$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Hyacinthus (Part 4)

By: SadBoy Agad akong itinulak ni Marcus sa ibabaw ng kama nang kami'y makapasok sa loob ng kwarto nya. Tila ba di lang dumoble ang t...

Hyacinthus

By: SadBoy

Agad akong itinulak ni Marcus sa ibabaw ng kama nang kami'y makapasok sa loob ng kwarto nya. Tila ba di lang dumoble ang tibok ng aking puso. Napalunok na lamang ako nang simulang hubarin ni Marcus ang suot niyang pang-itaas.

Damn. I'll admit he really have a body of a Greek god. Ilang saglit pa ay namataan ko na lamang ang aking sarili na muli na namang nakapaloob sa kanyang mga bisig habang patuloy sa paglalakbay ang kanyang mga labi sa aking tenga, leeg, at dibdib.

"M-Marcus, tama na. L-Lasing ka." tinignan lamang niya ako sa mata at nababakas roon ang matinding pagnanasa kaya naman napaiwas na lamang ako ng tingin.

"Jace." bulong niya sabay hablot sa aking mukha paharap sa kanya.

"Di ko akalain na ganyan ka na pala kakati ngayon." nabigla ako sa sinabi niyang iyon at kasunod pa noon ay ang isang pagak na tawa.

"Ano pa bang aasahan ko eh anim na taon kang nag-aral doon sa Amerika." di ko maiwasang damdamin ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig dahil wala siyang alam kung gaano kahirap ang dinanas ko sa lugar na iyon.

"At talagang sa mga lalaki pa, ha! What to expect pa nga naman, di ba? From a rotting gay like you. Tangina gaano na ba kaluwag 'yang but----" at isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya.

Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko habang unti-unting tumutulo ang mga luha sa mata ko. Agad akong tumayo at nagmamadaling lumabas sa kwarto niya. Nagkulong ako sa kwarto ko habang inaalala ang mga sinabing iyon sa akin ni Marcus.

Bakit? Ano bang problema sakin ni Marcus? Dahil pa rin ba 'to sa nangyari sa amin noong mga bata pa lang kami? Pero ramdam ko, hindi lang dahil doon ang dahilan kung bakit nagiging ganito ang pakikitungo niya sa akin.

***

6:30 am pa lang pero nandito na agad ako sa eskwelahan. Maaga akong gumising o masasabi ko ring halos di ako nakatulog kakaiyak at kakaisip dahil kay Marcus. Ayoko na rin kasing magkasalubong o magkita kami dahil di pa ko handang harapin siya.

Halos buong klase nga ay nakayuko ako at pilit na iniiwas ang tingin ko sa gawi nila Marcus. Madalas ay nakatanaw lang ako sa pisara o kaya naman sa labas ng bintana. Naalala ko bigla si mama at papa. They will always know kung may dinaramdam ako even in ny simple gestures ay nahihinuha na nila na may problema ako.

Kahit na noong nasa Amerika pa ako at madalas kaming nagvivideo-chat ay pansin agad nila ang pananamlay ko at kawalan ng gana. Napabuntong hininga na lamang muli ako. Kung nasaan man sila ngayon sana ay bigyan nila ko ng lakas ng loob dahil alam kong marami pang pwedeng mangyari sa buhay ko na hindi inaasahan. Isa na roon ay ang sa pagitan namin ni Marcus.

Tumingin naman ako saglit sa kanya at laking gulat ko nang nakatingin rin siya sa akin. Agad kaming nag-iwas ng tingin sa isa't-isa at ramdam ko ang agarang pamumula ng aking mukha.

***

"I'm just giving you a warning, Mitch. Di mo pa lubusang kilala si Salazar at ayaw kong isang araw ay masasaktan ka nya." paakyat na sana ko sa hagdan galing ng cafeteria nang marinig ko ang pag-uusap ni Mitch at Troy.

"Di na ko bata Troy, and I don't need you interfering with my life sa bawat desisyon na pinupursue ko. And how dare you say that to Marcus. Di mo rin sya kilala kaya if you'll excuse me, may klase pa ko." so iyon pala si Mitch. Matangkad, balingkinitan, tisay, at higit sa lahat maganda.

Nagulat naman ako nang biglang sipain ni Troy ang pader dahilan para mapansin niya ko.

"Kanina ka pa ba dyan?" tanging marahan na tango lamang ang naisukli ko.

"Kamusta? May nakalap ka na bang ebidensya" tiningala ko naman siya at bakas sa kanyang mukha pagod, pagka-irita, at kawalan ng gana.

"P-Pasensya na. W-Wala pa talaga sa ngayon." hinawakan naman nya ang magkabilang balikat ko at mariing pinisil ang mga iyon habang papalapit ang mukha niya sa akin. Kusa naman akong napalayo sa kanya.

"Pwes, bilis-bilisan mo na kung ayaw mong lumabas ang sikreto mo." at saka niya ko binitiwan at marahang itinulak.

Naiwan akong tulala at gulong-gulo dahil sa gusot na napasok ko. Ilang saglit pa ay umakyat na rin ako patungo sa classroom namin at doon mas lalo kong naramdaman na mag-isa nga lang talaga ko. Lahat sila ay may kanya-kanya nang mga grupo habang ako nandito sa isang sulok at kulang na lang kausapin ko na rin pati ang dingding at bintana.

Ngayon nga pala ang flight ni Jozeph. Kaya ayaw ko ring nagkakaroon kahit na kaunting attachment lang sa isang tao kasi oras na umalis sila pakiramdam mo parang may nawala na rin sayo. Sa kabilang banda, nangako naman siya na hindi niya kakalimutang magcatch-up at kung may free time raw sya ay pwede nya kong macontact.

Noong una nga ay tumanggi ako kasi di naman nya ko kaano-ano para pagaksayahan ng oras pero siya lang yung mapilit. At isa pa, hindi ko rin naiintindihan yung gusto niyang iparating sakin. 'Yung huling pag-uusap kasi namin parang may kung ano na di ko lubos maunawaan pero ayoko namang mag-assume.

Naudlot naman ang pagrereminisce ko nang biglang may tumabi sakin, yung tatlo kong kaklaseng lalaki.

"So ikaw pala yung kasama sa bahay ni Marcus?" tanong nung isang lalaking nakaupo sa may harap ko.

"A-Anong ibig nyong s-sabihin?" natawa naman bigla yung dalawa pang lalaki na nasa gilid ko.

"Wag ka na magdeny pare, nakita ka namin nung kinaumagahan pagkatapos namin mag-inuman kila Marcus." nanlaki naman agad ang mata ko dahil doon.

"Alam na ba ni M-Marcus na alam nyo?" tila ba tinakasan ako ng dugo dahil alam kong malilintikan na naman ako sa lalaking iyon kung sakali.

"Wag kang mag-alala, hindi niya alam." sagot nung isang lalaki sa may gilid ko. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon.

"K-Kung ganon, uhm. Ano ang kailangan nyo sakin?" at doon naman sila natawa habang ako ay abala sa pag-iisip kung ano ang nakakatawa sa nga sinabi ko.

"Grabe ka naman, di ba pwedeng gusto lang namin makilala ang kasama sa bahay ng kaibigan namin?" di ko alam pero nag-init ang mukha ko dahil sa pagkakasabi nila non.

"Nagtataka nga lang kami kung bakit di ka man lang lumabas nung gabing iyon para man lang makihalubilo samin." para kong nasusuffocate ngayon maliban sa nakapalibot sila sakin, di rin ako sanay na tinatanong ako regarding my social life.

"A-Ano kasi..." naputol naman ako bigla sa pagsasalita nang dumating si Marcus.

"Sandro. Ano na namang binabalak mo?" nakakunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa lalaking kaharap ko.

"Chill, bro. Nakikipagkaibigan lang naman ako dito kay..." mukhang hanggang ngayon di pa rin ako kilala ng mga kaklase ko at ganun rin naman ako sa kanila.

"Jacinth." bulong ko dahil tila nag-aabang siya ng isasagot ko.

"Right, Jacinth. I'm Alessandro nga pala, Sandro na lang just in case di mo pa ko kilala." kinindatan naman nya ko matapos noon at parang may ibang klase ng kilabot ang hatid noon sakin.

"Stop being a dick, bro. Mukhang di naman interesado sayo yung tao." tuwid na sabi ni Marcus habang diretso lang ang tingin kay Sandro.

"No need to be aggresive, pare. Sige na, aalis na kami. Tara na Ford, Hector." lumayo na silang tatlo at tanging kaming dalawa na lamang ni Marcus ang naiwan. Ramdam ko ang matalim niyang pagtingin sakin kahit na hindi nakatuon sa kanya ang paningin ko.

"Huwag kang lalapit sa mga 'yon. Lalo na kay Sandro." tila naestatwa ko sa mga sinabi niyang iyon bago sya tuluyang umalis na rin.

Concern ba sya sakin?

Napailing na lamang ako. Ano ba naman yan, Jace? Syempre ayaw nya lang na nanghihimasok ka sa buhay nya at kasama na dun ang mga kaibigan nya. Puputi muna ang uwak bago sya maging concern sayo.

***

Maagang natapos ang klase dahil wala yung prof namin para sa last subject kaya heto ako ngayon sa loob ng kwarto ko at nagbabasa ng kung anu-anong mga fiction books. At sa maniwala kayo o sa hindi dito ko lang nararamdaman ang kilig dahil di ko maiwasang isiping ako yung bida sa istorya na binabasa ko at kahit papano'y dito ko nararamdaman ang tinatawag nilang love life.

Ang weird, di ba? Pero ano pa bang magagawa ko, isa lang naman akong nobody sa lahat ng tao at maliit pa sa tsansang umulan ng snow sa Pilipinas ang posibilidad na may taong magkaroon ng interes sakin.

Ilang saglit pa ay nagvibrate ang cellphone ko tanda na may nagtext sa akin. Malamang text lang iyon galing sa network kaya di na ko nag-abala pang bulatlatin iyon.

Patuloy lamang ako sa pagbabasa hanggang mag-ala sais na ng gabi. Nakaramdam din ako ng tawag ng kalikasan kaya lumabas muna ko ng kwarto upang magCR.

Oo nga pala, apat ang CR sa bahay na ito. Tig-iisang CR ang mayroon sa tatlong palapag na bahay na ito habang yung isa naman ay nasa loob ng kwarto nila tita. Kaya nga obligado pa kaming lumabas ng kwarto.

Medyo nagulat pa nga ako nang marinig ko ang tunog ng gate sa labas ng bahay dahil mukhang napa-aga masyado ang uwi ngayon ni Marcus.

Ilang minuto lang ay lumabas na rin ako sa CR at sa di inaasahang pagkakataon ay nabunggo ko si Marcus sa paglabas ko.

"Pasensya na..." pero laking gulat ko dahil hindi pala iyon si Marcus.

"Hi. We meet again." ani Sandro habang nakangiti at tila ba matagal na talaga siyang naghihintay sa labas ng banyo.

"A-Anong ginagawa mo dito?" mahina kong sabi habang nakayuko.

"Hindi lang ako ang nandito ngayon. Nasa sala ang buong barkada. Gusto mo bang sumama?" pag-aaya nya sakin pero kaagad akong umiling at lumayo sa kanya para makabalik na ng kwarto ko pero maagap nya kong nahawakan sa braso at hinila pababa ng bahay.

"C'mon di naman siguro magagalit si Marcus kung sasama ka. Besides, di rin maganda yung lagi ka lang nakakulong sa kwarto mo." pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak nya sa braso ko pero sadyang malakas sya at dahil nasa hagdan kami ay di rin ako makapagpumiglas dahil baka malaglag kaming pareho.

"Look who I found." anunsyo nya sa lahat ng tao sa sala at sya nga namang nagpagulat sa kanilang lahat. Lalo na kay Marcus.

"What the hell, bro. Akala ko ba kukunin mo lang yung gitara sa kwarto ko?" mabilis na lumapit sa amin si Marcus at diretsong nakatitig sa akin ang nagbabaga niyang mga mata.

"Di mo ba nabasa yung message ko sayo?" bulong nya pero sapat na ang lakas noon para tuluyang magpanic ang buong sistema ko.

"S-S-Sorry, di ko n-nabasa, Marcus." nakahawak pa rin sakin si Sandro at alam kong randam nya ang panginginig ko.

"Teka lang naman pare, wag mo namang takutin yung tao." pumagitna sa amin si Sandro at wala kong nagawa kundi magtago sa likuran niya.

"Chill, bro. Wala namang masama kung isasama natin sya, di ba?" saglit na napatitig sakin si Marcus at bumalik din naman iyon agad kay Sandro.

"Bahala kayo." walang gana niyang sagot.

Humarap sakin si Sandro at ngumiti saka nya ko muling hinila patungo sa mga kabarkada nila. Medyo naiilang nga rin ako dahil kung ako ang tatanunging mas gusto ko na nga lang magkulong sa kwarto ko kagaya ng gustong mangyari ni Marcus pero di ko alam kung paano tatanggihan itong si Sandro.

Pito pala silang lahat na magkakaibigan. Sina Ford, Hector, Sandro, at Marcus ay pawang mga kaklase ko habang ang kambal na sina Walter at Wayne ay Fine Arts ang kinuhang kurso at ang pinakareserved o tahimik sa kanila na si Felix ay Psychology ang kurso.

Maliban kay Felix na sadyang tahimik lang habang naguusap ang magkakaibigan ay di rin maikakaila ang lubusang kawalan ng interes ni Marcus. Di ko nga rin alam kung bakit pa ko nandito dahil mukhang di rin naman ganun kaimportante ang presensya ko. Mabuti na lamang at nasa bulsa ko ang phone ko at nagumpisa na lang akong maglaro ng kung anu-anong offline games.

"Marcus, ang tahimik mo naman yata masyado ngayon." biglang sabi ni Sandro sa kasalukuyang nakatitig sa akin na si Marcus.

"Anyway, di mo pa naman siguro nakakalimutan yung pustahan natin di ba?" humigop ng kaunting alak si Marcus sa kanyang baso bago sumagot.

"Ikaw, di mo naman siguro nakakalimutang ihanda ang bago kong motor." natawa naman dahil doon si Sandro ngunit walang pagbabago sa emosyon niya si Marcus na seryosong-seryoso pa rin hanggang ngayon.

"Iyan ang gusto ko sa'yo, bro. Lakas ng self-confidence mo. Siguraduhin mo lang dahil kahit na mabilis mong napasagot si Mitch, mataas pa rin ang bakod nun pagdating sa sex." di ko sukat akalain na kaya nilang ituring na pustahan lang ang ganitong mga bagay. Malaki ang nararamdaman kong awa ngayon para kay Mitch dahil alam kong isang malaking kalokohan ang nangyayari ngayon sa buhay nya.

"Kung di ka nagtagumpay sa balak mo noon kay Mitch pwes ibahin mo ko sayo, bro. Sisiguraduhin ko na sya mismo ang hihingi noon mula sakin. Baka nakakalimutan mo nakarating na ko hanggang second base." diretso syang nakatingin sakin habang sinasabi iyon kaya di ko maiwasang mapaiwas ng tingin. Nagsipagtawanan naman at palakpakan pa ang mga kabarkada niya matapos niyang sabihin iyon.

"E-Excuse me, pupunta lang ako sa kusina." agad akong tumayo at nagtungo sa kusina upang uminom ng tubig.

***

"Kung di ka nagtagumpay sa balak mo noon kay Mitch pwes ibahin mo ko sayo, bro. Sisiguraduhin ko na sya mismo ang hihingi noon mula sakin. Baka nakakalimutan mo nakarating na ko hanggang second base."

Pinakinggan kong maigi ang recording na iyon.Di masyadong malinaw ang ilang sinabi niya dahil na rin siguro sa distansya namin sa isa't isa pero sapat na para maintindihan ang gusto niyang iparating.

Napabuntong hininga naman ako. Sapat na siguro 'to bilang ebidensya na hinihingi ni Troy. Ang kinakatakot ko lang ay baka ipakalat niya ito pero may usapan kami na kay Mitch nya lang gagamitin ang makukuha kong ebidensya para labas na ko sa kahahantungan ng plano nya.

"Bakit di ka pa bumalik doon?" napabalikwas naman ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ni Sandro.

"Pasensya na, nagulat pa yata kita." ibinulsa ko kaagad ang phone ko upang hindi na sya maghinala.

"Drink?" alok nya sakin sa isa pang baso ng alak na hawak nya.

"Sorry but I don't drink." diretso kong saad.

"Don't worry it's apple juice. Alam kong hindi tipo mo ang umiinom." noong una ay nag-aalangan pa ko kung kukunin ko ba o hindi pero dahil na rin siguro sa hiya ay kinuha ko na.

Inamoy ko muna ito upang makasigurado. Di naman amoy alak kaya ininom ko na rin. Nang maubos ko iyon ay siya namang pagkindat niya sakin. Medyo nagtaka nga lang ako kung bakit parang medyo mapait ang juice na yon.

"S-Sige babalik na ko." nginitian ko lamang siya at akmang lalabas na ng kusina nang biglang tila umikot ang paningin ko. Napahawak ako sa ulo ko at parang tila unti-unti itong sumasakit. Di rin nagtagal ay nawalan ako ng balanse dahilan upang matumba ako sa sahig at ang pigura ni Marcus na humahangos palapit sa akin ang huli kong naalala.

***

Nagising ako dahil sa sobrang init. Init na di ko maintindihan. Kinuha ko sa bedside table ang salamin ko at pasado alas onse na ng gabi. Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam sa aking pantog kaya naman minabuti kong dumiretso sa banyo. Also what's really bothering me is my fully erected penis.

Habang umiihi ako ay parang may kung anong init ang gumuguhit sa kaloob-looban ko lalo na sa mga sensitibong parte ng katawan ko. I touched my nipples and it's very hard and I can feel my heart beating in a very irregular manner. Napatingin ako sa salamin at hindi ko nagustuhan ang nakita ko.

Bakit? Bakit ganoon ang hitsura ko?

Agad akong lumabas ng banyo upang diretsong magtungo sa kwarto ko. Ramdam ko na hilong-hilo pa rin ako kaya naman agad akong humilata sa kama ko at nagtalukbong ng kumot.

Ngunit di nagtagal ay di ko na kinaya pa ang init na nararamdaman ko kaya nagsimula na kong maghubad ng aking saplot at tanging underwear ko lamang ang itinira ko para matakpan ang matigas ko pa ring ari. Muli akong humilata at ramdam ko na ang mas maginhawang pakiramdam kahit na may kung ano pa ring init ang nasa loob ko.

Ilang minuto pa ang lumipas ay biglang bumukas ang pinto kasabay ng pagliwanag ng kwarto.

"Anong ginagawa mo sa kwarto ko?"

Tila isang malaking bato ang naipukol sakin nang mapagtantong kwarto pala ni Marcus ang napasukan ko. Marahil sa sobrang hilo ay di ko na ito napansin pa.

"S-Sorry, a-akala ko kasi kwarto ko." napalunok naman ako dahil may iilang butil pa ng tubig ang tumutulo sa basang buhok ni Marcus habang tanging isang manipis na tuwalya lamang ang nagtatakip sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.

Kinuha ko ang hinubad kong mga damit at tumungo na papalabas ng bigla akong nabuwal. Mabuti na lamang at maagap si Marcus kaya agad niya akong nasalo.

"Y-You're still...hot." wika nya habang nakakulong pa rin ako sa mga bisig nya.

Inalalayan niya akong makatayo pero imbis na lumayo na ako ay tila ba napako na ang paa ko sa kintatayuan ko. Tiningala ko sa Marcus at bakas sa mukha niya ang lubhang pagtataka.

"M-Marcus ang init." kasunod noon ay ang pagsandal ng ulo ko sa matipuno niyang mga dibdib.

"Sinasabi ko na nga ba, pati ba naman si Jacinth, Sandro." wala na ko sa tamang pag-iisip noong panahong iyon kaya di ko naintindihan ang kanyang sinabi. Basta ang alam ko lang ay ang pwersahan kong paghalik sa kanyang mga labi.

At sa pagkakataong iyon, alam ko na ang gusto kong mangyari.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Hyacinthus (Part 4)
Hyacinthus (Part 4)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-yi6-9I9ZSJSl9aw_J1u9fCfVzCWwE4N-oHiwRfSIeIoTD3C1ObMiFOB3Nkph_YMUZgIhpxH4nVbGPIC6nJz9C5yK318rPHrMLepRhK6gO2-RuC3m4URgMf_k8sH-SXQ5ylVjnDt6yVrP/s1600/40531694_1080537525448853_1653540856814108672_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-yi6-9I9ZSJSl9aw_J1u9fCfVzCWwE4N-oHiwRfSIeIoTD3C1ObMiFOB3Nkph_YMUZgIhpxH4nVbGPIC6nJz9C5yK318rPHrMLepRhK6gO2-RuC3m4URgMf_k8sH-SXQ5ylVjnDt6yVrP/s72-c/40531694_1080537525448853_1653540856814108672_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/09/hyacinthus-part-4.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/09/hyacinthus-part-4.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content