By: Aristotle Author's Notes: My second story! Magiging kaswal ako sa aking narration (ng slight). Magkakaroon ng mga slangs and...
By: Aristotle
Author's Notes:
My second story! Magiging kaswal ako sa aking narration (ng slight). Magkakaroon ng mga slangs and improper terms. Magiging halo-halo din ang lenguaheng gamit sa buong storya. Gusto ko lang iayon ang storya sa point of view ng bida ng kwento. Naway magustuhan ninyo.
---"Macchiato for Napoleon?", nagmadali akong pumunta sa pick-up counter para kunin ang kape ko. "Thanks", sabay lakad ng mabilis para makalabas. Natagpuan ko ang sarili kong umiikot sa central garden ng mall, hinahanap ang exit. Kabisado ko naman tong mall ah? Bakit parang naliligaw ako?
What's up Self? Nakita mo lang siya sa kabilang table at di ka na naman mapakali. Small world. What a timing! Exactly one year na ang lumipas. That time frame, akala ko okay na ako. Akala ko wala na yung feelings. Yung feeling na ang saya mo lang kapag nakikita mo siya. Yung mas masaya ka kapag kasama mo siya. Kasama mo siyang nag-aaral. Kasama mo siyang gumigimik. Sa library man o sa mall. Sa museum man o sa bar ( kahit hindi ako mahilig sa alak at loud places ay sinet aside ko na muna yung maarte kong preference ). Iba nga ang tama ko sa kanya. Sa tuwing tinatanong niya ako nang "Ok lang ba, your highness?", sabay angat ng kamay niyang may hawak na yosi. Tumatango lang ako at kunwari walang pake sa paninigarilyo niya sa harap ko. To be honest, everytime I was with him, I felt like I was living and dying at the same time. Siya nagpapatibok ng puso ko, siya din pumapatay sa baga ko dahil sa nalalanghap kong second hand smoke. Ayokong maturn off siya sa akin. Baka sabihing ang arte ko, kaya tinitiis ko ang amoy ng usok hanggang sa nasanay nadin ako. Sorry, lungs.
Alam mo yung feeling nung time na unang beses nagkadikit ang mga braso namin habang magkatabi kaming kumain sa Mcdo? I swear, halos tumirik ang mga mata ko sa kuryenteng dumaloy sa aking katawan. "You okay, Pol?", tanong sa akin ng ka-group study naming si Ronan. "U-uh, yes.", sabay pahid ng pawis ko sa aking noo. "Your highness", pagbulong ni Carlos sa akin sabay bigay ng tissue. Nanginginig man at pinakita ko sa lahat na okay lang ako.
Ang hirap nung mga panahon na iyon na sa tuwing nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya ay napapayuko nalang ako. Alam kaya niya? Kasi minsan naman, I caught him glancing at me. Iba siya kung makatitig minsan. Nakakapanghina.
Bakit kasi ang kapal ng mga kilay niya. Nakakaakit ang mga mata niya.
Ang pupula ng mga labi.
Take note, naninigarilyo ang kumag na iyon. Tan yung balat niya, ngunit mamula mula ang mga pisngi. Palagi niyang sinusuklay ang buhok niyang may kahabaan gamit ang kanyang mga daliri. Minsan may bumabagsak sa gilid ng noo niya.
Hayop.
Parang pinagmamasdan ko lang si James Dean. Kulang nalang sa kanya ay leather jacket.
"Bakit?", tanong ko dahil nga sa nakatitig siya sa akin. "Pahawak nga", he touched my cheeks. Di ko alam kung namula ako noong time na iyon. Basta't ginawa ko lahat para di mahalata. "Parang wala lang pala. Weird", tsaka siya sumandal sa kinauupuan niya matapos niyang hawakan ang freckles ko. "Weird I know. Pangit.", pabiro kong sabi. "I love weird things. Para ka yung manika ng kapatid ko.", sabi niya tsaka nagbasa ulit sa reviewer niya. Agad akong pumunta ng CR para mahimasmasan naman ako.
Fuck that feeling.
I hate this throwback. Naalala ko tuloy noong oras na kaming dalawa lamang ang naiwan sa lounge dahil may binili ang tatlo naming kasama sa Bookstore. "Be back in 30 minutes", sabi ni Lacy. That 30 minutes seemed like forever. Dreadful 30 minutes. Sobrang awkward. Hindi ako makapagsalita. Bakit kasi nila ako iniwan kasama siya? Una, alam nilang awkward talaga akong tao. Pangalawa, itong si Carlos ay bagong salta sa aming grupo. Newbie. Joiner. Solo review kasi siya at walang kaibigang kasama. Nagkataon na same dormitory ang tinutuluyan namin kaya niyaya siya ni Ronan at John na sumama sa amin. Okay, that was the beginning of my rollercoaster ride. "You should brush up your hair", sabi niya habang tinuturo niya ang aking buhok na magulo. "Natatakpan kasi mukha mo. You've got nice eyes", sabi niya sa akin habang kagat kagat ang lapis niya at para bang inaayos ang aking buhok. "Thanks", tanging sabi ko. "Bro, you're blushing. Haha", napatawa siya tsaka bumalik sa reviewer na sinasagutan niya. "Sorry. I just don't think I have... Nice eyes.", I took my frappe at humigop muna. "You have", sabay kindat. Natulala ako saglit sa ginawa niya. Narinig kong tumawa lang siya.
That feeling na nagkapalitan kami ng follow request sa Instagram. I swear dude, pinagpawisan ako. Nabahala ako dahil una, nahihiya akong makita niya ang aking profile. Pangalawa... Walang pangalawa. But I still accepted his request tsaka ako nag followback. Opo, siya unang nag request.
Must be SOMETHING?
Starting that day, palagi ko nang mino-monitor ang views ng aking instagram stories. Carlos, are you stalking me? Everyday I post stuff, tapos palaging nasa Views list siya.
Must be SOMETHING?
Kinatok ko ng ilang beses ang ulo ko para bumalik sa katinuan. What was I thinking? Siya? Magkakagusto sa akin? Two months palang kaya kaming magkakilala... Pero ako, gusto ko na siya. Alam ko yun unang beses ko pa lamang siya makita. Pero alam ko namang di pwede. Una, pareho kaming lalake. Pangalawa, may girlfriend siyang iniwan sa Cebu. So, pangatlo, hanggang ilusyon nalang ako.
"Pol? Turuan mo naman ako kung paano to i-solve? Di ko magets eh", napakamot siya ng ulo. Inabot ko ang papel ko sa kanya para kopyahin na lamang niya ang solutions ko. "I still don't get it", sabi niya. Dahil ako ang nasa dulo ng malaking table, tumayo siya at hinila ang kanyang upuan tsaka tumabi sa akin. "How to do this?", tinanong niya ako habang nakatitig sa akin ang mga mapungay niyang nga mata. "Uh-okay. This is how you do it...", nag-umpisa na akong magsolve ngunit I did my best na di siya tinitingnan sa mata. I swear, baka halikan ko siya ng wala sa oras at lugar. I was really emotionally unstable that time, isipin mong naisip kong halikan siya? Manyak ko lang. Tsaka, baka din may mabuhusan ng mainit na kape. "Galing mo talaga. No wonder why Napoleon ang pangalan mo, your highness", tapos di na siya bumalik sa kinauupuan niya hanggang sa lumipas ang apat na oras at mag-aala siete na. "Dinner, guys?"
Lumipas ang mga linggo, natapos na ang board exam, pasado kaming lahat, nagkagimikan ngunit dumating din ang araw na nagsiuwian na. After that Baguio escapade, di na ulit ako sumama sa mga kagrupo ko hanggang sa ayun, nasa airport na ako. I checked my instagram ngunit mas minabuti kong wag nang i-view ang stories ni Carlos. "Psshh. Akala mo di ko kaya?". Sa aking pagkakatanda, tatlong stories ko na ang hindi vini-view ni Carlos. Wow, unfair ha? Naisipan kong mag log-out. Hindi ko na inisip ang realidad na una, masyado ata akong OA. Pangalawa... OA talaga. I logged out at pinatay ang phone ko.
Huling beses ko siyang nakita noon ay oath taking namin. 2017. Dahil kasama ko mga magulang ko, umasta ako na para bang di ako pwedeng i-approach ng mga kaibigan ko. Yung tanging "Hi-Hello" lang ang nasasabi nga mga kaibigan ko sa akin. Intimidating naman kasi ang Nanay ko. Sabi ni Lacy, mala Miss Minchin daw ang aura ng nanay ko. Hindi ko alam kung ikaka-offend ko ba iyun. Tutoo naman kasi. "Pol, invite natin friends mo for dinner.", nag suggest si Papa. "Pa. Kasama nila parents nila. For sure they have a dinner of their own.", sagot ko. Napalingon ako dahil may tumapik sa balikat ko mula sa likuran.
"Pol!", tumingala ako sa may katangkarang lalaki na nakangiti sa akin. Nakasabit ang kanyang suit sa kanyang balikat at di nakasara ang dalawang pang-itaas na butones ng kanyang polo. A part of his chest was exposed. I couldn't help myself that time.
Please.
Please.
Please.
Go away.
You're killing me.
"Uy, Carlos!", napakaway ako. Palingon-lingon ako sa direksyon ni Mama at Papa. Una, bilib ako at di siya natakot sa nanay ko. Pangalawa, nakangiti si Mama.
Weird.
"Ah. My parents. Ma, Pa, this is Carlos.", nagbatian silang tatlo. "Hello po, Tito, Tita.", ngumiti siya kasabay ang pagbagsak ng ilang strand ng buhok sa kanyang noo. Hinawi niya yun gamit ang kanyang kamay. Napa slow-mo na naman ako.
Hayop.
"Pol, kailan ba uwi nyo ng CdO? Invite sana kita sa Cebu. My family's going to throw, you know, a small get-together. Can you come? I'll buy you a ticket.", nakangiti niyang sabi. Nagpaalam saglit ang mga magulang ko para pumunta ng restroom kaya naiwan kaming dalawa. Kung maka-timing nga naman ang pantog nila.
"A-ano", hindi ako agad nakasagot dahil wala akong maisip. Oo naman, gusto ko. Pero ayoko na kasi. Sapat na ang gabi gabi kong kakasuntok sa unan ko sa inis tuwing nakikita ko ang posts niyang kasama ang girlfriend niya.
( "YAH! YAH!", full force ko kinakarate ang unan ko. "Sinasadya mo ah! Fuck you! Kala mo sweet niyo! Walang forever!", sinipa ko tsaka hinagis sa dingding. Halos sumabog na ang unan ko nun. Sorry, pillow )
"Um. Well. Ok--", naputol ang pagpayag ko dahil biglang tumunog ang phone niya. "Teka lang ah", tumalikod siya at naglakad papalayo pero nang sumagot siya at nagsalita, halos mag echo ng 100 times ang boses niya.
BABE...
BABE...
So, Babe pala tawagan niyo. Parang yung baboy lang. Buti nalang at nakatalikod siya at di niya nakita ang nagdedemonyo kong mukha. Kinagat ko ang labi ko at nagtungo sa restroom. Saktong papalabas ang parents ko kaya naman inaya ko na silang umalis. "Where are you?", sabi ng text mula kay Carlos. Pinatay ko lang phone ko at nilagay sa bulsa.
Haaay. That feeling. That feeling na panay ang PM's niya sa akin ngunit hindi ko nirereplayan. Seenzone siya palagi sa akin.
MATIBAY AKO.
Hahahaha!
Pero isang beses, nagreply ako.
Me: Hey. Sorry. Busy eh. What up.
Carlos: May problema ka ba sa akin?
M: Oh, wala.
C: I was thinking I did something wrong.
*insert crying emoji*
M: Wala nga.
*insert smiling emoji*
C: Yes!
*insert heart emoji*
Ayun. Hinampas-hampas ko ang ulo ko sa unan ko. Nang makaramdam ako ng hilo ay umupo na ako ng maayos. I started typing. "Bibi Pol, baba na daw. Ready na pagkain", kinatok ako ni ate Lisa. "Opo, Ate Lisa. In a while", sagot ko.
Me: Carl...
*active two minutes ago*
Bumaliktad na naman ang mood ko nang bigla siyang mag-offline.
RAWR!
Hinagis ko ang phone ko at bumagsak sa carpet. Padabog akong bumaba. "Pol. Manners, please.", sabi ng Ate ko. "Sorry".
That feeling na nagsorry siya sayo dahil bigla siyang nag-offline nung isang gabi? I swear dude, mas malakas pa taman nun kesa kape ni Ate Lisa. "Sorry Pol. Nakatulog ako bigla. I was a little drunk last night."
So, una, drunk words are sober thoughts. Pangalawa, nagsend siya ng heart emoji.
MUST BE SOMETHING?
Pero mas naisipan kong di magreply. Hindi ko alam kung umiiwas pa ba ako, or masyado lang akong assuming para magpa-miss kunyare. Kunyare deadma, para naman hanap-hanapin din ako diba? Ang sagwa. Pero that feeling, na palagi siyang nag co-comment sa posts and stories ko. Yung parang nangungulit.
Ano, na-miss mo na ako?
Hahaha.
"Bro, bisita ka naman ng Cebu. You stay at my house", palagi niyang nababanggit tuwing nagcha-chat kami.
"Hehe. Di ko alam. Let's see"
"Momma's boy talaga"
"Gago ka. Hindi"
"Momma's boy. Momma's boy"
"Shut up. :p "
"So... Girlfriend mo?", bigla niyang tanong.
"Huh?"
"Yun sa picture. Nakita ko sa Facebook mo."
"Secret. Haha"
Oh. Ano, nagseselos ka na, Carlos? Matunaw ka dude. Matunaw ka!
"Sus. She's pretty. Di kayo bagay."
"Suya ra ka (inggit ka lang)"
"Meron din ako. :p"
*Carlos sent a photo*
( picture nila ng nobya niya )
I replied a LIKE emoji tsaka nag-offline. Bwesit siya. Pinsan ko lang naman yun. Tsaka, ano bang pakialam ko kung meron din siya? That feeling na halos umapoy na ang mukha ko sa sobrang init. That feeling na hindi lang karate ang inaabot sa akin ng unan ko, kundi taekwondo, arnis at kung anu-ano pa. That feeling...
That feeling na nasa kalagitnaan ka ng interview mo, tapos biglang mag va-vibrate ang phone mo pero kailangan mo umarte at ipagpatuloy ang pakikipag-usap mo sa HR Head. He called me three times pero di ko parin pinansin. Buti nalang at nakasilent. Phew.
"Is everything alright, Mr. Salazar?"
"Y-yes Maam."
"As I was saying..."
Habang dinadaldalan ako ng HR Head, nakalutang lang ang utak sa himpapawid. Gabi na nang padalhan ko siya ng message.
"Sorry. Wasnt't able to answer you. Busy."
"Ok lang. Di mo naman ako priority"
"Halaka. May regla?"
"Sige na. Alam kong busy ka"
Nagpapacute ang gago. Sarap mong kurutin ng kurutin at halikan.
"Hoy. OA more pre... Hoy... Hoy... Carlos?"
Di na siya nagreply.
Seenzone.
"FINE!", huli kong mensahe.
That feeling na parang sinusuyo ka niya. "Your highness... Musta... Saw your new post... You angry at me?... Hey!... Ay galit... Hello... Sorry na... I'm sorry, your highness...", sa mga messages niya, tanging seenzone lang ginawa ko. Una, feeling na feeling na talaga ako sa aking pagga-galit galitan. Pangalawa, ang cute niya sobra. Pangatlo, ang manyak at ang landi ko. Pang-apat... Replayan ko na nga. Ang kulit kashe ni Carlesh eeeh.
Me: Uy
C: Your Highness! Ok na tayo?
Me: Walang tayo. Haha.
C: Edi ikaw at ako.
Me: *sent a LIKE emoji*
C: LIKE sign, as in you like me?
Me: LoL
C: Di nga. 'Cause I like you.
Me: You drunk again, uh?
C: Slight. Hehe.
( Buong conversation namin wrong spelling siya palagi. Malamang, nakainom na naman )
M: Tulog ka na muna.
C: Concern ang Baby ko.
M: Huh?
C: Ikaw. Baby ko.
It took me a few seconds para i-process ang lahat. Nakakabingi na ang kabog ng dibdib ko.
M: Haha. Funny. Tulog na. Good Night.
C: Baby naman
M: Ano?
C: Pa kiss
M: Oh ayan, sending virtual kiss
C: Sweet lips.
M: I know. Yours too. Haha.
C: I know.
M: Haha. Feeling ka. Lasang Empi.
C: Baby. I love you.
C: Baby?
C: Ok baby. Rest na muna. Mwah. Mwah.
*random emojis*
C: Love you Baby.
That feeling na nakangiti ka lang habang nakatanga sa kisame. That feeling na kinukurot kurot mo ang pisngi mo para siguraduhing gising ka. To make sure it really happened.
There's really SOMETHING!
Hindi ako nakatulog nung gabing iyon, binabasa ko palagi ang conversation namin. Alam kong tulog na siya, pero tinadtad ko parin siya ng replies. Mababasa naman niya ito kinabukasan, I thought. I thought na baka oras na para aminin ko lahat. Bahala na, ramdam ko naman na everything was falling into place.
"Carlos. You've been like this for many times already. Sending me drunk but sweet messages. You love me? I must confess that the first time I met you, it was the time when I felt something for you. You're really special to me. Good Night, Carlos."
Tinabi ko ang phone ko habang pinipilit na matulog. Matamis na mga ngiti, sumasabog na puso. Ang sarap sa feeling. That feeling... That feeling na pagkagising mo, chinecheck mo na agad ang messages. That feeling na pagbukas mo ng social media mo, nakita mo ang isang picture kung saan siya naka tag. Picture niya kasama ang babaeng nakayakap sa kanya.
"Happy 22nd, Babe. Love you"
That feeling na halos mabiyak ang ulo ko kakaisip kung ano ba ang nangyari. It's like my heart has been squeezed by a very rough and brutal hand. Parang dough ng tinapay na minamasa. Parang concretong pader na binabarena mo gamit ang sobrang purol na pako. Parang iyong gate niyo na ginagamitan mo ng steel brush. Parang iyong natuyo nang sugat na may bandaid, tapos bigla mong tinggal yung bandaid, tapos bagong bandaid na naman, tsaka natuyo ulit, tapos tinggal mo ulit.
Ganun.
Hindi ko alam kung papano idescribe ang feeling ko noon. What metaphor could I think for myself? For a first timer, dumb and clueless 21-year old, no metaphor could ever give justice to what I felt.
It fucking wrecked me.
That feeling na ma seenzone yung message ko. That feeling na buong araw ka naghintay ng reply, pero wala. Nakita mo nalang comment niya sa picture nila, isang heart emoji. That feeling na parang walang pagdadalawang isip ay blocked na siya sa lahat ng social media ko. That feeling...
It's been one year. I took a deep breath. Malapit ko nang marating ang exit. Napahinto ako, napatunganga sa kisame. I don't know why, but it seems like I'm still not okay. His hair, his face, his smile... They're still there. I know see saw me, too.
Nag-umpisa na akong maglakad nang biglang naramdaman kong may mainit na kamay ang humatak sa aking braso. Napatalikod ako at nagkagarap kami.
"Hi", tugon niya habang hina-habol ang kanyang hininga. He was sweating a bit. He brushed up his hair with his fingers. His eyes, still mystical. He bit his lips.
"H-hi", pautal kong sagot.
Tinignan ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. Bigla siyang napabitaw at napakamot sa ulo. Nagtagal kami ng ilang segundo nang walang imikan.
"So... I gotta get going.", sabi ko habang pinipilit ngumiti. Hindi ko maramdaman ang sarili sa oras na iyon.
"Wait"
"Yes?"
"Have you checked my email?"
"Huh?"
"My email! Have you checked it?"
"When?"
"Basta"
" I don't get you, Carlos"
"Just check your email, okay!"
Napatingin ako sa aking paligid dahil sa pagsigaw sa akin ni Carlos. Napakunot ang aking noo. Nagulat ako. Kahit nalilito, I opened my gmail and looked for his email. Wala naman ah. I typed his name sa search box. I saw a 2017 email from him. It took me a while to read it. It wasn't that long. I found myself smiling. I chuckled and looked up. Nahiya ako sa binasa ko. Pakiramdam ko ay namumula na ako. Sobrang init sa pakiramdam. Napatingin ako sa kanya habang nakatitig din pala siya sa akin. Ganun parin ang kanyang nakakapanghinang ngiti.
COMMENTS