$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Apollo's Hyacinth

By: SadBoy Author's Note: Sa lahat po ng nakabasa nung "Two Sides of Him" this is the same story. Naiba lang po ang title a...

Apollo's Hyacinth

By: SadBoy

Author's Note: Sa lahat po ng nakabasa nung "Two Sides of Him" this is the same story. Naiba lang po ang title at names ng main characters since gusto kong magkaroon sya ng ibang tema.

Isang buwan na ang nakalipas simula nang mamatay sa aksidente ang pareho kong mga magulang. Di ko akalain na ang pagsundo nila dapat sa akin noon galing Amerika ang magiging mitsa ng kanilang kamatayan.

"Jace, pumasok ka na muna doon sa kwarto mo at sigurado kong napagod ka sa biyahe." wika ng Tita Risa ko na siyang kapatid ng aking ina. Tumango na lamang ako at nagtungo sa pinto malapit sa hagdan ng ikalawang palapag ng bahay ngunit sa di inaasahang pangyayari ay nagulat ako sa aking natanaw. Naibagsak ko ang dala kong bag at umalingawngaw ito sa loob ng kwarto dahilan upang magising ang dalawang taong natutulog.

"Ano ba yan?! Istorbo." wika niya na tila ba nagbigay ng ilang boltahe ng kuryente sa aking sistema.

"A-Apo... Ah M-Marcus..." tanging mga salitang namutawi sa aking mga labi dahil bakas pa rin sa akin ang pagkagulat sapagkat pareho silang walang saplot.

"Tsk. Sa kabila ang kwarto mo at hindi rito." bumuntong hininga siya at doon na ako bumalik sa realidad. Isinarado ko ang pinto at nagtungo sa kabilang kwarto.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa higaan at pumikit panandalian upang iproseso sa isip ko ang mga nangyari kanina. Ang laki na ng pinagbago niya. Di ko na nga alam kung siya pa ba yung Apollo na kilala ko ngayong mas kilala na siya bilang Marcus.

Pamangkin ni Tito Leo, na asawa ni Tita Risa, si Marcus. Katulad ko ulila na rin siya, buhay man ang kanyang ama ay nananatili ito sa isang Mental Institution dahil sa sakit nito sa pag-iisip na siyang naging sanhi ng pagpatay nito sa kanyang ina noong siya ay siyam na taon pa lamang. Bilang pinakamalapit na kamag-anak kinupkop siya nila Tito Leo at Tita Risa at pinalaki. Gayunpaman, di naging madali kay Marcus ang pag-aadjust lalo na't mukhang di sya nagustuhan ng anak nila Tita na si Kuya Francis na mas matanda sa amin ng tatlong taon. Naging mailap siya pero dahil na rin siguro roon ay naging magkaibigan kami dahil masasabi kong ako yung sobrang makulit noong bata ako at di ko sya tinigilan hanggang sa naging magkaibigan kami. Ako lang ang hinahayaan niyang tawagin siya bilang Apollo dahil sabi niya ako lang daw ang kakampi niya noong mga panahong iyon.

Hindi rin ganoon kaperpekto ang buhay ko noon lalo na't masyadong perfectionist ang aking ama at wala namang magawa noon ang aking ina. Di ko naranasan mabuhay na katulad ng isang ordinaryong bata noon. Laging libro at piano ang kaharap ko noon. Kaya naman tuwing bumibisita ang mama ko noon kila tita Risa ay kinukulit ko siyang isama ako upang makapaglaro kami ni Apollo. Naging normal ang ganoong sistema hanggang sa isang di inaasahang pangyayari. Nakawala sa Mental ang ama ni Apollo at naging mitsa iyon ng pagtatalo nila tita at tito dahil nangangamba si tita para sa kaligtasan nila. Nagpunta noon sa amin si Apollo na umiiyak pero mapaglaro ang tadhana at bigla kaming dinakip ng kanyang ama. Naging hostage niya kami sa loob ng halos isang linggo at humihingi siya ng ransom na 10 Milyon para sa kalayaan ko. Sinabi niyang gagamitin niya ang pera upang makapagsimula mula sila ng panibagong buhay ng kanyang anak ngunit bakas noon sa mga mata ni Apollo ang lubusang pagtanggi.

Dumating ang mga pulis at muling nadakip ang ama ni Apollo. Nakaligtas kami ngunit nagkaroon ng malaking lamat dahil doon ang pagkakaibigan namin. Naging mas mabigat para kay Apollo ang pagtira kila tita at nagkaroon din ng galit ang aking ama sa kanya dahilan upang di na kami normal na magkita. Dahil na rin sa trauma ay iniwasan ko na rin siya tuwing klase at di ko na siya pinapansin kung dadalaw man kami sa kanila. Tuluyan na kaming nagkalayo sa madaling salita.

Dumating ang graduation namin sa elementary at magsisimula na kami bilang high school students pero di na naibalik pa ang dati naming samahan. Nakapagdesisyon noon si papa na pag-aralin ako sa Amerika at dahil wala naman kaming magagawa ni mama sa kanyang desisyon ay pumayag na kami. Personal akong nagpaalam noon kila tito, tita, at kuya Francis. Di na ko umasang makakapagpaalam ako noon kay Apollo kaya mabilis na rin akong umalis. Ngunit di ko inaasahang magtatagpo kami sa labas ng kanilang bahay.

"Aalis ka na?" tila ba isang baldeng yelong bumuhos sa akin ang epekto ng kanyang tinig.

"U-uh, oo didiretso na ko sa airport." halos pabulong kong sabi.

"A-Apo..." balak ko sanang humingi ng tawad sa ginawa kong pag-iwas sa kanya noong mga panahong mas kinailangan niya ng kakampi ngunit tila binuhusan na naman ako ng isang balde ng yelo sa kanyang sinabi.

"Marcus, tawagin mo kong Marcus simula ngayon." di ko pa man din nasisimulan ay malinaw na sa akin. Bumitaw na siya sa pag-asang magiging magkaibigan kaming muli.

Di ko alam pero parang kinukurot ang puso ko nang mga sandaling iyon. Wala na si Apollo at doon ko iminulat muli ang mga mata ko. Di ko napansing may isang patak ng luha ang kumawala sa aking kaliwang mata.

Inayos ko na ang aking mga gamit at nilinis ang kwarto. Sa di sinasadyang pagkakataon ay nakita ko ang babaeng katabi kanina ni Marcus sa kama na unti-unting bumababa sa bintana ng kanyang kwarto at tumakbo palabas sa may bakuran. Di ko na lamang ito pinansin at nagbihis na at napag-isipan kong bumaba na muna. Pagsarado ko ng pinto ng aking kwarto ay siya namang pagbukas ng pinto ni Marcus. Nagkatinginan kaming dalawa ngunit di nagtagal ay siya na rin ang umiwas. Papalapit na ko sa may hagdan nang bigla siyang bumulong.

"Huwag na huwag mong sasabihin kila tita ang nakita mo kundi malilintikan ka."

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Apollo's Hyacinth
Apollo's Hyacinth
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiDbH2lFFy4C_EsmejCR4M9GVxDirvxwB4wl3bZq3aNDH09d7xPpveFADR9YMrFFXRT_28TRWzVgvu2y2wUsmSteJYPdqLCxl0ulwlZYEQSeyjQdwW-xi8KoKE5hG-cY-DcdEjAwd3f6QXq/s1600/39391811_1856662931066942_2084787235831414784_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiDbH2lFFy4C_EsmejCR4M9GVxDirvxwB4wl3bZq3aNDH09d7xPpveFADR9YMrFFXRT_28TRWzVgvu2y2wUsmSteJYPdqLCxl0ulwlZYEQSeyjQdwW-xi8KoKE5hG-cY-DcdEjAwd3f6QXq/s72-c/39391811_1856662931066942_2084787235831414784_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/08/apollos-hyacinth.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/08/apollos-hyacinth.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content