$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Hyacinthus (Part 3)

By: SadBoy Author's Note: So iyon, pasensya na kung nasa unahan ang pabidang announcement ng author HAHAHA. Apollo's Hyacinth po ...

Hyacinthus

By: SadBoy

Author's Note: So iyon, pasensya na kung nasa unahan ang pabidang announcement ng author HAHAHA. Apollo's Hyacinth po talaga ang original title ng story na ito but suddenly it changes into "Hyacinthus" by the admins. So iyon, yung Apollo's Hyacinth na nabasa nyo po rito is yung prologue or intro ng Hyacinthus. And sorry medyo natagalan ang update since college student pa lang po ako and pastime ko lang ang pagsusulat and originally story ko po ito sa wattpad and I want to share it with you since mas macacapture rito yung target readers ko :) also I will try to update this story as soon as possible. Medyo mahaba po itong update compared sa previous updates ko since nabasa ko ang comments nyo regarding my updates. Iyon, salamat sa atensyon. Proceed na tayo sa story.

***

Kasalukuyan akong nagtatago sa isang cubicle dito sa may bandang likuran ng gymnasium. Pilit kong tinatakpan ang aking bibig upang hindi makagawa ng anumang klase ng ingay dahil oras na malaman ng mga lalaking iyon na nandito ako ay siguradong malilintikan ako.

Tatlong linggo na rin ang nakalipas simula ng unang pasok ko bilang mag-aaral ng kolehiyo at masasabi kong hindi nagiging maganda ang takbo ng buhay ko rito sa ngayon. May nakabunggo akong isang lalaki noong isang araw sa hallway dahil na rin siguro sa sampung minuto na akong late at madaling-madali na akong makapasok. Iyon nga lang mukhang di naging maganda ang resulta nun. Nahulog kasi ang hawak na cake at bulaklak ng nakabunggo kong lalaki dahilan upang masira itong pareho.

Bakas sa mukha niya ang pagkabigla samantalang takot ang agad na rumehistro sa buong katawan ko. Nang magtama ang aming paningin ay ramdam ko na handa na siyang magbuga ng apoy anumang oras. Agad akong humingi ng tawad at yumuko saka kumaripas ng takbo papunta sa aming classroom. Alam kong kabastusan ang ginawa ko pero kung kayo man ang nasa sitwasyon ko alam kong gugustuhin nyo ring mawala na lamang bigla sa eksenang iyon.

"Troy, mukhang natakasan ka na naman ah." wika ng isa sa mga kasamahan niya na siyang nagpalakas lalo sa kabog ng puso ko dahil alam kong maaari na kong mahuli anumang oras ngayon.

"Eh kung tinulungan mo pa kaya akong habulin 'yong gago na yun. Tangina, nasira diskarte ko kay Mitch nung isang araw dahil sa lampang yun." nahiya naman ako bigla sa kapalpakan na nagawa ko pero ano pa bang magagawa ko, nangyari na.

"Chill ka lang bro. Wala na rin namang kwenta kung gagantihan mo pa 'yun eh di ba nga sinagot na ni Mitch yung isa niyang manliligaw. Ano nga ulit pangalan nun? Martin? Marlon? Marco?" nagulat naman ako nang biglang kumalabog ang pintuan ng CR kaya naman mas lalo akong sumiksik sa gilid nitong cubicle.

"Pwede ba pare wag mo na ipaalala. Lalo lang akong nababadtrip eh. Tsk. Tara na nga saka ko na lang aasikasuhin 'yung mokong na yun." nakahinga naman ako nang maluwag nang marinig ko na unti-unting humina ang yabag ng kanilang mga paa.

Kaagad akong umalis sa banyo at dahan-dahang pinagmasdan kung nasa malapit lang sila. Agad akong naglakad palabas ng gymnasium nang makumpirma kong wala na nga sila. Nakatingin lamang ako sa aking paanan habang naglalakad nang maalala ko bigla ang mga nangyari nitong nagdaang linggo.

Maliban sa patuloy na pagiging magulo ng samahan namin ni Marcus ay masasabi kong di ko na rin alam kung ano nang nangyari saming dalawa ni Jozeph. Isang linggo na rin ang lumipas simula nung insidente na iyon at nagiging mailap na siya sakin. Hindi na rin naman bago yun sakin dahil sanay na naman akong iniiwasan.

Oo nga pala, umuwi noong nakaraang araw si tita Risa sa bahay pero di rin naman nagtagal dahil may inasikaso lang raw sya regarding sa franchises ng company dito sa Pilipinas at kailangan niyang bumalik sa Japan para sa extended na business meetings.

Medyo naaawa na nga ko sa kanila ni tito dahil masyadong biglaan ang paghahandle nila sa negosyo. Representative kasi sila ng isang Japanese car brand franchise dito sa Pilipinas na siyang dating trabaho ni Dad at kasama niya lagi noon si tito Leo nung nabubuhay pa sya.

Dahil na rin siguro sa sobrang dami ko nang iniisip ay di ko napansin na may mabubunggo na pala kong tao. Humingi naman ako agad ng tawad dito at laking gulat ko nang pagtingala ko ay mukha agad ni Jozeph ang nasilayan ko.

"Hi." maikli niyang pagbati sakin.

"Pasensya na kung parang iniiwasan kita nitong mga nagdaang araw ha." malumanay niyang paglilinaw at noon ko lang rin napansin na hindi sya nakauniporme.

"B-Bakit ganyan ang suot mo?" taka kong tanong. Ginulo niya ang buhok ko at bahagyang umiwas nang tingin.

"Ang totoo kasi nyan, dapat doon talaga ko sa University na pinasukan natin sa Amerika magkokolehiyo pero nagpumilit akong dito na sa Pilipinas magkolehiyo." tumingin siyang muli sa akin at bahagyang ngumiti.

"Upo muna tayo." sumang-ayon naman ako sa suhestiyon niya na iyon at nagtungo kami sa may mini park nitong university at umupo sa isang bench doon na nalililiman ng isang malaking puno.

Namayani rin nang ilang saglit ang katahimikan sa pagitan naming dalawa nang bigla siyang magsalitang muli.

"Babalik na kong Amerika." di ko alam pero parang may kung ano sa loob ko ang nawala nang marinig ko iyon.

"A-Ano?" nauutal kong tanong sa kanya.

"Naalala mo yung inspirasyon na tinutukoy ko kaya ako bumalik ng Pilipinas?" tahimik lamang akong nakikinig sa kanya dahil hindi ko lubos na maunawaan ang gusto niyang iparating.

"Mukhang huli na ko eh." tumawa siya nang pilit.

"At isa pa, kilala ko yung magiging kalaban ko kung sakali at... ayoko nang magkaroon pa ng koneksyon sa taong iyon."

Nabigla ako nang hilahin nya palapit sa kanya ang ulo ko at hinalikan niya ko sa aking pisngi.

"Pero babalik ako para sa kanya." mariin siyang tumitig sa mga mata ko at kasunod nun ang ilang salitang nagpagulo lalo sa sistema ko.

"Hintayin mo lang ako."

***

"Gago, pare. Ang dali lang naman palang maisahan nung Mitch na 'yun. Biruin mo wala pang isang linggo kong sinusuyo bumigay na agad."

Kasalukuyan kong bitbit ang hapunan na inutos sakin ni Marcus na dalhin sa kwarto niya. Tinuturing niya talaga ko bilang katulong.

"Basta pare, oras na makuha ko siya nang buo ibibigay mo yung pinagkasunduan natin." di naman sa lihim akong nakikinig sa kung sinuman ang kausap niya sa telepono pero di ko lang maiwasan dahil parang may kung ano na naman siyang masamang binabalak. At yung Mitch? Ewan ko ba pero parang narinig ko na iyon di ko lang matandaan kung kanino o kung saan.

Ilang saglit pa ay kumatok na ko sa pinto niya at binuksan niya iyon.

"I-Ito na..."

"Kanina ka pa ba diyan?" bigla naman akong nakaramdam ng kaba dahil sa tanong niyang iyon. Umiling lamang ako at kinuha na niya ang niluto ko.

Napagdesisyunan kong bumili na muna ng ilang stock sa ref kaya naman nagbihis ako at kumuha ng pera sa iniwang budget samin ni tita noong nakaraang umuwi sya sa bahay.

Nagulat naman ako dahil sa isang itim na kotseng nakaparada di kalayuan sa tapat ng bahay namin. Di ko na lamang ito pinansin at dumiretso na sa paglalakad.

Di naman kalayuan sa grocery store itong bahay nila tita kaya saglit lang ay nakarating na agad ako. Karamihan sa mga binili ko ay yung piniprito lang dahil kadalasan ay agahan lang naman ang kinakain namin sa bahay at sa eskwela na kani nagtatanghalian at kung sa hapunan naman ay bihira lang sumabay o sa bahay kumain si Marcus kaya kadalasan ay ako lang rin ang kumakain.

Bitbit ang ilang grocery bags ay diretso na ko pauwi at naroon pa rin ang itim na kotse sa tapat ng bahay namin at nakaramdam ako ng isang di pangkaraniwang kaba dahil doon.

Akmang bubuksan ko na ang gate nang bigla may humablot sakin at tinakpan ang bibig ko saka ko ipinasok sa loob ng kotse. Nang maisara nila ang kotse ay kinagat ko ang kamay ng taong kumaladkad sakin.

"Aray! Puta." napahawak siya sa kamay niya doon ko nakita nang mas malinaw kung sino iyon.

"I-Ikaw?" kung di ako nagkakamali ay siya yung lalaking sinabi ko na nakabunggo ko at patuloy akong hinahunting dahil sa pagkasira ng binili niyang cake at bulaklak.

"So ikaw pala iyong sumira sa planong panliligaw nitong si Troy." napatingin naman ako sa lalaking nasa driver seat.

"Tangina naman pare, tigilan mo na nga." natawa lamang ang lalaking iyon at mas lalo akong kinabahan. Paano nilang nalaman kung saan ako nakatira? At ito na ba ang kabayaran sa nagawa ko? Ibebenta ba nila ang lamang-loob ko? Diyos ko tulungan nyo po ako.

"Hoy hoy hoy, alam ko yang iniisip mo. Di kami kriminal, may gusto lang kaming itanong sayo." wika nung Troy.

"A-Ano yun?" natawa namang muli yung lalaki na nasa driver seat.

"Wag mo kasing takutin pare, mukha ka na ngang leader ng sindikato ganyan ka pa kung mang-interrogate." sinamaan lamang siya ng tingin ni Troy.

"Ako nga pala si Arthur at iyang kupal na yan ay si Troy. Nagtataka lang kami kung diyan ka ba talaga nakatira?" pagtatanong niya sakin pero nanatiling tikom ang bibig ko dahil di pa rin ako komportble sa kanilang dalawa.

"Wag kang mag-alala, di kami masamang tao. Nagkataon lang na gustong magpaka-bayani nitong kaibigan ko kaya kami nandito." nangunot ang noo ko sa sinabi nilang iyon.

"Tsk. Tumigil ka na nga pare. Di ba si Marcus Salazar ang nakatira sa bahay na yan?" nagulat naman ako sa tanong ni Troy. Paano niyang nalaman?

"Anak ng--- sagot!" napatango na lamang ako dahil sa pagkabigla.

"Paanong diyan ka rin nakatira kung ganon?" pahabol niyang tanong na mas nagpakaba sakin.

Siguradong magagalit si Marcus oras na malaman niyang ipinagsasabi ko na iisang bahay kami nakatira.

"Sasagot ka o ipapakalat ko itong litrato niyo ni Jozeph Natividad?" nabigla ako sa larawan naka-save sa phone niya. Kanina iyong umaga nung hinalikan ako sa pisngi ni Jozeph pero dahil sa anggulo ng pagkakakuha niya ay parang sa labi niya ko hinalikan.

"P-Paanong... Nagkakamali ka, i-delete mo yan." pagmamakaawa ko dahil wala pa man din ay unti-unti nang lumalabas ang sikreto ko. Una kay Marcus, ngayon naman dito sa mga lalaking 'to. Ayoko na. Ayoko na maulit yung nangyari sakin sa Amerika.

"Hep hep hep, pasalamat ka at mukhang malaki ang maitutulong mo samin kung hindi ipapakalat ko na lang 'to nang basta-basta." ramdam ko na ang panggigilid ng luha sa mga mata ko.

"A-Anong ibig mo s-sabihin?" napabuntong hininga naman siya bago tuluyang nagpaliwanag.

"Alam kong gago iyang si Salazar at di ko pa man alam kung anong dahilan at sa isang bubong kayo nakatira eh kailangan kita para mapaghiwalay sila ni Mitch. Kaya ano? Sasagutin mo ba yung mga tanong ko o ipapakalat ko 'to? Madali lang naman isubmit 'to sa secret files page ng university natin. At bukas, boom! Sikat ka na."

Mukhang wala na talaga kong takas kaya minabuti ko na lang na makikoopera sa kanila.

"Pamangkin ng asawa ng tita ko si Marcus at dahil sa ulila na siya, matagal na siyang nakatira diyan. Ako naman, kailan lang namatay sa aksidente ang mama at papa ko kaya dito na rin ako nakikitira." mahaba kong paliwanag habang nakatingin sa aking paanan.

Saglit na natahimik ang buong kotse at sa aking pagtingala ay ramdam ko ang kakaibang tingin sa akin ng dalawa.

"Ah-eh, k-kung ganon kailangan mo kaming tulungan." pambasag ni Troy sa katahimikan.

"Sa p-paanong paraan b-ba?" taka kong tanong.

"Tsk. Kababata ko kasi si Mitch at matagal na kong may gusto sa kanya yun nga lang di ko alam kung anong klaseng kagaguhan ang taglay niyang si Salazar at napasagot niya nang ganun na lang si Mitch. Ang masama pa lalo nalaman namin na gusto lang makuha ng gago na yun ang katawan ni Mitch para sa isang pustahan at ayokong masaktan nang ganoon na lang ang babaeng gusto ko kaya hangga't maaga ay kailangan ko silang mapaghiwalay." nanlaki naman agad ang mata ko sa sinabi niyang iyon. Ibig sabihin iyon pala ang pinag-uusapan ni Marcus at ng kung sino man sa telepono kanina. At yung Mitch, sabi na at pamilyar ang pangalan niya.

Nasa malalim akong pag-iisip nang bigla akong kinausap muli ni Troy.

"Sa inaasta mo mukhang may alam ka rin." matalim lamang na tinging ang ibinigay niya sakin matapos sabihin iyon dahilan upang mapatingin akong muli sa aking paanan.

"Simula ngayon kasama ka na namin sa binabalak naming plano, iyon ay kung ayaw mong kumalat ito." sabay pakita niya sa akin muli ng larawan namin ni Jozeph.

Wala sa sarili na lamang akong napatango at saka niya binuksan ang pinto ng kotse at agad akong lumabas.

"Bukas, 12:30 doon sa lugar kung saan ko kayo nakuhanan ng picture ni Natividad. Pag-uusapan natin ang plano."

***

Kasalukuyan kong hinihintay si Troy para sa sinasabi niyang plano. Labag man sa loob ko dahil parang kinakalaban ko si Marcus, wala na kong magagawa. Isa pa, mali naman kasi talaga ang ginagawa niya dahil hindi dapat pinagpupustahan ang ganoong bagay.

Marcus ano na ba ang nangyari sayo? Di ka naman ganito. Ang sakit lang kasi isipin na pati ang sarili niya ay nabago na rin at nakakaramdam ako ng sobrang kalungkutan dahil doon. Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa naisip kong iyon.

"Ang lalim naman non." bumalik lamang ako sa ulirat nang marinig ko ang boses ni Troy.

"Ano bading, excited ka na ba sa plano natin?" nagulat naman ako sa itinawag niya sakin.

"Jace, iyon ang itawag mo sakin. Baka may makarinig." natawa naman siya nang bahagya dahil sa sinabi kong iyon.

"Alam mo Jace, sa totoo lang wala na namang kaso ngayon kung malaman nilang bading ka o nakikipagrelasyon ka sa lalaki. College na tayo, di na tayo high school na big deal ang lahat ng issue kaya nga nagtataka ko sayo kung bakit takot na takot kang malaman ng iba ang sexuality mo. However, sorry dahil kailangan kong samantalahin iyon para magawa itong plano."

Oo nga naman, di naman lingid sa isip ko iyon pero mukhang di pa rin ganoon kahanda ang isipan ko sa maaaring mangyari oras na malaman nila kung sino o ano talaga ako. Masyadong mapait ang trauma na iniwan sakin ng high school life ko sa Amerika kaya pinipilit kong huwag na muling maulit iyon.

"A-Ano na ba kasi ang plano mo?" nakayuko kong tanong. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang baba ko dahilan upang mapatitig ako sa kanya. Doon ko rin napansin na medyo bluish ang mga mata nya. Mayroon siguro siyang ibang lahi.

"Sa susunod kapag kinakausap ka humarap ka sa kanila. Di maganda yung lagi kang nakayuko." binitiwan niya na ang baba ko at pinilit kong tumingin sa kanya kahit na ang awkward sa feeling kasi nga di ako sanay.

"Nalaman kong hanggang sa general assembly ng department natin ang due date ng pustahan nila ng tropa nila. Mabuti na lamang at kaklase at kaibigan ni Arthur yung isa sa mga tropa ng gago mong pinsan at nakakakuha ako ng mahahalagang impormasyon. Kaya naman ganito ang plano. Dalawang linggo na lang bago ang general assembly kaya kailangan nating magmadali. Susubukan kong ilayo si Mitch hangga't maaari kay Salazar at gamitin mo ang pagkakataon na iyon para makakuha ng ebidensya lalo na't sa iisang bahay kayo nakatira at di malabong tumambay ang mga kaibigan ni Salazar sa inyo. Siguraduhin mo lang na magagawa mo iyon sa loob nang madaling panahon."

***

Alas Onse na at wala pa rin si Marcus sa bahay. Ano pa nga bang bago roon at kadalasan pa nga madaling araw iyon kung umuwi. Nangangamba nga ako minsan sa nagiging performance nya sa klase dahil kadalasan may hangover pa sya tuwing nagkaklase. Napahinto naman ako sa pag-inom ng tubig nang may bigla kumalabog sa sala.

Laking gulat ko nang makita ko si Marcus na nakadapa sa sahig malapit sa hagdan hawak-hawak ang kanyang noo. Lumapit ako rito at inalalayan siya.

"Iinom-inom kasi di naman pala kaya." bulong ko habang buhat buhat sya paakyat sa kwarto nya.

Sobrang lakas ng amoy ng alak na nanggagaling sa katawan nya at di ko iyon nagugustuhan dahil di ako umiinom at amoy pa nga lang minsan ng alak nahihilo na ko.

Halos mabali na lahat ng buto ko sa katawan nang makarating kami sa may pinto ng kwarto nya. Akmang pipihitin ko na ang doorknob nang bigla niya akong itulak sa paharap sa kanya at kitang-kita ko na naman ang ngising iyon sa mga labi niya.

"You're such a slut, Jacinth." nabigla ako dahil sa sinabi niyang iyon. Pilit ko siyang inilalayo sakin dahil di ko kinakaya ang amoy ng alak.

"Oh bakit? Nahihiya ka ba? C'mon you can also be my slut." mahina siyang tumawa at nababakas na sa mukha ko ang sobrang pagka-aburido. Kung ganito lang pala ang kahihinatnan ng pagtulong ko sa kanya dapat iniwan ko na lang sya doon sa may sala.

Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko ang palad niya sa loob ng suot kong shirt. Hinawakan ko ang kamay nya at marahas ko iyong inilayo sakin. Ginamit ko na iyong tsansa para makalayo sa kanya pero hinila niya lamang ako pabalik at bakas sa mukha niya ang lubhang pagka-inis.

"Ang mga katulad mo, di na dapat nagiinarte." sa loob lamang ng maikling saglit ay naramdaman ko na ang labi nya sa leeg ko habang binabagtas ng isa nyang kamay ang loob ng damit ko.

"Hmmm, tangina ang lambot ng balat mo. Daig mo pa girlfriend ko." di ako makapaniwala sa ginagawa niya kaya napaiyak na lamang ako habang patuloy na nagpupumiglas. Ngunit mas lalo niyang di nagustuhan iyon kaya gamit ang isa pang kamay ay itinaas nya ang mga braso ko at ikinulong ang dalawa kong kamay sa mahigpit na pagkakahawak. Sinubukan niya pa kong halikan sa labi ngunit iniwasan ko ito.

Sinuntok niya ko sa tiyan dahil sa ginawa ko kaya napabuka ako ng bibig at ginamit niya iyong pagkakataon para samantalahin ang labi ko. Nalalasahan ko ang alak at amoy na amoy ko iyon dahilan upang mas lalo akong mahilo at manghina. Itinaas pa niyang lalo ang shirt ko at napabalikwas akong lalo nang maramdaman ko ang isa niyang daliri habang nilalaro ang utong ko.

Sa pagkakaalam ko ay siya ang lasing at dapat na hinang-hina na pero tila ako itong nauubusan ng lakas lalo na ng bigla nya ulit sinabasib ng halik ang leeg ko ay wala na kong magawa kundi kumapit sa balikat niya upang di ako mawalan ng balanse.

Naghahabol ako ng hininga dahil tila di kinakaya ng sistema ko ang ginagawa niya sa katawan ko. Ilang saglit pa ay napunit na niya ang suot kong pang-itaas dahilan upang bumalik ako sa ulirat at muli siyang itulak palayo pero bago pa man iyon mangyari ay bigla niyang ipinaloob sa kanyang maiinit na bibig ang isa kong utong. Napasinghap ako dahil doon at tila ba lalong naging magulo ang isipan ko sa ginawa niyang iyon.

Patuloy lang siya sa pagdila at pagsupsop roon habang unti-unti kong nararamdaman ang kamay niya sa likuran ko at pababa iyon ng pababa hanggang sa pang-upo ko. Ipinasok pa niya ang kamay niya sa loob ng shorts ko na siyang ikinabigla ko lalo na nang pisilin niya ang isa sa mga pisngi noon at ramdam kong sa tindi nun ay mamumula ito.

Patuloy lang siya sa ginagawa niyang pang-aalipust sa katawan ko habang ako naman ay tila nagiging alipin na sa kanyang bawat galaw.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kanyang kwarto at kasabay noon ang pagtulak niya sakin papasok at ilang saglit pa ay kinagat niya ang tenga ko.

"Show me how slut you are."

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Hyacinthus (Part 3)
Hyacinthus (Part 3)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-yi6-9I9ZSJSl9aw_J1u9fCfVzCWwE4N-oHiwRfSIeIoTD3C1ObMiFOB3Nkph_YMUZgIhpxH4nVbGPIC6nJz9C5yK318rPHrMLepRhK6gO2-RuC3m4URgMf_k8sH-SXQ5ylVjnDt6yVrP/s1600/40531694_1080537525448853_1653540856814108672_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-yi6-9I9ZSJSl9aw_J1u9fCfVzCWwE4N-oHiwRfSIeIoTD3C1ObMiFOB3Nkph_YMUZgIhpxH4nVbGPIC6nJz9C5yK318rPHrMLepRhK6gO2-RuC3m4URgMf_k8sH-SXQ5ylVjnDt6yVrP/s72-c/40531694_1080537525448853_1653540856814108672_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/09/hyacinthus-part-3.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/09/hyacinthus-part-3.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content