$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Meet My Middle Finger (Part 12B)

By: Raleigh Gus “Will you stop that?” inis na saway ni dad. Napatingin ako sa gawi ni kuya at nakitana unti-unti nyang ibinababa ang...

Meet My Middle Finger

By: Raleigh

Gus

“Will you stop that?” inis na saway ni dad.

Napatingin ako sa gawi ni kuya at nakitana unti-unti nyang ibinababa ang kamay na nakahawak sa bandang leeg.

Naalala ko, noong bata pa kami ay laging kinakalikot ni kuya ang suot nyang necktie kapag nagiging Bible-bearer sa kasal.

Hanggang ngayon di parin mawala ang habit nyang iyon. Pinigil ko ang sariling ngumiti o tuksuhin sya about sa hate nya ng neckties.

Baka kasi ma misinterpret nya ang sasabihin ko at sumama ang loob nya sa akin.

Call it a man’s instinct, pero ramdam kong may gusto so kuya kay Gus at alam kong ramdam din nya na gusto ko si Gus. Hindi nga lang namin napag-uusapan.

Umayos ako ng upo at napalinga-linga sa condo nina dad. Nasa living area kaming tatlo at hinihintay na maluto ang dinner.

Balita ko’y Michelin-star awardee ang chef na kinuha ni dad, nothing less from him.

Magkatabi kami ni kuya sa sofa, habang nakaupo naman si dad sa harap namin. Hawak nya ang isang baso ng red wine.

“Sir, dinner is served.” basag ng chef sa naghaharing katahimikan.

Katulad ng nakagawian namin noong mga bata pa kami, pinauna muna namin si dad na tumayo at sumunod sa kanya sa dining area.

As expected, makatulo-laway ang hinandang pagkain ng chef. But for some reason, it lacked warmth.

Masyadong formal, hindi pang pamilya. Mabuti pa yung niluto kong arroz caldo para kay Gus, full of love and warmth.

“Mav, turn off your phone.” babala ng kapatid ko.

“Why?”

“Dad doesn’t like it.” bulong ni kuya.

“Ano’ng binubulong-bulong nyo dyan? Umupo na kayo so we can start eating.” saway ni dad.

Habang kumakain kami ay may background music ng Christmas songs, pero hindi nito mapawi ang malamig na atmosphere.

Hindi ko alam kung dahil ba di kami magkapalagayan ng loob ni kuya, o dahil di kami magkaayos ni dad.

Or dahil ba sa overbearing presence ni dad? Nawawalan tuloy ng lasa ang kinakain namin. Gusto ko na kaagad umuwi at pumunta kina Gus.

Nami-miss ko na ang baby ko.

Ni hindi ko sya natext kanina dahil abala ako sa pag-aayos sa condo. Lunchtime na rin ako nakauwi dahil sobrang traffic.

Bakit ba kasi andaming last-minute shoppers? Di ba sila nandidiri kapag nagkikiskisan ang mga katawan nila dahil sa dami ng tao? Ughh...

Isa pa, gusto ko ring mayakap si Auntie Hermie. Kelangan ko ng yakap ng isang ina dahil namimiss ko na rin ang sarili kong nanay.

Ilang Pasko na ba ang nagdaan na hindi kami magkasama? Sana naman hindi umabot sa double digits.

“So Hunter, when do you plan to transfer schools?” tanong ni dad habang nilalantakan ang desert.

“Not now dad...”

“Why? Baka mawalan ka ng slot. I can send you to Australia kung saan nag-aral si Brixter.”

“Dad, I think it’s not the right time to talk about it. Let Mav decide on his own.” singit ni kuya.

“I’m not asking for you opinion. And besides, may MBA ka nga pero I don’t see it with the way you perform. Bakit b—“

“Dad, is this a family dinner or a business dinner? Family dinner ang ipinunta ko dito eh. I can go home kung mag-uusap kayo about work.” singit ko rin.

Napa-tikhim si dad at tahimik na ipinagpatuloy ang pag kain. Nagkatinginan kami ni kuya at may ngiti na naglalaro sa labi nya.

May silent war kami where Gus is concerned, pero magkakampi parin kami against dad. He’s still my kuya, and I’m still his younger brother.

Habang ini-enjoy ang sariling kumain ng desert ay biglang nag vibrate ang phone ko. Hindi ko muna pinansin.

Pero sa katagalan, tuloy-tuloy ang pagvibrate niyon. Hindi na ako nakapagtiis at inilabas ang phone, thinking na si mom ang tumatawag.

Laking gulat ko nang lumitaw ang pangalan ni Auntie Hermie sa screen. Doon ko naalala na nangako pala akong pumunta sa kanila ngayon.

Shit, nag-aalala ba sila kung napaano ako on the way?

“Dad, I need to take this.” paumanhin ko.

Dinial ko kaagad ang number ni auntie pero ayaw magconnect kaya sinubukan kong tawagan si Gus. Ang problema, hindi rin sya sumasagot.

Ano kaya ang nangyari?

“Who is that? Hilary?” kunot-noong tanong ni dad.

“Nah, it’s—hello? Auntie Hermie?” sinagot ko kaagad ang tawag nya..

“He’s picked up.” boses ng hindi kilalang lalaki ang narinig ko.

Sino yun? May kumidnap ba kay auntie at nanghihingi ng ransom? Pero English at saka may accent!

“H-Hunter? Ahuhuhu… H-H-Hunter...” palahaw ni Auntie Hermie.

“Auntie?” gulat kong tanong.

“S-si G-G-Gus…huhuhuhu!” napalakas ang kanyang pag-iyak.

Palagay ko’y nahulog bigla ang puso ko sa aking sikmura. Bigla akong nanlamig at kinabahan. Pilit kong iwinaksi ang ideya na may nangyaring masama kay Gus.

“Auntie, huminahon po kayo. Ano’ng nangyari kay Gus?”

Kaagad akong sinulyapan ni kuya nang marinig nya ang pangalan ni Gus. Bakas sa mga mata nya ang labis na pag-aalala.

At the same time, kitang-kita ko ang pagdilim ng ekspresyon ni dad. Nagbalik sa alaala ko ang pinagtalunan namin kaninang umaga.

“Akin na nga yan ate!” saad ng isang babae.

Ilang sandali pa’y puro yabag na lang ang naririnig ko at ang unti-unting paghina ng mga iyak ni auntie. Pulos mura ang lumalabas sa bibig ng nakahawak ng phone.

“Hello, Hunter?” sabi ng pamilyar na boses.

“Ate Tess? Ano po’ng nangyari? Bakit umiiyak si auntie, saka ano yung tungkol kay Gus?” sunod-sunod kong tanong.

“Pasensya ka na ha. Magtatanong lang sana kami kung magkasama kayo ni Gus ngayon.”

“Po? Hindi po eh, may family dinner kasi kami ngayon.” paliwanag ko.

“Naku, saan na kaya nagpunta ang batang iyon?” nag-aalalang tanong ni Ate Tess.

At doon na isinalaysay ni Ate Tess ang mga pangyayari. May karelasyon palang Italian si auntie na kanyang inilihim kay Gus.

Sa iilang beses nilang pagkikita ay nagbunga ang kanilang relasyon. Nagmamahalan daw ang dalawa at nagdesisyon na magpakasal sa January.

Itinaon ni auntie sa Pasko ang pagpapakilala sa kanyang nobyo dahil saktong nandito daw sya sa bansa at nais makilala si Gus.

“Buong akala namin ok lang sya, pero hayun! Biglang kumaripas ng takbo. Hindi kayang habulin ni Badong sa sobrang bilis.”

Oo nga pala, mabilis tumakbo ang malignong yun!

“Tinatawagan nyo ba ang cellphone nya?”

“Kanina pa pero walang sumasagot. Ikaw kaagad ang pumasok sa isip namin kasi akala namin ikaw ang pinuntahan nya. Alam mo namang walang ibang kaibigan yun...” pamomroblema ni ate.

“May alam ba kayong lugar na palagi nyang pinupuntahan?” usisa ko.

“Wala eh...bahay at paaralan lang pinupuntahan nun, maliban sa shop. Nacheck na ni Badong ang shop, wala ring tao.”

Gustong-gusto kong magmura dahil sa labis na pag-aalala, pero pinigil ko ang sarili dahil walang maitutulong ang galit ko.

Ang mahalaga ay makita namin si Gus at masigurong ligtas sya sa lalong madaling panahon.

“Ate, wag muna kayong tumawag ng pulis. Tutulong akong maghanap sa kanya.” sabi ko sabay tayo.

“Where are you going?” tanong ni dad pero di ko sya pinansin.

“Ha? E-eh, diba may family dinner kayo—“

“Mas importante ‘to ate. Tawagan ko kayo kapag nahanap ko na sya.”

“Hunter, what are you doing?!” inis na tanong ni dad.

“Sorry dad, but I have to go and find my friend. Baka kung mapano sya.”

“I’ll go with you. And don’t tell me I can’t; he’s my friend, too.” pagmamatigas ni kuya sabay tayo.

“What nonsense are you two talking about?” napatayo na rin si dad.

“Sorry dad, bawi na lang kami sa New Year’s eve dinner. We have to go and look for our friend. Let’s go, Mav.” at hinawakan ako ni kuya sa braso.

Sa pagkakataong ito, walang rivalry sa amin ni kuya. Nagkaisa kami sa hangarin na makita ng ligtas si Gus.

Dire-direcho kami sa parking lot ng condo at hinanap ang kotse nya. Nag suggest ako na mag split-up kami para mas mabilis.

“Kuya, kanino yan?” turo ko sa motorsiklo.

“It’s mine.”

“Can I have the key? Mas mabilis yan.”

“Marunong ka bang magdrive nyan? May license ka ba? And it only has one helmet. Papano kung matumb—“

“Hindi na problema yan kuya, kay Gus ko ipapasuot ang helmet. We’re competing against time here.” putol ko sa kanya.

Tumalikod lamang si kuya at tinungo ang kotse nya. Ang buong akala ko ay hindi nya ako papayagan.

Pero kaagad naman syang lumabas ng kotse at saka hinagis sa akin ang susi.

“Be careful.”

Tumango ako at nagpasalamat sa kanya. Umangkas ako sa motor at sumunod sa kanya palabas ng parking lot, kung saan magkaiba kami ng daan na tinahak.

Una kong tinungo ang library dahil iyon ang pinakaposible nyang puntahan, even though alam kong sarado iyon.

Sinubukan kong ikutin ang building, baka sakaling nasa sulok lang sya, pero nabigo ako. But it’s better; at least may starting point ako.

[I’ll try The Gardens. Txt u pag nkita ko, mdmi tao hir ~ kuya] narecieve kong text.

Sinubukan ko ulit tawagan ang phone ni Gus, and this time ay hindi na nag ring pa. Mas lalo kong naramdaman ang sense of urgency.

“Where are you, you little shit! Please be okay...” paulit-ulit kong bulong habang nagmamaneho.

Sinubukan ko ang school, pero sarado ang gate at wala ring daw nagpunta doon sabi ng nagpapatrol na guard.

Sumunod ay sa simbahan ako nagpunta at baka sakaling nagsimba lang sya. Pero kahit maraming tao, na sense kong wala sya doon.

Saan ba most likely nagpupunta ang tao kapag masama ang loob nya? Most likely sa lugar na sya lang mag-isa, right?

Umihip ang malamig na hangin, at siguro tanda iyon ng nagbabadyang ulan. Pero... hindi kaya sa papa nya?

Improbable it may seem, but it’s worth a try. Ang problema, hindi ko alam kung saan ang papuntang sementeryo.

“Kuya, excuse me! Saan po papuntang sementeryo?” tanong ko sa lalaking nakatayo sa gilid ng kalsada.

“Ay, doon sa dulo.” sagot nya sabay turo sa isang eskinita.

Nagpasalamat ako sa kanya at nagdrive ng mabilis. Pero pagdating sa dulo ng eskinita ay napamura ko.

Fucking. Dead. End!

Gusto kong bugbugin ang lalaking iyon. Aba, balak pa akong iligaw! Tangina!

May grupo ng kalalakihan na nag-iinuman sa tapat ng isang tindahan. Bahala na, magtatanong na lamang ako sa kanila.

“Gago, si Ambok! Baliw yun!” kantyaw ng isa nang malaman kung sino ang pinagtanungan ko.

“Toy, balik ka sa labasan. Liko kang kanan, pagdating ng unang kanto liko ka sa kaliwa. Drive street tas sa ikatlong kanto liko kang kanan. Direcho lang, sementeryo agad.” sabi ng isa.

“Gago! Straight hindi street! Haha, English mo bulok!” kantyawan ng mga lasing.

“Salamat ho.” sabi ko sa kanila.

“Sus sus sus, pengeng pamasko jan oh. Mukhang mamahalin pabango mo eh.” sabi ng isang lasing.

Para makaiwas sa gulo at para makaalis kaagad ay nagbigay na lamang ako ng dalawang libo.

Saktong pagkarating ko ng labasan ay nagsimula nang umambon. Bumuhos ang ulan pagkapasok ko sa gate ng sementeryo.

Nahirapan akong maghanap ng puntod ng papa ni Gus dahil unang beses kong magpunta dito, at dahil na rin hindi gumagana ang ibang poste ng ilaw.

Samahan pa ng ulan at paghagupit ng hangin. Pero tiniis ko lahat ng iyon.

Hindi ko alam kung papano — maybe dahil sa gut-feeling ko, or somebody guided me — pero sa wakas! Nakita ko na rin sya.

He was sitting under a lone lamppost, t-shirt na manipis at walang payong. Para syang statwa na hindi alintana ang ulan.

Gusto kong tumakbo at yugyugin si Gus, para batukan at sigawan dahil pinag-alala nya kaming lahat, lalo na ang mama nya.

Pero hindi ko magawa.

Sa paraan ng pag-upo nya ay mahihinuha mo nang mabigat ang dinadala nya. The way his back hunched...

I remember nung una naming tagpo, he was trying to be strong pero ganyan din ang pagkaka-upo nya — his intimidated posture.

He’s always been strong kahit na anong panlalalait at panliliit ang sabihin sa kanya. Ngayon ko lang sya nakitang ganito...

Kinalma ko ang sarili at naglakad papunta sa kinaroroonan nya. Dahan-dahan akong naupo sa kanyang tabi.

“Hey...” marahan kong binangga ng balikat ko ang balikat nya.

Sa sapantaha ko, hindi naramdaman ni Gus ang pagdating ko. Nagulat pa sya nang magtama ang aming mga balikat.

“Hunter…?” sambit nya matapos akong tingnan.

Tahimik na nag-usap ang aming mga mata, at doon na nya pinakawalan ang emosyon na kanina pa nya tinatago.

Umuulan man pero kitang-kita ko kung paano namuo ang luha sa kanyang mata, kung pano ito tumulo, at kung paano ito inanod ng ulan.

Hindi ko na napigilan ang sarili na kabigin at yakapin sya ng mahigpit. Nakahinga ako ng maluwag nang yakapin nya rin ako.

Gusto kong ipadama sa kanya na hindi sya nag-iisa, na nandito ako para sa kanya.

Sa lakas ng pagkakayakap sa akin ni Gus ay natumba ako sa damuhan. Tuloy-tuloy ang kanyang paghikbi at yumugyog ang balikat nya.

Wala na akong pakialam kung mahiga ako sa putikan. Hinayaan ko lang syang umiyak na parang bata.

Hinaplos ko ang likuran nya at hinalik-halikan sya sa sentido. Sa ganoong paraan ko lamang maipaparamdam ang pagmamahal ko.

He can always lean on me when he’s not strong.

Matagal kaming nanatili sa ganoong posisyon. Hindi ko na rin ininda ang tubig ulan na pumapasok sa ilong ko.

Nawala na rin sa isipan ko ang takot ko sa kulog. As long as Gus is here, as long as my baby is safe...bahala nang tamaan ako ng kidlat.

Tila nakikisabay ang panahon sa emosyon ni Gus. Nang magsimulang humina ang paghikbi nya ay humina na rin ang patak ng ulan.

Dahan-dahan akong naupo, hindi bumibitiw sa pagkakayakap kay Gus. Nang maalala ko kung nasaan kami ay bigla akong nahiya sa posisyon namin.

Sorry po uncle at nakakandong ang anak mo sakin…paumanhin ko sa puntod.

“Wanna go home?” bulong ko sa kanya

Umiling lang si Gus, tanda na hindi pa sya handang bumalik sa lugar na nagdulot ng masakit na alaala.

Kung ako rin sa posisyon nya, baka masuntok ko ang lalaking karelasyon ni mommy. Or masampal ang haliparot na girlfriend ni daddy.

Ughh, I shudder just thinking about it.

Kaya bilib ako kung paano lumisan si Gus nang hindi nabubugbog ang karelasyon ni auntie. Malayong-malayo sa basagulero attitude ko.

“Will it be okay kung sa bahay kita i-uuwi? Baka magkasakit ka dahil sa ulan.”

“Kahit saan, basta ayaw kay mama…” para syang bata na nagmamaktol.

Inihilig ni Gus ang ulo nya sa balikat ko, at hindi ko mapigilang isipin na ang cute nya kahit ganitong nasasaktan sya.

“Ok, tara lets. Basang-basa ka na.”

Dahan-dahan akong tumayo at inalalayan din sya. Tatalikod na sana ako pero hinawakan ako ni Gus sa braso.

“Pa, si Hunter po, bestfriend ko.” sabi nya sa harap ng puntod.

“Magandang gabi po, Uncle Dado. Merry Christmas.”

Nagbow ako sa puntod bilang senyales ng pagrespeto kay uncle. Finally, ipinakilala na ako ni Gus sa kanya.

Nice to meet you, father-in-law.

“Uwi na po kami pa, ba-bye…” sabi ni Gus bago tumalikod.

Iginiya ko sya sa direksyon ng nakapark na motorsiklo. Isinuot ko sa kanya ang helmet at sinabing humawak sya ng mahigpit.

After a few minutes ay nasa main highway na ako. Tutal basa na rin kami at sige parin ang ulan, binagalan ko ang pagmamaneho.

Mahigpit ang pagkakayakap sa akin ni Gus, to the point na masakit at nahihirapan na akong huminga, pero hindi ko sya sinaway.

Maybe, he just needed reassurance na hindi ako mawawala sa tabi nya. For some reason, gusto ko ang isiping iyon (oo na, assuming na!).

Medyo nagulat pa si manong guard nang makita nya kaming basang-basa. Inalalayan ko si Gus papasok ng elevator.

Pagkapasok ng condo ay dumirecho kami sa CR. Habang pinupuno ko ang bathtub ng mainit na tubig ay hinubad ko ang mga saplot namin.

Nakay Gus nga ang phone nya, ilang missed calls ang naka register at lowbatt. Buti na lang at parehong waterproof ang phones namin.

Pinaliguan ko si Gus sa shower at saka nilinis ng maayos ang mga parte ng katawan nyang may putik.

Pagkatapos magbanlaw ay iginiya ko sya sa tub at pinasandal sa aking dibdib. Wala syang imik habang minamasahe ko ang balikat nya.

Hep! Walang bahid ng kamanyakan ang ginagawa ko, pulos pagsisilbi lang po sa kapwa, okayyyy???

Isa pa, hindi sumasagi sa isip ko ang kalibugan kahit pa nga nasilayan ko for the first time in forever ang maputi nyang singit.

And many more…

“Hmmm...” mahina nyang ungol.

“Feeling better?” tanong ko.

Marahang tumango si Gus. Pagkalipas ng ilan pang sandali ng pagmamasahe ay ipinasya kong umahon na.

Kumuha ako ng tuwalya at ipinampunas kay Gus. Ako na rin ang nagbihis sa kanya ng pyjamas.

Kaso, mas malaki ang size ko kaya nagmistulang bestida ang pyjama shirt. Saktong-sakto lang ang haba nito na nagtapos midway sa hita nya.

Ang baliw rin, hindi na nag-abala pang magsuot ng pants. Ang mas malala, wala rin syang suot na briefs or boxers kaya paminsan-minsang sumisilip ang pagkalalaki nya.

Sumalampak si Gus sa sahig ng living room at nag-antay na iblow-dry ko ang buhok nya. Pero ang gago, hindi man lang na concerned na lumalabas ang etits nya.

Sumandal pa ang animal sa hita ko habang pinapatuyo ko ang buhok nya at paminsan-minsang nasasagi ang bayag ko kapag gumagalaw ang ulo nya.

Napalunok na lamang ako para kalmahin ang sarili. Baka imbes na blowdry lang eh humantong sa blowjob ang gabing ito.

This is going to be a test of willpower! Hang in there, self!

“Wanna go sleep?” tanong ko, lihim na nagpapasalamat at nakasurvive ako.

Umiling si Gus, pero inakay ko parin sya papuntang kama. Magang-maga na ang mga mata nya, at sapantaha ko’y pagod na sya.

Imbes na mag aircon ay binuksan ko na lamang ang bintana para papasukin ang malamig na hangin.

Naghubad ako ng damit at saka nagtungo sa kama ng naka boxers lang. Sakto namang pagkahiga ko ay niyakap agad ako ni Gus.

Gus

Dinig na dinig ang kasiyahan ng mga kapitbahay ni Hunter — may nagvi-videoke, may nag-iinuman, at kung anu-ano pa.

Naririto kami sa condo nya ngayon at ninanamnam ang malamig na hanging pumapasok mula sa kanyang bintana.

Nanindig ang balahibo ko dahil sa lamig, kaya niyakap ko kaagad si Hunter nang mahiga sya sa kamay.

Well technically, sya lang ang nakahiga sa kama habang ako ay nakahiga sa dibdib nyang walang saplot.

Para kasi syang walking kalan sa sobrang init. And I meant his body temperature, hindi yung overall hotness nya.

Idinaan ko na rin sa yakap ang pasasalamat sa kanya dahil di sya nagpumilit na iuwi ako sa bahay.

Malamang narinig na nya kay mama o kay Ate Tess ang buong istorya kaya nakisimpatya sya sa akin at nirespeto ang desisyon ko.

Ayaw ko munang maglagi doon dahil nandoon ang banyaga. Ayaw kong marinig ang perfect plan nilang ginawa nang hindi man lang hinihingi ang opinyon ko.

Ayaw ko ring isipin ang magiging kapatid ko, dahil kapag naiisip ko iyon ay hindi ko mapigilang iconclude na itatapon ako ni mama...

“Boss, bat ganun? Ayaw na ba sakin ni mama? Di na ba nya kami mahal ni papa?” hindi ko mapigilang tanungin ang kaibigan ko.

“Hey, alam mong mahal na mahal ka ni auntie, diba?” hinaplos ni Hunter ang buhok ko.

Pero bat ganun? Parang ambilis nyang makalimot kay papa? Iilang buwan pa lamang na magkakilala tapos kasal na kaagad ang pag-uusapan?

Iilang buwan pa lang nagkakilala pero nabuntis na kaagad?

Yung banyaga ba ang dahilan ng pagpupuyat nya noon hanggang madaling araw? Akala ko YouTube lang ang pinapanood nya sa computer ko.

Akala ko tuwing aalis sya’t magpapaalam, totoong kikitain nya ang mga kaibigan nya. Akala ko lang pala lahat iyon?

Marami ang namamatay sa maling akala...

Matatanggap ko naman eh kung sa umpisa palang sinabi na nya sa akin na may karelasyon syang banyaga…

Maiintindihan ko naman kung nais nya akong itapon. Sino ba namang ina ang gustong magkaroon ng anak na ganito kapangit?

Diba mas mabuti yung may ibang lahi ang anak mo? Magiging gwapo o maganda?

Maiintindihan ko lahat yun...pero basta-basta na lang ako sasabihan ng ganon. Wala ba akong karapatan na masaktan?

“Hey.” putol ni Hunter sa pag-iisip ko.

“Hindi ko na alam, boss. Noon oo, sigurado akong mahal nya ako. Pero ngayon…”

Humiga patagilid si Hunter at hinawakan nya ako sa baba kaya nagtama ang aming paningin.

“Gus, do you trust me?” seryoso nyang tanong, na tinugon ko sa pamamagitan ng pagtango.

“Then believe me when I say na mahal ka ni auntie. Hindi porket nagkaroon sya ng karelasyon ngayon eh ibig sabihin wala na kayong halaga ni uncle.”

“Pero—“

“Hindi ka naniniwala?”

Hindi ako makaimik sa tinuran ni Hunter. Alam kong may point sya, pero gulong-gulo ang utak at emosyon ko ngayon.

“Gus…kung hindi mo kayang paniwalaan yun, sana paniwalaan mo ko kung sasabihin ko na mananatili ako sa tabi mo. You and me, against the world.” seryoso nyang sambit.

“Pangako? Di mo ako iiwan?” tanong ko.

Imbes na sumagot ay hinila ako ni Hunter at niyakap. Dinig na dinig ko ang malakas na tibok ng kanyang puso.

Napaluha ulit ako.

Hindi ko masabi at hindi ko maipaliwanag, pero pakiramdam ko’y ligtas ako sa mga bisig ni Hunter.

Sya lang ang tanging tao na nagpadama na importante ako. Hindi man nya sinasabi, pero ramdam ko iyon sa bawat kilos nya.

Lord, kahit biro lang ni Hunter ‘to, please...patagalin mo kahit isang segundo.

“Lahat na lang ng mahalaga sa akin, nawawala. Nagpromise din si mama na kami ang magkasama, pero naghanap sya ng iba…”

“Gus, I’ll be here. Hinding-hindi ko sisirain ang pangako ko sa’yo, tandaan mo yan.”

Naramdaman ko ang paghagod nya sa aking likuran kasabay ng marahang paghalik sa aking sentido.

“Pagod na akong masaktan…”

“Shhh, I know…I know. Pain will make us stronger, make us wiser. And someday, mawawala rin yan.” pang-aalo nya.

“Lagi na lang…lagi na lang.” hagulgol ko.

Walang patid ang pagdaloy ng luha ko. Eto na siguro lahat-lahat ng naipon ko sa ilang taong pagpigil ko ng iyak simula nang mamatay si papa.

Hinayaan lang ako ni Hunter. Tanging ang marahan nyang paghaplos sa likuran at ulo ko ang nagpagaan ng nararamdaman ko.

“Shhh, tahan na. Lalo kang pumapangit oh. Basang-basa na ng sipon mo yung balikat ko.” pagbibiro ni Hunter.

Umupo ako at saka hinapak si Hunter sa matipuno nyang dibdib. Hindi na kasi ako makahinga dahil barado na ang ilong ko.

Isa pa, tama sya. Ang pangit ko na nga, iiyak pa ako. Ano na lang matitira sakin?

Pero at least gumaan-gaan na rin ang pakiramdam ko. At kahit saan talaga ilagay ang gagong ‘to, nakukuha nyang magbiro.

Nahiga patagilid si Hunter; ang isang kamay nya ay nakatukod sa ilalim ng ulo nya, habang ang isa naman ay kinuha ang kamay ko.

Natuon ang tingin ko sa magkahawak naming kamay habang hinahaplos ng hinlalaki nya ang buko ng mga daliri ko.

“That’s right Gus, ngumiti ka lang. Don’t let problems cloud your smile, kasi hindi mo lang alam. Yang ngiting yan ang magsisilbing kandila sa madilim na mundo.”

“Wow, kelan ka pa naging makata, boss?” pagbibiro ko rin.

“Oh, wait! May ibibigay ako sa’yo.”

Pinisil muna ni Hunter ang pisngi ko bago sya bumangon at may hinanap sa drawer. Binigay nya sa akin ang isang malaking box.

“Your gift. Open it!” utos nya.

“Hala! Boss naman, nag-abala ka pa. Saka yung regalo ko sa’yo naiwan sa bahay. Nakakahiya naman, exchanged gifts pero wala kang gift.”

“Timang, I didn’t ask for one.”

“Kahit na, boss! Nagpromise ako nung birthday mo na bibigyan kita ng regalo pero matatagalan lang. Sayang, pinag-ipunan ko yun.” napakamot ako sa batok.

“Eh, no probs. BIgay mo sakin bukas pag naihatid kita sa bahay—“

“Wag! Ayokong umuwi!” bulalas ko sabay ng malakas na pag-iling.

“Why?”

“Andun yung lalaki eh.” nakasimangot kong tugon.

“Resbakan natin.” kibit-balikat ni Hunter.

“Boss naman eh, di ko naman kayang manakit ng kapwa. Saka ang laki ng katawan nun, baka mabali yung kamao ko.”

“So papano yan, where will you stay?” tanong nya.

“U-umm, p-pwede bang d-dito na muna ako?” nahihiya kong tanong

Matagal kaming nagkatinginan ni Hunter, pero buo na ang pasya kong wag muna umuwi sa bahay ng ilang araw para humupa ang tensyon.

“Ok, I get it. But tatawag ako at sasabihin ko na nandito ka sakin.”

Nag-alinlangan ako. Kung maaari sana ay ayokong malaman ninuman na nandito ako kay Hunter, kasi pupuntahan ako ni mama at susuyuin na umuwi.

“Gus, please? Nangako rin akong ipapaalam ko sa kanila na ligtas ka. Do you want me to break my promise?”

“P-pwede bang si Ate Tess na lang tawagan mo?”

Tumabi si Hunter sa akin at saka nya ako inakbayan. Marahan nyang pinisil ang balikat ko at ginulo ang buhok ko.

“Ganito na lang, I’ll be the one to talk to kung sino man ang makasagot ng tawag. Para na rin mabawasan ang worries ni auntie. Deal?”

“Di ko na kelangan magsalita? Pano pag hanapin nila ako?”

“Sa lagay mong yan, palagay ko di ka makakapagsalita. Don’t worry about it.”

Napatango na lamang ako sa tinuran ni Hunter. Inilagay nya sa speaker mode ang phone habang tinatawagan ang number ni mama.

“Hunter? Hello? Hello? May balita ka na ba kay Gus?” boses ni Ate Tess.

“Ah, ate. Nakita ko na po si Gus, magkasama po kami.”

“T-talaga ba? Diyos ko, salamat naman! Kamusta sya?” pag-aalala nya.

“Don’t worry po, he’s fi—“

“G-Gus, a-anak? Uwi ka na kay mama…” naiiyak ang boses na iyon.

Hindi ko mapigilang panghinaan nang marinig ang boses ni mama, pero nasasaktan din ako. Panahon na para sarili ko naman ang isipin ko.

Kailangan ko ng konting panahon at distansya para intindihin ang mga nangyari nang hindi naiimpluwensyahan ng awa o galit.

“Auntie? S-sorry po, pero tulog na si Gus. Tumawag lang po ako para ipaalam na nasa maayos syang kalagayan.” inabot ni Hunter ang batok ko at pinaglaruan ang buhok doon.

“Hunter, a-anak…huhuhu, salamat. P-pakisabi kay Gus, mahal sya ni mama. Sana umuwi na sya dito…” hagulgol ni mama.

Tinibayan ko ang aking loob at pinigil ang sariling kausapin si mama. Nag-umpisa na namang mangilid ang luha sa mata ko.

“Sige po auntie. Pahinga na po kayo, baka makasama sa baby ninyo. Goodnight po and Merry Christmas.” at pinatay ni Hunter ang tawag.

“Are you alright?” baling nya sa akin.

“Medyo…”

May sasabihin pa sana si Hunter pero biglang kumulo ang tyan ko. Namula ako habang sya naman ay nagpipigil ng tawa.

Hindi nga pala ako nakakain kanina at ngayon lang nagparamdam ang matinding gutom.

“Tara, di ka pa naman antok diba? Let’s head to the kitchen.” aya nya.

Bago paman ako makapag protesta ay hinila na ako ni Hunter papuntang kusina nya. May hinalungkat sya sa kanyang ref.

“M’kayyy, so I have cheese, fruits, lettuce, at saka chicken. Wait a bit, I’ll fix us something. Nagugutom rin ako eh.” sabi nya.

Dahil may bigas pa naman si Hunter ay tumulong na rin ako at nagsaing habang sya ay nagpiprito ng manok.

Pagkalipas ng 30minutes ay mayroon kaming salad, fried chicken, at saka kanin. Naglabas din sya ng apple juice para inumin.

Simpleng-simple lang ang handaan, pero masaya ako dahil kahit papaano ay si Hunter ang kasama kong sumalubong ng Pasko.

Habang kumakain kami ay saktong pumatak ng alas dose ang relo. Kinuha ulit ni Hunter ang regalo nya sa loob ng kwarto at binigay sakin.

“Dali, buksan mo na ang gift ko!” masigla nyang utos.

Natatawa ako sa ugali ni Hunter. Hindi lang ako sigurado noon, pero kumpirmado ko na ngayon: mas excited pa sya na buksan ang iniregalo nya.

Mamadaliin ka nyang buksan at pagkatapos ay i-eexplain nya sa’yo kung papano gamitin, ano ang function, blah blah blah.

Ganito rin kaya sya sa ibang tao?

Dahan-dahan kong binuksan ang kahon…at nakitang may maliit pang kahon ang nasa loob niyon.

“Oops! Haha, nanjan ang regalo mo sa loob!” natatawa nyang tugon.

Napaikot ang mata ko at muling binuksan ang kahon…only to find na puno ng styrofoam iyon at may mas maliit pang box sa loob.

“Boss, baka naman brip ang regalo mo?” taas-kilay kong tanong.

“Secret! Dali na kasi, buksan mo na!” pinagkiskis nya ang kanyang kamay na para bang demonyo.

Nagpatuloy ako sa pagbukas ng box within the box within the box, hanggang sa umabot ako sa pinakamaliit na box.

Ayaw ko na sanang buksan iyon dahil baka holen lang ang laman, pero patuloy ang pag-udyok ni Hunter. Napahalakhak ako nang makita ko ang laman niyon.

“Huy, napano ka?!” nagulat sya sa aking reaksyon.

Imbes na sumagot ay tumawa lang ako ng tumawa. Hindi ko alam kung bakit nagkaganon, pero pareho iyon sa ireregalo ko sa kanya.

“B-boss...”

“G-Gus? Naapektuhan ka ba ng ulan kanina? Napasok ba ng hangin ang utak mo? Nagdedeliryo ka na ba?” kinapa nya ang noo ko.

“Ang OA boss ha!” tinampal ko ang kamay nya.

“Wala ka namang sinat. Napano ka?”

“Di ba pwedeng natatawa lang talaga ako?”

“Yun nga ang problema eh, bigla ka nalang tumawa!”

“Eh kasi eto rin yung relong ireregalo ko sa’yo!” natatawa kong balita.

“W-what?”

“Unfortunately, pareho tayo ng relo na nabili.” bulalas ko.

Nagkatinginan lang kami at nagtawanan. Kinuha ni Hunter ang relo at sya na mismo ang nagsuot niyon sa kaliwang kamay ko.

“Tss, galing kong pumili. Bagay sa’yo!” puri nya.

“Teka lang boss.”

Tinanggal ko ang relo at dagli iyong isinuot sa kamay ni Hunter. Tama nga ako, mas bagay sa kanya ang relo.

“Boss, mas bagay sa’yo!” sambit ko.

“I know, right? Haha, di tuloy ako makapaghintay na matanggap yung regalo mo sakin. It’s like couple’s watch!”

“Couple’s watch ka dyan.”

Kinalas ni Hunter ang relo mula sa kanyang kamay at ibinalik iyon sa lalagyan. Niligpit namin ang mga hugasin.

“Teka, sinong maglilinis nyan?” tanong ko sabay turo sa kalat.

“Bah, syempre ikaw! Ikaw nakatanggap ng regalo eh!”

“Huh? Anong ako, eh ikaw ang nagregalo.”

“Sino ba nagbukas ng regalo? Diba ikaw?”

“Sino ba nagbalot ng pagkarami-raming kahon at nilagyan ng basura? Diba ikaw?” turo ko sa kanya.

“Expect ko kasi dun mo sa inyo bubuksan eh.”

“Aba’y sorry ka na lang at dito ko binuksan. Bahay mo ‘to diba? De ikaw maglinis.”

“Eehhh? Gus naman eh…” napakamot sya sa batok.

“Sya, sya! Ako na dito, ikaw na maghugas ng pinggan. Merry Christmas, Hunter!” nakangiti kong bati.

“Saan ang ‘thank you’ kiss ko? Nabasa pa ako ng ulan kakahanap sa’yo kanina. Wala bang thanks yun?” paniningil nya.

“Hala! Wala akong pera dito boss!”

“Sabi ko nga kiss eh.”

“Ehh?!” gulat kong tugon.

Walanghiya talaga itong demonyong ito! Pero sabagay, wala akong karapatan magreklamo dahil kasalanan ko naman.

Hindi ko hiniling na hanapin nya ako, pero hayun sya’t sinuong ang malakas na ulan at natagpuan ako.

Tiningnan ko si Hunter — nakapikit sya at naghihintay ng gagawin ko.

Lub…dub…lub…dub…

Heto na naman ang mabagal ngunit malakas na pagtibok ng aking puso. Bahala na kung ano ang iisipin nya, pero buong puso akong magpapasalamat sa kanya.

Nilapitan ko si Hunter at tumingkayad para abutin ang pisngi nya. Pero dahil sa pagmamadali ay na out-balance ako at natumba kaming dalawa.

“Aaahhh!!” pareho naming hiyaw.

Nagbanggaan na naman ang noo namin kaya’t parang armalite ang bunganga ni Hunter sa sunod-sunod nyang mura.

“Gago, ano ba kasing ginagawa mo?”

“Ang tangkad mo kasi eh!” sisi ko sa kanya.

“So, problema ko? Sabihin mo, kinulang ka sa height!” sabi nya sabay tayo.

Sinipa pa nya ang paa ko pero inabot nya parin ang kamay ko at tinulungan akong tumayo.

Kumuha sya ng yelo sa freezer at saka inilagay sa dalawang icepack. Iniabot nya sa akin ang isa at ang isa naman ay inilapat nya sa kanyang noo.

Nagkatinginan na lamang kami at sabay na tumawa. Sunod-sunod na gabi na kaming nagkakabanggaan ng ulo eh.

Pagkatapos noon ay naglinis na kami at nagsipilyo. Mabuti na lamang at walang bukol ang noo namin.

Bumalik kami sa kama ni Hunter at saka nahiga. Hindi pa naman ako inaantok pero mas mabuti nang magpahinga.

“Let’s sleep? I know pagod ka na.” bulong nya sakin.

“Boss, salamat po…sa lahat-lahat.” bulong ko rin sa kanya.

“We’re bestfriends, tungkulin ko na yan sa’yo. You’re my responsibility, and I’m yours. But I also accept ‘thank you’ kisses.” pagbibiro ulit nya.

“Loko ka boss.” hinapak ko ang tyan nya.

“Hmm, so anong oras ka nakauwi last night? Sinabi sa akin ni dad ang nangyari, pero di ako naniniwala na may sinira kang gown.”

“A-ah, g-ganun ba? Um, mga 2am na boss. Hindi kasi ako pinapasakay ng mga taxi driver eh.”

“Shit, sabi ko na nga ba eh. And I bet nagsimba ka ng 3am? Hindi ka na natulog ano?” nag-aalala ang tono nya.

“Naidlip naman po ako kaninang hapon boss. Bandang 5pm na nga ako nagising eh.” pagrarason ko.

“Hay, di na ako magtataka kung bukas magkakasakit ka eh. Stress plus nabasa ka pa ng ulan. Hayyy...”

“Boss, ayos lang po ako. Saka isa pa, baka ikaw ang magkasakit. Nabasa ka rin ng ulan kanina diba?” pag-aalala ko rin.

“Ano ka ba? Malakas ang resistensya ko noh. Sige na, let’s sleep. Pero bago yan, give me my ‘thank you’ kiss muna.”

“H-ha? Maniningil ka talaga?”

“Ay nako, bawal utang. Dali na at nang makatulog na tayo.” nakapikit nyang saad.

Hindi ko alam kung anong masamang espiritu ang sumapi sa akin, pero dahil sa sobrang inis ay nagawa kong pumatong kay Hunter.

Hinalikan ko sya ng mariin sa labi. Agad syang napamulat at tiningnan ako na para bang nakakita ng multo.

“G-Gus?” gulat nyang tanong.

“Kiss lang eh, big deal agad?” tukso ko sa kanya.

Aalis na sana ako mula sa pagkakapatong sa kanya, pero nagbackfire ang plano ko. Niyapos nya ako at hinalikan ulit sa labi.

This time, ako naman ang naestatwa. Bumalik sa alaala ko ang ginawa ni Hunter kagabi habang kinakagat-kagat nya ang aking labi.

Pero ang ipinagtataka ko, hindi ako galit at lalong hindi ako nandidiri.

Kakaiba ang sensasyon na idinudulot ng paghalik ni Hunter at wala akong magawa kundi pumikit na lamang at namnamin iyon.

Ngunit makalipas ang ilang sandali ay itinigil nya ang ginagawa. Hindi ko maintindihan kung bakit pero nainis ako.

“Open your mouth.” bulong nya.

“H-huh?” pagtataka ko sa utos nya.

“I want to kiss you with my tongue. Open your mouth.” ulit nya.

Bumalikwas si Hunter at ako na ngayon ang nasa ilalim nya. Hindi ko alam ang binabalak nya pero sinunod ko ang utos nya...

Hinalikan nya ulit ako at sa pagkakataong ito ay naipasok nya ang dila sa aking bibig. Mejo nagulat pa ako nang tudyuin nya ang dila ko, kaya hindi ko mapigilang labanan iyon.

Sinubukan ko ring igalaw ang aking labi at lihim akong nagbunyi nang marinig ang mahinang ungol ni Hunter.

Siguro panis yung cheese na kinain namin kanina o chemically treated ang prutas, pero para akong mababaliw sa ginagawa ni Hunter.

Nainis ako nang itinigil nya ang paglalaro sa aking dila kaya hindi ko mapigilang ilabas ang dila ko na tila ba hinahabol ang kalaro nito.

Nagulat na naman ako nang bigla nyang sipsipin ang aking dila.

“Unnghhh…” ungol ko.

“C’mon, suck my tongue too..” udyok nya, at iyon nga ang aking ginawa.

Maya-maya pa’y naramdaman kong naglakbay ang kamay ni Hunter sa aking dibdib at saka pinaglaruan ang utong ko.

“Aaahhh…” di ko mapigilang mapaigtad dahil sa kiliti.

“Ughh!” ungol naman nya nang magtama ang aming harapan.

Noon ko lang napagtanto na wala pala akong suot pang-ibaba kung kaya’t damang-dama ko nang ikiskis ni Hunter ang pagkalalaki nya sa akin.

“Gago ka Gus, bat ang sexy mo?” sabi nya at gigil na kinagat ang pang-ibabang labi ko.

“De, gago ka rin.” at ginantihan ko rin sya ng kagat sa pang-ibabang labi.

Naghalikan ulit kami ni Hunter at sa pagkakataong ito ay ibinuka nya ang aking paa at malayang ikiniskis ang aming harapan.

“Fuck ka, alam mo ba kung ano’ng gusto kong gawin sa’yo, ha?!”

“Ano?” tanong ko rin.

Binasa nya ang kanyang middle finger at inilapat iyon sa aking pwet, na sya namang ikinagulat ko.

“Gago ka, antagal ko nang gustong pasukin ‘to!” gigil nyang pinisil ang utong ko.

“But I won’t…I won’t do it unless ikaw ang magmakaawa, Gus. I like it when people beg me to fuck them.” bulong nya.

Naramdaman ko ang paglakbay ng dila ni Hunter sa aking tenga. Ano ang sinabi nya? Sino’ng papasukin? Ano ang ipapasok?

“Ano’ng pinagsasabi mo?” hingal kong tanong.

“Heh, you’ll find out soon. And I’ll make sure that you’d come at me, begging.”

Napasinghap ako nang biglang sakupin ng bibig ni Hunter ang kaliwa kong utong habang pinaglalaruan nya ang pagkalalaki ko.

Para akong kinukuryente at napapaigtad na lamang ako dahil sa ginagawa nya. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang mainit nyang bibig sa aking ari.

“Hunter!” bulalas ko.

Matagal-tagal na rin nang huli akong nagpalabas. Katunayan, at di ko sasabihin kay Hunter ‘to, ay di na ako nilalabasan kapag hindi na sya ang kasama ko.

Nasabunutan ko si Hunter nang bigla syang magtaas-baba sa aking ari. Palagay ko’y konti na lang at lalabasan na ako.

“T-tama na..haaah!” ngunit nagbingi-bingihan lamang sya.

“H-Hunter…haaahhh! L-lalabasan… haaahhh!” napasinghap ako.

Pero tiningnan lang ako ni Hunter at binilisan nya ang pagtaas-baba sa ari ko. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na…

“Ayan na…yan na…haaaahhh!!” impit kong ungol.

Parang may sumabog na bituin sa aking paningin dahil sa tindi ng sensasyon. Halos mangisay na ako sa sobrang sarap.

“Uughh, t-tama na..” sambit ko sabay sabunot kay Hunter.

Bigla akong hinalikan ni Hunter at nalasahan ko ang aking katas sa kanyang bibig. Hindi ko na ininda iyon at nakipaglaban na lamang ako ng halikan.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagtalsik ng mainit na katas sa aking tyan, tanda na nilabasan din si Hunter.

“Ugghhh, shit…sarap mo.” bulong nya sakin.

“Gago, malagkit nako…” natatawa kong bulong sa kanya.

Natawa ng mahina si Hunter at saka ako dinampian ng halik sa labi bago sya bumangon at kumuha ng bimpo.

Pinahid nya ang tumalsik na tamod sa aking tyan at pagkatapos maglinis ay nahiga na sya sa aking tabi.

Nakatulog kami ng magkayakap.

Nang gabing iyon ay napanaginipan ko si papa, naglalakad palayo at hindi ako nililingon kahit ilang beses ko syang tinatawag.

Tumakbo ako sa direksyon ni mama upang hilain sya at samahan akong habulin si papa, ngunit paglingon ko ay nag-iba ang kanyang anyo.

Maayos na nakapusod ang kanyang buhok at may pares ng perlas na hikaw sa kanyang taenga.

Sa kanyang tabi ay may isang matabang banyaga at sa gitna nila ay isang batang lalaki na kahawig ko maliban sa asul nyang mata.

Ma?

Sorry Gus, eto na ang bago kong pamilya. Ayaw nila sa’yo kaya ikaw na ang bahala sa sarili mo ha…?

Unti-unting pumatak ang luha ko at tumakbo ako sa gawi nila mama, pero bakit hindi ko marating ang kanyang kinatatayuan gayong hindi naman sya umaalis?

Mabigat na mabigat ang aking puso. Wala na si papa, tapos ngayon aalis na rin si mama?

Ngunit sa kabila ng hinagpis na aking nadarama ay may mainit na bisig na yumakap sa akin, at doon nahinto ang aking pag-iyak.

Hindi ko alam kung kanino ang pares ng malalakas na bisig na iyon, pero naramdaman kong ligtas ako.

I’m here, I’m here…I won’t leave you… paulit-ulit nyang bulong hanggang sa maramdaman kong nilamon ako ng dilim.

Kinaumagahan ay mabigat ang aking katawan. Palagay ko’y pagod na pagod ako at ayaw ko pang bumangon.

Pero nang maimulat ko ang aking mata ay ang mukha kaagad ni Hunter ang aking nakita.

Teka, papano sya nakapasok sa kwarto ko, eh hindi sya nakapunta kagabi sa bahay ah?

Luminga-linga ako sa paligid, at napagtanto kong wala ako sa bahay kung hindi nasa kwarto ni Hunter.

Doon na bumalik ang alaala ng kahapon — ang pagdala ni mama ng banyaga sa bahay, ang pag-alis ko, at natagpuan ako ni Hunter.

Ipinikit ko ang aking mata at pinilit na kalimutan ang masakit na alaala. Sakto namang nagising si Hunter.

“Hey, g’morning…how are you feeling?” nakapikit nyang tanong habang hinahaplos ang tenga ko.

“Good morning, boss… magaan-gaan na.” tapat kong sagot.

“You hungry? Gusto mo umuwi—oh no, I mean… gusto mo pumunta ako sa inyo and grab some clothes?” tanong nya.

Kumukusot pa sya ng mata habang bumabangon. Ke aga-aga, mainit nyang pandesal kaagad ang nakikita ko.

“Mn, kung okay lang sa’yo…” sagot ko.

“Gago, syempre oo. But before that, breakfast.” sabi nya habang nagbibihis.

“Lalabas ka? Samahan na kita…” alok ko.

“Idiot, you have nothing to wear. C’mon, sleep some more. Gisingin kita kapag luto na pagkain. I’ll come back quickly.”

At walang anu-ano’y hinalikan ako ni Hunter sa labi at nagmamadaling umalis.

Uminit naman ang pisngi ko dahil hindi ko aakalain na gagawin nya ‘yon. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakangiti.

Ano ba ang tawag sa meron kami? Magkaibigan parin naman kami. Ayos lang ba na ginagawa namin yun?

Pero pareho kaming lalaki...

Sumakit ang ulo ko sa kakaisip kung kaya’t nahiga na lamang ako at niyakap ang unan. Mas malakas ang amoy ni Hunter dito kumpara sa unan nya sa bahay.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako ulit at nagising lamang ako nang yugyugin ni Hunter ang balikat ko.

“Kain na po tayo, kamahalan.” natatawa nyang saad.

Bumangon na rin ako at sinundan si Hunter papuntang kusina. Nagtaka ako kung bakit nakatingin sya sa akin.

“Ano?” inis kong tanong.

“Goddamn grumpy in the morning…”

“Eh ano nga kasi tinitingin-tingin mo?”

“Sexy mo.” tugon nya.

Nang tumingin ako sa ibaba ay nakita kong hanggang hita lang ang haba nitong suot kong pyjamas at lumalabas ang betlog ko.

“Bastos!”

“Ako pa bastos? Eh ikaw tong nagpapakita ng kayamanan nya. Libre tingin diba? Saka isa pa nakita ko na lahat yan. Arte neto…”

Namula ako sa tinuran ni Hunter pero hindi ako makapagsalita dahil totoo naman ang lahat ng sinabi nya.

Kinapalan ko na lamang ang aking mukha at taas-noong hinarap sya.

“San na yung pants nito? Akin na!” demanda ko.

“Sungit nito. Buntis ka? Magkaka-baby na tayo?” dali-dali nya akong nilapitan.

“Gago neto, eh puro tae laman ng tyan ko.” tinampal ko ang kamay nyang nakapatong sa aking puson.

“Psshh, language! Saka oo nga pala, virgin ka pa pala. Hahahaha!” nakakainsulto nyang tawa.

Gusto ko syang sipain kaso baka hawakan nya ang paa ko at kung anong kawalang-hiyaan na namn ang gawin nya sa akin.

Sa wakas ay naibigay nya ang pants sa akin at malaya akong gumalaw nang hindi nakikita ang betlog ko.

Umupo na kami sa hapagkainan at pinagsilbihan nya ako ng pancakes. Naghanap ako ng kanin pero ubos na daw ang bigas nya.

“Nga pala, I brought you your clothes. After this pwede ka nang maligo at makapagsuot ng briefs.”

“Yun talaga inemphasize mo?” namumula kong tanong.

“Why? There’s nothing wrong with it. Tama naman ako diba? Heto…”

“Boss, kaya ko kumain mag-isa.” reklamo ko dahil gusto nya akong subuan.

“Whaaat? Pagbigyan mo na ako.”

“Ayoko nga.”

“Dali na kase, wag nang pakipot.” inis nyang tugon.

Ilang beses pa kaming nagtalo pero sa bandang huli ay nagpasubo na rin ako. In fairness masarap ang pancake mix na ginamit ni Hunter.

Pagkatapos noon ay magkatulong kaming naghugas ng mga plato, naglinis ng condo nya, naglaba, at nanood ng movies.

Ganito ang naging routine namin araw-araw. Minsan umaalis si Hunter kaya nagbabasa na lamang ako ng libro.

Pagbalik nya ay may dala na naman syang mga damit ko at Tupperware ng luto ni mama. Ayaw ko mang aminin pero namimiss ko rin ang luto ni mama.

“Natatakot kasi ako, baka ma-food poison tayo kapag ako ang nagluluto.”

“Eh boss, di rin naman ako marunong magluto. Maglaga na lang tayo ng itlog, mas madali pa.” hikayat ko.

“Timang, mako-constipate tayo nyan. Isa pa nagtataka na yung cashier sa 7/11 bakit puro itlog binibili ko dun.”

Mayroong mga sandali na tumatawag si mama kay Hunter, pero hindi ako nakikinig at di ako nakikisali sa usapan.

Ilang beses rin akong kinausap ni Hunter na umuwi sa bahay, pero di na nya ako pinipilit kapag nakita nyang sumasama ang timpla ko.

“We’ll do it your way, Gus. But remember, kailangan mo ring harapin ulit si auntie at pag-usapan ang sitwasyon nyo.” sabi pa nya.

Papalapit na ang December 31 kaya nagpasya kami ni Hunter na dito na lamang mag celebrate ng bagong taon sa kanyang condo.

Alam na ni Brix na magkasama kami ni Hunter dahil tinext ko sya. Nabalitaan ko kasi na grabe din ang pag-aalala nya sa akin.

Naghanap kami ng recipe ni Hunter sa kanyang computer. Ako ang bumili sa supermarket, sya naman ay inasikaso ang mga paputok.

“Huy, sandali lang. Hindi ba ipinagbabawal ang paputok dito sa inyo?” usisa ko.

“Huh? De sa rooftop tayo.”

Natawa ako sa boses ni Hunter. Naghihiwa kasi sya ng sibuyas at naiiyak sya, kung kaya’t nag-iba rin ang boses nya.

“Tawa pa.” tiningnan nya ako ng masama.

“Sorry na! ‘To naman oh. Mn, papano yan boss? Diba locked yung pinto paakyat sa rooftop?” tanong ko.

“Ako nang bahala dun.”

“Hala, magnanakaw ka ba?”

“Timang, b-bribe ko ng alak si manong guard para pahiramin tayo ng susi. Sa gwapo kong ‘to, gagawin mo akong akyat-bahay gang?”

“Mn, di naman. Pero sa mukha mong yan eh pasado ka na sa budul-budul gang.” panunukso ko.

“Aba’y putangina, kanina ka pa ha. Halika nga rito!”

Ibinagsak ni Hunter ang kutsilyo at saka lumapit sa akin. Kinabahan ako dahil parang galit na galit ang mukha nya.

Tumakbo ako sa sala kung saan nagpaikot-ikot kami sa may sofa.

“Hoy, kung lalaki ka harapin mo ako!” pagbabanta nya.

“Ayoko nga, bleeeh!”

“Aba’t etong sa’yo!” at bigla syang tumalon sa may sofa.

Hindi ko inaasahan ang tactic na iyon kaya hindi kaagad ako nakareact. Natumba kami ni Hunter sa may sahig.

Sinimulan nya akong kilitiin at hindi ko mapigilang sumigaw na parang kinakatay na baboy.

“Hahahaha! Tama naaa!” tawa ko.

“Ano, tatawa ka pa?!” banta nya habang sige parin ang pangingiliti.

“H-hindi naaaahahahahaha!!!”

Sa sobrang ingay naming dalawa ay hindi namin napansin na may iba palang tao sa bahay na iyon tahimik na nagmamatyag sa amin.

“Ahemmm!” malakas na tikhim ang nagpatigil sa amin.

Napatingin kami sa pinto; doon ay may nakatayong isang babae na naka pulang blazer, itim na pencil skirt at pulang high heels.

Napakaganda nya, sopistikada, at intimidating ang aura. Para syang female counterpart ni Mr. Pineda.

Hindi kaya...

“Who are you and what are you doing in my house?” tanong ng babae.

“M-mom?!” bulalas ni Hunter.

---

P.S.: “Kung darating ka, mas masaya. Kung hindi, tatanggapin ko na…” yun ang nakasulat sa bagong libro ni Marcelo, Muntik Nang Maging Tayo.

I sincerely thought of a future where there’s “tayo”, I even dream of it every night and even rehearse yung mga gusto kong sabihin sa’yo. But now, masaya ka na sa piling ng iba kaya wala akong magagawa kundi lumayo.

Siguro destiny demand na maghiwalay tayo ng landas para maayos ko yung sarili ko and be worthy of your love someday. Kung tayo nga ang para sa isa’t-isa, our paths will cross together. Until then, I will endure and fix myself.

Yes, I’m hurting pero wala akong choice but to learn how to live with pain. Iisa lang naman ang hangad ko eh — ang maging masaya ka kahit na hindi ako ang iyong kasama. And I’ll say it over and over again: you were the best gift I received...

Pakisabi ‘to sa current partner mo: tol, wag mo na syang pakawalan. Stick with him through good times and bad times, HE’S WORTH IT. Ang swerte-swerte mo, mahal ka ng taong mahal ko. Don’t hurt him, don’t destroy his trust like I did.

R, I’m so sorry for being one of your regrets. But please, let me keep the memories you gave me. Let me listen to the songs you sent me. Let me dream of you and love you a little bit more before I let you go...

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Meet My Middle Finger (Part 12B)
Meet My Middle Finger (Part 12B)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjCbt29jhTOtCVwVehyphenhyphen3I3OD4QHZ6e7NH6_IYsoEtVeuSPRrO46DBGAvSCBjBuEKeKz5guuj3x8G5I-WAyHgzcqocKhPCxqzpK1l3ejL4ib7yUEP65Niu2T-bjYmfxyFv3sY1K65-3enzC2/s1600/Meet+My+Middle+Finger.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjCbt29jhTOtCVwVehyphenhyphen3I3OD4QHZ6e7NH6_IYsoEtVeuSPRrO46DBGAvSCBjBuEKeKz5guuj3x8G5I-WAyHgzcqocKhPCxqzpK1l3ejL4ib7yUEP65Niu2T-bjYmfxyFv3sY1K65-3enzC2/s72-c/Meet+My+Middle+Finger.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/05/meet-my-middle-finger-part-12b.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/05/meet-my-middle-finger-part-12b.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content