$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Plot Twists (Part 1)

By: Aristotle Nagsimulang magbago ang buhay naming lahat tatlong taon na ang nakakaraan nang magising na lamang ako dahil sa ingay mula s...

Plot Twists

By: Aristotle

Nagsimulang magbago ang buhay naming lahat tatlong taon na ang nakakaraan nang magising na lamang ako dahil sa ingay mula sa kwarto ng ate ko. "Nababaliw ka na ba?", sigaw ng tatay ko. Kahit umiiyak, pinagpatuloy ng ate ko ang pagbuhat ng kanyang bagahe at dali daling bumaba ng bahay. Tumakbo ako sa balcony at dumungaw sa baba. Doon, nakita ko ang isang lalaking nakasuot pang-pormal, nakasandal sa kanyang sasakyang itim. Doon ko lamang nakumpirma na tutuoo nga ang mga balitang kumakalat. Halos mahimatay ang nanay ko sa pagpigil sa aking kapatid ngunit di siya nagtagumpay. Mula sa taas, pinapanuod ko ang isang malateleseryeng eksena kung saan si Juliet ay sa wakas, nakipagtanan kay Romeo.

Plot Twist: She fell in love with a married man

***

Hindi masyadong siksikan ang bus papuntang syudad. Isang milagro. Sapat lang ang temperatura upang hindi ako sobrang pagpawisan. Sa katunayan ay nakuha ko pang pumwesto ng maayos sa upuan. Magsisimula na ang pasukan sa isang araw. Isang pribadong unibersidad ang pinapasukan ko. Huling dalawang taon ko na ito sa kolehiyo. Huling dalawang taon ng pagtitiis. Nakakapagod na kasing makitungo sa mga taong patalikod kung sumaksak. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa aking apelyido, o dahil sa kabaliwan na ginawa ng kapatid ko. Di ko man itanong, alam kong maging mga kaklase't kaibigan ko ay kinakagat na din ang balita. Tutoo naman kasi.

"Kaw bata ka, nasundo ka sana ni Dante di mo man lang sinabi", sabi ni Tita Roselle sa akin. Sinalubong niya ako sa bus terminal. "Okay lang, Tita. Tsaka wala naman akong dalang gamit". Tuwing pasukan, kina Tito Roselle at Tito Dante ko nakikituloy. Pinsan sila ng Nanay ko, ngunit parang anak nadin ang turing nila sa akin. Abala ang parehong mga magulang ko sa negosyo, kaya't sila na lamang ang nagpresenta na maging magulang ko sa tuwing nasa Cagayan de Oro ako. Wala kasi silang anak, at may katandaan nadin sila.

***

Naging typical lang ang mga araw. Naging abala na din ako sa mga requirements at napapadalas ang pag-aaral ko sa isang coffeeshop malapit sa aming paaralan. Naging Study Hub ko na iyon. May nga araw na kailangan kong humanap ng ibang lugar dahil nagkataon ding mahilig mag-aral ( o tumambay ) sina Cha at barkada niya. Si Cha ay anak ni Rommy Tuazon, isang negosyanteng may-ari ng isang hardware store.

Ayaw ko sa kanya dahil una, nahihiya akong makitungo. Pangalawa, ayaw ko nang maging komplikado pa lalo ang aking buhay. Pangatlo, kapatid ko ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya nila. Iyon na nga, at naranasan namin ang bagsik ng nanay niyang mala Cheri Gil nung halos magwala siya sa gate ng bahay namin at hinahap ang kapatid ko. Wala kaming nagawa kundi tumawag ng pulis upang matigil na ang lahat. Halos mangisay ang nanay ko dahil sa kakaiyak. "Ano nalang ang sasabihin ng mga Amiga ko!", ang paulit ulit niyang sinasabi.

Naging abala ako sa pag-aaral habang kinakain ang doughnut na inorder ko. Pumasok ang isang lalakeng pamilyar sa akin. "Uy!", mahina niyang pagbati. Ngumiti lamang ako bilang pagbati sa kanya bago siya dumiretso ng counter. Ka-klase ko si Ronnie sa tatlong minor subjects. Engineering student siya at transferee kaya naman irregular ang kanyang schedule at may mga subjects siyang nasa department namin. Napayuko ako dahil bigla akong nahiya. Ewan ko ba. Agad kong inayos ang aking buhok at naalalang hindi pa pala ako nakakabalik sa barbershop. Hinimas ko ang aking baba. "I need a shave", bulong ko.

Ilang minuto pa ay pumasok ang isang grupo ng mga studyanteng maiingay. Hindi akong nagpahalata na napansin ko ang pagpasok ni Cha at kunwari nakatuon lang ang mga mata ko sa aking libro. Umupo sila kung saan nakapwesto si Ronnie. "Aga!", narinig kong sabi ng kasama nila. "Late lang kayo", narinig kong nagsalita si Ronnie. Madami silang pinag-usapan ngunit isa lang ang hindi ako maaaring magkamaling narinig ko.

"He's THE brother, right?"

"Your voice Jill!"

"Sorry!"

"Let him hear"

"Haha! baliw!"

Hindi ko alam kung napalakas lang ang kanilang bulungan o sinasadya nilang marinig ko iyon. Agad akong nagligpit ng gamit at lumabas ng coffee shop. Nadismaya ako dahil sa mga narinig ko. Isa sa rason kung bakit di ko magawang makipagkaibigan kay Ronnie ay dahil narin magkaibigan sila ni Cha. Hindi ko na alam kung anu-ano na ang mga nakarating na balita. Kahit hindi ko man kilala ng lubusan si Cha, alam kong marami ang nagagawa ng galit. Hindi ko na iisipin iyon. Masyado nang kumplikado.

***

Naglalakad ako ng mabilis sa hallway dahil maagang natapos ang isang subject namin. Napatigil ako dahil sa pagtawag sa akin ng isang boses mula sa likod.

"JC!", lumingon ako at nakita ko siyang hinihingal, ngunit bakas sa mukha niya ang kanyang ngiti na di ko ikakailang gustong guto kong makita.

"Oh, Bai! ( oh, pre! )

"Bilis mo namang maglakad.", inayos niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay, kasabay ng pagpunas niya sa kanyang pawis sa noo.

"Sorry. Bakit ba?", mahina kong tanong.

"Do you have a partner for the paper?"

"Wala pa eh."

"Good! Tayo na lang!", ngumiti siya sa akin.

Hindi ko alam ngunit nangilabot ako sa sinabi niyang iyon.

"A-h, okay.", pautal kong sagot.

"Give me your phone", inabot niya sa akin ang palad niya.

Tinaas ko ang dalawa kong kilay dahil nabigla ako sa sinabi niya.

"Give me your phone. I'm going to save my number."

"O-okay. Here."

Nagpaalam na siya at nauna nang tumungo ng parking lot. Habang papalabas ako ng gate ng university, hindi ako mapakali sa kakaisip na sa unang pagkakataon, nagkausap kami ni Ronnie. Hindi ko lang alam kung dapat ko na ba siyang i-text. Ano kaya ang sasabihin ko?

***

Nakauwi ako nang nakangiti. Hindi ko maitago ( Pagbigyan niyo na ). Pansin ko din ang mga tingin sa akin nina Tito at Tita. "Masaya ah", sabi ni Tito Dante. "Anong meron, hijo".

"Naku ito na yata ang hinihintay natin Dante, mukhang may gilfriend na si JC!"

"Alam na ba to ng nanay mo?"

Sunod-sunod ang nga tanong nila sa akin. Agad akong napainom ng tubig at napabuntong hininga.

"Wala po. Masaya lang", sabi ko.

"Sus. Basta wag agad mag-aanak ah", pabirong sabi ni Tito.

"Dante!"

"Biro lang"

Halos maibuga ko sa ang pagkain ko sa mga sinabi ni Tito. Nauwi din naman kami sa tawanan. Nahiga na ako nang mag-isip kung ano ang pwede kong itext kay Ronnie. Natagalan din ako sa pag-iisip then I started typing:

"Hi Ronnie. JC here"

Agad naman siyang nagreply.

"JC! Let's meet tomorrow? I'll bring some samples for our research"

"Ok", ang tanging sagot ko.

***

Sa loob nang tatlong linggo, nakilala ko ng kaunti si Ronnie. Bagamat matipid ako sa pagbabahagi ng mga detalye tungkol sa buhay ko tuwing napapag-usapan namin ang mga kani-kaniyang buhay, alam kong marami na siyang alam tungkol sa sakin, o narinig na mga bagay tungol sa aming pamilya. Sa loob din ng tatkong linggo ay mas lalo pang nahulog ang loob ko sa kanya.

"So, same pala tayo ng Highschool. Bakit di kita napansin?"

"I was one batch lower", sagot ko sa kanya.

Napag-alaman ko din kung bakit siya lumipat ng paaralan mula sa isang prestihiyosong unibersidad sa Davao. "Sort of Bad Bloods", tanging naging sagot niya. Hindi ko man naintindihan ng lubusan ang mga sinabi niya, hindi narin ako nagtanong ng kung ano pa. Magtatanong sana ako kung paano niya naging kaibigan si Cha, ngunit mas pinili ko nang manahimik na lamang at sa halip, tinanong ko siya kung bakit pinili niyang makipag-partner sa akin.

"Why not?"

"Just a random question ", sagot ko.

" Random. Really, huh?", napatingin ako sa kanya at nakita kong nakataas ang isa niyang kilay.

"Yes. Random", tsaka ako bumalik sa aking pagta-type sa aking laptop.

Ayokong tumitig sa mukha niya dahil hindi ko maiwasang maging mausisa sa bawat detalye ng kanyang mukha. Sa maayos niyang kilay. Hindi makapal, hindi din naman manipis. Sa kanyang matangos na ilong, sa kanyang labing mala-rosas ang kulay, sa kanyang pisnging ang sarap himasin at kurutin, sa kanyang mga matang malalim ngunit alam kong may ipinapahiwatig na mensahe, parang inaantok ngunit nakakagising ng loob. Hindi ko lang alam kung ano ang ibig sabihin ng mga titig niya. Baka naman kasi walang kahulugan ang mga iyon, diba? Baka naman sa lahat ng tao, ganoon talaga siya tumitig. Hindi ko rin maikakailang humanga ako sa tangkad niyang halos umabot na sa anim na talampakan. Siguro hindi iyon katangkaran para sa iba, ngunit sa tangkad kong nasa 5'7 lamang, aminado akong hanga at inggit ako sa kanya. Pakiramdam ko kasi, bitin ang 5'7.

"Dinner?", alok niya habang nililigpit ko ang mga gamit ko.

"Saan?"

"Pizza, you want?"

"Sig--", napahinto ako nang tumunog ang cellphone niya. Agad siyang tumayo at tumungo sa CR para sagutin iyon. Siguro, importante iyon. Bumalik siya makaraan ang ilang minuto, saktong maayos na lahat ng gamit ko.

"Sorry JC. May dinner nga pala kami ngayon sa bahay nina Cha", napakamot siya sa kanyang ulo.

"It's okay, no problem"

"You sure?"

"Sure", nginitian ko lamang siya upang maipahiwatig na okay lang ako. Pero sa tutuo lang, medyo nadismaya ako.

Nauna na siya. Sakto kasing susunduin ako ni Tito dahil kagagaling din niya sa meeting malapit sa aming paaralan.

"Bakit kasi di mo pa gamitin ang sasakyan mo. Nabubulok na yun sa garahe eh", tanong ni Tito.

"Tito, sayang ang gas", tanging sabi ko. Sa tutuo lang, hindi naman iyon ang dahilan. Takot akong magmaneho. Takot akong maaksidente. Takot ako sa kung ano mang pwedeng mangyari sa akin.

***

Sa unang pagkakataon ay nahawakan ko ang mga kamay ni Ronnie nang makipag-hi-five siya sa akin. Mataas ang nakuha naming marka sa aming research paper. Sabi nga niya, ako daw ang dahilan ng lahat ng iyon. Hindi ko naman iyon inisip at sa halip, pinasalamatan ko din siya. Naging magkaibigan kami ni Ronnie, bagamat higit pa sa pagkakaibigan ang nararamdaman ko para sa kanya, hindi ko iyon pinapahalata. Mahirap na kapag nalaman niya ang lahat.

Wala akong klase tuwing Miyerkules at naisipan kong manuod ng sine. Nagkataong Agosto at Pista ng Pelikulang Pilipino. Habang nakapila ako sa Popcorn booth, nakita ko si Ronnie sa Ticket Counter. Bahagya akong napaisip kung tatawagin ko ba siya, o aakto na lamang na parang hindi ko siya napansin. Naisip ko na lamang na wag nalang siyang tawagin dahil baka may hinihintay siya. Natagalan ako sa pagkuha ng aking order dahil ang dami pang mga ginagawa ng in-charge sa booth. Halatang baguhan at lutang habang kinukuha ang order ko. Biglang may kumalabit sa aking likuran na siyang dahilan upang lingunin ko kung sino iyon.

"Oh Bai!", gulat kong pagbati.

"Solo Flight, huh?"

"Oo eh. Ikaw?"

"Same", sumandal siya sa counter habang nakangiti. "Nakabili ka na ng ticket?", tanong niya.

Naisipan niyang sumama na lamang sa akin para panuorin ang 100 Tula Para Kay Estella. Sa tutoo lang, hindi ko hilig ang manuod ng mga pelikulang Pilipino ngunit naengganyo ako sa mga positibong reaksyon mula sa mga nakapanuod. "Must Watch" nga daw.

"I didn't know you're this soft", bulong niya sa akin habang kakasimula pa lamang ng pelikula.

"I'm not really into this genre but I'm giving this one a try"

"I like romance movies.", bigla niyang sabi habang umaabot ng popcorn mula sa hawak kong box.

"Now, I didn't know you're this soft", sabi ko habang pinagmamasdan ang kanyang mga ngiti. Halatang nahihiya siya sa sinabi niya ngunit nakuha parin niya itong tawanan. Tinaasan ko lamang siya ng kilay at itinuon ang aking mga mata sa screen.

Natapos ang pelikula nang bandang ala sais. Maingay ang mga tao habang papalabas ng sinehan. Maging ako man, hindi ko maitatanggi na nagustuhan ko iyon. Marahil, kahit kaunti, naiintindihan ko ang bida. Iyon yung may gusto ka sa taong hindi naman mapapasaiyo.

"Dinner?", tanong niya.

Nag-iisip pa ako kung tatanggi ba ako o hindi. Sapat lang naman kasi ang perang dala ko, at wala akong budget para sa isang hapunan. Masasabi ko namang sapat ang laman ng cards ko ngunit sadyang nananalaytay lang talaga ang dugong kuripot sa mga ugat ko. Plano kong umuwi agad pagkatapos ng pelikula. Dahil hindi ako agad nakapagsalita, sinundan niya agad iyong mga sinabi niya.

"Pizza. Bawi ako sayo. My treat"

Pumayag ako. Di dahil sa gutom ako, kung hindi dahil sa mga titig at ngiti niya.

Mahina nga talaga ako.

"Sige"

***

Marami kaming napagkwentuhan ni Ronnie habang kumakain. Hindi ako naging matanong at hinayaan ko na lamang siyang magkuwento sa mga bagay na nais niyang ibahagi. Nalaman ko din na pinsan niya si Cha. Pamangkin pala siya ni Rommy Tuazon. Iyon marahil ang dahilan kung bakit sila malapit ni Cha.

Habang nagkukwento siya, di ko maitago ang aking kaba dahil narin sa iniisp ko na baka alam niya kung ano man ang meron sa pamilya ko.

"Baka", o noon pa lamang, alam na niya?

Bobo.

Alam niya.

"You okay?", napahinto siya sa pagsasalita at napatanong sa akin. "You seem so quite."

"I'm okay. Go on. I'm listening"

"You're not okay. Did I say something wrong?"

"No. Don't worry". Pinatunayan kong walang problema sa pamamagitan ng pag ngiti ko. Napahinto siya sandali at inusisa ako tsaka siya nagpatuloy.

***

"Saan ka ba? I can drive you home", tanong niya habang pababa kami sakay ang escalator.

"Uptown."

"Great. Doon din ako. Anong village niyo?"

Halos isang oras din ang biyahe namin dahil narin may kalayuan ang bahay namin. Dagdagan mo pa ng traffic. Naging tahimik lang ako buong biyahe dahil narin nailang ako sa sitwasyon namin. Di ako makalingon sa kanya. Nahihiya ako.

"This is awkward", bigla siyang nagsalita. Agad akong napalingon sa kanya. "Sorry. I'm a very awkward person.", sabi ko.

"That's not what I mean."

"Huh?"

"We better play some music", pumayag naman ako. Pinatugtog niya ang radyo at sakto namang bumungad sa amin ang isang awitin.

... Muling naghahanap ng makakausap

Eto naman ako

Nakikinig sa mga kwento mong

Paulit ulit lang

Nakikinig kahit nasasaktan...

Napasinghap kaming dalawa dahil masyadong "senti" ang kanta sa radyo.

"Ang drama naman", sabi niya. Napatawa ako at napatingin sa bintana. Unti-unti kong sinabayan ang kanta, bagamat hindi ko nilakasan ang boses ko. Kumanta ako nang walang tunog, sinasabayan ang mga lyrico.

... Kung ako nalang sana

Ang iyong minahal

Di kana muling mag-iisa...

... Narito ang puso ko

Naghihintay lamang sayo

Kung ako nalang sana...

Pasimple akong tumingin sa kanya. Diretso siyang nakatingin sa binabaybay naming daanan. "Kung ako nalang sana", sabi ko sa isipan ko tsaka sumandal at tuminin sa bintana.

Nakailang kanta din ako nang biglang nagtext sa akin ang ate ko. Nangungumusta lang naman. Muli, di na naman ako mapakali, naging sobrang tahimik at napansin iyon ni Ronnie.

"You're not okay again. Tell me."

"You know who my sister is, don't you?", walang pagdadalawang isip kong tinanong siya. Di agad siya nakasagot. Nabigla din siguro siya sa sinabi ko. Dahil di siya sumagot, bumalik ang aking paningin sa bintana.

"It's not your fault, JC"

Napalingon ako sa sinabi niya. Nakita ko siyang nakangiti. Napangiti nadin ako habang pinagmamasdan ko ang mata niyang nagniningning na tila ba para lamang sa akin.

***

Bago paman ako mahiga sa aking kama, nakatanggap ako ng isang text mula kay Ronnie.

"Thanks Bai!"

Napangiti ako at kumabog ng husto ang dibdib ko. Nanginginig akong magtype.

"Thanks din Bai. Really enjoyed your company"

"Good Night"

"Good Night din"

Itinabi ko ang cellphone ko at nag-isip isip tungkol sa aking sitwasyon. Alam ko sa kaloob-looban ko na nahuhulog na ako kay Ronnie. Iiwas ba ako? Masaya akong kasama siya, at sa tingin ko ay naeenjoy din naman niya kapag kasama niya ako. Pero alam ko na itong nararamdaman ko ay walang patutunguhan kundi kabiguan lamang. Hindi ako iiwas. Tanggap niya ako at di niya ako hinusgahan, lalo na't pinsan niya si Cha. Magiging kaibigan lamang niya ako. Sapat na iyon sa akin. Iyon ang mahalaga.

***

Isang gabi ay niyaya niya akong kumain sa isang di masyadong kilalang restaurant. Kabubukas pa lamang iyon at talagang sasadyain mong pumunta dahil walang jeep o tricycle man lang na pwede mong sakyan. Nagpahatid lamang ako sa driver ni Tito. Masayang masaya ako sa mga oras na iyon at pilit kong tinatago ang aking mga ngiti, ngunit sa ilang oras kong paghihintay ay wala parin si Ronnie. Tinawagan ko siya ngunit di naman sumasagot. Mag aalas nuebe na nang napagpasyahan kong magsimulang maglakad pababa at pumara na lamang ng taxi kung sakaling may mapadaan. Hindi naman ako matatakutin, ngunit sa hindi masyadong matao ang kalsada at madilim sa ibang parte kaya't nag-alala din ako ng kaunti. Maya't maya pa ay napilitan akong magtago sa isang poste at manuod sa isang eksena mula sa di kalayuan. Nais kong tumakbo at pigilan ang tatlong lalaking pinagtulungan ang walang kalaban laban na mama na nakahandusay sa concreto, ngunit nilamon ako bigla ng takot at naghintay na lamang na umalis ang tatlo. Bago pa man makaalis, kumuha ng bato iyong isa at pinuntirya niya ang windshield ng isang kotseng nakaparada sa tabi. Kilala ko kung kanino ang kotseng iyon. Agad akong nanlamig sa aking nasaksihan at halos mangiyak ngiyak akong tumakbo papalapit kay Ronnie. Doon, nakahiga sa sa kalsada, hawak hawak niya ang kanyang sikmura. Dinudugo ang kanyang ilong at may mga pasa sa mukha. Agad ko siyang isinakay sa kotse niya. Hindi ko na ininda ang bigat at laki niyang tao, ang mahalaga, madala ko siya sa ospital.

"Bai! Don't die okay! Please!", sigaw ko.

Pilit siyang nagsalita ngunit ungol lamang ang naririnig ko.

"Please!"

Sa unang pagkakataon ay nakapagmaneho ako nang di iniisip ang takot ko sa kalsada. Hirap man aa pag aninag dahil sa mga biyak na parte ng windshield ay kinaya ko naman iyon. Napagtanto ko na mas mahalaga ang buhay ni Ronnie kaysa sa takot kong magmaneho. Dapat siyang maisalba.

Habang nagmamaneho ako at tagaktak ang pawis ko, dumilat siya at lumingon sa akin. Pasa sa magkabilang pisngi, duguan ang ilong, sugat sa kilay at gilid ng labi. Binilang ko lahat ng galos at sugat. Sa lahat ng iyon, may rason parin ako upang maging positibo. Nagniningning parin ang mga mata niyang nakatutok sa akin.

***

Nagising ako nang may tumapik sa ulo ko. Nangiwi muna ako dahil masakit ang aking leeg at likod. "Tek--I'll call the doc--", hindi na ako nakatapos nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

Napatitig lamang ako sa kanya at napagtanto kong kanina pa siya gising, samantalang ako ay ilang oras na palang tulog sa tabi niya. Hinigpitan niya ang pagkakawakan sa kamay ko. Bumalik ako sa pagkakaupo.

"Who are they?", mangiyak ngiyak kong tanong. Biglang sumabog ang galit sa aking kalooban looban nang maalala ko ang tatlong lalakeng gumawa nito kay Ronnie.

"I told you I've got Bad Bloods, remember? This is my prize"

Madaming tumakbo sa isip ko kung ano ba talaga ang ibig niyang sabigin. Gangster ba siya? Kasali ba siya sa fraternity? Ano bang atraso niya? Sa dami ng tanong ay mas pinili ko na lamang tumahimik, pinigilan ang mga luha ko at hawakan muli ang mga kamay niya. Pumikit ako at nagpakawala ng malalim ng buntong hininga.

"Kumusta ilong mo?", tanong ko. Napangiti naman siya.

"Di ko alam. Napango na ba?"

***

Di tumagal ay gumaling na si Ronnie. Tatlong araw lang naman siya namalagi sa Ospital. Di naman kailangan i-confine dahil galos at sugat lang naman ang natamo niya kung di lang dahil sa pagpupumilit ng Mommy niya. Sa tatlong araw na iyon, palagi akong bumibisita sa kanya. Dalawang linggo din siya nag absent kaya naman di ako nagdalawang isip na tulungan siyang makahabol sa iba niyang subjects. Madami naman kaming tumutulong, ngunit ako ang halos sa lahat ng oras ay kasama niya.

Hindi ko namang masasabing matalik ko nang kaibigan (siguro?) si Ronnie, ngunit malapit kami sa isa't isa. Mahalaga siya sa akin. Hindi man kami yung tipong magkaibigan na lumalabas o gumagala, kami naman iyong masaya tuwing nagkukwentuhan lamang, personal o pag-aaral man ang mapag-usapan. Napag-alaman kong nasangkot pala siya sa isang gang at nang magdesisyon siyang umalis ay hiningan siya ng isang kapalit. Iyon na daw iyong pagkakagulpi sa kanya. Kaya pala hindi siya nanglaban. Hindi na pinaabot sa korte ang kaso at nakipagkasundo ang mga magulang ng tatlo kay Ronnie. Palibhasa, may halong pulitika kaya naman ganoon na lamang ang takbo ng mga pangyayari. Alam ni Ronnie na gustong gusto kong makulong iyong tatlo dahil naging bukas ako sa aking mga opinyon. Ngunit sabi niya, "My parents know best".

Simula noon, naging mas malapit na kami. Naging malambing din siya, tinatawanan niya ang mga corny kong jokes at palagi na siyang tumatabi sa akin sa classroom man, library or cafeteria. Ni minsan, di man lang niya inungkat ang mga bagay tungkol sa aking pamilya at Tito niya. Minsan napapatanong siya kung may girlfriend daw ako o kung nagkaroon man minsan sa aking buhay. Tanging tawa lamang ang sagot ko.

Kung alam lang niya.

Minsan naiisip ko ding umiwas nalang kay Ronnie, ngunit paano ko nga ba iyon gagawin? Bakit naman? Alam kong kaibigan lamang ang turing niya sa akin, pati ba naman iyon ay sisirain ko pa? Ngunit sa di ko nga malaman na dahilan ay nag-umpisa na akong umiwas. Wala sa lugar ang pag-iwas, alam ko iyon. Ngunit mas lumalaki ang takot ko kapag nalaman niya, siya ang kusang huhusga at lalayo sa akin. Masyado na akong nahulog sa kanya, patatagalin ko pa bang "Stranded" ako sa baba, o kusang aakyat na akong mag-isa ngayon pa lang? At ano nalang kaya ang iniisip ni Cha sa pagiging magkaibigan namin? Sa amin kasi ni Ronnie, napagkasunduan naming huwag na lamang ipahalata kay Cha na kami ay malapit nang magkaibigan. Kahit noon sa Ospital ay tumitiyempo lamang ako. Tuwing nagkakasalubong kami sa Coffee Shop o hallway man lang, hindi na lamang kami nagpapansinan.

Napansin nga iyon ni Ronnie, at isang gabi nagtext siya sa akin.

"May problema ba?"

Sinadya kong magreply nang matagal, para akalain naman niyang abala ako sa iba pang bagay.

"Ha? Nothing."

"I feel like something's wrong"

"Haha. Feeling mo lang yun"

"Sabihin mo, please"

Pinatay ko ang cellphone ko at nagpasyang matulog.

October noon at malapit na ang Final Exam. Naging epektibo naman ang pag-iwas ko kay Ronnie. Naging mailap nadin ang paglalagi ko sa Coffee Shop na paborito ko. Iwas ay Cha. Iwas kay Ronnie. Hindi narin naging mapilit at matanong si Ronnie sa pagtatanong kung bakit, pero nakikita ko sa mga reaksyon niya tuwing nagkikita kami ang pagkalito at pagkailang dahil nadin sa biglaan kong pag-iwas. Mahirap sa akin ang ginagawa ko ngunit kailangan ko ding gawin iyon.

Nagtapos ang final exam at sumama ako sa dalawang araw na "Stay-cation" sa isang resort sa Bukidnon kasama ang aking mga malalapit na kababata. May mga natira parin namang mga tao na piniling huwag kaming husgahan. Dahil malamig ang Bukidnon, hindi sapat ang kape. Sa halip ay alak ang naging "heater" namin. Siguro ay masyado akong naging abala at "stressed" sa aking pag-aaral at pag-iwas sa mga taong dapat iwasan kaya naman walang anu-ano ay tanggap lang ako ng tanggap ng tagay.

***

Masakit ang ulo kong nakarating sa bahay namin sa Probinsya. Dumiretso na ako sa bahay mula sa Resort na tinuluyan namin. Wala ang nanay at tatay ko at tanging ang dalawang kasambahay lamang namin ang aking kasama. Pinagtimpla ako ni Ate Coca ng Kape at naupo ako sa balcony. Sumandal ako at makakatulog na sana nang mabigla ako sa tawag sa cellphone mula kay Ronnie. Nakailang tawag din siya bago ko siya sinagot.

"Oh bai!", kaswal kong pagbati.

"Kaya mo ba ako iniiwasan ah?", seryoso niyang tanong.

"Huh?", di ko nakuha ang ibig niyang ipahiwatig.

"What you told me last night. Was it true?"

"Last night? We talked?", naguguluhan na ako.

"God, Julius Ceasar!"

"I was with my friends last night. I don't rememb---", at bigla akong natigilan. Tumagal ng ilang segundo at naging palutang lutang sa ere ang utak ko.

"JC!"

"JC!"

Naging pautal-utal ang pagsagot ko sa kanya. Nakakailang sigaw na din siya bago bumalik ang aking katinuan.

"Ahem. What exactly... Um... What I told you, perhaps you can help me remember? Hehehe...", pinilit kong tumawa. Nakakabingi na ang kabog ng dibdib ko.

"I Love you... I love you the first time I met you...", sabi ni Ronnie na halatang pinepeke ang boses na parang batang nagmamaktol.

"... You're so gorgeous. You're so sexy and cute and your eyes are dreamy they could take me to Saturn... I always get hard whenever you look at me... Pakiss nga Ronnie ko... Pfft---", rinig na rinig ko ang pagpipigil niya ng tawa.

"Now. You remember?"

"JC?"

"Julius Ceasar Lim!"

"HOY!"

Pinatay ko ang cellphone ko. Nagmadali akong bumangon mula sa sofa ngunit nahulog lamang ako at natapon ang kape ko sa aking tuhod. Agad na umakyat si Ate Coca nang marinig niya ang sigaw ko, pagkabasag ng tasa at ingay ng natumbang maliit na side table. Halos lumuwa ang mga mata niya nang madatnan niya ako. Nagulat din siya, unang pagkakataon niya akong narinig magmura... At sobrang lutong pa.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Plot Twists (Part 1)
Plot Twists (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjSMaqXTt_Qu6BdDht28fZ6yBUMRdVpTSxR_uEeoo0AmTSQXHWVt7xxv0hmmWVdhHM1PZawnMZg3-UX-nGGoQ6yoPCouV3uKbHzxQXroaHJv-VkyppHNdQx0MmfWhex-eM6gVYDj1gdSn_d/s1600/39397328_265680834265984_7592762401276035072_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjSMaqXTt_Qu6BdDht28fZ6yBUMRdVpTSxR_uEeoo0AmTSQXHWVt7xxv0hmmWVdhHM1PZawnMZg3-UX-nGGoQ6yoPCouV3uKbHzxQXroaHJv-VkyppHNdQx0MmfWhex-eM6gVYDj1gdSn_d/s72-c/39397328_265680834265984_7592762401276035072_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/08/plot-twists-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/08/plot-twists-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content