By: Aristotle Ilang araw na rin ang nakakaraan nang bumili ako ng bagong sim card para sa aking telepono. Matinding kahihiyan ang sumampa...
By: Aristotle
Ilang araw na rin ang nakakaraan nang bumili ako ng bagong sim card para sa aking telepono. Matinding kahihiyan ang sumampal sa akin matapos ang pag-uusap namin ni Ronnie sa telepono noon isang araw. Sa isang sulok ng aking utak, may naramdaman akong kaunting gaan kahit di ko man ginustong sabihin ang aking nararamdaman. Tutuo nga ang sinasabi nilang mabubunutan ka ng tinik sa dibdib kapag nasabi mo na sa taong gusto mo ang pinakanais-nais mong sabihin. Ngunit alam ko naman ang aking sitwasyon. Walang patutunguhan ang nararamdaman kong ito para sa kanya at sa katunayan, mali ito sa mata ng mga tao. Sa kabilang banda naman, gusto ko sanang bumiyak ang lupa at ako ay tuluyan nang lamunin.
***
“Maybe she likes you, too”, sagot sa akin ng kababata kong si Tristan habang nginunguya ang Pizzang dala ko. “Look, we really don’t know. What do you expect, you just shut her out? You even changed your number. ‘Wag kang torpe”. Hindi ako makasagot at tumunganga lamang sa TV. Ni hindi na ako nakasunod sa takbo ng pinapanuod naming pelikula. “Hoy! You listening?”, hinampas niya ako sa batok ng mahina. Hindi ko man lang masabi sa kanya na siya ay hindi “she”, kung hindi ay “he”. Kumuha ako ng isang piraso ng pizza at sumandal sa malambot na sofa. “Look, JC. You have to face her. Besides, one week nalang ay pasukan na. You’ll see her again”. Tumahimik kaming dalawa at tumutok na lamang sa aming pinapanood. Natigil ang pagtawa ni Tristan dahil sa aking sinabi. “He”, sabi ko.
“What?”
“Not a She but He”. Naubo na lamang siya at naibuga ang Coke sa aking mukha.
“Fuck”, sabi niya.
***
Mas pinili kong manatili nalang sa lobby ng hotel at makinig sa aking Spotify app. Doon sa pinakasulok na sofa ng lobby ay naupo ako na para bang nasa bahay lamang. Hindi na masyadong matao ang hotel lalo na’t mag-aalas nuebe na ng gabi. Sadyang hindi talaga ako mahilig sa mga “party” tulad nito. Maging sa mesa kung saan naroon ang aking mga magulang ay ayaw kong manatili. Bagamat nakakasugat na ang mga titig sa akin ng aking ina, hindi parin ako nagpaawat at ako’y lumabas ng hall. Pinikit ko ang aking mga mata at nagsimulang kumanta ng mahina habang nakasaksak ang aking earphones.
“…San darating ang mga salita
Na nanggagaling sa aming dalawa
Kung lumisan ka, wag naman sana
Ika'y kumapit na, nang di makawala1
Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Wag mag-alala kung nahihirapan ka
Halika na, sumama ka
Pagmasd--- “
Bigla namang natigil ang aking pagkanta nang maramdaman kong may tumabi sa akin dahil sa pagkaalog ng sofa ng kinauupuan ko. Napa-ayos ako ng upo mula sa aking halos pagkahiga. Inayos ko ang aking pagkakaupo at tinanggal ang aking earphones. Waring plinantsa ko ang aking gusot na polo gamit ang aking mga palad. Agad ko din sinuklay ang aking buhok gamit ang aking mga daliri. Hindi ko alam kung napansin niya ba ang aking pagkailang at pagkahiya.
Malamang.
“Hi”, bigla siyang nagsalita. Hindi man ako tumitingin sa kanya ay alam kong nakangiti siya. Hindi ko lamang matukoy kung natatawa ba siya.
“Hm”, tumango lamang ako at di nagsalita.
“Bakit ka andito sa lobby? Ang saya nila sa loob ah”, sumandal siya sa sofa ngunit nakaharap ang mukha niya sa aking direksyon. Hinarap ko na din siya. Nag-iinit ang aking mukha sa pagkakataong iyon.
“I don’t like parties”, tanging sagot ko.
“You don’t like parties, o gusto mo lang umiwas sa akin?”
“Probably, both”, sagot ko. Tumawa siya ng may kalakasan ngunit wala namang pumapansin sa amin. Maging ang hotel staff na nag-aayos sa kabilang sofa ay parang wala lang sa kanya ang ingay niya. “Com’on. You can’t keep doing this. Magkikita parin tayo next week sa school”. Hindi ko siya sinagot at binuksan ko ang aking cellphone. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon. Hinablot niya naman iyon mula sa aking kamay at pinasok sa kanyang bulsa. “You’re being awkward again. Buti pa, let’s have pizza. My treat, of course”, tumayo siya at tumutok lamang sa akin habang ako, nag-iisip kung sasama ba ako o babalik na lamang sa mesa kung nasaan ang aking mga magulang.
“Please?”
“Aren’t you stuffed with all those food?”, tanong ko.
“Hindi ako kumain. I don’t like parties, too.”
***
Natagpuan namin ang aming sarili sa isang Pizza Restaurant malapit lamang sa hotel. Naglakad lamang kami papunta doon. Iyon ang tipong kainan na pipila ka at ikaw mismo ang pipili sa mga sangkap na nais mong ilagay sa iyong pizza. Kakaunti lamang ang taong naroon at tiyempong kami ang huling pinapasok sa loob ng restaurant. Malapit na kasi silang magsara. Hindi ako makapili kaagad ng mga rekados dahil maliban sa Peperoni lamang ang alam kong masarap, nakakalito din ang mga sangkap na pwedeng pagpilian. Nakapila kaming dalawa ngunit nasa unahan niya ako at ilang minute ko ding inuusisa bawat sangkap.
“Tagal mo namanng pumili”, bigla siyang nagsalita. Kinausap niya iyong in-charge na naghihintay sa aming order. Kung anu-ano ang pinili niya. May kung anong gulay at karne siyang pinili kaya naman ay napaisip ako kung ano kaya ang magiging lasa ng aming pizza. “Are you sure?”, tanong ko.
“Yup”, tinaasan lamang niya ako ng kilay. “Order ka ng sayo kung ayaw mo sa napili ko”
“How about our seafood mix for your second pizza, sir?”, nagsalita iyong babae.
“No thanks. I’m ok---“, hindi ko natapos ang aking pagsagot dahil bigla niya iyong pinutol.
“Allergic siya sa seafood”
“Huh?”, nabigla ako sa sinabi ni Ronnie. Hindi ako allergic sa seafood.
“Nagpapakamatay ka ba, Baby?”, sabi niya na ikinalaki ng aking mga mata. Nagkatinginan kami ng babaeng kumukuha ng order namin. Maging siya man ay halos lumuwa na ang mga mata sa narinig niya. Agad namang tumawa si Ronnie at tinapik ang aking noo. “Joke!”, sabi niya. “Tsaka di siya allergic. Yung seafood mix ang kanya”, agad siyang tumungo ng counter at iniwan akong nakanganga dahil sa gulat at hiya. Bago man ako umalis ng counter ay di ko mapigilan ang aking sarili na magpaliwanag sa babae. “I’m not allergic. I’m not his boyfriend. Cancel the seafood mix. I’m not hungry.”, halos tumakbo ako papuntang table.
***
“Kinansel mo ba iyong pizza mo dahil gusto mong share tayo, ah?”, guwapo siyang tao ngunit di niya man lamang makuhang nguyain muna ng maayos ang kanyang pagkain bago magsalita.
“I’m not hungry”, pinipilit niya akong pakainin ngunit tumatanggi ako. Madami dami din akong kinain kanina sa Party kaya naman wala na akong maramdamang pagnanasa kahit pizza paman iyon. Napansin kong nadismaya siya sa sunod-sunod kong pagtanggi sa kanya kaya naman napatitig ako sa pizzang nasa table. Punong puno iyong ng karne, ngunit pinakamadaming sangkap ay iyong peperoni na paborito ko. Hindi ko din alam kung bakit nawala iyong mga gulay at dahong napili niya. Mula sa pizza ay tumingin ako sa nakabusangot niyang mukha. “Puro karne yan, alam kong di ka kumakain ng damo.”, masungit niyang sabi sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako at kumuha. Napangiti naman siya sa aking ginawa at tahimik lamang akong kumain. Pinilit kong makadalawang piraso ngunit hindi ko na iyon kinaya dahil busog na ako. Kami na lamang ang natitirang tao sa restaurant maliban sa staff, kaya napagpasyahan na naming umalis na dahil magsasara na sila. “Tara”, pagyaya niya sa akin. Napatingin ako sa plato at kinuha iyon. Tumungo ako ng counter at pinabalot ang tirang pizza dahil saying naman iyon. Ang mayabang, isang piraso lang pala ang kinain. Hindi ko alam kung bakit pa siya nagyayang mag pizza, halata namang busog din siya. Nauna siyang lumabas at naghintay lamang sa may pintuan. Lumabas ako dala ang isang supot at niyaya siya paalis. “Let’s go”, sabi ko. “Coffee muna tayo?”, pag-alok niya sa akin. Kumabog na naman ang aking dibdib ng makita ko siyang hubarin ang kanyang itim na coat at tanging putting t-shirt na lamang ang natira. May pagkahapit iyon kaya naman pansin ko ang hubog ng katawan niya. Tamang-tama lamang.
“It’s almost 11pm and we’re having coffee?”, sagot ko at muli, kumunot ang kanyang noo. “Okay, sige”, tugon ko. “Isip bata talaga”, bulong ko sa sarili ko.
***
Naupo na lamang ako sa gilid ng sidewalk, malapit sa poste ng ilaw dahil napagpasyahan naming huwag nang pumasok ng coffeshop. Bukod sa malapit na silang magsara, bawal din magdala ng pagkain mula sa labas. Inilapag ko ang supot ng pizza sa aking tabi at tumingin sa direksyon kung saan siya naroroon. Nakasabit ang coat niya sa kanyang balikat habang may dala siyang dalawang kape. Tumabi siya sa akin at binigay iyong kape. Masarap magkape lalo na’t may kalamigan na ang paligid. “Ayan. Macchiato mo”, inabot niya iyon sa akin. “Thanks.”. Humigop ako at pinagmamasdan lamang ang bawat sasakyang dumadaan. Maging siya man ay nanatiling tahimik. May kung anong aurang nakakailang ang bumalot sa paligid. Nag-iisip ako kung ano mang pwedeng sabihin, kung ano man ang pwedeng itanong sa kanya upang mabawas bawasan man lamang ang tensyon. Nanatili kaming walang imikan ng ilang minuto bago paman niya binasag ang katahimikan.
“So”, napalingon ako sa kanya. “kamag-anak niyo si Luis Manalastas?”. Hindi namin kamag-anak ang mga Manalastas. Imbitado kami sa anibersaryo ng kompanya nila dahil magkaibigan sila ng aking mga magulang. “Just family friend.”
“Ah. Akala ko kamag-anak tayo”, patawa niyang sabi. “Pinsan ni Daddy si Luis. Pero di sila related ni Cha, ah”. Hindi ko naman kailangang malaman kung may koneksyon ang mga Manalastas at mga Tuazon.
“Okay. Small world. But at least call him Kuya. He’s probably 50 years old.”, tumawa lamang siya sa aking sinabi. Naging sunod-sunod na din ang mga tanong niya. Kadalasan, mga walang kabuluhang bagay. Bakit ba asul ang dagat? Anong mangyayari kapag umihi ang tao sa outer space? Kung saan daw ako nakatira. Kung kumakain daw ako ng aso dahil Chinese daw kami. Tutuo bang may alagang sigben ang mga mayamang negosyante? Nasasagot ko ang ibang tanong ngunit kadalasan ay tinatawanan ko na lamang. Kahit walang saysay ang kanyang mga sinasabi sa akin, natutuwa parin ako.
“Bukod sa Pizza, ano pang paborito mong kainin?”, pagtatanong niya.
“I love Proben”, pagsagot ko. (Proben – Cagayan de Oro Street Food )
“Woah. Kumakain ka nun?”
Para talaga siyang bata. Napagpasyahan din naming kainin na lamang iyong pizzang natake-out namin. Nakaramdam kami ng gutom dahil sa kape. Napatingin ako sa kanya nang mapansin kong kanina pa pala siya nakatitig din sa akin. Tinago ko ang aking mga ngiti at ramdam ko ang mabilis na sirkulasyon ng dugo sa aking mukha na parang may kung anong kuryente ang dumaloy dito.
“Pano kung gusto din kita”, agad siyang nag salita. Hindi ako agad nakasagot kaya naman tinapik niya ang aking noo. “Hoy. Sagot”
Hindi ako nakasagot dahil biglang tumunog ang telepono ko na nasa bulsa niya. Nagmadali siyang kunin iyon at inabot sa akin. “Where are you nasa lobby kami ng papa mo kanina pa kita tine-text uwi na tayo”, ang sunod-sunod na buwelta ng aking ina matapos kong makalimutang may telepono nga pala ako. “Okay, I’ll be there.”, tumayo ako at inilagay ang telepono sa aking bulsa. “Thanks. But I have to go.”
“Mama mo yun?”
“Yes. And she’s gonna kill me If I don’t show myself to her right now, okay, bye”, tumalikod na ako at nagsimulang maglakad ng mabilis. Di pa man nakakalayo, napahinto ako at napaharap sa kanya nang tawagin niya ako.
“Your new number!”, agad kong nakalimutang umiiwas nga pala ako sa kanya. Tumakbo ako pabalik at binigay ang numero ko. Pagkarating ko ng hotel ay pansin ng tatay ko ang aking paghahabol ng hininga. “San ka ba galing, bata ka?”
“Just had coffee. Let’s go?”, pumasok na ako ng kotse. Ikinabit ang Spotify ng aking telepono sa speakers sa pamamagitan ng bluetooth. “Play something nice, son”, tugon ng tatay ko mula sa likuran. Nakasandal sa kanya ang ulo ng nanay ko at agad nakatulog. Nasobrahan daw kaka-chacha. Habang nagmamaneho si Kuya Jun na siyang katabi ko sa harapan ng sasakyan, sinabayan ko ang awiting napili kong ipatugtog.
“…San darating ang mga salita
Na nanggagaling sa aming dalawa
Kung lumisan ka, wag naman sana
Ika'y kumapit na, nang di makawala1
Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Mundo’t magiging ikaw…”
***
Dahil madaling araw na kaming nakauwi ng bahay, tinanghali ako ng gising. Kahit anong pilit ko sa aking mga magulang na matulog nalang muna sa bahay nila Tito Dante ay hindi parin sila pumayag. “Kung gusto mo magpaiwan ka, pero uuwi kami ng Papa mo. May meeting pa ko bukas ng umaga”, ang sabi sa akin ng nanay ko kagabi.
Madilim ang kalangitan at paminsan minsan ay kumukulog ngunit hindi pa naman umuulan. Ayon sa balita, may bagyo daw at tatama sa probinsya ng Bukidnon ngayong araw. Mag-aala una na nang bumaba ako at pumuwesto sa hapag kainan. Ipinagluto ako ni Ate Coca ng Bacon at ipinaghanda ng Toasted Bread. Alam niyang hindi ako mahilig sa kanin kahit noong bata pa ako. Kaya daw ako payatot. Tumungo siya ng sala at nanuod lamang ng paborito niyang teleserye. Hindi ko pinansin ang ingay niya sa panunood. “Wag kang pumasok, papatayin ka diyan!”, pagsisigaw niya. Masyado siyang apektado sa dramang tanging sa telebisyon lamang nangyayari. Lumabas ng kwarto si Luling at nakisali nadin sa panunood. Ilang minuto pa ay biglang tumunog ang doorbell. Nakakailang tunog nadin iyon kaya naman tinawag ko si Ate Coca at Luling. Napilitan akong tumayo at tumungo ng sala habang kagat-kagat ko pa ang tinapay. Tulog si Ate Coca sa sofa, at si Luling naman ay narinig kong may kung anong sinisigaw mula sa loob ng kubeta. Lumabas ako ng bahay at tumungo ng gate upang pagbuksan kung sino man iyon.
“Bakit p—“, hindi ko man lamang natapos ang aking pagtatanong dahil agad kong sinalo ang isang supot na may laman na kung ano. Inihagis iya iyon sa akin pagkabukas ko pa lamang ng gate. “W—what are you d—oing here?”
“Ayos lang ba na diyan ko i-park yung kotse ko?”, itinuro niya iyong kotse niyang nakaparada sa gilid. “Hindi mo man lang ba ako papapasukin?”
“Kuya JC, sino ba yan at iniwan mo na lamang iyong pagkai—“, naputol ang pagsasalita ni Luling na nasa likuran ko na pala. “Uy, ikaw ulit Pogi?”, Pinausog niya ako at sila na ngayon ang magkaharap, at ako ang nasa likuran niya.
“Magkakilala kayo?”, tanong ko. “Diba magkaklase kayo? Tsaka nakalimutan kong sabihin na dumaan pala siya dito noong kamakailan. Wala ka dito noon, umalis kayo ng mama mo.”, marahil ay iyong araw na bumili kami ng susuotin namin para sa anibersaryo ng mga Manalastas.
“Hay naku Lolly, makakalimutin ka pala. Akala ko ba magka-edad lang tayo”, siguro ay may angking karisma talaga si Ronnie dahil madali niyang napapa-amo ang mga taong nasa paligid niya. “Pasok ka Pogi, pasok”.
“Lolly?”, bulong ko sa aking sarili.
Iniwan nila ako at isinara ko na lamang iyong gate. “Luling talaga”, reklamo ko sa sarili ko. Binuksan ko iyong supot at nakita kong Proben pala ang laman. “Weird”, bulong ko sa aking sarili. Nakangiti akong pumasok ng bahay, ngunit bago paman nila iyon mapansin, lalo na’t nagising na si Ate Coca, kinagat ko na lamang ang aking labi upang mapigilan ang aking sarili.
“What brings you here?”
“A—Ah tapos na yung project mo? Tara tulungan na kita”, sagot ni Ronnie. Si Ate Coca ay nagpunta ng kwarto upang doon ipagpatuloy ang siesta niya. Si Luling naman ay iniligpit ang naiwan kong pagkain sa mesa. “Pogi, gusto mo juice?”, pagtawag niya.
“Wag na Lolly, mamaya na lamang”, sagot niya. Nakita kong sumenyas lamang si Luling sa kanya. Thumb’s Up.
“Project? Bakasyon tapos project? ”, pabulong kong pagsasalita.
“Joke lang. May pinuntahan lang ako sa Valencia. Tsaka dinaan ko lang naman yan dito.”, tinuro niya iyong hawak kong supot. “Okay sige na aalis na ako. Goodby—“, halos mabingi kaming lahat sa lakas ng kulog at pagbuhos ng ulan.
“Hot choco nalang, Pogi?”, pagsigaw ni Luling. Tumango lamang si Ronnie ng nakangiti.
***
Naging tahimik kaming dalawa ni Ronnie habang naghahapunan kasama ang aking mga magulang. Laking pasasalamat ko dahil hindi masyadong naging matanong ang aking mga magulang tungkol sa buhay, magulang o pamilya niya. Magiging mas nakakatakot ang aabutin namin kapag nangyari iyon.
Minabuti nilang dito nalang daw sa bahay namin magpalipas ng gabi si Ronnie. Maliban sa bumabagyo ay inaalala nila ang kaligtasan niya pauwi ng Cagayan de Oro. Kasya naman kaming dalawa sa kama ko. Pinahiram ko siya ng susuutin niya sa aming pagtulog. Naglatag din ako ng kutson sa sahig. Inayusan ko iyon ng bagong bedsheet at binigay sa kanya ang mga sobrang unan sa aking kama. Nagpupumilit siyang agawin ang bedsheet sa aking mga kamay upang siya ang mag-ayos nito. “The bed is yours. I’ll sleep here on the floor”, tugon ko sa kanya tsaka ako sumampa sa kutson na nakalatag sa sahig katabi ng aking kama. “Hoy, ako dapat diyan!”, umupo siya katabi ko. Inagaw ko sa kanya ang unan at dinantayan ito. “I’m being hospitable.”, sagot ko.
“Nakakahiya naman”
“Don’t worry. Turn off the lights, please. I’m sleepy”, gumulong ako patalikod sa kanya. Nakadaantay parin ako sa aking unan. Tumayo siya at tumungo ng kama, ngunit sa halip na doon humiga ay kinuha lamang niya ang unan at kumot na naruroon at humiga katabi ko. “Then let’s share. Para fair.”, humarap ako sa kanya at marahil nakita niya ang pagkalito at pagkabigla sa aking reaksyon. Tumawa lamang siya.
“Why, natatakot ka bang gapangin kita?”, pilyong pagtatanong niya sa akin. “Ako nga dapat ang matakot sayo, diba?”, taas-baba ang dalawang kilay.
Tumalikod ako at pinikit ang aking mga mata upang matulog. Hindi ako nakakatulog kapag nakabukas ang ilaw ngunit sinadya kong ipikit na lamang ang aking mga mata. Nakaramdam ako ng kung anong bigat at init dahil sa pagdikit ng kanyang katawan sa aking likod, lalo na at ang kanyang mga braso ay bumalot na sa akin. “Okay lang ba kung yakapin kita?”, pagbulong niya sa akin. Hindi ako sumagot, sa halip ay nagpanggap lamang akong walang naririnig.
“Okay lang ba kung dantayan kita?”, hindi parin ako sumagot. Tumahimik siya bigla ngunit matapos ang ilang segundo ay bigla niyang hinila ang aking katawan upang mapahiga nang nakaharap sa kisame. Agad kong naimulat ang aking mga mata at nasaksihan ko siyang nakapatong na sa akin. Nanginginig ang aking mga kalamnan sa ginawa niya ngunit mas ikinabaliw pa ng aking utak ang ginawa niyang paghalik sa aking labi. Noon una ay hindi ako gumalaw ngunit matapos siyang magsalita, agad narin akong sumabay sa ritmo ng kanyang bibig. “Kung di mo lang sana binaba ang phone mo, you’ll hear me saying I love you too”.
***
“Maganda ang gising, Pogi?”, hindi ko mabasa ang mukha ni Luling habang pasingit-singit siya sa aming pag-aalmusal. Sinuklian lamang iyon ng matamis ng ngiti ni Ronnie. Gaya nang nakasanayan, kaming dalawa lamang ang nasa hapagkainan dahil alas siete palang ay wala na ang aking mga magulang sa bahay. Madalas kong marinig ang halakhak ni Luling mula sa kusina, at maging si Ate Coca rin ay nagtataka. Hindi ko iyon pinansin at sa halip ay kumain na lamang ako. Nang bumalik si Luling sa Hapag ay agad kong inagaw ang tinapay at kutsarita kay Ronnie upang hindi niya maabutang siya ang naglalagay ng Jam sa tinapay ko. Nakakahiya naman kasi ang inaasal ni Ronnie. Siya ang nagtimpla ng kape ko. Siya rin ang naglagay ng kanin sa aking pinggan, ngunit dahil naalala niyang hindi ako kumakain ng kanin tuwing agahan, agad niya iyong kinuha at kumuha ng tinapay at Jam. Aaminin kong labis na tuwa ang aking nararamdaman, ngunit ayaw kong ipakita iyon sa ibang tao. Mas ayaw kong mapansin iyon ng mga kasambahay namin. Busangot ang mukha ni Ronnie sa tuwing sinasaway ko siya at sa tuwing nagpupumilit akong wag na niya akong asikasuhin sa pagkain. Hindi naman kasi ako bata. Ngunit naiintindihan ko naman siya, at masayang masaya ako. Wala kaming masyadong napag-usapan at halatang halata na nagkakahiyaan kami sa nangyari kagabi. Hindi ko maitatangging nahirapan ako sa aking “First Experience”. Tanging sa internet ko lang naman kasi nakukuha ang mga ideyang ganoon, at di ko inaasahang mararanasan iyon ng katawan ko kagabi. Akmang hahalikan na ako ni Ronnie bago ko isara ang gate ngunit naitulak ko siya ng mahina. “Stop”, sabi ko habang pinipigilan ang aking pagtawa. “Okay, okay. See you on Monday…uh, ano bang itatawag ko sayo?”
“Uh. That’s not necesassary.”
“Well, gusto ko… I’ll see you soon, My JC”, kumindat siya bago tumungo sa kotse niya.
Napasandal ako ng gate at hinintay lamang na makaliko ang kotse niya sa kabilang kanto tsaka pumasok. Pangiti-ngiti pa ako nang ikandado ko ang gate ngunit napatalon ako sa gulat dahil sa pagsundot ni Luling sa aking tagiliran. “Narinig ko yun”.
***
Lumipas ang ilang araw at tumungo na ako ng Cagayan de Oro para sa pagsisimula ng pangalawang semestre. Mas naging kapanapanabik sa akin iyon dahil magkikita na naman kami ni Ronnie. Wala na kaming subjects na magkapareho dahil naging regular na siya sa kanyang Study Load, ngunit sa aming walang tigil na komunikasyon, pinangako niyang magkikita parin kami gaya ng dati. May kung anong pag-aalala akong naramdaman dahil makikita ko na naman si Cha, at hindi ko alam kung paano ko ipagpapatuloy ang aking buhay sa unibersidad. Paano nalang kaya kapag nalaman niya? Alam kaya niya? Sinabihan kaya siya ni Ronnie? “Impossible”, bulong ko sa aking sarili. Papunta pa lamang ako ng paaralan ngunit hindi ako mapakali. Naging masama ang aking panaginip. Nagising na lamang akong hinihingal. Hindi ko man lang maalala kung bakit o kung ano ang aking napanaginipan. Dagdagan mo pa ng isang mensahe mula kay Tristan na kasalukuyang nasa Cebu na. Doon siya nag-aaral. “JC, you have a problem”, sabi ng text. Tinanong ko naman siya kung ano man iyon. “Facebook”, sabi niya. Mas minabuti kong mamaya na lamang sumagot dahil nakasakay ako sa jeep. Inilagay ko ang aking cellphone sa aking bag. Pagkadating ko ng classroom, parang typical lang naman din iyong aking araw. Karamihan sa aking mga kaklase noong nakaraan ay andito parin. Naalala ko bigla iyong text ni Tristan at napagpasyahang mag log-in sa aking Facebook. Pagkabukas ko ng cellphone ay may limang mensahe mula kay Ronnie at sa aking dalawa pang kababata na nag-aaral sa parehong unibersidad. Hindi ko maintindihan ngunit mas minabuti kong basahin muna ang mensahe ni Ronnie. “Let’s talk ASAP”. Hindi ako nagreply at binuksan na tuluyan ang aking Facebook. Nakaramdam ako ng pag-aalala sa mga oras na iyon. “JC, click the link. Talk to me later”, ang mensahe naman ng kababata kong si Jessica. Binuksan ko iyong link at agad na bumulaga sa akin ang Facebook Page ng aming unibersidad. Iyon yung Confessions, kung saan nagpo-post ang mga studyanteng hindi nagpapakilala ng kung anu-ano. Ang titulo ng aking binsa ay iyong “My Night With Him”, nagulat ako sa aking binasa at kinabahan. Ngunit hindi ko muna pinansin kung ano man iyong pumasok sa aking utak at inumpisahang basahin iyon. Unti-unting tumulo ang aking mga luha at hindi ko na iyon tinapos. Hindi nagpakilala ang nagpadala ng mensahe, ngunit alam ko kung kanino iyon nanggaling. Alam ko rin na kahit wala man siyang binanggit na pangalan ay tungkol iyon sa akin. Nanginginig kong tinawagan si Ronnie at nakipagkita sa Chapel. “Yes, let’s talk. I’m on my way to the Chapel.”, agad ko iyon binaba. Di ko na inisip ang bag kong iniwan sa classroom. May mga nakabunggo akong studyante sa aking pagmamadali ngunit hindi ko na iyon inisip. Naghintay ko ng ilang minutong nakaupo sa isang bench, sa ilalim ng isang malaking Acacia na nakahilera sa Chapel. Narinig ko ang pagtawag ni Ronnie sa akin. Tumatakbo siya at hinihingal. “JC!”, pagtawag niya ulit. Nanginig ang aking kamao at agad iyong tumama sa kanyang pisngi na siyang ikinatumba niya. Ilang segundo pa ay dumating sina Cha at mga kaibigan niya, tumatakbo din at hingal na hingal. Inakay nila si Ronnie patayo habang pinupunasan niya ang kanyang bibig dahil sa tumulong dugo.
Makapal ang mukha ng kupal, matigas eh, sumakit ang kamay ko.
Tumitig lamang sila sa akin at alam kong halo-halong emosyon ang kanilang nararamdaman base sa mga kilos at reaksyon nila.
“JC, hear me out. Magpapaliwanang ako”, pahabol ni Ronnie habang naglalakad papalapit sa akin. Uulit na sana ako ng suntok ngunit napahinto siya sa paglalakad nang hilain siya ni Cha. “No, it’s useless”, sabi ni Cha. Ngunit siniko lamang ni Ronnie ang kamay ni Cha.
“JC, please”
“Fuck you!”, sagot ko at itinulak ko na naman siya. Hindi siya natumba ngunit nagawa ko siyang maitulak. Tatalikod na sana ako upang umalis ngunit nakuha ko pang humarap ulit kay Cha.
“I’m sorry your family is ruined, but it’s not my fault. So, fuck you, too!”, tumakbo ako papuntang gate ng unibersidad na malapit lamang sa kapilya. Hindi ko pinansin ang mga studyanteng nagbubulungan. Ang gusto ko lamang, makaalis sa lugar na iyon. Narinig kong tinawag niya ako, at alam kong hinabol niya ako ngunit nauna akong makalabas ng gate. Maging ang mga security ay nabigla sa aking pagkaripas papalabas. Matao at medyo magulo ang distrito sa labas ng unibersidad dahil narin sa ito ang unang araw ng pagbubukas ng pangalawang semester. Tumatakbo akong umiiyak. Galit. Poot. Hinanakit. Pagsisisi. Naghalo-halo ang lahat na parang may kung anong bagyo ang nasa dibdib ko, at di ko na mamalayan iyong malaking bagay na ilang talampakan na lamang ang distansya mula sa akin. Nagtuloy-tuloy iyon at biglang bumaliktad ang mundong ginagalawan ko, kasabay ang ingay ng mga metal at concretong nag-gagasgasan. Binalot ang lahat ng kadiliman.
COMMENTS