst from all these unsaid emotions.

Natatakot akong magsalita dahil baka masabi ko ang lahat, at kapag nalaman nya ang totoo, bigla na lamang syang lumayo.

“Hunter...?” his soft voice is like a feather caressing my face.

Palagi akong nagtatago sa mga kalokohan at biro ko, pero pagdating sa kanya, para akong open book—nakikita ng titig nya ang kaluluwa ko.

Pilit kong iniwas ang aking tingin, at hindi maiwasang masulyapan ang kanyang mga labi na namumula at bahagyang namamaga — tanda ng kawalanghiyaan ko.

But I’d be damned if I said I didn’t wanna taste them again!

Bahagya syang humihingal at ako man din ay kinakapos ng hininga. I swallowed hard para pigilin ang sariling halikan sya muli’t-muli.

“Kiss lang eh, big deal agad?” kibit-balikat ko sabay talikod na parang gago.

Kailangan kong lumayo para hindi na ako makagawa ng bagay na magtutulak sa kanya para kamuhian ako.

“Oo, big deal kasi first kiss ko yun!” mariin nyang tugon.

Pinilit ko ang sarili kong tumawa kahit pa labag sa loob ko. Mabuti nang isipin nya na biro lang yun lahat.

“Alam ko, okay? Kaya nga kinuha ko para di maagaw ng iba!” matapang kong sagot.

Huh, bakit yun ang sinabi ko? Wasn’t I supposed to walk away and never tell him what I feel?

“A-anong ibig mong sabihin?” hinawakan nya ang braso ko sanhi upang akin syang harapin.

Gusto ko syang ipagtulakan palayo para hindi nya makita ang mata kong pinangingiliran ng luha.

Ngunit taliwas sa nais kong gawin ay niyakap ko sya ng mahigpit kahit pa nga hindi nya binabalik ang yakap ko.

“Hunter...?”

“Ang tanga mo rin, no? Mahal na mahal kita pero di mo nakikita!”

Teka sandali lang! I’m not supposed to tell him that! Bakit wala akong control sa bunganga ko?! What is happening?!

“Biro na naman ba ‘to Hunter?”

“Gus, I love you...” nakapikit kong tugon.

Nagpumiglas sya at ipinagtulakan ako palayo. “Hindi ka nakakatuwa!”

Toot…toot…toot…

Sinalubong ako ng dilim pagkamulat ng aking mata.

Kakaiba ang amoy ng kwartong ito, fragrant yet shitty. Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Nasaan ako?

May naramdaman akong basa sa aking pisngi at pinunasan ko ito. What was that dream? At bakit may kirot sa puso ko?

Toot…toot…toot… naroon ulit ang nakakairitang tunog na pumukaw sa akin.

Hinanap ko ang pinagmulan ng tunog at nagulat ako nang makita na may telepono doon sa bedside table.

Shit! Saan ako? Baka mamaya magulat na lang ako na si Jigsaw ang kausap ko. Dahan-dahan kong inangat ang receiver.

“Good morning sir, room service po.” saad ng nasa kabilang linya.

Nabunutan ako ng tinik at hindi “Hello Hunter, I want to play a game” ang sinabi ng nasa kabilang linya.

Doon ko na naalala na naka check-in pala ako sa hotel na pinagdausan ng party ng kumpanya ni dad, at napilitan lang akong pumunta.

To guard a certain someone from eating a certain someone...

Nairita ako nang maalala ang pinag-usapan namin, kung papano nya ako ipinakilala sa mga business partners nya.

Kung papano ako pinag-umpukan ng mga ginang (tulad ng bagsak-presyong isda na pinag-uumpukan ng namamalengke) para ipakita ang pictures ng kanilang mga anak.

Maybe pinaplano nila na ipagkasundo ako sa mga haliparot na yun? Hah, as if naman papatulan ko yung mga ‘yon!

At nagtapos nga ang gabi ko sa paglapastangan kay Gus, kasabay na ng mariin nyang pagtulak sa akin palayo.

Ah, yun pala ang dahilan kung bakit may kirot sa puso ko...

Hanggang ngayon, sariwa parin sa aking alaala kung gaano katamis ang labi ni Gus. Damn, gusto ko ulit syang halikan!

Ang gago ko nung bigla akong tumalikod at naglakad palayo na para bang walang nangyari.

Pero mabuti nang isipin nyang joke yun kesa masira ang pagkakaibigan namin kapag nagtapat ako sa kanya.

Choosing friendship is better than being lovers. At least pinili ko yung relasyon na pangmatagalan...

“Sir?”

Napa-face palm ako. Ano bang ginagawa ko at nag-iisip ng kung anu-ano habang may kausap ako sa telepono?

“Just a sec.” mejo irita kong tugon bago ibinaba ang receiver.

Pinahid ko muna ang luha sa aking mata bago bumangon at nagsuot ng bathrobe. Sinulyapan ko ang digital clock — 7:32am.

Naghihikab pa ako nang buksan ang pinto. Pumasok ang hotel staff dala ang tray na may lamang mga pagkain.

Inilapag nya sa dining table ang fruit slices, eggs, bacon, ham, sausages, toast, rice, orange juice, teabags, at hot water.

“Um, miss? Sorry but I didn’t call for room service.”

“Sir ininform lang po kasi kami na magdala ng breakfast sa room ninyo.” nagtaka ako sa sinabi nya.

“But I—well, thanks.” napakamot ako ng ulo.

May ideya na ako kung sino ang nagpadala ng room service dito kaya napailing na lamang ako. Pumasok ako ng CR para mag morning routine.

Habang nagsisipilyo ay may napansin akong kakaiba sa room. There’s something missing fro—shit! Ang bag ni Gus!

Hindi pa man nakakapagmumog pero dali-dali akong lumabas para mahabol ang hotel staff. Buti na lang at kakalabas nya lang ng room ko.

“Miff! Miff, excuf—uurghhh.. excuse me!”

Halos mangisay ako nang nilunok ko ang bula, pero tiniis ko na lamang para makakuha agad ng kasagutan.

“S-sir?!” nanlalaki ang mata nya dahil sa gulat.

“May pumasok ba sa room ko kanina or lumabas bago ka nakapasok?” maingat kong tanong.

“W-wala p-po akong n-nakita, sir.” kandautal nyang sagot.

“There’s something missing kasi from may room.”

Napamura ako, dahilan upang mas lalong manlaki ang mata ng staff. I didn’t mean to, pero saan napunta ang bag nya?

Coz impossible naman na may magnanakaw dito sa hotel. At bag pa talaga nya ang kinuha, eh walang valuables doon liban sa phone na bigay ko.

Or did he slept in my room tapos umuwi in the wee hours of the morning? Bat di lang man sya nagpaalam o nagpasabi na uuwi sya?

Edi sana naihatid ko sya. Teka, baka naman si kuya ang naghatid sa kanya?

“Tch!”

Sinasabi ko na nga ba! Nagni-ninja moves ang kapatid ko kaya nakukuha nya ang loob ni Gus!

And damn that little shit! Di man lang nya naisip na leon ang kasama nya at anumang oras ay pwede syang lapain!

“P-pwede po nating i-ipa-check ang hallway CCTV sir, kung gusto nyo.” offer ng staff.

“Nah, it’s—“ teka ba, bakit kanina pa ‘to nakatingin sa baba?

Di ko naman sya pinapagalitan o ini-intimidate kaya bakit hindi sya makatingin sakin? Sinundan ko ang direksyon ng kanyang tingin at yumuko.

To my horror, hindi ko pala naisara ang robe ko dahil sa pagmamadali kanina.

Shit! Buti na lang naka boxers ako at hindi hubad gaya ng nakasanayan kong getup kapag natutulog.

“Nah, thanks.” sagot ko bago isinara ang pinto.

Mainit parin ang ulo ko nang pumasok sa CR para mag mumog at inevaluate ko ang sarili ko sa harap ng salamin.

Ano ba ang wala sa akin na meron kay kuya?

Gwapo naman ako, matangkad, yummy, maginoo pero mejo bastos. Academic wise, kaya ko rin namang makipagsabayan kay Gus (minsan).

Gusto nya ba always ako nakangiti like kuya? Pero ayokong ipakita sa iba ang genuine smile ko, reserved na yun para sa kanya.

Saka sino magiging liable sa damage kapag nahimatay ang mga babaeng makakakita ng killer smile ko?

Besides, first come first serve basis tayo. Nauna akong dumating sa buhay nya diba? Handa naman akong gawin lahat para sa kanya.

And speaking of gawin lahat, marami na kaming nagawa na dirty deeds sa kama. Nalunok na nya yung akin, nalunok ko na rin yung kanya.

Saka naipasok ko na nga daliri ko sa loob nya eh, kulang na lang talaga magsuot ng condom tapos pasukin sya.

Bigla kong naalala ang ginawa nyang pagpapaligaya sa akin noon...ang makinis nyang katawan...ang maputi nyang singit...

Unti-unting nabuhay si Hunter Jr. lalo na nung naalala ko kung paano ako nilabasan ng sunod-sunod dahil sa ginawa nyang deep—

Tch! Imbes na mag reflect eh puro kalibugan ang naiisip ko!

Mabuti na lamang at tumunog ang tyan ko kaya lumabas na ako ng CR. Mas malakas ang tawag ng pagkain kesa sa kalibugan.

More like, wala dito yung gusto kong gawing breakfast.

Napangiti ako nang makita ang teabags — Twinnings Pure Green Tea. Mas gusto ni Gus yung Jasmine kesa sa Lemon or Mint.

Habang nag-eenjoy ako sa kakahigop ng tsaaa ay bigla na lamang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Napatayo ako para tingnan kung sino ang pumasok.

“Ah, Hunter. Good morning.”

“Dad? What are you doing here?” gulat kong tanong.

“Ano pa ba, edi I’ll eat breakfast with you.” masigla nyang tugon.

“Papano mo nalaman ang room number ko?” demanda ko.

“Haha, let’s not talk about trivial matters. Come, let’s sit.”

Oo nga pala, he can get whatever he wants. Naupo na lang ako at tinibayan ang loob kahit sobrang awkward dahil pinasilbihan nya ako.

Panay rin ang tingin nya sa akin habang ngumunguya ako. Ano? My problema ba sa table manners ko?

“What?” hindi ko na natiis.

“You’ve grown up so well. Naalala ko noong bata ka, you only wanted oatmeal for breakfast. May halo pang Milo.” natatawa nyang saad.

“That was a long time ago.” tugon ko at ipinagpatuloy ang pag nguya.

As a matter of fact, twelve years ago...

“Ah, well. Wala silang oatmeal kaya pinaakyat ko na lang ang kung ano sa tingin ko ay magugustuhan mo. At least di ka makikipag-agawan sa mga empleyado ko.”

“So it really was you...” tahimik kong bulong.

“Hmm, may problema ba? Ipapatawag ko ang manager kung gusto mo.”

“Nothing, the food’s amazing.” walang ka-amor amor kong sagot.

Tahimik kaming kumain at tanging tunog ng utensils ang maririnig sa buong kwarto. I was going to ask kung bakit di nya sinama si kuya nang biglang...

“I remember...can you tell this so-called ‘friend’ na dumistansya sa inyo ni Brixter?” panimula nya.

“His name is Gus. Bakit naman? Wala namang problema sa kanya ah.” depensa ko.

“Napakapangit ng conduct nya. Madudungisan lang ang pangalan mo.”

“Pangalan ko, o ‘mo’?” pabulong kong tugon. “I know Gus and he’s a good person, way better than me.”

“Better than you? Huh, kaya pala gumawa sya ng komosyon kagabi. Muntik na syang makulong kung hindi lang ako dumating on time.”

Sa sobrang gulat ay napanganga ako, displaying my half-chewed food for the whole world to see.

“W-wha—sent to jail? For what? Why?” sunod-sunod kong tanong matapos lumagok ng juice.

“Ruined somebody’s gown. But thanks to me, he went home unscathed.” proud nyang tugon.

“Yun ang hindi magagawa ni Gus. Ayaw nya sa matataong lugar kaya imposibleng lalapit sya sa mga empleyado mo. Are you sure di sya inakusahan?” depensa ko.

“Hunter—“

“At anong ‘unscathed’? I’m sure nasaktan na yun even before ka dumating!” naibagsak ko ang utensils saka tumayo.

“Sino yang empleyado mo? Kakausapin ko!” demanda ko.

“Calm down this instant!” utos nya.

“No, I won’t!” nag-umpisa akong maglakad paroo’t parito.

Are you out of your damn mind?! How can I calm down knowing na napahamak si Gus at wala ako sa tabi nya?

And kuya, anong ginagawa nya?! Akala ko ba poprotektahan nya si Gus, pero ano?

Shit, shit, shit! I’m so useless! Dapat pala kinaladkad ko na lang sya dito sa room kahit pa magalit sya sakin!

Napasuklay ako ng buhok at napahilamos ng mukha. Ibig sabihin mag-isa syang umuwi kagabi?

Baka nahold-up sya! Shit! But wait, baka nga sya pa napagkamalan na hold-upper? At ipinakulong? Double shit!

“Ganyan ka ba pinalaki ng nanay mo? Magdadabog kapag galit? If I knew, I should have taken custody of you.” kunot-noo nyang komento.

“Doesn’t make any sense coming from someone who wasn’t even there when I was growing up.” tiim-bagang kong tugon.

“At sinusubukan kong bumawi sa’yo kaya ako nagbabalik!” napatayo na sya.

“Well, you’re doing a great job by telling me na iwasan ko ang kaisa-isang kaibigan ko.” sarkastiko kong tugon.

“Don’t use sarcasm on me! Nagbubulag-bulagan ka sa estado ng buhay nya. Peperahan lang nya kayo!” babala nya.

“Hindi dahil mahirap sya, ibig sabihin manggagamit sya. He’s hardwork—“

“Bullshit! You don’t know how the world works, how people use each other. Tapos pagkakatiwalaan mo sya?”

Gustong-gusto ko na syang sumbatan, pero nagpigil ako. Mainitin ang ulo ko, pero tinuruan parin ako ng nanay ko na respetuhin ang mga nakakatanda sakin.

“Say what you want to say, pero di ko iiwasan ang tanging taong nakakaintindi sakin.”

“Can you hear how ridiculous you sound right now, huh Hunter?” napailing-iling sya.

“Can you please get out now? Mag-aayos pa ako ng gamit, I need to check-out para makauwi ng condo.”

“Are you even listen—“

“Don’t worry, di ako aabsent sa family dinner mamayang gabi. Can you lock the door? Thank you.” at tumalikod ako para pumasok sa CR.

Layuan si Gus? Never! Hindi ko pa nasusuklian lahat ng kabaitan na ipinakita sa akin ni Gus at ni Auntie Hermie.

Gus saved me from myself. Kung hindi dahil sa kanya, malamang ako parin yung Hunter na walang direksyon sa buhay.

Yung Hunter na ma-pride at matapobre...yung Hunter na lahat ng gusto nakukuha dahil kaya nyang pasunurin lahat ng tao sa paligid nya.

The Hunter who’ll do what the society expects him to do...

Nagbago na ako ngayon dahil kay Gus. I can think for myself, decide what’s best for me, at ang pinakamahalaga, marunong nang magmalasakit sa kapwa.

Tapos iiwanan ko ang taong nagbalik ng liwanag sa buhay ko? Never...

Gus

“O holy night, the skies are brightly shining...”

Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng huling bouquet nang bigla na lamang kumanta itong kasama ko na parang sirang plaka.

Sintunado na, mali-mali pa lyrics!

Nasapo ko na lamang ang ulo ko. Palagay ko’y nadagdagan ng sakit ang kangina’y hilo lang na nararamdaman ko.

“Ate Tess, tama na po...” pagmamakaawa ko.

“Shhhh!” saway nya sakin bago ipinagpatuloy ang pag-aala Mariah Carey.

Napailing na lamang ako at saka ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Gusto ko nang magsara ng shop para makaidlip ako kahit saglit.

Marami kasi ang nagpapagawa ng bouquets kaya naisipan ko na lang din na mag half-day. Sayang rin naman ang income.

Isa pa, nasa palengke si mama at nakikipagsiksikan dahil sa last minute buying. Ewan ko kung bakit mahilig sya sa ganun.

Binilang ko ang nalalabing oras hanggang mamayang hatinggabi. Kelangan ko pang mag giftwrap mamaya paggising ko.

Muntik nang mapigtas ang ribbon na ipinangtatali ko sa bouquet dahil nagulat ako nang isukbit ni Ate Tess ang tinsel décor sa leeg ko.

“Fall on your knees, o hear the angels’ voices...” at sinabayan nya pa ng pag giling-giling.

“Ate Tess, ang sagwa!” reklamo ko, pero patuloy parin sya sa pagkanta.

“O night...diviiiii-hayaaayyynnn-uhaaayynn!” biglang sigaw nya sa tenga ko.

“Ate Tess!” sigaw ko rin at dagling tinakpan ang tenga ko.

“Tong batang ‘to! Paskong-Pasko eh ang kj mo!” sabay hapak sa braso ko.

“Ate naman, mababasag na po yung eardrums ko.” reklamo ko.

Tinapik-tapik ko ang tenga ko sa pagbabaka-sakaling matanggal ang tunog na sanhi ng pagsigaw ni Ate Tess.

“O teka, bakit kase ang tamlay mo?” usisa nya.

“Wala pa po akong tulog ate.” sabi ko habang tinatapos ang pagtali ng ribbon.

“De sana di ka nalang nagsimba kanina. Pero infer ha, bat wala akong nakikitang bagong tubo na tigyawat sa mukha mo? Kadalasan may sampu—“

“Aray ko naman ate, sampu talaga?” singit ko, sabay bigay sa kanya ng bouquet.

“Gondooo neto! Saka oo, sampu! Nabibilang ko kaya.” taas-kilay nyang tugon.

“Grabe ka naman. Pero oo nga ate, parang walang tumubo ngayon. Siguro dahil dun sa facial wash na bigay ni Hunter.” pagtataka ko rin.

“Hunter? Yung gwapo na pumunta nung birthday mo? Bigay mo sakin number nya, lalandiin ko.”

“Huy ate! Katanda mo na eh. Saka si Brix yung dumating, kuya ni Hunter.” sabi ko.

“Eh ganun parin! Bigay mo number nila sakin, lalandiin ko! Kelangan ko ng bagong jowa ngayon.”

“Ate, di ka papatulan ng mga yun. Ayaw nila sa mga matatanda.” panunukso ko habang nagliligpit ng kalat.

“Alam mo, ang gago mo! Mas gusto ng boys ang mature girls noh. Saka di pako matanda ah! May asim pa ako!” pagbibida nya.

“May asim kasi pinagpapawisan ka.” bumelat ako sa kanya.

“Aba, aba! Natututo ka nang rumesbak ha!”

Binato ako ni Ate Tess ng floral foam. Nasalo ko naman ito kaya natawa ako nang lalo syang manggalaiti.

Kaya pala nitong mga nakaraang araw hindi sya masyadong nag-aayos, kakabreak lang pala nila nung boyfriend nya.

Hindi ko nasasabi kay Ate Tess pero hindi ako boto dun sa nobyo nya. Papano ba naman, si Ate Tess ang palaging gumagastos pag lumalabas sa kanila.

Aba! Daig pa ang may amnesia! Kapag lumalabas sila eh palaging nakakalimutan daw ang wallet

Itong magaling kong tyahin naman, hinahayaan na lang. Ayaw kasi nyang mag-away silang dalawa. Hay naku...

“Ate Tess, anong oras daw kukunin ang bouquet? Hanggang 11am lang kasi tayo.” tanong ko sa kanya.

“Saktong alas onse daw sabi nung costu—oy Kaloy! Pabiling ice candy!” sigaw ng tyahin ko.

Napailing ako. Kahit saang lugar o okasyon si Ate Tess, maingay talaga sya. Lalo na kapag humahalakhak.

Kanda ngiti naman si Kaloy nang pumasok sa shop kaya nangiti na rin ako. Mabait si Kaloy, sya ang panganay sa kanilang lima.

Ang alam ko’y graduating na sya sa susunod na taon bilang titser. Kahit busy sa pag-aaral, nakuha pa nyang maglako ng ice candy para makatulong sa mama nya.

Napakasipag rin nya at mas gusto ko ang ugali nya kesa dun sa ex ni Ate Tess. Palagi syang nagbibigay ng free kapag bumibili kami sa—

Teka...di kaya may gusto si Kaloy kay Ate Tess?

Napangiti ako habang tinitingnan kung papano makipag-usap si Kaloy sa tyahin ko. Nangingislap ang mga mata.

“Te, may tanong ako ha? What if lang naman...”

“Ano?” sabi nya habang kinakagat ang ice candy.

“Umm, papano kung manligaw si Kaloy sa’yo? May pag-asa ba?” usisa ko makalipas ang ilang sandali.

Nagsitayuan kasi ang balahibo ko nang makitang kinakagat ni Ate Tess ang ice candy. Parang ako yung nangingilo. Ughh...

“Huh? Anong klaseng tanong yan? Syempre wala!” tiningnan nya ako ng masama.

“Bakit naman? Masipag naman si Kaloy, tas mejo gwapo rin. Magiging titser na yan sa susunod na taon.” pagbibida ko.

“Ano ka ba? Eh katiting ang sweldo ng mga titser no. Ayoko...” kibit-balikat nya.

“Ha? Eh diba yung ex mo nagda-drag race lang? Saka ikaw nga gumagastos kapag nagde-date kayo...” parinig ko.

“At least gwapo!” depensa nya.

“San banda dun? Mukhang adik na hindi natokhang. Ang sabihin mo, nag-eenjoy ka lang kumain ng talong nya araw-araw.” panunukso ko.

“Hoy, ang dirty-thinking mo!” hinagisan nya ulit ako ng floral foam.

“Minded po ate, dirty-minded. Baka tubuan ka na ng talong nyan sa kakakain mo.” correction ko habang natatawa.

“Hoy, kelan ka pa nagsimulang maging manyak, ha?” nakapamewang nyang tanong, pero nangingiti na rin.

“Manyak ba yun? Eh totoo naman yung sinasabi ko diba?” nagtaas-baba ang kilay ko kakatukso sa kanya.

Teka, napipick-up ko na yung habit ni Hunter ah!

“Ay nako! Pass! Ayokong sagutin ang mga ganyan!”

Bigla na lang tumunog ang bell ng pintuan, hudyat na may pumasok. Paglingon ko ay nakakita ako ng makisig na lalaki.

Pormadong-pormado sya, nagmistulang anghel dahil sa puting long-sleeves at nasisinagan sya ng araw.

“Hello, Gus...” nakangiti nyang bati.

“H-hi Brix!” hindi ko rin mapigilang mapangiti.

“Kilala mo?” usisa ni Ate Tess.

“Ay, Brix si Ate Tess pala, tiyahin ko. Ate Tess, sya yung kuya po ni Hunter, si Brix.” pagpapakilala ko sa kanila.

“Hello po, how are you?” inextend ni Brix ang kamay.

“Yung poging gatecrasher nung birthday mo!” sabi nya matapos makipag-kamay.

“Ate Tess!” saway ko kaagad.

“Ang pogi, saka ambango...shet! Nabasa yung panty ko!” bulong nya sakin, pero alam kong dinig yun ni Brix.

Siniko ko na lang si Ate Tess at napilitang ngumiti ng hilaw kay Brix. Kahit naka-shades sya, alam kong nangingiti ang mga mata nya.

Nakakahiya ka talaga Ate Tess! Inis kong bulong sa utak ko.

“Ehrm, ser… eto yung bouquet nyo pala.” pabebeng sabi ni Ate Tes habang iniaabot ang bouquet.

“You’re so magaling talaga with your hands Gus!” puri nya habang nagbabayad ng sobra.

Mejo natagalan kami kasi iniinsist kong sobra ang bayad nya pero ayaw tanggapin ni Brix ang sukli o ang sobrang pera.

“Hey, may atraso ka sakin last night.” biglang sabi ni Brix.

“Ha?” napaisip ako, wala naman akong atraso sa kanya diba?

“You left without saying goodbye...” mejo malungkot nyang tugon.

“A-ah, y-yun ba? Umm, nagmamadali kasi akong umuwi eh.” palusot ko.

Ayaw kong malaman nya na pinauwi ako ng papa nila nang hindi man lang nakakapagpaalam.

“Still...sana man lang nakapagpaalam ka. I would’ve driven you home.” pagtatampo parin nya.

“E-err, pasensya na talaga Brix...”

“Gus, mauna na akong umuwi ha. Punta na lang ako sa bahay nyo mamaya. Bye! Bye pogi...” paalam nya kay Brix.

“Err, sorry. Ganyan talaga si Ate Tess.” paumanhin ko.

“It’s oka, besides nakakatuwa sya. She’s so maloko. Teka, do you have something to do after this?”

“Ah, wala na. Magsasara lang ako ng shop tapos uuwi na rin.”

“Oh, okay. I’ll wait for you. Hep! Bawal tumanggi ha. You left me kagabi, sana naman wag mo ako tanggihan if I want to send you home ngayon.”

“Eh? Malapit lang naman kasi ang bahay namin Brix...” pag-aalinlangan ko.

“Still! I’ll walk you home kung ganun. I just wanna talk a bit with you kasi di tayo masyadong nakapag-usap last night.” mariin nyang tugon.

Wala na akong nagawa kung hindi pumayag. Ayoko namang magtampo sya kasi nga kasalanan ko rin.

Hindi ko rin naman naisipang magtext, baka kasi may magnakaw ng cellphone ko sa gitna ng daan. O baka mapagkamalan akong ninakaw ko ang phone.

Nag-ayos muna ako sa loob ng shop at siniguradong locked lahat ng bintana at ang backdoor bago lumabas ng shop.

Nadatnan ko si Brix na nakapikit at inaamoy ang bouquet. Para talaga syang anghel, maamo ang mukha at napakabait.

Magkaibang-magkaiba sila ni Hunter — para syang demonyo, maloko at mahilig magbiro. Kakaiba nga lang kung pano mag express ng kabaitan nya.

Mahirap basahin kung ano ang nasa utak ni Hunter, kadalasan ay hinuhulaan ko na lang. Habang si Brix naman ay makikita kaagad sa mukha nya ang emosyon nya.

“Let’s go?” mejo nagulat ako nang nakatingin na sa akin si Brix.

“A-ah, o-oo...” at nagsimula kaming maglakad.

“Teka, di mo ba iiwan yang bouquet sa kotse mo?”

“Hmm, no need. Dadalhin ko na lang, and I also want everyone to see this beautiful composition.” proud nyang tugon.

“E-err, salamat kung ganun.” nahihiya kong tugon.

Habang naglalakad ay nag-uusap kami, pero hindi ko lubusang matuon ang atensyon ko sa aming pinag-uusapan.

Nararamdaman ko kasing nakatingin sa akin si Brix, at naiilang ako. Sariwa pa sa utak ko ang nangyari kagabi nung halikan nya ako sa pisngi.

...at ganito rin ang titig nya sa akin kagabi.

“Hey, something wrong? You’re face is red. May sinat ka?” at bigla nyang hinawakan ang pisngi ko.

“A-ah, w-wala! Sa init lang siguro...” palusot ko, pero di ko magawang lumayo sa hawak nya.

“Sure ka? But your face is really red.”

Nagulat ako ng bigla akong hatakin ni Brix at idinapat nya ang noo nya sa noo ko. Nasamyo ko ang mabango nyang amoy.

Nilukob ulit ako ng ganoong sensasyon, napakabilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko sya magawang tingnan.

“Hmm, wala ka ngang sinat. Maybe sa init lang.” sabi nya nang maghiwalay ang aming noo.

“O-oo, sa i-init lang. Ah teka, andito na tayo...” dali-dali kong binuksan ang gate para makalayo sa kanya.

“Oh, you have nice decors...” sabi ni Brix nang makapasok sya sa sala.

“Salamat. First time naming magkaroon ulit ng Christmas tree eh. Ma?” tawag ko.

“Nak?” lumabas si mama mula sa kusina.

“Hello po, good noon.” bati ni Brix.

“Ah, magandang tanghali din. Kagwapong bata neto, kaibigan mo si Gus?” namamanghang tanong ni mama.

“Yes po. Ah, for you po.” at iniabot ni Brix ang bouquet kay mama.

“A-ay, salamat! Gawa ito ni Gus ano? Ehehe…na touch naman ako!” ani mama na parang dalaga.

“Yes po, pinagawa ko specifically for you. Papano po, I have to go na. Inihatid ko lang po si Gus dito.” nakangiting tugon ni Brix.

“Ha? Eh, dito ka na muna kumain. Halika, tamang-tama at luto na ang hapunan.” yaya ni mama.

Ilang beses tumanggi si Brix, pero dahil mapilit si mama ay napapayag na rin syang kumain dito sa bahay.

At katulad na katulad sa reaksyon ni Hunter nang una syang kumain dito, naparami din ang kain ni Brix.

Magkapatid nga sila...lihim akong napangiti.

Habang nag-uusap sina mama at Brix ay nag-excuse ako dahil gusto ko na talagang umidlip. Ang hindi ko alam ay may sorpresa palang nag-aabang para sa akin...

Mejo madilim na nang gumising ako. Matapos makaligo ay inabala ko ang sarili sa pagbabalot ng regalo.

Pagkalingon ko sa may tukador ay mayroon doong giftbag kaya nagtaka ako at kinuha iyon.

Mayroong itim na kahon sa loob at kalakip nito ang isang pulang envelope na naglalaman ng sulat. Binasa ko kaagad iyon.

Gus,

Sorry for invading your room, I tried to wake you up kasi kanina but you were sleeping so soundly. Please accept this gift from me, and I wish we’d still be friends next year, yeah? Merry Christmas!

xoxo~Brixter

Napangiti ako sa simpleng letra na iyon. Malamang nakangiti rin si Brix habang nagsusulat sya nito.

Sana naman hindi nya ako nakitang naglalaway kanina habang natutulog! Nakakahiya!

Binuksan ko ang kahon at nakalagay doon ang isang relo na may simpleng leather strap. Hindi ko alam kung magkano, pero sa amoy palang ay mamahalin na.

Time...the most precious gift you can give to anyone. I hope that everytime you look at this watch, you’ll be reminded of me. I do treasure the time you spend with me. ~ B.

Ibinalik ko ang relo sa lalagyan nito habang nakangiti. Simple lang ang mensahe pero nakakatouch.

Matapos magbalot ng mga regalo ay naisipan kong suotin ang relong ibinigay ni Brix. Nangiti ako dahil bumagay sa akin ang disenyo.

Pagkababa ko sa sala ay nandoon na si Ate Tess at naglalagay ng lipstick. Inilagay ko ang mga regalo ko sa ilalim ng Christmas tree.

“Merry Christmas, ate!” niyakap ko sya.

“Jusko, ingat! Baka kumalat lipstick ko huy!” natatawa nyang tugon pero niyakap nya na rin ako.

“Gus, Merry Christmas!” bati ng boses sa kabilang banda.

“Ate Jerra! Kuya Badong!” nakangiti kong sambit nang makita ko sila.

Dala-dala ni Ate Jerra ang bagong-silang nyang sanggol. Napakaganda ng bata at naluluha ako sa sobrang saya.

Ngayon meron na rin akong maituturing na kapatid!

Masayang-masaya akong nakikipagkwentuhan sa kanila ngunit bigla silang natigil sa pagsasalita. Nagtaka ako.

“Nak?” tawag ni mama,

Napalingon ako sa direksyon ng kwarto nya. Napakaganda ni mama; bumagay sa kanya ang pulang bestida at nakapusod na buhok.

Babatiin ko na sana sya, pero nahinto ako. May hindi tama sa tagpong ito. Napakunot ang noo ko at tiningnan ang lalaki sa kanyang tabi.

Nakasuot sya ng pulang long sleeves, tila ba ipinares ang kulay sa suot ni mama. Nakahawak rin sya sa balikat ni mama.

Bakit sya nandito? Bisita ba namin?

“Ma?” tahimik lang sina Ate Tess, Ate Jerra, at Kuya Badong sa likuran ko.

“Nak, may ipapakilala ako sa’yo. Halika rito.” nakangiting sambit ni mama.

Nilapitan pa nya ako at inakay upang mapalapit sa lalaki, pero parang napako ako sa aking kinatatayuan.

“Um, nak...siya nga pala si Tito Guido mo. Pasensya ka na at ngayon ko lang sya ipinakilala, naisip ko kasing mas mabuti kung personal kayong magkausap.”

“Hello Gustavo, your mom told me so much about you. I would prefer it if you start calling me ‘daddy’ instead of ‘tio’.” inabot ng banyaga ang kamay ko.

“Daddy…?” ano bang pinagsasabi nito?

Hindi ko kailangan ng daddy, meron akong ama. Ano ba ang sinasabi ni mama? Ipapaampon nya ako?

“Ahaha, yes, yes! Daddy!” natatawang tugon ng lalaki.

“Nak, napagpasyahan naming magpakasal sa susunod na taon. Pagkatapos noon ay ilalakad nya ang papeles natin. Sa Italy na tayo maninirahan.” nakangiti di mama.

“I make good pasta!” tinapik pa ng lalaki ang malaki nyang tyan.

“P-pero ma—“

“Ah, Minnie. You have to tell him the big news!” masiglang hikayat ng lalaki.

Minnie? Sino si Minnie? Ano’ng magpapakasal? Hindi ko maintindidan ang pinagsasabi nila!

Manirahan sa Italy? Nandito ang buhay ko! Papano na ang shop, sina Ate Tess... papano si Hunter?

“Ah, oo nga pala nak—“

“Minnie say it in English.” singit ng lalaki.

Bakit nya hinahawakan sa balakang si mama, eh dapat si papa lang ang may karapatang hawakan sya doon!

“Ay, yes Guido. Gus, you will have little brother. Mama is pregnant for 3 months!” masiglang balita ni mama.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Meet My Middle Finger (Part 12A)
Meet My Middle Finger (Part 12A)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjCbt29jhTOtCVwVehyphenhyphen3I3OD4QHZ6e7NH6_IYsoEtVeuSPRrO46DBGAvSCBjBuEKeKz5guuj3x8G5I-WAyHgzcqocKhPCxqzpK1l3ejL4ib7yUEP65Niu2T-bjYmfxyFv3sY1K65-3enzC2/s1600/Meet+My+Middle+Finger.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjCbt29jhTOtCVwVehyphenhyphen3I3OD4QHZ6e7NH6_IYsoEtVeuSPRrO46DBGAvSCBjBuEKeKz5guuj3x8G5I-WAyHgzcqocKhPCxqzpK1l3ejL4ib7yUEP65Niu2T-bjYmfxyFv3sY1K65-3enzC2/s72-c/Meet+My+Middle+Finger.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/05/meet-my-middle-finger-part-12a.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/05/meet-my-middle-finger-part-12a.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content