By: Max September 2011 Nakailang months na din si Ivan sa work. Mabait siyang tao, palangiti, laging tumatawa, madaling kausap. Lagi si...
By: Max
September 2011
Nakailang months na din si Ivan sa work. Mabait siyang tao, palangiti, laging tumatawa, madaling kausap. Lagi siya maaga pumapasok kaya siya una kong nakikita pagpasok ko ng office. Masasabi ko na kahit papano e naging close kami.
Madalas siya ang nagkwkwento about sa buhay niya. Alam ko na may ate siya at nasa abroad na ngayon at sila lang ng mama niya. Yung father niya e isang American at matagal na silang iniwan, bata pa lang siya umalis na father niya. Wala na silang communication pa. Pero naikwento niya ng isang beses na umaasa padin siya na magkakausap sila.
Ako naman hindi talaga ako pala kwento. Kahit anong pilit niya sakin tipid ako magkwento. Ayoko kasi na may nakakaalam ng madami about sa akin. Feeling ko e baka may magawa yung taong yun sa information na nakuha niya. Paranoid, yes pero I have my reasons.
Pagpasok ko ngayong araw nagulat ako at wala pa siya sa pwesto niya. Simula nung dumating siya sa department namin never pa siya na late. Kaya tinext ko siya.
"Late ka ata a." text ko.
Nagpasiya ako na kumain muna ng almusal habang naghihintay ng reply niya. Dahil maaga pa naman napagisipan ko na mag almusal ng matagal. Bibili na din ako ng pandesal para may makain siya pagdating niya lalo na e na late siya. Pero natapos na ko kumain at nakabili na ko ng pandesal e wala pa siyang reply sa akin kaya minessage ko uli - "Uy. Asan ka?"
Dumating ang TL niya na si Mac kaya tinanong ko na, "Mac, si Ivan?"
"Ah may sakit. Nilalagnat daw." sagot sakin ni Mac ng mabilis at saka pumasok sa cubicle niya. "Baka sa isang araw pa siya makakapasok." dugtong niya.
Kinabahan ako bigla. Naikwento kasi ni Ivan na never siya nagkakasakit at lalong ayaw niya magkasakit kasi hindi pa siya regular baka maapektuhan ang review sa kanya. Kahit anong assurance ko sa kanya na maiintindihan naman ng TL niya yun if magkasakit siya pinipilit pa din niya na bawal siya magkasakit. Kaya tinawagan ko. Mga ilang beses na walang sumasagot kaya lalo akong kinabahan.
Malalim ang iniisip ko hanggang sa may naghampas ng lamesa ko para ako'y matauhan. Si Mac pala. "Huy. Kanina ka pa tinatawag. Okay ka lang?"
"Ha? Sorry. Nag aalala kasi lang ako."
"Kanino naman?"
"Kay Ivan. Never naman kasi nagkasakit yun tapos hindi sumasagot ng tawag ko."
Tinignan ako ni Mac ng makabuluhan. "Baka naman natutulog yung tao. May sakit nga diba?"
"Kahit pa. Iba nararamdaman ko."
"Ay sus. Namimiss mo lang e."
"Tigilan mo nga ako Mac." sagot ko at sabay irap. "Basta iba kutob ko."
"Baket ako hindi mo ko na miss nung wala ako?"
Napatingin ako bigla kay Mac. Seryoso ba to o binibiro ako? "Ano?"
Napailing lang si Mac. "Wala, wala. Yung reports nga pala kelangan na ni madam mamaya. Kaya umayos ayos ka."
Napatungo lang ako habang si Mac naman e bumalik sa pwesto niya. Sinubukan ko uli tawagan si Ivan at sa pagkakataong ito e sumagot na siya. "Hello?" mahina boses niya at parang hinang hina.
"Ivan? Jake to."
"Oh Jake. Sensya ka na a hindi ako makakapasok ngayon." umubo siya bigla at rinig ko ang pagputok ng ubo niya. "Sobrang sama ng pakiramdam ko."
"Nilalagnat ka nga daw sabi ni Mac. Okay ka lang ba diyan? May gamot ka? Kumain ka na ba?" sunod sunod kong tanong.
Tahimik lang sa kabilang linya.
"Ivan?" tawag ko. Nung wala pa din sumagot, napalakas ang tawag ko sakanya. "Ivan!"
Napasilip si Mac pagkasigaw ko. Pinutol ko ang tawag at nagsorry sa kanya.
"Ano nangyari?" tanong ni Mac.
Napailing na lang ako. "Wala. Kausap ko si Ivan tapos biglang hindi na siya sumagot. Nagaalala lang ako."
Napabuntong hininga si Mac. "Parang concerned ka naman masyado."
"Ikaw ba hindi?"
"Nilalagnat lang si Ivan, Jake. Hindi siya mamamatay."
"Kahit na."
"Baket hindi mo na lang puntahan yung tao?" tanong ni Mac. Napatingin ako sa kanya at hindi ko mapinta mukha niya. Parang galit.
"Pwede ba?"
Napatawa si Mac. "Iba nga ang tama. Bahala ka. Kung hinanap ka ni madam wala na ko magagawa a."
Napangiti ako at nagpasalamat kay Mac. Dali dali kong niligpit ang mga gamit ko at saka umalis ng office para puntahan si Ivan.
April 2018
Si Ivan nakatayo sa labas ng aking unit. Napaka gwapo niya at mabango. Pinigilan ko sarili ko na yakapin siya. "Anong ginagawa mo dito?"
"I was in the neighborhood." sagot niya. "Nagbakasakali lang ako na asa bahay ka. Buti hindi ako nagkamali."
"Okay."
"May I come in?"
Umiling ako. "Papunta si Anne. Pag nakita ka nun."
"World war 3?" biro niya.
Natawa ako at sumang ayon. "Oo. Alam mo naman yun masyadong protective. Mas protective pa sa nanay ko."
"Yeah. Its been a while Jake. I mis..."
Pinutol ko siya sa pagsalita. "Ivan don't."
Napayuko siya at binago ang sasabihin niya. "I guess that's my cue to leave."
Nag nod ako at umalis na siya. Tinignan ko siya habang papunta siya ng elevator at inintay hanggang sa makasakay siya at magsara ito. Nung nagsara ang elevator, bumalik na ako sa unit ko at sinara ang pinto.
At doon lumabas ang luha ko.
September 2011
Hawak hawak ko ang isang plastic na puno ng mainit na lugaw. Asa may gate na ko ng bahay nila Ivan. Nakailang punta na din naman ako dito kapag nagyayaya si Ivan mag inuman kasama mga katrabaho namin. Pinindot ko ang doorbell at naghintay ng may lalabas.
Mga naka limang minuto na ko sa labas at wala padin lumalabas. Naka ilang pindot na din ako. Tinatawag ko na din si Ivan ng lumabas ang isang matandang babae sa kabilang bahay. "Ano yun iho?"
"Ah manang, si Tita Marge po? Kaibigan po ako ni Ivan."
"Ay umalis siya kanina pa. Pinagbilinan lang niya sa akin si Ivan at may sakit. Kawawang bata maputlang maputla." lumapit sa akin ang matanda. "Sinabi mo kaibigan ka ni Ivan?"
"Oho. Katrabaho din ho. Tinawagan ko kasi siya kanina at biglang naputol ang linya kaya nag alala din ako."
"Napakabait mo naman." sagot ng matanda. Binuksan niya ang gate at dumiretso sa pinto. "Pasok ka iho."
Sumunod ako sa matanda at pumasok sa bahay nila Ivan. "Asa kwarto si Ivan. Kukuha lang ako ng bowl para diyan sa dala mo. Pasok ka na doon."
Inabot ko ang lugaw at nagpasalamat. Sinunod ko kung saan nakaturo ang matanda at kumatok ako ng mahina. Binuksan ko ang pinto at mahina ko tinawag, "Ivan?"
Madilim ang kwarto at kulob. Napatigil ako ng makita ko si Ivan na nakahiga sa kama na natutulog. Pero ang nagpatigil sa akin na naka boxers lang si Ivan. Ang ganda ng hubog ng katawan niya at ang puti. Naririnig ko yung mahina niyang hilik na alam ko e mahimbing ang tulog niya. Napag isipan ko na tumingin tingin sa kwarto niya.
Lumapit ako sa isang lamesa na asa sulok ng kwarto. Madami itong mga pictures na nakadikit sa isang cork board. Mga barkada niya nung siya ay nag aaral pa. Meron naman sa taas nun mga naka frame. Nakita ko silang dalawa ng mama niya. Napaka laking ngiti ang nasa mukha niya nun at kitang kita ang kagwapuhan niya. Yung isang picture frame naman ay may kasama siyang isang babae na hindi ko kilala. Naka akbay si Ivan sa babae at asa beach sila. Naka board shorts lang si Ivan habang ang babae ay naka two piece. Sino kaya ito? Pagmamasdan ko pa sana ng narinig ko bumubukas ang pintuan. Dali dali kong binalik yung frame at pumunta sa pinto.
Pumasok ang matanda na may bitbit na tray na may isang bowl na andun ang lugaw na binili ko, isang basong tubig at gamot. Nagpasalamat ako sa matanda at kinuha ko ito. Nagpaalam na ang matanda na babalik na siya sa bahay niya at kung may kailangan e sabihin lang. Nagpasalamat uli ako at sinara na ang pinto ng kwarto. Nilapag ko ang tray sa may bedside table at saka ginising si Ivan.
"Ivan." tawag ko habang tinatapik siya. "Ivan." ulit ko pero wala padin imik. Nilakasan ko ang tapik sa kanya at ang pagtawag.
Umungol siya ng mahina pero tulog pa din. Hinawakan ko ang noo niya at naramdaman ko ang init ng lagnat niya. Napaisip ako paano ko siya gigisingin para mapakain at mapainom na ng gamot. Pero mukang malalim talaga ang tulog niya.
Ng hindi ko talaga siya magising naisip ko na iligpit na lang ang pagkain at ilafay sa ref. Magiiwan na lang ako ng note para malaman niya na may pagkain sa ref. Ng matapos ko yun at palabas na ko ng bahay narinig ko siya. "Jake?"
Napalingon ako at nakita ko siya nakatayo sa may pintuan ng kwarto niya. Napalunok ako ng makita ko uli ang katawan niya. Naka boxers padin siya at medyo pawis. "Ivan. Buti nagising ka."
"Ano ginagawa mo dito?"
"Umm, nag alala kasi ako nung naputol tawag ko kanina. Naisip ko din na dalhan ka ng lugaw. Baka kasi hindi ka pa nakakakain."
Napakamot si Ivan sa ulo niya at nakita ko ang kanyang mabuhok na kilikili nga isa sa mga kahinaan ko talaga. "Hindi mo na dapat ginawa yun."
"Wala yun. Pano, una na ko a."
Napatango lang si Ivan. "Salamat Jake."
"No prob. Pagaling ka." sagot ko at lumabas na ng bahay. Bago ako lumabas ay nakita ko si Ivan na pumasok uli ng kwarto niya. Palabas na ko ng gate ng bahay nila ng may dumating na babae.
Napatigil yung babae nung nakita niya ako. "Oh sorry. Sabi ni Ivan walang tao ngayon dito. Is he home?"
Napanganga na lang ako at namukhaan ko yung babae. Hindi ako nagkakamali at siya yung kaakbay ni Ivan sa picture. "Asa loob siya. Dumaan lang ako para icheck siya para sa office."
"I see." sagot ng babae. "He's not in any trouble at work right?"
Umiling lang ako. "I'll go on ahead."
Ngumiti ang babae at pumasok na ng bahay. Habang ako ay umuwi na.
April 2018
"I'm heeeeeeeeere!" sigaw ni Anne nung pagbukas ko ng pinto. May hawak siya isang case ng beer at pumasok ng aking apartment agad agad.
"Hoy bes guess who I ran into sa lobby niyo. " simula ni Anne. Napatingin siya sa akin nung hindi ako sumagot at nakita niya na namumugto mata ko. "And he was here wasn't he?"
"Of course not. Ano ka ba ano naman gagawin niya dito."
"Jake wag mo nga ko gaguhin. Kilala kita. Ang kapal ng pagmumukha nung hayop na yun a. Dapat pala sinapak ko na nung nakita ko at ng matauhan."
"Anne stop."
"Anong stop? Sa ginawa niya sayo he deserves it."
"He made the decision on his own."
Umirap lang si Anne. "Pinagsabay niya kayo nung haliparot na babae na yun Jake. Kagaguhan yung decision na yun."
Umiling ako. "Hindi. Hindi siya ganun."
Binuksan ni Anne ang bote ng beer at inabot sa akin. "I saw it with my own two eyes Jake. Stop defending him."
Natawa na lang ako. "Enough about him. Nasabi ko ba na dumaan dito si Ivan?"
Nanlaki mga mata ni Anne. "Jake..."
"I know, I know. Pinaalis ko din siya."
"Good. Sabi sayo e, ang lalake pang alis lang ng kati mga yan. Hindi dapat nagiging ka fall fall."
Napailing na lang ako at uminom ng beer.
COMMENTS