By: Loverboynicks Pagkatapos ng last subject ko sa araw na iyon ay nagulat ako nang matanaw ko si Addy na naghihintay sa akin sa labas n...
By: Loverboynicks
Pagkatapos ng last subject ko sa araw na iyon ay nagulat ako nang matanaw ko si Addy na naghihintay sa akin sa labas ng classroom namin.
Kaagad naman akong lumapit sa kanya at binigyan niya ng matatalim na tingin ang grupo nina Kevin nang mapadaan ang mga ito.
Hindi naman umalma ang mga ito at tahimik lamang na dumaan sa kinaroroonan namin. Nagpaalam na ako kina Jane at Liza pagkatapos ay naglakad na kami ni Addy palabas ng building.
"Hindi ka na ba ginalaw ng mga gago mong kaklase?" tanong niya.
"Ha? Hindi na. Natakot yata sayo." biro ko sa kanya.
"Dapat lang silang matakot dahil hindi nila magugustuhan ang mangyayari sa kanila kapag kinalaban nila ako."
Napatingin ako sa kanya. Seryoso ang anyo niya pagkatapos ay naramdaman ko ang braso niya na umakbay sa akin.
Naiilang tuloy ako dahil sa amin na nakatingin ang mga nakakasalubong namin. Hinayaan ko na lang siya at mas idinikit ko pa ang katawan ko sa kanya.
Napalingon sa akin si Addy saka siya nakangiting bumulong sa tenga ko. "Wag kang masyadong magpahalata. Hindi nila alam na magpinsan tayo."
Namula naman ako saka na ko umayos ng paglakad. Inalis ko rin ang kamay niya sa balikat ko kaya natatawa siyang naglakad kasabay ko.
"Kumain muna tayo sa labas bago tayo umuwi." yaya sa akin ni Addy nang makalabas na kami ng school at hinihintay ang grab car na binook namin.
Hindi pa kasi siya binibilhan ng kotse ng parents niya kaya puro commute lang ang ginagawa niya. Nangako naman daw ang mga ito na sa birthday niya ay magkakaroon na siya ng kotse.
"Hayaan mo malapit ko nang makuha yung kotse ko. Makakapasyal na tayo kahit saan mo gusto. Galing ka na sa tagaytay. Magbeach na lang tayo sa batangas." sarkastikong sabi niya.
Napatingin naman ako sa kanya habang nagsasalubong ang mga kilay ko. May gusto ba siyang tumbukin? Pero hindi ako sumagot upang hindi mabuksan ang issue tungkol sa amin ni Kuya Kiel.
Bigla tuloy pumasok sa isip ko si Kuya Kiel. Hindi naging maganda ang naging huling pag-uusap namin. Feeling ko talaga ay galit siya sa akin pero ayaw naman niyang sabihin ang dahilan.
Doon na huminto ang grab na hinihintay namin. Papasakay na kami ni Addy nang may tumawag sa kanya.
Pareho kaming napatingin sa pinanggalingan ng tinig. Nakita ko ang isang pamilyar na mukha na tumatakbo papalapit sa amin.
Pinasakay na ako ni Addy at hinintay niya na makalapit ito sa kanya.
"Anong kailangan mo?" masungit na tanong niya sa nerd na lumapit sa kanya. Hinihingal pa ito dahil sa ginawang pagtakbo.
May kinuha ito sa loob ng bag niya at iniabot iyon kay Addy. "Natapos ko na yung assignments mo. Hinabol lang kita para maibigay na sayo."
Inabot naman iyon ni Addy at balewalang inilagay sa bag niya. "Salamat!"
Sasakay na sana si Addy ngunit muling nagsalita yung nerd. "May pupuntahan ka ba? Baka pwede mo akong isama." nakangiting tanong nito.
Sumimangot naman si Addy. "Hindi pwede kasama ko ang pinsan ko ngayon at may pupuntahan kami." sagot niya.
Sumilip sa akin ang lalaki at nawala ang mga ngiti sa may braces niyang labi nang masulyapan ako.
"Sige na naghihintay ang driver." masungit na sabi ni Addy saka na siya sumakay sa tabi ko at mabilis na isinara ang pintuan ng kotse.
Pinagmasdan ko lang ang malungkot na anyo ng lalaking iyon habang nakatanaw siya sa paglayo ng sinasakyan naming kotse.
Bumaling ako kay Addy saka ako nagtanong kung sino iyon. Pumalatak si Addy at tila naiinis na sumagot.
"Wag mong pansinin iyon. May gusto siya sa akin kaya sunod nang sunod."
Hindi na ako sumagot pa dahil parang naiinis na si Addy sa mga sandaling iyon. Tumahimik na lamang ako saka ako tumingin sa dinadaanan namin.
Kumusta na kaya si Kuya Kiel? Hindi siya maalis sa isip ko. Sa totoo lang ay namimiss ko na siya pero wala naman akong magawa upang kausapin siya dahil siya na mismo ang umiiwas sa akin.
Sa isang class na restaurant ako dinala ni Addy. Pagpasok pa lang namin ay todo asikaso na ang mga tao doon at mukhang kilalang kilala na talaga nila si Addy.
"Madalas ka ba dito?" usisa ko sa kanya. "Kilalang kilala ka na kasi ng mga tao."
Ngumisi naman siya at pinaupo na ako. Sumunod siyang umupo sa harapan ko. "Madalas ako dito."
"Hindi ba mahal dito? Baka magkulang ang allowance ko pag dito tayo kumain."
"Ano ka ba ayos lang yan ako ang bahala."
Binigay na sa amin ang menu at nanlaki ang mga mata ko sa presyo ng mga pagkain doon. Nagtaka ako kay Addy.
Sa pagkakaalam ko ay maliit na lang ang binibigay na allowance sa kanya ng parents niya dahil sa walang sawa niyang pagwawaldas ng pera noon.
"Addy pwede naman tayong lumipat na sa iba. Yung medyo mura lang. Sobrang mahal kasi talaga ng mga pagkain dito." suhestiyon ko sa kanya.
"Pumili ka na diyan. Nandito na tayo ayoko nang lumipat pa sa iba." nakangiting sagot niya.
Nagkibit-balikat na lamang ako at nagsimulang pumili ng kakainin. Naghanap na lang ako ng pinakamura at iyon ang pinili ko.
Si Addy naman ay ang pinakamahal ang inorder niya at nanlaki ang mga mata ko nang macompute ko sa utak ko ang bill na babayaran namin.
Nagtataka man at hindi na lang ako kumibo at tahimik na nagmasid sa paligid hanggang sa mapasulyap ako sa isang lalaki na nakatayo sa di kalayuan.
Nagtama ang mga mata namin at nakita ko ang matatalas na mga pagtitig niya sa amin ni Addy. Natigilan ako at hindi ako nakaiwas sa talim ng mga titig niya sa akin.
Bumaling ako kay Addy at nakakunot ang noo ko nang magtanong ako. "K-kay Kuya Kiel ba ang restaurant na ito?"
Nakangiti siyang tumango at nang sulyapan ko muli si Kuya Kiel ay wala na ito sa kinatatayuan niya.
Hindi ko alam na ganito pala kasosyal ang restaurant ni Kuya. Pero dahil sa hindi magandang aura niya nang makita kami ni Addy ay nawalan ako ng gana na kumain.
Bakit ba kasi siya nagagalit sa akin? Ano bang nagawa kong mali sa kanya? Nanlulumo akong tumitig sa gitna ng mesa.
"Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit ka hinahabol ng mga gago mong kaklase kanina." narinig kong sabi ni Addy na nagpaangat ng paningin ko.
"Ahh yun ba? May ginawa kasi ako na hindi nila nagustuhan kaya ayun hinahabol ako at gusto nilang makaganti." palusot ko.
Seryosong tumitig sa akin si Addy at tila hindi benta sa kanya ang pagsisinungaling ko.
"Ano ba yung ginawa mo na hindi nila nagustuhan?" usisa pa niya?
Napalunok ako sa tanong niya. Putcha bakit ba ako inuusisa nang ganito ng lalaking ito? "Ano kasi ah sinumbong ko kasi si Kevin sa girlfriend niya na may iba pa siyang babae nung nasa party kami ni Jane kaya nagalit siya sa akin."
Mukhang hindi pa rin kumbinsido si Addy sa palusot ko. Seryoso pa rin itong nakatitig sa akin hanggang sa dumating na ang order namin at hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na mag-usisa.
Nagsimula na kaming kumain ngunit sa tuwing pumapasok sa isip ko ang anyo kanina ni Kuya Kiel ay hindi ako makapagfocus sa pagkain.
Naalala ko nung kaming dalawa pa ang magkasama na kumakain sa mga restaurant nung nasa tagaytay pa kami.
Napakamaasikaso niya at sweet sa akin nang mga panahonh iyon pero ngayon ay napakalamig na ng pakikitungo niya sa akin.
Nanlulumo ako habang nginunguya ang pagkain ko. Hindi ko maiwasan na gumala ang paningin ko sa paligid upang masulyapan man lang sana siya ngunit nabigo ako.
Kahit anino niya ay hindi ko mahagilap sa paligid. Marahil ay sinadya nitong manatili sa loob ng opisina niya upang hindi niya ako makita.
Napasulyap ako kay Addy na noon ay sarap na sarap sa pagkain niya. Gusto ko sanang tikman ang mga inorder niya pero nahiya na rin ako. Hindi naman niya ako inaalok eh.
"Kumain ka nang marami para magkalaman ka nang husto. Napakaliit ng katawan mo. Baka magkalasug-lasog yan kapag inaraw-araw na kita sa kama."
Hindi ko maiwasang mapangiti nang umalingawngaw ang tinig ni Kuya Kiel sa utak ko. At the same time ay nakakarama ako ng kirot sa dibdib ko na pinipilit kong pigilan ngunit hindi ko magawa.
Pinagbalingan ko na lang ng sama ng loob ko ang kinakain ko.
Nang matapos kami ay tinawag niyaya na ako ni Addy na umalis na. Nagtaka naman ako dahil hindi pa kami nagbayad.
"Hindi pa natin nabayaran ang kinain natin." sabi ko sa kanya.
Ngumiti naman siya saka na ako inakbayan paalis sa table namin. "Libre lang tayo dito. Restaurant naman ito ni Kuya eh." mayabang na sagot niya.
"Excuse me sir hindi niyo pa po nabayaran ang bill ninyo." habol ng isang waiter sa amin.
Marahas namang napalingon sa waiter si Addy. Napasulyap naman ako sa ibang tao sa paligid dahil sa amin na nakatingin ang mga ito. Nakadama tuloy ako ng pagkapahiya at malamang ay si Addy rin.
"Hindi mo ba ako kilala ha? Ang tagal mo na dito ah." maangas na sagot niya sa waiter.
"Sir kilala ko po kayo pero utos po kasi ni Sir Kiel na papagbayarin daw kayo sa mga kinain ninyo. Sumusunod lang po ako sa utos sir." kinakabahang sagot ng waiter na marahil ay natatakot sa bagsik ng anyo ni Addy.
Napapikit si Addy at tila pinipigilan ang pag-iinit ng ulo niya. Tumingin siya sa paligid at sa amin pa rin nakatingin ang mga kumakain doon.
"Anong tinitingin-tingin ninyo? Kapatid ko ang may-ari ng restaurant na ito." masungit na sigaw niya sa mga tao saka siya muling bumaling sa waiter.
"Nasaan si Kuya?" galit na tanong niya.
"Sa opisina niya po sir." magalang na sagot naman ng waiter.
Galit na naglakad si Addy patungo sa opisina ni Kuya Kiel. Sinubukan ko siyang pigilan pero iwinaksi niya ang braso niya upang hindi ko siya mahawakan.
Mabilis siyang nakarating sa opisina ni Kuya Kiel at marahas niyang binalibag ang pinto.
"Gago ka ba? Pinahiya mo ako sa mga tao sa labas." galit na siya niya sa kuya niya saka niya ito sinugod ng suntok.
Nanlaki ang mga mata nang makita ko ang dugo sa gilid ng labi ni Kuya. Akma nang manlalaban si Kuya Kiel kaya mabilis ko na silang inawat at itinulak ko si Addy palayo sa kapatid niya.
"Tama na!" sigaw ko sa kanya. "Magbayad na lang tayo tutal kinain naman natin iyon."
Bumaling ako kay Kuya Kiel at hinawakan ko ang panga niya upang icheck ang sugat niya. "Okay ka lang na Kuya?" tanong ko pero marahas niyang pinalis ang kamay ko saka siya kumuha ng panyo sa bulsa niya at iyon ang ipinampunas niya sa dugo.
Pumasok naman ang security guard kasama ang ilang waiter saka nila kinaladkad si Addy palabas doon.
"Meron pang isa dito. Palayasin niyo rin iyan." utos ni Kuya Kiel sa mga tauhan niya.
Nakadama ako ng bigat sa aking dibdib nang marinig ko ang mga salitang iyon na nagmula sa mga labi niya. Mga labi na kailan lang ay malaya ko pang nahahalikan.
Dahil sa sama ng loob na lumukob sa dibdib ko ay hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Mabilis na akong tumalikod kay Kuya at naiiyak ako na naglakad palabas sa opisina niya.
Inalalayan naman ako ng isang waiter niya hanggang sa makalabas ako sa restaurant na iyon.
Sabay kaming sumakay ng taxi ni Addy patungo sa bahay. Sinubukan niya akong kausapin pero dahil sa sama ng loob ko sa ginawa niya. At sa pinagsama-samang emosyon na nararamdaman ko sa mga sandaling iyon at hindi ko siya kinibo hanggang sa makarating na kami sa bahay.
Dumiretso ako sa silid ko at naglock ng pintuan. Masama ang loob ko nang ibagsak ko ang katawan ko sa kama saka ko binalikan sa isip ko ang mga nangyari sa loob ng restaurant.
Ang anyo ni Kuya Kiel. Ang pagtatalo nila ni Addy at ang masungit na pakikitungo ni Kuya sa akin.
Tuluyan na akong napaiyak habang nakadapa ako sa kama ko at isinubsob ko ang mukha ko sa unan. Tinitiis ang bawat sakit na nararamdaman ko dahil kay Kuya Kiel.
Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ba masyado akong nagiging apektado sa mga ikinikilos niya at sa bawat masasakit na salita na lumalabas sa bibig niya?
Dahil sa sama ng loob ay nanatili lamang ako sa pag-iyak sa loob ng silid ko at hindi na ako lumabas pa hanggang sa maghapunan.
Kinatok ako ni Elsa upang pakainin ngunit kahit anong katok niya ay hindi ko siya pinagbuksan hanggang sa magsawa siya at siya na mismo ang nagpasya na umalis na lang.
Sa buong gabi na iyon ay nakatulala lang ako sa kisame ng silid ko. Iniisip pa rin ang nangyari. Iniisip ko pa rin si Kuya Kiel.
COMMENTS