$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Roommate Romance (Part 14)

By: N.D. List Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na aabot ang sitwasyon sa ganito. Ang totoo nyan mas gusto ko talagang mag-isa lang s...

Roommate Romance

By: N.D. List

Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na aabot ang sitwasyon sa ganito. Ang totoo nyan mas gusto ko talagang mag-isa lang sa bahay. Sanay akong walang kasama. Independent. Nag-iba yun nung dumating si Mico at tumira sya sa unit ko. Nag-adjust ako dahil mula sa tahimik na bahay, bigla akong nagkaroon ng kasamang bata. Makulit. Masaya. Carefree. Masiyahin siyang bata. Mahilig manggulat. Mahilig tumawa. Benta lahat ng mga patawa ko sa kanya.

Mabait na bata is Mico. Marunong syang makisama kaya madali ko syang nakagaanan ng loob. Malambing din. Maakbay. Minsan pag naglalakad kami sa Mall bigla nalang syang aakbay sa'kin na parang isa ako sa mga "tropa" nya. Medyo nailang ako nung una dahil hindi naman ako sanay sa ganon. Pero eventually nakasayan ko na din.

Naging malapit kami sa isa't isa ni Mico na para kaming magkapatid. O higit pa. Kapag dumaan ang isa sa amin sa fastfood o sa starbucks para mag take-out ng pagkain, automatic na bibilhan din ang isa. Pinagtitimpla namin ng kape ang isa't-isa. Umabot sa punto nagagawa nyang uminom sa baso na ininuman ko. Gamitin ang kutsara na nagamit ko na. Nung nag-outing kaming magbabarkada sa Hong-kong, magkasalo kami sa pagkaing ino-order namin para makatipid kahit ako lang naman ang kailangan magtipid. Magkasama din ang aming mga gamit sa iisang maleta. Siguro dun nag umpisa na pagtsismisan na nagkakagustuhan na kami. Napaka-unusual nga naman para sa dalawang lalaki ang maging ganun ka close. Kahit nung time na yon wala naman talagang malisya sa aming dalawa. Basta nalang nangyari. Mahirap paniwalaan pero kapatid lang ang turing ko sa kanya non. At sya rin naman sakin. Or at least yun ang akala namin.

Pinagpiyestahan yun sa opisina. Lalo na ng Tropa ni Jael na dati kong kapitboarder at kaibigan. Na naging kaibigan din naming dalawa. Siguro dahil sa inggit dahil nauna akong umasenso sa opisina. Naging tampulan ako ng tukso. Behind my back, kung ano-anong bulungan ang nadidinig ko. Sumama ang loob ko sa mga dati kong kaibigan na nakisalo sa mga tsismis nila sa pagkalalaki ko. Sabagay tama naman sila maliban lang sa pagdududa nila na nagte-take advantage ako kay Mico.

Pero mas sumama ang loob ko nung nalaman ko na nakikisali pa pala sya sa mga kaguguhan nung mga yon. Halos sumabog ang dibdib ko sa sama loob. Pagkauwi ko ng bahay ay humahagulgol ako habang paulit-ulit kong binubulong ang "putangina nya!". Nanginginig ang labi ko at halos tumulo na ang laway ko sa kakahikbi. Pakiramdam ko, natraydor ako. Para bang pinatitigas mo ang tiyan mo para matiis ang lahat ng suntok ng mga tao, tapos bigla kang tatadyakan sa ngipin ng kaibigan mo.

Pinaalis ko ng bahay si Mico. Nagdahilan nalang ako para umalis sya. Binigyan ko sya ng ilang araw para makahanap ng lilipatan. Lumipat sya kay Jael. Putangina din eh. Ang layo naman ng move on nya. Sa kabilang pinto lang. Umuuwi lang ako nun para matulog dahil ayaw ko syang makita. Ayokong makita ang mukha nyang maamo na parang anghel pero gagaguhin din naman pala ako.

Nalulong sa inom si Mico nung pinaalis ko sya. Umuwi sya ng lasing na lasing minsan at kumatok sya sa pinto ko imbes na sa pinto nila. Halos naka-handusay na sya nung pinagbuksan ko sya ng pinto. Pinasok ko sya. Pinaliguan at binihisan. Siguro dahil matagal ko syang hindi nakasama kaya bigla kong naramdaman na namiss ko din sya. Dun nagsimulang gumaan ulit ang loob ko sa kanya at pakonti-konti ay nagka-ayus kami. Pero nag-iba si Mico mula nung nangyari yon. Naging mas affectionate sya physically. Mahaplos. Madalas din syang naghuhubad at nagbibihis sa harapan ko na para bang wala lang sa kanya. Hindi ko alam kung paano nangyari pero nagsimula na din akong magkaroon ng physical attraction sa kanya at dun nagsimula ang lahat.

Ganyan ang pagka-kwento ko kay Joshua kung paano ako nagkaroon ng kaugnayan sa kapatid nya. Ang awkward lang pero napilitan na akong magtapat sa kanya dahil nadulas ako tungkol sa aming dalawa ni Mico.

Pero bago pa nangyari yang ay balikan muna natin yung pagsasabi ni Mico out of nowhere na hihiwalayan nya si Camille na girlfiend nya na kaibigan ko, para ituloy ang kung ano man ang meron sa'min dalawa.

"TL, makikipaghiwalay ako kay Camille. Ikaw ang mas mahal ko. Hindi ko kayang mawala ka sakin."

Hindi ko alam ang magiging reaction ko sa sinabi nya. Pinipilit kong ayusin ang buhay ko ng burahin sa isip ko ang nangyari samin nitong mga nakaraang linggo tapos heto sya't guguluhin nanaman nya.

"Punyeta, Mico! Ano nanamang kagaguhan ito? I don't have the energy for this anymore." napalakas ang boses ko.

"Nagkamali ako TL. Akala ko kaya ko pero hindi ko pala kaya. Ikaw ang gusto kong kasama. Ayokong humiwalay sa'yo kahit kailan." nag-aalangang sagot ni Mico.

"Dammit, Mico! Hindi pwedeng ganito na parang trial and error. Hindi lang naman ikaw ang affected dito. Unfair 'to saming dalawa ni Camille. Tangina feeling mo naman saksakan ka guwapo!"

Naisip ko, saksakan nga naman pala talaga sya ng gwapo. Pero gago sya! The nerve!

"Nag-isip nako ng matagal, TL."

"Fuck! Anong matagal? Isang oras? Magdamag? I can't play this game anymore, Mico. You have to make up your mind. Hindi yung pag nalibugan ka o pag na-insecure o nagkaroon ng separation anxiety bigla ka nalang magbabago ng isip."

Tumayo ako ng padabog at iniwan ko si Mico sa kama ko at lumipat ako sa kama nya. Natahimik kami.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nadinig kong bumibigat ang hiningi ni Mico. Malapit nag mauwi sa hikbi. Naramdaman kong nahihirapan sya pero mas nararamdaman ko ang paghihirap ng dibdib ko. Pinilit kong kumalma at mag-isip. Pagkatapos ng ilan pang minuto ay ang nagsalita ulit ako.

"Give it a week, Mico. If you still feel strongly about this after a week, then mag-usap tayo. Until then, please give me time to live my life normally. Dahil sa totoo lang pinipilit ko paring maging normal despite..." hindi ko na natuloy ang gusto kong sabihin. I felt exausted.

***

Pinilit naming mamuhay ng normal nung mga sumunod na araw. Balik trabaho. Magandang diversion din ang work. Saka isa pa kailangan din naming maghanapbuhay. Lalo na ako. Baka mamaya kanserin ako sa stress na nararamdaman ko. Kailangan kong mag-ipon ng panggamot sa sarili ko.

One week. Siguro naman sapat na yon para mapag-isipan ni Mico kung ano talaga ang gusto nyang gawin sa buhay nya.

Pero hindi din nakatagal ang gago. Pauwi na ako nun from work ng maka-receive ako ng text sa kanya.

"Kuya, mgkikita kami ni Cams sa rooftop ng bldng nila mmya. Tanggapin mo man ako o hindi decided nako. Ikaw ang mahal ko."

Bumilis ang tibok ng puso ko at nag-init ang tenga ko. Tinawagan ko sya ng maraming beses pero hindi sya sumasagot. Unang pumasok sa isip ko si Joshua. Hindi ko alam kung bakit pero sya ang una kong naalala. Tinawagan ko sya at sinabihan ko na pupunta ako sa condo nya. Nag worry sya at tinanong ako kung ano ang meron. Sinabi ko sa kanya na gusto ko lang syang kausapin.

***

Sobrang awkward nung pumasok ako sa condo ni Joshua. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. I don't even know why I'm there actually.

Kinuha nyako ng kape sa coffee maker at kumuha sya ng sa kanya.

"Anong meron? Nag-resign ka na ba?"

Natuwa ako na nagsalita sya. Hindi ko kasi alam kung paano mag-uumpisa.

"No... I... hmmm... Listen, Josh... yung nangyari sa'tin..."

"What about it?"

Naramdaman kong may namumuong luha sa mga mata ko. Hindi ko alam ang susunod kong sasabihin.

"Are you alright?"

"Yeah, ahm okay. Listen, Josh.... remember I told about... aahm... that I'm trying to fix things between me and..."

"Oo, I remember" sagot nya nung hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin.

"I'm just... I just thought maybe... maybe it's not right that... you know." gumaralgal ang boses ko.

Isang hikbi ang kumawala sa dibdib ko at hindi ko napigilan. Tuluyan nakong umiyak. Tinakpan ko ang bibig ko pero wala akong nagawa. Sunod-sunod ang pinakawalan kong mga hikbi. Nahiya ako sa kanya pero hindi ko na napigilan.

Tumayo si Joshua at niyakap ang ulo ko palapit sa tiyan nya. Masuyo nyang hinagod ang likod ko. Joshua would have been a perfect partner for me. He can give me comfort pag nasasaktan ako. I'm sure I can do the same for him. Nung nag-vent sya sa'kin tungkol sa problema nya sa pamilya nya, I'm sure it somehow made him feel better just being able to talk about it with somebody. We're on the same page on a lot of things. Nagkakaintindihan kami. Gwapo sya. Magaling sa kama. At sa palagay ko, tanggap nyako. Nasa kanya na ang lahat...

...Pero hindi sya si Mico. He is everything but he is not Mico. Si Mico ang mahal ko.

"So... what will happen to our plans now?" basag ni Joshua.

"I don't know." Sinalo ko ang ulo ko ng dalawang kamay ko na nakasiko sa mesa pero kaagad kong inangat ulit ang ulo ko at tumingin sa kanya. "Yes, I still want to pursue that business. Kung maging okay ang lahat sa current... relationship ko... I'm just not sure if I can do it knowing na baka masaktan ang mahal kong tao pag nalaman nya ang tungkol sa'tin."

"Why should it?" tanong ni Joshua.

Tumingin ako sa kanya. Wala akong nasagot. Hindi ko masabi sa kanya na mas kumplikado ang sitwasyon dahil ang taong sinasabi ko ay kapatid niya. Ni hindi ko nga alam kung alam nya na may manifestation ng homosuality ang kapatid nya.

"Technically, hindi ka naman commited when we had sex 'diba? We didn't do anyting wrong. We both liked it. We don't have to do it again if the situation has changed. If YOUR situation has changed. That is just one night. Let's just stop it. Tapos!" malumanay na sabi nya. Wala ni katiting na emosyon.

Natauhan ako. Nasaktan ng konti. I felt like I was putting too much weight on something na wala namang kwenta pala sa kanya.

As if nabasa ni Joshua ang iniisip ko. Bumawi sya.

"Look, don't get me wrong. I think you're a good person. A decent person. Hindi ka mahirap mahalin Gab. If you're not in that kind of situation now, I think I'm even open to find out how I really feel about you. See if... you know, if it's something I can... I dunno."

"Ang hirap maging bakla ano?" natanong ko sa kanya out of exasperation. "Parang hindi sapat ang pagmamahal para isang relasyon. Andaming complications. Putangina!"

"Kahit naman ang heterosexual relationship ganon din, Gab." sagot nya. "No one is spared. All is fair in love and war." Mahugot ang pagkasabi ni Joshua.

Natawa ako ng bahagya. Bukambibig ko kasi yon. And yet here I am whining as if the world is being unfair to me.

Hinawakan ni Joshua ang magkabilang pisngi ko.

"We're both decent adults, Gab. Let's go ahead with our plans. We're professionals. Saka magkaibigan naman tayo diba?".

Tumayo ako at pinunasan ang mga luha ko. Hinawakan ko ang mukha nya ang inilapit ang labi nya sa labi ko. Hinalikan ko sya. Banayad nung una hanggang sa diniin ko ang labi ko sa labi nya. Gumanti si Joshau. Mga ilang segundong magkadikit ang aming mga labi bago ko sya binitawan.

Ngumiti ako sa kanya.

"What's that for?" tanong nya.

"Ewan ko. Goodbye? Sorry. I'm not sure it's right but I just had to do it."

"It's okay. I understand. I'm happy we did it. Siguro nanghihinayang ka sakin ano?" awkward ang pagtawa nya but I'm glad he broke the tension. Nagtawanan kami.

"Hindi! Naisip ko lang na lugi ako kung halikan din ni Mico si Cams pag nagpaalam sya."

Nanlaki ang mga mata ko nung narealize ko na nadulas ako. Tumingin ako sa kanya. Hindi ko maipinta ang mukha ni Joshua.

Nakatutok ang mga mata nya sa'kin pero tumatagos ang paningin nya sa malayo. Lagpas sa mata ko. Lagpas sa dingding ng condo nya. Tulala nyang kinapa ang upuan sa tabi nya saka sya dahan-dahang umupo. Ito yung hitsura ng mga tao na pinapainum nila ng tubig para kumalma sa mga lumang pelikula. Tapos ginagawa na din sa school. Para namang mawawala ang problema mo pag uminom ka ng tubig. Parang kayang i-wash out ng tubig ang totoo.

Hindi ako kumuha ng tubig. Dahan-dahan din akong umupo. Kabado ako nung pumunta ako dito. Mas lalo na akong kinakabahan ngayon.

Matagal bago ako nagsalita.

"Im sorry, Josh. I'm not sorry that it happened pero... dahil hindi namin nasabi sayo." Mahinang sabi ko.

Tumingin sya sa'kin.

"Hindi nyo naman obligasyon sa sabihin sa'kin. Nasa tamang edad na si Mico," usal ni Joshua.

Naibsan ako ng konti sa sinabi nya. Level-headed na tao si Joshua. Open-minded. Sa kaunting panahon na nakilala ko sya, alam ko na mature sya. Fair.

"Sorry, hindi ko lang in-expect. I'm sure mamahalin mo naman si Mico. Of all people, ako ang dapat makaintindi sa kanya pero... ewan ko... nag-aalala lang ako sa kanya. Baka mahirapan sya."

"Josh..."

"Kelan pa yan?" putol nya.

Ikinuwento ko sa kanya kung paano nangyari ang lahat. (Pakibasa nalang sa umpisa ng chapter).

Iniwan ko syang nag-iisip. Digesting everthing I said.

Mahirap ang "pagpapaalam" ko kay Joshua but that is not even half of what Mico needs to deal with. What WE need to deal with. I'm sure madugo 'to. Parang Game of Thrones.

***

Mabilis akong pumunta sa rooftop ng building nina Camille. Hindi ko na nahintay ang elevator. Tumakbo nako paakyat ng hagdanan. Humahangos ako nung makarating ako sa rooftop. Mabagal akong humakbang papalapit sa bukas na glass door palabas ng rooftop. Nakita ko sa Camille na naglalakad palapit sa'kin. Papunta sa hagdanan. Mabagal nung una hanggang sa binilisan nya at halos tumatakbo na sya. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko habang papalapit sya sa'kin.

Nagdilim ang paligid ko nang isang mabigat na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Sumunod kong nadinig na patakbong bumaba si Camille sa hagdanan. Umaalingawngaw ang paghikbi.

Napasandal ako sa pader at natulala. Gusto ko syang habulan pero ano naman ang sasabihin ko sa kanya? Na mahal ko sya at hindi ko intensyon na saktan sya kaya sinikreto ko na nagkaroon ako ng ugnayan sa boyfriend nya? Na mahal na mahal sya ni Mico pero mas mahal ako kesa sa kanya kaya hihiwalayan na sya? Baka ibigay din nya ang asawa ng sampal na kakabigay lang sakin.

Napaupo ako at sumandal sa mga bakal na nakapalibot sa hagdanan. Tulala. Naramdaman kong umupo at sumandal din sa tabi ko si Mico. Tumingin ako kanya pero hindi sya tumingin sakin. Nakatingin lang sya sa malayo. Tumingin din ako kung saan sya nakatingin. Matagal bago sya nagsalita. Pero ano pa bang sasabihin nya hindi ko alam? Alam naman namin pareho kung gaano kahirap ito. It's not like we were expecting na magiging madali ang lahat. Nasabi na namin. Tapos na. Pero yun ang akala ko.

"Kuya..."

Tumingin ako sa kanya.

"Buntis si Camille, kuya."

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Roommate Romance (Part 14)
Roommate Romance (Part 14)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjMbHU5s2o1VCbFvm4q42jso3Z-XpQJgz7-WWd3jQd7xuy8RJvvpzGWku33P6IdqdqwlyDQdhv2kp2-bDHacTVhFGw0KJ5jt0FnDWwHK8f4_bm78VKhjjTpkXmkYlK6sKmF4SDGoqGvru3z/s1600/Roommate+Romance.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjMbHU5s2o1VCbFvm4q42jso3Z-XpQJgz7-WWd3jQd7xuy8RJvvpzGWku33P6IdqdqwlyDQdhv2kp2-bDHacTVhFGw0KJ5jt0FnDWwHK8f4_bm78VKhjjTpkXmkYlK6sKmF4SDGoqGvru3z/s72-c/Roommate+Romance.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/07/roommate-romance-part-14.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/07/roommate-romance-part-14.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content