$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Hiraeth The Old Chapters (Part 3)

By: Joshua Brand HANGGANG NGAYON AY NANGANGALAY pa rin ang aking pisngi kakangiti at kakabati sa halos isang barangay naming kamag-anak n...

Hiraeth The Old Chapters

By: Joshua Brand

HANGGANG NGAYON AY NANGANGALAY pa rin ang aking pisngi kakangiti at kakabati sa halos isang barangay naming kamag-anak na dumagsa sa aming bahay kahapon upang mamasko. Hindi ko alam kung saang lupalop sila nanggaling dahil halos walupung pursiyento sa kanila ay hindi ko naman kilala.

Sina Mom at Dad lang ang paulit-ulit akong inaakyat sa kwarto upang sabihan na bumaba at makihalubilo sa mga kamag-anak namin na paulit-ulit lang din naman sa kanilang mga katanungan.

Ilang taon ka na nga ulit?

Markus, tama ba? Markus pangalan mo?

Ang laki mo na ah, ano height mo?

Ilang babae na ba napapaiyak nito?

Mga tanong na sa totoo lang ay wala akong kagana-ganang sagutin.

Hindi naman sa nagsusuplado ako. Ayaw ko lang talaga ang maraming tao sa paligid, higit lalo na kung hindi ko naman sila lubusang kilala at walang-sawa rin akong kinukulit.

“Tagal naman nito nila Benjie!” reklamo ni Austin na kanina pa rin naiinip, “Kala ko ba alas-otso usapan? Etong si Phil din ang tagal sumagot.”

Bahagya lang akong ngumiti at saka muling kinuha ang aking cellphone upang tingnan kung mayroon na bang text mula kina Benjie at Reuben. Nauna kasi kami ni Austin dito sa covered court kung saan naming idaraos ang feeding program.

“Hoy, nasan ka na?” biglang sambit ni Austin sa biglang tumawag sa kanyang cellphone. Tumingin siya sa akin at sumenyas na si Phil ang kanyang kausap.

Ilang sandali pa ay nakita ko na ang sasakyan nina Reuben. Binuksan ni Gemma ang bintana sa front seat at saka tinawag ang pangalan namin ni Austin. Kinawayan ko sila at pinipilit na sinisilip kung nasa tabi ba niya si Reuben.

Halos buong araw ay panay pagpapadala lamang ako ng mga mensahe sa cellphone ni Reuben kahapon. Kaunting kilos ay ibinabahagi ko sa kanya. Sa halos sandaang mensahe, tanging isang salita lamang ang naisagot niya: “haha”. Ni hindi ko nga alam kung salita ba talaga iyon.

“Asan na raw si Phil?” bati sa’min ni Benjie nang makababa ng sasakyan, “Sabi niya agahan daw niya?”

“Male-late daw siya,” sagot ni Austin matapos ilagay sa bulsa ang cellphone, “Late nagising ‘yung loko.”

Nagtungo ako sa sasakyan at saka sinilip si Reuben na maayos na kinukuha ang isang clipboard mula sa kanyang bag. “Good morning!” masigla kong bati.

Bigla niya akong nilingon at saka tinanguan. Nang mailabas ang clipboard ay isinara na niya ang bag at saka bumaba ng sasakyan. Naghihintay ako ng pagbati mula sa kanya, ngunit bigla siyang nagtungo sa likod upang buksan ang compartment.

“Benjie!” pagtawag niya, “Lagay na natin ‘tong mga ‘to sa loob.”

Tumakbo ako papunta sa kanya at saka biglang kumuha ng ilang mga kahon na kailangang bitibitin, “Where should be place these?” tanong ko.

Sandali niya akong tinitigan, “Dun sa loob, bro.”

Dali-dali akong nagtungo roon upang dalhin ang aking mga bitbit. Hindi ko man masyadong pinapansin ay nakikita ko ang pangiti-ngiti ni Benjie na alam kong nais na namang mang-asar. Nginingitian ko rin siya at saka sinasabihan na ‘wag magulo.

Sa pag-uusap namin kagabi sa chatbox, inamin ko na kay Benjie ang tunay kong nararamdaman para kay Reuben. Ang akala ko ay bigla siyang mago-offline at hindi na rin ako papansinin, ngunit nagulat ako sa naging sagot niya. Matagal na raw niyang alam at hinihintay lamang na sabihin ko iyon sa kanya.

Nang madala na namin ang lahat ng mga kailangan sa loob ay iniabot na sa amin isa-isa ni Gemma ang mga t-shirt na aming susuotin para sa programa. Nakasulat doon ang pangalan ni Tito at ang pangalan ng ilan pang mga tumulong para sa feeding program na ito. Suot na nina Reuben, Gemma, at Benjie ang kanila.

Nagsimula na akong hubarin ang aking suot na polo shirt upang magpalit. Nang maisampay ko sa isang kahon ang hinubad kong damit ay nahagip ng aking mata ang pagtitig ni Reuben sa aking katawan. Marahil ay hindi niya kaagad napansin na nakatingin na rin ako sa kanya kaya ilang segundo pa bago siya marahang umubo at saka umiwas. Nais ko sanang mag-inat upang asarin siya, ngunit bigla siyang lumabas.

“Gago,” bulong sa akin ni Benjie matapos akong lapitan.

Tumawa lamang ako at saka siya tinapik sa balikat.

Ilang sandali pa ay dumating na rin si Phil at ang iba pa naming kasama sa basketball team. Maging sina Coach Jessie at Ms Villa ay sumama rin upang tumulong kahit na katatapos lamang ng pasko. Ang mga magulang nina Reuben at Gemma ay maaga ring dumating para sa programa.

Maayos naman naming natapos ang buong programa. Parang hindi tinatablan ng pagod ang mga bata kakakulit sa amin. Gaya nang napag-usapan, sumayaw at kumanta kami ng mga awitin na pambata. Nakihalubilo’t nakilaro rin kami sa kanilang lahat. Maging sa kanilang mga magulang na masayang tinanggap ang ilan naming mga handog para sa kanila.

“Kulang na lang tsinelas eh.” natatawang banggit ni Phil, “Para Rated K na. Haha!”

Bigla siyang nilapitan ni Coach Jess at saka marahang binatukan, “Puro ka talaga kalokohan!”

“Oo nga,” sagot naman ni Benjie, “Ba’t ‘di natin naisip ‘yun?”

Sandali kaming nagtawanan lahat bago tumayo si Reuben at nagtungo papasok sa kusina. Sina Austin naman at iba pa ay nag-umpisa na ring sumama sa mga bata na nag-uuwian.

“Reuben!” pagtawag ni Benjie, “Kayo na lang nito ni Markus mag-hugas. Samahan ko ‘to sila Phil!”

Nang lingunin ko ay tumango lamang si Reuben at saka nagpatuloy sa paglalakad.

Marahan akong tinapik ni Benjie at saka kinindatan bago nangiti.

“Gago,” sambit ko, “Thanks.”

Nang makapasok sa kusina ay nakita ko si Reuben na nag-uumpisa nang magbanlaw ng mga mangkok na ginamit sa pagpapakain sa mga bata. Dumeretso ako sa kanyang tabi at nag-umpisa na ring magbanlaw. Hindi ko alam kung napapansin niya ang pagpipilit ko na magsagi an gaming mga braso’t siko. Napapansin ko ang mahina niya pagkagitla sa tuwing magdidikit ang aming mga balat.

Tinakpan ko na ang drain ng lababo upang punan ng tubig at sabon. Nilaro-laro ko ang tubig upang makumutan ang aming mga kamay ng bula.

“Ang saya ng mga bata, ano?” nakangiti kong tanong.

Humuni lamang siya ng pagsang-ayon.Sa tingin ko ay dahil iyon sa pagod na kanya nang nararamdaman.

“They really love your father here.” muli kong pagsabat.

Nakita ko ang marahan niyang pagtango, ngunit hindi pa rin siya nagsasalita o lumilingon. Nais ko sanang tanungin kung pagod ba siya. Nais kong malaman kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan dahil interesado ako sa kanyang magiging kwento. Kailan nga ba ang huling beses na nagkwento siya sa akin? Kailan nga ba ang huling beses na nagtawanan kami dahil sa sobrang pagod?

“Reuben…” pagtawag ko sa kanya. Nararamdaman ko ang pamumuo ng pawis sa aking leeg at mukha, ngunit hindi ko iyon pinapansin.

Bigla niya akong nilingon at sandaling tinitigan. Hindi ko siya magawang lingunin din dahil iniisip ko kung ano ang susunod na sasabihin kaya’t panay lamang ako sa paglunok ng laway. Bigla siya muling tumingin sa kanyang mga sinasabon.

“Aliw na aliw sa’yo ‘yung mga bata,” muli na naman niyang minamaniobra ang takbo ng aming usapan. “Iba talaga trato ng mga Pinoy sa mga may lahing kanluranin.” pagtawa niya.

Nais kong matawa sa sinabi niyang iyon, ngunit mayroon akong mas nais na itanong sa kanya. Hindi ko lang alam kung paano iyon sasabihin nang hindi magiging pangit sa pandinig niya.

“Ready ka na ba sa laro next week?” tanong niya.

Sa unang linggo ng aming klase sa bagong taon ay maroon kaagad kaming laro bilang pagsasanay sa school intramurals. Ngunit malayo pa iyon sa aking isip. Nais kong malaman kung ano ang estado ng aming pagkakaibigan ngayon alam kong alam na niya ang patungkol sa aking pagtingin.

“Sabi ni Benjie,” pagpapatuloy niya, “palagi ka raw niya nakikita sa plaza nagpa-practice eh. Bukas laro—”

“Why are you avoiding me?” bigla kong tanong. Maging ako ay nagulat sa mga salitang iyon na lumabas sa aking bibig.

Pansin ko ang masusi niyang pag-iisip ng sasabihin.

Marahan ko siyang sinagi sa balikat upang pakalmahin. “Did I do something wrong?” Sandali akong tumawa nang mahina upang iparating na hindi naman ako galit o nagtatampo. “Because, you know, it doesn’t feel good when you try and avoid me…”

Ipinagdarasal ko na huwag niya iyong iwasan, ngunit bigla siyang kumilos at saka umakmang aalis kaya’t bigla kong inabot ang kanyang kamay mula sa ilalim ng mga bula upang siya’y pigilan. Kita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata. Mahigpit ko iyong hinawakan; mas maayos kumpara sa aking pagtatangka noon sa sasakyan na mahawakan iyon nang maayos.

“I won’t let go of this hand.” biro ko, “Bawal!”

Bago pa man siya magsalita ay nagpatuloy ako sa nais kong ipakiusap.

“Please, don’t avoid me. Ayaw kong iniiwasan mo ako eh.” Hinaplos ko rin ang suot niyang bracelet na bigay ko sa kanya.

Huminga siya nang malalim at magsasalita n asana nang biglang pumasok si Tito Raul sa aming kinaroroonan.

“Tawa nang tawa ‘yung mga bata kanina!” bati ni Tito Raul, “Ayos lang kayo diyan?” tanong niya sa amin ng kanyang anak.

Alam kong sumasabog na ang utak ni Reuben dahil sa aming sitwasyon kaya’t mas hinihigpitan ko pa ang paghawak sa kanyang kamay.

“Ayos lang po, Tito!” masigla kong sagot, “Today has been so much fun, Tito. Thanks for allowing us to come and help.”

Natawa lamang si Tito at wala pa ring kaalam-alam sa nangyayari sa mga kamay naming ni Reuben. “Nako, tumigil ka nga! I should be the one thanking you.”

“Oh, the pleasure’s ours po, Tito!” muli kong pinisil ang kamay ni Reuben, “I think, your children are the ones na sobrang nag-work hard for this.”

Lumapit si Tito Raul sa anak at saka ginulo ang buhok nito, “Nakaka-proud itong anak ko!”

Tumawa ako sandali at saka muling sinagi ang balikat ni Reuben. Bigla naman pumasok si Gemma at saka nakikulit sa kanyang ama bago ayain itong lumabas dahil may naghahanap daw sa kanya. Pagkalabas na pagkalabas nina Tito Raul at Gemma ay bigla bumitaw sa aking kamay si Reuben habang ako naman ay natatawa nang bahagya.

“What were you doing?” inis niyang tanong.

“What?” sagot ko, “I don’t know what you’re talking about…” pagmamaang-maangan ko bago siya nginitian nang pagkalaki-laki.

Muli kong kinuha ang kanyang kamay at saka mas mahigpit na hinawakan. Sa pagkakataong ito ay wala nang pag-iwas o pagpigil mula sa kanya. Sa pagkakataong ito ay kita ko na nang harapan ang masigla rin niyang pag-ngiti at pagtawa habang isinasayaw ng aking kamay ang sa kanya.

“Don’t you dare let go of my hand again…” pagkindat ko, “Bawal bumitaw!”

“Gago…” tangi niyang pagtawa sa akin.

Sa aking palagay, ito ang umpisa ng mas maayos naming samahan ni Reuben.

Nasasabik na akong maranasan ang lahat ng mga bagay na sabay naming gagawin, ngunit kaakibat niyon ay ang pangambang isang araw ay kailangan ko na muna siyang lisanin. Inisip ko na lang na mas importanteng pagtuunan ko na lang muna ng pansin ang mga pangyayari sa ngayon. Ang mas maayos at mas masayang buhay ko kasama ang aking mahal.

Halos alas-quatro na ng hapon nang makauwi ako sa aming bahay. Inimbitahan na muna kami nina Tito Reuben na magtungo sa kanilang bahay upang kumain bilang pasasalamat na rin. Hinatid din kaming lahat ni Tito gamit ang kanilang napakalaking sasakyan.

Dinatnan ko si Mom na nag-aayos ng ilang mga gamit sa kusina. Marahil ay naghahanda na upang makapagluto ng aming hapunan nang maaga. Dahil sa labis-labis kong saya ay nilapitan ko siya at saka hinalikan sa pisngi na ikinagulat niya at ikinatawa ko naman.

Nginitian niya ako’t marahang piningot ang aking tainga bago niyakap.

Muli ko siyang hinalikan sa kabilang pisngi naman at saka pumanhik na sa itaas patungo sa aking silid. Tamad akong dumapa sa aking kama at paulit-ulit na binabalikan ang naging pag-uusap naming ni Reuben ngayong araw at hindi pa rin mapigilan ang sarili na mangiti.

Kinuha ko mula sa aking bulsa ang aking cellphone upang padalhan ng mensahe si Reuben.

[Thanks for today. I had so much fun. :) ]

Bigla kong narinig ang pagklaro ng boses ni Dad. Nang aking lingunin ay nakasilip siya sa pinto mula sa labas ng kwarto bitbit ang isang libro’t nakasuot ng salamin.

“Hey, Dad.” pagbati ko, “Reading again?”

Nginitian niya ako’t lumapit upang maupo sa aking kama. “Yeah,” tugon niya, “You’re home. How was the feeding program?”

Naghikab ako’t nag-inat, “It was great! The kids were so excited to receive their gifts.”

“That’s good to hear.” Pinisil niya ako nang bahagya sa balikat. “I’m so glad to know that you managed to surround yourself with great friends, son.”

Hindi ko siya matingnan sa mga mata dahil nahihiya ako, ngunit dahil sa sinabi niyang iyon ay mas umaapaw na sa galak ang aking puso. Iba sa pakiramdam kapag ang iyong ama mismo ang nagsasabi sa’yo kung gaano sila natutuwa sa mga desisyon mo sa buhay.

“We are so proud of you, bud.” malambing pa niyang dagdag.

“Thanks, Dad.” tapik ko sa kanya, “I’m glad, too.”

“Well,” tumayo siya’t mahina ring humikab, “I’m gonna go help your mom prepare dinner.”

“Okay.”

Papalabas na sana siya ng aking silid nang bigla ko muli siyang tawagin. “Uh, Dad?”

Nilingon niya ako.

“So,” hindi ko alam kung papaano magsisimula sa aking tanong, “You and Mom, uh—”

Itinaas lamang niya ang dalawang kilay at hinihintay ang sunod kong sasabihin.

“How did you know that she’s—” nauutal ako, marahil ay sa hiya at hindi maitagong kaba, “You know—how did it dawn on you that she’s the one?”

Sandali niya akong tinitigan at saka tumawa nang malakas.

“Dad!” sigaw ko sa kanya, “Oh, come on!” Bigla akong bumangon upang maupo at saka pinipigilan din ang sarili na matawa dahil alam kong mas ilalakas pa ni Dad ang kanyang halakhak. “That’s mean!”

“S-sorry!” sandal niyang itinaas ang suot na salamin upang punasan ang mga mata dahil sa luha, “I’m really sorry, son.”

Umiiling-iling lamang ako sa kanya habang nangingiti rin.

Muli siyang lumapit at naupo sa aking tabi. “To be honest,” panimula niya, “I don’t know the answer to that.”

Sinimangutan ko siya.

“You’ll just know, I guess?” pagpapatuloy niya, “When I met your mom, from the very first moment, I just knew that she’s the right person for me.”

Tumango lamang ako at saka huminga nang malalim.

“Who is it?” tanong niya sa akin.

“What?” tanong ko rin.

Tumawa siya at saka pabiro akong sinuntok sa balikat. “Just take your time, son. You’ll know when the right person comes…” Agad na lang siyang tumayo at saka nagpatuloy nang lumabas ng silid.

Bigla namang tumunog ang aking cellphone dahil sa isang mensaheng natanggap. Si Reuben.

[ <3 ] sabi sa mensahe.

Lumipas ang ilang araw na napuno ng walang-sawa naming pagkukwentuhan ni Reuben patungkol sa kahit na anong bagay. SMS, chatbox, phone call—halos sa lahat ng oras ay palagi kaming magkausap. Masaya akong malaman na kahit na may kaunti pa ring kalabuan ay mas maayos naman na ang aming relasyon. Ngunit palagi ko ring naiisip na iba pa rin kung palagi kaming magkasama.

Inisip ko kung kakayanin ko ba na palagi lang kaming ganito mag-usap kapag nakabalik na ako sa U.S. Kakayanin ko kaya ang makita lamang siya sa screen ng aking cellphone o laptop? Siya kaya? Kaya kaya niya ang ganoong komunikasyon lang?

Inimbitahan kami nina Tito Raul na sa kanila na lamang idaos ang pagsalubong sa Bagong Taon. Dala na rin marahil ng hiya at walang-humpay kong pangungulit ay pumayag din ang aking mga magulang at malugod na pinaunlakan ang kanilang paanyaya.

Nakatutuwang makita an gaming mga magulang na masayang nagku-kwentuhan sa kusina at likod-bahay habang nagluluto ng mga magiging handa. Si Mommy ay nagpasyang mag-bake ng cake at si Dad naman ay tumutulong-tulong kina Tito sa pag-iihaw.

Kami nina Gemma at Ben ay halos buong maghapon lamang na nakatambay sa iisang silid at naglalaro ng Xbox o kaya ay kung anu-anong card games. Hindi man kami nagkakaroon ng pagkakataon na makapag-usap nang kaming dalawa lang ay masaya naman na rin akong kahit papaano ay magkasama kami ni Reuben.

Hindi ko alam kung kailan malalaman ni Gemma ang tungkol sa amin, ngunit ibinibigay ko na ang desisyong iyon sa kanyang kakambal. Sa tingin ko ay siya ang mas nakaaalam kung kailan iyon dapat sabihin.

Katulad ng mga nagdaang pagsalubong namin ng bagong taon, kami ni Reuben ang nag-ayos ng mga lamesa at upuan sa napakalawak nilang balkonahe. Mula kasi roon ay matatanaw ang napakalaking bahagi ng probinsya at maayos na mapapanood ang pagkislap ng mga fireworks. Ito na ang pang-apat na beses na magkasama naming sasalubungin ang bagong taon ni Reuben. May kaunting lungkot dahil baka ito na rin muna ang huli.

“Halos two hours na lang.” sambit ni Reuben. Nakatayo siya sa tabi mismo ng balkonahe at masugid na pinagmasdan ang kalangitan. “I think, it won’t rain naman.”

Tumingala rin ako at ininspeksyon ang langit. “There are no clouds.” puna ko.

“Badtrip kung biglang umulan, no?” pagtawa niya.“Tunganga tayo sa loob, kung sakali.”

Tumawa rin ako at saka tahimik siyang pinagmasdan. May ilang makakapal siyang balahibo sa batok na madalas kong kilitiin. Kinatutuwan ko kasi siyang asarin patungkol doon. Napansin kong mas matipuno na rin ang kanyang katawan ngayon kumpara noon. Mas bilugan na ang kanyang mga balikat at mas banat na rin ang balat niya sa mga braso’t leeg.

Naglakad ang aking tingin paakyat sa kanyang buhok, pababa sa kanyang patilya’t pisngi. May kung anong init akong nararamdaman sa aking dibdib, ngunit marahan lamang akong umubo upang hindi iyon mas mapansin. Muli akong tumingala at mas lumapit sa tabi niya.

“Astig talaga ng mga stars.” Itinaas niya ang isang kamay at saka itinuro ang isang daliri na animo’y naaabot ang napakalayong bituin.

Dahan-dahan ko siyang nilingon at muling tinitigan. Sa kanyang mga mata ay nakita ko ang pagkislap ng mga bituin. Sa kanyang mga mata ay nakita ko ang maayos at matiwasay na kalangitan.

“Ano kayang—” hindi niya natuloy ang sasabihin nang lumingon dahil nagulat siya nang makitang nakatitig ako sa kanya.

Nginitian ko lang siya at saka mahigpit na inakbayan. Isinandal niya sa aking dibdib ang kanyang ulo at sa aking palagay ay nangingiti rin siya. Pareho kaming nakatingin sa tahimik na tanawin sa ‘di kalayuan—nalalasing sa malamig na simoy ng hangin at pinakikinggan ang samu’t-saring ingay mula sa paligid. Sino nga ba ang mag-aakala na mararanasan ko ang ganitong kakuntentuhan sa buhay? Kahit sa isang sandali lamang, sabay naming kinalulugdan ang mainit at payapa naming mga puso.

Bago sumapit ang hatinggabi ay sama-sama kaming lahat na naghihintay sa balkonahe. Nakaupo ang aming mga magulang habang nag-iinuman. Pinayagan nila kami na makainom ng kaunting wine, ngunit mas pinili naming tatlo na hinatayin ang hatinggabi para mainom iyon. Nakakatawa dahil ilang beses naman na kaming nakakaubos ng isang bote ng wine sa kwarto ni Reuben sa tuwing matitipuhan namin noon na patagong mag-inuman magkakaibigan.

Si Gemma ay kanina pa hawak ang kanyang cellphone dahil baka raw biglang tumawag si Benjie sa kanya upang bumati. Panay din ang reklamo niya halos buong araw dahil umaasa raw siya sa isang himala na biglang magtungo rito si Benjie upang bumati sa kanya ng personal. Katulad ng palagi, tanging tawa at pang-aasar lamang ang nagiging tugon namin ni Reuben sa kanya.

Lumang mga jazz songs ang tugtog kaya’t pasayaw-sayaw din kami sa tuwing matitipuhan at tawanan ang siyang sumisingit sa tuwing may kaunting katahimikang magaganap.

Maayos ang aming mga suot na damit dahil palagi namang ganoon. Nakapulang bestida si Gemma at napakaganda niya sa ayos ng kanyang buhok. Kulay pula rin ang suot na longsleeves ni Reuben at isang floral na neck tie. Regalo iyon sa kanya ng aking mga magulang para ngayong pasko. Ako ay nakasuot ng puting longsleeves na may kulay abong mga guhit at kulay floral ding bow tie. Ilang taon na rin nang huling beses ko itong masuot.

“Ayan na! Ayan na!” sigaw ni Gemma na hawak pa rin ang kanyang cellphone, “Eight, seven, six…”

Umaapaw sa pagkasabik ang lahat. Nakita ko kung papaanong inabot ni Dad ang mga kamay ni Mom at saka inaya na mas lumapit pa sa gilid ng balkonahe. Si Tito Raul naman ay niyakap nang mahigit ang asawa habang nakatunghay na rin sa kalangitan.

“Three, two, one…” sabay-sabay naming pagbilang.

Hindi ko maialis ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ang liwanag ng mga fireworks at ingay sa paligid. Nilingon kong muli ang aking mga magulang at nakitang hinahagkan ang isa’t-isa, ganoon din sina Tito Raul.

“Eww…” maarteng reaksyon ni Gemma na tinawanan lang namin ni Reuben.

Tinitigan ko si Reuben at iniisip na sana ay mayroon din kaming pagkakataon ngayon na mahagkan ang isa’t-isa. Bigla niya rin akong tiningnan at saka nginitian bago itinuro ang kakambal. Para kaming may iisang isip dahil bigla na lamang namin hinallikan si Gemma sa magkabilang pisngi at saka muling nagtawanan.

NAHIHIBANG NA NGA YATA ako. Ilang araw na rin itong nangyayari sa akin palagi at hindi ko alam kung tama ba na may mga sandaling pinipili ko pa rin itong isipin.

Kahit noong lumuwas ako ng Maynila upang ihatid sa airport sina Mom and Dad kasama ang aking tiyuhin ay halos minu-minutong ito ang palaging sumasagi sa aking isipan. Kahit noong muling mag-umpisa ang klase matapos ang aming Christmas vacation ay halos hindi ko talaga maiwasang hindi maisip.

Ang mapupula niyang mga labi at malambot niyang mga pisngi. Ang bawat paggalaw ng kanyang Adam’s apple sa tuwing magkakausap kami, sa loob man ng klase o sa mall kasama ang iba pa naming mga kaibigan. Maging kanina sa aming pag-eensayo ay ilang beses akong nasisigawan ni Coach Jess dahil sa pamali-mali kong kilos at paglalaro ng bola.

Nang magtungo kami sa locker room upang maligo’t magpalit ng damit ay buong-lakas kong iniwasang mahagip man lang ng aking paningin ang kanyang pawisang katawan. Ngunit sa tingin ko ay hindi ko talaga yata kayang hindi mahumaling na pagmasdan siya kahit na sa malapitan. Kung papaano niya pinupunasan ang katawan dahil sa pawis, ang pagtaas-baba ng kanyang matitipunong mga dibdib dahil sa hingal, at ang paghawi niya sa kanyang basang buhok na nakaharang sa kanyang mga mata—ibang-iba na ‘to kumpara sa mga nauna kong paghanga sa kanya noon.

“Hoy!” batok sa akin ni Benjie na katatapos lang maligo at nagpupunas ng kanyang buhok, “Langawin ‘yang bibig mo kakanganga, gago.”

Bigla kong ibinalik ang aking tingin sa aking locker at iniaayos ang mga damit na susuotin. “I have no idea whatcha talking about, man.”

“Ano, kayo na ba?” bigla niyang tanong.

Agad kong tinakpan ang bibig niya at lumingon-lingon sa iba naming teammates upang makita kung narinig ba nila. “Gago!”

Tinapik niya ang aking kamay at saka natawa, “Gago, ang hina-hina ng boses ko eh.”

“You know that we aren’t really a thing yet.” pagsimangot ko bago muling nilingon si Reuben na naglalakad na papunta sa shower area, “Baka hindi pa ready si Reuben. Of course, I don’t want to pressure him.”

Muling tumawa si Benjie na may pailing-iling pa. “Tinatanong ko lang. Malay ko ba, ‘di ka na nagku-kwento eh.”

Isinabit ko ang aking tuwalya sa aking balikat at saka kinuha ang aking sabot at shampoo, “Dude, I’ll be sure to tell you all about it if something great happens.” sambit ko bago isinara ang aking locker. “Stop talking about it for now.” pagtawa ko matapos siyang marahang hampasin.

“Markus!” sigaw sa akin ni Reuben na sumilip mula sa isang shower cubicle, “Penge shampoo! Wala rito shampoo ko eh.”

Agad na akong lumapit at saka iniabot ang bitbit na bote ng shampoo.

Puno pa ang ibang mga cubicles kaya’t naupo na lang din muna ako sa mahabang upuan sa tapat ng cubicle na gamit ni Reuben. Tanging mga paa lamang niya ang aking nakikita at ang pagdaloy ng tubig at bula mula sa kanyang mga binti.

“Hurry up!” marahan kong sigaw kay Reuben. Hindi ko nga alam kung para saan iyon, marahil ay upang maiba ang takbo ng aking isipan.

Naririnig ko siyang humuhuni-huni pa ng isang awitin na pamilyar, ngunit hindi ko maalala ang pamagat o mga salita sa liriko. Muli kong pinagmasdan ang kanyang mga binti at hindi na napigilan ang sarili na ilarawan ang iba pang bahagi ng kanyang katawan. Inilapag ko ang aking sabon sa aking tabi at saka biglang hinila mula sa aking balikat ang tuwalya upang itakip sa nag-uumpisang bukol na sa aking harap.

Isa kong teammate ang lumabas mula sa isang cubicle sa aking likod kaya’t bigla ako tumayo at pumasok doon habang kagat-kagat ang aking labi. Sa aking paghubad ay hindi ko na napigilan ang aking sarili na hawakan ang galit kong alaga at himas-himasin habang inilalarawan pa rin ang katawan ni Reuben.

Ang sumunod na linggo ay ang aming Intramurals.

Sa dami ng mga school events ay parang naging isang parke ang aming paaralan dahil sa dami ng mga booths at pwesto ng mga paninda. Maging sina Benjie ay may pwesto ng kanilang mga panindang tinapa pesto at iba pang mga produkto mula sa kanilang paninda. Sa pagkakaalam ko ay kahit na noong hindi pa siya rito nag-aaral ay palagi nang may pwesto rito ang kanilang paninda sa tuwing Intramurals o Foundation Day.

Gaya ng inaasahan ay naipanalo naman namin ang laban sa basketball. Hindi sa pagmamalaki, ngunit sisiw naman kasi ang aming mga kalaban. Nakapagtataka nga dahil hindi naman namin iyon inasahan mula sa kanila.

Madalas ko ring makita si Gemma na patakbo-takbo kung saan dahil isa rin siya sa mga abala sa mga gawain rito sa aming paaralan. Dahil huling taon na namin ay hindi na rin siya sumali sa pagandahan o maski iba pang patimpalak. Si Reuben naman ay mas itinuon lamang ang atensiyon sa aming laro at hindi na rin nakisali sa iba pang gawain.

Dahil sa aming pagkapanalo ay binigyan kami ng aming paaralan ng premyo na makapag-hike sa isang bundok sa kanilang bayan. Ang isang resthouse sa taas niyon ay pag-aari ng isa sa mga board members ng aming paaralan. Napuno ng katatawanan ang karanasan naming iyon dahil sa kakulitan din naming magbabarkada kasama ang iba pang miyembro ng aming team. Sa mga ganoong oras din lumalabas ang kakulitan ng aming Coach kaya’t mas maluwag siya sa amin.

Isa sa mga hindi ko malilimutang karanasan doon ay iyong paghabol sa amin ng isang galit na aso—dahilan upang maglitawan sa iba naming mga kasama ang itinatago nilang talent sa pagtili, isa na roon si Benjie. Hindi ko masyadong nakita ang kanilang itsura nang habulin kami ng aso dahil agad ko na lamang hinila si Reuben upang tumakbo habang tumatawa dahil sa tindi ng tili ng aming kaibigan.

Matapos ang aming Intrams ay balik sa dating gawi ang aming mga buhay bilang mga estudiyante. Paminsan-minsan ay nakakapaglaro pa rin kami ng basketball o kaya ay Xbox nang magkakasama, ngunit hindi na rin ganoon kahaba kumpara noon. Mas naging abala na rin kasi kami sa pag-aaral at pagsusumikap na makapagtapos nang may magagandang grado para sa aming pag-aaral sa kolehiyo.

Nakakatuwa dahil kahit na ganoon ay alam kong mas makabubuti sa amin ang ganitong pagtutok sa aming mga pag-aaral. Si Austin na kung noon ay palaging tinatamad at hindi lubusang handa sa tuwing mayroon kaming pagsusulit ay maayos nang nakababawi. Si Phil ay patuloy pa rin sa pagiging good boy, maging si Benjie na mas aktibo na rin ngayon na sumagot-sagot ay magpakitang-gilas sa klase.

Kami ni Reuben ay hindi pa rin nauubusan ng panahon makapagkulitan kahit papaano. Malaking tulong talaga sa akin na palagi kaming magkatabi dahil mas ginaganahan akong mag-aral dahil alam kong palagi niya rin akong inoobserbahan at pinaaalalahanan ng mga bagay na dapat kong pagtuunan pa ng pansin o tandaan.

“Hold on tight,” mahina kong sambit kay Reuben na inaayos ang suot na helmet, “You can hug me, I know you enjoy doing it ‘cause you love touching my abs.” biro ko pa.

“Haha! Gago!” sagot niya bago umakap sa aking likuran, “Up, up and away!”

Ito ang paminsan-minsan naming gawain sa tuwing nais naming makita ang isa’t-isa sa dis-oras ng gabi. May mga pagkakataong nahuhuli ni Gemma sa pagtakas ang kapatid, ngunit ‘di naglaon ay sumasabay na rin siya sa amin kasama si Benjie at ang kanyang motor. Sa tingin ko ay alam naman na niya ang patungkol sa amin ng kanyang kakambal, ngunit hindi ko na iyon masyado pang iniisip. Ang mahalaga ay alam kong masaya rin siya para sa amin.

Sa pagkakataong ito ay nauna sa amin sina Gemma at Benjie sa bayan kung saan kami madalas na nagtutungo. Kung minsan ay pumupunta rin doon sina Phil at Austin sa tuwing may pagkakataon, ngunit kadalasan ay hindi talaga kaya ni Phil na tumakas mula sa kanila.

Hinahalikan ng malamig na hangin ang aking pisngi habang nagmamaneho. Sa aking palagay ay may pamumula na rin ang mga iyon dahil sa tindi ng lamig. Nararamdaman ko rin na humihigpit ang yakap sa akin ni Reuben na marahil ay nilalamig din. Nagtatama ang aming mga helmets na kung minsan ay siyang nagpapatawa sa aming dalawa. Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat at saka nagsimulang humuni-huni ng kung anong kanta. Sa tuwing ginagawa niya iyon ay palagi akong nangingiti.

“Sing it,” mungkahi ko, “Sing it with the actual words…”

Sandali siyang tumawa at saka kinlaro ang boses. Itinaas-baba ko naman ang aking mga balikat upang ipabatid ang aking paghihintay sa kanyang pag-awit.

“Ako’y nakatayo…” pagsisimula niya sa awitin, “Sa lilim ng iyong yakap at halik, ngunit nalulunod pa rin…”

“Nangangarap na,” pagsabay ko, “Maanggihan man lang ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap…”

~Paano ba patitilain ang bagyo

Kung gusto mo lang ay ambon

Paano ba ito ohhh…~

Nangusap sa akin ang mga salita sa liriko ng awiting iyon. Matagal-tagal na rin akong nag-iisip kung ano nga ba talaga ang mayroon sa amin ni Reuben sa ngayon. Saan nga ba kami patungo? Paano kung ang langit na akala nami’y nagbabadya ng ambon o bagyo ay kinatitirikan pala ng araw o kinukumutan lamang pala ng mga nagtitingkarang ulap?

May kaunting kalayuan pa kami sa bayan, ngunit nakita ko ang ganda ng buwan na aming tanaw sa ‘di kalayuan kaya’t inihinto ko ang motor sa isang tabi. Nasa ilalim kami ng isang puno at kita ang kabuuan ng probinsiya mula sa bangin sa tabi niyon.

“Baka mainip dun sila Benjie?” nakangiting sabini Reuben matapos makababa ng motor.

Bumaba rin ako’t tinanggal ang suot na helmet bago ipinatong sa upuan ng motorsiklo. Tinanggal ko rin ang helmet ni Reuben at saka bigla siyang hinalikan sa labi. Nakapikit ako dahil takot akong makita ang pagkalito sa kanyang mga mata o pagkagulat, ngunit bigla niya akong niyakap at gumanti rin sa aking halik.

Parang huminto ang oras. Ang pakiramdam ko’y parang naglulutangan sa paligid ang mga bato’t tuyong dahon mula sa lupa. Unti-unti kong imunulat ang aking mga mata at nakitang siya ay nakapikit din.

Tumagal iyon ng ilang sandal bago kami tahimik na nag-akapan habang tinatanaw ang tahimik na bayan at makislap na kalangitan.

“You know I love you, right?” mahinahon kong sabi, “I hope you do.”

“I do,” sagot niya, “Alam na alam ko.” Sandali siyang tumawa, “Mahal din kita, Markus.” Hinigpitan niya ang pag-akap sa akin, “You’re the most important person in my life right now.”

Hindi ko alam kung ano ang gagawin dahil sa sobrang saya. Nais kong magtatalon sa tuwa at sumigaw, ngunit alam ko namang hindi ko iyon magagawa sa ngayon. Mahigpit ko rin siyang niyakap habang tumatawa-tawa. “Thank you,” sambit ko, “I’m glad, Reuben. I’m glad.”

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Hiraeth The Old Chapters (Part 3)
Hiraeth The Old Chapters (Part 3)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEif7-rIbYakIFcRmgH3iPx69BI_jNFg5AzaP_hCD08qdXMy_k4zQPmYpMGre4lIfQ7B_mcW_ZCSow7ujWFMcv9xJbDzDz31L-kQs5pN2Jw__FetOdmUXoHHfAwMbrHU9W_pYuRH7gmNqgj2/s1600/31928309_181828022477336_3479703196648079360_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEif7-rIbYakIFcRmgH3iPx69BI_jNFg5AzaP_hCD08qdXMy_k4zQPmYpMGre4lIfQ7B_mcW_ZCSow7ujWFMcv9xJbDzDz31L-kQs5pN2Jw__FetOdmUXoHHfAwMbrHU9W_pYuRH7gmNqgj2/s72-c/31928309_181828022477336_3479703196648079360_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/07/hiraeth-old-chapters-part-3.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/07/hiraeth-old-chapters-part-3.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content