$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Second Time Around (Part 4)

By: Confused Teacher “Oo masaya ako kasi in love din ako, e ikaw sabi mo in love ka bakit naka busangot yang mukha mo. Akala ko sabi m...

Second Time Around

By: Confused Teacher

“Oo masaya ako kasi in love din ako, e ikaw sabi mo in love ka bakit naka busangot yang mukha mo. Akala ko sabi mo pogi ka, humarap ka nga sa salamin. Iyan ba ang itsura ng in love.” Hindi ko alam kung anong isasagot. Nacorner ako ng mokong na ito.

“Mahal mo ba talaga siya?” nabigla ako kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.” Tiningnan muna niya ako bago nagsalita.

“Ikaw ba mahal mo pa ba siya?” nagulat din ako sa tanong niya. Bakit ganon ang tanong niya. Alam na ba niya ang totoo. Nakwento kaya sa kanya ni Russel ang tungkol sa amin.

“Huh! Anong sinasabi mo?” napatitig ako sa kanya at kita kong iba ang ngiti niya parang may ibig sabihin hindi ko lang alam kung ano.

“What I mean is, mahal mo ba yung kung sino man iyun na inlove ka… oo nga hindi mo pa kasi sinasabi kung sino iyon.” Haist! Salamat, yun lang pala napa praning na yata ako. Hirap talagang magsinungaling.

“Ahh iyon ba, oo mahal ko siya, kaso late na ng marealize ko ang totoo, kasi… ah wala basta.”

“What do you mean?”

“Basta sabi ko sa ‘yo it’s complicated. Saka ayoko ng pag-usapan iyon. Nakakahiya sa Itay, dito pa tayo nagdaldalan. Kung buhay lamang iyan malamang napagalitan na tayo.” Pero hindi niya kinagat ang alibi ko.

“Boi, alam ko kaya mo iyan, just be true to yourself, wala namang masama kung aamin ka at paninindigan ang iyong nararamdaman.”

“Hindi mo alam kung anong pinagdadaanan ko.” Malungkot kong pahayag sa kanya paano ko ba sasabihin na yung taong mahal mo at nagpapasaya sa iyo ay siya ring tao na gusto kong makasama.Kung paninindigan ko ang nararamdaman ko payag ka bang i give up siya para sa akin?

“Huwag mong kakalimutan, narito lamang ako, kakampi mo ako. Huwag kang matakot kasi ang love ipinaglalaban iyan, huwagmong hayaang dumating ang panahon na sasabihin mo, sana ganon ang ginawa ko, sana hindi ko siya hinayaan mawala, sana naging matapang ako.”

“Dami mong alam, dami mong hugot boi”

“Ganyan talaga pag inlove, lumalakas ang loob.”

Nang makauwi kami. Nagpasalamat ang Inay dahil ayus na kami ni Karl. Naikwento pala ni Karl na nagkasagutan kami kaya ako umuwi agad.Mabuti na lamang hindi na niya sinabi na nasuntok ko siya, Tiyak magagalit sa akin ang Inay. Sa Inay din pala niya nalaman na nasa sementeryo ako.

“Sabi ko sa inyong dalawa. Lahat ng problema may solusyon, at hindi kailangan ang init ng ulo sa paglutas sa kahit anong sigalot. Pag-usapan ninyo at maging mahinahon” Tumango lamang kami at ipinakitang ayus na kami parehas.Inakbayan ko si Karl, samantalang kinikiliti naman niya ako.

Nang makapasok ako sa aking kwarto, naalala ko ang mga sinabi ni Karl. Siguro nga yun ang kulang sa akin. Nauunahan ako ng takot. Hindi ko kayang ipaglaban ang gusto ko. Hindi ko kayang panindigan ang nararamdaman ko kay Russel kahit sigurado akong mahal ko siya. Mas inisip ko na baka hindi kami maintindihan ng mga tao kesa sa aming kaligayahan. Mas tama nga sigurong silang dalawa ang nagkatuluyan dahil mas mapu protektahan siya ni Karl. Akala ko dati mas matapang ako kesa kanya. Hindi pala mas malakas pala ang loob ng pinsan ko.

Natapos ang lingo na iyon na walang importanteng nangyari sa buhay ko. Sinulit ko na lamang ang mga oras ko kasama si Lola. Madalas kaming nagluluto ng mga kakanin at magkasalong kakainin. Minsan ay nakakasama namin si Karl pero madalas ay umaalis siya, hindi na ako nagtatanong sigurado naman akong si Russel ang priority niya. Masakit pa rin pero alam ko darating ang panahon na matatanggap ko rin iyon at hindi na masasaktan makita ko man silang magkasama. Siguro ay iniwasan na rin nilang dalawa na makita ko sila. Baka ipinagtapat na ni Russel sa kanya ang totoo.

Sabado naisipan kong gumala sa Mall. Wala naman akong planong bilhin. Naiinip lamang ako sa bahay. Ang Inay naman ay nasa bahay nina Tita Irene.Hindi ko alam kung nasaan si Karl, Instead na sa SM ako pumunta na siyang mas malapit ay naisipan kong mag Robinson. Matagal-tagal na rin akong di nakakapunta don saka mas okay don konti lang ang tao na kilala ko, di gaya sa SM dahil malapit lamang sa amin ang dami kong nakikita kakilala. Ayoko rin makita ang mga kabarkada ko. Wala ako sa mood na sagutin ang paulit-ulit nilang tanong.

Pagdating sa mall ay nagpalinga-linga lamang ako hanggang makarating ako sa sinehan. Titingin lamang ako sa mga posters wala naman akong balak manood ng sine na mag-isa nang makita ko si Karl. May kaholding hands pero hindi si Russel.

“Shocks! Totoo ba ang nakikita ko?” Bulong ko sa sarili ko. Nagkubli ako sa isang stall ng beauty products para hindi nila mapansin. At sure ako si Hans ang kasama niya.

“Si Hans at si Karl?” halos sigaw ng utak ko. Pero paano nangyari. Sabi niya mahal niya si Russel ibig bang sabihin niloloko lamang niya yung tao.

Saka lalaki si Hans. The last time na magkausap kami bago kami magbreak ni Hannah sabi niya mahal na mahal niya yung “honey love” niya. Sabagay lalake rin naman si Karl, ako man lalake pero eto ako ang mahal ko lalake den. Putek! hindi iyon ang importante, ang gulo ko bakit napasok ang problema ko. Etong mga bestfriends ko ang issue ngayon. Alam ko talaga girlfriend ni Hans si Gayle, Nagbreak na ba sila. Ano na ba talaga ang nangyayari sa mundo? May problema na ba ang orbit ng solar system?

Sinundan ko pa sila ng tanaw at dinig kong nagtatawanan sila habang naglalakad. Pero imposible talagang maging sila, kasi kung sila nga ni Karl. Bakit ang sweet din ni Karl kay Russel.

Nakakabaliw talaga hindi ko mahanapan ng explanation ang nakita ko. Dahil sa nangyari nagpasya na lamang akong umuwi at hintayin si Karl baka sakaling sabihin niya sa akin ang totoo. Pero hindi siya sa amin naghapunan. Kinabukasan naman ay sinamahan ko ang Inay na magsimba. Pagkagaling sa simbahan ay tumuloy kami sa sementeryo, hindi pa rin mawala sa isip ko ang nakita ko noong nakaraang araw. “Si Hans at si Karl” hindi talaga pwede pareho ko silang bestfriend!

“Tita, Tita,” tawag ko kay Tita Grace nang makita ko siya sa terrace nila at nagtitiklop ng mga damit.

“O Xander, bakit parang kang habol ka ng kung ano, ano bang nangyari, akala ko ba’y nasa sementeryo kayo ng Inay?” nagtataka niyang tanong dahil hinihingal pa ako, pagkapasok kasi ng Inay ay tumakbo na ako, kailangan kong makausap si Karl.

“Nakabalik na po kami, si Karl po Tita, nariyan ba?”

“Nako wala, hindi ba sinabi sa iyo, pupunta raw sa Isla Verde, ewan ko ba naman sa taong iyon, bakit nahihilig sa kakapunta sa isla, kakagaling nyo lamang don nong isang araw diba? sabi ko nga ay baka gusto na niyang doon na tumira. Ipapahakot ko na ang mga gamit niya doon.” Ang paghihimutok ng nanay ni Karl. Napangiti ako kahit nakakalungkot.

“Ay sayang. May itatanong kasi ako.”

“Hanggang bukas lamang naman daw siya doon.”

“Ahh sige po ‘Ta. Uwi muna ako at magpapalit ng damit.”

“Kung gusto mo dito kana magtanghalian, marami akong niluto.”

“Nako. ‘Ta, hihintayin ako ng Inay, alam mo naman iyon…”

“O siya, sige ipapadala ko na lang sa mga Inay ang pagkain at nang pati siya ay makatikim.”

“Sige po thank you Tita, tutuloy na ako.” At tumakbo na ako pauwi sa amin.

Pagkapasok ng bahay ay lalo akong naguluhan. “Kahapon si Hans ang kaholding hands tapos ngayon naman na kina Russel.”

“Ano ba talaga ang sikreto mong kulokoy ka? Nanlalake ka na bang talaga” huh! Napatawa ako sa sinabi ko.

Kinabukasan, magkasama kami ni Karl pinakiramdaman kosiya kung may sasabihin, Pero gaya ng dati puro biruan at kalokohan ang naging usapan namin. Hindi naman ako makapagtanong kasi baka isipin niya sinisiraan ko lamang siya. Pakiramdam ko kasi may alam na siya tungkol sa amin ni Russel kaya mas naging maingat ako. Sabagay more than 3 months na sila, hindi na nakapagtataka kung sabihin sa kanya ni Russel ang totoo. Kaya lalong hindi ako pwedeng magpadalus-dalos. Ayoko ng mauwi ulit sa pagtatalo ang usapan namin.

Hindi ko alam kung kanino ako maawa kay Hans ba dahil sabi ni Karl mahal niya si Russel o kay Russel ba kasi nakikita ko mahal niya si Karl. Haist ano baito sa halip na yung sarili kong lovelife ang asikasuhin ko ay ang lovelife ng iba ang gumugulo sa utak ko, Hindi naman ako reliever ni Kupido pero bakit inaalala ko sila. Speaking of Kupido, bang tamad niya, hanggang ngayon hindi ko alam bakit hindi niya ako pinapansin.

Halos buong isang lingo ay iyon ang nasa isip ko. Sabado, huling Sabado ng aking bakasyon dahil papasok na ako sa Monday. Napansin ko ang mga halaman sa harapan ng bahay namin.

“Kailangan na pala kayong i-trim.” Wala sa loob kong nasabi.“paginabot kasi ng tag-ulan tiyak gugubat na kayo baka magka ahas dito.”

Pumasok ako sa loob ng bahay at agad na hinanap ang malaking gunting. Paglabas ko, napansin ko rin na marami na palang halaman ang kokonti na ang lupa sa kanilang paso. Napabayaan na talaga ang mga halaman ni Mommy. May nagdidilig naman yung nagdidilig din ng halaman ng Inay pero dilig lamang talaga ang ginagawa. Nako Mommy kung alam mo lang pati etong mga mahal mong halaman miss na miss ka na.

Nang matapos akong mag trim ay kumuha naman ako ng lupa sa timba at nilagyan ko ang mga paso. Iyon ang ginagawa ko nang matanaw kong padating si Hannah. Magkukubli sana ako kaso huli na nakita na niya ako kaya nakangiti na ng lumapit.

“Hi!” nakangiti niyang bati pero halatang nahihiya siya.

“Hello!” iyon lamang ang naisagot ko. Hehe para chat lang. Nakakahiya imagine after more than 2 years, noon lang ulit kami nagkaharap. Ang ganda talaga ng ex ko. Pero wala na nga yata talaga mas mahal ko na ang walang hiyang Russel na iyon.

“Sabi ko na nga ba ikaw yan e, actually parang nakita kita sa bayan noong isang araw pero hindi ako sure kasi sabi ni Kuya sa Manila ka na raw nag-i stay.” Naisip ko noon siguro yun na nakita ko siya habang kumakain ako.

“Ahh, naka leave lang ako, yeah doon na nga ako madalas sa Manila. By the way saan ka pupunta?” parang nawala ang ilangan namin, gaya ng dati lang angsarap pa din niyang kausap. Nakakawala ng pagod.

“Pupunta ako sa bakery bibili ako ng loaf bread bigla kasi akong nag crave sa tuna sandwich, wala pa naman si Kuya wala akong mapakisuyuan.” Nakangti niyang sagot.

“Gusto mo ako na ang bumili, hintayin mo na lamang ako dito, malapit lamang naman ang bakery.” Suggestion ko bigla akong parang natuwa na makausap siya.

“Samahan mo na lamang kaya ako, para makapagkwentuhan tayo habang naglalakad. Namiss ko na rin yung bonding natin.” Sagot naman niya. Hmm namiss e ikaw nga ang nakipag break, Pero move on na dapat ako kaya nginitian ko na lamang siya saka tumango.

Iniwan ko muna yung ginagawa ko at sinamahan siya. Kwentuhan kami habang daan, kumustahan, tawanan. Napagkasunduan na rin namin na sa amin na gawin ang sandwich kaya bumili na rin kami ng mayonnaise at iba pang gagamitin. Pati softdrinks ay bumili na rin kami.

Noon pa alam kong favorite niya ang tuna sandwich kaya nagpaturo ako kay Mommy na pag gawa ng masarap na tuna sandwich. At madalas kapag ayaw naming lumabas ay gumagawa na lamang kami ng ganon at sabay na kakainin habang nanonood ng TV o kaya ay basta nagkukuwentuhan. Nag volunteer ako na ako na ang gagawa gaya ng dati, taga abot na lamang siya ng mga gagamitin ko. Habang abala kami bigla niyang binago ang topic namin.

“Xander, sasamantalahin ko na ang pagkakataon ha. Alam ko nagalit ka sa naging desisyon ko noon. Sorry!”

“Hindi naman ako nagalit, nagtaka lamang at nasaktan siguro kasi ang ayus naman natin then suddenly nagbago yung feelings mo.” Hindi siya sumagot pakiramdam ko ay tinatantya ang magiging reaksiyon ko sa sasabihin niya.

“Alam ko Xander, minahal mo ako, kaya nasaktan din ako sa nangyari pero iyon lamang ang alam kong tama kaya yun ang ginawa ko.”

“What do you mean?”

“Sa loob ng 7 taon siguro we’ve known each other well. Alam kong totoo ang mga sinabi monoon atsigurado akong mahal mo ako. Pero naramdaman ko rin noon na hindi kumpleto ang happiness mo. Kahit hindi mo sabihin alam kong may hinahanap ka. Naisip ko baka hindi lamang natin naenjoy ang companies ng ibang tao kasi naging tayo 13 ka tapos 12 pa lang ako. Ang bata pa natin non. Baka kailangang lumabas tayo sa comfort zone natin para ma explore deeply ang sarili natin at maintindihan kung ano ba ang gusto natin particularly ikaw.”

“Pero ang sabi mo nagising ka one day, hindi mo na ako mahal, hindi ba iyon ang reason mo?”

“Iyon ang naisip ko para wala ng maraming paliwanag.”

“Pero ipapaliwanag mo ba ngayon bakit mo ginawa iyon?” Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya pero bigla akong naging intresado. Tumango muna siya parang nahihiya pa pero huminga siya ng malalim saka nagsalita.

“That time lumapit si Kuya sa akin, Hindi raw niya alam kung anong nangyayari sa kanya. Mahal na mahal niya si Gayle, pero hindi niya maintindihan kung bakit natatakot siyang isipin na sila na nga ang magkakasama for the rest of their lives. Parang may gusto siya o hinahanap na hindi niya alam o hindi niya maipaliwanag, basta sabi niya parang may kulang sa relasyon nila. Tinanong ko siya kung gusto niyang makipag break sa girlfriend niya” Bigla kong naaalala na nakita ko silang magkahawak ng kamay ni Karl.

“Anong isinagot niya?”

“Hindi niya sure kasi ayaw niyang masaktan si Gayle, pero bilang babae alam kong mas masakit yung nagsasama lamang kayo dahil naawa siya sa iyo kahit ayaw na niya, kayo pa rin kasi ayaw ka niyang masaktan”

“Kaya sinabihan mo siyang mas mabuti pang makipagbreak na lamang?”

“Yeah! Kahit naman sabihan kong huwag eventually don din yun mauuwi yun, hindi naman mag oopen si Kuya kung gusto pa niyang ipag patuloy iyon o kung may alam pa siyang ibang option para ma save ang relasyon nila, pahahabain laang nila ang paghihirap nila parehas at mas mahirap kung mauwi pa sa away and worst magkakasakitan pa. Nakiusap na lamang siyang tulungan ko siyang makipagbreak na hindi masasaktan yung isa.”

“At iyon din ang ibinigay mong advise sa kanya?”

“Iyon ang pinakamadaling paraan, masakit pero mas mabilis kesa makita mong yung mahal mo may kasamang iba mas masakit yung malaman mong niloloko ka.”

“Pero bakit ginamit mo rin sa akin iyon.”

“Xander bestfriend mo si Kuya, kung siya may pinagdadaanang ganoon nang mga panahong iyon, hindi mo man sabihin nararamdaman ko dumadaan ka rin sa kapareho niyang sitwasyon. Psychology ang course ko kaya sa kilos mo pa lang alam kong mali na sa nangyayari.”

“Pero minahal mo naman ako diba, hindi totoo yung hindi mona ako mahal?”

“Siyempre oo, minahal kita at kahit ngayon aamimin ko mahal pa rin kita at iyon ang reason kaya pinakawalan kita, kasi mahal kita,”

“Paano nangyari na mahal mo ako kaya mo ako pinakawalan?”Bang gulo naman nitong ex ko, baliw ba siya magkasalungat kaya yung sinasabi niya. Buti na lang break na kami e mas baliw pa yata ito sa akin.

“Dahil alam kong hindi ko maibibigay sa iyo ang kaligayahang hinahanap mo. Mas gugustuhin ko nang masaya ka kahit nasa iba ka na kesa nasa akin ka tapos nahihirapan naman.”

“Alam mo namang mahal kita at kahit kailan sa pitong taon na magkasama tayo hindi ako nagmahal ng iba.”

“Yeah Im sure and aware of that, pero noon yun, alam ko may mahal ka ng iba ngayon kahit hindi mo aminin mas mahal mo siya kesa akin.”

“Ha. Anong ibig mong sabihin?” Lalo akong naguluhan sa sinabi nya may alam ba siya sa nangyayari sa akin. Psychologist siya hindi manghuhula pero bakit ganon. Sasagot pa sana siya nang mag ring ang phone niya.

“Si Kuya” tinanguan ko lamang siya nang siya ay tumayo.

“Narito ako sa bahay nina Xander.”

“Oo nga, ang tagal ninyo kasi kaya ako na ang lumabas.”

“Sure ka?”

“Ok, ok, its up to you..” at kita kong tinapos na niya ang usapan nila.

“Sorry ha, siguro let’s forget about that. Ang importante ngayon nagkausap na tayo nasabi ko na sa iyo ang totoo. Makakatulog na rin ako ng maayos. It’s been more than 2 years Xander na binabagabag ako ng kunsensiya ko.” Ngumiti siya sa kin na napaka sweet saka inilahad ang kamay.

“Friends?”

“Yeah, friends, wala naman akong magagawa, e pero salamat at least malinaw na sa akin ang lahat. Siguro nga kailangan ko rin ang closure na ito para mas matanggap ko yung totoo. Hindi na ganon kasakit kasi hindi naman pala biglang hindi mo na ako mahal”

Hindi ko alam nawala yung awkward feelings, nawala yung pader sa aming dalawa, Naintindihan ko na at napatawad ko na rin siya pati na ang aking sarili. Kahit papaano pakiramdam ko nakalaya ako mula sa isang invisible na kulungan. Nginitian ko siya habang kumakain kami.

Nang biglang bumukas ang pinto.

“Boi, may sasabihin ako sa iyo,” bati ni Karl na hindi man lamang nabigla nang makitang magkasama kami ni Hannah. Tumingin ako sa pinto at nakita kong kasunod niya si Hans. Hindi sa pagpasok ni Hans ako nabigla, kasi wala naman kaming actual na tampuhan. Nagkailangan lamang kami nang mag break kami ng kapatid niya. Ang totoo ako ang umiwas sa kaniya kahit ilang beses siyang nag attempt na lapitan ako ako na gumawa ng paraan para maglayo kami. Nabigla ako kasi hinawakan niya ang kamay ni Karl saka sila nagtinginan.

“Hoy Mokong, pwedeng ipaliwanag mo muna sa akin kung ano ang ibig sabihin ng paghahawak ninyo ng kamay bago mo sabihin kung anuman iyang gustong mong sabihin sa akin.” Hindi ko alam kung natatawa o natatakot iyong dalawa sa sinabi ko. Nakita ko si Hannah, nakangiti pero nakataas ang kilay, muka namang aware siya sa ginagawa ng dalawa. Pero agad nakabawi si Karl.

“Ano ba Kupal, ang arte mo parang namang diring-diri ka na makita mo kaming magkahawak ng kamay.” Sabagay nakita ko na nga sila sa mall. Pero kahit na gusto ko pa ring malaman ang totoo. Lumapit sila at naupo sa bangko paharap sa akin. Umusod ng konti si Hannah.

“Nagtatanong lang ako, huwag kang paranoid!” pambabara ko sa kanya.

“Ang arte! Matagal na kami ni Hans, kasing tagal na ng pagbi break ninyong dalawa.” Tumingin siya kay Hannah na gaya kanina mas busy sa pagkain ng tuna sandwich niya kesa i entertain ang pinag-uusapan namin, Pero tumingin siya sa akin nang maramdamang nakatingin ako sa kaniya.

“O bakit, diba sinabi ko na sa iyo…oo siya yung dahilan kaya nakipag break si Kuya kay Gayle.”

“Tang-ina ang lupet ninyong lahat, boi nagawa mong ipaglihim sa akin ng ganon katagal?” hindi ko alam kung maasar ako o matatawa kasi sabay silang napakamot ng ulo.

Si Hans ang biglang sumagot.

“Bro, I’ve tried many times na lumapit sa iyo para ipagtapat ang totoo, pero umiiwas ka.” Hindi ko alam kung nahihiya siya o natatakot kasi ang seryoso ng mukha niya, nakakapanibago.

“Bandang huli ay ako na rin ang nagsabi na ilihim na lamang namin sa lahat, kasi hindi rin naman kami sigurado sa feelings namin baka naghahanap lamang kami ng ibang trip sa buhay kaya mas mabuti ng kami lamang ang may alam.”

“Gago, trip pa batawag mo jan, ilang taon na pala kayo? Sarap mong sapakin.” Sagot ko naman sa kaniya, Napangiti ako ng kumamot siya ulit sa ulo niya, ganon kasi siya kapag wala ng maisagot.

“Iyon ang totoo boi, akala namin nung una trip, trip lang, kaya hinayaan din namin ang aming sarili na makipag relasyon sa iba. Alam mo naman yun diba, marami akong naging girlfriends. Pero in the end bumabalik din ako sa kaniya. At gaya nong pinag-usapan natin last year, totoo palang malalaman mo lamang na nahulog ka nakapag naroon ka na.”Napailing na lamang ako. Hindi yata kayang iprocess ng utak ko ang mga rebelasyong natuklasan ko nang mga oras na iyon.

“Pero bro, hindi naman namin sinadya ito, kusa na lang naming naramdaman, kasalanang lahat ito ni Kupido, but on the other hand thankful na rin ako sa kanya kasi happy naman ako sa pinsan mo kaya wala akong pinagsisihan.”singit ni Hans.

“Bestfriend ko yan kahit baliw,”

“Bestfriend mo din naman ako ah,”

“Ewan ko sa yo!”

“Di ba sabi mo noong bata pa tayo bestfriend forever tayo, till death do us part?”

“Gago! Till death do us part ka jan.”

“Sinabi mo o hinde?!”

“Oo na sinabi na pero noon yun bata pa tayo hindi ko naman alam na sisyotain mo ang isa ko pang best friend.” Napatawa sila parehas sa sinabi ko.

“Ehem, ehem usapang syotaan na. ayoko na…” Pagpapansin ni Hannah. “

“Xander, thanks sa delicious na tuna sandwich, promise ang sarap pa din ng timpla mo.” Nginitian ko naman siya.

“Guys, I have to go, mas maganda sigurong mag boys’talk na lamang kayo masyado na akong OP sa lugar na ito. Hoy Kuya umuwi ka ng maaga, ikaw ang magluluto ng hapunan natin, remember talo ka sa ating pustahan.”

“Oo na, ang aga pa wala pang lunch, hapunan na nasa isip mo kaya ka tumataba, idol mo ba si Ruby Rodriguez ha?” hinampas naman siya sa braso ni Hannah, saka tumalikod. Hinatid ko muna siya sa labaspara nagpasalamat. Niyakap ko rin siya at muling nagpasalamat bago siya tuluyang umuwi.

Pagbalik ko sa loob hinarap ko naman ang dalawa.

“Ngayon tayo naman ang mag-usap”

“Kanina pa kaya tayo nag-uusap” bulong ni Karl. Balik sa dati ang pasaway kong bestfriend.

“Ha, may sinabi ka?” baling ko sa kanya.

“Wala, pre may sinabi ba ako?” kunwari ay tanong niya kay Karl. Hinawakan naman ni Karl ang kamay niya saka ngumiti. Napangiti na lamang ako, Ito talaga ang namiss ko kay Hans yung asaran namin. Bata pa kami ay ganito na kami. Lagi kaming nag-aasaran pero kami rin ang laging magkasama. Kilala ko naman siya maloko lamang pero alam kong bestfriend talaga kami.

“Umayos ka kung ayaw mong tanggalan kita ng karapatang huminga” banta ko sa kanya.

“Awts!” iyon lamang ang narinig ko. Hindi ko na pinatulan ang kalokohan niya.

“Hindi ko alam kung tamang itanong ko ito sa inyo ngayon, but I need your explanation” nakatingin ako kay Karl.

“What?” gulat na tanong niya.

“Pano siya?” sagot ko

“Sino?” haist maang-maangan talaga.

Napansin ko palipat-lipat ang tingin ni Hans sa aming dalawa parang naaaliw pa sa usapan namin.

“Siya nga, alam mo na yun” Naiinis na ako kaya medyo madiin na ang salita ko.

“Sino nga iyon?” patuloy niyang pangungulit.

“Isa pa, Boi, sasapakin na kita!” banta ko sa kanya.

“Napaka bayolente mo talaga, Pre sasapakin daw ako oh.” Sumbong niya kay Hans, na nagkibit lang ng balikat. Nakita kong nakatingin siya sa sandwich sa harapan namin.

“Penge bro, nagutom ako.” Tumango lamang ako. Nakita ko naman na nakatingin din si Karl sa sandwich. Bigla ko iyong inilayo sa kanya.

“Hindi ka pwedeng kumain hanggang hindi mo sinasagot ang tinatanongko. Saka kung pwede lang tigilan ninyo iyang paghahawak kamay kung ayaw ninyong putulan ko kayo ng mga braso.”

“Bitterness overload” bulong ni Hans, sinamaan ko naman siya ng tingin kaya tumahimik na lamang siya at kumain habang nakangiti.Buti naman bnitiwan na rin niya ang kamay ni Karl. Hilig ng mga ito na maghawakan ng kamay kala mo naman may aagaw sa kanila.

“Ano nga kasi yun,” kunwari ay napapakamot ng ulo na reklamo ni Karl saka nilamukos ang mukha na akala mo ay papel. Hindi ako kumibo pinakita kong pikon na ako.

“Si Russel ba?” biglang tanong niya sa akin.

“Oo, papano siya?” tiningnan ko si Hans mas abala pa siya sa pagkain kesa sa pinag-uusapan namin. Bat ganun?

“Bakit ano bang problema mo sa kanya, mahal mo ba siya?”

“Gago! Ano bang tanong iyan, bigla akong nakaramdam ng pag-iinit ng tenga ko.”

“Ang dali namang sagutin non, Oo lamang o hinde, diba pre?” Tinanguan lamang siya ni Hans.

“Would it matter ba, kung oo o hinde ang sagot ko? Hindi naman ako ang issue dito kundi ikaw?” naiinis kong balik sa kanya. Pero kinakabahan ako sa takbo ng usapan namin.

“Boi. kailan ka ba magpapakatotoo. Kailan mo ba aaminin kung sino ba talaga ang nandiyan.” Sabay turo niya sa dibdib ko. Nabigla ako sa isinagot niya, bakit ako ang hina hot seat niya.

“Umamin na kami sa iyo, akala mo ba madali iyong gawin? Pero ginawa namin iyon para matauhan ka, para makita mo na hindi naman bawal, hindi naman imposible, sa dalawang taong nagmamahalan, hindi pinag-uusapan ang sinasabi ng iba kundi kung ano yung nararamdaman ninyo?” Hindi ko alam naiinis ako pero sapul ako sa sinabi niya. Hindi ako makasagot naramdaman ko na lamang ang pamamasa ng mga mata ko pero kailangang pigilan ko hindi ako dapat umiyak sa harapan ng dalawang ito. Gusto ko sanang itanong kung paano na yung relasyon nila. Pero bigla siyang nagsalita nang maramdamang tahimik ako.

“Ginawa na namin ang lahat, nagkunwari na kaming may relasyon, para lamang magising ka. Pero boi ang tigas mo pala. Kahit obvious na tumatanggi ka pa rin.” Parang biglang may nagliwanang sa ulo ko.

“Nagkunwari? Ibig mong sabihin palabas lamang ang lahat ng tungkol sa inyo ni Russel?” Tumango siya.

“Pero bakit, I mean, paano mo nalaman saka bakit ninyo ginawa iyon?” halos natataranta kong tanong. Gusto kong ma confirm na hindi pala talaga sila, Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko hindi ko alam kung excited lang ba ako sa isasagot niya.

“Ang slow mo talaga! Nang umalis ka last year, naiwan pa dito si Karl diba at naipagtapat niya sa akin ang lahat. Base sa kwento niya, alam kong may nararamdaman ka sa kanya, dagdag pa dito nong hindi ka pa nagpapalit ng simcard madalas mo siyang tinatanong sa akin. Hinintay kong aminin mo sa akin pero wala. Kilala kita boi, alam ko kung kailan may inililihim ka dahil iyon ang isa sa mga weaknesses mo hindi ka magaling magsinungaling kaya sure akong may koneksyon kay Russel ang pagtatago mo. At nang finally tumawag ka, naisip kong paaminin ka, sinabi kosayung kami na ni Russel para malaman ang magiging reaction mo. Kapag nagselos ka o kaya ay nagalit sa akin ibig sabihin may gusto ka nga sa kanya. Hindi pa alam ni Russel ang plano ko noon, tinawagan ko lamang siya after nating mag-usap.”

“Putek hindi kayo magkasama non sa Tagaytay?” Tumango ulit siya. “E sino yung lalaking nagsalita na let’s go?” naguguluhan kong tanong.

“Company outing namin iyon. Mga ka opisina ko ang kasama ko non, but yes nasa Tagaytay kami that time.” Pambihira naisahan ako ng gagong ito.

“Ang lupet mo boi, pano mo ako nagawang lokohin ng ganon?”

“Well, the truth is idea yon ng bestfriend mo.” Inginuso pa niya sa akin si Hans. Na nag peace sign siya sa akin.

“Sabi niya kailangang mapaamin ka namin para magkaroon ka na rin lovelife. Ang sungit mo kasi lalo na ng mag break kayo ni Hannah. Kaya lamang ay nawala ka nga kaya nang tumawag ka hindi na ako nagsayang ng oras.” Muli napailing na lamang ako.

“So nong pagdating natin sa Isla Verde iyon ang dahilan kaya lagi kayung nawawalang dalawa?”

“Yeah, noong una ay ayaw na niyang pumayag kasi natatakot siyang baka sa halip na maging maayos ay gumulo pa. At iyon na nga ang nangyari, kung nakita mo lamang kung paano siya nalungkot nong nagalit ka. Sa halip na ako ang tulungan dahil ako ang nasaktan ay ako pa ang sinisi, sabi niya pinro voke daw kasi kita. Gusto ko na nga sanang sapakin din para kahit papaano ay makaganti ang sakit kaya.”Biglang nagsalita si Hans.

“Pre, iganti kita gusto mo?” at kunwari ay pinormahan akong susuntukin.

“Subukan mo, hindi ka makakalabas dito ng nakatayo. Babaliin ko lahat ang mga buto mo” Banta ko naman sa kaniya.

“Joke lang, ikaw lang kaya ang mahilig manapak hindi nga ako sure baka kapatid ka ni Pacquiao, baka si Aling Dionisia ang totoong nanay mo.” At lumayo siya sa akin,

“Gusto mong mawala ang pagdududa mo?” kunwari ay tumayo ako.

“Joke nga lang diba! Ang pikon nito!”

“Ang gulo ninyong dalawa!” saway ni Karl.

“Etong boyfriend mo kasi epal!” paglingon ko kay Hans nakanguso ito sa akin.

“Ano itutuloy ko pa ba?” Singhal ni Karl sa ken.

“Oo na,” tiningnan ko naman si Hans. “Ikaw tumahimik ka jan ha, kumain ka na lamang kahit ubusin mo lahat iyan,” at inilapit ko sa kaniya ang tray ng sandwich.

“Tirhan mo ako pre, gutom na rin ako,” inabutan naman siya ni Hans, saka nginitian. Kinindatan pa siya ni Karl. Grabe hindi pa rin ako maka move on sa dalawang astig na ito. Parang ang imposible talagang maging sila. Nakakabwiset tingnan, haist oo na ang cute nila, nakakaingget!

“Ano na?” baling ko kay Karl. Kumagat muna siya ng sandwich saka nagpatuloy.

“Huwag ka ngang atat!” Sinamaan ko naman siya ng tingin. Hindi na siya nagreact, nagpatuloy na lang. “Ganon na nga, siya na ang pumilit sa akin na sundan ka, ayoko pa sanang bumaba kasi ang sakit pa ng pisngi ko, kaso sasapakin pa raw niya ang kabila kung hindi pa kami bababa. Kaya lang pagdating namin malas, paalis na ang bangka kaya wala na rin siyang magawa kundi ang tawagan ka the whole night pero hindi ka naman makontak.” Napatingala na lamang ako nang may maalala ako.

“Sinong nagkumot sa akin noong makatulog ako?” Inisip ko nadinig kaya niya yung sinabi ko sa picture niya.

“Malamang siya, siya rin ang nag on ng electric fan para daw makatulog at makapagpahinga ka ng maayos. Sobrang pag-aalala niya diba masama ang pakiramdam mo pero masama ba talaga?” Hindi na ako umimik.Napangiti siya.“Ang totoo hindi naman kami tumuloy sa sayawan. Hinintay namin kayo ni JD, Bwisit nga yung taong iyon ang lamok don sa pinagtaguan namin. Sabi ko nga sa kanya pag lang ako nagka dengue huhulihin ko talaga lahat ng lamok sa isla at ikukulong ko kasama siya.” Napatawa rin siya sa sinabi niya pati kami ni Hans ay hindi rin naiwasang mapatawa, Maya-maya ay nagpatuloy na siya nang mapansing hindi ako sumasagot at intresado sa kwento niya.

“Saka alam mo ba sobrang selos niya kay JD, kung hindi nga lamang daw malaking kawalan yung tao sa kanila, tatanggalin na niya nang oras ding iyon, lalo na nang marinig nyang niyaya ka niya na mamangka kulang lamang magwala. Kaya nong umaga, bwisit tulog pa yata ang mga manok sa isla ay pinilit na niyang umalis na kami para lamang hindi kayo makita na magkasama. Grabe sobrang insecure.” Hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko speechless talaga ako pero napapangiti ako.

“Ngayon ngiti-ngiti ka diyang parang baliw, hindi ka pa rin ba aamin? Kahit halatang-halata na kinikilig ka itatanggi mo pa rin ba? Kung ipadukot ko kaya iyang puso mo at mabuksan tapospipicturan ko kung sino ang nasa loob niyan saka ko ipopost sa wall mo sa FB. ” sasagot pa sana ako nang may marinig kaming katok sa pintuan at dahil siya ang malapit ay siya na ang nagbukas.

“Lola Ana,” narinig kong bati ni Karl nagmano siya. Tumayo ako at sinalubong siya. Nagmano rin ako sa kaniya at niyaya siyang pumasok. Pagkapasok ay nagpaalam muna ang dalawa. Hinayaan kaming makapag usap.

“Napasyal po kayo?” tanong ko agad pagkaupo namin.

“Utoy hindi na ako magpapaliguy-ligoy. Didiretsuhin na kita.” Mabilis na sagot niya.

“Ano pong ibig ninyong sabihin?” naguguluhan ko pa ring tanong.

“Alam ko na ang totoo, Sinabi na sa akin ni Russel ang lahat.”Nabigla ako sa sinabi niya.

“Lola kasi po ….” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko.

“Isa lamang ang itatanong ko, may nararamdaman ka ba sa kanya? Mahal mo ba ang anak ko?” Huminga lamang ako ng malalim. Hindi ko alam paano sasagutin ang tanong niya. Pero ito na yata ang pagkakataon. Pagkatapos kong marinig kay Hannah ang lahat, lalo na kay Karl parang wala na akong dahilan para tumanggi. Kung ito ang hinihingi kong 2nd chance kay Kupido hindiko na ito palalampasin pa. Hindi ko na hahayaang lumampas ang pagkakataong ito at pagsisihan ulit. Huminga ulit ako ng malalim saka pumikit at marahang tumango.

“Opo Lola,” halos pabulong kong sagot. Bigla niya akong niyakap. Saka hinalikan sa magkabilang pisnge.

“Xander, salamat, mahal na mahal ka ni Russel. Sana ay mahalin mo rin siya ng totoo ha.” Umiyak niyang pakiusap.

“Opo, Lola, makakaasa po kayo.” Sagot ko naman sa kanya,

“Pero nasaan po siya. Lumingon siya at nang lumingon din ako nakita ko si Xander sa pintuan nakangiti kahit may luha sa mga mata. Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Sinalubong niya ako at mahigpit na niyakap. Wala kahit anong salita ang lumabas mula sa aming mga labi. Sapat na ang aming mga yakap na magpatunay kung gaano namin kamahal ang isat-isa. Nang makaupo kami ay muling nagsalita si Lola Ana.

“Ang akala ko noong una ay si Karl ang tinutukoy niya. Kaya nang sabihin niyang pupunta kayo sa amin ay natuwa ako at makikilala ko si Karl.”

“Hindi po kayo tumutol?”

“Tumutol siyempre, sinabihan ko siyang tigilan na iyan dahil mali, pero sabi niya sa akin, wag ko daw subukang magkontrabida, dahil ang mga kontrabida raw ay namamatay agad sa mga istorya.” Nakita ko namang nakangiti si Russel.

“Napaka salbahe!” kurot niya kay Russel. Naisip ko kapatid talaga siya ng Inay. Parehas sila ng trip.

“Ang Inay naman, nakakahiya.” Reklamo ni Russel. Ang cute pala niya kapag ganon, parang bata lang.

“Saka ano pa bang magagawa ko. Pero aaminin ko noong una siyempre nabigla ako. Ayoko talaga kasi nag-iisa siya pero sabi niya ay mahal niya talaga at nakita ko namang seryoso siya.”

“Saka noong umalis ka, tapos ay bumalik sila galing sa itaas nakita ko ang pagkabalisa niya. Kasunod noon ay ang pag-uwi rin ni Karl nang wala sa plano. Ako’y talagang nag-alala lalo na nang makita kong umiiyak siya dahil sa nangyari saka ko lamang natanggap ang lahat. Siguro nga ay kailangang hayaan ko siya sa kung sino ang magpapaligaya sa kanya. Hindi man siya nagsasalita alam kong apektado siya sa pag-alis nyo, Hindi na siya halos kumakain, sa gabi laging gising sa araw naman madalas tulala, Kaya ako na ang nagsabi na ayusin ninyo ang problema ninyo.

Pero nang ikwento niya sa akin ang totoo na ikaw pala at hindi si Karl, hindi na ako nakatiis na hindi makialam, kaya lang kailangan muna naming masiguro kung ano ba ang naramdaman mo. Dahil noong bumalik si Karl sa isla ay malabo pa rin daw, hindi rin siya sigurado kung ano ba talagang nararamdaman mo. Kaya tinawagan ko agad-agad ang Lola mo at sinabing darating kami pati na rin ang aming sadya.”

“Ano po ang sabi ng Inay?” Iyon na lamang ang naitanong ko.

“Nako hayun, ang tinawagan kaagad ay ang Papa mo at isinusumbong ka, biro lang! siyaraw ang magpapaliwanag. Sabi ko ay hintayin muna ang pag-uusap natin kaya lang ay hindi ko mapigil alam na raw niya ngayon ang dahilan kung bakit ilang araw ng kakaiba ang iyong mga ikinikilos. Sigurado na raw siyang si Russel nga ang dahilan. Kaya sabi koy bahala na siya, at dito ko na niyaya si Russel. Xander, apo, o anak... Ewan ko ba anong itatawag sa iyo, Hindi ko rin alam kung tama ba ang desisyon ko. Pero kung saan maligaya si Russel, wala akong dahilan para hadlangan iyon.” Napangiti ako sa sinabi niya. Tiningnan ko si Russel

“Hoy, ang tahimik mo baka gusto mong magsalita.” Ngumiti siya sa akin na parang mahihiya saka tiningnan si Lola Ana.

“O siya maiwan ko na kayo, mag-usap muna kayo ng maayos. Pupuntahan ko ang Inay mo” At tumayo na siya.

“Thank you bro, akala ko hindi na mangyayari, akala ko nang umalis ka tapos na rin ang lahat.”

“Sorry kung naging duwag ako, sorry kung natakot akong ipaglaban ka…” bigla niyang tinakpan ng 2 daliri niya ang bibig ko.

“Okay na ang lahat, Sobrang saya ko na malamang mahal mo pa rin ako pagkatapos ng mga nangyari. Mahal mo pa rin ako kahit ang tagal nating hindi nagkausap. Yung pagmamahal na iyon ay sapat na para sa akin upang kalimutan kung anuman ang nakaraan.” Nakangiti niyang sagot. Tumayo ako at muli ay niyakap siya.

“Yun oh, aamin din pala dami pang kaartehan.” Paglingon ko sina Karl at Hans nasa pintuan. Inambaan ko ng suntok si Karl pero nginitian lamang niya ako pati si Hans ay pansin kong masayang-masaya.

Lumapit ang dalawa sa amin na magkahawak kamay. Putek na mga kamay iyan hindi ba pwedeng paghiwalayin?

Nagpasalamat na rin si Russel sa ginawa nilang dalawa. Noon pa pala ay naipagtapat na sa kanya ni Karl ang tungkol sa kanila pagkatapos niyang aminin ang nararamdaman niya sa akin. Para pa rin akong nanaginip. Parang ang bilis ng lahat ng pangyayari. Yung lahat ng sakit na pinagdadaanan ko ay naglahong parang bula. Nang mga sandaling iyon para akong nalulunod sa saya.

Hindi pa rin totally nagsi sink in sa system ko ang lahat ng nangyari. Mabagal pa rin pina process ng utak ko ang lahat. Natatakot akong baka sa isang iglap ay magising ako na hindi pala totoo ang mga nangyayari.

Kumakain na kami kaharap ang Inay pati sina Karl at Hans, kasama rin namin sa table si Lola Ana at syempre si Russel.

“Ana, hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung totoo ang lahat o o binabangungot lamang ako.” Napapailing na umpisa ng Inay.

“Ate, hindi ko rin alam kung paano ako nakumbinse ni Russel na tama nga itong ginagawa natin. Baka ako’y ipinakulamng batang ito.” Nakairap namang sagot ni Lola Ana. Napatawa naman kaming lahat.

“Basta ako masaya” biglang banat ni Karl.

“Oo masaya ka ngayon pero hindi mo pa alam ang magiging reaksyon ng iyong ama kapag nalaman ang tungkol diyan? Sagot naman ng Inay.

“Pre ano bang sabi ni Tita?”si Hans halata ang pag-alaala sa biglang pagbagsak ng balikat ni Karl.

“Wala naman, wala siyang sinabi kasi hindi naman niya ako nakikita, instantly bigla akong nagka power, naging si Invisible man ako sa bahay namin” pagpapatawa niya pero alam kong malungkot siya. Biglang nasamid si Russel na ikanatawa namin nakita ko si Hans na napahagikhik hindi sa sinabi ni Karl kundi sa nangyari kay Russel dahil dali-dali nitong inabot ang baso ng tubig at uminom..

“Sa family mo mo ba bro, anong status?” tanong ko naman kay Hans na tawa pa rin nang tawa.

“Alam ni Hannah ang tungkol sa min, parang pati si Mommy kasi madalas niya akong sabihan na puro kabulastugan daw ang pinaggawa ko, pero si Daddy hindi ko alam kung pano sasabihin. E si ninong nagkausap na ba kayu?” balik niya sa akin.

“Oo sabi niya, kinausap raw siya ng Inay, kaya wala siyang magawa pero mag-uusap pa raw kami hindi pa raw siya tapos. Hindi si daddy ang problema ko si Mommy, iyak nang iyak OA nga as if naman namatayan siya ng anak.”

“Ssshhh, Xander hindi mo maiaalis yun sa kanya, solong anak ka kaya tiyak nabigla iyon.” Pagsaway ni Lola Ana sa akin. “Hayaan mo susubukan kong kausapin.”

“Buti pa itong si Russel, walang inaalalang ganyan singit ni Karl. Napangiti naman si Russel.

“Tama na naman bro, sobra na yung one year sufferings na dinaanan ko, Hindi ko nga alam papaano ko nasurvive ang lahat ng iyon, ang hirap kaya non.”

“Oo na kasalanan ko na nga. Sorry na 1,000,000x okay na ba?” at nauwi sa tawanan ang aming hapunan. Nang biglang magsalita ang Inay.

“Nariyan na naman iyan at wala na tayong magagawa, alam ko tumutol man kami ay hindi rin kayo mapipigilan, ang pakiusap ko lamang sa inyong lahat, pati sa iyo Hans, dahil hindi ka na rin iba sa pamilyang ito lalo pa ngayon sa sitwasyon ninyo ni Karl. Huwag kayong gagawa ng dahilan para bumaba ang tingin ng mga tao sa inyo. Edukado kayo. Ipakita ninyong nagmahal lamang kayo at walang nabawas sa pagkatao ninyo. Patunayan ninyo sa lahat na sa kabila ng desisyon ninyo karespe-respeto pa rin kayo.”

Napatungo kaming lahat. Alam naming tama naman siya. Nagmahal lamang kami

Bago sila bumalik sa isla, patuloy pa rin ang pangungulit ni Russel na sumama ako. Gusto ko talaga kaya lamang ay huling araw na ng aking bakasyon.

“May pasok nga ako bukas.” Pagtutol ko

“Ako na sabi ang bahala don. May kakilala akong magaling na duktor sa Manila si Dr. Anthony Marquez, Bibigyan ka niya ng Medical Certificate kahit ilang araw mo gusto. Naitawag ko na sa kaniya at wala namang problema.” Nakangiti niyang sagot sa akin.

Hindi na rin ako kumontra kasi gusto ko rin naman siyang makasama. Miss na miss ko na siya talaga.

Kaya nang dumating kami ng Isla hindi ko alam kung sino sa amin ang mas excited.

“Uulitin natin yung lahat ng plano mong pagbabakasyon dito. Lahat ng hindi natin nagawa noon ay gagawin natin ngayon.” Sinasabi niya habang paakyat kami sa kubo sa taas. Pero this time hindi na mabigat ang dibdib ko una wala akong dala dahil nagpahatid kami kay JD at don sa isa pang tauhan nila pangalawa ay ang gaan-gaan ng pakiramdam ko, lalo na ng aking dibdib, para akong nasa mga ulap. Maaga pa naman nang umakyat kami kaya ramdam na ramdam ko yung saya habang pinagmamasdan yung magandang tanawin na nadadaanan namin. Mga halaman at bulaklak na hindi ko napansin noong unang umakyat ako. Pero nang mga sandaling iyon parang ang ganda nila pati kanilang mga kulay.

Pagdating sa taas nagpakuha agad siya ng buko saka ako binulungan.

“Ayan kumain ka kahit ilan, hindi mo na kailangang kuhanin iyan ng patago, sa iyong lahat iyan.” Pabiro niyang sabi saka ako inakbayan. Natigilan ako naisip nakitapala nila ang ginawa ko noong una kaming pumunta.

“Gusto mo bumalik na ako?” kunwari ay pagtatampo ko saka ko inalis ang pagkakaakbay niya.

“Eto naman nagbibiro lamang sineryoso agad, saka muli akong inakbayan. Nginitian ko naman siya. Napansin niyang nakatingin sa amin sina JD.

“Balikan ninyo na lamang kami bukas after lunch.” sinabi niya kay JD siguro para iparamdam sa kanila na pwede na silang bumaba. Dahil alam kong nagseselos siya hindi na rin ako masyadong naglalapit sa kaniya. Ayoko ng bigyan si Russel ng dahilan para malungkot o sumama ang loob. Tulad ng sinabi ko noon. Hindi ko na sasayangin ang ikalawang pagkakataon na ibinigay sa akin para maging masaya.

Kinagabihan, gaya ng ipinangako niya. Magkasama naming pinanood ang mga alitaptap. Napakaganda nga nilang panoorin para kaming nasa magical world habang patuloy ang kanilang pagbibigay ng nakaka amaze na liwanag. Magkaakbay kami ni Russel. Nakangiti lamang siya habang akoy maghang-mangha sa aking nakikita. Nagmukhang giant Christmas Tree ang mga puno.

“Ang ganda!” biglang naibulalas ko. “Thank you for bringing me here and letting me experience this happiness.” Niyakap ko siya.

“Noong una kong ma witness ito bata pa ako, tuwang-tuwa ako sa kanila. Basta nagagandahan lamang ako. Pero nong malaki na ako. Ipinangako ko sa aking sarili, isasama ko rito ang pinaka special na tao sa buhay ko, isang taong handa kong makasama sa buong buhay ko. At nang makilala kita, sa bawat pagpunta ko dito wala na akong inisip kundi ang maisama ka rito. Gusto kong sabihin sa iyo nang tayong dalawa lamang ang laman ng puso ko. Mahal na mahal kita Xander. Unang kita ko pa lamang sa iyo alam ko na sa sarili ko.” Hindi ko alam paano magrereact sa mga sinabi niya. Saglit akong tumingin sa mga fireflies bago ako humarap sa kanya.

“Mahal na mahal din kita Russel. Salamat kasi hindi ka nagbago, hindi ka nagsawa o napagod na mahalin ako. Aaminin ko pinigil ko ang nararamdaman ko pero hindi pala kaya, hindi pala pwedeng itago ang tibok ng puso.” At inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya. Naramdaman ko naman hinalikan niya ang buhok ko at inilagay ang kamay niya sa bewang ko.

“At sinong may sabi na kayong dalawa lamang ang tao dito? Nagulat kami sa aming narinig at sabay na napalingon.

“Putek! Si Karl at si Hans”. May dalang malakingflashlight at magkahawak kamay.

“Paano kayo nakarating dito?” halos sabay naming tanong ni Russel pagkatapos maka recover sa aming pagka bigla.

“Malamang umakyat!” sarkastikong sagot ni Hans. “Wala namang nakasulat na “bawal umakyat dito “at kung meron man sorry hindi namin nabasa ang dilim na kasi.” Binato ko siya ng kapirasong kahoy at tinamaan siya sa tiyan.

“Aray naman, akala ko ba pag inlove hindi na brutal.” Kunwari ay naiinis niyang reklamo.

“Bro!” sigaw naman ni Karl.

Naupo sila sa tabi namin at ikinuwento na sasabay sana sila sa amin, kaya lamang ay dahil sa kabagalan ni Hans. Tinanghali sila ng dating sa pier, kaya resulta naghintay pa sila ng panghapong biyahe.

“Tapos etong bestfriend mo, akala ko naman ay sanay dito, ayun naligaw pa kami, ibang hagdan yung inakyat namin ang taas na ng naakyat namin saka sinabing hindi raw pala doon. Ayun buti na lamang at may napagtanungan kami kaso madilim na nang magsimula kaming umakyat dito buti na lamang mabait si Manong pinahiram kami ng flashlight.”naiinis na kwento ni Hans.

“Ayus!” sabay naming sagot ni Russel.

“Walanjo, pre hindi mo man lang ako pinagtakpan?” kunwari ay pagtatampo ni Karl.

“Di na bale pre, kahit may pagka ewan ka love naman kita kaya ayus lang yun.”sabay akbay sa kanya.

“May pagka ewan pala ha, don ka umakbay sa puno ayun o.” saka lumayo sa kanya at lumipat sa kabilang side. Habol naman si Hans.

“Baby ko naman wag kang ganyan, alam mo namang mahal na mahal kita ikaw lang ang kailangan ko sa aking buhay.” Saka kami kinindatan.

“Woooow soooo gaayyy…”sigaw naman ni Karl kaya lalo kaming nagtawanan.

“O siya tama na iyang drama nyo, tara na sa kubo at kumain na tayo, malamang gutom na kayo parehas.” Yaya sa amin ni Russel.

Kahit sa harapan ng pagkain ay tuloy pa rin ang asaran at kwentuhan namin.

Napaka saya ng 5 araw namin sa Isla. Lahat ng pwedeng gawin sinubukan namin. Namangka, nangisda. Umakyat ng buko. Namitas ng manga, sumama sa bangka sa laot at kung anu-ano pa. siyempre swimming.

Sobrang saya, hindi ko naisip na mararanasan ko ang ganon. Totoo nga pala na makapangyarihan ang pag-ibig at pag si Kupido ang dumiskarte wala kang magagawa kumontra ka man mahihirapan ka lamang. At nagpapasalamat ako sa kanya dahil binigyan niya ang ng ikalawang pagkakataon.

Nasa isang malaking bato kami nakaupo ako habang nakahiga siya at nakaunan sa hita ko. Ang dalawang mokong ay nasa tubig parang mga batang walang tigil sa kakasigaw na parang noon lamang nakaranas maligo sa dagat e halos araw-araw nasa tubig kaming apat.

Pinagmasdan ko si Russel habang siya ay nakapikit. “Bakit pinigilan ko ang sarili kong mahalin ang gaya mo, ano pa ba ang hahanapin ko sa iyo?” bulong ko sa aking sarili.

“Hey, nakatitig ka na naman sa akin? Sabi ko naman sa iyo ang gwapong mukha na ito ay para lamang sa iyo. Hindi lamang ang mukha ko, pati katawan ko, utak lalo na ang puso ko 100% sayung-sayo lang.” Napahagikhik naman ako sa sinabi niya.

“Ilang beses mo na bang sinabi iyan, memorize ko na nga.”

“Kasi gusto kong maging bahagi ng sistema mo at matatak kahit sa sub conscious mo, na kahit kailan, hinding-hindi ako titigil na mahalin ka.”

“I I love you too.” Saka ko siya kiniss sa noo, sa ilong hanggang sa mapula niyang lips. Iyon lamang naman ang kaya kong sabihin at kayang ipangako dahil hanggang sa mga oras na iyon hindi ko pa rin mapaniwalaan na kami na nga, Ang weird! Pero sa lahat ng nangyari sa amin, isa lamang ang natutunan ko. Sa love may mga bagay na hindi nangangailangan ng dahilan o tamang explanation. Hanggat nagmamahalan kayu at walang inaagrabyadong ibang tao, hanggat alam ninyo sa isat-isa na totoo ang nararamdaman ninyo makaka survive kayo.

Hulinggabi namin, siyempre gaya ng dati sa room ni Russel kaming dalawa, yung dalawang ugok naman nasa guest room. Iyon din yung room na ginamit nila Russel at Karl noong unang beses na pumunta ako don.

Nauna si Russel naligo, paglabas niya, naka shorts lamang siya habang nagpupunas ngtowel sa buhok niya. Grabe, ang sexy talaga niya at ang gwapo, Lalo pa at my maliliit na patak ng tubig sa makinis niyang katawan at pansin ko mas toned na ang katawan niya kesa noong last year mukhang suki na siya ng gym. At higit sa lahat yung perfect smile niya.

Bahagya akong tumungo baka mapansin niyang tinititigan ko siya.

“Its your turn” sabay hagis ng isang nakatiklop na white towel. Napatawa ako nang makita ko.

“What’s wrong?” biglang tanong niya.

“Wala, haha...parang nasa hotel lamang” nasabi ko habang nakatingin sa towel.

“Whatever! Hala maligo ka na nga dami mong alam, Matulog na tayo maaga pa tayung gigising bukas unless gusto mong magpaiwan dito, pabor yun sa akin.” Tiningnan ko lamang siya ng masama.

“O siya hindi na, sige, uuwi ka na bukas, hindi na kita pipigilan”Sagot niya saka ako itinulak papuntang banyo.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Bakit ang bilis ng araw, Pagpasok sa banyo napasandal lamang ako sa dingding. Etong limang araw na ito na yata ang pinaka memorable na araw sa akin. Hindi pa rin mapaniwalaan ng utak ko ang lahat. Pero isa lamang ang tiyak, may boyfriend ako at boyfriend din niya ako. Wahhh..ang weird, pero weird na kung weird ang importante happy ako and I have no regret.

Paglabas ko ay nakahiga na siya sa isang side ng bed. Nagpatuyo lamang din ako ng buhok saka nagsuot ng sando. Naka shorts lang kasi ako. Inangat ko ang kumot at nahiga sa kabilang side ng kama.

“Hmmm, ang bango naman ng mahal ko nakaka turn on…bulong niya habang inaamoy ang leeg ko.” Pambihira ano ako switch ng ilaw?

“Ano?” gulat kong tanong. Pero sa halip na sagutin ay bigla niya akong hinalikan sa lips. Hindi iyon ang first time naming nagkiss pero iba ang dating ng kiss na iyon. May kakaibang kiliti na nagpapawala ng katinuan wala na akong nagawa kundi tugunin ang halik niya. Hanggang hinawakan na niya ako sa batok para mas ilapit sa kanya ang labi ko.

Naramdaman kong unti-unti niyang itinataas ang sando ko. Hanggang tuluyan na yong mahubad, saka niya mabilis na hinubad ang sa kanya. Pumatong siya sa akin. Dalang- dala kami sa init na nararamdaman namin. Hinalikan niya ako sa may tenga, sa leeg pati sa balikat. Naramdaman ko ang pagkabuhay ng alaga niyana tumatama sa hita ko dahil sa likot niya. Yung sa akin man ay alam kong gising din at napapagalaw kapag napapalapit don sa kanya,

Nanatili lamang ako nakayakap sa kanya, hindi ko alam ang gagawin. Gusto kong gayahin ang ginagawa niya pero hindi ko alam kung paano. Hanggang bigla siyang tumigil saka tumingin sa akin.

“Ano na?” naguguluhan kong tanong?

Kumamot siya sa ulo saka tumingin sa akin” Ewan ko, pano ba?” nahihiya niyang tanong sa halip na sumagot.

Napangiti na lamang ako. Hahaha. Pareho kasi kaming first timer, walang experience, walang knowledge, ni idea wala, paano nga ba ginagawa ang ganon. Oo kahit porn about m2m hindi pa ako nakapanood nang time na yun. Hindi ko naman kasi alam na aabot kami sa ganoon.

Itinulak ko siya mula sa ibabaw ko saka ako humiga ng maayos. Hindi kami nagsalita. Maya-maya ay nagtawanan kami, nang bigla ay may naisip siya.

“Sariling sikap na lang tayo” nahihiya niyang bulong pero sa kisame nakatingin. Napangiti ako.

“Ayan, diyan expert tayo.” Tumingin ako sa kanya at nakita ko nakatingin din siya nagkatawanan ulit kami.

Nang matapos ang tawanan ay halos sabay kaming nagsabi ng

“Game?”tapos ay tawanan ulit, nang ibaba niya ang shorts niya nakita kong nakabakat sa white brief niya ayung matigas niyang ari. Itinulak ko siya ng bahagya.

“Harap ka don, talikod ka sa akin.” Tiningnan niya ako na nagtataka.

“Ha, bakit?”

“Basta, don ka humarap” at itinulak ko siya ulit, nang makatalikod siya sa akin saka ako tumalikod sa kanya habang ibinababa ko rin ang shorts ko. Tiningnan ko siya, nakalingon ang ulo sa akin.

Diyan ka sabi humarap, ano game na?” nakangiti kong tanong.

“Game na tas nakaganito tayo, ang hirap naman.”reklamo niya.

“O sige tihaya tayo pero patayin mo ang ilaw ha.” Suggestion ko.

“Haist. Ang dami namang arte, sige na ganito na lang. Game na.” maktol niya.

“Game!” mahina kong sagot.

Ibinaba kona ang brief ko at nagsimulang himasin ang aking alaga. Nang biglang nagsalita siya.

“Psst, patingin naman kahit saglit lang.”

“He! Hindi pwede, mag focus ka jan sa ginagawa mo huwag kang magulo.”

“Damot!” bulong niya, napangiti na lang ako.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Second Time Around (Part 4)
Second Time Around (Part 4)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEigk8H6juJdj8YvFNYT8pkjKZjhUThIo7o4Gqg_PFNPM6qIhWGgy1QzbBeafbNTeS_FE9JTX8Kf6nnDI-cikfBOJaex3bda3uzYbF7CJZHR-1BZlPAswkIn5AbwoMGHrrCA7_x9wPF44AZ5/s1600/12446190_802354853208658_902745443_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEigk8H6juJdj8YvFNYT8pkjKZjhUThIo7o4Gqg_PFNPM6qIhWGgy1QzbBeafbNTeS_FE9JTX8Kf6nnDI-cikfBOJaex3bda3uzYbF7CJZHR-1BZlPAswkIn5AbwoMGHrrCA7_x9wPF44AZ5/s72-c/12446190_802354853208658_902745443_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/08/second-time-around-part-4.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/08/second-time-around-part-4.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content